AUTHOR’S
NOTE: Happy 5th Mot Mot,
Ryesters! :3
Unang-una sa lahat ang pagpapaumanhin ko sa
matagal na update sa kwentong ito. I hope you’ll understand my situation.
Salamat pa rin kila Sir Mike at Sir Ponse sa
hindi pagtanggal sa akin dito sa blog bilang Contributor/RA. Maraming salamat
po sa consideration!
Sa mga ka-BTBBC
ko. Miss na miss ko na kayo. XOXO! :D
Sa mga ka-BLUES
ko. Lalong lalo na kay Pinunong Super Jun Jun Blue Ranger Noctis
Lucis Caelum-sama dahil hindi pa ako nakakapagbasa from Chapter 13 up
to the latest update. Hayst! Sana makapagbasa ako this vacay! :D
Sorry din kay Prince Justin, dahil
ganoon din. From Chapter 9 up to the latest. Kahit nga noong nigreet mo ako
noong birthday ko ay hindi ko pa rin nababasa. Pasensori!
Kay Vienne, din. From Chapter 5 up to
the latest. Hayst! I need to catch up already! Nawawala na ako sa discussion e.
Sorry sorry sorry!
Sa mga kaibigan ko sa facebook at fbgroup, huwag
kayong mahiya sa pagdrop ng messages and posts. I’ll try to comment back, like,
and reply whenever I am available.
Salamat pa rin sa patuloy na nagaabalang magdrop
ng comments nila sa last chapter. Well appreciated po. Special mention kila, Yelsna, Jharz 05, QueenKrista, Angel, at sa limang Anonymous.
Maraming salamat!
I’m so sorry kung may naguluhan man sa
pagkakasulat ng Chapter 22, maskin ako’y ganun din. Lol!
Pakiintindi na lang. Onegaishimasu! :D
Oh, well! Enjoy reading na lang guys!
PS: Pakiload na
rin ang mga kantang ito sa youtube, if you want.
Broken Strings by James Morisson ft. Nelly
Furtado
The Blower’s Daughter by Damien Rice
Me and My Jealousy by Lee DeWyze
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents
are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious
manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is
purely coincidental. All images, videos and
other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo
credits should be given to its rightful owner.
LOVE IS…
Rye
Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
PREVIOUS
CHAPTERS
ADD US TO
YOUR BLOGGER APP
(Reading
List)
ADD ME UP!
KINDLY READ
THESE STORIES TOO!
Gio Yu’s
Final Requirement (On-going)
Vienne
Chase’s Beat Of My Heart (On-going)
Jace Page’s
The Tree, The Leaf And The Wind (Completed)
Bluerose
Claveria’s Geo – Mr. Assuming (On-going)
Prince Justin
Dizon’s Playful Jokes (On-going)
Cookie
Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)
CHAPTER XXIII
Riel’s POV
What I saw was just another nightmare that
continuously haunts me from the past.
Red’s POV
Earlier
July 23, 2021 – 8 AM (American Time)
“Anak handa ka na ba?” Tanong ni Mom.
“Yes, Mom.” Simpleng sagot ko.
It’s been a year nang iwan ko ang buhay ko sa
Pilipinas. Sina Mom umuuwi, pero pinagbibilinan ko silang ‘wag magpapakita kay
Riel.
“I mean… to face Riel again. Isang taon na anak
since that accident… pero nagiguilty pa rin ako sa ginagawa natin sa kanya.”
Aniya. Puno ng pag-aalala sa boses niya ang naramdaman ko.
“I know, Mom. Maskin ako ma’y ganoon din. You
know that I’ve tried very hard to resist him, kahit miss na miss ko na siya.”
Yes. Baliw nga ako sabi ni Andrei. Mas pinili ko
kasing lumayo nang wala namang karason-rason.
“Gagana ba talaga ‘yang plano mo, anak?” Tanong
niyang muli.
“Yes, Mom. I’m sure it’ll work. Why?” Tugon ko
naman.
Although may doubt ako, I still think positively
for this. I want to be with him every single day. Ang planong ito ang magsisilbing
tulay sa pangarap kong iyon.
“Hay naku, Jared! Sinasabi ko sa’yo, ha?! Kapag
‘di ito gumana, tatanda ka talagang binata. I will never accept anyone else for
you.” Banta niya.
“I promise, Mom. Hindi na naman talaga ako iibig
pa, if it’s not Riel.”
“Good! Bilisan mo na riyan! Ang dami pa nating
aasikasuhin.” Pagbibilin niya.
Kung hindi nga si Riel. I better grow old
single, tham trying to replace him inside this heart of mine.
Alas onse na ng umaga nang umalis sina Mom, Dad
at Andrei para mamili raw ng mga pasalubong sa mga kamag-anak namin. Kahit kasi
sa kanila’y hindi namin ipinaalam ang pag-alis namin ng biglaan.
At least, pinakinggan nila Mom ang pakiusap ko.
Why do I opt to leave Riel at once?
I don’t really get the reason…
Ang alam ko na lang ay, ikinasal na sina Brett
at Iris dahil sa pagbubuntis ni nito. 4
months ago ay nanganak na rin naman siya. At ipinangalan nila iyon sunod sa
pangalan nilang dalawa at kay Riel.
May konting galit ako kay Brett. Pinilit kong
intindihan siya, pero… bumabalik pa rin sa alaala kong, hinalikan niya ang
pinakamamahal ko.
Yeah. I’ve said it before, na it’s just a kiss.
Pero… Argh!
Pasalamat na lang din kami ni Andrei kay Mom,
dahil napakiusapan niya ang aming mga guro para makapag-aral kami online. Kaya,
nakatapos parin ako ng high school. Si Andrei naman, enrolled na ngayong school
year, late comer nga lamang siya dahil sa akin. Online based siya ng dalawang
buwan. So… he can catch up.
Staying here in the US is fun. Although, may
kulang sa pagkatao ko. Alam niyo na. Minsan nga’y natitempt akong i-contact
siya thru facebook, pero pinipigilan ko lang. Madalang na rin naman siya kung
mag-online. Lagi pang emo ang mga post niya.
Hayst! Devastating kaya iyon sa parte ko. His
loneliness is my doing. Tinatatagan ko na lang kasi, uuwi naman talaga ako. I
just want to plan things. Syempre, para paghandaan lahat.
Alam ko ang nangyayari sa kanya outside the web
world, because of Eri. Siya lang kasi ang kilala kong marunong manahimik, kapag
kailangang kailangan. At hindi ako nagkamali. She even visited us here.
Hinihintay ko lang ang isang kaibigan. Kasama
namin siyang uuwi ng Pilipinas for a plan, that I have plotted. Pinag-isipan at
pinaghandaan ko kaya iyon ng matagal.
“Jared! I’m here!”
And speaking of the devil. Haha!
“Kala ko, ayaw mo?” Natatawa kong saad sa kanya.
“Ewan ko sa’yo ‘no!” Aniya saka tumawa. “Hindi
naman ako tumanggi, ‘di ba? Crush pa naman kita.” Seryosong sabi niya.
“Tss. Sumbong kaya kita kay Seb?” Seryosong
balik ko sa kanya.
“Joke lang! Ano ka ba! Anyways, asan sina Tita?”
Pag-iiba niya ng usapan.
Takot niya lang kay Seb e. Ayaw iwan.
“Gumala. May bibilhin daw e.” Sagot ko sa tanong
niya.
“Oh!” Animo’y may lumabas na bombilya sa may
taas ng kanyang ulo. “Okay! So… Mag-isa ka lang pala rito.” Nang-aakit niyang
tono.
“Tss. Isang dial lang, kay Seb na ‘to diretso!”
Banta ko sabay pagbabadya kong pagdial sa cell phone ko.
“Kainis ‘to!”
“Umayos ka kasi!”
“Oo na!” Umirap pa siya. “Pakirecap na nga lang
ako ng gagawin! Ang boring mo naman! Amerika kaya ‘to! Uso ang hook-up!”
“I’m not a hooker, Dave. Tsaka, may mahal na po
ako. MAHAL NA MAHAL KO SIYA. I don’t cheat. Matalino ako e.” Sabay tawa ko. “So,
sinasabi mong nakikipag-asdfghjkl ka kahit kayo ni Seb? Filipino ka kaya.
Isusumbong talaga kita sa kanya.”
“Tss. Whatever! Biro lang, hindi mo makuha?
Matalino ka nga, gwapo ka nga, ang slow mo naman mag-pick-up ng biro!”
“I know you, Dave. Pinag-nanasahan mo kaya ako.
Pero! I’m not letting you. Si Riel lang ang may permiso, no!”
“O siya! Pasalamat ka, sasama ako.”
“Thank you!” Sabay tawa ng malakas.
Isa si Dave sa anak ng mabuting kaibigan ni Mom
na si Tita Jackie dito sa Amerika. Sila lang naman ang lagi naming
nakakasalamuha dito. Usually, Filipinos lang din. As much as possible, pinipigilan
ko kasing mainvolve sa mga amerikana. I don’t want to be unfaithful.
So I did a recap regarding our plans. Seb and
Eri already know this. Ewan ko nga ba kung bakit nirecap ko naman sa isang ‘to.
Sa bahay titira si Dave and Seb. Wala naman silang kamag-anak na nakatira sa
Pinas e. So, Mom suggested that they’ll be living with us for the mean time.
Tumawag ako kanina kay Seb kung anong nangyari
sa first day niya sa school ni Riel. Unfortunately, absent daw ito. So I asked
Eri. A little later after, nakatanggap ako sa kanya ng sagot.
Bihira ko lang malamang umabsent si Riel sa
pagpasok. All I know is, ako palagi ang dahilan ng pag-aabsent niya.
Hindi ko rin masisisi sina Tita Rina kung nasabi
nila kay Riel ang ipinakiusap ko. Wala na naman akong magagawa roon e. After
all, sila na lang ang pamilyang pwedeng masandalan ni Riel doon.
Malalaman ko na lang na pupunta ang barkada sa
bahay ng mga Dela Rama, to at least comfort him. Na dapat… ako ‘yong gumagawa.
I guess, I made a worst boyfriend to him, of my self.
Pero… matatapos na ang paghihirap ng
pinakamamahal ko. Uuwi na ako e. I need to fix everything. Pero… kailangan ko
muna siyang saktan for the success of this plan.
“So pwede kita i-kiss kapag kaharap natin siya?”
Aniya.
Napailing na lang ako. Pinagnanasahan talaga ako
nito.
“If that’s effective, then…” Napaisip pa ako,
kung sasaang-ayon talaga ako sa gusto nito. “Do what you want. Hindi lang tayo
lalampas doon. Tsaka ‘wag kang susobra, sisikmuraan talaga kita.” Tugon ko.
Well, it’s just a kiss. A kiss nga lang ba? Sana
hindi ko ito pag-sisihan sa huli. Sabi ko nga kanina. Tss.
“Pwedeng pa-advance ngayon?”
“Nek nek mo ‘no! Pag-ka-ha-rap nga lang siya,
‘di ba?” Agad kong sagot. Napatayo na rin tuloy ako. Iba rin kasi ‘to,
nanununggab agad.
“Sige na…” Aktong lalapit siya nang kunin ko ang
cell phone ko.
“Remember…” Sabay wagayway ko nang cell phone ko
sa harap niya. “Isang dial lang… it’s Seb, already.”
“KJ!”
“It’s not in our plan, Dave. Just drop it. Or,
lagot ka sa boyfriend mo!”
“Oo na! Lagot ka sa akin pagkauwi natin. Ha!
Matitikman din kita!” Banta niya.
“Let’s see.” Hamon ko naman.
Alas nuebe ang flight namin, kaya’t 6:30 PM pa
lang ay pumunta na kami sa airport. Nakakausap ko lang si Seb thru facebook. Si
Eri nama’y thru viber.
“Anong oras dating niyo? Uuwi rin pala sila
Josh. Bukas din ang dating. Sa Naga City Airport din ang lapag. Oh my God! Baka
magkita-kita na kayo niyan.” Pagkasagot ko ng tawag mula kay Eri.
Uuwi na rin pala sina Josh and Riley from their
honeymoon. Nakakainggit… Oo, pero… makakamit din namin iyon ni Riel. Siya na
talaga ang gusto kong makasama sa buhay. I just need to make this plan work.
Sana this will turn-out just what I am expecting.
“Hmm. ‘Wag mo na lang kaming sunduin, tuloy.
Kami na ang bahala.” Sagot ko.
“Okay. Mabuti na nga iyon. Baka magalit sa akin
si Riri.”
“Okay. No worries. Hindi naman ‘to kung anong
plano e.”
Yes. This ain’t any plan na alam niyo na. I
can’t reveal it so soon. Kailangan ko pang makausap ang mga kakasabwatin ko.
Kailangan ko pang magcatch-up sa kanila.
Kung makita man kami nila Josh. That would be
fine. At least, sa madaling panahon, makuha ko agad sila bilang accomplices.
“I know. Ikaw na bahala sa mga susunod na
mangyayari kung makikita niyo man siya sa Airport.” Aniya.
“Just tell Seb na papauwi na kami.”
“Yeah yeah. Pakisabihan nga si Dave na ang landi
ng boyfriend niya! Unang pagkikita pa lang nila ni Riel, naging magulo na agad
ang utak n’ong tao. Bahala ka sa plano mo ha! Kapag nain-love si Riel kay Seb.
Wala na.”
“Kaya nga nabuo itong plano ‘di ba?”
“Ewan ko sa’yo no! Alam mo namang mahal na mahal
ka n’ong tao e. Ikaw ba naman ang iyakan for almost a year, now? Hayst! Bahala
ka na nga! Naaawa na tuloy ako kay Riel sa pwedeng mangyari. Although, maganda
ang ending nito, may mga doubts lang talaga ako.”
“Don’t think too much, Eri. Ako na ang bahala.”
Maskin ako man ay may mga doubts… but I am
keeping my faith that Riel can still accept me after this plan. Sana nga lang
hindi mabaliktad ang lahat ng gusto kong mangyari.
If it does, I’ll take full responsibility.
Buong byahe ay iniisip ko ang gagawin if ever we
turned out to face Josh and Riley sa airport pauwi ng Naga. Ilan kayang porsyento
ng posibilidad na pwede kaming magsabay sa flight.
Alas siete na ng umaga kami nakarating sa
Manila. Pagkababa ko pa lang sa eroplano ay nilasap ko agad ang simoy ng
hangin.
“I’m back, Philippines!” Sigaw ko.
Syempre, biro lang.
“Wagas ang ngiti natin ah!” Ani Dave.
Pero hindi ako sumagot sa kanya. Nilasap ko na
lang ulit ang hangin, kahit hindi ito kagaya ng malalanghap sa Naga.
“Tss. Bakit ba kasi nakasali pa ako sa plano mo,
Kuya? Ang hirap kaya ng LDR. Buti na lang okay pa kami ngayon ni Reese.” Singit
naman ni Andrei.
“Of course! Kinausap ko kaya si Reese. And I’m glad
pumayag naman siya.” Tugon ko.
Umiling na lang ito matapos ko iyong sabihin.
Buti na lang naging mabuting kaibigan din ni
Andrei ang mga anak ng family friends nina Mom doon sa Amerika. At sa tingin
ko, na-enjoy niya naman ang stay namin doon.
Naisipan naming magpahinga muna sa isang malapit
na hotel sa airport. Para agad kaming makapunta kapag oras na ng flight namin.
Sina Mom, Dad at Dave ay sumaglit muna sa simbahan. Ipapasyal din daw nila muna ito. Kaming
dalawa ni Andrei naman ay piniling magpahinga na lang.
“Babe!”
Natulala na lang ako nang marinig ko ang tinig
na iyon. Hindi ako nagkamali. It’s Josh and Riley. Kung minamalas ka nga naman!
Pareho pa kami ng hotel na pinag-check-inan.
Buti na lang hindi pa ako tuluyang nakalabas
noon sa kwartong tinutuluyan namin.
“Parang nakita ko kanina ‘yong mga magulang ni
Red.” Ani Riley.
Patay!
“Talaga?!” Biglang sagot naman ni Josh.
“Yeah. Hindi ako, pwedeng magkamali.”
Nakagat ko na lang ang labi ko nang marinig ko
iyon. Looks like, I have to deal with them this soon. Pero… sana, ‘wag muna.
Nakaisip na rin naman ako ng paraan, but… it’s still vague.
“Tara nga sa Reception Area. Magtanong tayo.”
Kinabahan na lang ako bigla. Argh!
Makalipas ang ilang minutong paglalakad ko back
and forth, dahil sa bilis ng turn-out of events kanina. Mas lalo akong
kinabahan dahil sa mga pagkatok sa pinto ng aming kwarto.
Nang sinilip ko ang peephole sa pinto namin ay
nanlaki na lang ang mga mata ko.
“Jared Isaiah Ariola! I know you’re in there!
Labas!” Sigaw ni Josh sa labas.
Argh! Wala na talaga akong magagawa. Andito na
‘to. I need to face them. Sana na lang umuuwi na agad sila Mom.
Dahan-dahan ko lang na binuksan ang pinto ng
kwarto namin tsaka nagsuot ng pilit na ngiti sa mukha ko.
“Long time no see, Josh… Riley…” Sabi ko.
“Fuck you! What the hell, Red?! Bakit ngayon ka
lang?! Alam mo bang naghihirap si Riel ngayon, dahil sa’yo! Damn you!” Asik
niya.
“Babe! Kalma lang!” Ani Riley sa asawa.
Buti na lang mahigpit ang pagkakahawak sa kanya
ni Riley. Baka bugbog sarado na ako sa kanya.
“E putangina naman kasi ‘tong isang ‘to e!”
Aniya sabay turo sa akin.
“Pasok kami, ha? Nakakaiskandalo ata tayo.” Sabi
ni Riley.
Umatras na lang ako para makapasok silang
dalawa. Pilit pa ring kinakalma ni Riley ang asawa niya. Hindi ko rin naman
siya masisisi kung ganito siya kagalit ngayon sa akin. Best friend niya si
Riel. At ako ang dahilan ng sitwasyon ngayon ng kaibigan niya.
“Babe! Kalma lang, okay? Buti na lang wala sina
Tita rito.”
“Kaya nga ako ganito, e! Bwiset, Red! Ano bang
pumasok sa kukote mo!”
“Sorry, Josh.” Nasagot ko na lang.
“Putangina talaga! Putangina!” Mura niyang muli.
“Babe! Ang bibig mo! At least hear him out muna.
‘Di ba?”
“Hay nako! Ewan ko talaga! Ewan ko na lang.”
Nang kumalma si Josh, saktong dumating na rin
sina Mom, Dad at Dave. Katahimikan kasi ang bumalot sa amin sa mga oras na
iyon. Riley needs to calm Josh first para makausap ko siya ng matino.
Buti na lang andyan siya. Hindi ko pa kasi
talaga alam ang sasabihin sa kanya. Kung sasabihin ko rin sa kanya ang plano
ko, ewan ko nga rin e.
“Oh!” Sabi ni Mom, nang makapasok siya.
Pareho ng reaksyon ko ang reaksyon ni Mom nang
makita niya sa loob ng hotel room namin sina Josh and Riley. Wala na akong
nasabi pa sa kanya tungkol sa pagkakabuking ko kay Josh. Alam na niya naman ang
magiging consequence noon kapag pinaglihiman pa namin siya. So… might as well,
sabihin na lang din sa kanya.
‘Yon nga, Mom told the important things to Josh.
Syempre ang plano rin.
“I don’t really get it, Red. Bakit pa? To test
him? Ikaw lang naman minamahal ni Riel, alam mo ‘yan. Mantakin mong isang taon
kang iniyakan n’ong kaibigan ko.” Aniya.
“Calm down, Iho.” Saad sa kanya ni Mom.
“I can’t Tita. Bakit niyo po pinagbigyan ‘yang
si Red. Nakita ko lahat ng epekto nang pagkawala niya sa buhay ni Riel. It
seems like he’s alive physically, but dead emotionally. ‘Yong may kulang sa
kanya.”
“Blame it all to me, Josh. Ako naman lahat may
gawa nito e. But I promise to make it up to Riel soon. Just please understand
and keep this as a secret from him. Mabilis lang ‘to. I just need to prepare
the things I need.”
“Ewan ko sa’yo! Bahala ka na nga! Kung hindi ka
lang mahal n’ong isang ‘yon, nako! Nabalatan na talaga kita ngayon. Patatas!
Oras na. Quarter to nine na.” Padabog siyang tumayo sa kinauupuan niya.
Nakikinig lang sila Dad, Andrei at Dave.
Dahil sa malandi ang kaibigan ko. Nakuha niya
pang makipagkilala sa asawa ni Josh. Napailing na lang ako.
“Hi! I’m Dave! And you are?” Aniya.
Imbes na si Riley ang sumagot ay agad na sumagot
sa kanya si Josh.
“Oh, Hi, Dave. He’s Riley. My partner.” May diin
sa pagkakasabi niya roon sabay ngiti.
Nagkatitigan sila na parang ewan. Nasapo ko na
lang ang noo ko. Si Dave kasi e! Baka tuloy mainis pa nang todo ‘tong si Josh.
“Babe. Let’s go?” Baling niya kay Riley. Agad
namang umalis ang dalawa.
“Tss. Parang nakikipagkilala lang!” Ani Dave
nang makalabas na ang dalawa.
“Tigilan mo nga ang paglalandi, Dave. Susumbong
talaga kita kay Seb. Mag-asawa na ‘yong dalawang ‘yon.”
“I don’t care! Maghihiwalay pa ‘yong dalawang
‘yon ‘no!” Aniya. Nang mapagtanto niyang andito pala sina Mom ay naitakip niya
ng kusa sa bibig niya ang mga kamay.
“Dave!” Tawag sa kanya ni Mom. “I don’t like
that attitude.” Dagdag ni Mom.
Napayuko naman siya. “Sorry po, Tita.”
“Mali iyon. Kung sa’yo ‘yon mangyari. Anong
gagawin mo? Seb is one of the best man, I have ever known. Bihira ang mga
faithful.”
Buti nga sa kanya. Hahaha! Pero… I know he’s
just missing Seb. Naglalandi lang naman ‘yan kapag malayo siya sa minamahal
niya. Alteration ng pagkamiss niya, kumbaga. I hope so. Lol!
Present
Wala kaming imik nang makarating kami sa bahay.
Naabutan lang namin si Seb na abala sa kusina para sa tanghalian. He’s a Chef
already, buti na nga lang ay naadmit pa siya doon sa Chua Culinary School.
“Red, nasa plano ba ang nangyari kanina?” Tanong
ni Mom.
Imbes na ako ang sumagot ay agad na sumingit si
Dave.
“Yes, Tita.” Aniya.
Napatingin lang sa kanya si Mom ng madalian,
pero ibinaling niya agad ang atensyon sa akin. She’s still waits for my answer.
Sumagot na rin lang naman si Dave, edi hindi ko na itatanggi. Kaya tumango na
lang ako sa kanya.
“We’ll talk later, Jared. Wala pa nga tayo sa
kalahati, stress na stress na ako.”
“Why, Tita? What happened?” Tanong ni Seb na inaalis
ang suot niyang apron.
Napailing lang si Mom sa tanong ni Seb.
“Just ask your boyfriend and friend, Seb.” Tugon
niya. “Let’s eat? It’s past 12 already. Ang dami mo atang niluto, Seb?” Dagdag
niya.
Clueless na napatango na lamang si Seb sa sinabi
ni Mom.
After lunch, hindi na napaghiwalay pa ang
magkasintahan.
Ako? Inaalala ang nakitang reaksyon ni Riel sa
nangyari sa Airport. This is the catch guys, Me and Dave, didn’t actually
kissed. Mabuti na lang mabilis ang reflexes ko. It seemed that way, dahil sa
view. Pero hindi, sa cheeks niya lang ako nahalikan.
Naitalikod ko kasi agad ang sarili ko sa view na
makikita ni Riel.
Pero… Josh texted me. Ani Eli sa kanya, hindi pa
rin daw lumalabas ng kwarto ngayon si Riel. And it bothers me even more.
Takte kasi si Dave! Malay ko ba namang totohanin
niya ang plano na ‘yon.
“Hoy, Red! Pagsabihan mo ‘yang kasabwat mo, ha!
Kakalbuhin ko siya!” Nailayo ko agad ang cell phone ko sa tenga ko nang marinig
iyon mula sa kabilang linya.
“Sorry for what happened, Josh. Maskin ako’y
hindi ko iyon alam. Dave is completely into it. Intindihin niyo na lang. Ako
naman ang may kasalanan nito e.” Tugon ko.
“Grrr! Ang landi! Bwiset! So… anong balak mo
ngayon? Bumalik na naman si Riel sa pagkukulong niya sa kwarto. Hindi na rin
mapasok ni Eli ngayon. May lock na raw sa loob.”
Anniversary pa naman sana namin ngayon. That
night, under the stars and a crescent moon. I will never forget the happiest
moment that ever happened in my life.
Kahit masaya ang ending nitong planong ito,
‘yong mga duda ko… parang… magkakatotoo pa…
“Mom. Please po… Pakirush na ang preparation for
the finale.” Saad ko pagkabukas pa lang ng pinto sa kwarto nila.
Napangiti si Mom sa kanyang narinig and then pat
my head.
“Mom… hindi na po ako bata.”
“I know. Namiss ko lang gawin ‘to sa’yo.”
Napangiti na rin lang ako.
“We’ll do our best para mapabilis ang
preparation, Red. Just make sure not to hurt, Riel even more. Bahala ka!
Tatanggihan ka na noon!” Banta na naman niya.
“Yeah. Yeah. No worries, Mom. Ako na ang bahala
sa parteng ‘yon.” Tugon ko.
“August 25, ‘di ba?”
Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot.
Riel’s POV
This is my last set. Nasa Synthesia Bar ako
ngayon. My first gig after a year. Ako lang mag-isa. Gusto ko munang mapag-isa.
It has been 4 days since the 25th of
July.
Our anniversary…
No… Wala na palang gan’on ngayon.
He’s with someone else…
So…
It doesn’t really matter anymore…
2 days ago, nicontact ko si Iris. Nakiusap akong
hindi na muna magkacomeback ang Fleet. Hindi ko pa rin kasi sila nakocontact.
Alam na ito ni Eli, pero pinakiusapan ko siyang, akin muna itong gabing ito.
Pinakiusapan ko rin siyang, huwag ng manood
ngayon. I just want to pour all the emotions I am feeling right now sa
pagkanta. Masakit e. Ang sakit.
Ayoko ring makadagdag sa alalahanin sa bahay.
June is worrying too much about me. Eri is worrying too. Sina Kuya Melvin and
Ate Rose. At syempre si Kuya.
“Nag-ienjoy pa ba kayo?” Saad ko sa mikropono.
“Yes!”
“Never been like this before!”
Sigawan ng mga tao sa paligid ko.
Sina Brett at Iris ang kasama ko ngayong gabi.
Buti nga raw at pinayagan sila ng Mommy ni Brett. Tulog na rin naman si Beegee
nang iwan nila sa bahay ng mga Santillan.
Am still wondering if they already knew. Siguro
naman. 4 days na ang nakalilipas e.
Napailing na lang ako sa mga iniisip ko. Bakit
ko ba pinoproblema pa iyon?
“For the first song, on my last set... Broken
Strings by James Morisson. May I request Mars, for Nelly Furtado’s part. Enjoy!”
Nakita ko na lang na itinuturo niya ang sarili
niya. Tumango naman ako.
“Kainis ‘to! Hindi maganda ang boses ko!”
“Wushu! Humble pa more! Hindi mo ginagamit
magandang boses mo? Benta mo na ‘yan! OLX.ph!” Biro ko.
“Baliw! Sige na nga!” Papayag din naman pala,
magpapakipot pa. Tss. Napailing na lang ako tsaka tumipa sa gitara.
Let me hold
you for the last time
It’s the last
chance to feel again
But you broke
me
Now I can’t
feel anything
When I love
you it’s so untrue
I can’t even
convince myself
When I’m
speaking
It’s the
voice of someone else
Tama ba itong ginagawa ko ngayon? Not confirming
things? Ang daming pwedeng rason, pero hindi ko man lang nagawang usisain ang
mga nangyayari.
Pinangungunahan lang ba ako ng emosyon ko? Pero…
anong magagawa ko? Nagseselos ako e. Ako dapat ang nandoon sa tabi niya. Ako
dapat ‘yon.
Oh, it tears
me up
I try to hold
on
But it hurts
too much
I try to
forgive but it’s not enough
To make it
all okay
You can’t
play on broken strings
You can’t
feel anything
That your
heart don’t want to feel
I can’t tell
something that ain’t real
Oh that truth
hurts
And lies
worse
How can I
give anymore?
When I love
you a little less than before
Nakapikit lang ako sa mga oras na iyon. It’s
Iris’ turn kaya’t nakapagnilay-nilay ako sa nararamdaman ko.
Ito na nga siguro ang takbo ng buhay ko ngayon.
Wala akong pamilya. I have friends, but I can’t demand for them to be with me
at all times. May kanya-kanya rin naman silang buhay.
I can’t always make them rush whenever
magdadrama na naman ako. I will try my best to conceal the pain I am feeling.
‘Yon na lang siguro ang last resort ko para hindi ko na sila maabala pa.
Love is a ruthless game; it is unless you’ve
played it good and right.
I still can make it. Konting panahon lang ang kailangan
ko. Siguro. Kasalanan ko naman kasi, I’m into deep. Too deep, that it is all
Red, I see.
Let me hold
you for the last time
It’s the last
chance to feel again…
Palakpakan ng nasa loob ng Bar ang narinig ko. It
seems like Iris enjoyed it as well. Pakipot pa kasi e. Hindi naman gan’on kasama
ang boses niya. May ritmo at tono naman. Hindi nga lang ‘yong masasabi mong
musically inclined.
Anyways, okay na ‘yon. Nairaos naman kahit
papaano.
Sinundo lamang siya ng asawa niya sa harap ng
stage matapos ko siyang pasalamatan. Namiss ko tuloy si Beegee. 4 days ko rin
siyang hindi nakita.
Nagpahinga lamang ako ng konting minuto.
“The next song is requested by Mr. Chiu.”
Naguluhan pa ako noon. Parang pamilyar kasi ‘yong apelyido. “Andito pa po ba si
Mr. Chiu?” Tanong ko.
Nakompirma ko na lang ang nasa isip ko nang
itaas niya ang kanyang kamay. Mag-isa lamang siyang nakaupo sa may counter ng
Bar.
Tss! Bakit siya andito! Nakakalimutan ko tuloy
na may problema pa ako ngayon. Lol! Biro lang! Stalker ba siya? How did he
know? Or maimbestiga lang talaga akong tao.
“Oh!” Nasabi ko na lang. “Dedicated daw ito sa
crush niya.” Natawa na lang ako. “Wow si Kuya! May pacrush-crush pang nalalaman
e! Hahaha!” Nakitawa na rin sa akin ang mga taong naroroon.
Napakamot na lang siya ng kanyang batok.
Ugh!
That gesture!
“So…” Nagpatigil sa tawanan. Halata ba sa boses
ko na mayroon akong dinadala ngayon? “The Blower’s Daughter by Damien Rice. Sa
Crush ni Mr. Chiu. This is for you! Yiee!”
Nakisali na rin ang mga tao sa panunuya ko sa
kanya. Magkaklase naman kami, might as well, kaibiganin ko na rin. I think he’s
nice naman. FC nga these past few days. Hindi ko lang muna binibigyan ng
masyadong atensyon dahil sa pag-iisip ko doon sa nangyari noong Sabado.
And so it is
Just like you
said it would be
Life goes easy
on me
Most of the
time
And so it is
The shorter
story
No love, no
glory
No hero in
her sky
Maskin anong pilit kong pagpapasaya sa sarili
ko. Wearing a smile. Nasasapawan pa rin iyon ng nararamdaman ko sa loob.
Madrama pa itong nirequest ni Mr. Chiu. Ay ewan! Kantahin na nga lang! Argh!
I can’t take
my eyes off of you
I can’t take
my eyes off you
I can’t take
my eyes off of you
I can’t take
my eyes off you
I can’t take
my eyes off you
I can’t take
my eyes...
Tumitingala na lang ako kapag may magbabadyang
luha na papalabas sa mga mata ko. Shit! Nadadala ako ng kantang ito! Kapag
pumipikit naman ako’y si Red ang nakikita ko. Ano na lang pala ang gagawin ko.
I hate this feeling. I realy hate it!
I can’t take
my mind off of you
I can’t take
my mind off you
I can’t take
my mind off of you
I can’t take
my mind off you
I can’t take
my mind off you
I can’t take
my mind...
My mind… My
mind…
‘Til I find
somebody new
Nagpaumanhin ako sa madla matapos kong kantahin
ang huling salita. Hindi ko na kasi napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. I
went back stage at humagulhol sa isang sulok doon.
“Pars…” Napatayo ako bigla nang tinawag ni Iris
ang pangalan ko.
Akala ko nga siya lang ang naroroon. But, I saw
Brett’s face like he did something wrong.
“Okay lang ako. Don’t worry about me. Napuwing
lang ako. Hindi ko matanggal kaya naiyak ako.” Rason ko. I know it’s so lame.
Pero, wala e. nasabi ko na.
Sino ba naman ang napuwing lang maiiyak na agad?
Tss.
“You’re not, Best.” May diin sa pagkakasabi ni
Brett noon.
Nakahawak sa kanya si Iris. Sinabihan ko kasi
siyang kapag mapunta kami sa sitwasyong ito’y pakalmahin niya ang asawa niya.
Ayoko nang marinig pa sa kanya ang paghingi ng tawad, dahil matagal ko na
siyang napatawad.
“Calm down, Brett.” Aniya sa asawa.
“Balik na ako sa stage, ha? Huling kanta na rin
naman ‘to.” Saad ko sa kanilang dalawa.
Si Iris naintindihan ako, si Brett, hindi. Kaya
pinigilan niya na naman akong iwasan siya.
“Best… kung hindi mo na kaya, please naman. Just
tell me. Best friend mo ako, ‘di ba?”
“Wag muna ngayon, Best. Please…” Pakiusap ko.
Agad niya naman akong binitawan saka na ako
nagpatuloy sa paglalakad palabas sa pwesto ko. I have composed myself even
more, para hindi nila mahalata ang nangyari sa akin. Conceal, don’t feel.
“Nag-ienjoy pa ba kayo, guys? So sad na huling
song na natin ito. But we’ll see each other again on Saturday, right?”
Wednesday and Saturday lang ang kinuha kong
schedule. Nag-aaral pa ako e. At may obligasyon din naman ako sa bahay. I can’t
let my boarders do the chores. Kahit kasi sinasabi nilang okay lang naman sa
kanila ang tumulong, iniinsist ko pa rin na kasama iyonsa binabayaran nila sa
akin.
“Minsan sa isang relasyon, darating talaga ang
panahon na magkakalabuan kayo ng minamahal mo. But, still, marami namang paraan
to work things out again, ‘di ba?”
What the hell am I saying? Lol! Conceal don’t
feel, Riel. Remember! Sinimulan ko na ring tipahin ang aking gitara.
“Kung kaya pang ayusin, gawan ng paraan. Kapag
wala na talaga, the last resort you can do, is… let go…”
Tama ba, na iyon lang ang paraan kapag wala na
talaga?
“Marami sa atin ang naghahangad ng forever. But…
does forever really exist? Para kasi sa akin… it is not forever… it is for a
lifetime.” Napapikit na lang ulit ako.
I'm thinking
about him holding you
There's
nothing much that I can do
The seconds
into minutes
The minutes
into hours
The future is
his and the past is ours.
They tell me
I should just move on
It's easier
said than done
The only
thing left keeping me company
Just me and
my jealousy
Lying awake
at night
You keep
running through my mind
Jealous of
the hand that you hold
The city in
the winter never seems so cold
Nothing left
of me
Just me and
my jealousy
Just me and
my jealousy
Nilasap ko ang bawat salita na lumabas sa bibig
ko.
Selos lang ‘to.
Alam ko.
Nagseselos ako ng todo.
You said
there really isn't much to say
But we'll be
better off this way
So tell me is
it better while you're lying in bed
I wonder if
you ever think of me instead
Then I got
nothing left to prove
When you got
nothing, you got nothing lose
The only
thing left keeping me company
Just me and
me jealousy
Lying awake
at night
You keep
running through my mind
Jealous of
the hand that you hold
Chicago in
the winter never seemed this cold
Nothing left
of me
Just me and
my jeaously
I'm jealous
of the pillow where you lay your head
The only
thing you're lying with is my regret, my regret
And I'm
jealous of the way he says your name
I should of
held you tighter but I let you walk away
Pagkamulat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang
kompletong imahe ng mga kabanda ko. Sa sobrang gulat ko’y tanging pilit na
ngiti na lang ang naigawad ko sa nag-aalalang facial expression nila.
Sa banda, malalaman mo ang nasasaloob ng
kumakanta. It seems that, our soul is connected to the rhythm and tone of the
song. Kaya nga mas gumagaling ang isang mang-aawit kapag naincorporate niya ang
feelings niya sa pagkanta.
Ganoon ang nararamdaman ng mga kabanda ko
ngayon. Reading them through their eyes concludes that they somewhat feel me.
Hindi ako nagpaalaman kanina kay Kuya kanina.
Eri is still missing in action when I left, kaya, ipinagpasya kong ‘wag na lang
magpaalam sa kanila. Tanging kay June lang. Alam naman nila kung saan ako
hahanapin e.
I lie awake
at night
You keep
running through my mind
Days turn
into nights
I can't get
you off my mind
Jealous of
the hand that you hold
Chicago in
the winter never seemed this cold
Nothing left
to me
Just me and
my jealousy, my jealousy, my jealousy
Me and my
jelousy
And I’m satisfied pouring my feelings through
singing. At least, kahit emosyonal pa rin ako, gumaan kahit papaano ang
nararamdaman ko. Isang oras na iyak ulit ito, and then, okay na ulit ako.
Itutuloy...
Grabe parang ang landi ng role ko dito.. Malayong malayo sa real life hahaha.. Pero gusto ko ha atleast dito man lang aggressive ako di ko kasi kaya in real life eh.. Hhahaha naaawa pa din ako kay riel😠-dave
ReplyDeleteHeartwarming ang isa na toh!
ReplyDeleteNice talaga next chapter na po ulit.,.,
ReplyDeleteGalinG tlga ng autor.
Breaille lance
tuloy m n nga yan mister author, paghwlayin m yang red at riel. sobrng nkakainis kasi, i dont care s mggng kwento ha. mgng si seb at riel n pleasr please.
ReplyDeletePde bawiin ung ncomment ko? Shetttttt proposal n pla yes yes. I love red and riel haha
ReplyDeleteAng galing mo tlaga mr. Author! Kudos!
ReplyDeleteMaiba po ako, ano po title ng last song ninyo dto sa chapter ninyo ngaun?
Reagan hambog of ilocos sur
Ano ang purpose so Red bakit nya pinarusahan si Gab? Gab has bewn through a lot. Can Jar see that? Anyway, thanks for the update. Take care.
ReplyDeleteHmm. Exciting naman itong story na to.
ReplyDeleteAng daming kuda ni Red ha!
Next chapter na pleeeaaassssseee.!
Ano kayang plano netong ni Red? Nakaka intriga jusko. Feeling ko pagpapakasal din? Pero para saan bat nya tinetest si Riel? Muntanga si Red. Sarap kalbuhin. hahaha.
ReplyDeleteGood job Kuyang author. haha Sana mabilis update. haha. Silent reader lang ako dito. haha.
-yeahitsjm
Sya nga pala, nagkainteres akong magsulat din pero hindi ko alam kung sino ang kokontakin para ma publish ko dito ang aking akda.
ReplyDeleteBisita lang po kayo sa http://mgakwentongpatola.blogspot.com/ para aking kauna unahang akda.. Ang MAPAGLARONG TADHANA.
M2M Bromance na kwento po ito. Salamat po.
Umayos ka nga Red! Bakit pa bang kailangang masaktan si Riel? Author nakakainis naman kayo wag niyo paiyakin si Riel ng sobra, baka nga tanggihan niya si Red.
ReplyDeletelalalala.. XD hehehe oh my gee .! pagende rin ng pegende to !:) kakaexcite !!!
ReplyDeletety sa update and kuya Rye , ANG GALING MO PO TELEGE ! :)
-yeLsnA