Followers

Wednesday, January 11, 2017

Until My Last Bullet [Chapter 3]



Disclaimer: Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.

E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook fan pagehttps://www.facebook.com/CookieCuttersCut/ (Cookie Cutter's Cut)

---

CHAPTER 3

“Jacob, gising na. Golden Exam niyo na ngayon.” Nakita ko si Uncle Billy na nililigpit ang mga nagkalat kong damit sa loob ng aking kwarto. Bumangon ako at inabot ang magkabilang dulo ng kumot para tupiin ito. Hinampas ko rin ang aking unan para hindi ito magkaalikabok. Nilapag ko ang kumot sa taas ng unan sabay banat sa bedsheet para hindi ito makusot.

“Maligo ka na roon at kailangan mong makalakad kaagad dahil nakadaan na ang bus kaninang mga alas-sais pa.” Nilagay ni Uncle Billy aking mga damit sa loob ng laundry basket ko at dinampot ito palabas ng kwarto para mapalabhan kaagad.

Si Uncle Billy ay ang nag-aalaga sa akin simula noong bata pa ako. Ayon sa kwento ni Uncle Billy, namatay ang mama ko nung ipinanganak niya ako at ang papa ko naman ay kinitil ng mga Punyasenyales nung nasa labas siya ng Pader para bantayan ito. Si papa raw kasi noon ay isang sundalo samantalang si mama naman ay nagtatrabaho bilang sekretarya sa Parlyamento. Si Uncle Billy ay kapatid ni mama, at nung ako ay ipinanganak, si Uncle Billy ang nagsilbing nanay at tatay ko sa pang-araw-araw.

“Jacob, bilisan mo at papasok pa ako sa trabaho! Marami kaming gagawin sa farm ngayon kaya bilis-bilisan mo naman!” Sumigaw si Uncle Billy mula sa baba.

Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin at nakikita ko ang sariling mukha ko – hindi ng mama ko at hindi ng papa ko. Kahit anong pilit ko pang punuin ng litrato ang aking malaking salamin ng mga litrato nila mama at papa, hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit hindi kami magkahawig.

O baka siguro ako lang ang nag-iisip ng ganito dahil kahit kailan hindi ko sila nakita sa personal. Baka dala lang ito ng pangungulila.

“JACOB!” Sumigaw si Uncle Billy nang isang beses bago ako natanggal sa pag-iisip ko.

“Andiyan na po, uncle!” Tinanggal ko ang aking underwear (dahil natutulog akong naka-underwear lang) at kumuha ng bagong laba na underwear. Binuksan ko ang aking closet para abutin ang naka-hanger na simpleng orange na polo-shirt at navy blue na maong slacks. Ito ang uniform para sa mga lalake sa aming paaralan – pero may freedom naman kami pumili ng kahit anong klase ng damit. May iba pumili ng cotton shirt, polo, shorts, at may ibang lalake na pinili ang damit babae, at bagay naman sa kanila dahil walang diskriminasyon sa loob ng Habisig.

Nang matapos ko nang suutin ang aking polo-shirt at slacks, napansin ko na wala na akong medyas. Naglakad ako papasok sa kwarto ni uncle, dala ang aking sapatos, para maghanap ng medyas. Hindi kagaya nila Nikolai, simpleng konkreto lang ang bahay namin. Hindi naman pangit, pero definitely hindi kasingganda kina Nikolai. Hindi rin kalakihan ang bahay namin na may matitingkad na palamuti at magandang disensyo ng pintura kagaya kina Nikolai, pero hindi naman kami nagrereklamo ni Uncle Billy kasi kaming dalawa lang naman ang nakatira sa bahay. Kung tutuusin, masyadong malaki ang aming bahay para sa aming dalawa, at pare-pareho ng bahay ang bigay ng Parlyamento para sa mga pamilyang dalawa lang ang laman. Ganun din sa mga tatluhan, pare-pareho ang bahay nila, sa mga apatan, limahan, so on, and so forth.

“Jacob! Lalamig na ang almusal mo, bilisan mo na!” Sigaw ulit ni Uncle Billy. Binuksan ko ang closet ni Uncle Billy nang may nahulog na sumbrero na may kakaibang kulay. Kulay camouflage ito – kadalasang disensyo sa mga damit ng mga Punyasenyales. Camouflage ang suot nila dahil mahirap makita ang camouflage sa dilim at sa masusulasok na lugar, para hindi sila makita sa kanilang pag-atake. Ang kulay naman ng uniform ng mga sundalo ay navy blue.

Sa loob ng sumbrero ay dalawang insignia, yung maliliit na token na nilalagay sa shoulder pack ng mga mandirigma. Kinabahan ako… bakit may ganito si Uncle Billy?

“Jacob! Kanina pa kita tinatawag-“ Pumasok si Uncle sa kanyang kwarto. Nakita niya akong hawak-hawak ang sumbrero at mga insignia. Tinignan ko ang kanyang mukha at kaagad niya itong hinablot mula sa aking pagkakahawak.

“Akin na ‘yan! Sa susunod ‘wag kang pumapasok nang walang pahintulot!” Nilagay ni Uncle Billy ang sumbrero at ang mga insignia sa isang maliit na karton na box at inipit ito sa pagitan ng kanyang katawan at ng kanyang braso.

“Bakit ka ba nandito? Ano ba ang hinahanap mo?” Tanong ni Uncle Billy sa akin. Naririnig ko na may halong inis ang kanyang tono habang inaayos ang kanyang puting damit at kulay orange na jumper.

“Hinahanap ko po kasi yung medyas ninyo kasi-“

“Sa susunod, ‘wag na ‘wag kang papasok nang walang pahintulot! Naiintindihan mo ba?!” Tinulak ako nang pagkalakas-lakas ni Uncle Billy na natapon ako sa sahig. Natamaan ko na naman ang aking wrist sa sahig, nagdulot ito ng sobrang sakit. Ngunit hindi ko na naramdaman ang kirot dahil hindi mapapanatag ang loob ko sa sumbrero na natapon, na sinusuot lamang ng mga Punyasenyales.
“Opo, ministro!” Sabay kaming sumagot lahat.

“Ngayon, alam niyo naman siguro na wala kayong kailangan paghandaan, kailangan lang namin na maging alisto at totoo kayo sa inyong personality. Kahit pepekein niyo pa ang inyong mga ugali, malalaman at malalaman pa rin namin kung ano talaga ang inyong dominant personality, kaso sa pagpepeke ninyo, malalaman namin kung sino ang hindi tapat sa Habisig. Tungkulin ng bawat graduating student ang maging tapat sa exam, dahil ang tapat sa sarili ay ang kakailanganin para sa tapat ng bayan. Imposible na wala kayong mapaglagyan dahil malalagay at malalagay namin kayo sa tiyak na posisyun ninyo. Kung sakali hindi ninyo matatapos ang training sa inyong training grounds, sasailalim kayo ulit sa panibagong exam para sa mga bumagsak sa inyong training. Ang mga makakapasa sa Revival Exam na ito ay automatic na ilalagay sa mga trabaho dito sa Habisig. Ang mga babagsak naman sa Revival Exam…” Tumigil sa pagsasalita si Ministro Juvello, nagbuntong hininga, bago pa man magsalita ulit.
Lumalakas ang bulung-bulungon sa loob ng gymnasium.

HONKKKKKKKK!
“In ten minutes magsisimula na tayo. Please settle down at upo na sa inyong respective chairs.” Mabilis na umupo ang mga estudyante. Samantalang ako, nababaliw kakahanap sa upuan ko.
“Bakit kasi hindi pa naka-alphabetic order!” Reklamo ko sa sarili ko nang mapinsin ko na aking pangalan na nakaprint sa isang cardboard na nakalagay sa isang red royal seat.
“Genetically-transferred? Eh matagal nang patay ang mama ko nung ipinanganak niya ako. Sekretarya siya ng Parlyamento pero sa Arts and Culture siya naka-designate! Ang papa ko ay sundalo, at patay na rin si papa! Imposibleng pagbintangan mo akong traydor sa bayan!”
“Hindi! Wala. Ako ang pupunta. uncle, puta, okay ka na rito! Buong buhay mo inaalay mo sa Habisig para sa pagsasaka pati ba naman military kukunin nila mula sa’yo? ‘Wag na. Ako na. Sigurado ako kung nasa military din ako wala nang problema ang Parlyamento. Wala na rin akong problema.”
“Wala! Makinig ka sa akin Jacob!” Mabilis na tumaas ang boses ni uncle sabay lingon sa akin.


“O-Opo. Pasensiya na po.” Bago pa ako nakayuko dahil sa hiya ay malalim ang tingin ni Uncle Billy sa akin, puno ng galit. Habang dahan-dahan ko inangat ang aking sarili para makatayo, hindi ko namalayan na pumatak na pala ang aking luha.

Nakita ito ni Uncle Billy at mabilis niya akong inakay sa kanyang mga braso. “Pasensiya ka na, Jacob.” Niyakap ako ni Uncle at nararamdaman kong dumadampi ang kanyang mga luha sa aking balikat. “Kailangan mo nang makapag-take ng Golden Exam. Ayaw ko mapunta ka sa Military Department. Masyadong mapanganib.” Kumalas si Uncle Billy at mabilis na tumalikod. Tinumbok niya ang pintuan ng kwarto at patakbong naglakad pababa ng hagdan.

Nalulungkot ako dahil ito ang unang beses na pinagbuhatan ako ng kamay ni Uncle Billy sa tagal niyang pagbabantay sa akin. Kahit ako na sa tanang buhay ko ay siya ang nag-alaga hindi ko minsan naisip na kaya pala akong pagbuhatan ng kamay ni uncle dahil sa kanyang kabaitan at pagkamaalagain. Minsan nagtataas siya ng boses dahil matigas din naman ang ulo ko eh. Pero hindi pa kami umabot sa ganitong sitwasyon.

Naiwanan akong nakatayo sa loob ng silid ni uncle. “Ang mga medyas ko ay nasa ilalim na bahagi ng closet!” Sigaw ni uncle na nagpagising sa aking ulirat. Kaagad kong binuksan ang closet at kumuha ng isang pares ng may kalumaan na medyas na kulay gray.


“Magandang umaga sa inyong lahat! Malugod kong binabati kayo rito sa taun-taong Golden Exam na pinapapamahala ng Parlyamento.” Pagbati ng Ministrong Pang-edukasyon. Nasa loob kami ng malaking silid, parang isang malaking gym pero kalahating –bilugan ang hugis nito. Parang letter C. Paangat ng isang baitang, na nasa sampung pulgada ang taas, ng bawat row hanggang sa pinakadulo. Katabi ko si Jenny na tahimik na tahimik at tila kinakabahan. Nilingon ko siya, hawak-hawak niya ang kanyang magkabilang palad at walang humpay niyang pinupunasan ang kanyang mga kamay sa kanyang kulay pink na dress.

“Jenny, focus ka nga!” Bulong ko kay Jenny na kaagad namang ikinatigil ng kanyang paggalaw.

“Ang Golden Exam ay pinamamahala upang malaman kung saan kayo pinakamainam ilagay sa mga teritoryong pagsasanay. Sa teritoryong pagsasanay, tinuturuan kayo sa posibleng trabaho na bumubuo sa success at development ng ating Mahal na Habisig. Sinusuri ng exam ang inyong dominant personality ayon sa personality set na kakailanganin ng bawat training ground. Kaya wala kayong dapat ikatakot dahil ang kailangan lang namin ay ang inyong cooperation sa pagpapalabas ng tunay ninyong ugali para sa kinabukasan ng Habisig. Maliwanag?” Malakas at matikas na tanong ni Ministro Edison Juvello.

“Opo, ministro!” Sagot naming lahat.

“Kadalasan, nasa dalawampung libo ang pinapakuha ng exam. Nilalagay sa testing facility na dito lamang makikita sa Central District. Ngunit ngayong taon, Dumoble ang bilang ng mga mag-aaral – nasa 40,000 kayong lahat ngayong araw na ito na nagmumula sa iba’t-ibang bahagi ng Habisig. Dahil sa dami ninyo, napagdesisyunan ng Parlyamento, sa pamamahala ng Education Committee, triple ang testing facilities na nandito sa Central District University para sa mas mabilis at mas efficient na Golden Exam.”

“Lahat ng may puso para sa pagtatanim ay malalagay sa Agriculture Department, ang mga magagaling sa finance ay malalagay sa Finance and Budgetary Department, ang mga matatapang ay napupunta sa Military Department, ang mga may puso para sa sining sa Arts and Culture Department, sa musika sa Music Department, sa pagtuturo ay sa Education and Transfer Department, sa agham ay sa Research Department, so on and so forth. Maaaring magdagdag ang Parlyamento ng mga training grounds kung sakaling kakailanganin ito ng mga estudyante, lalong-lalo na’t nagbabago ang ugali ng mga kabataan taun-taon. Hindi namin kayo pipigilan sa inyong gusto, sa halip ay palalaguin pa namin ang inyong interes.”

“At dahil lumobo nga ang ating bilang ngayong taon, lolobo rin ba ang bilang ng mga makakapasok sa bawat training grounds? Siyempre, maliban sa isa… ang Parliament Grounds.” Humugot ako ng malalim na hininga dahil kahit alam ko sa sarili ko na mapupunta ako sa Military Department, sinisigaw naman ng aking puso na sa Parliament Grounds dapat ako mapasok.

“Mananatiling sampu pa rin ang makakapasok sa Parliament Grounds. Mula sa 0.0005% passing rate para sa training ground na ito, kung pagbabasihan ang dami ninyo ngayong araw na’to ay nasa 0.00025% na lang ang posibilidad na makapasok ang bawat isa sa inyo. Ibig sabihin, sa bawat apat na libo na kukuha ng Golden Exam mamaya, isa lang ang pwedeng makapasok sa Parliament Grounds.”

“Pero after all, hindi ito isang exam lamang. Dito magdedepende ang seguridad at kinabukasan ng Habisig. Naniniwala kami sa Parlyamento na more than enough ang naibigay ng Habisig para mahulma kayo regardless sa mga kakulangan, dahil dito sa Habisig walang nagkukulang at alam ninyo na hindi nagkulang ang Parlyamento sa pagbigay ng lahat ng kakailanganin ninyo. Kayo ay mga graduating students mula sa iba’t-ibang paaralan na nasa iba’t-ibang bahagi ng Habisig, pagkapasok ninyo sa mga training grounds ay hindi na kayo estudyante, kayo ay bahagi na ng paglago ng Habisig. Maliwanag?”

“Ngayon, para sa logistics ng ating exam. Ang gymnasium na ito ay sobrang laki na ang mahigit 7000+ students ng Central District University ay hindi mangangalahati sa kayang i-house nito. Masaya ang Parlyamento na makakaasa ang buong Habisig sa apat na pung libo sa inyo sa hinaharap. Pagkatapos ng inyong training ay expected na pwede na kayong isalang sa field training. At kung matapos ninyo ang inyong field training, maaassign na kayo ng kanya-kanya ninyong trabaho.”
“Bawat building ay may 50 testing facilities na may 5 proctors bawat facility na binubuo ng mga teachers, sundalo, secretaries, managers, at iba pa. Inaasahan ng Parlyamento na bawat district ay binubuo ng 800 – 1000 ka tao. Ibig sabihin, sa isang libong students bawat district, 50 ang masasalang sa isang testing facilities. Ang university na ito ay nasa mahigit 100 ang dami ng buildings, kaya kung makikita ninyo mistulang isang munting siyudad na ang university na ito na more or less kasinglaki rin ng mga paaralan na nasa ibang districts. Nagtalaga ang Parlyamento ng 51 buildings para sa 51 districts, na naglalaman ng 50 testing facilities, na may 40-50 students bawat testing facility – so hindi natin inaasahan ang aberya sa pagcoconduct ng exam na ito.”

“…ay itatapon sa labas ng Pader. Kaya sana naman pagkatapos ninyong mapasok sa inyong Department para sa inyong training ay pag-igihan itong mabuti. Nalulungkot din ang Parlyamento sa bawat tao na pwedeng ipatapon sa labas ng Pader. Pero wala naman kayong dapat ipangamba dahil sa history ng exam at training, walang bumabagsak. Ang huling bumagsak sa training ay mahigit 30 years ago na ang nakalipas, at ang huling beses na may napatapon ang Parlyamento sa labas ng Pader dahil sa pagbagsak sa training.”

“Bago pa man natin simulan ang paglipat sa inyo sa kanya-kanyang testing facilities, may ibabalita muna ako sa inyo… hindi written exam ang Golden Exam ngayong taon. Dahil sa advancement ng ating Research Department, magiging virtual ang ating exam. Simple lang ang inyong gagawin – paano ninyo lulutasin ang problema?”

“Siguro ‘yun muna mula sa Ministrong Pang-edukasyon. Nasa hologram screen ang inyong building assignments at ang susunod na magbibigay ng instructions ay ang inyong Education District Head sa inyong respective districts at sila na rin ang maglalabas ng testing facility assignments.”

Lumalakas ang kabog ng aking dibdib habang isa-isang naglalabasan ang building assignment bawat district. Pagkatapos ng isang district na matawag ay kaagad na pinapapalabas sila ng building para ma-guide sila kung saan ang kanilang building assignment


GOLDEN EXAM:

Central District – Monteverde Building


“Sa Monteverde lang pala. Ang lapit.” Sabi ko kay Jenny na kanina pa tulala tila bangkay na naglalakad habang sumasabay kami sa daloy ng tao palabas ng gym.

“Bes. Hindi ko alam kung saan ako mapupunta at hindi ko alam kung saan ka mapupunta. Pero nais ko lang sabihin na kaya natin ‘to. At sana pareho tayo ng training ground.”

“Ssssh!” Medyo nadidistract na ako sa pagiging tarantada ni Jenny. “Hindi ako makapagfocus Jenny. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Virtual Reality ang exam. Nakadata na lahat ng pag-uugali natin. Alam mo gusto ko makapasok sa Parliament Grounds, pero parang malabo. Kasi hindi ako naging strategic sa buong buhay ko. Wala akong major project patungkol sa strategy at politics, palagi nga akong tulog sa class ni Sir Martin! Kung akala mo lagot ka na, mas lagot ako!”

Palapit na kami sa Monteverde Buiding at nakita namin na may mga upuan nang nakahanay sa labas ng bawat testing facility. Nasa loob ng isang classroom pala namin ang isang testing facility.

Nagpabusina ang isang matandang babae na mukhang may otoridad. Matikas ito maglakad at diretso sa command.

“Central District University! Eyes here. Bago pa man kayo maupo sa mga upuan ninyo kung saan nakalagay ang inyong mga pangalan, paalala lang na ang exam ay aabot ng maximum na ten minutes. Pagkatapos nito, titigil na ang program bago pa man kayo mababaliw sa inyong mga nararamdaman. Iba’t-ibang sitwasyon ang inyong mahaharap sa ilang sandali. Kukunin ng program ang inyong buong pag-uugali at ibabato sa inyo ang isang sitwasyon na ayaw ninyong maencounter sa hinaharap. Huhukayin ng program ang inyong subconscious at ito ang gagamitin para sa exam. Kumbaga, hindi kami ang nagpapa-exam sa inyo… Pinag-eexam ninyo ang sarili ninyo. Tip ko sa inyo: kalma.”

“Dito na lang ako bes. Ingat!” Binitawan ni Jenny ang aking kamay samantalang nasa mahigit 100 na lang kaming nakatayo kakahanap sa upuan namin.

“Para matuto ka maghanap. Problema kasi ng mga estudyante ngayon gusto lahat spoonfeed.” Sabat ng isang lalake sa tabi ko nang maupo ako. Nilingon ko siya at napansin ko ang isang pamilyar na profile.

“Sorry nama, Nikolai ha. Hindi ko naman sinasabing dalhin ang upuan sa akin. Sabi ko lang naman at least naka-alphabetic order. Wala namang masama doon.”

“Tamad na maghanap, nagpapalusot pa. Akala mo ba makakapasok ka ng Parliament Grounds sa ganyang ugali?” Tinaas ni Nikolai ang kanyang kaliwang kilay at ngumisi.

“Okay lang. Wala naman akong pakialam dun. Baka mas mainam na gawin mo muna yung project mo na hindi mo magawa-gawa.” Sagot ko kay Nikolai na mistulang kinagulat niya. Hindi niya siguro aakalain na magiging fierce na ang mga sagot ko sa kanya… especially dahil isa siya sa mga crush ko.

Hindi na sumagot si Nikolai. Tinignan ko siya at kagaya ni Jenny, na nasa malayo at nagdarasal na makaraos sa Golden Exam, tahimik na na rin si Nikolai at halatang kinakalkula ang kanyang gagawin sa Golden Exam. Hindi ko maipaliwanang ang tensyon na nagaganap, ang mga tao ay hindi mapakali sa Golden Exam. May mga nagbabasa ng notes nila sa klase, kahit alam nila na hindi na uubra ang mga notes sa exam na ito. May mga tahimik na lamang, kagaya nina Nikolai at Jenny. At may mga halatang kalmado sa exam, kagaya ko.

Matapos ang ilang minutong nagdaan, at nakaupo na ang lahat, lumabas ang proctor sa testing facility namin na magarbo ang kasuotan. Babae siya na may mahaba at straight na buhok, nakasuot ng gown na backless, at hanggang tuhod ang kanyang kulas gold na gown. Dala-dala niya ang isang makapal na folder at matalas na ballpen, sabay ayos ng kanyang eyeglasses. Medyo strikta ang kanyang mukha at halatang mahirap siyang pakisamahan.

“Magsisimula na tayo sa ating Golden Exam. Isa-isa namin kayong tatawagin at isa-isa kayong kukuha sa exam. Sisimulan natin kay… hmm… uhh Yacob? Jacob Santos?” Nagulat ako at parang bumalik ang tensyon sa aking katawan matapos ang ilang minuto kong pagkakakalma sa sarili. Tumayo ako at tinapik ako ni Nikolai. Tinanguan niya ako at gumanti rin ako ng tango bago ako nagsimulang maglakad papasok sa testing facility.

Nang nasarado na ang pintuan, nagulat ako sa aking nakita. Nakabalot sa transparent na plastik ang buong room at masyadong maliwanag ang ilaw na umaandar. Hindi ko nga makita ang mga adminsters para sa exam dahil sa sobrang silaw. Tinapik ako ng babae sa balikat para sundan siya hanggang sa isang reclining chair na para bang yung mga inuupuan ko kung magpapagupit ako ng buhok.

Tinanguan niya ang apat pang nasa loob ng silid. Kinuha ng apat ang nakabitay na headphones sa kanilang leeg at sinuot ito, sabay suot ng kani-kanilang safety goggles.

“Ako lamang ang pwedeng makapagmonitor sa’yo at ang apat na nandito ngayon ay para lamang sa safety precautions. Confidential ang exam at ako lang ang makakaalam sa results ng exam mo. Para sa confidentiality purposes, may silencer headphones at black goggles ang mga kasama ko sa buong araw para hindi nila makita at marinig ang mga nangyayari sa virtual exam mo. Sa kaliwa mo ay isang maliit na screen kung saan makikita ko ang iyong exam. Hindi ako mag-dedecide kung saang training ground ka mapupunta kundi ang program. Heto na ang iyong ocular goggles kung saan magpoproject sa perception mo ang iyong exam. Lahat ng elements, ang mga bagay-bagay, na lalabas sa virtual reality exam mo ay hulma ng program mula sa iyong subconscious. Tuturukan muna kita ng calming agent sa iyong katawan upang mamanhid ang iyong buong katawan sa duration ng exam. Pagkatapos ng exam mo, magsesend ng signal ang program para madilute ang calming agent sa iyong katawan para bumalik ang iyong senses.” Kumuha ng syringe ang babae at dahan-dahan itong tinurok sa aking leeg samantalang busy ako sa pag-ayos ng malaking goggles sa aking mukha.

“Kung may hindi inaasahan na mangyayari, kami ang bahala sa’yo. Good luck.” Nagfefade ang boses ng babae habang dahan-dahan umiilaw ang goggles sa aking mga mata. Palakas ng palakas ang silaw ng liwanag sa aking mga mata na hindi ko kayang pumikit dahil sa calming agent na mabilis umepekto sa aking katawan. Hindi rin ako makasigaw sa sakit na dulot ng liwanag.


“Punong ministro, nakuha na po ng mga Punyasenyales ang timog na bahagi ng Habisig. Sa kasalukuyan, sampung distrito na po ang nasa kanilang pamumuno samantalang palakas ng palakas ang kanilang forces sa dakong silangan at sa hilaga. Hindi pa po ba tayo magpapalakas ng opensiba?” Tanong ni Nikolai na nakasuot ng military uniform. Nagkabalbas na si Nikolai. Pati ang kanyang katawan ay lumaki na rin. Naiimagine ko ang kanyang hubog ng katawan habang hindi ko na marinig ang kanyang sunod na sinasabi dahil sa atensyon ko sa kanyang kagwapuhan.

“Punong ministro! Kailangan na po natin ng aksyon. Ano na po ang susunod nating gagawin?” Pagtapik ni Nikolai sa akin. Nilibot ng aking mga mata ang kalakhan ng silid at nasa loob pala kami ng Parliamentarian Auditorium. Naka-upo ang mahigit 50 ka tao na sa palagay ko ay binubuo ng mga Parliamentarian, ng kanilang secretariat, at ng kani-kanilang staff.

“Kung ako po’y pahihintulutan na makapagsalita, punong ministro, kailangan na nating magpadala ng daan-daang tangke sa hilaga, silangan, at sa timog. Kailangan na nating pangunahan ang mga sumusunod na opensiba ng mga Punyasenyales bago sila makaabot dito sa Central District.” Nagtaas ng kamay ang isang parliamentarian na nasa sulok ng auditorium nakaupo.

Magsasalita na sana ako nang palakas ng palakas ang tinig ng iba pang mga parliamentarian na sabay-sabay nagsasalita. Sumasakit na ang ulo ko sa lakas ng kanilang mga boses. Ang gulo.

“Order!” Sabay hampas ko sa wooden gavel, isang korteng martilyo, na ginagamit ng mga meeting presiders. Kaagad na tumingin sa akin ang mga parliamentarians at tumahimik.

“Alalahanin natin na hindi lang ang opensiba ang concern natin sa pagsalakay ng mga Punyasenyales. Base sa report na nasa harap ko ngayon, lumiliit na rin ang rasyon ng pagkain para sa mga Habis. Pati ang supply ng tubig ay nilalason ng mga Punyasenyales, lalong-lalo na ang tubig ng mga sundalo, para paliit ng paliit ang ating pwersa. Naapektuhan na rin ang edukasyon ng mga estudyante dahil sa gulong ito.”

“Heto ang susunod na hakbang natin, Ministrong Pangseguridad, siguraduhin po ninyo na makalikom kayo ng sapat na pagkain at tubig mula sa Committee on Agriculture and Waterworks. Kakailanganin ng ating mga magigiting na mga sundalo ang extrang rasyon ng pagkain at tubig. Siguraduhin po ninyo na ang pagkain ng ating mga pwersa ay madaling makakain, kaya pinakamainam na makipagtulungan kayo sa Ministrong Pang-agrikultura, sa Ministrong Pangkalusugan, at Ministrong Pagawaan para makapag-manifacture tayo ng mga pagkain na hindi na kailangan ng mabubusing paghahanda kung kakainin na ng ating mga sundalo. Ministrong Pang-agrikultura, ilunsad po natin ang ating mobile farm kung saan nakakapag-gawa tayo ng agricultural crops sa loob ng isang araw. Dapat sa bawat distrito ay may 500 mobile farms, kung saan bawat isang mobile farm ay nakakapagpatubo ng 1000 crops. Sa loob ng isang araw, 500,000 crops ang pwede nating iparasyon para sa bawat distrito. Sa frames ng mobile farm, ilabas na rin ang reactive agent kung saan hindi ito pwedeng mahahawakan ng mga Punyasenyales. Ibig sabihin, kung tatangkain nilang nakawin ang mobile farms, lalasunin sila ng reactive agent na kanilang mahahawakan at mamamatay. Kailangan mag-mass produce ng antidote para sa mobile farm holders para hindi maapektuhan sa reactive agent. Lalasunin din ng mga Punyasenyales ang ating mga agricultural lands kagaya ng ginawa nila sa timog-kanluran. Magpatupad kayo ng malawakang pagpatay ng lupain gamit ang time-ticking agent. I-set ninyo sa 1 month ang time-ticking agent sa lahat ng lupain sa Habisig para hindi ito mapakinabangan ng mga Punyasenyales, para magugutom sila. Pagkatapos ng one month, mawawala ang bisa ng time-ticking agent at madedecompose ito sa mga lupain, babalik sa normal ang ating mga lupain. Mag-stack na rin kayo ng supply para sa time-ticking agent equivalent sa isang taon, kung sakaling aabot pa ng ganito katagal ang digmaan. Ministrong Pangkaligtasan, siguraduhin po natin na active ang ating response team sa pag-evacuate ng mga nakukulong sa digmaan sa timog. Kailangan hindi na lumaki ang casualty dulot ng digmaang ito. Ministrong Pang-agham, tuntunin natin ang kuta ng mga Punyasenyales at paulanan sila ng biological weapon. Magpadala tayo sa kanila ng letter na may lamang crawling moss na mabilis kumakalat sa loob ng katawan ng tao sa sandaling nahahawakan nila ito. Ministrong Pangseguridad, palakasin din natin ang ating depensiba at barrier sa timog, silangan, at hilaga. Ministrong Pangdiplomasya, kayo na po ang bahala sa pakikipag-usap sa mga Punyasenyales para sa ceasefire. Pumapayag naman sila basta may mga civilian na nadadamay. Hayaan ninyong makapagtransport si Ministrong Pangkaligtasan ng mga civilian papasok sa Central District, si Ministrong Pang-agham na makapag padala sa mga Punyasenyales ng biological weapon. Gamit ang pre-fabricated steel, magtanim tayo ng pangalawang Pader na may force field sa labas ng Pader natin, Ministrong Pang-imprastratukra. Para hindi makapasok ang mga Punyasenyales na papasok at hindi makakalabas ang mga Punyasenyales na nasa loob ng Pader. Ang ating opensiba laban sa kanila ay dapat palabas mula sa Central District hanggang sa ikalawang Pader habang sinisiguro natin ang kaligtasan ng mga civilian na nasa gitna papalabas. Maliwanag?” Dire-diretso kong salita na kaagad namang kinasang-ayunan ng Parlyamento.

“Wala na bang mga tanong? Kakailanganin nating magdouble-time ngayon din. One month ang ating aksyon para dito. Magcoconvene tayo from time to time so please be safe. Kung inaatake na ang inyong kanya-kanyang distrito, mauna na kayong magtago sa bunker natin na nasa ilalim ng Habisig. Itago ninyo muna ang mga civilian, ang mga supply, bago kayo pumasok. Magpaala-ala kayo sa akin kung nasa loob na kayo para hindi tayo mahihirapan maghanap. Wala ng ibang tanong?” Tanong ko sa Parlyamento.

“Going once, going twice. Meeting adjourned.” Sabay hampas ko sa gavel at mabilis na nagsilakaran ang mga parliamentarian. Sabay kaming naglakad ni Nikolai palabas ng convening area. Sa labas ng auditorium ay isang malawak na lupain. Ang langit ay kulay pula, ang paligid ay mausok, at ang mga gusali mula sa malayo na nasa timog ay isa-isang nagsibagsakan.

“Nakuha mo ba ang aking mga sinabi kanina, Nikolai?” Tanong ko kay Nikolai na sa tingin ko ay ang Ministrong Pangseguridad.

“Opo. Ipapagalaw ko na po ang mga papeles pagdating ko sa opisina habang magpeprepare na rin kami sa mga kakailanganin naming armament.” Hindi ko na nakuha ang mga pinagsasabi ni Nikolai nang napansin kong may kulay pula na maliit na bilog na gumagalaw sa kanyang may dibdib banda, parang isang laser.

Nagising ako sa aking pagkatulala sa pulang bilog nang naisip ko baka sniper ito. Kaagad kong tinulak si Nikolai sa pagilid nang natapon siya sa sahig.

SHOOT!

“Jacob! Anong kagaguhan-“ Sumigaw si Nikolai nang mapansin niyang nakahiga ako sa maalikabok na lupa.

“May sniper… dito… sa’yo…” Turo ko sa kanyang kaliwang dibdib.

Dumidilim ang aking paningin at nagfefade ang mga boses ng mga tao. Nararamdaman ko na kumikirot ang aking dibdib. Nang nilingon ko ito, puno na ng dugo ang bahaging mahapdi. Naririnig ko ang boses ni Nikolai na humihingi ng tulong habang nararamdaman ko na inaakay ako ng ibang ministro papasok sa isang van. Pumasok na si Nikolai at ang iilan sa mga ministro. Hinahawakan ni Nikolai ang aking kamay sabay haplos at iyak nito.

“Jacob… please naman. Putangina, kumapit ka naman please. Di ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka…” Umiiyak si Nikolai. Lumipat siya ng posisyon para mayakap niya ako.

“Jacob….”

“Jaco-“

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa reclining chair habang dahan-dahan ko tinatanggal ang goggles sa aking mukha. Tinanggal ko rin ang sensors na nasa white stickers na nakadikit sa iba’t-ibang bahagi ng aking katawan. Hinahabol ko aking hininga sabay tingin sa nag-administer ng exam.

Gulat na gulat ang kanyang mukha at tila hindi mapakali katatype sa kanyang laptop. Kinakagat niya ang kanyang labi tila ba inis na inis sa kanyang nakita. Hindi muna ako nagsalita habang pinapanood siyang magpanic.

“Paano mo nalaman ang tungkol sa allergic reactive agent? Sa time-ticking agent? Sa pre-fabricated facilities? Sa bunker? Paano mo nalaman ito lahat?!” Sigaw ng babae habang malakas ang kanyang pagtitipa sa kanyang laptop na naka-connect sa malaking machine katabi ko.

Nagulat ako sa kanyang tanong. Kahit ako hindi ko alam kung bakit ko alam ang mga pinagsasasabi ko sa exam.

“Sagot!” Sumigaw si administer ng exam habang kinukwelyuhan niya ako.

“Hindi ko alam!” Tinulak ko ang babae at mabilis siyang nakarecover para makapagtipa ulit sa kanyang laptop.

“Nagtatrabaho ako bilang Head Secretary ng Punong Ministro kaya alam ko ang mga bagay bagay na pinagsasabi mo kanina. Confidential ang mga ito at hindi namin nilalabas ang mga impormasyon ukol dito. Kahit mga pamilya namin hindi alam ang mga pinagsasabi mo kanina! Hindi namin sila sinasabihan! May kamag-anak ka bang nagtatrabaho sa Parlyamento?!” Tanong ni ate sabay laglag ng kanyang glasses sa mesa na kaagad niya namang sinuot sa kanyang mata.

“Wala. Ang uncle ko ay sa sakahan nagtatrabaho.”

“Dalawang bagay lang ito, either may nakapagsabi sa’yo tungkol sa mga ganitong bagay, o genetically-transferred ang bahagi ng subconscious mo. Ibig sabihin, either alam to ng mga magulang, o mga magulang ng magulang mo, o mga magulang ng mga magulan ng mga magulang mo, so on and so forth.”

“Hindi kita pinagbibintangan!” Hinarap ako ng babae at kaagad siyang bumalik sa pagtitipa.

“Paprangkahan na kita, sa mahigit ilang taon na pag-aadminister ng exam na ito, kahit written, ni hindi lumabas sa resulta ng mga machine noon ang mga confidential na bagay concerning national security. Kahit sasabihin mong written exam noon, mababasa at mababasa ng machine at ng program lahat ng pag-uugali ninyo. Dahil ang program ng Golden Exam, may ibang intensyon, maliban sa imeasure ang inyong kakayahan bilang mamamayan ng Habisig, nirerecord nito ang bawat bagay na nalalaman ninyo mula noong bata pa kayo hanggang sa paglaki ninyo. Pati subconscious kayang irecord ng program. Ang mga nalalaman mo ay hindi alam ng mga Punyasenyales, at nag-run ako ng memory check sa mama mo at sa papa mo at lumalabas na hindi nila alam ang mga bagay na alam mo. Pati ng mga ninuno mong sastre, magsasaka, model – walang alam. Nag-run din ako ng memory check sa’yo at wala akong nakitang may nagsabi sa’yo tungkol sa mga confidential matters. Ibig sabihin, alam mo pero hindi ko alam kung saan o kanino mo ito nalaman. Iniisip ko nung una na baka Punyasenyales ka, pero walang history ng Punyasenyales ang memory mo. Kakaiba ang iyong kakayahan. Kakaiba ka.”

“Ngayon sasabihin ko sa’yo ito, may inilunsad ang Parlyamento na hulihin at ikulong ang mga unauthorized persons na alam ang mga ganitong bagay-bagay. Sa tingin ko inosente ka at wala kang kasalanan, at hindi ka traydor. ‘Yan ang alam ko. Ang gagawin ko ngayon, idedelete ko ang iyong exam, at gumawa ako ng panibagong exam situation kung saan pinalabas ko na isa kang ministro at kailangan mo tugunan ang watershed management. Maaari ka nilang tugusin sa iyong mga nalalaman, Jacob. Babalaan kita na ‘wag na ‘wag mong ipagsabi kahit kanino, kahit sa uncle mo, ang exam na iyong kinuha at ang iyong mga nalaman bago lang mula sa subconscious mo. Isang malaking eskandalo ito sa buong Parlyamento at magkakagulo-gulo. Maglulunsad na lang ako ng imbestigasyon ukol dito, pero kailangan kong makipag-cooperate ka sa akin. Kakampi mo ako at hindi kita sasaktan-“

“Paano ko ba malalaman na hindi mo ako ibebenta sa Parlyamento? Paano ko malalaman na dapat kitang pagkatiwalaan?” Tanong ko sa babae.

“Simple lang. Kung sa tingin mo hindi ako mapagkakatiwalaan, pwedeng kanina pa kita pinalayas dito sa testing facility at nireport sa Parlyamento. Pero siyempre hindi ko gagawin ‘yun. Dahil una, malalagot kaming staff ng punong ministro. Baka ipatapon pa kami sa labas ng Pader kung lalabas ang mga confidential matters. Pangalawa, asset ka para sa Habisig. Pinoproject ng program ang mga bagay na alam mo at akala mo hindi mo alam. Matalino ka, Jacob. Sa ngayon hindi ko pa kayang ipaliwanag kung bakit alam mo ang mga bagay-bagay, pero baka ikaw na ang susunod na gagawa ng history sa Habisig. Kailangan ka ng bayan.”

Nakatitig lang ako sa babae habang isang malakas na tipa sa keypad ang kanyang ginawa bago niya ako nilingon.

“Ganito ang mangyayari. Nadelete ko na ang exam mo at gumawa ako ng fabricated exam situation. Ayon sa exam mo kanina, mapupunta ka sa Parliament Grounds. Congratulations. Mabuti naman at makikita kita palagi. Pero ‘wag na ‘wag ka magsasalita. Ngayon hindi alam ng apat na nasa silid na ito ang mga nangyari. Kaya lalakad ka lang palabas ng testing facility at sabihin mo okay ang exam. Magkiktia pa tayo muli. Go!”

Isang malakas na tulak ang ginawa ng babae sa akin. Napatayo ako kaagad mula sa pagkakaupo sa reclining chair at diretso kong binuksan ang pintuan. Nagsitinginan ang mga tao sa akin habang yumuko ako at hindi ako gumawa ng effort na tignan sila.

“Uy, kamusta?” Hinablot ni Nikolai ang aking braso at nakangiti pa sa akin ang gago. Sus, Nikolai.

“Hindi maganda.” Simangot ang mukha ko dahil sa aking mga nalalaman ngayong araw na’to. Winakli ko ang kamay ni Nikolai at kaagad na tumakbo papalabas ng Monteverde Building. Narinig ko ang boses ni Jenny na tinatawag ako ngunit hindi ko na siya nilingon.


Maggagabi na ng narinig ko na bumukas ang front door ng bahay. Sasalubungin ko na sana Uncle Billy nang pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ko,  patay lahat ng ilaw sa baba. Inabot ko ang Swiss knife na nakalagay sa may sofa sa baba ng kwarto ko nang naramdaman ko ang malamig na hablot mula sa aking braso. Mabilis kong hinablot ang kamay papalapit sa aking katawan, hinawakan ang sa may singit na area ng estranghero sabay buhat at tulak papunta sa kabilang bahagi ng aking katawan. Tinakedown ko ang estranghero kagaya nang nakita kong grappling sa internet sa judo kaninang umaga kung sakaling may aatake sa akin.

“Aray!” Sigaw ng pamilyar ng boses. Kaagad kong binuksan ang ilaw at nagulat ako sa aking nakita.

“Uncle Billy naman! Uso din naman magpailaw lalong-lalo na’t madilim dito sa atin! Tsk. Akin na nga.” Inalalayan ko si uncle na makatayo at tinulungan siyang makaupo sa sofa. Iniikot-ikot niya ang kanyang balikat sabay himas nito. Napansin ko na may sulat na nakausli sa kanyang bulsa kaya kaagad ko itong hinablot at binasa. Tinangka ni Uncle Billy na nakawin ito mula sa akin ngunit hindi siya nagtagumpay na nakawin ito mula sa aking pagkakahawak.


LETTER OF NOTICE:
LAHAT NG MAMAMAYAN NG HABISIG AY INUUTUSAN NA MAGPADALA NG ISANG TAO MULA SA INYONG PAMILYA PARA LUMAHOK SA MILITARY DEPARTMENT. PARA ITO SA PAGHAHANDA SA DEFENSE TRAINING LABAN SA PALAKAS NA OPENSIBA NG MGA PUNYASENYALES. ANG KINABUKASAN NG HABISIG AY NASA INYONG KAMAY. AASAHAN NAMIN NA MAPAPALISTA NA ANG NAPILING MIYEMBRO NG PAMILYA PARA SA HUKBO.

MARAMING SALAMAT.


P.M. WENDEL FERDINANDO
PUNONG MINISTRO NG PARLYAMENTO NG HABISIG


“Uncle, ano ‘to?” Inis kong tono nang matapos na akong basahin ang liham. Nilapag ko sa mesa ang liham sabay upo sa tabi ni uncle. Puro galit ang aking nararamdaman. Hindi ko kayang mawala si uncle sa akin ngayon pa’t baka mabaliw ako sa mga nangyayari sa buhay ko – may nakita akong sumbrero ng Punyasenyales sa closet ni uncle, nakakagago ng exam result ko kanina, at ngayon under investigation ako. Punyetang subconscious to eh.

“Conscription Letter. Humihingi ng isang miyembro ng pamilya ang Parlyamento para maging bahagi ng military. Ayaw kong mapabilang ka sa military dahil mapanganib. Kaya ako na-“

“Ako na kasi-“ Mahinahon ang boses ni uncle.

“Ako na uncle! Alam niyo ba isa ako sa sampu na ma-aassign sa Parliament Grounds? Hindi ko kaya uncle. Hindi ko kaya ang trabaho. Oportunidad na ito para takbuhan ko 'to-“

“Ako pa rin ang masusunod sa bahay na ’to! Mas ligtas kung doon ka sa Parliament Grounds! Hindi mo alam ang panganib na nasa labas! Ako ang magpapa-conscript para sa military department, at ikaw sisimulan mo ang training mo sa Parliament Grounds sa ayaw at sa gusto mo!” Tumayo si uncle at naglakad ng ilang hakbang papalayo sa akin.

“Kung hindi mo susundin ang utos ko, ako mismo ang magpatapon sa’yo sa labas ng Pader. Tandaan mo yan!” Umakyat si uncle ng hagdan.

Naiwanan ako sa baba. Nagtataka.


Bakit ayaw akong payagan ni uncle maging sundalo? May… May tinatago ba siya?

Itutuloy...


UNTIL MY LAST BULLET.

4 comments:

  1. Papa ata niya ang tinapon sa pader. Nice story 👍

    ReplyDelete
  2. Nasan n ang updates akala ko b regular at weekly ang updates???

    ReplyDelete
  3. Ngayon ko lang nabasa tong kuwento mo sir! Ang galing kaya lang medyo nabibitin ako! Sana masundan na siya! -Ken

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails