By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
fb: Michael Juha Full
--------------------------
“Kumusta ang mag-ina? Anong pakiramdam na nabuong muli ang pamilya? Masarap ba? Exciting? Ang sweet naman!” ang sambit niya sabay bitiw ng isang halakhak.
Nang nilingon ko ang pinagmulan ng boses, laking gulat ko sa aking nakita. Nakangisi at nakapamaywang na tuwang-tuwa sa nakita niyang nakatali na nag-iiyak ang aking inay sa isang upuan habang ako naman ay nasa sahig, nakatali rin ang mga kamay sa aking likuran at subsob ang mukha sa semento, pilit na nilingon siya.
Si Archie.
Kasama niya ang apat na katao, puro naka-itim, iyong kaparehas ng suot ng mga ninja sa pelikula. Sila iyong mga kasama niya sa bahay na nadatnan kong kainuman niya nang nakaraang gabi. May mga dala silang high-powered na baril.
“IKAWWWWW!!!” ang gulat kong sigaw, hindi makapaniwala sa aking nakita.
Binitiwan ni Archie ang isang ngiti. Iyong ngiting nang-iinis. “Oo... ako lang naman. Iyong may 5% na mana, binasted sa pag-ibig, at inagawan ng pamilya.”
Nagtatawanan naman ang kanyang mga kasama.
“Ikaw ba talaga? Paanong...” nahinto ako sandali. “’Di ba ginulpi ka, at sinaksak?”
“Acting. Kahit papaano naman siguro, marunong ako noon. Lalo na’t action pa at sa madilim na sulok,” sabay halakhak at lingon sa kanyang mga kasama.
Nagsitawanan uli ang mga kasama niya.
“B-bakit mo ginawa ito, k-kuya? Akala ko ba okay lang tayo!”
“Okay? Baka ikaw okay. Pero ako? Tiningnan mo ba ang kalagayan ko! Ang bigat ng kalooban ko? Na pagkatapos kong paghirapan ang pamilya ko ng buong buhay ko – PAMILYA KO!” ang pag-empahsize niya, “...at bigla na lang may dumating na isang tao at kinuha lahat ang sana ay para sa akin. Tama ba iyon!”
Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi. Hindi ko naman kasi iniisip ang pera at mga ari-arian ng daddy. Abala ang aking isip sa katotohanang nalaman ko, na ampon lang pala ako at dagdagan pa sa pagsulpot ng aking biological na ina at umangkin na anak niya raw ako. Dinagdagan pa ito noong nakakapaghinalang message na nabasa ko sa cp ni Jerome galing sa kanya.
“Hindi ka makasagot, ano??? Dahil selfish ka! Makasarili!”
“H-hindi kuya! Ni kailanman ay hindi ko iniisip ang pera at ari-arian ng daddy. Tuliro lang ang isip ko dahil sa mga pangyayari sa buhay ko! Sa aking inay! At dito sa biological kong ina!”
“Gingagao mo ako eh. Akala mo naman ay naniniwala ako! Ikaw? Hindi nag-iisip sa kayamanan?”
“Archie, maniwala ka. Hindi pera o kayamanan ang habol ng anak ko. Kilala ko iyan,” ang pagsingit naman ng inay.
“Mommy Steff. Huwag ka munang sumabat d’yan. Drama pa ng ampon mo ito. Atsaka, marahil ay dati ay kilala mo siya. Ngayong kasabay ng pagyaman niya ay nabunyag na hindi ka pala niya tunay na ina, ay baka lalayuan ka na niyan. Kawawa ka naman... isa kang talunan.” ang pangungutya ni Archie.
Nagkasalubong ang aming mga tingin ng inay. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot. “Hindi kita iiwanan ma... promise,” ang sambit ko sa kanya. At baling kay Archie, “Pakawalan mo kami, kuya... ipangako namin na kapag pinakawalan mo kami, kusa kaming aalis sa lugar na ito upang hindi na kami magiging problema mo.”
“Aalis? Ah... sa puntong iyan, huwag kang mag-alala dahil may plano akong siguradong makakaalis kayo rito at hinding-hindi na muling makababalik pa. Medyo kakaiba lang ang proseso pero ganoon na rin iyon,” ang sambit niya sabay tawa.
Nagtatawanan na rin ang mga kasama niya.
Doon na ako mas lalo pang kinabahan. Alam ko ang nasa isip niya. Ipapatay niya kami. “Hindi ka ba naaawa sa akin, Kuya?”
“Maaawa? Ikaw ba ay naawa sa akin? Noong una ay niligawan kita. Binasted mo ako. Okay lang sa akin. Nang nalaman namin na anak ka pala ng daddy, ‘di ba, ako ang nanghikayat sa iyo na ilipat na ang apilyedo mo sa apilyedo ng daddy? Tanggap ko na sa sarili ko na kung hindi man kita maging karelasyon, at least sana ay kapamilya na lang. Pero anong nangyari? Sa bandang huli ay ako pa pala itong mawawalan! At ano nga pala ang sabi ng daddy tungkol sa akin sa habilin niya? Wala akong silbi? Pabigat lang ako? Hindi maaaring mapagkakatiwalaan? Fuck! Pagkatapos kong magpakatino na sana at tulungan siya sa pamamalakad sa mga negosyo? Tapos, balewala rin pala sa kanya? Hindi lang mana ang nawala sa akin kundi tiwala, at ang pinakamasakit sa lahat, pamilya! AMPON LANG AKO AT HINDI KO ALAM KUNG NASAAN ANG MGA MAGULANG KO!!! TANGINANG BUHAY TALAGA ‘TO O!!!” ang bulyaw niya.
Tila may bumara sa aking lalamunan sa sinabing iyon ni Archie. Alam ko kung gaano kasakit ang malamang ampon lang dahil ganoon din ang aking naramdaman. Ang kaibahan lang sa amin ay naging dalawa ang aking inay. Ang sa kanya naman ay kabaligtaran. Nawala ang kaisa-isang taong akala niya ay tunay niyang ama. Siguradong doble-dobleng sakit ang dinadala niya sa kanyang puso.
“A-alam kong nakita na iyon ng daddy eh. Kaso... di ba mabilisan ang kanyang pagpanaw? K-kaya hindi na niya nabago ang kanyang huling habilin. Nakita ko ang pagbabago mo, K-kuya...”
“Oo nakita mo! At nagbago ako nang dahil sa iyo! Pero ikaw itong buhay! At hindi ikaw ang may huling habilin! Ano ang punto kung nakita mo ang pagbabago ko!”
“S-sigurado ako, Kuya na kung hindi lang pumanaw ang daddy ng ganoon kabilis ay babaguhin niya ang kanyang huling habilin. Alam kong bumilib na siya sa ipinamalas mong pagbabago. Lalo na’t ikaw ang dumamay sa kanya sa huling mga araw niya.”
“Puwes, namatay siya at iyan ang impression ng lahat. Iyan ang hindi na mabuburang katotohanan na baon-baon niya hanggang sa libingan.”
“M-may magagawa pa tayo, Kuya...”
“Wala na! Huli na!”
“K-kuya... hindi naman kayamanan ang habol ko, eh. Kung g-gusto mo, maghahati tayo. O di kaya ay bigyan mo na lang ako ng kahit magkano ang puwede mong ibigay. Kahit 5% lang. Kahit wala...” ang sambit ko na lang.
“Wala daw o... Plastik!” ang sagot ni Archie. “Parang ganyan lang kasimple no? Anong akala mo sa akin, tanga?” ang sambit niya. Nilapitan niya ako. Yumuko siya at dinuro ang aking mukha. Nanatili pa kasing nakasubsob ang mukha ko sa semento, nakalingon lang ng kaunti habang ang upuan ay nakatali sa aking katawan. Nangangalay na ang aking leeg ngunit tiniis ko lang. “Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Sasabihin mong wala ka nang parte? Tapos iyong huling habilin ay putanginahin na lang natin? At sa tiningin mo ay papayag ang mga abugado noon? Gago ka? Hindi na! Nasimulan na natin ito, kaya tapusin na natin. Bakit ako magpakahirap pa kung puwede namang ako ang kukontrol sa sitwasyon, at ako ang magdidesisyon, ‘di ba? At ang maganda pa nito... dahil kung papatayin ko kayo, si Mommy Nella mo ang pagbintangan ng lahat! Malinis!” Tumawa siya, sabay tayo at tumalikod.
Tumalikod na rin ang mga kasama niya.
“Kalagan mo kami Archie, please!” ang sigaw ng inay.
“Saka na lang, Mommy Steff!” ang sagot ni Archie na hindi man lang lumingon.”
“Kapag pinakawalan mo kami, Archie, tutulungan ka naming hanapin ang tunay na mga magulang mo.
“Hahahaha! Excited naman ako, Mommy Steff! Parang sa buong mundo ay kayo lang ang puwedeng gumawa niyan. Salamat na lang.”
“Ano ba ang kailangan mo sa amin, Archie! Huwag mo kaming pahirapan, please. Lalo kang madidiin sa batas kapag nalaman ng mga tao na ikaw ang kumidnap sa amin!” ang sigaw ng inay.
“Pag-usapan na lang natin ito, kuya o...” ang dugtong ko naman.
“Huwag kayong mag-alala. Malapit na kayong makapagpahinga... may ikokompleto lang akong plano.”
At narinig ko na lang ang mga yabag na nasa malayo na, hanggang ang ingay ng pagsara ng pinto at pagpadlock nito kasabay sa bahagyang pagdilim ng paligid gawa ng pagsara ng malaking pintuan.
“Bantayan ninyo silang maigi!” ang narinig kong utos ni Archie sa mga tauhan niya.
“Anak, piliting mong tumihaya. Pilitin kong uusog patungo sa iyong uluhan.” Ang sambit ng inay nang wala na sina Archie. Nakita kasi niya ang hirap ng aking posisyon na subsob ang mukha sa semento at hindi ko maaring igalaw ang aking ulo.
Iyon ang ginawa ko. Ilang beses ko ring sumubok na tumihaya. Halos gigive up na ako ngunit sa wakas ay naitihaya ko rin ang aking sarili. Nang ang aking ulunan ay nakapatong na sa paa ng aking inay, hindi ko naman inaasahan na itumba niya ang kanyang upuan.
Nagulat ako sa ingay ng pagbagsak ng kanyang upuan ngunit namangha nang biglang naitayo ang aking upuan at nakaupo na ako nang normal. Ngunit nang tiningnan ko siya, ang upuan naman niya ang nakatihaya.
“Maaaaaa!” ang sigaw ko nang makita siya sa kanyang posisyon.
“Okay na akong ganito, anak. Hayaan mo na ako. Hindi naman ako nahihirapan sa ganitong ayos dahil nakahiga lang ako.”
“Ngunit nadaganan naman ang iyong dalawang braso at kamay, ma!”
“Hindi naman masakit, anak. Kaya ko naman. Huwag mo akong intindihin.”
Pinilit ko pa rin siyang itayo. Ngunit dahil hindi ko naman maigalaw ang aking mga kamay at paa, nangangalay na ang aking katawan sa kapipilit. “Itatagilid na lang kaya kita, ma?”
“Tipirin mo ang iyong lakas, anak. Hindi natin alam kung ano ang gagawin nila sa atin... hayaan mo na ako sa ganitong posisyon,” ang sambit ng inay.
Ngunit nagpumilit pa rin akong ipatagilid ang kanyang upuan. Hanggang sa nagtagumpay ako. Hindi na nadaganan ng upuan at kanyang katawan ang kanyang dalawang braso.
“Bat ka pala umalis at hindi nagpaalam, ma...” ang tanong ko nang saglit na nakapagpahinga kami.
Narinig ko ang pagbitiw niya ng malalim na buntong-hininga. “G-gusto ko lang namang lumayo... Kasi, nararamdaman ko ang kalagayan ni Nella. Alam ko kung gaano kasakit para sa kanya na heto ka, at hindi ka niya kahit mahawakan mang lang nang dahil sa akin. Ayaw kong ako ang magiging hadlang upang mapalapit ang kalooban mo sa kanya... Ngunit linawin ko anak na hindi ako prinessure ni Nella. Nakisusap lang siya na tulungan ko siya... na kahit man lang daw pilitin mong makikipag-usap sa kanya.”
Tila binatukan ako sa aking narinig. Tila ako pa pala ang dahilan kung bakit siya umalis. Hindi ko naisip na ganoon pala ang naramdaman ng aking inay. Ang tanging nasa isip ko ay ang sakit na kanyang naramdaman sa biglang pagsulpot ng aking biological na ina.
“Alam mo, po, Ma... okay na sana na nalaman kong hindi pala siya ang nagkidnap sa iyo, eh. Pero alam mo po, may nabasa akong text niya kay Jerome. Nanghingi rin siya ng tulong kay Jerome upang mapalapit siya sa akin. At tila may relasyon sila ma! Pinagbantaan pa niya si Jerome na isisiwalat niya ang itinatago-tagong sikreto ni Jerome kapag hindi siya tutulungan nito. Ano iyon, Ma!”
Nahinto ang inay. Hindi makasagot agad. “G-ganoon ba, anak? Kung tama ang hinala mo na may relasyon sila, dapat maipaliwanag ito ni Jerome sa iyo kung ano ba talaga ang totoo. Pakinggan mo ang totoong kuwento anak. Baka may may dahilan iyan. Baka may misunderstanding lang.”
“Dahilan ma? Misunderstanding? At ano itong sinasabi niyang pinakatago-tagong lihim? Lihim nila? May nangyari ba sa kanila?”
“Hindi ko rin masagot iyan, anak...”
-----
“Good morning Mommy Steff! Good morning utol kong pinagpala!” ang pagbati ni Archie sa amin kinaumagahan. Kasama pa rin niya ang mga tauhan niya, maliban sa high-powered na baril ay may dala rin silang pagkain na may tatak ng pangalan ng isang sikat na fast food chain. “Kain muna kayo. Baka naman sabihin ninyong napaka-cruel ko,” ang sambit niya.
Minuwestrahan ni Archie ang isang tauhan niya at agad nitong nilapitan ang inay at inayos ang kanyang posisyon upang normal na makaupo siya. Inalagay naman ng isa pang tauhan niya ang mga pagkain sa aming kandungan.
“Paano kami makakain kung nakatali kami?” ang tanong ko.
Minuestrahan ni Archie ang tauhan niya. “Kalagan niyo.”
Kinalagan nila kami ng inay at kumain kami sa ibinigay nilang pagkain.
Nang matapos na kaming kumain, tiningnan ako ng inay. Tila may ipinahiwatig ang kanyang tingin. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang nasa kanyang isip ngunit dahil nakaharap sa amin ang mga tauhan ni Archie kung kaya ay tumahimik na lang ako.
“Archie, p-puwede bang mag-CR ako? N-natatae na kasi ako eh,” ang sambit ng inay. Doon ko naisip kung ano ang kanyang ibig ipahiwatig. Tatangkain niyang umeskapo.
Kaya, “P-pati na rin ako, K-kuya...” ang pagsingit ko.
“Ok lang Mommy Steff. Basta ikaw...” ang sagot ni Archie sabay muwestra niya sa kanyang tauhan. “Isama niyo na rin si utol July.”
Dinala kami ng dalawang tauhan sa isang lumang CR sa loob ng abandonadong factory na iyon. Binigyan din nila kami ng tissue bago kami iginiya patungo sa magkahiwaly na CR ng lalaki at babae, may sampung metro ang pagitan.
Dahil natatae rin naman talaga ako, tumae ako. Nang nasa aktong maghugas na ako sa aking likuran ay may narinig na akong tila kaguluhan. Maya-maya lang ay may narinig akong,”Bang! Bang!”
Sa takot na baka may nangyari sa inay ay dali-dali kong tinapos ang aking ginagawa upang makalabas na. Doon ko nasaksihan ang dalawang bantay na naghatid sa amin na itinutok ang kanilang baril sa isang sulok na puno ng mga drum.
Nang makita naman nila ako, bigla akong dinakma ng isang guwardiya atsaka tinutukan ng baril. Hindi agad ako nakagalaw sa bilis ng pangyayari.
“Mommy Steff! Kapag hindi ka lumabas riyan, sasabog ang ulo nitong ampon mo!” ang sigaw noong tumutok sa akin ng baril. “Sige ka, dito kayo matitigok, dahil sa iyo.”
Iyon lang. Nakita ko kaagad ang dalawang kamay na umusli mula sa mga nakahilerang drum hanggang sa tuluyang tumayo at tumambad ang inay. Kitang-kita ko ang panginginig niya sa takot.
“Halika na, Mommy Steff...” ang sambit ng isang kasama ni Archie.
Tumalima ang inay. Lumapit siya sa amin habang itinataas ang kanyang dalawang kamay.
“Ang hirap sa iyo, Mommy Steff. Wala kang pakisama eh. Pinayagan ko na nga kayong mag-CR tapos maglalamyerda ka lang pala d’yan sa likuran ng mga drums,” ang sambit ni Archie na dali-daling pinuntahan ang lugar namin nang marining ang mga putok ng baril.
“Eh... t-tiningnan ko lang naman kung may...” ang sagot ng inay, hindi naituloy pa ang sasabihin gawa nang takot at kaba.
“...may malulusutan ka? Iyon ba ang tinitingnan mo?” ang pagdugtong ni Archie sa sinabi ng inay.
“Eh.. p-parang ganoon na nga,” ang nanginginig pa ring pagsagot niya, ngumingiwi pa ang bibig.
“Tapos ay may nahanap ka naman?” Dugtong ni Archie.
“Eh... may pumutok eh,”
“Yun lang!”
Nagtawanan ang mga tauhan ni Archie.
“Naku, naku Mommy Steff. Kahit kailan talaga, pabibo ka... Huwag ka nang maghanap ng malulusutan kasi, may pupuntahn pa tayo. May sorpresa ako sa inyo.”
“Kuya Archie, huwag mo nang idamay ang inay, please. Kung galit ka sa akin, ako na lang ang parusahan mo...”
“Parusahan? O parausan?” ang sagot ni Archie na nakatingin sa akin, hindi maintindihan ang expression ng mukha kung seryoso sa kanyang sinabi o galit na nang-insulto.
Nagtawanan uli ang mga tauhan niya. Hindi naman ako makaimik. Alam kong may pagtingin pa rin siya sa akin. Alam kong hindi pa rin napawi ang pagnanasa niya.
“Ano? Parusahan o parausan?” ang giit niya.
“P-parusahan...”
“Hmmm. Pag-isipan ko pa ‘yan. Peor kung sinbi mo sanang parausan, baka hindi tayo mahirapan sa hiling mong iyan.”
“Bossing puwede mo namang gawin iyan eh. Walang magagawa iyan kahit anong gawin mo!”
“Hindi ako ganyan sa taong mahal ko, Waldo. Kahit mas nanaig ang galit ko sa kanya, hindi ako ganyan.” Nahinto siya sandali. “Subalit... subalit... kung sasabihiin niya ngayon din na mamahalin niya ako at pakakasalan sa ibang bansa kung saan ay legal ang kasalan, pareho ko silang pakakawalan. At agad-agad! Win-win situation kumbaga. Magiging akin siya, magkaroon ako ng pamilya, at syempre, hindi mapupunta sa iba ang mana niya. At siya – este sila naman ay makaraos sa paghihirap o sa kung ano man ang gagawin ko sa kanila. Parehong ‘win’ nga!” At baling niya sa akin, “Ano ‘Tol, parusa o paraos? Win-Win? O Win-Loss?”
Nilingon ko ang inay. Umiling siya na ang ibig sabihin ay ayaw niyang mapilitan lamang ako. Kaya naisip ko na baka naman may pagkakataon pang makatakas kami kung kaya ay sinagot ko siya ng, “Parusa... Please kuya.”
“Ang sakit... mas lumala pa ang sakit na dinanas ko sa sinabi mo, Parang pinatay mo ako ng maraming beses! Binigyan mo ako ng dagdag na dahilan upang gawin sa inyo ang dapat kong gagawin ngayon!”
“Intindihin mo na lang sana ako Kuya...”
“LAHAT NA LANG NG PAG-INTINDI AY IBINIGAY KO NA SA IYO – SA INYO! TANGINA!!!” ang sagot niya.
Hindi na ako kumibo. Ibinalik nila kami sa aming pinanggalingang kuwarto. Tinalian ang aming mga kamay sa likod at pagkatapos ay piniringan ang aming mga mata.
“S-saan mo kami dadalhin Archie?” ang tanong ng inay.
Naramdaman ko ang pagkaladkad nila sa amin. “Saan niyo kami dadalhin?” ang tanong ko nang hindi sumagot si Archie.
Maghintay lang kayo. Tiyak na masosorpresa at mai-excite kayo sa susunod na mga pangyayari,” ang sambit ni Archie sabay tawa.
Paglabas namin ng factory ay ipinasok kami sa van. Saan ninyo kami dadalhin Kuya?” giit kong tanong. Kinakabahan kasi ako. Pakiramdam ko ay may masamang balak si Archie sa amin.
“Sinabi nang may sorpresa ako sa inyo eh. Atat na atat na ba kayo?” ang sagot niya. “Ay, oo nga pala. Tinawagan ko ang pinakamamahal mong lalaki sa balat ng lupa. Hinahanap ka ng gago! Hinanap din daw niya si Mommy Steff niya. At syempre, nagdrama na naman ako. Ipinakita kong sobrang nalungkot ako at na-shock na nawala kayo! Ang sabi ko sa kanya, baka kinidnap ni Nella. Kasi, ‘di ba, gusto niyang kunin ka at dadalhin sa Amerika? Iyan naman talaga ang suspetsa nating lahat, ‘di ba? Na itong si Nella ang kontrabida, siya ang pinakademonyong babaeng may maitim na budhi at kayang pumatay makuha lmang ang bagay na gusto niya? So iyon nga. Magaling akong manulsol eh. At alam mo kung anong reaksyon ng tanga? Galit na galit siya kay Nella!”
“Kuya... huwag mo namang isali si Jerome sa galit mo. Huwag mong saktan ang ibang tao. Ako na lang ang saktan mo!”
Nahinto siya at bigla akong nilingon. “Sandali. Di ba tinanong ko na iyan? Paraos o parusa? May nagbago ba?”
Yumuko na lang ako. Tumahimik.
Kaya nagpatuloy siya, “Iyon nga nga... Alam mo ba kung ano ang tinanong niya sa akin? Gusto niyang malaman ang bahay ni Nella! At syempre, ako naman, matulungin, binigay ko ang address. Hayun... pumunta ang ulol sa bahay ni Nella kagabi. Kaya wala na akong nagawa kundi ang magdrama na naman,” at muling humalakhak si Archie. “Ang dami palang tanga sa mundo! Akala ko ako lang! At ang maganda sa sinabi niya, papatayin daw niya si Nella! Ang galing lang, ‘di ba? Kasi kung ano man ang mangyari sa inyo, papatayin talaga niya si Nella. At kung sakaling hindi niya mapatay ang gaga, ako na ang papatay, at si Jerome ang mabibilanggo! Tapos kayo...” hindi na niya itinuloy pa ang kanyang sinabi. Humalakhak na lang siya. ”Hindi lang two birds in one stone kungi four! FOUR!” Muli siyang humalakhak.
“Huwag mong idamay si Jerome, Kuya! Maawa ka naman sa kanya! Nasaan ba siya ngayon???”
“Eh, surprise nga, ‘di ba? Maghintay lang kayo. Malapit na!”
Sa tantiya ko ay may isang oras na naglakbay ang van. Habang nasa ganoong paglalakbay ay lihim na pinilit ko ring matanggal ang aking tali. Ganoon din ang ginawa inay. Hindi namin ipinahalatang kinakalikot namin ang aming mga tali. Ngunit sobrang higpit at tibay ng pagkakatali sa amin. Hanggang sa huminto ang van at pinalabas kami. Inalalayan nila kaming maglakad gawa nang may piring ang aming mga mata.
Maya-maya lang ay naramdaman kong tila dumaan kami sa isang tulay. Parang tulay na nagdugtong sa pantalan patungo sa barko. Narinig ko pa ang ingay ng alon sa tuwing hahampas ang mga ito sa mga koncretong bagay. Naramdaman ko rin ang pag-inog ng tulay habang nangangapa kaming tumawid sa ibabaw noon.
Nang nakatawid na ay tinanggal nila ang mga piring sa aming mga mata. Nang inikot ng aking paningin ang paligid, hindi nga ako nagkamali. Isa itong barko. Isang napakagandang yate.
“Pag-aari ito ng daddy, este yate mo na pala ito, ‘Star of the Seas’ ang pangalan. Ang ganda, ‘di ba? At ang laki. Malawak din ito, nasa 60 metros ang haba, state-of-the-art ang mga pasilidad. May sarili itong kapitan at mga crew. Pero ngayon, dahil ilegal ang paggamit ko nito, at tinanggal ko na rin sila sa serbisyo, magtyaga na lang tayo sa isang kaibigan ko na marunong magdrive ng bangka...” nahinto si Archie nang matawa ito sa kanyang sinabi. “Alam mo, mahal na mahal ito ng daddy. Mahilig kasi iyon sa dagat at yate. Ni ayaw itong ipagamit sa akin. Kaya isang beses, ninakaw ko ito. Nataranta ang daddy. Hinabol nila ang yate na pinaandar ko. At muntik na itong lumubog dahil nabangga ko ang isa pang yate. Mabuti na lang at naipakumpini pa niya. Alam mo kung magkaano ang gastos sa pagpakumpuni niya nito? Halos isang milyon!” Napailing si Archie. “Kung pinayagan lang sana kasi niya ako, e ‘di sana ay hindi siya makagastos ng mahal. Kaya simula noon, bawal na sa akin ang kahit magbanggit man lang sa pangalan ng kanyang yate,” ang kuwento niya.
Maganda naman talaga ang yate. Sobrang namangha ako sa ganda nito. Napa-elegante ng mga design at muwebles. Mmamahalin. Elegante, Malawak pati at napakalinis. Ang loob ay mistulang sa isang palasyo ng napakayamang hari. May mga mamahaling paintings na nakasabit sa dingding, carpeted ang sahig. Hindi mo akalaing may ganyan palang klaseng barko na parang floating fve-star hotel.
“Tatlong palapag ito lahat. May swimming pool, may home theater, may jacuzzi, at may speed boat,” dugtong niya. “Sayang nga lang at hindi mo na ito mai-enjoy ‘Tol... Pero at least naman, nakita mo.”
“Anong gagawin mo sa amin? Ba’t dito mo kami dinala?” ang pagsingit ng inay nang mapansin naming umandar na ang yate.
“Aw... excited na si Mommy Steff! Huwag kang mainip. Maya-maya lang ay ipapakita ko na ang sorpresa ko. Meanwhile, mag-enjoy muna kayo sa magagandang tanawin habang naglalakbay ang itong yate.”
Dinala nila kami sa rooftop ng yate. Doon daw ipakita ni Archie ang kanyang surprise para sa amin.
May isang oras na naglakbay ang yate nang biglang huminto iyo. Maya-maya lang ay dumating din si Archie.
“Nandito na ang sorpresa ko para sa inyo!” at baling niya sa kanyang tauhan na nasa baba, “Dalhin niyo na rito ang mga iyan!”
Dinala nila ang sinasabing “sorpresa.” At laking gulat ko nang makita ko kung sino ang lumantad sa aming harapan.
Si Jerome.
Nakatali sa kanyang likuran ang kanyang mga kamay, may piring ang kanyang mga mata, may busal ang kanyang bibig, at may tali ang kanyang leeg na parang aso. Napansin ko ring tila lupaypay ang kanyang katawan. May dugong tumagos sa tela na ibinusal sa kanyang bibig at ang iba ay dumaloy patungo sa kanyang baba. May gasgas din ang kanyang dalawang braso at kamay. May bakas ng dugo ang mga ito. May punit din ang kanyang damit. Halatang nakipagpambuno. Halatang pinagtutulungan.
“ANONG GINAWA NINYO SA KANYAAAA!!!” ang bulyaw kong umiiyak.
Nang narinig ni Jerome ang aking boses ay nakita kong nagpupumiglas siya. Ramdam kong may gusto siyang sabihin ngunit hindi makalabas ang salita mula sa kanyang bibig.
“Ano??? Hindi ka masaya na nadito iyan? Dapat nga ay magpasalamat ka, ‘Tol! At least sa huling sandali ng buhay ninyo ay magkasama kayo! O gusto mong ihagis na lang namin iyan sa dagat na wala ka. Masyadong cruel naman iyan! Mahirap ang mag-isa, ‘Tol!” ang sarkastikong sambit ni Archie.
“Ang sama mo, Kuya Archie. Gusto ko sanang intindihin ka ngunit sobra-sobra na itong ginagawa mo sa amin!”
“E, dati naman akong masama, ‘di ba? At hindi pa sobra iyan. Hintayin mo ang finale.”
“Nagbago ka na eh. Mabait ka na. Ayaw ko sanang bumalik ka uli sa kasamaan. Gusto kong kahit hindi tayo magkapatid ay magkasama pa rin tayo bilang isang pamilya...”
“Hay drama naman, ‘Tol! Damhin mo na lang na nandito ang mahal mo. Damhim mo ang pagkakataon na kumpleto kayo bago ko kayo ilaglag sa dagat at kainin ng mga pating at isda!”
Patuloy pa rin sa pagpupumiglas si Jerome. Gusto ko sana siyang yakapain ngunit may tali ang aking mga kamay. Kaya idiniin ko na lang ang aking katawan sa kanya. Kahit naroon pa rin ang inis ko kay Jerome ngunit ayaw ko rin naman siyang saktan ng ganoon.
“Ay, oo nga pala, may isa pa akong sorpresa.” At baling niya uli sa kanyang tauhan na nasa baba, “Dalhin niyo na iyan!”
Lumantad ang aking biological na ina. Si Nella. Ganoon din ang postura niya na kagaya ng kay Jerome. Nakatali, may piring ang mga mata, may busal ang bibig, at may tali sa leeg.
Nagkatinginan kami ng aking inay. Hindi ko alam kung ano ang aking naramdaman sa pagkakita sa kanya. May galit ako dahil sa nakita kong mensahe niya kay Jerome. May awa rin ako na mali pala ang aking hinala na siya ang nagpakidnap sa aking inay.
“Oist, hindi ko kayo sinasaktan ha. Baka naman sabihin ninyong sobra naman akong sadista. Hindi ako ganyan. Itong is utol Jerome lang ang sinaktan ko ng slight. Pero alam niyo naman na sanay na kaming dalawa na nagbubugbugan eh. Minsan nga halos magpapatayan na lang kami at pagkatapos, parang wala lang nangyari. Kaya no big deal iyan sa amin.” At baling niya kay Jerome, “’Di ba, bro?”
“Bakit mo pa kami dinala rito kung ayaw mo naman pala kaming saktan?” ang tanong ko.
“Good question! Syempre, nasa gitna tayo ng dagat. Ano pa ba ang gagawin ko sa inyo, e ‘di ilaglag!” Doon na pumutok ng tawa ang grupo nina Archie.
“Pero bago iyan, ‘Tol, itatanong ko uli sa iyo at baka hindi na kita tatanungin uli. “Parusa? O Paraos?”
Tiningnan ko si Jerome. Wala siyang kamuwang-muwang kung ano ang ibig sabin ng tanong ni Archie sa akin. Nang nilingon ko ang inay, matigas siyang umiling. “Huwag anak. Huwag mong isuko ang kalayaan mong magmahal. Huwag mo akong isipin. Handa akong magsakripisyo para sa iyo!”
Dahil hindi ako sumagot ay inutusan na ni Archie ang mga tauhan niya. “Sige, ayusin na ang dapat ayusin para mas dramatic ang kanilang pagkalunod!”
Agad na lumapit ang anim na katao sa amin. May dalawang tao rin na nakatayo lang, hawak-hawak ang high powered na mga armas.
Isang grupo ang humiwalay sa amin ni Jerome, at ang isang grupo naman ang humiwalay sa aking inay at kay Nella. Kami ni Jerome ay sa kanang gilid ng rooftop at sila naman ay nasa kaliwa.
Ikinabit nila ang aming mga tali upang hindi kami maghihiwalay ni Jerome. May ikinabit din silang kung anu-ano. Tinanggalan na rin nila ng piring sa mata at busal sa bibig si Jerome.
Nagpupumiglas at nagsisigaw si Jerome. Nagmumura na hinamon si Archie ng suntukan. “Tangina mo! Duwag! Matapang ka lang dahil may mga tao ka at may armas! Tayong dalawa lang! Patayan!”
Hindi mahinto si Jerome sa kapipiglas. Habang ako, tuliro ang isip kung tatanggapin ko ang alok ni Archie. Ngunit hindi lang iyon ang nagpatuliro sa aking isip. Bumabagabag din sa isip ko kung ano ang relasyon ni Jerome kay Nella. Gusto kong malaman ang totoo bago ako magdesisyon kung may may kabuluhan bang magpakamatay ako para sa kanya.
“Bago tayo mamatay Jerome, sabihin mo nga sa akin kung ano ang relasyon ninyo ni Nella?” ang halos pabulong ko nang tanong.
“Bago tayo mamatay? Gago ka ba! Hindi tayo mamamatay, tangina! Iyang kinakapatid mo na iyan ang dapat mamatay!” bulyaw niya.
Binulyawan ko rin siya, “Sagutin mo na nga lang ako para ako matahimik! Ano ang relasyon ninyo!!!”
Inis na binitiwan ni Jerome ang isang buntung-hininga. Magkatalikod ang porma namin at pilit na nilingon niya ako. “Wala kaming relasyon, ano ka ba?” ang halos pabulong niyang sagot, galit na pinigilan ang boses.
“Kung wala kayong relasyon, ano iyong text niya tungkol sa pinagsamahan ninyo? At ano iyong sinabi niyang pinakatago-tago mong lihim na ibubunyag niya?”
“Tanga! Kung hindi lang ako nakagapos dito ay babatukan na kita eh! ‘Di ba alam mo na na lumayas ako noong bata pa? Isa iyan si Nella na tumulong sa akin. Tumira ako sa apartment niya ng dalawang taon, nagtrabaho ako sa kanya bilang houseboy bago siya bumalik ng Amerika! Gusto niyang ampunin ako dahil naalala niya ang kanyang anak na lalaki, na ikaw pala iyon! Ang plano ay pagbalik niya galing Amerika aasikasuhin niya ang mga papeles ko. Kaso nang nasa Amerika na siya, umalis ako sa paratment niya nang walang paalam kasi nalulong na ako sa barkada at bisyo. Nalungkot din ako dahil ang akala ko ay hindi na siya babalik dhail nawalan kami ng contact. Nagalit ako sa kanya kaya ayaw ko siyang kausapin!”
Medyo gumaan ang aking pakiramdam sa narinig kong paliwanag niya. Ngunit may isa pa akong tanong. “Iyong sikreto mo naman, ano iyon?”
“’Di ba alam mo na iyon, iyong pinakatago-tago kong sikreto na ginawa sa akin nag aking ama? Gusto mong isigaw ko para malaman nilang lahat? Nasa kagipitan tayo tapos iyang mga pagseselos ang inaatupag mo?... Ang dumi ng isip mo!”
Naramdaman ko naman ang pagka-guilty sa nalaman. “M-mahal na mahal kasi kita eh...”
“Mahal na mahal din kita, kahit minsan ay nakakairita ka na. Kahit anong galit o lungkot ko kapag nakikita kita, nawawala lahat ang mga iyon. Lalo na’t pag nagso-sorry ka pa, para akong ibinabayaw sa langit,” ang sagot niya sabay dugtong at bulyaw sa taong nag-ayos sa pagtali sa amin, “Ano ba iyang inilalagay mo sa bibig ko! Tangina!”
Napalingon ako sa aking likuran. May naaninag akong parang mask na inilagay sa bibig ni Jerome. Hindi ko alam kung ano iyon. Hindi ko na iyon pinansin pa. “S-sorry na. Mali ako. At tama ka, marumi ang isip ko,” ang sagot ko na lang sa sinabi ni Jerome sa akin.
“Ayan, nasa langit na naman yata ako... dahil sa sorry mo,” ang sagot din niya na halos hindi ko na maintindihan dahil sa inilagay na mask sa kanyang bibig.
“Wala pa bossing, nandito pa kayo sa lupa. Di bale at maya-maya lang ay naroon na kayo, iyan ay kung hindi kayo hilahin ni satanas sa impyerno,” ang pagsingit naman ng isa sa mga nagtali sa amin. At baling niya kay Archie, “Boss, tapos na ito,” turo niya sa amin.
Sa sinabing iyon ng tauhan ni Archie ay doon na nagsimula ang aking kaba. Lalo na nang nagsalita si Archie.
“May pa-parlor game si Mayor. Bale ilaglag namin kayo sa dagat na na magpartner. Ngunit may isang oxygen tank na good for one hour lang ang oxygen. Sa inyong magsyota, si Jerome ang may oxygen tank. Mas galit kasi ko kay Utol July eh. Siya ang dahilan ng lahat ng pasakit ko,” ang sambit ni Archie. “ano sa tingin mo, ‘Tol?” ang dugtong na tanong niya sa akin.
Hindi na ako sumagot. Inismiran ko na lang siya.
“Magmakaawa ka naman sa akin, ‘Tol para sa buhay mo. Puwede pang magbago ang isip ko...”
Hindi pa rin ako sumagot. Naghanap lang ako ng pagkakataon na itanong niyang muli sa akin ang alok niya at marinig ito ni Jerome. Alam ko kasing kapag tinanggap ko ang alok niya, may kontrata iyon. Magugulo ang aking buhay. At ano pa ang silbi kung mabuhay ako ngunit hindi rin maging kami ni Jerome. Sa isang bahagi ay napakadali ng pagtanggap ng alok. Lahat kami ay makaiwas sa siguradong kamatayan.
“Okay, kung iyan ang desisyon mo. Sino ba ako na tumutol sa desisyon mo, ‘di ba? Ikaw ba naman ang mabibigyan ng 80% na mana... kasama sa hirap, ginhawa at kamatayan ang jowa, pati dalawang inay... pinagpala ka talaga, ‘Tol!”
“Dami mong satsat! Ilaglag mo na kami! Atat na atat na ako!” ang sigaw naman ni Jerome.
Nilapitan ni Archie si Jerome at sinapak sa ulo. “Mamamatay ka na lang, ‘Tol ang tapang mo pa rin ano? Bilib ako sa tigas mo ah! Hintay ka muna sa instruction ko! Kapag inilaglag ko na kayo at sosolohin mo oxygen tank na putangina mo, makasurvive ka ng isang oras, gago ka. Ngayon, kung magdesisyon ka naman na ibigay mo sa pinakamamahal mong jowa ang putanginang oxygen na iyan, itong putangina ring jowa mo ang maka-survive ng isang oras. Pero may twist iyan, gago ka. Hindi mo na ito puwedeng ibalik sa iyo o magsalitan kayo sa pagsinghap ng hangin dahil kapag ginawa mo iyan, putangina mo...” muli niyang sinapak ang ulo ni Jerome, “...marelease ang spring ng dalawang sibat at tatama ang mga ito sa dibdib ninyong dalawang putangina ninyo! Kaya hindi kayo puwede mag-cheat! Naintindihan ninyo, mga gago??? Pero syempre, dahil nakatali naman ang pareho ninyong mga kamay, imposibleng mailipat mo, gago ka, ang oxygen na iyan sa gago ring jowa mo!” sabay rin batok sa akin. “Kaya sa senaryong ito, siguradong si Jerome lang ang mabubuhay... ng isang oras bago siya susunod sa impyerno sa kanyang pinakamamahal na putanginang jowa! At... oo nga pala. Bago ko malimutan, may sampung kilong pabigat na dumbell ang nakatali sa mga mga katawan ninyo. Kung maka-eskapo pa kayo niyan, ewan ko na lang. Kaya kung ako sa inyo mga putangina kayo... magdasal na at mag-goodbye na mundo!” At muling humalakhak si Archie.
Tiningnan ko ang pagkatali sa amin at naroon nga ang tanke ng oxygen at ang sibat na nakaconnect sa tube ng oxygen. Nakita ko rin ang sinabi niyang bakal na pabigat. Nang ibinaling ko ang aking tingin kina inay at sa biological kong ina, kasalukuyang tinatalian pa sila.
“At oo nga pala...” dagdag ni Archie, “Sa tandem nila Mommy Steff at Madam Nella, si Madam Nella ang bibigyan ko ng oxygen.”
Napatingin ako sa aking inay. Matindi ang aking pagkaawa sa kanya.
“Ngayon ‘Tol...” baling niya sa akin, “Last ko nang tanong sa iyo, “Parusa o paraos?”
“Sandali! Anong tanong iyan?” ang bulyaw na pagsingit ni Jerome.
“Huwag kang makialam sa amin lang ito!” ang sigaw rin ni Archie.
“Kailangang malaman muna ni Jerome!” ang sigaw ko rin gawa nang sinimulan na nilang galawin ang platform upang malaglag kami sa dagat.
“Ok... i-explain mo sa kanya,” ang utos ni Archie sa akin.
Kaya ipinaliwanag ko kay Jerome ang lahat.
“No way! Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa mabuhay ako ngunit ikakasal ka sa iba. Maaatim mo ba na mabuhay ngunit hindi mo na ako makikita? Maaatim mo bang magpakasarap habang ako ay mangungulila sa iyo? Magiging masaya ka ba kung makasal ka sa hayop na taong iyan???” ang sigaw ni Jerome. “HINDI AKO PAPAYAG! PATAY NA KUNG PATAY! ILAGLAG NIYO NA KAMI!!!”
Ngunit doon na lalong nag-init si Archie sa sinabing iyon ni Jerome. “Ah ganoon pala! Anong akala mo naman? Na talagang papatulan ko itong jowa mo!!! MAS MAIGI NA KAYONG LAHAT ANG MATODAS DAHIL SAGABAL KAYO SA MGA PLANO KOOOO!!! ILAGLAG NA IYAN!!!” ang sigaw ni Archie.
Gusto ko pa sanang ikumbinsi si Jerome na hindi lang kami ang mamamatay sa desisyon niyang iyon kundi pati ang aking inay, at handa kong tanggapin ang alok ni Archie. Ngunit simbilis ng kidlat ang mga pangyayari. Nilaglag na kami ng mga tauhan ni Archie. At ang tanging naisigaw ko na lang ay, “INAAAAYYYYYYYYYYYYY!!!”
Iyon na ang huling sigaw ko. Naalimpungatan ko na lang ang aming pagbagsak sa tubig at pagbulusok sa ilalim nito.
Nagpupumiglas ako habang palalim nang palalim ang aming paglubog. Subalit sa matinding paggalaw at nirbiyos na rin, ramdam ko ang pagpasok ng tubig sa aking baga. At mas lalo pang nadadagdagan ito sa patuloy kong pagpupumiglas. Hindi ako makasigaw gawa nang papasok ang tubig sa aking bunganga kapag sinusubukan kong gawin iyon. Hindi makahinga. Hindi makagalaw gawa ng mga tali sa aking kamay at paa. Mistula akong binangungot.
Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng hangin. Iyon na ang huli kong naalaala.
(Itutuloy)

WTF ka Archie.. ikaw na ang mamatay, nakakagigil ka
ReplyDeleteIsa kang kampon ni satanas
LODS NEXT NA
Sarap mong bugbugin
TRUE.....NAKAKAGIGIL AHAHAHAH PERO SAD LANG DIN AKO PARA KAY ARCHIE PERO GALIT AKO SA KANYA GRRRRR!!!!!!
DeletePuso mo😂😂
ReplyDeletekakaasar kasi si LODS hehehe
Deleteanyway, nagkita na sila ni Jerome, YES
Putang inang archieee nakakagigil sarap sapakin
ReplyDelete