By: Michael Juha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
***
So… balik normal na naman ang lahat. I mean, iyong ganoong set-up na parang kami ngunit hindi. Ewan, basta parang ganoon. Hindi ko nga alam kung MU bang matawag iyon e. Kasi, mag-kuya ang nakalagay sa “official” registration ng mga utak namin e, hehe. Hmmm, baka hindi rin naman pero wala lang gusotng umamin. Oo, may singsing ako sa kanya, sa thumb nga lang at walang marriage proposal – charing! Oo, may nangyari sa amin, ngunit wala namang sinabi iyong tao na pananagutan niya ang puri ko, nyahaha. Hindi nga, dedma iyong tao kung mahal ba niya ako o hindi. At syempre, ayaw ko rin namang magsabi sa kanya na mahal ko siya no. Ano ka... Basta! Ayaw ko. Ano ako, cheap na NFA? (Hehe)
Ngunit kahit pa man sobrang nakakaloka ang set-up namin, kina-career ko na talaga ang pagka-close namin. Tinatanong siya kung kumain nab a, na dapat huwag masyadong magpapagod... halos susubuan ko na nga kapag kumain kami eh. At, palagi niya akong hinahatid sa bahay galing school at minsan, doon na matutulog sa bahay, doon kumakain at, take note, kapag may chance siya, nagluluto iyan. Mahilig kasing magluto ang kumag at ang sarap pa niyang romomansa, este, magluto, pramis. Dahil nga yata d’yan kaya siya naging close at kadikit ng mga parents ko eh. Sa totoo lang, feeling ko, kasal na lang talaga ang kulang sa amin.
Ang buong akala ko, tuloy-tuloy na ang lahat. Ngunit marahil ay sadyang mapaglaro ang pag-ibig.
Isang araw, nag-absent si Kuya Rom sa klase. Walang text, walang explanation kung bakit. Noong pumasok kinabukasan, napansin kong tila malalim ang iniisip nito at kahit ngumingiti at nakikipagbiruan, parang may iba talaga siyang kinikimkim na hindi ko mawari. Noong magpraktis kami, parang wala din ito sa sarili. Kinausap ko siya tungkol dito at kung bakit siya nag-aabsent. Ngunit ayaw niyang magsalita, walang sinabing dahilan. Ang sabi lang niya ay huwag ko da siyang alalahanin at ok lang siya.
Kaya naninibago man, wala din akong magawa kungdi ang intindihin siya, ang magtiwala sa sinabi niya. Syempre, may sakit din na dulot iyon sa akin kasi pakiramdam ko ay may itinatago siya.
Hanggang sa dumating ang sunod-sunod na apat na araw na hindi siya pumasok. Sobrang na-nagtaka ako dahil hindi normal iyon sa kanya. Kahit may konting pagka-caarefree si kuya Rom, hindi ito ang type na nag-aabsent sa klase. Nag-worry na ako, kinakabahan, at hindi mapakali. Ni text ko ay hindi niya sinasagot.
At syempre sa team namin, hinahanap siya sa araw-araw na praktis. Ang masaklap, noong pang-apat na araw na absent siya habang nag-uumpukan ang mga ka-teammates ko pagkatapos ng praktis, “Si Romwel, nakita ko kagabi, kasama ang girlfriend niya…” sabi noong isang kasama namin.
“Iyon ba iyong ipinakilala niya sa atin noong may athletic meet tayo sa kabilang bayan?” tanong naman noong isa.
“Iyon nga! Iyong Kris ang pangalan? Iyong matangkad, sexy at parang model ang dating.”
“Siguro kaya nag-aabsent na iyong tao ay dahil naaadik na doon sa babae!”
Tawanan.
“E sino ba kasi ang di maadik sa babaeng iyon. Ansarap kasiping noon! Legs pa lang ulam na!”
“Baka kako naglive-in na iyong dalawa at buntis na iyong babae.” sambit naman ng isa sabay tawanan uli.
“Sa sobrang pag-iilang ni Romwel na hindi magpatali sa babae, bumigay na rin pala. Mahirap talagang labanan ng libog no?” hirit ng isa pa.
“At si Romwel pa. Anlaki-laki ng kargada noon. Sigurado, noong natikman ng babae ang alaga niya, hindi na pinakawalan.”
Pakiramdam ko ay dinurog ang puso ko sa sobrang sakit na naramdaman sa mga narinig. At kahit ganoon ang kwento nila, nakitawa na rin ako. Syempre, wala naman silang kaalam-alam sa naramdaman ko at sa namagitan sa amin ni kuya Rom, maliban na lang kay kuya Paul Jake na panay ang sulyap sa akin habang nagbabangkaan ang mga ka teammates.
Alam ko, naramdaman ni kuya Paul Jake ang aking saloobin kaya sa gitna ng topic nila na iyon, bigla niya itong inilihis, “Maiba pala tayo, napuntahn niyo na ba ang bagong bukas na floating barbeque grill sa loob mismo ng Tandang Sora Beach Front? Masarap daw doon ah at may banda pa at disco kapag gabi”
“Sabi nga nila! Maganda nga daw doon pare! At andaming magagandang dumadayong chicks!” sagot naman ng isa.
Kaya, doon na sa parteng iyong natapus ang bangkaan sabay yaya ni Kuya Paul Jake na umuwi. Nagsiuwian na rin ang lahat. Dahil gabi na, inihatid ako ni Kuya Paul Jake sa bahayat noong makarating, niyaya ko siyang umakyat muna sa kwarto ko upang makipagkuwentuhan sandali.
Pinagbigyan naman niya ako. Dali-dali kaming umakyat sa second floor kung saan nandon ang kuwarto ko at dumeretso na kaagad sa music corner. Ibinagsak ko ang dala-dalang bag sa sofa, pinatugtog ang sound, tinumbok ang ref at doon kumuha ng dalawang bote ng beer at binuksan ang mga ito.
Habang tumugtog ang paboritong kanta namin ni Kuya Rom, wala naman kaming imikan ni Kuya Paul Jake na magkatabi lang sa sofa. Tahimik lang kaming umiinum sa tig-iisang boteng beer na binuksan ko, nagpakiramdaman sa isa’t-isa. Alam kong alam ni Kuya Paul Jake ang saloobin ko gawa ng hindi pagpapakita ni Kuya Rom sa school, sa practice, at gawa na rin sa mga narinig kong tsismis o haka-haka tungkol sa hindi na niya pagsipot.
Maya-maya ay nagsalita din siya, marahil ay upang mabasag lang ang katahimikan. “Parang palagi mong pinapatugtog ang kantang iyan ah? Ano ba ang pamagat niyan? Maganda...”
“Back To Me by cueshe kuya” ang matamlay kong sagot.
“Paborito mo ba?”
Tumango lang ako, pilit na huwag ipahalata ang namumuong mga luha sa mata. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, “Parehong paborito naming ni Kuya Rom”. Ngunit hinayaan ko na lang na sarilinin ang nasa isip.
Tahimik. Hindi na ipinilit pa ni Kuya Paul Jake ang pakikipag-usap.
Ngunit hindi ko rin napigilan ang pagdaloy ng mga luha ko. Para kasing ang tanong ni Kuya Paul Jake ay isang sibat na tumuhog sa aking puso. Marami kasi akong naaalala sa kantang iyan. At ewan kung coincidence lang din o mental telepathy ba (?), na may mga pagkakataong habang nag-iisa lang ako sa kuwarto at bigla siyang papasok sa isip ko, ipatugtog ko ang kantang iyan. Tapos, habang tumutugtog ang kanta ay bigla na lang din siyang darating o susulpot sa kuwarto, magugulat na lang ako. Para bang may connection ang mga isip namin.
Yumuko na lang ako, pinahid ng isang kamay ko ang luhang dumaloy sa mga pisngi. Noong mapansin ni Kuya Paul Jake ang pag-iyak ko. Nagsalita na naman siya, “Ahhhh… sinabi ko naman kasi sa iyo na huwag kang padadala sa emosyon eh.” Ang sambit niya, kuha kaagad ang dahilan ng aking pag-iyak.
“H-hindi ko kasi kayang pigilan kuya e… Ako man ay litong-lito na. Nahihirapan na talaga ako, kuya.” ang sagot ko, ang boses paputol-putol dahil sa paghikbi. “K-kasi ba naman, hindi ko rin maintindihan ang taong iyon. Sobrang close, sobrang sweet, wala namang sinasabi kung ano ba talaga ang naramdaman niya. Tapos, hayan, biglang mawawala na parang bula, wala man lang ni ho ni ha, o pasabi kung buhay pa ba siya o patay na!” ang dugtong kong pagmamaktol.
“Sabi ko naman sa iyo… lalaki si Romwel. Hindi ka niya puweding mahalin.”
Nagsisigaw naman sa pagtutol ang utak ko sa binitiwan niyang salitang iyon. “H-hindi mo naintindihan kuya e…” ang nasambit ko na lang.
“Ang alin?”
“A-alam ko, mahal niya ako, kuya. Di lang niya masabi.”
“At bakit naman hindi niya masabi?” tanong niya.
“Hindi ko alam” sagot ko.
“Kinausap mo na ba siya tungkol sa naramdaman mo? Di ba sabi ko sa iyo na kausapin siya upang habang maaga pa ay alam mo na kung saan ang lugar mo sa puso niya.”
“Hindi pa kuya… Natatakot ako eh.”
“O sige, ito na lang… Granting na mahal ka nga niya at hindi niya masabi ito sa iyo, bakit may nakakakitang nagsama sila ng girlfriend niya?”
Tila may bumara sa lalamunan ko sa pagkarinig sa tanong niyang iyon. Pakiramdam ko lalong bumigat ang naramdaman ko. Pilit mang pigilin ang sariling huwag ipalabas ang sama ng loob, hindi ko rin nakakayan ang hindi paghagulgol.
Sa awa, niyakap ako ni Kuya Paul Jake at hinahaplos-haplos ang likod. Niyakap ko rin siya, mahigpit at hinayaang kumawala sa mga bisig niya ang sakit na naramdaman.
Nasa ganoong eksena kami ni Kuya Paul Jake noong bigla namang bumukas ang pinto. Dahil nakaharap ang mukha ko sa may pintuan, kitang kita ko kung sino ang pumasok. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
“Si Kuya Rom!” sigaw ng utak ko. Hindi ko lubusang maisalarawan ang naramdaman ko sa pagkakita sa kanya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko at may bahid na takot din sa nakita niya sa amin sa ganoong asiwang posisyon.
“Uhum!” sambit niya, pagpahalata na nandoon siya at may nakita siyang kakaiba.
Bigla naman akong kumalas sa pagkakayakap kay Kuya Paul Jake na nabigla din sa ginawa ko.
“Ah... Bro! Nandito ka pala. Inihatid ko kasi si Jason dito galing sa practice natin…” paliwanag ni Kuya Paul Jake noong masilip niya na nandoon pala biglang sumulpot si Kuya Rom.
Para lang walang narinig si Kuya Rom, hindi pinansin ang sinabi ni Kuya Paul Jake. Umupo ito sa isang parte ng corner set sa gilid ng sofang inupuan namin. At kahit na walang ipinakitang emosyon ang mukha niya, ramdam ko pa rin na may inis siyang itinatago. Kinuha niya ang remote ng TV at walang sabi-sabing pina-andar iyon, hindi man lang kami pinansin o nilingon.
Nagtinginan kami ni Kuya Paul Jake na umaksyon naman sa akin na mauna na siyang umalis, nahalata marahil ang hindi magandang mood ni Kuya Rom.
Tumango naman ako, sumang-ayon na aalis na lang siya.
At tumayo kuya Paul Jake. “Bro… mauna na ako ha?” ang paalam niya kay Kuya Rom.
Tiningnan ni Kuya Rom si Kuya Paul Jake, binitiwan ang isang ngiting-respeto. “Ok bro… ingat!” ang nasambit niya.
Noong makaalis na si Kuya Paul Jake, tumabi sa akin sa pag-upo sa sofa si Kuya Rom. “Siguro kung hindi ako dumating, may milagro nang nangyayari dito.” Bungad niya sa akin, pagpapasaring sa nakitang yakapan naming ni Kuya Paul Jake.
Tinitigan ko lang siya, pinilit ang sariling huwag patulan ang sinabi niya.
Ngunit humirit pa rin siya. “Naka-istrobo ba ako sa plano mong matikman si ‘k-u-y-a’ Paul Jake?” pagbigay-diin niya sa salitang “kuya”.
Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo sa narinig at naalimpungatan ko na lang na lumapat sa pisngi ni Kuya Rom ang kamay ko at narinig ang malakas na “SPLAK!!!”
Ako man ay hindi makapaniwala sa mabilis na pangyayari. Nasampal ko si Kuya Rom!
Noong tiningnan ko siya, hawak-hawak na ng isa niyang kamay ang ang pisnging nasampal. “Happy ka na? Dito pa ang kabila kong pisngi kung gusto mo pa!” ang sarcastic niyang sabi, kitang-kita sa matutulis niyang tingin ang matinding galit na tinitimpi.
Pakiramdam ko ay bigla akong binuhusan ng malamig na tubig. Ngunit tumatak pa rin sa isip ko ang nakakainsultong sinabi niya at ang hindi niya pagsabi sa akin kung saan siya nagpupunta sa panahong hindi siya sumipot sa eskwela, lalo na ang isuue ng pagkakita sa kanila ng kasama namin na nagsama sila ng kasintahan niya.
“Ano ba ang akala mo sa akin? Ano ba ang akala mo kay Kuya Paul Jake? Sa tingin mo ba kaya niyang ipagawa sa akin ang mga ipinapagawa mo? Ikaw lang ang nagpapagawa sa akin ng ganoon! Ikaw lang ang gumawa sa akin ng kababuyan! Palibhasa kasi gawain mo!!!” ang bulyaw ko.
Mistula namang biglang nagbago ang mukha ni Kuya Rom sa narinig. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit. “Anong pinagsasabi mong gawain ko? Ha?!” Bulyaw din niya. “At bakit ba nandito iyong tao na iyon? At bakit nagyakapan kayo?!!” sigaw din niya.
Sa tanong niyang iyon, hindi ko na napigilan pa ang sariling ipalabas ang lahat ng sama ng loob. “Hindi mo ba nakita? Umiiyak ako!!! Tinatanong mo ba kung bakit ako umiiyak? Naramdaman mo ba kung bakit ako umiiyak? Si Kuya Paul Jake lang ang tanging nakakaintindi sa naramdaman ko!!!” sigaw ko.
“At bakit ka ba umiiyak? Nagsusumbong ka kay Paul Jake...? Ano ang pinagsasabi mo sa kanya?! Tangina, may sinasabi ka sa kanya?”
“Oo! Sinasabi ko sa kanya na na-miss kita; na nag-alala ako sa iyo; na hindi ko maintindihan kung bakit ka na lang biglang nawala at hindi nagpaalam! Bakit ba? Bakiiiittttt?!”
Tila nahimasmasan naman siya sa narinig. Hindi nakasagot at biglang napayuko.
“Ngayon... masaya ka na?” sambit ko. “Alam ko namang nagsama kayo sa nobya mo e. May nakakita sa inyo. Sana lang naman ay may taong nagpaalam sa akin na hindi siya papasok o magpakita dahil sa nobya niya!”
Hindi pa rin siya kumibo.
“O ano… totoong nagsama kayo ng nobya mo kaya kinalimutan mo na lang ako, di ba? Ganyan naman palagi eh. Noong nandoon tayo sa athletic meet, itong babaeng ito din ang kasama mo at etsapwera mo na lang din ako. Ganyan palagi. Pupunta ka lang sa akin kapag wala siya, kapag hindi kayo nagkita o kapag inatake ka ng libog, di ba? Panakip-butas lang ako! Di baaaa?!! Tanginaaaaa!” sigaw ko.
Nanatili pa rin siyang tahimik.
Hindi ko lubos maintindihan ang anyo at katahimikan niyang iyon. Pakiwari ko ay may malalim na problema siyang dinadala. Binitiwan niya ang isang titig na tila puno ng katanungan, blangko, at tumagos sa likuran ng ulo ko habang ang mukha niya ay nababalot sa matinding lungkot. Ngunit hindi ko pinansin ito. Bagkus humirit pa ako. “Sumagot ka! Tama ba ako?! Sagutin mo ako!!!”
“Tol… isipin mo palagi. Lalaki ako.” Ang mahinahon niyang sabi, ang mga mata ay nakatitig pa rin sa akin.
Tila naputukan naman ako ng isang bomba sa narinig. Pakiramdam ko ay gumuho ang paligid ko at bigla akong nawalan ng lakas. Iyon bang nasa gitna ka n asana sa isang napakagandang panaginip at sa isang iglap lang ay may sumampal sa iyo ng napakalakas at biglang nagising ka sa katotohanan. Sobrang nakakasakit ang naramdaman ko sa sinabi niya. Sapul na sapul at tila tinadtad ang puso ko sa sobrang sakit.
“Tama... lalaki ka nga pala. At sino nga ba ako sa buhay mo?” ang naisagot ko na lang sabay talikod, tinumbok ang higaan, dumapa doon at humagulgol.
Mistula naman siyang napako sa kinauupuan. Hindi ko lang alam kung nabigla siya sa nasabi o talagang pinagplanuhan niya na ang sasabihin niyang iyon.
“Lumayas ka. Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo.” Ang nabitiwan ko ding salita.
Iyon lang ang nasabi ko. At narinig ko na lang ang pagbukas at padabog na pagsara ng pinto. Umalis siya na hindi nagpaalam, na maraming katanungang iniwanan.
Sa buong gabing iyon, walang humpay ang aking pag-iyak. Tuliro, nababalot sa matinding hinagpis, sa matinding galit, at sa matinding pagkaawa sa sarili…
(Itutuloy)
By: Mikejuha
getmybox@hotmail.com
galing mo talagang kuya mike... i'm always checking sa new post mo... more power at looking forward for more exciting episodes... thanks! it's me markpatrick a.k.a. shanejosh
ReplyDeletechong mike may ibu2long aq sayu hahaha bsta kunin m yung email add q s ym chong mike ibu2long q yung bagay n yun ahhaha
ReplyDeletee2 email ng YM q innervoices_09@yahoo.com
ReplyDeleteIkaw n talaga sir MikeJuha. Nakakadala talaga ung mga dramatic scenes. 4 thumbs up, hahaha
ReplyDelete