Disclaimer: Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.
E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook fan page: https://www.facebook.com/CookieCuttersCut/ (Cookie Cutter's Cut)
---
CHAPTER 2
“Sir,
good afternoon po. Parang malabo po makakapagsubmit ako ng flower pot ngayong
hapon po. May nangyari kasing masama kanina.” Dahan-dahan ko nilapitan ang
professor namin sa Humanities sa kanyang office.
“Iyan
kasi. Kung pumili ka kaagad ng requirement at sinabihan mo ako ng mas maaga, e
di sana wala ka nang dahilan para magmadali ngayon.” Hinarap ako ni Prof. Bella
habang inaayos ang kanyang salamin.
“Sorry
na po talaga. Gusto ko sanang makahabol sa sunlight kanina kaso nung tapos ko
nang gawin ang aking pot po-“
“Oo, alam ko na ang kwentong ‘yan. Nagmadali ka, nagtatatakbo ka sa corridor, nabunggo ka, natapon ang pot mo. Tama?”
“Oo, alam ko na ang kwentong ‘yan. Nagmadali ka, nagtatatakbo ka sa corridor, nabunggo ka, natapon ang pot mo. Tama?”
Natahimik
ako. Nagulat ako kung paano niya nalaman ang kwento. Maliban na lang kung pinagchichismisan
na naman nila ako. Ang huling chismis na umabot sa akin ay malaki daw ang
kargada ko, otso pulgada daw. Nakakaasar naman kasi ang fuck buddy ko,
masyadong kiss-and-tell. Totoo naman na gifted ako pero ang pangit na ng aking
reputasyon dahil sa mga iba’t-ibang chismis na naglilipana sa school namin.
“Paano
niyo nalaman-“
“Pumunta
dito ang nakabunggo sa’yo at siya na mismo ang humingi ng tawad para sa’yo.
Ngayong araw ang deadline, pero nakumbinsado niya ako na kasalanan niya at kung
hindi raw siya humaharang sa corridor, e di sana tuyo na ‘yung pot mo. Bilang
estudyante ko naman siya sa ibang subject, at mabait siya, may hanggang next
week ka para makasubmit nun. Isang araw lang ang paghulma ng pot kaya sana
naman matapos mo ang project mo sa loob ng dalawa o tatlong araw.” Umiling ang
professor na halatang dismayado sa aking pagkabatugan.
“Sorry
po talaga, ma’am-“
“Huwag
ka magsorry sa akin, Mr. Nikolai Ferdinando. Magsorry ka sa sarili mo kung
sakaling hindi mo inaayos ang pag-aaral mo. Sa tingin mo ba, makakapasok ka sa
Parliament Grounds kung hindi mo maipepresenta sa Golden Exam sa galing mo sa
politics? Baka akala mo ang politics ay politics lang? Kailangan alam mo kung
paano gumalaw ang mga tao at kung anu-ano ang kanilang mga experience para
tuluyan ka maging leader kagaya ng papa mo. Alalahanin mo hindi kita
pinapahirapan, pero kung hindi mo alam kung anu-ano ang pinagdadaanan ng mga
tao, you’d make a bad prime minister in the future.” Yumuko si professor at
patuloy sa pagtipa sa kanyang laptop.
“Thank
you po talaga, ma’am-“
“Magpasalamat ka kay Jacob Santos. Dahil sa pagmamahal niya sa Humanities ay hindi ako nawawalan ng pag-asa sa inyong mga kabataan. Pinagkakatiwalaan ko siya sa kanyang kabaitan. Pasalamat ka mabait si Jacob at pinagtakpan ka pa niya sa kagaguhan mo. Kung hindi lang sa naniniwala ako sa mga mabubuting tao, at kung hindi dahil sa kabutihan ni Jacob, isusubject na kita for drop sa klase ko. Kaya umayos ka at magpasalamat ka sa kanya.”
“Magpasalamat ka kay Jacob Santos. Dahil sa pagmamahal niya sa Humanities ay hindi ako nawawalan ng pag-asa sa inyong mga kabataan. Pinagkakatiwalaan ko siya sa kanyang kabaitan. Pasalamat ka mabait si Jacob at pinagtakpan ka pa niya sa kagaguhan mo. Kung hindi lang sa naniniwala ako sa mga mabubuting tao, at kung hindi dahil sa kabutihan ni Jacob, isusubject na kita for drop sa klase ko. Kaya umayos ka at magpasalamat ka sa kanya.”
Nakayuko
lang ako at iniisip ang mga nangyari ilang oras ang nakalipas.
“Tumatambay pa kasi sa corridor,
tangina naman oh! Next time, ‘huwag kayo dito magdaldalan. Nakakaasar!”
Sinigawan ko ang paharang-harang sa daan habang pinagsikapan niyang tanggalin
ang pulang putik na natapon sa kanyang mukha. Inaantay ko siyang matanggal niya
ang mga dumikit sa kanyang mukha nang hindi ito nagsalita at tinignan pa ako.
“Oh, ano? Tutunganga ka lang
ba?!” Sigaw ko pa ulit sabay alok sa aking kamay para tulungan siyang makatayo.
“Hoy! Pasigaw-sigaw ka parang
siya pa may utang sa’yo?! Ikaw kaya ang nagtatatakbo. Kita mo ba ‘yung sign na
‘yun?!” Sigaw nang kasama niyang babae sabay turo sa isang sign sa pader.
“NO FUCKING RUNNING ALLOWED.
GAGO!” Tinulak ako ng babae at nilapitan niya ang kanyang kasama na mistulang
masakit pa ang pwet mula sa impact ng pagkakabangga.
Mistulang natamaan ako ng guilt
kaya tinanggal ko na ang aking kamay at nakayuko na lamang sa kanila.
“Ayos ka lang ba bes?” Tanong ng
babae sabay tanggal ng dumidikit na putik na natira sa mukha ng lalake.
“Okay lang. Sorry po. Itatali ko
lang sana ang sintas ko-“ Dahan-dahan tumayo ang lalake at halatang namamaga
ang kanyang mga palad sa pagkabagsak niya.
“Wala akong pakialam! Project ko
‘yun! Kailangan ko na maipasa ‘yun, Diyos ko naman!” Nagwalk out ako mula sa
kanila at naglakad pabalik sa Humanities workshop. Pinagtitinginan na ako ng
mga tao habang nadadaanan ko sila. Nang nabuksan ko na ang workshop, tinanggal
ko ang apron na suot ko at sumandal sa isang mesa.
Lagot ang pag-aaral ko kung hindi
ako makakapagsubmit ngayong araw.
“Mr.
Ferdinando, makakaalis ka na kung wala ka nang ibang concern pa.” Tumango si
Professor Bella, senyales na pinapalabas na niya ako sa kanyang opisina.
Nagising ako sa aking ulirat at dahan-dahan ako naglakad palabas ng office
niya.
At
least makakapagsubmit pa ako ng project. ‘Yun lang naman yata ang importante. Lumilipad
ang aking isip na tinahak ang daan palabas ng school patungong MRT Station. Tinanggal
ko mula sa pagkakatuck in ang aking polo shirt – uniform namin – dahil
naiinitan na ako.
Ako
si Nikolai Ferdinando, 18 years old. Sa narinig niyo mula kay Prof. Bella, anak
ako ng Punong Ministro ng Habisig. Ang ama ko ang pinakamakapangyarihang tao sa
buong mundo at dahil ako ang anak niya, kilala ako ng buong Habisig.
Inaasam
ko na makapasok sa Parliament Grounds kasi nga Punong Ministro ang aking ama.
Kahit hindi ko alam kung ito’y para sa akin ba, alam ko naeenjoy ko tingnan si
papa na nakakakuha ng respeto mula sa buong Habisig. Kahit saan siya magpunta
ay mahal na mahal siya ng mga tao. Ako rin. Gusto ko rin mahalin ako ng mga
tao.
Ang
mama ko ay isang theater actress, ang papa ko naman ay… well, sa nalaman niyo.
‘Yun siya. Nag-iisang anak lang ako at ang aking mga magulang ay busy sa
kani-kanilang trabaho. Kaya siguro gusto ko maging katulad ng papa ko dahil
dito ko nakukuha ang pagmamahal na nakikita ko, na hindi ko nakukuha ng buo
mula sa mga magulang ko.
Aaminin
ko, hindi ako galit sa mga magulang ko. Pero siguro nakakaasar lang na ganito
ang sistema na nalagay silang dalawa. Sana naassign na lang sila sa mga
trabahong regular ang oras ng pagtatrabaho para magkakaroon naman sila ng oras
para sa akin. Dahil dito, ginagamit ko na lang ang namana ko mula sa mama at
papa ko.
Totoo
nga rin naman ang mga chismis. Habulin ako. Gwapo ako. May minsan na naalok ako
ng acting role kaso hindi ko trip ang pag-arte. Sa tangkad kong 5’11, pati ang
Sports Department nililigawan akong gawing first choice ko raw ang sports para
may pambatong player naman sila sa sports.
Dahil
ang mga miyembro ng Parlyamento ay nakatira sa isang high-class na village.
Malaki ang bahay namin, pero palaging walang tao sa loob. Papasok na ako ng
village nang may humila sa akin patungo sa madilim na kapunuan at kaagad
dumilim ang aking paningin.
“Okay
na po ba siya, doctor?” Narinig ko ang boses ni mama na puno ng pag-aalala.
Binuka ko aking mga mata at naramdaman kong umiikot ang aking paningin. Mabigat
din ang aking pakiramdam, pati ulo ko parang pinako ng sandaang pako.
“Yes,
okay naman po siya. Mabuti naman at depressant lang ang pina-inhale sa kanya at
kaagad namang nawawala ang epekto nito sa katawan ng anak niyo. Pagpahingain
niyo na lang muna siguro ng dalawang araw bago siya tuluyang makakagalaw ng
labis. Papainuming niyo rin po ng tubig para magrelax ng konti ang muscles.
Pahinga na lang muna sa ngayon at kung sasakit pa ang ulo niya sa mga susunod
na araw, pakitawagan na lang po ako.” Narinig kong nag-click ang bag ng doctor
at tumayo na siya sa kanyang kinauupuan.
“Maraming
salamat po. Si mama at ang doktor ay sabay naglakad palabas ng front door.
Tuluyan ko nang nabuksan ang aking mga mata, kahit mabigat, at napalingon ako
sa paligid. Nasa bahay na pala ako at, you guessed it right, nawalan ako ng
malay-tao.
Bumangon
ako sa kama at inabot ang baso ng tubig na nasa side table. Nang ininom ko ito,
nagulat ako sa nakahiga sa kabilang sofa…
…’yung
lalaking nabunggo ko kanina.
“Uy,
gising ka na pala.” Kaagad siyang bumangon at inayos ang sarili. Nakayuko siya
sabay ayos sa kanyang nagulong maiksing buhok. Nang matapos na siyang ayusin
ang sarili, tinignan ko siya ng malalim, tinignan ko siya ng masama.
“Ikaw,
sinusundan mo ba ako?” Tanong ko sa kanya na bigla namang ikinaiba ng kanyang
ekspresyon.
“Uso
din mag thank you muna, alam mo ba ‘yun? I don’t know if that’s the best way to
thank someone who found you lying down the street.” Tumingin rin siya ng masama
pabalik sa akin. Aba, palaban!
“Alam
mo, ikaw, dalawang beses mo na ako bwinisit ngayong araw na’to eh. Una,
paharang-harang ka sa corridor, kaya natapon ang project ko. Ikalawa, nahimatay
ako-“ Natigilan ako sa pagsasalita nang nakita ko ang kanyang kamay ay may
bandage sa may wrist.
“…at-
di bale na. Thank you.” Lumingon ako sa kabilang side, iniiwasan na tingnan
siya at nahiga.
“Masakit
ba?” Tanong ko sa kanya habang hindi siya tinitignan.
“’Yung
alin?” Gulat na tanong ng lalake sa akin, na mukhang kasing edad ko lang. At
judging sa suot niya, nag-aaral siya at pareho kami ng paaralan pero hindi ko
siya nakikita palagi.
“’Yung
ego mo kasi dalawang beses mo akong nabwisit today. De joke, siyempre ‘yung
kanang kamay mo.” Sabi ko nang hindi pa rin nakatingin sa kanya.
“Oo.
Masakit lang kanina kasi heto ‘yung unang tumama nung bumagsak ako.
Pangpasteady lang daw saglit. Magpapacheck up sana ako kanina sa ospital doon
sa dulo. Kaso ayun, nung naglakad-lakad ako kanina nakita kitang nakahandusay
malapit sa village niyo kaya dahil hindi kami basta-basta nakakapasok dito kasi
nga mga Parlyamento lang ang nakatira, pinatawag ko na lang sa security ng
village niyo ang mama mo para mapakuha ka. Ano ba huling natatandaan mo bago ka
nahimatay? May sakit ka ba, ganon?” Nagulantang ako sa tuloy-tuloy na
pagtatanong ng lalakeng ‘to. Kaya bumangon ako ulit at hinarap siya.
“Bakit?
Ano ba mga nalalaman mo?”
“Wala
lang. Kasi kakaiba kasi kung mahimatay ka lang sa daan, maliban na lang kung
may nagdukot sa’yo, pero parang imposible naman kasi safe naman dito sa
Habisig. Pwera na lang kung may ayaw kang gusto sabihin-“
Tumayo ako sa sahig at hinarap siya. Nakayuko ako sa kanya sabay titig ng masama sa kanya.
“So pangatlo na’to? Sino ka ba at anu-ano bang alam mo?” Diin kong tanong sa kanya habang binubuo ang aking kamao sa harap ng mukha niya.
Tumayo ako sa sahig at hinarap siya. Nakayuko ako sa kanya sabay titig ng masama sa kanya.
“So pangatlo na’to? Sino ka ba at anu-ano bang alam mo?” Diin kong tanong sa kanya habang binubuo ang aking kamao sa harap ng mukha niya.
“Bakit?
Susuntukin mo ba ako? Tara!” Tumayo siya at tinulak ako sa aking kama. Palaban
din pala ang taong ‘to kumpara sa nakita ko kaninang hapon. Baka tumatapang
siya sa dilim?
Inayos
ko ang aking sarili at sumandal ng maayos sa kama. “May sasabihin ako sa’yo
pero kailangan sa atin lang dalawa.” Diretso kong sabat sabay silip kung
pabalik na ba ang mama ko.
“Pangalan
mo? “ Tanong ko sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang gulat sa pagtanong ko sa
kanyang pangalan.
“Jacob.”
“Okay,
Jacob. Makinig ka.” Lumipat ako ng upo sa tabi ni Jacob at inakbayan siya para
mas malapit akong makapag-bulong sa kanya. “Ganito. Pauwi ako ng bahay kanina
nang may humila sa akin at hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari.
Nagising na lang ako dito sa bahay.” Hinaplos ko ang aking kusot na pantalon sa
may tuhod habang umiiwas ng tingin kay Jacob.
“’Yun
na ‘yun?” Blangkong tanong ni Jacob sa akin. Umirap na lang ako dahil hindi
niya nagegets ang hinala ko. Sa bagay, ang sabi rin naman ni Prof. Bella ay
mabait si Jacob, hindi matalino.
“Pero
wait, wala naman daw nawala sa’yo sabi ng mama mo.” Tanong ni Jacob sabay layo
ng mukha niya sa akin.
Napaisip
ako sandali sabay tupi ng aking mga braso. Hindi ko na alam kung ano ang pakay
ng mga humila sa akin bago ako mahimatay.
“Alam
mo… sorry pangalan mo?” Panimula ni Jacob sabay labas ng kanyang point finger
tila ba alam na niya ang sagot.
“Nikolai.”
“Dalawang
bagay lang ‘to Nikolai.” Hinarap ako ni Jacob at tinignan ako sa mata. Lumakas
ang kabog ng dibdib ko at parang mawalan ako ng hininga.
“Either
may nakalaban ka, probably isa sa mga pinaasa mo kasi that’s how you fuckboys
roll, or may nagpapahiwatig ng mensahe sa’yo, parang warning. Either way, hindi
ko alam kung ano ang susunod mong gagawin. Kung ipapaalam mo ‘to sa papa mo,
siguradong iisipin ng Parlyamento na pag-atake ito ng mga Punyasenyales, na
magbabadya ng gulo kahit hindi natin tiyak na sila ba talaga ang may pakana sa
pagkahimatay mo. O baka itatago mo na
lang sa sarili mo para maimbestigahan mo para alam natin ang susunod na
gagawin.”
Walang
salita ang nakalabas sa mga labi ko. Ibang klase din pala si Jacob, nag-iisip.
Mali pala ako sa hinala ko na bobo si Jacob. Malalim kong pinag-isipan ang mga
posibleng explanation ukol dito. Pero mas tumutugma ang explanation ni Jacob…
baka nga may gustong magphiwatig ng mensahe sa akin – tinatakot lang ako, o
kami.
“Anak!
Good lord you’re doing fine!” Sigaw ni mama sabay tabi at yakap sa akin ng
mahigpit. Medyo nahiya ako sa ginawa ni mama lalo na’t may bisita kami. Hindi
ako gumalaw at tinignan ko si Jacob na mistulang natatawa sa hiya na
nararamdaman ko.
“You
have to get some rest, anak. In two days na ang Golden Exam mo.” Kumalas si
mama sa pagyakap sa akin at inaayos ang aking buhok samantalang nakatulala pa
rin ako kay Jacob.
“Ikaw
rin, Jacob, you have to head home kasi baka kailangan mo rin magprepare.
Nagpapatawag na ako ng kaibigan na pwede ka ihatid sa inyo. Maraming salamat
talaga, Jacob. Kung hindi dahil sa pagkakita mo kay gwapong-gwapo na si
Nikolalat baka hindi kaagad naaksyunan ang health niya.” Hinawakan ni mama ang
kamay ni Jacob at hinahalik-halikan ito. Natutuwa naman si Jacob sa kakulitan
ni mama pero halata ang hiya sa kanyang mukha dahil isang mataas na antas ng
respeto ang paghalik sa kamay, lalong lalo na kung kamag-anak ng Punong
Ministro o ng miyembro ng Parlyamento.
“No
need to do that ma’am. It’s my pleasure po to help out ang anak ng Punong
Ministro.” Ngumiti si Jacob at hindi ako makapagsalita. Mistulang natigilan ako
sa kanyang… ngiti?
“Pero
before you go, Jacob, kakain muna tayo. Paluto na rin ang food. Sunod na kayong
dalawa mga boys, okay?” Tumango si mama kay Jacob at diretsong naglakad
patungong dining room.
Tahimik
muna nang ilang sandali bago pa man may isa sa amin ang nagsalita.
“Baka
siguro mauna na lang ako Nikolai. Baka makaistorbo pa ako eh-“
“Hindi!” Diretso kong sabat. “I-I mean, magagalit si mama kung aalis ka. Kain na lang muna tayo at ipapahatid ka na lang namin.” Hindi ako mapakali at halatang kinakabahan ako. Tumayo na lang ako at sumunod patungong dining room.
“Hindi!” Diretso kong sabat. “I-I mean, magagalit si mama kung aalis ka. Kain na lang muna tayo at ipapahatid ka na lang namin.” Hindi ako mapakali at halatang kinakabahan ako. Tumayo na lang ako at sumunod patungong dining room.
Itutuloy...
UNTIL MY LAST BULLET.
No comments:
Post a Comment