Followers

Saturday, April 30, 2011

I Don't Wanna Be Your Friend: Part 1

Love & life is like a bar of soap, sometimes when you are not careful, it slips away and you lose it.


TALL, DARK and HANDSOME.


Iyan ang usual na description ng mga taong nakakakilala sa akin. Ewan ko ba, pero nang magpasabog yata ang Diyos ng kagwapuhan, sinahod ko halos ang kalahati. Hindi naman kasi maikakaila na gwapo talaga ako. (YABANG) Pero kahit ganito ako kaswerte sa pisikal na anyo. Siya namang saklap ko sa buhay. Grade three ako nang mamatay si tatay. Hirap na hirap kaming bumangon ni inay noon dahil pobre pa kami sa daga. Kami 'yong tipo ng tao na "isang kahig, isang tuka". Saktong sakto lang kasi ang kinikita ni inay para sa pang-araw araw namin eh.


Nagtitinda si inay ng gulay sa palengke, sapat lang ang kinikita niya para sa pangtawid ng gutom namin. Tumutulong rin ako sa kanya sa t'wing may oras ako. Nang makapag Grade 6 na ako ay nakakaraos na kami. Ngunit talagang mapagbiro ang tadhana. Nang 2nd year high school na ako ay nasunugan kami. Halos mawalan ako ng pag-asa. Ngunit si inay, lagi lang niyang sinasabi sa akin, "Matatalo lang tayo 'pag sumuko na tayo.", kung kaya kahit mahirap, nag-umpisa kami ulit sa wala.


Ngunit kung kailan nakakabawi na ulit kami ay saka naman dumating muli ang isang pagsubok na halos ikamatay ko na. Kakatapos lang ng graduation namin ng high school, pinalad akong maging valedictorian dahil sa aking pagpupursige. Nakapasa rin ako sa isa sa mga tanyag na unibersidad sa Pilipinas. Laking tuwa naman ni inay.


Ngunit habang naghuhugas siya ng plato at ako naman ay papasok na sa kwarto, narinig kong may nabasag. Kinutuban ako agad. Dali-dali kong pinuntahan ang kinaroroonan ni nanay at nakita ko nalang siyang wala nang buhay na nakasalampak sa sahig. Nang mga panahon na iyon, muntik na akong magpakamatay. Ngunit naalala ko ang sinabi ni nanay. Kung kaya hindi ako sumuko. Lumaban ako sa buhay. Ngayon. Nag-iisa nalang ako.


Ako nga pala si Brix, short for Bryan Roy, I. Xavier, 22 years old, 5"9' inches ang tangkad.


At ito ang kwento ko.


--------------------------------------------------------------------------

Kakatapos lang ng graduation rites namin sa kolehiyo. Masayang - masaya ang lahat. Lalo na ako. Biruin mo, nakakuha ako ng degree sa pagiging scholar at pakanta - kanta sa mga restaurant at bars.


Napatingala ako sa langit nang magtapos ang program.


"Nay, sa wakas." nasambit ko habang pigil ang luha.


"Tol! Brix. Sa wakas, graduate na tayo" si Andrew.


"Oo nga tol." sabi ko naman sabay ngiti.


"At last. It really paid off. All the hardwork." sabat naman ni Jason.


"Hahaha! Worth it talaga. Lalo na para dito kay Brix." si Andrew ulit.


"Kung tinanggap lang kasi niyan ang inaalok nating tulong sa kanya, eh di sana nabawasan man lang ang paghihirap niyan." sagot naman ni Matt na kalalapit lang mula sa stage. Summa Cum Laude kasi.


At sabay silang nagtawanan.


"Mga ugok! Ako na naman nakita niyo." sabi ko naman at nakisabay na rin sa tawanan.


Kaming apat ang ultimate na magbarkada. Hindi kami ganito noon. Halos magrambol nga kaming apat noong 1st year palang kami eh. Magkakaklase kami sa kursong Mass Communications. Pero, nang 2nd sem at magkaroon ng di inaasahang pangyayari, nagkaunawaan kaming apat at simula noon, hindi na natibag pa ang grupo namin.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Si Andrew.


NAME: Andre Mark O. Espinosa


Nickname: Drew


Height: 5"'8' inches


Description: Maputi, at may pagkasingkit. Namana niya mula sa nanay niyang Korean national. Magulo ang straight niyang buhok. Gwapo. Mayaman.


Relationship Status: In a Relationship with Grace J. Tejada.


Si Jason.


NAME: Jason Lee R. Burke


Nickname: JL


Height: 6"2' inches


Description: Maputi, matangkad dahil sa lahi nitong Amerikano. May pagkabrown ang buhok. Intense blue eyes. Matangos ang ilong. Full lips. Gwapo. Mayaman.


Relationship Status: Single.


Si Matt.



NAME: Matthew L. Delos Reyes


Nickname: Matt


Height: 5"7'


Description: Matalino, sobra. Moreno. Gwapo. Mayaman rin, (nanalo sa lotto) pero sobrang mapagkumbaba. Maalalahanin. Matangos ang ilong. Pantay ang mapuputing ngipin. Manipis ang labi. Disiplinado. Mabait.


Relationship Status: In a relationship with Dianne I. Navarro and It's Complicated.


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------


Dalawang linggo matapos ang aming graduation ay nagkayayaan kaming magsaya. Kaya naman lahat kami, pumunta sa flat ni Jason. Syempre pa, inuman, kwentuhan, kantiyawan ang nangyari.


10:36 PM


Medyo nahihilo na kami dahil medyo marami na rin ang naiinom namin.


12:07 AM


Nagdesisyon kaming magsitulog na.


1:19 AM


Naalimpungatan ako. Naramdaman kong nanunuyo ang lalamunan ko kung kaya kahit medyo nahihilo pa ay tumayo ako at tinungo ang kusina. Nang makainom ng tubig ay naisipan kong magpahangin muna sa terrace.


Nang papunta ako roon ay napansin kong may tao. Lumapit ako upang malaman kung sino iyon. Si Matt. Bubuksan ko palang ang pinto nang marinig ko ang basag na boses ni Matt.


"Anne, 'wag mong gawin sakin to please." sabi nitong pinipigil ang nagbabantang luha.


Kausap pala nito si Dianne sa cellphone.


Kabilang linya.


"Tell me what I did. I'll make it up to you I Promise." pagmamakaawa ni Matt.


Kabilang linya.


"Paano mo nagawa sa'kin to Anne??! I gave you everything. I did my best to make this relationship work and yet nagawa mo sa akin to."


Kabilang linya.


"I hope you'll be happy."


Iyon lang at pinatay ni Matt ang cellphone nito. Bigla namang napaupo ito sa malapit na upuan at itinabon ang dalawang kamay sa mukha. Alam kong umiiyak 'to.



Nang makaipon ng lakas ay nilapitan ko siya. Umupo ako sa tabi niya. Napansin niya naman ako, ngunit hindi ito umimik. Matagal na namayani ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa magsalita siya.


"You heard?" tanong nito, basa ang mukha ng luha.


Tango lang ang isinagot ko sa kanya.


Nanahimik kaming dalawa. Sa pagkakataong iyon, hindi ko alam ang gagawin ko para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya, kung kaya naman....


Pansin mo ba ang pagbabago?

Di matitigan ang iyong mga mata

Tila di na nananabik

Sa iyong yakap at halik

Sana'y malaman mo

Hindi sinasadya

Kung ang nais ko ay maging Malaya


Chorus:


Di lang ikaw

Di lang ikaw ang nahihirapan

Damdamin ko rin ay naguguluhan

Di lang ikaw

Di lang ikaw ang nababahala

Bulong ng isip wag kang pakawalan

Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan

Pansin mo ba ang nararamdaman

Di na tayo magkaintindihan

Tila hindi na maibabalik

Tamis ng yakap at halik

Maaring tama ka lumalamig ang pagsinta

Sana'y malaman mong di ko sinasadya


Chorus:


Di lang ikaw

Di lang ikaw ang nahihirapan

Damdamin ko rin ay naguguluhan

Di lang ikaw

Di lang ikaw ang nababahala

Bulong ng isip wag kang pakawalan

Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan


Di hahayaang habang buhay kang saktan

Di sasayangin ang iyong panahon

Ikaw ay magiging Masaya

Sa yakap at sa piling ng iba pa


Chorus:


Di lang ikaw

Di lang ikaw ang nahihirapan

Damdamin ko rin ay naguguluhan

Di lang ikaw

Di lang ikaw ang nababahala

Bulong ng isip wag kang pakawalan

Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan


http://www.youtube.com/watch?v=zklixG2_GnQ


Nang matapos ako sa pagkanta ay hinimas ko ang likod ni Matt. Sa pagkakataong iyon ay ibinuhos niya ang lahat ng sama ng loob nito. Ang hinanakit.


Maya-maya pa ay hindi na rin ito lumuluha. Tumayo ito at umupo sa sahig na naksandal ang likod sa railings ng terrace. Tumabi naman ako sa kanya. Saka niya ikinuwento ang lahat sa akin.



Nalaman kong buntis pala si Dianne, ngunit hindi si Matt ang ama. Sabi niya sa akin, ni minsan ay hindi pa sila nagtatalik ni Dianne. Kaya naman pala masama ang loob nito. Nang matapos siya sa pagkukento ay mahaba na naman ang katahimikan.


Napansin ko nalang na nakatulog na pala ito. Ihinilig ko nalang ang kanyang ulo sa kaliwang balikat ko upang hindi sumakit ang leeg. Balak ko sanang hintaying mag-umaga ngunit hindi ko na nakayanan ang antok kung kaya't nakatulog na rin ako.


Itutuloy.......


----------------------------------------------------------

by: JiJei (kiLL_joy145@yahoo.com.ph)

Mr. 29 sa SWIM CLASS

Mr.29 sa SWIM CLASS



As requested by readers,
nawala daw kasi sa BOL kaya repost ko na lang po dito sa MSOB


THANKS kuya MIKE :)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Cyr!!!!! gising!!! tanghali na!

iyan ang pambungad agad saakin ng nanay ko..haha..anu ba? ang aga pa kaya?

nanay- Nakalimutan mo ba? ngayon ang unang araw ng swim class mo!

ako- eh 7am pa naman po yun eh...anong oras naba?

nanay-SIRA! 6.30 na kaya!!!

WHAHAHA!! late na ko! hindi na nga ako pumasok nung orientation malelate pa ko!! nako..!!

ayun at nagsimula na akong bumangon .. naghilamos at nagtoothbrush nalang ako hindi na ko naligo dahil may shower room naman dun at bago magswim kelangan muna naming magshower..

kaya ayan nagmamadali talaga ako para makapunta na sa pasay pool!! grr..late na ko yari ako nito..naiwan pa ko ng bus kasi umaalis yun ng 6.30..haiiii!!!

nasa jip na ko ng biglang tumawag ang bestfriend kong si Levi..

levi- oi cyr, asan kana ba?? late kana!!

cyr- bak..late na nga ako nasa jip palang ano? nagagalit ba si mam?

levi- cra mabait c mam..nagchechek na ngayon ng attendance dalian mo!

cyr- oo eto na binibilisan ko na po!!

HALA!! yarog ako nito..nagchechek na pala si mam ng attendace yari!!

sumakay na ko ng tricycle para mapadali ang punta ko sa area...
pagbaba ko nagmamadali akong pumunta sa may swimming area namin..

MAM. PRESENT!!

biglang nagtawanan ang mga classmates ko!
nakakahiya ata yung ginawa ko..haha

o mr.Perez bat nalate ka?

mam kasi trapik po..

osige magpalit kana sa shower room..dalian mo ha

opo mam...


AYUN at nakahabol din ako haha!

nasa shower room dala-dala ko ang basket ng damit ko at magshoshower na muna at magpapalit...

yung shower room eh walang door puro shower lang talaga kaya walang privacy..

sa isang shower ako pumunta..napansin ko may pumasok na CUTE haha.. hindi ko na napigilang tumingin sa kanya..nakatingin lang ako ng bigla akong gulatin nitong si Levi!

levi- hoy! anong ginagawa mo jan at nakatanga ka jan?

cyr- ahh hehe..wala

levi- cra kung anu-ano kasi ginagawa eh..bilisan mo magstart na daw..

ayun nauna na akong pumunta sa pool ... hindi ko padin kilala si cute ng mga oras na iyon..

Daydreaming ang lola mo..habang nakalutang sa pool at nageemo haha..

....nagstart na ang class, anjan na din si mam..

nagturo siya ng basic muna..ang bobbing, gliding at mushroom float..

syempre kering keri ko yan.. dali lang kaya hehe..

after ng 30min practice..eh magpractical na..

habang nagiintay ako ng turn ko sa practical eh napansin kong may isang familiar na lumalapit..

hahah!!

SI MR.CUTIE boy pala .. ang CUTE at nakatrunks na din haha!

pogi niya..medyo may long hair sya ng konti at slim..may dimples at ang cute ng smile!!

HEAVEN talaga pag nakita mo siya..kakakilig haha!

dahan dahan na siyang lumusong sa pool kasama ang mga jejefriends niya hehe..

pinagmamasdan ko lang siya ng hindi ko namamalayan na si Mam eh kanina pa ko tinatawag !

Hala.. Mr.Perez! kanina pa kita tinatawag ah.!sino bang tinitignan mo jan!??

ahh ehh mam wala po game! ako na po!

haha pahiya ko konti ..pero nung nagpapractickal na eh naperfect ko naman haha!after ng practical eh.. nagturo ulit si mam ng basic leg movement at yun daw ang next practical kasama yung gliding...so ayun practice practice lang muna..

after ituro practice na kami..ako nakatitig padin sa kanya..hindi ko naman kasi alam name niya eh at di kame close ..

hai heaven ba ito? haha...


..nakita ko si mam kausap yung isang instructor..narinig ko na mga tourism pala ang mga estudyante niya at 3rd year na..hmm sa isip-isip ko kaya pala ang tangkad at gwapo nitong cute na to eh tourism pala hehe..

nasa gilid lang ako ng line ng pool.. boundary ng pool namin at pool nila cutie boy..nakatalikod at nakahawak sa line..ng biglang..

natamaan ako ng ulo ng isang estudyante sa kabilang lane!! grr.. badtrip ka ah! hindi kasi marunong tumingin sa nilalangoyan eh!!GRR..

SHOCK!! yun pala si CUTIE BOY pala ang nakatama sakin..

hahaha..syempre biglang nawala yung galit ko..napatitig ako sakanya at siya din sabay sabing sorry tol!

wahahaha..ang CUTE ng boses niya! kakakilig hehe..

ayun umalis din agad siya kasi nagpapractice pa siya ng gliding at le gmovements niya eh..

sa isip isip ko sana lagi niya kong tamaan sa likod haha..kakakilig eh wahahaah

ang landi ko naman haha.. pero ok lang haha! pogi naman talaga yun eh hehe..

ayun at uwian na..10.30 labasan na kami.. mga 10.15 nagshower ulit ako..at this time andun din si mr.Cutie boy sa isang shower..magkatabi lang yon at dun ako nagshower..

ewan kung ano hinahanap nitong si mr,Cutie boy..

haha..eh saktong nagshashampoo ako nun..biglang

tol..pwedeng humingin ng shampoo?naiwan ko kasi yung akin eh..

eh sabi ko sure ( deep inside,sige ubusin mo pa sa longsilky hair mo..yikiee haha kakilig)

hehe..sabay sabi..im Marky pala tol..you can call me Mark..

sabi ko naman..im Cyrean, Cyr for short hehe..hi mark

ayun at naghawak ang aming mga palad wahahaha!!

at dun nagkakilala kami ni Marky.. Grabe haha! kakakilig tong araw na ito!

after kong magshower eh nagpunta na ko ng locker room para magbihis hehe syempre binagalan ko ng konti para naman maabutan ko pa si Marky,wahaha..

hindi nga nagtagal eh dumating na si Marky haha..syempre kinikilig ako kasi nakikita ko yung sexy body niya at ang nigiti niyang abot langit haha!

nagbihis na din siya at nagpalit ng damit..pinagmamasdan ko lang siya ng palihim hehe..

grabe ang sarap siguro yakapin nitong lalaking to? hmm..asa pa ko sa panaginip lang talaga to mangyayari haha..

Di ko inaasahan ng hubarin niya ang kanyang swimming trunks at nakita ko ang kanyang pwet .. gosh! hindi ko alam na kaya niya un gawin!nanahimik nalang ako at kunyari hindi ko alam yung ginagwa niya..

pero sinisilip ko siya ehhehe..naughty ko talaga..

nakikita ko siyang nagsusuot ng brief ..bigala siyang napatalikod siyempre biglang iwas ako haha..

ng bigla siyang magsalita..

mark-Cyr?right..umm ano palang course mo tol?

cyr- ah eto nursing hehe..diba tourism ka?

mark- yep haha..pano mo nalaman..?

cyr- ah hehe nakita ko lang sa patch mo..halos kasi lahat ng ganyang patch eh tourism..kundi man eh hrm haha !

mark- haha tama!..hehe..ah..nga pala tol eto na yung shampoo mo..salamat ha..

cyr: hehe welcome :D..

at ayun nagkakausap na din kami haha..saya ko..

hanggang dumami na ang tao sa locker room.mga kaklase ko at klasmate niya..nauna kasi kaming dalawa maligo eh at yung iba may time pa kasi kaya nagswim muna.

best day ever ah haha!! ang saya at sarap ng feeling ko!wahaha

uwian na .. hinahanap ko si marky hehe..ng biglang............


itutuloy :D

salamat sa mga bumasa..

email me imcyrperez@yahoo.com

stay tuned :D

Musmos - Part 12









by: blue42784

***********************************************
I dedicate this part sa aking napakabuting kaibigang si Hudson Bariso...  konting pasensha lang... ganyan talaga... ang mahalaga ay may minamahal ka... magkakaayos din kayo ni Dan... enjoy natin ang inuman mamaya... tulad ng mga nakaraang inuman natin... basagan!!! Birthday beach celebration nanaman ito para sa akin tulad last year!!! same date pa..   :-D
***********************************************


Pasencya na po medyo nadelay ang part 12 sasama sa aking mabubuting (at masasarap ika ni Enso) barkada sa beach. 


Salamat unang una kay kuya Mike Juha... fellow MSOB authors, members ng Solid MSOB at sa mga madalas magcomment:

Chack, James, R3b#L^+ion, Ako_Si_3rd, Raffy, Jojo Pabon, mhei,Mars, xander monteverde, brylle, Yuan, Justin James, Andrew Johnson, at ALMONDZ (ni Chestnutz :-D), Thor, less, at INARONAJ. and plenty of our Anonymous commenters po. 

Maraming salamat sa pagsubaybay ninyo sa Musmos!

Mga Kaganapan Sa Royal Wedding Base Sa Nasaksihan Ni Echoserang Palaka 1/2

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com


----------------------------------

Author's Note:


Ang kwento na ito ay sadyang hango lamang sa personal na karanasan ng may akda, sa kanyang paglalakbay sa lugar ng mga pantasya.

Kung sakaling hindi mo masikmura ang mga linya sa kuwentong ito, huwag mag-alala dahil ito ay dahil tigang ka, o hindi nadidiligan ang iyong sex life.

Sige lang. Kaya mo iyan.

-Echoserang Palaka-

------------------------------------------------

Hayyy mga fwenshep!!! Nandito na naman ang inyong echoserang byuti na magrereport sa inyo sa mga kaganapan na nangyari sa wedding of a lifetime nina Kate Middleton at Prince William. Nandoon talaga ako mga kakosa. And of course, dahil isa akong reyna, isa ako sa mga 1,900 ka taong inimbitahan sa makasaysayang okasyon mga fwen. At dito ko ikukwento ang mga kaganapang nag-unfold mismo sa harap ng aking mga naggagandahang mga mata, upang kahit papaano, ang mga echoserang byuti na hindi pang-reyna na katulad ng sa inyo ay mabiyayaan naman ng kaalaman tungkol sa mga ginagawa ng mga taong may dugong bughaw na katulad ng sa akin. Uhum… walang kokontra.

Eniwey, syempre bago ako pumunta doon, pina refresh ko muna ang aking byuti, sa sikat nating parlorista na sino pa nga ba kundi si Belo. Aktwali, ayaw niya sanang gawin ang pagpapaganda pa sa napakaganda ko nang mukha dahil hindi na daw kaya ng syensya na gawing teen ager pa ito. Pero if I know, nainggit lang siya dahil una, mas sariwa at mas maganda ako kaysa kanya at pangalawa, hindi siya inimbitahan ni Queen Elizabeth sa kasal ni Prince William! Kung hindi ko siya tinakot na agawin ko sa kanya Hayden saka pa siya kumilos. At kinanta ko pa talag ang “Careless Whisper”! Sobrang takot ng mahadera! Nanginginig! At hayun, napilitan siyang gawin ang pagpaganda pa sa sobrang ganda ko nang pagmumukha.

At noong matapos na niya akong pagandahin, wawwww! Sobrang kumukutikutitap talaga ang aking skin! Feeling ko, abot-langit na ang haba ng aking hair at pilikmata!

So, ready na ako. At dahil isa akong reyna, kabayo talaga ang sinakyan ko papuntang Inglatera. Iyan ang pinakamahirap kong sakripisyo. Grabe pala ang layo niyan mga fwen! Hindi ko na matandaan kung nakailang ikot ang buwan sa langit sa sobrang layo. At mabuti na lang at convertible naman ang aking sex, hinugot ko pa talaga ang kahuli-huilihang hibla ng pagkalalaking nanalaytay sa aking kaugatan sa pagsasakay ko sa kabayo na halos ililipad na lang ako sa bilis ng pagtakbo. Actually, hindi talaga sya kabayo kundi sigbin ang tawag nyan sa amin sa Leyte. Iyon bang nocturnal na alaga ng mga aswang na kapag lumipad, nakatuwad sya at doon ka talaga uupo sa kanyang pwet. At kaya gustong-gusto ko talaga ang alaga na iyan kasi weakness ko ang mga nakatuwad. Walang biro. Nakatuwad talaga ang sigbin kapag lumipad. Itanong nyo pa sa mga aswang. Woi, aminin… Alam ko, may mga sigbin din kayo. Hmpt. Marami kayang aswang sa Solid Msobians! At umaatake sila araw at gabi! At ang gustong-gusto nilang lapain ay mga lalaki, at lalo na mga wafung lalaki! At syempre, may mga sigbin din yan sila. Syempre, ako ang reyna kaya manang-mana sila sa akin. Ahihihihi!

Pero, wag na nating pag-usapan iyan. Ibang issue na yan.

Aniwey, noong makarating na ako sa Inglatyera, ikinonvert ko na naman ang aking sex. Parang reverse mode lang sa pagdrive iyan. At dahil mas komportable naman ako sa aking katauhang pagkababae, madali kong naisagawa iyon. Ikinovert ko na rin sa kabayo ang aking alagang sigbin. Nilagyan ko ng mga dekorasyon atsaka, hinugot ko sa dala-dala kong baul ang aking mga damit at gown na talagang compliments ng mga sikat na fashion designer sa Pinas na hindi ko mapangalann dahil hindi man lang nila ako binigyan ng discount. At pagkatapos, iniluwa ko ang aking tyarra na baun-baon ko pa sa aking balunbalunan, pinunasan ko ito sa dulo ng aking gown atsaka inilagay sa aking ulo at umarangkada na.

“Waaaaaawwwwww!!!!” ang ganda pala nitong kanilang lugar! Andaming tao! At matatalino silang lahat kasi ang galing-galing nilang mag-English! Kahit mga bata pa, sobrang galing na talaga! Mga genius sila! At ampuputi pa nila! Ang tatangos ng ilong! Grabeh!

So, habang nasa daan na ako malapit na sa Cathedral, hindi ko matandaan ang name, napakaraming tao ang nasa gilid ng kalsada! Lahat sila naghihiyawan at nagpalakpakan at ang sigaw sa akin ay “Princess Fiona! Princess Fiona!”

Syempre, tuwang-tuwa naman ako. Ang laki kaya ng aking ngiti. Kaway dito, kaway doon... Flattered ako sobra. Imagine imbes na reyna na ako, prinsesa pa rin ang tingin nila sa aking face! Ipektib si Belo!

Nilapitan ko at tinanong ang isang guwardiya yata iyon na nakasakay din ng puting kabayo (i-tagalog ko na lang mga fwen ang tanong ko sa kanya ha dahil mahina ang translator ng aking brain eh) sabi ko, “Sino ba si Princess Fiona?”

Sagot naman niya, “Iyong napangasawa ni Shreik!”

“Ay ganoon ba?” Sagot ko na lang. Actually, hindi ko naman alam kung sino si Shreik at Princess Fiona. Pero hindi na ako nagtanong pa kasi baka mahalata niya na wala akong kaalam-alam sa mga prinsesa at prinsepe at pagdudahan pa akong gate crasher! Kaya dedma na lang ako, todo smile pa rin. Pero in fairness naman, kung sino man si Princess Fiona, I’m sure super ganda rin siya na katulad ko dahil cute ng name niya! Kaya happy talaga ako. Sobra!

Nasa altar na sina Kate at Prince William noong dumating ako sa cathedral. Ipinasok ko pa talaga ang aking kabayo at lahat sila ay napalingon! Medyo tinablan ako ng kaunting hiya kaya tumalon na lang ako sa kabayo. At ang ganda ng aking pagkatalon huh! Mala-Zorro talaga. Kulang na lang sa akin ay maskara at espada. Pero syempre, dahil reyna naman ako, namangha talaga sila sa liksi at galing nag aking pag-talon galing sa kabayo. At dahil sa mga tingin ng paghanga nila sa akin, hindi ko namalayang tumalsik na pala sa malayo ang aking glass shoe na bigay pa sa akin ng aking aswang god-mother na ang name ay newbie. Pero dedma na lang ako. Feeling ko kumpleto pa rin ang aking suot na glass shoes.

Pati ang pari na nagkasal kina Prince William ay napatunganga sa aking byuti. Parang gusto na niyang iwanan na lang ang dalawa sa harap ng altar sunggaban na ako. Mukhang may pagka-manyak kasi ang pari. At dahil sa pagkatulala ng pari sa byuti ko, doon na umeksena ang aming eyes-to-eyes ni Prince William noong lumingon siya sa kinaroroonanan ko at pati siya ay napatunganga na rin sa pagtitig sa akin. “Wahhhh! May pagka manyak din sya!” sigaw ng isip ko.

Kaya pinakawalan ko kaagad ang pamatay kong byutipowl eyes... iyong pinong-pinong kurap-kurap-kurap-kurap-kurap.

At hala! Grabe talaga ang epekto ng byutipowl eyes ko kay Prince William. Jows ko! Ang mga tingin niya sa akin ay nakalulusaw! At para bang nababasa ko ang laman ng kanyang isip. Nagsisisi siya kung bakit si Kate pa ang pinakasalan niya! Kung bakit huli na noong makita niya ang mala-dyosang taglay kong ganda!

Ngunit wala na siyang magagawa pa dahil nakapag “I do” na silang dalawa sa isa’t-isa. Kaya, feeling ko, masama ang kanyang loob sa pagpapatuloy sa kasal at iyong mga ngiti niya ay pang-play girl magasin na lang.

Noong matapos na ang kasal at nasa carriage na silang dalawa, hinanap pa talga ako ni Prince William. Inikot niya ang kanyang mga mata sa paligid at noong matamaan ang aking malasutlang pisngi sa mala-laser beam niyang tingin, bigla siyang tumalon dito at nilapitan talaga ako!!!

“Mey Gadddddddd!!!!” sigaw ng utak ko.

At noong makalapit na siya sa akin, laking gulat ko pa kasi bigla niyang hinawi ang dulo ng nakalaylay niyang coat na nakatakip sa kanyang harapan at binuksan ang kanyang zipper! Yes mga fwen, ang kanyang Zipper!

Itinakip ko ang hintuturong daliri ko sa aking mga mata ipinahayag na hindi ko kakayanin ang kanyang gagawin ngunit kung ipagpilitan niya ay matutuwa ako. (Sa kultura kasi ng mga taga Inglatyera, kapag ayaw mo sa isang bagay ngunit papayag ka kapag ipagpilitan, itakip mo ang hintuturo mong daliri sa iyong mata).

Kaya iyon nga ang ginawa ko. Ngunit laking gulat ko uli noong mula sa loob ng kayang harapan ay ay hinugot niya ang.... U mey Gaddddd!!!! – aking isang sapatos! Sabay sabing, “Sa iyo ba ito?”

Grabe, kinabahan talaga ako. Salahat ng parte ng kanyang katawan, sa parte ng kanyang bayag pa talaga itinago ang aking glass shoe. Pwede namang sa kanyang bulsa, sa ilalim ng kanyang sando, sa kanyang tadyang, o baga, o di kaya, pede ring pahawakan muna niya ito kay Kate. Bakit sa parte pa ng kanyang bayag? Talaga sigurong umaagos na sa kasabikan ang kanyang sandata sa lakas ng tama niya sa aking taglay na kagandahan.

Eniwey, dahil akin naman talaga ang glass shoe na iyon at wala naman sa tabi ko ang aking mga kontrabidang step sisters na sina chackskie at nicholskie, alangan namang magpakyeme pa ako. Kaya “Oo” ang sagot ko.

At bigla na lang siyang lumuhod sa aking harapan!!!

(Itutuloy, at hintayin lang sandali ang kasunod. Hmpt!)

Friday, April 29, 2011

Terrified 5

Author:Rovi/Unbroken
FB:iheytmahex632@gmail.com
BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/






Nakita ko ang pagtama ng bakal sa balikat ni Victor. Kitang-kita ko kung paano sya nasaktan. Bakas sa kanyang mukha ang sakit dala na rin ng pagngiwi ng kanyang nguso. Natauhan ako. Napahinto ako pansumandali,nagtama ang aming mga mata,nakaramdam ako ng awa. Lumuluha si Victor. Alam kong mahina ako sa t'wing nakakakita ng taong umiiyak at ngayon, nanlalambot na ako to see Victor crying. Para syang batang umiiyak sa sakit,sakit sa palo ng bakal,sakit na dala ng pagiwas ko sa kanya.

Napadausdos ang aking katawan sa pader dala na rin ng emosyonal na pagkalito at panghihina. Di ko mapigilang hindi umiyak. Naiiyak ako dahil sa mga nangyayari sa akin. Nalilito ako dahil kay Kath. Hinahanap ko si Raf. Iniisip ko si Mikey at ngayon ay ginugulo na naman ako ni Victor. Eto yung eksaktong panahon kung saan alam kong madali akong maging emosyonal dahil sa kung anu-anong bagay. Mabigat ang pakiramdam ko. Gusto kong sumigaw at magwala.

I started crying. I unconsciously cupped my eyes and rested my heavy head to my knees. I cried.

Hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari. Tahimik ang paligid. Ramdam ko pa rin ang presensya ni Victor sa loob ng kwarto. Kahit malayo,amoy ko ang kanyang pabango,maging ang init nyang tila bagang nakakapaso.

Lumipas ang ilan pang minuto,naramdaman ko ang paghupa ng aking mga luha. Kahit ganoon pa,ramdam ko pa rin ang bigat ng gabi. Kailangan ko lang itulog to at kinabukasan ay magiging okay na ako. Inalis ko ang aking mga kamay na bumalot sa aking luhaang mga mata. Natanaw ko si Victor na paupong nakasandal sa pader. Kita ko na wala sya sa sarili,mukhang talunan,pariwara at malungkot. Tumayo ako at ibinukas ang pinto ng kwarto,nanatili syang nagmamasid sa aking mga galaw.

“Bukas na ang pinto. Pwede ka ng lumabas ng kwarto ko.”

Nanatili syang nakaupo at nakatitig sa akin, Nakanganga.

“Victor,lumabas ka na. Matutulog na ako. May pasok pa ako mamaya.”

Tumayo sya. Inayos ang nagusot na damit. Tumitig sa akin. Dahan-dahang lumakad. Nang malapit na nya marating ang pinto at nasa tapat ko na sya,he stopped. Nakita ko yung paano tumulo ang kanyang mga luha. Nakaramdam ako ng guilt na di ko mawari. Kung tutuusin, dapat magalit ako sa lahat lahat ng ginawa nya sa akin, pero may mga pagkakataon na ako pa ang nalulungkot kapag umiiyak sya.

“Patawarin mo ako Jared.”

“Just leave me alone Victor.”

“I will. Wag kang magalala.”

Lumapit na sya sa pinto. Pinatay nya ang ilaw.

“Jared,hindi mo na ba talaga gusto lahat ng ginagawa natin noon?”

“Ano pa bang gusto mong marinig?”

Naiirita na naman ako. Mula sa awa,parang gusto na namang sumabog ng galit ko.

“Wala akong gustong marinig. Gusto ko lang na bumalik ka na sa akin.”

May pagmamakaawa sa boses nito.

“Babalik? Bakit? Naging tayo ba?” sagot ko

“Hindi. Pero alam mo naman na noon pa man gusto na kita.”

“Halata nga. Kaya kahit sa murang edad ko na 7 eh inabuso mo ako.”

“Sorry Jared. Sana patawarin mo ako.”

Nangingilid ang luha ko sa galit.

“Alam mo? Iniisip ko kung bakit ako nagkaganito.”

“Alam mo kung anong naisip ko?” pagpapatuloy ko.

Tahimik si Victor na nakikinig sa may pinto habang ako ay malapit sa switch ng ilaw.

“Iniisip ko na siguro,kung hindi mo ako ginalaw dati,malamang hindi naapektuhan yung pagkalalaki ko. Alam mo yun? Kung hindi mo ako inabuso malamang i'm still living a normal life. Nabubuhay sana ako sa ideal na lifestyle ng isang straight na lalaki. Wala sanang complications, wala sanang mga limits, wala sanang gumugulo sa isip ko ngayon!”

Napabuntong hininga ako. Pinipigil kong ilabas ang lahat ng galit ko. Pinilit kong kumalma.

“Mula ng nagkaisip ako at lagi mo pa din akong ginagalaw,hindi ka ba natakot na pwede akong magsumbong? Hindi mo ba inisip na makakaapekto yun sa akin? Hindi mo ba naisip na pwede akong mahawa sa kabaklaan mo? Well yes! Nahawa na ako sa kabaklaa mo eventually. Lahat ng sufferings ko sa pagiging bakla ko ay isisisi ko sayo! Hinding-hindi kita papatawarin Victor! Hinding-hindi!”

Medyo napataas na ang boses ko. Nagalala sya na baka marinig ng mommy sa kabilang kwarto.

“Hinaan mo ang boses mo Jared at baka marinig ka ng mommy mo!”

Pagsaway nya sa akin. Agad agad syang bumalik sa loob ng kwarto at sinara ang pinto. Ibinukas ko ang ilaw.

“Natatakot ka na marinig ni Mommy? Natatakot nyang mabisto lahat ng kabaklaan mo?”

“Sorry Jared. Please!”

“Yan ang problema sayo! Ngayon natatakot ka na marinig ni Mommy lahat ng kabaklaan mo! On the first place,kung bakla ka talaga wag kang manloko ng tao!”

“Hindi ko niloloko ang mommy mo!”

“Niloloko mo sya!”

“Hindi Jared! Nangaliwa ba ako? Hindi ako nangangaliwa!”

“Hindi ka nga nangaliwa pero nakipagsex ka naman sa anak ng misis mo! Masahol ka pa sa baboy!”

Nakita ko na rin ang galit sa kanyang mga mata.

“Bakit Jared? Pag chinuchupa kita? Di ka ba nasasarapan? Pumayag ka din eh. Eh di sana tumanggi ka from the start. Ayaw mo lang tanggapin sa sarili mo na bakla ka na talagang pinanganak!”

Naluha ako sa galit. Mabilis kong napuntahan ang lugar kung saan man sya naroon at ginawaran sya ng isang lumalagapak na suntok. Napalakas ang suntok ko kay Victor at kita ko ang pagputok ng kanyang bunganga. Di na ako nakapagtimpi. Nagngangalit pa rin hanggang ngayon ang aking kamao.

“Ang kapal ng mukha mo!”

“Ang kapal mo! Alam mo ba yung salitang “inabuso”? Yung ang ginawa mo sakin Victor! Inabuso mo ako! Inabuso mo ako nung bata ako tapos ngayon gaganyan ka? Ang kapal mo lang talaga no? Pinakasalan mo ang mommy ko para pagtakpan ang kabaklaan mo! Pinakasalan mo ang mommy ko para maging biktima mo kami ni Mikey! Ang kapal ng mukha mo! Mamatay ka!”

Para akong dragon na bumubuga ng apoy. Nakakatakot ako maging sa aking sarili. Ngayon lang ako nagalit ng ganito. Ang kapal nya. After nya akong abusuhin sya pa ang may lakas ng loob sabihan ang mga salitang yon? Ang kapal nya!

“Gagawin ko lahat para maging akin ka Jared. Hindi ako papayag na may ibang makikinabang sayo. Itaga mo yan sa bato. Di mo alam kung anong kaya kong gawin.”

There was sharpness in his voice. Nalito ako sa kanyang mga sinabi. I gave him an odd look. Sigh.


Agad-agad na lumabas si Victor sa kwarto. Nilock ko ang pinto. Lalong bumigat ang aking pakiramdam at ako ay muli na namang lumuha. Di ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap sa akin ni Victor matapos ng mga nangyari. Di ko din alam kung paano ko pa sya pakikitunguhan. Di ko na alam, at ako'y nilamon na ng kadiliman.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

“Raf?”

“Jared?”

“Nagkita na tayong muli.”

“Oo nga. At saya-saya ko.”

“Raf saan ka ba nanggaling?”

“May inayos akong misyon dito sa lugar nyo. Anytime ay babalik na ako kung nasaan man ako.”

“Ha? Ibig sabihin iiwanan mo na naman ako Raf? Isama mo nalang ako!”

Nakita ko ang disappointment sa kanyang mukha. Nakita kong lumuluha si Raf. Hinawakan nya ang kamay ko. Naramdaman ko ang init na dala nito. Orgasmic. Magkahawak lang kami ng kamay sa may parke. Eto lang ang lagi kong hinihiling,makasama sya at mahawakan ang kamay nya. Masaya na ako.

Naging malakas ang hangin,nakita namin ang pagsayaw ng mga puno. Maging ang malalaking mga balete ay sumasayaw rin ng naayon sa galaw ng malanding hangin. Nakakapangilabot ito. Maaliwalas ang araw kanina,pero bakit ang bilis magdilim. Bakit dumidilim ba? Bakit parang nagiiba yung kulay ng langit? Bakit gumagabi na? Bakit may mga nakikita akong mga migratory birds na nagmamadaling tinatakasan ang gabi? Bakit? Ano ang nangyayari?

“Raf. Natatakot ako. Bakit ang bilis? Kanina lang tayo magkasama ng 9am ng umaga tapos ngayon ang dilim na.”

Mas naging drastic ang paggalaw ng itim na mga ulap sa kalangitan. Tila ba papel silang hinahangin sa bilis ng kanilang pagusad. Patuloy ang pagsigaw ng hangin sa aking mga tainga. Nakaramdam ako ng panghihilakbot. Naramdaman ko ang pagtayo ng kaliitliitang buhok sa aking katawan. Pumikit ako at napalunok. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Nagimbal ako sa aking nakita. Ang dating parke ay naging sementeryo in an instant. Kita ko ang mga asong nagtatakbuhan na parang walang bukas. Biglang kong nasilayan ang bilog na buwan. Dilaw ito ay nababalutan ng maninipis na ulap. Iba ito. Naramdaman ko ang pagpatak ng butil butil na pawis sa aking noo. Maging ang galabog ng aking dibdib ay naging irregular. Ramdam ko ang kakaibang kilabot. Hinawakan ko ang gilid kung saan nakaupo si Raf pero..

“Raf?” sabi ko sabay tingin sa kanya.

Nagitla ako ng di ko sya makita. Ako nalang ang nakaupo sa mahabang bench. Saan napadpad si Raf? Bakit nawala sya? Tumingin ako sa kanan at nakita ko ang ibang mga punong nagsasayawan dahil sa lakas ng hangin. Grabe ang hangin,ibang kilabot ang dala nito.

“Raaffff?”

Pumikit ako. Umaasa ng isang himala.

“Raaafff?” sigaw ko

Nakaramdam ako ng dampi ng kamay sa aking balat. Mainit ito at tila nakakapaso. Malamang si Raf na to at bumalik sya para samahan ako. Alam kong ililigtas nya ako at di nya ako papabayaang mamatay sa takot dito sa lugar na to. Alam kong ililigtas nya ako.

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Nagitla ako sa nakita. Mayroong isang batang lalaking nakahawak sa akin. Nagtama ang aming mga mata at nanindig ang balahibo ko sa nakita. Isa lang ang mata ng bata at ang kanyang kanang eyeball ay nakaluwa. Nakangisi ito pero blanko ang kanyang expression. Nanginginig ang aking braso sa takot. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya sakin. Napatingin ako sa kanyang kamay at napapitlag ako nang makita kong mas malaki pa ang kanyang kamay sa kanyang ulo. Parang manas ang kamay ng bata at mahaba ang kanyang itim na kuko.

“Aaaaahhhhhhhh!”

Agad kong pumiglas sa bata at nagmadali akong tumakbo papalayo. Tumakbo ako na parang walang bukas. Takbo Jared. Takbo. Kita ko na ang distansya ko sa batang nakakatakot. Tumayo ito sa upuan at nakita ko nalang na nakaturo ang kanyang kamay sa akin. Kinilabutan ako. Tumakbo pa ako ng mas mabilis. Narinig ko nalang ang pagngalngal ng bata. Mas lalo akong nanghilakbot. Napakalaki ng boses nya para sa isang bata. Umiyak sya ng napakalakas. Umabot ito sa kung saan man ako naroon. Tila ba naka-mikropono sa lakas. Nabibingi ako. Nabibingi ako. Nabibingi ako. Ilang segundo pa ay huminto ito,at muling umihip ang nakakapangilakbot na hangin.

Nakalayo na ako sa bata at nakaramdam ako ng kaginhawaan kahit papaano. Binagsak ko ang aking mga hita sa kalsada. Nakalayo na ako sa lugar kung saan kami nakaupo ni Raf pero di ko pa rin alam kung nasaan ako. Habang namamahinga ako ay tinantya ko ang paligid. Mapuno pa rin at malakas ang hangin. Tinignan ko ang daanan but it seemed to be so endless. Hindi ko na alam kung paano ako makakaalis dito. Pinikit ko ang aking pagod na mata at pinilit kong pakalmahin ang aking kanina pa kumakabog na puso.

Huminga ako ng malalim. Naramdaman ko na naman ang pamilyar na bugso ng hangin.

“Jaareed”

Nawala ako sa konsentrasyon ng marinig yon.

“Jaaaaarreeeedddddd”

Mas mahaba na ang pagbigkas nya sa aking pangalan ngayon. Lumingon ako sa aking paligid pero wala akong nakitang kahit sino. Nagsimula na namang tumayo ang aking mga balahibo.

“Jjaaaaarrreeeeeddddd”

Nanginginig at parang malat ang boses nito.

May tumatawag sa akin, Pero sino?Kakaiba ang boses nya. Hindi si Mikey yan. Hindi din si Victor. Hindi din si Raf. Hindi ito tama. Hindi ito normal. Out of this world.

“Sino ka?” sigaw ko habang nangangapa ng batong ipupukol sa kung sino mang lalapit

“Jjaaaaaaareeeeeddddddd...”

Mas naging raspy ang kanyang boses. Di ko sya kilala. Iginala ko ang aking mga mata sa kakahuyan at nakita ko ang pulang mga mata ng mga tao doon. Unti-unti silang naglabas sa dilim. Di ko makita ng husto pero alam kong pula at nanlilisik ang kanilang mga mata. Nakaupo akong umatras. Di ko alam kung anong mangyayari kapag nakalapit sila sa akin pero ang alam ko ay dapat akong tumakbo. I grabbed my ass up at mabilis na tumayo.

“Jaareeedddd.”

“Jaaaaaaaareeeeeddddddd.”

Nangilakbot ako sa nakita. Sabay-sabay na nilang binibigkas ang pangalan ko habang unti-unting silang lumalabas mula sa kakahuyan. Kilala nila ako? Pero paano? Bakit nila alam ang pangalan ko? Bakit nila ako kilala? Sino ba talaga ako? Ano ba ako? Bakit ako?

“Jaaaaaaaaaaarreeeedddddddd....”

“Sumama ka na sa amin.... Jaareeeedddd..”

Bakit nila ako sinasama? Bakit? Sino sila?

Tumakbo akong nakapikit at tinatakpan ang tainga. Pakiramdam ko sa twing tatawagin nila ako ay sasabog ang utak ko. Mabilis akong tumakbo. Wala akong pakialam kung bumunggo ako o madapa. Ang alam ko lang ay dapat akong makaalis dito. Dapat kong matakasan ang mga nilalang na to. Patuloy pa rin sila sa pagtawag sa akin. Nagiging mas malakas ang kanilang mga daing. Di ko to gusto.

“Aaahhhhhhhhh!”

“AaaaahhhhhhH!”

Patuloy ang aking pagsigaw para mairelease lahat ng takot at panghihinang nararamdaman ko.
Minulat ko ang aking mata at may nakita akong liwanag sa dulo ng daan. Binilisan ko ang pagtakbo. Para na akong kabayo. Nasaan na ang liwanag? Nasaan na ang liwanag?

“Raafffff! Antayin mo ako! Raaffff! Isama mo ako sa liwanag!”

“Raaaaaaaaaafffffff!”

Nakikita ko na ang liwanag! Nakikita ko na. Malapit na ako Raf! Antayin mo ako! Raaafff!

Mabilis akong tumakbo at agad kong narating ang liwanag. Tumapon ako sa liwanag. Wala akong makita,agad nalang akong nakaramdam ng isang mahigpit at mainit na yakap. Kasabay nito ang pagdampi ng isang mainit na halik sa aking labi.



ITUTULOY....

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails