Athr'sNote-
(
-Machineman, may pag-asa yan.. malapit na :))
-Ang nagtatagong si Geo, konting-konti na lang.. maku-curious na ako sa'yo :]
-Marvs, good luck sa #JaSh :)
-iAmYours, team Hakob, counted.
-Jay05, eto na.. ilalarga na ni Seven ang kanyang nararamdaman.
-Jex, tama ka diyan, pero may magandang resulta yung ginawa niya. :)
-Tiunggo, #7natics is <3
-Angel, sorry :( sana hindi ka madisappoint sa mangyayari ngayon.
-AlfredTO, team ano po kayo?
-ChuChi, babawi po si Seven, eto na po :)
-Tylee & Rrr, nice pinadami niyo lalo team Seven, sana nga makakita rin siya?
Mga team Hakob, magparamdam na kayo :]
)
Sorry late update. Medyo busy! Lagi akong nasa Angeles para magtingin-tingin ng "Hiring". Naghahanap kasi ako ng bagong trabaho. Hindi ko kaya sa fastfood eh.
-nagtatagongGeo, lagi akong nasa Angeles ngayon :))
Sa mga kapampangan readers diyan na gusto akong makita.., basta kapag may matangkad na payat na medyo maputi na kPop hairstyle at may black earring, leftside ko.. yun na :)) haha. Laging naka-skinny jeans, pinagmamalaki ko kasi pagka-"long-legged" ko eh.. haha.
Anyway, may new character.. watch out. :]
At ang simpleng, pagsuko at pagtanggap ni Jacob, mangyayari maya-maya.
Lastly, walang ka-emo-emosyong chapter, mangyayari ngayon-ngayon din. Haha :)) Pasensya na, wala talaga ako sa wisyo ngayon, medyo natambakan ako ng problema.
Basta,.. inyong dalhin ang inyong pakiramdam o emosyon sa mga nangyayari. Whehehehe.
Enjoy.
Happy reading!
--
Point Of View
- S e v e n -
"Kuya, nandyan na po si kuya Kash." rinig kong pagbulong ni Chan.
"Asan na siya?" agad na sabi ko.
Narito ako sa may malawak naming damuhan, nakaupo lang.
"Agad pong pumasok sa kwarto nila eh, nakita ko lang po."
Tumango na lang ako sa sinabi niya at naramdaman kong umalis narin ito.
Ayaw na ata talaga akong kakwentuhan ni Kash, o ayaw na niya akong kausap.
Mahirap talaga kapag ganito. Wala akong kakayahang lapitan siya o hanapin siya. Yung bang mag-isa akong lalapit sakanya at kakausapin siya.
Tsk.
"Tenten.." pagtawag ko sa kapatid ni Kash.
"Po?" rinig kong balik nito.
"Samahan mo ako sa kuya mo, hatid mo lang ako." agad na sabi ko.
.....
"K-Kash?" mahinang pagtawag ko nang maiwanan na ako ni Tenten.
Ilang sandali pa akong nanatiling nakatayo nang maramdaman kong may humawak sa aking kamay at balikat.
"Kash?.." sabi ko kagad nang magsimula na kaming maglakad.
"Bakit ba kasi ganyan ka?"
Wala sa sarili akong napatigil nang magsalita si Kash, nalaman ko ring umiiyak ito.. base sa tono niya.
"Anong ibig mong sabihin?" agad na tanong ko.
Katahimikan
Nang biglang..
"Edi sana ikaw yung tumulong sa akin, edi sana ikaw yung kasama ko kanina, edi sana.."
Lalo akong naguluhan sa sinabi niya, lalo pa't hindi niya ito tinapos.
"Sorry." biglang sabi niya.
At naramdaman ko nanaman na muli ako nitong inilalayan hanggang sa naka-upo na ako.
Katahimikan
Alam kong umiiyak si Kash, kahit hini ko ito naririnig ay nararamdaman ko, ewan pero yun talaga ang sa palagay ko.
Gusto ko siyang yakapin, pero hindi ko magawa.
Kanina pa talaga ako naguguluhan. Sa mga sinasabi niya at kung bakit siya umiiyak.
"Kash, edi sana ano?" pagputol ko sa katahimikang kanina pa pumapagitna sa amin.
Hindi parin ito sumagot.
At sa napagdesisyunan kong kapain ang kamay ni Kash.
Sa pagpintig-pintig niya, talaga ngang kanina pa siya umiiyak.
At sa umabot ang aking kamay sa dalawang palad niyang nakasapo sa kanyang mukha.
Marahan kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at iniharap ito sa akin.
"Bakit ka umiiyak?" mahinang sabi ko at pinupunasan ang mga luha nito.
"Edi sana.. ikaw yung taong nagsabing mahal ako." rinig kong biglang sabi ni Kash at..
At sa naramdaman ko na lang na.. may.. may humalik sa aking labi?
Speechless
Wala.
Kusa akong napatigil, nagulat, nabigla pero.. pero parang, parang ito ang matagal ko nang hinahanap?
He kissed me? then, we kissed?
-----
Point Of View
- J a c o b -
"Seryoso kaba sa sinasabi mo? Ibig kong sabihin ay.. buti at hindi katulad ng dati? Buti at hindi ka naglalasing ngayon? Hindi ka badtrip? Hindi ka naiinis?" hindi makapaniwalang sabi ni Vince matapos kong ikwento ang nangyari.
Ngumiti lang ako.
"Oo masakit, syempre nasaktan ako, sobra oo. Pero.. si Kash yun eh, naging honest siya." balik ko, tonong pagmamalaki pa.
"Iba nga si Kash." patango-tangong sabi naman ni Alex.
Sa unang pagkakataon, hindi ako nakaramdam ng 'matinding sakit o pagsisisi.
Sa totoo lang ay, nagpapasalamat pa nga ako. Na hindi ginamit ni Kash yung nararamdaman ko para sakanya kahit na nasa sitwasyon siya na kung saan kailangan niya ng taong masasandalan.
(
flashback
"Jacob sorry."
Biglang sabi at seryosong tono ni Kash habang nakayakap ako sakanya.
Agad ko siyang tinignan.
"Kash, h-hindi ko naman sinabing.."
"Jacob ayokong gamitin ka o saktan ka.." pagputol pa niya, hanggang sa wala sa sarili na lang akong napatango sa sinabi niya.
"Pero Kash, hindi naman kita pinipilit na.."
"Jacob." muling pagputol niya sa akin. "Hindi ko gagawin ang ginawa ng taong nanakit sa'yo dati. Kaibigan kita, at ang kaibigan.. hindi sinasaktan." paghawak niya pa sa magkabilang pisngi ko.
Alam kong pansin niya ang pagkalungkot ng aking ekspresyon.
"Jacob, aaminin ko.. gusto kita."
Sa muling pagsasalita niya, sa muling sinabi niya.. nakaramdam ako ng kahit papaanong kaginhawaan.
"Pero hindi sa puntong mahal na kita bilang lalaki. Gusto kita oo, ikaw kasi eh ang hilig mong magbiro ng mga hindi dapat.. para sa mga normal na magkaibigan, oo aaminin ko nahulog rin ako sa'yo, pero hanggang dun lang." sabi pa niya.
"Pwede payakap?" yun na lang ang nasabi ko at siya na mismo ang agad na yumakap sa akin.
Wala kaming pag-asa, wala akong pag-asa. Pero ang mga narinig ko, sapat na para tanggapin ko ang realidad, "wholeheartedly".
end
)
-----
Point Of View
- K a s h -
"Sorry."
Agad na sabi ko pagkakawala ko sa halikan.
"Sorry Seven.. sorry.." paghingi ko pa ng tawad.
"Sorry.. na.. nadala lang.."
"Hindi hindi.. hindi.."
Nagulat na lang ako sa pagputol at biglang pagyakap ng mahigpit sa akin ni Seven.
Speechless
"Please Kash, huwag kang humingi ng tawad.. please, pakiusap. Huwag mong sabihing nadala ka lang.. Kash pakiusap."
Sunod-sunod na sabi ni Seven habang mahigpit ang yakap niya, tonong nagmamakaawa rin niya.
Halos maguluhan na lang ako sa tila ayaw na pagpapakawala sa akin ni Seven, pero..
Pero yung mga sinasabi niya, ano yun? A-anong ibig sabihin niya?
"Seven.." nasabi ko na lang.
Ibang-iba yung naramdaman ko sa yakap niya kaysa sa yakap ni Jacob.
Oo gusto ko si Jacob, gusto ko rin si Seven. At pakiramdam ko, mas iba yung nararamdaman ko para kay Seven.
Kahit na hindi ako sigurado, dahil nga sa nagustuhan ko siya dahil sa awa.
Sa nangyayari rin ngayon, parang ibang Seven ang nakikita ko.
Yung bang Seven na sabik? Na ayaw magpabitaw?
At yung Seven na, ang sarap yakapin dahil sa itsura nito, tono nito at dating nito, ngayon.
"Kash." mahinang sabi niya pagkakawala niya. "Seryoso ako." dagdag pa niya.
Sa tingin niya ngayon paharap sa akin, tila normal siyang nakakakita.
Hanggang sa.. wala sa sarili na lang ako napangiti.
Tatanggi paba ako? Eh sa eto rin naman ang gusto ko.
Niyakap ko ito, mahigpit, napakahigpit.
-----
Point Of View
- J a c o b -
Siyang pagpasok ko sa loob ng aking kwarto at paghiga sa aking higaan.. ay siyang pagbagsak ng aking mga luha.
Oo ayos lang ako, tanggap ko.
Pero hindi naman siguro masamang pagbigyan yung sakit na gustong lumabas mula sa akin diba?
Naulit nanaman, pero sa pagkakataong ito.. sa maayos na paraan na nangyari.
Though masakit rin ang resulta, pero atlis.. nagpakatotoo si Kash at hindi ginamit yung nararamdaman ko.
Masaya rin ako kahit papaano, gusto niya daw ako eh. Kahit hanggang doon lang, masaya na ako.
.....
Kinabukasan
"Hwaaaaaaaahhhhhhh....."
Napakalawak na paghikab ko.
At napatingin na lang ako sa aking katawan.
"Lalo kaya akong magugustuhan ni Kash kapag nakita ka niya?"
Nakangiting sabi ko habang nakatingin lang sa aking abs.
Napailing na lang ako. Nababaliw nanaman ako.
At sa,.. may nagtext.
Message: Good morning Jacob! Gising kana ba?
Ooops, speaking of.
Si Kash ang nagtext, goodvibes talaga.
Message: Oo eh, ang ingay mo kasi :)
.....
"Isang kilo tag 80?" agad na pagsabat ko sa usapan ni Kash at ng tindera.
Isang kilo ng kamatis 80? Wow ah? Tagmahal na ngayon?
"Mataas na po ang bentahan ngayon." balik ng tindera.
"Sige po, ayos na po yan." sabi na lang ni Kash.
"Ate hindi po ba pwedeng 70 na lang?" paggamit ko sa 'tawad skills ko, haha.
"Osya sige na nga." pagsuko rin ng tindera.
At yun na nga.
"Saan tayo sunod?" agad na tanong ko kay Kash nang makapagbayad na siya.
Halos nakumpleto na ata namin lahat ng gulay.
"Kumpleto na eh, san ba tayo pwedeng magpahinga saglit?"
Saglit akong napaisip sa tanong niya.
Ayun! Sa..
"Jumbo Jenra, kain tayo saglit doon.. tara sunod ka." masayang sabi ko at nagsimula na ngang maglakad.
"Okay, Jollibee.. makikikain kami." natatawang sabi ko habang papalapit sa fastfood store.
"Kash, don't worry.. libre ko." pagtaas-baba ko pa ng aking kilay.
"Ako na, para naman makabawi ako. Walang kokontra, period.. tuldok." mabilis niyang sabi at mabilis ring tumakbo papunta sa pilahan.
"Wow, pasalamat ka talaga.." inis ko kunwari habang pasunod na naglakad sakanya.
Ginawa talaga akong tagabitbit ni Kash, tsk.
Sabagay, ako naman nagpumilit eh.
Papalapit na ako kay Kash nang may mapansing pamilyar na mukha.
Agad akong napatalikod.
Ba't siya nandito? Bumalik na pala siya? Dito na siya ulit sa Angeles?
-----
Point Of View
- K a s h -
"Woy, napano ka?" nakuha pang magulat ni Jacob sa biglang pagsasalita ko, parang hindi kasi siya mapakali.
Puro french fries ang binili ko tsaka dalawang coke float.
"Kash, upo kana dali.." mahinang sabi naman niya habang parang pilit na may tinataguan.
"Napano ba?" kunot ko pa at pagsunod sa sinabi niya.
"May iniiwasan ako. Kash usog ka ng konti dito.." mahinang sabi niya.
Natawa na lang ako, hindi kasi siya talaga mapakali.
Hanggang sa pilit ko itong tinanong at sa naikwento nga niya kung sino ang kanyang iniiwasan.
Siya pala yun, yung lalaking nagbigay sakanya ng 'the gifted minute. Na akala niya ay gusto rin siya.
"Mas gwapo pa ako diyan eh kaya relax ka lang."
Agad na sabi ko nang matignan yung lalaking tinutukoy niya.
Saglit akong napatigil nang makita ang reaksyon niya.
Namumula? Namumula siya?
"Uy biro lang yun.." agad na sabi ko nang hindi siya kumibo.
"Kaya nga ako nagkagusto sa'yo diba? lam mo na." pagngiti niya bigla.
Ako naman ata ang namula, ang hirap pala ng ganito.
Pupuriin ka ng lalaking katulad mo, tapos gwapo pa yung namumuri sa'yo. Tsktsk.
"Excuse me?"
Wala sa sarili akong napalingon sa nagsalita.
Agad akong napatingin kay Jacob, kita ko na parang biglang naging uneasy siya.
Eto pala yung nantrip sakanya, may itsura din.. pero ang kapal ng mukha na lumapit pa ah?
"Kamusta kana tol?" medyo tonong maangas nung lalaki.
"A-ayos lang, ikaw kamusta na?" balik ni Jacob.
Alam kong pinipilit niyang maging normal.
"Huwag mong sabihing hanggang ngayon ay apektado kapa rin sa nangyari dati?"
Sa itinanong ng lalaki ay nakumpirma ko na talaga ngang medyo may pagka-asungot siya.
Pansin ko rin si Jacob na lalong nahirapang magsalita.
"Mahal sino ba yan? Nakaka-istorbo na siya ah?"
Biglang pagsabat ko na sa dalawa.
"Mahal?" gulat ng lalaki at sa akin naman napunta ang atensyon niya.
"Oo. Boyfriend niya ako, bakit sino kaba?" medyo may tonong pagka-angas ko na rin at pagtayo pa.
Nakita kong nagulat ito at hindi na nakasagot.
Tae, hindi ako sanay sa ginagawa ko, haha.
"Mahal tara na nga, istorbo." inis ko kunwari at paghawak sa kamay ni Jacob at mabilis na paghila palabas.
......
"Ayos ba?" agad na pagngiti ko nang makalabas na kami.
"Hoy!! Galaw-galaw." pagpisil ko pa sa ilong niya.
"Ah.. ah, eh." pilit na pagsasalita niya.
Literal naman akong natawa, cute talaga 'tong si Jacob.
Nakakaproud at nagkagusto sa akin ang taong ito.
"Bata, bibigyan kita ng pambili mo ng pagkain.. pero kunin mo muna yung nakaplastic doon oh.." pagkausap ko sa batang nakatambay at pilit na pagturo doon sa pinamili namin, isang malaking plastik lang naman at kaya naman niyang buhatin panigurado.
.....
"Salamat ah?.. HAAA!! ayan nakarecover na ako." tila parang ganado nang sabi ni Jacob mula sa kanina pa niyang katahimikang ipinapairal.
"Wala yun, sa susunod.. huwag kanang papaapekto. Huwag mong sayangin yang sarili mo para sa taong ganun, gwapo lang siya.. yun lang. Ikaw naman, gwapo na mabait pa." mahabang sabi ko.
Nakasakay na kami sa jeep, hindi naman ganun kapuno kaya heto at nakakapagdaldal ako.
"Mabait yun Kash.. sobra." biglang sabi niya. "Hindi ko lang alam kung bakit bigla siyang naging ganun. Naging mag-bestfriend pa kami nun, tapos bigla nalang siyang naging ganun sa akin."
Hindi na ako nakaimik sa sinabi niya, natutunugan ko kasi siya ng kalungkutan.
Nahihiya tuloy ako, hindi kasi talaga ako magaling sa pagpapagaan ng loob.
Madaldal lang ako, yun lang. Ewan ko nga ba kay Seven at napapagaan ko daw ang loob niya, palagi.
Teka, teka..
Hinihintay nga pala niyan ako ni Seven. Nako baka magtampo yun, pinangakuan ko nga pala siya na ibibili ko siya ng Zagu.
Saktong tumigil ang jeep, sasabihin ko na sana kay Jacob na bumaba kami nang mapatigil na lang ako.
Ang lungkot kasi ng ekspresyon niya, parang seryoso na blanko na ewan.
Palihim na lang akong napailing, sa tingin ko.. mahal pa niya yung lalaking yun.
Teka ano nga bang pangalan nun? Kanina nabanggit ni Jacob eh.. teka teka..
Ahhh ayun.. Marvic Pangilinan, Marvs daw ang tawag ni Jacob doon.
Ang ganda-ganda ng pangalan, ke-asu-asungot naman ng dating. Tsk tsk.
Muli akong napailing, ang sama nung Marvs. Ang bait nitong si Jacob eh, tapos ginanun niya lang? Tsk tsk, dapat dun bugbugin tapos ipatapon eh.
.....
"Jacob kaya mo ba? Pwede naman kitang samahan na muna." agad na sabi ko nang nasa harap na kami ng bahay ni Seven.
"Ayos lang ako, pupuntahan ko na lang yung dalawa. Basta mamaya sasamahan kita. Ge pasok na, kaya ko na." pagngiti pa ni Jacob, tonong paninigurado pa.
Alam kong medyo wala talaga siya sa mood at pinipilit lang na maging maayos sa harapan ko.
"Jacob, magtext ka lang kapag may kailangan ka, darating ako kagad, pangako." tonong pagpapanatag ko naman.
Tumango at ngumiti ito.
"Salamat, bye.. see you mamaya.." pagngiti pa niya at pagkaway, hanggang sa nagsimula na siyang maglakad paalis.
Hinatid ko na muna siya sa pamamagitan ng aking mga paningin, kaninang-kanina ko pa siya gustong yakapin pero hindi ko lang magawa.
Mamaya ko na lang siya yayakapin, may lakad ulit kami mamaya.
Sasamahan niya ulit ako kay itay. May napagdesisyunan na ako, at yun ay ang mangyayari mamaya.
.....
Point Of View
- M a r v s -
"Yan kasi eh." agad na sabi ng kaibigan ko pagpasok namin ng bahay ko.
"Hindi ko naman gusto yung ginawa ko, alam mo naman yun diba?" mahinang sabi ko, nalulungkot nanaman ako.
"Anong niyang balak mo ngayon?" tanong pa nito. "Kababalik lang natin dito sa Angeles. Ano ang unang plano mo?" dagdag pa niya.
"Diba nakwento ko na sa'yo yung sinabi ni mommy bago siya nawala?" pagharap ko pa sakanya, nang makaupo na kami.
"Humingi siya ng tawad sa pagpilit niya sa akin noon na layuan si Jacob, at ngayon.. hinahayaan na niya daw akong sundan yung nararamdaman ko." sabi ko pa.
Bago namatay si mommy, humingi siya ng tawad sa pagharang sa kung anong meron sa amin ni Jacob, at sinabi niyang nagsisisi na siya kung bakit niya ginawa yun.
At heto, kaya ako narito ulit ngayon sa Angeles mula sa San Fernando, ay para balikan ang taong mahal na mahal ko.
"Oh ano ngang gagawin mo ngayon?" tanong ulit ng kaibigan ko.
"Wala. Ayoko na." agad na sabi ko, sa naiinis na tono.
"Grabe ah? Nagkaroon lang ng karelasyon si Jacob gumaganyan kana? Hindi mo ba nakita yung reaksyon niya kanina? Halatang apektado parin siya, ibig lang sabihin ay hindi imposibleng pareho pa kayo ng nararamdaman." balik nito.
Saglit akong napaisip. Paano nga ba? o Ano nga ba ang dapat gawin? At posible nga ba?
Jacob naman eh, pinagpalit mo naman ako kaagad, pano na niyan?
Hanggang sa naisandal ko na lang ang aking ulo sa may sandalan ng sofa at wala sa sariling napapikit.
"Jacob. Jacob. Jacob. Jacob." paulit-ulit na pagbanggit ko sa pangalan ng taong mahal ko sa aking isipan.
Hanggang sa..
"Tama, itetext ko siya." excited na sabi ko at agad na pagkuha sa aking cellphone.
Itutuloy
Lalong gugulo ang storya, dahil heto nanaman si Prince Justin at gumagawa ng mga bagay na hindi niya kayang panghawakan, haha.
New Character,
Marvic Pangilinan. Marvs for short :))
- Playful Jokes
Nice one my new character.....sana mg ka mkapagtapat si marvs ky jacob sumaya na rin xa.... nkakaingit nmn
ReplyDeleteJhay 05
Kash/Seven ang kampo ko. Thanks sa update.
ReplyDeleteBat nawala mga comments? O_o. Marvs.
ReplyDelete