...Hindi
niya maiwasan ang magtanong. Ano ba ang nakita sa kanya ni Jake? Bakit ba siya
ang napili nito na i-bully at gawing alila? Hindi sa sinasabi niyang maghanap
ito ng iba pero sana nga lang naghanap na ito ng iba o kaya naman tumigil na.
Hindi na kasi nakakatuwa.
Inalis
niya ang pagkaka-akbay nito sa kanya. Muli rin naman nito iyong binalik. He did
the same thing again. And also he did the same. Dahil sa panggigigil, kinurot
niya ang kamay nito. Napahiyaw ito sa sakit.
"Ouch!
Bakit mo ginawa iyon?"
Makikita
sa mukha ang pagkabigla.
Hindi
siya sumagot. He just met his gaze. Ilang beses na rin naman niya ginawa iyon.
Na madalas na binabalewala nito. Mukhang ngayon lang ito napuno sa kanya. Nawala
sa mukha ang pagkabigla at napalitan iyon ng pagkaasar.
"Sumosobra
ka na, ah!" Asik nito.
"Bagay
naman `yon sa `yo! Talagang nagtanong ka pa kung bakit ko ginawa iyon? You know
the answer! Hindi ka nakakatuwa, Jacinto! Tigilan mo na ako! Tama na ang
dalawang araw na sumunod ako sa `yo! Hindi na ako papayag na magiging alila at
biktima mo. Hindi ako ipinanganak para maging ganoon sa `yo!"
Pulang-pula
na ang mukha ni Jake habang nakatingin sa kanya. Halata na ang galit sa mukha.
Kahit hindi niya nakikita ang sarili sa salamin, he also knew that his face was
already red because of him. Kung galit ito, galit din siya!
"Hah!
Talagang palaban ka!" Nanggigigil na sabi nito. Mukhang pinipigilan ang
sarili na makasakit. "Sa lahat ng na-bully at ginagawa kong alila,
ikaw lang ang lumaban sa akin. Stop defying me, Ilagan! Ang lakas ng loob mo na
saktan ako."
"Bakit?
Ikaw lang ba ang may karapatan na manakit? I'm also entitled to do such
thing!"
"You're
also entitled to do that thing but I'm more entitled to do it. Ako ang bully
dito! Ako ang mananakit. Sa mga ginagawa mo? Ilang beses mo na ba akong
sinaktan? Not once, not twice but many times. Sa mga ginagawa mo, mas lalong
hindi kita pakakawalan. Magsakitan na tayo kung magsakitan pero mananatili kang
sa ilalim ng batas ko. Alila kita at amo mo ako."
Nakakagigil
talaga ang lalaking ito. Nakakabwisit! Talaga namang..
Alam
ni Hyde na sa malakas nilang sagutan ay sa kanila na naka-focus ang tingin ng
mga classmate nila na kanina pa naman talaga mula nang makapasok sila. Hindi
siya magpapatalo sa lalaking ito. Lalaki rin siya! Hindi kahinaan at hadlang sa
kanya ang pagiging mahinhin o kilos babae kung makikipagsuntukan siya sa Jacinto
na ito. Alam niyang praktisado ito roon pero lalaban siya kahit na maging
dehado pa siya.
"Wala
akong paki--."
Sa
gulat niya, basta na lang siya nito hinawakan sa braso at hinapit palapit dito.
Mas nakakagulat ang sunod na ginawa nito na hindi niya inaasahan. Nanlaki ang
mga mata niya habang nakatingin sa mata nito na walang reaksyon sa kapangahasan
na ginawa nito.
Magkalapat
ang labi nila!
He
was stunned. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Lalayo na sana siya dito
nang maramdaman niya ang kamay nito sa likuran ng ulo niya. And then his lips
started moving above him. Pinalalim nito ang halik ngunit siya ay nanatiling
nakatikom ang bibig. Still in awe.
Think
Hyde! Mag-isip ka! Kinuha niya ang first kiss mo. Sa isiping iyon. Malakas niyang itinulak
ito.
Ang
sunod niyang ginawa, binigyan ito ng isang malakas na suntok....
AUTHOR’S NOTE
Hello
po!! I’m
back! xD
Unang-una,
maraming salamat nang marami sa mga tao sa group na hiningian ko ng something
about sa teaser nito. Namely, Mama Lalie, Tofi Leofric, JM Perez, Papa JC Sy, Kuya
Alex na gumawa ng cover photo ko. Kay Kuya Carlos at kuya Rye, Faustino, Seyren Windsor na bagong resident writer ng MSOB. At kay
Red at Nhe. ;)
Siyempre kay Prince Justin na nagbigay ng constructive criticism. Salamat nang marami. Sa uulitin po.
Siyempre kay Prince Justin na nagbigay ng constructive criticism. Salamat nang marami. Sa uulitin po.
Pati
po pala sa mga nag-comment sa chapter 33-34 ng BomH. Angel, Alfred of T.O, 44,
Jefferson Cabriana, Robert Mendoza, Braille Lance, Shai. Panghuli kay YEAHITSJM.. (lol.. seriously?
Kuya pa rin po ako kahit na ganoon.. haha. Kung saan ka komportable. Bahala ka.
At tungkol naman sa cover. Hala ka! (nanakot) Hindi po ako ang may gawa n’un. At `yong tungkol naman sa mga extra na may sense.. lol. Kailangan
`yon. Pero sa lahat ng comment mo. SALAMAT ng MARAMI!! Sa uulitin..)
Heto na naman si magulong ako. Ang sabi ko papalitan ko `yong teaser but still stick to the original. Masakit sa imaginary bangs ang mag-isip ng bago .. xD..
Bitin ung teaser mo nmn kuya vienne
ReplyDeleteJharz05
Ayan, hindi nagpatalo. Bangayan blues ang peg. Thanks for sharing your new story. Waiting for the update. Take care.
ReplyDelete:))
ReplyDelete- K
Yes may bago ulit akong aabangan!! :)
ReplyDelete-44
Love the story,,,, cant wait sa 1st chapter
ReplyDeleteExcited naq sa mga susunod na kabanata.. Alam mo Yan. Hehe. Good Teaser! :)
ReplyDeleteHong gondo.. Nakaeggzoite! Lol
ReplyDeleteNamention pa ako. Hahaha. Nice start kuyang author. :)) di ako madaldal ngayon kasi di naman ending charot. Haha. Have a great day. :)
ReplyDelete-yeahitsjm
Nice one veinne hahahahha galinh
ReplyDeleteShai