Followers

Tuesday, November 4, 2014

Love Is... Chapter 20



AUTHOR’S NOTE: Salamat sa paghihintay, guys! Bumibusy e. Anyways, ako’y may update. Lol!

Maraming salamat pa rin po kina SIR MIKE at SIR PONSE sa patuloy na pagbibigay ng opportunity sa akin.

Sa mga readers ko na hindi nagsasawa sa pagbabasa ng story na ito, kahit laging broken promises ang naibibigay ko. Maraming salamat sa pagtitiyaga ninyo! I love you!

Sa mga commentator, JAMESL, ANGEL, JOEYRYL, YELSNA, and JAY-JAY, Thank you! It is from the bottom of my heart. #HartHart

Sa mga facebook FRIENDS, FL’ers, GROUP MEMBERS (BLUEROSE at R.E.S.), at BTBBC (I miss you, guys!), maraming salamat sa suporta! ‘Di na muna ako mag-i-isa-isa ha? Next time na lang, please? I love you!

Special greetings para kay JM PEREZ. :D

Sa aking pinakamamahal na si RADISH-CHAN. Salamat sa friendship! Salamat sa BS na ginawa mo para rito sa #LoveIs20. Lol!

‘Wag kayong mashock ha? Siguro, more or less, 5 chapters na lang itong story na ito. I don’t want to make you wait sa updates ko every week e. Lalo na ngayong mag-aaral ako this semester. But, I’ll try my very best, to post my next stories. Sana kahit mawala ako ng matagal, andyan pa rin kayo. :D

You can always contact me sa facebook. Or if you want, I can give you my number. Text or call me. Pero, ask first permission, before you call. Baka kasi nasa bahay ako. Lol! :D

Without further ado, I present to you, #LoveIs20 #LoveIsHandaNaAko! Enjoy!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV | XVI | XVII | XVIII


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Vienne Chase’s Beat Of My Heart (On-going)
Jace Page’s The Tree, The Leaf And The Wind (On-going)
Bluerose Claveria’s Geo – Mr. Assuming (On-going)
Prince Justin Dizon’s Playful Jokes (On-going)

Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)


CHAPTER XX


Riel’s POV

“HAPPY BIRTHDAY, RIEL!”

Nganga.

Hindi makagalaw sa kinatatayuan.

Speechless.

Ewan ko nga ba. Nasurpresa naman ako, pero bakit ako naiiyak?

“Happy Birthday, Blueberry ko.” Saad ng katabi ko.

Inakbayan niya ako saka hinalikan sa noo.

“Nasurpresa ka ba?” Dagdag niya.

Napatingin tuloy ako sa kanya. Nagtatanong ang mga mata ko kung pakana niya ba lahat ng ito. Tumango lang naman siya sa titig ko ng nakangiti.

“Hoy! Love birds! ‘Wag nga kayong maglandian sa harap namin! Aba, kain na tayo! Gutom na kaya kami!” Ani Yukino.

“For I know Yuki, ikaw lang naman ang gutom.” Panunuya ni Ate Xynth sa kanya.

Nagpout lang ito kay Ate. Hindi niya kasi ito magawang mabara kasi mas matanda ito sa amin at dahil bestfriend niya rin ito. Tumawa naman ang mga taong nasa loob ng bahay ko.

Lumapit na lang kami ni Red sa kanila na may ngiti sa aking labi.

2 years ko nang isinicelebrate ang birthday ko na wala sina Mama at Papa. Tapos ito naman ang una na wala si Ate. At ang ginawa ni Red ngayon, ang makapagsasabing napunan ulit ng saya ang kaarawan ko.

Last year, kaming tatlo lang nina Ate at Kuya Terrence ang nagcelebrate noon dito sa bahay. Masaya, pero kulang. Alam ‘yon ni Ate. Maging siya’y idinidiwang din ang kaarawan noon na hindi kami kompleto.

Sa ngayon, alam ko na, na may handang maglagay ng saya sa aking puso. Ang mga kaibigan ko, ang malapit na mga pamilya sa puso ko, at syempre ang pinakamamahal ko, si Red.

“Thank you.” Simple kong bulong kay Red.

“Anything for you, my love.” Kinilig na lang ako sa kanyang patutsada.

Kahit pilyo ‘to, marami namang alam na pambawi. Kaya nga mahal na mahal ko e.

“O, bago ang lahat, kantahan muna natin ang may kaarawan. Tapos ibigay na rin natin ang mga regalo natin sa kanya.” Anunsyo ng pamilayar na boses.

Napatingin ako sa nagsalita.

Si Josh.

Ang kaibigan kong may tampo sa akin.

Nang magtagpo ang aming mga mata ay ngiti na nagsasabing, okay na kami ang sumalubong sa akin. Nangiti na rin tuloy ako sa kanya. Kahit na, may namuong luha sa gilid ng aking mga mata.

“Mag-i-emote kaagad? Di pa nga nagsisimula.” Dagdag niya.

“Alam mo namang emo ako inside ‘di ba?” At tuluyan na akong natawa.

“Tama na yan. Simulan na muna natin ang programa.” Pagsuway ni Mama sa amin. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. “Dapat magsaya tayo ngayon, ‘di ba? It’s your day, Riel.” Aniya.

“I am Mama. Salamat po!”

Pinaupo na lang nila ako sa may harapan. At nagsimula na nga silang kumanta.

“Happy birthday, to… you!” Pagtatapos ng kanta. Saka ko naman hinipan ang kandila na nasa cake. Nagsipalakpakan ang lahat.

“Bigayan na ng gift!” Sigaw na naman ni Yuki.

“Ano ‘to, Christmas party? Ganun?” Pagbabara na naman sa kanya ni Ate Xynth.

“Nakakahalata na ako sa’yo, Ate ha!” Tampu-tampuhan naman ng una.

Nag ‘peace’ sign sa kanya ang matalik na kaibigan. Napailing na lang ako sa dalawang ito. Buti natatagalan nila ang isa’t isa. Ganyan naman talaga dapat ang magbestfriend, ‘di ba?

Hindi katulad namin ni Brett.

Napadako ang tingin ko sa magkakatabi na naman na sina Eri, Iris at Brett. Nahuli ko na nakatingin sa akin si Brett, pero agad itong nag-iwas ng tingin.

Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang panghihinayang. Anong nangyayari sa atin, Brett?

Binigay na lang nila sa akin ang mga regalong kanilang dala. Kahit nga si Red ay meron ding ibinigay sa akin.

“Di ba, ikaw ang may pakana nito? Sana ‘di ka na nag-abala pa na magbigay ng regalo. Itong lahat ng ito, sobra sobra pa.” Saad ko sa kanya.

Umiling lang ito. “Kulang pa ‘to sa kasiyahang ibinibigay mo sa akin.” Aniya.

Flattered lang ako sa sinabi niya. Pinamulahan ako dahil sa maraming dahilan.

“Happy Birthday, I love you.”

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nang makita ko ang nakangiti niyang mukha ay mas nadagdagan pa ang kagalakan ng aking puso.

“I love you, too.” Tugon ko sa kanya.

“I love you, mo—.”

“Tama na nga ‘yan! Maghapon na kayong magkasama e! Kami naman!”

Hindi natapos ni Red ang sasabihin ng hilahin siya ni Josh paalis sa harap ko. Natawa ako sa reaksyon ni Red. Ano pa nga ba. Kamot sa batok. Tumango na lang ako sa kanya nang sumenyas siya na pupuntahan muna niya sina Mama.

“Happy birthday, friend! Oh!” Abot niya sa akin ng kanilang regalo. “Galing sa amin ‘yan ni Riley.” Aniya. Napatingin naman ako sa katabi niya.

Nalipat muli ang tingin ko sa kaibigan ko. Alam na niya kung ano ang gusto kong itanong.

“Uhm, Best. Mag-uusap lang kami saglit ni Riel.” Saad niya sa kasama. “Mauna ka na munang kumain.” Dagdag pa niya.

Ngumiti muna siya sa akin bago niya pinagtuunan ng pansin si Josh.

“Happy Birthday, Gabriel!” Aniya.

“Salamat.” Tugon ko.

Hinawakan nito ang isang kamay ni Josh at napansin kong pinisil ito. Nagngitian ang dalawa tsaka ito umalis.

“Ano ‘yon?” Agad kong tanong.

“Kami na.” Masaya niyang pagbalita.

“ANO?!” Bulalas ko.

Napatingin tuloy sa amin ang lahat. Hinila ako ni Josh papunta sa labas ng bahay.

“Grabe ka naman kung makareact!”

“Sorry!” Pagpapaumanhin ko. Napapeace sign na rin lang ako.

Napatingala siya sa langit na puno ng bituin.

“Sinagot ko siya nung lunes.” Pag-amin niya.

Masaya ako para sa kanya, pero, malungkot din para kay Eli. Naalala ko tuloy na ako man ay nagawang bitawan siya dahil mas pinili ko ang sinasabi ng puso ko.

“So… it is really game over for Eli?”

“Yep. Mabilis akong naka-move on kasi tinulungan ako ni Riley. It is really a choice to be happy. I’ve already accepted everything. Makaka-move on ka ng mabilis kapag binuksan mo ang puso mo sa iba. Lalo na’t may handang sumalo sa’yo ng buong buo.” Aniya.

Napatango na lang ako sa kanyang sinabi.

“Eli’s willing too, pero hindi niya kasi piniling maging masaya kasama ako. Kinulong niya ang sarili niya sa pagmamahal niya sa’yo.” Aniya. Naguilty tuloy ako.

“Pero, okay na ulit siya.” Saad ko.

“I know. And I’m happy that he’s doing well. Pero… hindi na ako pwedeng bumalik. Riley is what I can call my happiness now.”

Totoo ngang naka-move on na siya. Wala naman saaking kaso ‘yon. Gusto ko lang din sigurong maging masaya na rin si Kuya. After all, isa ako sa heartbreak niya. Hindi pala… ako lang pala, because Josh and him didn’t happened.

Hindi rin kami nangyari, pero binigyan ko siya ng pag-asa noon sa pagsasabing pwede niya akong ligawan. Without realizing na hindi na dapat kasi may nilalaman na ang puso ko. I’ve even asked God for a sign, pero hindi ko naman ‘yon nasunod nang ibigay na Niya ito.

“Hey! Kung iniisip mo na ikaw ang puno’t dulo nito, just no. If you didn’t broke Eli’s heart, hindi kami matututo. Naintindihan na naman ito ni Eli e. Nung kinausap ko siya, alam kong nasaktan siya, but it is for the best…”

Napatingin tuloy ako sa kanya. Nagtagpo naman ang aming mga mata.

“Hindi tamang nagmamahal ang isang tao ng siya lang… dapat may nagsusukli rin sa kanya nito. Hindi dapat mahal mo lang, kung hindi, mahal ka rin.” Nag-iwas siya ng tingin matapos niya ‘yong sabihin. Napatungo na lang ako’t pinagmasdan ang mga kamay kong nakapatong sa aking tuhod.

“Yeah, you’re right. Sana makahanap ng taong mamahalin siya at mamahalin niya si Kuya. Yung worth sila para sa isa’t isa.”

“I know he will. Isa sa mga natutunan ko ay yung ang pag-ibig ay hindi hinahabol, hinahanap, o yung nagbo-volunteer. Kusa itong dumarating. Alam kong maraming tao ang ganun, pero dahil sa paghahabol, paghahanap, at pagvolunteer nila, maling tao ang nakukuha nila, at sa huli, nasasaktan lang naman sila.”

“Pero blessing in disguise na rin siguro na madapa tayo along the way, finding our other half, di ba? We learn so much from it, and those learnings will be useful in the future.”

Tumango lang siya sa sinabi ko.

Naintindihan ko na lahat. Natural na, na may mga taong nakakaranas ng pagkabigo, kasi, sa pagkabigo nila, they try even harder just to be happy.

“Hindi pa siguro ‘to ang oras ni Eli.” Aniya. Nakatingala na naman siya sa kalangitan.

“Hmm.” Tugon ko at tumungo na rin lang sa kalangitang puno ng bituin.

Tama nga ang kasabihang, in the end, only three things matter: how much you loved, how gently you lived, and how gracefully you let go of things not meant for you. Kaligayan mo dapat ang pagtuunan mo ng pansin.

Bumalik kami ni Josh sa loob matapos ang ilang minuto pang pag-uusap. Masaya ako na alagang alaga siya ni Riley. Pasasalamatan ko siya maya-maya for taking good care of Josh.

Humiwalay lang sa akin si Josh nang lapitan ako ng pamilya Chua. Kahit nagkita pa lamang kami noong nakaraang linggo sa sementeryo, ay marami pa rin kaming napagkwentuhan.

Si Joyce, ganun pa rin, napakadaldal na bata. Naimbitahan din nila ako sa susunod na linggo para sa birthday ni Tito Armando.

Ilang oras pa ang lumipas ay nagpaalam na ang pamilya Chua at ang pamilya nina Reese. Pagtingin ko sa orasan ay magaalas nuebe na pala.

“Ingat po kayo, Tita Rina, Tito Armando, Joyce!” Pagpapaalam ko sa pamilya Chua.

“Paalam, Kuya Riel! Happy Birthday, ulit.” Pagpapaalam naman ni Joyce saka ito umalis. Inihatid ko na lamang ang pamilya Chua sa pamamagitan ng aking tingin.

Kaya pala wala akong nakitang mga kotse sa labas ay dahil ipinark nila ito sa loob ng bahay nila Reese. Nice idea ‘di ba? Ang talino talaga ng boyfriend ko!

“Sige po, Tita Marissa, Tito Franco, Kuya Jeric. Salamat po sa pagdalo.” Pagpapaalam ko naman sa pamilya Roncesvalles.

“Maraming salamat po!” Ani Red. “Si Reese po, ipapahatid ko na lamang kay Andrei. Nag-i-enjoy pa ata sila.” Dagdag niya.

Kasama ko kasi siya sa paghatid sa kanila.

“Walang anuman ‘yon. Sabihan ko na lang ang mga guards na papasukin kayo kapag kukunin niyo na ang mga sasakyan, baka kasi hindi na namin kayo maentertain. Medyo gabi na rin.” Tugon naman ni Tito sa kanya.

“Maligayang kaarawan ulit sa’yo, Riel. Alam kong masaya ang pamilya mo sa’yo, dahil sa mga taong nagmamahal sa’yo.” Saad naman ni Tita Marissa.

Ngiti at tango lamang ang naisagot ko sa kanya.

Bumalik kami sa bahay na may mga iba’t ibang klase na ng inumin sa mesa ng sala akong nakita.

“Oh! Ito na ‘yong love birds! It’s time for the 2nd part of the celebration!” Anunsyo ni Yuki.

Napatingin ako kay Red. Napangiti lamang ito sa akin, at syempre, ang hindi mawawala ay ang pagkamot niya sa kanyang batok. Napailing na lang ako.

I guess, this ain’t a celebration, if we won’t be drinking liqours. Ganyan lagi ang sabi nila Yuki kapag magkakaroon ng kahit maliit na salu-salo. So be it! Hindi na naman kami underage para sa ganito.

“Uuwi na rin lang kami if you’re going to drink liquors. Just don’t drink too much, guys. Remember, hindi pa tapos ang School Fest.” Pagpigil ni Mama.

She’s just being concerned.

“I don’t want to be a killjoy. After all, matatanda na naman kayo. Basta ba, wala ng aalis sa bahay na ito, okay? Dito na lang kayo magpaumaga, or if you have someone to fetch you, that would be fine.”

“Opo!” Sabay sabay naming tugon sa kanya.

“Andrei, Reese. Tara na! Bawal pa kayo!” Tawag niya sa dalawang minor de edad.

Kita naman sa mukha ni Andrei ang panghihinayang.

“Happy Birthday, Riel.” Pagkuha sa akin ng atensyon ni Mama.

Lumapit ako sa kanya at mahigpit itong niyakap.

“Maraming salamat po, Mama.” Bulong ko.

“Anything, for my future son-in-law.” Aniya sabay kindat.

Napangiti ako sa inasta niya. Si Mama talaga. Mag-ina nga sila ni Red. It’s just 2 weeks pero parang ilang taon na kaming magkasintahan ni Red sa turing nila sa akin.

Tama nga siguro na hindi naman nasusukat sa tagal ng kanilang pinagsamahan ang tatag ng isang relasyon. All that matter is, both, love each other. That’ll make the relationship even stronger.


Red’s POV

“Ikaw! Bakit ang gwapo mong gago ka?!” Aniya.

Tama nga ang sabi nila. Mas honest ang sinasabi ng taong lasing. Hahahaha!

Sorry for showing off, gwapo naman talaga ako, ah?

Hating gabi na simula nung magsimula kami sa inuman. At nakarami na itong katabi ko. Bumili pa nga sina Eli ng isang kahon ng red horse kanina kasi hindi naman daw nakakalasing yung flavored beer. Kaya heto ang kinalabasan, lasing na ang minamahal ko.

“Ba’t pangiti-ngiti ka diyan ha! Pasalamat ka, mahal na mahal kita!” Dagdag niya pa.

“I know, Blueberry. Kalma lang, okay?” Sabi ko sa kanya.

“Lasing na ‘yan Red! Patulugin mo na ‘yan.” Ani Eli.

Sina Yuki, at Ate Xynth ay nauna na doon sa kwarto ng mga magulang ni Riel. Wala naman kasi silang sundo. Sina Eri at Eli naman ay piniling dito na lamang magpaumaga. Tumabi na lamang si Eri kila Ate Xynth.

Sina Brett at Iris ay naghihintay lamang sa driver nina Iris. Andito pa rin silang dalawa at katulad ni Riel, lasing na rin si Iris at inaalalayan lamang ito ni Brett.

Si Riley at Josh naman ay nandoon na sa kwarto ni Ate Karisma. Nagdesisyon kasi si Eli na dito na lang sa sala matulog.

“Sinong lashing?! Hik! Hindi pa ako lashing noh!” Ani Riel.

Nagkatinginan kami ni Eli at sabay na napailing at marahan na tumawa.

“Sige na, patulugin mo na ‘yang hindi pa lasing na ‘yan. Baka kung ano pa ang masabi.” Bilin sa akin ni Eli. “Ako na lang ang magsasara ng gate at pinto, kapag andito na ang sundo nina Brett.” Aniya tsaka tumingin sa magkayakap na sina Brett at Iris.

Napaangat ng tingin sa akin si Brett. Lasing na rin siya pero, hindi siya palasalita mula pa kanina. Hindi ko pa rin siya nakokompronta e. We don’t have any idea what’s going on with him.

“Sige Brett, ingat na lang kayo.” Tumango naman siya sa akin.

“Hoy! Brett! Bakit hindi mo ako pinapansin ha! Best friend mo ako ‘di ba? Anong problema mong gago ka?!” Galit na asta ni Riel.

Napalingon muli ako sa pinsan ko, nabigla rin naman siya sa sinabi ni Riel.

“Pagod na akong maghabol sa’yo ha! Gago ka!” Dagdag niya.

Sinenyasan na lang ako ni Eli na akayin na si Riel patungo sa kwarto niya. Kahit mabigat ‘tong mahal ko, kinarga ko na.

“Shhhh. Tama na Blueberry ko.” Pag-alo ko sa kanya.

“E kasi naman!” At naiyak na siya.

“Sorry.” Halos pabulong na saad ni Brett. Nawala ata ang pagkalasing niya dahil sa sinabi sa kanya ni Riel.

Tinanguan ko na lang siya. Hindi na naman kasi nakatingin sa kanya si Riel. Nakasubsob na ang kanyang mukha sa leeg ko. Umiiyak na rin siya. And I don’t know if narinig niya ang sinabi ni Brett.

Agad na lang akong pumanhik sa hagdan patungo sa kwarto niya. It seems sumabog na ang kinikimkim niyang galit sa best friend niya. Well, sino ba naman kasi ang hindi magagalit, Brett doesn’t even bother to explain. Sa best friend niya pa talaga.

Wala naman akong karapatan na magalit sa kanya. He’s my cousin, at never pa kaming nag-away. May respeto ako sa kanya, and I’ll let him explain things to Riel. Pero, kailangan ko na sigurong gumawa ng paraan. My love is hurting.

“Tahan na.” Sabi ko sa kanya nang maihiga ko siya sa kanyang kama.

“Sorry, Red. Hindi ko na talaga kasi maintindihan si Brett. Ayaw niya naman magsalita kapag nagkakaharap kami. Or worst, si Eri lang ang ihaharap niya sa akin. It’s unfair! Best friend niya ako, hindi ako kung sino lang na tao sa buhay niya, ‘di ba?” Aniya. Umiiyak pa rin.

“Okay lang sa akin. Tahan na, okay? Naiintindihan naman kita e. Kakausapin ko siya bukas, ako na ang bahala.” Assurance ko.

Tumabi na lang ako sa kanya para matulog. Ilang minuto na ang lumipas nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.

“Thank you, Red. Sa lahat ng ginawa mo para sa birthday ko. You don’t know how happy I am.” Aniya.

“Walang anuman. Sabi ko nga ‘di ba? Anything for you.” Tugon ko saka hinalikan siya sa noo.

Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Nabigla na lang ako ng siya mismo ang mag-initiate ng halik.

“Handa na ako.” Aniya pagbitaw ng aming mga labi.

“Ano?” Naguguluhan kong tanong.

“Handa na ako.” Tugon niya.

“S-Saan?” Tanong kong muli.

I want to confirm what’s in his mind right now. Ready? Para sa ganun?

“Pagbigyan ka.” Aniya. “Just be gentle.”

Fuck!

“Sigurado ka ba? Ayoko naman magtake advantage. Lasing ka—.”

“Hindi ako lasing! Ayaw mo?!” Aniya at bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Hindi naman ako nakasagot agad. “Edi ‘wag—.”

Halik ko ang nagpatigil sa pagsasalita niya. May consent na bakit pa ako tatanggi. Agad akong pumaibabaw sa kanya at hinalikan siya ng puno ng pagmamahal.

“Sigurado ka na ba talaga? Hindi naman kita minahal para dito—.” Natigil ako sa pagsasalita ng halikan niya ako.

“Shut-up! Tss. Ang daming daldal! Ang pinto, nakalock ba?” Aniya. Natawa na lang ako tsaka tumayo para ilock ang pinto ng kanyang kwarto.

Nagmadali akong bumalik sa kanyang kama tsaka pinagpatuloy ang paghalik sa kanya.

“Sabik?” Aniya sa pagitan ng aming paghahalikan.

“Matagal na.” Tugon ko.

Nakita ko na napangiti siya sa sinabi ko. Napabitaw tuloy ako sa paghalik.

“Ako rin naman. Tama ka nga sigurong, mas green ako mag-isip. I love nature!” Aniya saka tumawa.

Napailing na lang ako. I know na ganun din naman siya. Pero, it’s not sex, why we’ve confessed our love for each other and became partners. Bonus na lang siguro iyon. Hahaha! Ang pilyo ko nga talaga.


Eli’s POV

Nakaalis na sina Brett at Iris nang maalala ko na wala pa pala akong unan tsaka kumot. It’s already 1AM when, Iris’ family driver arrived. Umalis din naman sila kaagad. Napanisan ata ako ng laway kay Brett. Hindi na siya umimik pa noong nakaalis na sina Riel at Red papuntang kwarto sa taas.

Kakatok na sana ako sa kwarto ni Riel nang may marinig ako na… alam niyo na. Napailing na lang ako. Wrong timing ata ako. I don’t want to spoil the moment, kaya napagdesisyunan ko na sa baba na lang na kwarto ako kukuha ng mga kailangan ko.

Nang makahiga ako sa sofa, ay napailing na lang ako na may ngiti sa labi. Ang mga kabataan talaga ngayon. 


Riel’s POV

Nagising ako nang marinig ang alarm ko sa aking cell phone.

Ugh! Ang sakit ng ulo ko! Ang sensual pa nang panaginip ko. Tss. Ganito ba kapag nalalasing? Naparami ata ang nainom ko kagabi.

I love nature!

Napailing na lang ako nang maalala ko ang sinabi ko sa napanaginipan ko.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Hindi pa naman masyadong maliwanag, pero parang nasisilaw ako. Argh! Hangover na ba ito? I mean, umiinom naman ako, pero, hindi kasing dami ng naimon ko kagabi.

My gahd! Ang sakit ng katawan ko. Masakit rin yung…

Napamulat ako ng marealize na magkatabi nga pala kami ni Red kagabi sa pagtulog. Yun kasi ang napag-usapan. Marahan akong tumingin sa aking gilid para makompirma kung may katabi nga ako.

“Shit!” Anang isip ko.

Sinilip ko ang aking katawan sa ilalim ng kumot at nakompirma ang aking mahalay na iniisip.

“Hindi panaginip!” Pagtitili ng isip ko. Nagdiwang ang mga malalanding anghel na naninirahan sa aking utak.

Nakita ko ang hubog ng katawan ng kasintahan ko mula sa kanyang matikas na dibdib, pababa sa kanyang 6-pack abs at ng kanyang…

Napalunok ako. Ibinaba ko ang kumot at napailing… pero hindi ko mapigilan ang aking sariling silipin ulit iyon. Oh my gas! Overkill! Kaya pala masakit ang asdfghjkl ko!

Shits! Ano ba ‘tong iniisip ko! Todo pag-iling ulit ang ginawa ko.

Handa na ako. Bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi.

Dahan dahan akong umalis sa pagkakahiga sa higaan ko tsaka nagmadaling pumasok sa banyo. Pinagsasapak ko ang aking bibig sa mga naalala kong sinabi ko kagabi.

Pushang gala! May ‘I love nature’ pa akong nalalaman! Tengene naman o!

Pero! Wala na naman akong magagawa e. Nangyari na ang nangyari. Nag-enjoy din naman ako. Lol!

Ramdam ko ang sakit ng katawan ko. Syempre sa… basta!

Nagmadali akong maligo para mahimasmasan sa hangover ng alak tsaka sa nangyari kagabi! Shit! First! Homerun!

Hindi ko na muna ginising si Red. Mahimbing pa rin ang tulog niya. Hindi na rin ako nag-abalang takpan ang katawan ko. Nakita na rin naman niya. Tsaka tulog pa naman siya. Pero, hiyang hiya ako na makausap siya ngayon.

I don’t know what to say to him after what happened! Pinamumulahan ako ng mukha kapag naaalala ko! Para akong ulol kagabi! Baliw sa lahat ng nangyari.

Pagkababa ko ng sala ay nakita ko na inaayos na ni Eli ang kanyang pinaghigaan.

“Ohayo, Onii-chan!” Bati ko sa kanya.

“Good morning! Kumusta tulog mo kagabi?” Aniya. May pang-aasar sa kanyang tono.

Napaiwas ako ng tingin. Nakagat ko rin ang aking labi. Shit! Narinig niya ba kami kagabi?

Napatingin ako ulit sa kanya. Panay ang iling niya na may ngiti sa kanyang labi.

“Magluluto lang ako ng breakfast natin.” Sabi ko tsaka mabilis na tinahak ang kusina. Ni hindi ko nga siya inantay na sumagot.

Pinag-uuntog ko ang aking ulo sa ref. Shit! Narinig pa ni Eli! Ang baboy! Lol!

Anyways! Wala na akong magagawa. Tapos na naman ‘yon e. I hope and pray na wala ng iba ang nakarinig doon sa nangyari kagabi. Private moment kaya ‘yon! Hindi dapat pinagkakalat! Sana lang din, hindi rinig sa kabilang kwarto!

Nagluto na lang ako ng almusal namin. Pinilit ko na lang munang isantabi ang mga naaalala ko kagabi.

“Bakit ngingiti-ngiti ka riyan?” Nagulat ako sa kanyang pagsasalita.

“Kuya!” Sigaw ko. Aatakehin na naman ako sa gulat.

Natawa siya sa reaksiyon ko. Am I too obvious?

“Anong niluluto mo?” Tanong niya.

“Fried rice, tsaka iinitin ko lang ‘yong mga natirang ulam kagabi.” Sagot ko. Ibinalik ko na lang sa niluluto ko ang aking atensyon.

Lumapit siya sa akin tsaka tiningnan ang niluluto kong sinangag.

“Wow! Special Sinangag. May carrots at itlog pa.” Aniya. “Pero… anong nangyari kagabi, huh?” Natatawa niyang usig sa akin. Lumayo rin siya ng kaunti, sinusuri ang aking reaksyon.

Pinaalala na naman ng kupal na ito. Tss!

Ako naman ‘yong lumapit sa kanya.

“Kuya naman! Private ‘yon! ‘Wag na nating pag-usapan, okay?” Bulong ko sa kanya.

“So… May nangyari nga?” Aniya.

Shit! Nag-assume ba ako na narinig niya? Aish! Baka hindi naman, tapos umamin pa ako. Kainis!

“W-Wala!” Pagbawi ko sa sinabi ko tsaka ibinalik ang atensyon sa aking niluluto.

“Sa susunod kasi, gawin niyo ‘yon kapag kayo lang ang andito ha?” Aniya.

“What do you mean, Eli?” Pareho kaming napalingon ni Eli sa entrada ng kusina. Si Eri pala. Halatang kagigising lang dahil panay ang kuskos sa mata.

Nagkatinginan kaming dalawa. Nag-uusap mata sa mata. Babatukan ko talaga ‘tong mokong na ‘to kapag nagsalita ‘to.

“Ah wala, wala, Sis.” Sagot sa kanya ng kakambal.

“Whatever.” Sagot naman ni Eri.

Nabunutan naman ako ng tinik. Pinandilatan ko na lang siya saka itinuon ang pansin sa aking niluluto.

“G-Gawin na lang nating lechon paksiw yung natira sa lechon kagabi. Okay lang sainyo?” Tanong ko sa dalawang kasama ko. Nakaupo na si Eri sa hapag habang si Eli naman ay inoobserbahan ang pagluto ko.

“Yeah, Riel. Okay lang sa akin. Basta luto mo, never akong tatanggi.” Wala sa sariling tugon ni Eri sa akin. Humikab din siya matapos niya yung sabihin.

Natuon ang atensyon ko kay Eli na nasa kapatid ang mga mata.

“How about you, Eli?” Pagkuha ko sa pansin niya.

“Yeah… yeah. Sure!” Aniya, at patango-tango lamang.

Sunod na bumaba ang magkasintahang Riley at Josh. Nagmamadali.

“Naamoy namin yung lechon.” Ani Josh.

“Naku! Baka tumaba ka naman.” Ani Riley naman.

“Konti lang, please?” Pakiusap ni Josh kay Riley.

Napadako ang tingin ko kay Eli. Nakatungo lamang ito. Nakakaguilty talaga!

Hindi pa rin nakakababa si Red nang matapos ako magluto. Aba! Alas sais y media na ng umaga wala pa rin siya? Si Yuki naman tsaka si Ate Xynth, ay sabay na pumanhik sa mesa.

“Timpla na lang kayo ng kape niyo diyan, gigisingin ko lang si Red.” Bilin ko sa kanila.

Aba! Napuyat ata ang kumag kagabi. Masyado bang nagtagal yung asdfghjkl namin? Hindi ko na matandaan kung anong oras kami natapos e. Napailing na lang ako sa aking iniisip. Nakalimutan ko na kanina e. Bumalik na naman.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay ganoon pa rin ang ayos niya. Kinabahan tuloy ako, kaya’t agad kong nilock ang pinto. Wala na naman ako sa tabi niya, bakit nagpapantasya pa rin ‘tong mokong na ‘to?

Kahit nahihiya pa akong harapin siya, wala na akong magagawa. Nangyari na ang nangyari ‘di ba? Tsaka, kahit iwasan ko siya, magkakaharap pa rin naman kami, eventually. Sabi ko nga, it is as if hindi ko ginusto ang nangyari.

“Huy! Cheesecake! Gising na! Umaga na po kaya!” Pag-alog ko sa kanya.

Nabigla na lang ako nang hilahin niya ang kamay ko kaya’t napadapa ako sa may dibdib niya. Lord, no temptation, please. Ke-aga aga pa e! Gising na rin ang lahat!

“Thanks for last night...” Aniya.

Nakakainlove ang bedroom voice niya. Shit!

“Hmmm.” Tanging naisagot ko.

“Round two?” Aniya.

Napabalikwas ako pero hindi niya hinayaan na makaalis ako sa bisig niya. Hinampas ko na lang ang dibdib niya ng kamay ko. Syet! Syet! Balat! Nakakapaso!

“Umayos ka nga, Red! Gising na silang lahat! My gas! Alam mo bang narinig tayo ni Kuya kagabi?” Bulong ko. Napatawa naman siya ng mahina.

“I don’t care. It’s not just sex, we made love. It was the best night.” Aniya.

“I know! Ang halay mo pa nga. Bumangon ka na! Mag-aalmusal na tayo.”

Hinayaan niya naman akong makaalis sa bisig niya. Tumayo na lang ako mula sa pagkakadapa ko tsaka inayos ang sarili. Wala siyang kagatol-gatol na tumayo sa kama ko nang walang kasaplot-saplot.

Ang yabang neto e. Alam niyang maganda ang hubog ng katawan niya kaya’t walang pakialam kung sino ang makakakita. I wonder if nag-gi-gym kaya siya kaya ganyan ang katawan niya? Mga kabataan pa naman ngayon, conscious na sa katawan.

Napatalikod na lang ako bigla nang marealize ko kung ano ang sinusuri ko. Narinig ko ang mahina niyang tawa saka ko naramdaman ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.

“Nakita mo na naman ‘to ah, bakit ka pa nahihiya?” Nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan ng maramdaman ko ang hininga niya sa aking batok.

Napapikit na lang ako. Magtimpi ka, Riel! Juice colored! Nararamdaman ko na rin yung asdfghjkl niya! Shit!

“Maliligo lang ako ha? Pahiram na lang ako ng damit.” Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.

Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto ng aking banyo. Nanghina ang mga tuhod ko kaya’t napaupo ako sa sahig. Shit! Dali dali na lang akong kumuha ng damit sa cabinet ko. Pati bagong brief ay meron na rin.

Inilatag ko lang iyon sa kama ko.

“Hintayin na lang kita sa baba, ah? Bilisan mo na riyan. Pagtitimpla kita ng kape.” Bilin ko.

“Okay!” Rinig kong tugon niya.

Nang makababa ako at makapunta sa kusina ay naabutan kong kumakain na ang mga kaibigan ko.

“Sorry, Riel. Nauna na kami. Ang tagal niyo kasi. Where’s Red?” Ani Ate Xynthia.

“N-Naliligo pa.” Tugon ko.

Agad na lang akong gumawa ng kape para sa aming dalawa ni Red. Ayokong masuri na naman ni Kuya, pihadong aasarin na naman niya ako. Ramdam ko ang init na dumadaloy sa pisngi ko. Hindi na ako magtataka kung namumula na ako ngayon.


Red’s POV

Nang makababa ako, nakita kong halos tapos ng kumain ang mga kasama namin. Napadako ang tingin ko kay Eli na nakangiting umiiling sa akin. Ngiti lamang ang naisagot ko sa kanya.

Nang makaupo ako sa tabi ni Riel ay hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kagabi. Tulad ngayon, he’s biting his lower lip. Hindi ako magsasawang makita siyang napapakagat labi dahil sa presensya ko.

Nangangahulugan lamang ‘yon na nagwawala ang buong sistema niya sa mga ginagawa ko. Kaya mas minamahal ko siya sa bawat araw na dumadaan na kasama ko siya.

 
Brett’s POV

Napabalikwas ako nang magising katabi si Iris. Wala kaming saplot pareho. Shit! Pinilit kong alalahanin kung anong nangyari pagkauwi namin.

“Good morning, baby...” Rinig ko.

Nang lumingon ako sa pwesto ng katabi ko ay nakita ko ang nakangiting mukha niya.

“Anong nangyari?” Naguguluhang tanong ko.

“We made love. Hindi mo maalala?” Diretsahang sagot niya. Marahan siyang umupo at humilig sa headboard ng kanyang kama.

Napansin kong may mga stain ng dugo ang kanyang kumot.

“Iris… you bled...” Nag-aalala kong saad sa kanya.

“Okay lang. I lost my virginity with my fiancé naman. Siguro, ito na lang ang panghahawakan ko sa relasyon nating ito Brett. Sana mabuo ito…” Aniya.

Nagkatinginan kami mata sa mata. Nag-iwas agad siya ng tingin sa akin.

“Alam mo bang kahit ako ang kasama mo at ginagawa natin ‘yon, si Riel pa rin ang bukang bibig mo? Tiniis ko lahat, Brett. Pinakinggan ko lahat ng sinabi mo, kahit hindi pangalan ko ang sinisigaw mo…” Dagdag niya.

“Kasi ikaw na ‘yong buhay ko. Sinuway ko lahat ng payo sa akin ni Eri kasi ikaw lang ang laman nitong puso ko… kasi ayaw kong mawala ka sa akin… kasi mahal na mahal kita. Handa kong tiisin ang sakit, makasama lang kita...”

“Sorry…” Tanging naitugon ko sa kanya.

“Okay lang, manhid na nga siguro ako, tulad ng sabi sa akin ni Eri. Mahal kita e. I don’t want to lose you. Kahit galit na galit ako kay Riel, hindi ko naman magawang saktan o pagsalitaan siya…”

I’m so hopeless. Bakit ko ba kasi pilit na tinatago pa rin ang nararamdam ko kay Riel? Bakit hindi ko magawang alisin siya sa puso’t isipan ko, nang sa ganun ay hindi nasasaktan ng ganito si Iris?

“Ayokong kapag may nagawa akong mali, basta mo na lang akong iiwan. Brett, alam mo naman na ikaw na ang buhay ko, ‘di ba? Nakadepende na lahat ng pagkatao ko sa’yo. Please… ako na lang kasi… nahihirapan na ako e.” Aniya saka humagulgol.

Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya ng mahigpit. I am to blame here. Bakit ko pinayagan ang sarili kong magmahal ng dalawa? At ang masakit pa, pareho kong hindi kayang bitawan ang pagmamahal na ‘yon sa kanila.

Umuwi ako sa bahay ng wala sa sarili. Galit na sa akin ang bestfriend ko. Kasalanan ko naman. Desisyon ko naman na layuan muna siya. I thought it will help me to accept things, but it turned-out na pinalala pa nito ang sitwasyon.

Kanina ko lang nalaman na nasasaktan na si Iris sa mga kinikilos ko. I’m so dumb! Bakit ngayon lang? I’m on top when it comes to academics, pero ako ata ang nasa pinakahuli kapag sa aspeto ng pag-ibig ang pag-uusapan.

Fuck this!

Gustuhin ko mang umabsent muna sa SC duties ko sa School Fest, hindi pupwede. Riel is mad, and I know na makakadagdag lamang ang pag-absent ko. He needs our help.

Nasa malalim na pag-iisip ako nang may malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Halos mabingi ako sa lakas ng impact noon sa baba ng aking tenga.

“Gago ka ba talaga, Brett?! Pwede ba?! Gumising ka na! Tanggapin mo na kasing hanggang magkaibigan na lang talaga kayo ni Riel. Please! ‘Wag mong pagsabayin sila ni  Iris sa puso mo. Mahal na mahal ka niya, pero ano?! Gago! Wake up, already!” Galit ang namayani sa kanya.

“Eri, tama na!” Pagsuway sa kanya ni Iris. Nasa SC Room kami ngayon. Buti na lang wala pang ibang tao bukod sa aming tatlo.

Hinila niya kami sa loob ng conference room.

“No!” Humarap siya kay Iris. “Tama na nga ang pagiging martyr mo, Bestie! Nasasaktan ka na e!” Panay naman ang iling ni Iris sa kaharap.

“At ikaw lalaki! Akala ko pa naman, ideal man ka! I’d even competed with Iris, para lang makuha ka, pero, ano? Lokohan lang pala ang pagiging ideal man mo? You’re unbelievable!” Harap niya naman sa akin. Gigil na gigil ang mga kamay niya.

“I’m sorry, Eri.” Napayuko na lang ako. Her eyes are like daggers.

“Sorry? Sorry, Brett? You’re sorry but… what the hell?! You’re sorry pero sinasaktan mo ng paulit-ulit si Iris?! ‘Yon ba ang sorry sayo, Brett?” Tugon niya.

“Tama na, Bestie! Tanggap ko naman e!”

“What the hell, Iris?! Tanggap mo?! Bakit ka umiyak noong sabihin mo sa akin? Oh God! Iris! Nagpapakatanga ka rin, gaya ng fiancé mo. Bagay nga kayo. Matatalino nga, nagpapakatanga’t nagpapakamartyr naman. Ewan ko sa inyong dalawa!” Narinig ko na lang na sumara ang pinto ng Conference Room ng SC.

“Sorry, Brett. Hindi ko sinasadyang sabihin kay Eri. Nainis lang ako kaya hindi ko napigilan ang sarili ko. Siya lang ang nakakaintindi sa akin dito e.”

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Marami ng naaapektuhan ng nararamdaman kong ito. Back then, nakakaya ko naman e. Knowing that Riel, will be mine, even if we’re just best friends.

Masaya ako na kahit ganun lamang ang umiikot sa relasyon naming dalawa, palagi naman kaming magkasama. I can freely be with him.

Pero, nag-iba noong naging okay sila ng pinsan ko. Sinabi ko na tutulungan ko si Red na makuha si Riel, pero, deep inside nasasaktan ako. Oo, sabihin na nating, gusto ko, na akin lang si Riel. Pero, ano naman ang laban ko, best friend lang ang papel ko sa kanya. I can’t even go far than that.

Hindi ko naman pwedeng aminin sa kanya. Nakatali na ako. Mahal ko rin naman ang taong nasa harap ko ngayon.

Bakit ganoon? Sana, naging dalawa na lang ang puso ko. 

Pero… hindi iyon tama, kaya dapat na akong magdesisyon sa lalong madaling panahon.



Itutuloy…

2 comments:

  1. luh ! so may nangyare na kay Red at Riel . oh my ! baka mabuntis si Riel ! Hahaha XD KAYU NA TALAGA !! ingget much !XD hehe
    -yelsnA

    ReplyDelete
  2. Ang daya!!! Author post mo naman yung nangyari kay Red at Riel! Pleaaaaaseeeeee!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails