GEO
"MR. ASSUMING"
By: Bluerose
CHAPTER 21
AUTHOR'S NOTE : Unang una syempre thank you sa lahat ng patuloy at hindi nagsasawa na sumuporta sa story ni geo.. Super thanks. Ilang chapters nalang matatapos na to at sana isupport niyo parin hehe mwuah mwuah.
Just wanna say thank you unang una kina young, jigs, red Marvin and alexander blue, chos!! Hahaha.. Na mga admin sa group.. Super thank sa inyo.. Mwuah mwuah.. Syempre next sa BTBBC!! mga bitter na nakakaintindi sa mga bitter ahhaha joke.. So love you guys.. Magiging better din tayo lahat soon haha.. Kay nhie na super love ni..., myun,na super busy na hehe.. Kay park este sichem super love ang KPOP hehhe INfinite..! Si IAN KITOY na super bebe ko hahah.. Love ya.. Kay seyren windsord din ehhehe kay nestea libres! hEhehe salamat bro sa suporta. Kay clark and RYL manalo hehhe.. Amore fafa mio hahhaha sa mga kay alex J king, john kevin, jayjay perez, shai bord, summer rain, junrey, xi toshirou, bryan lopez, rhaff rhaff, king gregorio, Honah, Jm perez, paul tubalde, gogz, heaven maglangit.. Salamat sa inyo!!! hehhee
CO RA's ko sa msob.. Hehe Kay viene and rye and si prince justin and cokie cutter.. Support natin sila hahaha
Sa mga hindi ko nabanggit sorry ehhehe.. Next time nalang . Sali kayo sa group.. More picture of the characters .. Kung may tanong kayo.. Kwentuhan tayo close close hehehe
https://www.facebook.com/groups/carlosbluerose/
SI PAUL
Pagkababa ko ng phone agad lang akong sumakay sa kotse ko..Hindi ko naman mapigilang mapangiti.. Kami ang mananalo sa battle of the band alam ko. Excited na ko makita si geo.. Sobra.. Alam ko posibleng mahal pa niya si chris pero wala na kong paki dun ang importante mahal ko sya.
Humugot lang ako ng malalim na hininga skaa muling dinial yung number ni geo..
" What..??" sagot niya natawa naman ako.. " grabe ang bilis mo naman ako mamiss wala pa atang isang minuto ah.? Inlove na inlove ka talaga sakin paul."
" hindi noh.. Ang sakit kasi sa tenga ng boses.. Gusto ko lang masira araw ko.."
" Ows.."
" Nasan ka ba bakit parang ang hangin jan..?"
"Uhm nasa harbourside ako.. Malapit sa dagat.. Don't worry dadalhin kita dito pag punta mo dito lulunudin kita sa dagat!" saad niya.
"talaga nakakaenjoy naman yun..? Isama kaya natin si chris..? Tapos sabay natin syang lunudin." asar ko sa kanya.
" magpapalit ng ko ng sim nakakainis ka na paul.."
" why.. Magandang Idea kaya yun tapos di ba sabi mo may mga balyena jan... Ipakain natin sya o kaya ingudngod natin sa Iceberg!" natatawang saad ko.. Narinig ko naman yung mahina niyang pagtawa.
" nababaliw ka nanaman paul.. "
" hindi kaya.."
"I mean baliw na baliw ka na sakin..! Ikaw na kaya lumulowbat ng phone ko.."
" Tulad ng pagkabaliw mo kay chris..?"
" eh kung ikaw kaya ingudngud ko sa iceberg.. Bwiset ka sarap mo patayin.. Aixt paul.. Kung katabi lang kita baka nginudngud na kita.. Sa nguso ko.." natatawang saad niya. " joke baka masyado kang mainlove."
" Mahal mo pa nga sya.. Affected ka parin kapag binabanggit ko yung pangalan niya eh."
" haixt ewan ko sayo..."
" Sige na pauwi palang ako..Kumain ka ng marami.. Love you.."
" Ok.. Bye..wag ka na uli tumawag huh kasi mapapatay na kita." saad niya hanggang naputol yung linya.. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka ngumiti.. Ano ba nangyayare sakin..kainis talaga..di ko na mapigilan yung sarili ko wag pakinggan yung boses niya.. Badtrip na kupido naman kasi yan eh.. Sarap tangalan ng pakpak.. Mahirap mapaglaruan ng tadaha pero putek mas mahirap mapaglaruan ni kupido.. haha Haixt.. Pinaandar ko lang yung sasakyan.
Bumisana lang ako pagtigil ng kotse ko sa tapat ng bahay nila joseph..Bumaba naman ako ng makita na bumukas yung front door ng bahay nila.
" Paul.." bati sakin ni joseph lumabas lang sya ng gate.
" Ok na bro.." saad ko Ngumiti lang sya saka umiba ng tingin.
" Alam ba ni daryll..?" marahan naman akong umiling.
" Daddy ni daryll yung kinausap ni tita Agnes kaya you're safe.. At beside hindi naman alam ni daryll na ex ko si sarah."
" salamat bro huh.."
" thanks to sarah.. Malas ko lang.. Kasi kailangan ko ipakilala kay franz yung taong mamahalin ko.. Nangako kasi ako kay sarah na makikita niya ko na maging masaya.." natawa naman sya. " hoy seryoso ako gago. "
" Sabi mo eh." buntong hininga niya.
" Mahal mo talaga si franz noh."
" mahal na mahal.. Buti nga tumawag ka nung araw na yun kung hindi baka matagalan pa bago makakita si franz.. Mayaman sila daryll pero hindi ganun kadali maghanap ng mata. Kahit panget si franz willing din naman ako ibigay yung mata ko pero sigurado ako magwawala yun kapag nalaman sakin galing yung mga mata niya."
" sabagay.."
" magbabago kaya itsura niya kapag wala na syang salamin. Tingin ko hindi.. Mukha parin yun shrek..!"
" well atleast alam ko kanino napunta yung mata ni sarah.. Kahit paano matutupad ko parin yung pangako ko sa kanya.."
" pasok ka..?" alok niya.
" hindi na bro.. Uwi na din ako.. Dumaan lang talaga ko dito para sabihin sayo yun.."
" Sige salamat uli huh."
" anytime bro.." ngiti ko saka sumakay sa kotse ko.. Agad ko lang tong pinaandar nang tingnan ko yung sidemirror nakita ko lang si joseph habang nakatingala sa langit.. Yung lalakeng yun napagulo ng ugali.. Sobrang sungit pero minsan sobrang seryoso. Nung araw na mamatay si sarah tumawag ako kay blue para ipaalam yung nangyare pero dahil hindi nito sinasagot yung phone kaya si joseph ang tinawagan ko.. Nasabi niya sakin yung pagkabulag ni franz nagkataon na willing idonate ng pamilya ni sarah yung mata nito.. Nakiusap si joseph sakin na ibigay nalang kay franz yung mga mata ni sarah.
Pumayag yung magulang ni Sarah.. Nakiusap nalang ako na si tita Agnes na yung kumausap sa daddy ni daryll para hindi malaman na si joseph parin yung gumawa ng paraan para makakita si franz.. Haixt ganun ata ang nagagawa ng love willing ka mawalan para magkaroon yung mahal mo.. Kung si geo siguro yun ganun din ang gagawin ko.
Araw ng battle of the band.. Tanghali ng matapos yung pagparkastis namin ng unang kanta na ipeperform namin mamayang gabi... Naupo lang ako sa gilid saka inayos yung mga gamit ko.. I don't know pero hindi ako kinakabahan.. Alam ko kami ang mananalo.. Napansin ko lang si joseph na tahimik habang tinitipa yung guitara niya.
" Hey ang tahimik mo..?" untag ko sa kanya.
" Uhmm bakit may batas ba dito na dapat nagsasalita ng nagsasalita..?" kunot ang noong saad niya natawa naman ako. " bakit mukhang inspired ka..?"
" Bakit may batas ba na bawal mainspire?"
"Eh kung tangalan kita ng bungo huh.. Kinakausap ka ng maayos eh.. bakit nga..?" simangot niya.. Putek na lalake to.. Iba talaga ugali..
" Kasi Im sure tayo ang mananalo mamayang gabi..kaya masaya ako."
" siguradong sigurado ka ah..?"
" Oo naman.. Galingan mo mamaya.. Tingin ko manunuod si franz.."
"Imposible nasa hongkong pa yung bulag na yun.. Di man lang marunong magtext or tumawag.. Nakakainis..Tagal naman nila blue nagugutom na ko.."
" Alam mo balita ko yung isa sa magiging judge mamaya is talent scout.?"
"so..?"
" malay mo madiscover tayo.. Malaki yung chance na magperform tayo sa national television.." ngiti ko.. Kita ko naman sa mukha niya na hindi sya intersado sa sinabi ko. " bakit ayaw mo ba yun..?"
" pangarap mo magartista..?" tanong niya marahan naman akong umiling.
" pangarap ko makilala hindi dahil sa itsura.. Gusto ko makilala ako dahil sa passion ko sa music.." ngiti ko.
" Sabagay.." isang buntong hininga lang yung pinakawalan niya. " ayoko kasi ng madaming tao.. Dito pa nga lang sa school naiinis na ko eh."
"bakit ba ang lungkot mo..?"
" paki mo ba..?"
" bakit nga sasapakin kita..?" napabuntong hininga lang sya ..
" Gusto ko kasi makita ni franz yung performance natin mamaya..Pero mukhang imposible eh."
" Alam mo bang succesful yung operation niya..?" tanong ko. " tinanggal na daw yung benda sa mata niya."
" yeah pinuntahan ako nung kuya nung pagong .. Sinabi niya sakin.. Tingin ko naman kahit hindi na malabo mata niya panget parin sya. "
" really.." ngiti ko, " yung mata kaya na nilagay sa kanya galing sa isang napagandang babae."
" Edi sana pati mukha kinuha na.. Nakakasuka na yung mukha ni franz.. Sarap ingudngud sa kumukulong tubig.. Aixt wag mo na nga sya ipaalala.. Nagiging criminal ako sa imagination ko."
" ikaw kaya unang nagsabi ng pangalan niya.. Sana manuod si franz mamaya."
" why..?"
" wala excited din ako makita si franz eh.."
" why..? Tangina ka wag mo sabihin na pati ikaw naakit ng panget na yun.. Putek ano ba meron sa bulag na yun bakit ang daming nagkakagusto.."
" Hoy wala akong gusto dun.. Kayo lang naman nabulag sa kanya eh.." natatawang saad ko. " hindi naman gwapo.. Hindi rin maganda ang katawan as in parang wala pang korte..? Mukhang ewan dahil sa salamin niya.. Ano ba nagustuhan niyo dun ni daryll..?"
" Ako lang pwede lumait dun .. Sapakin kita jan eh."
" Hoy joseph hindi ko nilalait si franz.. Narinig ko lang sayo yun.." ngiti ko.
" Sapak..?" amba niya sakin..
" gago.. Galingan mo mamaya.. Paluminin natin ng alikabok ang gravity pakita natin na antagonist ang bibida mamayang gabi.." saad kong puno ng kumpyansa.
" whatever.." iwas ni joseph ng tingin binatukan ko naman sya. " ano! Bakit ka nambabatok..?"
" Nagmomomment ako tangina ka panira ka eh.. Yun na yun pangkontrabida na shot yun eh. Ganito.." Saad ko saka ngumiti.. "Kami ang antognist at sisiguraduhin namin na kami ang bibida ngayon gabi.."
" whatever.." saad uli niya aktong babatukan ko sya ng itaas niya yung guitarang hawak niya. " subukan mo ihahampas ko sayo to.?"
" ewan ko sayo.. Panira.. Agawin ko kaya si franz..?"
" baka gusto mo mapunta sa auter space..? Tangina ka makita ko lang na magkasama kayo ni franz dudurugin ko yang mukha mo.."
" Ano nanaman yan..?" sabay lang kaming napalingon nakita ko lang si blue at si jonas na may dalang mga plastik.. Kasunod si ethan.. " kayong dalawa hindi ko kayo maintindihan.. Minsan magkasundo minsan magkaaway..?"
" Magaspang kasi ugali ng lead guitarist mo..!" simangot ko kay blue.
" Baliw naman yung drummer.." simangot ni joseph..
" Cute ang bassist." ngiti ni ethan.
" syempre gwapo yun vocalist" natatawangsaad ni jonas.. " pano yan kayo dalawa lang ang may depekto.. Isang baliw at isang magaspang ang ugali..?"
" Eh kung bangasan kita jonas..?" Saad ni joseph.
" game hampasan nalang ng guitara noh.." ngiti ni jonas saka kumuha ng guitara sa gilid.
" tumigil nga kayo para kayong mga ewan..kain na tayo baka wala pa kayong magamit mamaya kapag nasawak yang mga guitara.." saad ni blue.
" yung guitara talaga inisip mo huh..?" napapakamot na saad ko.
"eh sa titigas ng mga mukha niyo baka durog na yung guitara di parin kayo nagagalusan..lalo na to si joseph.. Kala mo ang tapang iyakin namin..at itong si paul na laging pinipilit na straight sya.. May gusto naman kay geo.."
" sinong geo..?" tanong ni joseph.
"blue..?" awat ko.
" at itong si jonas.. Ang ganda ganda ng boses ang hilig naman sa corneto!" natatawang saad nalang ni blue. "lagi pang may baon na monami.!"
" at itong si ethan.. Lumaki nga sa simabahan istokwa naman..? So lahat kayo may depekto.. At sa kwartong to ako lang ang wala."
"hoy blue sa kwartong to ikaw ang may pinakamalaking depekto.." simangot ni joseph.
"bakit ako..?"
" isang kang taksil!!" sarkastikong saad pa ni joseph nagtawanan naman kami. " kala mo kung sinong gwapo taksil naman.."
" Wala bang kutsilyo dito.. Ethan bumili ka nga ng itak..?" inis na saad ni blue. " papatay lang ako." kita ko lang yung sama ng tingin dito ni blue.haha
" oops joke lang.." saad ni joseph saka pinakialaman yung plastik na binili nila blue. " grabe ka makatingin blue.. Joke nga lang.."
" after ng battle of the band ililibing kita ng buhay joseph..!"
" taksil ka naman talaga blue ah..?" ngiti ko sinimaan naman niya ko ng tingin.
" Eh kung sabihin ko kay geo na magpalit na sya ng number para di mo na sya matawagan..?" simangot nito umiwas naman ako ng tingin..
" Wow so yung laging kausap ni paul ay yung pinsan ni aldred..?" manghang saad ni jonas.
" exactly.." natatawang saad ni ethan habang kumakain ng burger.
" yun lang.." sarkastikong saad ni joseph.
" anong yun lang..?" simangot ko.
"eh patay na patay yun kay chris na hindi marunong magmove on di ba..? Yun lang.." natatawang saad nito.
" pano mo alam..?"
"si erika.. Stalker yung babaeng yun eh." saad nito saka kumagat sa burger na hawak niya. " pero ang balita ko nasa caanda daw yung geo tama ba ko..? Yun pagkakasabi ni erika eh.mahal ng tawag dun ah.. Sabagay mayaman ka."
" Aiixxxtt Tigilan niyo ko.."
" straight pala huh.." ngiti ni joseph.
" sapakan nalang noh.." hamon ko dito.. Lumapit lang sakin si joseph saka ngumiti.. " game.." inis na saad ko.
" game.." ngiti niya saka nginudngud sa bibig ko yung burger.. " kumain ka.. Sabay natin huntingin si kupido.." natatawang saad niya.. " putek parehas pala tayo eh.. Second choice..saklap bro noh biruin mo yun sa gwapo kong tao second choice lang ako ng panget na franz na yun putek ang hirap tanggapin..!" kinuha ko lang yung burger sa bibig ko. Pakshet to ah.
" Wala na sila ni chris.. Eh ikaw mas masaklap yung sayo.. Kasi si franz at daryll parin.."
" Wag mo ipaalala yung pagong na yun baka makapatay ako.."
" Out of place ako.." natatawang saad ni jonas.
"why..?" sabay sabay na saad namin.
" yung lovelife ko.. Perfect eh.. Kami ni nicko mahal namin ang isa't isa.. Sobra.. Ang sarap kaya ng araw araw kang may katabi.. May kayakap.. May kahalikan.. At higit sa lahat may nagmamahal.. Saklap ng mga lovelife niyo.wala pa kayong sex life.."
" Game..?" lingon sakin ni joseph. Ngumiti naman ako dito saka tumingin kay jonas.
" game.." saad ko.
"hoy ano..? Sabi ko lang maganda lovelife ko ah at wala kayong sex life.? Kaya ang bibitter niyo eh."
" yun na nga eh.. Dapat sayo ginugulpi.. Makapanginggit ka kala mo naiinggit kami..? Well hindi ka nagkakamali." saad ko.
" game na.." seryosong saad ni joseph saka pinatunog yung mga daliri niya.
"hoy teka si blue din naman maganda lovelife ah.. Saka si ethan.."
" single ako.." ngiti ni ethan.
" oy di ako kasali jan.. Basta ako gutom.." saad ni blue habang hawak yung phone niya at yung burger sa isang kamay.
" ayt tigilan niyo kong dalawa.. Gutom din ako.." saad ni jonas saka kinagat yung burger niya. " kayo nalang magsapakan dalawa since kayo naman yung may masaklap na lovelife.."
" pasalamat ka battle of the band mamaya.. Kundi.. Nasapak na kita jonas." saad ko.
" yeah right.." saad din ni joseph.
" Ang sarap talaga ng may lovelife at higit sa lahat ang sarap ng may sex life.." ngiti pa ni jonas.
" ulul.." simangot ni joseph.
SI CHRIS
Papasok palang yung Sinasakyan namin sa dadausan ng battle of the bands kita ko na yung di mahulugang karayom na mga tao.. Sobrang dami. Mga studyante na galing sa iba't ibang school na kasali ngayon taon. Napalingon lang ako kay brax na tahimik parin sa isang gilid habang nililibot yung tingin sa buong lugar. Sobrang kaba yung nararamdaman ko.. I know him..haixt isa isa lang kaming bumaba pagdating sa likod.
" This is our night.. Remember that guys! Energy!" saad ni Theo habang nakatingin kay brax marahan naman tong tumango. " brax sang ayon ka naman dun di ba..?"
" Of course.." tango nito.
" brax mahihirapan kami kapag nawala ka sa pokus..Ngayon lang ako makikiusap sayo.. Please.." seryosong saad ko humugot lang sya ng malalim na hininga.
" Tang ina ang tagal nating pinaghandaan to.. Tapos ganun lang..?" inis na saad ni Theo. " Umayos ka brax."
" Theo shut up.." lingon ko dito.
" Ok.. Ok.. Don'tworry hindi ko ilalaglag yung banda.." nakatungong saad ni brax. " wag kayong magalala."
"siguraduhin mo.." saad ni devin saka kami nilampasan at tumuloy sa backstage. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka sinukbit yung guitara sa likod ko.. Ilang taon narin kaming nagchachampion sa battle of the bands na to.. Ilang taon na at hindi ko kayang matapos yun dahil lang sa Antagonist na yun.. Hindi ako papayag.
Rinig ko naman yung pagsisimula ng program.. Nagsalita lahat ng representative ng bawat school na kasali.. Taon taon naging tradition na para sa lahat ng school na sumali sa event na to.. Pero sa ilang taon na yun ngayon lang nagkaroon ng representative ang Schoneberg Academe. Di ko alam kung bakit.. sikat na sila bakit kailangan pa nila makipagkumpetesya sa ibang school dito. Isa isa namang nagperform yung banda ng ibang school. Magagaling sila pero hindi nila kayang pantayan yung galing namin.
"Hello guys I'm marvin at ako yung organizer ngayon taon.. Guys kayo na yung susunod.."
" What..? Bakit kami..??" gulat na saad ko.
" Uhmm.. Yun kasi yung nakalagay sa pagkakasunod sunod ng tutugtug .. Organizer ka ba.. ?"
"hindi pero di ba dapat kami ang huli.. Kami ang champion last year..?" Inis na saad ko. " di ba dapat yung The Antagonist muna..?"
" Chris.." awat sakin ni devin.
" Porket galing sila sa Schoneberg sila yung huli..? Ano to pera pera..? Magkano ba..? Hindi porket galing kami sa public wala na kaming pera..Kaya ko rin magbayad..god damn it!" natawa naman to ng payak.
"chris enough.." saad ni devin.
" Sumunod nalang kayo.. Kung ayaw niyo tumugtog then leave..? Ilang taon lang kayo nagchampion lumaki na ulo niyo.. Haixt." nakataas ang kilay na saad nito.
"Fuck..!" gigil na saad ko.
" Chris ano ba.." awat ni Theo sakin. "It's ok.. Fine.. Tutugtog kami." saad ni Theo.
" goodluck..!" inis ng saad ng baklang organizer saka tumalikod.
" Shit.." bulong ko.
" Chris.. Smile.. Walang mangyayare kung magpapaapekto tayo." saad ni devin.
" Damn it! Alam mo ba na yung lead guitarist ng kabilang banda.. Bestfriend yun ng syota ng mayari ng schoneberg academe."
" you mean.. Yung founder..? Ilang taon na yung bestfriend niya..? Grabe..?" ngiwi ni Theo. Napakamot naman ako sa ulo. " Matanda na yun di ba.. Nakita ko na yun once .. Saka may asawa na yun ... Panget nga lang..?" saad pa ni Theo.
" I mean isa sa anak ng mga schoneberg."
" Seryoso..?"
" So tingin mo nabayaran sila..?"
" Ano pa nga ba.." simangot ko. " buti pa yung ibang school malinis lumaban.."
" Pero tingin ko naman hindi na nila kailangan magbayad.. Magaling yung banda nila di ba.. No I mean hindi lang basta magaling.. May talent talaga sila." saad ni Devin. " I know Paul.. magaling sya sa drums Super galing nga eh kung pagtatapatin sila ni brax hindi ko alam kung sino mananalo.. and si joseph Galing kami sa isang school may boses talaga siya. And ethan, Galing siya sa pamilya ng mga musician.. Si Jonas magaling sya kumanta pero kung experience ang paguusapan.. Mas magaling ka sa kanya chris.." dagdag pa nito.
" really..?"
" Yeah.. Napanuod ko sila pwedeng si Jonas ang maging downfall pero si joseph.. Shit that guy..! Kung pumalya man si jonas kayang kaya niya saluhin.. Damn it!" napapakamot na saad ni Theo.
" Ok guys.. 2 songs.. Brax please.. 2 songs.. Kung matalo tayo ngayon atleast binigyan natin sila ng magandang laban.." iling ko.
" tara gulpihin muna natin yung joseph na yun..!" inis na saad ni Brax.
" Ayusin mo muna yung sarili mo gago.!" simangot ni Theo.
" It's your turn guys.." saad nung organizer.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka tumayo.. Kaya namin to.. Kayang kaya.. Umakyat lang kami sa stage saka inayos yung mga gamit namin. Nang masigurang nasa ayos na lahat ng instruments humarap na ko sa mike na nasa unahan. Hinawakan ko lang mabuti yung guitarang nakasabit sa balikat ko saka nilagyan ng ngiti yung mga labi ko. Tinanguhan ko lang yung organizer.. dun naman tumutok yung ilaw sa gilid ng stage kung nasaan yung host.. Nang lingunin ko si brax tinanguan lang ako nito.
"Are you ready guys!!??" sigaw nung host..halos mabingi naman kami sa hiyawan ng mga tao. "For 2 consecutive years, they have been the battle of the bands champion. Will they continue their winning streak? Let's all give it up for our defending champion..! THE GRAVIIITYYYY!!" sigaw nung host nagliwanag naman yung stage.. Sinimulan ko lang tipahin yung guitara ko kasunod nun yung drums.. Napangiti lang ako.. Kaya ni brax to.. At kaya namin to.
" Goodevening Everyone!!" masiglang bati ko sinagot naman to ng malakas na sigawan ng mga manunuod napangiti lang ako ng makita yung mga nakared habang may hawak na pompoms.."RED BLAZE!! " sigaw ko nagsimula naman silang magsayaw at magcheer. "Salamat sa Red Blaze na patuloy naniniwala sakin.. samin..We're here again.. I just wanna introduce my bandmate.. Brax drums.. Turo ko kay brax. Theo guitar.. Devin para sa bass.. And me.." ngiti ko halos magkagulo yung mga tao ng oras na yun.. " I'm Christian Castillo.. Or you can call me chris.. Are you ready to fall..???" puno ng energy saad ko... " To fall In our gravity!!!" saad ko skaa gigil na tinipa yung guitarang hawak ko.. ibubuhos ko lahat.. Ibubuhos ko ngayong gabi..
Staring out at the rain with a heavy heart
It's the end of the world in my mind
Then you voice pulls me back like a wake up call
I've been looking for the answer somewhere
I couldnt see that I was right there
BUt now I know what Ididn't Know..
Ngumiti lang ako kay Theo saka kinuha yung mike sa stand.. Mananalo kami.. Pipilitin ko hindi ako basta basta magpapatalo. Hindi ko naman inalis yung ngiti ko sa labi..
Because you live and breath
Because you make me believe in myself
When nobody else can help
Because you live .. hey..
My world has twice as many stars in the sky.
" Brax for drums..!" turo ko kay brax kita ko naman ung energy nito sa bawat palo niya sa drums sa harap niya. You can do it brax.. Tinanguan naman ako ni Theo at Devin.. Muli ko naman binalik yung mike sa stand nito.. Amin ang gabing to.. Gigil ko lang na tinipa yung guitarang hawak ko..
Because you live theres a reason why
I carry on when I lose the fight
I want to give what you've given me alwaysss
Because you live and breath
because you make me believe in myself
When nobody elese can help.
Because you live my world
Has everything I need to survive
Because you live.. I live..
Napakalakas na hiyawan yung bumalot sa lugar na yun pagkatapos nung kanta namin.. Humugot lang ako ng malalim na hininga.. One more song.. Please.. Sinimulan naman ni Theo yung pagtipa ng guitara niya para sa susunod naming kanta.. Haixt.. Brax.. Nakita ko si viene na nasa Audience damn it..! Humarap naman ako sa mike saka nagsimulang kumanta.. "Please.." bulong ko sa utak ko.. Binuhos ko na lahat ng energy ko ng mga oras na yun alam ko ganun dun si Theo at Devin.
Keep on whispering in my ears
Tell me all the things that i wanna hear
Coz it's true that's what I like about you
Thats what I like about you.. Heeeeyy!
Napalingon lang ako ng biglang nawala yung tunog ng drum.. Shit!!! Tinuloy ko lang yung pagkanta ko.. Tuloy naman si theo and devin sa pagtipa sa guitara nila.. Nang lingunin ko si brax kita ko lang na kinuha niya yung stick sa baba.. Damn it.. Pilit syang sumasabay sa beat pero nawala na talaga.. Pinilit ko ngumitisaka tinuloy yung pagkanta.
That's what I like about you
That's what i like about
You you you..!
That's what I like about you!!
Hanggang matapos yung kanta.. Shittt!! Sumisigaw parin yung mga tao pero kita ko yung pagbubulungan ng mga judges.. Shit alam ko hindi sila bingi.. Damn it..!
" Again we are The gravity .. Thank you guys!!" Saad ko muli lang namatay yung ilaw sa stage .. Kita ko naman na bumaba si Brax.. Agad ko naman syang hinabol saka hinawakan sa braso. " Tang ina brax!!" gigil na saad ko.
" I'm sorry chris.. Sorry.."
" Shit.. Matatapos na yung kanta eh.. Damn it!! "
" Di ko sinasadya.. I'm really sorry.."
" Chris tama na.." awat ni devin sakin.
" It's all your fault brax.. Kasalanan mo lahat to.. Kasalanan mo kung bakit tayo matatalo ngayon gabi!" gigil na saad ko kita ko naman na may tumulong luha sa mata niya.
" I'm sorry.." saad niya saka nagmamadaling naglakad..
" San sya pupunta..?" tanong ni Theo..
" I don't know!! Tingin mo ba makakatutog pa tayo sa finale.. Damn it!" natahimik naman sila parehas. " Kung natapos lang natin sana ng maayos.. Aaiixxxt.." gulo ko sa buhok saka naupo..
" Chris.. Nandun si viene.."
" Fuck I know.. Kaya nga nawala sa pokus si brax di ba.. Badtrip.." Sabay sabay lang kaming napalingon ng tawagin yung banda ng Schoneberg academe..Pumiyok sana yung vocalist nila.. Or better kung mawalan ng boses yung Joseph na yun.. Aixxtt!
SI PAUL
Kinagabihan nasa backstage na kami nun habang tumutugtog yung gravity.. I admit magaling talaga sila. Lalo na yung vocalist nila..Yung boses ni chris napakalinis At mataas pero alam ko kaya ni Jonas yun at lalo na ni Joseph. Kayang kaya namin silang tapatan o kahit higitan pa.. Hanggang matapos yung first song nila napakalakas na hiyawan yung maririnig mo sa buong paligid. Dalawangtaon din silang nagchampion kaya hindi mapagkakaila kung gano na sila kasikat.. Napakadaming tao ang nanunuod punong puno yung lugar na yun.. Humugot lang ako ng malalim na hininga kita ko din sa mukha ng mga kabanda ko yung kaba. Kaya namin to.
" Jonas." untag ko sa vocalist namin.
" why..?"
" wag kang kabahan.."
" Inuubos ko na yung kaba ko para pagakyat natin wala na.." ngiti niya. " nanunuod si nicko kaya gagalingan ko talaga.. Papatunayan ko sa kanya na yung mukha ko hindi lang pang pagwapuhan.." natawa naman ako.
"pangpagwapuhan..? Eh nung high school naalala ko natalo ka sa Mr. Campus di ba.. Di ka nga nakasagot eh..?"
"kailangan pinapaalala..?" simangot niya natawa naman ako.
" fine sorry.. Galingan mo.."
"galingan mo.. Kasi pag nawala ka sa beat.. Patay tayo.." sabay lang kaming napalingon ng marinig na parang nawala sa beat yung Tthe Gravity. Kumakanta parin si Chris pero hindi na to masabayan ng drummer nila.. Nagkatinginan naman kami ni Jonas.
" tayo ang mananalo.." ngiti pa niya rinig ko naman na tuloy parin yung sigawan ng mga tao.. Pero rinig na rinig din yung pagpipilit ng drummer nila na sabayan si Chris at yung guitara.. Wala na..haha wala na.. Hanggang matapos yung second song nila...katapusan na ng band nila.. Katapusan na ng Gravity..
" Tapos na sila tayo na kayo.." saad ni blue sabay sabay naman kaming nagayos ng mga kabanda ko. " guys goodluck huh." ngiti ni blue marahan naman akong tumango dito.
" Oo naman.. Don't worry hindi namin ipapahiya ang school." saad ni jonas.
" ok pa ba yung lalamunan mo jonas.?"
"hmmm ok naman.."
" joseph ikaw na bahala kay jonas kapag tingin mo kailangan niya ng tulong huh.." saad ni blue.
" yeah I know." tango ni joseph.hanggang tinawag na yung banda namin sa stage. Umakyat lang kami saka inayos yung mga instrument namin Nang masiguradong nasa ayos na lahat sinenyasan lang ni jonas yung organizer ng event.. Dun naman tumutok yung spot light samin..dumagundong yung lugar na yun sa sigawan ng mga tao..nakakasilaw yung ilaw pero nakatulong yun para mawala yung kaba namin.
" Isang mainit na gabi sa lahat!!" masiglang bati ni jonas.. Muli tilian lang yung sagot ng mga tao.. Hindi ko lang mapigilan mapangiti habang nakatingin sa dalawang stick na hawak ko.. Ang init nga haha. " We are from Schoneberg Academe and we are The Antagonist! Remember this guys.. Kami ang kontrabida na bibida ngayon gabi!" sigaw ni jonas.. Sinagot naman to ng malakas na hiyawan ng mga tao..sakin galing yun hahaha.. Panalo na kami.. Sigurado ako.. "Let me introduce my bandmates.. Joseph lead guitar..Ethan para sa bass.. And paul para sa drums.." tinaas ko lang yung kamay ko. "And me.. Johny or you can call me jonas.. For vocal.." ngiti ni jonas.. Kitang kita ko naman yung pagkakagulo ng mga tao.. Haixt magaling sila chris pero i know mas sikat kami.. Putek parang magpapatayan na yung mga manunuod.. " this song is dedicated sa lahat ng taong nagmahal..nasaktan.. Umasa..at higit sa lahat sa mga taong naghabol sa mahal nila.." ngiti ni jonas .. Ouch yun putek porket masaya yung lovelife niya eh... Sinimulan ko lang paluin yung drums ko.. puro sigawan yung narinig ko..lumaklak ata sila ng enervon. Haha.. Katapusan na ng bandang gravity.. Kasi ngayon taon iuuwi namin ang korona.
Sitting here at home.. It abvious..
He's so out of reach..
And I find it hard
Coz he makes feel , he makes me feel
Like im trying too hard again..
Halos wala na kaming marinig ng mga oras na yun kundi sigawan ng mga tao.. Hanggang mapansin ko na nakatingin si joseph sa isang direksyon .. Napangiti lang ako ng makita si franz habang nanunuod.. Those eyes.. Putek pag naging kami pala ni Geo kay franz ko na sya ipapakilala hahaha.. Bakit kasi ako nangako kay sarah eh... Bahala na basta kailangan makita ni franz na masaya na ko.. Sa taong mahal ko..
But now who knew..
He's in the crowd of my show
Nothing to lose
He's standing right here in the front row.
The perfect view..
He came along on his own
And theres something that you should know..
Bigkas ni joseph sa lyrics ng kantang yun.. Daman dama niya.. Malamang nanjan si franz eh hahaha astig talaga ng boses niya hanep...nakakabingi yung sigawan ng mga tao hanggang matapos yung first song namin.. Nakita ko naman na may hinahanap si joseph pagtingin ko sa dereksyon kung nasaan si franz kanina ibang tao na yung nandun.. Shet hindi pwedeng bumaba sa joseph.. Magsasalita pa sana si jonas ng paluin ko yung drums para simulan yung susunod naming kanta.. Napatingin lang sakin si joseph tinanguan ko lang sya.
Maganda naging performance namin.. Alam ko.. Pagkatapos namin tumugtug agad lang binaba ni joseph yung guitara niya saka bumaba ng stage.
" san pupunta yun..?" tanong ni jonas sakin.
" si franz nandito." saad ni ethan.
" yeah." saad ko saka sumunod kay joseph natigilan lang ng makitang hawak ni chris yung braso niya kita ko lang yung sama ng tingin dito ni joseph.
"let go of my arms!!" gigil na saad ni joseph.
" Kami ang mananalo.." saad ni chris.. Sarkastiko lang akong natawa baliw ba sya. Alam niya na pumalya yung drummer nila.. kalokohan.
"kayo ang mananalo..? Piece of advice.." sarkastikong ngiti ni joseph saka tinanggal yung kamay ni chris sa braso niya." matulog ka.."
" why..?"
"kasi sa panaginip mo lang mangyayare yun.. Samin ang gabing to.. Hindi sayo.. Nakakaawa ka.. Im sure hindi mo matatanggap tong pagkatalo niyo.. Hindi mo alam yung salitang move on right.?"
" geezz..!"
"joseph san ka pupunta..?" saad ni blue..
" si franz.. Hahabulin ko."
"pero hindi pa tapos.?"
"babalik ako.. Kausapin mo tong ex mo blue.. Lakas magimagine eh." inis na saad ni joseph. Gigil ko lang na tiningnan si chris.. Haixt dapat sa kanya pinapatay..
" joseph bumalik ka agad huh.." saad ni blue..
"oo naman tayo ang tutugtog sa finale di ba.." ngiti nijoseph saka tumalikod nakita ko naman na nagkatinginan si blue at chris pero agad umiwas si blue saka naglakad papunta kala jonas.
" why..?" tanong ni chris ng mapansin niyang nakatingin parin ako sa kanya.
" Interesado ka kay joseph..?" saad kong deretsong nakatingin sa mata niya natawa lang sya ng payak. " seryoso ako Chris.."
" Dahil sa hayop na yun matatalo kami ngayon gabi. Alam kong alam mo kung bakit!"
"At kailan niyo pa naging drummer si joseph..? Narinig ko nawala kayo sa beat." uiwas naman sya ng tingin. " talo na kayo. Kalokohan kung idadahilan niyong nadaya kayo.. We own this night hindi sa inyo..Kami ang mananalo tandaan mo yan..!"
" Fuckk!!" gigil na saad niya.
" Chris let's go.." saad nung kabanda niya.
" pano yan .. Ako ang pupunta ng canada..?"
"Bakit kapag natalo ba dito mababanned na ko sa pagpunta dun..? Yun ang kalokohan!"
" May usapan tayo chris.."
" Pumayag ba ko.?" sarkastikong ngiti niya.
" Tangina layuan mo si geo kung sasaktan mo lang din naman sya.. Mahal ko sya At kaya kong ibigay sa kanya yung pagmamahal na hirap na hirap ka ibigay."
" Mahal ko si Geo.."
" talaga lang huh.. Akin na si Geo."
" Really pano sya naging sayo.. Kayo ba..?" gigil lang akong umiwas ng tingin.. Damn it. "Ang hoping mo bro..! Maghanap ka ng taong ikaw ang mahal wag mo ipagsiksikan yung sarili mo.!"
" bakit hindi mo sabihin sa sarili mo yan chris.! Tangina ka sayo pa talaga nanggaling yan huh!"
" pupuntahan ko sya at wala kang magagawa dun.."
" pinagtabuyan mo na sya.. Hindi pa ba sapat yung pananakit mo sa kanya.. Ganyan ka ba kahayop huh.. Matuto ka munang magmove on bago mo sabihing mahal mo sya..!"
" wala kang alam.. Kahit pagbalibaliktarin mo ang mundo.. Ako.. Ako ang mahal ni geo.."
" chris let's go.. Tama na.." awat nung isa pang kabanda niya.
" Alam mo kung gano ako kamahal ni geo.. Tingin mo sino satin ang pipiliin niya..?"
" ako..! Kasi hindi mo katulad si geo.. Alam niya kung kailan dapat ng bitawan ang isang tao.. Hindi mo yun magawa di ba.. Iba kayo ni geo may utak sya ikaw wala!!"
"gago ka ah!!" sigaw nung kabanda niya Tumalikod naman si chris saka nagmamadaling naglakad.
"Theo wag ka ng makisali.."
" ANo.. Papalag kayo.. Tangina niyo magsama sama pa kayo hindi kayo mananalo sakin.." gigil na saad ko.
" Devin patulan na natin to.. Tangina ang tapang eh.."
" fuck! Theo tama na nga.." inis na saad nung isa saka to hinila.. Humugot lang ako ng malalim na hininga.. Aixt damn it.. Akin na si geo.. Badtrip.. Nakakainis.. Haixxxxtt bumalik lang ako kung saan nakapwesto sila jonas.
" wheres joseph..?" tanong ni blue.
" Nandun pa.."
" bakit ka nakasimangot.." tanong ni jonas.
" wala kang paki.." simangot ko.
" whatever.." ngiti nito.. " blue naamoy ko na yung pagkapanalo natin.. Nakita ko si nicko kanina grabe kitang kita ko sa mata niya yung pagkaproud sakin.."
" Nakita ko nga din.." saad ni blue.
" Bakit pati ikaw ang tahimik..?" kunot ang noong saad ni jonas.. Kasalukuyan nun na may nagsasayaw sa stage bago iannounce yung mananalo..
" Pano si chris nanjan." saad ko.
" Paul.. Naguguilty lang ako.. Kaibigan ko rin naman yun si chris Actually malakas sana yung laban nila kung hindi lang pumalya yung drummer nila eh.." buntong hininga nito.
" yeah ang galing nila sobra..yung first song nila ang ganda at yung pangalwa ang taas ng energy kung naging perfect yung pangalawang song nila.. Tagilid tayo." saad ni jonas..
" after ng prod na yun.. Iaannounce yung chamrion ngayong taon..Congratz." ngiti samin nung organizer saka umalis sa harap namin.
" Champion.." ngiti ni jonas dun naman dumating si Joseph na namumula ang mata. " Yun lang.. Sawi si joseph."
" sapak gusto mo..?" simangot nito " kainis badtrip na nga ako kay franz pati yung chris na yun binabadtrip din ako.." inis na saad nito.
" bitter wag mo na pansinin.. Ayusin mo na yung mukha mo.. Mukhang tayo talaga ang champion.." saad ko sa kanya.
" Blue nakapagusap na ba kayo ng maayos ng chris na yun..?" tanong ni joseph marahan namang umiling si blue.
" Bigyan mo kasi ng closure.. Tangina para mabawasan na yung bitter sa mundo.."
"Oo tapos pag nakamove on si chris ikaw naman papalit sa kanya sa pagiging bitter.." ngiti ni jonas.
" Hoy jonas tandaan mo pagkatapos nito may sapak ka sakin..!"
" Owss.. "
" Ui aakyat na daw sa stage.." saad ni blue.. Tumayo naman ako saka humugot ng malalim na hininga. " ayusin niyo huh baka sa finale pa kayo pumalpak.. Goodluck guys.." saad ni blue sabay sabay lang kami umakyat kasama yung ibang banda napansin ko naman na wala yung drummer ng gravity.
" First thank you to all the schools and bands who gives so much effort and time Para makapagparticipate in this year battle of the bands.. Congratulations sa lahat.. Sa mga sponsors At sa lahat ng nandito ngayong gabi." Pagpapasalamat ng host ng event na yun.
Ok the long wait is over. The champion for this year battle of the bands!!.. Is none other than..!!" ngiti nung host.. Nabalot naman ng nakakakabang tunog yung lugar na yun. Maririnig mo din yung pagchecheer ng bawat school para sa kanilang mga representative.
" The Antagonist.." bulong sakin ni jonas.
" Shut up nga jonas.." inis na saad ni joseph natawa naman ako.
" Bang bagal naman kasi sabihin..!" napapakamot na saad ni jonas.
" THE ANTAGONIST from Schoneberg Academe!!!" sigaw nung host.. halos kilabutan ako ng marinig yung napakalakas na hiyawan at tilian ng mga manunuod. makakabuo ata ng napakalakas na soundwave kapag pinagsasama yung sigaw nila! Hahaha nagbow naman yung ilang sumali saka bumaba sa stage. . Di ko na nakita yung banda nila chris.. Malamang nauna na sila bumaba.. Humugot lang ako ng malalim na hininga. pumuwesto naman kami nila joseph para tumugtug sa finale ng show.. " Again.. Let's all give it up for this year champion!!! The Antagonist!!"
" Maraming salamat sa lahat ng sumoporta.. Big thanks guys specially sa Blue blizzard!!" turo ni jonas sa mga cute na nagchecheer habang mayhawak na pompoms.. Halos lahat sila nakablue para suportahan yung banda namin. Mga studyante na galing din sa SA.
" ANTAGONIST..! ANtogonist!!" sayaw pa nila habang sinisigaw yung pangalan ng banda namin.. Haha.. That was so cute..
"And Of course thank you Sa school namin .. Kung wala sila syempre hindi mabubuo yung banda namin..We represent The Schoneberg Academe and We Are The ANTAGONIST.. Ang kontrabida na bumida.. ngayong gabi!! Put your hands together guys!!" sigaw ni jonas.. Napangiti lang ako saka sinimulang paluin yung drums ko.
I want you to rock me , rock me, rock me yeah
I want you to rock me , rock me, rock me yeah
I want you to hit the pedal, heavy metal show me you care
I want you to rock me , rock me, rock me yeah
SI CHRIS
Pagbaba namin sa stage nakita ko lang sa Blue sa gilid ng stage.. Kita ko yung saya sa mukha niya dahil sa pagkanalo ng banda nila.. Humugot lang ako ng malalim na buntong hininga.
"Chris sana wag ka magalit kay brax.." saad ni Devin napabuntong hininga naman ako. " Hindi naman niya siguro ginusto yung nangyare.. Mahal niya yung banda di ba..?"
" Tama si devin chris.." saad ni theo.
" I know.. I'm sorry kanina naiintindihan ko si brax.. I'm sorry."
" OK pa naman yung banda natin di ba.."
" yeah oo naman.. Gravity.. Solid..saka magaling tayo bawi tayo next year..Pababagsakin ko yang The Antagonist na yan.. " ngiti ko natawa naman sila. " why..?"
" Positive mo na eh." ngiti ni Theo. " namiss ko yung ganyan mo chris.. Yung positive lang lage.."
" yeah right.."
" Ewan ko sa inyo.. Una na kayo.. May gusto lang akong kausapin.."
"sino.?"
"si blue.." ngiti ko.
" what..?" kunot ang noong saad ni Theo.
" teka.. Teka chris.. Bakit mo sya kakausapin baka mapaaway ka pa.?"
" No.. Andun yung boyfriend niya oh.." turo ko kung saan nakapwesto si aldred.
" Bakit mo ba kakausapin..?" humugot lang ako ng malalim na buntong hininga.
" last part of moving on.." ngiti ko.. Ilang sandali naman silang nakatingin lang sakin.. " what..? Guys Nung mga nakaraang buwan.. Pinilit ko buuin yung sarili ko,.. Hanggang dumating ako sa realization na.. Walang permante.. Lahat nagbabago.. Lahat nawawala.. At higit sa lahat.. Lahat natatapos.. And in every ending you have to start a new one.. At bago ko magawa yun.. Kailangan ko muna isara yung pahina para makapunta na ko sa next page.. Kailangan ko lang gawin to."
" tama yan chris.. Goodluck bro.. At make sure na mauuwi natin ang title next year huh." natatawang saad ni devin.
" Really.."
"yeah sige una na kayo.. Kayong ng bahala sa mga gamit.." saad ko..
" haixtt yan napapala ng mga single.. Taga buhat ng gamit.." simangot ni Theo natawa naman ako saka tumalikod.. Tinahak ko lang yung pwesto ni aldred.. Tanaw na tanaw ko yung stage dun kung saan kasalukuyang tumutugtog ng finale song ang The Antagonist.. They deserve it..
" Aldred.." untag ko sa kanya..
" chris.." gulat na saad nito. " why.?" ngumiti lang ako.
" pwede kang makausap..?"
"sure..?"
"not here.. Baka mabadtrip yung banda niyo kapag nakita ako.." natatawang saad ko.. Napailing naman sya.. Naglakad lang ako palabas ng venue na yun.. Sumunod lang sakin si aldred.
" so ano paguusapan natin..?"
" uhmm. Pano ba.."
" What..? Ayoko makipagaway huh.. Meron party pa kasi after nito." natatawang saad niya agad naman akong umiling.
" Gusto ko lang magsorry sa lahat ng nagawa ko.." pilit na ngiti ko. " sorry sa mga masasakit na salita.. sa mga bagay na dapat hindi ko ginawa.. I know hindi lang ako yung nasakatan.. Kayo din ni blue.. Lalo ka na.. So gusto ko magsorry for everything I've done.." seryosong saad ko. " sa lahat lahat ng nagawa ko.. I'm sorry aldred."
" napatawad ka na namin ni blue. Naiintindihan naman kita kaya sorry din.. And thank you chris.."
" Thank you for what.?"
" Kasi kahit mahal mo pa si blue hindi mo na kami ginulo.. Wala ka ng ginawa para masira pa kami hinayaan mo na kami maging masaya." tumungo lang ako saka umiwas ng tingin.
" tAma ka naman kasi sa sinabi mo eh.. Ikaw ang mahal niya kaya kahit anong gawin ko wala din mangyayare lalo lang gugulo yung sitwasyon.. Instead na saktan ko yung sarili ko pinilit ko magmove on.. Mahirap, Oo.. Pero I don't have a choice."
" Salamat kasi minahal mo si blue nung panahon wala ako sa tabi niya.. Nung panahong kailangan niya ng karamay.. Thank you kasi nandun ka nung time na wala ako.." Ngiti niya nagsimula naman tumulo yung luha ko pero pilit ko tong pinupunusan. "at higit sa lahat thank you chris.. Kasi si blue binalik mo sya sakin.. Kahit masakit sayo hinayaan mo sya bumalik sakin.. Hinayaan mo syang maalala uli na ako yung mahal niya.. Kaya thank you.."
" Minahal ko sya kaya gusto ko sumaya sya.."
" Salamat.." saad niya ilang sandali lang walang nagsalita saming dalawa.
" Pwede ko bang makausap si blue..? Kung ok lang..?"
"kakausapin mo sya..?"
" don't worry gusto ko lang sya makausap.. Please kailangan ko to eh.. Kailangan ko to para makapagsimula na uli.. Aldred gusto ko na magmahal uli.. Gusto ko na palayain yung sarili ko.. Gusto ko na sumaya.. Please.. Kakausapin ko lang sya.. aldred alam ko wala akong karapatan.. Pero nagmamakaawa ako..?" nakatungong saad ko hindi ko naman napigilan yung pagtulo ng luha ko.
" Wag ka umiyak sa harap ko.. Di ako sanay.. It's ok kausapin mo na sya.."
"sigurado ka.?. DOn't worry wala akong aggawin para masira pa kayo.. Masaya na ko para sa inyong dalawa..Kailangan ko lang talaga to.. I just need this.."
" I understand.. Go.." tapik niya sa balikat.
" Thank you.. Ok lang bang isama ko sya..??"
" Basta ba ibabalik mo eh.." natatawang saad niya.
" ok thank you..Kunin ko lang yung motor ko.. Dalhin mo naman si blue dito oh.?"
"inutusan mo pa talaga ko huh..?"
"please..?" pilit na ngiti ko.. Humugot lang sya ng malalim na hininga saka tumalikod.. Napangiti naman ako.. Simula ata ng nakilala ko si aldred inis na ko sa kanya siguro dahil ramdam ko na kaagaw ko na sya kay blue nuon pa man.. Haixt.. Pagdating ko sa parking lot nakita ko lang si Cj habang nakasandal sa motor ko.
"ang tagal mo naman.. Matatapos na yung event oh..? " simangot niya.
" ito na nga di ba..?" ngiti ko binato naman niya sakin yung keys.
"pumayag..?"
"yeah.."
" swerte mo..itakas na natin.?" ngiti niya natawa naman ako.
"gago.." saad ko saka sumakay sa motor ko.
" Chris sana bukas ngiti yung makikita ko sa mukha mo .. Hindi luha.."
" parang ganito..?" saad ko saka nagbigay ng malaking ngiti natawa naman sya.
" baliw.. Kaya mo yan goodluck.. Tapusin mo na yung chris and blue love story.. Para bago naman.. Chreo..? Or pwede din.. "
" ano..?"
"uhm Chrisjoy..?" ngiti niya natawa naman ako.
" mukha mo..! Alis na ko.." ngiti ko saka pinaandar yung motor ko.. Nakita ko naman na nasa harap na ng gate si blue and aldred.. Hininto ko lang yung motor sa harap nila.
" chris..?" puno ng pagtatakang saad ni blue.
" yeah.. Sakay ka na..?" ngiti ko.
" Huh.. Bakit.?" lingon nito kay aldred. Tinanguan naman nito si blue. " teka..?"
" Sumakay ka na blue may kailangan daw sya sayo eh.." saad ni aldred.
" Pero.."
" let's go na blue.."
" chris.. Ano ba..?"
" blue Sumakay ka na.. Ok lang sakin.. May gusto lang syang sabihin sayo.." saad ni aldred.
" Seryoso ba to.. Para kang ewan red huh tapos aawayin mo ko sa bahay..?"
" hindi promise..?"
" Aldred..?"
" Di ba sabay natin winish to..?"
" Ang alin." tanong ni blue tumingin naman sakin si aldred.
" malalaman mo kapag sumama ka sa kanya... Sige na.. Ako ng bahala kala jonas.. Sumunod ka nalang sa party..or kung gusto mo isama mo na si chris duon."
"aldred..?" Saad ni blue na nakatingin sakin tinanguan ko naman sya.
" sige na.." tulak ni aldred dito.
"hoy chris ibalik mo na buo yan huh.. Papatayin kita pag nagkulang ng isang daliri yan.." saad ni aldred saka tumalikod at naglakad..
" let's go.?" pilit na ngitiko sa kanya.
" Uhm chris. Seryoso ba yun.. Pumayag si aldred na sumama ako sayo..?"
" Uhm Oo..? I think so.?"
" Uhm Oo..? I think so.?"
"pero.. Aiixxt hindi pwede to.." saad niya aktong tatalikod sya ng hawakan ko yung braso niya. " chris..?"
" Gusto lang kita makausap.. Nagpaalam ako kay aldred and pumayag naman sya.."
" ano paguusapan natin..?"
" Uhmm..stars? earth..? Universe..?" ngiti ko kita ko naman yung titig niya sa mukha ko. " please..?" kita ko naman na humugot sya ng malalim na hininga. " please blue..? "
" chris. Tungkol ba san to.?"
" malalaman mo kung sasama ka sakin.?"
" haixt kainis.. Wala ka naman sigurong gagawin para masira kami ni aldred di ba.. Or hindi mo naman ako kikidnapin. Or baka patayin mo ko..? Chris naman ayoko pa mamatay..? May mga pangarap pa kami ni aldred..? please."
" Ang oa mo naman sumakay ka na nga..?" pilit na ngiti ko.
"pero..?"
" Sakay na.."
" Chris naman eh..?" tumungo naman ako.. aixt.
" blue gusto ko lang palayain na yung sarili ko.. Tutulungan mo naman ako di ba..?" mahinang saad ko ng magangat ako ng tingin nakita ko lang syang nakatitig sa mukha ko. " please..? BLue please.. Ibigay mo naman sakin to oh.. Kahit ngayon lang.. Gusto ko na kasi makalaya.. Gusto ko na pakawalan yung sarili na nakulong simula nung iniwan mo ko.."
" chris.."
"please help me blue.. Please..?" tumungo lang sya saka humugot ng malalim na hininga.
" ok."
" sakay ka na.." saad ko tumango naman sya saka sumakay sa likod ko. Napangiti lang ako.. Tara..?"
" Oo na.. San ba kasi..?"
" Kung saan tayo nagsimula.." saad ko saka pinaandar yung motor ko. Naramdaman ko naman yung hawak niya sa balikat ko. Yeah I miss him.. Damang dama ko lang yung hangin na humahaplos sa balat ko.. Hindi ko na rin narinig na magsalita pa si blue sa likod.. This is it.. Tingin ko naman so far so good.. Nakakaya ko ng tingnan sya sa mata.. Nakahawak sya sa balikat ko pero wala na yung koryenteng nararamdaman ko nuon..finally.. Tinigil ko lang yung motor ko sa harap ng school namin nung high school..bumaba naman sya.
" I miss this place.." saad niya habang nakatingin sa nakasaradong gate ng school na yun.. Bumaba naman ako sa motor ko saka tumabi sa kanya.
" Same here.."
" kailan ba ko huling pumunta dito.. Aixt di ko na matandaan naging busy din kasi ako sa school eh.. Saka sa banda.." ngiti niya.
" dalawang beses kaya tayong nagfourt year jan.." natatawang saad ko.
" Oo nga noh.. Daming memories..."
" Alam mo ba kung kailan ako unang nainlove sayo..?" saad ko habang nakatingin sa gate. " nakikita mo yun dun sa tapat ng gate..?" lingon ko sa kanya nakita ko naman na tumingin sya sa tinuro ko. " dun nakapark yung kotse ni Sir.. Kung saan tayo unang nagkatabi.." ngiti ko.
" Nung bibili tayo ng materials para sa project para kay Mrs cruz..?" pilit na ngiti niya. Tumango naman ako.
" yeah kung saan sinabi ko naiinis ako kay mrs cruz kasi ikaw yung kapartner ko sa project.."
" eh kasi nga kailangan mo nga ako nun.. Mejo bobo ka kasi nun..?" tawa niya..
"ang kapal blue huh matalino naman ako.."
" kaya pala lagi kang nasa faculty para sa mga grades mong sadsad hanggang lupa..?" napakamot naman ako sa ulo. " ayaw kaya kita kapartner nun chris.."
" bakit..?"
"eh kasi po sino ba gugustuhin makapartner ka lagi ka ngang tulog sa klase.. "
" wala ka kasing alam nun.?"
"ikaw na hindi nagpapasa ng project..?"
" nagpapasa po ako kaso late na kaya hindi na tinatanggap ni ma'am."
"ikaw na bagsak lagi sa quizzes.?"
" hindi lang ako masyadong nakakareview.. Yabang mo blue huh." napapakamot na saad ko.. Natawa naman sya.. " Naalala mo pala yun noh..?"
" Oo naman.. Dun kaya tayo unang nagkausap ng matagal.."
" Alam mo blue.. Yun yung araw na minahal kita.." saad ko lumingon naman sya sakin. " yun yung unang araw na nagulo yung utak Ko at yun yung araw na nagpabago ng buhay ko.. Dun ko unang naramdaman yung malakas na kabog ng dibdib yung parang sasabog sa bilis ng tibok.. Yun parang hindi ako makahinga.. Blue nung araw na yun.. Minahal kita."
"chris.."
" natanong ko sa sarili ko nun kung nagmamahal na ba ko.. ? Di ko alam kung ano nangyare basta ang alam ko gusto kita nakikita.. gusto kita kausap kahit ang sungit mo sakin.. Kahit ayaw mo ko kausap.. Kahit pinagtatabuyan mo ko..Hindi parin ako sumuko.. Gusto ko titigan yung napakasungit mong mga mata.. I don't know what happened.. Nagising nalang ako isang araw na sobrang mahal na kita.. na hindi na kita maalis sa puso ko.."
" ALam mo blue nadurog yung puso ko nun ng malaman ko na may relasyon kayo ni aldred.. Nakakainis kasi Nung nalaman ko.. Sobrang mahal na kita eh.. Kaya nahirapan na ko umahon.." saad ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. " Pinilit ko itagao.. Pinilit kong wag mo makita nasasaktan ako.. Pinilit kong wag ipahalata sayo yung mga luha ko.. Kasi alam ko si aldred yung mahal mo eh.. Pinilit ko burahin ko sa puso ko.. Pero hindi ko nagawa.. Ang hirap eh.. Kahit halos gabi gabi akong umiiyak.." saad ko hindi ko lang mapigilan yung mga luha ko ng oras na yun.. "
" Chris I'm sorry.."
" NO.. Di mo kailangang magsorry blue.. Kasi kasalanan ko.. Ako yung umasa.. Ako yung naniniwala na pwede maging tayo.. Alam mo naisip ko dapat nga magpasalamat ako sa taas.. Kasi binigyan niya ko ng anim na buwan para makasama ka.. Anim na buwan para maramdaman ko yung pagmamahal na gustong kong ibigay mo sakin.. Blue sa mga panahon yun.. Naramdaman ko na minahal mo ko.. And I'm really thankful for that.. Thank you kasi minahal mo ko.. Kahit wala kang maalala.. Minahal mo ko bilang ako.. Blue Thank you kasi naging part ng buhay ko.. Thank you For giving me so much lessons.. Thank you kasi Minahal kita.."
"chris.." nagpunas naman sya ng luha.
" blue thank you for being a part of me..Alam mo natutunan ko.. It's not choosing who we love.. It's choosing who will hurt us.. At masaya ako na pinili kita.." nakatungong saad ko habang patuloy yung luha sa mata ko. " masaya ako na ikaw yung nanakit sakin.. Kasi hindi mo lang ako basta sinaktan.. Minahal mo ko at ngayon tinuruan mo ko pano magmahal uli.. Thank you blue.. Thank you sa lahat ng memories.. Sa lahat ng ngiti, tawanan.. At mga kantang pinagsaluhan natin..Thank you for everything.."
" Salamat din chris.."
" Sabi mo ikaw yung mundo ko.. Mali ka naman dun eh kasi ako yung mundo and you're just part of the universe.. Para kang stars.. Na dadaan para magbigay ng magandang liwanag. At salamat sa pagdaan mo blue.. Salamat kasi sa pagdaan mong yun madami kang iniwan..dito.. Dito sa puso ko.."
" chris.. "
"blue I love you.." hindi ko lang mapigilang humikbi. " and I'm so happy na masaya kayo ni aldred.." Ilang sandali walang nagsalita samin. Ng lingunin ko sya nakita ko lang yung ngiti niya sa labi.
"Sana maging masaya ka na rin chris.."
" Hilingin mo sa mga stars.." ngiti ko natawa naman sya.
" Si geo..?"
" Pupuntahan ko sya kung ibibigay mo yung address niya sa canada..?"
" seryoso..?"
" yeah.." Natigilan lang ako ng maramdaman yung patak ng ulan.
" Chris umuulan.." saad niya humarap lang ako sa kanya skaa sya yinakap.. Chris.." rinig kong saad niya hanggang humiwalay ako.
" Let's go..?" lahad ko ng kamay ko sa kanya.
" Saan..?"
" Sa taong mahal mo.." ngiti ko sa kanya.. Natawa naman sya.. Hindi ko lang mapigilang pagmasdan yung mukha niya ng mga oras na yun.. Paalam blue.. And thank you.. Kung may natutunan man ako sa pagmamahal ko sa kanya.. Pain will leave you, when you let go..
SI PAUL
Paglabas ko ng St. John airport nakita ko na yung Banner habang hawak ni Peter.. "Welcome Paul Kendrick Unidad".. Nakasulat sa hawak niya.. Hindi ko naman mapigilang mapangiti saka lumapit dito.
" Paul welcome sa Newfoundland..!" masiglang bati nito.
" Salamat .. Si nate..?"
" Uhm sa Water street nya na tayo aantayin.. Lets go magsisimula na yung street dancing eh. Hindi natin pwede mamiss yun baka gerahin ako ng mahal ko.." saad niya linanghap ko naman yung hangin sa lugar na yun.. Ang bango. "tara..?" untag sakin ni peter.. Tumango naman ako dito saka sumakay sa kotse nito.
" So how's nate..?"
" She's fine.. So bakit mo naisipan magbakasyon dito.? Hindi naman dahil sa kanya di ba.?" ngiti nito. Natawa naman ako.
" pinagaawayan niyo ba ko..? seriously."
"Yeah.." pilit na ngiti niya.
" Don't worry bro hindi si nadine yung pinunta ko dito.. Someone special.. At papakilala ko sya sa inyo ni nate." ngiti ko.. Halos ilang minuto din yung binayahe namin papunta sa Pagdadausan daw ng winter festival.. Pinark niya lang yung kotse sa tapat ng isang restaurant.
" Ang daming tao..? Makikita ba natin si nate.. Asan ba sya exactly..?" tanong ko kay Peter pagbaba namin sa kotse niya.
" tara sunod ka sakin.." saad niya saka naglakad humugot lang ako ng malalim na hininga saka sumunod dito.. Halos mapuno yung kalsada na yun sa dami ng mga nanunuod. " bilisan mo matatapos na.." lingon sakin ni Peter.. Binilisan ko naman yung paglalakad ko.. Sumasabay sa kabog ng dibdib ko yung mga tambol na naririnig hanggang mapahinto ako ng makita yung taong yun na nakatayo sa gilid ng kalsada.
SI CHRIS
Paglabas ko ng airport napansin ko lang yung kakaibang simoy ng hangin na humahaplos ng balat ko..woow.. Tiningnan ko lang yung oras.. Ano kaya magiging reaction niya kapag nakita ako.. Bahala na.. Aixt chris. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka nagpara ng taxi.
Pagsakay ko binigay ko lang yung address nila geo.
" grower street..?" lingon sakin nung driver marahan naman akong tumango saka tumingin sa labas ng taxi..pinaandar naman nito yung sasakyan.
" whats happening in that street?" tanong ko sa driver ng mapansin na maraming tao sa street na dinaanan namin..
" winter festival sir.. Street dancing and theres an event after that.. You wanna go there first.?" tiningnan ko naman yung relo sa kamay ko maaga pa naman..
" Just wanna buy a flowers.. Is there any flower shop along in that street..?" tanong ko dito.
" Yeah Of course."
" ok.." ngiti ko minaniobra naman nito yung taxi papunta sa street na yun kung saan nakita ko yung kumpulan ng mga tao.. Habang papalapit kami rinig na rinig ko na yung malalakas na tambol. Hanggang tumigil yung taxi nagbayad naman ako dito.
" Welcome to newfoundland sir enjoy your stay here.." ngiti nung taxi driver tumungo naman ako dito. Lumapit lang ako sa kumupan ng mga tao saka nakiusyoso kung ano yung pinapanuod nila. Napangiti lang ako ng makita yung mga nagsasayaw kasabay ng malalakas na tambol.
Hanggang Isang familiar na mukha yung nakita ko. Napangiti lang ako habang pinagmamasdan yung mukha niya.
SI GEO
" Geo!!! Magsisimula na yung street dancing sa downtown my god!.!" rinig kong sigaw ni nadine sa labas ng bahay.. Aixt ingay ng bibig niya hahaha Parang bakla eh.. Simula ng makilala ko sya sa harbourside feeling ko sobrang kilala ko na sya haha..
" teka lang naman..?" sigaw ko din habang sinusuot yung makapal na jacket ko saka lumabas ng bahay.. Nakita ko lang syang nakapameywang habang nakasimangot sakin. " maaga pa naman ah..?"
" anong maaga.. Hanggang dito ba naman filipino time ka parin..?"
"hoy maaga pa talaga so nasaan na si peter..?"
" nasa airport.."
"huh bakit..?"
" darating yung friend ko ngayon.. Papakilala ko sya sayo." kumunot namna yung noo ko.. Hindi man lang nabanggit ng babae tong may darating syang kaibigan.. Kainis haha..
" friend.. Lalake..?"
" Sabi na eh.. Lalake talaga gusto mo eh.!" natatawang saad niya.. Umiwas naman ako ng tingin.
" UHmm tara na..?"
" so hindi ka nga straight..?" napakamot naman ako sa ulo. " ano..?"
" Oo na.."
" Wowww.. Sakto gwapo yung friend ko.. Im sure magugustuhan mo sya.." ngiti niya.
" Aixt wala akong panahon sa ganyan.. Saka may kaMU na ko.."
" talaga..?"
" yeah.."
" nasa pilipinas..?"
" Oo.. uuwi na kami next week kaya makikita ko na sya.."
" Ay ang sad naman iiwan mo na kami ni Peter dito..?" nguso niya.
" Hoy nadine.. Mukha na kong ewan sa kakabuntot sa inyo.. Mabubuhay kayo ng wala ako kaya pwede ba wag kang Oa....."
" pero mamimiss kita.."
" Edi umuwi kayo ng Pilipinas.." ngiti ko saka nagpara ng taxi. Sumakay lang kami pareho dun saka sinabi kung saan kami bababa..
" After college pa kami makakauwi dun."
" Atleast may balak kayong umuwi.. Maabutan ba ni Peter yung street dancing saka nung sinasabai mong friend mo na gwapo..?" my god gusto ko itry yung sinabi nung matanda dun sa bakery.. Aixxxt kung gwapo yung friend niya baka sya na maging destiny ko haha joke lang.
"yeah.. On the way na raw sila eh.. Magugustuhan mo yung friend ko Sigurado ako.. Grabe kaya ang gwapo nun.."
" mas gwapo sa Peter mo..?"
" yeah..?? Pasalamat si Peter sya yung mahal ko.." natatawang saad niya. " kasi kung hindi my god geo.. Baka nabuntis na ko ng friend kong yun!!" kinikilig na saad niya.
" susumbong talaga kita kay Peter."
" ANg Kj mo naman.. Pero seriously napakagwapo nun saka sobrang bait!"
" Oo na.. Sayang may kaMU na ko eh." ngiti ko pero malay ko kung totoo yung destiny destiny na yun hahaha.. Pagbaba namin ng taxi agad lang akong hinila ni nadine papunta sa kumpulan ng mga tao. Pilit naman akong nakikipagsiksikan para makita yung mga nagsasayaw.
" Geo dali matatapos na.." hila sakin ni nadine.. Ay sabi nung matanda after daw nung street dancing yung destiny destiny ek ek na yun hahaha.. Wala naman masama itry di ba. Hanggang makahanap kami ng magandang pwesto para makapanod ng maayos..
Ilang sandali pa ng mag last pose yung mga dancer kasunod yung huling malakas na pagtambol hudyat na tapos na yung sayaw kasabay nun pinikit ko yung mata ko..saka nagbilang.. 1.. 2..3.. Pagdilat ko parang biglang tumigil yung mundo ng makita yung lalakeng nasa kabilang kalsada. shit..
Geo-Paul. Sana si Paul nakita ni Geo. wag sana si Chris. Sana maging straight nalang ulit si Chris andyan naman si CJ na tombis. Hahaha. Basta Geo-Paul mr. Author ha. Hahaha.
ReplyDelete-yeahitsjm
Happy New Year Author.,
ReplyDeleteKilig at Super bitin street dancing.., next chapter na po please..
lagi ko nalang eto inaabangan etong istorya mo..
-Joey
O.O
ReplyDeletePaul, all the way.
Ano ba bitin na naman he he he salamat sa update
ReplyDelete-Marlon
sino kaya yung nakita ni mr. assuming? paul or chris... abangan... bitin lang...
ReplyDeletesalamat sa update
bharu
Please author please Paul and Geo dapat itong story nato please!
ReplyDeleteMark gerald
UTANG NA LOOB!
ReplyDeleteSi PAUL dapar yan! Hahahaah pag fi yan si paul di nako magbabasa LOL
-kyrie
Waaaaahhhhh!! Ganda ng turn of events. Hahahaha NKKLK!!! 🙉🙉🙉🙉🙉🙉
ReplyDeleteSino kay si paul ba o si chris? Emergewd!! Kudos kudos kudos!! 👏👏👏👏👏👏
Nevermind kahit ako na lang. Solid Team #ChrEo pa rin ako from Day 1. Chris + Geo all the way!!! - leo13
ReplyDeleteYes Eto na ung pinaka magandang part ng love story ni geo....... Namatutuloy na ung love story ni Chris at geo. Pls kuya author sila lng ulit......
ReplyDeleteJharz 05
OMG...dapat si PAULLLLLLLL...hahahahahaha...lakas mambitin ni author anong epecific date ang festival ng canada mapuntahan nga at ma try...hihihihi..next chapter na agad please.....
ReplyDeleteVery updated na ko sa pagbasa....parang naaamoy ko na Chris-Geo ang gusto mo author...anyway, kahit Paul-Geo ang gusto ko...maganda pa rin ang story mo, Mr. Bluerose
ReplyDeleteIt is nice to know that Chris has moved on already... But Paul deserves it better. I really hope it's Paul.
ReplyDeleteKudos to the author. You're my favorite. :)) nambibitin pero you know how to update just right on time. Hindi katulad ng iba, soobrang mambitin eh parang pilit na pinahaba lang naman. Oh well. :D
-Chris
Ang Haba ng buhok ni Geo. Hahaha. Salamat sa update. Take care.
ReplyDeleteMay "shit" so ibig sabihin si chris yan. Badtrip. -_- hate this.
ReplyDeleteSa tingin ko si Chris.:(
ReplyDeletePero sana si Paul.
Kay Joseph nalang si Chris pwede po?hehe