Followers

Wednesday, January 11, 2017

Until My Last Bullet [Chapter 3]



Disclaimer: Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.

E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook fan pagehttps://www.facebook.com/CookieCuttersCut/ (Cookie Cutter's Cut)

---

CHAPTER 3

“Jacob, gising na. Golden Exam niyo na ngayon.” Nakita ko si Uncle Billy na nililigpit ang mga nagkalat kong damit sa loob ng aking kwarto. Bumangon ako at inabot ang magkabilang dulo ng kumot para tupiin ito. Hinampas ko rin ang aking unan para hindi ito magkaalikabok. Nilapag ko ang kumot sa taas ng unan sabay banat sa bedsheet para hindi ito makusot.

“Maligo ka na roon at kailangan mong makalakad kaagad dahil nakadaan na ang bus kaninang mga alas-sais pa.” Nilagay ni Uncle Billy aking mga damit sa loob ng laundry basket ko at dinampot ito palabas ng kwarto para mapalabhan kaagad.

Si Uncle Billy ay ang nag-aalaga sa akin simula noong bata pa ako. Ayon sa kwento ni Uncle Billy, namatay ang mama ko nung ipinanganak niya ako at ang papa ko naman ay kinitil ng mga Punyasenyales nung nasa labas siya ng Pader para bantayan ito. Si papa raw kasi noon ay isang sundalo samantalang si mama naman ay nagtatrabaho bilang sekretarya sa Parlyamento. Si Uncle Billy ay kapatid ni mama, at nung ako ay ipinanganak, si Uncle Billy ang nagsilbing nanay at tatay ko sa pang-araw-araw.

“Jacob, bilisan mo at papasok pa ako sa trabaho! Marami kaming gagawin sa farm ngayon kaya bilis-bilisan mo naman!” Sumigaw si Uncle Billy mula sa baba.

Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin at nakikita ko ang sariling mukha ko – hindi ng mama ko at hindi ng papa ko. Kahit anong pilit ko pang punuin ng litrato ang aking malaking salamin ng mga litrato nila mama at papa, hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit hindi kami magkahawig.

O baka siguro ako lang ang nag-iisip ng ganito dahil kahit kailan hindi ko sila nakita sa personal. Baka dala lang ito ng pangungulila.

“JACOB!” Sumigaw si Uncle Billy nang isang beses bago ako natanggal sa pag-iisip ko.

“Andiyan na po, uncle!” Tinanggal ko ang aking underwear (dahil natutulog akong naka-underwear lang) at kumuha ng bagong laba na underwear. Binuksan ko ang aking closet para abutin ang naka-hanger na simpleng orange na polo-shirt at navy blue na maong slacks. Ito ang uniform para sa mga lalake sa aming paaralan – pero may freedom naman kami pumili ng kahit anong klase ng damit. May iba pumili ng cotton shirt, polo, shorts, at may ibang lalake na pinili ang damit babae, at bagay naman sa kanila dahil walang diskriminasyon sa loob ng Habisig.

Nang matapos ko nang suutin ang aking polo-shirt at slacks, napansin ko na wala na akong medyas. Naglakad ako papasok sa kwarto ni uncle, dala ang aking sapatos, para maghanap ng medyas. Hindi kagaya nila Nikolai, simpleng konkreto lang ang bahay namin. Hindi naman pangit, pero definitely hindi kasingganda kina Nikolai. Hindi rin kalakihan ang bahay namin na may matitingkad na palamuti at magandang disensyo ng pintura kagaya kina Nikolai, pero hindi naman kami nagrereklamo ni Uncle Billy kasi kaming dalawa lang naman ang nakatira sa bahay. Kung tutuusin, masyadong malaki ang aming bahay para sa aming dalawa, at pare-pareho ng bahay ang bigay ng Parlyamento para sa mga pamilyang dalawa lang ang laman. Ganun din sa mga tatluhan, pare-pareho ang bahay nila, sa mga apatan, limahan, so on, and so forth.

“Jacob! Lalamig na ang almusal mo, bilisan mo na!” Sigaw ulit ni Uncle Billy. Binuksan ko ang closet ni Uncle Billy nang may nahulog na sumbrero na may kakaibang kulay. Kulay camouflage ito – kadalasang disensyo sa mga damit ng mga Punyasenyales. Camouflage ang suot nila dahil mahirap makita ang camouflage sa dilim at sa masusulasok na lugar, para hindi sila makita sa kanilang pag-atake. Ang kulay naman ng uniform ng mga sundalo ay navy blue.

Sa loob ng sumbrero ay dalawang insignia, yung maliliit na token na nilalagay sa shoulder pack ng mga mandirigma. Kinabahan ako… bakit may ganito si Uncle Billy?

“Jacob! Kanina pa kita tinatawag-“ Pumasok si Uncle sa kanyang kwarto. Nakita niya akong hawak-hawak ang sumbrero at mga insignia. Tinignan ko ang kanyang mukha at kaagad niya itong hinablot mula sa aking pagkakahawak.

“Akin na ‘yan! Sa susunod ‘wag kang pumapasok nang walang pahintulot!” Nilagay ni Uncle Billy ang sumbrero at ang mga insignia sa isang maliit na karton na box at inipit ito sa pagitan ng kanyang katawan at ng kanyang braso.

“Bakit ka ba nandito? Ano ba ang hinahanap mo?” Tanong ni Uncle Billy sa akin. Naririnig ko na may halong inis ang kanyang tono habang inaayos ang kanyang puting damit at kulay orange na jumper.

“Hinahanap ko po kasi yung medyas ninyo kasi-“

“Sa susunod, ‘wag na ‘wag kang papasok nang walang pahintulot! Naiintindihan mo ba?!” Tinulak ako nang pagkalakas-lakas ni Uncle Billy na natapon ako sa sahig. Natamaan ko na naman ang aking wrist sa sahig, nagdulot ito ng sobrang sakit. Ngunit hindi ko na naramdaman ang kirot dahil hindi mapapanatag ang loob ko sa sumbrero na natapon, na sinusuot lamang ng mga Punyasenyales.
“Opo, ministro!” Sabay kaming sumagot lahat.

“Ngayon, alam niyo naman siguro na wala kayong kailangan paghandaan, kailangan lang namin na maging alisto at totoo kayo sa inyong personality. Kahit pepekein niyo pa ang inyong mga ugali, malalaman at malalaman pa rin namin kung ano talaga ang inyong dominant personality, kaso sa pagpepeke ninyo, malalaman namin kung sino ang hindi tapat sa Habisig. Tungkulin ng bawat graduating student ang maging tapat sa exam, dahil ang tapat sa sarili ay ang kakailanganin para sa tapat ng bayan. Imposible na wala kayong mapaglagyan dahil malalagay at malalagay namin kayo sa tiyak na posisyun ninyo. Kung sakali hindi ninyo matatapos ang training sa inyong training grounds, sasailalim kayo ulit sa panibagong exam para sa mga bumagsak sa inyong training. Ang mga makakapasa sa Revival Exam na ito ay automatic na ilalagay sa mga trabaho dito sa Habisig. Ang mga babagsak naman sa Revival Exam…” Tumigil sa pagsasalita si Ministro Juvello, nagbuntong hininga, bago pa man magsalita ulit.
Lumalakas ang bulung-bulungon sa loob ng gymnasium.

HONKKKKKKKK!
“In ten minutes magsisimula na tayo. Please settle down at upo na sa inyong respective chairs.” Mabilis na umupo ang mga estudyante. Samantalang ako, nababaliw kakahanap sa upuan ko.
“Bakit kasi hindi pa naka-alphabetic order!” Reklamo ko sa sarili ko nang mapinsin ko na aking pangalan na nakaprint sa isang cardboard na nakalagay sa isang red royal seat.
“Genetically-transferred? Eh matagal nang patay ang mama ko nung ipinanganak niya ako. Sekretarya siya ng Parlyamento pero sa Arts and Culture siya naka-designate! Ang papa ko ay sundalo, at patay na rin si papa! Imposibleng pagbintangan mo akong traydor sa bayan!”
“Hindi! Wala. Ako ang pupunta. uncle, puta, okay ka na rito! Buong buhay mo inaalay mo sa Habisig para sa pagsasaka pati ba naman military kukunin nila mula sa’yo? ‘Wag na. Ako na. Sigurado ako kung nasa military din ako wala nang problema ang Parlyamento. Wala na rin akong problema.”
“Wala! Makinig ka sa akin Jacob!” Mabilis na tumaas ang boses ni uncle sabay lingon sa akin.


“O-Opo. Pasensiya na po.” Bago pa ako nakayuko dahil sa hiya ay malalim ang tingin ni Uncle Billy sa akin, puno ng galit. Habang dahan-dahan ko inangat ang aking sarili para makatayo, hindi ko namalayan na pumatak na pala ang aking luha.

Nakita ito ni Uncle Billy at mabilis niya akong inakay sa kanyang mga braso. “Pasensiya ka na, Jacob.” Niyakap ako ni Uncle at nararamdaman kong dumadampi ang kanyang mga luha sa aking balikat. “Kailangan mo nang makapag-take ng Golden Exam. Ayaw ko mapunta ka sa Military Department. Masyadong mapanganib.” Kumalas si Uncle Billy at mabilis na tumalikod. Tinumbok niya ang pintuan ng kwarto at patakbong naglakad pababa ng hagdan.

Nalulungkot ako dahil ito ang unang beses na pinagbuhatan ako ng kamay ni Uncle Billy sa tagal niyang pagbabantay sa akin. Kahit ako na sa tanang buhay ko ay siya ang nag-alaga hindi ko minsan naisip na kaya pala akong pagbuhatan ng kamay ni uncle dahil sa kanyang kabaitan at pagkamaalagain. Minsan nagtataas siya ng boses dahil matigas din naman ang ulo ko eh. Pero hindi pa kami umabot sa ganitong sitwasyon.

Naiwanan akong nakatayo sa loob ng silid ni uncle. “Ang mga medyas ko ay nasa ilalim na bahagi ng closet!” Sigaw ni uncle na nagpagising sa aking ulirat. Kaagad kong binuksan ang closet at kumuha ng isang pares ng may kalumaan na medyas na kulay gray.


“Magandang umaga sa inyong lahat! Malugod kong binabati kayo rito sa taun-taong Golden Exam na pinapapamahala ng Parlyamento.” Pagbati ng Ministrong Pang-edukasyon. Nasa loob kami ng malaking silid, parang isang malaking gym pero kalahating –bilugan ang hugis nito. Parang letter C. Paangat ng isang baitang, na nasa sampung pulgada ang taas, ng bawat row hanggang sa pinakadulo. Katabi ko si Jenny na tahimik na tahimik at tila kinakabahan. Nilingon ko siya, hawak-hawak niya ang kanyang magkabilang palad at walang humpay niyang pinupunasan ang kanyang mga kamay sa kanyang kulay pink na dress.

“Jenny, focus ka nga!” Bulong ko kay Jenny na kaagad namang ikinatigil ng kanyang paggalaw.

“Ang Golden Exam ay pinamamahala upang malaman kung saan kayo pinakamainam ilagay sa mga teritoryong pagsasanay. Sa teritoryong pagsasanay, tinuturuan kayo sa posibleng trabaho na bumubuo sa success at development ng ating Mahal na Habisig. Sinusuri ng exam ang inyong dominant personality ayon sa personality set na kakailanganin ng bawat training ground. Kaya wala kayong dapat ikatakot dahil ang kailangan lang namin ay ang inyong cooperation sa pagpapalabas ng tunay ninyong ugali para sa kinabukasan ng Habisig. Maliwanag?” Malakas at matikas na tanong ni Ministro Edison Juvello.

“Opo, ministro!” Sagot naming lahat.

“Kadalasan, nasa dalawampung libo ang pinapakuha ng exam. Nilalagay sa testing facility na dito lamang makikita sa Central District. Ngunit ngayong taon, Dumoble ang bilang ng mga mag-aaral – nasa 40,000 kayong lahat ngayong araw na ito na nagmumula sa iba’t-ibang bahagi ng Habisig. Dahil sa dami ninyo, napagdesisyunan ng Parlyamento, sa pamamahala ng Education Committee, triple ang testing facilities na nandito sa Central District University para sa mas mabilis at mas efficient na Golden Exam.”

“Lahat ng may puso para sa pagtatanim ay malalagay sa Agriculture Department, ang mga magagaling sa finance ay malalagay sa Finance and Budgetary Department, ang mga matatapang ay napupunta sa Military Department, ang mga may puso para sa sining sa Arts and Culture Department, sa musika sa Music Department, sa pagtuturo ay sa Education and Transfer Department, sa agham ay sa Research Department, so on and so forth. Maaaring magdagdag ang Parlyamento ng mga training grounds kung sakaling kakailanganin ito ng mga estudyante, lalong-lalo na’t nagbabago ang ugali ng mga kabataan taun-taon. Hindi namin kayo pipigilan sa inyong gusto, sa halip ay palalaguin pa namin ang inyong interes.”

“At dahil lumobo nga ang ating bilang ngayong taon, lolobo rin ba ang bilang ng mga makakapasok sa bawat training grounds? Siyempre, maliban sa isa… ang Parliament Grounds.” Humugot ako ng malalim na hininga dahil kahit alam ko sa sarili ko na mapupunta ako sa Military Department, sinisigaw naman ng aking puso na sa Parliament Grounds dapat ako mapasok.

“Mananatiling sampu pa rin ang makakapasok sa Parliament Grounds. Mula sa 0.0005% passing rate para sa training ground na ito, kung pagbabasihan ang dami ninyo ngayong araw na’to ay nasa 0.00025% na lang ang posibilidad na makapasok ang bawat isa sa inyo. Ibig sabihin, sa bawat apat na libo na kukuha ng Golden Exam mamaya, isa lang ang pwedeng makapasok sa Parliament Grounds.”

“Pero after all, hindi ito isang exam lamang. Dito magdedepende ang seguridad at kinabukasan ng Habisig. Naniniwala kami sa Parlyamento na more than enough ang naibigay ng Habisig para mahulma kayo regardless sa mga kakulangan, dahil dito sa Habisig walang nagkukulang at alam ninyo na hindi nagkulang ang Parlyamento sa pagbigay ng lahat ng kakailanganin ninyo. Kayo ay mga graduating students mula sa iba’t-ibang paaralan na nasa iba’t-ibang bahagi ng Habisig, pagkapasok ninyo sa mga training grounds ay hindi na kayo estudyante, kayo ay bahagi na ng paglago ng Habisig. Maliwanag?”

“Ngayon, para sa logistics ng ating exam. Ang gymnasium na ito ay sobrang laki na ang mahigit 7000+ students ng Central District University ay hindi mangangalahati sa kayang i-house nito. Masaya ang Parlyamento na makakaasa ang buong Habisig sa apat na pung libo sa inyo sa hinaharap. Pagkatapos ng inyong training ay expected na pwede na kayong isalang sa field training. At kung matapos ninyo ang inyong field training, maaassign na kayo ng kanya-kanya ninyong trabaho.”
“Bawat building ay may 50 testing facilities na may 5 proctors bawat facility na binubuo ng mga teachers, sundalo, secretaries, managers, at iba pa. Inaasahan ng Parlyamento na bawat district ay binubuo ng 800 – 1000 ka tao. Ibig sabihin, sa isang libong students bawat district, 50 ang masasalang sa isang testing facilities. Ang university na ito ay nasa mahigit 100 ang dami ng buildings, kaya kung makikita ninyo mistulang isang munting siyudad na ang university na ito na more or less kasinglaki rin ng mga paaralan na nasa ibang districts. Nagtalaga ang Parlyamento ng 51 buildings para sa 51 districts, na naglalaman ng 50 testing facilities, na may 40-50 students bawat testing facility – so hindi natin inaasahan ang aberya sa pagcoconduct ng exam na ito.”

“…ay itatapon sa labas ng Pader. Kaya sana naman pagkatapos ninyong mapasok sa inyong Department para sa inyong training ay pag-igihan itong mabuti. Nalulungkot din ang Parlyamento sa bawat tao na pwedeng ipatapon sa labas ng Pader. Pero wala naman kayong dapat ipangamba dahil sa history ng exam at training, walang bumabagsak. Ang huling bumagsak sa training ay mahigit 30 years ago na ang nakalipas, at ang huling beses na may napatapon ang Parlyamento sa labas ng Pader dahil sa pagbagsak sa training.”

“Bago pa man natin simulan ang paglipat sa inyo sa kanya-kanyang testing facilities, may ibabalita muna ako sa inyo… hindi written exam ang Golden Exam ngayong taon. Dahil sa advancement ng ating Research Department, magiging virtual ang ating exam. Simple lang ang inyong gagawin – paano ninyo lulutasin ang problema?”

“Siguro ‘yun muna mula sa Ministrong Pang-edukasyon. Nasa hologram screen ang inyong building assignments at ang susunod na magbibigay ng instructions ay ang inyong Education District Head sa inyong respective districts at sila na rin ang maglalabas ng testing facility assignments.”

Lumalakas ang kabog ng aking dibdib habang isa-isang naglalabasan ang building assignment bawat district. Pagkatapos ng isang district na matawag ay kaagad na pinapapalabas sila ng building para ma-guide sila kung saan ang kanilang building assignment


GOLDEN EXAM:

Central District – Monteverde Building


“Sa Monteverde lang pala. Ang lapit.” Sabi ko kay Jenny na kanina pa tulala tila bangkay na naglalakad habang sumasabay kami sa daloy ng tao palabas ng gym.

“Bes. Hindi ko alam kung saan ako mapupunta at hindi ko alam kung saan ka mapupunta. Pero nais ko lang sabihin na kaya natin ‘to. At sana pareho tayo ng training ground.”

“Ssssh!” Medyo nadidistract na ako sa pagiging tarantada ni Jenny. “Hindi ako makapagfocus Jenny. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Virtual Reality ang exam. Nakadata na lahat ng pag-uugali natin. Alam mo gusto ko makapasok sa Parliament Grounds, pero parang malabo. Kasi hindi ako naging strategic sa buong buhay ko. Wala akong major project patungkol sa strategy at politics, palagi nga akong tulog sa class ni Sir Martin! Kung akala mo lagot ka na, mas lagot ako!”

Palapit na kami sa Monteverde Buiding at nakita namin na may mga upuan nang nakahanay sa labas ng bawat testing facility. Nasa loob ng isang classroom pala namin ang isang testing facility.

Nagpabusina ang isang matandang babae na mukhang may otoridad. Matikas ito maglakad at diretso sa command.

“Central District University! Eyes here. Bago pa man kayo maupo sa mga upuan ninyo kung saan nakalagay ang inyong mga pangalan, paalala lang na ang exam ay aabot ng maximum na ten minutes. Pagkatapos nito, titigil na ang program bago pa man kayo mababaliw sa inyong mga nararamdaman. Iba’t-ibang sitwasyon ang inyong mahaharap sa ilang sandali. Kukunin ng program ang inyong buong pag-uugali at ibabato sa inyo ang isang sitwasyon na ayaw ninyong maencounter sa hinaharap. Huhukayin ng program ang inyong subconscious at ito ang gagamitin para sa exam. Kumbaga, hindi kami ang nagpapa-exam sa inyo… Pinag-eexam ninyo ang sarili ninyo. Tip ko sa inyo: kalma.”

“Dito na lang ako bes. Ingat!” Binitawan ni Jenny ang aking kamay samantalang nasa mahigit 100 na lang kaming nakatayo kakahanap sa upuan namin.

“Para matuto ka maghanap. Problema kasi ng mga estudyante ngayon gusto lahat spoonfeed.” Sabat ng isang lalake sa tabi ko nang maupo ako. Nilingon ko siya at napansin ko ang isang pamilyar na profile.

“Sorry nama, Nikolai ha. Hindi ko naman sinasabing dalhin ang upuan sa akin. Sabi ko lang naman at least naka-alphabetic order. Wala namang masama doon.”

“Tamad na maghanap, nagpapalusot pa. Akala mo ba makakapasok ka ng Parliament Grounds sa ganyang ugali?” Tinaas ni Nikolai ang kanyang kaliwang kilay at ngumisi.

“Okay lang. Wala naman akong pakialam dun. Baka mas mainam na gawin mo muna yung project mo na hindi mo magawa-gawa.” Sagot ko kay Nikolai na mistulang kinagulat niya. Hindi niya siguro aakalain na magiging fierce na ang mga sagot ko sa kanya… especially dahil isa siya sa mga crush ko.

Hindi na sumagot si Nikolai. Tinignan ko siya at kagaya ni Jenny, na nasa malayo at nagdarasal na makaraos sa Golden Exam, tahimik na na rin si Nikolai at halatang kinakalkula ang kanyang gagawin sa Golden Exam. Hindi ko maipaliwanang ang tensyon na nagaganap, ang mga tao ay hindi mapakali sa Golden Exam. May mga nagbabasa ng notes nila sa klase, kahit alam nila na hindi na uubra ang mga notes sa exam na ito. May mga tahimik na lamang, kagaya nina Nikolai at Jenny. At may mga halatang kalmado sa exam, kagaya ko.

Matapos ang ilang minutong nagdaan, at nakaupo na ang lahat, lumabas ang proctor sa testing facility namin na magarbo ang kasuotan. Babae siya na may mahaba at straight na buhok, nakasuot ng gown na backless, at hanggang tuhod ang kanyang kulas gold na gown. Dala-dala niya ang isang makapal na folder at matalas na ballpen, sabay ayos ng kanyang eyeglasses. Medyo strikta ang kanyang mukha at halatang mahirap siyang pakisamahan.

“Magsisimula na tayo sa ating Golden Exam. Isa-isa namin kayong tatawagin at isa-isa kayong kukuha sa exam. Sisimulan natin kay… hmm… uhh Yacob? Jacob Santos?” Nagulat ako at parang bumalik ang tensyon sa aking katawan matapos ang ilang minuto kong pagkakakalma sa sarili. Tumayo ako at tinapik ako ni Nikolai. Tinanguan niya ako at gumanti rin ako ng tango bago ako nagsimulang maglakad papasok sa testing facility.

Nang nasarado na ang pintuan, nagulat ako sa aking nakita. Nakabalot sa transparent na plastik ang buong room at masyadong maliwanag ang ilaw na umaandar. Hindi ko nga makita ang mga adminsters para sa exam dahil sa sobrang silaw. Tinapik ako ng babae sa balikat para sundan siya hanggang sa isang reclining chair na para bang yung mga inuupuan ko kung magpapagupit ako ng buhok.

Tinanguan niya ang apat pang nasa loob ng silid. Kinuha ng apat ang nakabitay na headphones sa kanilang leeg at sinuot ito, sabay suot ng kani-kanilang safety goggles.

“Ako lamang ang pwedeng makapagmonitor sa’yo at ang apat na nandito ngayon ay para lamang sa safety precautions. Confidential ang exam at ako lang ang makakaalam sa results ng exam mo. Para sa confidentiality purposes, may silencer headphones at black goggles ang mga kasama ko sa buong araw para hindi nila makita at marinig ang mga nangyayari sa virtual exam mo. Sa kaliwa mo ay isang maliit na screen kung saan makikita ko ang iyong exam. Hindi ako mag-dedecide kung saang training ground ka mapupunta kundi ang program. Heto na ang iyong ocular goggles kung saan magpoproject sa perception mo ang iyong exam. Lahat ng elements, ang mga bagay-bagay, na lalabas sa virtual reality exam mo ay hulma ng program mula sa iyong subconscious. Tuturukan muna kita ng calming agent sa iyong katawan upang mamanhid ang iyong buong katawan sa duration ng exam. Pagkatapos ng exam mo, magsesend ng signal ang program para madilute ang calming agent sa iyong katawan para bumalik ang iyong senses.” Kumuha ng syringe ang babae at dahan-dahan itong tinurok sa aking leeg samantalang busy ako sa pag-ayos ng malaking goggles sa aking mukha.

“Kung may hindi inaasahan na mangyayari, kami ang bahala sa’yo. Good luck.” Nagfefade ang boses ng babae habang dahan-dahan umiilaw ang goggles sa aking mga mata. Palakas ng palakas ang silaw ng liwanag sa aking mga mata na hindi ko kayang pumikit dahil sa calming agent na mabilis umepekto sa aking katawan. Hindi rin ako makasigaw sa sakit na dulot ng liwanag.


“Punong ministro, nakuha na po ng mga Punyasenyales ang timog na bahagi ng Habisig. Sa kasalukuyan, sampung distrito na po ang nasa kanilang pamumuno samantalang palakas ng palakas ang kanilang forces sa dakong silangan at sa hilaga. Hindi pa po ba tayo magpapalakas ng opensiba?” Tanong ni Nikolai na nakasuot ng military uniform. Nagkabalbas na si Nikolai. Pati ang kanyang katawan ay lumaki na rin. Naiimagine ko ang kanyang hubog ng katawan habang hindi ko na marinig ang kanyang sunod na sinasabi dahil sa atensyon ko sa kanyang kagwapuhan.

“Punong ministro! Kailangan na po natin ng aksyon. Ano na po ang susunod nating gagawin?” Pagtapik ni Nikolai sa akin. Nilibot ng aking mga mata ang kalakhan ng silid at nasa loob pala kami ng Parliamentarian Auditorium. Naka-upo ang mahigit 50 ka tao na sa palagay ko ay binubuo ng mga Parliamentarian, ng kanilang secretariat, at ng kani-kanilang staff.

“Kung ako po’y pahihintulutan na makapagsalita, punong ministro, kailangan na nating magpadala ng daan-daang tangke sa hilaga, silangan, at sa timog. Kailangan na nating pangunahan ang mga sumusunod na opensiba ng mga Punyasenyales bago sila makaabot dito sa Central District.” Nagtaas ng kamay ang isang parliamentarian na nasa sulok ng auditorium nakaupo.

Magsasalita na sana ako nang palakas ng palakas ang tinig ng iba pang mga parliamentarian na sabay-sabay nagsasalita. Sumasakit na ang ulo ko sa lakas ng kanilang mga boses. Ang gulo.

“Order!” Sabay hampas ko sa wooden gavel, isang korteng martilyo, na ginagamit ng mga meeting presiders. Kaagad na tumingin sa akin ang mga parliamentarians at tumahimik.

“Alalahanin natin na hindi lang ang opensiba ang concern natin sa pagsalakay ng mga Punyasenyales. Base sa report na nasa harap ko ngayon, lumiliit na rin ang rasyon ng pagkain para sa mga Habis. Pati ang supply ng tubig ay nilalason ng mga Punyasenyales, lalong-lalo na ang tubig ng mga sundalo, para paliit ng paliit ang ating pwersa. Naapektuhan na rin ang edukasyon ng mga estudyante dahil sa gulong ito.”

“Heto ang susunod na hakbang natin, Ministrong Pangseguridad, siguraduhin po ninyo na makalikom kayo ng sapat na pagkain at tubig mula sa Committee on Agriculture and Waterworks. Kakailanganin ng ating mga magigiting na mga sundalo ang extrang rasyon ng pagkain at tubig. Siguraduhin po ninyo na ang pagkain ng ating mga pwersa ay madaling makakain, kaya pinakamainam na makipagtulungan kayo sa Ministrong Pang-agrikultura, sa Ministrong Pangkalusugan, at Ministrong Pagawaan para makapag-manifacture tayo ng mga pagkain na hindi na kailangan ng mabubusing paghahanda kung kakainin na ng ating mga sundalo. Ministrong Pang-agrikultura, ilunsad po natin ang ating mobile farm kung saan nakakapag-gawa tayo ng agricultural crops sa loob ng isang araw. Dapat sa bawat distrito ay may 500 mobile farms, kung saan bawat isang mobile farm ay nakakapagpatubo ng 1000 crops. Sa loob ng isang araw, 500,000 crops ang pwede nating iparasyon para sa bawat distrito. Sa frames ng mobile farm, ilabas na rin ang reactive agent kung saan hindi ito pwedeng mahahawakan ng mga Punyasenyales. Ibig sabihin, kung tatangkain nilang nakawin ang mobile farms, lalasunin sila ng reactive agent na kanilang mahahawakan at mamamatay. Kailangan mag-mass produce ng antidote para sa mobile farm holders para hindi maapektuhan sa reactive agent. Lalasunin din ng mga Punyasenyales ang ating mga agricultural lands kagaya ng ginawa nila sa timog-kanluran. Magpatupad kayo ng malawakang pagpatay ng lupain gamit ang time-ticking agent. I-set ninyo sa 1 month ang time-ticking agent sa lahat ng lupain sa Habisig para hindi ito mapakinabangan ng mga Punyasenyales, para magugutom sila. Pagkatapos ng one month, mawawala ang bisa ng time-ticking agent at madedecompose ito sa mga lupain, babalik sa normal ang ating mga lupain. Mag-stack na rin kayo ng supply para sa time-ticking agent equivalent sa isang taon, kung sakaling aabot pa ng ganito katagal ang digmaan. Ministrong Pangkaligtasan, siguraduhin po natin na active ang ating response team sa pag-evacuate ng mga nakukulong sa digmaan sa timog. Kailangan hindi na lumaki ang casualty dulot ng digmaang ito. Ministrong Pang-agham, tuntunin natin ang kuta ng mga Punyasenyales at paulanan sila ng biological weapon. Magpadala tayo sa kanila ng letter na may lamang crawling moss na mabilis kumakalat sa loob ng katawan ng tao sa sandaling nahahawakan nila ito. Ministrong Pangseguridad, palakasin din natin ang ating depensiba at barrier sa timog, silangan, at hilaga. Ministrong Pangdiplomasya, kayo na po ang bahala sa pakikipag-usap sa mga Punyasenyales para sa ceasefire. Pumapayag naman sila basta may mga civilian na nadadamay. Hayaan ninyong makapagtransport si Ministrong Pangkaligtasan ng mga civilian papasok sa Central District, si Ministrong Pang-agham na makapag padala sa mga Punyasenyales ng biological weapon. Gamit ang pre-fabricated steel, magtanim tayo ng pangalawang Pader na may force field sa labas ng Pader natin, Ministrong Pang-imprastratukra. Para hindi makapasok ang mga Punyasenyales na papasok at hindi makakalabas ang mga Punyasenyales na nasa loob ng Pader. Ang ating opensiba laban sa kanila ay dapat palabas mula sa Central District hanggang sa ikalawang Pader habang sinisiguro natin ang kaligtasan ng mga civilian na nasa gitna papalabas. Maliwanag?” Dire-diretso kong salita na kaagad namang kinasang-ayunan ng Parlyamento.

“Wala na bang mga tanong? Kakailanganin nating magdouble-time ngayon din. One month ang ating aksyon para dito. Magcoconvene tayo from time to time so please be safe. Kung inaatake na ang inyong kanya-kanyang distrito, mauna na kayong magtago sa bunker natin na nasa ilalim ng Habisig. Itago ninyo muna ang mga civilian, ang mga supply, bago kayo pumasok. Magpaala-ala kayo sa akin kung nasa loob na kayo para hindi tayo mahihirapan maghanap. Wala ng ibang tanong?” Tanong ko sa Parlyamento.

“Going once, going twice. Meeting adjourned.” Sabay hampas ko sa gavel at mabilis na nagsilakaran ang mga parliamentarian. Sabay kaming naglakad ni Nikolai palabas ng convening area. Sa labas ng auditorium ay isang malawak na lupain. Ang langit ay kulay pula, ang paligid ay mausok, at ang mga gusali mula sa malayo na nasa timog ay isa-isang nagsibagsakan.

“Nakuha mo ba ang aking mga sinabi kanina, Nikolai?” Tanong ko kay Nikolai na sa tingin ko ay ang Ministrong Pangseguridad.

“Opo. Ipapagalaw ko na po ang mga papeles pagdating ko sa opisina habang magpeprepare na rin kami sa mga kakailanganin naming armament.” Hindi ko na nakuha ang mga pinagsasabi ni Nikolai nang napansin kong may kulay pula na maliit na bilog na gumagalaw sa kanyang may dibdib banda, parang isang laser.

Nagising ako sa aking pagkatulala sa pulang bilog nang naisip ko baka sniper ito. Kaagad kong tinulak si Nikolai sa pagilid nang natapon siya sa sahig.

SHOOT!

“Jacob! Anong kagaguhan-“ Sumigaw si Nikolai nang mapansin niyang nakahiga ako sa maalikabok na lupa.

“May sniper… dito… sa’yo…” Turo ko sa kanyang kaliwang dibdib.

Dumidilim ang aking paningin at nagfefade ang mga boses ng mga tao. Nararamdaman ko na kumikirot ang aking dibdib. Nang nilingon ko ito, puno na ng dugo ang bahaging mahapdi. Naririnig ko ang boses ni Nikolai na humihingi ng tulong habang nararamdaman ko na inaakay ako ng ibang ministro papasok sa isang van. Pumasok na si Nikolai at ang iilan sa mga ministro. Hinahawakan ni Nikolai ang aking kamay sabay haplos at iyak nito.

“Jacob… please naman. Putangina, kumapit ka naman please. Di ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka…” Umiiyak si Nikolai. Lumipat siya ng posisyon para mayakap niya ako.

“Jacob….”

“Jaco-“

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa reclining chair habang dahan-dahan ko tinatanggal ang goggles sa aking mukha. Tinanggal ko rin ang sensors na nasa white stickers na nakadikit sa iba’t-ibang bahagi ng aking katawan. Hinahabol ko aking hininga sabay tingin sa nag-administer ng exam.

Gulat na gulat ang kanyang mukha at tila hindi mapakali katatype sa kanyang laptop. Kinakagat niya ang kanyang labi tila ba inis na inis sa kanyang nakita. Hindi muna ako nagsalita habang pinapanood siyang magpanic.

“Paano mo nalaman ang tungkol sa allergic reactive agent? Sa time-ticking agent? Sa pre-fabricated facilities? Sa bunker? Paano mo nalaman ito lahat?!” Sigaw ng babae habang malakas ang kanyang pagtitipa sa kanyang laptop na naka-connect sa malaking machine katabi ko.

Nagulat ako sa kanyang tanong. Kahit ako hindi ko alam kung bakit ko alam ang mga pinagsasasabi ko sa exam.

“Sagot!” Sumigaw si administer ng exam habang kinukwelyuhan niya ako.

“Hindi ko alam!” Tinulak ko ang babae at mabilis siyang nakarecover para makapagtipa ulit sa kanyang laptop.

“Nagtatrabaho ako bilang Head Secretary ng Punong Ministro kaya alam ko ang mga bagay bagay na pinagsasabi mo kanina. Confidential ang mga ito at hindi namin nilalabas ang mga impormasyon ukol dito. Kahit mga pamilya namin hindi alam ang mga pinagsasabi mo kanina! Hindi namin sila sinasabihan! May kamag-anak ka bang nagtatrabaho sa Parlyamento?!” Tanong ni ate sabay laglag ng kanyang glasses sa mesa na kaagad niya namang sinuot sa kanyang mata.

“Wala. Ang uncle ko ay sa sakahan nagtatrabaho.”

“Dalawang bagay lang ito, either may nakapagsabi sa’yo tungkol sa mga ganitong bagay, o genetically-transferred ang bahagi ng subconscious mo. Ibig sabihin, either alam to ng mga magulang, o mga magulang ng magulang mo, o mga magulang ng mga magulan ng mga magulang mo, so on and so forth.”

“Hindi kita pinagbibintangan!” Hinarap ako ng babae at kaagad siyang bumalik sa pagtitipa.

“Paprangkahan na kita, sa mahigit ilang taon na pag-aadminister ng exam na ito, kahit written, ni hindi lumabas sa resulta ng mga machine noon ang mga confidential na bagay concerning national security. Kahit sasabihin mong written exam noon, mababasa at mababasa ng machine at ng program lahat ng pag-uugali ninyo. Dahil ang program ng Golden Exam, may ibang intensyon, maliban sa imeasure ang inyong kakayahan bilang mamamayan ng Habisig, nirerecord nito ang bawat bagay na nalalaman ninyo mula noong bata pa kayo hanggang sa paglaki ninyo. Pati subconscious kayang irecord ng program. Ang mga nalalaman mo ay hindi alam ng mga Punyasenyales, at nag-run ako ng memory check sa mama mo at sa papa mo at lumalabas na hindi nila alam ang mga bagay na alam mo. Pati ng mga ninuno mong sastre, magsasaka, model – walang alam. Nag-run din ako ng memory check sa’yo at wala akong nakitang may nagsabi sa’yo tungkol sa mga confidential matters. Ibig sabihin, alam mo pero hindi ko alam kung saan o kanino mo ito nalaman. Iniisip ko nung una na baka Punyasenyales ka, pero walang history ng Punyasenyales ang memory mo. Kakaiba ang iyong kakayahan. Kakaiba ka.”

“Ngayon sasabihin ko sa’yo ito, may inilunsad ang Parlyamento na hulihin at ikulong ang mga unauthorized persons na alam ang mga ganitong bagay-bagay. Sa tingin ko inosente ka at wala kang kasalanan, at hindi ka traydor. ‘Yan ang alam ko. Ang gagawin ko ngayon, idedelete ko ang iyong exam, at gumawa ako ng panibagong exam situation kung saan pinalabas ko na isa kang ministro at kailangan mo tugunan ang watershed management. Maaari ka nilang tugusin sa iyong mga nalalaman, Jacob. Babalaan kita na ‘wag na ‘wag mong ipagsabi kahit kanino, kahit sa uncle mo, ang exam na iyong kinuha at ang iyong mga nalaman bago lang mula sa subconscious mo. Isang malaking eskandalo ito sa buong Parlyamento at magkakagulo-gulo. Maglulunsad na lang ako ng imbestigasyon ukol dito, pero kailangan kong makipag-cooperate ka sa akin. Kakampi mo ako at hindi kita sasaktan-“

“Paano ko ba malalaman na hindi mo ako ibebenta sa Parlyamento? Paano ko malalaman na dapat kitang pagkatiwalaan?” Tanong ko sa babae.

“Simple lang. Kung sa tingin mo hindi ako mapagkakatiwalaan, pwedeng kanina pa kita pinalayas dito sa testing facility at nireport sa Parlyamento. Pero siyempre hindi ko gagawin ‘yun. Dahil una, malalagot kaming staff ng punong ministro. Baka ipatapon pa kami sa labas ng Pader kung lalabas ang mga confidential matters. Pangalawa, asset ka para sa Habisig. Pinoproject ng program ang mga bagay na alam mo at akala mo hindi mo alam. Matalino ka, Jacob. Sa ngayon hindi ko pa kayang ipaliwanag kung bakit alam mo ang mga bagay-bagay, pero baka ikaw na ang susunod na gagawa ng history sa Habisig. Kailangan ka ng bayan.”

Nakatitig lang ako sa babae habang isang malakas na tipa sa keypad ang kanyang ginawa bago niya ako nilingon.

“Ganito ang mangyayari. Nadelete ko na ang exam mo at gumawa ako ng fabricated exam situation. Ayon sa exam mo kanina, mapupunta ka sa Parliament Grounds. Congratulations. Mabuti naman at makikita kita palagi. Pero ‘wag na ‘wag ka magsasalita. Ngayon hindi alam ng apat na nasa silid na ito ang mga nangyari. Kaya lalakad ka lang palabas ng testing facility at sabihin mo okay ang exam. Magkiktia pa tayo muli. Go!”

Isang malakas na tulak ang ginawa ng babae sa akin. Napatayo ako kaagad mula sa pagkakaupo sa reclining chair at diretso kong binuksan ang pintuan. Nagsitinginan ang mga tao sa akin habang yumuko ako at hindi ako gumawa ng effort na tignan sila.

“Uy, kamusta?” Hinablot ni Nikolai ang aking braso at nakangiti pa sa akin ang gago. Sus, Nikolai.

“Hindi maganda.” Simangot ang mukha ko dahil sa aking mga nalalaman ngayong araw na’to. Winakli ko ang kamay ni Nikolai at kaagad na tumakbo papalabas ng Monteverde Building. Narinig ko ang boses ni Jenny na tinatawag ako ngunit hindi ko na siya nilingon.


Maggagabi na ng narinig ko na bumukas ang front door ng bahay. Sasalubungin ko na sana Uncle Billy nang pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ko,  patay lahat ng ilaw sa baba. Inabot ko ang Swiss knife na nakalagay sa may sofa sa baba ng kwarto ko nang naramdaman ko ang malamig na hablot mula sa aking braso. Mabilis kong hinablot ang kamay papalapit sa aking katawan, hinawakan ang sa may singit na area ng estranghero sabay buhat at tulak papunta sa kabilang bahagi ng aking katawan. Tinakedown ko ang estranghero kagaya nang nakita kong grappling sa internet sa judo kaninang umaga kung sakaling may aatake sa akin.

“Aray!” Sigaw ng pamilyar ng boses. Kaagad kong binuksan ang ilaw at nagulat ako sa aking nakita.

“Uncle Billy naman! Uso din naman magpailaw lalong-lalo na’t madilim dito sa atin! Tsk. Akin na nga.” Inalalayan ko si uncle na makatayo at tinulungan siyang makaupo sa sofa. Iniikot-ikot niya ang kanyang balikat sabay himas nito. Napansin ko na may sulat na nakausli sa kanyang bulsa kaya kaagad ko itong hinablot at binasa. Tinangka ni Uncle Billy na nakawin ito mula sa akin ngunit hindi siya nagtagumpay na nakawin ito mula sa aking pagkakahawak.


LETTER OF NOTICE:
LAHAT NG MAMAMAYAN NG HABISIG AY INUUTUSAN NA MAGPADALA NG ISANG TAO MULA SA INYONG PAMILYA PARA LUMAHOK SA MILITARY DEPARTMENT. PARA ITO SA PAGHAHANDA SA DEFENSE TRAINING LABAN SA PALAKAS NA OPENSIBA NG MGA PUNYASENYALES. ANG KINABUKASAN NG HABISIG AY NASA INYONG KAMAY. AASAHAN NAMIN NA MAPAPALISTA NA ANG NAPILING MIYEMBRO NG PAMILYA PARA SA HUKBO.

MARAMING SALAMAT.


P.M. WENDEL FERDINANDO
PUNONG MINISTRO NG PARLYAMENTO NG HABISIG


“Uncle, ano ‘to?” Inis kong tono nang matapos na akong basahin ang liham. Nilapag ko sa mesa ang liham sabay upo sa tabi ni uncle. Puro galit ang aking nararamdaman. Hindi ko kayang mawala si uncle sa akin ngayon pa’t baka mabaliw ako sa mga nangyayari sa buhay ko – may nakita akong sumbrero ng Punyasenyales sa closet ni uncle, nakakagago ng exam result ko kanina, at ngayon under investigation ako. Punyetang subconscious to eh.

“Conscription Letter. Humihingi ng isang miyembro ng pamilya ang Parlyamento para maging bahagi ng military. Ayaw kong mapabilang ka sa military dahil mapanganib. Kaya ako na-“

“Ako na kasi-“ Mahinahon ang boses ni uncle.

“Ako na uncle! Alam niyo ba isa ako sa sampu na ma-aassign sa Parliament Grounds? Hindi ko kaya uncle. Hindi ko kaya ang trabaho. Oportunidad na ito para takbuhan ko 'to-“

“Ako pa rin ang masusunod sa bahay na ’to! Mas ligtas kung doon ka sa Parliament Grounds! Hindi mo alam ang panganib na nasa labas! Ako ang magpapa-conscript para sa military department, at ikaw sisimulan mo ang training mo sa Parliament Grounds sa ayaw at sa gusto mo!” Tumayo si uncle at naglakad ng ilang hakbang papalayo sa akin.

“Kung hindi mo susundin ang utos ko, ako mismo ang magpatapon sa’yo sa labas ng Pader. Tandaan mo yan!” Umakyat si uncle ng hagdan.

Naiwanan ako sa baba. Nagtataka.


Bakit ayaw akong payagan ni uncle maging sundalo? May… May tinatago ba siya?

Itutuloy...


UNTIL MY LAST BULLET.

Thursday, January 5, 2017

Until My Last Bullet [Chapter 2]



Disclaimer: Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.

E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook fan pagehttps://www.facebook.com/CookieCuttersCut/ (Cookie Cutter's Cut)

---

CHAPTER 2

“Sir, good afternoon po. Parang malabo po makakapagsubmit ako ng flower pot ngayong hapon po. May nangyari kasing masama kanina.” Dahan-dahan ko nilapitan ang professor namin sa Humanities sa kanyang office.

“Iyan kasi. Kung pumili ka kaagad ng requirement at sinabihan mo ako ng mas maaga, e di sana wala ka nang dahilan para magmadali ngayon.” Hinarap ako ni Prof. Bella habang inaayos ang kanyang salamin.

“Sorry na po talaga. Gusto ko sanang makahabol sa sunlight kanina kaso nung tapos ko nang gawin ang aking pot po-“

“Oo, alam ko na ang kwentong ‘yan. Nagmadali ka, nagtatatakbo ka sa corridor, nabunggo ka, natapon ang pot mo. Tama?”

Natahimik ako. Nagulat ako kung paano niya nalaman ang kwento. Maliban na lang kung pinagchichismisan na naman nila ako. Ang huling chismis na umabot sa akin ay malaki daw ang kargada ko, otso pulgada daw. Nakakaasar naman kasi ang fuck buddy ko, masyadong kiss-and-tell. Totoo naman na gifted ako pero ang pangit na ng aking reputasyon dahil sa mga iba’t-ibang chismis na naglilipana sa school namin.

“Paano niyo nalaman-“

“Pumunta dito ang nakabunggo sa’yo at siya na mismo ang humingi ng tawad para sa’yo. Ngayong araw ang deadline, pero nakumbinsado niya ako na kasalanan niya at kung hindi raw siya humaharang sa corridor, e di sana tuyo na ‘yung pot mo. Bilang estudyante ko naman siya sa ibang subject, at mabait siya, may hanggang next week ka para makasubmit nun. Isang araw lang ang paghulma ng pot kaya sana naman matapos mo ang project mo sa loob ng dalawa o tatlong araw.” Umiling ang professor na halatang dismayado sa aking pagkabatugan.

“Sorry po talaga, ma’am-“

“Huwag ka magsorry sa akin, Mr. Nikolai Ferdinando. Magsorry ka sa sarili mo kung sakaling hindi mo inaayos ang pag-aaral mo. Sa tingin mo ba, makakapasok ka sa Parliament Grounds kung hindi mo maipepresenta sa Golden Exam sa galing mo sa politics? Baka akala mo ang politics ay politics lang? Kailangan alam mo kung paano gumalaw ang mga tao at kung anu-ano ang kanilang mga experience para tuluyan ka maging leader kagaya ng papa mo. Alalahanin mo hindi kita pinapahirapan, pero kung hindi mo alam kung anu-ano ang pinagdadaanan ng mga tao, you’d make a bad prime minister in the future.” Yumuko si professor at patuloy sa pagtipa sa kanyang laptop.

“Thank you po talaga, ma’am-“

“Magpasalamat ka kay Jacob Santos. Dahil sa pagmamahal niya sa Humanities ay hindi ako nawawalan ng pag-asa sa inyong mga kabataan. Pinagkakatiwalaan ko siya sa kanyang kabaitan. Pasalamat ka mabait si Jacob at pinagtakpan ka pa niya sa kagaguhan mo. Kung hindi lang sa naniniwala ako sa mga mabubuting tao, at kung hindi dahil sa kabutihan ni Jacob, isusubject na kita for drop sa klase ko. Kaya umayos ka at magpasalamat ka sa kanya.”

Nakayuko lang ako at iniisip ang mga nangyari ilang oras ang nakalipas.

“Tumatambay pa kasi sa corridor, tangina naman oh! Next time, ‘huwag kayo dito magdaldalan. Nakakaasar!” Sinigawan ko ang paharang-harang sa daan habang pinagsikapan niyang tanggalin ang pulang putik na natapon sa kanyang mukha. Inaantay ko siyang matanggal niya ang mga dumikit sa kanyang mukha nang hindi ito nagsalita at tinignan pa ako.

“Oh, ano? Tutunganga ka lang ba?!” Sigaw ko pa ulit sabay alok sa aking kamay para tulungan siyang makatayo.

“Hoy! Pasigaw-sigaw ka parang siya pa may utang sa’yo?! Ikaw kaya ang nagtatatakbo. Kita mo ba ‘yung sign na ‘yun?!” Sigaw nang kasama niyang babae sabay turo sa isang sign sa pader.

“NO FUCKING RUNNING ALLOWED. GAGO!” Tinulak ako ng babae at nilapitan niya ang kanyang kasama na mistulang masakit pa ang pwet mula sa impact ng pagkakabangga.

Mistulang natamaan ako ng guilt kaya tinanggal ko na ang aking kamay at nakayuko na lamang sa kanila.

“Ayos ka lang ba bes?” Tanong ng babae sabay tanggal ng dumidikit na putik na natira sa mukha ng lalake.

“Okay lang. Sorry po. Itatali ko lang sana ang sintas ko-“ Dahan-dahan tumayo ang lalake at halatang namamaga ang kanyang mga palad sa pagkabagsak niya.

“Wala akong pakialam! Project ko ‘yun! Kailangan ko na maipasa ‘yun, Diyos ko naman!” Nagwalk out ako mula sa kanila at naglakad pabalik sa Humanities workshop. Pinagtitinginan na ako ng mga tao habang nadadaanan ko sila. Nang nabuksan ko na ang workshop, tinanggal ko ang apron na suot ko at sumandal sa isang mesa.

Lagot ang pag-aaral ko kung hindi ako makakapagsubmit ngayong araw.

“Mr. Ferdinando, makakaalis ka na kung wala ka nang ibang concern pa.” Tumango si Professor Bella, senyales na pinapalabas na niya ako sa kanyang opisina. Nagising ako sa aking ulirat at dahan-dahan ako naglakad palabas ng office niya.

At least makakapagsubmit pa ako ng project. ‘Yun lang naman yata ang importante. Lumilipad ang aking isip na tinahak ang daan palabas ng school patungong MRT Station. Tinanggal ko mula sa pagkakatuck in ang aking polo shirt – uniform namin – dahil naiinitan na ako.

Ako si Nikolai Ferdinando, 18 years old. Sa narinig niyo mula kay Prof. Bella, anak ako ng Punong Ministro ng Habisig. Ang ama ko ang pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo at dahil ako ang anak niya, kilala ako ng buong Habisig.

Inaasam ko na makapasok sa Parliament Grounds kasi nga Punong Ministro ang aking ama. Kahit hindi ko alam kung ito’y para sa akin ba, alam ko naeenjoy ko tingnan si papa na nakakakuha ng respeto mula sa buong Habisig. Kahit saan siya magpunta ay mahal na mahal siya ng mga tao. Ako rin. Gusto ko rin mahalin ako ng mga tao.

Ang mama ko ay isang theater actress, ang papa ko naman ay… well, sa nalaman niyo. ‘Yun siya. Nag-iisang anak lang ako at ang aking mga magulang ay busy sa kani-kanilang trabaho. Kaya siguro gusto ko maging katulad ng papa ko dahil dito ko nakukuha ang pagmamahal na nakikita ko, na hindi ko nakukuha ng buo mula sa mga magulang ko.

Aaminin ko, hindi ako galit sa mga magulang ko. Pero siguro nakakaasar lang na ganito ang sistema na nalagay silang dalawa. Sana naassign na lang sila sa mga trabahong regular ang oras ng pagtatrabaho para magkakaroon naman sila ng oras para sa akin. Dahil dito, ginagamit ko na lang ang namana ko mula sa mama at papa ko.

Totoo nga rin naman ang mga chismis. Habulin ako. Gwapo ako. May minsan na naalok ako ng acting role kaso hindi ko trip ang pag-arte. Sa tangkad kong 5’11, pati ang Sports Department nililigawan akong gawing first choice ko raw ang sports para may pambatong player naman sila sa sports.

Dahil ang mga miyembro ng Parlyamento ay nakatira sa isang high-class na village. Malaki ang bahay namin, pero palaging walang tao sa loob. Papasok na ako ng village nang may humila sa akin patungo sa madilim na kapunuan at kaagad dumilim ang aking paningin.


“Okay na po ba siya, doctor?” Narinig ko ang boses ni mama na puno ng pag-aalala. Binuka ko aking mga mata at naramdaman kong umiikot ang aking paningin. Mabigat din ang aking pakiramdam, pati ulo ko parang pinako ng sandaang pako.

“Yes, okay naman po siya. Mabuti naman at depressant lang ang pina-inhale sa kanya at kaagad namang nawawala ang epekto nito sa katawan ng anak niyo. Pagpahingain niyo na lang muna siguro ng dalawang araw bago siya tuluyang makakagalaw ng labis. Papainuming niyo rin po ng tubig para magrelax ng konti ang muscles. Pahinga na lang muna sa ngayon at kung sasakit pa ang ulo niya sa mga susunod na araw, pakitawagan na lang po ako.” Narinig kong nag-click ang bag ng doctor at tumayo na siya sa kanyang kinauupuan.

“Maraming salamat po. Si mama at ang doktor ay sabay naglakad palabas ng front door. Tuluyan ko nang nabuksan ang aking mga mata, kahit mabigat, at napalingon ako sa paligid. Nasa bahay na pala ako at, you guessed it right, nawalan ako ng malay-tao.

Bumangon ako sa kama at inabot ang baso ng tubig na nasa side table. Nang ininom ko ito, nagulat ako sa nakahiga sa kabilang sofa…

…’yung lalaking nabunggo ko kanina.

“Uy, gising ka na pala.” Kaagad siyang bumangon at inayos ang sarili. Nakayuko siya sabay ayos sa kanyang nagulong maiksing buhok. Nang matapos na siyang ayusin ang sarili, tinignan ko siya ng malalim, tinignan ko siya ng masama.

“Ikaw, sinusundan mo ba ako?” Tanong ko sa kanya na bigla namang ikinaiba ng kanyang ekspresyon.

“Uso din mag thank you muna, alam mo ba ‘yun? I don’t know if that’s the best way to thank someone who found you lying down the street.” Tumingin rin siya ng masama pabalik sa akin. Aba, palaban!

“Alam mo, ikaw, dalawang beses mo na ako bwinisit ngayong araw na’to eh. Una, paharang-harang ka sa corridor, kaya natapon ang project ko. Ikalawa, nahimatay ako-“ Natigilan ako sa pagsasalita nang nakita ko ang kanyang kamay ay may bandage sa may wrist.

“…at- di bale na. Thank you.” Lumingon ako sa kabilang side, iniiwasan na tingnan siya at nahiga.

“Masakit ba?” Tanong ko sa kanya habang hindi siya tinitignan.

“’Yung alin?” Gulat na tanong ng lalake sa akin, na mukhang kasing edad ko lang. At judging sa suot niya, nag-aaral siya at pareho kami ng paaralan pero hindi ko siya nakikita palagi.

“’Yung ego mo kasi dalawang beses mo akong nabwisit today. De joke, siyempre ‘yung kanang kamay mo.” Sabi ko nang hindi pa rin nakatingin sa kanya.

“Oo. Masakit lang kanina kasi heto ‘yung unang tumama nung bumagsak ako. Pangpasteady lang daw saglit. Magpapacheck up sana ako kanina sa ospital doon sa dulo. Kaso ayun, nung naglakad-lakad ako kanina nakita kitang nakahandusay malapit sa village niyo kaya dahil hindi kami basta-basta nakakapasok dito kasi nga mga Parlyamento lang ang nakatira, pinatawag ko na lang sa security ng village niyo ang mama mo para mapakuha ka. Ano ba huling natatandaan mo bago ka nahimatay? May sakit ka ba, ganon?” Nagulantang ako sa tuloy-tuloy na pagtatanong ng lalakeng ‘to. Kaya bumangon ako ulit at hinarap siya.

“Bakit? Ano ba mga nalalaman mo?”

“Wala lang. Kasi kakaiba kasi kung mahimatay ka lang sa daan, maliban na lang kung may nagdukot sa’yo, pero parang imposible naman kasi safe naman dito sa Habisig. Pwera na lang kung may ayaw kang gusto sabihin-“

Tumayo ako sa sahig at hinarap siya. Nakayuko ako sa kanya sabay titig ng masama sa kanya.

“So pangatlo na’to? Sino ka ba at anu-ano bang alam mo?” Diin kong tanong sa kanya habang binubuo ang aking kamao sa harap ng mukha niya.

“Bakit? Susuntukin mo ba ako? Tara!” Tumayo siya at tinulak ako sa aking kama. Palaban din pala ang taong ‘to kumpara sa nakita ko kaninang hapon. Baka tumatapang siya sa dilim?

Inayos ko ang aking sarili at sumandal ng maayos sa kama. “May sasabihin ako sa’yo pero kailangan sa atin lang dalawa.” Diretso kong sabat sabay silip kung pabalik na ba ang mama ko.

“Pangalan mo? “ Tanong ko sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang gulat sa pagtanong ko sa kanyang pangalan.

“Jacob.”

“Okay, Jacob. Makinig ka.” Lumipat ako ng upo sa tabi ni Jacob at inakbayan siya para mas malapit akong makapag-bulong sa kanya. “Ganito. Pauwi ako ng bahay kanina nang may humila sa akin at hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari. Nagising na lang ako dito sa bahay.” Hinaplos ko ang aking kusot na pantalon sa may tuhod habang umiiwas ng tingin kay Jacob.

“’Yun na ‘yun?” Blangkong tanong ni Jacob sa akin. Umirap na lang ako dahil hindi niya nagegets ang hinala ko. Sa bagay, ang sabi rin naman ni Prof. Bella ay mabait si Jacob, hindi matalino.

“Pero wait, wala naman daw nawala sa’yo sabi ng mama mo.” Tanong ni Jacob sabay layo ng mukha niya sa akin.

Napaisip ako sandali sabay tupi ng aking mga braso. Hindi ko na alam kung ano ang pakay ng mga humila sa akin bago ako mahimatay.

“Alam mo… sorry pangalan mo?” Panimula ni Jacob sabay labas ng kanyang point finger tila ba alam na niya ang sagot.

“Nikolai.”

“Dalawang bagay lang ‘to Nikolai.” Hinarap ako ni Jacob at tinignan ako sa mata. Lumakas ang kabog ng dibdib ko at parang mawalan ako ng hininga.

“Either may nakalaban ka, probably isa sa mga pinaasa mo kasi that’s how you fuckboys roll, or may nagpapahiwatig ng mensahe sa’yo, parang warning. Either way, hindi ko alam kung ano ang susunod mong gagawin. Kung ipapaalam mo ‘to sa papa mo, siguradong iisipin ng Parlyamento na pag-atake ito ng mga Punyasenyales, na magbabadya ng gulo kahit hindi natin tiyak na sila ba talaga ang may pakana sa pagkahimatay mo. O baka itatago  mo na lang sa sarili mo para maimbestigahan mo para alam natin ang susunod na gagawin.”

Walang salita ang nakalabas sa mga labi ko. Ibang klase din pala si Jacob, nag-iisip. Mali pala ako sa hinala ko na bobo si Jacob. Malalim kong pinag-isipan ang mga posibleng explanation ukol dito. Pero mas tumutugma ang explanation ni Jacob… baka nga may gustong magphiwatig ng mensahe sa akin – tinatakot lang ako, o kami.

“Anak! Good lord you’re doing fine!” Sigaw ni mama sabay tabi at yakap sa akin ng mahigpit. Medyo nahiya ako sa ginawa ni mama lalo na’t may bisita kami. Hindi ako gumalaw at tinignan ko si Jacob na mistulang natatawa sa hiya na nararamdaman ko.

“You have to get some rest, anak. In two days na ang Golden Exam mo.” Kumalas si mama sa pagyakap sa akin at inaayos ang aking buhok samantalang nakatulala pa rin ako kay Jacob.

“Ikaw rin, Jacob, you have to head home kasi baka kailangan mo rin magprepare. Nagpapatawag na ako ng kaibigan na pwede ka ihatid sa inyo. Maraming salamat talaga, Jacob. Kung hindi dahil sa pagkakita mo kay gwapong-gwapo na si Nikolalat baka hindi kaagad naaksyunan ang health niya.” Hinawakan ni mama ang kamay ni Jacob at hinahalik-halikan ito. Natutuwa naman si Jacob sa kakulitan ni mama pero halata ang hiya sa kanyang mukha dahil isang mataas na antas ng respeto ang paghalik sa kamay, lalong lalo na kung kamag-anak ng Punong Ministro o ng miyembro ng Parlyamento.

“No need to do that ma’am. It’s my pleasure po to help out ang anak ng Punong Ministro.” Ngumiti si Jacob at hindi ako makapagsalita. Mistulang natigilan ako sa kanyang… ngiti?

“Pero before you go, Jacob, kakain muna tayo. Paluto na rin ang food. Sunod na kayong dalawa mga boys, okay?” Tumango si mama kay Jacob at diretsong naglakad patungong dining room.

Tahimik muna nang ilang sandali bago pa man may isa sa amin ang nagsalita.


“Baka siguro mauna na lang ako Nikolai. Baka makaistorbo pa ako eh-“

“Hindi!” Diretso kong sabat. “I-I mean, magagalit si mama kung aalis ka. Kain na lang muna tayo at ipapahatid ka na lang namin.” Hindi ako mapakali at halatang kinakabahan ako. Tumayo na lang ako at sumunod patungong dining room.

Itutuloy...


UNTIL MY LAST BULLET.

Monday, January 2, 2017

Until My Last Bullet [Chapter 1]



Disclaimer: Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.

E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook fan pagehttps://www.facebook.com/CookieCuttersCut/ (Cookie Cutter's Cut)

---

CHAPTER 1

“As for you Jacob Santos, baka maisipan mo naman sigurong huwag matulog sa klase para makaraos ka naman sa Golden Exam. Class dismissed.” Kinusot ko aking mga mata at nakita kong mabilis na nagtatakbuhan aking mga kaklase. Political History 402 ang klase namin at napansin kong masama ang tingin ni Prof. Martin sa akin habang inaantay niya na paisa-isang makalabas ng classroom ang mga tao.

“Ayan, awards night ka na naman kay professor.” Si Jenny, best friend ko. Akay-akay niya ang kanyang pulang bag sa kanyang mga braso habang inaayos ang sling nito sa kanyang balikat, inaantay akong matapos magligpit ng gamit.

“Paano naman kasi, hindi maayos ang tulog ko kagabi. Hindi ako mapakali baka bukas kalaunan aatake na ang Punyasenyales dito sa Habisig.” Garalgal ko nang napasok ko na ang makapal kong libro sa aking pulang backpack.

“Natataranta ka sa mga pangyayaring hindi pa nga nagaganap. Chill ka nga lang. Okay tayo dito. Maswerte tayo kasi ligtas tayo. Ewan na lang kung wala ang Pader. Kung wala siguro ang Pader lagot at iisa-isahin tayo ng mga Punyasenyales.” Pangaral ni Jenny sabay tapik sa balikat ko, paalala na kailangan ko na magmadali.

“Safe nga, pero tingnan mo nga ‘tong mga bag natin. Ang papangit. Puro pula. Gusto ko naman ng color blue o kaya medyo may disenyo-“

“Ano ka ba wag ka ngang magsalita ng ganyan! Baka marinig ka at itapon ka sa Labas.” Pabulong na pasabi ni Jenny sa akin habang sabay kaming naglakad palabas ng classroom  patungong cafeteria.

Ako si Jacob Santos, 18 years old. Buong buhay ko sa Habisig na ako nakatira – isang bansa na pinapalibutan ng makapal at mahabang pader… na tinatawag naming “Pader”. Ginawa ang Pader upang maprotektahan kami laban sa mga Punyasenyales – pangkalahatang tawag namin sa mga rebeldeng nasa labas ng Pader.

Sinasabing ang Habisig ang nag-iisang lugar kung saan nagkasama-sama ang mga “Founding Fathers”. Noong unang panahon, lahat ay nakatira sa isang environment na walang seguridad, walang gobyerno, walang proteksyon, at walang kapayapaan. Dahil walang batas na umiipon sa mga tao noong unang panahon, lahat ay umaasta ayon sa kanilang kagustuhan at interes: ang pumatay, magnakaw, mangloko, mang-uto, mangkidnap, manggahasa, mang-ransak, at kung anu-ano pa.

Kaya naisipan ng mga Founding Fathers na magkaisa at binuo nila ang kauna-unahang pundasyon ng Habisig – ang Pader para maprotektahan ang mga nais mamuhay ng payapa. Kasunod nito ay ang pagbuo ng gobyerno, ng batas, ng seguridad.

Lahat ng mga pangkatauhang seguridad ay ibinibigay sa mga naninirahan sa Habisig – na tinatawag na mga “Habis” – nang walang kaukulang bayad. Libreng edukasyon, libreng pagkain, libreng pagpapagamot, libreng organisasyon na malayang isinusulong ang welfare ng bawat Habis.

Payapa rito. Sa loob ng pader walang tulisan, walang rapist, walang droga, walang krimen. Matiwasay ang aming pamumuhay at ang huling natalang krimen ay bago pa man ako mapanganak nang may Habis na pinuslit ang isang Punyasenyales sa loob ng Pader. Ayon sa batas ng Habis, bago makapasok ang isang Punyasenyales ay isinasalang muna ito sa training at “special intensive education” para matutunan nito ang pamumuhay ng isang Habis para mapanatili ang kapayapaan ng Habisig.

Kaya pati bag namin, libre. Mahigpit din na ipinagbabawal ng gobyerno na pinamumunuan ng “Parlyamento” ang magtayo ng pamilihan. Naniniwala kaming matiwasay lamang ang isang komunidad kung hindi nangunguna ang pansariling interes, at bigay naman ng gobyerno pati pagkain at pabahay namin – kaya walang rason para kumita ang mga Habis sa loob ng Pader.

Ang pamilihan na initiative ng Habisig ay ginaganap lamang sa labas ng Pader. Sa unang tingin parang okay naman magbenta sa labas ng Pader, kaso hindi lahat ay matapang para lumabas ng Pader dahil sa dilim, usok, at kakulangan ng seguridad. Iilan lang ang matibay na nag-aapply sa Parlyamento para makadalo sa buwan-buwan na pamilihan sa labas ng Pader. Bantay rin ng mga Parlyamento ang mga nagbebenta sa labas ng Pader para masiguradong hindi sila bangkay pagpasok nila muli sa Pader. Kaso lahat ng kita ay napupunta sa Parlyamento para panggastos sa lahat ng tao.

Siguro ang ibig ko lang sabihin sa inyong lahat ay masaya kami sa loob ng Pader, at hindi namin gugustuhing makalabas. Ganon din ang mga Punyasenyales, dahil hindi sila makasunod sa simpleng pamumuhay namin sa Habisig, ang mga pinapayagang makapasok sa loob ay hindi rin nagtatagal. Siguro sa sampung Punyasenyales na pumapasok sa Habisig, isa lang ang nakakasabay sa aming pamumuhay.

“Ano na, bes? Handa ka na ba sa Golden Exam? Para kasing tulog ka lang ng tulog sa klase eh.” Tanong ni Jenny sabay lapag ng pagkain namin sa mesa.

“Hindi naman siguro ganyan kahirap ang Golden Exam, Jenny. Baka ina-exaggerate lang ng mga nakatapos-“

“Hoy! Hindi mo ba alam na sa 100% na nagtetake ng Golden Exam, 20% ang hindi nakakapasa at automatic na naaassign sa military.”

“Alam ko yan, siyempre.” Kumuha ako ng fish sticks at sinubo. “Hindi naman masamang ma-assign sa military sa labas. At saka naman hindi ka naman talaga bumabagsak sa Golden Exam dahil bobo ka. Inaalam lang nito ang kakayahan mo para malaman nilang saan tayo ilalagay sa mga trabaho trabaho sa Habisig.”

Sa mga nagdaang linggo, bukambibig ng mga mag-aaral ang Golden Exam. Ang Golden Exam ang naglalagay sa aming mga graduating high school students sa mga kaukulang training job na papasukan namin. Finafacilitate ito isang beses sa isang taon. Naglalaman ito ng iba’t-ibang tanong na sinusuri ang aming talent at ang aming personality. Sasagutan lang namin ang mga tanong at paglabas ng exam malalaman namin kung sa Music Department kami itetrain para maging musikero, o sa Arts Department para maging artist. Para naman sa magaling sa Science, sa Research Department ang punta nila. Marami pang mga departments ang pwedeng paglagyan ng mga estudyante, pero ang pinaka inaabangan ay ang Parliament Grounds.

Ang Parliament Grounds ay ang training para sa mga pwedeng maging susunod na leaders ng Habisig. Ang Parlyamento kasi, ang namumuno ng gobyerno, ay binubuo ng 51 members mula sa iba’t-ibang parte ng Habisig. Ang Habisig ay binubuo ng 51 provinces, at ang capital nito ay ang Central District, kung saan kami nakatira.

Siguro iniisip ninyo “ay mas okay siguro sa Central District kasi kabisera.” Pero hindi ito totoo. Sa katunayan, lahat ng mga napatapon na mga leader ay mula sa parliament member ng Central District dahil sa mga issue sa corruption. Ang kaparusahan sa mga corrupt parliamentarian ay ineexile sa labas ng Pader.

Ngunit, ang Punong Ministro ng Habisig ay posibleng magmula sa kahit saang bahagi ng Habisig. Ang kasalukuyang Punong Ministro namin – na namumuno sa buong Parlyamento – ay si Wendel Ferdinando na taga-Central District.

Isang malaking karangalan kasi para sa mga nakakapasok sa Parliament Ground ang mabahagi sa programang ito. Taon-taon, sa 20,000 na estudyante na kumukuha ng Golden Exam, sampu lang ang kinukuha para makapasok sa prestihiyosong programang ito. Nasa 0.0005% lang ang mapalad.

Sa totoo lang, gusto ko makapasok sa sampung trainees na ito. Pero parang imposible dahil sa tindi ng competition para rito. Pero kahit naman siguro hindi ako makapasok sa sampu, okay lang. Mahirap nga makapasok sa sampu, mas mahirap naman maging future leader para sa payapang Habisig.

Kapag natapos na ng sampu ang kanilang training sa Parliament Grounds, inaassign sila sa 51 districts at bahagi sila ng representatives sa district na nakaassign sa kanila. Ibig sabihin, kailangan nilang lumipat ng tirahan at pamunuan ang kanilang district government. Para mapili ang Punong Ministro, pinagpipilian ito mula sa 51 parliament members ng lahat ng mga Habis. Ibig sabihin, may eleksyon ding nagaganap. Kada parliament member ay pinagpipilian sa district eleksyon mula sa mga district representatives.

Kaya medyo nag-aalangan ako kung sakaling makapasok ako sa sampu para sa Parliament Ground – maliban sa imposible kasi maraming matatalino – mahirap na ngang mamuno ng isang district, isang bansa pa kaya?

Pero kontra sa kaba ni Jenny, walang bumabagsak sa Golden Exam. In fact, ang mga “bumagsak”, hindi sila tuluyang “bumagsak”. Wala lang talagang kaukulang department ang pwedeng paglagyan sa kanila ayon sa kanilang skills at personality. Kaya automatikong inaassign sila sa military para sa labas, para protektahan ang Habisig.

Kung ang Parliament Grounds ang pinakaprestihiyosong department, ang Military Department naman ang pinakainaasam ng lahat. Hindi namin naisip kahit ni minsan ang mga militar bilang sacrificial lamb, tinatanaw naming utang na loob ang mapabilang dito, at marami din talaga ang napapabilang sa Military Department. Siguro sa 20000 na kumuha ng Golden Exam, 12000 ang na-aassign sa Military Department para sa pagprotekta sa loob at labas ng Pader.

“Huwag ka magalit Jacob ah, pero kanina sabi ni Prof. Martin, parang alam na niya raw ang isa sa pwedeng ma-assign sa Military Department… habang nakatingin sa’yo nung tulog ka. Kasi raw hindi mo pinag-iigihan ang pag-aaral sa politics kaya malabong makapasok ka raw sa sampu.” Inom ni Jenny sa kanyang juice sabay tali sa kanyang mahabang, kulay pula na buhok at ayos sa kanyang kulay pink na dress, na school uniform namin.

“Sus. Baka tama siya. Okay naman yata sa Military Department.” Kinukulikot ko ang na-trap na pagkain sa aking ngipin sabay inom ng tubig.

“You would look so hot! Siyempre, medyo matipuno katawan mo. Tapos matangos ilong mo. Moreno. Defined ang panga. Matangkad. Konting training mo lang siguro sa Military Department pwede ka nang itapon sa Theater Department. Hahaha!” Tukso ni Jenny habang dinaramdam ang kanyang maputing balat at pumipikit tila isang model.

Umirap lang ako para sabihing hindi ako natutuwa.

“Kaso nga lang, mga lalake mga type mo! Jusko naman kasi, kontrolado na nga ng Parlyamento ang buhay natin sana magpasa na rin sila ng batas na ang mga babae para lamang sa mga lalake at vice versa! Para tayo na lang sana bes!” At umaktong malungkot si Jenny at tumawa kalaunan. Tapos na rin akong kumain at uminom ako ng tubig mula sa bottled water nang tinitigan ko siya ng malalim.

“Uy, bes, walang ganyanan!” Nag-iba ang reaksyon ni Jenny habang dinilaan ko ang aking mga labi.

“Putang ina, kadiri ka! Alam mo ‘yun! Bes, tigilan mo ako.” Lumaki ang mata ni Jenny sabay labas ng kanyang kamao sa aking mukha.

Tumawa ako ng malakas.

“Harhar. Hoy, Jacob, kahit kailan hindi kita papatusin kasi kilala na kita mula ulo hanggang paa.” Umirap si Jenny sabay tapon ng natirang buto ng manok sa akin.

Matagal na kaming magbestfriend ni Jenny. Magkababata kami dahil sa lapit ng bahay namin noon. Kaso lumipat sila ng pamilya nila ng mas malapit sa Central District University para hindi na malate palagi si Jenny sa klase. Sa kabila ng distansya, nanatili kaming matalik na magkaibigan.

Nasa 5’4 ang taas ni Jenny at maputi ang kanyang balat. Maganda ang hubog ng kanyang katawan at para bang lahat ng bigay na damit ng Habisig ay maganda sa kanya. Maagang nalaman ni Jenny na hindi ako nagkakagusto sa mga babae. Legal ang pagiging homosexual dito sa Habisig at walang diskriminasyon – hindi kagaya sa mga Punyasenyales na pinapatay ang mga nagpapakita ng senyales na homosexual sila.

Kaso, hindi pa ako nagkakaboyfriend, pero nagkakaroon na ako ng mga sexual encounter na… enjoy. Si Jenny naman, tatlong taon na ang nakaraan nung huli siyang nagkaboyfriend at parang kailangan niya madiligan araw-araw dahil sa ingay ng kanyang bunganga na puro sex kung natatamaan ng libog.

“Tara na nga! Baka makalimutan kong magbestfriend tayo, at bakla ka – masunggaban kita. Sus ka!” Asta ni Jenny sabay tayo dala-dala ang aming mga pinagkain. Nang nadaanan namin ang washroom, nilagay na niya ang aming mga pinggan at diretso na kami sa sunod naming klase.

Naglalakad kami patungo sa Arts and Science building, sa kabilang dulo ng Central District University para sa klase namin sa Biology nang bukambibig ni Jenny ang mga crush niya sa buong semester.

“Oo! At bes! Don’t me, nag-iwan siya ng bulaklak sa locker ko last week at ewan ko na lang kung anong sasabihin ko kasi medyo naturn off ako. Pogi sana kaso alam mo ‘yun, medyo maliit ‘yung…” Isang hilaw na ngiti ang tinapon ni Jenny habang nagsasalita at kaagad ko namang nakuha ang kanyang ibig sabihin.

“Ano naman kung maliit? Baka malay mo magaling naman.” Sabi ko nang umiling si Jenny.

“Hindi! Ano ka ba. Ibang usapan ang galing. Ang usapan ay ang laki. Narinig ko nga mula sa classmate ko sa Art Appreciation na may nakakahook up daw siya palagi na importanteng tao sa Habisig. Estudyante! At sabi ni friend ang laki daw talaga mga, otso pulgada siguro. Ganern. Ibang klase rin si ate kasi hindi naman siya ganon kaganda talaga pero wow naman ate! How to be you po!” Sigaw ni Jenny nang napansin ko na ang sintas ng aking sapatos ay nalalaglag. Uupo sana ako upang itali ito muli nang may naramdaman kong may papalapit na mabibigat at malalakas na yapak na tila tumatakbo. Lilingon na sana ako nang…

BLAG! Hindi ako makakita at parang may malagkit na naramdaman ako sa aking mukha.

“Tumatambay pa kasi sa corridor, tangina naman oh! Next time, ‘huwag kayo dito magdaldalan. Nakakaasar!” Galit na usal ng lalake habang marahan kong tinatanggal ang nakaharang na malapot na bagay sa aking mga mata.

Nang natanggal ko na ang malagkit na bagay sa aking mga mata, nakakita ako ng anghel.

“Oh, ano? Tutunganga ka lang ba?!” Asar na tanong ng lalake sabay alok ng kanyang kamay para tulungan akong makatayo.


Itutuloy...


UNTIL MY LAST BULLET.

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails