Sa kadahilanang Jollibee ang ipinangrason ko sa ngawa ko ay agad naman akong dinala ng mga magulang ko doon. hehe bunso eh. Isip bata pa namana ko that time kaya cguro nakalimutan ko pansamantala ang ipinaghihimutok ng dibdib ko.
Dumaan pa kami nila naynay ko sa kaisa isang mall sa lugar namin para ibili ako ng laruan at kung anu anu pang pinagtuturo ko doon kahit alam ko naman sa sarili ko na pagdating sa bahay ay di ko naman papansinin iyon.
Pauwi na kami ng bahay, habang sakay kami ng tricycle aybumalik ang sakit ng dibdib ko ng makita ko si bugoy at ang haliparot na pokpok naming klasmyt na naglalakad sa gilid ng kalsada. Nakakainis pa at kinawayan pa ni naynay ang mukong.
AKO: "bukas na bukas din ay may ganyan na ko. akala niya siya lang, mas pogi yata ako kaya mas maganda makukuha ko"
NANAY: "yes bunsoy may sinasabi kaba?"
AKO: "wala po naynay, may sinasaulo lang po akong tula"
TATAY: "talino talaga ng bunso ko, kaya nga't nakakapagtakang di ka nasa unang section"
NANAY: "alam mo naman ang sistema dito sa pilipinas, inggitan..haay naku"
AKO: "naynay wag niyo na po sisihin ang pilipinas sa kabobohan ko"
NANAY: "no anak! your not bobo.. your smart like naynay and taytay"
AKO: "kaya nga po naynay ako ganto kasi mana ako sa inyo" (pabulong)
NANAY: "may sinasabi ka bunsoy?"
AKO: "wala po naynay, sabi ko po buti nalang pogi ako"
Pagdating ng bahay ay nagbihis agad ako upang hagilapin si Kikay. Kahit sabi ni taytay na mukha siyang tinidor, siya lang naman ang alam ko na papayag agad na maging syota ko, tsaka maganda naman talaga si kikay, wala lng taste si taytay.
Nagsimula na akong maghanap sa babaeng iyon. Ayun at nakita kong nagpapakain ng mga alagang manok sa likod ng kanilang bahay.
AKO: "kikay, simula ngayon nobya na kita ha?" (wahehehe derechahan)
Kikay: "ha?, di mo pa nga ako nililigawan eh" sabay ayos sa buhok niya.wahehehe
AKO: "kailangan pa ba yun? cge wag nalang kung ayaw mo"
Kikay: "teka!!! cge na nga... hmmp!!!.. anu ba tawagan natin?"
AKO: "tinidor este ikaw na bahala" (ehehehe)
Wala nang mahabang usapan at bumalik ulit ako ng bahay upang gumawa ng isa pang hakbang.
Off ngayon ng ate kong nurse, kaya nasa bahay siya ngayon at walang ginagawa. Pagdating ko ng bahay ay agad ko siyang nilapitan upang hingan ng pabor.
AKO: "ate ko..." sabay yakap at kiskis ng mukha ko sa tiyan niya.
ATE: "haay naku, kinakabahan ako pagnaglalambing ka lando, magkano ba?"
AKO: "hindi naman ako hihingi ng pera eh"
ATE: "wow!!! himala ito, cguro may ipagagawa ka noh?" sabay halik sa pisngi ko
AKO: "opo ate.. gawan moko ng love letter dali"
ATE: "naku po't inlove na si bunsoy.. naghigh school ka lang at nagbibinata kana agad..hehe"
AKO: "ate di naman ganun eh.. gawa mo ko ng love letter tapos dapat para sa akin yun"
Tila nagtataka naman si ate kung bakit ako magpapagawa ng love letter na naka address sa akin din. wahehe
ATE: "bakit bunsoy" mejo natatawa si ate
AKO: "pinagtatawanan mo ako ate.. wag na nga lang, magkukulong nalang ako sa kwarto at di ako kakain ng isang linggo, di naman kaya pupunta ako sa ilog at pupunta ako sa malalim na parte, wala namang nagmamahal sa akin eh" pagtatampo ko.wahehe
ATE: "ang OA mo bunsoy..hehe cge na nga.. naku naku at ipang papasikat pa ata sa school na may nagsulat ng love letter sa kanya"
Ayun na nga't iginawa ako ng love letter ni ate. Bait ng ate ko, pang highschool talaga ang ginawang love letter.
AKO: "Ngayon maisasakatuparan ko na ang plano ko.wahahahahahahaha" parang demonyong tawa lang eh..hehe
KUYA: "hoy!! nasisisraan kana ata ng bait bunsoy" sabay batok
AKO: "di naman kuya, masaya lng ako"
KUYA: "bakit? may kalokohan ka na naman cgurong pinaplano anu? naku ikaw talaga bunsoy.. lika nga dito kiss mo si kuya"
Lumapit ako at kiniss sa lips ang kuya kong kinalolokohan ng buong baranggay namin. iba iba ang nobya, dahilan kug bakit lagi sila ni ate nagkaka banggaan at dahilan kung bakit tuwang tuwa si taytay.wahehehe
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school para isakatuparan ang aking balak...wahehehe. Nilagyan ko ng scatch tape ang tinuping love letter na pinagawa ko kay ate at idinikit ko sa likod ng kurtina sa blackboard at lumabas ako ng room at tumambay sa room nila kikay at sinadya kong hintayin siya dun para pangatawanan ang pagiging nobyo niya. hehe
Ayun at tuwang tuwa naman si Kikay na makita ako. Pero ater naminmag usap ng kunti ay bumalik na ko sa room namin at mejo madami ng tao doon. Di ko alam kong sadyang malas lang talaga ako pero pansin ko na walng lumalapit sakin para magsabi na may nagsulat ng love letter sakin.
TEACHER: "Lando come here"
AKO: "yes maam" kinabahan ako.
TEACHER: "I think this one is for you"
Nagkunwari akong nagulat sa nakita ko.hehehe. Pero sa loob loob ko ay dismayado ako kasi si maam ang nakakita ng letter at hindi ito ipagkakalat sa klase, pangit naman kung ako ang magkalat ng chismis. Tumalikod na ko kay maam.
AKO: " Haay naku... malas!!! palpak ang plano, c kikay nalang ang pag asa ko.."
Nag umpisa na ang klase at natapos ng matiwasay na hindi ko man lng naalala na may pagtatampo ako kay Bugoy.
Pero agad namang nabuhay muli ang pagtatampo or should I say pagseselos ko ng.........
Bugoy: Lando di muna ako makakasabay sayo pauwi ah? hihintayin ko pa si jessa eh" sabay ngiti na mejo nahihiya pa.
AKO: "huh? bakit"
Bugoy: "kami na kasi.. siya pala yung nagsulat sakin" ngiti ulit
AKO: "ambilis naman.. ang lalandi niyo, unang taon palang ng high school nobya na agad." hehehe dinaan sa sermon ang selos
BUgoy: "pagbigyan mo na ko.. unang nobya ko to"
AKO: "hay ewan.. ambabata pa natin"
Bugoy: "cge na lando ah? jan na siya eh.. tsaka wag ka mag alala. Di ko siya lolokohin, mamahalin ko siya kahit bata pa tayo alam ko naman na gusto ko talaga siya"
Kung inaakala ni bugoy na gagaan ang loob ko sa mga sinabi niyang iyon, pwes nadoble ng sampung beses ang sakit sa mga katagang iyon na binitiwan niya.
Kikay: "Lando jan ka pala? hinihintay mo ba ako"
AKO: "HINDI!!! BREAK NA TAYO!!" sabay takbo palayo.
Alam ko namang kinawawa ko si Kikay pero nananaig talaga sa dibdib ko ang sakit. Hiniling ko na sana hindi nalang kami naging magkaklase atleast di ko makikita kung papaano tatahakin ni Bugoy ang buhay ng isang normal na pagbibinata na siguro ay hindi ko matatahak dahil na rin sa iba ang tinitibok ng puso ko.
Nawalan ako ng ganang gumanti. Nakakapanghina ang pakiramdam na iyon. Pumunta ako sa ilog na pinupuntahan namin ni Bugoy madalas at dun ako umiyak ng umiyak.
AKO: "akala ko ba paglaki namin kami ang magiging magnobyo..huhuhu... sinungaling siya..huhuhuhu"
Nagpatuloy ang ganung eksena na mga sumunod na araw, hindi na umuuwi si Bugoy kasabay ko pag lunch break sa dahilang nagbabaon na siya at sabay silang kumakain ng nobya niya sa park sa loob ng school. Naging matamlay ako ng mga araw na iyon. Di na rin niya ako sinasamahan pag naliligo ako sa ilog at manguha ng bayabas.
AKO: "Sabagay, high school na kami, time for me to change my way of living na rin siguro.. Hindi na ako baby."
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Isang totoy ang nakita ko, parang bata na sa elementarya padin nag aaral, gusgusin, hindi marunong mag ayos ng sarili, kesyo madumi pag uwi ng bahay walang pakialam. Nanlumo ako ng nmapagtatanto ko ang mga bagay na iyon. Samantalang si Bugoy ay nag uumpisa ng maging maayos sa sarili, kung tutuosin ay malayo ang agwat niya, sa talino man at sa pagkamalinis sa katawan.
Nagdaan ang mga araw na nasasaktan padin ako. Nagdaan ang acquaintance party, holloween party, christmas party, lahat ng iyon puro silang dalawa na ang inaabangan sa buong year level namin, si bugoy na matalino na napunta sa lower section dahil sa akin at si Jessa na nasa section one na matalino din. Parang model couple ang tingin sa kanilang dalawa.
tumuntong kami ng second year at hindi ko akalain na Ok lang kay Bugoy mabalik siya sa first section at maiwan ako sa baba. Mas hindi ko na kinayang tingnan sa tuwing nakakasalubong ko silang dalwa sa school.
BUgoy: "Oi lando, ba't nandito ka? diba may Biology class ka ngayon?"
AKO: "wala kasi di pumasok si sir kaya dito muna kami"
Bugoy: "tuwang tuwa ka naman..hehehe di ka parin nagbabago" sabay ngiti
Jessa: "Oh ba't naman matutuwa si Lando, kaw talaga, iaasar mo yang kaibigan mo"
Bugoy: "haay naku totoo sinasabi ko..hehehe"
Mejo naiinis ako kay Bugoy, di man lang nangiming ipahiya ako sa nobya niyang mabait din naman pala. Actually mabait talaga si jessa kahit siya pa ang naunang manligaw kay Bugoy, di ko lng talagang maiwasan masaktan.
AKO: "bugoy jessa una na ko ah?, may pupuntahan lang ako"
Bugoy: "pihadong kalokohan na naman iyan. Lando seryosohin mo na nga pag aaral mo"
AKO: "opo itay" sabay talikod
Nasa malayo na ko nung lingunin ko sila.. Sweet na sweet na kumakain ng sandwich sa may covered walk.
Di ko na kinaya ang mga eksenang ganoon kaya lumapit na ko kay naynay upang isangguni ang isang mahalagang bagay.
SA BAHAY...... inabutan ko si naynay sa terrace at sumisigaw habang nakatingin sa dako ni aling minda sa terrace din nila..
NANAY: "Inday!!!!!!! ihanda mo na ang lulutuin mo mamayang haponan na roasted chicken at lechon kawali!!!!!!!!!!!!!1 yung salad dapat malamig na mamaya ha!!!!!!!!!!!!!!!!!"
ALING MINDA: " Rosi yung isang buong lechon baboy na pina deliver ko, tadtarin mo na para mamaya, yung matitira ay itapon mo na at di natin mauubos yan, gusto mo ibigay natin dun (sabay nguso sa direction ni naynay)
yung salad natin malamig na ba?!!!!!!!!!!!!!!
NANAY: "Hoy!!!!!!!!!!! Hindi ako kumakain ng lechon lalo na't tira tira.. cheap ah.. ewwwwww lechon lang ang alam ulamin"
ALING MINDA: "Hoy!!!!!!!!! lechon lang kasi ang mahal dito, nalalason kami pag mumurahin ang ulam gaya ng iba jan"
NANAY: "mamahalin ang ulam namin, di mo lang siguro kilala kasi kamote lang alam mong kainin..hahahaha"
ALING MINDA: "at sino kaya ang may tanim na kamote sa likod ng bahay nila"
Nakita kong mejo napahiya si naynay kaya natawa ako ng kunti..wahehehe
NAYNAY: "Di ko tanim yan, kay inday yan, peyborit daw niya ang kamote, akala nito.. mas mayaman kami!!!!!!!!!!!!!!" sabay kaway kaway sa daliri niya na may singsing na mamahalin galing sa perang pinadala ni ate na nurse na ngayon sa Canada.
ALING MINDA: "akala ng isa jan siya lng ang meron..hahaha" habang papansin ding nakatingala na halatang gustong ipakita ang kwentas niyang mukha ding mamahalin.
Naaliw ako minsan na panoorin silang dalawa pero napili kong pumasok sa bahay at silipin sa kusina kung roasted chicken nga ang niluluto ni Inday. Laking gulat ko at isang buong lechon ang nasa mesa, kaya wala sa isip ko na pumunta sa dako ni naynay at sumigaw.
AKO: "Naynay!!! ba't may isang buong lechon sa mesa?!!! sino magbibirthday?"
ALING MINDA: "hahaha sinungaling ang isa jan.. isang lechon din naman pala ang ulam, akala mo kung sino makapanlait.. roasted chicken daw..hahahaha"
Rosi: "Ate minda!!! anu po lutong gusto niyo dito sa manok?"
NANAY: "wahahahaha wala ka naman palang lechon jan eh.. yabang ng isang bruha jan"
Mejo naiirita na ko kaya tinawag ko si naynay papasok ng bahay..
AKO: "naynay!!!! lika po dito naynay!!!"
NANAY: "yes my lovable son, my only baby" sabay kiss sa noo ko
AKO: "naynay binata na po ako, wala ng kiss.."
At nag emote si naynay ko...............
NANAY: " ganyan naman talaga pag lumalaki na ang mga anak mo, binabaliwala ka na, cge Lance my baby, kahit masakit man ay hindi na kita ituturing na baby ko, kahit madurog ang puso ko, papalipasin ko ang bawat araw na wala man lang ang halik galing sa pinakamamahal kong bunso... cge kung yan ang gusto mo" sabay emote at hugot ng panyo niyang terno sa daster niya at pahid ng luha niyang wala naman talaga.
AKO : "Opo na naynay, cge na cge na, hindi na tatanggalin ang kiss.. ang arte ni naynay nakakahiya"
Sa tuwa ni naynay ay hinalikan ulit ako.. (hahahaisst)
AKO: "naynay lilipat na po ako ng school next week din.. Gusto ko dun sa kabilang bayan, sa Asian High school"
Nanay: "baby pang mayaman yun diba kasi exclusive daw yun baby para lang sa boys"
AKO: "mayaman naman tayo naynay diba tska lalaki naman ako?, ok nga yun may maisusumbat kayo kay Tita minda" wahehehe(nanulsol)
NANAY: "sabagay may point ka jan, kayang kaya natin ang pambayad mo jan, ngayon pa't nasa abroad na ang ate mo at anlaki laki ng padala.. pero teka teka, ba't mo naman naisipan lumipat? iiwan mo ba sa school si Bugoy?"
AKO: "naynay bukas din samahan niyo ko pumunta sa Asian, kung pwede nga po bukas din ako lumipat eh.. Di na ko papasok sa school ko bukas, bahala na naynay"
Nataranta si naynay kaya pinagbigyan niya ang hiling ko. Isinangguni namin kay taytay at kuya ang desisyon ko, at as usaul, nasunod si bunso.wahehe
Kinabukasan din ay pumunta kami ng asian at nag inquire si naynay kung pde pa ko makapasok. Welcome na welcome naman akong tinanggap nung principal at pinayagan na next week din ay makakapasok na ko at si naynay na ang bahala kumuha sa mga credentials ko. Bale Lunes ngayon kaya naisipan ko na gawing bakasyon ang martes hanggang linggo.hehe
Naisip ko si Bugoy at parang nadudurog ang puso ko na isiping iba na ang mundong gagalawan namin at hahayaan ko siyang mas mapamahal pa Kay Jessa, pero ayoko nang masaktan pa, sa araw araw na ginawa ng diyos ay masakit na makita si bugoy na happy kay Jessa at di na ako ang priority niya.
Pauwi na kami ng bahay ni naynay ng mapansin kong di kotse ang mga nag aaral dito..
AKO: "naynay madami ba tayo pera?"
NANAY: "oo naman anak" (yabang)
AKO: "bili tayo kotse, mukhang ako lng kasi ang di naka kotse dito, tingnan mo naynay"
Hindi sumagot si naynay kaya nalungkot ako. Pero Ok na din sakin yun basta di ko na makita si Bugoy.
Laking pagkakamali ko, after 2 days ay sinorpresa ako ni naynay, may nakagarahe ng kotse sa harap ng bahay namin, second hand lang iyon pero mukhang bago naman. Kaya ayun at nagyabang na naman si naynay.
Linggo ng gabi, umiiyak ako, kasi di man lng ako dinalaw ni Bugoy, di man lng nagtaka bakit di na niya ako nakikita sa school. sa totoo lng ay miss ko na din siya. Siguro iniisip niya na may kalokohan akong pinagkakaabalahan. Nung gabi ding iyon ay naisip kong di ko na siya papansinin pero hindi ko siya aawayin, kasi di ko kaya, papansinin ko lng siya pag siya una namansin sakin. Nakatulugan ko na ang pag iyak.
LUNES...............................
Naninibagoi akong tingnan sa bago kong uniform na dark blue na polo na marine cut na may neck tie pa na puti ang style at dark blue pants, mula sa dating white polo at black pants lng.
Unang araw ko sa Asian. Ineexpect kong mabubully ako kasi ankikita ko sa Tv na masasama ugali ng students na mayaman, pero sobrang baliktad ang dinatnan ko, napaka babait at feeling ko ang saya saya nilang makakilala ako.
Naging magaan ang pag uumpisa ko sa school na yun.......
Chris: "Hi!! I'm chris... president ng section natin, hope maenjoy mo dito sa new school mo"
AKO: "Oo naman.. ambabait niyo kasi" sabay ngiti
Chris: "san ba bahay mo? padating na kasi sundo ko, hatid na kita"
AKO: "salamat nalang tol, padating nadin si naynay"
tamang tama at dumating na nga ang kotse namin, bumaba si naynay na naka bestida na animo'y may party na pupuntahan.
AKO: "nay san po kayo pupunta?.. nga po pala si chris, kaklase ko"
Chris: "good afternoon po"
NANAY: "good afternoon din iho.. wala akong lakad baby, syempre kailangang ganito bihis ni naynay kasi susunduin niya baby na na nag aaral sa isang exclusive private school." sabay paypay..
Napatingin ako kay chris at tiningnan ko siya na para bang humigingi ako ng despensa..waheheh.. Gumanti naman siya ng ngiti na parang nagsasabi na ok lang.
AKO: "Chris.. una na ko ah? kita nalng tayo bukas"
CHRIS: "yeah sure.. bye"
Naging malapit kong kaibigan si Chris, super talino din at napaka gwapo.wahehe . Dahil sa kanya ay naisipan ko ding ayusin na ang sarili ko, di ko namamalayang nagiging conscious na ko sa kilos at itsura ko pati pananalita at sa pag-aaral.
Naranasan ko na ang pagtinginan ng mga babae sa ibang school at halatang nagpapapansin sakin. Di ko lng alam kong dahil sa looks ko o dahil sa school ko.wahehehe
Napansin iyon ng pamilya ko, sobrang proud sila sa nangyayaring pagbabago ko kahit sa loob pa lamang ng isang buwan. Sa isang buwan na iyon din ay di ko pa nakikita si Bugoy kahit namgakatapat lang bahay namin. Sabagay, sa loob palang kasi ng gate ay nasa loob na ko ng kotse papasok ng school at bababa sa loob din ng gate.
TEACHER: "class next week ay magkakaroon ng interschool compitetion ng SCIDAMATH, at tatlo ang napili sa section na to para magcompite at dalawa naman sa kabila... CHRIS, MANNY at LANDO, kayo ang kakatawan sa school natin plus the two others sa kabilang section. Galingan niyo, kayo ang may highest grade sa math at science kaya walang dahilan na umatras ha?"
Nagulat ako sa announcement na iyon.. alam ko namang nag iimprove ako sa pag-aaral per di naman ganun ka grabe..hehe
TEACHER: "Sa Don Lito memorial high school ang compitetion, next monday na yun at 1pm mag uumpisa pero 9am andun na tayo to prepare"
Sobrang gulat ulit dahil sa school ko dati ang setting ng compitetion, at nararamdaman kong makikita ko si Bugoy. Mula noon ay kinabahan na ako pero todo todo ang pag iinsayo naming dalawa ni chris, si manny naman ay napiling mag insayo kasama yung dalawa pa.
Sa student lounge.......................................
Chris: "oh pawis na pawis ata ah?" sabay punas ng pawis ko sa noo
Nahiya naman ako sa gesture niyang yun kaya mejo napa iwas ako ng kunti.
AKO: "ako na nakakahiya naman, pawisin lang talaga ako tol"
CHRIS: "nahiya kapa... gusto mo snack? wait bibili ako sa canteen" sabay talikod
Di ko na siya napigilan dahil tumalikod agad siya para bumili.. After 10 minutes........
CHRIS: "Lando, ito na oh cheeze burger sakin, hotdog sandwhich sayo ok lng?"
AKO: "ah eh ok lng tol kahit anu.. nakakahiya naman"
CHRIS: "toinks!! puro ka nakakahiya jan eh.. wag kana mahiya sakin, tagal na nating magkaklase.."
AKO: "ah cge... wait bibili ako ng drinks"
CHRIS: "No!! anlaki nitong soft drink, share na tayo dito, ok lang ba isang straw lang gamit natin tol? nakalimutan ko kasi kumuha ng isa pa"
AKO: "ah...eh..."
CHRIS: "di naman ako bad breath ah" sabay gesture ng nagtatampong nagpapacute
Haaay naku ka pogi ng classmate kong to..hehehe
AKO: "ah ok cge cge.. share, matampuhin ka pala.."
CHRIS: "slight lang" hehehe
AKO: "hehehe ganun ba? "
CHRIS: "tol, chicken hotdog ata yan kasi iba kulay oh?"
AKO: "ah oo nga eh, mas masarap naman eh..hehe"
CHRIS: "patikim nga tol" sabay hawak sa kamay ko at kumagat siya sa parte ng sandwich ko na kinagatan ko na din. (kilig ako...wahehe)
AKO: "ok diba?"
CHRIS: "oo nga noh.. ito tikman mo masarap din" sabay nilapit sa bibig ko yung burger niya
Wala akong nagawa at kumagat ako dun sa part din na kinagatan niya (kilig to the balls). Dagdag pa nang iinom kami ng softdrinks with one straw..haaaaay...wahehe
Pinagbutihan namin ni Chris ang pag iinsayo at naging daanan din iyon para magkakilala kami ng lubusan.
Dumating na ang araw na ikinakakaba ko.. Ito na ang araw na makikita ko ang dati kong school, mga dati kong kaibigan, at higit sa lahat ang kapitbahay kong mahal ko na si Bugoy o Brent......
Sakay kami ng school van namin, tinted ang salamin kaya malaya akong nakatingin sa labas habang papasok na kami sa gate ng dati kong school.....................................................
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Haaayyy Ponse, kailangan kong mag break muna bago ituloy ang pagbabasa sa chapter na to. Naluluha na ko sa katatawa, baka atakihin pa ko sa puso nito. Ang galing mo talaga! Supperrr!
ReplyDeleteBen