NANAY: "Lance anak, kagabi kapa namin hinahanap alalang -alala na akami sayo" umiiyak parin
AKO: "naynay, panu na ko ngayon?. wala na siya nay" humahagulgol ako sa lungkot
NANAY: "anak alam ko wala akong magagawa sa ngayon para pagaanin ang loob mo, alam kong minahal mo na din siya kaya nasasaktan ka ng ganyan"
Unang beses kong narinig si nanay na nagsalita at kinausap ako ng seryoso.
AKO: "nay, kaya ko po kaya to?" nakayakap padin ako sa kanya na parang musmus na batang di alam ang gagawin
Sa mga oras na iyon tumatakbo sa isip ko ang mga alaala namin ni Carol na magkasama and at the same time ang pagkabahalang panu ko lalabanan ang nararamdaman ko para kay Bugoy at Lance ng hindi nasasaktan. pumasok na sa isip ko noon na turuan ang sarili kong mahalin si Carol at di naman ako nabigo, minahal ko siya pero bago pa man tuluyang malimutan ng puso ko ang nadarama ko para para kay Chris at Bugoy ay kinuha naman sakin si carol.
Lumipas ang mga araw ng burol ni Carol, pumapasok ako tuwing umaga sa school at derecho naman ako sa Burol after class. Lagi akong nakatayo sa harap ng kabaong niya habang sa isip ko ay kinakausap ko padin siya.
AKO: "carol, salamat...salamat sa sandaling inukol mo para paligayahin ako, alam mo carol? (pinipigil ko ang pag iyak).. miss na kita, ikaw lng ang nagparamdam sa akin na mahalaga ako kahit hindi tayo magkasama ay lagi mo pinaparamdam sakin na you always cared for me" tuluyan na akong lumuha
At sumapit na ang pinakamasakit na araw ng buhay ko, ang tuluyang paghahatid sa katawan ni Carol sa kanyang huling himlayan.
Habang ibinababa ang kabaong ni Carol sa lupa ay humahagulgol naman ako at di ko na napigilan ang emosyon ko...
AKO: "carol!!!!!!!!!!!!" humahagulgol habang nakahawak sakin si kuya at naynay
NANAY: "lance, iho.." umiiyak din si nanay
Pagkatapos ng libing ay ay hindi ako sumama pauwi. Naglakad lakad muna ako sa park kung saan ko unang nakausap ng matino si Carol. Pumunta ako sa exact spot kung saan siya nakaupo at naglalaro ng mga bulaklak.
Sa puntong iyon, nasabi ko sa sarili ko na kung magtatangka akong magkaroon ulit ng babaeng pahahalagahan ay dapat katulad ni carol. pero pakiramdam ko ay wala nang mashihigit pa sa kanya.
Naupo ako sa spot na iyon at nakatingin lng ako sa kawalan.
"Landz?"
Nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Chris at Bugoy, kasama si Jessa at Mimi. Umattend kasi sila sa libing ni Carol.
CHRIS: "landz, ok ka lang? andito kami to help you" at hinawakan niya balikat ko
AKO: "wala kayong magagawa, ngayon nga ay dinadagdagan niyo pa sakit na nadarama ko" sa isip ko.
CHRIS: "landz sumagot ka naman oh?"
BUGOY: "Lando, mas makabubuti sigurong sumahan ka muna namin dito para hindi ka msyadong malungkot"
Naupo sila sa tabi ko. magkatabi si chris at mimi then si bugoy at jessa.
Nang mga oras na iyon ay lalo kong naramdaman ang pag-iisa. Ang sakit na makita ang dalawa, kamamatay lng ni carol, heto pa't dinadagdagan nila ang bigat ng loob ko.
patakbo kong nilisan ang lugar na iyon para isalba ang sarili ko sa sakit na maaari pang lumalim.
Isang araw...Isang linggo..isang buwan ang lumipas at unti unti na akong nakakarecover sa pagkawala ni carol. Mejo balik na sa normal ang takbo ng buhay ko.
Sa School............
Nasa canteen ako, mag-ias ako sa loob at kumakain. Inaaliw ko ang sarili ko sa panonood ng tv doon.
CHRIS: "landzz"
Nilingon ko siya at tinaponan lamang ng ngiti.
Naupo siya sa tabi ko at walang sabing hinawakan ang kamay ko.
CHRIS: "I missed you.. maawa ka, ibalik mo sa akin si Lando na una kong nakilala" malungkot ang mukha niya.
Napatingin na lamang ako sa kanya..
AKO: "di naman ako nawala ah..siguro ginagawa ko lang ang dapat, at sa tingin ko yun din ang dapat na ginagawa mo. KAIBIGAN moko chris kaya di ako mawawala"
Binigyang diin ko ang salitang kaibigan sa kanya at ramdam kong nakuha naman niya ang nais kong ipaabot na mensahe.
CHRIS: "landz.., gusto ko sanang..."
AKO: "I think I better go, ubos na naman food ko, kita tayo sa classroom chris" sabay tayo at naglaka palayo.
Ngunit sobrang gulat ko ng bigla kong naramdaman ang yakap niya mula sa likod ko. Nadidinig ko ang paghikbi niya.
CHRIS: "landz... i.. love you"
Alam kong umiiyak si Chris. At parang isang musika sa pandinig ko ang mga katagang iyon na binitiwan niya. Gusto kong maiyak sa tuwa ng madinig ko iyon. Pero alam ko sa sarili ko na pag-aari siya ng iba.
AKO: "Sana madali lang ang lahat chris, kahit sabihin ko man sayo na mahak din kita. Ganun at ganun padin ang mangyayari kasi hinding hindi kana magiging akin." maluha luha akong humarap sa kanya
CHRIS: Landz sinabi ko nang mahal kita, anu pa ba gusto mong gawin ko"
AKO: "Chris ayokong lumabas na masama sa pagitan niyo ni mimi, maawa ka sa girlfriend mo, tsaka chris, kung papipiliin ba kita ngayon samin ni mimi, sino pipiliin mo?"
Nakayoko lang si Chris at walang maisagot sa akin. Nakikita ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi niya.
AKO: "That's it... case solved.." tumalikod ako at malaya akong umiyak habang lumalakad palayo.
CHRIS: "Landzz!!!!!!!! wait??Landz!!!!"
Masakit malamang hindi ka magawang piliin ng taong mahal mo. Pinili kong umuwi ng bahay sa dahilang ayokong makita ako ng mga kaklase kong umiiyak.
Sa bahay ay nagbihis muna ako at naisipan kong pumunta sa ilog. Pero naudlot iyon ng biglang bumungad si naynay na naka gown sa harap ko.
AKO: "naynay sa po party?"
NANAY: "anu kaba babay love, dress lng to pang mayaman. mag-oopen kasi ako ng checking account sa DBO kaya dapat donyang donya ang look ko. Tara at smahan moko baby love"
Nahihiya man akong makasabay si naynay sa ganoong ayos ay sinamahan ko pa din siya. Para narin makaiwas ako sa lugar na punong puno ng lungkot. Nagbihis panlakad muna ako habang hinhintay ako ni naynay sa terrace.
Pagkatapos ko magbihis ay nadinig ko si naynay na sumisigaw.
NANAY: "mag oopen ako ng checking account ngayon!!!!!!!!!!!!!!!!!!! alam kaya ng isa ja kung anu yan??"
AKO: "haay eto na naman po tayo" sa isip ko
TITA MINDA: "meron ako noooooooooooooooon!!!!!!!!! kasi matagal na kong mayaman"
NANAY: "naku hindi halata.hahaha ampangit pa ng damit ngayon ewwww!!!!"
Nang tiningnan ko ang damit ni Tita Minda ay Halos naka gown din ito.
AKO: "nay parehas ata kayo ng damit ni tita minda"
Napatingin si naynay sa damit niya. Mejo napahiya si naynay.
NANAY: "mas bagay naman sakin...hmmp!!!!"
TITA MINDA: "adios me amigo!..hahaha"
NANAY: "I shall return...hmp!!!"
AKO: "I shall return?? linya ni mc arthur yun ah?" sa isip ko.
Sumakay na kami sa kotse patungong DBO.
Pagdating namin doon ay nakita ko ang mga taong hindi naman nakagown. Si naynay naman imbis na mahiya ay lalong yumabang maglakad at nakapamaypay pa habang tinitingnan ang ibang tao na para bang reyna siya.
Buti nalang at malapit ako kay naynay kaya nasalo ko siya nang madapa kasi natapakan niya gown niya.
Natawa ako dahil nataranta si naynay at bigalng binawi ang pose.
Dumerecho kami sa teller.
NANAY: "excuse me? magoopen ako ng checking account, now na" sabay pamaypay at nagtataray
TELLER: "may exsisting savings account na po ba kayo dito madam?"
NANAY: "ahuh.. yes i have" naka chin up padin
Nakita ko ang teller na mejo kinakabahan kay naynay..hehe binasa ko ang name plate niya. Christoper Valderamo. Naalala ko tuloy si Chris.
TELLER: "maam ito na po ang list o requirements?"
NANAY: "saan at di ko makita?"
AKO: "nanay, yumuko ka kasi,di mo talaga makikita yan kasi naka chin up ka po kanina pa"
NANAY: "ganun ba?, kaya pala mejo masakit na leeg ko, im sorry i forgot" mataray niyang pahayag
AKO: "pati ba naman ako tatarayan" sa isip ko.hehe
Nakita ko naman na mejo natawa yung teller. Ngumiti naman ako sa kanya. Laking gulat ko ng kinindatan ako. Kaya nagpasya akong umupo na lamang sa likod.
Pagkatapos namin sa bangko ay nagpaalam ako kay nanay na ibaba ako sa mall at mag-iikot ikot lng ako.
Nagring ang phone ko at ng tingnan ko ay si Chris iyon.
AKO: "hello?"
CHRIS: "landz asan ka?"
AKO: "namamasyal lang.. bakit?"
CHRIS: "Landz may gusto sana akong sabihin sayo"
AKO: "Chris, napag usapan na natin ang bagay na iyan, You made your desicion na diba"
CHRIS: "bukas i'll talk to you"
AKO: "ok" sabay off ng cp
Nililibang ko ang sarili ko at naglakad lakad. Pumasok sa isip ko na pumunta sa food court para kumain ng kahit anu. Nag order ako ng pizza at softdrinks at pinili kong maupo sa gilid.
Naalala ko si CHris ng makita ko ang isang lalaking naka uniform na obvious na ka schoolmate namin. Di ko namalayang sinusundan ko na pala ito ng tingin. Nakangiti siyang naglalakad patungo sa sulok ng food court.
Nandun pala ang kasama niya. To my surprise dahil hinalikan niya sa pisngi ang kasama niya na lalaking kasing edad lng din ata namin. Malayo sila kaya mejo nakatingala akong nakatingin.hehe Kaya pala nasa sulok sila.hehe
Nakaramdam ako ng inggit sa dalawa.
AKO: "sana sumaya kayo at wag niyo hayaang masaktan ang isa't isa" sa isip ko
Tumayo na silang dalawa para mag order na siguro ng pagkain. Napaharap sa direction ko ang mukha ng isa sa kanila habang hawak ang kamay ng ka schoolmate ko.
Parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig ng makita ko ang mukha ng isang lalaki.
AKO: "Bu...Bugoy?"
Mejo inaninag ko pa at mas lumapit ako ng kunti, kumpirmadong si bugoy nga iyon.
AKO: "panung?....pero si jessa?..ba..bakit?"
Bakit walang comment dito? Maganda pa naman ang snovel na to?
ReplyDelete