Athr'sNote-
Oh guys! Nagkaproblema yung mga comments sa chapter 8! Kaya pasensya na kung hindi ko kayo marereplayan, pero nabasa ko naman bago pa mawala, kaya don't worry :))
Guys,
(
-Mark salamat sa alok kahit na nagbibiro ka lang, napangiti talaga ako nung nabasa ko yung comment mo, kung malapit ka lang.. talagang pinuntahan na kita, haha.
-nagtatagongGeo, nagcomment kaba sa chapter 8? may sinabi kasi ako sa Athr'sNote ko dun eh, na konti na lang.. maku-curious na ako sa'yo haha.
-Marvs, nabasa ko comment mo. Masasama ang mga Marvs! Ipatapon! Haha.
-AlfredTO, nabasa ko rin po yung unang comment niyo, team Seven po kayo diba? :))
-Jhay05, nakakainggit sila noh? sana tayo rin mayroon ng katulad ng kay #Kash.
Doon po sa mga nagcomment na hindi ko nabanggit, sorry po. Nagulat rin po ako dahil nawala bigla eh, pero.. nabasa ko po mga comment niyo bago mawala. Kaso first 6comments lang po ang nabasa ko, ewan ko kung mayroon pang dumating na hindi ko nabasa?
Mayroon rin akong nabasa sa first 6 na.. "Iwagayway ang bandera ng mga Seven", tama po ba? Haha.
Guys, maraming salamat sa patuloy na suporta sa -Playful Jokes ko :))
Ramdam ko yung pagbabago mula sa -Can't We Try? ko. Salamat talaga :))
)
Kung sa chapter 8 ay walang kaemo-emosyon, eto naman.. kulang-kulang sa emosyon haha.
Si Kash at Seven, nako medyo wild. Hindi na makatarungan haha. Pero kung isasa-realidad niyo talaga, nangyayari talaga 'to. :)
May mga part rin na binilisan ko, may hinahabol kasi akong chapter, ayaw ko nang pahabain pa eh, patapos na niyan. Be ready :))
Happy Reading!
--
Point Of View
- K a s h -
"Ge nay, puntahan ko lang po si Seven." agad na pagpaalam ko kay inay nang maiayos lahat ng pinagawa niya.
At habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang pagka-excite.
May itatanong kasi ako kay Seven, patungkol sa aming dalawa.
"Seven?.." agad na sabi ko pagkabukas ko ng kwarto niya.
At sa hinanap ko na nga siya.
Nasan naman yun? ba't wala sa may higaan niya.
Ipinagpatuloy ko lang ang paghahanap hanggang sa may narinig ako na talagang nagpakaba sa akin.
"Seven?" agad na sabi ko nang matunugan ang boses.
Nagsusuka?
At agad akong napatakbo papunta sa may banyo, doon kasi nanggaling ang aking narinig.
"Oh Seven.." agad na sabi ko nang makita siya. "Anong nangyari?"
At wala sa sarili ko na lang siyang nilapitan at agad na hinawakan sa magkabilang balikat.
Halos padapa na ito at nagsusuka, wala rin siyang suot na pang-itaas.
Hanggang sa nakita kong nagsusuka nga siya, ang dami.. napakarami at tuloy-tuloy pa.
At sa agad ko siyang inalalayan pasandal sa akin.
Hindi ko kasi alam ang dapat gawin.
"Seven napano ka? Anong nangyayari?.." natataranta at natatakot ko nang sabi.
Ipinansapo ko na ang aking sarili sa mga suka niya, halos nabablanko ako sa takot na nararamdaman.
Wala akong pakialam kung maligo ako sa mga pinagsusuka niya.
Nang tumigil na ang pagsusuka niya ay agad ko na siyang niyakap, isinandal ko yung mukha niya sa may dibdib ko.
Ramdam ko yung pagyakap niya sa akin, pagkapit, napakahigpit.
Hanggang sa nagsalita na ako..
"Nahihilo kaba? Nahihirapan kaba? Sandali tawagin ko si mommy mo.."
Hindi na ako natapos sa aking sasabihin nang maramdaman yung paghawak niya sa kamay ko.
"Huwag, please wag." agad na sabi niya. "Okay lang ako, wag mong ipapaalam kahit kanino 'to, Kash pakiusap."
Naguguluhan man sa nais niyang mangyari ay napatango na lang ako.
"S-sandali lilinisin kita, tara tara baka pumasok bigla mommy mo." agad na sabi ko at pag-alalay sakanya.
Mabuti at hindi dito naglalaro yung dalawang bata.
"Maliligo ba tayo?"
Wala sa sarili akong napatingin sakanya nang magsalita siya, medyo parang nakakaloko rin yung ekspresyon niya.
"Seven naman eh.. tignan mo nga nangyayari sa'yo.. nagbibiro kapa diyan." inis na sabi ko at pilit na pag-alalay sakanya.
Nakashorts narin lang siya kaya naman ganun ko narin siya pinaligo, maging ako nakiligo narin.
.....
"Sigurado kabang okay kana? Hindi kaba nahihilo? Wala kabang ibang nararamdaman?" pag-uulit ko sa kanina ko pang itinatanong.
Naihiga ko na siya, nabihisan ko narin.
Syempre yung dapat na siyang gumawa ay sakanya ko pinagawa. Kapag kailangang tumalikod, ginagawa ko.
"Kash, okay nga lang ako. Halika nga.." tonong paninigurado niya.
Dahil sa nakahawak narin ako sakanya ay malaya niya akong nahila papalapit sakanya.
"Huwag mong sasabihin kay mommy ha? Kahit kanino, kahit kay Chan o kay Daddy."
Talagang naguguluhan ako sa sinasabi niya, bakit ba kasi ayaw niyang ipaalam?
"Pero nag-aalala ako eh. Seven, ano ba kasi talaga.."
"Mangako ka." pagputol niya.
Muli, napatango na lang ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita.
"Okay.." nasabi ko na lang.
"Yung Zagu ko?" biglang sabi naman niya.
"Nakalimutan ko eh, tsaka ayos narin yun.. ang aga-aga." balik ko.
Inayos ko narin yung tono ko, normal na.
Mukhang ayaw talaga ni Seven na yun ang pag-usapan namin, kaya hahayaan ko na lang.
"Ano ba yan ang damot, nagpromise ka kanina bago umalis eh." tonong nagtatampo naman niya.
Natawa na lang ako sa tono ng pagsasalita niya.
"Anong nakakatawa?" agad na sabi niya.
"May side ka palang ganyan, akala ko talagang matured kana kung mag-isip dahil nga sa hindi mo pagsuko sa sitwasyon mo.. pero.." tumatawang sabi ko.
"Pero ano?" tonong nabubusit na niya.
"May pagka-isip bata ka pala. Patampo-tampo kapa kasi eh." balik ko, tsaka ko pa ito sinisiko-siko sa tagiliran.
"Kahit na ginaganyan mo ako, ipapaalam ko parin yung goodnews sa'yo." tonong pagmamalaki naman niya.
Saglit akong napatigil.
"Good news? Ano naman?" agad na sabi ko matapos makabawi.
"Ayos na kami ni daddy, nakausap ko siya kanina lang. Pagkaalis mo, saktong pagdating naman niya." masayang sabi niya.
Napangiti na lang ako.
Magsasalita na sana ako nang maalala bigla si itay.
Buti pa si Seven, nariyan ang daddy niya at ayos na sila.
Eh ako, wala nga kaming problema ni itay, wala naman siya rito.. naroon at nakakulong.
"Kash? Hindi kaba natutuwa?" biglang sabi ni Seven.
Tinitigan ko ito at ngumiti.
"Ako paba? Masaya ako kapag masaya ka eh." napakagaan kong sabi saka marahang ipinatong ang aking ulo sa kanyang balikat.
Muli, napangiti ako.
"Seven, may tanong ako." mahinang sabi ko.
"Ano yun?" agad naman na sabi niya.
"Ano ba tayo?" simpleng tanong ko.
"Ano nga ba?" tanong rin niya.
Saglit na namayani ang katahimikan.
Tila kapwa kaming kumakapa ng maisasagot.
Hanggang sa ako na ang naunang nagsalita.
"Ewan eh. Pero.. gusto kita, baka nga mahal na kita eh." natatawang sabi ko, nguni't seryoso parin.
"Ewan ko rin Kash eh, basta alam ko nag-alala ka sa akin kanina.. sapat na yun para masabi kong mahal na kita." sabi naman ni Seven.
Tinignan ko ito, nakangiti siya.
"Nge? Dahil lang dun?" agad na sabi ko.
"Hindi lang yun noh, dati pa.. basta simula ng dinaldalan mo ako, yun na.. nagustuhan na kita, lalo na kapag nagjo-joke ka. First time nga eh, pati yung kiss." sabi pa niya.
"Edi ano nga tayo?" agad na tanong ko. "Katulad narin ba natin yung ibang magkarelasyon?" dagdag ko pa.
Nababaduyan o nahihiya man sa aking mga pinagsasasabi, ge lang.. nandito na eh. Haha.
"Ehhh.. Kash naman eh, wala akong alam sa ganyan, ikaw ba? Ano sa tingin mo? Ano naba tayo?" tonong nangungumbinsi naman niya.
"Kung ano naba tayo?" mahinang sabi ko, tumango naman ito. "Eto tayo oh.." dagdag ko pa bago ko siya tuluyang..
(
Athr'sNote-
Tsktsk, Kash kissed him, and then they kissed. Tsktsk.
Yun daw sila eh, tsktsk. Haha!
Another point para sa mga team Seven :)) #7natics is <3
)
-----
Point Of View
- Nay Malia - (Kash's 'Inay)
Masaya kami ngayon rito sa kusina.
Etong si Myrna, masaya at ayos na ang dalawang mag-ama niya.
Naroon ako nang ikwento ng mag-asawa kay Seven ang lahat. Hindi ako nabigo dahil sadya nga talagang malawak at natural ang panintindihan ni Seven kung kaya't naging maayos kaagad ang mag-ama.
"Minsan talaga, kailangan nating magsalita.." pagpaparinig ko sa dalawa habang abala sa pagluluto.
"Eto naman, nagsalita na nga ako eh. Namiss ko rin yung anak ko, kapag tulog siya ay doon ko lang kasi siya nayayakap." agad na sabi naman ni Rayven.
"Ngayon, kakain tayong lahat ng sabay-sabay. Lahat lahat, bilang selebrasyon okay?" biglang sabi naman ni Myrna.
"Excited na akong pumunta ng ibang bansa, si tito tutulungan tayo eh. Nakahanap narin siya ng doktor para kay Seven." sabi naman ni Rayven.
Kanina pa niya talaga paulit-ulit na binabanggit ang pag-alis nila. Palibhasa, makakabawi na siya sakanyang anak.
"Huwag kayong mag-alala at ako na muna ang bahala kay Chan kapag alis niyo." balik ko naman.
"Mabuti na lang talaga at narito na kayo Malia, atlis.. dumami yung tao ng bahay, mas naging masaya." tonong paglalambing naman ni Myrna sa akin.
"Ay nako.. nagdadrama ka nanaman diyan, magsikuha na nga lang kayo ng mga pang-kain diyan at nang makakain na tayo." pailing-iling ko pang sabi.
At yun na nga ang ginawa ng dalawa, ako naman ay nagpaalam saglit para puntahan si Karlo.
Magpapabili na lang ako ng coke. Ako, ang asawa ko, si Myrna at si Rayven.. mahilig talaga kami sa softdrinks.
"Karlo..?" pagkatok ko sa kwarto namin nang makalapit.
Nang walang sumagot ay agad ko na itong binuksan, nguni't wala siya rito.
"Tenten nasan si kuya mo?" agad na pagpansin ko sa bunso ko, kalaro nito si Chan, lagi naman.
"Nasa kwarto po ni kuya Seven." balik nito.
"Pumunta na kayo sa hapag, kakain na." sabi ko matapos itong sumagot.
"Opo."
Nang marinig ang sagot ng dalawa ay agad na nga akong naglakad papunta sa kwarto ni Seven.
-----
Point Of View
- K a s h -
"Kash, pakiss.. last na lang, promise."
Heto nanaman si Seven, kanina pa siya pakiss ng pakiss tapos puro last ng last.
"Nakararami kana ah?" agad na sabi ko.
"Ayaw mo ba?" balik naman niya.
"Sige na nga." pagsuko ko at muli ko siyang hinalikan.
Trip namin eh, yung bang smack lang. Pero parang hindi ganun eh, basta magkahalikan kami ng matagal tapos walang gumagalaw at bitawan.
"Karlo anak? Nandyan kaba?" rinig kong biglang pagtawag ni inay.
Kakawala na sana ako nang mabilisan akong makapitan ni Seven.
Saglit akong napatigil sa ginawa niya.
Halos pingot-pingotin ko na ang ilong niya sa kalokohan niya, nakakagat kasi siya sa may labi ko, 'lower lip.
Sinusubukan kong kumawala pero talagang ayaw niya akong bitawan.
Hanggang sa maisip ko naring kagatin yung labi niya, at sinadya kong medyo lakasan para makawala na ako.
"Sira ka talaga." agad na sabi ko nang makakawala.
"Aray naman, hindi naman masakit yung pagkagat ko eh tapos ikaw ang sakit." sabi naman niya habang hawak-hawak yung labi niya.
Hindi ko na siya sinagot at mabilisan nang tumayo para pagbuksan si inay.
"Nay." agad na sabi ko pagkabukas ko ng pinto, syempre nakangiti. Haha.
"Oh napano yang labi mo? May kumagat ba sa'yo?" pagpansin niya sa may labi ko, agad ko naman itong tinakpan.
"Ah eh.. opo may kumagat po sa akin." kusang lumabas sa aking bibig.
"May kumagat nga?" agad na reaksyon ni inay.
"A-ako po, nakagat ko.. b-bakit po ba?" palusot at pag-iba ko sa usapan.
Tsktsk, mapapahamak talaga kami sa trip namin ni Seven.
"Bili ka ng coke apat yung malaki ha? pero dalhin mo muna si Seven sa hapag bago ka bumili." balik ni inay, patango-tango na lang ako.
Nakakahiya talaga.
Si Seven ang adik talaga, may side pala siya na medyo may pagka-pilyo, tsktsk.
"Seven tara sa hapag, kakain na daw." kunwari'y walang ganang sabi ko, walang nagsasalita sa aming dalawa.
Basta inaalalayan ko lang siya.
Habang siya naman, pangiti-ngiti lang. Ako pa talaga ang laging talo sa aming dalawa, argh.
(
Athr'sNote-
Another point para sa mga team Seven! Haha :))
)
.....
"Eto na po.." masayang sabi ko nang mailapag yung apat na malalaking coke sa may hapag, pasimula na ang pagkain.. naupo narin ako.
"Oh pati si Karlo medyo namamaga yung labi. Ano bang nangyari sa inyo? Niliparan ba kayo ng ipis?"
Nagulat at nahihiya man, halos matawa parin ako sa sinabi ng daddy ni Seven.
"Nagkaumpugan po kasi kami, tapos yun." biglang sabi naman ni Seven na halatang nagpipigil ng tawa.
Talagang may pagka-adik talaga 'tong si Seven.
"Nagkaumpugan, tapos sa labi? Pano yun? Tapos nagkiss kayo?"
Mas lalo naman akong nahiya sa sinabi ni inay, ang daldal talaga ni inay.
"Hindi po."
"Opo."
Sabay naming sabi ni Seven, 'hindi ang isinagot ko habang 'oo naman ang kay Seven.
Napailing na lang ako, nakakainis talaga si Seven.
Yung mga mata ko sa ngayon, nanlalaki.. sobra. Sobra sobra, sa hiya.
Speechless? Oo yan ang sa tingin kong kinakain naming lahat ngayon.
"Kain na po, nakatrip lang po si Seven." pagbasag ko sa katahimikan, kailangan eh.
Pagbigay ko rin ng pilit na ngiti.
"Mga kabataan talaga." biglang sabi ng mommy ni Seven, nakangiti lang ito simula kanina.
"Osya, tuloy ang kain." sabi pa ni inay.
"Nga pala, mawawala pala kami ng ilang araw rito sa bahay. Gusto ko na pagbalik namin ay nakalagay na yung mga dekorasyon para sa pasko." biglang sabi naman ng daddy ni Seven.
Oops, pasko na nga pala niyan. Tutulong talaga ako sa paglalagay ng mga dekorasyon, lalo na yung mga maliliit na halaman sa may labas, sagot ko na yun!
"Daddy? Aalis po kayo ni mommy? Saan kayo pupunta?" rinig kong tanong naman ni Seven.
"Oo aalis kami at kasama ka namin, sa states ang punta natin. Nga pala, goodnews para sa lahat.. expect niyo na na pag-uwi namin, nakakakita na 'tong anak namin.. kaya dapat, maayos at maganda ang bahay ha?"
Sa sagot ng daddy ni Seven ay tila kusa akong nakaramdam ng lungkot, kasabay nito'y kasiyahan.
Oo makakakita na si Seven niyan, na talagang gusto kong mangyari. Ang kaso, aalis sila.. mamimiss ko siya.
"Biyernes ng umaga ang alis namin, at mga sa susunod na buwan pa ang balik." pahabol pa ng mommy ni Seven.
Ang tagal naman, mamimiss ko talaga si Seven.
-----
Point Of View
- J a c o b -
Message: Miss na miss na miss na kita :(
Text na talagang kanina pa bumabagabag sa akin.
Nakuha ko na ngang umiyak eh, naiinis narin ako sa mga nangyayari.
Ano 'to? Masasaktan nanaman ba ako? Lolokohin nanaman ba niya ako?
Pero ba't, bakit parang tuwang-tuwa ako na nandyan na ulit si Marvs, na para bang sabik na sabik akong makasama ulit siya.
Lalabas na sana ako sa kwarto ni Alex nang may nagtext nanaman.
Message: Pwede ba tayong magkita? Jacob, gusto kitang makausap.
Muli, nakaramdam nanaman ako ng sakit nang mabasa ang text.
Pag-alala ko pa sa sinabi niya kanina.
Matapos niyang sabihin iyon ay itetext niya ako ng ganito?
Ilang beses ko nang sinubukang replayan si Marvs, pero sa tuwing isesend ko na ay buburahin ko ito at magtatype muli ng panibagong sasabihin.
Nabablanko talaga ako.
Naglalaban yung sakit na nararamdaman ko, at yung pagka-sabik na makasama at makausap muli si Marvs.
Hanggang sa may nagtext nanaman.
Hindi ko na sana bubuksan dahil baka si Marvs nanaman pero naisip ko na hinihintay ko pala ang text ni Kash.
Message: Jacob! Tara? :))
Si Kash nga, mula sa pagka-senti ay napangiti na lang ako.
Message: Ge, hintayin moko diyan, labas kana.
Agad na pagtext ko.
Pagkalabas ko sa kwarto ay agad kong nilapitan ang dalawa.
"Vince, peram ng motor, ayos lang?"
Agad na pagpansin ko kay Vince, wala pa man.. inabot na niya kagad yung susi.
"Pag-isipan mo ah? kung si Kash o si Marvs?" sabi naman nito.
"Enjoy.. goodluck." pahabol pa ni Alex nang magsimula na akong maglakad palabas.
Sinusubukan ko ngang itago yung kadramahan ko pero kilala na nga nila talaga ako.
"Ewan ko sa inyo." sabi ko na lang at tuluyan na ngang lumabas.
"Si Kash o si Marvs?" wala sa sarili kong nasabi habang pasakay sa motor. "Ay ewan." pag-iling ko na lang saka na umalis.
-----
Point Of View
- M a r v s -
"Hindi talaga nagrereply eh." nawawalang pag-asang tono ko na nang talagang hindi ako nakatanggap ng text mula kay Jacob.
"Baka nagpalit na ng number." sabi naman ng kaibigan ko, si Ivan. "Try mo kayang i-call?"
"Ayoko. Baka lalo akong mahirapan kapag hindi niya sinagot. Text na lang." agad na sabi ko.
"Oh edi puntahan na muna natin sila Gerald, dali may party dun mamaya. Magrereply din si Jacob, hintay lang." excited naman na sabi niya.
"Mamaya pang gabi yun, ang aga-aga pa kaya." inis ko naman. "Tsaka, tropa rin nila Alex at Vince yun eh, edi paniguradong naroon si Jacob pati yung boyfriend niya." walang ganang sabi ko pa.
"Nagdadrama ka nanaman, maganda narin yun para magkaroon ka ng pagkakataong kausapin siya. Tara punta na tayo, pinapapunta ako oh, pinapagluto nila ako ng sisig para pulutan, tara dali." tonong pamimilit pa nito at hinila na nga ako, kaya wala na akong nagawa.
"Motor ko na lang." agad na sabi ko nang makalabas kami, magkapitbahay lang naman kami.
Bago pa kami umalis ay muli akong nagtext kay Jacob.
Message: Jacob please? Kahit ilang minuto lang, hayaan mo akong magpaliwanag, pakiusap, nakikiusap ako.
-----
Point Of View
- K a s h -
"Napatagal ka ata?" pabirong sabi ko kay Jacob pagkatigil niya sa harap ko.
"Eto oh, binili ko para sa kapatid mo. Chokolitos, bigay mo muna dali.." agad na sabi niya at tonong pagmamadali pa, kaya naman yun na nga ang ginawa ko.
Pagkalapit ko kay Tenten ay ibinigay ko kagad, syempre tinikman ko muna.
"Tenten oh, bigay ni kuya Jacob mo." agad na sabi ko, ang sarap haha.
"Salamat po.." simpleng sabi niya nang masimulan na niya itong kainin.
"Osige, matulog ha?" sabi ko pa bago tuluyang lumabas.
Habang papalabas ako ay kita ko lang na nakatuon lang si Jacob sa cellphone niya.
Seryoso pa ata ang ekspresyon niya.
"Wuy!.." agad na pagpansin ko nang maisara ang gate.
"Kash, kapag may free time ka usap tayo okay lang?" sabi naman niya, napatango na lang ako.
"Jacob, baba ka muna saglit diyan." patukoy ko sakanya na nakasakay sa motor.
"Bakit? Aalis tayo diba?" pagkunot niya.
"Dali na.. arte pa eh." pamimilit ko pa.
Bumaba nga ito at nang nakababa na ay..
"Oh eto na." sabi niya nang magkaharap kami.
Tinignan ko siya sa mukha tsaka ko siya nginitian.
At agad ko na nga siyang niyakap.
Mahigpit, yung bang napakainit na yakap.
Medyo matagal ko na siyang niyayakap, gusto ko kasing pagaanin yung loob niya kahit papaano.
"Kash tama na, ang tagal na ng yakap mo. Sige ka, baka lalo akong mahulog sa'yo at habulin pa kita." rinig kong sabi naman niya, tonong nagbabanta pa, alam kong nakangiti rin siya habang nagsasalita.
At sa kumawala na nga ako.
"Tara?" agad na sabi ko nang matitigan ulit siya.
Napakunot naman ito.
"Ano yun? Para saan yun?" inosenteng tanong naman niya.
"Wala, tara na dali.." pagpuwesto ko pa papasakay sa motor na dala niya.
"Ewan." natatawang sabi nalang niya at sumakay na nga sa motor.
(
Athr'sNote-
Bigyan natin ng 'napipilitang points' ang mga team Jacob! Haha
)
Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe ay nagsimula na nga akong manginig.
Ganito kasi ako kapag ninenerbyos. Yung bang parang alam kong mapapasabak ako sa isang bagay o ano man.
Mabuti at narito talaga si Jacob para tulungan at samahan ako, galing galing talaga.
Nakuha rin naming makipagtaguan sa mga nanghuhuli, buti raw at marami siyang alam na shortcuts.
Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa makarating na nga kami sa lugar na kung saan ay talagang nagpapakaba sa akin.
"Jacob pwesto ka lang dito ha? Alam kong pagkalabas ko, umiiyak ako. Ikaw na nun ang bahala sa akin." agad na sabi ko pagkababa ko.
"Sure, huwag kang mag-alala Kash.. maghihintay lang ako dito." ngiti naman niya.
Marahan lang akong tumango at nagsimula nang maglakad papasok.
Medyo nanginginig man, ninenerbyos man, natatakot man, nagdadalawang isip man.. ay dederetso parin ako.
Hindi ko alam pero nang siyang pagtapak ko sa pinakapapasok nang lugar na ito ay siyang parang gusto ko nang maiyak.
Nagtanong na muna ako kung paano bumisita.
"Kay Gabbo Hernandez po, pwede po ba?" tanong ko kagad nang makalapit sa itinuro ng aking napagtanungan.
Saglit akong pinaghintay hanggang sa..
"Bata, pasok." nakuha ko pang magulat sa biglaang narinig.
Mas lalong uminit ang aking dibdib, sa takot at kaba.
"Kayo na po ang bahala.." pagbulong ko pa, patukoy sa nasa itaas.
At tumayo na nga ako, tsaka dahan-dahang naglakad patungo sa daang itinuro ng nagsalita.
Habang dahan-dahan na naglalakad ay pinipigilan ko ang mapaluha, ang mapaiyak.
Nang konti na lang at makikita ko na ang aking sadya.. ay saglit akong tumigil mula sa dahan-dahang paglalakad.
Halos sampung taong hindi ko siya nakikita at nakakasama, at ngayo'y heto at maghaharap na kami.
Gulo, katanungan, galit, sama ng loob at pagkasabik. Yan ang kasalukuyang umiikot sa aking kabuuan.'
Hanggang sa ipinagpatuloy ko na ang paglalakad.
Mga ilang hakbang nang sa wakas at nakita ko narin siya'y, wala sa sarili akong napapikit.
Siyang pagpikit ko ay siyang pagbagsak ng aking mga luha, tila mismong pagsara ng aking mga mata'y hindi ito kayang pigilan.
"K-karlo? A-anak ko?"
Sa narinig, mas lalo akong napa-iyak.
At tuluyan ko na nga itong tinignan, hinarap.
"Tay." wala sa sarili kong nasabi at akin nang paghagulgol mula sa aking kinatatayuan.
Muli akong napapikit, at napaupo habang sapo-sapo ang aking mukha.
Hindi ko kayang tignan si itay, masyadong nangingibabaw ang galit kaysa sa pagkasabik.
Ba't siya nakakulong? Ba't niya kami iniwan at hinayaan ni inay? Paano rin si Tenten? hindi paba niya nakikita?
Hanggang sa naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin, alam ko.. umiiyak narin ito.
"Karlo anak ko, patawad.. patawarin mo si itay."
Itutuloy
Guys, hintayin niyo ang last 'Point Of View ni Seven.
Subukan niyo ring hulaan kung bakit hanggang dun na lang ang 'Point Of View niya, Salamat :))
- Playful Jokes
Guys, masyado kong ginawang sweet ang #KashVen. Malapit na silang maghiwalay eh, so guys.. be ready sa mga susunod na sweet moments :))
ReplyDeleteAuthor! Wag mong gagawin yun! Team seven forever!
ReplyDeleteIwagayway ang banderang seven...!
mmhm... wag naman sana....
_eros
Author! Wag mong gagawin yun! Team seven forever!
ReplyDeleteIwagayway ang banderang seven...!
mmhm... wag naman sana....
_eros
Adik ka Prince di aq nagbibiro, wala din naman aqng kasama dito. Pm mo si bluerose ng Geo Mr Assuming, friend ko sa fb pm mo aq don, hindi ko alam kung pano ka makontak.
ReplyDelete-mark
Pwde naman pala tumambaybkila mark eh ....tara na
DeleteJhay 05
Qc. malapit ka dito?
Delete-mark
Adik ka Prince di aq nagbibiro, wala din naman aqng kasama dito. Pm mo si bluerose ng Geo Mr Assuming, friend ko sa fb pm mo aq don, hindi ko alam kung pano ka makontak. Pwede rin kitang puntahan sa Angeles thurs or Fri aq pwede.
ReplyDelete-mark
Ngayon palang nalulungkot na ako dahil mawawala ng matagal si Seven!!! Wag namang ganung katagal Prince baka mamaya maagaw sya ni Jacob!! Noooooo!!! Haha #KashVen
ReplyDelete-44 pala haha nakalimutan ko tuloy lagyan ng codename. #KashVen
ReplyDelete.kuya di ko gusto yung tono ng last point of view ni seven ko hahaha may ko talga pero duga naman -.-
ReplyDelete.kuya nagcomment ako, di ko lang if sure naging successful, baka makulitan ka kase pag doble.
.lahat na nga ng maputing payat na matangkad tinitignan ko na e haahaha. HAU lang ako nagaaral kuya kung lam mo yun bisita ka naman
.kuya add mo na lang ako sa dummy account ko kung gusto mo.. search mo lang sa fb eris gonzaga kaso walang pic yun. nagtatago kase wahaaha
.still #KashVen ay haba na pala pasensya po
-nagtatagongGeo
Baka nakulong dahil sa grandparents ni Kash. Not sure though. Mr Author, ibalato mo na si Kash kay Seven. Meron namamg Marvs si Hakub. Salamat sa update
ReplyDeleteHope this doesn't impair your life as a teen. Enjoy life. It only pass once. Take care. Mayb pic ka ba?
Author kung gusto mo kausap text ka lang sa akin eto number ko 09399387331..... pwde rin kita tawagan kung smart ka....,sana gawan mo rin ng sweet moments sina marvs at jacob nkaka ingit sila eh...
ReplyDeleteJhay 05
feeling ko, mamatay si seven, tsk tsk tsk wag naman sana... may pagsusuka kasing naganap ehh. so para san un? ayt naman.. grabeh pinagkaitan si seven ng kapalaran! di na nga nakakakita ehh ..Kuya prince. wag naman! pls ..
ReplyDeleteHala ka Prinsipe, madami magagalit sayo kay Seven. Hahaha Pero happy ako! Hahaha #Jash. Malay mo naman serious yung nag alok sayo pumunta dito. Haha Life is short, do crazy things! Do what you love and be adventurous. :D
ReplyDeleteTeam Jacob all the way!
Parang nag iba tingin ko kay Seven sa mga kiss niya. Hahahaha
Marvs
Grabe naman. Hwag ganyan author. 7natics forever and ever and ever. Hwag mo patayin ang kashven team up. Magwawala kami mga fans nila. Hahahha
ReplyDeleteTiunggo
Wag naman sana mamatay si seven. Hmmn. Kashven din ako. Nakakalungkot kung di sila ang magkatuluyan. Hehe. Thanks mr. Author.
ReplyDelete-tyler
ako din team seven.,.,..,.
ReplyDeletePrinsipe! Haha binasa ko ulit yung Cant we try. Haha Kaya pala di ko maalala yung story kasi hindi about kay Kurt at Nicollo yung mga naunang chapters. Hahahaha Sayo pala at kay Kyle. Pero naalala ko yung story nun, ganda. At naalala ko narin na may Marvs na character din dun. Nagbabalik hahaha. Anyway, Angelo ba name mo? Yun kasi gamit mo dati. Hehe Yun lang, natuwa lang ako kasi ngayon konlang narealize yun haha. Team JaSH!!!!!!! Hahaha Marvs. :P
ReplyDeletePS: kaw pala yung author na nag aalt tab habang nagdodota at nagsusulat, tawang tawa ako dun.hahahahaha speechless katahimikan :D