Followers

Monday, March 22, 2010

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan [16]

By: Mikejuha
getmybox@hotmail.com
http://men4menphilippines.ning.com

--------------------------------------

Mistulang gumuho ang mundo ko sa narinig. Ang buong larawan na naglalaro sa isip ko ay kalagayan ko kung wala na siya, ang mga pagbabago, ang mga nakasanayan ko sa kanya siguradong hahanap-hanapin ko, ang mga kulitan namin, mga harutan, ang pag-aalaga niya sa akin, ang mga magagandang experience na naranasan ko sa kanya… Parang tinadtad ang puso ko sa sobrang sakit.

“P-aano na lang ang pag-aaral mo…?” ang nasambit ko na lang.

“Ano pa ba ang silbi ng pag-aaral ko kung ang kapiranggot na pera na gagastusin ko sa mga pangangailangan dito ay mas kakailanganin para sa mga gamot ng nanay?”

Natahimik ako sa sagot niya. “Pero bakit kailangang iwan mo ang nanay mo?” tanong ko uli. Gusto ko sanang idagdag pa ang tanong, “Ako… paano na lang kung wala ka? Hahayaan mo na lang ba akong mag-isa?” Ngunit wala akong lakas ng loob na itanong ito sa kanya. Tiniis ko na lang na itago ito sa aking isipan.

“Wala akong choice… Kung nandito naman ako ngunit walang maitutulong sa kalagayan namin, wala din. Mas mabuti nang nandoon ako, at least, makakatulong ako sa kahirapan namin.”

Tahimik.

Nagpatuloy siya. “Hindi ko alam kung may nagmamahal ba talaga sa akin e. Sa panahon ng pangangailangan ko, wala akong masasandalan, wala akong malalapitan, walang kadamay. Pati ang girlfriend ko, hindi ako maintindihan. Kesyo daw kailangan ko pa ring bigyan siya ng atensyon, tinitext, tinatawagan, tangina niya. Mas iniisip pa niya ang kalandian niya kesa kalagayan ng boyfriend niya.” Lumingon siya sa akin. “Ikaw na lang sana ang pag-asa ko. Ngunit wala ka rin. Hindi kita mahagilap…”

Napayuko ako sa sinabi niya. Inalipin ng hiya ang kalamnan ko at hindi magawang tingnan siya. At namalayan ko na lang ang sariling humagulgol nang humagulgol sa naghalong sama ng loob, awa sa sarili, at matinding pagsisisi, hinayaang dumaloy ang lahat nang sama ng loob na kanina pa ay nag-uumapaw na sumabog. Hindi na rin ako nakapagsalita. Pinaubaya ko na lang sa kanya ang magsalita nang magsalita. Iyon bang feeling na hopeless kang bigyang explanations ang lahat dahil wala kang mgagawa at alam mong nasaktan mo ang damdamin ng isang tao at ang lahat ng kamalian ay nasa iyo, kaya hahayaan mo na lang maipalabas niya ang lahat ng saloobin at lulunukin na lang ang lahat ng sasabihin niya.

“Sabagay, ganyan lang naman talaga eh… ako palagi ang nagpapakumbaba, umiintindi sa iyo, nagpaparaya. Yan naman palagi ang role ko, diba? Ni hindi ko nga nakitang naapreciate mo ang mga ginagawa ko. Parang wala lang ang lahat. Spoiled ka na nga sa mga magulang mo, spoiled ka pa sa akin… Hindi mo lang alam, nasasaktan din ako.”

Nanatili pa rin akong nakayuko.

“Tapos heto, nalalaman ko na lang na kayo na pala ni Paul Jake…” dugtong niya.

At sa sinabi niyang iyon, doon na tila may kumalampag sa tenga ko. Bigla kong itinaas ang ulo at tiningnan siya. “Wala kaming relasyon ni Kuya Paul Jake!” ang sambit kong mataas ang boses.

“Wala hah… Ipaliwanag mo nga kung bakit magkayakap kayo, nagsubuan pa ng pagkain at halos mag lips to lips na lang sa harap ni Shane?”

Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko sa narinig, hindi malaman kung sasabihing palabas lang namin iyon dahil sa sobrang sama ng loob at paseselos ko noong malamang may relasyon sila ni Shane. Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko “E… Hindi nga kami kuya, maniwala ka.” Ang sabi ko na lang, ang boses ay mustulang nagmamakaawa.

“Bakit mo ba itinatanggi? Hindi naman ako magagalit e. Di ba sabi mo pa nga na mabait iyong tao, matino at nakakaintindi sa iyo? Happy nga ako para sa inyo eh.” ang sabi niya. Ewan kung sarcasm iyon o talagang tunay na masaya siya.

“Hindi nga kami kuya, maniwala ka…”

“Hindi ako naniniwala. Hanggang may maganda at convincing kang paliwanag kung bakit kayo nagyakapan ni Paul Jake, saka pa lang ako maniniwala na hindi nga kayo. At… oo nga pala, nasaan na iyong singsing ko?” ang biglang pag-iba niya sa topic.

Nabigla ako sa narinig. “Ha? E… itinago ko Kuya”

“Hindi kaya hindi mo isinuot iyon dahil mumurahin lang iyon sa tingin mo, o kaya ay dahil kay Paul Jake?”

“Bakit ka ba ganyan mag-isip?!” ang bulyaw ko hindi alam kung paano i-explain na tinanggal ko iyon sa daliri ko dahil sa selos; dahil noong tsinitsismis na nagsama na sila ng girlfriend niya at tinanong ko siya tungkol dito, ang ibinalik na sagot niya lang sa akin ay “lalaki siya…” Sobra akong nasaktan kaya pinaalis ko siya sa kwarto ko at napagpasyahang tanggalin na lang ang singsing sa daliri.

“Bakit hindi ka makapagpaliwanag ng maayos?” tanong uli niya.

“Nagseselos ako! Nagseselos ako!” sigaw ng isip ko ngunit hindi ko magawang maipalabas ang mga katagang iyon sa bibig ko. “Iniingatan ko iyon, kuya...” ang nasabi ko lang.

“Ok… sana nga. Dahil kapag nawala iyon, makatikim ka sa akin” ang pagbabanta niya.

Tahimik.

“M-mahal mo ba ako, tol?”

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa di inaasahang tanong na iyon, nakatingin sa kanya, nalilito kug aaminin ba o hindi.

“Hoy! Tinatanong kita!” bulyaw niya noong nakitang nakatunganga na lang ako.

“A… O-opo kuya. M-mahal kita...” ang nasambit ko

“Bilang kuya ba o higit pa…” ang casual niyang pagfollow up.

Ramdam ko na naman ang pagkabog ng dibdib ko. “K-kuya?” tanong ko, kunyaring hindi ko siya narinig.

“ang tanong ko… “ pag-ulit niya, “Mahal mo ba ako bilang kuya o higit pa…”

“E…” ang katagang lumabas sa bibig ko, ang mga mata ay nakatutok sa kanya, mistulang nagmamakaawang huwag nang igiit iyon.

“Iyan ang hirap sa iyo e. Ginawa mong kumplikado ang isang bagay.” Ang naisagot lang niya.

Ewan, hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa sinabi niyang iyon. Hindi na lang ako kumibo. Ano pa nga ba ang isasagot ko. Tila hinuhusgahan na niya ang saloobin ko.

“Paano iyan, pupunta na ako ng Canada, baka in three to four months daw sabi ni Shane.”

Hindi pa rin ako nakakibo. Ngunit sa kaloob-looban ko, naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata.

“Wala ka bang balak na pigilan ako?”

“Gusto…” ang maiksi kong sagot.

“Bakit?”

“Mam-miss kita…”

“Ano ba ang ma-miss mo sa akin?”

At iyon na… hindi ko na napigilan ang mga luhang muling pumatak sa mga mata ko. “Iyong paghahatid mo sa akin sa bahay kapag galing school tayo. Iyong doon ka matutulog at tabi tayo sa kama. Iyong samahan natin sa team at kapag umaalis tayo. Iyong practice natin sa team. Iyong magkakantahan tayo sa kwarto ko at lalo na kapag kakantahin natin ang paborito nating kanta na “Back To Me”. Iyong gimikan natin. Iyong pagluluto mo sa bahay ng paborito kong mga pagkain, ang pag-aalaga mo sa akin…” at humagulgol na naman ako.

“Hug ka na nga lang sa akin?” sambit niya.

Tumayo ako sa kinauupuan at sumampa sa kama niya at niyakap ko ang parteng dibdib niya.

“Arrggghh!” ang mahina naman niyang inda sa sakit marahil na nagalaw ng kaunti ang operasyon niya.

Sa pagykap kong iyon sa kanya, lalo akong humagulgol.

Tinapik-tapik naman ng isang kamay niya ang likod ko. “Mami-miss din kita Tol... Ma-miss ko ang kakulitan mo, ang pagkamataray mo, ang harutan natin, ang pag-aalaga mo rin sa akin. At lalo na ito, ma miss ko - ” sabay hablot naman ng isa niyang kamay sa buhok ko at idiniin ang ulo ko upang magtapat ang mga bibig namin.

“Kuy-!” ang nasambit ko sa pagkagulat. At hindi ko na naitoloy pa ang sasabihin gawa ng paglapat ng mga labi namin. Naghalikan kaming parang hindi siya kaoopera pa lamang.

Ako na rin ang kumalas sa halikan namin at agad na bumalik sa upuan, nagkunyaring wala lang nangyari. “M-mahal mo ba si Shane?” ang naitanong ko.

Hindi siya nakasagot agad. Binitiwan lang niya ang isang malalim na titig.

Nasa ganoon akong paghintay sa isasagot niya noong bigla namang bumukas ang pinto.

Ang mama ko. Hindi nakasama ang papa dahil daw sa appointment sa mga kliyente. Palihim kong pinahid ng luha ang mga mata ko at ang basa ko pang pisngi. Naupo naman si mama sa isang bakanteng upuan sa gilid ng kama ni kuya Rom.

“Kumusta hijo!” Bati ng mama ko kay kuya Rom. Nakamasid lang ako at nakikinig sa kanilang pag-uusap.

“OK naman po Tita… Salamat po sa pagbisita.”

“Bakit pa ba humantong sa ganito Romwel? Bakit hindi ka man lang nagsabi sa amin ng problema mo?” ang tila paninisi ng mama ko kay Kuya Rom.

“Ok lang po, Tita. Nahihiya kasi ako sa inyo.”

“Ang batang ito, oo. Panganay na anak na ang turing namin sa iyo. Mahal mo si Jason, mahal ka rin namin. Lahat ay pwede mong sabihin sa amin at kahit na ano ang problema mo, tutulong kami sa iyo.”

Tila may tumusok naman sa puso ko sa narinig at halos mapaiyak muli dahil sa panghihinayang. Kahit na alam kong ang ibig sabihin niyang pagmamahal ni Kuya Rom sa akin ay bilang kapatid, natuwa pa rin ako na napansin niya ito at kinonsente pa sa kabila nang minsan ay mas mahigpit pa si Kuya Rom sa akin kesa sa kanila.

“P-asensya no po talaga Tita…”

“Ano na ngayon ang plano mo?” tanong ng mama ko sa kanya.

Ngunit imbes na sagutin ang tanong, tumingin siya sa akin na parang ang ipahiwatig ay gusto niyang ang mama ko lang ang makarinig.

Napansin iyon ng mama ko. “Jason, labas ka muna ha? May pag-uusapan lang kami ng Kuya Romwel mo.”

Bigla naman akong nagtaka kung bakit i-sikreto pa nila ang pag-uusapan. Tuloy hindi ko maiwasang hindi magselos. Kasi ba naman ako ang tunay na anak tapos sila ang mas close. Ngunit wala akong magawa kungdi ang lumabas. Noong nasa labas na ako, nandoon pa pala si Shane sa may hallway, naghihintay at noong makita ako, agad akong nilapitan.

Inirapan ko lang siya. “Hmpt!” sabi ko.

Parang wala lang sa kanya ang ginawa ko. Tuloy pa rin ito. “So… what’s up?” sambit niya.

“What’s up your face!” sagot ko.

“Come on Jason, don’t be such a child. Gusto kong maging kaibigan mo rin.”

“Pwes, ayoko no!”

“Sige ka, hindi ko ibabalik sa iyo ang Kuya Romwel mo…”

“Aba! Blackmail din ang hirit nitong kumag na to!” sa isip ko lang. “At bakit? Kung kakaibiganin ba kita ay hindi mo na siya isasama sa Canada?”

“Hahaha! Now you’re talking. Pag-isipan ko pa…” sagot niya.

“Pwes dalian mo ang pag-iisip at magdesisyon ka na kaagad na huwag mo siyang isama! Dahil kung isasama mo talaga siya, susunugin ko ang bahay mo para hindi kayo matuloy. Saan ka nga ba nakatira?” birit ko.

“Hahaha! Kakatuwa ka talaga. OK… magdesisyon na ako ngayon na. Ngunit sa isang kondisyon: sagutin mo ang isang tanong ko.”

“Bagal naman. Dali…”

“Mahal mo ba si Romwel?”

Bigla naman akong natameme, parang may humambalos na frying pan sa ulo ko at may sound effect pang “Toinks!”. “Bakit napunta d’yan ang usapan? At anong paki mo?!” ang mataray kong sagot.

“Woi… mahal niya, you can’t deny it!”

“Hoy! Mahal ko nga si Kuya Romwel dahil kuya ko siya. At anong pakialam mo doon? It’s none of your business!”

“Halika nga, mag-usap tayo ng masinsinan” ang sabi niya sabay hablot sa kamay ko at hila sa akin.

“Ano ba? Saan ba tayo pupunta?” sigaw ko.

“Doon lang tayo sa canteen, may pag-uusapan tayo…”

Upang mapadali ang kung ano man ang gusto niyang pag-usapan namin, sumunod na rin ako.

Noong nandoon na kami. “Ok… gusto ko lang malaman kung mahal mo nga ba si Romwel, iyon lang.”

“Aba’t ang haliparot na to! Maghahanap pa yata ng gulo!” sa isip ko lang. “At bakit mo ba iginigiit ang tanong na iyan? Sabi mo boyfriend mo na si Kuya Rom, at pupunta na kayo ng Canada. Ano pa ba ang gusto mo?”

“Syempre, pag mahal mo kasi ang isang tao, gusto mong malaman lahat ang tungkol sa kanya, di ba? Kasi plano naming magpakasal sa Canada e…” ang mistulang may pang-iinggit pa niyang pagkasabi.

Natulala naman ako sa narinig. Para kasing hindi pa siya masyadong common sa aking pandinig. “Ano kamo? Did I hear it correctly? Magpakasal? As in magmamartsa kayo sa center isle ng simbahan at may mga flower girls, best men, brides maid, ring bearers, exchange of vows, etc, etc?”

“Yup! Sa Canada, pwede iyon.”

“Aba! Ang taray!” sigaw ng isip ko. “Ah… OK!” ang sagot ko na lanag. At dahil sa na preskohan ako sa approach niya, bigla ding pumasok sa isip ko ang asarin siya. Malay ko, baka aawayin niya si Kuya Romwel at hindi na sila matuloy na mag-Canada pa. Kaya may naisip akong isagot na pangontra sa tanong niya.

“So…? Mahal mo si Romwel?”

“Actually, nagmamahalan nga kami ni Kuya Romwel. Binigyan nga niya ako ng singsing eh. Hindi ko lang naisuot siya ngayon. Marahil ay kung pwede lang kaming magpakasal dito, nagpakasal na kami. Sa katunayan nga niyan, palagi siyang doon natutulog sa bahay namin, sa kwarto ko, at magkatabi kami… Sweet no? Kaya sa tanong mo kung mahal ko si Kuya Romwel? Oo naman! Super! Mahal na mahal ko siya! At mahal na mahal din niya ako1 At hindi ako papayag na basta-basta mo na lang siyang aagawin sa akin! Haliparot!” ang mataray kong sabi.

“Ah… good!” tumango-tango siya. “Tama nga ang hinala… Thank you, Jason” Iyon lang. Tumayo siya, kinamayan ako at umalis na.

“Aba! Ang taray niya rin ha? Tiyak, may world war 3 iyon. Sana di na niya isasama si Kuya Rom sa Canada! Nyahaha!” sigaw ko sa sarili. At syempre, ini-expect ko na rin na pagagalitan ako ni Kuya Rom kapag nalamang may sinasabi akong ganoon kay Shane. “Ok lang iyon dahil kahit ipa-reimburse pa ni Shane ang lahat ng nagastos niya kay Kuya Rom, sasagutin naman iyon ng mga magulang ko.” Sa sarili ko lang.

Bumalik agad ako sa bungad ng kwarto ni Kuya Rom. Eksakto namang paglabas ng mama ko galing sa loob.

“Ma! Anong pinag-usapan ninyo ni Kuya Rom?” tanong ko kaagad.

“Ah… ang nanay ni Kuya Romwel mo, sa atin na siya titira kapag maayos na ang operasyon at makalabas na ng ospital”

“Ay ganoo! Maganda iyan ma, para maalagaan natin siya.” Ang masaya kong tugon. “Atsaka ma… si Kuya Romwel, i-adopt na rin natin para sama-sama na tayo, hindi na siya aalis pa papuntang Canada!” dugtong ko.

Natawa naman si mama. “Kausapin mo ang kuya Romwel mo! Ok lang sa akin” At nagmamadaling umalis at may meeting pa raw siya.

Pumasok agad ako sa kwarto ni Kuya Romwel. “Kuya… totoo bang sa amin na titira ang mama mo paglabas niya galing ospital?”

Tumango si Kuya, nakangiti at mistulang masayang-masaya. Dahil sa tuwa, agad akong sumampa sa kama niya, niyakap-yakap at hinahalik-halikan ang mukha at labi niya.

Nasa ganoon kaming paglalambingan noong biglang bumukas ang pinto.

Si Shane. At kitang-kita niya ang ginagawa naming lambingan!

(Itutuloy)

8 comments:

  1. really amaze with your stories every week... awaiting for the next chapter.. .yahoooo..

    ReplyDelete
  2. feeling, may pag ka opportunistic itong si kuya romwel. ano ba talga ang plano niya? siguro plinano ni romwel ang relasyon nila ni shane upang i prove talaga ni romwel na may nararamdaman c jason sa kanya. At ito namang Jason, maxadong pa irl. ano ba sya? marami ng times nag show ng sign c romwel sa kanya at sa point na ito, hndi pa rin ma gets ni jason. kung aminin na nya..total, binigyan na xa ng sing2 ni rom, c rom ang laging nag fi first move, to the point na may nang yayari sa kanilang sexual and enjoy naman nila yon. C Jason lang naman ang nag papa complicate ng situation, and the fact na inaway pa nya c shane:it only proves na kaya naman nyang aminin na mahal nya c kuya rom sa ibang tao ngunit sa sarili nya, hindi nya pa rin ma conclude, d nya kayang sabihin kasi avoidant xa.

    ReplyDelete
  3. may point ka jan jockolong! Dapat pag-umpugin ang mga ulo nila ni Jason at Kuya Rom, hehe.

    Cool ka lang... Tks for the comment.

    TC!

    ReplyDelete
  4. @ shane... tks sa pagsunod mo sakin dito sa blog ko.

    TC!

    ReplyDelete
  5. @mike: haha! dapat nga!

    ..d me maka follow sa site na ito..laging failed.. noon pa sana..(e d sana special mention u dn ako doon sa part 18. hehe:) )

    ReplyDelete
  6. na aliw ako sa ka2basa. pero, hindi ako baka ha, :D
    here's my facebook account xercesslave22@yahoo.com.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails