STARFISH
[Chapter
20]
***Lui***
10:51 PM,
Tuesday
March 19
Hindi ko
alam kung anong pumasok sa isip ko at inimbita ko pa si Renz na matulog na lang
sa bahay. Wrong move. Pero hindi ko kasi masikmura na pauwiin siya ng dis oras
ng gabi matapos niya akong tulungan na hanapin si Andrei nang mawala ito sa
mall kanina.
Hinayaan
ko siya na matulog na lamang sa couch sa sala. Hindi ko naman gagawin na
patulugin siya sa kwarto ni Kyle matapos ang mga nangyari sa amin nang huli
kaming magkasama na matulog.
Galit pa
ba ako sa kanya?
Hindi ko
mapigilang tanungin muli ang aking sarili. Bago kami magkita muli noong isang
araw ay nasabi ko sa sarili ko na nawala na ang galit na nararamdaman ko para
sa kanya. Hindi ko alam kung nagiging totoo ako sa sarili ko noon o sadyang
masaya lang ako sa mga nangyayari sa buhay ko na hindi ko na nagagawang bigyang
pansin pa ang anumang sama ng loob na meron ako sa kanya.
Sa
nakalipas na dalawang araw ay kita ko naman ang mga naging pagbabago sa kanya.
Malayo na sya sa taong nalulong sa napakaraming bisyo. Alam kong malaki ang
naitulong sa kanya ng pagpasok sa rehab. Siguro nga ay isinasaayos nya nang
muli ang kanyang buhay.
Hindi ko
mapigilan ang saglit na paghanga sa kanyang ipinapakitang pagbabago. Hindi biro
ang bumalik sa tuwid na daan matapos ang pagkakasadlak na pinanggalingan niya.
Galit pa
nga ba ako sa kanya?
Base sa
reaksyon ko ng nakalipas na mga araw at sa inis na nararamdaman ko kapag
nakikita ko siya, siguro nga ay may galit pa din ako sa kanya. Alam kong masama
ang magtanim ng sama ng loob, pero hindi naman kasi simpleng bagay ang nagawa
niya sa akin. Hindi madaling isangtabi ang mga nangyari, lalong hindi madaling
kalimutan.
Sa tuwing
titingnan ko siya ay hindi ko maiwasang maalala ang gabi na natagpuan ko siyang
lasing at binubugbog sa isang madilim na kalsada. Awang-awa ako sa kanya at
gusto ko syang tulungan. Kapalit ng ginawa kong pagtulong ay ang pangga-gago
niya sa akin. Ito yung mga bangungot na ilan buwang paulit ulit na gumising sa
akin sa gitna ng gabi.
Sabi nila,
“what doesn’t kill you makes you stronger”, but there are things that could
cripple you.
Matapos
ang gabing iyon, alam kong hindi na ako yung dating Lui. Somehow, something in
me has changed. At wala na akong magagawa para maibalik pa iyon.
Hindi ko
namalayan ang pagdaloy ng luha sa aking kaliwang mata. Ganito daw talaga kapag
marami ka nang napagdaanan sa buhay. Isang mata mo na lang ang lumuluha.
Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naisip.
Oo. Galit
pa nga siguro ako kay Renz. Akala ko ay okay na ako pero hindi pa pala. Masaya
ako sa relasyon ko kay Jane, sobrang saya na hindi ko napansin yung parte ng
puso ko na nasaktan. I have been able to ignore that hurting part until I saw
him again.
Dapat ko
na ba syang patawarin?
Katulad
nga ng sinabi ko kanina, nagbago na sya. Alam ko na hindi na sya yung lalaking
nagsabing mahal niya ako para lang magamit ang katawan ko. Ibang tao na ang
kaharap ko ngayon. Sinisikap na ng taong to ang magbago at itama ang mga
pagkakamaling nagawa niya.
Sapat na
bang dahilan yon para magpatawad ako?
Kahit na
anong klaseng pagbabago naman ang gawin niya sa sarili niya ay hindi naman niya
maibabalik ang nakaraan. Hindi naman niya kayang ibigay sa akin muli yung
kinuha niya.
Gusto ko
na bang magpatawad?
Oo.
Nakakapagod na din e. Kahit anong galit naman ang itanim ko sa puso ko ay hindi
din naman mababago non ang mga nangyari na. Gusto ko na lang naman na sumaya.
Ganun nga
siguro ang buhay. Minsan nagpapatawad ka hindi para sa taong nakaatraso sa yo kundi
para mismo sa sarili mo. Gusto mo na lang kumawala sa kinikimkim mong galit na
kaya mo ng palagapasin lahat ng masamang nangyari sayo para lang sumaya ka.
Yung tunay na masaya. Hanggang sa dumating yung araw na kapag naalala mo yung
mga bagay na nangyari sayo, hindi mo na kailangan pang malungkot. Alam mo at
tanggap mo sa sarili mo na isa na lang yong parte ng nakaraan at hindi na noon
kaya pang apektuhan ang ngayon o ang bukas.
***Renz***
11:26 PM,
Tuesday
March 19
Nakakalungkot
na dalawang araw na kami halos na magkasama ni Lui pero hindi ko pa din
nasasabi sa kanya ang salitang “sorry”.
Hindi
naman kasi ako makahanap ng magandang tyempo. Alam kong hindi naman ako karapat
dapat sa pagpapatawad niya pero he deserves to hear me say the word. I owe him
that much.
Nauubusan
na ako ng pakulo. Hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong gawin para mabago
ang pagtingin niya sa akin. Kungsabagay, anu nga naman ang ineexpect ko mula sa
kanya. Ni-rape ko siya, kahit ibigay ko sa kanya lahat ng bulaklak sa Flower
festival sa US ay hindi non mababago ang mga nagawa ko sa kanya.
Dapat nya
ba akong patawarin?
Hindi.
Kahit ilagay ko ang sarili ko sa posisyon niya ay hindi ako makaisip ng
magandang dahilan para patawarin niya ako.
Tumayo ako
mula sa pagkakahiga sa couch at tinungo ang kwarto nila Kyle kung saan
natutulog si Lui. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nabungaran kong
mahimbing na natutulog si Lui sa isang side ng kama.
Maingat
akong lumapit at pinagmasadan ang kanyang nakapikit na mga mata. Hindi ko alam
kung anong meron sa mata pero isa iyon sa mga paborito kong parte ng mukha
maliban sa labi.
Dahan-dahan
akong umupo sa sahig ng kwarto at halos magkatapat lang ang mukha namin ni Lui.
Nakapikit si Lui kaya malaya ko siyang natititigan ng walang inaalala na
magsusungit sa akin.
Naalala ko
ang mga mata ni Kyle na parang nagiging guhit lang sa kanyang mukha kapag siya
ay nakatawa. Mabigat ang tingin ni Kyle. Yung tipong kapag tinignan ka nya ay
hindi mo maiwasan na mapatingin din sa kanya, pero kapag sinubukan mo
makipagtitigan ay hindi ka din tatagal. Para bang tumatagos sa kaluluwa mo ang
mga tingin niya sayo.
Iba ang
tingin o ang sinasabi ng mga mata ni Lui. Kapag tiningnan mo sya sa mata ay
makikita mo ang pilyong mata ng isang batang may masamang binabalak. Parang
puno ng kalokohan at tiwala sa sarili ang laman ng mga matang iyon. Iyon ang
madalas na sinasabi ng kanyang mata.
Sa sandali
naming pagkakasama noon ay nakita ko na ng di lang minsan ang isa nya pang
mata. Yung matang mapag-alaga, yung nagsasabing “okay lang yan, ako bahala
sayo”. Dati ay naiinis ako sa tuwing nakikita ko iyon. Pakiramdam ko kasi ay
masyado akong kaawa-awa para tingnan nya ng ganoon. Kapag ganoon na ang tingin
niya sa akin ay di ko na maiwasan na sungitan o awayin siya.
Napangiti
na lang ako sa aking naiisip.
Mukhang
maganda ang panaginip ni Lui dahil dahan-dahang umaangat ang sulok ng kanyang
mga labi. Ilang beses niya ding ginawa sa akin to noon. Ang panuorin ako habang
natutulog. Ang hindi niya alam ay gising ako sa tuwing pinagmamasdan nya ako.
Nuon pa
lang ay alam kong may gusto na sya sa akin. Kahit na gaano kami kadalas na
magbangayan noon ay alam kong may kaiba siyang nararamdaman para sa akin.
Kung
anu-ano ang pinagsasabi niya sa akin nuon kapag pinapanood niya akong matulog.
Minsan ay yayakapin niya pa ako. Hinayaan ko lamang siya sa gusto niya. Di ko
naman itinatanggi na nasisiyahan din ako sa ginagawa niya. Habang nagsasalita
siya o habang yakap niya ako ay iniisip ko na siya si Kyle. Katulad ng
pag-iisip ko na siya si Kyle nung pilitin ko syang angkinin.
Muli akong
nabalot ng lungkot at pagsisisi sa isiping iyon. Tumayo ako sa aking kinauupuan
at dahan-dahang inilapit ang aking labi sa noo ni Lui.
“Good
night Lui.”, bulong ko sa kanya bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Pinasya
kong mag-drive na lamang pauwi sa bahay sa Mandaluyong dahil hindi ako
makatulog sa unit ni Kyle.
***Lui***
8:07 AM,
Wednesday
March 20
Nang
magising ako kaninang alas-sais ay wala na si Renz sa condo ni Kyle. Maayos na
nakasalansan ang unan at kumot na ginamit niya kagabi. Hindi ko alam kung saan
siya nagsuot. Inisip ko na lamang na marahil ay napagod na siyang mag-effort na
humingi ng tawad sa akin at umuwi na lamang sa kanilang bahay.
“I’m
yyyeeeeaaadddyyyyy!!!”, matining na announcement ni Andrei. Mag-isa siyang
nagbihis at nagsuot ng sapatos dahil big boy na daw sya. Iyon ang drama niya
ngayong umaga: independent, responsible, and self-sufficient kid of the
century.
“I know.
You don’t have to shout”, inis kong sagot. Pakiramdam ko kasi ay mababasag na
ang ear drums ko sa ingay at kakulitan ni Andrei.
“Bakit ka
ang susunget Kuya Lui?”, usiserong tanong sa akin ni Andrei.
“Wala!”,
malakas kong sagot sa kanya habang nilalagay ko sa lunch box ang ginawa kong
sandwich para sa kanila ni Sandy. Hindi ko alam kung paano nagagawang tagalan
ni Kyle at Aki ang ganitong routine araw-araw.
“Alam ko
na! Siguro nag-away sila ng ligaw nya. Uuuuyyyy!”, pang-aasar ni Sandy.
Napakunot naman ako ng noo sa sinabi ng bata. Anu namang alam nito sa LQ?
“At saan
mo naman napulot yang ideya na yan?”, tanong ko kay Sandy.
“Ganyan si
Daddy Kyle kapag ang aaway sila ni Daddy Aki. Ang sungit-sungit. Di nga ako
makapagkulit kapag ang aaway sila e.”, paliwanag ni Andrei sa akin.
“Sino ang
ligaw mo Kuya Lui?”, tanong ni Sandy na parang kinikilig sa aming usapan. Hindi
ko naman mapigilan na matawa sa inaasal niya.
“Wala.”,
pagdi-dismiss ko sa usapan namin.
“Meron e.
Di ba ikakasal ka na nga? Bakit di pa namin nakikita crush mo?”, pangungulit ni
Sandy.
“Male-late
na kayo. Tara na baka traffic pa sa daan.”, pag-iwas ko na sagutin ang mga
tanong nila.
“Eee,
bakit muna kayo ang aaway ng ligaw mo?”, ayaw patalo ni Andrei. Naupo pa talaga
to sa sofa para patunayang wala siyang balak na umalis hanggang hindi ko
sinasagot ang tanong nila.
“Wala na
nga. Iniwan na ako ng ligaw ko.”, pagsisinungaling ko matapos lang ang
diskusyon ko sa dalawang matandang bata na kausap ko.
“Ayyy, bad
pala yun e.”, inis na sabi ni Andrei. “Okay yang yan Kuya Lui. Andito naman
kami e. Di ka naming ang iiwan, okay?”
Natawa na
lang ako sa sinabi ni Andrei at binitbit ko na ang bag nila papuntang pinto.
Agad namang sumunod ang mga bata sa akin.
Pagbukas
ng pinto ay sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Renz. Marahil sa
pagkabigla ay bigla ko din agad sinara ang pinto.
“Di na
tayo aayis?”, takang tanong ni Andrei.
“Hoy!
Buksan mo tong pinto! Male-late na yang mga bata traffic na sa baba.”, sigaw ni
Renz habang kumakatok sa labas.
“Andyan na
paya si Kuyang Mabait e”, wika ni Andrei. Napabuntong-hininga na lamang ako at
muling binuksan ang pinto.
“Good
morning!”, bati ni Renz ng makita muli ang mukha ko.
Tumango na
lamang ako sa kanya bilang sagot. Napagdesisyunan ko na kagabi na patawarin
siya kaya hindi ko na siguro sya dapat pang sungitan o awayin. Nabigla lamang
ako kanina ng makita ko sya sa may pintuan.
Naglakad
na kami patungo sa elevator, hanggang sa parking ay wala kaming kibuan ni Renz.
Masaya lang itong nakikipagkulitan sa mga bata. Tinatahak ko ang daan patungo
sa aking sasakyan nang tawagin ako ni Renz.
“Hoy, di
ka ba sasama?”, taka nitong tanong. Napailing na lang ako ng lumingon ako at
makitang sumasakay na sa backseat ng sasakyan ni Renz sila Andrei at Sandy.
Naglakad ako pabalik at sumakay sa harap ng sasakyan ni Renz.
Habang
nasa daan ay walang tigil ang pagkekwento ni Andrei tungkol sa episode ng
Avatar na hindi ko naman naiintindihan. Pero tila aliw na aliw si Renz sa mga
pinagsasabi ni Andrei, may patango-tango pa si mokong habang nagmamaneho.
“Kuyang
Mabait, ang kawawa si Kuya Lui.”, sabi ni Andrei. Alam kong simula na naman ng
kahihiyan ko sa araw na iyon.
“Bakit?”,
nag-aalalang sagot ni Renz sabay tingin sa akin.
“Ang iwan
siya ng ligaw niya.”, walang kagatul-gatol na pagtsitismis ng bata sa aking
katabi.
“Ha?
Ligaw?”,naguguluhang tanong ni Renz. Gusto ko sana sumingit na sa usapan pero
wala akong laban sa kadaldalan ni Andrei.
“Oo! Ang
ligaw siya kaso ang iwan naman sya.”
“Iniwan?
Umuwi lang naman ako sa bahay e. Hindi naman kita iiwan.”, seryoso at malambing
na sabi ni Renz habang nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng matinding kilabot
ng mga sandaling iyon pero agad ding nagsalubong ang kilay ko na ikinatawa ni
Renz.
“Ha?”,
naguguluhang tanong ni Andrei.
“Wala.”,
agad kong pagputol sa usapan. Hindi naman na nangulit pa si Andrei at nagkwento
na lamang ito ng ibang bagay.
Nang
makarating kami sa school ng mga bata ay muli naming silang inihatid ni Renz
hanggang sa kanilang classroom. Sakto namang inabutan namin ang isa sa mga
facilitators nila Andrei na nasa labas ng room – si Teacher Lucy. Bigla namang
nagtatakbo si Andrei palapit dito.
“Good
morning Teacher Lucy! Ang ligaw ka na ba?”, walang prenong tanong ng aking
alaga sa walang kamalay-malay na guro. Nagsimula naman na akong mamutla dahil
alam ko na ang susunod na mga mangyayari
“Ha?”,
naguguluhang sagot ni Teacher Lucy sa kausap.
“Si Kuya
kong may balbas kasi ang iwan ng ligaw nya e. Gusto mo kayo na lang ang
ligaw?”, agad namang napatingin sa amin ang guro.
“Ah… Eh…”,
hindi ko alam kung anong sasabihin sa aking kaharap na naghihintay ng
paliwanag.
“Andrei,
sige pasok ka na sa loob.”, utos ni Renz sa bata na agad namang sumunod.
“Pasensya na Teacher Lucy, medyo broken hearted tong kasama ko e.”, nakangiting
sabi ni Renz.
“Wala
iyon, medyo ingat na lang siguro tayo na huwag naririnig ng alaga nyo yung mga
problems of the heart. Mabilis kasi maka-pick up si Andrei eh.”, magalang na
payo ng guro. Napatango na lamang ako at nagpaalam na si Renz.
Hindi pa
kami nakakalayo ay narinig ko na naman ang boses ni Andrei. “Teacher Mary, ang ligaw ka na?”
Bumunghalit
nang tawa si Renz na alam ko namang kanina nya pa din pinipigilan. Asar talo
akong naglakad pabalik sa sasakyan sa takot na baka marining ko pa si Andrei na
tinatatong ang prinicipal ng school.
Awa naman
ng Diyos ay hindi na ako kinulit pa ni Renz habang nasa sasakyan. Tahimik
lamang ako sa sasakyan habang lumulutang ang aking isip. Hindi ko namalayan na
nakarating kami sa isang kapehan malapit sa school ng mga bata.
“Anong
gagawin natin dito?”, tanong ko sa aking kasama.
“Mag-swimming.”,
pilosopong sagot ni Renz habang nakangisi. Hindi nya na ako hinintay na
makasagot at agad nang lumabas ng sasakyan. Napilitan na akong sumunod sa
kanya.
Wala
masyadong tao sa coffee shop na iyon ng mga oras na iyon. Inutusan ako ni Renz
na humanap na lang ng mauupuan habang umo-order siya ng kape.
Nang
makabalik siya ay may bitbit na siyang dalawang tasa ng mainit na kape at
dalawang cinnamon roll. Nakaramdam naman ako ng pagkasabik sa kape dahil may
kalamigan ng araw na iyon at makulimlim ang kalangitan.
“How
much?”, tanong ko kay Renz patungkol sa kape at cinnamon roll na inorder nya
para sa akin.
“Huwag na.
Di naman kita sinisingil e.”, sagot nya. Hindi na ako nakipagtalo pa at
sinampolan ko na lang ang kape na binili ni Renz. Hindi ko mapigilan na
mapangiti dahil masarap ang pagkakagawa nito.
“You like
it?”
“Yes.
Bakit ka nanlilibre?”, curious kong tanong sa kanya.
“Broken
hearted ka daw e.”, nakangisi niyang sagot. Tiningnan ko lamang sya ng masama
at hindi na sya muling nagtanong pa.
Tahimik
lang kaming uminom ng kape. Wala naman ako maisip na topic at hindi ko din
naman alam kung dapat ba kaming magkwentuhan. Nangangalahati na ang kape ko ng
muli siyang magsalita.
“Kamusta
ka?”, seryosong tanong ni Renz. Gusto ko sana syang barahin dahil parang walang
kwenta naman ng tanong niya. Sasagot na sana ako ng muli siyang magsalita. “I
mean after nung ginawa ko sayo, wala na akong balita sayo. Gusto kong magtanong
kay Kyle pero nahihiya ako at naisip ko na baka kung ano pa ang isipin niya
kapag sa kanya ako nagtanong.”
Natameme
ako sa sinabi niya. I can’t believe that we are actually having this
conversation about what he did to me. Parang gusto ko bigla na magkaron ng
outburst.
“Gusto mo
na magpatawad di ba? Eto na yung chance mo.”, bulong ng isip ko sa akin.
Napabuntong hininga na lamang ako.
“So ayaw
mong malaman ni Kyle yung kagaguhan na ginawa mo sa akin? Is that why I’m here
enjoying a free coffee and a cinnamon roll?”, medyo sarcastic kong sagot.
“No, its
not that.”, mabilis na sabi ni Renz. “Hindi ko lang alam kung gusto mo na
malaman pa ni Kyle yung mga nangyari sayo.” Tiningnan ko si Renz sa mata at
mukhang sinsero sya sa mga sinasabi niya.
“Right.
Ayaw kong malaman pa ni Kyle yung mga nangyari. In fact, I don’t want anyone to
know about what happened. I feel shitty when people look at me with pity. And
to answer your question, okay naman na ako. Thanks to my girlfriend, Jane. She
helped me a lot to get through stuff. I can actually say that I’m happy with my
life.”, seryoso kong sabi.
“But you
can be happier.”, halos bulong lang ang mga kataga na iyon ni Renz pero narinig
ko ito ng malinaw.
“What do
you mean?”, kunot noo kong tanong.
“Nothing.”,
gulat na sabi ni Renz.
***Renz***
9:57 AM,
Wednesday
March 20
“I want to
say something”, pag-iwas ko sa tanong ni Lui. “I’m not sure if you want to hear
it but I know I need to say it anyway.”, nakita kong biglang nag-tense ang
katawan ni Lui. Kahit na hindi siya magsalita ay alam kong hindi siya
komportable sa takbo ng aming usapan. Laking pasalamat ko na lamang na hindi pa
niya ako binabara o nilalayasan, which gives me the chance para masabi lahat ng
kailangan at gusto kong sabihin sa kanya.
“What I
did to you I know is unforgiveable. And I don’t have any acceptable excuse for
my actions. Those days were my darkest. Hindi ko na kilala ang sarili ko, wala
na ako halos konsepto ng tama at mali, ang tanging bagay na meron ako noon ay
lungkot at galit.”, habang nagsasalita ay nararamdaman ko ang pamilyar na
karayom na paulit-ulit na tumutusok sa aking puso. “I wanted Kyle so badly,
that I don’t mind fucking somebody else
while thinking of him.”
“Bakit
ako?”, bulong na sabi ni Lui. Hindi siya lumuluha pero kita ko ang lungkot sa
mata niya. Malalim na kalungkutan. Katulad ng lungkot na nakita ko noon sa mga
mata ko.
“You were
the closest thing I have to Kyle.”, pag-amin ko. Tiningnan ko ang mukha ni Lui
at mataman lang siya na nakatitig sa akin. “Alam kong mali na gamitin kita para
mapawi ang pagkasabik at kalungkutan ko ng mga panahon na yon. And for what
it’s worth, I want you to know that I’m sorry. You don’t deserve to be treated
the way I did.” Para na akong sinasakal sa bawat titig ni Lui.
Kita ko sa
lungkot ng mata ng aking kausap na isa-isang bumabalik sa kanyang alaala ang
mga ginawa ko. Ramdam ko na hanggang sa ngayon na masaya na siya ay nasasaktan
pa din siya. Di man siya lumuha. Di man niya ako sapakin ngayon. Di man nya ako
murahin. Hindi noon maitatago ang labis na pagkamuhi niya sa akin.
Hindi ko
na kaya pang tagalan ang mga titig na iyon. Mga tingin na tumatagos sa aking
kaluluwa. Mga tingin na humihingi ng mas katanggap-tanggap na paliwanag para sa
mga kamaliang nagawa ko. Mga tingin na nagsasabing halos pinatay ko sya sa
sakit.
Napayuko
na lamang ako. Wala na akong masabi para pagaanin o bawasan ang sakit na
nararamdaman ni Lui. Sabay ng pagyuko ko ay ang pagtulo din ng aking luha.
Bumalik sa aking alaala ang mga gabing nakatulog akong umiiyak habang iniisip
si Lui. Yung mabigat na pakiramdam sa dibdib dahil alam mong may nagawa kang
mali at wala ka nang magagawa para maitama pa yon. Na kahit wakasan mo pa ang
sariling buhay ay wala iyong maibabawas sa sakit na nararamdaman ng taong
naatraso mo.
Hindi ko
alam kung gaano ako katagal na nakayukong lumuluha at humihikbi. Napatigil
lamang ako ng may maramdaman akong kamay sa aking likod na dahan-dahang
humahagod para kumalma ako. Agad akong nagtaas ng mukha para tingnan kung
kanino ang mga kamay na iyon.
And for
the first time in a very long time, I saw a genuinely happy smile of an angel.
I saw Lui’s eyes again. The eyes that tells me that everything will be okay and
that he will take care of me.
Hindi ko
alam kung paano niya ako nagagawang tingnan at ngitian ng ganito, pero sandali
akong nawala sa aking sarili.
His eyes
are taking all the worries and guilt away and his smile gives me the warmth and
assurance that everything will be okay. The hand that's caressing my back gives
me comfort… comfort and love.
The last
time I felt something like this was with Kyle. Hindi ko alam na buhay pa pala
yung parting ito ng puso ko.
Sa bawat
titig at ngiti ay bumibilis ang tibok ng puso ko.
It’s just
me and Lui this very moment. Nothing else matters to me. All I see is his
smiling face. All I feel is his hands on my back. All emotions I feel now is
because of him.
“Gusto
sana kita yakapin kaso ang dami ng nakatingin sa atin e. Masyado ka kasing
papansin. Baka mamaya mapagkamalan pa akong member ng grupo niyo nila Kyle.”,
natatawa niyang sabi sa akin na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Agad akong
nagpunas ng luha na halos natuyo na din naman sa aking mukha.
Nang
maka-recover sa mga nagyari ay hindi ko mapigilan na tanungin si Lui. “Why are
you smiling?”
“Would you
rather that I curse you or hit you?”, sarkastikong sabi ni Lui pero hindi pa
din nawawala ang kanyang ngiti.
“Yes?”,
alanganin kong sagot.
“You said
you’re sorry and I felt that you mean it. I’ve moved on and am happy now with my
life. I don’t see anymore reasons to hold grudges against you especially I can
see that you’re trying to change your life.”, paliwanag ni Lui. “Isa pa,
nagdrama ka na e. Pinagtinginan ka pa nga ng mga tao. Nakakahiya naman kung
magmamataas pa ako ng pride, ako pa lalabas na kontrabida sa mata nila.”,
patawa pa niyang dagdag.
Ngumiti na
din ako sa puntong iyon. Parang naubusan ako bigla ng sasabihin. Namayani tuloy
muli ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“So, nasan
na yung yakap ko?”, pagbasag ko sa katahimikan.
“Huwag na.
Nagbago na isip ko. Baka kasi main-love ka na sa akin. Grabe kasi yung tingin
mo kanina e.”, maangas na sabi ni Lui habang humihigop ng kape.
“Sus!
Kunware ka pa. Alam ko naman na pinagpapantasyahan mo din naman na makayakap ako.”,
depensa ko.
“Let me
just make it clear to you Mr. Renz Angelo Razon, sa ating dalawa po ako ang di
hamak na mas gwapo.”, puno ng confidence na anunsyo ni Lui.
“Haha! I
beg to differ Mr. Lucas Willard Salviejo. Kahit tanungin pa natin lahat ng
babae, bakla, o lalaki sa mall sa tapat nitong coffee shop, paniguradong mas
madaming magsasabi na mas pogi ako sayo.”
“Ha! I
accept your challenge.”, mayabang na sabi ni Lui sabay tayo sa upuan.
Napatingin lamang ako sa kanya at naghihintay ng kanyang gagawin.
“Oh ano
pang ginagawa mo dyan? Tara na sa mall. Afraid to face the truth that you would
actually lose?”, taas kilay na sabi sa akin ni Lui. Natawa na lang ako sabay
tayo na din sa aking upuan para sundan sya.
Nagpunta
kami ng mall. Hindi ko inaasahan na seseryosohin ni Lui yung biro ko sa kanya.
Habang naglalakad kami ay nagulat na lang ako nang may harangin si Lui na
dalawang babae na nakasalubong namin.
“Hi
Miss.”, bati ni Lui sabay pakawala ng kanyang pamatay na ngiti. “Pwede ba
kayong ma-istorbo saglit?”. Nagkatinginan ang magkasamang babae saka sabay na
tumango.
“Ito
kasing kasama ko parang tanga. Itanong ko daw sa inyo kung sino sa amin ang mas
gwapo.”, pa-cute na pagsasabi ni Lui ng kanyang pakay sa dalawang babae.
“Ha?”,
natatawang sabi nung isa sa mga babae na chinita ang features.
“Para sa
akin, mas gwapo ka. Mukha kasing suplado yung kasama mo e.”, agad namang sagot
ng kasama nung chinita.
“I agree
with her. Mas cute ka nga.”, pagsangayon naman nung chinita.
“Salamat.
Pasensya na din sa istorbo.”, halatang halata na lalong nagpa-cute si Lui sa
dalawa.
“Hindi ka
din GGSS no?”, paninita ko kay Lui nang makaalis na yung dalawang babae.
“Hindi pa
nga ako nage-effort nun e.”, mayabang niyang sabi sa akin.
“Hindi
daw. E halos mapunit na nga yung bibig mo sa lapad nung pagkakangiti mo.”,
pambabara ko.
“Alam mo
kasi tanggapin mo na lang na ako ang mas gwapo sa ating dalawa.”
“Asa ka.”,
sagot ko sabay harang sa isang grupo ng mga babae na nakasalubong namin. Ginaya
ko lamang ang linya ni Lui sa mga babae kanina. Mabuti na lamang at hindi nila
ako sinungitan. Tatlo sa kanilang lima ay ako ang pinili habang yung dalawa ay
kay Lui. Palibhasa ay walang tigil ang pagpapa-pungay ng mata ng mokong sa
aking likuran.
Mukha
kaming tanga na nanghaharang ng mga tao sa daan ng mall. Bata, matanda, may
kasamang bata, mukhang teacher, yaya, estudyante, pati empleyado ng mall ay di
namin pinalagpas.
Makalipas
ang halos isang oras na paglalakad at pagtatanong ay may 16 points na ako at 15
naman si Lui. Kahit na mukha kaming sira ulo sa aming pinaggagawa ay panay ang
tawa naming dalawa.
“Sumuko ka
na kasi.”, panunuya ko kay Lui.
“Not going
to happen”, sabi niya sabay harang sa tatlong beki na nakasalubong namin.
Awtomatikong lumitaw ang kanyang pambatong ngiti at saka nagtanong sa tatlong
beki na nakasalubong namin. Halata namang aliw na aliw ang mga kapatid ko sa
pananampalataya sa atensyong nakukuha nila.
“Ano ba
yan beh! Ang hirap naman ng tanong mo.”, sagot ng pinakamaingay sa grupo.
“Oo nga!
Pareho naman kayong gwapo e.”
“Naku,
hindi pwede yan. Kailangan isa lang piliin nyo sa amin.”, sagot ni Lui sabay
kindat at angat bahagya ng kanyang t-shirt sapat para makita ng mga kaharap
niya ang kanyang abs.
“Shutangina
beessss! Hindi ko kinakaya si Koya!”, tili nung isang beki na nakafloral.
“Sherep mo
po.”, sabi nung lider na bibe.
“So ako na
ba ang sagot nyo?”, pangpre-pressure ni Lui sa mga kausap sabay kamot sa
kanyang batok para maiflex nya ang muscles niya sa braso habang nililihis muli
ng isa nyang kamay ang kanyang t-shirt para magpakita pa ng konting laman.
Mabuti na lamang at nasa may hindi kami mataong lugar ng mga sandaling iyon
kaya wala masyadong nakakakita sa mga pinaggagawa namin.
“Sure na
ba kayo na sya?”, bigla kong singit sabay taas din ng aking t-shirt at sinadya
kong makita ng aming kausap hanggang sa aking nipples.
“Emeged
bes! Basa na me!”, sabi ng isa sa mga beki at nagkatawanan kaming lima sa
kalokohan namin.
“True that
bes! Hindi ko na kaya. Kanin please.”
“Pili
na.”, mahina kong sabi na parang nang-aakit. Sabay pisil ko sa aking utong.
“Ay shet!
Yes Koya! I vote for you!”, agad na sabi nung isa sa tatlo. Nagpasalamat naman
ako at hinalikan siya sa pisngi. Waring naa-alarma naman si Lui at lalong
itinaas ang kanyang suot na t-shirt.
Kita naming apat nung mga beki ang ganda ng
katawan ni Lui. Kahit ako ay pansamantalang natulala sa aking namalas. Batak na
batak ang katawan ni Lui. Mula sa kanyang maumbok na dibdib na may bahagyang
buhok sa gitna. Ang kanyang mala-rosas na utong na bumabagay sa kinis at puti
ng kanyang katawan. Hindi rin papahuli ang mga guhit na naghihiwalay sa hilera
ng abs sa kanyang katawan. Idagdag pa ang pinong buhok na tumutubo doon pababa
sa loob ng kanyang pantalon. Nagulat pa ako ng bahagya niyang ibaba ang kanyang
pantalon para magpakita ng karagdagang buhok sa mga manonood.
“Nakapili
na ba kayo?”, dahan-dahan at halos pabulong na sabi ni Lui sa dalawang beki.
Kahit ako ay kinilabutan sa kaseksihan ng boses niya ng mga sandaling iyon.
Para bang kami lang ang tao sa loob ng mall at nagiimbita siya na may gawin
kaming mga makamundong bagay.
“Pak!
Mahal na kita! Yes!”, sigaw ng lider ng mga bibe.
“Ako din
bes! Sayo na ako koya!”, segunda ng kasama nito.
“Salamat”,
masayang sabi ni Lui sabay halik sa pisngi nung dalawang beki.
Matapos
iyon ay nagpaalam na kami at muling naglakad na dalawa.
“Ang daya
mo!”, sita ko kay Lui.
“At bakit
naman?”, reklamo niya.
“Halos
maghubad ka na dun sa harapan nung dalawa e.”
“Aba!
Nagsalita ang porn star na may papisil-pisil pa ng utong kanina.”, natatawang
ganti ni Lui. Natawa na din ako sa sinabi niya. Hindi namin namalayan na
nakarating na pala kami sa arcade part ng mall.
“Since tie
naman tayo. Daanin na lang natin to sa basketball. Ang tunay na gwapo, maangas
sa court.”, hamon sa akin ni Lui. Marahil iniisip niya na lampayatot ako sa
basketball dahil isa akong bakla. Pwes! Itataas ko ang makulay na bandila ng
LGBT at papalamunin ko ng alikabok tong kumag na to.
“Iyan ang
magiging katapusan mo boy! Hindi ka pa nadala nung huli kitang lampasuhin sa
arcade ha.”, maangas kong sabi. Agad na kaming bumili ng token para
makapaglaro. Mayroon kaming tig-limang token na uubusin namin sa shooting game.
“Sigurado
ka bang gusto mo mapahiya? Pwede ka naman umatras e.”, pang-iinis sa akin ni
Lui.
“Nasabihan
ka na bang mayabang?”, natatawa kong tanong sa kanya.
“Hindi pa.
Madalas pogi ang tawag sa akin e.”, sagot niya sabay kindat.
“Go bebe!
Kaya mo yan!”, nagulat kami ni Lui nang marinig namin ang lider ng mga bibe na
sumisigaw sa likod namin. Kasama niya ang dalawa pang bibe na nagche-cheer sa
amin.
“Thanks
babe.”, pakikisakay ni Lui sa biro ng mga nanunuod sabay flying kiss. Para
namang nagka-rambol ng mag-agawan ang tatlong bibe sa flying kiss ni Lui.
“Ay nako
Mars! Dun ako sa naka-asul.”, sabi ng isa pang beki na nasa may tabi ko. May
kasama din syang dalawang side kick.
Naka-asul
ako na shirt ng araw na yun habang nadilaw na polo shirt naman si Lui.
“Galingan
mo baby! Kakain tayo sa Jollibee kapag nanalo ka dyan.”, cheer ng isa sa mga
bibe sa team ko.
“Game na?
May kanya-kanya na tayong cheerers.”, si Lui.
“Game.”,
sagot ko sabay insert ng token para makapaglaro na kami. Dahil sa gusto kong
Manalo ay naka-focus ako sa paglalaro at pag-shoot ng bola. Bawal ang magkamali.
Kailangan sigurado ang bawat tira. Bawal magmintis.
Ang hindi
alam ni Lui ay muntik na akong makick-out nung high school dahil sa
pagcu-cutting classes ko para makatambay sa arcade at makapaglaro ng laro na
to.
Parang
hindi din napapagod ang mga beki namin na cheerers sa pagsigaw at pagchecheer
sa amin. Pati ang mga taong nakapaligid sa amin ay natutuwa sa mga beki dahil
sa kanya kanya nilang mga pakulo. Lihim ko namang pinapanood sa sulok ng aking
mga mata si Lui. Kita ko na bagamat nakangiti ay nakafocus din siya sa
pagsho-shoot ng bola sa ring. Nasa ika-limang token na kami ni Lui at ayon sa
mga supporters naming ay lamang lang ako ng isang puntos.
“You won’t
win Renz!”, nakatawang sabi ni Lui. Masaya ako na nage-enjoy sya sa aming
ginagawa.
“Watch
me!”, sagot ko saka nagpatuloy sa pagtira ng bola.
10 seconds
left. Lamang ako ng isang puntos.
7 seconds
left. Nagmintis ako ng tira. Nag-tie ang score.
5 seconds
left. Nagmintis din si Lui. Tie pa din and score.
3 seconds
left. Last shot. Tumingin ako kay Lui. Nakatitig din siya sa akin. Walang
paalam na humakbang ako palapit sa kanya sabay ng isang mabilis na halik sa
kanyang labi saka biglang shoot ng bolang hawak ko sa ring.
EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!
Game Over!
Lamang ako
ng isang puntos kay Lui, dahil naiwan siyang nakatunganga sa akin at hawak pa
din ang huling bola na dapat ay isho-shoot niya. Halatang nagulat siya sa aking
ginawa dahil bahagya pang nakabuka ang kanyang bibig.
Natahimik
bigla ang buong paligid namin pero wala akong pakialam. Masaya lang ako na
nakangiti at nakatingin kay Lui.
“Shet bes!
Lason!”, anunsyo ng isang beki saka sila nagkatawanan.
“Na-modus
tayo mga bes. Mga manlilinlang! Hahaha”
“You
cheated!”, natatawang sabi sa akin ni Lui.
“I did
not. I just needed motivation for that last shot.”, sagot ko sabay kindat. Nang
mga sandaling yon ay ramdam na namin ni Lui ang napakaraming matang nakamasid
sa amin. At kita ko sa biglang pagtensyon ng kanyang katawan na hindi na sya
komportable sa atensyong nakukuha namin.
Agad kong
kinuha ang kanyang kamay at hinila na sya palabas ng arcade.
“Bye
baby!”, sigaw ng isa sa mga beki na nagche-cheer sa amin kanina. Nginitian ko
lamang sila.
“Mamaya na
kayo umuwi. Dadalhin pa kita sa Jollibee, premyo mo di ba?”, pagpigil nila sa
amin.
“Next time
na lang. Kakain din kami sa labas nitong boyfriend ko tsaka susunduin pa naming
yung mga anak namin sa school.”, paliwanag ko habang mahigpit na nakahawak sa
kamay ni Lui. Hindi ko naman siya naringgan ng pagtutol pero mataman siyang
nakatitig sa akin. Bago pa man makasagot ang mga beki ay hinila ko nang muli si
Lui paalis.
Matagal
din ang nilagi namin sa mall. Kaya saktong pagbalik namin sa school ay tapos na
din ang klase ng mga bata. Pagkasundo sa mga bata ay dumiretso na kami ng uwi
sa bahay.
Agad ako
naghanda ng hapunan nila Lui at ng mga bata. Nang matapos ako ay nagpaalam ako
kay Lui na uuwi na muna ako sa bahay. Hindi ko maikakaila na labis ang
nararamdaman kong saya dahil hindi pa ako sinusungitan ni Lui mula ng umuwi
kami galing sa mall.
***Lui***
9:58 PM,
Wednesday
March 20
Awa ng
Diyos ay nakatulog na sa wakas si Andrei. Akala ko kanina ay hindi na sya
malo-lowbat pa at kailangan kong makipaglaro sa kanya ng magdamag. Kasalukuyang
akong nagliligpit ng kalat ng mga bata sa sala. Parang naging isang war zone
ang living room ni Kyle sa amin ni Andrei kanina. Gumawa pa kami ng
sari-sariling kampo habang nagbabatuhan kami ng kung anu-ano sa isa’t-isa.
Dahil sa para akong isip bata na nakipaglaro kay Andrei ay napakarami ko tuloy
ngayong kalat na dapat ligpitin.
Nang
matapos magligpit ay naisipan ko muna na magmunimuni bago matulog. Ininspeksyon
ko ang kusina ni Kyle at may nakita akong isang bote ng wine. Binuksan ko ito
at nangako sa sarili na papalitan ko na lamang bago bumalik si Kyle. Naisipan
kong pumwesto sa may balcony nila Kyle. May maliit na lamesa roon at upuan na
pwede kong pagtambayan. Naghiwa ako ng cheese na ipapares ko sa red wine na
iinumin ko.
Pasado
alas diyes na at tahimik na halos ang buong paligid. Tanging ang mahihinang
busina ng mga sasakyan sa baba ng condo ang maririnig sa kalaliman ng gabi. Ang
balcony na ito ang isa sa mga paborito kong parte ng unit ni Kyle. I somehow
find peace in here. Tanaw mula sa kinauupuan ko ang mga kumukutitap na ilaw ng
mga bahay at establisyemento sa kalakhang Maynila. Mga ilaw na waring
nagsasayaw sa kadiliman ng gabi para mahipnotismo ang sinumang titingin sa
kanila. Tumingala ako para silipin ang kalangitan. Wala na ang kaninang mga
ulap na tumatakip sa init ng araw. Pinapamalas na ng langit ang angking ganda
nito. Kasama ang mga makisap na bituin at maliwanag na buwan, ay di ko
napigilan ang aking sarili na pagnilayan ang
mga bagay na matagal ko ding pilit na iniwasasn.
I feel
different. I feel weird. I feel like I found something that I have lost.
Somehow, this night is one of the best nights I had for a very long time.
Hindi ako
masaya na gumugulong sa katatawa. Magaan lang ang pakiramdam ko. Maluwag akong
nakakahinga. Wala na yung mabigat na bagay na parang laging nakadagan sa dibdib
ko. Hindi ko na kailangan pang bumuntong hininga.
Pinikit ko
ang aking mata at hinayaan ko ang aking sarili na damahin ang kapayapaan ng
gabi. Kasabay ng pagsara ng talukap ng aking mata ay ang kusang paglitaw ng
nakatawang mukha ni Renz. Isang malinaw na larawan sa aking isipan. Kita ko ang
bawat detalye ng kanyang mukha. Ang makapal na kilay. Maamong mata kung
seryoso. Matangos na ilong. Mapupulang labi at mapuputing ngipin.
Dati sa
tuwing naaalala ko ang mukha niya o kahit marinig ko ang pangalan niya ay may
mumunting kurot na nararamdaman ako sa aking puso. Kapag naramdaman ko na iyon
ay pilit kong ibinabaling ang aking atensyon sa ibang bagay. Dahil ang mga munting kirot na iyon ay nagiging dahilan
para muling bumukas ang sugat na kay tagal kong pilit na pinaghilom.
Iba
ngayon. Wala na ang kirot. Nanatiling nakasara ang sugat.
Unti-unting
umangat ang sulok ng aking mga labi para sa isang ngiti. Muli kong sinariwa ang
mga nangyari sa amin kaninang umaga.
Inaamin
kong hindi ko inaasahan ang aming naging pag-uusap kanina sa coffee shop. I’m
not sure where he got the guts to start a conversation like that in a very
public place. Maybe he was banking on the fact that I would not make a scene
since we were surrounded by people. But still, it was a brave thing to do. At
kita ko naman sa kanya kanina na hirap na hirap siyang sabihin sa akin ang mga
bagay na gusto niyang sabihin. Kung tutuusin ay nakakaawa ang sitwasyon nya.
Ramdam ko
sa bawat salitang binigkas niya sa akin na sa napakahabang panahon ay
pinahirapan siya ng kanyang konsensya. Dama ko sa bawat luhang pumatak sa
kanyang mata na gusto niyang may magawa siya para mawala na sa akin ang mga
sugat na iniwan niya. Ang bawat hikbi niya ay tila isang musika ng pagmamakaawa
para sa kapatawaran.
It was not
the fanciest of apologies. No flowers, chocolates, gifts, surprises. Just
words, utter sincerity, and a soul breaking sorry. And that’s exactly what I
needed. A heart felt apology.
Nang mga
sandaling iyon ay halos matunaw na ang puso ko pero isang parte ko ang gusto
muling magalit. Pilit na binabalik ang mga masasakit na alaala para magningas
muli ang aking pagkamuhi. Dahan-dahang pinagdurugo ang aking sugat para
maramdaman ko uli ang sakit. Sa puntong iyon ay naalala ko ang sinasabi ng mga
tao na ‘dapat ay matuto kang pakawalan ang galit’.
Ang galit
ay parang isang nakamamatay na lason. Hindi maaaring hintayin mo na kusa na
lang itong lumipas o mawala dahil hindi ito aalis sa iyong sistema hanggang
ikaw mismo ay hindi pa ito pinapakawalan. Minsan akala mo ay okay ka na dahil
hindi mo ito nararamdaman, ang hindi mo alam ay naghihintay lang ito ng tamang
pagkakataon. Mananatili ito sa iyong puso, hinihintay ang sandali na maari ito
muling magningas. Umaasa sa susunod na pagkakataon na maari nitong buksan muli
ang mga sugat ng nakaraan. Hanggang sa lamunin ka na nya. Maging alipin ka sa
kanya. At ang tanging emosyon na nagpapatakbo o nagkokontrol sayo ay galit.
Ayaw ko na
humantong sa ganoon. Kaya nang kausapin ako ni Renz kanina ay pinili ko na lang
na pakawalan ito. At hindi ako nagsisisi na gawin iyon gaano man kabigat ang
nagawang kasalanan sa akin ni Renz. Maaaring isipin ng iba na kamartiran o
isang malaking katangahan ang ginawa ko. Pero hindi ko iyon ginawa para lamang
kay Renz, ginawa ko iyon para sa aking sarili dahil gusto ko nang sumaya. Yung
tunay na masaya.
At hindi
ako nagsisisi sa aking ginawa. Hindi ko mararamdaman ang kapayapaan na meron
ako ngayon kung hinayaan ko ang aking sarili na maalipin ng galit.
Ngayon na
napakawalan ko na ang galit sa dibdib ko ay parang mas excited na ako na
gumising sa umaga. Pakiramdam ko ay mas naging mas makulay ang aking hinaharap.
Mas nanabik ako sa magiging kasal namin ni Jane. Parang kinikiliti ako kapag
naiisip ko ang isipin na bubuo na ako ng sarili kong pamilya kasama si Jane.
Nasa
kalagitnaan ako ng aking pagmumuni-muni ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng
unit ni Kyle. Agad ako napatayo para tingnan kung sino ang dumating. Pagpasok
ko sa loob ay sabay bukas naman ng ilaw sa sala. Nagkabiglaan pa kami ni Renz
ng makita ang isa't isa.
"Sorry,
gising ka pa pala. Hindi na ako kumatok kasi akala ko tulog na kayong lahat.
May susi naman ako kaya diretso na akong pumasok.", paliwanag ni Renz.
"Wala
yun. Nagpapaantok lang ako dito sa labas.", sagot ko habang napapatingin
sa dalang bag ni Renz. "Dito ka ba matutulog?", tanong ko.
"Ah
oo. Kumuha lamang ako ng gamit ko sa bahay.", paliwanag nya. "Dito na
lang ako sa sofa matulog." Tumango na lamang ako sa kanya bilang tugon.
Hindi na sumagot pa si Renz at naglakad patungo sa kwarto ng mga bata marahil
para ilagay ang kanyang mga gamit sa cabinet.
"Ah
Renz...", pagtawag ko sa aking kausap bago pa siya tuluyang makapasok sa
loob ng kwarto. "Feel free to join me if you want to drink." Imbita
ko sa aking kausap. Dahan-dahang umangat ang sulok ng kanyang mga labi para sa
isang ngiti.
"Sige.
Ilagay ko lang tong mga gamit ko sa kwarto. Sunod na lang ako sayo dyan.",
tumango ako saka tumungo sa kusina para kumuha ng baso para kay Renz.
Ilang
saglit lang ay kasama ko nang nakamasid sa kawalan si Renz. Nang umupo siya sa
kabilang silya ay tahimik lang siyang nagsalin ng alak sa baso at nagsimulang
uminom.
"So
when is the big day?", basag ni Renz sa katahimikan.
"Ha?",
nagulat ako sa kanyang biglang tanong at hindi ko agad naproseso ang kanyang
ibig sabihin. Ininguso naman ni Renz ang singsing sa aking kamay.
"Ah...
A month and a half from now.", sagot ko.
"Lapit
na ah. Shouldn't you be busy with wedding preparations and stuff? Why are you
babysitting these two?", panimula ni Renz sa aming paguusap.
"Almost
everything has been taken care of. So i thought i should practice being a
daddy.", nakangiti kong sagot. "My parents are more than happy to
take care of the details of the wedding. My partner and I though are not too
keen on the details of the wedding as long as kaming dalawa ang tatayo sa altar
ng simbahan, okay na kami don.", masaya kong sabi.
"What
the fuck?! You sounded exactly like Aki and Kyle. Anong nangyari sayo?",
natawa kaming pareho sa sinabi niya.
"I
guess i'm really in love then. Kasama ata talaga yung ganito sa side
effects."
"Seriously,
what happened? Last I know, you ran away from home because you don't want to
get married. Now, you're all mushy and cheesy.", tanong ni Renz.
"Well,
let's just say i've met someone who doesn't make me cringe about the whole idea
of settling down.", tipid kong sagot.
Hindi naman
na nangulit pa si Renz. Ibinaling na lamang nya sa ibang bagay ang aming
usapan. Madami kaming napagkwentuhan. Mga kalokohan nila dati ni Kyle, mga
istorya ng kabataan ng isa't isa, mga nakakadiring moments ng pag-iibigang Aki
at Kyle, usapang business, pamilya, at kung anu-ano pa. Sa tagal na naming
magkakilala ay parang ngayon pa lang talaga namin binigyan ng pagkakataon ang
isa't isa na lubos na alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa aming buhay. Dahil
sa haba ng kwentuhan ay napahaba din ang aming inuman. Parang ni-raid namin ang
bar ni Kyle dahil maubos namin ang nakatabing alak ng aking kaibigan. Nang
maramdaman naming pareho na di na namin kaya pang uminom ay nagpasya na kaming
matulog.
Habang
hinuhugasan ko ang aming mga nagamit na baso ay inaayos ni Renz ang kanyang
hihigaan sa sala. Nang matapos ako magligpit sa kusina ay dinatnan ko si Renz
sa sofa na nakaupo. Malamang ay hinihintay ako nito matapos bago mahiga at
matulog. Napansin kong tanging maliliit na unan lamang ang gamit nya pangtulog sa
sofa.
"Mukhang
di ka naman magiging komportable dyan sa sofa. Dun ka na matulog sa kwarto.
Maluwag naman yung kama ng love birds.", imbita ko kay Renz. Siguro dahil
sa komportable na muli ako sa kanya ay di na ako nagdalawang isip pa na yayain
siya. Bakas ang bahagyang pagkagulat sa kanyang mukha.
"Sigurado
ka ba?", alanganin nitong tanong sa akin.
"You're
not gonna do anything stupid right?", nakangiti kong sabi. Parang bata
naman itong tumango ng mabilis. Naglakad na ako patungo sa kwarto at nakasunod
naman sa akin si Renz.
Pagpasok
ay nagpalit lamang ako ng t-sirt na pantulog. Hinubad ko din ang aking pantalon
at nagsuot ng manipis na short para presko ang aking maging tulog. Wala akong
pakeng nagbihis sa harap ni Renz. Palibhasa ay lasing na din naman ako.
Si Renz
naman ay naghubad lamang ng t-hirt at pantalon saka naka-boxers na humiga sa
kama.
"Hindi
ka ba lalamigin sa suot mo?", tanong ko.
"Hindi.
Ganito naman talaga ako matulog di ba?", paalala niya sa akin. Kahit kasi
noong magkasama kami sa kwarto ay sanay siyang naka-boxers lang. Nagkibit
balikat na lamang ako at nahiga na sa kama.
Mayroon
kaming dalawang dangkal na pagitan sa isa't isa. Nakatalikod ako sa kanya
habang siya ay nakatihayang nakahiga, nakadagan ang isang braso sa kanyang mata.
Pinatay ko na ang ilaw sa bed side table at hinayaan ang aking sarili na
lamunin ng antok.
Mahigit
kinse minutos na kaming nakahiga at nasa simula na ako ng isang magandang
panaginip ng marinig ko muling magsalita si Renz.
"Do
you love her?"
…to be
cont’d…
Author’s Note:
Its been
more than 2 years since yung huling update ng story na to sa blog kung saan una
ko siyang na-post. More than 2 years since nung huli akong mag-sulat. More than
2 years nang naghihintay yung ibang readers sa ending ng story na to. More than
2 years ago, I’ve made a promise to finish this story.
Whenever I
visited that blog or when I check this story on Wattpad, I’m surprised to see
that there are still readers waiting to hear from me. And I would ask myself,
if this story’s one of those things that I started and would never be able to
finish. Will the promise I made more than 2 years ago be another promise left
unfulfilled? Will the readers of this story be another set of people I would
disappoint in this lifetime?
I had to
wrestle with my conscience, my rational mind, and my heart on what I should do
next? Will I just ignore the people and bury the writer in me? Or will I just
have to make do with little time I have and push myself hard till I finish the
story? Fortunately, I have decided to at least finish the story and decide on
wether I continue to write stories after Starfish.
With all
honesty, I love Kyle, Aki, Renz, and Lui more than the readers of the stories.
(Sorry guys, but its true 😊) No amount of nagging, emails,
compliments, and threats from readers made me want to finish the story. These
characters shaped me and help me understand and embrace myself in all those
years I felt confusion, prejudice, and fear. And I realized that I owe it to
these characters that helped me so much to give them a proper closure. That’s
the reason you have Chapter 20 now.
Of course,
I love the readers too. They have motivated me to continue writing after all.
That’s why I have this section to answer some of the questions you have in
mind.
Q1: Are you done writing the whole
story?
A: No.
LOL. I have completed 3 chapters as of Nov 24. I started posting/sharing
updates kasi once it’s posted online I feel more obligated to continuously post
updates til I’m done with the story. Kumbaga magkakaroon ako bigla ng deadline
since nagsimula na uli ng update and I would do less procrastination.
Q2: What can we expect on the updates?
A: I try
my best para pahabain at pagandahin ang bawat chapters okay. Also, sa mga
grammar nazis, and other writers out there na medyo mataas ang expectation sa
story na ito, parang awa nyo na po babaan nyo lang po. LOL. Medyo rusty na ang
aking writing skills. At least 5 times ko atang inulit ang Chapter 20 at mahigit
3 beses ko uli pabalik-balik na binasa ang Starfish kasi nakalimutan ko na din
ang sarili kong istorya. I am trying to get myself back on track, and kahit na
natatakot ako you are always welcome to provide feedback.
Q3: How many chapters are left?
A: Plano
ko po ay hanggang Chapter 25 lang pero depende sa magiging takbo pwedeng mas
mahaba ng konti.
Lastly,
sorry sa lahat ng naghintay ng taon para sa kwentong ito. Maraming Salamat din
sa lahat ng naghintay at sumubaybay. I’m a reader before I became an amateur
writer, I know how it feels. I hope na sana these coming updates will be worth
the wait. Unfortunately, I cannot guarantee that this will turn out as magical
or as awesome as what everyone is expecting. Again, I haven’t written anything
for the last 2 years apart from boring office emails. Anyway, ang haba na nito.
Next time na lang uli.
Enjoy
reading!!!
-crayon