GEO
"MR. ASSUMING"
By: Bluerose
CHAPTER 20
AUTHORS NOTE: happy new year guys!!!! Heheheh super thanks na patuloy na support sa story mwuah mwuah pasensya na naging busy kasi nung bakasyon.. Hehe empi light na muna.. Haha.. Hindi na muna ako masyadong babati hehe..
Young.. super thanks sa pagsupport mo, sa pagappreciate sa pangaasar, sorry kung maarte ako minsan.. Minsan lang naman ..haha basta thank you and happy new year.!!
Kay red, marvin and jigs RYL and clark at sa lahat ng bumubuo ng BTBBC hahaa.. Mwuahmwuah.. Kay ian kitoy, kay nhe.. Salamat mga bro.
Sa mga co author ko rye, viene, prince justin and cokie cutter at sa iba pa na hindi ko nabanggit hahaa happy new year din.. Chapter 20 here..! Enjoy mwuah..
GUys sali kayo sa group more pictures of the characters and kwentuhan.. close close tayo hehehe
https://www.facebook.com/groups/carlosbluerose
SI PAUL
Ilang linggo bago sumapit Ang battle of the bands ay pinadala yung buong banda namin sa hongkong para tumugtug sa bubuksang supermarket ng mga schoneberg duon. Bago palang yung banda namin pero ang dami ng sumosuporta dito.. Ilang linggo na din kaming puspusan sa pagpapraktis kaya apportunity na din to para makapagpahinga yung buong banda. Haixt kamusta na kaya si Geo.. Ang hirap naman kasi pigilin yung sarili ko na wag sya tawagan.. Malamang ang laki na ng butas ng ilong nun dahil sa tuwa kapag tumatawag ako haha.. Haixt magagawa ko mahal ko eh.
Pangalawang gabi namin sa hotel sa hongkong ng makita ko si joseph at franz na tumatakbo papasok sa lobby.. Kumunot naman yung noo ko. Di man lang gumamit ng payong haha.
" hey ok lang kayo..?" tanong ko sa kanilang dalawa paglapit ko.
" Yeah ok lang.. Ang cute mo naman.?" ngiti ni franz, si joseph naman umiwas ng tingin.
" eh kung batukan kita franz.." simangot ni joseph natawa lang ako.
" bawal magjoke..?" pagpag ni franz sa damit niya.
" san ka pupunta paul ang lakas ng ulan eh..?" tanong ni joseph.
" Halata nga eh.. Basang basa kayo eh.. Di pa ba kayo nagenjoy sa Pilipinas hanggang dito sa hongkong nagpapaulan kayo.?"
" UHmm.. Ang cute mo talaga grabe.." ngiti ni franz habang nakatingin sa mukha ko. Agad naman tong binatukan ni joseph.
" aray naman joseph..!!"
"Hoy bulag ka hindi kita pinakawalan para lumandi huh.. Maging faithful ka pwede..?"
" wow so you mean joseph..?" ngiti ko.
" shut up paul.." simangot nito. " san ka ba pupunta.?"
"magpapahangin lang..?"
"sana ngumanga ka nalang sa tapat ng aircon..?"
" Bakit hgindi mo gawin.." ngiti ko sa kanya.
" samahan kita gusto mo..?" saad ni franz sinimaan naman sya ng tingin ni joseph. " joke lang..Grabe.."
" Ok ka lang joseph.?" tanong ko dito marahan naman tong tumango natanaw ko naman si daryll na papasok na din ng hotel habang may hawak na payong. " jan na si daryll.." ngiti ko sabay naman silang napalingon sa entrance ng hotel.
" Franz.. Pwede payakap..?"
"joseph..?" ngiwi ni franz pero lumapit na dito si joseph saka to niyakap.. Kita ko yung higpit ng yakap niya saka dahang dahang humiwalay.. Ngumiti lang sya kay franz saka kinuha yung salamin niya. "wag mo kunin.. Joseph naman eh.. Anjan na si daryll."
" pakipunasan paul..?" abot niya sakin nung salamin.
"bakit ako..?" kunot ang noong saad ko.
"basa damit ko di ba..? Pupunasan mo ba o sasapakin kita.?" seryosong saad niya.
"gago ka hindi mo ko utusan.." dun naman lumapit si daryll saka kinuha yung salamin sa kamay ni joseph.
"ako na.." saad nito umiwas naman ng tingin si joseph.. Haixt ramdam ko yung sakit na nararamdaman ni joseph ngayon.. Yung makita mo yung mahal mo na kasama yung mahal niya.. Sobrang sakit nun.. Sobrang sakit pero wala kang magawa kundi tiisin . " here.." abot ni daryll sa salamin kay joseph sinuot niya lang to kay franz.
"joseph naman eh.." simangot ni franz.."
"sige na uwi na kayo.. Matutulog na ako.. Daryll pakiingatan tong bulag na to huh.."
" joseph hindi ako bulag..." inis na saad ni franz.
" Pero malapit na.." bulong ni joseph kumunot naman yung noo ko.
" joseph..?"
" wala sige na uwi na kayo.. Matutulog na ko ingat kayo sa paguwi sa pilipinas.. Dalawin mo si mama huh.. Pagong si franz huh.. Please ingatan mo sya."
"sure.." ngiti ni daryll. " let's go franz.?"
"yeah.. Joseph goodluck huh..alam ko kaya mo yan..kaya niyo yan." saad ni franz tumango naman si joseph.. Tumalikod lang samin si daryll at franz saka naglakad palabas ng hotel.
" Are you ok..?" tanong ko hinubad ko lang yung jacket na suot ko saka inabot sa kanya.
" No thanks." saad niya habang nakatanaw parin kala franz.
" sige na.. Durog na nga yung puso mo.. Baka magkasakit ka pa.. Tutugtug pa tayo di ba..?"
" paul tama ba yung ginawa ko..?"
"na pakawalan na sya..?"
" Na hayaan na sya kung saan sya masaya.."
" actually hindi naman sya yung pinakawalan mo eh.. Yung sarili mo.. Everything happen for a reason joseph.. May dahilan kung bakit tayo nasasaktan.. Di ba nga sabi may mga taong hindi nakalaan para satin dahil nakalaan sila sa iba.. Pero may mga taong hindi nakalaan sa iba kasi nakalaan satin.. Ganun lang yun.. Hindi porket may nangiwan sayo wala ng darating."
"putek na reason.. Sana man lang alam ko noh.. Tangina ang sakit eh.." inis na saad niya saka kinuha yung jacket ko.
" Malay mo meant to be kayo ni franz.. Para maging bestfriend..? Hindi naman dahil mahal mo magiging sayo.. Kasi minsan yung mahal nila eh mahal din sila.. Nagkataon lang na yung role mo sa love story nila ay ekstra pero yung role nila sa love story mo .. Lesson.." humugot lang sya ng malalim na hininga. " suotin mo na yan.. Baka magkasakit ka pa.." sinuot naman niya yung jacket hanggang makita ko yung pagtulo ng luha niya pero agad niya tong pinunasan.. Natawa naman ako.
" bakit ka tumatawa..? Kala mo madali.?"
" Sisiga siga ka ang weak mo naman." sumimangot lang sya.
" pasagasa kaya ako sa truck ngayon.. Tangina ang sakit talaga eh.. Bestfriend eh mahal ko yung bulag na yun eh. Kalokohan!"
" Move on.."
" haixt.. Akyat na ko.. Hindi ka pa ba aakyat..?" tanong niya marahan naman akong umiling.
" bibili lang ako ng sim card may tatawagan kasi ako eh.."
" sino..? Uhmm.. Bakit ayaw mo sabihin kung sino yung lagi mong kausap sa phone.?"
" walang pakialamanan sige na.. Umakyat ka na.. Madami daming muta iipunin mo ngayon gabi.." ngiti ko sa kanya.
"gago.."
" Kaya mo yan bro.. Magipon ka ng lakas .. Sasamahan kita huntingin si kupido.." natatawang saad ko.
"talaga bwiset sya.. Kapag nakita ko yung mukhang ewan na may pakpak na yun.. Gugulpihin ko sya.. Haixt makaakyat na nga nakakabadtrip." simangot niya saka tumalikod natawa lang ako saka nagsimulang maglakad papunta sa entrance ng hotel.. Tumila na yung ulan ng oras na yun, sumakay lang ako ng taxi saka nagpahatid sa isang mall duon.
Pagdating dun agad lang akong naghanap ng pwedeng bilihan ng phone and simcard.. Ng makakita agad lang akong bumili.
Si sarah.. Kamusta na kaya sila ni dennis.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka dinial yung number nito.. Ilang sandali pa tong nagring hanggang may sumagot dito.
" sarah..?" saad ko.
" Who's this.?" saad sa kabilang linya.. Mukhang matanda.. Alam ko kay sarah to ah..
" Tita Agnes..?"
" yeah.. Who's this."
" tita it's paul.. Kamusta po si sarah.. Nasa hongkong din po pala kayo..?"
"paul.?"
" Paul Unidad po..nasaan po si sarah kakamustahan ko lang po sana sya.. Nandito po kasi ako sa hongkong ngayon.?" ilang sandali namang walang nagsalita sa kabilang linya. " tita are you still there.? Tita si paul po to remember..?"
"Yeah of corse I remember you.. Paul si sarah kasi.."
" nasaan po sya.. Kakamustahin ko lang po sana.. Nandito po ako sa hongkong ngayon..?"
" Paul we're here sa ospital.." saad nito natigilan naman ako. Ospital..?
"huh..?"
"naaksidente si sarah at si dennis nung isang araw."
"what..?!" gulat na saad ko. " saan pong hospital..?" tanong ko. Agad naman nitong sinabi kung saan nakakaconfine si sarah.. Lumabas naman ako ng mall na yun saka sumakay sa taxi. Alam ko hindi maganda yung pinagsamahan namin dati pero minahal ko sya.. Haixt nangako sya na babalik sila ni dennis sa pilipinas. What happened.?? Damn it..
Pagdating ko dun nakita ko lang si sarah na nakahiga habang napakadaming aparatos ang nakakakabit sa katawan niya. Sabi ng mommy niya nacomatose daw to pagkatapos ng aksidente kasama si dennis. Tanging yung makina nalang na yun yung nagduduktong sa buhay niya.
" si dennis po..?" tanong ko sa mommy niya marahan naman tong umling nakagat ko lang yung labi ko saka muling tumingin sa mukha ni sarah.. Damn it.. " pano po nangyare yun.. Kala ko po ok sila dito.? Nung huling nakausap ko po si sarah sabi niya masaya sila ni dennis.. Na ok sila pano po nangyare yun.. Shit.."
" tinaningan na yung buhay ni dennis.. Wala ng pagasa.. Nung nalaman ni sarah yun... Halos di na namin sya makausap.. Hindi na sya umalis sa tabi ni dennis.. " kita ko lang yung pagtulo ng luha nito. "paul si sarah.. Wala ng pagasa sabi ng mga doctor dito..?" napapikit lang ako.
" Tita baka meron pa..??" nagsimula langtumulo yung luha ko ng umiling to. " tita.."
"paul hindi aksidente yung nangyare... Sinadya ibunggo ni sarah yung sasakyan.." nakatungong saad nito.
"bakit po..?"
" ayaw niyang maghiwalay pa uli sila ni dennis.."
" damn it!! Baliw talaga yang anak niyo.!" gigil na saad ko.
"gusto ko umiyak ng umiyak paul... Pero si sarah. Mahal niya talaga si dennis.. Alam mo inaamin ko napabayaan namin yung anak namin.. Alam ko nagkulang kami at pinagsisihan ko yun paul.. Pinagsisihan ko ng sobra yun.. Bago sila naaksidente pinapunta kami ni sarah dito.. Yung mga huling araw na yun pinadama niya samin na mahal na mahal niya kami.. Pinadama niya na kahit hindi naging perpekto yung pamilya namin..naging masaya kami.. And I'm thankful na mahal na mahal ako ng anak ko."
" tita.."
" Ayoko mawala si sarah. Pero paul.. Ginawa niya to para kay dennis.. Buong buhay niya.. Si dennis lang yung minahal niya.." nagpunas lang to ng luha. " kahit masakit sakin.. Tanggap ko na.." hikbi nito.
" tita.."
" Paul.. Aantayin ko lang yung asawa ko bumalik .. Tatanngalin na namin yung mga makinang nakakabit sa kanya.."
"Pero.." humugot lang to ng malalim na hininga. " pero tita..?"
" It's ok paul." tumungo lang ako sska hinayaang pumatak yung mga luha ko.. Naramdaman ko naman na yinakap ako ni tita Agnes. " hindi ko na pahihirapan yung anak ko.. Hindi na paul."
"Sana po maging masaya po si sarah."
"I know... Hinihintay na sya ni dennis.."
Parang wala ako sa sarili ng bumalik sa hotel kung saan kami nakacheck in. Ganun ba talaga ng nagagawa ng love.. Na handa kang mamatay para sa mahal mo.. Haixt.
Pagkatapos namin tumugtug sa opening ng supermarket ay umuwi na din kami agad..bago yung flight namin nagpaalam muna ako kay sarah.. Nagpaalam sa taong minsan minahal ko.. Taong minsan naging parte ng buhay ko.. Sabi ng mommy niya gusto daw idonate ni sarah lahat ng organ niya na pwede pang magdugtong sa buhay ng iba.. Haixt.. Hindi ko man nakita ko kung gano kabait si sarah.. Pero alam ko mabuti yung puso niya..
SI GEO
Napangiti lang ako ng makita yung sikat ng araw sa bintana ko.. Agad lang akong nagbihis saka kinuha yung jacket ko sa cabinet.. Haixt new day.. New life.. Welcome baby..! Haha.. Humugot lang ako ng malalim na hininga..eto na ko ngayon.. Nagsisimula.. Ganun naman ata ang buhay.. Everytime na madadapa ka kailangan mo bumangon at higit sa lahat kapag natapos ang isang bagay kailangan mo magsimula ng panibago.. Tuloy tuloy ang buhay kaya kailangan mong sumabay. Life is too short to be miserable maghanap ng mga bagay na magpapangiti sayo at kalimutan yung mga bagay na nagdadala sayo ng lungkot.. Ganun lang yun. Positive..
" Where are you going..?" tanong ni mommy pagbaba ko ng hagdan.. Sinuot ko lang yung jacket ko saka ngumiti dito. " saan ka pupunta geo.. Baka maligaw ka nanaman..?"
"mom naman.. Iniexplore ko lang yung lugar..?"
"ieenxplore..? Eh naliligaw ka nga..?"
" dala ko na yung phone ko..skaa mom paalala ko lang huh di ako pusa para maligaw." ngiti ko saka nilabas sa bulsa ko yung cellphone.. " I'm ok mom don't worry.. Saka sa harbour lang ako pupunta gusto ko lang lumanghap ng super fresh na hangin..kesa nandito ako sa bahay puro mukha niyo lang nakikita ko." ngiti ko saka humalik sa pisnge nito.
" bwiset ka huh.." simangot nito.
"MOm sana umulan ulit ng snow.. Maduga naman kasi ang bilis nawala nung snow nung birthday ko hindi man lang ako nakagawa ng snowman sa labas,"
"hindi pa naman kasi winter.. Ang swerte mo nga umulan nun ng birtday mo.."
"excited na ko para sa winter mom.. Super.." ngiti ko.. As in excited na ko. " si daddy..?"
" nasa labas nagpapahangin.."
" Mom naniniwala ako gagaling pa si daddy .. Positive tayo huh.. Matagal pa natin syang makakasama.." ngiti ko.. Nang malaman ni daddy dati na may sakit sya.. Iniwan niya kami... Ayaw niya kasi makita namin na nahihirapan sya.
" sana nga son.."
"nangako sya sakin mommy na sabay kaming gagawa ng snowman. Magagalit ako sa kanya kapag hindi niya tinupad yun.."
" tutuparin niya yun wag kang magalala.."
"dapat lang.." nguso ko.
"sige na magpaalam ka sa daddy mo huh."
"yeah.. Love you.." saad ko saka humalik sa pisngi nito.. Humugot lang ako ng malalaim na hininga saka lumabas ng bahay napasinghap lang ako ng malanghap yung hangin..haixt ang bango..nakita ko lang si daddy na nakawheelchair habang nakaharap sa mga magagandang halaman na nakatanim sa bakuran namin. " goodmorning dad..?" saad ko paglapit dito.
" where are you going..?" kunot ang noong saad nito inayos ko naman yung jacket na suot nito.. Simula ng dumating kami dito naramdaman ko yung pakiramdam na buo yung pamilya.. At nagpapasalamat ako dahil dun.
"just want to buy a white bread dad.."
"meron naman tayo sa kusina ah?"
"dad gusto ko yung bagong luto.. Saka gusto ko pumunta ng harbour." ngiti ko.. Daungan to ng malalaki at maliit na barko.. sa gilid nito ay may batuhan kung saan ka pwede tumanaw sa lawak ng dagat.. Haixt feeling ko pag nanduon ako.. Masaya ako..
" Ok but be careful..?" baka madulas ka sa batuhan dun.?"
"Oo naman dad.. Hiramin ko yung bike mo huh..?"
"sure..magingat ka huh.."
"yes dad." ngiti ko saka humalik sa pingi nito.. Nginitian ko lang si mommy ng makita ko to sa pinto.. " bye mom.." saad ko saka sumakay sa bike saka to pinaandar.
Nagbike lang ako papunta sa highway.. Damang dama ko yung kakaibang lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko.. Sa gilid ng highway makikita mo yung malawak na anyong tubig.. Maririnig mo yung ibong lumilipad kasabay ng hangin mula sa dagat.. Para tong musika sa tenga ko.. Maririnig mo din yung malakas na hampas ng alon sa batuhan.. Napangiti lang ako This place is really a paradise..Newfoundland and labrador in canada sabi ni mommy dito daw pinanganak si daddy pero sa pilipinas sya lumaki.
Itinigil ko lang yung bike ko sa isang lumang bakery.. Nilanghap ko lang yung amoy ng mga tinapay na niluluto sa loob.. Haixt ang bango.
"Goodmorning cute little boy.." ngiti ng matandang tindera na andun.. Napangiwi naman ako..
" goodmorning.."
" white bread..?" nakangiting saad nito marahan naman akong tumango. Ang tangos ng ilong niya hehe pero putek hindi ako cute at lalong hindi ako maliit.! haha "Here.." abot nito sakin kinuha ko lang yung pera sa bulsa ko saka inabot dito.
"Uhm madame.. I'm not cute..I'm handsome.."
" no you are cute..?"
" no.. And Im not little..? Do I look small..?"
" a little..?" ngiti nito..ouch.. haha Haixt sabagay ang tatangkad ng mga tao dito haha ayoko na nga makipagtalo baka dumugo lang ilong ko... " have you tried to go to water street..?" tanong niya.. Ang tinutukoy nito ay yung luga kung dinaraos lahat ng okasyon.. Street dancing parade.. At kung ano ano pa.
" No.. Why..?"
" I've heard that there's an event this afternoon..?" lagi naman may event dun.. Tinatamad nga lang ako pumunta haha.. Mas gusto ko pang makasama si daddy saka si mommy.
" really..?"
" yeah... You know what.. There's something magical in that street..they say that the first person you will see after the winter festival will be you destiny..?" ngiti nito kumunot naman yung noo ko saka natawa.
" what..?"
" I'm serious cute little boy..?" umiba lang ako ng tingin. eh kung patulan ko kaya tong matandang to para tumigil sa kakatawag sakin ng cute little boy..? Hindi na ko bata grabe.
" You know what madame I'm excited about the winter festival here but..." ngiti ko. " I Don't believe in magic.. "
" really.."
"yeah... I have to go.." ngiti ko saka nilagay sa basket ng bike ko yung tinapay.
" Remember this boy.. After the street dancing just close your eyes for about 3 seconds.." ngiti nito.
" then..?"
" you will see the magic." natawa lang ako.
"magic is just an illusion.. Theres no such thing as magic and Im not a fan of harry potter..? Who use magic wands..or super powers.. We live in the real world and in the real world..? Magic doesnt exist..Have a good day.." saad ko saka sumakay sa bike ko at mabilis tong pinaandar.. Haixt magic kalokohan.. Malaking kalokohan.. Haha.. Mabilis lang akong nagpedal dama ko lang yung hampas ng hangin sa mukha ko habang nililipad yung buhok ko.
Pagdating ko sa harbour rinig ko na agad yung malalakas na tunog ng mga barko na dumadaong.. Inakay ko lang yung bike papunta sa batuhan saka tumanaw sa lawak ng karagatan.. Linanghap ko lang yung hangin duon.. Mataas yung sikat ng araw pero yung hangin napakalamig.. Minsan hindi ko maintindihan yung klima sa lugar nato.. Minsan mainit minsan malamig.. Minsan bigla nalang uulan.. Pabago bago.. Pero naaeenjoy ko na to.
Natigilan lang ako ng maramdaman na nagbavibrate yung phone ko sa bulsa.. Agad ko lang tong kinuha saka sinagot.
"geo where are you..?" rinig kong saad ni mommy.
"mom nandito lang ako sa harbour.. Kalma lang kayo para namang mawawala ako agad..binibigyan ko na nga kayo ng time ni daddy eh..?"
" baliw kang bata ka..!"
" maligo kayo mom.. Tapos akitin niyo si daddy malay niyo po makabuo pa kayo.." natatawang saad ko.
" Humanda ka pagbalik mo huh!"
" joke lang.. Mom I'm just here don't worry about me ok..?"
" ok.. Son pano kung gusto ng daddy mo umuwi sa pilipinas..?"
"huh..? Pano yung sakit niya.?"
" Gusto niya nanduon tayo pilipinas sa oras na.."
"mom.." napabuntong hininga naman ako. " kung yun po yung gusto ni daddy ok lang po sakin."
" salamat anak huh..?"
" yes mom.. Uuwi narin ako maya maya.." saad ko saka pinatay yung phone ko at binalik sa bulsa.. Uuwi ng pilipinas..? Aixxtt.. Pano kung.. Bahala na nga..
"are you filipino..?" rinig kong saad mula sa likod ko agad naman akong napalingon dito.. Isang babae na blonde ang buhok.. Marahan naman akong tumango dito. Ang cute niya.
"Talaga..?" manghang saad nito.
" filipino ka rin..?"
" Yeah.. I'm nadine.." ngiti nito,. Wow flashy smile.. Ganda ng smile.. Para syang prinsesa sa disney.
" Geo.."ngiti ko saka nilahad yung kamay ko tinanggap naman niya to.
" Ang gwapo mo..artista ka ba sa pilipinas.?" ngiti niya saka tumanaw din sa dagat natawa naman ako..
" hindi pero ang ganda mo rin.. Artista ka ba dito.?" saad ko natawa naman sya.
"I know maganda ako pero hindi ako artista.. Pero malay mo may makadiscover sakin... Wait saan ka nakatira dito.. Ako jan along grower street..tingin ko bago ka lang dito ngayon lang kita nakita or siguro di lang tayo nagtatagpo.. Haixt minsan nalang kasi ako makapunta dito busy sa school saka sa boyfriend..nagaaral ka ba..? Or bakasyon ka lang dito alam mo maganda tumira dito.. Tahimik saka mababait yung mga tao.. Parang ako mabait.." lingon niya sakin natawa naman ako.
"yung first question muna.." napapapakamot na saad ko. "Along grower street din ako.."
" wow.. Malapit ka lang pala.. So are you going to study here..?"
" No.. I mean yes..I mean Im not sure.. or maybe next school year.." saad ko.. Kunguuwi kami ng pilipinas pano pa ko makakapagaral dito.. Naman eh.
" wow really that's nice..Pwede kitang maging friend..?" tanong niya.
" Ako..?"
" may iba pa ba tayong kasama dito..? Pwera nalang kung may nakikita kang hindi ko nakikita." lingon niya sa paligid napangiti lang saka umiling. " haixt may ilang filipino kasi dito kaso walang kasing edad ko.. Yung iba nagtatrabaho..ang hirap maghanap ng friend sobra.. Dumudugo kaya ilong ko dito." natatawang saad niya. Ang daldal niya grabe. " geo di ba..?"
"yeah.. Geoffrey."
" uhm cute din ng name mo bagay sayo.. So yung family mo nandito..?"
"yes... Uhm ikaw..?"
" nagmigrate kami dito ng family ko nung high school ako.. Wait san ka pala sa Pilipinas..?"
" cavite.. Bacoor..?"
" woooww malapit kayo sa tagaytay.. You know what I love that place.." ngiti niya umiwas naman ako ng tingin di ko naman tinatanong hahaha.. " somewhere in rizal kami nakatira..Ilang taon na nga akong hindi nakakauwi dun.. Nakakamiss yung places dun."
" Oo naman.. Pero maganda naman dito sa newfoundland di ba. So ok lang.."
"pero iba parin ang pilipinas.."
" well tama ka.." ngiti ko.
" ang gwapo mo talaga..?"
" narinig ko kanina sabi mo may boyfriend ka.. Single ako pero Im not available.." ngiti ko natawa naman sya.
" mahal ko yung boyfriend ko noh.. Gwapo ka lang saka ang cute ng eyes mo..inaappreciate ko lang."
" Ganun.. Edi thank you.."
" malapit na yung winter festival.. Sama ka sakin..?"
"eh yung boyfriend mo.."
" kasama din natin..?"
" huh..?"
"sige na filipino rin yun don't worry.. Nasa school lang sya ngayon.. Umabsent kasi ako eh.."
"why..?"
" Wala lang.. Nagaway kasi kami kagabi ni Peter.. Nakakainis sya.."
"Boyfriend mo..?"
"yeah.. Ang seloso grabe.."
" baka naman binibigyan mo ng reason para magselos..? Oops teka baka magselos sakin yun huh..?"
" Hindi yun.. May classmate kasi ako nung highschool nung nasa pilipinas pa ko.. He likes me kasi.. Nagmessage kasi sakin sa fb.. Yun nagalit si peter.. Kaibigan ko lang naman yun."
" kahit ako naman magseselos noh.. Malamang nireplyan mo pa..?"
"uhm bestfriend ko kasi yun..?"
" eh sya hindi naman bestfriend ang tingin sayo..?"
" uhm kasalanan ko ba na maganda ko..?" ngiwi niya.. Natawa naman ako.
" problema ko rin yan eh.."
" haixt basta akin na yung number mo.. Tatawagan kita.." ngiti niya binigay ko naman yung number ko sa kanya.
" hey baka magselos yung boyfriend mo kabago bago ko palang dito baka mapaaway na ko..?"
" hindi yan akong bahala sayo."
" Siguraduhin mo.. Ano nga uli pangalan mo.?"
" nadine.. Grabe gwapo nga makakalimutin naman.."
"sorry naman.." napagmasdan ko lang yung mukha niya.. Ang ganda nga niya.. Yung makinis niyang balat yung mahaba niyang buhok.. At ang ganda ng lips niya.
" Hoy mainlove ka..?" natatawang saad niya umiwas naman ako ng tingin. " may boyfriend ako.. At mas gwapo sya sayo.."
"weh may mas gwapo pa ba sa ganitong mukha..?" ngiti ko.
"kapal.. Sige I have to go.. Tatawagan kita huh.." ngiti niya.
" sure." saad ko naglakad naman sya.. Haixt ang kulit niya.. Baka hanggang dito sa canada maakusahan ako ng mangaagaw.. Putek hindi naman ako ang lumapit sa babaeng yun.
Muli naman tumunog yung phone ko nang tingnan ko to nakita ko lang yung pangalan ni paul.
" hey Mr. Paul Unindad." ngiti ko habang nakatanaw sa dagat.
"namiss mo ko noh..? Halatang excited ka sagutin yung call o eh." saad niya.
" hindi ah.. So nakauwi na kayo.. Kamusta yung tugtog niyo sa hongkong..?"
" sobrang saya.. Pero malungkot din.."
"why..?"
" Si sarah kasi eh.."
"ay oo nga pala dun pala pumunta yung baliw mong ex di ba.. Don't tell me inaway ka niya dun. Alam mo dapat dinadala na yun sa mental eh.." greba tuwing maalala ko yung ginawa niya sa motor ni kuya aldred dati nabubwiset parin ako haha..
" wala na sya. geo."
" huh..?"
" Patay na si sarah.. Actually dapat nung Tuesday pa ko nakauwi.. Nagpaiwan ako kala blue kasi nakipaglibing pa ko." saad niya.. Shet baka multuhin ako ng babaeng yun haha..
" seryoso ka ba..?"
" yeah.. Kahit ganun yun minahal ko yun noh.."
" halata naman eh.. Sa sama ng ugali nun kailangan talaga ng super laking pagmamahal." saad ko narinig ko naman na natawa sya. " maganda nga kakaiba naman ang ugali."
" tenge ka baka multuhin ka nun.."
" hoy sorry sya hanggang hongkong lang sya.. Walang ghost airplane noh so hindi sya makakapunta dito..wait ok ka lang ba..? I mean.. Ex mo yun.."
" Ok lang ako..masaya na ko para kay sarah.."
" Wow ang anghel niya huh..tutubuan ka ng pakpak niyan. "
"tapos ilipad ako papunta sayo.. Edi tuwang tuwa ka nun..?"
"hoy remind ko lang paul ikaw ang patayna patay sakin..hindi ako.. Kala mo naman kung sinong gwapo."
"ows.. Gwapo naman ako.. Sabi mo di ba..?"
"sinabi ko ba yun.. ?"
" Oo kaya.. Wag mo na ideny.. Ikaw kamusta ka.. Namiss mo ko noh..?"
" paul kapal ng mukha mo.. baka ikaw ang nakamiss sakin.. Aminin mo..?"
"hindi kita namiss noh.."
"owss.. Send mo sakin yung video niyo sa battle of the band huh..?"
" eh yung sa gravity gusto mo send ko din sayo..?"
" eh kung lumipad ako ngayon jan para sapakin ka..?" simangot ko.
" Eh pano kung ako ang lumipad jan para halikan ka..?" saad niya natigilan naman ako.. No daw,.? Tong lalakeng to haha " Kinilig ka noh..?" natatawang saad niya.
"bakit ako kikiligin..? Hindi kaya ako tinubuan ng ugat para sa kilig."
" di mo ba kakamustahin si chris..?"
" bakit close ba kayo..?"
" may sinabi ba kong close kami..?"
" oh hindi pala.. Shut up nga paul..kainis ka huh.. May mga bagay na dapat binabaon na sa limot.."
" bakit ka naiinis.. Hindi ka pa nakakamove on noh.. Don't worry maghihintay naman ako eh.."
" nakakatawa.." sarkastikong saad ko.
" Patutulugin mo ba ko jan sa inyo kapag pumunta ko jan..?"
" Ano tingin mo sa bahay namin hotel..?"
"pano kung gusto ko sa kwarto mo.. Papayag ka ba..?"
" huh..?"
" sa kwarto mo..?"
" baliw ka ba.. Saka bakit ka naman pupunta dito.. Imposible mo huh.."
"mukhang di ka nanaman uuwi dito di ba.. So ako nalang pupunta jan.. Sasama ko si chris.."
" fuck you..!"
" joke lang.. Seryoso.. Gusto ko pumunta jan..?"
" edi pumunta ka..?"
" gusto mo..?"
" uhmm>.."
" ano.. Pag sinabi mong pumunta ko jan ngayon.. Magpapabook agad ako.. As in ngayon na..?"
" Oa mo.. Ganun mo ba ko kamahal..?"
" Huh..?"
" hoy inamin mona sakin na mahal mo ko kaya wala ka ng madedeny sakin.."
" oo na nga.. Nagdeny ba ko.. Sipain kita jan eh..So gusto mo nga pumunta ko jan.?"
" pano yung battle of the bands..?"
"gusto mo talaga pumunta na ko jan..?"
" Uhmm.. "
" ano.. Tatawagan ko na si chris para sabay kami magpabook..?"
"kainis ka paul..!"
" joke.. After ng battle of the band pupunta ako jan huh.."
" Talaga..?"
"yeah.. May nabanggit ka na winter festival.. Gusto ko din makita yun..?"
" seryoso ka ba talaga..?"
" Oo nga.. Pupunta ako jan.." napangiti lang ako.. Haixt mahal nga niya ko.. Haha.. Pero hindi pa siguro ako ready.. Sa ngayon gusto ko muna maghilom yung mga sugat ko.. Maybe one day mamahalin ko rin si paul tulad ng pagmamahal na gusto niyang ibigay ko sa kanya.
" Sana maabutan ko nga yung winter festival eh.."
" bakit..?"
" gusto kasi umuwi ni daddy jan.."
" huh..? Eh ikaw gusto mo na ba umuwi dito.?"
" ayoko..? Pero para kay daddy."
" si chris.. Pano pag nagkita na uli kayo..?"
" edi magkita..?"
"ok lang sayo..?"
" UHm yeah.. Alam mo paul kapag ayaw skain nung tao hindi ko pinipilit yung sarili ko.. Masakit tanggapin pero kailangan.. Ganun naman eh.. Choice ko nalang is magmove on.. Kaya ok lang sakin.
" kailan ang uwi niyo..?"
" I don't know pa eh..excited ka naman masyado.. Baka pag nagkita tayo marape mo pa ko..?"
" kapal mo geo.. Pinagnanasaan mo nga ako eh.."
" and so.. As if naman ikaw hindi.." napangiti lang ako ng hindi sya sumagot. " see.."
" Sige na matutulog na ko.. Tatawag uli ako bukas.."
" Araw araw ka nanaman tatawag.."
"paki mo..?" saad niya.
" ah ganun.."
" joke.. I love you.." saad niya natigilan naman ako. " bye na ingat ka jan.."
SI CHRIS
Iang buntong hininga lang yung pinakawalan ko paglabas ko ng music room. Eto na ko ngayon.. Mejo okay na..Pilit binabalik yung sigla.. Pagkatapos ng battle of the bands na to.. Pupuntahan ko si geo.. Pupuntahan ko sya para magsorry sa lahat ng masasakit na salita na sinabi ko sa kanya. Gusto ko na magsimula ulit.. Pero kailangan ko muna tanggalin yung bigat sa dibdib ko.. Mali yung ginawa ko kay geo.. Maling mali.. haixt.
Naglalakad na ko nun papunta sa motor ko nang makita ko si brax na nakatulala habang nakaupo sa motor niya.
" Brax..?" untag ko sa kanya.
" Chris.."
"bukas na yung battle of the band.. Brax kailangan koto. Kailangan ko manalo..kailangan natin manalo.."
" Para kay geo..?" saad niya umiwas naman ako ng tingin. " kinakabahan ako chris para bukas."
" kailangan ka namin brax.. Please..alam ko may pinagdadaanan ka ngayon pero bro."
" gagawin ko lahat chris don't worry.." nakatungong saad niya tinapik ko naman yung balikat niya.
"WE can do this.. Alam ko kaya mo to.. Una na ko.. See you tomorrow.." ngiti ko sa kanya marahan naman syang tumango.. Lumapit lang ako sa motor ko saka sumakay.
" hoy chris pasabay!" Sigaw ni Cj mula sa malayo.. Natawa naman ako ng makita sya habang tumatakbo. Oo nagalit sakin si cj dati pero nung nagsorry ako sa kanya pinatawad niya rin ako. " sabi ko sasabay ako di ba..?"
" kala ko kasi umuwi ka na..?"
"inaantay kaya kita.." ngiti niya. " bukas na yung battle of the band excited ka na ba..?"
" yeah.. Tingin mo ba mananalo kami..?"
"Oo naman ikaw pa.." saad niya saka sumakay sa likod ko humugot lang ako ng malalim na buntong hininga.. " why.?"
" mejo tagilid kasi kami bukas eh.."
"huh bakit..?"
" si brax.."
" yung drummer niyo..?"
" yeah.." pinaandar ko naman yung motor ko palabas ng campus.
" bakit..?"
"may pinagdadaanan kasi sya eh.. Pero sana.. Umaasa parin ako na kami yung mananalo.."
" ngayon pa talaga..?"
" haixt.. Kung matalo kami.. Pupuntahan ko parin si geo."
"pupuntahan mo na sya..? Eh Kailan mo plano kausapin si blue..?"
" Bukas.. Gusto ko na tapusin lahat.. Lahat ng samin ni blue.. Cj ok na ko.. Tanggap ko na.."
" mahal mo na talaga si geo..?" tanong niya.
" Pupunta ba ko dun kung hindi ko sya mahal.?"
ITUTULOY
So kay Sarah pala nanggaling ang mga mata ni Franz? Ang galing nakonekta na naman ang nakaraang storya sa kasalukuyan. Mukhang malapit ng matapos ang storya. I'm so excited for the next update!
ReplyDeleteWaaaaaaaah mabuti natauhan na si chris...... geo wait kalang jan..
ReplyDeleteTangina mo chris. Kay paul na si geo. Wag kang epal. Author naman sundin mo naman ako. Dati dun sa all i see is you hindi si joseph yung nakakuha kay franz. Badtrip! Sana ngayon si paul na haaaa.. pls. hehe
ReplyDeletenooooo.. geo is for paul na,,,nu be yen >.< wag ka na umepal chris. pleeeeeease XD
ReplyDeletehehhe.. newey , ganda ganda talaga.. :) NEEEEEXT XD hehe ty sa update :) :)
-yelsnA
Geo-Paul nalangg author please. Dapat Geo-Paul ang magkakatuluyan ok? Hahaha.
ReplyDeleteYeahitsjm
Geo wait mo si Chris mahal ka Rin niya wag na si Paul......para ky Joseph na yun......
ReplyDeleteAuthor nakaka excite ung kwento susunod na chapter
Jharz05
Parang ang corny pagnaging sila. Parehong top. Hindi maganda. Tas pareho ng ugali. ? Hindi magwowork yung relationship nila.
DeleteGeo wait mo si Chris mahal ka Rin niya wag na si Paul......para ky Joseph na yun......
ReplyDeleteAuthor nakaka excite ung kwento susunod na chapter
Jharz05
Paul, doon ka na kay Joseph. Rough around the edges pero mabait yun. Take care Mr Bluerose. Thanks sa update.
ReplyDeleteI don't usually write a comment so this is my first time...I really really love the story, mawalan na kami ng connection sa TV wag lang internet so I can be updated all the time...SAY YES TO PAUL FOR GEO!!!! pero if he really love chris ma sasad aq pero okey lang hahaha ^___^
ReplyDeleteThankey Mr.Author
This is my first time to write a comment nyahahaha..I really really love the story as in mawalan na kami ng TV connection wag lang internet so I can always be updated all the time ^___^ SAY YES TO PAUL FOR GEO !!! pero qng talagang Geo is for chris sad pero Okey lang ..pero mas okey qng SAY YES TO CHRIS IS FOR JOSEPH hahaha sorry baliw lang
ReplyDeleteThankey author!!!
I like Paul for geo please author ayoko sa character ni Chris.
ReplyDeleteMark gerald
chris wag mo na sundan si geo, panira kalang sa kanila ni Paul hehe. alam mo nmn palang matindi pinagsasabi mo, susundan mo pa.
ReplyDeletebharu
paul love geo
ReplyDeletePaul ♥♥ Geo ✔✔
ReplyDeleteBoth guys are cool in different ways pero ako mismo di ko matimbang pareho kasi silang deserving ee. Eto ung mahirap na part yung kailangan mo mamili at may kailangan masaktan ganun cguro tlga ang love di pwedeng tumibok ang puso pra sa dlwang tao.
ReplyDeleteGeo-Paul ako, ganda talaga nakakakilig...sige paunahan kau makita ni Geo sa winter festival sana lang pagdilat ng mata ni Geo si Paul makita nia......hehehe
ReplyDelete