na dati kong pinapasokan ay lalo namang nagiging matindi ang kabang nararamdaman ko sa dibdib. Mejo malayo ang parking space dahil nasa sulok ito ng campus.
CHRIS: "Landz?? antahimik mo ata.. tsaka you look so nervous.. grabeh na naman pawis mo bro" sabay dukot ng panyo sa bulsa niya at pinunas ang pawis sa noo at mukha ko.
AKO: "First time ko kasi sa contest na ganito tol.... naku nadumihan pa ata panyo mo tol pinampunas mo kasi sa pawis ko..sorry ah" bitiw naman ng medyo nahihiyang ngiti
CHRIS: "ok lang yan bro... think positive mananalo din tayo..tsaka wag mo na isipin tong panyo ko... mas bumango pa nga eh" sabay amoy sa panyo niya..wahehe
AKO: "hehehe bumaho kamu.. mabaho ako eh"
CHRIS: " Paamoy nga(sabay dikit ng mukha niya sa leeg ko).. hmmmmm bango namana ah..hehehe"
Ramdam ko ang mainit na hininga ni chris sa leeg ko, di ko man aminin ay kinilig ao sa eksena naming iyon lalo pa nung maamoy ko ang napaka bango at mainit niyang hininga.
Mejo napaiwas ako ng kunti sa dahilang nasa leeg din ang kiliti ko.
AKO: "ah eh.. tol, wahehehe mejo nakikiliti ako" sabay ng nahihiyang gesture
CHRIS: "hehehe huli!! alam ko na kiliti mo ngayon.. yari ka sakin bro" tawa naman siya ng malakas
Ako naman ay natahimik sa nadinig ko na yari ako...wahehehe anu kaya gagawin niya?..
CHRIS: "bro? natahimik kna naman... wag ka kabahan please?.. promise dito lang ako sa tabi mo buong araw" sabay akbay na mejo payakap ng kunti.
AKO: "salamat tol ah" (kilig)
DRIVER: " Maam nandito na po tayo"
TEACHER: "Cge bumaba na tayo students.. Chris at Lando since nasa likuran kayo ng Van, paabot naman yung grocery bags jan... snacks niyo yan para mamaya. yung lunch niyo ay ipapadeliver nalang daw, sponsored ng mama ni Lando"
AKO: "Si naynay po maam?"
TEACHER: "Yes Lando you heard it right.. si mama mo"
AKO: "haaay naku si naynay talaga kahit kelan..." bulong ko sa sarili ko.
Sa harap ng school van namin ay kumpulan agad ang mga estudyanteng babae at pilit na nagpapapansin. Pakiramdam ko tuloy mga artista kaming inaabangan. Nun ko lang nalaman na ganun pala pag nag-aral ka sa di pangkaraniwang school.
Unang bumaba ay sila Manny at dalawa pa naming kasama sa contest. Halatang kilig na kilig ang mga malalanding haliparot habang nakatingin, kulang nalang ay magtiliian sa kinatatayuan nila. Sunod na bumaba ay si Chris at ganun din ang reaction ng mga haliparot. Nagulat naman ako pagkababa ko dahil hindi ko napansin na nasa kumpulan pala ng malalandi si Kikay na animoy nakalimutan na ang ginawa kong kasalanan sa kanya.
Kikay: "Lando!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ayyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!... " sabay takbo palapit sakin.
AKO: "ah eh..hehehe.. kikay, kumusta kana?..nga pala si chris, manny, jerry at ronnie mga kasama ko sa school"
KIKAY: "Hi!!!.. haaay Lando anlaki ng pinagbago mo... sabay kapit ng mahigpit sa braso ko at sabay sandal na ulo niya sa balikat ko.
AKO: "kikay naman nakakahiya oh" mejo nahihiya kong saway..
KIKAY: "Hooy!!! mga klasmyts.. si Lando, dito siya nagaaral dati... section MAHOGANY siya dito dati."
Nahiya ako sa pageeskandalong iyon ni Kikay..(wahehehe).. Nadinig ko din mula sa kumpulan na sinasabi nilang (ah yan yung pinsan ata ni brent , di ba nung first year tayo?)... (ang gwapo na niya ngayon)... (Ba't kaya siya lumipat)..
Kinabahan ako ulit nung madinig ko ang pangalang BRENT... Naalala kong di impossibleng magkita kami ni Bugoy ngaton. Mejo may kunting excitement din sa dibdib ko kung anu na itsura niyia ngayon.
Nagsimula na kaming lumakad papunta sa activity Hall ng school at si Kikay naman ay tumayong body guard namin..wahehehe. Bawat nakakasalubong kong mga dating kaklase at kaibigan sa school ay di makapaniwalang ako ito na nakikita nila ngayon. Kung di lang sa pagka madaldal ni kikay ay iisipin nilang kamukha lang ako ng kaklase nilang si Lando.. Gusgusin nga naman pala ako dati dahil sa kalikutan ko at kung san san ako nagsususuot.
Napansin ni Chris na mejo namumutla ako. Kaya inabot niya ang kamay ko at hinawakan niya iyon at pinisil.
CHRIS: "bro...wagkang kabahan.. dito lang ako" bulong niya sakin.
AKO: "salamat tol..." sabay bitiw ng malalim na hininga
KIKAY: "Lando? siya na ba bago mong bestprend? panu si Bu...."
Bago pa niya masabi ang pangalan ni Bugoy ay natakpan ko na ng kamay ko ang bibig niya. May kung anung pakiramdam kasi sa dibdib ko ang nagsasabing hindi dapat madinig ni crist ang pangalang iyon.
CHRIS: "hey? anu ginagawa niyo?" mejo natatawa niyang tanong
AKO: "ah eh, anu kasi... may anu...may dumi sa bibig ni kikay, pinunas ko lang (sabay punas ng bunganga niya). ambaboy mo kikay di mo man lng napansin yang dumi" pagpapalusot ko.
CHRIS: "ang sweet niyo naman"
To may surprise nung biglang hawakan ulit ni chris ang kamay ko at hinila niya ko sa direction niya.
CHRIS: "tara na kasi" mejo naiirita niyang sabi na hindi pansin ang mararamdaman ng clueless namang si kikay.. kaya di rin siya maiinsulto sa ginawa ni chris..wahehehe
AKO: "ah ok cge tol.." sabay bawi ng kamay ko
Pero kinuha ulit nichris ang kamay ko at hinawakan ng mas mahigpit.
CHRIS: "Dito ka lng sa tabi ko please"
Wala akong clue that time kung bakit ako natutuwa sa gesture ni Chris. Kilig to the balls na naman. hehe
Narating na namin ang Activity hall at inabutan namin doon ang iba pang mga students mula sa ibang school. Ang iba ay nag ttraining padin kahit last minute na. Kaya iyon din ang ginawa ng team namin.
Partner kami ni Chris na nag insayo..........
Nasa kalagitnaan kami ng pagpapractice when someone called may name softly. Pag lingon ko.. It was jessa..
AKO: "ah jessa... hello... kumusta kana?"
Jessa: "I'm fine.. grabeh anlaki ng pinagbago mo, kasali kapa sa contest na to... alam ko talaga dati pa na matalino ka lando.
Natouch naman ako sa sinabing iyon ni Jessa. Sa kabila ng kunting inis ko sa kanya ay ganun pa talaga siya kabait sa akin.
Jessa: "wait lando ah..tatawagin ko siya.. kasali din siya sa contest.." sabay ngiti
Biglang tumgaktak ang buo buo kong pawis dahil alam kong si bugoy ang tinutukoy niyang "siya"..
Pagkaraan ng ilang minuto ay tinawag ulit ako ni Jessa at ng lingunin ko ay kasama na niya si Bugoy.. Nasaktan naman ako dahil sa magkahawak ang kamay nila.. tanda na matatag padin ang relasyon nila.
AKO: "ah......(mejo natulala ng kunti).. Hi.. kumusta na?"
Halatang halata naman sa mukha ni Bugoy ang pagkagulat at pagkamangha sa nakita niya.
BUGOY: "hello...ma.....mabuti naman ako" pansamatala ay natigil siya at sa tingin ko ay kumuha muna ng bwelo bago nagbitiw ng ngiti at niyakap ako.
BUGOY: "grabe laki ng pinagbago mo" sabay bitiw na ng napakatamis na ngiting nakakapanghina ng tuhod.
CHRIS: "aheemmm..aheeemm"
AKO : "ah nga pala Jessa, Brent.. si Chris nga pala classmate ko at school president namin"
Bugoy &Jessa: "Hi"
CHRIS: "Hi, nice to meet you both..(sabay ngiti).. cge ah practice muna kami..hehe "
BIgla naman akong hinawakan ni Chris at hinila patalikod. Napalingon naman ako kayna Bugoy at nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Bugoy. Masama ang tapon ng tingin niya kay Chris dahil sa ginawa nitong paghila sa akin. Dati din kasi ayaw ni Bugoy na may ibang taong humahawak o umaakbay sa akin, siya lng.
CHRIS: "Ba't ka niya niyakap bro? "
AKO: "ah eh sabik lng siguro.. kababata ko kasi si Bugoy, matagal na din kasi kami di nagkikita"
CHRIS: "ah ganun ba..." biglang nagliwanag naman ang mukha ni Chris, animoy nabunutan ng tinik sa dibdib.
12:00 Noon... (lunch break)
Nagulat ako ng makita ko ang isang babae sa mesang nakahanda para sa school namin. Isang babaeng iisa ang kulay ng suot, mula shades, hanggang blouse, skirt, sandals, pamaypay at payong. Oo tama ang iniisip niyo...wahehehe si Naynay nga ang babaeng iyon. Pink na pInk si naynay.
AKO: "naynay bakit po kayo nandito?"
NAYNAY: "of course may baby.. ako bumili ng lunch ninyo, look baby sa mga foood, lahat pang mayaman like us.. di gaya ng iba" sabay tapon ng nagtataray na tingin sa kabilang table.
Di ko alam kung matatawa ako o matataranta ng makita ko ang Dilaw na dilaw na babae sa kabilang table. Opa at tama na naman ang iniisip niyo. Si Tita Minda ay nandun din para sa Bunso niyang si Bugoy.
TITA MINDA: "Hooooooy!!!!!!!! kung sino ka man jan na natatingin sa akin.. pang mayaman din ang foods ko, nalalason ang anak ko pag cheap foods ang pinapakain sa kanya, kaya bumili ako ng madami para nadin sa mga klasmyt niya.. Tutal naman I'm rich.. " Sabay expose ulit sa singsing at necklase niyang mamahalin
NANAY: "Mumurahin kumpara dito (mejo tumingala para makita ang kwentas niya at nilagay ang isang kamay sa may pisngi para makita din ang sing-sing niya). nakaka inggit talaga ako." sabay tawang pang kontrabida
TITA MINDA: "haay naku anak, baby brent kumain na kayo ng rich foods(wahehe rich foods daw) at madami pa tayo niyan" Linga linga naman ng ulo niya para mapansin ang Hikaw niyang bago na kumikinang kinang, at tumingin sa naynay ko ng nakangiting nang-iinggit
NAYNAY: "my lovable baby Lance, hali na kayo at baka lumamig ang pagkain niyo.. sabagay ok lng iyon at papapalitan nalang natin agad" sabay hawi ng buhok niya to exposed her expensive EARINGS, at nagtapon din ng tingin kay tita minda.
Sa puntong iyon ay parehas kami ng nararamdaman ni Bugoy.hehehe Pero wala kaming magawa para awatin ang mga dakilang ina namin.
HIndi ata napansin ni naynay at Tita minda na parehas ang tabas ng blouse at skirt nila, naiba lang ang kulay..hehehe
AKO: "Chris, pasensya na ah? promise tol normal lang ang mga nakita mo" pabulong kong pagpapaliwanag.
CHRIS: "ok lng bro" sabay pisil sa ilong ko
Para naman akong sinaksak ng kung anu sa likod kaya napalingon ako. Ayun at nakita ko ang napakatalas na tingin ni Bugoy sa akin.
Nakakatawa man pero nangilabot ako sa tingin niyang iyon, parang naiimagine ko ang nasa isip ni bugoy, nakahubad at nakagapos ako habang nilalatigo niya.
Napalunok ako ng matindi sa naimagine kong iyon.
CHRIS: "hey? ba't ka namutla?"
AKO: "ah eh wala naman"
Pinagpatuloy namin ang pagkain ng tanghalian, 1 pm ay mag uumpisa na ang contest kaya mejo kabado narin ako. Naisipan kong lingunin ulit si Bugoy at nakita ko kung panu siya asikasuhin ni Jessa. Para namang natutunaw ang puso ko sa mga eksenang iyon. Dati dati kami ni Bugoy ay magkasamang kumakain. Lalong kumirot pa ang dibdib ko nung nginitia ni Bugoy si jessa at pinunasan ang labi ng tissue.
AKO: "haaaay kelan ba ako di masasaktan sa pinag gagagawa nila" sa isip ko.
NAYNAY: "my lovable baby ba't kunti lng kinakain mo?, something right?"
AKO: "nay something WRONG po"
NAYNAY: "hay baby ganun nadin yun parehas namang may SOMETHING eh" sabay halik sa noo ko.
AKO: "naynay naman eh"
NANAY: "oh...kinahihiya ako ng baby ko.." sabay dukot ng pink na panyo
AKO: " tama na naynay.. ok na po.. cge umiyak kayo at di ako kakain" pagbabanta ko wahehehe
NAYNAY: "cge baby di na ko iiyak.. kain kana, look at Chrizzy, kumakain siya oh"
AKO: "naynay Chris po"
NAYNAY: "oh i'm sorry.. you know I'm just nerbiyos for the contest this One oclock pm in the efternoon"
AKO: "nay 1PM lng ok na yun.. naynay kakain po muna ako, wag po muna kayo magsasalita naynay ko please" mangiyak-ngiyak kong paki usap. hehehe
Napasarap naman ulit ang kain ko dahil ata sa gutom na inabot ko sa kahihiyan sa naynay ko na mahal ko naman.
1 PM.............
Nagsimual na ang contest at mejo nabawasan ang kaba ko. Nung ako na ang sasalang para makaharap ang isang kalabang student ay tumingin muna ako kay chris at nakita ko ang pag-aalala ka mukha niya. Kaya para pawiin iyon ay kinidatan ko siya para ipaalam sa kanya na ok lng ako. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya a ginawa kong iyon at kumindat siya pabalik. (kilig)
Nagsimula na nag contest at isa isa kaming lumaban. Ayun nga at umabot ako sa semi-finals pero nalaglag din nung nakaharap ko ang isang sobrang talinong babae mula sa kabilang school. Di naman ako nalungkot kasi alam kong ok na ok na iyon para sa isang baguhan na tulad ko.
Naging matindi ang labanan at bumabanat talaga si Chris. Natalo niya ang babaeng nagpataob sa akin. Sa Final one on one round ay gumulo talaga ang isip at damdamin ko dahil magkaharap ngayon sa table si BUGOY at CHRIS.. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.......................