Naka-upo na si Alex sa Starbucks malapit sa opisina nina Andrew at iniisip pa rin niya ang nangyari kaninang umaga sa clinic niya. Pasyente niya ang lola ng kanyang ex na si Dexter at nagpacheck up ito sa kaniya. Okay lang naman kay Alex na kasama si Dexter ng lola nito ng pumasok sa loob ng clinic pero kasama din nitong pumasok sa loob ang taong ipinagpalit nito sa kaniya. Asiwang-asiwa si Alex that time at medyo napapaluha ito habang kausap ang lola ni Dexter at sa tuwing nagkakatinginan sila nina Dexter ay nginingitian siya nitong parang walang nangyari at pag nagkakatinginan naman sila ng bagong BF nito ay sarkastikong ngiti naman ang ibinibigay nito kay Alex.
Nagdecide kasi si Alex na maghintay nalang sa Starbucks dahil napaaga siya ng dating kaya naman pagdating ng saktong 5:30pm ay pupunta nalang siya sa entrance ng opisina ni 'Nakapulot' upang kuhanin dito ang iPhone niya. Pagkatapos ay pupunta siya sa kahit saang mall para manood nalang ng sine upang palipasin ang sama ng loob niya at para na rin makalimutan ang nangyari sa kaniya kanina sa clinic. Habang naghihintay siya ay tumunog ang message alert tone ng luma niyang phone. Baka ito na si 'Nakapulot', nang binasa niya kung sino ang nag message ay nakita niyang si Michael pala.
“May unexpected akong appointment mamaya, di ako makakasama sayo. Sorry. Text mo nalang yung iba nating friends baka available sila.” Nilalaman ng message ni Michael.
Niyaya niya kasi itong samahan siya na manood ng sine at dahil biglaan ay pinilit ng kaibigan niya na maisa ayos ang schedule. Di naman nageexpect si Alex na makakasama si Michael sa kaniya kaya okay lang naman. Sanay naman din siyang manood ng sine na mag-isa. Naawa naman siya kay Michael kung sasamahan pa siyang manood nito dahil baka maging shock absorber na naman ito tulad sa mga nakaraang ilang mga araw. Alam ni Alex na naglevel up ng maindi ang pagka Emo nya ngayon.
Pero pag ganitong may problema siya ay di niya kayang mag-isa at kailangan niya ng kausap kay nagbakasakali siya at nagtext kaagad kay 'Nakapulot' at Friday naman ngayon.
“Pls lets meet at Starbucks near your office and let’s have some coffee. My treat.” pinadala niya ito kay 'Nakapulot'.
Wala pang ilang minuto ay nagreply ka agad ito.
“text kita pag papunta na ako. that time ka nalang umorder.Caramel Frappe po. Biggest” reply nito .
Magtetext sana ulit si Alex para magreply ngunit tumunog ulit ang telepono niya.
si Nakapulot ulit “Im on my way. Naka black polo shirt ako at gray na maong, brown shoes”
Lalong napangiti si Alex dahil parang nag-iba ang ugali nito sa text. Dati ay suplado pero ngayon ay parang ang baitbait. Dahil siguro sa kape na treat niya. Pero kulang pa iyon dahil mahal ang kanyang telepono. Nang nakuha na ni Alex ang order niya. Isang trenta na Caramel frapp at ang pangalawa niyang latte. Pag-upo ni Alex ay tumingin siya sa pintuan ng Starbucks para abangan si Nakapulot. Mayamaya pa ay nakita na niya itong pumasok. Tinignan niya ang suot-suot nitong black polo shirt, gray pants and brown shoes... bigla siyang naconscious ng tignan niya ang mukha ni 'Nakapulot'.
Parang nahiya siya dahil sa porma at hisura ng taong magsosoli ng iPhone niya. Fresh na fresh, parang hindi galing sa trabaho kagaya niya. May pagkaputla ang pagkaputi nito, malamlam ang mga mata, may katangusan ang ilong at higit sa lahat ay ang mga labi nitong kakaiba. Para itong kinagat ng putakti na mamulamula na bagay na bagay sa hugis ng pahabang mukha nito. Malapad ang noo nito na lalo pang nagbibigay ng impression sa kaniya na matalino ito. Medyo abot hanggang kwelyo ang buhok nito sa likod na bagay na bagay dito. Sa tindig nito ay lalaking-lalaki at halatang pasaway na makulit. Pero ang kapansin pansin ay ang pagkakaroon ito ng aura ng pagiging suplado dahil nakasimangot ito habang naglalakad papasok. Nang binati ito ng guard ay binati din niya ito at nginitian at biglang lumabas ang dimples nito.
Tumingin ng mabilis si Alex sa reflection niya sa makintab na partition ng Starbucks sa gitna ng store kaharap ng table na kinauupuan niya. Mabilis siyang nag check ng sarili. Nakita niya ang hitsura niya na presentable, halata ang muscles niya sa semi fit na ¾ sleeves niyang puting polo at maayos naman ang pagmumukha't buhok niya. Nahaggard lang siguro ang pakiramdam niya dahil sa pangyayari kanina. Pero nagtataka si Alex kung bakit kabado siya at nacoconscious parang makikipag EB lang ang naaramdaman niya.
Nang nasatisfy na si Alex sa hitsura niya ay binalikan niya ng tingin si 'Nakapulot'. Si Nakapulot naman ay nasa gitna ng store at lumiligid ang paningin sa mga taong nasa loob. Nakapout ito na siyang lalo namang ikinagandang lalaki nito. Nang magtama ang tingin nila ni 'Nakapulot' ay itinaas ni Alex ang kamay niya bilang pagpapakilala at paanyaya dito para lumapit. Lumapit ito agad sa kanya.
Parang nanunuyo ang lalamunan ni Alex at tumayo siya para salubungin si Nakapulot. Nang nakita ni Andrew si Alex na tatayo ay sinenyasan niya ito na umupo nalang. Di na tumayo si Alex. Bago naupo si Andrew ay kinuha niya mula sa back pocket niya ang iPhone ni Alex at inilapag sa mesa at itinulak ng marahan papunta kay Alex. Nakabalot ito sa puting envelope. Kinuha naman ito ni Alex at nginitian niya ito at nagpasalamat.
Tinignan lang siya sa mata ni Andrew at pagkatapos ay ibinaling ni Andrew ang tingin niya sa Caramel Frapp sa harapan ni Alex. Ibinigay ni Alex ang kape at straw kay Andrew. Nang kinuha ni Andrew ito ay saka lang niya nginitian si Alex.
“Your Welcome po” Sabi ni Andrew.
“Maraming maraming salamat talaga. Im Alex by the way.” Masayang sabi ni Alex sa kausap habang iniabot nito ang kamay para makipagshakehands. Nakipagkamay si Andrew. Napakalambot ng kamay, ang sa loob ni Alex. Humahanga siya sa kausap.
“Andrew Gomez” maikling sagot nito sa Kanya.
Tuwang tuwa si Alex na tignan ang makulit at supladong mukha ni Andrew. Lalo na habang inuubos nitong mabilis ang Caramel Frappe na halos walang ilang minutes ay mangalahati na. Wala pang 5 minutes ay halos ubos na ito. Tumingin ulit si Andrew kay Alex.
Medyo na akward si Alex kaya lakas loob siyang nagpakilala. Little information lang naman ang ibinigay niya kay Andrew. Ilang taon na siya, anong trabaho niya. Tumatango lang si Andrew habang nagsasalita si Alex. Nang matapos si Alex ay nagtanong ng ilang impormasyon ito tungkol kay Andrew. Magalang namang sinagot ito ni Andrew.
“26 po doc” sagot ni Andrew ng tinanong siya kung ilang taon na ito.
“Huwag mo na akong popoin at itawag mo nalang sa akin Alex”
Si Alex lang ang nagsasalita at hindi nagsasalita si Andrew kung hindi naman siya tinatanong.
Ibinaba ni Andrew ang walang laman niyang baso sa harap ni Alex. Tinignan ito ni Alex. Di pa nangangalahati ang kape niya.
“Gusto mo pa?” tanong ni Alex. Tumungo lang si Andrew para maka second round ng libreng Frappe at tumingin lang na tahimik ito sa kanya. Pagkakuha ng order ay binanatan agad ito ni Andrew at mabilis din niya itong naubos agad. Hindi mapigilang mapangiti ni Alex sa kaharap at dahil doon ay napansin siya nitong si Andrew. Parang nahiya naman itong si Alex at biglang nagsalita upang magwala ang tahimik at malakas na tension sa kanilang dalawa.
“Gusto mo na bang umuwi? Mauna ka na sa akin at di pa ubos ang kape ko.” Sabi ni Alex na medyo nahihiya na kay Andrew at baka nakakaistorbo siya dito. Huli na nang pagsisihan ni Alex sa sarili kung bakit yun ang sinabi niya kay Andrew. Pakiramdam niya kasi na naaaliw siyang tignan ito at gusto pa sana niya nitong makasama pa ng kahit ilang oras.
“Hindi pa ako uuwi, Nanonood ako ng Sine pag Friday.” Sagot ni Andrew.
Pinigilan ni Alex ang matawa sa sagot nito. Hindi malaman ni Alex kung anong motibo ni Andrew kung bakit ganito ang sagot niya. Nagpaparinig ba ito sa kanya. Tutal kahit ipanood niya ng sine si Andrew ay kulang pa rin iyon sa pagsasauli nito ng kanyang telepono. Nangiti si Alex at medyo tumapang siya na magflirt at tinanong niya si Andrew.
“Kasama mo girlfriend mo?” Umiling si Andrew.
“Kasama mo Boyfriend mo?” Umiling ulit si Andrew.
“Mga officemate?” Iling ulit ang sagot
“Barkada... Family?” Hula ni Alex. Puro iling lang ang sinasagot ni Andrew.
“Mag-isa ka lang?” Tumango si Andrew.
Matipid magsalita ito. Sabi ni Alex.
“Sige gusto ko ding manood ng sine, My Treat.” Masayang imbita ni Alex kay Andrew. Tamang tama at manood din siya ng sine.
“Plano ko kaninang manood ng sine kasama ang friend ko kaya lang nagkaroon siya ng change of plan, o ano tayo nalang manood ng sine, my treat sa pagbalik mo ng iPhone ko?” Masayang suggestion ni Alex.
“You can come with me kaya lang ang panonoorin ko ay Dark Shadows” sabi ni Andrew.
“Yung kay Johnny Depp!” tuwang tuwang sagot ni Alex. Napangiti si Andrew tanda ng pagsang ayon.
“Sige my treat” Sabi ulit ni Alex. Masayang masaya na tila nakalimutan na ang nagnyari sa kaniya sa clinic kanina. Inilabas ni Andrew ang Movie Card Pass niya at ipinakita kay Alex. Natawa si Alex.
“Next time mo nalang gamitin yan, libre ko na.” Sabi nito kay Andrew.
“Sobra sobra na tong Frappe” Tugon ni Andrew.
“I insist” tutol ni Alex.
“Huwag nalang tayong manood ng sine” Sagot ni Andrew.
Napatigil si Alex. Lumabas na naman ang di nya gustong ugali ni 'Nakapulot'.
“Fine... KKB” sabi ni Alex.
*********************************************
Makalipas ang ilang minuto ay tinatahak na ng kotse ni Alex ang Ayala Avenue papuntang Glorietta. Nakaupo si Andrew sa tabi ni Alex. Pinagmamasdan ni Alex ng panakaw itong si 'Nakapulot'. Parang wala itong kamuangmuang, napakainosenteng tignan ang maamo nitong mukha na nakatingin sa labas ng bintana sa kinauupuan nito pero may sungay din naman sa pag-uugali, ang comment sa sarili ni Alex kay Andrew. Habang nakatingin siya kay Andrew ay bigla itong lumingon sa kanya at nagtanong. Bigla siyang naconscious ulit at nagulat.
“Health conscious ka ba sa pagkain?”
Kinagulat ito ni Alex. Halatang wala itong kaalam alam na kanina pa niya ito tinitignan.
“Bakit mo naman ito naitanong?”
“Eh kasi gym fit ka, Healt conscious ka ba sa pagkain?” tanong ulit nito kay Alex.
Medyo napangiti si Alex dahil isang compliment iyon para sa kanya.
“Hindi naman, hindi lang ako kumakain ng sobra.” Sagot nito.
“Good!” Sabi ni Andrew at bumalik ulit ito sa posisyon ng pagkakaupo nito at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.
Natatawa si Alex sa kasama. “Ang weird nito... pasalamat ka gwapo ka kahit antipatiko ka ay pagtitiyagaan ko yang ugali mo dahil isinaoli mo ang iPhone ko” sambit ni Alex sa sarili.
“Huwag mo akong iinisin at baka gahasain kita diyan” Sabi ni Alex sa sarili. Di niya alam kung bakit niya nasabi iyon. Aminado siya na attracted siya kay Andrew nang makita niya ito. Pero lalong lumalakas ang sex appeal nito pag nagsasalita. Matipid itong magsalita kaya na chachallenge si Alex. Napag isip isip ni Alex na hindi niya kailangan ng relationship ngayon at hindi niya kailangan ng karamay. Kailangan niya ngayon ay mapaglilibangang rebound guy.
“Pasaway ka pero pagtitiyagaan kita” Sambit ni Alex sa sarili.
Nakangiting nagpark si Alex sa Glorietta habang binubuo ang plano niya kay Andrew. Alam niyang straight itong weirdong ito. Hindi niya maramdaman na bi ito katulad ng nararamdaman niya sa ibang pamintang lalaki. Ni hindi nga sinuri ni Andrew ang katawan niya nang nag-uusap sila sa Starbucks at parang nadissappoint siya ng nararamdaman niyang walang kainteres-interest ito sa kanya. Natatawa si Alex nang may pumasok na pilyo sa kaniyang isip. Nabuo ang goal ni Alex na kailangang niyang mai-kama si Andrew bago matapos ang one week.
Unang bumaba si Andrew, at nang sinara nito ang pintuan ng kotse ay kaagad namang dinukot ni Alex ang kanyang alaga para ayusin at kanina pa ito nagwawala. Kakaiba din at malakas ang sex appeal ng looks at attitude ang dulot ni Andrew sa kaniya. Di lubos maisip ni Alex kung bakit nalang siya nakaramdam ng ganito.
Ganito ba talaga pag galing sa isang break-up?
Naglakad na sila papuntang cinema sa Glorietta, hindi nagsasalita si Andrew na hanggang makarating sila sa ticket booth. Unang pumila si Andrew. Habang bumibili ito ng ticket ay bumunot naman ng pera si Alex pambayad, KKB tulad ng pinag-usapan nila. May inabot sa kanya si Andrew.
“Ano yan?”
“tickets.” sagot ni Andrew
Nagulat si Alex sa gesture ni Andrew. Tinignan niya ito.
“Pakihawakan at may pupuntahan lang ako, Hintayin mo nalang ako sa tapat ng entrance.” Sabi ni Andrew.
“Kala ko ba KKB?” tanong ni Alex habang kinuha ang ticket. Ngumiti nalang si Andrew at umalis. Clueless niyang iniwan si Alex.
Naghintay sa entrance ng Cinema 4 si Alex at maya-maya pa ay nakita niya itong si Andrew na may dalang isang plastic bag. Bumili ito ng pagkain sa Burger King. Nang magksalubungan sila ng tingin ay ngumiti ito sa kanya. Hindi sila nag-usap ng pumasok sila sa sinehan hanggang maka-upo sila sa kanilang designated seats sa loob.
Pagkaupo nila ay sakto namang nagsimula na ang pelikula. Pinagmamasdan ni Alex si Andrew habang nag slide ito ng kaunti sa kinauupuan niya at inilabas na nito ang mga fastfood na binili nito. Inabot ni Andrew kay Alex ang isang malaking Whopper, bigsize na softdrink at isang malaking size ng onion rings. kinuha naman ito ni Alex na nakatingin pa rin kay Andrew habang ipinatong ni Andrew ang kangyang pagkain sa lap nito at sinimulan na ang pagbubukas ng mga sachet ng ketchup. Napansin naman ito ni Andrew na tinitignan siya ni Alex.
“Sabi mo hindi ka naman health conscious?” tanong ni Andrew.
Nangiti nalang si Alex. Nagsimula ng kumain si Andrew.
Hindi na matandaan ni Alex kung kailan siya huling kumain ng fastfood. Kahit nagwoworkout siya ay hindi siya health conscious, medyo na impluwensyahan lang siya ng ex niya na maging healthy sa pagkain dahil nagwoworkout din ito. Naamoy niya ang bango ng onion rings at burger na hawak-hawak niya. Maganang kinakain ni Andrew ang burger nito at kitang-kita na sarap na sarap ito. Nakangiting sinimulang buksan ni Alex ang sachet ng ketchup at masayang kinain na rin niya ang pagkain na binili ni Andrew para sa kaniya. Sa bawat pag nguya niya at pagsubo ng pagkain ay unti-unti niyang naiimagine si Dexter na nagagalit sa kanya at sa isip-isip niya ay napapatawa siya at nasabi niya sa sarili “ What the hell, wala ng magbabawal sa akin.” Masyado kasing strikto si Dexter sa relationship nila, hindi lang sa pagkain, pati sa schedule at sa iba pang mga bagay.
Masayang nanood si Alex ng pelikula hanggang maubos nito ang kinakain at ng tinignan niya si Andrew ay masugid din na pinanonood nito ang pelikula habang hawak nito ang softdrinks at kapag may nakakatawang scene ay sinusulyapan niya ito para makita ang ngiti at tawa nito. Inaabangan niya ang paglabas ng biloy nito sa pisngi. Hindi parin sila nag-uusap. Sa kalagitnaan ng pelikula ay naramdaman nalang ni Alex na tumanday ang ulo ng katabi sa kanya, tinignan niya ito at naririnig niya ang mahinang paghilik nito. nangiti si Alex habang pinagmamasdan nito ang mukha ni 'Nakapulot'. Napakaamo ng mukha nito habang umiidlip. Hindi na rin lumabas ang pagkasupladong impression nito na di katulad kanina habang nag-uusap sila.
Biglang naalala ni Alex ang plano nito kanina. Nawala sa mukha nito ang ngiti, pinagmasdan nito ang kabuuan ng natutulog na si Andrew. "Pass muna ako sa'yo. Mabait ka naman pala pag tulog." Nangingiting sinabi ni Alex sa sarili.
Idinikit ni Alex ang mukha nya sa ulo ni Andrew at inamoy nito ang buhok. Mabango, Amoy na malamyang menthol ang ginagamit nitong shampoo. Ibababa pa ni Alex ang ulo niya para maamoy ang leeg ng katabi ngunit naamoy niya ang mabangong amoy ng burger na kinain nila kanina mula kay Andrew. Biglang natauhan si Alex. Inisip niya ang napaka friendly na gesture ang ipinakita ni Andrew sa panglilibre sa kaniya ng food at sine. First time ever na malibre si Alex sa mga lakad dahil ugali nitong siya ang sumasagot sa gastusin sa mga lakad. Hindi siya ang bumili ng ticket at pagkain nila. Ngayon lang naman sila nagkakilala at kung tutuusin siya nga ang dapat gumastos dahil sa pagkakasaoli ni Andrew ng iPhone niya. “Babawi ako.” bumulong si Alex kay Andrew na mahimbing pa rin sa pagkakatulog nito. Itinigil na ni Alex ang paglalaro sa isip nito sa masamang plano para kay Andrew.
Nagising si Andrew ng nararamdaman niyang may tumatapik sa pisngi niya. Paggising niya ay nakita niya na credits na ang nasa screen at bumukas ang ilaw ng sinehan. kumurap kurap ito at kinuha ang softdrinks sa arm rest ng upuan at uminom at yung iba ay minumog muna nito bago lunukin. Napansin niya si Alex na nakangiti at nakatingin sa kanya.
Kinindatan lang niya ito at tumayo na. Hindi pa rin sila nag-uusap papalabas. Tahimik lang si Alex habang sinasabayan si Andrew sa paglalakad. Nang mapansin niyang ibang direction ang tinatahak nilang dalawa.
“Tol, hindi ito ang papunta sa parking” sabi niya kay Andrew.
“Oo nga pala.” biglang napahinto sa paglakad si Andrew at napahawak sa ulo.
“Paano, dito ang way ko.” dugtong nito.
“ Hatid na kita.” Imbita ni Alex. Umiling si Andrew at iniabot ang kamay nito kay Alex.
Nakipag shake hands si Alex. “ Nice meeting you” pangiting sabi ni Andrew.
“Hatid na kita.” sabi ulit ni Alex.
“Okay lang, Huwag na. Salamat sa Starbucks !!!” Masayang sabi ni Andrew habang lumakad itong paatras papalayo kay Alex at nag saludo pa ito sa kanya. Nakatawang umiling si Alex nang tumalikod si Andrew at naglakad na. Hinihintay niyang lingunin siya nito ngunit hindi na ito lumingon hanggang tuluyan ng nawala ito sa mga kasabay nitong mga naglalakad. "Ang kulit mo lang." Bulong ni Alex sa sarili para kay 'Nakapulot'
Masayang nagdridrive si Alex pauwi sa condo niya at naisipang tawagan nito ang kaibigang si Michael. Para siyang batang pangiti-ngiti habang hinihintay sumagot si Michael.
“Musta Pare?” Sagot nito.
“Okay lang.” sabi ni Alex pero madadama sa kanya ang masayang mood nito.
“Anong okay lang? Masayang-masaya ka ata. Kanina sobrang Emo mo.” Kulit ni Michael.
“Wala lang." Ang sagot ni Alex habang pinipigilan ang paghagikhik.
“Halatang kinikilig ka!” Sabi ni Michael.
"Halata ba? Ha ha ha!" Di na mapigilan ni Alex ang matawa.
"Nakuha mo ba yung iPhone mo tol?" Masaya ring sinagot siya ni Michael
"Fuck! Nalimutan ko sa Starbucks!" Gulat na sinabi ni Alex.
To Be Continued