Followers

Friday, April 17, 2020

Ang Roommate Kong Siga [40]



On third Day, Mommy Steff Rose From the Dead

By Michael Juha
getmybo@hotmail.com
fb: Michael Juha Full

----------------------

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nawalan ng malay. Ngunit nagising ako nang may narinig akong tinig ng isang babae na kinakausap ako habang umiiyak. “Anak... narito si mama mo. Gumising ka anak. Ayokong mawala ka sa akin, nak!”

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ko lubos maipaliwanag ang pisikal na naramdaman ko sa aking katawan. Pagod, disoriented na parang nahihilo, masakit ang kalamnan na hindi ko mawari... Nang nakapag-adjust na ang aking mga mata, unti-unting inikot ko ang aking paningin sa paligid. Doon ko narealize na nasa loob ako ng ospital. Nakahiga ako sa ibabaw ng kama, may nakatusok na dextrose sa aking pupulsuhan at may dalawang tubes sa aking ilong para sa oxygen.

“Anak!!!” and sigaw ng boses na nagmaula sa tagiliran ng aking higaan. “Gising na ang anak ko! Nurse! Doktor! Gising na siya!!!” ang sigaw niya, halata ang abot-langit niyang kasiyahan.

Nang nilingon ko siya, nakita ko ang aking inay na nagpahid ng kanyang mga mata, naiyak sa matinding kaligayahan. “Ma... a-anong nangyari???” ang tanong ko kaagad.

“Natandaan mong inulunod tayo ni Arcihe sa gitna ng dagat, anak?”

Nag-isip ako sandali, binalikan sa aking alaala ang mga huling pangyayari. “O-opo ‘nay...”

“Kayong dalawa ni Jerome ang magkapares na itinali samantalang kami naman ni Nella ang magkapares...”

“O-opo...”

Hindi na naituloy ng inay ang mga sasabihin gawa nang humagulgol na ito nang malakas.

“Ano ang nangyari ma? Bakit ka umiiyak? Sagutin mo ako maaaa!” ang sgiaw ko naramdaman ang matinding kaba.

“Si Jerome anak...”

“Ano nga ang nangyari po sa kanya ma! Maawa ka sabihin mo po sa akin ma!!!”

“Huwag kang mabigla anak...”

“Ma please sabihin niyo na! Hindi ako mapakali ma!!!”

“Basta promise anak na maging mahinahon ka, maging kalmante ka... na kaya mong matanggap.”

“Ano nga po ma! Sabihin niyo na po!!!”

“Hindi siya mahanap, anak! Wala pang balita kung asaan siya!!!” at humahagulgol na naman ang inay.

“Ano po!!!” ang pagkabigla ko sabay balikwas sa aking higaan. “Ulitin niyo po ma! Sabihin ninyo pong nagbibiro lang po kayo ma!!!”

Dali-dali naman akong pinahiga ng aking inay. “Huminahon ka anak... H-hinahanap pa nila si Jerome. B-baka naman, b-baka naman b-buhay pa siya...” ang paliwanag naman ng aking inay.

“Bakit ma, ano ba talaga ang nangyari sa kanya at hindi na mahanap?”

“Dumating ang mga pulis, kasama ang mga coastguards at ilang divers. Tinimbrehan na pala sila ni Jerome na nawala tayo bago siya ay ma-hostage din ni Archie. Nang hindi na nila ma-contact si Jerome, doon na sila na-alerto at hinanap nila kaagad si Jerome gamit ang GPS ni Jerome na siyang ininstruct sa kanya ng mga pulis na buksan niya ang kanyang GPS upang hindi sila mahirapang mag-coordinate sa kanilang paghahanpa sa atin.”

“Pagkatapos po?”

“Naalala mong kay Jerome inilagay ang oxygen ninyo? At ikaw ang wala?”

“Opo...”

“Nang matagpuan kayo ng mga divers, nasa iyo na ang oxygen. Ngunit wala na roon si Jerome. Hindi nila alam kung saan siya tinangay ng agos o ano ang nangyari. Kaya inuna ka nilang iligtas at pagkatapos ay si Jerome naman ang kaniang hinahanap. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi nila nahanap si Jerome hanggang gumabi na. Kinabukasan ay nagpatuloy sila sa paghahanap ngunit wala pa ring resulta.”

“P-paano nailipat ni Jerome ang oxygen sa akin, ma?”

“Heto ang nakita nila na sumabit sa mga kamay mong nakatali...” ipinakita ng inay ang bagay na naiwan ni Jerome at iniabot iyon sa akin.

“Ang k-kanyang key chain?” sigaw ng isip ko habang tinitigan ito. Naalala ko ang key chain na iyon. Minsan ay iginuguri-guri niya iyon sa kanyang kuko kapag nabobored siya. May nakakabit kasi roon na lagari na kasing liit lang ng daliri ngunit matalim ang mga ngipin. Nang sinabi ko sa kanya na delikado iyon, ang sagot lang niya ay hindi ko raw masasabi ang panahon kung kailangan siya mangangailangan noon. Kasama noon ay ang maliit na pito. Inilagay pa niya ito sa kanyang bibig at sumipol nang malakas. Ang sabi niya ay makatulong din daw iyon kapag may sakuna at hindi siya makapagsalita dahil wala nang lakas, o kaya’y kapag matabunan kapag may lindol. Iyong daw ang puwedeng gamiting pantawag ng saklolo. “Magagamit mo rin ito kapag naligaw ka sa gubat, o bilang alarm kapag may sunog, o kapag nasa dagat ka at manghingi ng saklolo sa mga barkong dumadaan at hindi ka napapansin...” ang sabi rin niya.

Kinuha ko ang key chain mula sa kamay ng inay. “I-ito po ang ginamit niyang pamputol sa tali ng kanyanag kamay?”

Tumango ang inay. “At marahil ay sinadya niyang ilagay iyan sa iyong kamay upang matanggal mo rin ang tali mo. Wala na siguro siyang hangin kaya iniwan na lang niya sa iyo. O baka balak rin sana niyang putulin ang tali mo ngunit...” hindi na itinuloy ang kanyang sinabi.

“At ano po...” ang giit ko upang dugtungan pa niya ang kanyang sinabi.

“At nalunod na siya, baka natangay sa agos... wala pang nakakaalam!”

“Huwag naman po sana ma!”

“Hindi nga natin alam, anak...”

“I-ilang araw na po ba akong walang malay, ma?”

“Tatlong araw anak...”

“At wala pa ring balita kay Jerome?”

“Wala pa rin. Patuloy pa rin silang naghahanap.”

Doon na ako humagulgol nang humagulgol. “Jeromeeeeee! Jeromeeeeeee! Nasaan ka na!!!” 

Niyakap na lang ako ng inay habang hinahaplos ang aking likod. Niyakap ko rin siya. Sobrang sakit ng aking nadarama na ang taong minahal ko ay hindi pa nahanap. “Hindi ko mapatawad ang sarili ko pa kung may mangyaring masama kay Jerome. Mahal na mahal ko siya ma. Sana ako na lang po ang nandoon sa dagat. Sana ay hindi na niya ibinigay sa akin ang kanyang oxygen ma! Bakit pa???”

“Mahal ka kasi niya anak... Pinanigurado niyang mailigtas ka.”

“Pero siya naman itong nawala? Kaya guilting-guilty ako ma! Hindi ko mapapatawad ang aking sarili sa nangyari!!!” at talagang nagsisigaw ako, nagwala sa magkahalong matinding takot, galit, at lungkot.

“Huminahon ka anak. Ipagdasal na lang natin na sana ay buhay pa siya. May awa ang Diyos anak.”

Nasa ganoon akong pag-iiyak nang may naalala ako. “S-si Nella pala ma? Di ba kayo ang pares na inilaglag sa dagat? At siya ang may oxygen?”

Hindi makasagot kaagad ang aking inay. Yumuko siya. Kitang-kita ko ang biglang paglungkot ng kanyang mukha, ang namumuong mga luha sa kanyang mga mata at ang pagbagsak ng malalaking butil ng luha.

Sa nakita ko sa reaksyon ng inay ay naramdaman ko ang paggapang ng takot na hindi ko mawari. “Ma? Anong nangyari sa kanya???”

Inangat niya ang kanyang mukha at tiningnan ako. “B-bago kami inilaglag ni Archie sa dagat, nagsusumamo si Nella kay Archie na ang oxygen na nasa kanya ay ibigay na lang sa akin... D-dahil ang isang oxygen naman daw na nasa inyo ay na kay Jerome. At maaaring mamatay ka, magsama raw kayo. At kung buhay ka man daw at pipilitin ni Jerome na ibigay sa iyo ang oxygen niya, at least masaya siya dahil sigurado siyang aalagaan kita, at ikaw rin, mahal na mahal mo rin daw ako. Kaya pinagbigyan siya ni Archie dahil pareho naman din daw na mamatay kami, mauna lang siya ng isang oras kung nasa akin ang oxygen...” nahinto ang inay dahil hindi niya mapigilan ang paghikbi. Pinahid niya ang kanyang mga luha. “Nang nasa ilalim na kami ng dagat, kitang-kita ko ang kanyang paghihirap. Ibinubuka niya ang kanyang bibig at nagsasalita. Pilit kong binasa ang kanyang mga sinasabi. Ang naintindihan ko ay ipinagbilin ka niya sa akin, na mamahalin kita, alagaan, huwag pabayaan. Nanghingi rin siya ng patawad na masyado niyang iginiit ang kanyang sarili sa iyo. Ayaw raw sana niyang mahiwalay sa iyo ngunit dahil wala na siyang magagawa, masaya na siya na nakitang nasa mabuting mga kamay ka at mahal na mahal mo ako nang higit pa sa pagmamahal mo sa kanya. Gusto niyang ipaabot ko sa iyo na mahal na mahal ka niya, at handa niyang gawin ang lahat para sa iyo...”

Hindi na ako nakasagot pa. Hinayaan ko ang aking inay na magsalita gawa nang hindi ko na napigilan ang mga luhang dumaloy mula sa aking mga mata. Pilit kong pinigilan ang mga ito ngunit tila may sarili silang pag-iisip at kusa na lang silang nagsilaglagan. Napakasakit sa aking kalooban na sa unang pagkikita namin ay hindi maganda ang pakikitungo ko sa kanya, inakusahan ko pa siya na siyang nagpakidnap sa inay, na maruming babae siya at may relasyong nakaraan kay Jerome. Ngunit sa bandang huli pala ay mali ang aking mga paratang. At heto, siya pa ang nagbigay-daan, nagparaya upang mabuhay ang aking inay. Ni hindi ko man lang nakita ang kanyang kabaitan habang buhay pa siya. Ni hindi man lang ako nakahingi ng tawad. Pigil na napahagulgol na lang ako sa matinding pagsisisi.

“Sobrang naawa ako sa kanya dahil habang ako ay naka-oxygen, na sana ay para sa kanya iyon, siya na nasa harapan ko ay naghihingalo, pilit na lumalaban. Ngunit wala akong magawa dahil nakatali ang mga kamay at paa ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin... Kitang-kita ko pa ang huli niyang pagbuka sa kanyang bibig na animoy nagsasabi ng ‘paalam’” Muling nahinto ang inay dahil sa paghikbi. “Nang dumating ang mga pulis at scuba divers, huli na ang lahat. Bagamat mulat ang aking mga mata, si Nella naman ay wala nang malay. Agad na tinanggal nila ang mga tali namin, pati na rin ang mga pabigat at bitag. Nang tuluyan na kaming naiahon, lupaypay na ang kanyang katawan. Nakapikit ang kanyang mga mata bagamat bakas ang kapayapaan sa kanyang mukha at mga labi. Dali-daling nirevive ng mga divers ang kanyang paghinga sa pamamagitan ng CPR. Ngunit talagang wala na silang nagawa. Nang dumating na kami ng ospital, doon na kinompirma ng doktor na patay na nga siya.

Ramdam ko ang matinding bigat ng aking konsyinsya sa narinig. Ramdam ko rin ang matinding panghihinyang. Nagsisisi ako sa aking masamang pagtrato sa kanya. Ni hindi ko man lang siya nayakap, ipinagkait ko sa kanya ang tawagin siyang inay, hindi ko siya binigyang importansya. “Napakasama ko, ma! Napakasama kong tao!!! Nagsisisis ako sa mga sinabi ko sa kanya ma! Nagsisisi ako sa hindi magandang pagtrato ko sa kanya!!!” ang sigaw ko.

Mabilis akong naka-recover at kinabukasan lang ay nakauwi na ako ng bahay. Ngunit dahil sa nangyari ay tila nawalan ako ng ganang mabuhay. Sobrang depressed ko sa bawat araw na lumipas. Habang nakaburol ang aking biological na inay, hindi naman mahanap si Jerome, o kahit balita man lang kung buhay ba siya o bangkay man. Nawalan ako ng lakas, nawalan ako ng focus at direksyon. Naibsan ang pananampalatayo ko sa taas.

Hanggang dumating ang araw na ililibing ang aking biological na inay. Sa umaga pa lang ay kinausap na ako ng aking inay.

“Alam mo, anak... may sasabihin ako sa iyo. Sana ay hindi ka magagalit,” ang pambukas na sabi sa akin ng inay.

“A-ano po iyon, nay?”

“Nalala mo pa ba isang beses, High school ka pa lang noon, nagpunta tayo ng mall dahil bibilhan kita ng laptop. Tapos nang nakapili ka na at excited ka dahil nag-iisa na lang siya at iyong mga specifications niya ay ang talagang gusto mo, bigla kitang binatak at ang sabi ko ay natatae ako. Sa pagkagulat mo ay hindi ka nakapalag at sumunod na lang sa akin. Ngunit nang nasa kalagitnaan na tayo patungo ng CR ay tinanong mo ako na bakit kita binatak samantalang puwede namang ako lang ang mag CR. At gusto mong bumalik dahil baka may bumili noon, marami pa namang tao sa shop na iyon. Ngunit nagpumilit ako na samahan mo ako. Nagmamaktol ka. Tapos paglabas ko ng CR, dinala naman kita sa sinihan imbes na pabalik sa shop.”

“N-naalala ko nga iyon ma... Galit na galit ako sa iyo, hindi kita kinibo ng ilang araw dahil pagbalik natin sa shop ay sarado na ito at nang binalikan natin kinabukasan ay may nakabili na sa laptop...”

“Tama. At alam mo ba kung bakit kita binatak?”

“Bakit ma?”

“Nakita ko sa shop na iyon si Nella,” nahinto siya saglit dahil muli na naman siyang umiyak. “Oo anak, matagal ko nang alam na si Nella ay naghahanap sa iyo. Ngunit itinatago ko ito sa iyo dahil ayaw kong mawalay ka sa akin. Marahil ay kung n-nagkakilala kayo sa panahong iyon, buhay pa sana siya ngayon,” humaglgol na naman ang inay. “Mabait si Nella anak. At alam ko kung gaano ka niya kamahal, at kung gaano kalalim ang kanyang pagsisikap upang mahanap ka. Alam ko rin kung gaano kasakit ang mawalan ng anak...” Muli na naman siyang humagulgol. “Sobrang laki ang kasalanan ko sa iyong tunay na ina, anak. Patawarin mo ako...”

Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa aking inay.

“K-kaya n-naisipang kong magpakalayo, anak kasi nagi-guilty ako na hayan, naghahanp ang tunaymong inay ngunit nariyan din ako, nakakahadlang. Naawa ako kay Nella. Naawa ako sa iyo. Kaya iyon ang naisip kong paraan...”

Wala na akong nagawa kundi yakapin ang aking inay. “Naintindihan kita, ma... at hindi ako galit sa iyo. Marahil ay sadyang itinadhana talaga na ganito ang kahahantungan ng lahat,” ang sagot ko na lang.

Araw ng paglibing. SOBRANG BIGAT ng aking damdamin habang pinagmasdan ang aking biological na inay sa likod ng salamin sa loob ng kabaong. Binuksan kasi ang uluhang bahagi nito bago isinilid sa kanyang nitso. Muli na naman akong humagulgol. Naalala ko ang aking mga ginawang hindi maganda sa kanya. Sobra-sobra ang panghingi ko ng tawad.

Halos magsiuwian na ang lahat ng tao at ang aking inay ay naghintay na sa akin sa sasakyan. Nasa harap pa rin ako ng nitso ng aking biological na inay.

“Ma... patawarin niyo po ako na kailangan pang umabot sa ganito upang marealize ko na napakabait niyo po palang tao, martir po kayo at deserving na tawagin inay at mama. Alam kong ngayon lang kita tinawag na ‘mama’. Nagsisi po ako sa aking mga nagawang kasalanan. Ngayon ko lang narealize kung gaano kasakit para sa inyo ang makita akong pinagdududahan ka, ang tawagin lang kitang Nella, kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo upang hanapin ako at pagkatapos ay hindi mo man lang mayakap. Ang sama ko po... Sana po ma ay mapatawad mo po ako. Pangako ko sa iyo, ma, na palagi kitang dadalawin dito. At sa sunod nating pagkikita ay yayakapin na kita nang mahigpit. Ma, saan ka man naroroon, sana ay palagi mo akong gabayan. Rest in peace po...”

Lumipas ang isang buwan, dalawa, tatlo, hanggang anim na buwan na aming paghahanap kay Jerome ngunit ni bakas kung nasaan siya ay wala. Kung saan-saan na lang kami nakarating. Hindi pa rin ako maka move on. Palagi ko pa ring naaalala si Jerome. Para akong baliw na kinakausap siya, nanghihingi ng tawad sa kanya sa maling hinala ko tungkol sa kanila ng aking biological na inay. Hindi rin maalis sa isipan ko ang mga kuro-kuro na baka nalunod si Jerome at tinangay ng alon, o baka kinain ng pating. Ngunit syempre, umaasa pa rin akong nakaligtas siya, o inanod lang ng daloy ng dagat at nakarating sa dalampasigan na buhay.

Kunag anu-ano na lang ang sumagi sa aking isip. Nariyan iyong balak na kitilin ang sariling buhay upang magsama na kami ni Jerome kung patay na talaga siya, nariyan iyong magalit sa taas kung bakit niya hinayaang maging kami ni Jerome ngunit kunin niya rin pala ito, nariyan iyong sisihin ang mga taong may kinalaman sa pagkawala ni Jerome...

“Anak, ang lalim naman ng iniisip mo. Maaari bang kuwentuhan mo ako?” ang tanong ng inay isang gabi na naroon lang ako sa terasa ng bahay ng aking daddy, nag-iisa, nakatingin sa kawalan habang naglalaro ang isip sa mga katanungan kung bakit basta-basta na lang pumanaw ng ganoon ang biological na inay, kung nasaan na si Jerome, at kung bakit ganoong klaseng pagdurusa ang ibinigay sa amin.

“Alam mo naman kung ano ang nasa isip ko ma, ‘di ba?” ang matamlay kong sagot ko.

Hinila niya ang isang silya at inilagay iyon sa tabi ko. Umupo siya atsaka inabresyete ang kanyang braso sa aking braso. “Paano ba ako makakatulong sa iyo, nak? Ang hirap kasing tingnan na ganyan ka, eh. Gusto mo, gumala tayo?”

“Anong gagawin natin sa labas, ma?”

“E ‘di ano pa, mag bar. Dating gawi. Mag-inom, hanap ng boys,” ang sambit niya, sabay bitiw ng pilit na tawa.

“Lalo ko lang maalala si Jerome ma...”

Binitiwan ng aking inay ang isang malalim na buntong-hininga. “O ‘di dito na lang tayo mag-inom,” ang sambit niya sabay tayo at tumbok sa ref. “Sandali lang at kukuha ako ng mainom natin. Huwag kang umalis. D’yan ka lang.”

Hindi ko na siya pinigilan pa. Muli kong ibinaling ang aking paningin sa kawalan, sa taas kung saan naroon ang maraming bituin. Tila gusto ko silang kausapin isa-isa kung nakikita ba nila si Jerome at kung nasaan siya ipinadpad.

Nang dumating ang inay, inilatag niya kaagad sa mesa ang anim na bote ng beer at dalawang wine glass. Binuksan niya ang dalawang beer at ibinuhos ang mga iyon sa tig-iisang baso namin.

“Ma... totoo kaya iyong sabi nila na bawat tao raw ay may kanya-kanyang bituin sa langit na nagmamatyag sa atin? Saan kaya ang kay Jerome d’yan? Nagmamatyag kaya siya sa amin? Alam kaya niya kung ano ang nangyari kay Jerome. Nararamdaman din kaya niya ang tindi ng sakit na naramdaman ko?”

“Hay naku, Hulyo... ano ka ba! Buksan mo ang puso mo at tanggapin kung ano man ang nangyari sa kanya. ‘Di ba, ikaw rin ang nagsabi na ang pagkamatay ni Nella ay nakatadhana? Na hindi mo ako sinisisi dahil, wala na tayong magagawa at wala tayong control sa mga pangyayari. Di ba?”

“Ang sakit lang kasi ma... madaling sabihin ngunit kapag ikaw ang nakaranas, sobrang hirap...” nahinto ako sandali. “Kayo po ma, noong naghiwalay kayo noong first love mo, ano ang ginawa mo?”

“Ano pa nga ba, e ‘di naglasing,” ang sagot niya.

“I mean, nasaktan ba kayo, iyong parang ikamamatay mo ang sakit, o hindi naman masyado at kaya mo pa ring gawin ang mga normal mong mga nakagawiang gawin?

“Iyong totoo? Syempre, sobrang sakit. Iyong sinabi mo, parang ikamamatay ang sakit, ramdam ko iyon. Para kang mababaliw. Parang gusto mong mandamay at sunugin ang mga bahay na makikita mo, o mang-itak ng mga lalaki...”

“Ano ang ginawa mo upang makapagmove-on?”

“Iniyak ko nang iniyak. Pagkatapos kasi ng napakahabang pag-iyak, doon mo maramdaman ang kaunting pagluwag ng iyong dibdib.”

“Umiinom ka rin po?”

“Oo naman. Inom, iyak, mukmok... para akong namatay. Pero after 3 days, naisipan kong bumangon, lumaban, at ipagpatuloy ang buhay. Iyong ‘on the third day he rose again from the dead’... Iyon. Pero hindi ko pa nagawa iyong, ‘he will come back to judge the living and the dead.”

“Inay naman eh. Seryoso!”

“Seryoso nga, eh. Third day lang, alive and kicking na agad ako. Nariyan pa ang pain pero manageable naman at importantly, may strong will ako to survive.”

“Ambilis naman. Sana ganoon din ako,” nahinto ako sandali. “Pero at least ang sa iyo, ma, may klarong closure. Itong sa amin ay wala eh... ni good bye ay wala. Hindi ko rin alam kung buhay pa siya o...” hindi ko na itinuloy pa ang pagsasalita.

“Pareho lang iyan... iiyak mo rin at unti-unting mawawala iyan.”

“Mahal mo pa ba ang first love mo, ma?”

“Oo naman. Narito pa rin siya,” ang sagot niyang hindi makatingin-tingin sa akin.

“Kaya hanggang ngayon ba’y wala ka pa ring napupusuan maliban kay Mang Kanor?”

Inismiran ako ng inay. “Hmp. Fuck boy ko lang iyang si Kanor! Wala iyan sa puso ko. Hanggang puson lang iyan!”

“Love mo yata, eh,” ang biro ko.

“Kung love ko, e ‘di nagsama na sana tayo. Siya na sana ang ipinakilala ko sa iyo na itay. Gusto mo ba na itay na ang tawag ko sa kanya? Dalhin ko siya rito sa mansiyon mo.”

Napangti ako ng hilaw. Hindi ko pinatulan ang sinabi niya. “So iyong first love lang mo talaga ang nagmamay-ari ng puso mo, ma hanggang ngayon?”

Tumango ang inay.

“Siguro ako... ganyan din. K-kung sakaling talagang wala na siya, siya pa rin ang laman ng puso ko. Baka kagaya mo ma, hindi na ako muling iibig pa...”

“Like mother, like daughter!”

Tawanan.

Kahit papaano ay napagaan ng inay ang aking dinadala

“O siya, magpakalasing na lang tayo!” ang sambit ng inay habang itinaas ang kanyang wine glass. “Cheers!”

Itinaas ko na rin ang aking wine glass, “Cheers!”

Dinagdagan pa ng inay ang aming beer hanggang sa pareho na kaming nalasing. Nagsasayaw na siya habang ako ay nanatiling nakaupo, tinitingnan siya. Doon na naman sumagi sa isip ko si Jerome. Iyong unang bonding naming tatlo ng aking inay kung saan ay magkaaway pa kami noon at inis na inis ako sa kanya dahil ninakaw niya ang aking motor at imbes na maguilty, lihim pa niya akong iniinis at sinabi sa aking inay na nag-best friends daw kami. Hanggang sa binugbog siya at ako ang nag-abuno ng dugo sa kanya, at palagi na niya akong hinahatid-sundo gamit ang bisekleta. Hanggang sa tumulong na siya sa akin sa paglalaba at paglilinis ng kuwarto namin, at iyon, naging responsable na siya. Natulungan din namin siyang hanapin ang kanyang mommy at mga kapatid... Napabuntong-hininga na lang ako.

“Hoy Hulyo! Sabay tayong sumayaw!” ang sambit ng inay.

Ngunit tila wala akong narinig sa kanyang sigaw. Hinayaan kong dumaloy nang dumaloy na lang ang aking mga luha habang yumuko. Hanggang tuluyan ko nang isinubsob ang aking ulo sa ibabaw ng mesa.

Isang araw habang nagmumuni-muni ako. Dahil sa sitwasyon kong halos mawalan na ng pag-asa, kung anu-anong bagay na lang ang pumapasok sa aking isip. Biglang naalala ko ang isang karanasan ni Jerome kung saan ay sumailalim siya sa isang klaseng therapy na tinatawag nilang hypnotic regression. Muli kong binalikan sa aking isip ang mga sinabi ng kanyang doktor. Nagresearch ako tungkol sa pilosopiyang ginamit. At nasabi ko sa aking sarili na kung talagang totoo iyon, sigurado akong hindi nawala si Jerome at isang araw at muli kaming magsama sa mundong ito. Tila nakaramdam ako ng kaunting pag-asa. Naramdaman kong malaki ang maitulong nito sa paghilom ng aking sugat at pagtanggap sa masaklap na nangyari.

“Ma... naniniwala ka ba sa reincarnation?” ang tanong ko sa aking inay.

“Anak... everything is possible. Sa pisikal na mundong ito, we can only learn so much. Bakit mo naitanong iyan?”

Nahinto ako sandali. Pinigilan ang sariling huwag umiyak. “K-kasi... kung sakaling patay na si Jerome at kung saan man siya naroroon, magkikita pa rin kami sa sunod na lifetime namin.”

“Oo naman, anak. Lahat naman tayo, pagpanaw natin ay magkikita pa tayo sa kabilang banda.”

“Eh... mali pala ang paniniwalang kapag namatay na tayo ay hindi na tayo makakabalik dahil either pupunta tayo sa langit o impyerno?”

“Ah...” nahinto siya sandali. “Ako man ay doubtful d’yan. Kasi, kagaya ng maraming namatayan, may mga naririnig akong sabi, ‘Nasa heaven na si papa. Magkikita na sila ni mama’ paano sila sure na nasa heaven nga? Kahit nga iyong mga buwayang pulitiko, iyong pamilya nila ay sasabihin nasa heaven na mga magulang o sila. Wala pa talaga akong narinig, na iyong mga pamilyang kurakot, gahaman, mang-aapi, kawatan ng per ng bayan, na nagsasabing, “Nasa impiyerno na sila. Magkikita na sila roon. I mean, wala akong objection kung sa heaven ang bagsak nila talaga eh. Pero paano naman tayo pag nandoon na rin? May election uli doon? Nanakawin na naman nila ang pera, resources at kaban ng kalangitan? Yayaman uli sila roon? Sila uli ang mamumuno? Kawawa naman si satanas sa impiyerno. Mag-isa lang siya roon. Unfair din sa kanya iyon, ‘di ba?”

“Mama naman eh!”

“Sarcasm iyon, gaga! What I mean is... I’m more inclined to believe na when we die, our souls go to another dimension, to our ‘home’, heaven kung tawagin. And in there, God would show us the life we’ve spent habang nandito pa tayo sa mundo, nakaraang buhay natin. Then, based sa makikita mong kagagahan at kabutihang ginawa mo, God will ask you, kung masaya ka sa ginawa mo, lalo na kapag may natapakan ka? May natutunan ka bang leksyon sa buhay? Naging productive ba ang life mo? Or pansarili lang ba ang mga ginagawa mo sa buhay na iyon at marami kang inapi? Then kapag may naramdaman kang guilt, unfinished business or pagsisisi, God will allow you to return or reincanate to correct or atone for your misdeeds, or simply to complete unfinished business. At pagkatapos ng ilang lifetimes mo at natuto ka na, or na-complete mo na ang iyong ‘mission’ mo, then that’s the time you settle in ‘heaven.’ Hindi ka na magreincarnate. Lahat ng tao sa mundo, kahit iyong pinakademonyo ang gawain, ay may chance na makapunta ng heaven. That’s how fair God is, for me.”

“Wow! That’s fair! Pero paano naman iyong naniniwala na hindi na makababalik ang tao?”

“Hayaan mo na sila sa kanilang paniniwala. Kanya-kanya iyan eh. Ilang religions ba mayroon sa mundo? Marami, ‘di ba? Ilan ang naniniwala sa langit at impiyerno? Marami rin ‘di ba? Ilan ang mga naniniwala sa reincarantion? Sa india lang, mahigit isang bilyon na. Dagdagan mo pa sa mga bansang Japan, South Korea, karamihan sa China, mga bansang kasapi sa ASEAN gaya ng Cambodia, Vietnam, Thailand, Laos, Myanmar, Singapore. Nariyan din ang Bhutan, Nepal... Marami sila. Masasabi ba nating mali rin sila?”

Niyakap ko ang aking inay. Sa pagkarinig ko sa kanyang sinabi ay lalo itong nagpalakas sa aking sarili na isang araw ay magsama pa rin kami ni Jerome. Lalo na’t may ipinangako siya sa akin. “Alam niyo po ma, kaya ko naitanong ang tungkol sa reincarnation dahil hindi ko po maiwasang hindi balik-balikan ang session ng hypnotic regression ni Jerome. At naisip  ko na marahil ay sinadyang mangyari iyong pagpapagamot ni Jerome upang dahil doon ay matuto ako at mabigyan ng lakas dahil alam ng nasa taas na mangyari ang lahat ng trahedyang ito. At iyong karanasan ni Jerome ang magiging lakas ko at sagot sa mga katanungan ko.”

“I agree anak...” ang sagot ng inay bagamat hindi ko alam kung iyon talaga ang paniniwala niya, o dahil anak niya ako at hindi niya kayang tingnan ako na naghihirap kung kaya ay sumang-ayon na lang siya. “Ang at nararapat mong gawin ngayon ay ipagpatuloy ang buhay, pakawalan mo ang galit, tanggapin ang lahat nang nangyayari sa buhay mo na maluwag sa iyong puso. Make the most of your life, be the best person that you can be, and at the same time, hanapin mo ang misyon mo sa mundo, lalo na sa pagtulong sa kapwa...”

Kumalas ako sa aming yakapan at tiningnan ko ang akinginay. “Ngayon ma ay maluwag na sa aking kalooban na tanggapin ang lahat... At alam ko na rin ang aking gagawin. Maraming-maraming salamat ma.”

Binitiwan ng aking inay ang isang matipid na ngiti. At muli niya akong niyakap.

“Ma... g-gusto kong bisitahin si Archie sa kulungan.”

“Okay lang anak. Alam kong maging mahinahon ka sa pakipag-usap sa kanya.”

Kinabukasan ay agad naming binisita si Archie. Sinabi ko sa kanya na hindi na mahanap pa si Jerome, na namatay ang biological kong inay. Sinabi ko rin sa kanya na wala na akong galit sa kanya, na pinatawad ko na siya at wala na akong kinimkim ng sama ng loob sa kanya.

Napaiyak siya sa narinig. Humagulgol. Ramdam ko ang matinding pagsisisi niya. “Napakabait mo talaga, ‘tol. Sa kabila ng kademonyohang ginawa ko sa inyo ni Jerome at sa iyong dalawang inay, pinatawad mo pa rin ako. Wala na nga akong mukhang ihaharap sa iyo ngunit heto ka, binigyan mo ako ng lakas ng loob at pag-asa. Napakadalisay ng iyong puso. Hindi ko akalain na may tao pa palang katulad mo.

“Sana ay magpakabait ka rito, Kuya upang mabigyan ka ng parole. At kapag nakalabas ka na, palawakin natin ang negosyo ng ating ama. Wala nang 5% 5% n iyan. Partner tayong dalawa sa pagpapalago nito. At baguhin natin ang pangalan ng business empire na itinatag at pinaghirapan ng ating ama. Gusto kong “Zamora Brothers” na ito.

“Maraming salamat sa pagtitiwala mo pa rin sa akin, ‘tol. Ipapangako ko sa iyo na magpakabait ako rito upang maagang makalaya.”

“At hihintayin namin, Kuya ang iyong paglabas.”

Iyon ang ipinangako ko kay Archie. Zamora rin naman siya. At bagamat adopted lang, siya itong lumaki sa piling ng aming daddy. Kaya nararapat lang na katuwang ko siya sa pagpapalago sa negosyo.

“Ma’am Steff! Ma’am Steff!” ang narinig kong sigaw ng isa sa aming mga katulong habang nagtatakbo patungo sa living room kung saan ay naroon ang inay, nagbabasa ng diyaryo. Simula kasi noong nangyaring trahedya at nabilanggo si Archie, sa bahay na ng aking daddy tumira ang inay. Inalok ko siya ng posisyon sa isa sa mga kumpanya ng daddy ngunit tumanggi siya, hihintayin daw niyang tuluyan na akong makalimot, makapagmove-on at manumbalik ang dati kong sigla. Gusto niyang nasa tabi ko siya upang personal niya akong nagagabayan. Kaya nasa bahay lang siya, nakikipagbonding sa akin kapag tapos na ako sa eskuwelahan. Kinakausap ako, pinapayuhan, tinutulungan sa lahat ng bagay, lalao na kapag inaatake ako ng lungkot.

“Ano ba, Maria! Kung makasigaw to, kala mo napaka-importante ng sasabihin, magtsitsismis lang naman tungkol sa mga guwapo at machong bading sa labas! Lukaret na to!” ang narinig kong sagot ng inay.

Pinakinggan ko lang sila. Ganyan sila ng inay kung mag-uusap. Parang magbest friends lang. Nasa kusina ako noon, uminom ng tubig.

“Change subject tayo ngayon, Ma’am Steff. Seryoso ito!”

“Gaano kaseryso ba? Seryoso na ang pagkabakla ng crush mo?”

“Hindi! Iyon, ito naman! Alam ko nang bading iyon! Lumabas kasi ako kanina at nakausap ko iyong kaibigan kong katulong sa kabilang subdivision at ang sabi niya ay may narinig daw siyang panawagan sa radyo ng isang Funeral Parlor na may tatlong patay raw sila na matagal na at walang kumuha. At ang isa raw doon ay may ilang buwan na, natagpuan sa tabing dagat!”

Hindi pa man ako nakatapos na aking pag-inom ng tubig ay agad kong inilagay ang baso sa ibabaw ng mesa. Siya ring pagkarinig ko sa pagtawag ng inay sa akin. “July! July!!!”

“Ano’ng sabi mo, Maria?” ang tanong ko.

“Iyon nga Sir, may patay roon sa isang Funeral parlor na walang kumuha. Kasi ipapalibing na raw nila sa isang linggo.”

“Puntahan natin, ma!” ang sambit ko kaagad.

“Sige, tawagan natin ang mommy ni Jerome upang malaman din nila.”

Kinuha ng inay ang pangalan ng funeral parlor atsaka dumiretso na kami.

“May nagreport sa amin tungkol sa bangkay. Kinuha namin doon sa tabing-dagat at naghintay na may mag-claim. Ngunit walang naghanap eh. Kaya naisipan naming manawagan,” ang paliwanag sa amin ng manager ng funaeral parlor.

“Puwede po bang silipin namin?” ang pakisuyo ng inay.

Minuwestrahan kami ng manager na sundan siya. Tiningo namin ang kanilang morgue. Isa itong kuwarto kung saan ang mga sulok ay may tila malalaking drawers ngunit ang laman sa ilalim ay mga bangkay na naka-freezer.

Hinugot ng isang trabahente ang isang drawer at nang lumantad sa amin ang katawang nakatihaya, halos masusuka kami sa amoy! Nakahubad ang bangkay at hindi na makilala ang mukha. Naagnas na ito.

Tininganan ko ang dibdib kung may tattoo ba. Si Jerome kasi ay may tattoo sa isang bahagi ng dibdib niya. Ngunit dahil nangingitim na ang balat at naaagnas na ay hindi na rin maklaro kung may tottoo ito.

“Sa palagay namin ay ilang araw na siyang nagpalutang-lutang sa dagat. Atsaka hayan, kinakain na rin ng mga isda o lamang-dagat ang ibang bahagi ng katawan niya,” ang pagsingit ng manager.

“’Di ba nakatali tayo?” ang tanong ni inay sa akin.

“Opo, ma. Ngunit kung nagawa ni Jerome na mailipat sa akin ang oxygen, ibig sabihin noon ay nakalagan niya ang kanyang sarili”

“Sabagay...”

Maya-maya lang ay dumating naman ang mommy ni Jerome. Nang makita niya ang bangkay ng anak ay umiiyak na ito at sumisigaw. “Jerome! Jeromeeee!!!”

“Grace... s-sigurado ka bang si Jerome iyan?” ang tanong ng inay.

“Ramdam kong siya iyan. Dahil tingnan mo ang tangkad! Tingnan mo ang ilong. Iyong ngipin! Siya iyan! Walang duda!” at muli siyang humiyaw.

Muli kong tiningnan ang bangkay. Tama ang mommy ni Jerome. Kahawig nga ni Jerome ang mga parte ng katawan na kanyang binanggit.

Maya-maya lang ay dumating din ang daddy ni Jerome. Inusisa niya ang bangkay. Pansin kong umiling-iling siya. Tapos biglang nagsalita, “Hindi iyan si Jerome.”

Gulat na dinilatan siya ng mommy ni Jerome. “Hindi nga iyan si Jerome. Kailan mo ba siya kilala? Mas kilala mo pa ang ibang tao kaysa kanya! Sarili mong anak ay hindi mo kilala! Sarili mong anak ay lumayas sa poder mo! Anong klaseng ama ka! Kaya hindi mo talaga siya kilala!”

“Kilala ko si Jerome!” ang tumaas na boses ng daddy ni Jerome.

Binulyawan din siya ng mommy ni Jerome. “Kilala mo! Pagkatapos mo siyang...” ngunit hindi na niya itinuloy pa ang sabihin nang napansin niyang naroon ang manager ng funeral parlor at dalawang mga trabahante. Ayaw niyang isiwalat lalo na sa harap ng ibang tao ang ginawang kababuyan ng kanyang dating asawa sa kanyang anak. Ibinaling na lang niya ang tingin niya sa akin. “Di ba July, si Jerome iyan, ‘di ba?”

Sa pagkabigla ko ay wala na akong ibang nasabi kundi, “O-opo! S-siya nga po iyan!”

“Iuuwi namin ang bangkay ni Jerome at bibigyan namin ng marangal na libing at himlayan!” ang pagsingit ng mommy ni Jerome.

“Gawin ninyo. Ngunit hindi ako makisali sa katarantaduhang ritwal na gagawin ninyo para sa hindi kaanu-anong bangkay!”

“Okay lang kung wala ka! Sanay si Jerome na wala ka sa piling niya. At sanay si Jerome sa mga pagpapahirap mo sa kanya! Alam kong expected na ni Jerome na kahit sa kahuli-hulihang sandali kung saan ay ihahatid siya sa kanyang himlayan ay hindi ka darating. Ganyan ka sa anak mo!”

“Sinabi ko nang hindi iyan si Jerome. At sigurado akong hindi iyan ang anak mo! Ipa-DNA test ko ang bangkay na iyan. Kapag talagang siya si Jerome, pupunta ako sa kanyang libing!”

“Huwag na! Hindi ka namin kailangan!”

Hindi na hinintay pa ng mommy ni Jerome ang sinabing DNA test na ipapagawa. Agad na pinaayos niya ang pagpapalabas ng bangkay at kinagabihan ay nagsimula kaagad ang lamay.

Sa totoo lang ay may pagdadalawang-isip ako kung bangkay nga ni Jerome ang aming pinaglalamayan. Parang may kung anong kulang. Kinakausap at inieksamin ko ang aking sarili kung si Jerome nga ba iyon. Tinatawag ko rin ang pangalan ni Jerome bago ako matulog upang kung siya man iyon ay bigyan niya ako ng tanda. Ngunit hindi ko maramdaman na si Jerome nga iyon. At ang pinakamabigat sa lahat, iyong sinabi ng daddy niya na sigurado siyang hindi iyon ang bangkay ni Jerome. “May pag-asa pa!” bulong ko sa aking sarili. Kahit papaano, mayroon pa rin akong pinaghahawakang kahit katiting na pag-asa.

Pagkatapos ng apat na araw na lamay ay inihatid na si Jerome sa kanyang huling himlayan.

Kahit may pagdududa pa rin ako, hindi ko lubos maipaliwanag ang sakit na naramdaman. Mistulang tinadtad ang aking puso habang naglalakad kaming nakabuntot sa kanyang karo. At ang mas lalo pang nakapagbigay ng bigat sa aking damdami ay mga kantang na pinapatugtog ng punerarya, “Pagdating ng Panahon”, “The Way You Look at Me”, “Fallen”, “Think I’m In Love Again”, at iba pa.

Nang matapos na ang paglibing nagpaiwan ako sandali at nagpaalam sa kanya. “Jerome, kung ikaw man talaga iyan – at sana naman ay hindi – salamat sa pagsagip mo sa buhay ko. Grabe iyong ginawa mong pagsagip sa akin. Talagang inuna mo ang aking kapakanan. Hindi ka nagdadalawang-isip na ibigay sa akin ang life-support mo. Sobrang humanga ako sa iyo, kinilig na hayan, mahal mo talaga ako. Ngunit sa totoo lang, hindi ko alam kung matuwa ako o magsisi dahil heto buhay ako ngunit ikaw naman ang nawala. Ang sakit lang. Naisip ko nga na sana ay ako na lang ang namatay kasi ang sakit-sakit pala... Mabti ka nga riyan, wala nang sakit. Hindi ka na nagdurusa. Hindi ko alam kung paano mabuhay kung wala ka eh. Palagi kitang iniisip, palagi kitang hinahanap. Alam mong mahal na mahal kita. Pasensya ka na rin pala kasi nasaktan kita bago nangyari ang lahat. At pasensya na rin dahil noong naging tayo pa, matigas ang ulo ko at palagi kitang inaaway. Sana ay panatag ka na riyan. Hindi ko malilimutan ang sinabi mo sa akin pagkatapos mong gumaling sa iyong hypnotherapy. Ang sabi mo, ‘palagi tayong magsasama kahit sa sunod pa nating buhay’. Iyan na lang ang pinaghahawakan ko; na isang araw ay magkikita at magsama tayo riyan at sabay tayong bumalik sa mundong ito, buuin nating muli ang kuwento ng ating naudlot na pagmamahalan. Ipangako ko sa iyo na habang narito pa ako sa mundong ito, ikaw lang ang magmamay-ari ng aking puso. Paalam Jerome, kung ikaw man talaga ito. Hintayin mo ako. Mahal na mahal kita. Pero sana, sana Jerome... buhay ka pa at naghintay lang na ma-rescue. Hinding-hindi pa rin kami hihinto sa paghahanap sa iyo...”

Tatalikod na sana ako nang sa hindi inaasahan ay napansin ko ang isang taong dumating at nag-alay ng mga bulaklak sa ibabaw ng nitso ni Jerome.

Nang lingunin ko kung sino, nagkasalubong ang aming paningin.

Tila binagsakan ako ng langit at pinupunit ang aking puso nang mamukhaan ko siya. Gusto ko sana siyang sigawan ng, “Bakit ka pa nagpunta rito! Sana ay hindi ka na lang nagpakita paaaaa!!!”

Ngunit hindi ko kayang gawin iyon sa kanya. Yumuko na lang ako at nagmamadaling tinumbok ang sasakyan ng inay, habang walang humpay ang aking paghikbi at pag-agos ng aking mga luha. “Totohanan na pala talaga ang lahat,” bulong ko sa aking sarili.

“Sino ba iyong taong nahuli at nag-alay ng bulaklak sa ibabaw ng nitso ni Jerome, anak?” ang tanong ng inay nang nasa loob na ako ng sasakyan niya.

Pinilit kong pigilan ang aking paghagulgol. Bumunot ako ng tissue mula sa lagayan at pinahid ang malalaking buting ng luha na patuloy pa ring nagbagsakan mula sa aking mga mata. “Ang daddy ni Jerome, ma. Si Jerome pala talaga ang hinatid natin sa kanyang huling himlayan.”

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili sa paghiyaw at paghagulgol.

(Itutuloy)

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails