Followers

Wednesday, April 1, 2026

Gangster Ang Secret Crush Ko

By Michael Juha

---

Chapter 1: Unang Halik

“Bring me your secret crush!” ang sigaw ng announcer ng nagpapalaro sa plaza sa oras na iyon kung saan din ako naroroon. Ako kasi ang pinakamaagang sumipot sa schedule naming magkaklase para sa practice namin ng role-playing. “Kung sino ang maunang makapagdala sa akin ng kanilang secret crush ay may papremyong isang libo!” dugtong ng announcer.

Sa edad kong 16 ay wala pa akong seryosong crush. Pag-aaral lang talaga ang aking inaatupag. Paano, mahirap pa kami sa daga. Sa pagluwal ng inay sa akin ay ikinamatay niya ito. At wala pang isang buwan iniwan naman ako ng itay dahil sa tindi ng kanyang kalungkutan at sa galit niya sa akin dahil ako raw ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang inay. Kaya simula noon, ang lola ko na ang nag-alaga, nagpalaki, at nagpaaral sa akin. Ngayon nga ay may iniinda siyang sakit. Ngunit wala akong maitutulong. Kaya, desperado akong makuha ang 1K na papremyo sa palarong ito.

“I repeat!” ang muling pagsigaw ng announcer, “Kung sino ang maunang makapagdala sa akin ng kanilang secret crush ay may papremyong isang libo!”

Mabilis na inikot ko ang aking paningin sa paligid kung mayroon akong babaeng kaklase o kakilalang maaari kong hablutin at dalhin sa stage. Ngunit wala akong nakita. At sa puntong iyon ay biglang sumagi sa isip ko na kahit sino ang damputin ko ay wala namang makakaalam kung fake crush ko ba iyong tao. Kahit itanggi pa niyang hindi niya ako kilala, ngunit dahil secret crush naman, lulusot pa rin ako.

Dali-dali akong humanap ng isang target. Nalocked-target ko ang babaeng nakaupo sa isang gilid. Nakatalikod siya at tila abala sa magmumuni-muni tungkol sa ibang bagay na walang kinalaman sa problema ko sa secret crush. Wala siyang kamalay-malay na idadawit ko siya sa isang “krimen.” Bagamat nakatalikod, pansin ko ang mahaba niyang buhok. Nakasuot siya ng maong na jeans, itim na leather jacket, at boots. At simbilis ng kidlat na hinablot ko ang kanyang kamay at puwersahang hinila. Sa matinding pagkagulat ay napatayo siya at hindi na nakapalag o nakapagsalita. Pilit na napabuntot siya sa akin.

Kami ang unang nakarating sa stage at napakalakas ng hiyawan ng mga tao nang nasa gitna na kami. Pati ang aking mga kaklase na kararating pa lamang ay todo-supporta nang gulat na makita nila akong nasa stage. “Brice! Brice! Brice!” ang sigaw nila. At ang lakas pa ng tawanan! Pati ang audience, lalo na ang mga babae at bakla ay kinilig at sobrang lakas din ang hiyawan na animoy mga sikat kaming artista na pinagkakaguluhan.

“Secret crush mo ito?” ang tanong ng announcer.

Nang nilingon ko ang announcer ay agad akong tumango. Syempre, ako dapat ang mauna. Nang nilingon ko naman ang babaeng aking kinaladkad ay doon na ako maduwal sa pagkagulat. Tinitigan ko ito nang ilang Segundo at hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Isa pala siyang lalaki na may mahabang buhok na halos 6-footer ang tangkad! Astig at hunk ang porma, malakas ang appeal, at bagamat mukhang sanggano, pero 100% legit na guwapo!

Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa matinding hiya. Hindi ako makatingin-tingin sa kanya at hindi ko alam kung babawiin ko ba ang isinagot ko sa announcer. Nang muli kong tiningnan ang lalaki, narealize ko na hindi tagaroon sa amin ang taong iyon. Kalmadong nakatitig siya sa akin at tila pinoproseso sa kanyang utak kung paano siya naging crush ko samantalang hindi naman siya tagaroon, at hindi rin siya kilala sa aming lugar.

“Excuse me, can I interrupt?” ang sambit uli ng announcer nang mapansing nagkatitigan kami nung dala kong lalaki. “Secret crush mo ba talaga ito?” tanong niya sa akin.

Muling naghiyawan ang mga tao. May sumisigaw ng “Hindi iyan! Hindi iyan!” Ngunit iba naman ang isinigaw ng aking mga kaklase, lalo na ang mga babae na talagang nagtatatalon sobrang kilig. “Secret crush niya iyan!” “Secret crush niya iyan!” habang nagtitilian at nagtatawanan. Full support ang mga animal sa kabulastugang nangyari sa akin.

“Ah, eh…” ang una kong sagot habang binitiwan ang isang pagkukunwaring tawa.

Ngunit patuloy pa ring sumisigaw ang aking mga kaklase, “Secret crush niya iyan! Secret crush niya iyan!”

At nang sumagi ulit sa isip ko ang kalagayan ng lola ko, kaya ang naisagot ko na lang ay, “Oo… siya ang secret crush ko,”

Mas lalo pang tumindi ang hiyawan at tilian ng mga babae at kabaklaan.

“Sandali, ano nga pala ang name mo?” ang tanong ng announcer sa akin.

“Brice”

“Brice, seryosong tanong. Bakla ka ba?”

Muli akong natulala. Hindi naman kasi ako bakla. At never akong nag-isip na bakla ako. Never sa pananalita, never sa isip, at never sa gawa. Nagkakagusto ako sa babae, at bagamat, humahanga ako sa lalaki, hanggang doon lang iyon. Universal naman kasi ang paghanga. Mga babae ay humahanga sa kapwa babae. Ganoon din ang mga lalaki sa ibang lalaki. Pero kapag hindi ka bakla, hindi mo gugustuhing ikama ang hinahangaan mong lalaki. Ganyan din ako. Ngunit… naroon na ako, at abot-kamay ko na ang 1K. Malaking halaga na rin iyon para sa pagpagamot ko sa aking lola. Kaya, para sa 1K, magpakabakla ako.

“You don’t have to answer Brice if you don’t want to. But you will default the 1K kung hindi mo sagutin ang tanong o kung ang isasagot mo ay hindi. dahil, kung isa kang lalaki, hindi ka magka-crush sa kapwa lalaki…”

“O-oo. Bakla ako. Bakla na baklaaaaa!” at isinigaw ko pa talaga.

Dinig na dinig ko na naman ang hiyawan ng aking mga classmates. “Go girl go! Go girl go!” ang sigaw nila. Supportive talaga ang mga nimal.

“Ah ganoon naman pala eh…

“Sige nga i-test kita… Kung secret crush mo talaga siya, ano ang name niya?” ang tanong ng announcer.

Napakagat ako sa aking labi habang tinitigan ang lalaki. Malay ko ba na itatanong din pala ang pangalan. “Eh… Bryan,” ang sagot ko na lang. Actually, nag-imbento lang ako, nagbakasakali na magcooperate siya. Palihim ko pa ngang pinisil ang kanyang kamay pahiwatig na nais kong magcooperate siya. At nang tiningnan niya ako, tumango ako nang bahagya.

“Bryan yan!” “Bryan yan!” “Bryan yan!” ang sigaw naman ng isang grupo ng audience na halos nasa 20 katao. Nakadamit sila ng halos kapareha niya, maong na pantalon at leather jacket ang pang-itaas at boots, ang iba ay nakaangkas pa sa kanlang mga motorsiklo. Isang grupo pala sila ng mga bikers.

“Bryan ba talaga ang pangalan mo?” ang tanong ng announcer.

Tiningnan muna niya ako bago tumingin sa announcer. “Oo… ako si Bryan.” Doon na ako nahimasmasan.

Subalit nagtanong uli ang announcer. “Patingin nga ng ID?”

Muli na namn akong kinabahan.

“Ah, wala akong ID. Puede ba ATM?” tanong niya sa announcer.

“Okay.”

At sumigaw siya sa kanyang mga kasama, “Bro! Pakibigay nga sa akin ang ATM ko?”

Nakita ko ang isa sa kagrupo niya na may hinugot mula sa kanyang pitaka at nagtatakbo patungo sa stage, iniabot iyon sa announcer. Isang ATM.

“Hm… Bryan nga!” ang sambit ng announcer pagkatapos niyang tingnan ang ATM. At baling niya sa audience, “We have a winner!” at ibinalik niya ang ATM sa lalaki.

Nagpalakpakan ang mga tao. Ngunit ako, nakahinga ng maluwag, bagamat nagtaka kung Bryan ba talaga ang tunay niyang pangalan. Imagine nanghula lang ako at iyon na pala talaga. May potential pala yata akong maging manghuhula.

“Okay Bryan, dahil secret crush ka naman ni Brice, I kiss mo siya sa pisngi,” ang utos ng announcer.

Naghiyawan na naman ang mga tao. Ngunit ako, hindi ko maisalarawan ang aking naramdaman. Lalaki ako ngunit tila may kaunting kilig at kiliti akong nadarama.

Tiningnan ko ang lalaki, matipid ang kanyang ngiti. Ngumiti na rin ako at nakilaro. Pinahiran ko kunyari ng panyo ang aking pisngi.

“Okay, magkiss ka na at malinis na ang pisngi ni Brice,” ang utos ng announcer.

Sa pagkakataong iyon ay hindi ko inexpect na magkiss talaga sya. Tiningnan ko pa siya kung ikikiss ba niya talaga ako ngunit iyon na pala ang pagkiss niya. Kaya imbes sa pisngi lalapag ang bibig niya, sa mga labi ko lumapat ang kanyang mga labi.

Tila nag slowmo ang buong paligid sa pagkiss naming iyon at biglang huminto ang eksena nang maglapat ang aming mga labi. At ewan ko rin ba, tila nakikiliti na kinikilig din ako. Pakiwari ko ay pulang-pula ang aking pisngi. Tila isa akong bruskong lalaki na biglang nagtransform sa pagka fairy. Pero syempre, confident naman ako sa sarili ko na lalaki talaga ako. Kaya no worries.

Nang tiningnan ko ang lalaki, napailing-iling lang siya habang binitiwan ang isang matipid na ngiti. Parang gusto ko siyang sampalin. Ako ay halos hindi makahinga sa hiya samantalang siya ay cool lang.

Sa parte naman ng audience, nakakabinging hiyawan ang pinakawalan nila. Kinilig ang marami at nagtatalon ang aking mga kaklase. “Paldong-paldo ka na girl!” ang sigaw nila,

Akmang aalis na sana kami nang nagsalita muli ang announcer, “Wait, may telephone numbers na ba kayo sa isa’t-isa?” ang tanong ng announcer.

Nagkatinginan kami. “Wala pa,” ang sambit ko.

“Okay, balik muna kayo. I want to see na nagbigayan kayo ng numbers. Malay ninyo, ako pala ang cupid na papana sa inyong mga puso.”

Naghiyawan muli ang audience. Bumalik kami at iniabot ko sa lalaki ang aking cp. Nang tinanggap niya ito, isinulat niya doon ang kanyang number atsaka ibinalik ito sa akin.

I-miscall mo siya. Nagmisscall ako at nagring naman ang cp niya…

“There you go! So Thank you! At naway magkatuluyan kayo, uusbong ang wagas na pagmamahalan sa inyong mga puso hanggang sa magpakasal kayo, magkaroon ng mga supling na bubuo sa inyong pamilya.

Nagtawanan ang lahat.

Pagbaba namin ng stage ay kinausap ko agad siya sa isang tabi. “Pasensya ka na, kung kinaladkad kita. Need ko lang kasi ang pera. May sakit ang lola ko.”

“At ako pa talaga ang napili mo, ano? Sa dami-dami ng mga lalaki…”

“Hoy! Hindi lalaki ang hinahanap ko! Kung alam ko lang na lalaki ka pala, hindi kita hihilahin!”

“So anong tingin mo sa akin, bakla?”

“Nakatalikod ka kasi at nakaupo jan sa gilid ng kalsada. Akala ko ay babae ka.”

“Ow? Sa porma kong ito, babae? Palusot ka pa?”

“Di nga. ‘Di ako bakla pre… Hindi kita type.”

“Di daw type. Hindi bakla ngunit sinadya mong lumingon nang hahalikan na sana kita sa pisngi. Tuloy sa lips pa kita nahalikan, At gusto mo naman!”

At doon na ako tumutol. “Uy hindi ah! Tiningnan lang kita kung hahalik ka ba talaga! Eh, humalik ka na pala!”

“Palusot pa to… Inamin mo na kanina sa stage na bakla ka!”

“Nagsinungaling ako dahil kailangan ko nga ang premyo…” nahinto ako sandal sa sobrang inis. “Pero bahala ka nga kung ayaw mong maniwala! Kala mo naman nasarapan ako sa halik mo!” ang sambit ko na lang.

Natawa siya. “Bakit nakulangan ka? Gusto mong halikan kita uli? Iyong masarapan ka na?”

Nahinto ako sa kanyang sinabi at tinitigan siya. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin! Feeling pogi ka naman!”

“Pogi naman talaga ako eh. So… ano ang ibig mong sabihin?”

“Na wala akong interest sa halik ng lalaki!”

“Sinungaling ka talaga! Alam kong matagal mo na akong pinagmasdan simula nang dumating kami rito sa plaza. At nang nagpacontest na, ako kaagad ang hinablot mo. Style mo para mapansin ka lang ng lalaki! Magpakatotoo ka na lang kasi. Wala namang masama kung bakla ang isang tao! Sabihin mo sa akin kung type mo ako! Wag ka nang pakipot, hindi ka naman babae!”

Sa inis ko ay walang pasabing bigla akong nagwalk out.

“Sige sa iyo na yang 1K. Kailangan mo ‘di ba?” sambit niya.

Nahinto ako at tiningnan siya. “Oo naman! Ako kaya ang naghirap nito!”

“Wala man lang thank you, ginamit mo pa ako,” dugtong niya, sabay talikod din. “At oo nga pala, Luke ang pangalan ko, at hindi Bryce. Tinulungan lang kita upang manalo ka!” ang pahabol niyang sabi na hindi rin lang lumingon.

Tila may kilig naman na bumalot sa aking damdamin sa kanyang sinabi. Touched ako sa ginawa niyang pagsisinungaling para manalo lang ako. “Luke pala…” bulong ko sa sarili.

Tiningnan ko na lang siya habang naglalakad palayo, tinumbok ang grupo niyang mga nakamotor. Grupo pala talaga sila ng mga motorcycle riders. Kumaway sila sa akin nang makita nila akong nakatingin sa kanila. Eksakto namang nakarating si Luke sa kanila, sumampa ito sa isang bakanteng motor at agad nilang pinaandar ang mga motorsiklo nila at umalis.

Iyon ang unang pagtatagpo namin ni Luke. Hindi ko alam kung saang lupalop siya nanggaling, kung bakit siya napadpad sa aming probinsiya, at kung saan sila patungo.

Ngunit ang tagpo naming iyon ay nag-iwan ng malakiing impresyon sa aking utak na hindi ko malilimutan sa buong buhay ko. Sa gabing iyon ay nanatili akong tulala at hindi makapaniwalang sa isang iglap ay may isang taong bigla kong nakilala, nagpapanalo sa akin ng isang libo, at nagparanas sa akin ng unang halik, bagamat bigla rin siyang naglaho na parang bula. Tila isang panaginip lamang ang lahat.

Itutuloy

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails