Followers

Sunday, November 23, 2014

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2 [Part 01, Chapter 09 & Chapter 10]


GAPANGIN MO AKO. SAKTAN MO AKO. II
Written by: Cookie Cutter (I-add ako sa Facebook)


Book 1: Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 I 20, 21, 22: Final Chapter | Epilogue

Teasers:  Dimitri | Riza/Jonah | Corina/Jun | Gio | Gab | PM/Arthur

Book 2, Part 1: Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8
_________________________________________________________________________________



MAKE A BABY - NICKI MINAJ


(Disclaimer: Hindi ko po pag-aari ang video at hindi ko po pag-aari ang larawan para sa kuwentong ito. For representation lang po ang mga ginagamit na materyal. Kung may hindi nagugustuhan ang paggamit ko sa mga materyal na ito, pakisabihan po ako nang matanggal agad. Maraming salamat.)

MARAMING SALAMAT SA MGA NAGHINTAY, SA MGA NAGCOMMENT, SA MGA NAG MESSAGE SA FACEBOOK AT NAG-EMAIL NA DI KO NABANGGIT. MALAPIT NA ANG FINALS NAMIN PERO PAGSISIKAPAN KONG MAKAHANAP NG TIME PARA SA INYO. MARAMING SALAMAT SA PASENSIYA AT WALANG HANGGANG PAG-UUNAWA! <3
HI NA DIN SA MGA MSOB FAMILY KO NA MAGAGALING DIN GUMAWA NG KWENTO, KINA VIENNE CHASE (Beat of my Heart, Fated Encounter), RYE EVANGELISTA (Love is...), PRINCE JUSTIN DIZON (Can't we try?), BLUEROSE CLAVERIA (Geo - Mr. Assuming), DYLAN KYLE SANTOS (Less Than Three), JACE PAGE (The tree, the leaf, and the wind) SA SUPER FRIEND KO NA SI GIO YU (Final Requirement), KINA KUYA PONSE AT KUYA MIKE AT SA IBA NA DI KO NABANGGIT [o naabutan, huhu]. SA MGA HINDI PA PO NAKAKABASA SA IBANG AKDA NILA, BASA NA!
_________________________________________________________________________________


Part 1: "Sorpresa"
Chapter 9: "We can make a baby!"

Nagsisisi akong hindi ko ginantihan ang kabutihan mo noon, Angelo. Nagsisisi na ako sa lahat ng bagay na nagawa ko sa’yo noon. Nagsisisi na ako na minsan kitang niloko at pinaasa. Nagsisisi na ako sa lahat.
- Dimitri Salviejo 

---


Chapter 9

Naamoy ni Gab ang amoy ng kape na nasa side table ng kama niya. Ang huli niyang naalala ay nakatulog na lang siya sa sofa sa kanyang living room nang matapos nang maligo si PM sa kanyang silid. Pinili niyang wag matulog sa tabi ni PM at ibigay na lang kay PM ang kama niya habang nasa condo ni Gab.

Uminom si Gab mula sa kape habang kusot-kusot ang kanyang mata. Ngunit nang na-recollect na ni Gab lahat ng malay-tao niya, napansin niyang malamig ang kanyang pakiramdam. Tila ba wala siyang suot na damit, at inamoy niya ang sarili niya… mukhang amoy sabon mula sa pampunas.

Nang sinilip niya ang ilalim ng kumot, tama ang kanyang hinala, hubad nga siya. Walang damit, walang underwear. Nararamdaman niya ang lamig ng kumot na humahalik sa kanyang balat.

Kaagad siyang bumangon sa kama at nilapag sa mesa ang kape. Narinig niya na lumabas na mula sa kaniyang bathroom si PM, nakatuwalya lang at kitang-kita nito ang barakong katawan ni PM. Nanlamig si Gab sa tigas ng dibdib ni PM, sa kanyang skultadong mga braso, sa mga muscles sa likod nito.

Hindi maiwasan ni Gab na lumunok ng laway sa nakita.

Dahil sa pagkatulala ni Gab, hindi na niya nahawakan ang kumot at dahan-dahan itong nahulog, yakap yakap ang kanyang hubad na katawan.

Umakyat uli ang tingin ni Gab sa mukha ni PM at hindi niya maiwasan tigasan sa kanyang nakita.

Diretso lang si PM sa kanyang bag kung saan naroon ang kanyang mga damit na kinuha para makitulog kay Gab. Tinanggal ni PM ang tuwalya sa kanyang bewang at bumulaga sa mata ni Gab ang perpektong hugis ng pwet ni PM.

Tangina. Gab, pigilan mo ang sarili mo. Tangina, tangina. Angelo, ikaw na ba talaga to? Papaanong? Tanong ni Gab sa kanyang sarili.

“Baka siguro next time Gab, maging discreet ka naman sa pagpapantasya mo sa akin. Tingnan mo oh.” Nakagising si Gab sa kanyang pagkatulala kay PM. Nakatingin na pala ito sa kanya habang nakatalikod.

Sinundan ni Gab ang nguso ni PM kung ano ang tinutukoy nito… at nang natukoy na niya kung ano ang ibig-sabihin ni PM, bumaba ang tingin nito sa bandang baba ni Gab na tila ba may tent sa kanyang harapan.

Nahiya si Gab kaya kaagad niyang inangat ang kanyang kumot para hindi ito mapansin ni PM.

“Bakit hubad ako PM? Shit, n-naman oh!” Pilit na mura ni Gab ngunit mas obvious ang kanyang pagkahiya at pagblush.

“Eh ang nakatulog ka kaya sa sofa mo nang tapos na akong maligo. Eh condo mo to eh, hiyang hiya naman ako sa’yo. Tinanggal ko ang sapatos mo at ang damit mo kasi ang init kaya matulog nang nakasuit. Tanga ka ba? Wala namang masama kung tabi tayong matulog eh. Para ka namang mantika kung matulog kaya ayun, hinubaran kita kahit di mo alam. Ayun, kaso amoy-pawis ka at ayoko tumabi matulog sa mga taong amoy-pawis. Kaya kumuha ako ng tubig at soap mixture, tsaka face towel para punasan ang buong katawan mo. Pagod na pagod ka ata para kahit man lang linisin ang sarili mo di mo magawa. Kailangan pa talaga ang bisita mo ang gumawa nun para sa’yo.” Sinuot ni PM ang kanyang boxer-briefs at pinasok sa magkabilang sleeves ng polo niya ang kanyang braso.

Hindi maiwasan mang-init ng katawan ni Gab sa nakita niyang nagbibihis si PM. Tama nga ang sinabi nila. Less dress is as great as nude. Sabi ni Gab sa kanyang sarili.

“Sabi na kasi eh. Nakatulala ka na naman.” Matigas na sabi ni PM.

“E-Eh!” Namula ang mukha ni Gab. “Di mo na sana ginawa iyon! Alam mo naman palang bisita ka eh!” Pagdahilan ni Gab kahit wala na siyang lusot.

“Di mo nga ako pinagluto ng almusal. Kelangan ko pang gawin iyon para sa’yo. Kelangan ko pa talaga dalhin sa’yo yung almusal mo.” Nang umupo si Gab mula sa kanyang pagkakabangon sa kama, napansin niya mula sa kusina na andun na nakalatag ang kanyang almusal.

Kinuha ni Gab ang kanyang kape at pinulupot sa kanyang baywang ang kumot. “Oh kain na tayo dali.” Aya ni Gab kay PM.

“O una ka na, magpapantalon lang ako.” Sagot ni PM. Dumiretso naman si Gab sa kanyang kusina at naupo dito. Hindi pa rin lumalambot ang kanyang harapan mula sa pogi at seksing lalake na bumulaga sa kanya sa umaga.

Sinubo ni Gab ang omelette na niluto ni PM para sa kanya at hindi niya maiwasan kumain pa ng marami. Maya-maya, napansin niya si PM na lumabas mula sa kanyang kwarto patungo sa kanyang kinauupuan.

Nakaslacks na si PM at nakapolo ngunit hindi nakasarado ang mga butones. Tila gustong kumawala ng mga mata ni Gab papunta sa abs ni PM na mas purmado pa kesa pandesal. Ang dibdib ni PM na may iilang hibla ng buhok.

“Masarap ba?” Tanong ni PM nang pumwesto sa kabilang bahagi ng mesa, kaharap si Gab.

Nataranta si Gab sa tanong ni PM. Akala niya napansin siya ni PM na tumitingin sa katawan nito.

“Ng alin? Ng abs mo? Di ah. Mas maganda pa nga ang abs ko jan. Kita mo!” Defensive na sagot ni Gab habang nag-blush ang kanyang mga pisngi. Tumayo si Gab upang ipagyabang ang kanyang abs ngunit sinigurado niyang hindi malaglag ang kumot mula sa kanyang baywang.

Ngumisi lang si PM at umiling.

“Hindi. Ang tinatanong ko, iyang kinakain mo. Tingin ka kasi ng tingin sa katawan ko Gab eh. At saka, wag ka na mahiya diyan sa titi mo. Alam kong tigas na tigas na yan dahil kanina ka pa nakatingin sa katawan ko. At opo, pati iyang bawag mo pinunasan ko kagabi kasi amoy singit na rin. Pati iyang kahabaan mo, iyang pwet mo, lahat. Nakita ko na lahat Gab. Wag ka nang mahiya Gab.” Diretsong sagot ni PM kay Gab kahit hindi man lang ito tinitignan. Sumubo na rin ito ng omelette habang nagbabasa ng newspaper.

Nagkamot-ulo na lang si Gab habang dahan-dahan umupo ulit dahil sa hiyang nararamdaman niya kay PM.

“Hayyy. PM?” Tawag ni Gab kay PM habang nagbabasa ito ng dyaryo.

“O?” Sagot ni PM na hindi nakatingin sa kanya.

“PM!” Sigaw ni Gab.

“ANO NGA?!” May init na ulo na sigaw ni PM kay Gab. Pero ngayon, nakatingin na siya sa mga mata nito.

Ngumiti si Gab at nagsalita: “Salamat ah. Nahihiya man ako sa’yo ngayon, pero salamat talaga.” Sinserong pasasalamat ni Gab.

“O na, o na.” Sagot ni PM, pag-dismiss sa pasasalamat ni Gab sabay tingin ulit sa dyaryo.

Hindi nagpatinag si Gab at tumayo mula sa pagkakaupo. Hindi na niya rin pinansin ang nahuulog na kumot mula sa kanyang baywang at wala na rin siyang pakialam kung makita man siya ni PM na hubo’t-hubad.

“Thank you talaga PM.” Yumakap si Gab mula sa likod ni PM. Sa unang mga segundo, hindi muna gumalaw si PM para pakiramdaman ang yakap ni Gab. Sa bagay, normal na naman para kay PM ang mga gesture kagaya nito dahil ganito din naman kasweet si Arthur sa kanya.

“It’s okay, Gab. Halika na, let’s go back to breakfast. Malelate na tayo.” Utos ni PM kay Gab na nakayakap pa rin sa kanya.

Ngunit sa halip na kumalas si Gab, mas humigpit pa ang kanyang yakap. Biglang nagbalik sa utak ni PM lahat ng yakap na naramdaman niya mula kay Gab, ang lahat ng magagandang bagay na ginawa ni Gab para sa kanya sa panahong malungkot siya, ang lahat ng pagpapasaya ni Gab sa kanya.

Di namalayan ni PM na kahit walang expression ang kanyang mukha, tumulo na pala ang luha mula sa kanyang mga mata sa sandaling iyon.

“Thank you PM for coming into my life. Salamat dumating ka ulit at binigyan ng meaning ang buhay ko. Salamat talaga.” Litanya ni Gab habang dinikit niya ang kanyang mukha sa leeg ni PM. Ramdam ni PM ang maiinit na hinga ni Gab mula sa kanyang leeg.

Sunod na naramdaman ni PM ay ang labi ni Gab na pumlastar sa kanyang pisngi.

At dito na tuluyang bumigay ang mga mata ni PM.

Kaagad siyang tumayo at tinungo ang bathroom sabay kalas sa hawak ni Gab sa kanya.

“CR lang ako. Ihi lang. Paglabas ko magdrive na tayo.” Pinipilit ni PM na tumalikod kaagad upang hindi makita ni Gab na umiiyak siya.

Samantalang si Gab, naiwan sa may bandang hapagkainan.

Ang tanga mo Gab! Ugh!

---

Nakagising na lang si Dimitri katabi si Corina. Napansin niyang nakapajama na siya at medyo malinis na ang kanyang pakiramdam. Bumangon siya sa kama at naramdaman niya bigla ang sakit ng ulo.

Oo, nga pala. Nakainom pala ako ngayon. Hays. Nagbuntong-hininga si Dimitri habang pa-ika-ikang lumakad patungo sa kanilang bathroom. Tinignan niya ang sarili sa salamin at bigla niyang naisip ang mukha ni Angelo noon.

Ang mala-anghel na mukha ni Angelo kung naiinis, kung nakatawa, kung nakasimangot, kung nakangiti. Sumandal siya sa lababo at di namalayan na tumulo na pala ang kanyang luha. Di niya maunawaan ang kirot na sumundot sa kanyang dibdib.

At ang sunod na mukha na pumasok sa isip niya ay ang mukha ng matapang na PM. Mukha ng tapang, na walang pag-aalinlangan, mukha ng mapanghiganti.

Pinatay niya ang ilaw sa bathroom at naglakad ng dahan-dahan patungo sa kanyang opisina na katabi lang ng kwarto nila ni Corina. Nang makapasok na siya sa opisina niya, naupo siya sa upuan at doon niya lang naramdaman ang sakit ng katawan.

Nabugbog pala ako. Sabi niya sa kanyang isip. Bigla niyang naisip na naman ang mukha ni PM sa kabilang parte ng daan na hindi gumagalaw, at tinitignan lamang siya habang pinagtutulungan siya ng mga lalakeng pinagbubugbog.

“Tangina! Ang sakit pala pag naganito…” Nagsalita si Dimitri sa kanyang sarili.

Kaagad niyang napansin ang isang naka-lock na compartment sa kanyang cabinet. Kaagad niyang kinuha ang susi nito at binuksan. Nang bumukas na ang compartment, kinuha niya kaagad ang isang hugis rectangle na nakasupot. Tinanggal ang plastic na nakabalot at bumuluga sa kanya ang isang ala-ala nila ni Angelo noon.

Ang mga medalya noong nanalo sila sa NMC.

Pinaandar ni Dimitri ang kanyang PC.
Binuksan niya ang kanyang facebook account na napakatagal nang nakadeactivate simula nang magkaasawa siya. Inisa-isa niya ang mga litrato na nasa timeline ni Angelo. Andun ang mga litrato nila noong NMC, noong sweet pa sila, at lahat-lahat. Mistulang nanumbalik lahat ng ala-alasa kanyang isip.

Maya-maya, mas tumindi ang agos ng kanyang mga luha. Kahit hindi niya man aminin, namimiss niya si Angelo. Namimiss niya ang dating nagtatapang-tapangan, mabait, mapag-alaga sa kapwa, at walang hanggang ngiti sa mukha nito.

Sa kasamaang palad, marami na ang nagbago. Marami na ang nangyari. Marami na ang nasaktan. Isa sa nagbago at isa sa mga nasaktan ay ang dating Angelo, si PM. Ang bagong boss ni Dimitri na hinuhubaran siya at ang kanyang pamilya sa yaman at dangal. Ang taong sagad sa buto ang galit at kasamaan. Ang taong tila walang puso kung makapanakit.


Ikakaila man ni Dimitri, isa siya sa mga dahilan bakit umitim ang tagak.

Fuck. Nagsisisi akong hindi ko ginantihan ang kabutihan mo noon, Angelo. Nagsisisi na ako sa lahat ng bagay na nagawa ko sa’yo noon. Nagsisisi na ako na minsan kitang niloko at pinaasa. Nagsisisi na ako sa lahat. Pero huli na ang lahat. Di ko alam kung maitutuwid ko pa ba lahat, o kaya ko pa bang ituwid ang mga kasalanan ko. Di ko alam kung paninindigan ko ba ang pamilya ko para sa anak ko o gagawin ko ang tama. Nalilito ako. Gusto kong magalit sa'yo sa pinaggagawa mo sa pamilya ko ngayon pero di ko maiwasan magsisi sa ginawa sa'yo. Ako ba ang dahilan? Bakit ang hirap? Ang hirap, hirap... Tumulo ang luha ni Dimitri habang nakatingin sa lumang litrato nila ni Angelo labing-isang taong nakalipas.

Nakatingin siya sa mukha ni Angelo, mukha ng taong puno ng kabaitan at saya. Mga emosyon na matagal na niyang hindi nakikita.

“Kaya pala nagpapakalasing ka. Inumaga ka na nga ng dating, hinatid ka pa ng di kilalang tao dahil lasing na lasing ka, tapos mukha ng baklang iyan ang iniiyakan mo?” Sarkastikong tono ni Corina sabay hampas sa kanyang ulo.

Nataranta si Dimitri kaya kaagad niyang sinara ang kanyang dating facebook account.

“Hoy, magpakatotoo ka nga Dimitri? May asawa’t anak ka na. Higit sa lahat, ano na lang ang iisipin ng anak mo sa oras na malaman niyang bakla ang kanyang tatay? Tanga ka kasi, nagpapadala ka sa kalandian ng tanginang iyon.” Tila nagbago kaagad ang galit ni Corina at naging pagmamalasakit ito.

Kaagad na niyakap ni Corina si Dimitri at pinatong ang ulo nito sa kanyang dibdib.

“Alam ko Dimitri, mahal na mahal mo ako. Alam kong hindi ka nagbago, at alam kong hindi ka mababago ninuman. Alam nating lahat na ako pa rin ang pipiliin mo. Kahit nalilito ka pa, alam kong kami ng anak mo ang iyong uuwian. Please naman Dimitri. Tingnan mo nga oh, tumanda ka na. Ang mukha mo ngayong 28 ka na ay ibang-iba sa dating 16 ka pa. Hindi ka na binata Dimitri, may asawa ka na at isa ka nang ama. Kahit anong mangyari, please naman wag mo kaming iwan. Kahit palagi kitang pinagagalitan, iniinis, hinahampas… Mahal na mahal kita…” Bulong na mga salita ni Corina habang humihikbi siya. Naramdaman na lang ni Dimitri na namamasa na ang kanyang pajama dahil sa iyak ni Corina.

Natahimik si Dimitri sa narinig. Siguro tama si Corina. Siguro nga walang nagbago sa akin. Siguro nga namimiss ko lang ang dating kami ni Angelo. Pero hindi ibig sabihin kaya ko na siyang iwan. Tsk, nakakaawa naman ang asawa ko. What if hindi talaga ako nalilito? What if naninibago lang ako sa pagbabalik ni PM? What if gusto ko lang maging Angelo sa akin si PM ulit?

Bahala na. Mga tanong na umiiral sa isip ni Dimitri habang hinahaplos niya si Corina para aluin ito sa kaiiyak.

“Wag ka na umiyak, Corina. Walang magbabago. Matulog ka na.” Nilayo niya ang ulo ni Corina at binigyan ang noo nito ng isang malalim na halik. Tumingala si Corina sa kanya at ngumiti.

“Patayin mo na iyang PC mo at  matulog na tayo ulit. Hintayin na lang kita.” Ngumiti si Corina na ma-inosente habang nakatingin kay Dimitri na pinapatay ang kanyang PC.

“O tapos na ako, babe. Labas na tayo rito.” Unang lumabas ng opisina si Dimitri. Nang mawala na sa tingin ni Corina si Dimitri, at nakapasok na ito sa kanilang bedroom, lumabas na rin si Corina sa opisina ng asawa.

Nang lumakad siya papunta sa pintuan ng kwarto nila ni Dimitri, tumigil si Corina sandali sa pintuan bago ito mabuksan.

Pinunasan niya ang kanyang kamay at biglang tumigil sa paghihikbi.

“Tangina, nakakainis talaga magdrama. Nakakabawas ng ganda.” Pagrereklamo ni Corina. Inayos niya ang kanyang buhok at pinunasan ang kanyang mukha gamit ang kanyang pajama.

“Kainis kasi iyang baklang iyan eh, kelangan talaga wag na magduduwag-duwagan tong si Jun para maagnas na iyang PM na iyan. Leche! Inaagaw niya pa talaga si Dimitri sa akin. Kailangan ko pang umiyak sa harap ni Dimitri para maawa siya sa akin. Grabe!” Patuloy siya sa pagreklamo sa sarili.

Kaagad niyang binuksan ang pintuan at ngumiti kay Dimitri.

“Good night baby.” Hinila ni Dimitri si Corina papunta sa kama.

“Good night din, babe.” Sagot ni Corina kay Dimitri.

--

“Good morning, ma’am. Nakakuha na po kami ng slot mamaya para sa The Girls sa Music Popping. Kagaya ng sinabi niyo ma’am, isang broadcast lang muna ang kinuha namin sa NGC para tingnan kung ki-click pa ba ang talents natin.” Report ni Laurel kay Corina nang makaupo na si Corina sa kanyang opisina.

“Ayos. Alright. Call the board members. Meeting, now.” Utos ni Corina kay Laurel, at kaagad namang ginamit ni Laurel ang beeper para tawagin ang mga board members.

Wala pang limang minuto ay nakarating na ang mga board members at nasa conference hall na silang lahat.

“Good morning everyone. As we all know, mamayang tanghali, magbobroadcast na namin ang talents natin. And as you have learned, hindi na siya libre kagaya ng dati. The new co-CEO of NGC is making our lives difficult, kaya we have to play it their way. Now, check has been already sent to NGC Accounting?” Tanong ni Corina sabay tingin sa Administrator for Treasury niya.

“Yes, ma’am. But I conferred to our audit department kung kakayanin pa ba natin. Miss Salviejo, I’m really sorry to say but we are on a very bad deficit now. Since all our talents except The Girls, are not making any revenue to the company. And The Girls, are making little to no revenue for the past six months. And we have already spent $105 million dollars for them for the past six months. You see, ma’am, we keep on gambling. Now, this 3-minute fee NGC is giving us, is putting us down faster than we ever thought. The song of The Girls is like 4 minutes long. So we have to cut down a minute from their latest single. It’s still not worth it. And to present the figures, audit and finance team is looking at 56% deficit, for the month alone! It’s either, we transfer our talents to other companies for contracts and bonds that will benefit us, or we keep looking on better marketing strategies to boost sales.” Sagot ng Admin for Treasury.

Natahimik si Corina at mariin na tinignan ang kanyang admin for treasury.

“Hey, listen. Don’t tell me what I should be doing. This is my company at ako lang ang may final say sa lahat ng bagay. No, we’re not selling our talents. We still have Gio Santos. Let’s give it a shot and hopefully, pag matatapos na ang movie ni Gio with the faggot, then that will lessen the deficit. Ang dapat nating pagtutuunan ng pansin ay ang The Girls. Kung paano natin sila imamarket without compromising. I have done my figures and if Gio receives his pay from NGC, I’m looking at a decrease to 32% deficit. So, pag makakuha pa tayo ng kickback from ticket sales, which I believe magiging hit world wide, then that will put us at 8% deficit na lang for the whole year. Gio is helping our company well, and no, I’m not selling my talents to other agencies. I molded them. Sadyang puchu-puchu lang talaga ang mga projects na nakukuha nila. Pakisabi nga na we need smarter managers and analysts. I know The Girls will stay with us, and they made us rich before, there’s no reason we can’t get that back!” Sigaw ni Corina.

“What I want you to do guys now is to avail the 4-minute package ng NGC’s Music Poppin’ para sa The Girls. 4 weeks.” Utos ni Corina.

“Ma’am, with all due respect, do you realize that’s gonna be more or less a million pesos ONLY for a month?” Sagot ng admin for audit.

“With all due respect, don’t you have high hopes for your talents? I trained them. I invested in them. They can make it. Saan mo naman papakantahin ang The Girls? Sa Magic Corp, e sagad sa buto ang galit ni Victorio sa NGC kung saan nagsimula ang The Girls. Gab won’t even bother not accepting us kasi, nangunguna na ang Magic kaysa sa NGC. Alam mo naman kung paano kaliit ang viewer’s ratings ng TV stations after NGC. So, send the checks to NGC accounting, now. Meeting adjourned.” Utos ni Corina at frustrated na inis na tumayo lahat ng board members.

You want war PM? I’ll give you apocalypse. Ngumisi si Corina habang umiinom ng kape.

---

“I can’t believe ang lakas pa rin ng guts mo, Corina. Hinit-and-run na nga kita, buhay ka pa rin.” Sabay upo ni PM sa tabi ni Corina sa backstage.

“Of course, PM. This is how you play your game? No problem, tatalunin kita.” Ngumisi si Corina at hindi man lang tinignan si PM.

“Tapang-tapang mo na ngayon ha.”

“Siyempre. Mas masarap manalo sa larong di mo naman sinimulan.”

“Exactly, Corina. Hindi ako ang nagsimula ng larong ito. At ngayon naniningil na ako, tatapang-tatapangan ka na naman? Aarte ka na parang ikaw ang nakulangan? Stop the shit. Hahaha.” Sarkasmo ni PM.

“AND NOW, ON THE SECOND SPOT FOR THIS WEEK’S MUSIC POPPIN’ CHART, THE GIRLS!” Tawag ng announcer.

“Tingnan mo kung paano ako manalo PM.” Tumayo si Corina para pumalakpak sa THE GIRLS.



“I told you PM. Kahit paulit-ulit mo akong itumba, tatayo at tatayo pa rin ako.” Umupo ulit si Corina sabay baling kay PM.

“AND THIS WEEK’S CHART-TOPPER, KAHIT BAGO LANG NAG-DEBUT AY NANAKAW NA ANG PUSO NG SAMBAYANAN. ALPHA FEMALES!”

“I’m sorry, Corina. I can’t hear you over the sound of victory.” Tumayo si PM at tinignan lang ang Alpha Females na nakaposition na sa stage.



Nang matapos na kumanta ang Alpha Females, kaagad na lumapit si PM kay Corina. Galit na galit na ang mukha ni Corina.

“So ano, Corina? Akala ko pa naman confident ka na talaga na naka-second spot na yung THE GIRLS mo? Not to mention mahal pa naman ang ginastos mo para mabroadcast lang ang performance ng group mo? Bakit? Masakit ba matalo Buwis-bahay na ata ang mga effort mo ah.” Umatras si PM at ngumisi kay Corina. Ramdam ni Corina ang mga mapanuksong ngisi ni PM na tumatagos sa kanya.

Nang-iinit na sa galit si Corina at mabibigat na ang kanyang mga hininga. Nagtama ang mga tingin nila ni PM. Dahan-dahan siyang lumapit kay PM.

Hindi rin naman nagpatinag si PM at nanatiling hindi gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Tila ba inaantay niya at sinasalubong niya ang expression ni Corina.

Hindi tataas sa isang pulgada na lang ang pagitan sa mukha ni Corina at mukha ni PM. Ang kanilang mga tingin ay tila digmaan na walang makakatukoy kung kailan ang katapusan. Sa lapit ng kanilang mga mukha, ramdam ni PM ang init ng bawat buga ni Corina ng hangin.

“Nasa baba man ako ngayon Angelo, paulit-ulit kitang itutumba. Baka nga siguro panahon mo pa sa ngayon. Pero pag ako napuno na sa’yo, makikita mo.” Galit na galit na ngumisi si Corina.

“Tssss.” Singhag ni PM, “Inform mo naman ako ha kung kailan mo ako itutumba? Para at least matingnan ko. Kung sakaling matalo ka, at least kita ko effort mo. Sayang naman, di ba?” Tumaas ang kilay ni PM at dahan-dahan gumuhit sa kanyang labi ang mapanuksong ngiti.

Lumapit si Corina sa tenga ni PM, pilit na hinahanap ang kanyang balanse dahil sa tangkad ni PM. “This isn’t the last.”

Hinila ni PM si Corina papalapit sa kanya. Nararamdaman ng bawat isa ang init mula sa kanilang mga pisngi.

“I’d like to see you try.” Bumulong din si PM sa tenga ni Corina at dahan-dahan kumalas mula sa kanilang paglalapit ng mga katawan. Hindi lumingon sa iba si PM at nanatili kay Corina ang kanyang tingin. Pa-atras ng paatras si PM hanggang sa nawala na siya sa paningin ni Corina.

You haven’t seen the last of me, Angelo. Sabi ni Corina sa kanyang isip. Inayos niya ang kanyang bag at binuhat ang kanyang paa sa kabilang direksyon.

---


Naglakad si PM patungo sa kanyang opisina. Dumaan siya sa accounting and finance department ng NGC nang mapansin niya ang isang pamilyar na boses.

“Na-receive niyo na po ba ang check from G’s Music and Arts Entertainment? Para po iyon sa broadcast ng THE GIRLS po.” Tanong ng babae na halatang kinakabahan.  Nakadungaw siya sa butas ng isang window glass kung saan naka-divide ang mga tagaopisina at kliyente.

“Opo,” sagot ng lalakeng taga-accounting, “na-tanggap na po namin kaninang umaga. Iyong receipt naman po na-email ko na sa accounting niyo doon. Paki-check na lang po.”

“Sige po, okay lang po ba makahingi ng hard copy mula sa inyo? Just to make sure lang po for documentation purposes.” Suyo ng babae.

“Oo naman po. Teka lang, i-pi-print lang po namin.” Tumayo ang lalake at dumiretso sa isang sulok ng opisina. Ang babae naman, kaagad na naglakad palayo, kinuha ang kanyang cellphone at kinausap ang tao sa kabilang linya habang dahan-dahan naglalakad papunta sa isang upuan.

“Kamusta na po siya? Talaga? Oo nay, baka kasi matagal-tagal ang release ng bonus ko sa buwan na ito. Pero nagpromise naman po si Ma’am Corina na baka dadagdagan niya na lang daw pag malelate ang dating nito sa pay roll ko. Kailan pa kaya gigising yang batang yan. Miss na miss ko na siya. Di naman problema ang gastusin eh… ang sakin lang kung kelan siya aalis sa pagiging brain dead, o makakaalis pa ba kaya siya. Sana naman di ako mahuli kasi di ako nabigyan ng driver ni Ma’am Corina ngayon kasi para sa THE GIRLS lang yung van. Baka mag-cocommute pa ako.” Lumuha ang babae at sinenyasan ng lalake sa accounting na andoon na ang printed receipt na hiniling niya.

“Oo, pagkatapos dito sa NGC ma, diyan na ako sa ospita-” Naapakan ng babae ang paa ni PM. Kaagad na napatay niya ang tawag at lumingon kay PM.

“TANGINA NAMAN OH!” Sigaw ni PM na may halong galit.

“Sorry po, sorry po talaga, di ko sinasadya.” Paghingi ng tawad ng babae habang lumuhod upang punasan ang sapatos ni PM. Nang mapansin ito ni PM, kaagad na tumingala ang babae at nag-abot ang kanilang mga paningin.

“Angelo!”

“Jesus Christ, will you watch your steps?” Nanlilisik ang mata ni PM ngunit mahinahon na galit ang kanyang tono.

“Sorry talaga Angelo. I’m sorry.” Tumayo ang babae. “Nagmamadali lang kasi ako kasi kelangan ko na puntahan ang anak ko. I’m sorry.” Paulit-ulit nagsorry ang babae habang inabot mula sa lalake sa accounting ang printed receipt.

Nang makuha na ito ng babae, kaagad niya itong sinilid sa kanyang bag at dire-diretsong tumakbo patungo sa exit.

Napansin ni PM ang haggard na mukha ng babae, ang kanyang mga mata na puno ng kalungkutan, ang kanyang pag-aayos na tila ba nakalimutan niya, ang kanyang dedikasyon sa kanyang trabaho, ang kanyang ganda na tila ba isang bulaklak na nalalanta.

Hindi maiwasan ni PM na maawa kahit papaano.

“Pssht!” Tawag ni PM sa isa sa mga drivers ng NGC. Lumapit ang driver na naka-white polo uniform at grey pants.

“Kuya, kita mo yung babaeng iyon? Nagmamadali siya, at alam kong di siya makakapunta sa activity ng anak niya sa lagay ng traffic ngayon. Mahirap mag-commute. Dalhin mo siya via fastest route.” Utos ni PM sa kanyang driver.

“Opo, sir. Pero kung magtatanong po iyong babae, ano po iyong isasagot ko?” Tanong ng driver.

“Sabihin mo free service ng NGC. Basta wag mo sabihin galing sa akin.” Sagot ni PM. Tumango ang driver at dali-daling naglakad palabas ng building. Diretso namang naglakad si PM hanggang sa natabunan siya sa dami ng tao.

Nang sa tingin niya ay di na siya mapapansin ng babae, lumingon ulit siya at nakita niyang kinakausap na ng driver ang babae para alukin ito ng pagdadrive.

“Po? Sino may sabi?” Tanong ng babae habang pinunasan ang kanyang mukha.

“Libre lang po. Sabi ng manager namin.” Sagot ng driver. Nakita ni PM na biglang ngumiti ang babae at tumango. Lumingon-lingon ang babae sa direksyon ni PM. Malamang hinahanap kung sino ang nagpautos na ipahatid ito. Siguro sumuko na ang babae kaya lumabas na ito ng building.

Nakita ni PM na umalis na ang sasakyan na kinalalagyan ng babae at ng kanyang driver.

Umiling lang si PM at ngumisi.

“That’s from Angelo, Laurel.” Sinuot niya ang kanyang sunglasses at patuloy na naglakad sa patungo sa harap ng elevator.

---

Nang makapasok si PM sa kanyang opisina, napansin niya andun na ang miyembro ng Alpha Female na nakangiti at hinintay siya. Nang mabuksan na niya ang pintuan, kaagad na nagsitalunan ang Alpha Female at nagsipalakpakan.

“Very good, girls. First months niyo sa industry, you grabbed the top spot sa lahat ng charts.” May authoritative tone ni PM para magmukhang galit siya.

“And it looks like you’re not happy, Sir Realoso?” Tanong ni Ashley na nasa gilid ng silid na tila ba sarkasmo ang dating.

Nagkatinginan ang dalawa.

“Baka kasi lumaki ang ulo niyo. Marami pa tayong gagawin para sumikat kayo. Ayaw kong lumaki ang ulo niyo. Now, don’t change yet, kasi pupunta tayong Ferdinando Building para sa inyong press conference. Let’s go.”

Sumunod naman ang ibang miyembro at managers ng Alpha Female palabas ng silid. Sa kabilang banda, andun si Arthur at kaagad na lumapit kay PM.

“PM, doesn’t Corina own that place we’re going to?” Tanong ni Arthur kay PM habang sabay na silang lumabas ng opisina.

“Yeah. So?” Mapaklang sagot ni PM kay Arthur.

“What the hell are you thinking about, PM?! Aren’t you afraid she might sabotage you? We are using her place and we are using her people. Don’t you actually think she’ll tear you down once you’re there? Are you even conscious about how much she hates Alpha Female?” Tanong ni Arthur na tila ba pinapagalitan si PM.

“You have to count on me, Art. Nothing’s going to happen to anybody. If anything will happen, I’m sure it’s not going take long either.” Diretsong sagot ni PM habang naglakad na sila patungo sa parking garage.

Isa-isa na silang umakyat sa van at pinauna nila ang Alpha Female.

“Are you sure about this?” Tanong ni Arthur bago pumasok sa van. Lumingon siya kay PM at naghihintay ng kasagutan.

“More than sure.” Nagtaas ng kilay si PM at tinapik sa pwet si Arthur, senyales na pinaakyat na niya ito sa van. Sumunod naman si Arthur at pumasok na rin si PM.

Mga ilang minuto ang travel papunta sa Ferdinando Building na nasa tapat ng G’s Music and Arts. Nang makababa na sa van ang Alpha Female na binabantayan ng mga managers kasama si Arthur, nagsilabasan ang mga makikislap ng ilaw mula sa camera. May red carpet at mga divider rope na nagbubukod sa mga photographers. Diretsong naglakad ang Alpha Female habang kumaway sa kanila.

Bumaba naman si PM at parehong pagsalubong ang kanyang natanggap. Ngunit di kagaya ng Alpha Female, hindi man lang kumaway si PM o tumingin lang man sa mga lente nito. Naglakad lang talaga siya.

Tinungo nila ang session hall ng press conference at nakita nila ang bulto-bulto ng mga tao. Kaagad na umupo ang mga miyembo ng Alpha Female na sila Red, Ginger, Ana Lee, at Ashley. Nagsipalakpakan ang mga tao sa loob ng session hall. Kumaway ang Alpha Female sa mga tao.

Nasa likod si PM ng Alpha Female at napansin niya sa malayo ang demonyong ngiti ni Corina. Blangko lang ang tingin ni PM dito tila ba hindi pinapansin ang panunukso.

Kaagad na pumwesto si Corina sa tech area si Corina na nasa kabilang dulo ng silid, malayo sa kinauupuan ng Alpha Female. Nang makaupo na ang mga stars, nagsiupuan na rin ang karamihan sa mga interviewers mula sa iba’t-ibang news agency.

“Welcome guys sa press conference ng Alpha Female. But before we start this event, let’s have a short video billboard sa first months ng Alpha Female!” Tumingin lahat ng tao sa magkabilang screen na nasa magkabilang gilid ng kinauupuan at pwesto ng Alpha Female.

Nagflicker ang ilaw at tila ba merong parang sinaunang resolution ang bumighani sa mga screen, nagka-countdown ng 5, 4, 3, 2, 1.

At namatay lahat ng ilaw.

Gulat na gulat lahat ng tao. Sumigaw si Arthur ng “Everybody, settle down!” nang paulit-ulit para pakalmahin ang mga tao.

Biglang umilaw ang projector at tumatama ang iba’t-ibang kulay sa projector. Mistulang pixelated pa ang dating ng screen ng biglang tumunog ang kanta ni Nicki Minaj:

“Then maybe you and maybe me
Can maybe we m-m-make a baby
Then maybe you and me and we
Can make a baby let's make a baby”

At dahan-dahan naging malinaw ang nasa screen habang patuloy ang kanta niNicki Minaj sa background…

“Do you love it baby? Wanna be my bitch?" Tanong ng amerikanong lalake habang kinakantot ang medyo chubby na maputing lalake na nasa video.

Nagulat si Arthur sa nakit kaya agad siyang lumingon kay PM na nakatingin lang din sa screen.

"Yes! Ah! Shit! Fuck, fuck. More! Deposit your cum on me, I'm your cum bank! Deeper, ahhh!" Sigaw ni Angelo habang tinatanggap niya ang bawat kadyot ng Amerikano.

"What? can't hear you."  Malibog na pagkantot ng Amerikano kay Angelo.

"FUCK ME." Sumigaw si Angelo.

"Fuck me what?"

"HARDER! IN!"

"Okay. I'm cumming you little bitch. Wanna have an american baby? You want to take care of my cum?"


"YES! AHH AHH I WANT YOU, I WANT YOUR BABY OH SHIT!!" At nahulog ang Amerikano kay Angelo.

“YAN BA ANG PRODUCER NIYO? THINK TWICE! PM REALOSO MALANDING BAKLA!” Nakasulat sa video habang nakaplay pa rin ang kanta ni Nicki Minaj. Dahan-dahan nagfefade ang video at audio hanggang sa natapos ito at nagkailaw ulit.

Lahat ng tao ay nakatulala, at lahat sila nakatingin kay PM na tahimik lang nanonood sa kanila. Gulat na gulat lahat ng tao, lalong-lalo na bakas sa mukha ng Alpha Female ang gulat. Imbis na ang press conference ay para sa Alpha Female, ay napunta ito kay PM.

“Sir, by any chance, ikaw po ba iyong nasa video?” Tanong ng isang journalist habang nakatingin kay PM.

“Sir, kelan po nangyari ito?” “Sir, sino po ang kasama niyo?” “Sir, konektado ba kay Arthur Boyd ang puting lalake sa video?” At lahat ng tanong - lumabas na. Tahimik lang nakatingin si PM sa kanilang lahat at bahagyang ngumisi.

“Listen everyone,” pambungad ni PM na kaagad ikinapatay ng ingay ng mga journalists. “There’s no point of defending myself from what you have just recently seen. At the end of the day, you will be believing what you will be believing. I know, that all of you are here because that’s what your job calls you for. Pagpiyestahan niyo ang video all you want, I don’t care. But one thing I’ll want you to send a message across, that video will never tarnish my dignity and effort I have exerted to be in the position I am in right now. Ako si PM Realoso, and siguro after this press conference, siguro ang pangalan ko magiging “PM Realoso na may sex video na baklang nagpapakantot.” At least, that’s not going to mean na hindi ako isang matalinong direktor at film producer. At least today, nalaman niyong lahat na maliban sa trabaho ko, marunong ako tumanggap ng titi, marunong ako chumupa, at marunong ako magpagamit. At least, alam na ng mga bisexuals at gay at curious straight na manonood sa inyo na isa akong puta at isa akong magaling na puta. For all you know, even married men hit on me.” Ngumisi si PM na pagkademonyo.

“So, guys, believe what you want to believe. But if you want to have sex with me, I wouldn’t mind.” Lumayo si PM sa microphone at nag-bow.

Sumigaw si Arthur sa mga manager ng Alpha Female: “Guys, we have to pack up. Press conference is cancelled. Dead. Girls, get up!” Sabay lingon sa Alpha Female. Kaagad na tumayo ang Alpha Female at lumabas ng silid para dumiretso sa van nila.

Nang dumaan ang Alpha Female sa tech area, nagkasalubong ang mata ni Ashley at ni Corina. Bakas sa mukha ni Corina ang tawang-tawa na reaction sa nangyari. Di napigilan ni Ashley ang sarili at dire-diretsong sinampal si Corina.

Naramdaman ni Corina ang malakas na sampal sa kanyang pisngi at napalingon lahat ng tao.

“DO YOU LIKE HOW IT HURTS?!” Sigaw ni Ashley kay Corina habang sinasabunutan ito at gini-gewang gewang ang ulo ni Corina sa kaliwa, sa kanan, sa baba, sa taas. Pinagtatapon ni Ashley si Corina kahit saan at nakabaon sa mga daliri ni Ashley sa hibla ni Corina.

“BITAWAN MO AKO!!!” Sigaw ni Corina na halong galit at gulat at sakit.

“NO YOU BITCH. TAKE THIS!” Sinipa ni Ashley sa tiyan si Corina. Naramdaman ni Corina ang malakas na sipa sa kanyang tiyan. Napa-”ahhh” si Corina sa sakit. Sinubukan niyang abutin din ang buhok ni Ashley ngunit di niya magawa dahil sa tangkad ng babae.

“GUARDS!!! SECURITY!!!” Sigaw-iyak ni Corina habang winawagayway ni Ashley ang kanyang buhok. Nang di makuntento si Ashley, buong-lakas niyang kinaladkad si Corina. Natapilok si Corina at ginawa siyang mop ni Ashley sa buong paligid.

“ARAYYYYYYYYY!!” Sigaw ni Corina.

“No, I’m not yet done with you, you dirty bitch!” Sigaw ni Ashley habang pinagsusuntok niya sa mukha si Corina habang iyak ng iyak si Corina at tumutulo na mula sa ilong niya ang dugo.

“How do you like my knuckle sandwich, slam-bam? How about this?!” Sabay sipa ni Ashley sa pisngi ni Corina na kinatumba ni Corina sa sahig.

“Ma’am, tama na po iyan.” Pagpalayo ng security kay Ashley mula kay Corina. Tinulungan ng mga tao ang duguang mukha at sirang buhok na si Corina sa pagtayo.

“Ashley! Get to the van, now!” Utos ni Arthur kay Ashley na kaagad namang sinunod ni Ashley matapos tingnan ng mariin si Corina. Nahuling naglakad sa kanila si PM at nakatingin at nakatawa lang kay Corina.

“O, MASAYA KA NANG BAKLA KA?! I WILL PRESS CHARGES!!” Sigaw ni Corina kay PM.

Nakapako lang ang paa ni PM at hinarap ang direksyon ni Corina.

“Sure. Makukulong si Ashley kung makukulong. But just remember what you did to me, Corina, and I’ll just give the “go” signal sa mga authorities para pagpatuloy niyo ang away niyo sa likod ng rehas.” Tumawa ng malademonyo si PM habang umiiling palabas ng session hall.

Isa-isang pumasok sa van ang Alpha Female at ang mga manager at si Arthur at si PM. Nang magdadrive na sila patungo sa NGC, inulan ng award si Ashley mula kay Arthur.

“What the fuck were you thinking Ashley?! Don’t you know she can sue you for physical harassment?! Why are you fucking destroying your image?! You are still a premature star, and to be honest, you’re still at the early stage of your career!”

Nakayuko lang si Ashley. Dahan-dahan umangat ang kanyang ulo at lumingon kay PM.

“We all know who did that sabotage anyway. That’s Corina. She deserves it. PM deserves vindication for it. If you want to take me away from the group, fine! But that was unjustifiable. I must make something to reverse the humiliation he did to PM!” Sumagot si Ashley kay Arthur na may buong puso.

“What the fuck-” Mura ni Arthur sabay kamot sa kanyang ulo.

“Thanks, Ashley.” Ngiti ni PM kay Ashley, “you don’t have to be a freak about it Art. She did what she wanted to do, and it was for me, and I’m happy that she thinks about me.”

“But Red, Ginger, Ana Lee, and everyone else, I can only help as much as I can. If Corina’s going to press charges on you Ashley, and if all things fail and you’re going to jail, that’s it. You brought that to yourself. Now, what I want you to do is face the consequence of your actions-”

“BUT PM-” Pag-singit ni Arthur. Hindi napigilan ni PM ang kanyang sarili at kailangan niyang patahimikin si Arthur.

“Can’t you see how Ashley made a fool out of-”

“You are getting on my nerves, Arthur.” Lumapit si PM kay Arthur at hinalikan ito ng mariin. Nanlaban naman si Arthur ngunit kalaunan ay gumanti rin ng halik kay PM. Ramdam ni Arthur ang init ng bibig ni PM habang pinasok nito ang dila sa loob ni Arthur. Naglaplapan ang dalawa at hindi na nakapagpigil sa damdamin ng isa’t-isa.

Nang kumalas na si PM sa paghalik kay Arthur, mistulang natameme si Arthur at hindi makapagsalita.

“You can’t talk now Arthur. Shut the fuck up as I say.” At humabol pa ng isang smack si PM kay Arthur dahilan upang umayos ng upo si Arthur sa van at lumingon sa labas ng bintana, maya-maya di na niya naitago ang kanyang kilig sa ginawa ni PM.

Kinilig din ang buong Alpha Female sa ginawa ni PM kay Arthur.

“Alright. Ashley, if you’re going to jail for that, that’s not my call anymore. It’s your fault. Now, I can make Arthur here shut the fuck up and stop him from mandating you from what you guys think you should do. Do your own thing. But if you’ll have to be removed from the group, it’s not difficult for me and Art to look for anybody’s substitute. We get that?”

“Yes, PM.” Chorus na sagot ng mga babae sabay tango.

“Good. You gotta take some rest and rehearse first thing tomorrow morning. Kuya, sa dorm na lang po sila. Ate Nila, Sir Ben, kayo na po ang mag-manage sa kanila for the next few days. Busy kami ni Arthur eh. Text us whatever happens. Kuya Bong, bababa kami ni Arthur sa may SEAU Coffee Shop. Thank you po.” Panunuyo ni PM sa mga kasamahan niya.

Sa buong biyahe, hindi mapakali si Arthur kung hindi itago ang mga kilig na bakas naman sa kanyang pilit na pagpigil ng mga ngiti.

Maya-maya...

“Kuya dito na lang.” Paalala ni PM kay Kuya Bong na isa sa kanyang driver. Nang bumukas ang van, bumaba na sila pareho ni Arthur dala-dala ang kani-kanilang briefcase.

---

“Okay, tell me something about tomorrow’s taping. Have you got everything into its place?” Tanong ni PM kay Arthur habang nakalatag sa mesa ang kanilang mga laptop, mga script, mga contract, mga forms, at ang kanilang kape.

“Yes, by tomorrow we can have the taping at SEAU. We have already asked permission from the administration and they were really open in having us use their premises for as long as we want.” Uminom ng kape si Arthur habang nakatingin sa kanyang laptop kung saan nakalagay ang schedule.

“That’s amazing. It’s actually a good thing NGC has their own production set. We don’t have to worry about camera, lights, and things. But I want to make sure though that we still have your production equipment sent here.” Sabi ni PM sabay bukas sa kanyang kardigan na kulay blue habang nilalaro ang kanyang shirt ng black and white stripes.

“Yeah, yeah. I have called up my secretary last month to have our equipment sent right over Manila. All are ready and are inside the stockroom and are made really sure everything works. They do, so I don’t think we’re going to have problem with the equipment for tomorrow.”

“Okay… Hmmm, how about transportation? Were you able to contact the company that’ll be moving our equipment over SEAU?”

“Yeah. In fact, it’s being delivered now. I have asked few of the movie prod crew to have the equipment ready.”

“Okay, that’s perfect. How about our actors and actresses? Were you able to get them as well?”

“Yeah. Had a meeting with them last week and informed them about our taping tomorrow.”

“Good. Because I don’t want it when everyone’s tardy, except me. I should be the only one tardy. And you. Just the two of us.” Ngumisi si PM at pinasok na sa briefcase niya ang contracts nang biglang nagring ang kanyang cellphone.

“Hello?” Walang interes na bati ni PM sa tao sa kabilang linya habang nakatingin kay Arthur.

“Who the hell are you to stack all your shit at my dormitory?” Galit na galit na tono ng babae.
Napatawa si PM dahil kilala niya kaagad ang babae sa tono pa lamang nito.

“Get yourself fixed, Riza. May permiso na kami galing sa admin mo.”

“Siguro, pero I should know na gagawin niyong stock room ang dorm ko. I don’t like mess around.”

“Well, I’m happy to tell you the mess that you’re bitching about will last only a week or so. So calm your tits.”

“PM, don’t be such an asshole. A mess is a mess, and kahit gaano kaikli pa ang mess na yan dito, hindi kayo humingi ng permiso ko-”

“I’m sorry, who are you again?”

“I’m the dorm manager-”

“Exactly I thought. Dorm manager. Hindi ka pa naman siguro naging dorm owner ano? You can’t blame us for not telling you dahil prerogative na yan ng admin to tell you o hindi. They gave us a go-signal, and I guess sapat na yun para ibigay nila sa amin yung usage ng dorm. We even have a form right here. So, kung gusto mong magalit, sa kanila ka magalit. Naturingan ka pa namang magaling na lawyer pero kung makapang-akusa ka, parang walang bukas. Hahaha. Don’t ever do something to my equipment or you’ll end up defending yourself in court. Hahaha” Tumawa si PM sabay patay ng cellphone niya.

“Who was that?” Tanong ni Arthur.

“Riza. Yelling at me for not telling her that we have used her dorm as dock room. I don’t know if she’s stupid or just making an excuse to talk to me.” Umiling si PM.

“Well, you can’t blame her, I think. She can get paranoid at some time.”

“I think so. But meh, she’s not a problem. I think she just wanna get back to me because I dumped her sorry ass.”

“Tsk tsk. Oh look, Gio’s here.”

Lumingon si PM sa kinatitinginan ni Arthur nang napansin niyang si Gio papasok ng Starbucks. Napansin din ni Gio si PM at mistulang ngumiti lang ito bahagya sa dalawa. Sinuklian naman ni PM ang ngiti ni Gio nang isang kasuklam-suklam na titig. Nagtago ang bahag ni Gio at dumiretso sa counter.

“What do you feel about your bestfriend, PM?” Tanong ni Arthur. Tumingin si PM kay Arthur at umirap.

“Don’t get me started with this one Art.” Tumawa lang si Arthur habang balik sa pagtitipa si PM. Kalaunan ay hindi na mapakali si PM dahil sa inis na nararamdaman niya para kay Gio kaya kaagad niyang pinasok lahat ng papers sa kanyang briefcase nang napansin niyang papalapit si Gio sa kanila.

“Let’s go.” Niligpit ni PM ang kanyang laptop at pinasok sa kanyang briefcase.

“So soon?”

“I don’t like it here any more.” Sabi ni PM sabay lakad palabas ng coffee shop nang hindi man lang tinignan at inantay si Arthur.

“WAIT!” Sigaw ni Arthur habang nagmamadaling iligpit ang kanyang mga gamit.

---

“Tanga ka pala eh! Di ko alam kung nagmana ka ba talaga sa akin kang bata ka! Ang tigas tigas kasi ng ulo mo sabing wag kang matakot sa baklang yan! Tinatakot niya lang tayo tapos malalaman ko lang ngayon na pinalipat mo sa kanya yung ownership ng Blue Cheese animation company? Ano ba ang pumasok sa utak mong iyan Dimitri!” Sigaw ni Jun kay Dimitri habang nasa loob sila ng pantry.

“Wala akong choice dad! Natrap niya ako! Alam niyang wala nang pag-asa ang kumpanya! All I can do is to make him help me! Ayokong pumangit ang pangalan ko kay Sheldon! I have to make the company rise again tapos tsaka ko aagawin muli kay PM!”

“HAHAHAH” Sarkastikong tawa ni Jun, “Sa tingin mo mababawi mo pa iyan once nasa kanya na ang ownership? Dimitri, think about this. Ang ownership iniwan mo na sa kanya. Once Grandyaryo decides to transfer the company to you, hindi mo na pag-aari ito at magiging kay PM na lahat nang pinaghirapan mo! At sa tingin mo maibibigay niya pa ito sa iyo ulit? Wrong! Malakas si PM ngayon Dimitri at hindi na siya ang mahinang bakla noon! Matalino siya at kaya niya tayong patumbahin! Kita mo na ngayon! Siguro siya na ang pinakamayaman sa buong bansa dahil CEO na siya ng NGC, CEO pa siya ng Magic!”

“Exactly, tama ka jan Jun.” Pagsingit ng isang tao na kapapasok lang ng pantry. Tumayo lahat ng balahibo ni Jun at Dimitri sa pagpasok ni PM.


Itutuloy...


Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2


_________________________________________________________________________________


NUMB - LIKIN' PARK

Part 1: "Sorpresa"
Chapter 10: "Cold sleep"

The past is a good place to look back, but certainly not a good place to stay.
PM Realoso

---

Chapter 10


“Exactly, tama ka Jun,” wika ni PM, “But not exactly.” Ngumisi si PM sabay timpla ng kape.
Hindi maunawaan ni Jun at ni Dimitri ang ibig sabihin ni PM.

“I might just return Blue Canvass, I might not.” Tumabi si PM kay Dimitri paharap kay Jun.

“What are you doing here?” Utal-utal na tanong ni Jun.

“Getting my cup of coffee. Bakit, bawal ba kumuha ng kape? Bawal na ba magtimpla at magrelax? You guys take a break, halatang tensed na tensed na kayo oh!” Sabay haplos sa ulo ni Dimitri. Kaagad na tinignan ni Dimitri ang kanyang ama dahil sa kamay na dumampi sa kanyang buhok.

“I don’t know what your intentions are PM. Di ko alam kung bakit mo to ginagawa saming mag-pamilya, pero sasabihin ko sa’yo na sa oras na may gagawin kang kalokohan, hindi ako magdadalawang isip na labanan ka.” Pagbabanta ni Jun habang nakatingin kay PM. Nakatupi ang kanyang braso at mariin na tinignan si PM nang puno ng galit.

“Tss” tumingala si PM sabay ngisi, “Come on, Jun. Sigurado ka ba talaga na di mo alam kung bakit ko ginagawa to?” Sabay inom ng kape.

“How about you, Dimitri? Alam mo ba kung bakit ko ginagawa to?” Sabay akbay kay Dimitri si PM.

Dahan-dahan tinignan ni Dimitri si PM na nasa kanyang gilid.

“Angelo, look.” kumalas si Dimitri sa akbay ni PM at hinarap ito. “That was so long ago. I’m sorry kung naapi kita. I’m sorry kung ginawa kitang tanga. I’m sorry kung pinaasa kita. I’m sorry kung ginago kita. I’m sorry, pero parang awa naman, bakit hanggang ngayon pinagbabayaran ko pa rin ang kasalanan ko na walong taon nang nakalipas?”

“Alam mo, Dimitri…” Lumapit si PM kay Dimitri, “Bakit hindi? Bakit hindi mo pagbabayaran ang sakit na binigay mo saken? Bakit hindi mo kayang panindigan ang kagaguhan mo noon? Ano to? Kantot kalimot?”

“PM, I guess you have to leave.” Nilapat ni Jun ang kanyang kamay sa kanang balikat ni PM.

Saglit na di gumalaw si PM at dahan-dahan tinanggal ang kamay ni Jun mula sa kanyang balikat.

“Wrong move, Jun. You don’t tell your employer to go out. Baka nakakalimutan, I’m one of your CEO’s now?”

“Ganon naman pala Angelo eh? Leave us alone! Wag mo na kaming pahirapan pa!” Sigaw ni Dimitri.

Hindi sumagot kaagad si PM kay Dimitri, sa halip, diretso niyang sinunggaban ng mabilis na halik si Dimitri sa labi. Nanigas si Dimitri at Jun sa ginawa ni PM habang dahan-dahang nilayo ni PM ang kanyang sarili mula kay Dimitri.

“Yan sana ang ginawa mo sa akin noon, Dimitri. Kung ginawa mo lang sana ang gusto mong gawin ko ngayon, di ka sana magkakaganito. Di ka sana maghihirap. Anyways, mabait naman ako eh, I’ll just have to make sure you won’t have to feel the pain once I make you suffer. Or at least I’ll give you all the pain at the least expected. Unfair naman sa inyo di ba kung mag-eexpect kayo kung kailan kayo masasaktan, e di makakapagprepare kayo? Wala nang thrill di ba?” Sarkastikong malungkot na tono ni PM kay Dimitri habang naglakad na siya palabas ng pantry.

Samantalang si Dimitri at Jun, sinundan lang ng tingin si PM na papalabas ng pantry. Nang nasa may pintuan na si PM, tumigil ito sa paglalakad saglit ngunit hindi na hinarap ang mag-ama.

“Also, Dimitri, my name’s PM. If you think you’re gonna get me by heart by calling me that name, you’re doing a big mistake.” Tumawa ng malademonyo si PM, “in fact, Dimitri, you’re making things worse. Sabi nga nila, the past is a good place to look back, but certainly not a good place to stay.” At tuluyan nang nawala sa paningin ni Dimitri at Jun si PM habang naglakad ito nang umiiling.

Maya-maya, tumulo na ang luha ni Dimitri at panak-naka niya itong pinupunasan.

“It’s all my fault tay. Pagod na pagod na ako. Di ko na kaya ang magamit, ang maloko, ang masaktan. Why can’t we just all move on and be happy with our lives? Bakit kailangan mayroon pang masaktan? Bakit kailangan meron pang mapaglaruan? Bakit kailangan ako?”

Bilang ama, kaagad na tinapik ni Jun ang anak bilang pag-simpatiya. “It’s okay son. This wouldn’t take long. Soon, this’ll be over. Let’s go home. Marami pa tayong tatapusin na trabaho bukas. Gabi na at kailangan ka pa ng pamilya mo.” Hinagod ni Jun ang likod ni Dimitri para tumahan ito.

---

“PM, don’t you want to go home? It’s quite late.” Inimbita ni Arthur si PM na umuwi habang si PM ay busy katatype sa kanyang laptop.

“Sorry, Art. You can go ahead if you want to.” Di na tinignan ni PM si Arthur.

“Alright. You’ll be staying here till morning? I’ll just sleep here inside your office, just in case.”

“Make yourself at home.”

“Alright. Wake me up when you’re heading home. Good night.” Sabay yakap kay PM mula sa likod. Tinapik lang ni PM si Arthur sa braso dahil busing-busy pa si PM sa pag-schedule.

Matapos mayakap ni Arthur si PM ay diretso itong nahiga sa sofa ni PM at ilang sandali ang lumipas humihilik na ito.

Samantalang si PM, di man lang madalaw-dalaw ng antok at diretso pa rin sa pagtatrabaho. Maya-maya ay nagvibrate ang cellphone niya at binigyan niya lang ito ng saglit na lingon.

gab489: How’s the most powerful man in the Philippine media? ;)

Bumalik sa pagtatype si PM at di na pinaunlakan ang text ni gab489. Maya-maya nagvibrate ulit ang phone niya sa kanyang mesa at tinignan niya sino ang nagtetext ulit.

gab489: Hey! How about we get some coffee later at 7 sa SEAU coffee shop?
gab489: Please naman oh wag mo naman akong isnabin.
gab489: PM, please?
gab489: PM!

Dahil sa dami ng text na natatanggap niya mula kay gab489, napilitan na siyang replyan ito. Inabot niya ang kanyang cellphone at nagtype sa kanyang keypads.

montemayor88: If I’ll meet you later in the morning, will you stop texting me?
gab489: Ugh, why?
montemayor88: Maybe because busy ako ngayon at ayaw ko ng istorbo?
gab489: Sounds good. 7, SEAU coffee shop. See you!
montemayor88: Go to hell.

Malalim na huminga si PM at bumalik sa kanyang pagtatype. Sometimes it’s better if everybody just leave me alone. Isip isip ni PM sabay hikab.

---

“Gabriel! Gago ka ba? Ano tong naririnig ko na may pinagsheshare-an ka ng shares mo sa Magic? Nauulol ka na ba?!” Sigaw ng tatay ni Gab nang umuwi siya sa bahay ng mama niya.
“Pati ba ikaw nakikichismis? At pwede ba, tigilan mo na ang pangingialam.”

“Aba, ano bang pumasok sa kokote mo at di mo na ako kilala ngayon?”

“Dad, please naman. Pagod na pagod ako at wag mo naman akong salubungin ng sermon. Kaya nga hindi ako umuwi sa condo di ba kasi gusto ko mawala ang stress ko tapos eto ka ngayon di ko alam anong pinag-iingay ng buchi mo.” Naupo si Gab sa sofa at dahan-dahan tinanggal ang kanyang sapatos.

“Ang tigas talaga ng ulo mo! Kailan ka ba mababagok?! Kailan ka ba titino sa sarili mo, Gab?! Kailan mo ba gagawin ang tama?!” Humarap ang ama ni Gab sa kanya.

“Just because gusto niyo doesn’t mean tama.” Mahinang pagsumbat ni Gab.

“Hindi ka kasi nakikinig sa nanay mo! Palaging matigas ang ulo mo, palibhasa di mo alam ang mga bagay-bagay, at baluktot ang pananaw mo sa lahat ng iyong mga desisyon!”

Humingang malalim si Gab at pinilit na wag pansinin ang ama.

“Makinig ka sa akin at wag mo akong balewalain. Iniisip ko lang kung ano ang nakakabuti sa’yo, pero bakit di mo magawang suklian ang mga paghihirap ko?! Hoy lalake! Simple lang ang hinihingi ko sa’yo! Gawin mo ang tama! Mahirap ba?! Mahirap?!”
Tumayo si Gab at hinarap mata sa mata ang kanyang ama.

“Bakit ikaw, dad? Ginawa mo ba ang tama? Di ba nung nahuli ka ni mama may kabit, pinanindigan mo ang tanginang kabit mo? Iniwan mo kami ni mama, di ba? Saan ka ba sa mga panahon na nangangailangan ako ng ama? Saan ka ba sa mga panahong may show your parents day nung high school ko, every year? Wala! Andun ka sa kabit mo, nagpakasasa. Di ka pa nakuntento eh. Inanakan mo pa. Ngayon may dalawa pa akong hating-kapatid. Di ka pa sumaya eh, pinakasalan mo pa ulit yang kabit mo. Alam mo ba kung gaano nasaktan si mama nung hinarap mo sa kanya ang annulment papers? Ang sakit para sa kanya tay! Pero anong ginawa ni mama? Nanahimik lang siya. Tiniis niya lahat ng sakit na binigay mo sa kanya. Ang kapal din naman ng mukha niyong tangina ka no? Pagkatapos mo buntisin ang nanay ko, humanap ka pa ng ibang kwebang iiyutin? Tapos pinamukha mo pa sa amin na di na kami importante? Ilang taon ko sinamahan si mama sa depresyon niya. Walang kibo, walang salita na lumabas, tila ba hindi na ako importante para sa kanya! Pero ako, ginawa ko ang dapat gagawin ng isang mabuting anak, nagsikap ako. Oo, successful ako, at natuto na ako maging independent. Pero si mama kailangan niya rin sumaya. Nakakita siya ng lalaking ipapalit sa’yo. Masaya ako’t sumaya siya sa wakas. Nagkaanak sila… paano ako? Ang bobo ko no para saktan ang sarili ko. Kaya ayun, humiling ako kay mama na lumipat kay lola. Wala kayo sa mga panahong iyon dad! Ako ang nagpasaya kay mama, kahit hindi ako ang dahilan nang pagiging masaya niya at kahit alam ko masasaktan ako kung pasasayahin ko siya. Pero mahal na mahal na mahal ko si mama, pero minahal ko rin ang sarili ko. Kina lola ako lumaki. Buong high school ko kina lola ako. Kahit isa sa inyo ni mama di ko magawang iharap sa mga Proud Parents week. Ang sakit dad! Si lola ang dinadala ko. Kahit alam ko na hindi ito hihigit sa pagkukulang ko sa inyong dalawa ni mama, at least pinaramdam ko kay lola ang pagiging thankful ko sa kanya. Nagthank you pa rin ako sa kanya sa pagtayo sa mga responsibilidad na di niyo kayang gawin. Tapos… tapos…”

Umiiyak na si Gab at bigla siyang humampas sa sofa.

“Pati si lola kinuha rin… Ang sakit! Wala nang mag-aalaga sakin. Nung nag-college ako, kahit papaano naka-SEAU pa rin ako. Kung ipamumukha mo sa akin ang perang pinangtutustos niyo ni mama sa akin? Hindi. Hindi po iyon ginalaw ni lola. Sariling perang pondo ni lola ang ginamit niya para sa akin. Siguro dahil siya lang ang may karapatang pwede ko matawag na pamilya. Binilhan niya pa ako ng condo, binayaran niya pa pati dorm ko. Kahit pala sa huling sandali alam niyang maayos ako, dahil inayos na niya lahat. Kahit sa sariling libing niya, siya pa rin ang umayos. Ikaw tay, anong nagawa mo? Nakikain sa lamay? Nakiinom ng kape? Mahiya ka naman. Nagsumikap ako para sa sarili ko, at eto ako ngayon. May sariling mga paa at nakakagawa ng sariling mga desisyon. Ang kapal naman ng mukha mong panghimasukan pati mga desisyon ko.”

“I’m capable of my decisions at kahit ni minsan hindi kita iniwan!” Sigaw ng tatay niya.

“I didn’t actually need your money dad. I needed you, and mom. Tapos eto ka ngayon, porke’t wala na ang kabit mo, pumuporma ka na kay mama na masayang-masaya sa buhay niya? Get your shit together.”

“Kagaya ka nga ng mama mo, di ka pinalaki ng maayos.”

“Baka siguro hindi rin siya ang nagpalaki sa akin. Pero that doesn’t mean na may karapatan ka na husgahan ako dahil pati ikaw, hindi mo ako pinalaki ng maayos. Mabuti pa ang mga bastardo mo, kaya mong alagaan. Ako? Ginawa mong paglilipatan ng tira-tirang pera niyo ng kabit mo.”

“I invested big money for them, Gab! it might sound crazy but 35 thousand ang binibigay ko sa’yo buwan-buwan! I always think of you and I never missed a month to support you! Kaya wala ka ring karapatan na husgahan ako bilang ama!!”

“Actually, meron. Dahil sa isang buwan, isang beses mo lang akong naiisip dahil isang beses ka lang sa isang buwan magpapadala ng pera. Alangan naman na hulog-hulog ka magtransfer ng fund. Siguro naiisip mo lang ako pagkatapos mo bahagian ng nobenta kyaw (90 k) ang mga bastardo mo. Siguro ang trenta singko na iyon ay tira-tira niyo na matapos kayong kumain sa mall, o magshopping, or whatever. Pero anyway, you want your money back? Here!” Sabay tapon ng ATM Card sa mukha ng papa niya. Natigilan ang kanyang ama sa ginawa niya. Hinablot siya ng papa niya at ginawaran ng suntok ang kaliwang mukha ng anak niya.

Nagulat si Gab at diretso siyang sumemplang sa sahig. Ramdam niya ang mainit na dugo na tumatakbo pababa sa kanyang baba mula sa gilid ng kanyang labi. Dinilaan niya lang ito at dinura sa sahig.

Tumayo si Gab at ngumisi sa kanyang ama.

“At least dad, pinilit kong di maging importante kay mama para bumalik siya sa dating siya. Yan ang tama. Buong buhay ko nagsakripisyo ako, di kagaya mo na sarap sa puki lang ang alam. Bakit, sa tingin mo, yan din ba ang tamang gawin?” Tumawa si Gab. Susuntukin pa sana ng tatay ni Gab si Gab nang biglang tumakbo ang mama ni Gab palapit sa kanya.

“Richard, you are a friend. But you don’t have any right to do this to my son.” Matigas na sabi ng kanyang mama.

“Dina, anak ko rin siya, at kailangan niyang madisiplina!” Sagot ng kanyang ama.

“Richard. I guess you have to leave. Kung kailangan mo ng kausap you can just visit me some other time. Sobra-sobra ang pagsuntok mo sa anak ko. That’s not how discipline should be. And for the record, hindi mo na siya anak. The moment you left us is the same moment you waived your father responsibility to my son. Now, just walk away and come visit me tomorrow when Gab leaves.” Sabi ng mama ni Gab.

Tinignan ni Richard si Gab sa mata na punong ng galit at umiling, tumalikod at dumiretso sa kanyang sasakyan. Maya-maya narinig na nilang umandar ang sasakyan ni Richard at umalis.

“So you heard?” Casual na tanong ni Gab sa kanyang mama nang umalis na si Richard. Naupo ito ulit sa sofa at inayos ang kanyang bag.

“Bakit di mo sinabi anak?” Tumabi si Dina sa kanyang anak.

“Let’s forget about it ma. Pauwi na ang asawa mo and I don’t want to ruin your family night.” Tumayo si Gab nang tapos na niyang ayusin ang kanyang bag.

“You can join our family, Gab. Mabait naman sila eh. And after all, anak pa rin kita.” Ngumiti ang mama ni Gab ngunit hindi ito nilingon ni Gab at diresto lang siya sa paglakad.

“I choose not to be your son, mom. Ayaw kong araw-araw babalik sa’yo ang mali ni dad este Richard. And it’s better this way. Mukhang mas masaya ka na naman ngayon sa bago mong pamilya. Wag kang mag-aalala sa akin. Sanay na ako na walang pamilya. And don’t worry, di kita guguluhin. I just want to stay in my room for tonight.” Umakyat na sa guest room si Gab habang ang kanyang mama ay naiwan sa mala-palasyong sala nila.

This is my decision mom, and I stand by it. Ayoko na maging pabigat. Sabi ni Gab sa sarili.

---

Nagising si PM sa pagvibrate ng phone niya. Nang makabangon na siya mula sa pagkakatulog sa kanyang mesa, napansin niya ang oras: 6:43 AM.

Nakatulog pala ako. Sabi ni PM sa sarili. Tumayo siya at nag-ayos na ng gamit para dumiretso na sa SEAU kung saan gaganapin ang taping ng kanyang pelikula.

Nang matapos na siyang mag-ayos ng gamit, tumayo siya at papalabas na sana ng office niya nang mapansin niya si Arthur na nasa labas ng office niya, naninigarilyo.

“Good morning!” Bati ni Arthur sabay kindat kay PM. Ngumisi lang si PM at umakbay dito.

“You drive. SEAU. We have to be there ASAP.” Pagmamadali ni PM.

“Of course, I was ready five minutes ago.” Hinablot ni Arthur ang kanyang bag at gnapang ang kanyang kamay sa bewang ni PM. Ganito ang kanilang posisyon hanggang sa makaabot na sila sa carpark at makasakay na.

Dahil sa maraming bagay na pumapalibot sa utak ni PM, di niya napansin na nasa SEAU na pala sila.

“PM? We’re here. Don’t you want to sip some coffee so I can go park the car?”

“Art, okay. I’ll just wait for you inside. I do think I need some coffee.” Suyo ni PM.

“Alright. I’m heading to the dorm to get all the equipment ready. I will meet you at nine.”

“Sure.” Sabi ni PM.  Hininto sandali ni Arthur ang sasakyan para makababa si PM.

“Good luck to us?” Ngiti ni PM habang nakahawak sa pintuan ng sasakyan. Nakatingin nang may saya sa mukha ni Arthur. Sinuklian naman ni Arthur ang mga titig ni PM, ngumiti at umiling.

“Come here, you.” Nakaw ni Arthur sa leeg ni PM para mapalapit ang mukha nito sa mukha niya. Nang maagaw na niya ang ulo ni PM, hinalikan niya ang noo ni PM at ngumiti.

“Good luck to us.” Binitawan ni Arthur ang leeg ni PM. Kumalas naman si PM sa hawak ni Arthur. Umatras si PM at dahan-dahan sinara ang pintuan habang nakangiti pa rin kay Arthur. Kumindat si Arthur nang umusad na ang sasakyan patungo sa carpark ng SEAU.

Nang makaalis na ang sasakyan ni Arthur, dumiretso si PM sa coffee shop kung saan minsan siyang ngumiti, umibig, umiyak, at nasaktan.

Binuksan ni PM ang pintuan at naglakad patungo sa mesa na pinakamalapit sa pintuan. Nasa harap ni PM ay salamin na kahit noon pa man ay nakikita na niya. Tama, ito pala ang paborito kong pwesto noon pa. Bulong ni PM sa kanyang isip. Dahil sa kanyang naalala, unti-unting bumabalik sa isip niya ang mga ala-ala na dapat noon pa ay nakalimutan na niya.

Nanatili ang kanyang postura at para di masira ang araw niya, kaagad niyang binuksan ang kanyang bag at nagrecheck ng mga script at mga scenes na ite-tape ng crew sa araw na iyon. Maya-maya lumapit ang waitress sa kanya at hiningi ang kanyang order. Umorder naman si PM ng Green Tea Latte.

“Five minutes sir and darating na ang order niyo.” Ngiti ng babae.

“Thank you.” Tumango si PM at bumalik ang babae sa counter upang ipakuha ang order ni PM. Tinignan ni PM ang kanyang relo at 6:55 AM na pala. Saktong alas-siyete darating ang order niya.

Marahil busy sa pag-sosort out ng script si PM, di niya namalayan na dumating na pala ang kanyang Green Tea Latte. Kaagad niya itong kinuha at humigop mula sa straw.

“Aga mo ata ah.” Sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likod ni PM. Mula sa good mood na binuo ni PM mula sa bad mood na dala ng coffee shop dahil sa mga ala-ala, bumalik na naman ang bad mood niya nang marinig ang boses ng lalake. Di niya ito tinignan at di man lang tumalikod para silipin kung sino ang nasa likod niya.

“Maybe because director ako and kailangan ko maging responsable.” Diretsong sagot ni PM habang inaayos ang kanyang plaid blue polo. Tinanggal ni PM ang kanyang mga paa mula sa pagsusuot niya ng black and navy blue na sneakers at nilapag ito sa kanyang upuan.

"Look, I know I messed up and I just want to make it up to you. I hope you don’t anything to me today and I hope before the day ens, okay na tayo." Umupo ang lalakeng naka white T-shirt at naka-skinny maong jeans na naka-beanie.

“Please, Gio, wag mong sirain ang araw ko.” Hindi gumalaw si PM at nanatili sa kanyang kinauupuan.

“PM, we’re workmates now so-”

“No. I’m your boss and you work for me. Now, let me tell you some house rules so you won’t get lost like a stray dog heading straight toward the pound. I don’t want people talking to me if it’s not work-related. More so, I don’t want people talking to me if I didn’t talk to them first. You got that? Now get lost.”

Mistulang mga sibat ang mga salita ni PM na tumutusok sa damdamin ni Gio. Walang nagawa si Gio at nanatili lamang siyang nakaupo, nakatingin kay PM. Maya-maya, dahan-dahan na siyang tumayo at naglakad palabas ng coffee shop. Nakayuko si Gio kaya hindi nakita ng mga nakakasalubong niya ang kanyang mukha.

Tumunog ang pintuan hudyat ng pagbukas nito at diretsong umupo sa harap ni PM.

“Si Gio ba yun?” Tanong ni Gab sa kanya.

Tango lang ang natanggap na sagot ni Gab.

“Bakit nandito siya?”

“Lead.” Maikling sagot ni PM kay Gab. Tumango na lang si Gab para ipakita kay PM ang kanyang pagsang-ayon.

Nang matapos na mag-arrange ng mga script si PM, kaagad niyang tinignan ng masama si Gab. Naka violet and yellow designed cartoon character shirt ito at khaki jeans.

“Kala ko ba 7 ka pupunta dito? E 7:05 ka na dumating ah?” Masungit na tanong ni PM na kinatawa ni Gab.


“Five minutes lang naman yan eh. Tsaka ikaw kaya ang nagtext ng 7:00!” Tumawa si Gab sabay gulo sa buhok ni PM.

Huh? Sa isip ni PM.


“Eh kung nainip ako ng 7:02 at umalis ako, anong magagawa ng 7:05 mo?” Pagmamaktol ni PM habang inaayos na niya lahat sa kanyang bag at nagligpit ng gamit.

“Tsk. Naman oh. Sorry na. Ang text mo kasi sa akin seven tsaka galing pa ako kina mama kasi nandoon na naman si Richard baka manggulo.”

“Mga paasa kasi kayo eh akala niyo lahat ng tao maghihintay ng matagal para sa inyo kaya kampante kayong dumating ng late.” Pagmamaktol ni PM nang matapos na siyang iligpit ang kanyang mga gamit.

Hinintay ni PM na sumagot si Gab ng pasigaw ngunit hindi ito nagsalita at tumitig lang ito sa kanya.

“Oh, anong problema mo?” Masungit na tanong ni PM.

“Huwag ka na mainis oh. I’m sorry. Yaan mo na kahit this time lang. Di nga ako nagalit na after 8 years ka lang dumating.” Mahinang sagot ni Gab.

Natigilan si PM at kahit di nya man aminin, may bahagi sa kanyang puso na kinilig dahil sa sinabi ni Gab. Umiling na lang si PM at pilit tinatago ang ngiti.

“Tagal na pala simula nang huli ko siyang nakita.” Lumungkot ang boss ni Gab.

“Nino?”

“Nung nakilala ko sa library walong taon na ang lumipas. May girlfriend pa ako noon eh. Pinakilala ko sa kanya yung babaeng nagpapasaya sa aking ng mga araw na iyon. Di ko alam pero ang gaan gaan ng loob ko sa taong to. Siguro dahil sa roommate ko ang bestfriend niya. Nagtiwala ako sa bestfriend niya pero mas malaki ang tiwala ko sa kanya. Maliit na tao pa siya noon eh, palatawa, palangiti.”

Nanlamig ang lalamunan ni PM sa mga pagbabalik-tanaw na kinukwento ni Gab. Bumilis ang tibok ng puso niya at ramdam niya ang tensyon sa buong katawan. Hindi kumportable si PM kaya dinamihan niya pa ang pag-inom ng kanyang latte.

“Tapos, ang cute cute niya pa noon. Kahit ayaw niya eh pinipilit siya ng mga tao na mag-bromance sila ng roommate niya. Haha, lakas niya pang manuntok noon parang masisira ang buong katawan mo pag humampas ito sa mga kamao niya.”

“Gab, tama na.” Nilapag ni PM ang kanyang latte sa mesa.

“Tapos, di ko makalimutan iyong naospital ang bestfriend niya, at nagbantay siya rito buong magdamag. Pagod na pagod ang mukha niya pero bakas pa rin ang pag-aalala niya sa mga taong malapit sa kanyang puso. Shit, sana kahit minsan naging malapit din ako sa kanya para maalagaan niya rin ako.”

“Gab, please.” Lumakas ang boses ni PM sa puntong ito. Ngunit hindi nagpapigil si Gab.

“Pero di niya alam na simula noon pa, malapit na talaga siya sa puso ko. Naalala ko lang na bihira pala akong ipakilala sa mga kaibigan ang girlfriend ko, pero siya? Unang kita ko pa lang sa kanya kampante na ako.”

“Gab, please wag ganito.” Inayos ni PM ang kanyang buhok.

“Siya? Sinaktan lang siya ng bestfriend at boyfriend niya. Tila ba gusto ko siyang alagaan. Tila ba gusto ko siyang gawing baby sa mga braso ko. Tila gusto ko matulog siya sa mga braso ko hanggang sa mawala ang sakit sa puso niya.”

“Ano ba!” Sigaw ni PM kay Gab. Lumingon ang iba pang tao sa kanyang direksyon ngunit hindi pa rin nagpatinag si Gab.

“Tapos, nung malaman kong niloloko din pala ako ng girlfriend ko, wala na akong malapitan. Marami akong kaibigan pero di ko sila mapagkatiwalaan. Nahihirapan akong magtiwala sa iba ngunit itong taong ito talaga ang nilapitan ko at iniyakan ko sa mga panahong mahina talaga ako. Pero nadala ako sa kanya, kasi tinanggap niya ako at tinulungan niya ako, at tinanggap niya pa ako kahit siya mismo basag na basag at durog na durog.”

“Isa.” Bilang ni PM.

“Di ko man mailabas sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko sa taong ito, pero alam ko na kung ano ito.”

“Dalawa.”

“Sana bago man siya nawala, hinayaan niya man lang akong subuan siya ng pagkain, yakapin siya, matulog sa tabi niya habang nagyayakapan, mahalikan siya, at ibigin siya.”

“Tatlo.”

“Sana malaman niyang mahal na mahal ko siya-” SPLAK!

Naramdaman ni Gab ang malakas na impact sa kanyang mukha. Nang tingnan niya si PM, nakatayo ito at nakayuko, mga butil ng tubig na nalalaglag mula sa mukha nito.

“Kung sinabi kong tama na, tama na!” Sigaw ni PM at bumalik ito sa pagkakaupo. Tumutulo ang mga luha ni PM ngunit hindi man lang siya humagulgol. Mga malalalim na hininga lamang ang bakas na bakas sa kanyang katawan.

“PM. Bakit kailangan mo pa magbago? Bakit kailangan mo pa ako pahirapan? Isa lang naman ang hiling ko ah! Gusto ko lang bumalik si Angelo, yun lang!” Tumulo na rin mula sa mga mata ni Gab ang kanyang mga luha.

“Well, I’m sorry, Gab. Pero di na babalik ang Angelo mo! Matagal na siyang patay at matagal na niyang pinili ang manahimik. Kung may problema ka sa pagkawala niya, pwede mo siyang sundan sa langit!”

“Tsss.” Pambungad ni Gab, “you know you’re lying. You know na hindi pa siya patay at you know na pwede mo siyang maibabalik. Kaso, hindi mo lang kayang gawin. Tangina ka PM! Di mo lang alam kung gaano ko siya namiss!”
Bahagyang tumawa ng pakutya si PM sa narinig.

“Then that’s not my business anymore. Wala na akong pakialam sa mga taong gusto si Angelo. Everybody has to move on and face the reality that PM is PM and people get to deal with that! They have no choice but to deal with that!”

“Not everybody are liking PM.”

“Nobody cares, Gab. Angelo has had faced so much shit for the past years. Wag mo na siyang saktan pa. And if you really love him, stop scratching his scars. Sinusugatan mo lang siya nang paulit-ulit. Give him rest.” Pinunasan ni PM ang kanyang luha at inabot ang kanyang bag. Kaagad siyang tumayo at tumalikod mula kay Gab.

“PM!” Sigaw ni Gab nang papaalis na si PM mula sa coffee shop.

“Kala ko ba patay na si Angelo? Bakit ka nasasaktan para sa kanya?”

Dahan-dahan tumalikod si PM at hinarap si Gab. “Fuck off. He’s dead.”

“I’ll bring him back to life.”

“Suit yourself.” Tumawa ng pakutya si PM at umiling, sinusubakan wag mabakasan ng tao ang lungkot sa kanyang mga mata. Tumalikod siya kay Gab at dumiretso para sa pintuan nang nakasalubong niya ang matangkad na babae. Ang huli niyang narinig ay: “BABY GAB!!! NA MISS KITA!!”

Gab tangina ka bakit ba kasi ang kulit mo. Iling ni PM habang diretso siya sa venue ng first scene nila. Di niya pinigilan ang luha na pumatak.

---

“Di mo alam kung gaano katagal kitang hinintay.” Hinampas ni Gio ang lalake sa dibdib. Kumalas silang dalawa sa paghahalikan.

“Ako rin.” Sabay nakaw ng lalake sa ulo ni Gio patungo sa kanyang harapan. Nagpaubaya naman si Gio.

“Alam mo naman na hindi ako chumuchu-” Sinabunutan ng lalake si Gio sa buhok at napilitan si Gio na ibaba ang kanyang ulo. Hindi siya makapiglas dahil sa lakas ng sabunot. At dahil walang nagawa si Gio kundi sungguban na lang ang harapan ng lalake.

Nang malabasan na ang lalake, naghalikan sila ni Gio. Pero hahalikan pa lang sana ng lalaki si Gio ay umatras si Gio at humiling.

“Di ko kaya to.” Wika ni Gio.

“CUT, CUT! Is this a fucking joke? Where now taking 18 and this is really hard for you Gio? Take 5!” Sigaw ni Arthur sa set. Umilaw ang room 619 at napakamot ng ulo ang cameraman at ang set manager.

Dali dali namang sumugod si Arlene kay Gio upang bigyan ito ng towel para punasan ang bibig nito.

“Okay ka lang ba pre? Sorry kung malakas ang panabunot ko ah.” Paghingi ng patawad ng aktor kay Gio.

“Di, okay lang. Kasalanan ko naman. Sandali lang ha. Tubig lang.” Tumakbo si Gio patungo sa pantry room kung saan nakita niya si PM na masayang nakaupo sa upuan kaharap ang laptop nito na nasa mesa.

Sinadyang dumaan ni Gio sa likod ni PM para masilip nito kung ano ang tinitignan ni PM at bakit masayang-masaya ang kanyang mukha.

Nang makadaan si Gio sa likod ni PM, uminit ang kanyang ulo. Tumayo si PM para magtimpla ng kape. Sinundan naman siya ni Gio sa lababo at tinabihan.

“So, pinapanood mo pala ang taping sa room 619?” Panimulang tanong ni Gio, sinusubukang di magalit si PM.
“Of course. Ako kaya ang producer at first director nito. Do you expect me to stand away and do nothing to something I am investing?” Naglakad si PM papunta sa water dispenser nang malagyan na niya ng 3-in-1 coffee ang kanyang baso. Umupo kaagad si PM sa kanyang pwesto.

“Napaka-insensitive mo naman. Pinapagawa mo sa akin ang ginawa mo sa akin noon.” Nakatapis lang ng tuwalya si Gio at nakaboxer briefs sa loob dahil ang scene na tinetape nila ay kinakailangan niyang ipakitang nakahubad siya.

“Tsss. Come on Gio. Hanggang ngayon ako pa rin ang may kasalanan kung bakit mo ginahasa ang bibig ko? Get over it.” Uminom si PM sa kanyang baso.

Kaagad na hinampas ni Gio ang pintuan ng pantry room pasarado at nilock ito. Dumiretso siya sa harap ng mesa at diretsong sinuntok ang mesa para makuha ang atensyon ni PM.

“Alam ko PM na pinaglalaruan mo lang ako at alam ko ginagamit mo ang movie project mo para makapaghiganti sa akin. Alam mo naman na hindi ko kayang gawin ang pinapagawa mo, pero pinapapilit mo kay Arthur na gawin ko ito. Duwag ka ba?! Kailangan ko pa ba magdusa?!” Sigaw ni Arthur kay PM nang di na niya mapigilan ang sarili.

Dahan-dahan gumapang ang mata ni PM sa katawan ni Gio patungo sa kanyang mga mata. Kalaunan ngumiti si PM at tumayo.
“Awww. Tsk-tsk-tsk. Galit ka na ba Gio?” Mahinang tono ni PM na may halong sarkasmo.

“Ganito lang yan Gio eh. If you can’t do it, you’re always free to walk out. Di ba pinagmamalaki mo na ikaw ang pinakamagaling umarte sa buong Pilipinas? Prove to me you really are. Hence, kung di mo kaya ang pag-arte sa kahit anong larangan, kahit anong script? Might as well quit!” Magpalaro ang tono ni PM kay Gio.

“Which I would be really disappointed about. Imagine, Gio, sa dami ng gustong kumuha ng role mo dahil ako ang direktor, itatapon mo lang? I’m trusting you with this. Once you leave, then consider my trust broken. It would only mean I made the wrong decision to take you in. And besides, you’re not a loss to this project. I can just hold another audition for your role. So please, don’t ever think na special ka.” Umiling si PM sabay nakakaawang ngiti na halatang pang-uyam kay Gio.

Sinarado ni Gio ang kanyang kamao at halatang handa na siya suntikin si PM.

“Susuntukin mo na ba ako Gio? Sasaktan mo na ba ako kagaya ng ginawa mo noon? Go ahead! Dito naman sa kaliwa!” Sabay lapit ni PM sa kanyang mukha kay Gio.

“WHAT’S YOUR PROBLEM, PM? DO YOU EVEN GET ANYTHING OUT OF THIS?!” Sigaw ni Gio habang pinipigilan ang sarili na makapanakit. Siguro dahil sa isang bahagi ng puso niya, hindi niya talaga kayang saktan ang dating kaibigan.

“I don’t know Gio.” Sagot ni PM habang bumalik ulit sa pagkakaupo. “Did you?” Sabay ngiting demonyo kay Gio.

“ARGH!!!” Sabay suntok ni Gio sa pintuan at unlock nito. Sinuntok niya ulit ang dingding at napasigaw. Kaagad siyang tumukod sa dingding, ang likod kaharap ang kongkreto. Sinandal niya ang likod ng kanyang ulo sa dingding at dahan-dahan hinampas ang sarili nito.

Samantalang si PM, kalmadong nagshut down ng laptop at dinala ang laptop hanggang sa huminto siya sa pintuan ng pantry.

“Maraming salamat sa pag-unlock ng pintuan. Hahaha.”

“Ano bang nagawa ko sa’yo PM at ginaganito mo ako?” Sinserong iyak ni Gio na dinig na dinig ni PM. Ngumiti lang si PM at umiling habang naglakad papalabas ng pantry kung saan nakasalubong niya si Arthur.

“Is that Gio crying?” Tanong ni Arthur kay PM. Tumango lang si PM habang nakangiting demonyo pa rin.

“What happened?”

“Practicing his dialogue. He probably got a clue I’ll direct the next scene.” Sagot ni PM kay Arthur habang diretso ang lakad sa elevator pababa sa conference room na nasa ground floor ng dorm kung saan namamahinga ang ibang member ng crew.

So it’s your turn getting back to people who hurt you huh? You deserve it. Mga salitang binubulong ni Arthur sa kanyang isip. Napangiti na lang siya kay PM.

---

“Tol! Tol!” Tawag ng aktor sa kanyang mga tropa na taga-Engineering. May pinatong ang lalake sa ulo ni Gio. Nang lumingon si Gio, nakita niya ang lalake na tumatawa sa kanya. Nilagyan pala siya ng pang-maid na headdress sa kanyang ulo.

“MGA TOL, PRESENTING, ANG CHIMAY KONG BAKLA!” Tumawa ng malakas ang lalake at ang mga kaklase niya.

Tumingon lang si Gio at ayaw na niya itong patulan pa.

“HALAAA UMIIYAK NA IYAN!” Kantyaw ng kanyang mga kaklase.

“Wala iyan, eto lang solusyun diyan!” Kwinelyuhan ng lalake si Gio at sinuntok ito sa mukha.

Naramdaman ni Gio ang kamao ng kanyang co-actor na tumama sa kanyang pisngi na pagkalakas-lakas.

“CUT!” Sigaw ni PM.

“Sorry tol ah. Masakit ba?” Pag-check ni Andre kay Gio.

“Di ayos lang tol. Acting lang to lahat.” Pagpapagaan ng loob ni Gio kay Andre.

“Parang nalakasan ko ata eh.”

“So, ano, mag-uusap na lang kayong dalawa? Tangina Andre, ayusin mo naman ang pagsuntok kay Gio! Ang lamya mo naman sumuntok eh nakakawala ng angas.” Pagpuna ni PM kay Andre.

“Pero sir, kung lalakasan ko po, mamamaga ang mukha ni Gio? Take 5 na kasi tayo malamang limang suntok na rin ang natamo niya.”

Nakatitig lang ng pagalit si PM kay Andre. “So ano, gusto mo ikaw na lang magdirect?!”

“Sorry sir.” Paghingi ng patawad ni Andre.

“Paano ba sumuntok, Andre?” Tumayo si PM mula sa pagkakaupo at lumakad papalapit kay Andre.

Sumuntok si Andre sa hangin nang pagkalakas-lakas.

“Try mo sa mukha ni Gio.” Utos ni PM kay Andre. Napaatras si Andre at nanlaki ang mga mata ng mga tao na nasa loob ng set nang mga oras na iyon. Gusto nang sumugod ni Arlene para depensahan si Gio ngunit pati siya di mabuo ang lakas para kausapin si PM.

“Ehhh… S-Sir…” Pag-aalinlangan ni Andre.

“Di mo magawa? Sige ipakita ko na lang sa’yo.” Nilapitan ni PM si Gio at sinuntok ito ng dalawang beses sa tiyan, isa sa mukha. Pinilit maging matatag ni Gio sa mga oras na iyon na hindi matakot sa mukha ni PM.

Sobrang lakas ng pagkakasuntok ni PM na dinig na dinig ang hangin ng bawat suntok na dumadapo sa katawan ni Gio.

Hindi maipinta ang takot sa mukha ni Andre nang palipat-lipat siya ng tingin mula kay Gio na halatang nagpipigil umiyaw sa sakit at sa direktor na nakakapangilabot.

“So ano, Andre? Are you gonna practice on Gio or do I have to show you again but this time, with you. Pili ka?”

Yumuko si Andre at dahan-dahan lumapit kay Gio. Ramdam ng buong set ang mata ni PM na sumusunod kay Andre.

Ilang sandali ang dumaan ngunit nakatayo lang si Andre sa harap ni Gio.

“Ano ba Andre? Akala ko ba magaling ka? Ang totoong magaling na actor, namimigay at tumatanggap ng sakit. Palibhasa kasi dito sa Pilipinas, mahilig tayo sa peke, pekeng gamit, pekeng kaibigan.” Sabay tingin kay Gio.

“So ano Andre. Do it!” Sigaw ni PM kay Andre. At may alinlangang sinuntok ni Andre si Gio sa pisngi. Ngunit bakas pa rin sa mukha nito na hindi gusto ang ginagawa.

“Sige pa.” Utos ni PM at sinuntok ulit ni Andre si Gio na pagkalakas-lakas.

“Yun na ba yun?” Pang-iinis ni PM kay Andre. Isang suntok ulit sa kabilang bahagi ng mukha ni Gio.

“Hina naman eh.” Umiling si PM.

“Tama na!” Sigaw ni Arlene. Tumakbo ito palapit kina PM.

“Wow. Lumalaban.” Sarkastikong usal ni PM kay Arlene.

“Hindi na tama ang ginagawa mo ha! Hindi porke’t magaling ka na direktor pwede mo nang saktan ang mga kinontrata mo. Napaka-unprofessional mo! Kung di ka titigil, wiwithdraw kami! Mas mabuti pang kumuha na lang ng ibang role si Gio!”

“Then go ahead and quit! Don’t forget you’ll have to return half million once you quit. Refer to your copy sa kontrata. Bullet 32,  ‘Any actor who decides to withdraw from his/her contract will have to inform the director and/or producer/s at most one week before disclosing the finished project for the public.’ And on top of that Arlene, I’ll make sure I won’t be the bad guy once you guys quit. Besides, ano naman ang kinatatakutan mo, Arlene? Magaling naman si Gio ah, kaya nya yan lahat. Di ba, Gio?” Sabay batok kay Gio sa kanyang gilid.

Si Gio, tinatanggap lang bawat tama mula kay PM. Nakayuko lang siya at tahimik na nakikinig sa palitan ng mga salita.

Tumawa lang si PM sa galit na galit na mukha ni Arlene.

“Honey, you’re too angry to work. Everybody, BREAK!” Sabay sundot sa baba ni Arlene habang demonyong nakatawa.

Tumalikod si PM at naglakad patungo sa fountain park. Nang tinignan niya ang oras, mag-aalas otso na pala ng gabi. Pinapanood niya ang mga estudyante na kampanteng naglakad sa gilid ng fountain park. May mga magkaibigan at mga magsing-irog na masayang-masaya magkasama. May mga umiiyak, may mga malungkot, may mga wala lang.

Nakaramdam ng pagod si PM kaya kumuha siya ng isang pirasong yosi at sinindihan ito.

“Kahit ang mga matatalino napapagod din pala no?” Tumabi ang isang babae sa kanya at nakisindi mula sa kanyang yosi.

“Ang plastik mo rin Riza no.” Hithit ni PM sa kanyang yosi.

“Hindi porke’t nakikipag-usap ako sa’yo ay gusto ko ulit makipagkaibigan ako. Gago ka kasi PM eh. Anong magagawa ko? At saka nasestress lang ako sa’yo kaya hindi na ako magsasalita. Gusto mong kalimutan ko pagkakaibigan natin, ayos lang. Baka naman kasi sobrang bitter mo lang talaga at kailangan mo ng time para sa sarili mo para maghiganti sa mga nanakit sa’yo.”

“Matalino ka pala talaga.” Umiling si PM at di man lang tinignan si Riza.

“Ako pa. Kanina pa pala ako sumisilip sa taping niyo. Nakita ko rin yung ginawa mo kanina.”

“Ano naman sa’yo?” Payak na sagot-tanong ni PM.

“Wala. Sabi ko lang nakita ko ang ginawa mo kanina. At ngayon, gusto ko lang magtanong, masaya ka ba sa mga paghihiganti na ginawa mo?” Seryosong tanong ni Riza sabay tingin sa mukha ni PM.

“Alam mo Riza, it’s not a good attitude to stick your nose on other people’s business.” Sabay buga ng usok. Di pa rin siya nakatingin kay Riza.

Napatawa lang si Riza sa mga sagot ni PM. “Bumalik ata ang dating Angelo bago naging gago kay Dimitri ah?”

“It was better back then. I should have known he was a damned asshole. Tangina I could have been better than that. Ang gago gago ko kasi.” Ngumiwi ang mukha ni PM, tinignan ito ni Riza at tila ba pinipigilan niya ang maiyak.

“Ang gago gago ko kasi. Alam mo Riza, okay lang sana ako masaktan lahat-lahat. But I lost my family, I lost my goddamned family. Anybody but my family. God, I though after eight years makakalimutan ko to lahat Riza, pero babalik at babalik pala talaga lahat. You know, just a few days back, I saw a young girl almost ran over. I almost pushed her get myself killed, pero naunahan ako ng mama niya. And it fucking hurts. There was blood all over and I couldn’t even look at the old woman dying. Naalala ko ang mama ko. Fuck Riza, how I wanted to sacrifice myself for them. And I felt the pain the little girl felt, ang sakit. Ang sakit sakit.” Nagsimula nang humagulgol si PM sabay hithit-buga mula sa kanyang yosi.

“I’m listening ANGELO.” Sabay buga ni Riza ng usok.

“And every single day I can’t stop thinking about them. And this..” Tumayo si PM, “This fucking place? This fucking school? It brings all the pain. And I don’t even understand why I’m here! I don’t understand what I am supposed to do! I’m killing myself. Wait, no, I’m dead. I’m already dead! But I’m killing myself again, I’m dying in a dead pit, but I’m dead! I’m not making any sense, fuck I can’t understand myself!” Sinipa ni PM ang mga bato sabay sigaw.

“Ilabas mo pa iyan, ANGELO.”

“At eto ako, naghihiganti. Para kanino? Sa akin? Haha, puta. Wala na ata akong ikasasaya eh. Isa akong miserableng tupa na kain ng kain ng damong nakakamatay. Pero alam mo iyong may bakanteng bahagi pa rin sa puso mo na gusto mong magkalaman, pero kailanman alam mong hindi mo malalagyan at di mo maipupuno. Ang sakit Riza.”

At tuluyan ng umiyak si PM habang nakaluhod sa damuhan sa fountain park.

“Pero masaya ka naman ba na nakakasuntok ka sa mukha ni Gio?” Tanong ni Riza.

Dahan-dahan inangat ni PM ang kanyang ulo at napangiti. “At least napaparamdam ko sa kanila ang sakit na dinala nila sa akin.”

Nakaupo pa rin si Riza sa gilid ng fountain at bumuga ng usok.

“So, anong masama sa ginagawa mo? Kung diyan ka masaya Angelo, ano ba ang magagawa ko? Everybody has to be bad sometimes.” Tumayo si Riza at tinapon sa fountain ang kanyang ubos na yosi.

“And sometimes, those who were victimized should stand up. Pero sa huli, ikaw lang naman ang makakasabi kung worth it ba lahat ng mga ginagawa mo. If hindi na, you can always quit. You know na kahit anong paghihiganti ang gawin mo, o ilang suntok ang gawin mo sa mukha ni Gio, hindi na maibabalik ang pamilya mo. Just as long as it’s working for you for now, I don’t see any reason why quit so soon. Bakit, naaawa ka na ba kay Gio? Kay Dimitri? Kay Corina?” Tanong ni Riza.

“Hell no!”

“Then you’ve answered your own question! I got to go, Angelo. Marami pa akong review na gagawin. It’s great not being friends to you.” Tapik ni Riza sa balikat ni PM at diretso nang naglakad.

Tumalikod si PM para yakapin ito ngunit nakakalayo na si Riza.

I needed that one. Sabi ni PM habang nakatingin kay Riza na nakakalayo na mula sa kanya.

---

Naglakad si PM sa pinakamalapit na bathroom para umihi at maghilamos. Nang binuksan niya ang ilaw, napansin niya na wala nang ibang tunog maliban sa kanyang ginagawa.

Matapos niyang umihi sa urinal at naghilamos, papalakad na sana siya palabas ng banyo nang may narinig siya.

“Uhhh, fuckkk, wag ka munang gumalaw baka di pa nakaalis.” Bulong na narinig ni PM.

Huminto si PM malapit sa pintuan para ipaalam sa kanila na nakaalis na siya.

“Nakaalis na ba?”

“Nakaalis na ata eh?”

“Sige, fuck, uhh shit sarap. Sige pa.”

“Masarap ba? Huh?” Ungol ng dalawang lalake.

“Tangina, lalabasan na yata akoooo.”

“Pigilan mo, pigilan mo!”

“Tangina eto na ako.”

“Wag di ka nagcondom gago ka Gio!” Gustong tumalon ng tenga ni PM sa pangalan na narinig.

Gio? Nanlaki ang mata ni PM sa narinig.


Itutuloy…


Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2

28 comments:

  1. WHOAH WE GOT HERE! Damn! Nice revelations. I want to time travel to know the next chapter. More power po sa author. :)

    ReplyDelete
  2. wow!Hindi na napigil ni gio..... shit! ha...ha...ha...
    worth it naman ang paghihintay.
    thanks.. author.

    red 08

    ReplyDelete
  3. salamat author... tagal ko rin wait ang tuloy ng story mo... so much love your story...

    ReplyDelete
  4. At last..grabe kaganapan.

    A million tnx sa author/writer at sa admin ng msob blog.

    Good story..cant wait sa next chapter.

    Eddieboy/bhobot

    ReplyDelete
  5. Sobrang ganda :) mejo nakakaiyak. Two thumbs up Mr author :)

    -jetrho

    ReplyDelete
  6. Thanks po sa update... WOW sulit na sulit talaga ang pag-iintay sa update... Namiss ko si PM sobra
    :-D


    Kilig much ako sa panimula ng CHAPTER 09 :-)
    Go! GAB!! Ngayon nanjan na si PM.. please wag mo na pakawalan... Mahalin mo siya wag ka sumuko...

    DIMITRI, kulang na kulang pa yan sa lahat ng ginawa mo kay PM! NASA HULI TALAGA PAGSISISI DIMITRI, meron na bang nagsisi sa UNA?? :-) :-)

    Ibang LEVEL pa din talaga si CORINA walang kakupas kupas sa PAGPAPANGGAP! Napakalandi naman... tsk.. tsk... kelan kaya malalaman ni DIMITRI ang AFFAIR ni JUN at CORINA...

    may natitira pa din kabutihan sa puso ni ANGELO :-) Sana huwag nya pabayaan si LAUREL...

    WOW! INTENSE ang eksena ni ASHLEY at CORINA para akong nanonood ng TELENOBELA :-) galing mo ASHLEY :-)

    Nadala ako kay GAB! sa eksena nilang mag-ama... Grabe naluha ako dun...

    SANA MAGING MAAYOS na ulit samahan ni PM at RIZA :-)

    WOW! SINO kaya yung kasama ni GIO... grabe... excited na ako sa NEXT UPDATE...

    EVERY CHAPTER talaga magaganda... INTENSE tlaga... sulit na sulit tlga kahit mtgal ang update :-) thanks ulit #IDOL :-) ^_^ ;-)

    NEXT CHAPTER PO hehe :-)

    MARAMING MARAMING SALAMAT ULIT IDOL :-) Sana Weekly na update hehe... baka makalusot lang... :-)

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. Thanks po sa update... WOW sulit na sulit talaga ang pag-iintay sa update... Namiss ko si PM sobra
    :-D


    Kilig much ako sa panimula ng CHAPTER 09 :-)
    Go! GAB!! Ngayon nanjan na si PM.. please wag mo na pakawalan... Mahalin mo siya wag ka sumuko...

    DIMITRI, kulang na kulang pa yan sa lahat ng ginawa mo kay PM! NASA HULI TALAGA PAGSISISI DIMITRI, meron na bang nagsisi sa UNA?? :-) :-)

    Ibang LEVEL pa din talaga si CORINA walang kakupas kupas sa PAGPAPANGGAP! Napakalandi naman... tsk.. tsk... kelan kaya malalaman ni DIMITRI ang AFFAIR ni JUN at CORINA...

    may natitira pa din kabutihan sa puso ni ANGELO :-) Sana huwag nya pabayaan si LAUREL...

    WOW! INTENSE ang eksena ni ASHLEY at CORINA para akong nanonood ng TELENOBELA :-) galing mo ASHLEY :-)

    Nadala ako kay GAB! sa eksena nilang mag-ama... Grabe naluha ako dun...

    SANA MAGING MAAYOS na ulit samahan ni PM at RIZA :-)

    WOW! SINO kaya yung kasama ni GIO... grabe... excited na ako sa NEXT UPDATE...

    EVERY CHAPTER talaga magaganda... INTENSE tlaga... sulit na sulit tlga kahit mtgal ang update :-) thanks ulit #IDOL :-) ^_^ ;-)

    NEXT CHAPTER PO hehe :-)

    MARAMING MARAMING SALAMAT ULIT IDOL :-) Sana Weekly na update hehe... baka makalusot lang... :-)

    ReplyDelete
  9. There you go. 2 chapters na pero I'm craving for more. Kudos! Marvs

    ReplyDelete
  10. Thanks Mr Author. Magandang-maganda. It's worth the wait. I'll wait for the next update. Take care

    ReplyDelete
  11. Gaya pa din ng dati napakahusay ng kwentong to. Di nakakasawang basahin. Tumatatak talaga. Galing mo mr. Author. Sulit naman paghihintay. Nakakatawa na nakakalibog si Gio na parang di totoo yung ginagawa nila. Haha. Kung totooan feeling ko si Andre kasama nya. Haha

    -tyler

    ReplyDelete
  12. Grabe ibang level a talaga gumawa ng kwento mr author.ty and god bless

    ReplyDelete
  13. Late pero worth waiting naman.
    -Marlon

    ReplyDelete
  14. sino kaya yung nasa cr gio and andre or gio and gab

    ReplyDelete
  15. Worth ang paghihintay ko ng almost a month! Love lots Cookie Cutter. Make it a bit deeper sa mga susunod na chapters!

    ReplyDelete
  16. next chapters pls. hehehe

    avid reader here.

    this story is the best and different compared to others. thumbs up for you Mr. Author

    ReplyDelete
  17. wow na wow Mr. Author .
    Paghihiganti pa PM more ..

    bahala na matagal naghintay sa update at least sulit na rin yong chapter na ito !

    GBU Mr. Author

    ReplyDelete
  18. galing! sulit na sulit ang paghihintay. nakakainis talaga si corikong.

    bharu

    ReplyDelete
  19. HI sa mga FANATICS ng GAPANGIN MO AKO, SAKTAN MO AKO :-)
    My idea about sa FAMILY TREE :-)

    CORINA is the daughter of
    MARTIL...if u remember ung bracelet at
    nag iiyak c martil nung makita nya
    ito...kung d man nya anak c corina,
    sumhow they are related....

    PM is a GRANDYARYO.
    ...he is the lost child...

    maybe RIZA is not what we think of....she can be
    the real villain...

    ANGELA maybe not
    dead.....oooohhh myyyy!!!ung talagang
    mga AVID READER of this story wud have
    at least conclussion on what the hell is
    happening with the story....just saying!

    KAHIT ILANG ULIT KU BASAHIN ANG STORY NA TO, HINDI NAKAKASAWA
    ^_^ :-D

    ReplyDelete
  20. Si Andre yang ka sex ni Gio. Hahahaha. Malakas ang kutob ko. :D.

    Ang galing galing mo talaga author. Ang taba taba ng utak mo. Grabe ang imaginations mo.

    Kudos po sayo. Chapters 11-15 na uli. HAHAHAHAHA

    ReplyDelete
  21. na excite ako sa next chapter.. gusto ko agad malinawan sino ba ksma ni Gio sa loob ng banyo.. hahaha... na cu-curious ako.. bka si Andrei ung ksma nya.. haha

    ReplyDelete
  22. Sino kya yung kasex ni gio?..next na plss..

    ReplyDelete
  23. Whew, finally may kasunod na. Tagal kong inantay ito. In fairness, the snow king (PM/Angelo) is starting to melt. Hindi na siya ganun katigas.

    Sino kaya kasex ni Gio? Isa din yung malibog eh. ahaha

    Please visit my blog: http://jdsloveencounters.blogspot.com/
    I am a new writer :)

    ReplyDelete
  24. Thank you author sa updates..kahit matagal yung update mo sulit palang yung paghihintay ko...👍👍👍👍

    ReplyDelete
  25. OMG! Tagal kong hinintay to. Actually, ito na lng ata ang reason ko everytime na nagnenet ako e.

    Love it!

    Erickson here.

    ReplyDelete
  26. love it author.. parang totoo ung story kapag everytime binabasa mo..nice one author ang galing galing nyu po.. Keep up po author! :D

    CL

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails