Followers
Friday, October 31, 2014
WARNING: Using DP Para Sa Mga Characters
Wednesday, October 29, 2014
Playful Jokes -Chptr7
Athr'sNote-
(
--Okay! Hindi ko na sangga si Marvs! Nang-aaway na eh, haha. At dahil team Hakob ka.. ipapatapon ko na si Jacob sa storya! At pati ikaw! Ipapatapon na kita! Haha :))
-Machineman, gagawa tayo ng paraan para makapuntos si Seven, something.. special :]
_jm, aawayin natin si Jacob, kakawawain natin siya!!
Ang nagtatagong si Geo, yang linyang pa-usto-"usto" mo, halatang kapampangan ka! Haha. Parang, night market pa more.. hehe.
-Jex, oo baliw si Jacob, kaya ipapatapon natin siya! Haha.
-Tiunggo, ge si Seven naman ngayon, si Jacob naman ang aawayin ko, ipapatapon ko na siya kasama si Marvs, haha!
-GeoStud, nice.. team Seven ka, mabuti yan, dahil kakawawain ko si Jacob xD
-ChuChi, oo gagawa talaga ako ng paraan, para lalong dumami ang team Seven.. haha.
Puro ipapatapon, haha.
As of now, 80% ang team Seven, 20% naman ang team Hakob.
Yes! Yehey! Whehe! Whaha! Hohoho!
Dalawa palang ang team Hakob eh, marami ang team Seven.
Sa mga team Seven diyan, sinabi ni Seven na medyo ayaw na muna niya daw maging cheesy sa ngayon, maghintay na lang muna daw tayo :))
)
Guys, pasensya na sa late-update, at guys.. ipanalangin niyo na makapasa ako sa training para maging regular na ako. Please! Salamat, haha :))
Guys, may part dito na medyo magulo, pero alam kong maiintindihan niyo.. kayo na ang bahala :)) Salamat.
Happy reading!
--
Point Of View
- K a s h -
"Hindi mo naman kailangang gawin ang mga ganung bagay para lang mapangiti ako, Jacob naman, dapat nagjoke kana lang."
Agad na sabi ko pagkasakay namin ng jeep.
"Andaming natuwa eh, kaw lang ata ang hindi." tonong nagtatampo naman nito.
Napailing na lang ako.
"Diba nga sabi mo na nakita mokong ngumiti? hindi nga lang ako natuwa eh, natawa pa ako.. syempre tago-tago lang." agad na sabi ko.
"Galing ko talaga." pag-iling-iling pa niya at tonong pagmamalaki. "Nga pala, nag-enjoy kaba?"
Agad akong napatango sa sinabi niya, pagtaas-baba ko pa ng kilay.
"Next time uli?" tonong pangungumbinsi ko pa.
"Okay, sabi mo eh." simpleng balik naman niya.
Habang nasa kalagitnaan ng biyahe ay napapangiti na lang ako.
Paano kaya kung sa susunod ay ilibot ko si Seven? Para naman kahit papaano ay mapasaya ko siya.
Oo tama, sa susunod, yayayain ko si Seven.
Kahit papaano ay alam ko narin naman yung mga dinaanan namin kanina.
Mga ganitong oras, ano kayang ginagawa ni Seven? tulog na kaya siya? Sana hinihintay niya ako, sinabi ko kasi na pagkauwi ko ay magkekwentuhan kami.
"Haaaaahhhh.."
Napatingin ako sa gawi ni Jacob, hinihikab, inaantok na ata.
"Napagod ka noh? Pero.. salamat ah? nag-enjoy ako sobra." pagngiti ko.
Tinignan niya lang ako, ngumiti rin lang siya.
Ayoko ng ganito, parang lalo ata akong nahuhulog sakanya?
Ba't naman kasi ang bait nito eh? Seryoso man minsan, ngumingiti rin pala.
Jacob Garcia, yun pala ang full name niya.
Eh yung full name ko?
Karlo S. Hernandez-Garcia?
Arghh. Erase. Erase.
-----
Point Of View
- J a c o b -
"Ge ingat.. thanks sa time, goodnight." nakangiting sabi ko nang makapasok na ito sa gate nila.
Ngumiti saka tumango ito at naglakad na nga papasok.
At nagsimula narin akong maglakad pauwi sa amin, malapit lang naman.
Habang naglalakad ay naramdaman ko na lang ang pagvibrate ng aking cellphone, may nagtext.
Message: Jacob, maraming salamat sa paglibot sa akin :] lalo na sa damit, ingat sa pag-uwi :))
Napa-"whooo!!" na lang ako nang mabasa ang text ni Kash.
"Salamat rin Kash." ang nasabi ko na lang.
Heto at nagsisimula nanaman ako sa mga pa-effort effort ko.
Sana sa huli, hindi mangyari yung nangyari dati, ayoko na.. masakit eh.
Kaso, mukhang mangyayari yun? Eh sa hindi ako ang gusto ni Kash eh?
Siguro, didiskarte na lang muna ako. Sapat narin naman kasi yung nakakasama ko siya, na nakikita ko siyang nakangiti o tumatawa dahil sa akin, ayos nako dun.
-----
Point Of View
- S e v e n -
"Chan, tenten.. hindi paba kayo matutulog?" pagpansin ko sa dalawa, habang nakahiga patagilid, inaantok na ako eh.
Nasa may likod ko lang sila.
Katatapos lang namin kumain kanina lang, mga ilang minuto naring naglalaro yung dalawa.
Si Kash hindi namin kasabay na kumain, umalis siya eh.
Nagpaalam na sasama siya dun sa kaibigan niya.
Panigurado si Jacob yun, yun naman lagi eh.
"Tenten..?" rinig kong biglang pagkatok at pagtawag, si Kash na pala.
Speaking of.
"Po kuya?.." balik naman ng kapatid niya.
"Oh Tenten tara na, matulog na tayo." rinig kong sabi ni Kash, nakapasok na siguro.
"Kuya hindi pa po ako inaantok eh, lalaro pa kami.." walang ganang balik naman ni Tenten.
Ge lang Tenten, busitin mo si kuya mo.. haha.
Ewan ko pero parang gusto kong mabusit si Kash, nakakainis kasi siya eh, wala tuloy akong nakakwentuhan.
"Tenten wag kang makulit, magpapahinga na sila, si kuya Seven mo oh tulog na.. Chan tulog kana rin, bukas na lang.. baka magalit si kuya Seven niyo kapag nagising." mahabang sabi ni Kash.
Tsk. Parang ayaw atang magstay ni Kash dito?
Sabi niya magkekwentuhan kami kauwi niya.
Hindi na lang ako kumibo, tutal ang alam niya ay tulog na ako.. edi nagtulog-tulugan na talaga ako.
"Sige po kuya Kash, tenten bukas na lang ulit tayo maglaro, matulog na tayo." balik naman ng kapatid ko, nakisangga pa, tsk.
Hanggang sa narinig ko na lang na lumabas na sila.
Parang nanghinayang ako? Ewan.
At wala sa sarili ko na lang naisip ang sitwasyon ko, na hindi ako nakakakita, na dilim lang ang tanging nakikita ko.
Sa unang pagkakataon, parang nakaramdam ako ng lungkot.
Kung dati-rati ay hindi ko ito pansin ay ngayon naman, tila nalulungkot ako.
Para bang, hinahanap ko na yung panghihikayat ni Kash, na ayos lang ang lahat.
Hindi naman ako ganito dati ah?
"Chan? Matutulog naba tayo?" mahinang tanong ko, rinig ko naman na pinatay nito ang ilaw.
"Opo kuya." balik niya.
"Halika dito, yakapin ka ni kuya.. please?" agad na sabi ko.
At tumabi nga ito, agad ko siyang niyakap.
Kahit papaano, nabawasan yung lungkot na nararamdaman ko.
-----
Point Of View
- K a s h -
Message: Gooood morning :))
Hindi ko alam pero pagkagising ko ay cellphone ko kagad ang hinanap ko.
At hindi nga ako nabigo, may text si Jacob.
Message: Good morning din. Masyado pang maaga kaya huwag kana munang manggulo ha? Salamat xD
Text ko kagad, napangiti na lang ako.
Pagkalingon ko sa tabi ko, wala na si Tenten. Mukhang maagang nakipaglaro yung kapatid ko, tsk.
Agad na akong lumabas, para maghilamos.
Pagkatapos ko sa banyo ay si inay kagad ang pinuntahan ko.
"Nay, wala po bang lilinisin o aayusin?" agad na sabi ko pagkatabi ko sakanya.
"Nagawa ko na, lahat. Mukhang napuyat kapa ata eh?" balik ni inay habang abala sa lababo.
"Nay naman, anong puyat? Ang aga pa kaya." agad na sabi ko.
"Tignan mo kung ano ang hinuhugasan ko." balik niya.
Ginawa ko naman ang sinabi niya.
Pinag-almusalan?
"Nay, nag-almusal naba? Ano nabang oras?" agad na sabi ko nang mapansin kung ano ang hinuhugasan niya.
Agad akong naghanap ng orasan.
"10:30.." pagtingin ko sa orasan.
"10:30?!" pag-ulit at gulat ko pa.
"Mabuti pa, ikaw na maglinis sa kwarto ni Seven, ako sana eh kaso ikaw na lang.. kanina ka pa niya hinahanap. Nandun rin yung dalawang bata."
Nakuha ko pang nagulat nang biglang magsalita si inay.
....
"Huwag niyong sasabihin na nandito ako ah? Maglilinis ako, wag kayong maingay kay Seven." pagbulong ko kagad sa dalawang bata pagkalapit ko sakanila.
At yun na nga, nagsimula na ako sa paglilinis.
Halos ilang minuto na akong naglilinis, hindi parin ako napapansin ni Seven, yung dalawang bata naman ang iingay.. kaya siguro mas nananaig yung ingay nila kaysa sa akin.
Si Seven, heto at nakahiga lang patagilid, siguro'y may iniisip lang, o kaya easy easy lang.
Kapag dadaanan ko siya, saglit akong tumitigil sa harap niya saka tititigan yung dalawang mata niya, deretso lang kasi ang tingin niya eh, para ngang normal na nakakakita lang siya.
At nang muli akong napadaan sa kanya, muli akong lumapit at tinitigan siya.
"Wala ba talaga?"
Pagbigay ko ng malungkot na tinig mula sa aking isipan.
Katahimikan, yan ang saglit na nangibabaw mula sa pagitan naming dalawa.. nanatili lang akong nakatitig sakanya.
"Bakit kasi napaka-imposible ng mga nararamdaman ko ngayon?" pagsasaisip ko pa.
Hanggang sa dahan-dahan kong inilalapit ang aking mga daliri sa kanyang pisngi.
Hindi ko na pinansin pa ang kung ano mang magiging reaksyon niya.
"Chan naman, inaantok ako huwag kang manggulo.." biglang sabi niya at pagpikit pa.
Saglit akong napatigil sa biglang pagsasalita niya, kalaunan ay itinuloy ko rin ang marahang paglibot ko ng aking mga daliri sa kanyang pisngi.
Akala niya'y ang kapatid niya, kaya naman nagkaroon na ako ng pagkakataong mahaplos ang kanyang pisngi, mukha.
Sa pisngi.. at sa kanyang ilong.
"Hindi talaga pwede, ayoko." sabi ko pa mula sa aking isipan.
Hindi ko kasi talaga nagugustuhan 'tong nararamdaman ko para sakanya.
Nagkagusto ako sakanya hindi dahil sa nagustuhan ko siya, kundi dahil sa naaawa ako sakanya.
Kaya ayoko, ayaw kong pansinin kung ano man ang nararamdaman ko para sakanya, nagsimula kasi ito dahil sa awa na naramdaman ko para sakanya.
Naaawa lang ako kay Seven, oo tama naaawa nga lang talaga ako, siguro.
Pero ako mismo ang kikilos, kapag alam ko na talagang gusto ko siya.. hindi dahil sa naaawa ako, kundi dahil sa gusto o mahal ko na siya.
"Seven.." napakahinang sabi ko pa.
At doon ko na ngang nakumpirmang, tulog na siya.
Nakatulog ba siya dahil sa ginawa kong paghaplos-haplos sa mukha niya?
Kung oo, ang sarap naman nun sa pakiramdam, na napatulog ko siya.
-----
Point Of View
- S e v e n -
"Kash." mahinang sabi ko mula sa aking isip.
"Alam ko ikaw yan." malungkot na sabi ko pa sa aking isipan.
Oo alam ko si Kash ang humahaplos sa aking mukha.
Alam ko ang amoy ni Kash, ewan ko pero alam ko rin ang presensya niya.
Ganun naba ang dating niya sa akin?
Bakit sa dinami-rami pa ng pwedeng ikahulog ko.. sa unang pagkakataon, bakit sakanya pa?
"Eh kasi.. dahil sa hindi kayo nakakakita ay,. mas napapairal niyo yung nararamdaman niyo kaysa sa nakikita niyo."
Mukhang tamang-tama talaga para sa akin ang sinabi ni Kash.
Oo hindi ko siya nakikita, hindi ko alam kung ano ang itsura niya pero.. naroon parin yung pakiramdam ko, yung nararamdaman kong pagkapanatag o kasiyahan kapag nasa tabi ko siya.
Tama ba yung sinabi kong sakyan ko na muna yung nararamdaman ko?
'The Gifted Minute, hindi man ako mapagbigyan niyan ni Kash.. magsasalita parin kaya ako sa harap niya? patungkol sa nararamdaman ko para sakanya, makikinig ba siya?
Ang hirap pala ng ganito. Paano kung dumating yung araw na kailangan kong ipaglaban ang aking nararamdaman para sakanya? Paano ko gagawin yun? Eh sa wala akong kakayahan.
"Wala ba talaga?"
Mahinang sabi ko na lang nang maramdamang wala na si Kash, ang amoy at presensya nito.
Ilang minuto akong nanatili sa ganoong pwesto, nag-isip-isip.
Hanggang sa..
Mukhang, kailangan ko nang.. magtapat kay Kash.
-----
Point Of View
- K a s h -
Nang matapos asikasuhin ang kwarto ni Seven ay agad akong dumiretso sa kwarto namin.
Oo nga pala, yung papel na nakita ko. Yung itinago ko sa ilalim ng aking unan.
Bakit hindi ko agad naalala?
Kagabi kasi ay yung damit na binigay ni Jacob ang pinagkaabalahan ko.
Argh. Nakakainis talaga yang si Jacob, masyado akong dinadaganan. Tsk.
"Buti na lang.." agad na sabi ko nang makuha ang aking pakay.
Dali-dali ko itong binuksan at..
(
Athr'sNote-
Blanko diba? Inirereprensenta ko ito bilang katahimikan, isang blankong espasyo na kung saan nagpapahiwatig ng nararamdaman o reaksyon ni Kash sa kanyang nakita.
Baduy noh? Whehehe.
)
-----
Point Of View
- J a c o b -
"Kapagod naman.." hinihingal kong sabi nang makalapit kami sa may tindahan, malapit sakayan.
Hindi ko alam kung ano ang trip ni Vince at Alex, nakipaglaro nanaman kami.
Volleyball nanaman, kaya heto at.. paiwasan ako. Hindi ako hingal dahil sa laro, hingal ako dahil sa tinakbo pa namin itong astro papunta sakayan, hindi ko talaga alam ang trip nila, pwede naman kasing maglakad.
"Nanalo naman tayo eh, oh eto.." balik ni Alex at pag-abot ng softdrinks.
Agad ko itong kinuha at ininom.
"Vince, amina bag mo." sabi ko pa kay Vince.
12 messages?
Agad ko itong tinignan.
"
Message: Jacob? May ginagawa kaba? Patulong naman?
Message: Jacob?
Message: Uy?
Message: Kailangan ko tulong mo, importante lang.
Message: Jacob?
"
Hindi ko na tinapos ang pagbabasa, agad ko nang hinila ang dalawa pasakay sa jeep.
Alas-dos na ng hapon ngayon at kanina pang mag-aalas-dose ng tanghali ang mga text niya.
Nasa balibago kami, at Angeles pa ang punta namin, mabuti at medyo mabilis ang biyahe, kahit papaano.
......
"Kanina pa kita hinahanap."
Agad na sabi ni Kash nang makalapit ako sakanya.
Umiiyak? Ba't siya umiiyak?
Parang, parang gustong-gusto ko siyang yakapin.
"Tulungan mo'ko."
Sa muling pagsasalita niya ay tuluyan ko na siyang niyakap.
Oo pinagpawisan ako kanina, medyo marumi ako ngayon.. pero gayunpaman, alam kong hindi ako mabaho.
.....
"Kash, sigurado kaba? Samahan na kasi kita sa loob, tinatakot mo naman ako eh." nag-aalalang sabi ko.
"Kaya ko 'to, diyan ka lang.. saglit lang ako." seryosong sabi niya, napatango na lang ako at nagsimula na nga itong maglakad.
Gusto kong sumunod, gusto ko siyang sundan, pero kailangan kong makinig sa sinabi niya. Baka magalit pa siya sa akin.
-----
Point Of View
- K a s h -
Ngayon ay nasa loob na ako ng kulungan, pakiwari ko ay isang magulo at maruming lugar ito.
Nagtanong, naghanap. Yan ang nangyari sa akin.
Hanggang sa malapit na ako sa itinuro ng pulis. Bawal man, nakiusap ako na hayaan na lang nila akong sumilip, ipinangako kong aalis rin ako kaagad.
Ninenerbyos, nanginginig, dahan-dahang naglalakad papalapit.. nagpipigil ng iyak, yan ang kasalukuyang nagaganap sa akin.
Nang malingunan ko ang isang pamilyar na tao, wala sa sarili akong napapikit.
At nakita ko na lang ang sariling umiiyak, masakit. Magulo, napakagulo ng aking nararamdaman.
Mas lalo pang tumindi ang panginginig ng aking katawan, tila naglamig rin ang aking mga binti at braso, kamay.
Hanggang sa nakita ko na lang ang sariling mabilis na tumatakbo, palabas.
Nang medyo nakalayo na ako, napaupo na lang ako sa sakit.
Ang hirap pala. Ang sakit sakit.
Paano siya nagtitiis? Paano siya nabubuhay? Paano siya nakakatulog? Nakakakain ba siya ng maayos? Hindi ba siya nahihirapan?
At tsaka paano, paano siya napunta rito? Paano ito nangyari sakanya? Alam kong hindi siya masamang tao.
Hanggang sa naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin at marahang ipinuwesto ang aking ulo sa kanyang balikat.
Umiiyak ako, yung bang parang tuloy lang sa pagbagsak ang aking mga luha.
Tila wala kaming pakialam ni Jacob sa mga taong nakakakita sa amin, na dinadaanan kami.
"H-hindi naman siya masamang tao eh." umiiyak ko pang sabi.
"Ano bang nangyayari?" pilit na paghanap ko pa ng mga kasagutan.
Halos sampung taon na pala siya rito, paanong nangyari na ganito ang nangyari sakanya?
Gusto kong magalit sakanya, kay inay, sa lahat. Nguni't wala akong alam, kung kaya't sa iyak ko na lang ito idadaan
Konektado ba itong mga binitawang salita ni lola sa nangyayari sa akin ngayon?
Pero paano? Ito naba ang tinutukoy niya?
"Jacob, pwede bang dalhin mo ako sa isang tahimik na lugar?"
Pagharap ko pa kay Jacob, nakatingin lang ito sa akin, nababakasan ko siya ng pagkaawa.
At tumango ito, pilit akong tumayo at ngumiti.
Mabuti na lang at nariyan si Jacob.
-----
Point Of View
- J a c o b -
"Ano 'to? Nasan tayo?" agad na sabi ni Kash pagkababa namin ng jeep.
At ngayon ay naglalakad na kami papunta sa lugar na kung saan alam kong napakatahimik, gaya ng gusto niya.
Alam kong naguguluhan siya, at marahil ay may ideya na siya kung nasaan kami at kung ano ang lugar na ito.
May dahilan ako kung bakit dito ko siya dinala, kalokohan man kung titignan.
"Abandoned-Hospital." simpleng sabi ko.
Kami'y narito sa Clark, dito ko siya dinala sa isa sa sikat at nakakatakot na abandonadong ospital dito sa Pampanga.
"Bakit dito mo ako dinala? Oo sabi ko tahimik pero bakita d.."
"Kanina habang nag-iisip ako kung saan kita dadalhin ay nakatingin lang ako sa'yo." pagputol ko sa sinasabi niya.
"Pansin ko na parang gulong-gulo ka, ramdam ko rin na natatakot ka." sabi ko pa.
"At ngayon, alas-tres pa lang ng hapon kaya hindi masyadong nakakatakot." dagdag ko pa at pagharap sakanya.
"Tara, sunod ka." seryosong sabi ko at nagsimula na nga akong maglakad, papasok.
Magandang pagkakataon at walang nagbabantay, nataon ata.
Alam kong sumusunod lang si Kash, natatakot man ito. Hindi pwedeng hindi siya susunod sa paglalakad ko, alam kong hindi ito magpapaiwan mag-isa.
Nang medyo nakapasok na kami ay muli ko siyang hinarap.
"Madilim ba?" agad na sabi ko.
Mas lalo ko itong nabakasan ng pagkatakot. Tamang-tama para sa ipupunto ko.
"Labas na tayo, aaminin ko.. natatakot ako." agad na sabi niya.
Nakatingin lang ako sakanya, deretso.
"Kash, ngayon sabihin mo.. ano yung mas nakakatakot, yung nararamdaman mo kanina sa kulungan o yung nararamdaman mo ngayon?" seryosong tanong ko.
"Ngayon?.." alanganing sabi niya, hindi sigurado.
"Kash, diba kapag natatakot na tayo parang kusang nagiging blanko ang ating isipan? naramdaman mo ba yun kanina sa kulungan?" seryosong tanong ko pa.
Mga ilang sandali lang ay tumango ito, tanda na tama ang sinabi ko sakanya.
"Tapos ngayong narito tayo dito sa loob ay mas lalong nakakatakot diba? Para bang gusto nating tumakbo, na para bang hindi na natin alam kung ano ang gagawin.. mas nakakatakot talaga diba? tonong panghihikayat ko pa.
"Kash, gusto ko lang sabihin na hindi pwera natakot tayo bigla ay parang bibitaw o susuko na tayo. Minsan simpleng bagay lang ay natatakot na tayo, agad na tayong nagpapadala... kanina, yan ang naramdaman mo sa kulungan diba?
Pero nang pumasok tayo dito, mas nakakatakot diba? O may mas nakakatakot papala sa nararamdaman natin diba?
Isa lang ang ibig iparating nun Kash, na may mas nakakatakot pa pala sa akala nating nakakatakot.
Kaya please, huwag ka nang umiyak? Nahihirapan rin kasi ako, magkaibigan tayo eh." mahabang sabi ko.
Marahan itong tumango, pero mukhang mas nangingibabaw yung takot niya. Nasa loob kasi kami ng Abandoned-Hospital eh.
"Kash." mahinang sabi ko at paghawak sa kamay niya, pansin ko kasi na talagang takot na takot na siya.
Nang mahawakan ko ang kamay niya ay naramdaman ko na medyo naging easy siya.
"Simula kanina sa labas hanggang ngayon dito sa loob, kamusta sa pakiramdam? Nakakatakot ba." tanong kong muli at paghawak ng mahigpit sa dalawang kamay niya at paglapit ko narin ng konti sakanya.
"Kash, natatakot kapa ba?" tanong ko ulit.
Umiling siya, saka ngumiti.
"Simula kanina sa labas hanggang dito, ramdam kong takot ka.. pero nung hinawakan ko ang mga kamay mo at heto at magkalapit tayo, nabawasan ang takot mo.
Isa lang ang ibig sabihin nun Kash, minsan hindi mo kailangang i-solo ang lahat ng problema, agam-agam at takot.. dahil minsan kailangan mo ring i-share ito at humingi ng tulong.
Parang ako ngayon Kash, masaya ako dahil naramdaman kong napagaan ko ang loob mo, nabawasan ko yang takot mo.. at sa pamamagitan ng presensya at kamay ko.. naiparamdam ko sa'yo na hindi ka nag-iisa." mahabang sabi ko at pagngiti pa matapos magsalita.
Kita kong titig na titig lang sa akin si Kash, nakakapanibago ang tagpo at pagkakataong ito.
"Kash, p-pwede ba na simula ngayon.. hayaan mong, tulungan at alagaan kita?" seryosong tanong ko.
Katahimikan
Tila nakisama ang dilim sa aming pag-uusap, wala, napakatahimik.
Hanggang sa nakita kong, magsasalita na si Kash.
"Jacob, a-anong ibig sabihin mo?" mahinang sabi niya, nag-aalangan.
"Pwede bang hayaan mo akong.. mahalin ka?" kasabay ng pagsagot ko sa tanong niya ay siyang pagyakap ko sakanya.
Mahigpit, napakahigpit.
Itutuloy
Speechless, yun lang. xD
OA ba? Pasensya na haha.
Sino pa yung Team Hakob diyan? Comment naman kayo, para madagdagan yung 20% team Hakob. Haha.
Lamang na lamang yung team Seven eh.
Salamat nga pala ulit sa pagbabasa, hanggang sa muli!
- Playful Jokes :))
FOLLOW US
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.