Followers

Sunday, January 8, 2012

Kiss The Rain Chapter 10




Pauna: Guys Sorry talaga sa sobrang late ko na update. lately naging busy ako sa office at mas lalo pa magiging busy sa mga dadating na weeks. Salamat din sa mga walang sawang
nagbabasa sa story ko na ito. Wala akong maisip na chapter title para sa chapter na ito. saka di na muna ako babati dahil sa oras na ito ay paalis na din ako dahil may lakad kami ni EHEM..... (secret!) sige guys enjoy sa pagbabasa!




Guys Thank You!!!!






Kiss The Rain

Chapter 10



____________________________
Argel Joseph Francisco
____________________________


Tatlong araw ang nag daan simula ng mga pangyayari sa bar ay heto ako nasa bahay at nagkukulong pilit iniisip kung ano ang mga pagkakamali ko sa buhay ko.


Sa dami ng mawawala sa akin ay si EJ pa.


"Argel! Argel! Argel! Buksan mo ang pinto!" Sigaw ni Daddy sa pinto habang kinakalabog ito.


Agad naman ako tumayo sa kinauupuan ko.


Pagbukas ko ng pinto ay agad naman lumipad sa pagmumukha ko ang kamo ng Daddy ko na siyang nagpag bulagta sa akin sa sahig.


"Aray! Dad ano ba problema at nananakit ka?" Angil ko sa ginawa niya sa akin.


“Tarantado ka! Anong sa tingin mo pinagagawa mo? Bakit mo sinuntok si Angelica at bakit sumasama ka sa mga bakla na iyon?” Gigil na gigil na tanong sa akin ng aking Daddy.


“Wala na ba akong laya ngayon? Saka bakit ninyo ba pinipilit sa akin si Angelica? Bakla? Mga totoong tao iyon Daddy. Di tulad ng mga dating mga nakaksalamuha ko na kung kalian lang may kailangan saka lalapit sa akin.” Sabi ko habang tumatayo sa sahig.


“Ipinagkasundo kita kay Angelica para di mawala lahat ng bagay na tinatamasa mo ngayon. Gusto ko lang maging maayos ang buhay mo at ano ka ba babae sinapak mo?”


“Mawala ang akin o sa inyo po? Maayos buhay ko? O sa inyo? Alam ninyo ba na dahil sa babaeng iyon ay nawala ang taong pinakamamahal ko?”


“It doesn’t matter Argel. Kung ayaw mo pakasalan si Angelica we have to do this the hard way. I’ll take your car, ATM and Credit cards.”


“Daddy you can’t do this. Ako na tangi ninyong anak papahirapan ninyo?”

“Oo. Ikaw nga ang nagiisang anak ko pero di mo kayang maibigay ang nagiisang hiling din namin ng mommy mo. Uulitin ko. Kaya ko ginagawa ito para sa ikakabuti ng buhay mo hindi ng sa amin.”


Di na ako muling sumagot kay daddy at tuluyan na itong lumabas sa kwarto.


Sumama ang loob ko sa mga nangyayari sa akin. Pakiramdam ko ay tinanggalan ako ng laya at kinuha sa akin ang pinaka importanteng tao para sa akin.


Oo naramdaman ko iyon dahil sa hinuha ko ay naki Donnie na si EJ.


Dumaan ang mga araw at nabuhay ako na wala sa akin ang mga dating meron ako. Kotse, pera, at ang saya na nadadama ko na kasama ko sa tuwing kasama ko si EJ.


Sa mga araw na din na iyon ay naranasan ko din ang gutom, pagod, at sobrang kalungkutan.



____________________________
Erwin Joseph Fernandez
____________________________



Napako ako sa kinatatayuan ko sa oras na iyon habang naka tingin kay Argel.


Kitang kita ko mula sa aking lugar ang pagbabago sa itsura ni Argel. Pumayat ito at napakalungkot ng aura.


“Mhie, Ano tinitignan mo?” tanong sa akin ni Donnie.


Di ako agad naka sagot kay Donnie dahil sa titig na titig ako kay Argel.


Nakita ko naman na lumingon si Donnie sa tinititigan ko at nag iba ang ekspresyon ng mukha nito.


"halika na Mhie saka na tayo manood ng sine." sabi sa akin ni Donnie habang hinihila ang kamay ko.


Ngunit parang wala lang ako narinig sa sinabi ni Donnie at nanatili akong naka tayo doon na parang tuod.


Napaigtad naman ako bigla ng makita ko na lumingon at nagmadaling pumunta sa amin si Argel. Habang napatingin naman din sa amin si Angelica na nakataas ang kilay at galit na ekspresyon sa mata nito.


Ng makalapit sa amin si Argel ay bigla naman ako binangga ni Angelica at napaupo ako sa malamig na sahig ng mall na iyon.


"AY! BAKLA!!!" pag sigaw nito ng mabangga ako.


"Shut up Angelica." Mahinahon na sabi ni Argel.


Itinayo naman ako agad ni Donnie at bakas na sa mukha nito na naiinis na ito sa mga nangyayari. Sinenyasan ko naman siya na ok lang ang lahat at naintindihan naman niya agad ito at tumango sa akin.


Naisip ko na din ito na ang tamang pagkakataon na makausap si Argel.


Pagkatayo ko naman ay tinignan ako mula ulo hanggang paa ni Angelica.


"Pwede ba huwag mo dito dadalhin ang katangahan mo? Saka mag ingat ka sa pagbangga ng mga tao dito baka mahawa pag nabangga mo." Pang aasar na sabi sa akin ni Angelica.


"Angelica enough! I said shut your fcuking mouth!" Gigil na sabi ni Argel kay Angelica.


"No you shut up! Let me do this. Tignan natin kung hanggang anoa ng itatagal ng taong kinahuhumalingan mo." Maangas na sagot ni Angelica.


Parang timang naman akong nakatitig sa dalawa at gulat din dahil sa alam pala ni Angelica na meron gusto sa akin si Argel.


"Uhmmmm.... guys excuse me aalis na kami ni Mhie." Sabat ni Donnie sa dalawa at parang batang hinila ang kamay ko.


Sumunod naman ako sa gusto ni Donnie at umalis na kami sa lugar na iyon.


Habang pababa naman kami sa groundfloor ng mall ay di pa rin maalis sa isip ko ang engkwentro namin na iyon at naudlot na balak ko makipagusap kay Argel.


“Mhie, sorry kung hinila kita paalis kaagad kanina..” Malungkot na sabi sa akin ni Donnie.


Imbis na sumagot ako sa kanya ay hinawakan ko na lang ang kamay niya.


Ng makalabas kami ng mall ay agad kami bumalik sa school grounds para kunin ang motor ni Donnie at umuwi na.


Bago sumakay naman sa motor ay inakap mo muna siya.


“Dhie, don’t worry kaya ko ito.”


“Mhie, basta pag need mo help andito lang ako. Lahat gagawin ko para sa iyo.” Sabi niya sa akin habang hinihimas ang likod ng ulo ko.


“Dhie, Maraming salamat talaga.” Sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang pagpatak ng luha ko.


Pagkatapos naman ng tagpo na iyon ay inihatid na niya ako sa bahay ko.


Habang nasa daan naman kami di ko maiwasan na maiyak at magtanong sa sarili ko.


Bakit ganito pakiramdam ko matapos makita si Argel?


Bakit masakit pa din sa akin na makita silang dalawa ni Angelica na magkasama?


Bakit ganoon na lang ang ekspresyon sa mata niya tapos niya ako makita?


Iniluha ko na lang ng tahimik ang lahat ng nararamdaman ko sa oras na iyon. Tahimik upang di na magaalala si Donnie sa akin. Alam ko din na masasaktan lamang siya kung makikita akong ganito.


Nakarating naman kami sa bahay ng maayos at bago bumaba ng motor ay inayos ko muna ang sarili ko para di niya mahalata kung ano ang ginawa ko habang bumabiyahe kami pauwi. Pinagpasya ko na din muna huwag muna intindihin ang mga bagay bagay na iyon habang kasama ko ang taong mahal ko.


Pagkalapit naman namin sa bahay ay madilim ito sa labas. Agad naman ako pumasok sa loob at hinanap ko sila Mama at ang kapatid ko pero wala sila.


“Mhie, may note dito sa refrigerator!” sigaw ni Donnie sa akin.


Daglian naman ako bumaba para makita ang sinasabi ni Donnie. Pagkarating ko naman doon ay agad niya tinuro sa akin ang naka dikit sa ref na note.





Erwin,


Umalis kami ni Xang papunta ng Bicol. Na ospital daw ang tita mo kaya daglian kami umalis ng kapatid mo. Baka magtagal kami doon ng tatlo hanggang apat na araw. Ikaw na muna ang bahala sa bahay. May enough stock ng pagkain sa ref at kusina. May pera akong iniwan sa cabinet mo. Pasama ka na din kay Donnie kung gusto mo.


P.S.
Pagbalik ko dapat may apo na ako kung sakali.




                                                                                                -Mama

Napatampal na lang ako sa noo ko sa nabasa ko at ng tumingin ako kay Donnie ay nag flash agad sa akin siya ng isang ngiti. Ngiting may laman at ibig sabihin.


“Doon ka sa sala matulog.”


“Mhie naman. Huwag naman please. ”  Angal sa akin ni Donnie na paawa effect ang itsura ng mukha.


“Mamaya na natin iyan pag usapan. Gusto ko manuod ng movie. Doon muna tayo sa sala at manuod ng DVD.”


“Sige Mhie nood na muna tayo.”


Agad naman ako nagpunta sa sala habang naka sunod siya sa akin.


Napangiti naman ako ng lihim. Dahil sa alam ko na mas matagal kong makakasama si Donnie sa araw na ito at ang idea na magkasama kaming matutulog sa iisang bubong.


Agad naman ako nagsalang sa dvd player namin ng isang romantic movie habang siya ay naupo sa sofa.


Ng nasa kalagitnaan na kami ng panood at ang eksena ay medyo cheesy na din ay napagpasyahan ko na yumakap sa kanya at idantay ang ulo ko sa balikat niya na ginantihan naman niya ng paghalik sa bumbunan ko.


“Dhie. Tabi tayo meme?” Pacute kong sabi sa kanya.


“Mhie. Sure ka?” nagtatakang balik na tanong niya sa akin.


“Ayaw mo? Sige dito ka na lang mamaya ah! Mag isa ka diyan.”


“Di po. Gusto ko. Now na?” sabi niya sa akin habang nakambang tatayo na sa kinauupuan niya.


“Hep hep hep! Hindi pa tapos pinanunuod ko. Mamaya na huwag muna excited marami tayong oras. dito ka muna paakap Dhie. Iingit ko sa kanila oh.” Sabi ko habang nakaturo sa TV at humahagikgik.


“So naiingit ka sa kanila? Di naman sila hug ah?”


Pagtingin ko naman sa TV ay tama nga naman siya. Nasa mainit na halikan ang dalawang bida sa pinapanood namin.


Nginisian ko na lang siya at ngumuso habang nakapikit. Di naman ako nagkamali at hinalikan niya ako.


Ang halikan na iyon ay naging maalab at punong puno ng pagmamahal. Halos di na kami huminga sa aming ginagawa. Ng maghiwalay naman an gaming mga labi ay automatic naman na hinanap ko ang remote ng TV at DVD Player at sabay kong napatay ito sa isang pindutan lang.


Napatingin naman sa akin si Donnie at ngumisi sa akin. Tinulak ko naman siya at nalaglag sa sofa. Habang ako naman ay parang tanga na kumaripas ng takbo papunta sa hagdanan.


“Nabitin ka? Gusto mo matuloy? Pwes Habulin mo ako Dhie!” Parang bata sabi ko sa kanya.


“Sige pag nahuli kita isang linggo ka di makakalad.” Naka ngising sabi nito sa akin habang hininimas ang likod niya dahil sa pagkakalaglag sa sofa.


Parang mga bata naman kaming dalawa na akala mo ay ngayon lang naka kawala sa kanikanilang mga hawla.


Pagkapasok naman sa kwarto ko ay agad niya ako dinamba mula sa likod at bumagsak kami sa kama. Mula sa pagkakadapa ay humarap ako sa kanya at binigyan siya ng isang mariing halik.


“dapat pala di na ako nagpahabol pa. nabitin ako eh!” natatawang sabi ko sa kanya.
Kesa sumagot siya ay isang mariing halik muli ang binigay niya sa akin. Hanggang sa namalayan ko na lang na halos na wala na pala kaming saplot na bumabalot sa katawan namin.


Naging makabuluhan ang gabing iyon.


Iyon ang gabi na naging isa kami.


Iyon ang gabi na binigay ko ang sarili ko sa taong mahal ko.


Gabi na pinatunayan ko na talagang mahal ko si Donnie.




________________________

7:00 pm Thursday
________________________



Kakatapos lang ng klase namin at naglilipit na kami ng gamit namin.


“Che, ano bago? Updates? Chika? Chenes?” sabi ni Jhepeth sa akin habang tinatapik ang likod ko.


“Oo nga friend ano bago?” Singit ni Kenji.


“Bago? Hmmmmmm! Dhie ano ba bago?” Tanong ko naman kay Donnie.


“Bago? AH! Si Mhie? Maingay yan!” Sabi ni Donnie sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti sa aming tatlong magkakaibigan na naka tingin at nakikinig sa kanya.


At heto nanaman ako. Umakyat nanaman sa dalawang pisngi ko ang dugo sa aking katawan. Sa sobrang pula ay pag tinusok mo ng karayom ay sisirit na ata ang kalahati ng dugo ko sa katawan ko.


“Hoy sira ka Dhie ano pinagsasabi mong maingay ako?!!” protesta ko sa sinabi ng aking nobyo.


“Kitam ano yan Mhie? Di ba maingay ka ngayon? Hahahaha!”


“Di ko ma gets….” Sabi ni Jhepeth habang nagkakamot ng ulo.


Habang si Kenji naman ay tawa ng tawa at halos mawalan na ng hininga.


“Ay ganun pala? Alam ninyo ba si Dhie? May mapa ng isang continent sa…..”


Nanlaki naman ang mata ni Donnie sa akin sa binitin kong sasabihin at ang dalawa ay nagaabang naman sa idudugtong ko.


“May mapa ng isang continent si Dhie sa bag niya.” Sabi ko sabay kuha ng binder ni Donnie na may mapa ng Europe sa likod.


Bigla naman bumagsak ang mukha ni Kenji at Jhepeth sa pagkadismaya.


Ako naman ngayon ang tawa ng tawa ng bigla akong batukan ni Jhepeth.


“Nyeta kayong mag jowa! Wala ako maintindihan sa pinagsasabi ninyo.” Naka busangot na sabi sa amin ni Jhepeth.


Imbis naman mainis ay napahagikgik ako sa pagka slow ng aking bestfriend.


“Slow…” napapahagikgik na sabi ni Kenji habang umiiwas sa amba ng panunutok sa kanya ni Jhepeth.


“Haller! Di lang ako makagets sa inyo mga impakto kayo! Kasi po ako lang ang 90% babae dito nuh!”


“90% percent? Ano yung remaining 10%?” nagtatakang sagot ni Donnie.


“90% girl sa body. 10% bakla sa pagiisip.” Taas noong sagot ni Jhepeth habang salo salo ang dalawang bukol sa dibdib niya.


“Ahhhhhh…….” Walang kakwenta kwenta naming sagot naming tatlo kay Jhepeth.


“Not interested?” buong pagtataka ni Jhepeth na tanong sa amin.


Parang sira naman kaming tatlo nila Donnie at Kenji na tumango sa kanya.


“Hay naku palibhasa mga baliko kayo kaya di ninyo ma appreciate ang ganda ng gawa ng diyos.”


“Jhepeth I love you!!” Sigaw ng classmate namin na palabas ng classroom namin.


“I love you too! Pero di kita type.” Mayabang na sagot ng babaeng bakla.


“Ok lang basta love kita!” balik sa kanya ng classmate namin bago kumaripas ng takbo sa corridor.


“Ayiiiiiiiihhhhhh! May nagkakagusto papala sa iyo amazona ka. Patulan mo na yun sayang yun. Baka wala ng dumating na iba at maburo yan. HAHAHA!” Pangaasar ko habang nakaturo sa kwan ni Jhepeth.


“Che, Gaga ka talaga. Di mabuburo yan andiyan naman si Kenji. Di ba Baby Kenji ko?” Sabi bi Jhepeth habang pumupulupot kay Kenji na parang ahas at humahalik halik sa pisngi nito.


“Friend help……” Sabi naman ni Kenji sa akin na kala mo ay tatakasan na ng ulirat dahil sa pandidiri sa ginagawa sa kanya ni Jhepeth.


“Sige bahala na kayo diyan. Maiwan na namin kayo. Mukhang gutom na itong Mhie ko at kakain muna kami sa labas.” Sabi ni Donnie na tinanguan ko lang at nginitian.


“Bye Che! Bye Friend!” naka ngisi kong paalam ko sa dalawa na nasa akto ng pilit na lampungan.

Habang palabas naman kami ng classroom ay kinawayan ko pa ang dalawa. Pababa naman ng hagdan ay biglang hinawakan ni Donnie ang kamay ko at napatingin ako sa kanya.


“Mhie, Gututom ka na di ba? Lika kain muna tayo. Ano gusto mo kainin?”


“Dhie, gusto ko ikaw.” Parang timang kong sabi sa kanya.


“Tsk! given na yun. Mamaya nay an paghimagas. So saan tayo kakain aking minamahal?”


Kinilig naman ako sa sinabi ni mokong sa akin.


“Sige Dhie sa KFC na lang tayo tagal ko na di nakakain ng chicken.”


“Kagabi lang kumain ka ng chicken. Yun ulam natin di ba?”


“Matagal na yun. Ilang oras na din kaya.” Parang bata ko na sagot habang naka pout pa ang labi at pinipisil ang kamay niya.


“ KFC sabi ng Mahal kong Mhie kaya sa KFC kami kakain.” Sabi niya sa akin sabay bitiw ng matamis na ngiti.


“Sige na. Lika na Dhie di ako mabubusog sa ngiti mo.”


Naglakad na ako habang kalakadkad ko si Donnie palabas ng school.


Pag dating naman namin sa KFC ay mabilisang akong umorder ng kung ano anong makakain at mukhang napadami ata iyon. Habang si Donnie naman ay pinaghanap ko ng pwesto namin.


“Mhie, Sure ka mauubos mo ito? Sa January pa fiesta natin ah?” tanong ni Donnie na nanlalaki ang mata sa dami ng pagkain sa harap namin.


Dalawang double down, dalawang two piece chicken meal, dalawang California maki twister, dalawang mushroom soup, dalawang bucket of fries, dalawang brownies, dalawang crushers at siyempre di mawawala ang isang platong gravy na kala mo ay sabaw ng sinigang sa dami.


“Oo naman tutulungan mo ako eh. Kaya natin ito.”


Sinimulan na namin ang pagkain at dahil sa may bandang bintana na kitang kita ang view ng school namin at ang mga kalapit na establishments at walang ibang naka pwesto doon bukod sa amin ay malaya kaming naglalabingan at nagkukulitan habang kumakain andiyan yung magsusubuan at pupunasan ang bibig ng isat isa kapag may dumaplis na pagkain.
Hindi naman namin naubos ang pagkain na inorder ko kaya pina takeout ko na lang ito. Inshort naging takaw mata lang ako.


“Dhie mag 9pm na. Uwi na tayo. Doon ka pa din matututlog sa bahay. Wala sila mama pa eh. Itong dala ko lagay natin sa ref para may almusal bukas.” Sabi ko habang palabas kami ng KFC.


Tango, ngiti at halik sa kamay lang ang sinagot sa akin ni Donnie.


Paglabas naman namin ng mall ay agad naman siyang tumawag ng taxi dahil di niya dala ang motor niya. Pagkasakay naman namin sa taxi ay sinabi niya agad kung saan ang destinasyon namin sa driver.


At ng makarating naman kami sa bahay ay may napansin akong pamilyar na taong naka tayo sa may malapit  at nakatingala sa bahay namin.


“Si Argel…” mahinang usal ko at napatingin ako kay Donnie.





Itutuloy.

Salamat Sa Isang Sulat

Author's Note:

Pagpasensyahan nyo na po ang mga nabinbin kong mga kuwento. Sobrang busy lang po sa mga yearend reports...

Gusto ko rin palang i announce na malapit na po ang sunod na MSOB Grand EB, ngunit kagaya ng unang EB, limitado lang po ito sa 50 ka tao.

As of this time, may pledges na po tayong at least 30K in cash, 2 meals sponsor for 50 ka tao, and hopefully mayroon pang mag-donate for the prizes. But we can already proceed with a 24-hour EB sa isang private resort with the pledges that we have.

Para po sa mga interesadong sumali, please join muna sa "Solid MSOBians" fb group. We prioritize solid msobians at iyong mga sumuporta sa PEBA Entry ng MSOB sa nakaraang PEBA contest.

In the meantime, habang wala pa ang end chapter ng "Bulag Na Pag-ibig" at continuation chapter ng KMB, heto muna ang ipabasa ko sa inyo. I dont know if I already posted this but everytime na bumamabalik-balik sa isip ko ang sulat na ito (galing sa isang kaibigang madre), it makes me feel better, sa kabila ng aking kalagayan.

---------------------------------

Some years ago, I was told by my doctor that I have a meniere’s disease. Iba’t-ibang duktor na ang napuntahan ko, iba’t-ibang hospitals sa Saudi at maging sa PInas. At ang sabi ng mga doctor, wala daw lunas ito at ang tanging magagawa lang nila ay ang pagbibigay sa akin ng mga palliatives o mga gamot na magpa-overcome sa kain sa tindi ng atake. Para bang ayan, kinakain na ng virus ang laman ko, at upang di ko masyadong maramdaman ang sakit, bibigyan nila ako ng pampa-relieve. Bale, kahit nauubos na ang laman ko sa kakain ng virus (kung virus man ito – at hindi rin nila alam), hayan, kaya ko pa rin ang sakit.

In the beginning, I thought I could just make fun of my ailment dahil at that time, hindi pa sya masyadong umaatake and if there were attacks, they were slight, few, and far between. May isang beses nun inatake ako habang nagbabad sa internet. In a split second, umikot ang paligid. I thought the whole building collapsed. Only to find out na sa isip ko lang pala ang lahat nung pinaligiran na ako ng mga tao sa internet café, lahat sila ay nagtaka dahil nakabulagta na lang ako sa sahig, nagkalat ang ininum kong softdrink, ang keyboard, mouse at rack ng computer. Buti, hindi nauntog ang ulo ko. Kung nagkataon…

Although there were intermittent attacks later, these were not very nasty at nagagawa ko pa rin ang mga normal at professional kong gawain.

However, noong mejo lumala na sya at halos araw-araw na ang atake doon na ako nag-worry. I felt na parang unti-unti nauupos ang buhay ko at parang hindi ko na kaya. Sa isip ko, gusto ko na lang matapos ang buhay dahil kapag umatake ng matindi ang sakit ko, talagang hindi ako makatayo, umiikot ang paligid at nagsusuka ako kahit wala nang laman ang aking tyan.

Kapag mejo ok na ang aking kalagayan at nakakapagreport sa work, sa computer naman ang problema. Kapag nagbukas ako, ramdam ko kaagad ang pag-ikot ng paligid. Para akong nasa octopus ride. Hirap akong makagawa sa simpleng trabaho. Lalo kapag grabe ang atake, talagang hindi ma-identify ng utak ko kung nasaan ang ibaba o itaas na direksyon at kapag igalaw ko ang ulo ko, parang inihagis ito. Kapag ganyang sinusumpong ako ng atake, mas gugustuhin ko pang mamatay na lamang...

Minsan may isang beses ding inatake ako, nakaupo lang ako sa opisina nung biglang umikot ang paligid. Napakabilis. Ang ginawa ko ay niyakap ang lamesa sabay sigaw sa pangalan ng kasama ko sa office.

Ang pinakamatindi kong atake ay nung magbisekleta ako, one month into my vacation (death anniversary pa naman ng nanay ko). Mabilis ang takbo ko gawa ng may hinahabol. Akala ko kasi, kaya ko. Ngunit nung malapit ko ng marating ang accommodation, biglang nagdilim ang paligid ko at ang sunod kong natandaan ay ang pag-akay sa akin ng dalawa kong kasamahan papasok ng kwarto. Dun ko na rin naramdaman ang sakit ng kaliwa kong kamay kapag iginalaw ko ito. Tumama pala sa bakal na poste ang aking left collar bone. Kaagad, pina xray at doon nakitang nabiyak ang aking buto. Mabuti na lang at hindi ulo ko ang tumama. Sa lakas ng impact, siguradong may paglalagyan ako. Inisip ko na lang na baka dahil death anniversary ng nanay ko iyon, siya ang sumagip sa akin.

Tila gumuho ang mundo ko sa pangyayaring iyon. Yun bang feeling na sobrang awa sa sarili; na worthless na ang lahat; na sira na ang buhay at mga pangarap…

Sobrang hirap ang naranasan ko nung time na iyon. Ngunit nagpumilit pa rin akong magtrabaho dahil sa gusto ko pang i-enjoy ang buhay, na ipakita ang katatagan ko sa mga taong nagmamahal at umaasa sa akin. Kahit ang simpleng bagay ng pag suot ng damit, ng medyas, ng pagsintas ng sapatos, ang pagpunta ng CR ay napakalaking sakripisyo para sa akin, lalo na’t nag-iisa lang ako dito sa Saudi. At ito ang pinakamasakit sa lahat; ang feeling na nag-iisa, na nasa harap mo na sana ang iyong mga pangarap at kaya mo nang abutin… atsaka kung kailan pa nangyari ang lahat.

Pag nag-iisa, umiiyak ako. Oo, di ko ikinahiyang aminin ito. Sa labas, nakikita ng mga kasamahan kong ngumingiti ako, ginagawang biro ang lahat ng nangyari sa akin. Ngunit kapag nag-iisa na lang sa kwarto, di nila alam umiiyak, humahagulgol…

Nalampasan ko din ang parteng iyon. Ngunit nanjan pa rin ang sakit at takot na baka biglain na naman ako ng atake ano mang oras.

Isang araw, nung nagbukas ako ng e-mail ko, heto ang nabasa ko sa isang kaibigang madre:

“Thank you very much for your greetings during the Feast of St. Francis. How are you? Hope you are getting better. Sorry I was not able to respond to your email immediately. I'm not so well Kuya. My heart is sooo heavy. It is a family problem. But I know God is always with us. My mother got an accident in the market, after attending mass last Sept. 28. She did not notice there was a gap on the ground. She fell and dropped. Her shoulders are badly damaged, the left side cracked. She can hardly move her two arms. I was there for 1 week. She can't sleep because of the pain and her kidney problem is compounding to her problems too. Almost every hour I assist her up to the bathroom. The most painful thing I experienced was the day when my superior called me. It was time for me to go back to the convent. I was feeding my mother and she asked me, “When you leave who will feed me?” Ohhh Kuya my heart was crushed. But I just told her that my cousin will come. I left her in our dining table and went out bringing my bag waiting for the bus going to the convent. Not knowingly she tried to follow me and then she fell again down our stair. It added to her pain. But in spite in her situation she told me “Go on, attend to your obligations in the convent; God will help me”. That gave me strength. Even though it is too hard for me to leave but I had to… I'm sorry my I poured out to you.”

Noong nabasa ko ito, naalimpungatan ko na lang na tumulo na pala ang mga luha ko. I knew how her mom went through. Mas matatag lang siya sa akin noong sabihin niya sa kanyang anak na, “Go on, attend to your obligations in the convent; God will help me”.

Nakita ko na sa litrato ang nanay ng kaibigan kong madre na ito. Nasa mahigit 70 na ang edad niya, masakitin, payat na halos nahihirapan nang maglakad. At ang masakit, nag-iisa lang siya, dagdagan pa ng kanyang karamdaman.

May leksyon akong natutunan sa sulat na ibinahagi ni Sister: ang maging matatag. Higit sa lahat, na wala akong karapatang magreklamo sa buhay dahil sa kabila ng hirap na naranasan ko ngayon, may iba pang mga tao na nasa mas matinding hirap at kalagayan kaysa sa akin…

Wednesday, January 4, 2012

Love Me Like I Am (Book 2 Part 13)


I'll try my best to post "LMLIA: The Untold Beginning" tomorrow. Pasensya na rin sa delay, busy lang sa past few days. Anyway, eto na po ang Part 13. Snaa po magustuhan niyo. :)

----------------------------------------------
By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart

Part 13: "Goodbye Ely..."

 



Bellefire - Can T Cry Hard Enough
Mp3-Codes.com


Madilim pa noong magising ako, tiningnan ko ang oras sa aking cellphone at nakita kong alas-kwatro na ng umaga. Iniangat ko ang aking ulo’t nakita kong mahimbing ang tulog ng aking mahal. Tumayo ako mula sa pagkakahilig ng aking ulo sa kanyang dibdib at inayos ang sarili. Lumabas ako ng tent at naglakad patungong bahay na inuupahan namin sa isla.

Pagbukas ko ng pinto’y bumungad sa akin ang isang taong naka-upo sa sala. Umiinom pa ito ng tubig ito ng makita ko.

“Gab! Asan si Kuya?”

“Ayun, natutulog dun sa may tent. Bakit gising ka pa baka makasama yan sa iyo at sa anak natin.”

“Lumabas lang ako para uminom ng tubig. At teka nga, bakit mo iniwan si Kuya?

“Ayokong gisingin, ang sarap kaya ng tulog ng Kuya mo.”

“O siya, puntahan ko na lang.”

“Samahan na kita.”

“Huwag na, alam ko kung saan iyon. Umakyat ka sa taas, hintayin mong magising si Ely… May sasabihin daw siya sa iyo.” Ang sabi nito at dire-diretsong lumabas.

Nagulat naman ako sa sinabi ni Ella na alam niya ang pinagtayuan ng tent. Naisip ko na pinlano siguro talaga nila iyon para makapag-usap kami ni Jared.

“Ella!” ang tawag ko dito.

“Ako na…” ang sabi ng pamilyar na boses mula sa aking likuran.

Lumingon ako’t nakita ko si Ace.

“Puntahan mo si Ely.” Utos nito.

“Sige… Salamat ha!”

Umakyat ako sa itaas at bago mapasok ang kwarto ng aking kapatid, muli kong nasulyapan ang aking daliri, nakita ko ang singsing namin ni Jared. Napangiti ako kasabay nito ang bitaw ko ng isang malalim na hinga.

Pumasok ako sa loob at unang nakapukaw ng aking atensyon ay ang wedding gown ng kapatid ko. Simple lang ito at nababagay sa beach wedding ang damit. Nakita ko rin sa gilid ang singing na gagamitin nila sa kasal at ang ilang sa invitation. Planado na ang lahat, talagang tuloy na tuloy na ang kasal.

Itinuon ko ang aking mata sa kama at nakita ko ang mahimbing na tulog ni Ely. Tinitigan ko ang mukha nito, nakita ko ang pagkawala ng sigla nito. Ibang-iba sa Ely na kaibigan at kaklase ko noong high school. Nawala ang Ely na makulit, kalog, nakakatawa, at matapang. Ang nakikita ko ngayon ay isang Ely na punung-puno ng paghihirap at kawalan ng pag-asang mabuhay.

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking luha. Ang hirap-hirap, ang sakit-sakit. Kung kalian nakita ko na ang kapatid ko tsaka naman ito mawawala agad. Hindi ko na rin napigilang humagulgol. Nasa ganoon akong pag-iyak ng gumalaw si Ely.

“Nandito ako.” Ang sabi ko sabay hawak sa kanyang kamay.

“Gab…” ang namamaos na sabi nito.

“May masakit ba sa iyo Ely? Nagugutom ka ba?” ang sabi ko habang pinupunasan ang aking luha gamit ang aking braso.

Ngumiti ito at pagkatapos ay…

“Eto naman! Ok lang ako! Keri lang! Kaloka ka!” ang pasigaw niyang banat sa akin.

Nagulat ako sa sinabi ng aking kapatid.

“Oh! Bakit hindi ka makakibo diyan Bebe Gab?” ang sabi niya sabay ngiti.

Hindi ko na naman napigilang maluha ng tawagin niya akong ‘Bebe Gab’. Sobrang na-miss ko ang pagtawag niya sa akin ng ganoon.

“Eh… Kasi…” ang na-eexcite at nanginginig kong sabi.

“Kasi what? Spill it out Bebe Gab ko!” ang ngiti pa ulit nito.

Sa pagkakataong iyon ay hindi ko napigilang umiyak at yakapin si Ely. Yinakap din ako nito.

“What’s wrong my little brother?” ang malambing niyang sabi na parang walang dinadalang hirap.

“Wala naman Ely… I mean, Ate. Na-miss ko lang yung pagtawag mo sa akin ng Bebe Gab.” Ang umiiyak ko ng sabi.

“Ssshhh… Don’t cry na, Ate is here.” Ang sabi niya bakas sa boses nito ang pag-crack.

“Pero kasi…”

“I’ll always be here for you Bebe Gab. I will never leave you. Promise ko yan.”

Dahil sa sinabi niyang iyon ay tuluyan na akong humagulgol. Lalo namang humigpit ang yakap ko sa aking kapatid at ganoon rin ito. Sa gitna ng aking pag-iyak ay naramdaman kong hinihimas-himas ni Ely ang aking likuran na para bang pinapakalma nito ang isang batang umiiyak. Naramdaman ko rin ang mainit niyang luha sa aking balikat.

“Alam mo, Namiss kita! Namiss ko rin yung pagtawag mo sa akin ng ganoon. Namiss  ko yung pagtatanggol mo sa akin kila Steph, namiss ko yung pag-cheer up mo sa akin kapag depress ako. Namiss ko yung pagiging kalog at makulit mo para pasayahin kami… At ngayon, ngayon pa lang, mamimiss ko lahat yun Ely. Lahat-lahat mamimiss ko yun.” Ang sabi ko’t lalong paglakas ng hagulgol ko.

“Humarap ka sa akin Bebe Gab.” Ang utos nito.

Kumalas ako sa aming yakapan at humarap sa kanya, pansin ko ang luha sa mukha nito. Nagpunas ito ng luha at ngumiti.

“Look, I’m happy… I’m happy kasi magkasama tayo, I’m happy kasi kapatid kita… At masaya akong aalis dahil napatawad mo na ako at okay ang lahat. Basta kapag namimiss mo ako, tumingin ka lang sa salamin at tingnan ang mata mo, nabubuhay ako kasama mo. Hindi lang yan at lagi lang din ako nandito.” Ang turo niya sa puso ko.

Napayuko ako at muling umiyak, parang hindi na maubos ang luhang dumadaloy sa aking mata. Hinaplos naman niya ang aking mukha at nakapa ang luhang nandito.

“Wag ka na umiyak Bebe Gab.”

Hindi ako kumibo, kahit kasi anong pigil ko’y hindi ko kayang maitago ang lungkot na nararamdaman lalo na’t alam kong malapit na niya kaming iwan.

“Ganito na lang… Dalhin mo ako sa labas, gusto kong magpahangin eh.”

Sinunod ko naman ang gusto ng aking kapatid, inalalayan ko siya papunta sa balcony ng kwarto nito, at inupo siya sa sofa na nandoon. Tumabi ako sa kanya at inakbayan ito.

“Ano gusto mo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?”

“Nauuhaw lang.”

“Sige, kuha lang ako ng tubig” paalam ko rito.

Paglabas ko ng kwarto’y bumungad sa akin si Jared.

“Oh! Gising ka na pala.” Ang sabi ko sabay ngiti.

“Iniwan mo naman ako.” Ang sabi niya bakas sa mukha na inaantok pa ito.

“Ang sarap kaya ng tulog mo” ang sabi ko sabay diretso sa hagdan pababa.

“San ka pupunta?”

“Kukuha ng tubig para kay Ely.” Ang sigaw ko dito.

Pagbalik ko sa kwarto’y nakita kong naka-upo si Jared sa tabi ni Ely habang naka-akbay pa siya dito. Lumapit ako sa dalawa at inilapag ang inumin.

“Eto na pala inumin mo oh.”

“Maiwan ko muna kayo.” Ang sabi ko sabay labas ng kwarto. Naramdaman kong meron silang dapat pag-usapan.

Dumiretso ako sa aking kwarto’t ibinagsak ang katawan sa kama. Tiningnan ko rin ang oras at nakita kong 5:30am na pala. Hindi ko alam kung bakit tingin ako ng tingin sa oras noon na para bang may hinihintay ako.

“Ilang sandali na lang… Kasal na nila, At ikaw pa ang bestman Gab!” ang sabi ko sasarili ko.

Pumikit ako’t naalala ko ang pag-uusap namin ni Ella, ilang araw ang nakaraan.

“Ella, anong sakit ni Ely? Gaano na katagal? Anong stage noong ma-diagnose ito?”

“Pancreatic Cancer Gab. Stage 3 na noong ma-diagnose na meron siya nito, isang buwan bago siya umuwi.”

Napabuntong hininga ako’t napa-sandal sa sliding door sa may terrace. Napapikit ako’t pagkatapos ay napaluhod at yinakap ang sarili, hindi ko na napigilang umiyak.
 
“Ganoon na ba kalala ngayon Ella?” ang pautal-utal kong sabi.

Tumango lang ito at yumuko.

“Gab!” ang sigaw ng isang boses na nagpatigil sa aking iniisip.

Dumilat ako’t lumingon sa pinanggalingan ng boses. Kita ko ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng luha ng taong nakatayo sa may pintuan ng aking kwarto. Nakaramdam ako ng matinding kaba.

“Ella! B-bakit ka umiiyak?” ang nanginginig na tanong ko.

“Gab… S-si Ely…” ang humahagulgol na sabi niya kasabay nito ang pagtakip ng kamay sa kanyang mukha.

Sa sinabing iyon ni Ella, naintidihan ko na ang ibig niyang ipahiwatig, hindi ako agad nakakibo, para akong naging istatwa ng mga oras na iyon.

“Gab..” ang nanginginig na sabi niya habang dahan-dahang naglalakad sa kinauupuan ko.

“Hindi… Hindi totoo yan Ella. Sabihin mong nag-bibiro ka lang. Hindi pupwede Ella!” ang sigaw ko’t tuluyan kong paghagulgol.

Yinakap ako ni Ella at nakiisa sa aking pagdadalamhati.

“Hindi pupwedeng mangyari iyon. Hindi ngayon… K-kailangan nilang makasal ni Jared. Kailangan Ella, kailangan… Hindi pupwedeng mawala ang kapatid kooooo!!!” ang sigaw ko habang umiiyak.

Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Ella sa akin. Gusto kong pumalag, at magwala dahil sa pagpanaw ng kapatid ko ngunit napaka-higpit ng yakap ni Ella at naisip ko rin na baka masaktan ko siya at ang anak naming. Wala na akong nagawa kundi humagulgol at magsisisigaw. Nang mahimasmasan ako’y dali-dali akong nagpunta sa kwarto ni Ely.
Agad akong dumiretso sa balcony ng kwartong iyon. Nakita ko ang napakagandang sunrise dito, kasabay noon ay nakita kong naka-akbay si Jared kay Ely habang ang ulo ni Ely ay nakahilig sa kanyang balikat. Lumapit ako’t nakita ko ang pagluha ng aking mahal, kasabay nito, nakita ko ang payapang mukha ng aking kapatid.

Muli, hindi ko napigilang maiyak ng makita ko ang mukha ng aking kapatid. Lumuhod ako’t pinagmasdan ito. Nakita kong payapa ang mukha nito, parang natutulog lang. Yinakap ko ito at umiyak ng mahina. Sa aking pag-iyak ay siya ding pag-himas sa likuran ko ni Jared, dahil dito hindi ko na namang mapigilang humagulgol. Yinakap ako ni Jared kasama ni Ely. Sobrang sakit ng aking nararamdaman ng oras na iyon, walang kapantay na sakit. Parang walang katapusang sinasaksak ng kutsilyo ang aking puso.

Tumingin ako kay Ely at sinabing…

“Kagaya ng sinabi ko sa iyo, mamimiss kita…” ang pautal-utal kong sabi.

“Susubukan kong maging matatag, maging matapang, para sa iyo.” ang sabi ko.

Hinalikan ko ito sa noo at muli’y yinakap ko ang aking kapatid at nagpatuloy sa pag-iyak. Iyon na ang huli kong natandaan.

Tulala, balisa, wala sa sarili, ganyan ang itsura ko buong araw. Nasabi rin sa akin ni Ella na nasa kwarto ngayon ni Ely sila Mama at Papa, alam kong nagdadalamhati ang mga ito lalo na’t hindi pa nila ito nakakasama ng matagal. Mayroon pang mga sinabi sa akin si Ella tungkol sa sundo ni Ely papuntang punirarya, at kung anu-ano pa man na hindi ko na naintindihan gawa ng sobrang lungkot at depression na nararamdaman ko sa pagkawala ng aking kapatid.

Ilang sandali pa’y lumapit sa akin si Ella, at yinakap ako nito.

“Magiging maayos din ang lahat.” Ang sabi nito sabay yakap sa akin.

Nasa ganoon kaming posisyon ng bigla kong maalala si Ge.

“Si Gabriel Earl kamusta?” ang tukoy ko sa anak ni Jared at Ely.

“Ayun, iyak ng iyak, pinapakalma ni Enso at Inday.”

Bigla akong nakaramdam ng awa sa pamangkin ko, hindi ko alam pero kung nahihirapan ako, mas nahihirapan dito si Ge, napakabata pa niya para mawalan ng isang ina.

“Ella, naaawa ako sa bata, naaawa ako sa pamangkin ko. Four years old lang siya Ella.” Ang sabi ko at muli’y umiyak.

“Ssshhh… Nandito tayo para sa kanya. At nandyan ka.”

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng may kumatok sa pintuan at binuksan ito. Linuwa ng pinto si Aling Minda at Aling Nelly na namumugto rin ang mga mata.

“Gabriel anak, may nagbigay sa iyo.” Ang abot nito sa isang regalong nakabalot ng kulay itim. May ribbon pang color violet dito.

“Ha? Kanino raw galing?” ang gulat kong tanong.

“Hindi ko alam eh, pero kasama yang regalo na yan sa mga regalo nina Ely at Jared.” Ang tukoy ni Aling Minda sa regalo sa kasal ng dalawa.

“Nagtataka nga rin ako bakit sa iyo naka-address yan eh.” Ang sabat ni Aling Nelly.

Tumayo ako sa kama at inabot ang regalong iyon. Agad kong binukan ito’t bumungad sa akin ang isang box. Pagbukas ko ng box ay bigla kong naibato ito sa sahig, napasigaw naman si Aling Nelly sa nakita naming laman ng box. Bumungad sa amin ang isang patay na pusa, duguan pa ito’t may kasamang note.

Bigla akong nakaramdam ng kakaibang takot at kaba, kasabay nito ang pagtaas ng balahibo ko. Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Ella at ganoon rin sa mukha nila Aling Minda at Aling Nelly. Para kaming na-paralyze sa aming nasaksihan.

“S-sino ang may bigay niyan?” ang nanginginig at takot na takot kong sabi.

Naramdaman ko namang yinakap ako ni Ella. Hindi ko rin namalayang tumulo ang luha ko dahil sa sobrang takot.

Kinuha ni Aling Minda ang note na kasama ng patay na pusa at binasa ito.

“Hindi pa tapos ang lahat, mamamatay kang duguan kagaya ng pusang ito Gabriel. Mamamatay ka! Kasama ng anak mo!” ang pagbasa ni Aling Minda sa sulat.

(ITUTULOY)

Monday, January 2, 2012

A Greeting for Goodbye

Happy New Year! My family never failed to fuss about the celebration of the año nuevo. It has been always more grandiose than Christmas. The extended family welcomed 2012 with us which, they say, is a starter for a tighter family ties. Well, I couldn’t agree more.
The firecrackers were banging loudly in my ears. At the same time, people inside the house jeered as they fondly greeted each other and started talking about personal resolutions. My mom walked us all to the dining area for the media noche. In no time, the whole family was complete and ready for the feast. My dad led the prayer as we all bowed our heads down and closed our eyes. Amidst the loud noises outside, I clearly heard my father’s words of graces.

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails