Followers

Friday, November 14, 2014

Playful Jokes -Chptr11


Athr'sNote-

(
-Angel, pst.. kapangalan kita :) (inreal)
-AlfredTO, no problem.
-Marvs, simulan mo nang mahalin si Marvs, ang sarili mo.. para matanggap mo na haha.
-44, akala ko pa naman maraming kinilig :((
-Eros, parehong sira yung dalawa eh, dapat pag-umpugin sila.
-Jhay05, kanino kaba?
-nagtatagongGeo, kakulay mo siguro si Kash? :))

Guys, Salamat!

)

Guys, may nakakakilala na sa inyong author :))
Eto oh..


Siguro dala ng medyo "tipsy" kaya ako nagkaroon ng lakas ng loob na magpakilala. Pareho kaming nakasali sa isang Bi-Group, at nasaktong nagpost ako at nagcomment siya.. at nasakto ring nakita ko siya sa group ni Bluerose habang chine-check ko yung coverphoto kong ginawa para sa story ni Joseph. At ayun, nag-message ako sakanya.

Kahit na hindi niya alam yung title, atlis kilala niya si Kash at Seven haha. Kahit na baduy daw, okay lang.. may mga nagbabasa parin haha.

At guys..


Ayan, si Jex pala yung nakachat ko. Sa mga ka-fb niya na reader ko rin, ge tanong niyo nalang sakanya yung fb ko :)) Okay lang sa akin na makilala niyo na ako, readers ko kayo at importante kayo sa akin :)) basta walang kikiligin ha? (si author naghahangin) whehehe!!

Basta guys, huwag makulit kapag mag-chat ha? :))


Anyway, eto na ang chapter 11. Pasensya na medyo nawala nanaman ako sa wisyo, kaya medyo kulang-kulang nanaman sa detalye, haha, kaya kayo na po bahala.

Mr. Rye! Nabasa ko na latest update mo, naiinis ako at mukhang nasabal ata ako.. diba ako si Red? remember? Haha :]]

Enjoy guys :)


Happy reading!




--


Point Of View

 - K a s h -



 "Tita ano bang nangyari?" rinig kong agad na sabi ng mommy ni Seven.

Oo aaminin ko, nanginginig na ako sa takot. Nahuli niya kaming magkayakap ni Seven.

Pero hindi ko ito pansin, hawak-hawak kasi ni Seven ang aking kamay.

Mabuti at mukhang hindi nakikita ng mommy ni Seven pati na ang medyo may edad na na babae etong mahigpit na pagkakahawak ni Seven sa aking kamay.

 "Huwag kang mag-alala, katabi mo ako kaya wag kang matakot. Nariyan naman si mommy, hindi niya tayo pababayaan."

Rinig kong bulong sa akin ni Seven.

Speechless

Wala akong nasabi.

Sinabi niya na huwag akong matakot dahil katabi ko lang siya. Ang sarap sa pakiramdam, na isang taong walang paningin ang magsasabi sa iyo ng ganun.

Hangad ko ang kasiyahan ni Seven, na makakita na siya.. nang sa gayon ay mas maging mabuting tao pa siya.

 "Sino ba yan? Bakit ganyan ang naabutan ko dito? Nakita ko yung dalawa na magkayakap? Ano yun ha?"

Rinig kong sabi nung nakakatakot na babae, itsura palang.. alam nang nakakatakot.

 "Tita, magbestfriend yang dalawa." balik naman ng mommy ni Seven.

 "Siguraduhin niyo lang ha? Kadarating ko palang at ang pangit na kagad ng nakikita ko." sabi pa nung tita nila.

At naglakad na nga ito paalis, bago sumunod yung mommy ni Seven ay tinignan niya pa kami at nagsign na okay na.

 "Wala na sila." agad na sabi ko sa katabi ko.

 "Nandyan nanaman yang si lola, tiyahin ni daddy yan eh." balik niya. "Ayos ka lang?" sabi pa niyang nang hindi ako tumugon.

 "Oo ako pa.." pagngiti at pagyakap ko na lang sakanya, yun ang gusto kong gawin eh.

Dahil sa sinabi naman ni Seven na huwag akong matakot dahil nariyan siya, ay yun na nga ang aking ginawa.

.....



Point Of View

 - J a c o b -

10:00pm



 "Gerald.. sorry talaga ah?" sabi ko ulit sa kabilang linya.

 "Ayos nga lang, naiintindihan naman kita.. pero, nasan kaba?" balik nito.

Kanina, hindi ko na napigilan at tumakbo na lang ako ng napakabilis, palabas, palayo.

Bago umalis ay sinabihan ko si Vince at Alex na ayos lang ako at huwag na akong sundan pa.

 "Nandito ako sa mall, sa may bench." sagot ko.

Gabi na naman, sarado narin ang mall, alas-diyes narin ng gabi kaya naman iilan na lang ang tao, katulad ko rin siguro silang tambay o may hinihintay lang.

Nasakto pang walang tao ngayong gabi dito sa may pwesto ko maliban sa mga nagkekwentuhan sa may katabing convenience store, kaya naman mag-isa lang ako rito.

 "Kanina kapa diyan ah? Balik kana kasi dito, wala rin naman si Marvs eh." tonong nakikiusap pa niya.

Saan kaya pumunta si Marvs, katulad ko rin kaya siyang nag-iisa at nagmumukmok ngayon?

 "Hindi na, medyo masama narin kasi pakiramdam ko, napagod siguro." palusot ko.

Sa totoo lang ay, ayaw ko na munang bumalik doon, mas maaalala ko lang si Marvs, lalo na yung mga sinabi niya kanina.

 "Osige, sige. Ingat ah? Uwi kana niyan at magpahinga kana." balik nito at nagpaalam na ako saka binaba ang tawag.

At muli, nangibabaw nanaman ang katahimikan.

Bagay na bagay talaga ang lugar na ito sa akin ngayon, gabi at napakatahimik, bagay nga talaga sa sitwasyon ko.


-----



Point Of View

 - Third Person's -



 "Sure naba? Nandoon talaga siya?" agad na pagtayo ni Marvs mula sa pagkakaupo nito.

Kanina pa niya hinahanap si Marvs kung saan nakuha na niyang mapaupo sa pagod.

 "Oo dali, huwag mo na lang sabihing pinaalam ko sa'yo ha?" balik ng kausap nito at agad na nga niyang binaba.

 "Saglit lang, hintayin mo ako."

Bulong pa ni Marvs bago siya tuluyang tumakbo patungo sa lugar kung nasaan si Jacob.

Malakas ang loob ni Marvs na magkakaayos sila ngayong gabi ni Jacob.

Hindi nga naman raw aalis si Jacob kung hindi na ito apektado pa, kaya naman alam niyang pareho pa sila ng nararamdaman.

Hanggang sa malapit na siya sa Robinson, at napansin niya na napakaraming taong nakaabang sa may sakayan ng jeep.

At nang makalapit ay saglit siyang tumigil upang tignan kung isa sa mga taong naghihintay ang taong hinahanap niya, nguni't wala.


Sa kabilang dako naman, walang kamalay-malay si Jacob na halos magkalapit na lang pala sila ni Marvs.

Nang maubos ni Jacob ang sinisinding sigarilyo ay tumayo na ito para pumunta na sa sakayan ng jeep.

Naisip niya kasi na kailangan na niyang magpahinga, matulog.. para pagkagising niya ay baka sakaling ayos na ang lahat.

Nagkasalisihan ang dalawa, ilang saglit na naghintay ng masasakyan si Jacob, naki-isa narin ito sa mga naghihintay.

Si Marvs naman, taranta nang naghahanap kay Jacob, nawawalan na siya ng pag-asa, halos gusto narin nitong umiyak.

Mga ilang saglit pa at pasakay na si Jacob ng jeep nang biglang..


 "Jacob."

Isang napakalungkot at sabik na tono ang narinig ni Jacob.

Hanggang sa naramdaman na lang niyang may yumakap sakanya, mula sa likod.. napakahigpit na tila ayaw siyang bitawan.

 "Jacob, pakiusap.. dito ka lang, please." pakikiusap pa nang taong yumakap sakanya na siyang naging dahilan nang wala sa sarili niyang pagluha.

Ang kanilang pwesto, ang yakap mula sa likod, at ang paraan kung paano nakayakap sakanya si Marvs.. ay parehong-pareho ng ginawa niya bago umalis si Marvs.

Kung dati'y siya ang naghabol, ngayon naman ay tila si Marvs na ang naghahabol.

Gaano man niya kagustong iwanan si Marvs ngayon, gaano man niya kagustong kumawala sa yakap ni Marvs.. ay kusa paring nangingibabaw yung..

Pagkasabik, pagmamahal, at ang kanyang nararamdaman. Kung kaya't, hindi niya kayang gawin ngayon ang dating ginawa sakanya ni Marvs.


-----



Point Of View

 - J a c o b -



Anong gagawin ko?

Ang daming tao na ngayon ay nakatingin sa amin. Gulat, kaguluhan.. yan ang nakikita kong reaksyon nila.

Hindi ko alam pero, hindi ko talaga kayang iwanan ngayon si Marvs.

Yung yakap niya, yung tono at mga sinasabi niya.. ay talaga namang nagpapalambot sa akin ngayon.

Ayaw ko ring iwanan mag-isa si Marvs dito, ayaw ko rin siyang mapahiya pero..

Pero..

 "Sorry." matigas na sabi ko at mabilisang kumawala mula sa mahigpit niyang pagkakayakap.

At sa nakita ko na lang ang aking sarili na mabilis na naglalakad, tumatakbo.. muli, palayo sakanya.


-----



Point Of View

 - K a s h -



 "Matulog kana, bale parang last day mo na dito bukas, kaya libot tayo.. ililibot kita." agad na sabi ko pagkalapit ko sakanya.

Narito kami sa kwarto nila, kasama yung dalawang bata.

Ayaw kaming palabasin ng mommy ni Seven, nandun pa raw kasi ang tiyahin nila.

Yung dalawag bata naman tulog na dun sa isang higaan, dalawang malaking higaan kasi ang narito sa loob ng kwarto nila, ang isa'y hindi nila ginagamit.. magkatabi kasing natutulog si Seven at Chan.

  "Sige na matulog kana para makapagpahinga kana, bantayan na lang kita." sabi ko pa.

Si Seven, kanina pagkalabas niya nang banyo ay bumagsak na lang siya bigla.

Kung hindi pa sinabi nila Chan ay hindi ko malalaman, kumuha kasi ako ng makakain namin kanina kaya naman saglit ko silang iniwan.

 "Kash, ayos lang kasi ako.. ang kulit mo." pamimilit pa niya at paghawak pa sa kamay ko.

 "Oo na nga, naniniwala naman ako. Matulog na tayo, tabihan na kita." sabi ko na lang at kami'y nahiga na nga.


Ilang minutong namayani ang katahimikan, siya nakapikit na, ako naman ay heto at nakahiga patagilid paharap sakanya.

Pinagmamasdan ko yung mukha niya, mula sa pwesto ko'y kitang-kita ko yung tangos ng ilong niya.

 "Good night.. Seven." pagbulong ko at kasunod nun ay pagpikit ko na.

Maaga kami gigising bukas, ililibot ko siya, sisiguraduhin kong magiging masaya kami bukas.


-----



Point Of View

 - S E V E N -



Nagpalipas pa ako ng ilang sandali bago ko tuluyang hinayaang bumagsak ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Kanina nang bumagsak ako, muli'y nakaramdam nanaman ako ng matinding pagkatakot, nguni't kailangan kong magpakatatag para sa mga nagmamahal sa akin.

Si Kash, hindi ko alam kung paano ko ipapaalam sakanya 'tong takot na nararamdaman ko.

Sa pamilya ko, hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sakanila ito, masyado akong natatakot.

Kaya ngayon ay hahayaan ko na lang ito, ayaw ko nang mas lalo pa silang mag-alala sa akin, ayaw ko rin na mas lalo pa silang maawa sa akin.

Ayaw ko nang kaawaan pa.

Isa lang ang tanging nangingibabaw sa akin ngayon, ang magpakatatag at lumaban hanggang sa makakita na ako.

Gusto ko nang makita ang taong nagpasigla sa akin, ang taong nagbigay ng rason at lakas sa akin na muli pang umasa na makakita.

 "Good night din, Kash, mahal ko." pagtugon ko sa sinabi ni Kash kanina lang.


Oo masasabi ko na masyadong malupit ang tadhana sa akin. Masyado itong madamot kung titignan, pero..

Pero masasabi ko ring napakabait nito sa akin dahil nakilala ko si Kash, nakilala ko itong taong ito.

Kung noon ay puro takot ang aking nararamdaman sa kabila ng paglaban, ngayon naman ay puro pag-asa at pagkapanatag na, dahil sakanya.

 "Kash, gustong-gusto na kitang makita. Sana nandyan ka parin sa pagbalik ko. Goodnight, Kash." mahinang sabi ko.

Saka ko ito niyakap ng napakahigpit, bago tuluyang pumikit.


-----



Point Of View

 - K a s h -

Morning, 9:45am



 "Pagod naba yung boss ko?" agad na sabi ko pagkatabi ko kay Seven.

Nagtakbuhan kasi kami, inikot namin itong Astro Park, at syempre, hawak-hawak ko yung kamay niya.

 "Kaya pa, hiningal lang." pagtawa naman niya.

 "Oh eto, buko buko." pagtawa ko rin at pag-abot sakanya ng maiinom.

 "Seven, ilang minuto na lang ay bukas na yung SM, dun na tayo kumain, ako bahala sa'yo.. ililibot narin kita." sabi ko pa saka ito inakbayan.

Sa ngayon, magpapa-alis na muna kami ng pawis bago pumunta sa SM, SMC.


.....

 "Kash, nahihiya talaga ako." sabi pa ulit ni Seven at pagtigil sa paglalakad.

Narito kami sa may footbridge, naka-akbay ako sakanya.

 "Nandito naman ako eh, wala tayong pakialam sakanila." pagpapanatag ko sakanya.

Nahihiya raw siya dahil baka sabihin ng iba na, wala siyang paningin, na baka may maawa nanaman daw sakanya o baka'y pag-usapan pa siya.

At nagsimula na nga kaming maglakad papasok.

 "Ooops, narito tayo ngayon sa harap ng paborito mo." nakangiting sabi ko.

Kita ko naman na nakatingin na sa amin yung mga nagtitinda.

 "Kash ibili moko please., yung choco, dali.." agad naman na sabi ni Seven.

Natawa pa ako, parang bata kasi.

 "Ate, dalawa po. Parehong chocolate." sabi ko naman sa nagtitinda.

 "Kash at Seven po." sagot ko kagad nang itanong niya ang pangalan namin.

Habang naghihintay kami ay malaya kong napagmasdan si Seven.

Nakangiti lang siya, excited sa Zagu.

 "Sorry Seven, sorry." malungkot na sabi ko mula sa aking isipan. "Sana, mapatawad mo ako." dagdag ko pa.

Mamaya, o maya-maya lang.. ay sisimulan ko na yung pangako ko sa lola ni Seven, sa tiyahin ng mommy at daddy ni Seven.

 "Bawal. Alam mo ang bawal."

Naaalala kong sabi pa sa akin kanina ng tiyahin nila.

 "Payakap nga." nasabi ko na lang.

At agad ko na ngang niyakap si Seven.

Wala akong pakialam sa mga taong makakakita sa amin. Baka kasi, huli na 'tong pagyakap ko kay Seven.

Alam kong nagulat siya sa ginawa ko, gayunman ay pinakahigpit-higpit ko parin yung yakap ko.

 "Mahal kita, Seven."

Eto ang unang-unang pagkakakataon na sinabi kong, mahal ko siya.

Sa pagkakataong.., hindi dahil sa naaawa ako, kung hindi dahil na sa.. alam kong gusto ko talaga siya.

 "Kash."

Nang magsalita si Seven ay kumawala na ako.

 "Sir, tapos na po." rinig kong sabi naman nung nagtitinda.

 "Tara, marami pa tayong lilibutin." paghawak ko sa kamay ni Seven at pagkuha na dun sa Zagu namin.

At nagsimula na nga kaming maglakad, hindi ko na siya binatawan.

Bale, magkahawak kamay kami habang naglalakad at abala sa Zagu.

 "Wala pa man tayo sa gitna, ang dami nang tumitingin sa atin." biro ko habang naglalakad kami.

 "Sa susunod, kapag nakakakita na ako.. ako mismo, ipagmamalaki kita."

Saglit akong napatahimik dahil sa sinabi ni Seven.

Alam ko kasi na, hindi na mangyayari iyon. Ang masakit pa ay.. dahil sa akin.

 "Ba yan, drama naman.. tara na nga." sabi ko na lang saka siya muling marahang hinila at naglakad.

 "Kuya magboyfriend daw ba kayong dalawa?"

Napatigil na lang ako nang may nagsalita, naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak sa kamay ko ni Seven.

Napangiti ako, ayaw niya talagang ikahiya ko siya.

 "Oo, magboyfriend kami." tonong pagmamalaki ko at sa pagkakataong ito'y inakbayan ko na si Seven.

Muli kaming naglakad.

Natawa na lang ako sa naging reaksyon nung nagtanong pati na ng mga kasama nito.

 "Salamat."

Muli akong napatigil sa paglalakad nang magsalita si Seven.

 "Para saan?" kunot ko.

 "Eh kasi, hindi mo tinanggi yung sa atin." ngiti naman niya.

Nakuha ko pang pisilin yung ilong niya, mamimiss ko talaga si Seven, sobra.


.....


 "Forever21? yan yung sa tingin kong pinakamahal dito." agad na sabi ko.

Pinag-uusapan kasi namin yung mga mamahaling stores.

Kinukwento niya kasi na yung mga pinsan niya ay lagi siyang kinukwentuhan pagdating sa branded, thingy(s).

 "Gusto mo bili kita?" rinig kong tanong naman niya.

 "Nge? May pera kabang dala? Tsaka, wag na." balik ko.

 "Si daddy kanina kinausap ko, tapos hiniram ko narin credit card niya.. eto oh check mo na lang sa wallet ko." sabi niya saka naman niya ito nilabas.

 "Seven, hindi na kailangan, wag mapilit." balik ko.

 "Kapag hindi ka pumayag, uwi na lang tayo." mahinang sabi naman niya, patampo-tampo pa.

 "Arrrggh." inis ko saka na siya pinagbigyan.

..


 "Kash sigurado kaba dito? Baka pinagtitripan mo na ako niyan eh." natatawa na naiinis niyang sabi.

Pinayagan ko siyang bilhan ako ng isang shirt, pero syempre siya naman ang taga-sukat., haha.

 "Medyo magka-size naman tayo eh.." natatawang sabi ko pa.

Kanina ko pa siya inaalisan ng damit, ilang beses narin kaming nagsukat.

 "Yan pwede na yan." agad na sabi ko nang sa wakas at makahanap rin ako ng talaga namang babagay para sa aming dalawa.

Walang kamalay-malay si Seven na dalawa ang binili ko, magkaparehas na tila 'couple-shirt ang dating.

...

 "San mo gusto kumain?"

Tanong ko matapos naming maglibot-libot, nagsawa na kami sa mga palaruan sa taas.

 "Kahit saan, diba sabi mo treat mo?" sabi naman niya.

 "Ge, ge.." excited na sabi ko saka siya hinila.

 "Lakad lang, ako bahala.. hindi kita ipapahamak." sabi ko pa nang medyo napansin kong kumakapa-kapa siya.

Nang papasok na kami rito sa may isang fastfood ay nakakuha kami ng maraming atensyon.

Halos mga teenagers kasi ang nasa loob.

Alam kong pansin rin nila na hindi nakakakita si Seven, inaalalayan ko kasi ito at base narin sa kilos nito.

 "Anong gusto mo?" agad na sabi ko nang makaupo na kami.

 "Fries? ay sige.. gusto ko ma-experience yun.. puro fries na lang. Ganun kasi kinukwento ng mga pinsan ko eh." masayang sabi naman niya.

 "Ge, tapos cokefloat noh?" tanong ko pa, tumango-tango naman siya.

 "Oh tara, sama ka sa akin." agad na sabi ko at paghawak sa kamay niya.

Hindi ako magsasawang ipagmalaki na kami, at hindi ko siya ikahihiya at kailanman ay hindi ko rin ikakahiya na pareho kaming lalaki.

 "Kuya, hindi po ba siya nakakakita?"

Saglit kaming napatigil sa nagsalita.

 "Opo." ngiti ko.

Kaedaran lang namin mga nagtanong, grupo sila.. mga babae at lalaki.

Nakita kong medyo nalungkot naman yung ekspresyon nila, na tila nakumpirma nila na tama nga ang hinala nila.

May mga nakarinig rin, at nakita kong ganun rin ang ekspresyon nila.

Alam ko may ideya na sila sa kung anong meron kami ni Seven.


At muli, nagsimula na kaming maglakad papunta sa pilahan.

..

Nang makapag-order na kami ay agad rin kaming naupo.

Alam kong marami ang nakatingin sa amin, medyo agaw pansin rin itong si Seven eh, gwapong tisoy haha.

 "Kain na, gusto ko mag-enjoy ka ah?" nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan siya, tumango naman ito at nagsimula na nga, halatang masaya siya.

Hindi ako kumain, mas masaya ako na pinapanuod siya at gusto ko rin na panoorin lang siya.

Sa puntong ito, pinipilit ko nang ngumiti.. naiiyak na kasi ako eh.

Maya-maya lang, tutuparin ko na yung pangako ko sa tiyahin nila.

Hanggang sa unti-unti na akong napapaiyak, at pilit ko nang pinupunasan nang mabilisan ang aking mata.

Tahimik, napakatahimik kong umiiyak.

Alam kong marami ang nakatingin sa amin.

 "Kash pagbalik ko, gusto ko kain ulit tayo dito ah?"

Mas lalo akong nakaramdam ng sakit dahil sa sinabi niya, mukhang napakalabo na kasing mangyari nun.


-----



Point Of View

 - Third Person's -



Tila isang napakalungkot na sandali ang sa ngayon'y nangingibabaw kay Kash sa pagitan nilang dalawa ni Seven.

Si Seven na masaya habang kumakain.
At si Kash naman na umiiyak habang nakatingin lang kay Seven.

Hindi alam ng mga taong nanunuod sakanila ang rason o dahilan kung bakit tahimik na umiiyak si Kash.

Pero, gayunman na wala silang ideya sa nangyayari ay isa rin silang nalulungkot o nadadala sa pinapakitang pag-iyak ni Kash.


 "Seven, mahal kita.. mahal na mahal kita." sabi ni Kash matapos niyang pinilit ang sarili na magpaka-normal.

Guilty, yan.. yan ang sa ngayon'y isa sa mga nararamdaman niya.


Mula sa ganadong pagkain ni Seven ay wala sa sarili itong napatigil sa biglang pagsasalita ni Kash.

Iba ang nararamdaman niya, alam niyang iba rin ang tono ni Kash.

 "Kash." tanging nasabi niya, at tumayo ito, iba kasi talaga ang nararamdaman niya.

Magsasalita pa sana si Seven nang biglang..

 "Seven, anong nangyari? Seven?.." 

Wala sa sariling napatayo at agad na lumapit si Kash kay Seven, takot.. takot na takot itong nagsalita.

 "Na.. nahilo lang ako.. a-ayos lang ako."

Nahihirapang sabi ni Seven.

Sa pagkakataong iyon, mas lalo nang natakot si Kash patungkol sa bagay na gagawin niya, mas lalo niyang naisip na hindi tama ang gagawin niya.

 "Seven naman eh.. nahihirapan na ako. Bakit ba kasi ayaw mong sabihin kung anong nangyayari sa'yo."

Naging ma-emosyon na si Kash, naibuhos na nito ang dati pa niyang pagsasawalang-bahala sa mga nangyayari kay Seven.

Ang mga nasa loob ng fastfood na sakanila nakatuon, tila hindi alam ang gagawin sa kanilang nakikita. Awa, pagkagulo, yan ang sa ngayon'y nararamdaman nila, may mga napatayo rin.

 "Ayos lang nga ako, Kash naman eh." pamimilit pa ni Seven.

.....


 "Alam ko nandyan ka, kahit na nagagalit ka sa akin ay.. alam kong hindi mo ako kayang iwanan." ngiti ni Seven.

Kasalukuyan silang nasa kwarto ni Seven.

Si Kash, naka-upo sa may malapit katabi ng higaan ni Seven.

 "Kausapin mo na kasi ako, huwag mo na akong tiisin pa, hindi mo naman kaya.." tonong pagmamalaki pa ni Seven.

Napa-iling na lang si Kash, makulit at loko-loko nga talaga si Seven.

Hanggang sa tumayo na nga si Kash at mabilisang nilapitan si Seven at niyakap ito.

 "Tinatakot mo kasi ako eh, naiinis na talaga ako sa'yo." sabi naman ni Kash habang magkayakap parin sila.

 "Wala nga yun, medyo nahilo lang ako. Kash, trust me." balik ni Seven.

 "Okay sige na, sinabi mong pagkatiwalaan kita.. kaya sige magtitiwala ako sa'yo." sabi ni Kash pagkakawala niya.

Nahiga ang dalawa, magkatabi at magkahawak pa ang kamay.


Katahimikan


 "Kash, ano kayang itsura mo kapag ngumingiti ka?" biglang sabi ni Seven mula sa katahimikan.

 "Gwapo? Cute?" paghahangin naman ni Kash, natawa pa siya sakanyang sinabi.

 "Ngiti ka nga Kash, please..." agad na sabi ni Seven matapos makitawa kay Kash.

Ngumiti naman ang isa, dahan-dahan namang kinapa ni Seven ang mukha ni Kash.

 "Mukha ngang cute." tonong napipilitan ni Seven at pagtawa pa niya.

 "Ikaw Seven, ngiti ka." sabi naman ni Kash.

Ngumiti kagad si Seven, at kinapa-kapa rin ni Kash ang kanyang mukha.

 "Isa lang ang masasabi ko.. Gwapo?.." natatawang sabi naman ni Kash.

 "Ba't parang napipilitan ka? Ikaw ah.. inaano mo nanaman ako.." agad na sabi ni Seven at pagkiliti rito.

Nakuhang magkulitan ng dalawa, magkilitian, magyakapan, magtawanan.

Sa nangyayari ngayon sa dalawa, tila pareho silang walang problema..

Tila, pareho silang walang itinatago sa isa't-isa.




Itutuloy


Guys malapit na ang ending, napakalapit na.

Sana hanggang sa huli ay suportado niyo parin ako.

Pagpasensyahan niyo na yung mga minsang "plain" na reaksyon ng mga karakter, pasenya na talaga.

Mamimiss ko yung mga bida ko, si Seven, si Jacob, si Kash at isama narin si Marvs na bago lang. #KashVen #JaSh #MarCob

Alam ko na may makakapagsabi na walang pagbabago yung pagsusulat ko mula sa 'CantWeTry? hanggang sa second story na ito, na "baduy" parin. Pero.. alam ko na may napangiti parin ako kahit papaano.

Guys, Maraming Salamat :))


- Playful Jokes

13 comments:

  1. Author prinze justin pareho ko sila gusto maging masaya sa parehong mahal nila.... at okie namn story mo ndi naman baduy ah simple nlng eh....

    Kaw na kaya mgbigay ng fb account mo alam mo nman ng number ko text mo sa akin.....

    Next story mo after dis story.....?
    Jhay 05

    ReplyDelete
  2. Mahal ko ang sarili ko! Haha ayoko, JASH parin until the end! Parang Daryll at Franz lang yan eh, sila din magkakatuluyan. Hahaha. Wow may nakakakilala na kay author. Pakilala ka kay Blue, tas tatanungin ko sya. Haha

    Uhmm feeling konmay improvement naman sa writing mo. May something na naiba. Di ko pa mafigure out. Haha pero syempre ang writing style di naman talaga pabago bago yan. May sarili kang style.

    Marvs :P

    ReplyDelete
  3. Simple but sweet!!

    Ang gaan ng pagkakasulat mo kaya! Less complications, less worries.

    Ang ganda sa pakiramdam basahin ng story kasi kahit simple.. may impact saka hindi naman ito baduy, eh..

    Iba-iba nga lang ang tingin ng tao.

    Anyways!! KUDOS! Prince Justin!

    ReplyDelete
  4. Super sweet nila Kash at Seven kaso nakakaiyak din grabe di ko kinaya yung moment nila habang nakain at umiiyak si Kash :(( huhu mr author bakit matatapos na? Mas nakakaiyak atang marinig yun :'( sad life #walangforever!!! Haha

    PS: sana di maghiwalay si Kash at Seven. Paano na ang #TeamKashVen ??? :((

    -44

    ReplyDelete
  5. Awww. Ending na? Bitin. Paki habaan pa pleaseeeeeee.
    Kinikilig lang ako sa mga nababasa ko lagi.

    ReplyDelete
  6. Ang epal naman ng lola. Panira ng moment nila Kash/Seven. Bakit naman kasi humirit pa. Ang tanda na. Thanks sa update. Sana hindi masira ang samahang K/S. Take care.

    ReplyDelete
  7. Mga kontra bida nanaman!! Ang baduy nga author! Believe me! Wag kanang nagsusulat ah. Hehehe.. #kashven ! Hintayin ko update mo!
    -eros

    ReplyDelete
  8. .maaari ang iyong naturan ginoo hahaha.. sana nga lang pati kapogian nya nakuha ko hahaa
    .I believe #KashVen pa ren.. di matitibag.. mag sm la wari kung ali la ing mikatuluyan XD
    . Sana me lovestory din yung dalawang bilingit haha

    -nagtatagongGeo

    ReplyDelete
  9. wala pa namang nakaindicate doon, Prince Justin e. Hahahaha! Surpresa! :D

    PS: Bakit Mr. Rye? Parang ang tanda ko na e! Kuya na lang! :D

    -- Rye Evangelista

    ReplyDelete
  10. Aixt, ang gondo ng update, kaso parang mas naintriga ata ako dahil parang ansama kong tao T.T , kaw awtor ah nyeta ka tlga kahit kelan, Guys mahaba haba papo convo. namin dian at ,TAKENOTE, hmm nagchchat kami nian grabeh tulog na tulog na ung diwa ko, so un ung reason nalimutan ko ang title, tas GUYS NASABI KO ANG TERM 'BADUY' KASI SIA NMAN UNA NAGSAB, HMM PARANG NAG-AGREE LNG AKO SA KNYA, STRANGER KASI ANG EFFECT NI AWTOR EHH, TAS SINO NA MAG-AAKALA MAGCHA-CHAT SIA, TSSS NAPAHIYA AKO TULOY AMBUSET T.T, Guys di po ako masamang tao, tas kong super nabaduyan ako dito, di na sana umabot hanggang sa chapter nato dbah dbah?? Guys moral support pls! HMM TEAN KASHVEN PALA AKO TILL THE END..MUKHANG MABAIT NAMAN SI AWTOR EHH, CGURO DI NIAN TAU PAPAIYAKIN SA ENDING XD.


    -JEX... magpost lng kau sa group sa Bluerose, e a-add ko nlng kau, pa espesyal po kasi ang AUTHOR NITO, TSK TSK TSK, GRABEH MAKA SEEN-ZONED GUYS, ang arte lng. magka edad po kasi kami kaya FC ako sa knya xD..cgue po. pasensya ulit xD����❤

    ReplyDelete
  11. Hindi naman baduy eh kahit simple lang meron siyang impact sa mga readers mo saka kapansin- pansin ang improvement niyo sa pag- susulat keep it up author.

    ReplyDelete
  12. Kairita naman ung lola na yun. Epal lng. Lola lang naman sya. Di naman sya ung parents ah. Kainis.

    -hardname-

    ReplyDelete
  13. Nkakalito nga pero ok parin ang daloy ng story...sana nireveiled mo nlang ung usapan nila kash..at s perntz nila at ung tita n 7....

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails