Followers

Thursday, November 19, 2009

Ang iPhone FINALE

************Friday 9:30am**********



Hindi na mapakali ang sa upuan si Alex. Hindi niya alam kung sisigaw ba siya o iiyak o magwawala dahil naipit siya sa traffic sa kalagitnaan ng Taft Avenue papuntang Manila Doctor's Hospital. Bigo siyang maubutan si 'Nakapulot' sa Airport kanina at talaga namang gumuho ang kaniyang buong mundo nang hindi niya ito madatnan dahil nahuli siya sa usapan nila.

Nag Give Up na si Alex na hindi na siya magiging happy pa ulit with Andrew kani-kanina lang habang umiiyak siya sa loob ng kaniyang sasakyan pero ngayon ay nagkaroon siya ng pag-asa nang matanggap niya ang tawag mula sa Hospital na may makulit na patient na ayaw magpaApendectomy hangga't wala siya.

Hope: 25%

"Ano ba yan!" Ang naisambulat nalang ni Alex nang papaliko na siya papuntang Manila Doctors ay naging Red ang Traffic light. Sinuntok-suntok niya ang steering wheel sa kaniyang harapan. Gusto ng sumigaw ni Alex. Maluha-luha na siya nang tumunog ulit ang incoming call alert tone ng kaniyang mobile phone. Hindi nakaRegister ang number sa caller ID kaya sinagot niya iyon.

"Doc Alex! Kawawa naman yung Cute na nasa ER hinahanap ka!" Ang nagpaPanic na boses ng isang babae sa kabilang linya.

"Sino ka naman?" Naasar na tanong ni Alex.

"Nurse po ako sa ER Doc. Si Mirriam. Doc hinahanap ka talaga!" Ang sagot ng Nurse kay Doc Alex at nagpaPanic pa din ito.

"Nasa kanto na ako at nagmamadali!" Ang naiiritang sinabi ni Alex sa Nurse.

"Bilisan nyo po Doc! Kawawa naman po yung Patient!" Ang nag-aalalang sambit pa ng babae. Nakulitan na talaga itong si Alex sa kaniya.

"Malapit na nga! Huwag kang malandi!" Ang masungit na sinabi ni Alex sa Nurse dahil hindi na siya makapagpigil at talaga namang gustong-gusto na niyang makita kung sino yung pasyenteng sinasabi nila. Hindi rin niya mapigilang makaramdam ng selos.

"Ang Cute kasi Doc." Ang hindi papaawat na sagot ng Nurse kay Doc.

"Humanda ka sa akin pagdating ko!" Sambit ni Alex kasabay ng pagEnd niya ng call. Hindi na naitago pa ng Pamintang si Alex ang pagkakulot ng kaniyang dila at Stress na Stress na talaga siya since pag-alis niya sa Airport at llo pang nagLevel up ito nang tinawagan ulit siya. Halos umikot na ang puwet ni Alex habang hinihintay na magGo ang ilaw ng Traffic Light.

Hope: 50%

"Thank You Lord!" Ang nasambit nalang ni Alex nang magGreen ang Traffic Light.

"Mga Pasaway!" Ang masungit na sinasabi ni Alex habang sunod-sunod ang kaniyang pagbubusina sa mga Pedestrian na patawid-tawid sa UN Avenue.

"At last!" Ang malakas na sinabi ni Alex nang inihinto niya ang kaniyang sasakyan sa tapat ng Entrance ng Hospital t agad-agad siyang bumaba't mabilis na tinungo ang ER Entrance pero agad na hinarangan siya ng Guard.

"Doc nakaharang ho yang sasakyan nyo." Paalala ng Guard kay Alex.

"PakiPark nalang! Hindi ko hinugot ang susi!" Ang masungit na sinabi ni Alex na ikinatulala naman ng Guard habang nakatingin ito sa kaniyang paghihikahos papasok ng ER.

"Doc!" Ang biglang sigaw ng dalawang Female nurses nang makasalubong nila ito sa Entrance.

"Kanina ka pa hinahanap ni..."

"Alam ko!" Ang mabilis na isinagot ni Alex sa isang Nurse kaya naman hindi na natapos nito ang kaniyang sasabihin kay Alex. Kitang-kita ni Doc Alex ang concern sa mukha ng dalawang Nurses.

Hope: 75%

Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Alex nang makita niya ang matabang si Stephen na pamangkin ni 'Nakapulot' at nakatayo kasama ang nanay at tatay nito.

Hope:80%

"Wala pa ba si Doc?" Ang narinig ni Alex mula sa pasyenteng nakahiga sa kama ngunit di pa siya makasigurado dahil hindi niya iyon makita't kumpulan ang nakapaligid na mga Female Nurses at mga OJTs sa kama.

Hope: 90%

"Tumabi kayo!" Ang malakas na sinabi ni Alex sa mga nagkukumpulang mga babae sa paligid ng kama ng pasyente. Biglang tumahimik ang buong ER nang marinig nila ang boses ni Alex. Dahan-dahang tumabi ang mga ito para bigyang daan si Alex. Lahat ay nakatingin lang ng tahimik kay Alex. Pati na rin sina Stephen.

"Lex." Ang nanginginig na sambit ng pasyenteng pasaway.

Hope: 100%

Hindi na nakasagot pa itong si Alex dahil hindi niya napigilang mapaluha nang makita niya kung sino ang nasa kama.

"Alex." Ang muling sinambit ng pasyente sa lumuluhang si Doc.

"Andrew." Ang basag at naiiyak na nasabi nalang ni Alex sa namumutlang si Andrew. Lahat ay tahimik pa rin na pinagmamasdan sina Alex at Andrew. Napalunok ang kuya ni Andrew at biglang pinagpawisan ng malamig sa kaniyang nakitang reaksyon ni Andrew nang makita nito si Alex. Kabaligtaran naman ang Reaction ng asawa nito. Isang matamis na ngiti lang ang nakita sa maganda nitong mukha habang napakapit ito ng mahigpit sa braso ng kaniyang mister. Kahit ang mga babaeng Nurse din ay tahimik na hinihintay kung ano ang gagawin nitong si Alex.

Tila tumigil ang pagtakbo ng oras sa mga sandaling iyon at pakiramdam ni Alex ay sila lang dalawa ni Andrew ang tao sa loob ng ER. Summabog ang nakakabinging katahimikan sa apat na sulok ng ER at biglang naramdaman ni Alex na ang lahat ng mga mata ng nandoon ay nakatingin sa kaniya.

Nanlamig si Alex mula ulo hanggang paa at kinabahan siyang bigla. Buong buhay niyang itinago sa at hindi ipinagtapat sa lahat na isa siyang Paminta. Gumulo ang isipan ni Alex dahil kanina lang nang pumasok siya sa ER at nakita niya itong si 'Nakapulot' ay may gusto siyang gawin dito pero ngayon ay para niyang gusto niyang lumabas pero hinding-hindi na siya makakaatras at ang lahat ay nag-aabang. Dumating na ang pinakakatakutan nitong si Alex na mabuking siya ng lahat na isa siyang napakalaking Paminta.

"Lex." Ang mahinang sambit ni Andrew mula sa kama at nagpumilit itong tumayo kahit napakaSakit na ang kaniyang tiyan. Napukaw ulit ang attention ni Alex kay Andrew at nawala ang lahat ng kaniyang pangamba sa kaniyang pagkakabuking. Wala nang pakialam si Alex kung anumang sabihin ng mga kasamahan niya sa kaniyang Profession basta't kaniyang ginawa kung ano ang nasa sa kaniyang puso't damdamin.

"Adrew!" Malakas na sambit ni Alex kasabay ng mabilis niyang paglapit kay Andrew at mahigpit na pagyakap niya dito na sinuklian naman nitong si Andrew ng mas mahigpit pang pagyakap kay Doc.

"I love you Andrew!" Ang sinabi ni Alex kay Andrew habang patuloy ang pag-agos ng luha niya.

"Mahal na mahal kita Lex!" Ang hagulgol ni Andrew. Mas Emo pa pala itong si 'Nakapulot' kaysa kay Alex.

Napangiwi ang Kuya nitong si Andrew nang bigla niyang naramdamang bumaon sa kaniyang braso ang mga kuko ng kaniyang misis dahil sa sobrang saya habang pinagmamasdan niya sina Alex at Andrew. Ganoon din naman ang mga Staff ng ER na nakapalibot sa dalawa.

"Doc! Ang swerte nyo namang dalawa!"

"OMG!"

Hindi na napigilan ng ibang Nurse na iExpress ang kanilang feelings that time. Na ikinangiti nalang ng luhaang sina Doc at 'Nakapulot'.

"Doc Alex, Kami na ang bahala sa Patient." Ang malumanay na sinabi ng ER Residence habang nakahawak sa mga balikat ni Alex. Kaagad namang kumalas ang dalawa sa kanilang pagkakayakap. Lalong namutla itong si Andrew na kaagad namang napansin ni Alex.

"Don't worry. You're in goodhands." Ang encouragement ni Alex kay Andrew.

"Kayo ng bahala sa asawa ko ha." Ang sambit ni Alex sa lahat ng Staff. Sinuklian naman ng Confirmation ng lahat si Doc at binigyan din nila ng encouragement itong si Andrew n parang batang natatakot sa gagawing Appendectomy sa kaniya.

"Wait lang!" Ang biglang sinambit ni Alex sa mga staff nang ilalabas na nila si Andrew sa ER para iPrep. Kaagad na lumapit itong si Alex kay Andrew at without any warning ay hinalikan niya ito sa lips. Lalong napangiwi ang kuya ni Andrew nang mas lalo pang bumaon ang mga kuko ng kaniyang misis sa braso niya dahil sa ginawa nitong si Alex.

"Don't worry at hindi ka magiging Widow Doc." Ang sabi ng isang staff kay Alex para mapakalama ito dahil nahahalata na nlang mas nininerbyos pa ito kay Andrew. Si Andrew nama'y tila naging estatwa at naging behave dahil sa hindi niya iniExpect na hahalikan siya ni Alex sa harapan ng iba dahil alam niyang discreet na discreet talaga ito. 

"Mahal na mahal pala talaga ako ni Alex." Ang tanging nasa sa isip nitong si 'Nakapulot'  hanggang maipasok siya sa Prep room at maisagawa ang Apenddectomy sa kaniya. Hindi talaga siya makapaniwala na iaOut ng Pamintang si Alex ang kaniyang sarili sa trabaho para lang sa kaniya.

Hindi na sumama pa itong si Alex sa OR at sa tanang buhay niya'y ngayon lang siya natakot pumasok sa part ng Hospital na yoon. Naging part na ng buhay niya ang ang maglabas-pasok sa OR occassionaly pero ibang-iba talaga para kay Doc pag ang taong mahal na mahal niya ang nakasalang. Hindi na dapat siya kinakabahan sa mga time na yun dahil sa tagal na niya sa kaniyang Profession pero hindi talaga niya maiwasang kabahan for Andrew.

Laking gulat ni Alex nang biglang may umakbay sa kaniya. Ang kuya pala nitong si Andrew at nagBlush siya nang makita niyang ang gwapong mukha nitong pailing-iling. Lalo pang nagulat itong si Alex nang kumapit sa kaniyang braso ang hipag ni 'Nakapulot' at nagsalita.

"Kung pwede lang kayong magkaBaby eh sasabihin kong isang dosena ang gawin nyo at magaganda at pogi ang kalalabasan ng combination ninyo ni Andrew." Ang sambit nito na napakaSweet ang smile niya habang nakatingin kay Alex. Lalong namula itong si Alex sa ginawa ng mag-asawa sa kaniya.

"Gutom na ako." Ang impatient na sinabi ni Stephen sa tatlo na lalo pang ikinagulat nitong si Alex. Walang nagawa ang tatlo kungdi'y pumunta nalang sa Cafeteria dahil noon lang nila naramdaman ang gutom dahil lahat sila'y di pa nakakapagBreakfast.



*****************10:30am***************

  

Habang kumakain silang apat ay naikwento ng hipag ni Andrew na Two Days before ng flight ni Andrew ay nagtapat ito sa kanilang mag-asawa at inamin nito sa kanila ang kaniyang Sexual Preference. Medyo matagal ding naAbsorb ng Kuya ni 'Nakapulot' ito but with the help of Andrew's Sister-in-Law ay naintindihan din naman nito ang lahat-lahat.

Ikinuwento din nila na kaninang madaling araw ay bigla nalang ginisin sila ni Andrew at nagsabing kumikirot ang kaniyang tiyan at namumutla ito kaya naman ay hindi na sila nagdalawang isip na dalhin ito sa Hospital. Nagsabi si Andrew sa kanila na may nararamdaman na siyang masakit sa kaniyang tiyan pero hindi niya ito pinansin para makipaglaro pa siya ng BasketBall sa mga kaibigan niya sa Baranggay. Pagkatapos ay nilibre niya ito ng mga StreetFood bilang padespedida niya at pagkatapos nilang magpakabundat sa mga Isaw, kwek-kwek, Spanish at Cheese Bread sa panaderia'y nagkayayaan silang maglaro ulit.

"Soulmate talaga siguro kayo." Ang masayang sabi ni Cythia, Ang hipag ni Andrew.

"OA ka kahit kailan Dear." Ang natatawang sambit ng asawa nito sa kaniya.

"Kung hindi ako naging OA eh hindi tayo magkakatuluyan." Ang pabirong sagot ni Cythia sa kaniya't binigyan niya ito ng isang matamis na halik sa pisngi. "Gawa na kagad kayo ng Baby ha." Ang sumunod na sinabi nito kay Alex na ikinapula kaagad ng mukha nito.

"Akin yung batik-batik." Ang walang pakialam na sinabi ng tabachoy na siStephen habang patuloy pa din ito sa maganang pagkain ng kaniyang Breakfast. Pangatlong order na nito ng ExtraRice.

"Akin ang brown." Ang dagdag ng kuya ni Andrew.

"Pag may white eh sa akin nalang." Ang banat naman ni Cythia sabay ngiti niya kay Alex.

Napalunok itong si Alex habang sinuklian niya ng ngiti ang mga kaharap sa table. Nagdadalawang isip tuloy siya at mapapasubo siya sa Relationship niya kay Andrew. Ramdam na ramdam niya na Welcome na welcome siya sa Family ni Andrew at tanggap na tanggap nila ang kanilang Same Sex Relationship pero ramdam na ramdam din nitong si Alex na parang natural na natural na sa family ni Andrew ang pangAasar.

"Ang cute talaga nila. Promise!" Ang isip-isip ni Alex para sa family ni 'Nakapulot' na tila ba may mga natural born na may mga sungay sa pang-aasar. Napangiti nalang itong si Andrew nang maisip niyang lalong magiging interesting ang kanilang pagsasama nitong si Andrew.

"Tita! Extra rice pa nga po please." Ang magalang na request nitong si Stephen kay Alex na ikinatawa ng mag-asawa. "Behave baby!" Ang saway kaagad ng kaniyang mommy dito na halatang-halata na pinipigilan ang kaniyang pagtawa. 

"Joke lang mommy. Labs ko yang si Tito Alex!" Ang mabilis na sinagot naman nitong bagong pamangkin ni Alex. Habang umuOrder si lex ng extra rice para kay Stephen ay nakangiti lang ito habang pailing-iling. "Ano ba itong napasok ko!" Ang biro ni Alex sa kaniyang isip para sa sarili. Ginawa na niyang dalawang order ang extra rice at baka mabitin pa ang matabang small version ni 'Nakapulot'.



************************11:00pm***************************



Si Alex na ang nagVolunteer na magbantay kay Andrew sa buong magdamag para makapagpahinga na rin ang kuya nito't asawa at pati na rin si Stephen. Bumalik ulit kinagabihan ang kuya ni 'Nakapulot' na may dala ng mga gamit sa ni Andrew na kakailanganin nito sa kaniyang ilang araw na pagStay sa Hospital.

Sa kabutihang palad ay hindi pumotok ang apendicitis nitong si Andrew kaya nama'y baka mga two day lang itong manatili sa Hospital. Medyo Groggy-groggy pa itong si 'Nakapulot' pero mmadami itong tanong sa Surgeon nang bisitahin siya nito after ilang hours lang. Ipinaliwanag sa kaniya na imoMonitor lang nila ang kaniyang Vital Signs at ang paghilom ng  sugat niya at kung makita nilang okay na ay ikliClear na siya ng mga ito upang makalabas na asap.

Habang nakikipag-usap itong parang lasing na si Alex dahil hindi pa nawawala 100% ang effect ng Anaesthesia sa kaniya ay tinatawagan ni Alex ang lahat ng kaniyang mga secretary sa Clinic at iba pang hospital para sabihing magbabakasyon siya ng ilang isang buwan. Gusto ni Alex na personnal na maalagaan niya si Andrew. Hbng tumatagal ay nakakaRecover na mula sa effect ng Anaesthesia itong si Andrew at kinuha niya ang pansin nitong si Alex paglabas ng Doctor na tumitingin sa kaniya. Kahit slight nalang ang pagkaGroggy nitong si Andrew ay kitang-kita pa din ni Alex ang panghihina dito.

"Matulog ka nalang." Sambit ni Alex kay Andrew.

"May sasabihin lang ako sayo." Paglalambing ni Andrew kay Alex.

"Bukas nalang." Ang mahinahong sagot ni Alex dito sabay patong niya at haplos sa buhok ni Andrew.

"Salamat Alex." Ang nagingiting sabi ni Andrew kay Alex. Nangiti lang itong si Alex at isip-isp nitong magand ata ang effect ng anaesthesia kay Andrew.

"Dinala ba ni Kuya yung PSP ko?" Sunod na inosenteng tanong ni Andrew kay Alex na ikinasingkit ng mata kaagad nitong si Alex. "Ang lakas talagang mambasag ng moment ito." Ang isip-isp ni Alex.

"Matulog ka nalang ulit." Ang paalala ulit ni Alex kay Andrew. "Kala mo naman makakalaro ka. May Dextrose ka. Hello?" Ang idinagdag pa ni Alex na sinabi kay Andrew.

"Sige na Lex. Tignan mo nalang kung sinama ni Kuya sa gamit ko." Pagpupumilit ni Andrew.

"Aray!" Ang biglang sambit ni Andrew sabay hawak sa part na malapit sa kaniyang sugat na nahalata naman agad ni Alex na umarte. "Please Lex." Dagdag pa nito na sinamahan ng matinding Facial expression. Nagsmile nalng si Alex at talunan niyang hinanap sa loob ng bag ni Andrew kung naisama nga ang PSP nito doon. Nandoon naman ang PSP at ilan pang handheld gaming gadgets ni Andrew na inknown kay Alex.

"Para ka talagang bata." Ang sambit nalang ni Alex kay Andrew nang iniabot niya ang PSP kay 'Nakapulot'. Agad naman binuksan ni Andrew gamit ang kaniyang isang kamay na free ang PSP at nagsalita.

"Nagbilin ako kina Kuya na sakaling pumunta ka sa bahay at nasa Canada na ako eh ipanood sayo ito." Ang sinabi ni Andrew sa Curious na si Alex sabay bigay ng PSP nito kay Doc. Pinaghandaan na pala ni Andrew sakaling hindi siya siputin nitong si Alex sa Airport. Kinuha ni Alex ang PSP at umupo sa monoblock chair sa tabi ng Bed ni Andrew. Hindi mapigilang mapaluha ni Alex habang pinapanood niya ang uploaded na Video na kuha ni Andrew sa kaniyang sarili bago ang flight niya papuntang Canada.

"Hi Lex. Sakali mang pinapanood mo ito ay nasa Canada na ako. Hindi kita masisisi kung nagDecide ka na huwag ituloy ang ating Long Distance Relationship. Tulad ng sinabi ko sa iyo. I will respect your decision." Ang bungad ni Andrew sa video.

"Alex." Ang sunod na sinabi ni Andrew na buglang pumiyok at kitang-kita ng dalawang mata ni Alex ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Andrew sa Video.

"Sorry. Sorry sa pang-aasar ko saiyo. Sorry din at naransan mo ang ganito. Mahal na mahal kita Lex. Alam kong mahirap ang isang Long Distance Relationship kaya nagdecide ka na huwag ng magpatuloy. Babaunin ko nalang ang magaganda at happy memories nating dalawa sa maikli nating pinagsamahan. Ikaw lang ang nagbigay ng kulay at reason sa buhay ko."

Naputol ang pagsasalita nitong si Andrew sa video dahil suminghot pa ito at nagpunas ng kaniyang mga luha gamit ang kamay nito. Suminghot ulit itong si Andrew at nagpatuloy sa pagsasalita. Hindi na namalayan nitong si Alex na tumutulo na rin ang kaniyang luha at humihikbi na siya habang pinapanood niya ang video ni Andrew. Nagpatuloy na si Andrew sa pagsasalita sa Video.

"Mahal na mahal kita. Yun lang ang lagi mong tatandaan. Hindi na ako makikipagCommunicate sa iyo. You're free na Lex. Mahal na mahal kita. Lagi kong aalalahanin ang mga times na magkasama tayo. Maraming-maraming salamat sa lahat-lahat. I love you Lex. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Lagi kang mag-iingat." Hindi na masyadong audible ang mga sinasabi ni Andrew sa Video dahil kada word ay may kasamang hikbi at singhot. Lumakas na din ang hikbi nitong si Alex at parang totoong-totoo ngang nasa Canada si Andrew.

"Mahal na mahal kita. Sakali mang dumating sa buhay mo ang time na you feel all alone. Alalahanin mo lang ako. May isang Andrew na nasa Canada na mahal na mahal ka. Sige na Lex. Alam kong nakoCornyhan ka na sa akin. Thank you again sa lahat-lahat. Sayo na itong PSP ko. Remembrance ko sa iyo. SIge n Lex. Mahal na mahal kita. Ba-Bye na." Ang pagtatapos nitong si Andrew habang malakas na itong humihikbi't sumisinghot at basang-basa na ang kaniyang mukha mula sa kaniyang mga luha. Pinupunasan ni Andrew ang kaniyang mga luha hanggang magEnd na ang Video.

Tahimik lang na humihikbi itong si Alex sa kaniyang napanood. Hindi talaga siya makapaniwala na magkasama sila ni Andrew ngayon. GaHibla ng buhok talaga ang muntikang paghihiwalay nila.

"Talagang soulmate tayo kahit hindi ako naniniwla sa Soulmate." Wala ng masabi itong si Alex sa kaniyang napanood na Self Video ni 'Nakapulot' habang umiiyak siya dahil talagang muntikan na talaga ang relationship nilang dalawa na mapulot sa basurahan. Tinignan niyang bigla itong si Andrew at nakita niya itong mahimbing na natutulog na at mahinang humihilik.

"Gumising kang pasaway ka!" Ang malakas at naiiyak na sinabi ni Alex sa natutulog na si Andrew na ikinabukas naman ng mga mata nito.

Wala nang inaksayang sandali itong si Alex at agad niyakap ulit itong nakahigang si Andrew at umiyak na siya ng todo kasabay ng panglalambot ng kaniyang dalawang tuhod. Hinagod-hagod naman ni 'Nakapulot' ng kaniyang isang free hands ang likod ni Alex dahil medyo hysterical na ito.

"Ang OA mo Lex." Ang mahinang nasabi nalang ni Andrew pero deep inside his heart ay napakalaki ang kaniyang pagpapasalamat sa unexpected at one in a million na nangyari sa kaniya upang hindi siya matuloy papuntang Canada.

"Tado! Ka Drew." Ang sinambit nalang nitong pikuning si Alex. Kaagad na kumalas si Doc sa kaniyang pagkakayakap at kinuha niya ang kaniyang hanky sa back pocket niya upang punasan an mukha niya. Nakangiti lang si Andrew habang pinagmamasdan niya si Alex na humihina na ang paghikbi.

"Paano na ang binayad mong placement fee?" Iniba ni Alex ang usapan para naman maging iba narin ang mood niya at nahalata niyang kanina pa siyang umaga nagdradrama.

"Kikitain ko din naman iyon." Sagot agad ni Andrew.

"Apply ka ulet?" Tanong naman nitong si Alex na nagleLevelDown na ang kadramahan.

"Hindi. MagmeMed Leave ako." Sagot ni Andrew na ikinakunot ng noo ni Alex.

"Hindi ako nagResign sa Office. Walang nakakaAlam doon. AWOL ako kung natuloy ako." Nakangising sambit ni Andrew. Napangisi din itong si Alex. Bilib na bilib at wala siyang masabi sa kalokohan ni 'Nakapulot'.

"Tabi ka nga diyan." Ang nagsusungit-sungitang utos ni Alex kay Andrew na kaagad namang nagbigay ng space sa tabi niya para kay Alex. Humiga kaagad itong si Alex sa tabi ni 'Nakapulot' at tumagilid. Niyakap niyang muli si 'Nakapulot' ng marahan.

"I love you too Andrew." Mahinang bulong ni Alex kay Andrew sabay samck niya ng lips niya sa cheeks ni 'Nakapulot'. NagSmile nalang itong si Andrew at sabay nilang ipinikit ang kanilang mga mata upang umidlip na.

"Thank you po." Ang nasambit nalang ni Andrew sa sarili niya habang nakapikit at napakalaki talaga ng kaniyang pinagpapasalamat sa kanilang Relationship ni Alex.

"Happy Ending." Ang naiisip naman ni Alex habang nakapikit siya. "IpangblaBlack Mail ko sayo ang Video mo." Ang dagdag pa ni Alex sa kaniyang sarili kasabay ng kaniyang pagngiti at marahang paghigpit ng kaniyang hug kay Andrew.





***********************After 4 Weeks********************



**********************Saturday 11:00pm****************



Nakahiga itong sina Alex at Andrew sa kama dahil pagod na pagod sila sa buong maghapong pagPrepare ng isang small dinner para sa buong Family ni Andrew at kasama din dito sina Michael at Dexter. Yun ang parang Official day ng pagliLive-in nina Doc at 'Nakapulot'.

"Sabi ko sa iyo magOrder nalang tayo sa labas tapos ilagay nalang natin sa plato. Hindi nila mahahalatang binili lang natin." Hindi papatalong sinabi ni Andrew kay Alex.

"Iba pag niluto. Mas Special kaya." Sagot naman nitong si Alex habang tinitignan niya ang mga nakunang pictures kanina sa Dinner sa kaniyang iPhone. Hindi na ito ginamit pang muli ni Alex bilang telepono kundi ginawa nalang nila itong parang Cam at Video recorder.

"Napagod ka pa." Sagot ulit ni Andrew. Napangiti itong si Alex.

"Concern?" Tanong ni Alex dito.

"Hindi!" Sagot kaagad ni Andrew na halatang nakita ang kaniyang pag-aalala kay Alex.

"Weh?" Banat naman nitong si Alex.

"Kailan ba tayo maglaLove making?" Ang biglang pag-iba ng topic nitong si Andrew. Simula ng lumabas kasi itong si Andrew from the Hospital ay naging mahigpit itong si Alex sa kaniya. Pinagagalaw naman niya si Andrew like sa mga gawaing bahay sa kaniyang Condo after some few days dahil doon na nagpagaling ng sugat si Andrew at talaga namang bantay sarado nitong si Doc si 'Nakapulot'.

"After One Week." Ang matigas na sinabi ni Alex sa kaniya. "Hindi ka pa pwede sa Strenous activity." Ang natatawang dinagdag pa ni Alex kay Andrew dahil nakita niya itong nagFrown. From the time na lumabas itong si 'Nakapulot' sa Hostipal hanggang ngayon nga ay hindi pa sila nagseSex. Kahit anong klaseng Sex. Iniiwasan talaga nitong si Alex na maArrouse itong si Andrew dahil medyo maypagka OA siya sa kalagayan nga nitong si 'Nakapulot'

"Pwede na ako!" Pagpupumilit nitong si Andrew sabay tagilid niya paharap kay Alex.

"Sariwa pa ang sugat sa loob." Ang explain nitong si Alex. Alam niyang pwede ng makiagbabakan ng easy itong si Andrew pero mas pinili niyang maghintay-hintay nalang. "one Week. Promise." Ang idinagdag nitong si Alex kay Andrew para bigyan niya ito ng Assurance kasabay ng mabilis niyang pagbibigay ng isang Smack sa lips nito. Lalo pang napaFrown itong si Andrew. Ikinasingkit na naman ng dalawang mata ni Alex ang pagmumukha nito.

"Ikakalat ko ang Video mo!" Biglang nagbanta itong si Alex kay Andrew na ikinaiba agad ng mood ni 'Nakapulot'.

"One week lang pala! Lagot ka sa akin after One week. Yari ka!" Masayang sambit ni Andrew kay Alex sabay yakap dito ng mahigpit. Umabot ang ngiti nitong si Doc hanggang tenga niya at effective na effective ang kaniyang paraan na pampaBehave dito sa pasaway na si Andrew.

"Teka. Wala pa tayong picture dalawa." Ang sinabing bigla nitong si Alex kay Andrew.

Nagmamadaling inayos ni Alex at inilagay sa camera ang setting ng iPhone para kunan niya ng picture silang dalawa ni Andrew. Si Andrew naman ay nakaWacky Face na at nakaReady na agad. NagWacky Face nalang din itong si Alex dahil alam niyang walang silbi pagnagSmile siya ng maayos dahil panira ang mukha ni Andrew sa magiging Picture. "1... 2... 3..." Ang bilang ni Alex pagkatapos ay sabay ng snap ng shot nito sa kanilang dalawa. Kaagad na inilagay sa side table ng kanilang kama ni Alex ang iPhone at bukas nalang na niya titignan ang naCapture na image at baka madismaya pa siya ngayong gabi.

Pinatay ni Alex ang LampShade sa side niya at gayundin naman ang ginawa nitong si Andrew sa kaniyang side. Hindi na nagawang magyakap pa ang dalawa at talagang plakda silang nakatihaya sa kama. Ilang seconds lang ay bumalikwas patagilid itong si Alex at may naalalang importanteng bagay.

Kaagad niyang tinignan kung sa anong araw pumatak ang Feb 14 at nang nakita na niya ito'y ibinalik niya muli sa sidetable ang isang bagay na nagdugtong sa landas nila ni 'Nakapulot'.

Ang bagay na nagsilbing tulay sa dalawang taong langit at lupa ang pagkaka-iba ng ugali.

Ang bagay na siyang nagsilbing susi upang makilala nilang dalawa ang isa't-isa.

Ang bagay na naging dahilan upang lumigaya sina Alex at Adrew sa piling ng bawat isa.

Ang bagay na paglalagyan nila ng kanilang magiging mga memorable at magiging mga happy experiences in the future sa kanilang relationship na for better or for worst.

Ang bagay na hindi nila inaakalang ganoon ang magiging impact sa kanilang buhay.

Ang iPhone.





Fin

Sunday, November 8, 2009

Ang iPhone 9

*********************Saturday 7:30am*********************



Kinurap-kurap muna ni Alex ang kaniyang mga mata at pagkatops ay tinignan niya ang buong kuwarto. Wala na itong si Andrew sa kama't pagkatanda niya'y nakatulog silang dalawang magkayakap at umiiyak kagabi. Biglang bumigat ang damdamin nitong si Alex nang maalala niya ang nangyari kagabi at ang kaniyang pakiramdam ay parang may isang bahagi sa kaniyang buhay ang malapit ng mawala.

Agad na tumayo itong si Alex at lumabas sa kaniyang room. Nakita niyang naka-upo lang itong si Andrew sa Sofa't nakapikit. Halatang bagong paligo at kitang-kita sa mestiso nitong mukha ang pamumula at pamamaga ng dalawang mata nito. "Maagang nagising ito." Ang isip-isip ni Alex. NagDecide nalang siyang huwag munang istorbohin itong si 'Nakapulot' at baka kumukuha ng idlip pero malamang ay nakapikit lang ito't katulad din ng sa kaniya ang iniisip ipinagmumuni-muni nito. Pumasok nalang ulit itong si Alex sa kuwarto't kumuha ng towel upang maligo. Pakiramdam niya'y puyat na puyat siya't walang energy that time. "Hopefully makuha sa shower." Ang pagbabakasakali ni Alex nang pumasok na siya sa CR. Tila ba napakabigat ng mood sa loob ng kaniyang Condo Unit.

Habang nagshoShower itong si Alex ay hindi niya maiwasang makita sa kaniyang ala-ala ang mukha ni 'Nakapulot' habang tumutulo ang mga luha nito kagabi. Nagdadalawang isip itong si Doc kung sasabiin pa niya kay Andrew kung ano ang Plan niya sa kanilang Relationship. Hindi niya akalain talagang ganoon kaAffected din si Andrew. Ang akala niya'y hindi nito sineseryoso at napakaInsensitive nito sa kanilang Relationship kaya laking gulat niya kagabi nang umiyak ito sa kaniyang harapan habang nasa gitna sila ng kanilang supposed to be na  First Love Making.

Hindi napigilan nitong si Alex na tumulo ang kaniyang luha kasabay ng pagbuhos sa kaniyang katawan ng tubig mula sa Shower head. Akala niya'y madaling gawin ang plano niyang kausapin itong si Andrew at ipagtapat dito ang kaniyang insights about sa Long Distance Relationship. Ayaw naman niyang magpakaSelfish at pigilan itong si Andrew sa pagpunta sa Canada. "Sino ba ako." Ang nasabi tuloy ni Alex sa kaniyang sarili.

Wala na rin siyang tapang upang siya mismo ang magsabi kay Andrew na huwag ng ituloy ang kanilang Relationship dahil awang-awa siya dito lalo na sa kaniyang nakitang itinatagong side nitong si 'Nakapulot'.

Doctor si Alex at alam niya ang  kaniyang magiging Approach sa mga pasyente sa pamamagitan ng pag-oObserve ng mga pananalita nito kaya nama'y nagiging kampante sa kaniya ang mga ito. Ngayon ay naging malinaw na malinaw na sa kaniya itong si Andrew.

Sa napakataas na level ng pagkademonyito nito sa pagiging makulit at pasaway ay mayroong reason na nadiskubre ni Alex kung bakit ganito ang behavior ni Andrew. Ayaw nitong ipakita ang Softer and weakside nito pagdating sa isang Relationship. Although nakakapikon at nakakairita itong si Anrew pero ramdm na ramdam ni Alex ang feelings nito para sa kaniya. "Iba si Andrew. Iba siya." Ito ang sinabi ni Alex sa kaniyang isipan. Patuloy pa din siya sa Pag-iyak.

"It's to late." Ang sinabing next ni Alex sa kaniyang sarili. Nawalan na siya ng pag-asa dahil hindi talaga siya naniniwala sa isang long distance relationship. Bakit ngayon lang niya nakilala at nakita ang tunay na katauhan nitong lalaking nagpapasaya talaga sa kaniya.

Marami na siyang napagdaanang mga Major Epic Failed talagang relationship na ang dahilan ay Third Party kaya medyo nagiging tolerable na sa kaniya ang magEnd ang isa niyang mga Relationship because of that pero iba ang situation nila nitong si Andrew. Parang hindi niya kakayanin kung lumayo itong si Andrew. At sa Canada pa ito pupunta.

Para bang nagSelf Torture itong si Alex nang iCompare niya itong makulit na si Andrew sa lahat ng kaniyang mga exBF. Ibang-iba talaga. "Reality bites!" Ang final na sinabi nitong si Alex sa sarili kahit ayaw pa niyang lumabas sa shower at iConfront itong si Andrew. Pero kailangan silang magdesisyon para sa kanilang Relationship.

Binagalan ni Alex ang kaniyang pagpupunas matapos siyang magShower at ganoon din siya kabagal sa pagbibihis. Wala na siyang pakialam sa kaniyang hitsura nang humarap siya sa salamin at nakitang napaka Red at napakaPuffy ng kaniyang dalawang mata. Mapula din ang kaniyang ilong. Matapos siyang magbihis ay mabagal ding naglakad itong si Alex papuntang sala kung nasasaan nga itong si Andrew. Pakiramdam ni Alex that time ay parang ayaw niyang hindi ang kaniyang gagawing pakikipag-usap ditong kay Andrew. Umupo siya sa Sofa kaharap nitong si Anrew na nakapikit pa din at nagInhale siya to get ready. Kasabay ng kaniyang pagExhale ay nagsalita na itong si Alex to start his serious conversation with Andrew about their future. Dumilat ang mga namamaga't namumulang mga mata ni Andrew at naunahan niyang magsalita itong si Alex. Hindi nga umiidlip itong si 'Nakapulot'.

"Bakit umiiyak ka?" Nakangising sabi ni Andrew. Pero nahalata nitong si Alex na fake ang ngisi nito.

"Umayos ka nga. Wag kang pasaway." Ang nagagalit-galitang sinabi ni Alex dito. Kahit napakataas ng level ng kaniyang pagkaEmo eh pinipigilan niyang mangiti dahil sa banat nitong si 'Nakapulot'. Biglang nag-iba ang naramdaman nitong si Alex nang bumanat itong si Andrew. Gusto niyang lapirutin ito sa dalawa nitong cheeks at sermunan na kahit minsan man lang ay maging serious ito.

"Huwag na lang." Ang biglang bawi agad nitong si Aex nang makita niyang nawala ang ngisi nitong si Andrew at naging seryoso ang mukha nito. Kinabahan talaga ng bigtime itong si Alex at ms gusto mas pipiliin niyang makausap ang makulit na side ni Andrew. Kaagad namang nagbigay ng fake na smile itong si 'Nakapulot'.

Hindi na nag-aksaya itong si Alex ng panahon at di na nagpaligoy-ligoy pa at kaagad na nagExplain ng mga Pros and Cons sa isang Long Distance Relationship. Naging maingat itong si Doc at iniwasan nito ang topic about sa Third Party na pwedeng maging Con sa Long Distance Relationship.

"We can decide right now if we will continue our relationship or if we will going to end it." Ang malungkot na sambit nitong si Alex na nagsisimula ng magTeary eyes.

"Yoko nga." Ang mabilis na sagaot nitong si Andrew na parang bata. Naguluhan itong si Alex. Ano pa nga ba ang ineExpect niyang conversation with 'Nakapulot'.

"Anong ayaw mo? Yung ituloy natin or itigil na natin?" An pagClarify ni Doc kay Andrew. NagSigh si Doc at alam nagAssume nasiyang lagi niyang iklaClarify ang mga sagot nitong si Andrew.

"Ayokong ituloy na ayokong itigil." Sagot ulit ni Andrew.

"Ha?" Ang nagulat at naguguluhang reaction nitong si Alex sa sinabi ni Andrew sa kaniya.

"Alam kong mamiMiss natin ang isa't-isa ng bigtime kaya ayoko ng ituloy pa't talaga namang mahirap pero gusto kong magpatuloy tayo kasi para napakababaw na dahilan ang pagiging malayo natin sa isa't-isa para iDump ang relationship nating dalawa." Ang mabilis na explain nitong si Andrew na ikinaCurious nitong si Alex. Umaasa itong si Doc na dagdagan pa sana ni Andrew ang kaniyang sasabihin.

"Kung babalikan natin ang reason kung paano tayo nagMeet and nagkakilaa eh talaga namang kakaibang-kakaiba. Unexpected na mapupulot ko ang iPhone mo sa Bus tapos yun na ang start na naging interesante ang buhay ko." Ang idinagdag pa na sinabi ni Aex na nagsisimula ng maging malungkot ang facial expression. Kabaligtaran naman ng nararamdaman nitong si Alex. Para ba siyang nagulat na naSurprise na marinig mula kay Andrew na ang nagpasaya sa buhay nito'y siya.

"Dahil sa akin eh naging iteresting ang boring mong buhay?" Nagtanong si Alex para maClarify ang statement nitong si Andrew pero ang totoo'y gusto niyang marinig muli si Andrew na sabihin ulit ito.

"Hindi." Maikling sagot ni Andrew na ikinasimangot ni Alex. Biglang tumayo itong si Andrew at umupo sa tabi ni Alex at isinandal ang ulo niya sa balikat ni Alex. Hinawakan ni 'Nakapulot' ang isang kamay ni Doc at nagExplain ulit.

"Ang iPhone ang naging dahilan kung bakit naging interesting ang buhay ko."

"Pero ikaw ang dahilan kung bakit naging maligayang-maligaya ako." Ang mahina at naiiyang siinabi ni Andrew kay Alex. Namulang bigla itong si Alex dahil hindi talaga niya expected na sa isang Andrew ito manggagaling. Yayakapin na sana ni Alex itong si Andrew nang nagsalita ulit ito.

"Pero let's be fair naman to each other. Kahit ako hindi ko kayang magdesisiyon ngayon. One week from now na ang Flight ko. MagCool Off muna tayo ng One week at kung talagang hindi natin makayanan na wala ang presence ng bawat isa sa atin eh doon tayo magdecided na ituloy ang relatonship natin. Pero pag we think that nakakaCope up tayo and medyo hindi na natin namiMiss ng masyado ang bawat isa eh huwag na nating ituloy pa ang sa ating dalawa." Ang mahabang paliwanag nitong si Andrew kay Alex.

"May point ka din." Ang nasabi ni Alex sa kaniyang sarili. Agree siya na masusubukan talaga nila at malalaman nila ang kanilang feelings to each other sa one week nilang Cool-Off period.

"Sige." Ang sagot nitong si Alex sa proposal nitong si Andrew kasabay ng pagpatong niya ng kaniyang isang kamay sa dalawang kamay nitong si Andrew na nakahawak sa isa niyang kamay. Inalikan ni Alex itong si Andrew sa noo nito dahil sa sayang naramdaman niya. "Matino ka din palang kausap." Ang nasabi na na naman ni Alex sa sarili patungkol kay 'Nakapulot'.

"Kung itutuloy pa natin ang Relationship natin Lex eh magkita tayo mismo sa Airport sa mismong day ng Flight ko sa Friday ng 7:00am. Pag hindi naman eh huwag mo kang pumunta sa Airport." Ang pagtatapos nitong si Andrew na siyang ikinagulat ni Alex.

"Ouch!" Ang OA na reaction nitong si Andrew.

"Adik ka! Bat ibibigay mo sa akin ang Burden ng pagdeDecide!" Ang nabiglang sambit ni Doc kay Andrew sabay alis ng kaniyang kamay mula sa mga kamay nitong si Andrew. Nangiti lang itong si Andrew sa Reaction ni Alex sa kaniyang sinabi.

"Mahal na mahal kita kaya ikaw nalang ang magDecide para sa ating dalawa. Ibinibigay ko sa iyo ang lahat ng pagtitiwala ko dahil part ka na ng buhay ko. Alam kong you will making the right choice para sa ikabubuti natin. I trust you and I will respect kung ano man ang mapagpasiyahan mo ." Ang explain nitong si Andrew sa Speechless na si Alex. Hinablot ni Alex ang pinakamalapit na Throw pillow na kaniyang maabot at ihinampas ng pabiro sa nakaSmile na mukha ni Andrew.

"Pasaway ka talaga. Sige! I will decide!" Ang natatawa ng sinabi nitong si Alex sabay tayo at wala na naman siyang magagawa't naisahan na naman siya nitong si 'Nakapulot'. Bigo siya tumalikod dito'y pansin pa din niya ang malulungkot nitong mga mata. "I hope that I will be making the right choice." Ang sambit nalang nitong si Alex nang pumasok na ulit ito sa kwarto upang ayusin na ang kaniyang kama.



*************************1:00pm**********************



Matapos nilang magLunch nina Alex at Andrew sa Glorietta'y tinawagan ni Alex sina Dexter at Michael para manood sila ng Movie kaso'y nagOut Of Town pala ang dalawa kaya nama'y nagpalipas nalang sina Alex at Andrew sa Starbucks kung saan sila unang nagMeet.

Ganoon pa din ang behavior nitong si Andrew sa mga babaeng Employee sa Starbucks na ikinairita naman ng kaunti nitong si Alex. Walang kaalam-alam itong si Andrew na inoObserbahan siya nitong si Alex dahil nagsisimula na itong si Doc na iWeigh ang mga reasons sa mapipili nitong decision. Isa na dito ang pagiging Natural Flirt and friendly nitong si Andrew sa lahat.

Mabilis na naubos ni Andrew ang isang Grandeng Caramel Frappe at nagRequest pa siya kay Alex ng Second Round. Mabagal ang pag-inom nitong si Doc ng kaniyang Frappe at nahalata niyang tinitipid na din nitong si Andrew ang kaniyang pangSecond. Maraming times sa kanilang pagStay sa Starbucks ay nagkakaroon sila ng Moments of Silence na tila ba nagiging Akward sila sa isa't-isa na hindi maipaliwanag naman nitong si Alex. Almost an Hour sila na nasa Starbucks at napagkwentuhan nilang dalawa ang time na kauna-unahan nilang pagkikita.

"Pwede na ba akong umuwi?" Ang nahihiyang sinabi nitong si Andrew kay Alex. Nangiti lang itong si Alex.

" Gusto mo na ba? Sige hahatid nalang kita." Offer nitong si Alex kay Andrew.

"Hindi na. Okay na ko. Commute nalang ako." Sagot nito.

"I insist." Sambit ni Alex. "Hindi. Huwag na." Sagot naman ni Andrew. Hindi na nakipagtalo itong si Alex kay Andrew at baka mapunta na naman sa hindi maganda ang mood niya.

"Sure ka?" Last na tanong ni Alex. Tumungo nalang itong si Andrew.

"Ubusin mo muna yang Frappe mo tapos Let's call it a day." Ang sambit nitong si Alex sabay nguso sa hindi pa nangangalahating Caramel Frappe Grande nitong si Andrew.

"Kaya ko nga tinitipid para maidisplay ko sa mga tao sa Bus at sa Jeep." Pilyong ngiti nitong si Andrew na halatang-halatang Guilty sa kaniyang plano.

"Kinayaman mo na yung ganon?!" Ang natatawang sambit ni Alex habang tumayo na ito at sumunod naman itong si 'Nakapulot' sa kaniya.

"Ang Cute-Cute mo!" Sarkastikong sinabi ni Andrew kay Alex.

"Hindi! Ikaw ang Cute." Ang pabirong sinabi naman nitong si Alex at nakikiRide na sa kakulitan nitong si Andrew. Kahit Emo silang dalawa kagabi at kaninang umaga'y nagEnjoy sila sa Company ng bawat isa nang gumala sila na ginawang isa pang Reason na ikoConsider ni Alex sa pagdeDecide niya.

"Sinabi mo yan ha! Thank you." Ang pang-iinis na sinabi ni Andrew kay Alex sabay akbay dito habang papunta silang dalawa sa kotse nitong si Alex. Nangingiti-ngiti lang lang itong si Alex dahil suko talaga siya dito kay Andrew.

"Ihahatid na kita sa Kotse mo't baka sabihan mo akong hindi ako Gentleman." Ang sabi nitong si Andrew na ikinakilig naman nitong si Alex.

"Tapos Cool Off na tayo ha?" Ang dagdag pa nito kay Alex. Huminto itong si Alex sa paglakad dahil nawala sa kaniyang isip ang pina-usapan nila nitong si Andrew.

"Ang Cute mo talaga. Promise." Ang naiiritang sambit nitong si Alex sabay kurot sa pisngi nitong si Andrew na ikinabura naman ng kaniyang napakapilyong ngisi. Hinihimas-himas ni Andrew ang kaniyang namumulang pisngi habang nakatingin sa papaalis na kotse nitong si Alex.

Matapos kasing kurutin ng napakaSakit ni Alex itong si Andrew sa pisngi'y mabilis na sumakay sa kotse niya itong si Alex at kaagad na pinatakbo ito. Hindi na nakuhang magpaalam itong si Andrew kay Alex pero satisfied naman itong si 'Nakapulot' na naasar na naman niya itong si Alex. Ganoon ang way ng paglalambin talaga ni Andrew. Sobrang mahal niya itong si Alex kaya naman sobrang sutil di niya dito. Ang hindi alam nitong si 'Nakapulot' ay talagang seseryosohin nitong si Doc ang kaniyang gagawing Decision making para sa kanilang dalawa. Parang bata itong si 'Nakapulot' na umaasang gagawin ni Alex ang tama.



***********************Sunday  to Thursday**********************



Ginawang busy ni Alex ang kaniyang sarili sa kaniyang trabaho upang subukan niya ang sinasabing Proposal sa kaniya nitong si Andrew. Nagpadagdag siya ng mga Schedule sa Clinic at Hospital at dinagdagan din niya ang Day and Time niya sa pagwoWorkOut para lang huwag mabakante ang kaniyang isipan at para na din hindi niya maisip itng si Andrew.

Sinabi din niya kina Dexter at Michael ang napag-usapan nila ni Andrew kaya naman iniwasan na din ng kaniyang Ex at ng BestFriend niya na mapag-usapan itong si Andrew. Hind na rin sila nagpumilit pa sa pagsaSuggest kay Alex na iContinue ang Relationship niya kay Andrew at tiwala naman sila dito sa kaibigan nila na He will make the right decision.

From Monday to Thursday ay laging umuuwi itong si Alex sa kaniyang Condo na very late na kaya naman magshoShower nalang ito at matutulog nalang. Hindi siya nagbukas ng FB para hindi niya makita itong DP ni Andrew.

Hindi rin namparamdam itong si Andrew kay Alex at talaga din namang nagSacrifice ito na huwag mangulit kay Doc. Kahit text message ay hindi ito nagpadala since wala din namang text message sa kaniya itong si Doc. Hindi na din nagpadespidida pa itong si Andrew. Naging seryoso sa kanilang Cool off sina Doc and 'Nakapulot'.





********************Thursday 10:30pm*********************



Nakahiga lang si Alex sa kaniyang bed at nagmumuni-muni at nasa kalagitnaan ng kaniyang Decission making kung pupuntahan ba niya si Andrew sa Airport or Hindi. Nasanay na siya sa kanilang Cool-Off week na wala ang presence ni Andrew sa kaniya pero para bang may kung anong kulang sa kaniyan buhay. Hindi niya ito namiMiss pero para talagang may kulang at hindi interesting ang kaniyang buhay. Although busy siya pero hindi siya naging enjoy sa kaniyang previous days na walang paramdam itong si Andrew sa kaniya.

Nandyaan ang kaniyang mga Staff sa Clinics and Hospitals, Sina Michael and Dexter at ang iba pa niyang mga friends pero walang pumapantay sa mga ito kay 'Nakapulot'. "Iba talaga si Andrew." Ang nasambit na naman nitong si Alex. Nagsabi siya sa kaniyang mga Secretary na hindi muna siya papasok bukas at kakailanganin talaga niya ang buong Friday just in case na pumalpak o maging victorious ang kaniyang gagawing decision.

Ipinikit ni Doc ang kaniyang mga mata at napag-isipang matulog nalang dahil wala pa siyang decision kung pupunta sa Airport or not. Nagbabakasakali siya na baka bukas maging malinaw na ang kaniyang isip para magDecide. Nagbuntong hininga itong si Alex at talaga namang ang pakiramdam nito'y may kulang na isang napakalaking bahagi ng kaniyang buhay. Alam niyang si Andrew ito pero hindi siya pupuwedeng magpadala sa kaniyang Emotions lamang. Kailangang gamitin niya ang kaniyang IQ din para sa kanilang Future ni Andrew. Hindi naman kabigat ang pagdedecide niya kung itutuloy ang kanilang Long Distance Relationship nila ni Andrew pero para bang isa itong life and death situation para sa kaniya.

Habang mahimbing na natutulog na si Alex ay siya namang pag-iyak nitong si Andrew sa kaniyang kuwarto habang nakahiga. Walang nagawa ang kaniyang huling pakikipagLaro ng matinding Basketball sa mga kapitbahay at barkada niya sa kanilang Baranggay na umabot ng mahigit isang oras at pagdating niya'y si Alex pa din ang nasa sa isipan niya. Kahit ng nasa kalagitnaan sila ng Game ay pumapasok pa din sa isipan niya itong si Alex.

Takot na takot na kinakabahan itong pasaway na si 'Nakapulot' at baka hindi pumunta itong si Alex sa Airport. Bothered siya the whole Cool-Off week nila at talaga namang Miss na Miss niya itong si Alex at ayaw naman niyang sabiing ituloy nalang nila ang kanilang Relationship kahit nasa Canada na siya.

Masayang-masaya talaga itong si Andrew kay Alex. Mahal na mahal niya ito kaya naman kahit na gusto niyang ituloy ang pagiging sila ay nagparaya siya na ang magdeDecision ay ito ngang si Alex. Ayaw niyang pilitin itong si Alex sa isang full of Sacrifices na Relationship.

Ipinikit nalang din ni Andrew ang kaniyang mga mata't nakatulog na din ito habang nagdadasal na sana'y pumunta itong si Alex bukas sa Airport.





**********************Friday 4:00am (3 Hrs before ng Flight ni Andrew)*******************





Naalimpungatan itong si Alex at tumayo nalang from his Bed at pumunta sa kaniyang Drawer upang kunin ang bagay na nawala na sa kaniyang isipan noong nakilala niya itong si Andrew. Kinuha niya itong iPhone mula sa Drawer at pati na din ang charger. Kinargahan niya ito at binuksan niya ang kaniyang Laptop para tignan niya ang kaniyang FB.

Laking gulat nitong si Alex nang makita niyang wala nang nakalagay sa kaniyang Status na In A Relationship. Tinignan niya ang kaniyang Friendlist pero hindi niya nakita ang DP ni 'Ako Si Doraemon'. Dahil hindi nga nagbukas itong si Alex ng FB ay hindi niya nakita ang Status ni 'Ako Si Doraemon' na ang nakalagay 'I will be deleting this Account and will create a new one when i'm in Canada :)'

Parang bumuos ang lungkot nitong si Alex nang hindi niya makita sa FB kung may bagong acount nga itong si Andrew at napaka imposible namang makita niya ito kung Dummy Account na naman ang gagawin nito.

Napabugtong hininga itong si Alex.

"Cool ka lang." Sambit nitong si Alex sa sarili. Gusto niyang makapagdecide na relax ang kaniyang isipan dahil 50/50 ang weight ng kaniyang pagpipilian kung pupunta ba siya o hindi sa Airport.

Binalikan ni Alex ang nakasaksak na iPhone niya at binuksan niya ito. That is the first time na maiInspect niya ang matagal na niyang biniling iPhone. Tinignan niya ang lahat ng features nito at nang pumunta siya sa gallery images ay mayroon isang nakaSave na photo. Binuksan niya iyon at nang makita niya kung anong image ang nakalagay doon ay bigla siyang napangiti nng abot tenga. Naging malinaw na sa kaniya ang kaniyang gagawin niyang Decision. Naging 100/0 ang ratio nito.

Maaga pa naman kaya nahiga muli itong si Alex sa kaniyang Bed na magaan ang loob at masayang-masaya. Pupuntahan niya sa Airport si Andrew. Ipapagpatuloy nila ang kanilang relationship kahit Long Distance pa ito.

"No Matter What!" Ang nasambit nitong si Alex nang ipinikit niya ang kaniyang mga mata at ang laman ng kaniyang isip ay ang Wacky Face nitong si Andrew sa kaniyang iPhone. Nakuhang magPicture kasi itong si Andew noong napulot niya itong iPhone ni Alex sa Bus.





****************************Friday 6:00am************************





"Fuck!" Ang nasambit bigla nitong si Alex nang magising. Hndi niya namalayang nakatulog pala siya noong ninanamnam niya ang Wacky Face ni Andrew sa kaniyang isip at sa kaniyang pagkaOverwhelmed na din sa kaniyang naging Decision.

Nagmamadali itong si Alex na magbihis at pumunta sa parking Area ng Condo. Kaagad niyang pinaandar ang kaniyang kotse't pinaharurot papuntang Airport.

"Fuck! Fuck! Fuck!" Ang sinasambit nitong si Alex sa sarili everytime na may mild traffic at lalong -lalo na nang nahimasmasan siya ng 'Subscriber cannot be reached' ang kaniyang narinig ng tawagan niya ang phone nitong si Andrew.

"Please." Ang nagmamakaawang sambit ni Alex sa kaniyang sarili. Umaasa siyang maDelayed ang flight nitong si Andrew. Maliit din ang chances niyang makita ng mabilis itong sina Andrew dahil sa dami din ng mga tao sa Airport.

"Hutakte!" Ang sinambit nalang nitong si Alex nang naipit siya sa isng matinding traffic. Tinignan niya ang time sa kaniyang phone at tumulo ang kaniyang luha nang makita niyang 7:15am na. Pupunta pa rin siya sa Airport at magbabakasakali pa din kahit alam niyang it's too late.



*********************8:30am*******************



Nakalugmok sa upuan sa loob ng kanyang sasakyan itong si Alex habang tahimik na umiiyak dahil nang nagtanong siya sa mga Employee sa Airport ay sinabihan siya ng mga ito na On-Time na nagTake-Off ang Flight na nakaEnroute destined for Canada at kaisa-isang Flight lang iyon for that day kaya naman bumalik siya sa kaniyang Kotse.

Umaasa siyang pagdating ni Andrew sa Canada ay iPM siya sa kaniyang FB pero naglalaro sa kaniyang isipa'y baka akalain nitong si 'Nakapulot' na ayaw na niyang magpatuloy pa sila sa kanilang Relationship. Lalong naiyak itong si Alex dahil nawala ang kaisa-isang taong pasaway na sutil sa buong mundo na kumukumpleto't nagpapasaya sa kaniyang buhay.

"Andrew." Ang talunang nasambit ni Alex sa sarili sabay tunog ng kaniyang Phone. Matamlay niya itong sinagot nang makita niyang sa Manila Doctor's Hospital ang number.

"Doc Alex! We need you at may pasaway na pasyenteng naAppendicitis dito sa ER. Hindi daw siya magpapaAppendectonomy hangga't wala po daw kayo!" NagpaPanic na sinabi ng babae sa kabilang linya.

"Sige Punta na ako diyan." Ang mabilis na sinabi ni Alex sa babae sabay ng pag End niya sa Call. Mabilis at malakas ang pagkabog ng puso nitong si Alex nang iniStart niya ang kaniyang sasakyan at kaagad itong pinatakbo upang tunguhin na ang Manila Doctors. Kung makakalipad lang sana siya'y kaniya itong gagawin upang mapuntahan kaagad niya ang pasaway na pasyenteng sinasabi ng kaniyang nakausap na babae sa Phone.






To Be Continued

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails