Followers

Saturday, September 29, 2018

YUNIMINI

YUNIMINI
By Michael Juha


Prologue:

May tradisyon ang kaharian ng mga engkanto sa lugar na iyon. Isang tradisyon na sinusunod nila ilang siglo na ang nakaraan. Ang tradisyon na ito ay nagsimula sa mga kanunu-nunuan ng mga engkanto. Ito ay ang pagiging marespeto nila sa mga mortal na nanirahan sa paligid ng yungib na isang aharian ng mga engkanto na. Noong unang panahon ang ang kaharian nilang iyon ay nilusob ng mga kaaway. Napatay nila ang hari at ang kanilang reyna kasama ang sanggol na anak ay tumakas at sumanib sa mga taong mortal. Sila ay kinanlong at binabantayan ng isang pamilya ng albularyo. Nakaligtas ang reyna at ang kanynag munting prinsipe. Nang lumaki na ang prinsipe, naghiganti siya sa mga pumatay sa kanyang aman hari at at nabawi niy ang kanilang kaharian, ang yungib na pinaligiran ng mga tao sa maliit na pook na iyon. Dahil sa pagtanggol ng mga mortal sa kanilang reyna at prinsipe, naging magkaibigan ang mga engkanto at mortal sa panahon na iyon. At hanggang sa kasalukuyan ay nanatili ang magandang pakikitungon ng mga engkanto sa mga mortal bagamat hindi ni nila nakikita ang mga ito. Hindi nila pinapakialaman ang mga tao, bagkus ay tinutulungan nila ito sa panahong ng pangangailangan kagaya ng kapag dumating ang bagyo, o tagtuyot, o baha.

Subalit, sa bagong henerasyon ng mga engkanto, isang prinsipe ang tila nakalimot sa tradisyon nilang ito. Isang araw, habang nagkayayaan ang isang football team na pasukin ang yungib na kaharian ng mga engkanto, pinaglaruan sila ng isang prinsipe. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang ma-trap sa baha ang buong team. Wala nama siyang intensyon na patayin ang mga mortal. Gusto lang niyang tingnan kung paano sila matakot, kung ano ang kanilang magiging reaksyon.

Subalit ang hindi alam ng prinsipe, may isang masamang engkantada mula sa ibang kaharaian na galit sa prinsipe dahil hindi niya pinansin ang pagmamahal nito. Si Ganida. Lihim na pinatas pa niya ang tubig at nang naghanap ang coach nang mga lagusan na maaari nilang daanan palabas, sinadya niyang lunurin ito.

Nagalit ang amang hari ng prinsipe sa pag-aakalang siya ang dahilan sa pagkamatay ng coach. Dahil sa pagmamakaawa ng prinsipe na patawarin siya, binigyan siya ng pagsubok ng hari. Babalik siya isang taon sa nakaraan at doon ay tulungan niya ang coach sa kanyang pinakamahirap na suliranin sa buhay. Hahanapin niya kung ano ito at resolbahin sa loob ng isang buwan. Kung magtagumpay siya, mabubuhay ang coach sa yungib, sa eksaktong tiyempo na masagip sila ng mga divers. Ngunit may babala ang hari. “Una, wala kang kapangyarihan habang gingagampanan mo ang pagsubok. Pangalawa, huwag umibig sa isang mortal kung gusto mong makababalik pa sa kaharian ng mga engkanto. Ang pag-ibig ng taga-lupa ay puno ng panlilinlang bagamat kung tunay ay may kapangyarihang kayang sumalungat sa kahit anong kapangyarihan. Kapag nagtagumpay ka sa pagsubok na ito, hindi mo na mako-contact pa ang kahit sino sa mga batang pinaglalaruan mo sa yungib, kasama na ang coach.”

Nalaman ni Ganida ang misyon na ito. At dahil galit siya sa prinsipe, hahadlangan niya ang prinsipe upang hindi ito magtagumpay.


*****

“Iyke, kung ayaw mong makipagbalikan sa akin humanda ka sa kayang kong gawin sa iyo! Magkakamatayan tayo! Tandaan mo iyan!” ang bulyaw ni Hilda.

Nagja-jogging si Iyke noon nang makasalubong niya ang dating karelasyon na nagkataong nang-jogging din. “Pagkatapos mo akong pagtaksilan? Pagkatapos kang ibasura ng lalaking ipinagpalit mo sa akin? Hindi mo ba naisip na isa ka sa dahilan kung bakit ako pumasok ng monasteryo? Dahil ginawa mong kataksilan! At ngayon na lumabas ako ay gusto mong makipagbalikan? Sorry! Hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako nagbalik! Hindi na kita mahal! Ipasok mo iyan sa kukote mo!” ang bulyaw ni Iyke.

“Ikaw ang unang nakakuha sa aking pagkababae, Iyke. Ikaw!”

“Ako? Di ba ipinagyayabang mo na ang anak ng mayor ang nakadonselya sa iyo? Na pakakasalana ka niya? Na hindi lang siya guwapo, mayaman pa at masarap sa kama? ‘Di ba dahil sa kanya ay iniwan mo ako? Nasaan na siya ngayon?”

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Iyke dahilan upang mapahaplos ang binata sa kanyang mukha. Nagngangalit ang bagang ni Iyke sa galit. Ngunit ayaw niyang patulan ang dalaga.

“Bibigyan kita ng pagkataong magbago pa ang isip, Iyke. Ngunit kung hanggang matapos ang linggo na ito at patuloy mo akong itatakwil, humanda ka sa gagawin ko. Siguradong hindi ka matutuwa. Isa sa atin ang mamatay!”

Iyon ang mainit na argumento nina Iyke at nang kanyang dating nobya. “Bad trip! Umagang-umaga ay ang babaeng iyon pa ang una kong nakausap!” Ang pagmamaktol niya habang ipinagpatuloy ang pagja-jogging. At imbes na may natirang 30 minutos pa sana siya upang ipagpatuloy ang kanyagn pagja-jogging, biglang nagbago ang kanyang isip. Bumalik siya ng bahay.

Nasa ganoon siyang pagkadismaya habang nagja-jogging pauwi nang mapansin niya ang isang grupo ng mga tambay na nasa gilid lang ng kalsada. May kinuyog sila at binubugbog. “Ibigay mo ang wallet mo kung ayaw mong may masamang mangyari sa iyo!” ang sigaw ng isa sa mga tambay.

“Wala nga akong wallet at pera, ano ba kayo! Wala naman akong ginawang masama sa inyo!” Ang sagot naman ng lalaking pinagtripan. Hindi kilala ni Iyke ang lalaki. Alam niynag dayo ito sa kanilang lugar. Maputi, makinis ang balat, may hitsura, at ang pananamit niya ay mistulang iyong suot ng mga lalaking Koreano noong unang panahon na napapanuod sa pelikula. Sa hitsura, tindig at porma nito ay alam niyang may dugong mayaman ang estranghero.

Nilapitan niya ang grupo. Dahil tagaroon lang naman ang mga tambay na iyon ay kilala nila siya. “Mga ‘Brad! Ibalato niyo na lang siya sa akin.” Ang sambit ni Iyke.

Narinig iyon ng lalaki at sa pag-aakalang kasama siya sa grupo, sinuntok niya ito sa mukha. Sapul ang mukha ni Iyke. Dahil nasampal na nga siya ni Hilda at dinagdagan pa ng suntok ng estranghero, mas lalo pang nag-init ang ulo niya. Pinaulanan ni Iyke ng suntok at sipa ang mga tambay. Lahat sila ay bumagsak sa kalsada. Kilala ng mga tambay na magaling sa martial arts si Iyke bunsod ng training na nakuha niya nang nasa loob ng monasteryo pa siya kaya hindi na sila nanlaban. Bagkus, isa-isa silang bumangon at nagsialisan.

Nang nakita ni Iyke ang lalaking nakatayo at tila natulala sa pagkakitang napatumba niya ang mga tambay, nilapitan ito ni Iyke. Tumatak pa sa utak ni Iyke ang pagsuntok ng lalaki sa kanya. At ang sunod na nangyari ay ang pagbitiw ni Iyke ng apat na power jabs sa mukha ng estranghero.

Bagsak ang estranghero. Habang nakahandusay sa semetong kalsada, hinaplos niya ang kanyang dumudugong  mukha. “Ba’t mo ako sinuntok!?” Ang bulyaw niya.

Tinitigan lang ni Iyke nang matulis ang lalaki atsaka tumalikod, muling nag-jogging pauwi sa kanila.

“Hoy, taga-lupa! Hintayin mo ako!” Ang sigaw ng prinsipe. Hindi niya namukhaan na iyon na pala ang coach na tutulungan niya.

Akmang susundan na sana ng prinsipe si Iyke nang may nakita siyang isang bagay sa ibabaw ng sementong kalsada.

“Kuwintas!” Sigaw ng isip ng prinsipe. Dinampot niya ito at inusisa. Isang stainless steel na may kasamang pendant na halatang pinasadya ang pagkagawa. Ang hugis ay sa isang taong putol ang katawan mula sa ulo. May nakaukit sa gitna nito na salitang, “AY”.

Dali-daling ipinasok niya ito sa kanyang bulsa at nagtatakbong hinabol si Iyke. “Hey, taga-lupa! Hintay!”

Huminto si Iyke at halata sa mukha ang pagkainis na hinarap ang prinsipe. “Bakit mo ba ako sinusundan?”

“Ah eh… A-ako pala si Prinsi… este, hehe, Yuni. Oo Yuni ang pangalan ko.”

“Wala akong pakialam sa pangalan mo. Ang tanong ko ay kung bakit mo ako sinusundan?” Ang giit na tanong ni Iyke na halata pa rin ang init ng ulo.

“Eh… w-wala kasi akong matutuluyan. Hindi ako tagarito at h-hindi ko rin alam kung paano bumalik sa lugar na p-pinanggalingan ko.”

“Pumunta ka sa presinto ng pulis. Sila ang makakatulong sa iyo. Hindi ako ang puntahan ng mga nawawalang tao. Hindi rin ako estasyon ng radyo upang manawagan ka. Hindi rin ako bahay ampunan upang ampunin ka.”

“P-pero ‘Brad…” ang tawag niya kay Iyke. Narinig kasi niyang tinawag na Brad ni Iyke ang mga tambay, “Maawa ka naman sa akin.”

“Kanina ay taga-lupa at ngayon ay brad na?” ang sarkastikong sagot ni Iyke sabay talikod at ipinagpatuloy ang pagja-jogging.

Ngunit makulit si Yuni. Binuntutan niya si Iyke. “Hoy Mortal! Naka-apat suntok ka sa akin! Isang suntok lang ako sa iyo! May utang na tatlong suntok pa ako sa iyo!”

Ngunit hindi siya nilingon ni Iyke. Nagpatuloy ito sa pagja-jogging. “Sa mga tambay mo iyan singilin!”

Sinundan na lang ni Yunie si Iyke hanggang nakarating ng bahay. Bago pumasok sa loob si Iyke ay nilingon pa niya si Yuni. Ngunit hindi na niya nakita ito.

Tinungo niya ang kusina upang maghanda na sana ng kanilang agahan. Ngunit nakita na niya ang kanyang Lola Greta sa kusina na kasalukuyang nagluluto. Imbes na ituloy pa niya ang balak niyang gawin, pinagmasdan na lang niya ang kanyang Lola. Uugod-ugod na ito, baluktot na ang katawan. Binitiwan na lang niya ang isang malalim na bungtong-hininga. Matindi ang kanyang paghanga at pagkaawa sa matanda.

Mula sa tagiliran ay niyakap niya ang kanyang lola. “Lola… Sana ay hinayaan mo na lang ako na siyang maghanda ng ating agahan. Kapag ganitong maaga pa, dapat ay natutulog pa kayo upang hindi kayo mapapagod. Abala na nga kayo sa mga alaga ninyong pananim na gulay at mga manok, kayo pa itong naghahanda ng ating agahan,” ang sambit ng coach.

“Itong bata na ito talaga. Di mo ba alam na kapag palaging nakahiga ang matandang katulad ko, mas lalo kaming manghihina? At hindi ako sanay na walang ginagawa. Parang magkakasakit ako kapag hindi gumagalaw ang aking katawan. At isa pa, malakas pa ako. Kaya ko pa. Kaya hayaan mo na ako. Hala sige pumasok ka na sa banyo at maligo. Nakahanda na rin ang tuwalya at damit mo.”

“Gusto mo na ba talagang bumalik sa monasteryo, apo?” ang tanong ni Lola Greta nang kumakain na sila ng agahan.

Hindi kaagad nakasagot si Iyke. Simpleng tanong lang ngunit mistulang nabilaukan siya sa tanong na iyon ng matanda. Alam ng lola niya kung bakit siya napilitang lumabas ng monasteryo; dahil sa kanya, upang alagaan siya. Simula noong nagkamalay si Iyke, ang Lola Greta na niya ang nag-alaga sa kanya, ang nagpalaki, ang nag-iisang pamilya niya. “Lola, alam niyo naman po na masaya ako na kasama ko kayo eh. Kahit naroon ako sa monasteryo kung ang palaging nasa isip ko ay kayo, mas mabuti pang nandito ako. Atsaka kahit saan naman po ako basta gagawa ako ng kabutihan ay iyan ang mahalaga, Lola, di po ba?”

“Oo naman. Ngunit paano kung isang araw ay mawawala ako? E, di mag-iisa ka na naman?”

Biglang lumungkot ang mukha ni Iyke. Yumuko na lang siya. Ayaw niya ng ganoong usapan. Nasasaktan at naiiyak siya. Kaya imbes na ituloy pa niya ang kanyang pagkain ay bigla niyang tinapos ito. Tumayo siya at nilapitan ang kanyang lola. Niyakap niya. “Hindi mangyari iyan, Lola. At hindi ako papayag na iiwan mo ako… Matagal na matagal pa tayong magsasama, lola ko, hanggang tatanda na rin ako.” Idinampi niya ang kanyang mga labi sa noo ng kanyang lola, “Aalis na ako Lola. Mali-late na po ako. Mag-ingat po kayo rito,” ang pagpapaalam niya sabay talikod. Ayaw niyang tatagal pa ang kanilang diskusyon tungkol sa iwanan. Mababaw ang luha niya kapag ang paglisan ng kanyang lola ang pinag-uusapan. Hindi niya kaya kapag nangyari ang kinatatakutan niyang iyon.

Mabigat ang kalooban ni Iyke habang nagmamadaling umangkas siya sa kanyang bisekleta.  

“Pssst!” Ang sutsot ni Yuni na tumakbo at sinundan ang nagbibisekletang si Iyke. Ngunit nang makita ni Iyke na si Yuni ang sumusutsot, lalong binilisan niya ang kanyang pagpadyak.

“Taga-lupa!”

Hindi pa rin siya pinansin ni Iyke.

“Braddddddddd!!!!” ang sigaw uli ni Yuni.

Doon na huminto si Iyke na kitang-kita sa mukha ang pagkainis. “Ano ba ang pakay mo sa akin! At huwag mo akong tawaging Brad! Hindi kita kapatid!” Ang bulyaw niya.

“Wala nga akong matuluyan, Brad, eh,” ang sambit ni Yuni.

Inis na bibitiwan na sana si Iyke ang kanyang bike upang kuwelyuhan si Yuni nang siya namang pagdating ng dalawang estudyanteng lalaki. “Good morning Coach Iyke!” ang pagbati nila.

“Good morning!” Ang nakangiting sagot ng coach.

Doon na tila may kumalembang na tinig sa kanyang tainga. “Siya pala si Coach Iyke?” Sa isip ng prinsipe.

“Opo mahal kong prinsipe. Siya ang coach na siya mo ring misyon.”

Gulat na napatingin ang prinsipe sa kanyang minion. Si Waganda, na biglang sumulpot at nagpakita sa prinsipe, nakatayo sa ibabaw ng manibela ng kanyang bisikleta.

“Ba’t ngayon ka lang? Di mo ba alam na nabugbog ako? Muntik na akong mamatay? Mas kailangan kita sa misyong ito dahil wala na akong kapangyarihan!”

“Pasensya na mahal na prinsipe, may masamang nangyari sa aking inay sa ating kaharian kaya natagalan ako. Pero okay rin iyang nabugbog ka para manamnam mo ang pakiramdam ng pagiging mortal.” Ang biro ni Waganda sabay din sa pagbawi, “Joke lang, my labs, Prinsipe Yuni.”

“Joke ka riyan. Kung ikaw kaya ang titirisin kong duwende ka! Akala mo ganyan lang kadali itong kalagayan ko? Kumusta naman ang inay mo? Okay na ba siya?”

“Hindi pa nga eh. Ewan. Bahala na. Basta susulpot-sulpot lang ako. Kapag nasa delikado kang kalagayan ay tawagin mo lang ako, okay ba?”

May kaunting pagkadismayang naramdaman ang prinsipe. Alam niya kung gaano ka-importante ang tulong ni Waganda sa misyon na iyon. Ngunit wala siyang magagawa. Nang muling ibinaling ang tingin niya kay coach, nakalayo na siya, kasama niyang nagbibisikleta ang dalawang estudyante.

“At oo nga pala. Napag-alaman ko na ang misyon mo ay may kinalaman sa nag-iisang pamilya ng coach.”

Nahinto sandali ang prinsipe at tiningnan si Waganda. “Salamat Waganda!” Sabay takbo at hinabol niya ang coach ang mga estudyante niya hanggang sa nakarating sila sa kanilang paaralan.

Sa buong araw na iyong ay inistalk ni Yuni ang Coach. Doon niya nadiskubre ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya, sa kanyang paaralan, sa kanyang mga estudyante at sa mga miyembro ng football team na nakasama niyang na-trap sa yungib.

“Brad, sa inyo na ako tutuloy, please…” ang muling pangungulit ng prinsipe kay coach nang naabutan niya ito habang nagbibisekleta pauwi ng bahay .

Sa inis ay huminto si coach. “Alam mo, ang kulit mo talaga, ano? Hindi ka puwedeng sa amin tumuloy dahil maliit lang ang bahay namin. Mahirap lang kami, marami akong problema at masakitin ang lola ko. Baka lalo lang siyang ma-stress sa iyo dahil sa kakulitan mo. Ayaw kong dagdagan pa ang problema namin.” Nahinto siya sandali, tinitigan ang prinsipe. “Alam kong anak-mayaman ka. Hindi ka nababagay na tumira sa aming dampa. Alam ko ring hindi ka kumakain ng kung anu-anong pagkain. Isa pa, hindi kita kilala. Malay ko ba kung masamang tao ka, o may masamang balak ka sa amin.”

“Brad! Nahold-up nga ako at dinala ng mga hold-upper sa lugar ninyo eh. Kaya wala akong pera, walang matutuluyan. At hindi ako pabigat, kumakain ako ng kahita ano, at lalo nang wala akong masamang balak sa inyo. Ni hindi nga kita kilala eh. Sige na brad, kahit dalawang linggo lang.” Ang pangungulit ng prinsipe.

Doon na tumaas ang boses ni Coach. “Sinabi nang hindi puwede eh! Ba’t ba ang kulit-kulit mo!  Kung hindi ka titigil sa kasusunod sa akin, masasaktan ka talaga!” Sabay angkas sa kanyang bisekleta upang umalis.

“Magsuntukan na lang tayo! Kung matatalo kita, sa inyo na ako titira!” ang matigas na hamon ng prinsipe.

Natawa si Coach at natawa, nilingon ang prinsipe. “Ikaw? Ni hindi mo nga kayang ipagtanggol ang sarili mo sa mga tambay? Patawa ka rin, ano?”

“Ang yabang mo naman! Naunahan lang nila ako! Atsaka ikaw, nag-iisa ka lang. Kaya kita. At may utang ka pang tatlong suntok mula sa akin!” Hinihipo-hipo ni Yunie ang kanyang kamao sa harap ni Coach, tinitigan pa ito, pahiwatig na atat na atat na siyang makipagsuntukan. “Gusto kong ngayon ko singilin ang tatlong suntok na iyon! Iyan ang tatlong libreng suntok na pambayad mo sa panuntok mo sa akin! Tingnan natin kung hindi ka makatulog!”

“Tutulungan kita!” ang bulong ni Waganda.

“Huwag! Kaya ko ang mortal na ito!” ang sagot ni Yuni.

“Ang yabang! Kala mo naman!” ang pabulong na pagdadabog ni Waganda at bigla itong naglaho.

“Ano kamo? Duwag?” ang mataas na boses ni ni Coach. Ang buong akala niya ay siya ang kinausap ni Yuni at ang “Huwag” na sinabi niya ay “Duwag” sa kanyang pagkarinig. “At mortal? Bakit imortal kaba?” dagdag ni Iyke.

Upang lalong mainis, sinakyan ni Yuni ang sinabi ng Coach. “Oo. Imortal ako. Invincible. At hindi mo ako kaya.”

Muling natawa si Iyke. “Sige nga… pagbigyan pa kita sa sinabi mong ng tatlong suntok na sinisingil mo, kahit lima pa. Tingnan natin kung imortal at invincible ka nga.” Bumaba uli siya mula sa kanyang bisekleta at hinarap ang prinsipe.

“Game! At kapag napatumba kita, sa inyo na ako tumira.”

“Sa panaginip mo!”

Nagsuntukan sila. Pinagbigyan ni coach si Yuni ng limang suntok. Natamaan ng tatlong beses ang mukha ni Coach bagamat inilagan ang pang-apat at panglima. Nanatiling nakatayo pa rin ito.

“May utang ka uli, dalawa! Umilag ka!”

“Puro ka utang!” At sa inis ni Coach pinaulanan ng suntok si Yunie. Bagsak ang prinsipe. Dumugo ang bibig niya. Pinagtawanan siya ni Coach. “Akala ko ba ay invincible ka?” ang pang-iinis ni coach.

“Madaya ka!”

“Simula ngayon, huwag mo na akong kulitin at huwag mo na akong sundan! Iyan ang usapan kaya sundin mo. Usapang-lalaki iyan!”

“Okay… hindi na kita kukulitin. Ngunit kapag natulungan ba kita sa isang bagay ay puwede na akong manatili sa inyo?”

“Hindi ako manghingi ng tulong sa iyo, ungas! Huwag kang managinip! Kaya mag-move on ka na!”

“Nahulaan kong may nawalang isang bagay na mahalaga sa iyo. Alam ko kung saan iyong matatagpuan.” Ang pahabol na salita ni Yuni nang nagsimula nang pumadyank si Iyke.

Biglang nahinto si Iyke. Nilingon niya si Yunie. “Walang nawalang bagay sa akin, okay! At kung mayroon man, hindi ako manghingi ng tulong sa iyo!” At dumiretso na siya sa pagbibisikleta at nakauwi.

Ngunit bago nakatulog ang coach sa gabing iyon ay hindi niya mahanap ang kuwintas niya. Kaya doon na siya nagsuspetsa na maaaring may kinalaman si Yuni sa pagkawala nito.

Kinabukasan, pagbukas na pagbukas ni Iyke sa kanilang pinto ay naroon na ang prinsipe sa harap nito. Nakangiting-aso, bagamat pansin sa mukha nito ang black eye at ang putok na labi. “Gusto mong hulaan ko kung ano ang nawala sa iyo?” ang tanong niya agad.

“Gusto mong dagdagan ko ang black eye mo, at iyang ang putok mo sa labi? Ninakaw mo ang kuwintas ko, ano?” ang galit na tanong ni Iyke.

“Hindi ah! Hindi ako ganyan, Brad.”

“Bakit sunod ka nang sunod sa akin at ngayon ay alam mo na nawala an gkuwintas ko? Ano ka, manghuhula? May magic?”

“Parang ganoon na nga.”

“Ang sabihin mo, magnanakaw ka!”

Sa inis din ng prinsipe na pinagbintangan siya na magnanakaw ay biglang tumalikod ito. “Okay, fine. Ako na nga itong gustong tumulong sa iyo, ako pa itong magnanakaw. Ganyan pala talaga kayong mga taga-lupa? Marumi ang isip? Mapanghusga? Hindi maintindihan!”

Dali-daling hinawakan ni Iyke ang kanyang kamay. “Sandali! Okay, hindi ka magnanakaw. At kung gusto mong umalis, okay lang din. Pero sabihin mo muna kung nasaan ang kuwintas.”

Muling humarap si Yuni kay Iyke. “Mag please ka muna. Iyong pa-cute.”

Medyo napikon man, pinagbigyan ito ni Iyke. Napakahalaga kasi para sa kanya ang kuwintas na iyon. “Ang dami namang arte, PLEASE?” ang padabog na sagot niya.

“Mabigat yata sa kalooban mo eh. Kaya huwag na.”

Natigilan si Iyke. Tinitigan niya ang prinsipe, hindi makapaniwala sa sobrang kakulitan nito. “Okay, heto na…” at ibinigay niya ang pinaka-cute niyang porma. Habang nakaharap siya sa prinsipe, hinawakan niya ang dalawang kamay nito, tinitigan siya na mistulang ang mga mata ay nakikipag-usap, ang mga kilay ay halos magkasalubong dagdagan pa sa pinaka-cute at pamatay niyang mukha na nagmamakaawa at mangiyak-ngiyak na binigkas ang, “Pleaseeee?” Ngunit sarkarstikong paporma lang ito.

Sa pagkakita ng prinsipe sa pormang iyon ni Iyke, para siyang nahipnotismo na nakatitig na lang. May nadarama siyang kakaibang pagkaaliw sa prinsipe.

“Hoy! Taong immortal!” ang biglang pagsingit ni Iyke, binitiwan ang mga kamay ng prinsipe. “Kung makatitig ka naman!”

Doon na tila nahimasmasan si Yuni at halos hindi makatingin kay Iyke sa hiya.

“Saan matatagpuan ang kuwintas ko?”

“Magpromise ka muna na sa inyo ako tutuloy kapag nahulaan ko kung saan matatagpuan ang kwintas!”

At dahil nakukulitan na ang coach kung kaya ay napilitan itong pumayag. “Okay. Sa amin ka na titira...”

Sinabi ng prinsipe ang lugar kung saan matatagpuan ang kuwintas at kung bakit napunta iyon doon. At dahil plinano niya na itago ito sa ilalim ng isang bato, siya rin lang ang nakakaalam kung paano ito mahahanap.

“Ano ka ba talaga?” ang tanong ni Iyke kay Yuni nang nasa kamay na niya ang kwintas. “Manggagantso? O may sa demonyo?”

“Sabihin na lang nating isa akong engkanto – isang napakaguwapong prinsipe ng mga engkanto na bumaba sa lupa upang tulungan ang isang taga-lupa na katulad mo.”

Natawa si Iyke, inismiran si Yunie. “Prinsipe talaga ng mga engkanto? Mukhang may sayad ka ah!”

“Bakit hindi ka ba naniniwala sa engkanto?”

Tinitigan ni Iyke ang prinsipe. “Iyang black eye mo? Iyang putok sa labi mo? Prinsipe ka pa ng engkanto niyan? Nasaan ang mga sunadlong engkanto mo?”

“Kung alam mo lang sana…” ang bulong ni Yuni sa kanyang sarili. At baling kay Iyke. “Okay, hindi ako engkanto at lalo nang hindi ako prinsipe. Basta sa inyo na muna ako pansamantalang makituloy, okay?”

Doon na ibinalik ni Iyke ang ginawa sa kanya ng prinsipe. “Mag please ka muna. Iyong pa-cute. Tingnan natin kung totoong guwapong prinsipe ka nga.”

Ngunit iba ang ginawa ng prinsipe. Imbes na gawing kaawa-awa ang kanyang mukha, binitiwan ng prinsipe ang isang nakabibighaning ngiti sabay sabi ng “Please…?”

Si Iyke naman ang naturete sa ngiting iyon ni Yuni. Hindi maipagkailang may naramdamang paghanga siya sa ngiti na iyon. Pamatay naman kasi ang ngiti ng prinsipe. May mapupula at kissable na mga labi, pantay at mapuputi ang mga ngipin, may biloy sa magkabilang pisngi. Iyan ang dahilan kung bakit nabibighani sa kanya ang mga engkanto, ma-babae man o bakla. At kahit iyong sinasabing “straight” ay nababakla, samantalang ang mga tomboy ay nagpi-feeling babae uli, kinikilig. Sino ba ang hindi nabibighani sa ngiti ni Prinsipe Yuni?

“Anong mayroon sa titig na iyan?” ang tanong ni Yuni nang napansin niyang nakatitig na lang sa kanya si Iyke. “Ah alam ko na. Atat na atat ka nang makasama ako sa bahay ninyo, ano?”

Doon na nahimasmasan si Iyke. “Hindi puwede!” ang sigaw niya sabay sakay sa kanyang bisikleta at pinatakbo ito. Ngunit kahit iba ang lumabas sa kanyang bibig, iba naman ang tunay na naramdaman niya. May kakaibang saya. May kakaibang excitement na hindi mawari. At ang pagpapatakbo niya sa bisekleta niya ay tila isang pahiwatig na habulin siya ng ni Yuni.

At hindi siya nabigo. nakangiting tumakbo ang prinsipe at hinabol siya. At nang maabutan ay bigla itong umangkas sa kanyang backrider seat. “Akala mo ay hindi kita mahahabol?” ang masayang sambit ng prinsipe.

Hindi na sumagot si Iyke. Binilisan niya ang pagpadyak sa kanyang bisekleta na tila nagpapakitang-gilas sa prinsipe.

“Huwag mong masyadong bilisan! Malalaglag ako!” ang pag-angal ng prinsipe na biglang napayapos sa baywang ni Iyke.

“Di lumipad ka. Prinsipe ka ng mga engkanto, di ba?” Ang sagot ng coach na tumatawa pa.

----

“Lola, siya po si Yunie. Isa po siyang engkan… este estranghero sa lugar natin. Napadpad siya rito dahil may mga masasamang tao raw na hinostage siya at dinala rito sa atin. Ninakaw sa kanya ang lahat niyang pera at pati mga ID,” ang pagpapakilala ni Iyke sa kay Yuni sa kanyang lola. “Pansamantala siyang manatili atin, lola…” ang dugtong niya.

Nang makitang nagmano si Iyke sa lola niya ay nagmano na rin ang prinsipe sa matanda.

“Ah, ganoon ba? Sino kaya ang mga walang pusong taong iyon? Parang ngayon ko lang narinig ang ganyang modus dito sa atin.” ang nababahalang sagot ni Lola Greta. At baling niya kay Yuni, “Sige apo… dito ka na lang muna. Ngunit pagtiyagaan mo ang aming kahirapan.”

Dahil walang ibang kuwarto ang bahay nina coach para sa mga bisita, sa gabing iyon ay magkatabing natulog ang dalawa. “Napakalaking karangalan para sa iyo na makatabi ako sa pagtulog. Dapat ay magpasalamat. ka.”

“Karangalan? Bakit? Artista ka ba?” ang sagot ni Yuni.

“Hindi lang artista. Ako ang pinakaimportanteng tao rito sa bahay na ito.” Nilagyan ni Iyke ng unan na harang ang gitna ng kanilang tulugan. “Maigi na ang may nakasiguro, baka mamaya, ang tunay mong pakay pala kung bakit sa lahat ng bahay rito sa lugar namin ay itong sa amin ang pinakagusto mo ay dahil may pagnanasa ka sa akin.”

Biglang kumunot ang noo ng prinsipe. “Pagnanasa? Sa iyo? Mahiya ka naman, brad! ‘Di mo lang alam kung gaano karami ang nahuhumaling nitong mukha na ito?” turo sa mukha niya. “…tapos sa iyo lang ako magnanasa?”

“E, ano ba ang pakay mo at gustong-gusto mo talaga rito sa amin? Alangan namang ang lola ko ang pinagnasaan mo?”

Ngunit narinig pala ng lola niya ang sinabi ni Iyke. “Okay lang iyan apo. Huwag mo siyang desmayahin. Matanda lang ako ngunit umaasa pa rin.”

Nagkatinginan ang dalawa na pinipigil ang pagtawa. At pagkatapos ay sabay rin na tumaglid patalikod sa isa’t-isa. “Matulog na nga tayo.” Ang sambit ni Iyke.

Ngunit kinabukasan ay nawala na ang harang na unan sa gitna nila. Nagising si Iyke na nakatagilid paharap sa kanya si Yuni, ang mukha ay nakadikit na sa kanyang mukha, ang isang kamay nito ay nakapatong sa ibabaw ng umbok ng pagkalalaki niya. Samantalang si Iyke naman ay nakatihaya ngunit ang braso niya ay ginawang unan ni Yuni at ang isa niyang paa ay nakapatong sa baywang ni Yuni na nakatagilid paharap sa kanya, ang harapan ng huli ay nakadikit sa tagiliran ni Iyke.

Nang iminulat ni Iyke ang kanyang mga mata at nakita ang kanilang postura ay tarantang itinulak niya ang prinsipe. “Ba’t mo ako pinagsamantalahan!” ang bulyaw niya.

Napatihaya ang prinsipe at gulat na nagising. Nang makita niya ang expression ng mukha ng coach, nakuha niya ang ibig nitong ipahiwatig. Pabirong sinilip niya ang kanyang garterized short na pinahiram ng coach sa kanya nang nakaraang gabi. “May nangyari ba?” ang tanong niyang kunyari ay nanlaki ang mga mata na tiningnan ang kanyang pagkalalaki. “Huh!!! M-may nangyari nga! Wala na akong dangal! Itatapon na ako nito ng mahal na hari sa mainit at kumukulong lawa ng yelo!”

“Tanga! May kumukulo ba sa init na yelo? At huwag ka ngang magbibiro ng ganyan! Tatadyakan kita riyan, eh!” Ang inis na sambit ng coach.

“Mayroon sa amin ah! Kung makapunta ka sa amin, ipapakita ko sa iyo.”

“Mayroon dito sa amin. Kumukulong asupre. Gusto mo ilublob kita? Namamatay ang mga engkanto kapag nailublob doon.”

“Ah huwag namang personalan. Namemersonal ka eh.”

“Kaya umayos ka!”

Tiningnan muli ni Yuni ang loob ng kanyang short. “May nangyari nga! Sa wakas ay nakatikim ako ng tumbong ng mortal!”

“B-bakla ka nga!” ang sagot na pang-aasar naman ng coach.

“Sus! Lalaki ‘to, Mortal! Hindi ako pumapatol sa kapwa lalaki. Lalo na sa isang coach na feelingero!”

“Bakla ka! Bakla! Lola! Bak---“

Hindi na naituloy pa ng coach ang kanyang pang-ookray sa prinsipe nang dali-daling binusalan ng prinsipe ang bibig ni Iyke. “Pasalamat ka’t tinanggal sa akin ang aking kapangyarihan dahil kung nagkataon, uutusan ko ang lahat ng mga duwendeng paglaruan ang ari mong mortal ka!”

“Type!” Naroon pala si Waganda at pinagmasdan sila. Natatawang kinikilig. “Utusan mo na ako, dali!”

Biglang napalingon ang prinsipe sa kinaroroonan ni Waganda na nakatayo sa ibabaw ng cabinet sa dingding na naghiwalay sa kuwarto ni Iyke at kanyang lola. “Isa ka pa!” ang bulyaw niya.

“Huwag mong bulyawan ang lola ko nang ganyan ah!”

“Huh!” ang gulat na reaksyon ni Yuni. “Hindi siya ang kausap ko!”

“Sino?”

“Eh, hehe… sarili ko lang,” ang sagot din niyang nahihiya nang narealize na hindi pala nakikita ng coach si Waganda.

Tinitigan ng coach ang prinsipe. Iyong titig na may pagdududa, nakasimangot. “May sayad ka talaga!” ang sigaw niya. “Iligpit mo na nga lang ang higaan natin at maghanda pa ako ng agahan!” ang utos niya sabay hagis ng unan sa mukha nito.

Nasalo ng prinsipe ang unan ngunit palihim niyang ginagad nakatalikod nang coach. “Maghanda pa ako ng agahan! Kala mo naman kung makautos. Kung ‘di lang tinanggal ng amang hari ang kapangyarihan ko, kanina pa kita ginawang palaka.” Ang bulong niyang itinutok ang daliri sa pintuan kung saan dumaan si coach. “Matisod ka!” utos niya.

At natisod nga si Iyke. “Aray ko po!” Ang sigaw ni Iyke.

Napatakip ang prinsipe sa kanyang bibig. “Gumagana pa ang kapangyarihan ko!”

“Ako ang nagtulak sa kanya, mahal na prinsipe,” ang sambit ni Waganda na pinakawala ang mumunting tawa.

Sa pananatili ni Yunie sa bahay ni Coach ay marami siyang nadiskubre. Dedicated si coach sa kanyang trabaho bilang coach, mabait sa lahat ng tao, estudyante, lalo na sa mga players niya, maalalahanin, matulungin sa kapwa, at higit sa lahat ay sobrang mahal niya ang kanyang lola. Ang lola niya ang kanyang inspirasyon, sa lola niya umiikot ang kanyang buhay.

Isang araw habang pauwi na sila mula sa eskuwelahan, dumaan muna si coach sa bilihan ng mga prutas. Naghanap siya ng yacon. Isa itong root crop na matamis at medicinal. Subalit bihira lang itong mahahanap sa palengke. Sa araw na iyon ay nakahanap si coach. Ayaw sanang ibenta ito ng tindera dahil nakareserve na ang mga ito sa isang suki. Ngunit matindi ang pakiusap at pagsusumamo ni coach na halos lumuhod na lang ito sa harap ng tindera. Kesyo poborito ito ng lola niya, kesyo masakitin ang lola niya ngunit walang maintenance na gamot at ang yacon lang ang nagsilbing gamot niya… Naawa ang tindera.

“Mahal mo talaga ang lola mo, ano?” ang tanong ni Yuni kay Iyke habang nakasakay siya sa backrider seat ni Iyke habang nagbibisikleta sila pauwi ng bahay.

Doon na ikinuwento ni Iyke ang tungkol sa kanyang lola. At ang hindi niya malimutang sinabi ng coach sa kanya ay, “Hindi ko alam kung paano mabuhay kapag wala siya. Iyan ang kinatatakutan ko. Simula nang mamulat ako sa mundo, siya na ang tumatayong nanay, tatay, lolo at lola sa akin. Lahat ng sakripisyo ay ginawa niya para sa akin. Matinding hirap ang dinanas ng lola kong iyan upang maitaguyod at maitawid ang aming pang-araw-araw na kabuhayan at pag-aaral ko. Kaya mahal na mahal ko iyan. Siya lang ang nag-iisa kong pamilya.”

“Bakit nasaan ba ang mga magulang mo?”

“Patay na sila. Magkasa silang nasawi nang lumubog ang sinasakyan nilang barko, kasama raw ang bunso kong kapatid na lalaki. Naiwan ako sa aking lola noon kung kaya heto... ako na lang ang natira.”

“G-ganoon ba? Ano bang gusto mo para sa lola mo?”

“Sana, kung may pera lang ako, iparanas ko sa kanya ang kahit isa o dalawang araw na layaw. Iyong matulog siya sa isang malambot at malamig na higaan, makakain ang masarap na pagkain na hindi pa niya natikman, ang sumakay ng eroplano…” Bahagya siyang nahinto. “Kaya nag-iipon ako para sana, isang araw habang buhay pa siya ay maranasan niya ito.”

Hindi na nakaimik pa ang prinsipe. Napagtanto niya na iyon na nga ang misyon niya sa coach. Ang tulungan ang coach na ipadama ang pagmamahal niya sa kanyang lola.

Nang nakarating na sila ng bahay, kitang-kita ang tuwa ng kanyang lola nang ipinakita sa kanya ang nabiling pagkain ni Iyke. Niyakap niya ang apo, hinalikan sa pisngi.

Natawa ang prinsipe dahil sa edad ba naman na 25 at lalaki pa ay niyayakap pa at nagpapahalik pa si Iyke sa kanyang lola.

Binalatan ni Iyke ang dalang yacon at talagang sinubuan pa niya ang kanyang lola. May nadaramang inggit ang prinsipe sa kanyang nasaksihan. Iyong pagmamahal ng mag-lola sa isa’t-isa.

-----

“Mabuti at noong bata ka pa ay hindi ka nagtatanong kung bakit wala kang mga magulang?” Ang tanong ni Yuni isang gabi pagkatapos ng kanilang hapunan. Pareho silang nakaupo sa bangkong kawayan sa harap ng kanilang bahay. Maaliwalas kasi ang panahon. Kitang-kita ang malaking buwan sa langit at may kalamigan pa ang simoy ng hangin.

“Hanggang ngayon naman ay nagtatanong pa rin ako. Syempre, naiinggit sa ibang bata na may mga magulang. At lalo na iyong bata na may kapatid. Ewan ko ba pero inggit na inggit talaga ako sa mga taong may mga magulang na nga, may nakababatang kapatid pa. Siguro dahil nga sabi ng lola ko ay may bunsong kapatid na lalaki raw ako na kasamang nasawi sa pagkalunond ng barko.”

“Gusto mo pala talagang magkaroon ng bunsong kapatid.”

“Oo.”

“Paano iyan, matanda na ang lola mo. Di ka na niya kayang bigyan,” ang biro ni Yuni.

“Totoo pala talaga ang hula ko na pinagpapantasyahan mo ang lola ko,” ang birong sagot naman ni Iyke.

Tawanan. “Pilyo ka!” Ang sambit ni Yuni.

“Magkuwento ka naman tungkol sa buhay mo,” ang sambit ni Iyke.

“Tungkol sa kaharian namin?”

Natawa si Iyke. “Tungkol sa mainit at kumukolong lawa ng ice? Huwag na nga! Mababaliw ako sa iyo eh!” ang pagbawi din niya.

-----

“Alam ko ang plano mo, mahal na prinsipe.” Ang biglang pagsulpot ni Waganda. Nasa loob ng kubeta noon ang prinsipe at kasalukuyang ginagawa ang kanyang royal duty ng pagtae.

Gulat na gulat ang prinsipe na dali-daling tinakpan ang kanyang harapan. “Ba’t dito ka sumulpot!” ang pigil na bulyaw niya.

“Alangan namang sa harap ng coach kita kakausapin. E ‘di magmukhang baliw ka niyan. Mabuti nga’t natiis ko ang bagsik ng amoy ng ebak mo, eh. Atsaka kung makatakip naman ito ng harapan… maraming beses ko nang nakita iyan, no! Simula nang maliit ka pa. At keri ko iyan.”

“Loko-loko!” ang pigil na pagsigaw pa rin ng prinisipe. “O ano, okay ba ang nasa isip ko?”

“Hindi, mahal na prinsipe. Dahil pinagbawalan akong gamitin ang kapangyarihan ko kung wala namang ibang nilalang na gumamit din ng kapangyarihan laban sa iyo. At kung gagamitin ko ito kahit walang kaaway na kapangyarihan, mababawasan ang lakas ng kapangyarihan ko. Paano na lang kung biglang sumulpot si Ganida?”

“Basta gagawa ka ng paraan. Wala nang pero-pero pa! Utos ko iyan sa iyo!” Ang sambit ng prinsipe.

Doon na nagmamaktol si Waganda. Pinaghandaan kasi niya si Ganida. Alam niyang bigla na lang susulpot iyon dahil ayaw niyang magtagumpay ang prinsipe. Ngunit walang nagawa si Waganda sa utos ng prinsipe. Sa inis niya ay dali-dali na lang siyang lumisan nang walang paalam.

Kinabukasan ay masama ang pakiramdan ng lola ni Iyke kung kaya ay maaga tinapos ni Iyke ang kanilang practice upang makauwi ng maaga. May mga alagang hayop kasi ang lola niya, may mga pananim din.

Ngunit nang makarating na sina Yuni at Iyke sa bahay, hindi nila mahanap si Lola Greta. Ilang beses nilang inikot at tinawag ang matanda ngunit ngunit walang Lola Greta ang sumagot sa tawag nila.

Nang muling pumanhik sila sa bahay, nakita ni Yuni ang isang papel na nakatupi sa ibabaw ng aparador. Sulat-kamay ni Lola Greta. Hindi mapakali si Iyke habang binuksan ito.

“Dear apo, naisipan kong lumuwas patungo sa kabilang siyudad, sa aking kaibigan. Gusto kong makapagrelax naman kahit papaano. Nariyan naman si Yuni, mabuti at may kasama ka at katuwang. Ikaw na ang bahala sa mga alaga kong manok. Diligan mo rin ang mga pananim kong gulay. Mahal na mahal kita apo ko. Palagi kang magpakabait ha? –Lola.”

Nahimasmasan si coach sa pagkabasa niya sa sulat ng lola.

“’Di ka ba nag-alala sa kanya?” ang tanong ni Yuni.

“Ok lang. Palagi siya roon sa kaibigan niyang iyon. Medyo nakaaangat kasi sila sa buhay. May mga anak na nakapag-abroad, may magandang trabaho ang mga apo. Dumating siguro ang isang anak niya na Canadian citizen. Kapag may reunion kasi sila, hindi puwedeng hindi nila imbitahan ang lola. Kaya okay lang. Masaya ang lola sa ganyan. Kaya nga gusto ko talagang i-tour siya sa ibang lugar eh. Mahilig siyang magtravel.”

Agad na bumaba si Iyke upang pakainin ang mga alagang hayop ng lola niya. Tinulungan siya ng prinsipe. Pinuntahan diin nila ang mga pananim. Nang napansin ni Iyke ang umumbok na lupa sa paanan ng puno ng kamoteng kahoy, natuwa siya. Dali-dali niyang hinatak ang nasabing puno.

“Bakit mo sinira?” ang tanong ng prinsipe.

“Ito ang kakainin natin sa hapunan. Ang ugat niyan ay lumalaki at nakakain kapag niluluto. Masarap iyan.” Ang sagot ni Iyke.

Nang nabunot na ang puno at ang mga malalaking ugat ng kamoteng kahoy, may nakita pa silang umusling kulay-kape na bilog na bagay.

Pinagtulungan nilang hukayin iyon. Tumambad sa kanilang mga mata ang isang palayok na antigo. At hindi lang isa kundi sampung antigong palayok ang kanilang nahukay. Pati ang prinsipe ay nagulat. Doon na napagtanto ng prinsipe na iyon na ang naisipan na paraan ni Waganda upang magkapera ang coach.

“Aabot sa kalahating milyon ang halaga niyan!” ang sambit ng prinsipe.

Nanlaki ang mga mata ng coach. “T-talaga?”

Oo.

Kitang-kita ang tuwa sa mukha ni Iyke. “M-matupad na ang pangarap ko para sa lola ko?”

Isang matipid na ngiti lang ang binitiwan ng prinsipe.

Kinabukasan ay nagpaalam ang coach na hindi muna papasok sa eskuwelahan. Pinuntahan nila ang isang antique shop sa karatig-syudad. Dinala nila ang isang sample ng palayok. Nagkakahalaga raw ang mga ito ng halos limampung libo bawat isa. Tuwang-tuwa si Iyke sa nalaman. Agad silang bumalik upang dalhin sa buyer ang kanilang mga antigo.

Ngunit nang nakarating na sila ng bahay ay laking gulat nila nang ang mga palayok ay nagkabasag-basag na. Nalaman ni Yuni na si Ganida ang may kagagawan nang may narinig siyang mala-demonyong halakhak ng babae na bigla ring nawala.

Lumabas ng bahay ang prinsipe at galit na galit na tinawagan si Waganda. Sinisi niya ito. “Bakit ba kasi sa lahat ng kayamanan na puwede mong ipahukay sa amin, mga palayok pa ang naisipan mo! Puwede namang ginto, diamante, higanteng perlas, o kahit pera na lang na tig-iisang libo! Pinahirapan mo pa kami tapos ganito lang? Hindi mo ba ginamit iyang utak mong maliit?”

“Kung makamaliit naman ‘to. At least, maliit ang bungo ko. E, ikaw, malaki ang bungo pero maliit ang utak!” ang pabulong na pagmamaktol ni Waganda.

“Anong binulong-bulong mo riyan?”

“Wala. Ang sabi ko ay ‘di ba ang gusto mo ay adventure?”

“Adventure nga pero hindi sa palayok!” ang bulyaw ng prinsipe na nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Waganda. “Ang sarap mo talagang tirising duwende ka. Grrrr!”

Nagkapera pa rin naman si Iyke dahil sa mga basag na palayok, dagdagan pa sa sample na nauna na nilang naibigay sa buyer. Nakalikom pa rin sila ng walumpung libong piso. Masayang-masaya si Iyke. Nanghinig si Yuni ng limang daan.

“Para saan?” Ang tanong ni Iyke.

“Huwag ka nang magtanong…”

Kinahapunan ay may ibinigay si Yuni kay Iyke. Iyon iyong bininili niya gamit ang 500 na hiningi niya kay Iyke.

Natawa si Iyke habang tinanggap niya ang ibinigay ni Yuni. Simple lang ito ngunit naappreciate niya. Isang stuffed toy ng batang lalaki. Nasa tatlong talampakan ang taas. “Di ba gusto mo ng kapatid? Iyan lang maibibigay ko, ang pangalan niya ay Yunimini,” sabay bulong ng, “Hindi na kasi dinatnan ang lola mo. Hindi na puwedeng magkaanak.”

Tawanan.

-----

Lumipas pa ang tatlong aray at hindi pa rin bumalik ang lola ni Iyke. Nakadama na siya ng pgkabahala. Dali-daling pinuntahan nila ang bahay ng nasabing kaibigan ng lola niya. Ngunit laking gulat nila nang malamang may isang taon na palang patay ang nasabing kaibigan.

Doon na natakot ang coach. Hindi niya alam kung saan nagpunta ang lola niya at kung ano an gdahilan kung bakit nagsinungaling ito sa kanya.

Kinahapunan ay may isang lalaking nagpunta sa bahay nila. Ipinaalam niya kay coach na ang lola niya raw ay nasa pangangalaga ng kanyang itay na isang albularyo. Matagal na raw pabalik-balik sa kanila ang kanyang lola dahil sa iniindang sakit. Ngunit sa pagkakataong iyon ay malubhang-malubha na siya at hindi na niya kayang umuwi.

Nagmamadali silang tumungo sa nasabing albularyo. Ngunit ang nadatnan nila ay ang naghihingalong lola ni Iyke. Dahil sa pagkaawa ng prinsipe kay Iyke ay lihim na inutusan niya si Waganda na tumungo sa kanilang kaharian at magsumamo sa kanyang amang hari na sagipin ang buhay ng lola ni Iyke.

“Lola... lumaban po kayo. Huwag niyo po akong iwan, Lola. Paano na lang ako kung wala po kayo... Nag-iisa na lang po ako,” ang pagsusumamo ni Iyke.

“P-patawad a-apo. Hindi ko sinabi sa iyo. Ayaw kong mamroblema ka sa akin. Ayaw kong mag-alala ka, masaktan, malungkot na mawala ako.”

“Lola... naintindihan po kita. Pero huwag mo po akong iwan, maawa ka po, lola...” Napansin ni Iyke na pilit pa ring magsalita ng lola niya. “Huwag na po kayong magsalita upang hindi kayo tuluyang manghihina. lola...”

Ngunit hindi nagpaawat ang lola ni Iyke. “M-may i-isa pa akong inilihim sa iyo, apo.”

“Huwag na nga kayong magsalita, lola. Naintindihan naman kita, eh.”

“A-ampon lang kita.”

Mistulang nakarinig siya ng napakalakas at nakabibinging pagsabog sa pagkarinig niya sa sinabing iyon ng kanyang lola. Tila ang lahat ng dugo sa katawan niya ay dumaloy patungo sa kanyang puso at hindi siya makahinga. Sa matinding pagkalito ay nakatitig na lang siya sa kanyang lola.

“I-iniwan ka ng iyong inay na nakalagay sa isang karton sa harap ng aking kubo, kasama ang isang kuwintas, iyong ibinigay ko sa iyo, at isang sulat na nagsasabing alagaan kita at ang ipapangalan ko sa iyo ay Michael... at palayaw na Iyke.”

Kasabay sa huling binitiwan niyang salita ay naputol din ang kanyang hininga.

“Lola Gretaaaaaaaaaaaa!!!” Nakakabingi ang panaghoy n apinakawalan ni Iyke. “Bakit mo ako iniwan Lola Greta! Ang sabi mo ay matagal pa tayong magsasama, bakit bigla mo akong iniwan? Paano na lang ako Lola? Nag-iisa na lang ako sa mundo! Isama niyo na rin ako Lolaaaaaaaaaaaa!!!”

Halos hindi makayanang pagmasdan ni Yuni ang matinding sakit na naramdaman ni Iyke. Maya-maya lang ay lumabas din siya ng bahay. “Anong nangyari, Waganda?” ang tanong ng prinsipe kay Waganda.

“Ayaw pumayag ng mahal na hari na pakialaman o manghimasok sa buhay ng mga mortal, lalo na kung naitadhana na ang pagwawakas nito. Kapag ginawa raw ito, may ibang buhay ang maaaring maisasakripisyo. Sinabi rin niya na kasali ito sa iyong pagsubok.”

Dalawang gabi lang ang lamay ni Lola Greta at full-force na nakiramay ang eskuwelahan at lalo na ang ang mga miyembro ng football team ng coach.

“Kung hindi dahil sa pakikialam niya sa relasyon natin, sana ay ikinasal na tayo. Sana ay may karamay ka na sa iyong pagdadalamhati sa pagkamatay niya. Ngayong wala na siya, wala nang sagabal sa pagmamahal natin, Iyke,” ang sambit ni Hilda nang dumalaw ito sa lamay. May itim na bulaklak siyang naka-pin sa kanyang dibdib ngunit pula naman ang kanyang damit na terno sa kanyang lipstic, ang postura niya ay tila dadalo sa isang party.

“Huwag mong iparatang sa lola ko ang mga kasalanan mo!”

“Totoo naman ang sinabi ko, di ba? Siya ang nag-udyok sa iyo na layuan ako!”

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Hilda. “Umalis ka rito kung ayaw mong kaladkarin kita! Alisss!!!” ang bulyaw ni Iyke.

Umalis si Hilda ngunit nag-iwan siya ng banta. “Magbabayad ka sa pagpapahiya at pananakit mo sa akin. Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito!”

Sa pagkasabing iyon ni Hilda ay bigla na namang narinig ng prinsipe ang halakhak ni Ganida.

“Lola, kahit ampon lang po ninyo ako, kayo pa rin po ang kinikilalang tunay kong inay. Kayo rin po ang kinikilala kong tunay na itay. Kayo rin po ang aking lola. Kayo lang po ang ang nag-iisang taong bumuo ng pamilya at pagkatao ko... Mahal na mahal ko po kayo, lola. Sa iyo ko lang naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya. Huwag po kayong mag-alala sa akin dahil pipilitin ko pa rin pong itaguyod ang buhay para po sa inyo. Mahal na mahal po kita, lola...” ang ibinulong ni Iyke sa sa harap ng puntod ng kanyang lola nang inilibing na ito.

Simula nang namatay ang lola ni Iyke ay palagi siyang nakatunganga, nakaupo sa sahig habang nakasandal sa dingding. Minsan ay nakamulat ang mga mata ngunit napakalayo ng tingin. Minsan ay bigla na lang dadaloy ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Dito ay naramdaman ng prinsipe ang hirap na pinagdaanan ni Iyke. Dito rin niya napagtanto kung gaano kahalaga para sa isang tao ang kanyang pamilya, kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Kung ano ang kahulugan ng pagmamahal. Nanumbalik sa kanyang alaala ang paglalaro niya sa mga bata sa yungib na ikinamatay ng kanilang coach. Sumiksik sa kanyang isip kung gaano pala kasakit para sa mga nagmamahal sa kanila ang ginawa niyang paglalaro sa mga buhay nila. “Tama nga ang aking ama. Hindi biro ang buhay na pinagdaanan ng mga mortal. Kung ako na nakasaksi sa isang pangyayari lang kung saan ay nilisan ng isang lola ang kanyang mahal na apo ay tila tinadtad na ang puso, ano pa kaya ang mga mismong pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.” Ang nasabi ng prinsipe sa kanyang sarili.

Iyon na ang simula nang labis na pagkaawa ng prinsipe kay Iyke. At dahil tulala pa rin ang coach, si Yuni na ang gumawa sa mga karaniwang gawaing-bahay kagaya ng paghahanda ng pagkain, pagpapakain sa mga alagang manok. Pinipilit rin niya na kumain si Iyke. At palagi niya itong kinakausap at pinapayuhan. Kahit sa pagtulog ay inaalalayan din ni Yuni si Iyke.

“Ngayon ko lang naintindihan ang kahalagahan ng pagmamahal sa pamilya, brad. Ngayon ko lang naramdaman na hindi biro ang mawalan ng mahal sa buhay. Naaawa ako sa iyo. Kaya pangako ko sa iyo na kahit bigo ako sa misyon ko sa iyo dahil namatay ang lola mo, hihilingin ko sa aking amang hari na dito na ako sa iyo, upang samahan ka, gabayan, at alagaan. Pangako...” Ang bulong ng prinsipe habang pinagmasdan niya ang natutulog na coach.

-----------------

“Ang sama mo! Sana ay mamatay ka na!” ang sigaw ni Waganda nang nagpakita si Ganida sa kanila at kinukutya sila ng prinsipe.

“Hindi ako mamatay Waganda. Ang pagmamahal ko sa prinsipe ay ang tanging bumuhay sa akin. At dahil walang katapusan ang pagmamahal ko sa kanya, wala ring katapusan ang buhay ko.” Ang sagot ni Ganida.

“Paano kung mamatay ang prinsipe? E, di wala ka nang mamahalin? Tingnan mo ngayon, magiging tao na lang siya at hindi na makababalik pa sa pagiging mortal dahil hindi siya nagtagumpay sa kanyang misyon. Paano mo siya mamahalin niyan?”

“Mas okay na manatiling mortal na lang siya upang madali siyang ma-control nga king kapangyarihan, at mapilitan siyang magmakaawa sa akin. At huwag kang mag-alala, Waganda. Hindi mamamatay ang prinsipe. Pangako iyan!” At bigla na lang nawala si Ganida na nag-iwan ng isang malakas na halakhak na naglaho rin.”

Isang umaga ay pumunta ng palengke ang prinsipe upang mamili ng kanilang mga gamit sa bahay. Matindi pa kasi ang depresyon ni Iyke kung kaya ay siya na ang nagkusang mamili ng kanilang mga kailanganin. Alas-4 pa lang ng umaga iyon. Ganoong oras nakasanayan ni Iyke na mamili dahil ganoong oras din dumarating ang mga produkto galing bukid na maliban sa presko na, mura pa. At wala rinng masyadong tao.

Subalit habang nagbibisekleta siya, nakita siya ng grupong unang nambugbog sa kanya. At dahil hindi niya kasama si Iyke, pinagtripan nila siya. “Balita ko ay may nahukay daw kayong antigo. Ibigay mo sa amin ang pera kung ayaw mong may mangyaring masama sa iyo,” ang pananakot ng isang miyembro ng grupo.

“Hindi ko pera iyon, kay coach iyon! Ang dala ko rito ay sapat lamang para sa aking pamamalengke.”

“Hindi kami naniniwala! Siguradong naghati kayo dahil kayong dalawa ang nakakita noon!”

At dahil wala naman talaga sa kanya ang pera na hinahanap nila, Kinuyog nila siya. Nanlaban ang prinsipe. Ngunit mabilis ang sumunod na mga pangyayari. Sinaksak nila ang prinsipe sa tiyan at sa tagiliran at pagkatapos ay parang wala lang nangyari na iniwanan nila siya sa gilid ng kalsada.

“W-waganda... t-tulong...” ang nasambit ng prinsipe habang hawak-hawak niya ang kanyang mga sugat.

Agad na dumating si Waganda. Pati si Ganida na nakaramdam sa masamang nangyari sa prinsipe ay dumating din. Ngunit nang gagamitan na sana ni Ganida ng kapangyarihan upang malunasan ang prinsipe, bigla nilang narinig ang boses ng amang hari ng prinsipe.

“Sa kahit na anong mangyayari sa prinsipe bunsod ng kanyang pagka-mortal, huwag niyong gamitan ng kapangyarihan upang mailigtas siya. Kapag sinuway ninyo ang kautusan kong ito, hindi tatalab sa prinsipe ang kapangyarihan ninyo, bagkus ay magiging mortal na rin kayo at dadanasin ninyo ang  kalagayan niya, pati na ang kamatayan. Bahagi ito ng kanyang pagsubok, kaya may limitasyon ang pagtulong ninyo sa kanya.”

Sa pagkarinig noon ay dali-daling tinungo ni Waganda si Iyke samantalang si Ganida naman ay ibinuhos ang kanyang galit sa grupo na gumawa noon sa prinsipe. Pinaglaruan niya sila. Hanggang sa tinabunan niya sila ng mga bato sa pamamagitan ng pagtawag sa lindol bagamat siniguro rin niyang pinsala lang sa katawan ang matatamo ng ang mga miyembro ng grupo.

Samantala, dahil hindi naman puwedeng magpakita si Waganda kay Iyke ay naisipan niyang ibulong sa tainga ni Iyke na nasa panganib si Yuni, nagbakasakaling tatagos sa isip ng coach ang kanyang sasabihin at biglang maisip ang prinsipe.

“May nangyaring masama kay Yuni! Sinaksak si Yuni at nakahandusay sa gilid ng kalsada! Mamamatay siya kapag hindi mo naagapan! Puntahan mo siya, dali!”

Noong una ay mistulang wala lang ito para kay Iyke. Ngunit nang naisipan na ni Wagandang ilaglag ang damit ng prinsipe na nakasabit sa sabitan nito sa dingding, doon na tila natauhan si Iyke. Dali-dali siyang bumalikwas at mabilis na tinakbo ang kalsada patungo sa palengke.

Natagpuan niya si Yuni sa gilid ng kalsada, malapit lang sa nakalatag na bisekleta. Agad niyang dinala ang prinsipe sa ospital. Sa madaling salita ay naagapan ang buhay ng prinsipe. Naoperahan siya at nanatili sa ospital ng ilang araw.

“Ang sakit palang masaksak sa katawang mortal, Waganda,” ang daing ng prinispe nang nagising na siya at nakita niya si Waganda na nagpalakad-lakad sa gilid ng kama na animoy isang gymnast na nagbabalanse sa ibabaw ng tumbling vault.

“Wala iyan sa sakit na nadarama ng puso ko nang umibig ako sa iyo ngunit hindi mo pinapansin,” ang sagot naman ni Waganda.

“Waganda, masakit pa ang operasyon ko kaya huwag mo akong patawanin, titirisin kita d’yan.”

“Ganyan ka naman palagi. Pinagtatawanan mo lang ang aking nararamdaman. Ang sakit-sakit!”

“Aba’t nagsalita pa talaga itong bansot na kutong-lupa na ‘to. Hindi ikaw ang bida rito kaya huwag kang umepal.”

“Ay hindi ba? Akala ko ay ako na,” ang sagot naman ni Waganda na tumawa nang malakas. “Biro lang po, mahal na prinsipe.” Ang pagbawi rin niya.

“Alam kong hindi biro iyang sa iyo.”

“Namannnn! Pero maiba tayo, mahal na prinsipe, bilib na talaga ako kay Iyke. Ayiiiii!”

“B-bakit?”

“Siya ang nakasagip sa iyo. Kinarga ka niya patungo rito, at hayan sa tabi mo, dinala niya si Yunimini, ang stuffed toy na regalo mo sa kanya. Para raw may kasama ka rito habang wala pa siya. Ayiiiii!”

Nilingon ni Yuni ang kabilang gilid niya at naroon nga ang stuffed toy na binili niya para sa coach. Napangiti siya. Dinampot niya ito, tinitigan ang mukha atsaka muling inilatag sa kanyang gilid niya. “D’yan ka lang muna bunso,” ang sambit niya.

“At alam mo, may isa pa... dugo rin niya ang nakaligtas sa iyo.”

“Ha? P-paanong dugo niya?”

"Nahirapan ang mga doktor na ma-identify ang dugo mo. Di ka naman kasi tunay na mortal. Nagtataka sila kung anong klaseng dugo mayroon ka. Ngunit dahil kailangan mo nang masalinan, napagdesisyunan nila iyong AB+ na lang ang isalin sa iyo. Iyan daw ang klase na puweding isalin sa kahit anong type. At si coach ang mayroon nito. Muli ay siya na naman ang nakasagip sa buhay mo.”

Binitiwan ng prinsipe ang isang malalim na buntong hininga. Hindi siya natuwa sa narinig na kuwento ni Waganda. “Siguro ay makabubuting bumalik na lang ako sa kaharian ng aking ama, Waganda. Mukhang hindi ako nagtagumpay sa misyon ko. Imbis na ako ang sasagip sa kanya, heto ako, naging pabigat.”

“Mahal na prinsipe, mamamatay ang coach sa yungib kung iiwanan mo siya ngayon.”

“Bigo ako sa misyon ko, Waganda. Patay na ang lola niya. Hindi ko siya nasagip. At ngayon ay nababalot sa lungkot ang buhay niya. At heto, dumagdag pa ako. Iyong pera sa pagbenta niya ng antigo, sa operasyon ko nagamit. Iyong mga nanaksak sa akin na sabi mo ay pinaglaruan ni Ganida, sa tingin mo ba ay hindi sila magsasalita ang mga iyon? Baka sulsulan nila ang mga tao at sabihing may sa demonyo ako. Baka sugurin nila ang bahay ni Iyke upang sunugin ako. At lalong mamroblema siya sa akin. At si Ganida, sa tingin mo ba ay patatahimikin niya ako habang narito? Imbes na ako itong magtatanggol sa kanya. Imbes na ako itong mag-aalaga sa kanya, heto baligtad ang nangyari. Parang dumayo lang ako rito upang maghasik ng problema.”

“Mamamatay nga siya sa yungib, mahal na prinsipe. Hindi siya masasagip kung susuko ka. Ano ang iisipin ng mahal na hari kung ganyang susuko ka?”

“’Di ba bigo na ang misyon ko, Waganda? Wala na akong dapat ipaglaban. Sa simula pa lang a bigo na ako. At hindi na masasagip pa si Iyke sa yungib.”

“Huwag kang magsalita ng ganyan, mahal na prinsipe? Kung nabigo ka, ‘di ba dapat ay naroon ka na sa kaharian ng iyong ama?”

“Bigo ako, Waganda. Kaya hindi ako nakabalik.”

“Hindi ako naniniwala.”

“Maniwala ka, Waganda. Napagtanto ko na talagang nakatadhanang mamamatay siya sa yungib. Dahil iyan ang gusto niya. Dahil nag-iisa na lang siya sa mundo. Dahil gusto niyang makasamang muli ang kanyang lola sa kabilang buhay.”

Hindi na nakaimik si Waganda. “Ikaw ang bahala, mahal na prinsipe. Ikaw lang ang makapagdesisyon sa kalagayan mo,” ang sambit niyang may lungkot sa kanyang mukha.

-----*****

Gabi na nang dumating si Iyke sa ospital. Sa kabila ng ngiting ipinamalas niya sa prinsipe, halata pa rin sa likod nito ang matinding kalungkutan. “Kumusta?” ang sambit ng coach.

“Heto, okay na. Salamat sa lahat.”

Umupo si Iyke sa gilid ng kama. “Walang anuman. Si Yunimini kumusta? Inalagaan ka ba niya?”

Dinampot ni Yuni ang stuffed toy at sinagot si Iyke, pinaliit ang boses niya. “Opo kuya, inalagaan ko si Kuya Yuni.”

Natawa si Iyke. “Ang cute!”

“Thank you kuya. I love you, kuya,” ang dugtong ni Yuni.

Ngumiti lang si Iyke. Tinitigan niya si Yuni. “Dito ako matutulog mamaya,” ang sambit niya.

Sandaling natahimik si Yuni. “Kapag magaling na ako ay aalis na ako...” ang paglihis niya sa usapan.

Halatang nagulat ang coach sa narinig. Bigla siyang natigilan at lumungkot ang kanyang mukha. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit ramdam niyang nadagdagan pa ang sakit na nadarama niya sa pagkawala ng kanyang lola. At tila kasing sakit nito ang sinabing iyon ni Yuni. Ang sinabi niya ay mistulang mga sibat na tumusok sa kanyang puso.

Ngunit hindi niya ipinahalata ito. “N-naalala mo na kung saan ka nanggaling? Iiwan mo na ako?” ang mahinahong tanong niya.

Binitiwan ni Yuni ang isang malalim na buntong-hininga. “Oo...” ang sagot niya na halos hindi makatingin kay Iyke.

Maya-maya ay nahiga si Iyke sa bangko. Nakatihaya. Ang kanyang bag ay ginawa niyang unan. “Matulog na tayo. Maaga pa akong aalis bukas,” ang sambit niya. Halatang wala siyang ganang makipag-usap.

“Nagreport ka na sa trabaho mo?”

Tumango lang si Iyke.

“Mabuti naman.”

Hindi na umumik si Iyke. Naintindihan ni Yuni ang matinding sama ng loob na dinadala ni Iyke. Bago lang namatay ang kanyang lola at hayun, aalis pa siya. Ngunit wala siyang magagawa. Para sa kanya, iyon ang pinakamabuting gawin upang mailayo si Iyke sa mas mahirap pang kalagayan.

“D-dito ka matulog sa tabi ko,” Ang paanyaya ni Yuni.

Nilingon ni Iyke si Yuni. “Makasasama iyan sa iyo kapag nasagi ko ang sugat mo.”

“Okay na ako, ano ka ba.”

“Bakit gusto mo akong makatabi?”

“Huwag kang mag-isip ng masama. Aalis na ako, di ba? Gusto lang kitang mayakap. Gusto kong sa pag-alis ko ay maaalala kita, at maaalala mo rin ako. Malaki naman ang kama, kasyo tayo rito.”

Walang imik na tumayo si Iyke, bitbit ang kanyang bag at dahan-dahang humiga tabi ni Yuni. Nakatihaya siya, ginawa uli niyang unan ang kanyang bag.

Kakaiba ang senaryo nilang iyon sa dating eksenang naglolokohan o nagkakantiyawan sa pagtabi, o ginagawang malaking issue at nag-iingay kapag aksidenteng masagi o maidantay ang paa o kamay sa katawan ng isa. Sa pagkakataong iyon ay tahimik silang dalawa. Sobrang seryoso.

“Tumagilid ka paharap sa akin. May sasabihin ako sa iyo,” ang utos ni Yuni.

Wala pa ring imik ang coach. Tumagilid siya paharap sa prinsipe. Ang prinsipe naman ay tumagilid din paharap sa kanya. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin.

Bagamat tumulo ang luha ni Waganda na nagmasid sa kanilang dalawa, hindi niya maikaila na may kakaibang kilig din siyang nadarama.

“G-gusto kong magpasalamat sa lahat nang naitulong mo sa akin. Iyong kahit minsan ay nag-aargumento tayo ngunit alam kong sa kaloob-looban mo ay ayaw mo akong mapahamak. Iyong pagsagip mo sa akin. Iyong pag-donate mo ng dugo sa akin. Atsaka nang dahil sa iyo ay marami akong natututunan tungkol sa… sa buhay. Dahil sa iyo ay naranasan ko ang lungkot at saya. Mas naintindhihan ko na ngayon kung ano ang tunay na kalagayan ng mga to na katulad nin…” Hindi na itinuloy pa ng prinsipe ang kanyang sasabihin.

Hindi pa rin umimik ang coach. Ayaw niyang magsalita dahil masama ang loob niya sa prinsipe.

“N-naniwala ka ba na engkanto talaga ako?”

Hindi pa rin umumik ang coach. Ibinaling nito ang kanyang paningin sa dibdib ng prinsipe, ang kanyang daliri ay iginuri-guri sa kumot nito.

“Bakit hindi ka sumagot?”

“Masama ang loob ko sa iyo. Ang sabi mo, dito ka lang sa tabi ko, na hihilingin mo sa iyong amang hari na dito ka na mamalagi upang samahan ako, gabayan, at alagaan... Bakit nagbago?”

Nagulat ang prinsipe sa narinig. “P-paano mo nasabi iyan?”

“Isang gabi... akala mo ay tulog ako. Kinumutan mo ako. Narinig ko ang ibinulong mo. At nangako ka.”

Hindi nakaimik an gprinsipe. Naalala niya ang eksenang iyon.

“May kasalanan ba ako sa iyo? Ngayong iniwan na ako ng lola ko ay iiwan mo rin ako?” Ang panunumbat ng prinsipe. Doon na kusang dumaloy ang mga luha ni Iyke na agad din niyang pinahid.

“Pasensya na... Bigo kasi ako sa misyon ko. At kapag nagpapatuloy ako rito sa iyo, mas dadami pa ang mga problema mo. Hindi makabubuti sa iyo ang pananatili ko.”

“Bakit? Ano ba ang misyon mo?”

“Ang lola mo. Dapat ay hindi siya mahiwalay sa iyo...”

Doon na tumaas nang bahagya ang boses ng coach. “Bakit naging misyon mo siya? Di ba magkaiba ang mundo natin?”

Natigilan si Yun. “Ahm, oo. P-pero—“ Hindi na naituloy pa ni Yuni ang sasabihin gawa nang pagsingit ni Iyke.

“Nangialam ba kayo sa buhay ng lola ko? Ginawa ninyong laruan ang buhay namin? Akala ko ba’y mababait ang mga engkanto!”

“Huminahon ka. Hindi mo alam ang tunay na nangyari.”

“Kaya ipaliwanag mo sa akin! May kinalaman ka ba sa pagkamatay ng lola ko!”

“Wala... may nagawa akong kasalanan sa iyo sa sa hinaharap. Ang panahon na ito ay nakaraan at bumalik lang ako rito upang tulungan ka, na mabuo kayo ng nag-iisang pamilya mo. At nabigo ako. Kaya gusto kong manghingi ng patawad sa iyo.”

Napaisip si Iyke. “Kung nasa hinaharap ang kasalanang nagawa mo, hindi mo ba maaaring baguhin ito? Hindi mo rin ba maaaring balikan ang nakaraan bago namatay ang lola ko upang huwag matuloy ang kanyang pagpanaw?”

“Hindi saklaw ng kapangyarihan ng mga engkanto ang magtama ng mga kamaliang nagawa na. Ngunit ginamit ng aking ama ang kanyang kapangyarihang ibalik ako sa panahong ito dahil sa matinding kasalanang nagawa ko na siya ring sumira sa kasunduan ng aking mga ninuno at mga ninuno ninyo. Ang pagbalik ko sa nakaraan ay dahil lamang sa ibinigay niyang pagsubok upang maitama ko ang mali.”

“So wala ka na talagang maitutulong pa sa akin? At tuloy pa rin ang iyong pag-alis?”

“Oo... Pasensya na.”

Iyon lang. Sa matinding sama ng loob ay walang imik na tumagilid patalikod si Iyke.

Ipinatong ni Yuni ang kanyang braso sa katawan ni Iyke. Hinayaan ito ni Iyke. Hanggang sa nakatulog silang pareho.

-----

Nagising kinabukasan si Yuni na wala na si Iyke sa kanyang tabi. Nalungkot ang prinsipe. Alam niyang masama ang loob ng coach.

Sa umagang iyong ay pumasok sa kuwarto ang staff na naghahatid ng pagkain kay Yuni. Hindi siya iyong palaging naghahatid. Noon lang niya nakita ang babaeng iyon. Isang babaeng nasa halos singkwenta ang edad, matangkad at bagamat hindi siya nagmi-make up, litaw pa rin ang natural niyang ganda.

Nang pumasok na siya sa kuwarto, nginitian niya si Yuni. “Good morning! Kumusta na?”

“Okay lang naman po. Heto, malapit nang makalabas.”

“Mabuti naman kung ganoon. Mag-ingat ka palagi ha? Marami nang salbahe ngayon sa lugar na ito.”

“Salamat po.”

Itatanong pa sana ni Yuni kung nasunod pa rin ba ang ipinakisuyo niya sa naunang tagahatid sa kanya ng pagkain. Bagmat nakakakain na siya ng pagkaing may asin simula nang maging mortal siya ay mas gusto pa rin niya ang walang asin. Ngunit biglang nag-ring ang cellphone ng babae. Agad na dinukot niya ito mula sa kanyang bulsa. Napansin ni Yuni ang isang bagay na nalaglag. Hindi ito napansin ng babae. Nang nakita niya kasi sa screen ng kanyang mobile phone kung sino ang tumawag, agad niya itong sinagot at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Hindi na niya napansin pa ang pagmuestra ni Yuni na may nalaglag mula sa kanyang bulsa.

Tumayo ang prinsipe at dinampot ang bagay na sa sahig. At laking gulat niya sa kanyang nakita. Isa itong kuwintas na kahawig sa kuwintas ni Iyke! At ang hugis din ng pendant nito ay sa isang taong putol ang katawan mula sa ulo, ang kaibahan lang ay ang salitang nakaulit, “IN”.

Kinabahan ang prinsipe. Iyong kaba na dulot ng matinding excitement. Naalala niya ang kuwintas ni Iyke na may nakasulat na “AY”. “Ayin kaya ang pangalan niya? Siya kaya ang inay ni Iyke?” ang tanong niya sa kanyang sarili. Kung buhay pa pala ang inay ni Iyke, ang ibig sabihin ay... hindi pa tapos ang aking misyon? Hindi ang lola niya ang tinutukoy na nag-iisang pamilya?” ang tanong niya sa kanyang sarili habang ipinasok niya sa kanyang bulsa ang kuwintas.

“TUMPAK, MAHAL NA PRINSIPE!” ang biglang pagsigaw ni Waganda na inilapit pa ang bibig niya sa tainga ng prinsipe.

“AY KABAYONG DUWENDE!!!” ang biglang pagsigaw din ng prinsipe sa matinding pagkagulat. “Ba’t ka ba biglang sumulpot! Mapapamura ako sa iyo ah!”

“Puwede ka nang magmura mahal na prinsipe. Isa ka nang mortal.” Ang sagot ni Waganda.

“PU******* MO!”

“Sige pa mahal na prinsipe, kaya mo iyan. Magmura ka pa. Walang kasing sarap ang magmura. Isa iyan sa mga pribilehiyo ng mga mortal. Kaya sulitin mo na.”

Kaya, minura nang minura niya si Waganda.

Nasa ganyang pagmumura ang prinsipe nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang maganda at seksing babaeng nurse niya. “Sino po ang minumura ninyo, Sir?”

Mistulang hinataw naman ng matigas na bagay ang ulo nag prinsipe sa pagkakita niya sa nurse. “Eh... wala, Miss. Sarili ko lang ang minumura ko,” ang sagot niya sabay bulong ng, “Pu******ko, pu******ko...!” at nang nakita niyang tumatawa si Waganda, halos umuungol na lang na pagkasabi, hindi ibinukas ang bibig, “Tangnamo, Tangnamo, Tangnamo!”

Tawa nang tawa naman ang nurse. Hinawakan nya ang braso ng prinsipe upang kunan ng blood pressure. Habang ginagawa iyon ng nurse, kitang-kita naman ng prinsipe ang cleavage ng nurse.

 

Binomba ng nurse ang bulb ng ng sphygmomanometer nang maisukbit na niya sa braso ng prinsipe ang cuff. “Baka iyong kasama mo ang minura mo, Sir. Wag naman,” ang sambit niyang ang tinutukoy ay si Iyke.


“Nag-guwapuhan ka ba sa kanya, Miss? Sino ang mas guwapo sa aming dalawa?” Ang pilyong tanong ng prinsipe upang asarin si Waganda.

Napangiti ang nurse. “Syempre, ikaw,” ang halatang kinilig na sagot ng nurse, hindi makatingin-tingin sa prinsipe.

“Ako rin, crush din kita.” Ang sagot din ng prinsipe.

“Hihihihihi!” ang tawa ng nurse na namumula na ang mukha. “Palabiro ka talaga!”

Nang nilingon ng prinsipe si Waganda, nakita niyang nagsitayuan ang mga buhok ng duwende na animoy isang sea urchin ang kanyang ulo o iyong ulo ng taong nakoryente ng ilang daang boltahe. Ang mukha ay nagngangalit, ang mga mata ay nanlilisik, at ang kanyang mga kamay ay inunat na akmang sasakalin ang leeg ng nurse.

“I love you, nurse!” ang pabirong sigaw ng prinsipe nang nakasara na ang pinto ng kuwarto at nasa labas na ang nurse. Nang ibinaling ni Yuni ang paningin niya kay Waganda, nakalipad na itopatungo ng pintuan. “Saan ka pupunta?”

“Papatayin ko iyong nurse mo! Itutulak ko sa hagdanan ang talipandas! Sasaksakin ko ng hiringgilya ang mga mata at dede niya!”

Tawa lang nang tawa si Yuni. Alam naman niyang nagseselos lang si Waganda at hindi niya kayang gawin iyon.

Walang mapagsidlan ang matinding kaligayahang nadarama ng prinsipe sa sandaling iyon.

---

Hinintay ni Yuni ang paghatid muli ng pagkain para sa pananghalian. Umaasa siya na ang babaeng iyon ang muling magdala. Ngunit bumalik na ang dating tagahatid ng pagkain niya.

“Sir, kilala niyo ba iyong naghatid ng pagkain sa akin kaninang umaga?” ang tanong ni Yuni.

“Ah, si Ma’am Aileen. Manager ng Food Service department. Boss ko iyon. Hindi kasi ako nakareport nang maaga kanina at nagkataon namang wala akong reliever kaya siya ang pansamantalang nag-cover sa trabaho ko. Bakit po, Sir?”

“M-may itatanong lang sana ako. Puwede ba siyang makausap? Importante lang. Pakisabi naman sa kanya na may nalalaglag siyang kuwintas at napulot ko.”

Sumang-ayon naman ang tagahatid ng pagkain.

May planong nabuo sa isip ng prinsipe. Imungkahe niyang kung si Aileen talaga ang inay ni Iyke ay si Yuni muna ang magtago ng kuwintas hanggang sa handa na si Iyke na tanggapin ang kanyang inay. Ipaliwanag niyang matindi ang sama ng loob ni Iyke sa kanya at kamamatay lang din ng kanyang mahal na lola at hindi maganda kung dadagdagan pa niya ang sakit. Kaya dapat ay huwag muna siyang magpakilala. At ang isa ring dahilan, hindi pa handa si Yuni na lisanin si Iyke. Nasasaktan siya. Na-enjoy na kasi niya ang pagiging mortal. Na-enjoy na rin niya ang mga sandali na kasama niya si Iyke. Nais niyang sulitin ang sandaling kasama niya ang coach.

----

Mag-aalas-7 na nang gabi nang dumating si Aileen. Base sa kanyang plano, ipinaliwanag ng prinsipe ang lahat-lahat tungkol sa kalagayan ni Iyke. Walang mapagsidlan ang tuwa na nadarama ni Aileen. Napaiyak ito, at matindi ang pagkaawa niya kay. Sumang-ayon din siya sa lahat ng iminungkahe sa kanya ni Yuni. 

Nasa ganoon kaseryoso silang pag-uusap nang biglang bumukas ang pinto. Si Iyke!

Dali-daling pinahid ni Aileen ang kanyang mga luha upang hindi mahalata. Alam niyang si Iyke iyon dahil sinabi sa kanya ni Yuni na si Iyke lang ang nag-iisang kaibigan niya at nag-aalaga sa kanya. Nagulat si Iyke sa kanyang nakitang may kausap si Yuni na babae na noon lang din niya nakita. “Anong mayroon?” ang tanong niya.

Sobrang na mesmerize si Aileen sa pagkakita niya kay Iyke. Halos maiiyak na lang siya, hindi halos makapaniwala.

“Iyke, si Aileen, siya ang Manager ng Clinical Nutrition Department ng ospital. Nag-usap lang kami tungkol sa pagkain ko. Alam mo naman, hindi ako mahilig sa asin.” Ang paliwanag ni Yuni. At baling naman kay Aileen, ipinakilala niya si Iyke, “Ito naman po si Iyke, ma’am, ang nag-iisa kong kaibigan.”

Nagkamay sila ngunit halata ang panginginig ni Aileen. “Hello po...” ang pagbati ni Iyke.

Halos hindi makapagsalita si Aileen. Nakatitig na lang siya kay Iyke. “Hi...” ang sagot niya. “Ikaw pala ang sumagip dito kay Yuni. Ang bait mong bata,” ang sambit ni Aileen.

Siningitan naman ni Yuni ng biro upang hindi maging tensyonado ang sitwasyon nila. “Hindi po iyan mabait. Palagi po niyang akong binubugbog...”

Tiningnan ni Iyke si Yuni, iyong seryosong tingin na naggagalit-galitan. Niapitan niya ang prinsipe at pinisil ang ilong. “Gusto mo, sundutin ko iyang saksak mo? Gusto mong bawiin ko at ipasipsip sa katawan mo iyang dugo ko na nasa kaugatan mo ngayon?”

“Tingnan niyo po, Ma’am! Tingnan niyo po! Ang sama ng ugali!”

Tawa nang tawa naman si Aileen.

“Sino iyon?” ang tanong ni Iyke nang nakaalis na si Aileen.

“Secret.”

“Secret ka d’yan. Sino iyon?” ang seryosong tanong ni Iyke.

“’Di ba sabi ko, Manager ng Nutrition Department ng ospital?”

“Bakit ang seryoso ninyong mag-usap. Parang umiyak pa nga iyong babae. Ganyan ba kaseryoso iyong pagsasabi mong ayaw mo ng pagkaing may asin? Nakakaiyak ba iyon?”

“E, pakialam ko ba kung gusto niyang magseryoso kami sa aming pag-uusap. Baka nagtadtad iyon ng sibuyas habang naghanda ng pagkain sa departamento nila kaya siya naiyak.”

“Bakit? Ano ba itong kuwarto mo, kusina?”

“Baka naalala niya lang ang sibuyas na hiniwa niya kaya siya naiyak.”

Tinitigan na lang ni Iyke si Yuni. “Hindi ka nakakatawa. Maligno!” ang pagmamaktol ni Iyke.

“Sa guwapo kong ito, maligno?”

Hindi talaga bumigay si Yuni kahit gaanong kulit ni Iyke sa kanya. Wala naman kasing kaibigan si Yuni kaya nagtaka talaga si Iyke kung bakit naging seryoso ang usapan nila ng babaeng iyon at umiyak pa sa harap niya.

Hindi na lang siya umimik. Nakasimangot na tinumbok ang stuffed toy na si Yunimini at pinaglalaruan. Kinandong niya ito. Pinaliit ang kanyang boses, “Musta ang bunso ko? Hindi ka ba inaway ng salbaheng pasyente rito?”

“Woi, mabait ito ha? Inagawan pa nga niya ako ng pagkain eh,” ang sagot naman ni Yuni kunyari kay Yunimini.

“Sinungaling!” ang kunyaring sagot din ni Yunimini gamit ang pinaliit na boses ni Iyke. “Ayoko na sa iyo! Mga matatanda ang type mo. Type mo ang namayapang lola ko at ngayon, iyong manager naman. Isa kang Pedophile!”

Natawa si Yuni. “Huh! At may pedophile bang pangmatanda?”

“Mayroon. Ikaw!” ang sagot ni Yunimini gamit pa rin an gboses ni Iyke.

Ngunt may kakaibang naramdaman si Yuni sa linya ng pananalita ni Iyke. “Parang may nagseselos ah!”

“Hindi ako nagseselos! Hindi ako babae. Hindi kita love!” ang sagot pa rin ng stuffed toy na binosesan ni Iyke.

“Huwag ka na ngang magtampo d’yan!” Ang seryosong wika ni Yuni na hinid na nakatiis at tumayo na nilapitan si Iyke. Hinawakan niya ang baba nito. “May sorpresa ako sa iyo.”

Dahil sa naramdaman niyang inis, hindi siya nagpakita ng excitement sa sinabing sorpresa. Bagkus, walang expression ang kanyang mukha na nagtanong. “Ano?”

“Hindi pa ako aalis. Sa bahay mo pa rin ako uuwi.”

Doon na biglang nanlaki ang mga mata ni Iyke. Hindi na niya maitago ang matinding saya. “Talaga? Bakit biglang nagbago?”

“Huwag ka nang magtanong. Basta, sasamahan pa rin kita.”

“Sana naman ay hindi iyan paasa.”

“Hindi iyan paasa.” Tinitigan ni Yuni si Iyke. “Masaya ka?”

“Oo naman! Ikaw ba?”

“Syempre! Makakasama ko pa ang nag-iisang kaibigan kong coach.”

Binitiwan ni Iyke ang isang ngiti habang tinitigan si Yuni. Hindi siya nagsasalita.

“Baka mamaya niyan, in love ka na pala sa akin.”

“Ulol!” Doon na tumawa nang malakas si Iyke. Idiniin niya ang kanyang hintuturo sa biloy ng prinsipe at itinulak ang mukha nito. Tila kinilig. “Kahit pa may dimples ka, hindi kita type!”

“Kaming mga engkanto, nararamdaman namin kung ang isang tao ay may pagtingin sa amin.”

“Ibahin mo ako. May sa demonyo ako” sabay tawa nang malakas. “Atsaka hindi ka na engkanto ngayon kaya siguradong mali iyang radar mo.”

Iyon ang takbo ng kanilang kuwentuhan. Ramdam na ramdam ang saya. Simula nang namatay ang kanyang lola, iyon ang pinakaunang pagkakataon na tumawa si Iyke.

At habang nagbibiruan at naghaharutan ang dalawa, kinikilig naman si Waganda na nasa isang sulok lang at lihim na pinagmasdan ang dalawa.

Nakatulog sina Yuni at Iyke na magkatabi sa kama. Nakatagilid na magkaharap sa isa’t-isa, nakapatong ang kamay ng bawat isa sa ibabaw ng kanilang katawan.

------------------

“K-kung halimbawang buhay ang iyong inay, tatanggapin mo ba siya?” ang tanong ni Yuni nang nakalabas na siya sa ospital at nakabalik na ng bahay.

“Hindi,” ang walang  pagdadalawang-isip na sago tni Iyke. “Umabot ako sa edd na 25 at wala siya. Kung nalampasan ko ang hirap noong pinaka-importanteng parte ng buhay ko kung saan ay nagtatanong ako kung bakit wala akong mga magulang, kung saan ay nangangailangan ako ng gabay at kalinga, ngayon pa bang malaki na ako at alam ko na ang mga pasikot-sikot sa buhay? Mabubuhay ako kahit wala siya,” ang matigas na sabi ni Iyke.

“H-hindi na ba magbabago ang pasya mo?”

“Hindi na. Huwag na siyang magpakita pa sa akin.”

Nalungkot si Yuni sa sinabing iyon ni Iyke. Alam niyang sa pagtanggap ni Iyke sa kanyang ina ay iyon na rin ang tagumpay ng kanyang misyon. “Paano kung sasabihin ko sa iyong nahanap ko na siya?”

“Kahit sinong impakto pa ang nakahanap sa kanya, wala akong pakialam. Masaya na ako sa buhay ko at ayaw ko nang makita pa siya.” ang padabog na sagot ni Iyke.

“Araykopo! Engkanto lang ako, hindi impakto,” sa loob-loob lang ni Iyke. “Okay. Pero kung sakaling magbago ang isip mo, buksan mo ang kahon na ito” Iniabot ni Yuni ang maliit na kahon kung saan ay nakasilid ang kuwintas ng kanyang inay.

Hindi ito tinanggap ni Iyke. Ni hindi man lang siya nagpakita ng interes dito. Kaya inilagay na lang ito ni Yuni sa ibabaw ng cabinet. “Kapag handa ka nang makinig, sasabihin ko sa iyo kung ano ang pangalan niya at kung saan siya matatagpuan.”

Ngunit hindi rin mapakali si Iyke. Paglipas ng halos isang linggo ay lihim niyang binuksan ang kahon. Nang makita niya ang kuwintas, hindi niya napigilan ang sariling magngangalit. Nanumbalik sa kanyang alaala ang kanyang Lola Greta at ang mga panahon kung kailan ay nagtatanong siya kung nasaan ang inay at itay niya. At nang naalala pa niya ang sinabi ng kanyang lola bago ito bawian ng buhay na inilagay lang siya sa loob ng karton, mas lalo pang umigting ang matinding galit niya para sa kanyang inay.

Kinuha niya ang kanyang kuwintas at ipinagtabi niya ang mga palawit nito. Ang nabuong salita ay “INAY”. Dito ay hindi na napigilang pumatak ang mga luha ni Iyke. Pinagsusuntok niya ang dingding ng kanilang bahay.

Dahil nagmatigas pa rin si Iyke na harapin ang kanyang inay, todo-paliwanag si Yuni sa kanya. “Gusto mo ba talagang malaman kung ano ang misyon ko? Kung bakit ako narito?”

“Ang buhayin ang lola ko?”

“Hindi iyan.”

“So nagsinungaling ka. Dati ang sabi mo ay upang hindi kami magkahiwalay ng lola ko. Ngayon ay iba naman?”

“Nagkamali ako… Inaakala kong iyon ang misyon ko dahil siya lang naman ang nag-iisang pamilya mo. Ngunit nang namatay ang iyong lola at isiniwalat niya na hindi ka niya tunay na apo, doon ko nalaman na hindi pala siya ang nag-iisa mong pamilya kundi ang iyong nawalang inay.”

“Kalokohan! Engkanto ka ba talaga? O baka abnormal kang engkanto. O baka pinaglalaruan mo lang ang buhay namin!”

“Ang hirap mo namang kausap eh. Makinig ka kasi.”

“Mahirap talaga dahil nagsisinungaling ka. Paano ko malaman ang totoo!”

Binitiwan ni Yuni ang isang malalim na buntong-hininga. “Kaming mga engkanto ay nagkakamali rin. Kagaya ng inay mo, nagkamali siya. Ngunit siguradong pinagsisihan niya ang pagkakamali niyang iyon sa iyo. Siguradong nasasabik siya sa iyo. Dahil anak ka niya. Dahil ang dugo na nananalaytay sa iyong kaugatan ay dugo rin niya. Kung kaming mga engkanto ay nagkakamali, lalo na ang inay mo. Tao lang siya. Alam ko, nagdusa rin siya sa pagkakamali na kanyang nagawa. Ikaw ba ay hindi nakaranas ng pagkakamli sa buong buhay mo? Kaya patawarin mo na siya at kausapin mo.”

“Kung totoo nga ang misyon na ibinigay ng iyong amang hari, ano ang dahilan kung bakit binigyan ka ng misyon? May nagawa ka bang kasalanan?”

Napatitig si Yuni kay Iyke. Tumango siya. “Sa hinaharap… ay may nagawa akong kasalanan.”

“Anong kasalanan?”

“P-pinakialaman ko ang buhay ng isang mortal.”

“At ang mortal na ito ay ako? May sinabi ka sa akin dati na may nagawa ang kasalanan sa akin. Sa akin ba iyong buhay ng isang mortal na sinabi mong pinakilaman mo?” Ang mabilis na pagtanong muli.

Doon na natigilan si Yuni. Alam niya ang kutob ni Iyke. Ngunit hindi niya maaaring sabihin ang misyon dahil mawawala ang bisa nito at tuluyan siyang mabigo at mamamatay ang coach sa yungib. Kaya nagsinungaling siya. “Maniniwala ka bang kapag sinabi ko sa iyo ang dahilan, ang kapalit nito ay buhay ko? Gusto mo bang mamatay ako?”

Si Iyke naman ang natigilan. “Niloloko mo lang ako eh. Sabihin mong nagbibiro ka!”

“Hindi ako nagbibiro. Ngayon, gusto mo pa rin bang malaman? Sasabihn ko sa iyo, kung iyan ang gusto mo, ang malaman ang katotohanan at mamatay ako.”

Hindi nakasagot si Iyke. Tumalikod siya at tinungo ang lagayan ng kuwintas. Dinampot niya ang mga ito at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Sinundan siya ni Yuni. Ang tinumbok ni Iyke na lugar ay ang ilog. Nang naroon na siya sa may pampang, bigla niyang inihagis ang dalawang kuwintas.

“Huwaggggggg!!!” ang sigaw ni Yuni.

Mabilis na tumakbo si Yuni sa pampang at dali-daling dumive at sinisid niya ang mga kuwintas. Ngunit natagalan si Yuni sa pag-ahon. Limang minuto, sampung minuto, labing limang minuto, hanggang sa umabot ng dalawampung minuto.

“Yuni!” Ang tarantang sigaw ni Iyke. Ngunit nakailang tawag na siya ay hindi pa rin pumaibabaw sa tubig ang prinsipe. “Yuniiiiiii!!!”

Dali-daling dumive si Iyke mula sa pampang. Labing-limang minuto siya sa kaiikot sa paglangoy at pagsisid sa ilog nang sa wakas ay nakita niya ang katawan ng prinsipe na nasa ilalim ng tubig. Nakataob ito at hindi gumalaw. Sinisid niya ito at hinatak pataas hanggang sa naiahon niya siya patungo sa isang parte ng dalampasigan.

Inilatag ni Iyke ang prinsipe sa buhanginang bahagi. Hindi siya magkamayaw kung ano ang gagawin. Inalog niya ang katawan, pinulsuhan, inilapit ang kanyang tainga sa ilong upang maramdaman kung humihinga pa ito. Inilapat din niya ang tainga niya sa dibdib upang mapakinggan kung tumitibok ang puso.

“Yuni! Yuni! Yuniii!” ang sigaw niya na hindi malaman ang gagawin.

At dahil hindi gumalaw ang prinsipe, inapply na niya ang CPR. Inilapat niya ang dalawang palad sa dibdib at pagkatapos ay idiniin. Paulit-ulit. “Tangina, Yuni gumising ka! Huwag mo akong takutin, gago ka!” ang sigaw ni Iyke habang ginagawa niya ang pagbomba ng dibdib ng prinispe.

Hindi pa rin gumalaw ang prinsipe. Doon na niya pinisil ang ilong nito, ibinuka ang bibig, yumuko at binugahan ng hangin ang bibig. Salit-salit. Buga ng hangin sa bibig, bomba sa kanyang dibdib.

Hanggang sa biglang umubo ang prinsipe. Iniluwa nniya ang tubig atsaka tumagilid.

Doon na napahaplos si Iyke sa kanyang noo. Nakaramdaman siya ng kaginhawaan na sa wakas ay alam niyang buhay pa si Yuni. Noon lang din niya naramdaman ang tumatagaktak niyang pawis bunsod ng matinding takot.

Bumangon ang prinsipe at umupo. Halatang hilong-hilo at disoriented.

“O-okay ka na?” Ang tanong ni Iyke.

“Hindi ako okay kung hindi mo kausapin ang iyong inay.” Ang sagot ng prinsipe na halata sa mukha ang inis niya kay Iyke.

Hindi sumagot si Iyke. Nakatitig lang ito sa prinsipe. Ang takot na nadarama niya sa pagkalunod ng prinsipe ay napalitan ng galit sa kanyang inay.

“Gusto mo talagang patayin ako? Sige, kung ganyan pala eh, ganito na lang ang gagawin natin para hindi ka mahirapan sa pagsagip sa akin, at tuluyang mawala na ako rito sa inyo, sasabihn ko na lang kung kaninong buhay ang pinapakialaman ko sa hinaharap. Makinig ka. Ito ay ang buhay ni---“

Hindi na naituloy pa ng prinsipe ang sasabihin dahil sa biglang pagbusal ni Iyke sa bibig ng prinsipe gamit ang kanyang palad.

Tinanggal ng prinsipe ang kamay ni Iyke. “Takot ka naman pala eh… Mamili ka, ako ang mawawala sa iyo o makipagkita ka sa iyong inay. Mamili ka!”

Ngunit hindi siya sinagot ni Iyke. Tinakpan ang kanyang tainga at tumalikod, tinumbok ang bahay.

Nang wala na si Iyke, tinawag niya si Waganda. May iniutos. At maya-maya lang ay bumalik si Waganda.

-----

“Sinabi nang ayaw kong makita ang inay ko eh. Ayokong sumama sa iyo! Saan mo ba ako dadalhin!” Ang daing ni Iyke. Umaga iyon at walang pasok at pilit na isinama siya ni Yuni sa isang lugar.

“Hindi tayo tutungo sa inay mo! May ipapakita lang ako sa iyo!” ang matigas na sagot ni Yuni.

Pinagbigyan niya si Yuni. Pagkatapos nilang magbisekleta nang mahigit 30 minutos, naglakad pa sila ng halos isang oras dahil hindi nabibisikleta ang daanan patungo sa taas ng bukid.

Isang bahay na yari sa kahoy ang kanilang nakita na pinaligiran din ng pader na kahoy. Sa kanilang bakuran naman ay may mga pananim na bulaklak at mga ornamental plants. Masasabing maganda ang pagkagawa ng bahay. Bagamat hindi ito pang-mayaman, ngunit mas nakakaangat naman sa bahay na purong kawayan nina Iyke.

Pumasok sila sa loob at doon ay nakita nila ang isang babaeng nasa mahigit kwarenta at nakaratay sa ibabaw ng kama samantalang ang isang batang lalaking anak nito na nasa anim na taong gulang ay nakaupo sa gilid niya. Nag-iiyak ang bata na kinakausap ang kanyang inay. “Huwag mo po akong iwan, Nay… wala na po akong kasama. Paano na lang ako kapag wala ka na?” ang sambit niya habang pinupunasan ang braso ng kanyang inay.

“Anong nangyari sa inay mo?” ang tanong ni Yuni.

“H-hindi ko po alam.”

“Pinatingin niyo ba ba siya sa doktor?”

“Tiningnan lang po siya ng doctor. Ang sabi po ay hindi nila alam ang sakit. Naubos na rin po ang pera ng inay. At si Mang Erning po, iyong albularyo ay sabi niya hindi po niya kayang gamutin ang karamdaman ng aking inay. Ang sabi niya ay kulam daw po, at malakas po ang kapangyarihan ng mangkukulam.”

Nang tiningnan nila ang mukha ng babae, napansin nilang tila naagnas ito at mistulang nilalangaw dahil may lumalabas na kung anong mga insekto mula sa kanyang ilong.

Kitang-kita sa mukha ng coach ang matinding pagkaawa sa mag-ina. Alam niyang umiiyak ito sa sakit hindi lang sa pisikal niyang naramdaman kundi ang kawalan ng magagawa para sa sarili at para sa kanyang anak.

At ang kanyang anak, ramdaman din ni Iyke ang sakit na dinaranas ng bata, isang pamilyar na eksena ito sa buhay niya. Biglang nanumbalik sa kanyang isip ang alaala ng paglisan ng kanyang lola. Hindi niya nakayanang pagmasdan eksenang iyon ng mag-ina. Tumalikod siya tinungo ang hagdan ng bahay at bumaba, naupo sa isang malaking bato. Doon ay hindi niya na napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Sinundan siya ni Yuni.

“Kung may maitutulong lang sana ako,” ang bulong ni Iyke habang nagpahid sa kanyang mga luha. Matindi ang pagkaawa niya sa bata. Ramdam niya ang pagdurugo ng kanyang puso.

Doon na sumingit si Yunie. “Gusto mong tulungan ko siya?”

Napalingon si Iyke sa kanya. “Wala ka nang kapangyarihan, ‘di ba?”

“Hmmm… kung sakaling makahanap ba ako ng paraan, papayag ka?”

“Ikaw ba ay maaatim mo na mamatay ang kanyang inay at maiwan ang batang iyan na mag-isa?” ang sagot ni Iyke.

“Kaming mga engkanto ay hindi dapat mangialam sa buhay ng mga mortal, lalo na kung ito ay itinadhana, kagaya sa buhay ng lola mo. Ngunit kung kagagawan ito ng isang maitim na kapangyarihan, kagaya sa nangyari sa babaeng iyan, maaring tumulong kami. At maaaring mahanapan ko ito ng paraan. Ngunit tulungan mo rin ako.”

“P-paano kita tutulungan?”

“Kapag napagaling ko siya, harapin mo ang iyong sariling karamdaman. Kausapin mo ang iyong inay at patawarin mo siya.”

Hindi kaagad nakasagot si Iyke.

“Kung ayaw mo, aalis na tayo walang silbi kung narito lang tayo upang pakinggan ang daing ng bata at ng kanyang inay.”

“Sandali. S-sige. P-papayag ako.”

“Mangako ka. Isigaw mo sa hangin ang iyong pangako,” ang utos ni Yuni.

Sumigaw ang coach. “Nangako ako na kapag mapagaling ng gagong ito ang babae ay patatawarin ko ang aking gagang inay!”

Natawa ang prinsipe. “Ba’t kailangang may gago at gaga?”

Ngunit seryoso pa rin ang coach. “Dalian mo na! Ang bagal eh!” Ang utos ni Iyke.

“Sandali...” Tinumbok ng prinsipe ang likuran ng bahay. “Waganda…” ang bulong niya.

“Mahal na prinsipe...” ang pag-aalangan ni Waganda. “Alam mo ba ang epekto sa akin ng ipagagawa mo? Mauubos ang kapangyarihan ko kapag ginamit ko ito. Lalo na’t kulam iyan, kapangyarihan laban sa kapangyarihan!” Ang pagtutol ni Waganda.

“Waganda... ang pagligtas sa babaeng iyan ay kasama sa misyon ko upang harapin ni Iyke ang kanyang inay. Kaya kung maubos man ang kapangyarihan mo, mabuo naman ang pamilya ng coach. Magtagumpay na tayo niyan,” ang paliwanag ng prinsipe.

“Ngunit paano kung biglang sumulpot si Ganida?”

“Kaya dalian natin, Waganda. At wala nang reklamo pa.”

Wala nang nagawa si Waganda kundi sundin ang utos ng kanyang amo.

Pumasok ang prinsipe sa dampa at tumayo sa gilid ng kama ng nakahigang ina ng bata. Inunat niya ang kanyang kanang palad sa ibabaw ng mukha ng babae at sa ilalim naman ng palad ng prinsipe ay ang maliit na palad ni Waganda na tanging ang prinsipe lamang ang nakakakita.

Tahimik ang bata at si Iyke na pinagmasdan ang ginawa ng prinsipe. Ipinikit ni Yuni ang kanyang mga mata. Maya-maya lang ay umilaw ang palad ng prinsipe at ang sinag nito ay patungo sa mukha ng babae. Nasa 30 segundo lang ang itinagal ng sinag at namatay ang ilaw sa palad ni Waganda, dahilan upang bumagsak siya sa ibabaw ng kama ng babae bunsod ng pagkaubos ng kanyang lakas.

Dinampot siya ng prinsipe at inilagay sa mas mataas na estante sa loob ng bahay. Ang akala nina Iyke at ng bata ay kasama pa iyon sa ritwal ng paggamot, hindi nila alam na may duwende palang nawalan ng malay.

Nang ibinaling nila ang kanilang atensyon sa babae, nanlaki ang kanilang mga mata sa nasaksihan. Bumangon ang babae mula sa kama at tumayo. Hmalang bumalik rin sa dati ang kanyang mukha at walang makikitang kahit anong bakas na may nangyari rito. Niyakap niya ang prinsipe. Niyakap din siya ng bata. Nagyakapan silang tatlo.

“Siya po ang pasasalamatan ninyo,” ang turo niya kay Iyke. “Dahil siya ang nag-udyok sa akin na gamutin ko po kayo.”

“W-wala po akong kinalam—“ Hindi na nakapalag si Iyke nang yakapin din siya ng mag-ina. Nag group hug silang apat.

-----

“Jaraaaannnnnnnn!!!” ang pagbulaga ni Yuni kay Iyke habang hawak-hawak sa kanyang kamay ang dalawang kuwintas. Nasa bahay na sila noon matapos nilang mapagaling ang babae. Tuwang-tuwa si Yuni sa kinahinatnan ng kanyang plano na ipakita kay Iyke kung gaano kahirap ang mawalan ng magulang dahil nakumbinsi rin niya si Iyke na makipagkita sa kanyang inay.

“Huh! Di ba nalunod ka? Nakuha mo pala iyan?” Ang gulat na tanong ni Iyke.

“Nailagay ko na ang mga ito sa bulsa ko bago pa man ako nawalan ng malay-tao.”

“Ahhh.”  Kinuha ni Iyke ang kuwintas na may nakaukit na “AY”. Iyon iyong kuwintas na nasa kanya habang iniwan sa kamay ni Yuni ang isa na may nakaukit na “IN”.

“Ayaw mo ba nito?” ang tanong ni Yuni habang inangat ang naiwang kuwintas.

“Hindi pa kami nagkita, di ba?”

Napailing si Yuni. Ipinasok niya ang kalahating kuwintas sa kanyang bulsa. “So kailan natin puntahan ang inay mo?”

Hindi nakasagot agad si Iyke. Iniisip niya na napakarami niyang dapat isisi, ipapanagot, isusumbat sa kanyang inay. Balak niyang niyang alipustain, pagsabihan ng masasamang salita, ipahihiya... “Puwedeng sa isang lingo na? Gusto kong makapaghanda.”

Isang malalim na buntong-hininga ang binitiwan ni Yuni. “Sige… pero huwag nang palampasin sa isang lingo lang. At hindi ka puwedeng mag back-out.”

Ngunit hindi iyon tinupad ni. Nang kinontact niya si Aileen, gusto niyang mas maaga ang tagpo nila. Isa pa, ayaw din ni Yuni na patagalin pa ang pagtagpo ng mag-ina. Gusto niyang makasiguro. Kaya tatlong araw makalipas ang pagsagip nila sa babae ay niyaya ni Yuni si Iyke na samahan siya sa ospital.

Walang kaalam-alam si Iyke sa mga plano nina Yuni at mga tauhan ng Nutrition Department ng ospital.

“Bakit dito tayo pumasok?” ang tanong ni Iyke nang pumasok sila kabilang building ng ospital imbis na sa main entrance.

May naiwan ako rito. Dadaan lang tayo.”

Sa pagbungad nila sa opisina ay nagtaka si Iyke dahil may mga nakalambitin na balloons sa loob. May iba’t-ibang kulay ng ribbons na palamuti sa dingding at kisame. Mayroon ding malaking cake sa ibabaw ng mesa na nasa isang gilid at ang kasama noon ay isang malaking lechon at iba’t-ibang mga masasarap na pagkain.

Nang tiningnan ni Iyke ang dingding na nakaharap sa pinto, may nakapaskil ditong banner, “Happy Birthday, Anak!” ang nakasulat.

Napangiti si Iyke at palihim na bumulong kay Yuni. “May birthday pala. Makakatikim na naman ako ng cake at litson nito. Sarap!” Ang sambit niya.

Sinuklian ng ngiti ni Yuni si Iyke. Ang hindi lang alam ni Iyke ay iba ang dahilan ng pagngiti ni Yuni, dahil ang bati na iyon pala ay para sa kanya, at para na rin sa “birthday” ng pagtagpo nila sa kanyang inay.

Sinalubong sila ng mga staffs ng Nutrition Department. Maya-maya ay sumulpot ang mga players ni Iyke sa Wild Boars. At kumpleto sila. Bahagi kasi ito sa plano ni Yuni pasa sa kanya. Gulat na gulat si Iyke.

“Bakit kayo nandito?” ang tanong ni Iyke.

“Eh... may nag-imbita po sa amin, Coach!” Ang sagot naman ng mga bata.

“Taga-rito raw po, Coach!”

Medyo naguluhan si Iyke ngunit hindi na siya nagtanong pa. In-enjoy na lang niya ang samahan at ang paghintay sa oras ng kainan na siguradong darating. Matagal na siyang hindi nakakain ng litson.

Ngunit doon na biglang kumalampag ang dibdib ni Iyke nang si Aileen na ang sumulpot, may dalang isang palumpon ng mga puting rosas at mula sa kanyang kamay ay nakalambitin ang kuwintas na kapares ng sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata na nilingon si Yuni, nagtatanong ang kanyang tingin.

Tumango lang si Yuni, pahiwatig na iyon na ang takdang oras na harapin niya ang kanyang inay. Ngunit nainis si Iyke sa hindi pagsunod ni Yuni sa kanilang usapan. Bbigla siyang tumalikod at tinumbok ang pinto.

Dali-daling inunahan siya ni Yuni. Hinarangan nito ang pinto. “Usapan natin na haharapin mo ang iyong inay. Usapan natin na pagkatapos nating pagalingin ang babaeng iyon ay kakausapin mo na siya!”

“Oo pumayag ako. Pero ang sabi ko ay sa isang linggo pa!”

“Para saan ang isang linggo? Gusto mo bang kapag tapos na ang itinalagang araw ng pagtulong ko sa iyo ay saka mo pa siya kakausapin? Ganyan ka ba? Makasarili? Ganyan ka kasakim? Ganyan bang klase ang pagkatao mo? Walang ibang iniisip kundi ang sakit na dulot sa iyo ng nakaraan? Masaya ka ba sa ganyan? Masaya ka ba na may mga taong nagdusa nang dahil sa katigasan ng ulo mo?” ang sigaw ni Yuni na idiniin pa ang kanyang hintuturo sa ulo ni Iyke. “Paano naman kaming nasasaktan din dahil nakikita kang nasasaktan? Paano kaming naghahangad ng kaligayahan para sa iyo?”

Napayuko na lang si Iyke, halatang tinablan sa mga sinabi ni Yuni.

“Kung gusto mong murahin ang inay mo, sumbatan mo, sisihin mo, ipalabas ang lahat ng hinanakit mo, gawin mo iyan ngayon, sa harap niya!” Dagdag ni Yuni.

Nahinto si Iyke. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagngangalit. Tumalikod siya kay Yuni at nilapitan si Aileen. At sa hindi inaasahan, pinakawalan ni Iyke ang malalakas at malulutong na sa sampal sa magkabilang pisngi ni Aileen.

Biglang napa-takip sa kanilang mga bibig ang buong staff, pati na ang mga players na naroon. Hindi sila makagalaw at hindi makapagsalita sa matinding tensiyon ng eksenang kanilang nasaksihan. Muntik namang matumba si Aileen at maitapon ang hawak-hawak niyang na mga rosas at kuwintas. Napayuko siya habang ang mga luha ay nagsimulang dumaloy kanyang mga mata. Napaluha siya dahil sa naramdamang awa para sa tunay na inay ni Iyke.

“Napaka-walang kuwenta mong ina! Napakawang puso mo! Hindi ka na naawa sa iyong anak! Nasaan ka noong kailangan kita! Bakit mo ako iniwan sa ibang tao! Bakit? BAKIIITTTT!!!” Ang bulyaw niya.

Magsasalita pa sana si Iyke nang bigla namang tumunog ang speakers sa opisinang iyon. Mahinang ipinatugtog nang paulit-ulit ang kanta ni Carol Banawa –


Sa buhay kong ito, tanging pangarap lang
Ang iyong pag mamahal, ay makamtan
Kahit na sandali, ikaw ay mamasdan
Ligaya'y tila ba, walang hanggan
Sana'y di na magising, kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay, ang tatahakin
Minsan ay nadarapa, minsan din ay luluha
Di ka na maninimdim, pagkat sa buhay mo
Ay may nag mamahal parin

Iingatan ka, aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y, may gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nag mamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng buhay ko, buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na

Habang mahinag pinatugtog ang kanta ay may boses ng babae na halatang umiiyak habang nagsasalita.

“Patawarin mo ako, anak. Inaamin kong malaki ang pagkukulang ko sa iyo. Kung kaya ay sobrang natakot akong magpakita... dahil napakawalang-silbi kong ina. Imbis na sana ay nasa tabi kita at karamay sa lahat mong pagdurusa, nasa malayo ako, hindi kita naaalagaan, hindi mo ako madama.” Sandaling nahinto siya sa pagsasalita na tila humanap ng buwelo. “Sundalo ang iyong ama at namatay siya sa ambush. Sa pagkamatay niya ay sunod-sunod na ang dagok sa aking buhay. Sa munti nating dampa ay ipinanganak kita na walang tumulong. Nairaos ko ang lahat. Nawala man ang iyong ama, kahit papaano ay natuwa ako na dumating ka sa buhay ko. Ngunit nagkasakit ako. Nilagnat, nagsusuka, halos hindi makatayo. Sa takot ko na hindi kita maalagaan o mahawa ka sa sakit ko ay naisipan kong ilayo kita. Sa gitna ng kalsada, ilang metro lang sa bahay na iniwanan ko sa iyo, nawalan ako ng malay. Nangising ako sa loob ng ospital. Tinulungan ako ng isang babaeng may ginintuang puso. Ipinagamot niya ako. Nang gumaling ako ay tinulungan niya akong mag-abroad. Iyon ang paraan ko upang magkaroon ng pera at babalikan kita. Ngunit bigo ako dahil hindi ako sinuwerte. Dumanas ako ng pang-aabuso. Hindi ako sinuwelduhan, palagi akong sinasaktan, at ikinulong ng ilang taon. Hanggang sa tinulungan ako ng embahada ng Pilipinas. Ngunit dahil kulang sa mga dokumento, ilang taon din akong nabinbin sa shelter. At doon ay muli akong nakaranas ng pang-aabuso sa mismong kamay ng opisyal. Nakaalis ako sa lugar na iyon nang magbigay ng amnestiya ng gobyerno ng Arabo. Kahit walang dalang pera ay masaya akong nakauwi. Pagdating na pagdating ko rito ay hinanap ko ang bahay kung saan kita iniwan. Ngunit isang building na ang nakatayo roon. Sobrang sakit ang aking nadarama na hindi na kita nahanap. Naalala ko ang babaeng nagpagamot sa akin. Muli niya akong tinulungan upang maka-ahon sa buhay. Ang babaeng ito ay si Aileen. Ang Manager ng Nutrition Department na ito. Inirekomenda niya ako sa isang mayamang businessman upang ako ang maglinang ng isang parte ng sakahan na pag-aari ng kaibigan niya at upang ako rin ang magsupply ng mga gulay at prutas sa ospital at sa iba pang mga restaurant. Nang magkasakit ako, sa kanya ko ipinagkatiwala ang kuwintas upang hanapin ka at doon ito nakita ng kaibigan mong si Yuni.”

Muling nahinto ang babae sa kanyang pagsasalita. Nakayuko naman ang lahat na umiiyak habang pinakinggan ang mga sinasabi ng babae.

“Marahil ay sadyang mapaglaro lang ang buhay sa akin, anak. Anim na buwan nang nakabalik ako rito sa Pilipinas ay nagsilang ako ng isang batang lalaki. Siya ang bunga ng pang-aabuso ng isang opisyal ng embahada. Pinangalanan ko siyang Michaelangelo. Ipinagdugtong ko ang mga pangalan ninyo para palagi kitang maaalala, at upang palagi kang maaalala ng kapatid mo. Alam niya na may kuya siya. Hinahanap-hanap ka niya. Sana anak, kahit ganito ako ka-walang kwentang ina, kahit ganito kahirap ang buhay na itinadhana para sa akin, kahit ganito kababa ang pagkatao ko, kahit ganito karumi ang mga karanasan ko ay matatanggap mo pa rin ako...”

Hindi na nakaimik pa si Iyke. Nakayuko siya at tahimik na umiiyak.

“Kung tanggap mo ako anak, buksan mo ang pinto sa gilid ng nakasabit na banner. Nandito ako sa loob ng cafeteria, anak. Lalabas lang ako kapag tanggap mo ako. Ngunit kung ako at ang bunsong kapatid mo ay hindi mo pa rin matanggap, manatili kami rito. Sana anak, maging buong pamilya na tayo. Pagreho tayong nagdusa, anak. Nasasabik na ako sa iyo... At oo nga pala anak, sa araw na ito ang tunay mong birthday. Kaya happy birthday sa iyo, anak. Ang araw na ito ay para sa iyo.”

Natahimik sandali ang paligid. Hanggang sa sumigaw si Yuni. “Buksan na iyan!!!”

At dahil dito ay sumingit ang kumedyanteng baklang staff ng Nutrition Dept. “Buksan mo iyan dahil sinampal mo ang boss namin, ang bait-bait niyan! Hindi ka makakalabas dito nang buhay kapag ‘di mo binuksan iyan!”

Tawanan ang lahat.

Sumingit uli si Yuni. “Buksan na iyan! Buksan na iyan!”

Doon na nagsisunuran ang lahat sa pagsigaw, “Buksan na iyan! Buksan na iyan! Buksan na iyan!”

Tiningnan ni Iyke si Aileen na nakangiti at iniunat ang kanyang dalawang bisig, pahiwatig na hindi siya galit sa pagsampal niya rito.

Wala nang nagawa pa si Iyke kundi ang lapitan si Aileen atsaka yakapin. Nagyakapan sila. “Pasensya na po sa inyo, Ma’am. Akala ko kasi... Ang laki pala nang naitulong mo sa kanya.”

“Wala iyon. Naintindihan kita. Para sa best friend ko ay hahamakin ang lahat ng sampal basta liligaya lang siya,” sabay tawa. “Pero seryoso, mas intindihin mo ang iyong inay. Matagal na siyang nagdusa. It’s high time na sumaya naman siya sa buhay... pati ikaw, pati ang iyong kapatid. Sana ay magiging masaya na kayo at magsama bilang isang buong pamilya.

Ibinigay ni Aileen ang bulaklak at ang kuwintas na tinanggap naman ni Iyke.

Nang binuksan ni Iyke ang pinto at lumantad ang babae at kanyang anak, laking gulat niya sa kanyang nakita. Siya ang babaeng pinagaling ni Yuni! At pati si Yuni ay nagulat din! Pati ang inay ni Iyke ay hindi makapaniwalang sila rin ang nagligtas sa kanya. Silang tatlo ay nasorpresa.

Nakakabingi ang palakpakan ng mga sataff nang nagyakapan ang mag-ina. Ibinigay ni Iyke ang mga bulaklak sa ina at pagkatapos ay tiningnan niya ang kapatid, at naglulundag sa tuwa ang puso niya nang makita siya. Niyakap niya ito at kinarga. “Ikaw pala ang bunso ko ha?” Ang masayang sambit niya sa bata.

“Palagi po kaoyng binabanggit sa akin ng inay, kuya. Masaya ako na may kuya ako.” Ang sagot naman ng bata.

Ikinabit ng mag-ina ang dalawang kwintas at ipinakita nila ito sa mga staffs at bisitang naroon. Nababasa nila ang salitang nabuo, “INAY”. Nagpalakpakan ang lahat.

Napakasaya ng tagpong iyon para sa mag-ina at sa lahat na naroon at nakasaksi.

Subalit, lingid sa kaalaman nilang lahat, may isang taong lihim din na nalungkot. Ang prinsipe. Naisip niya na iyon na ang simula ng paghihiwalay nila ng landas ni Iyke. At iyon na rin ang katapusan ng kanyang pagiging mortal. Hindi na niya maranasan ang mortal na kasiyahan, ang mortal na galit, ang mortal na excitement, ang mortal na pagkasabik para sa isang tao... na naranasan niya kay Iyke. Mawawala na sa kanya ang lahat nang iyon.

At habang nagsaya sila ay lihim na lumabas ng kuwarto ang prinsipe upang doon ay hihintayin ang biglang pag-iba ng paligid at panahon at makabalik siya sa kasalukuyan. At naghihintay, umupo siya sa isang sementong bangko sa lilim ng isang malaking puno ng mahogany.

“Uy... iba na iyan! Ba’t ka nag-emote d’yan?” ang biglang pagsipot ni Waganda.

“Bakit hindi mo sinabing ang babaeng iyon pala ang inay ni Iyke?”

“Para maranasan mo rin naman kung paano masorpresa ang isang mortal. O ano, ibang klaseng pakiramdam, ‘di ba?”

“Sabagay.” Ang sagot ng prinsipe. “Ngunit alam mo, Waganda, mayroon akong kakaibang naramdaman na hindi ko lubos maipaliwanag eh.”

“Ano?”

“Iyong masaya ako para sa misyon natin na natupad. Masaya ako para kay Iyke na nabuo ang kaniyang pamilya. Ngunit may lungkot din akong nadarama na lilisan ko na siya... Parang ang sakit-sakit sa dibdib. Parang gusto kong umiyak, parang ayaw ko nang bumalik pa sa kaharian ng aking ama at kasalukuyan...”

“OMG!!! Iba na iyan, mahal na prinsipe! In-love ka na sa kanya! Ayiiiiiiii!!!” ang kinilig na tili ni Waganda.

“Loko ka! Ba’t ako mai-in love sa kanya? Lalaki ako, Waganda. Hindi ako bakla!”

“Iyan din ang sabi ng iba riyan. Lalaki sila. Straight. Pero ‘wag ka, straight na lalaki pala ang hanap.”

“Ibahin mo ako sa kanila, Waganda! At isa pa, napakalaking pagkakamali kapag umibig ako ng mortal. Alam mong hindi ako makakabalik sa kaharian ng aking ama kapag nangyari iyan.”

“Okay. No comment. Basta feeling ko lang ha, mahal mo na siya talaga. At huwag mong maliitin ang pagmamahal sa kapwa babae o lalaki. Basta pagmamahal, hindi na kailangan ang label dahil lahat ng klaseng pagmamahal ay marikit, marangal, dakila, kapuri-puri. Ahihihihihi!”

“Shut up!”

Hindi na umumik si Waganda. Si Yuni naman ay gulong-gulo ang isip at lungkot na lungkot habang hinihintay ang pag-transform ng paligid, ang hudyat na nakabalik na siya sa kasalukuyan.

Ngunit naka tatlumpung minuto na lang ang nakalipas at hindi pa rin nagbago ang lahat.

“Woi! Ba’t narito ka?” Ang tanong na narinig ni Yuni. Nang nilingon niya kung sino ang nagsalita, nakita niya si Iyke.

Binitiwan ni Yuni ang isang pilit na ngiti. “Eh... ‘di ba tapos na ang misyon ko at nagtagumpay na ako. Hinintay ko na lang na kunin ako at babalik na sa aming kaharian. Oo nga pala, happy birthday sa iyo.”

“Salamat…” Tumabing umupo si Iyke. “Ba’t ka malungkot?”

“Hindi... natuwa nga ako sa iyo kasi nabuo na ang pamilya mo, eh. At may bonus pa. May bunsong kapatid ka na agad. Natupad ang isa mo pang pangarap na magkaroon ng bunsong kapatid. At ang cute na bata pa! Nakakatuwa!”

Tiningnan ni Iyke si Yuni. Binitiwan ang isang pilit na ngiti. Salamat sa iyo.”

“Kapag wala na ako... alagaan mo palagi ang sarili mo. Huwag mainitin ang ulo. At huwag pasaway sa inay mo. Ang pagmamahal mo sa lola mo ay sa kanila mo na ibaling.”

Nahinto si Iyke. Sa sinabing iyon ni Yuni ay tila may sibat na tumusok sa kanyang puso. Napayuko siya. “S-salamat sa lahat ng tulong mo. P-parang kailan lang na nagkita tayo, nagsuntukan, kinulit mo ako, nasaksak ka, at heto, ang laki ng nagawa mo sa buhay ko. At ngayon ay... aalis ka na.” Napabuntong-hininga siya.

Napayuko na rin si Yuni. Hindi na niya alam kung ano pa ang sasabihin. Ang tanging nangibabaw sa kanyang pagkatao sa sandaling iyon ay ang naramdamang lungkot na hindi na niya muling masilayan pa ang mortal na kaibigan. Nakaukit sa kanyang isip na kapag nagtagumpay siya, hindi na niya muling mako-contact pa o ni makasama si Iyke.

“K-kung papipiliin ka, ano ang mas gusto mo? Ang manatili rito o ang babalik sa iyong kaharian?” Ang tanong ni Iyke.

Napatingin si Yuni kay Iyke. May kakaibang excitement na nadama siya sa narinig na tanong ng kaibigan. “I-ikaw ba... ano ang gusto mo para sa akin? Ang manatili ako, o babalik sa kaharian?”

“Syempre. Ang manatili ka. Wala na akong kaharutan. Wala na akong katabi sa pagtulog sa gabi. Wala nang mangungulit sa akin.”

“Ma-miss mo ba ako?”

“Syempre.”

“Sinungaling ka! May bunso ka na. Kaya hindi mo na ako ma-miss.” Ang biro ni Yuni.

Tinitigan ni Iyke si Yuni. “Kapatid ko iyon. Iba ka kaysa kapatid.”

Hindi alam ni Yuni kung ano ang ibig sabihin ni Iyke na iba siya dahil hindi siya kapatid. May kakaibang kilig iyon sa kanyang puso. Ipinatong niya ang kanyang kanang kamay sa kaliwang kamay naman ni Iyke na nakataob at nakatukod sa sementong upuan. Sa paglapat ng kamay ni Yuni sa kamay ni Iyke ay napatingin si Iyke kay Yuni. Nangkatitigan sila. Binitiwan nila ang matitipid na ngiti.

Tiningnan ni Iyke ang kamay ni Yuni na nakapatong sa kanyang nakataob na palad. Pagkatapos ay itinihaya niya iyon. Mahigpit naman na hinawakan ni Yuni ang nakatihaya nang palad ni Iyke. Sinuklian din ni Iyke ang mahigpit na paghawak sa palad ni Yuni.

Parang wala lang sa kanilang dalawa ang pag-lock ng kanilang dalawang palad. Pareho silang nakatingin sa malayo, sa harap nila.

“Akala ko ba ay cold-blooded ang mga engkanto,” ang pagbasag ni Iyke sa katahimikan. “Ba’t mainit ang palad mo?”

Nilingon ni Yuni si Iyke. “Di ba dugo mo na ang nananalaytay sa aking kaugatan? Kaya habang binobomba ng puso ko ang dugo mo, ikaw na ang kinikilala niyang may-ari sa kanya.”

Natawa si Iyke. At ang tanging naisagot lang niya ay, “Charing!”

Hindi na sila nagsalita pa. Mistulang lumipad ang kanilang mga isip, sa ibang mundo na silang dalawa lang ang nakararating, hawak-kamay at doon ay malayang naglalakbay.

May tatlong minuto sila sa ganoong ayos. Walang nagsasalita ngunit ninanamnam ang mahigpit na paglapat ng kanilang mga palad. Dama nila ang init ng kanilang katawan, ang bugso ng damdamin pilit nilang pinakawalan. Sa paglapat ng bahagi ng katawan nilang iyon ay nagiging isa ang kanilang buong katauhan. At kahit hindi nila sinasabi sa is’t-isa, tila iyon ang simbolo ng pagsasanib ng kanilang mga puso, ng kanilang lihim na damdamin.

“Ayiiiiiiii!” ang maliit na boses na sigaw ni Waganda na tanging ang prinsipe lang ang nakaririnig.

Tinaggal ng prinsipe ang kanyang kamay na nakahawak sa kamay ni Iyke. “M-may ibibigay pala ako sa iyo.” Ang sambit niya habang tinanggal ang kanyang itim na pulseras mula sa kanyang pupulsuhan. Yari ito sa balat ng hayop na matatagpuan lamang sa kanilang kaharian. May mga kumikinang na white gold na ruweda sa kabuuan nito. Hinawakan niya ang kamay ni Iyke at isinukbit ito sa kanyang pupulsuhan. “Ingatan mo iyan. Tanda iyan ng ating pagiging magkaibigan.”

“Salamat...”

At dahil may itim na pulseras din si Iyke, iyong tila bilog na sintas lang ng sapatos, iyon ang ibinigay niya kay Yuni. Isinukbit din niya ito sa pupulsuhan ng prinsipe. “Huwag mo ring walain ito. Kahit mumurahin lang iyan, mahal ko iyan,” ang sambit ni Iyke.

“ahit may bunso ka na, alagaan mo pa rin si ‘Yunimini’. Kapag na-miss mo ako, kausapin mo siya, itabi sa pagtulog, kulitin mo, kagaya ng pangungulit mo sa akin.”

Tumango lang si Iyke.

-----------------

Sa hindi malamang dahilan ay hindi nangyari ang pagbalik ni Yuni sa kanilang kaharian. Nagtaka siya kung bakit. Tinanong din niya si Waganda ngunit hindi rin ito makasagot. Ngunt masaya na rin ang prinsipe at syempre, si Iyke dahil humaba pa ang kanilang pagsasama. Inisip na lang ng prinsipe na baka dahil nawili siya sa mundo, lalo na kay Iyke kung kaya ay pinagbigyan siya ng kanyang ama. Ngunit iba ang interpretasyon ni Waganda rito: Kung hindi pa tapos ang misyon ng prinsipe, maaaring ito ay dahil nagmahal ang prinsipe sa isang mortal na maaaring dahiln kung bakit hindi na siya nakabalik sa kaharian ng kanyang amang engkanto.

Kung tutuusin ay perpekto na ang lahat para kay Iyke. Buo na ang kanang pamilya at masaya silang lahat. Ngunit isang araw habang nagpi-picnic silang pamilya kasama si Yuni, si Aileen at mga miyembro ng Wild Boars, biglang dumating si Hilda, ang babaeng may gusto kay Coach.

Naamoy ni Waganda na may kakaiba sa biglang pagsulpot ni Hilda. May pagdududa siya na maaaring sinaniban siya ni Ganida. Tinibrehan niya ang prinsipe tungkol dito.

“Iyke, sabuyan mo siya ng asin!” ang bulong naman ng prinsipe kay Iyke.

“Naku! Wala tayong dalang asin!” Ang sagot ni Iyke.

Habang palapit si Hilda sa kanila, biglang may binunot ito mula sa kanyang bag, isang baril! Huminto siya may walong metro ang layo mula kay Iyke. Itinutok niya ang baril sa inay ni Iyke. “Hindi ka pa rin magtagumpay Prinsipe Yuni!” Ang boses ni Ganida na bagamat ang nagsasalita ay si Hilda. “Mamamatay ang babaeng iyannnnn!!!”

“Waganda, gamitin mo ang kapangyarihan mong ilipad ang baril niya!” Ang tarantang pag-utos ng prinsipe.

“Wala na akong kapangyarihan. Mahal na Prinsipe. Hindi ko na kaya dahil halos maubos ito nang ipinagamot mo sa akin ang inay ng coach!”

Nang muling tiningnan ng prinsipe ang babae ay akmang kakalabitin na niya ang gatilyo ng baril. Wala nang oras kaya simbilis ng kidlat na iniharang ni Yuni ang kanyang katawan sa katawan ng inay ni Iyke.

Sapul. Tumama ang bala ng baril sa dibdib ni Yuni na tumagos sa kanyagn puso. Natumba ang prinsipe. Nakahandusay sa damuhan.

“Yuniiiiiiii!!!” ang sigaw ni coach nang nakita niya ang pagbagsak ng katawan ng prinsipe! Tarantang nilapitan niya si Yuni. Kinandong niya ito at hinawakan sa kanyang mga bisig ang pang-itaas na katawan ng prinsipe.

Habang naghihingalo si Yuni, natumba rin si Hilda at naghingalo.

“Iyke... m-masaya ako na nakilala kita at n-nakasama...” ang pilit na pagsasalita ng prinsipe habang pilit na inabot ang mukha ni Iyke. Nang naabot na ng kamay niya ang mukha ni Iyke ay hinaplos niya ito. “Ingatan mo ang s-sarili m-mooo...” ang nasambit niya sabay sa pagkaputol ng kanyang hininga.

“Yuniiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!” ang sigaw ni Iyke.

Nang tiningnan nila si Hilda, nakita nila ang maitim na usok na lumabas sa katawan nito. Si Ganida. Base sa sumpa ng pag-ibig niya sa prinsipe, mamamatay siya kapag namatay ang prinsipe.

Sa pagkamatay ni Ganida, kumpirmadong wala na ring buhay ang prinsipe.

Wakas.

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails