Followers

Friday, November 14, 2014

Love Is... Chapter 21



AUTHOR’S NOTE: Happy Monthsary, Ryesters! :D

Maraming salamat sa patuloy pa ring naghihintay sa updates ng story na ito. Sorry, kasi, kahapon dapat ang update, kaso wala kaming internet. Ewan ko sa internet provider namin. Anyways, meron na ngayon. Pagpasensyahan niyo na kung medyo ma-lyrics ito. Kailangan e.

Maraming salamat pa rin kila Sir Mike Juha at Sir Ponse sa privilege na ito.

Sa mga kaibigan ko sa facebook, pati na rin sa group members ng aking group. Maraming maraming salamat!

Sa #BTBBC na miss na miss ko na, PINUNONG SUPER JUN JUN NOCTIS-SAMA, CREAM, JIGS, NHE, YELSNA, MYUN XEL, KUYA JAPS, KUYA KING, and IAN. Kumusta naman kayo?

Sa mga ka-Blues ko! Kumusta naman kayo?

Sa mga kapatid kong sina APPLE GREEN, VIENNE CHASE, and PRINCE JUSTIN! Kaway kaway! :D

Sa mga nagcomment sa #LoveIs20 na hindi ko alam kung bakit nawala lahat. Alam kong lima ‘yon e. KUYA ALFRED, ANGEL, YELSNA, DAVE, ANGEL TREBB, TREV, JAY 05. Salamat pa rin!

Delayed na ‘to masyado! Kaya heto na! Ihahain ko na! Mainit-init pa!

Enjoy! #LoveIs21 is up!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV | XVI | XVII
XVIII | XIX | XX


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Vienne Chase’s Beat Of My Heart (On-going)
Jace Page’s The Tree, The Leaf And The Wind (On-going)
Bluerose Claveria’s Geo – Mr. Assuming (On-going)
Prince Justin Dizon’s Playful Jokes (On-going)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)


CHAPTER XXI


Riel’s POV

Ika-23 ng Agosto, Sabado. Huling araw na ng School Fest.

Andito kami ngayon sa Music Room para i-practice ang mga kakantahin namin sa closing. Somewhat, ginawa naming sekreto ang mga kakantahin para sa closing, para maexcite lalo ang mga kamag-aral namin.

Naimbitahan din namin ang mga banda na meron ang school kapag nagkakaroon ng mga Battle of the Bands. They’re practicing on their own, kaya’t wala na kaming problema roon.

Kami… Kami ang dapat mag-ensayo, kasi hindi naman kami ganoon kagaling. We’re an amateur band, although, magagaling kami sa kanya-kanyang instrumentong aming hawak, hindi pa rin kami makakasabay sa mga batikan sa larangan ng pagbabanda at musika.

Pero… sabi ng mga kabanda ko, all bands are the same. Maganda ang musika, kapag nagkakaisa ang bawat miyembro nito.

Hindi iyon, dahil sa maganda ang boses ng bokalista; hindi iyon dahil sa ang husay magtipa ng mga bassist at ng guitarist; hindi iyon sa galing ng pandining ng keyboardist; o kaya nama’y hindi iyon dahil sa bilis ng kamay ng drummer sa paggawa ng ritmo.

Lahat ng iyon ay wala kung hindi nagkakaisa ang puso ng mga tao, sa likod ng isang banda.

“Ang lalim ng iniisip ni Riel, o!” Ani Lizbeth.

Hindi na nga talaga mawawala sa akin ang pag-di-daydream. Isinisingit ko na lang nga ang tungkol sa banda.

Sa pagkanta kasama ang banda, ako nakakalimot sa mga nangyari sa mga nakaraang araw. Marami akong iniisip this past few days dahil sa mga sinabi sa akin ni Iris. Doon ko nakumpirma ang mga nangyayari sa pagitan namin ng bestfriend ko.

It was the day after my birthday. Akala ko, makocontain lang ang utak ko ng mga isipin tungkol sa nangyari noong gabing iyon sa pagitan namin ni Red. And then, I am flustered by the sudden turn-out of events.

Akala ko, after my birthday, masaya akong haharap sa mga tao… kasi mahal ako ng boyfriend ko… kasi marami pa pala akong masasandalan… kasi may rason pa ako para magpatuloy sa buhay.

Galit na galit ako sa’yo, Riel.

Hindi ko noon naramdaman na mayroon palang hinanakit sa akin si Iris. At ang tanga ko, kasi ngayon ko lang iyon napagtanto.

Pero… Wala naman akong magagawa, ‘di ba? We’re both in his heart…

Sa una hindi ko makuha ang sinasabi niya. I’d thought, she’s just upset about something else with me. Pero… both in his heart? Yeah, maybe because I’m Brett’s best friend. Mahal naman talaga ako ni Brett e, as his bestfriend nga lang.

Alam ko na hanggang doon lamang ang extent ng pagmamahal sa akin ni Brett. Lagi niyang pinaparamdam sa akin ‘yon. Oo nga pala… lagi niyang iyong pinaparamdam sa akin. Kaya nga… nahulog ako sa kanya.

Oo, Riel… He’s in love with the both of us.

Is that even possible?

Natigil ako sa pag-alala sa mga nangyari noong huwebes, dahil sa kamay na pumatong sa aking balikat.

Napadako ang tingin ko sa aking kaibigan na palaging nariyan sa tuwing kailangan ko ng masasandalan. Mga bagay na hindi ko maaaring ibahagi sa aking kasintahan.

Ayokong magkaaway sila ng kanyang pinsan.

“Kailangan niyo nang magkausap ni Brett.” Bulong nito sa akin.

Marahan lamang akong tumango sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko ba. Matapos kong malaman ang katotohanan, narealize ko na tamang hindi ko na itinuloy ang nabuong damdamin sa matalik kong kaibigan.

Buti na lang nalaman kong, mayroon na siyang mapapangasawa.

Buti na lang, pinatawad ko si Red, at ibinalik ang dating nararamdaman sa kanya.

Pero… hindi matatapos ang lahat ng komplikasyon na ito, kung hindi ako kikilos.

Tinapos namin ang pagpapractice sa isang round ng aming finale song.

Sana… matapos ang mga problemang ito, na magiging maayos pa rin ang kalalabasan ng hakbang na gagawin ko sa pagitan namin ng aking matalik na kaibigan, at ng mga tao sa paligid namin.

Inaliw ko na lang ang sarili ko kasama sina Yuki at Ate Xynth sa pagtingin-tingin sa mga booths na naroroon sa loob ng school. Alas sais na ng gabi at mayroon pa naman kaming dalawang oras para sa closing ceremony.

Naitext ko na rin si Red na sabay na lang kaming magdinner. Hindi ko kasi siya nakasama sa practice kanina dahil sa pagpatawag sa kanila ni Coach.

“Asan na raw si Red? Gutom na ako e?” Ngiting aso ni Yuki sa akin.

Nagkatinginan kami ni Ate Xynth at napailing.

“Papunta na raw. Saan tayo? Para doon na lang tuloy natin siya antayin.”

“Sa labas na lang tayo. Dali!” Sagot niya.

Agad naman nitong hinawakan ang kamay ni Ate Xynth saka hinila papunta sa labasan ng school. Hindi naman kami pwedeng lumayo ng ganitong oras kasi, traffic. So alam na kung saan niya gustong pumunta.

Tinext ko na lang si Red na doon na lang namin siya aantayin sa Café na lagi naming tambayan kapag uwian. Nagreply naman siya na he’ll be there after 10 minutes. ‘Di pa raw kasi tapos magsalita si Coach.

“Oy! Sina Brett, Iris at Eri, oh! Makijoin tayo sa kanila?” Sabi ni Ate Xynth.

Natigilan naman ako sa paglalakad papasok ng Café nang marinig ko iyon. I guess, hindi ko na ito maiiwasan. We’re friends after all. Natural lang na makiisa kami sa kanila.

Ayokong mahalata nilang dalawa na mayroong namamagitang problema sa aming dalawa ni Iris. Eri is not an issue. She’s just being Iris’ best friend. Tsaka, sinabi niya sa akin na hindi siya makikialam sa amin.

However, may ilang factor kasi e. Syempre, hindi nga kasi ito alam ng dalawa at syempre si Red at Brett. Kay Eli ko lang kasi iyon nai-open up.

“Uhm… Order na muna ako ha?” Pagpaalam ko sa kanila.

Alam kong mapapansin nila ang awkward moment sa amin, well, matagal na naman pala, pero… baka mas lalo ngayon, pati na si Iris ay cold na rin ang pakikitungo sa akin simula noong komprontahin niya nga ako.

“Paki-order na rin kami, Riel. Alam mo na ang gusto ko.” Magiliw na saad ni Yuki sabay abot ng pera sa akin.

“Ah… e… Samahan na lang kita, Riel.” Ani Ate Xynth. Kinuha na lang niya ‘yong pera kay Yukino tsaka ako inakay papuntang counter.

Napansin niya sigurong ni hindi man lang bumati sa akin ‘yong dalawa. Si Eri kasi, ngumiti naman na sa akin. Ewan ko lamang kung napansin iyon ng dalawa kong kasama.

“Parang may mali.” Biglang saad niya.

Napatingin ako sa kanya pero sa menu pa rin siya nakatutok. Agad akong nag-iwas ng tingin. Tama nga ang hinala ko.

“Saan may mali?” Pagmamaang-maangan ko.

“Sa lahat… Matagal ko na kasing napapansin na hindi kayo nagpapansinan ni Brett. Ngayon naman, parang pati si Iris ganun na rin. Umamin ka nga, may problema ba kayong tatlo?”

Wala talaga kaming takas sa mapanuring mga mata ni Ate. Pero, ayokong madamay sila sa gulong ito.

Alam ko na may mga bagay na parang kapag hindi mo iyon kayang sabihin sa mga magulang mo, kaibigan mo ang pinakauna sa lahat ng pwede mong mapaghihingahan. I know they deserve to know. I know they can help. Pero… naisip ko kasing ‘wag na lang.

I don’t want them to bother things like this. Aayusin ko muna ito mag-isa. Kapag hindi gumana ang naisip kong paraan, saka na lang ako hihingi sa kanila ng tulong.

“Hindi Ate.” Sagot ko. Susubukan ko na lang na maging maayos sa harap niya para hindi ako mahalata.

Nabigla na lang ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran. Agad naman nitong ipinatong ang kanyang  baba sa aking balikat.

“Anong inorder mo para sa akin, Blueberry ko?”

Napangiti na lang ako. I am saved! Mala interogation kasi ng imbestigador ang mga tanong ni Ate Xynth. Wala pa iyon sa mga susunod na tanong kung hindi lang ito dumating nakayakap sa akin.

Nakita ko na lang na umiling si Ate Xynth. Seryoso pa rin siya. Alam kong hindi niya ako tatantanan kasi, hindi pa siya nakakakuha ng sagot. I know, na magtatanong din siya doon sa dalawa. Ibinaling na lang nito ang paningin sa menu tsaka nag-order.

Nang makabayad at makuha niya ang number para sa kanyang order ay nagpaalam na lang siya na mauuna na siya doon.

“Ikaw, anong gusto mo?” Tanong ko sa nasa likod ko.

“Hmmmm. Caramel Macchiato tsaka Blueberry Cheesecake.” Aniya.

“Na naman? Kahapon ‘yon na ang kinain mo ‘di ba?” Ngiwi ko.

Kumain kasi kaming dalawa rito kahapon, pagkatapos naming pumasok sa horror house ng Juniors. Ewan ko ba sa kanya. Oo, paborito ko ang Blueberry Cheesecake, pero may iba pa naman akong gustong kainin bukod doon.

Iyon ang paraan para hindi mo pagsawaan ang isang bagay. Minsan, kailangan mo rin munang i-try ang iba, para kapag namiss mo na, andoon pa rin ang cravings mo para doon.

Parang sa pag-ibig… hindi kailangang lagi kayong magkasama. Kaya tuloy maraming nagkakasawaan, ‘di ba? Mas maganda pa rin naman ‘yong kahit paminsan-minsan ay namimiss ninyo ang isat-isa.

Bakit ba ako napunta doon. Pagkain ang pinag-uusapan namin e. Lol!

“Yup!” Masaya niyang tugon.

Napailing na lang ulit ako.

“Miss, Dalawang Caramel Macchiato, isang Blueberry Cheesecake, tsaka isang Tiramisu.” Saad ko sa kahera sabay abot ng pera.

Napatingin ako kay Red nang bigla na niya lang akong bitawan mula sa pagkakayakap. Kinuha niya pala ang wallet niya.

“Kunin mo na lang dito ‘yong nagastos mo.” Aniya ng mailahad niya sa akin ang kanyang pitaka.

“Ako na nito!” Ngiti ko sa kanya tsaka tumalikod. Sakto naman na ibibigay na sa akin noong kahera ang sukli, tsaka ang numero ng order namin.

Kinuha ko ‘yon tsaka hinila na lang si Red papunta sa table kung saan naroroon sina Ate Xynth at Yukino, kasama sina Brett, Iris at Eri.

Pero… Nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang makita ko na wala na ang tatlo roon.

Ayoko talagang makakuha ng ideya si Ate Xynth sa mga nangyayari.

“Ang tagal niyo! Umalis na sina Brett, kanina pa pala sila rito.” Ani Yukino.

“Anong gusto niyo, magkaharap umupo or magkatabi?” Singit naman ni Ate.

“Magkaharap!” Masayang sagot ni Red.

Umusod na lamang si Ate Xynth papunta sa may glass wall. Sumunod naman si Yuki sa gusto ni Red.

Nasa tabi ako ni Yuki, si Red naman ay katabi ni Ate Xynth. Magkaharap nga kami. Alam ko na ang balak nitong mokong na ‘to. Sweet, kaso bitter ‘tong katabi ko.

“Kainis! ‘Wag nga kayo sa harap ko maglandian!” Asik ni Yuki.

Patawa-tawa lang si Red sa tabi niya.

Simula kasi noong dumating ang mga order namin, hindi na natigil si Red kakasubo ng cheesecake sa akin. Ganun din naman ako. Para naman hindi lang Blueberry Cheesecake kainin nito.

“Inggitera! ‘Wag mo na lang kasing tingnan.” Sabi sa kanya ni Ate Xynth. “May nanliligaw kasi, hindi pa sinasagot. Aba! Matsuo Yukino! Mag-iisang taon na rin kaya, buhat ng suyuin ka ni Ryou, kailan mo ba balak sagutin ‘yong tao?”

“Oo nga pala! Ganoon ka na katagal sinusuyo ni Ryou? Seriously? Tsk. Tsk. Tsk.” Tanong ko.

“Bakit ko pa kailangang sagutin ‘yon e, ikakasal na kaya kami after graduation. Tsaka hindi ako naniniwala doon no! Playboy kaya ‘yon! Ilang beses na akong umiyak dahil sa kanya!”

“Weh! Ang gwapo kaya ni Ryou! Crush na crush ko nga ‘yon e. Kaya lang graduate na! Sayang! Aagawin ko nga sana sa’yo ‘yon… Joke! Ikaw lang naman kasi ang gumagawa ng conclusion sa mga kinikilos ni Ryou e. Hindi mo siya binigyan ng chance! Tss!”

“Ichibana Ryouta?” Tanong ni Red kay Yuki. Tumango naman kaming tatlo. “Fiancée ka pala ni Ryou?” Dagdag niya.

“Kilala mo si Ryou?” Tanong ni Yukino.

“Yup! Siya ‘yong dating Team Captain namin sa soccer.” Sagot niya. “Teka! Seryoso? So meaning… Ikaw ‘yong babaeng sinasabi niyang kinababaliwan niya? Kahit daw kasi arranged marriage ‘yong nangyari sa kanila, nang makita niya ‘yong mapapangasawa niya, nagbago lahat ng pananaw niya. Idol ko nga ‘yon e.”

“Yieee! O, ‘di ba! Sabi ko sa’yo! Mahal na mahal ka niya e!” Ani Ate Xynth.

“Yieee! Pinamumulahan siya.” Pang-aasar ko naman.

“Oo, playboy nga ‘yon si Ryou, pero may isang salita ‘yon. Simula nga noong nabalita na mayroon na siyang fiancée, hindi na siya tumingin sa iba. Sabi niya kasi… kapag nakita mo na ‘yong ‘the one’, parang iikot na lang ang mundo mo sa taong iyon. Gaya nang makita ko si, Blueberry ko.” Dagdag ni Red.

“Tss! Patatas pa more, Red! Sumesimple ka naman! ?Baka langgamin na naman kami rito.” Napailing si Ate Xynth. Nagkatinginan kami ni Red, tsaka ngumiti sa isa’t isa. Keleg! Lol!

“Weh? Totoo ba ‘yan?” Hindi pa rin naniniwalang tanong ni Yuki.

“Edi itanong mo sa kanya. Tapos sabihin mong ako ang nagsabi sa’yo.”  

Bumalik kami sa school na panay ang asar pa rin kay Yuki. Wala naman itong naging sagot sa aming mga pang-aasar kasi totoo naman.

Hindi naman talaga siguro masamang manigurado tayo pagdating sa mga taong pagkakatiwalaan natin ng ating puso. Iba kasi kapag nasaktan ang puso ‘di ba? Ang tagal kung ito’y maghilom sa sugat na natamo.

Pero ika nga, it is better to try, than just wait for it to fade, then later on, regret about losing it.

May mga bagay naman kasi sa mundo na worth it ang mag-risk, kahit masasaktan tayo sa huli. Oo, pagkabigo ang usually nangyayari when we’re taking risk… pero, meron namang happy ending ang lahat.

May mga chances lamang talagang kailangan mong maghintay para sa sarili nating happy ending.

Nagkita lamang kaming muli ni Kuya sa backstage sa mismong oras ng pagsisimula ng closing ceremony ng school fest. Aniya, kasama niya raw sina Josh at Riley nang maghiwalay kami galing sa practice.

Good to know na maayos na ang puso ni Kuya. I hope makakita rin siya ng tunay na magmamahal sa kanya.

Malaconcert ang mangyayari ngayon sa closing ceremony ng school fest. Sa huli pa iaannounce kung sino ang mayroong pinakamalaking kita sa buong week.

May karagdagan kasing premyo para sa top three. Sabi ko nga, tulong ito para sa mga activities na gagawin nila. May dalawang categories naman: una ang grade/year ng mga estudyante; at ang pangalawa ay ang clubs, orgs, groups and the likes.

Kahit kasi iba iba ang mga pakulo ng bawat sections in every grade/year, collective naman ang kita nila. Halimbawa, every sections ng Grade 7 ay may iba’t ibang ginawa sa school fest, ipagsasama lahat ng kita nila para maging kita iyon ng buong Grade 7. And so on.

“Magandang gabi, AR-NE-YOOOOO!” Saad ko sa mikropono. Hiyawan naman ang sumunod doon.

Kakatapos lamang ng first part ng program para sa closing. Second part na ito, kung saan ang malaconcert ang mangyayari. Mayroong kaming tatlong pyesa na tutugtugin ngayong at tatlo rin pagkatapos ng mga bandang naimbitahan namin.

Ako kasi ulit ang magsasara ng School Fest gaya noong pagbukas ko noong unang araw. Doon ko na rin i-a-announce kung sinu-sino ang mga nagsipagwagi.

“Nag-enjoy ba kayo sa 1 week School Fest?” Tanong ko sa mga nasa harap ko.

“Yeah!”

“Oo!”

“Extend!”

“Wooh!”

Mga narinig kong sagot mula sa kanila. Napatingin ako kina Eli tsaka sa aking mga kabanda para sa pagsisimula ng aming jamming. Concert na rin lang naman ang labas nito, bakit hindi na namin panindigan, ‘di ba?

May mga placards pa ngang dala-dala ang mga kamag-aral namin. Mga sumusuporta sa mga bands na aming inimbitahan. Meron nga rin kami.

Bandabandahan is the best!

Sino pa nga ba ang may pakana, Edi ang SC. Wala akong kaalam-alam sa ideya nilang iyon. Siguro, pinamumunuan na naman ‘yon ng magaling kong Disciplinary Chief. Napailing na lang ako.

May i-a-announce rin pala kami sa madla.

“Guys! Gusto niyo ba kaming makita sa Battle of the Bands, next year?” Sa hiyawan palang, malalaman mo na ang kanilang sagot sa aking tanong.

“If you insist… Hehe!” Napatingin muli ako sa aking mga kabanda. Ngiti at masiglang tango ang kanilang isinagot sa akin.

Itinuon ko ang pansin ko kay Eli. Siya kasi ang mag-aannounce noon.

“Tawagin ninyo na lamang kaming, FLEET. Official name entry ng banda namin. Yes, we’re definitely new... pero, handa kaming sumuong sa laban, kasi ang puso namin ay nagkakaisa, sa ngalan ng musika.” Aniya.

“Ayos ba?” Tanong ko sa mga kamag-aral namin.

Gaya ng unang reaksiyon hiyawan ang namayani doon.

“Well, well, well! Simulan na natin ang tugtugan!”

Eh eh oh eh oh
Eh eh oh eh oh
Eh eh oh eh oh
Eh eh oh eh oh

Eh eh oh eh oh
Eh eh oh eh oh
Eh eh oh eh oh
Eh eh oh eh oh

Hiyawan ang maririnig mo sa mga kamag-aral namin habang kinakanta namin ang intro ng kanta. May mga nakikita akong tumitili, tumatalon, at naghihead rhythm. May iba ring tinuturo kami.

I was left… to my own devices
Many days… fell away with nothing to show

And the walls kept tumbling down
In the city that we love

Great clouds roll over the hills
Bringing darkness from above

The crowd’s noise is our drug. Para kaming binigyan ng maraming pampalakas ng loob para ipagpatuloy ang pagkanta. Hindi nga kami nagkamaling nagdesisyon para sumali sa Battle of the Bands next year.

Mas masaya kasing kumanta kasama ang banda, kesa sa solohista. Gitara o kaya nama’y saliw ng instrumental songs lamang ang parati kong gamit noon kapag kakanta ako sa unahan, kagaya ng okasyong ito.

Masaya akong dumating sa buhay ko si Eli.

But if you close your eyes
Does it almost feel like
Nothing change at all?

And if you close your eyes
Does it almost feel like
You’ve been here before?

How am I gonna be an optimist about this?
How am I gonna be an optimist about this?

Tumingin ako sa katabi kong bassist. Si Kuya. It’s his turn to sing. Itong katabi kong ito ang tumulong sa akin, para mabuo itong banda na ito. Syempre, hindi rin doon mawawala ang pagpapasalamat ko sa mga kasamahan namin dahil, kung hindi sila nag-audition, ay wala rin sana itong banda namin ngayon.

We are Fleet. Pinagkakaisa ng musika ang aming mga puso.

We were caught… up and lost… in all of our vices
In your pose… as the dust… settles around us

Mas lumakas ang hiyawan ng marinig nila ang boses ni Eli. Ipagpatuloy niya lang ang pagkanta, alam kong sisikat siya.

Sabi nga ng mga kakilala at kaibigan namin, pareho ang boses namin ni Eli. In a sense na, kapag nagsimula nang lumabas sa bibig namin ang mga liriko ng kanta sa saliw ng musika, parang ‘yong matitigilan ka, and push you to just listen.

Ewan. Ganoon ang pagkakadescribe nila e.

Parang mapapa ‘woah’ ka sa sensasyon na dinadala nito sa sistema mo.

And the walls kept tumbling down
In the city that we love

Great clouds roll over the hills
Bringing darkness from above

But if you close your eyes
Does it almost feel like
Nothing change at all?

And if you close your eyes
Does it almost feel like
You’ve been here before?

How am I gonna be an optimist about this?
How am I gonna be an optimist about this?

Eh eh oh eh oh
Eh eh oh eh oh
Eh eh oh eh oh
Eh eh oh eh oh

Hinanap ng mga mata ko ang imahe ng kasintahan ko.

He’s just standing in front of me.

Ngumingiti ng wagas.

Napailing at wagas na lang din akong napangiti sa kanya.

He mouthed, ang galing mo, ang galing niyo. Napatango at sinabi ko ang katagang thank you sa hangin.

I love you! Hirit niya pa.

Umiling pero sumagot naman ako. I love you, too! I mouthed.

I love you, more… Nahagip ng paningin ko bago ako kumantang muli. Napangiti na lang ako ng wagas. Ganoon din naman siya.

Oh… where do we begin?

Tinanggal ko ang mic sa stand “Sing it with us!” Sigaw ko, at iniharap ito sa dagat ng tao sa harap namin.

The rubble or our sins?

Boses ng mga tao sa harapan namin ang maririnig na sumasabay sa saliw ng musika.

Oh… where do we begin?

Masaya na sana ako… pero nahagip ko ang mga mata ng best friend ko. bumalik sa alaala ko ang problemang kinakaharap ko. Tutok ang mata ko sa mukha niya. It’s like there’s really something wrong.

Napatid lamang iyon ng may humawak sa braso niya’t hinila siya palayo.

The rubble or our sins?

Napailing na lang ako. Ano ba ‘tong nangyayari sa buhay ko. Ito ba talaga ang kapalit ng sayang natatamasa ko?

Ibinalik ko ang mic sa stand. Tumingin ako kay Eli, sumenyas na siya na muna ang kumanta. Mabuti’t nainitindihan niya naman ito.

And the walls kept tumbling down
In the city that we love

Great clouds roll over the hills
Bringing darkness from above

Nang makabawi ako… shrugging off the things in my head… ay sumabay na lang ako sa pagkanta.

But if you close your eyes
Does it almost feel like
Nothing change at all?

Alam ko na maaayos ‘tong lahat ng ito. Hindi naging matibay ang pagiging magkaibigan namin ni Brett, kung hindi. Confident naman ako sa pinagsamahan namin e. Kailangan lang talaga naming mag-usap.

And if you close your eyes
Does it almost feel like
You’ve been here before?

Tsaka, hindi na pwede e. Alam niya rin ‘yon.

Oh, How am I gonna be an optimist about this?
How am I gonna be an optimist about this?

If you close your eyes, does it almost feel like
Nothing change at all?

Eh eh oh eh oh
Eh eh oh eh oh
Eh eh oh eh oh
Eh eh oh eh oh

Eh eh oh eh oh
Eh eh oh eh oh
Eh eh oh eh oh
Eh eh oh eh oh

Hiyawan at palakpakan, ang namayani matapos ang una naming kanta. Wagas na ngiti lamang ang nakita ko sa aking mga kabanda nang harapin ko sila.

Thumbs up. Sabay sabay nilang lahad. Tumango lang ako bilang tugon na may ngiti sa aking mukha. Naghaharmonize na rin si Eli at si Jasper para sa susunod na kantang aming tutugtugin. Kailangan lang namin ng konting pahinga.


Josh’s POV

Kakatapos lamang ng unang set ng performance ng banda nina Riel at Eli noon nang mapansin kong wala na sa katabi ko si Riley. Hindi nagpaalam sa akin e. Kainis na lalaki ‘yan! Iwan ba naman ako rito!

Buti na lang nasa grupo naman ako nina Ate Xynth at Yuki. May mga hawak silang banners para sa Fleet. Pero, itinabi na nila iyon muna, matapos ang performance ng banda na nabuo dahil sa School Fest.

I have to say, maganda talaga ang boses ni Eli. Just like Riel, he has this some kind of sensation that will make you just stay tuned and focused.

Kaya nga siguro ‘di ko napansing umalis si Riley sa tabi ko.

Tss. Nasaan na kaya ‘yong bruho na iyon! Lagot siya sa akin mamaya. ‘Wag muna siya sa magpapakita hangga’t hindi pa ako nakakaget-over sa tampo sa kanya ha!

“Good evening, guys! Nag-i-enjoy pa ba kayo?” Tanong noong isang miyembro ng kalalabas pa lang na banda. Sila ‘yong sumunod sa banda kina Riel.

Sigawan ng ‘oo’, ‘yeah’, ang rinig kong sagot nila doon sa nagsalita. Pati nga rin sina Ate Xynth at Yuki ay nakisagot na rin.

“Kami po ang Flashdrive Band. 2 years na rin kaming sumasali sa Battle of the Bands sa loob at sa labas ng school. We’re the last years, champion.”

Oo nga pala! Sila ‘yong kumanta ng ‘Don’t Say Goodbye, Say Good Night’, ang winning piece nila!

“Kaso, may bad news…” Balita niya. “Graduate na kasi ‘yong main vocals namin, si Zion, kaya meron kaming bagong papakilala sa inyo.” Dagdag niya. Syet! Sayang! Graduate na pala ‘yong kumanta n’on! Sino ang pumalit kay Zion!

“Pero… mamaya niyo pa siya makikilala. He’s a friend of mine. Napakiusapan lang kasi, tutal, graduating na rin naman kami, kaya’t kahit ngayon lang tsaka sa huli naming Battle of the Bands dito sa school next year. Simulan na natin ang tugtugan.” Huli niyang saad. Agad namang tumipa sa bass ‘yong bassist nila.

Habang kumakanta ‘yong banda ay inabala ko naman ang sarili ko sa pagcontact sa boyfriend ko. Bwiset na ‘yon! Ni-text o tawag wala man lang.

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later. The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.

Tinapos ko talaga ‘yong pag-ulit noong customer representative sa unanswered calls ko. Kainis! Buti pa ‘yong CSR, sumasagot! ‘Yong tinatawagan, hindi!

Matatapos na lang ‘yong pangalawang kanta, wala pa rin akong nakukuhang text o tawag sa mokong na iyon. ‘Wag na ‘wag siyang magpapakita sa akin mamaya! Kakalbuhin ko talaga siya! Argh!

Buti na lang maganda ang mga kinanta noong banda, kung hindi siguro’y umalis na ako rito’t umuwi sa bahay. Ang sira kong gabi dahil sa boyfriend ko ay kahit papaano’y napapalitan ng pagkawili sa pagkikinig.

Bahala na nga siya sa buhay niya!

I-bibreak ko na siya! Lol!

“Bakit nakabusangot ka riyan?” Nakita kong nakatabi na pala sa akin si Riel kasama si Red. Buti na lang RnB ang kinakanta ng banda ngayon, tahimik rin ang mga taong kanina’y nagsisigawan sa banda nina Riel.

“Bwiset kasing boyfriend ko ‘yan! Hindi man lang nagpaalam sa akin. Ni text o tawag hindi man lang ginawa. Hindi rin sinasagot mga text at tawag ko! Itatapon ko sa kanya ‘tong cell phone e! Kainis!” Asik ko.

“Relax! Baka may pinuntahan lang.” Aniya.

Napailing na lang ako. “Ewan! Humanda ‘yon sa akin mamaya.”

“For our last song, nakiusap ‘yong bago naming vocalist na may konting twist daw sa pagkanta niya. Okay lang din naman sa amin. He’s singing for someone special.” Intro na naman noong nagsalita kanina.

“Woooooooh!” Sigaw ni Riel.

Napatingin tuloy ako sa kanya. “Anong meron?” Sarkastikong tanong ko.

“Ito naman! Enjoyin mo ‘tong sunod na kakanta. Nameet ko siya sa backstage bago ako pumunta rito. Siguradong magugustuhan mo ang gagawin niya. Kinikilig nga ako e.” Binatukan pa ako.

“Tss!” Tugon ko.

“Babalik din ‘yong boyfriend mo ‘no! May inaasikaso lang siguro.”

Kung hindi ko lang ‘yon mahal na mahal, pake ko ba sa kanya! Tengene leng! Bwiset!

Nagsimula ng tumugtog ang mga instrumento. Napaangat ang ulo ko sa harapan ng stage.

Shit! Paboritong kanta ko ‘to! Saad ko sa isipan ko.

Aren't you something to admire, 'cause your shine is something like a mirror
And I can't help but notice, you reflect in this heart of mine
If you ever feel alone and the glare makes me hard to find
Just know that I'm always parallel on the other side

Riley? Boses niya ang naririnig ko e. Tumigil rin ang mga tao sa kanilang pagsisigaw.

‘Cause with your hand in my hand and a pocket full of soul
I can tell you there's no place we couldn't go
Just put your hand on the glass, I'm trying to pull you through
You just gotta be strong

Shit! Naiihi na ako sa kaba! Boses talaga ‘yon ni Riley! Hindi ako pwedeng magkamali! Putek! Ano bang ginagawa niya?!

'Cause I don't wanna lose you now
I'm looking right at the other half of me
The vacancy that sat in my heart
Is a space that now you hold
Show me how to fight for now
And I'll tell you, baby, it was easy
Coming back into you once I figured it out
You were right here all along
It's like you're my mirror
My mirror staring back at me
I couldn't get any bigger
With anyone else beside of me
And now it's clear as this promise
That we're making two reflections into one
‘Cause it's like you're my mirror
My mirror staring back at me, staring back at me

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa unahan ng stage. Tsaka tumingin sa kinaroroonan ko. Nakangiti siya, pero patuloy pa rin sa pagkanta.

“O, ayan na!” Sigaw sa akin ni Riel. Napalingon tuloy ako sa kanya.

“Alam mo ‘to?!” Tanong ko. Kumindat lamang ‘to sa akin. Tss. Magkasabwat!

Pero, masaya ako. Kinikilig nga ako e. Nakiusap pa siya sa banda para makanta ‘to sa akin, sa harap ulit ng maraming tao.

Ibinalik ko lang ang aking paningin sa boyfriend ko. Napailing na lang ako sa kanya.

Aren't you somethin', an original?
'Cause it doesn't seem merely a sample
And I can't help but stare, 'cause
I see truth somewhere in your eyes

I can't ever change without you
You reflect me, I love that about you
And if I could, I would look at us all the time

Nakangiti akong nakinig na lamang sa kanya. Shit! Lagot talaga ‘to sa akin mamaya!

'Cause with your hand in my hand and a pocket full of soul
I can tell you there's no place we couldn't go
Just put your hand on the glass, I'm here trying to pull you through
You just gotta be strong

Itinuro niya ang malaking screen sa taas ng stage. Tumingin naman ako. Napanganga na lang ako sa mga lumabas doon. Pictures naming dalawa. Mula noong bata pa kami, hanggang ngayon.

Ang matabang Josh ay naroroon. Nandoon rin ang mayabang na batang Riley.

Naiiling akong bumalik sa pagtitig sa imahe ng kasintahan kong nasa stage ngayon, na patuloy pa ring kumankanta. Bwiset! Kinikilig ako! Ano ba kasing pakulo ‘to, Riley?!

Napansin ko ring tahimik lamang ang mga taong nasa vicinity ngayon.

Sina Ate Xynth at Yukino nama’y panay ang siko sa akin.

'Cause I don't wanna lose you now
I'm looking right at the other half of me
The vacancy that sat in my heart
Is a space that now you hold

Show me how to fight for now
And I'll tell you, baby, it was easy
Coming back into you once I figured it out
You were right here all along

It's like you're my mirror
My mirror staring back at me
I couldn't get any bigger
With anyone else beside of me

And now it's clear as this promise
That we're making two reflections into one
‘Cause it's like you're my mirror
My mirror staring back at me, staring back at me

“Ang sweet! Kainggit!” Panggigigil ni Ate Xynth sa akin.

“Bwiset na ‘yan! May ganyan pang nalalaman! Eksena to the max si Chavez!” Sigaw naman ni Yukino.

Nakita ko lang na magkayakap ang magkasintahan sa katabi ko.

Yesterday is history
Tomorrow's a mystery
I can see you looking back at me
Keep your eyes on me
Baby, keep your eyes on me

Naging instrumental ang lahat. May mga background vocals pero hindi iyon masyadong naririnig.

“Hey, Baby…” Saad niya pagkatapos ng mahabang buntong hininga.

Nagbalik ako ng tingin sa kanya.

“I just want to thank you for being my best friend… for being my partner… for everything…” Aniya.

What the effing cheese! Anong pakulo ba talaga ito?!

“I know… it’s just been a week… since sagutin mo ako… pero, I just can’t imagine life without you… kinonsulta ko na ito kina Mom, Dad, Tita and Tito… and they’ve agreed.”

Anong ginagawa mo? I mouthed. Pero sa halip na sagutin niya ako’y ngumiti lamang siya.

“Hindi naman iyon sa tagal ng pagiging mag-on, ‘di ba? We’ve known each other since we’re elementary… sa tingin ko naman ay kilala na natin ang isa’t isa. Itatali na kita, Baby. Hindi naman sa takot akong mawala ka…” Aniya sa nagkamot ng ulo.

“Okay lang naman sa akin, after graduation e.” Dagdag pa niya.

Oh my gas! Nagpopropose na ba siya?!

“Josiah Alarcon…” Aniya.

Pagkasambit niya noon ay may spotlight na tumutok sa kinatatayuan ko. Nag-init ang pisngi ko.

Nakita ko sa gilid ng stage ang nakangiting mukha ni Eli. Kasabwat rin ba siya ng bruhong iyon?

Tumingin ako kay Riley tsaka siya pinanlakihan ng mga mata. Napansin ko ring nakapalibot na ang mga taong katabi ko kanina sa akin. Lahat ba nang ito’y planado?

Now you're the inspiration for this precious song
And I just wanna see your face light up since you put me on
So now I say goodbye to the old me, it's already gone
And I can't wait wait wait wait wait to get you home
Just to let you know, you are…

You are you are the love of my life

Boy you're my reflection, all I see is you
My reflection, in everything I do
You're my reflection and all I see is you
My reflection, in everything I do

You are you are the love of my life

“Tara na!” Sigaw ni Riel sa akin. “Naatasan akong akayin ka papunta doon e. Tss. PWD? Kelangan may special treatment?” Dagdag niya.

“Tse! Inggit ka lang!” Sagot ko.

“Darating din kami riyan no! Mauuna ka lang! Hmph!” Arte niya. “Masaya ako para sa’yo friend.”

“Paano kung hindi ko naman pala sagutin ng ‘oo’?” Biro ko. “Aray naman, friend!” Ibalibag ba naman ako.

“Itsura neto! Ikaw pa talaga ang tatanggi ha? Kapal!” Asik niya.

Natawa na lang ako.

“Thank you, sa pakikipagsabwatan sa pasaway kong boyfriend.”

“Walang anuman!” Ngiti niya.

Hinayaan niya na akong makaakyat sa stage nang makarating kami sa hagdan. Nang makalapit ako sa boyfriend ko’y lumuhod siya sa aking harapan sabay lahad ng isang pulang maliit na box. Unti unti niyang itong binubuksan.

“Will you… marry me?” Muling salita niya.

Ano pa ba ang isasagot ko? Tss.

“Yes!” Sigaw ko.

Agad niyang isinuot sa akin ang singsing na naroroon. Mayroon din isa pa, ibinigay niya iyon sa akin at inilahad ang kanyangb kanang kamay. Isinuot ko naman iyon sa kanya.

Tumayo at niyakap ako ng mahigpit.

“Thank you!”

“Not yet! Hindi pa tayo kasal. Tsaka sabi mo nga, after graduation pa ‘di ba?”

“Yeah, I can wait.”

Nang kumalas kami sa pagkakayakap at humarap sa mga tao’y palakpakan at sigawan ang aming narinig mula sa kanila.

He’s more myself than I am. Whatever our souls are made of, his and mine are the same. Hindi nga nagkamali si Emily Bronte.

Masaya ako. Masayang masaya!


Riel’s POV

Nakakakilig naman ang naging proposal na ginawa ni Riley para kay Josh! Kakainggit! Pero… hindi pa naman ako nagmamadali sa relasyon namin ni Red. Oo, gusto ko nang makasal sa kanya, but it is all up to him. Ang gagawin ko lang rin naman ay ang sagutin siya, kung itatanong na niya iyon.

It is all up to him… kung gusto niya rin ba akong makasama habang buhay. Vocal naman siya about doon e, I just need to hear it, right from his own mouth, with his sexy voice. Lol!

“Bakit ka pinamumulahan riyan?” Tanong ng katabi ko.

“W-Wala!” Sagot ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Pinagtatawanan na niya rin ako.

“Weh?” Aniya.

Napatingin tuloy ako ulit sa kanya. Kinurot ko na lang. Hindi ko napigilan e, buti na lang nakaiwas siya. Thanks to his reflexes. Nasanay na atang kinukurot ko kaya’t mabilis na ang reaksiyon doon.

“Nakakakilig kasi ‘yong proposal ni Riley kay Josh. Hindi ko lang mapigilan.” Nahihiyang sagot ko.

Nagseryoso siya ng mukha ng marinig iyon. Umayos din siya sa kanyang pagkakatayo at niyakap ako mula sa likuran.

“Gusto mo na rin bang ikasal tayo?”

“Hmmm.” Naisagot ko.

Pero… wala na akong narinig na sagot sa kanya.

Ayaw niya pa kaya? O, ako lang ‘tong kung anu-anong iniisip? Argh! Paranoid lang siguro ako.

Natapos ang ikaapat na band sa kanilang performance. Dalawa na lang at kami na ulit ang magpeperform. Pero, bago ‘yon ay ang pag-aannounce ng mga nanalo sa school fest.

Isinasayaw lamang ako ni Red kasabay sa saliw ng musika. Marami rami na rin ang sumasayaw mula pa kanina.

Nagvibrate ang cell phone ko sa aking bulsa. Nagitla ako sa aking kinatatayuan. Red is still hugging me from the back tsaka nakapatong din ang kanyang baba sa aking balikat kaya’t hindi ako makagalaw ng maayos.

“Red, may nagtext lang sa akin. Baka importante.” Saad ko sa kanya.

Nanginig at napapikit ako nang kunin niya sa bulsa ko ang aking cell phone tsaka ibinigay ito sa akin. Shit! That sensation! Naalala ko tuloy ‘yong nangyari, the night after my birthday celebration.

Sa halip na kunin ko iyon ay hindi ko nagawa dahil sa pag-iisip ko na naman. Argh!

“Magkita raw kayo ni Brett sa may gazebo. Ngayon na.” Aniya.

Doon lamang natigil ang aking pagbalik tanaw.

“A-Anong sabi mo?” Naitanong ko na lang.

“Brett, wants to talk to you. Daydreaming eh?” Natawa siya. “Want me to come with you?” Dagdag niya.

Bumitaw na rin siya sa pagkakayakap sa akin. Agad naman akong napailing. Hindi niya alam na may pagtingin sa akin ang kanyang pinsan. Ayokong mag-away sila e.

“S-S-Sa tingin ko, kailangan naming mag-usap ng masinsinan ni Brett.” Shit!

“Relax.” Aniya tsaka nipat ako sa ulo. Argh! Nakakaguilty na hindi ko sinabi sa kanya ang problema. Sasabihin ko na lang sa kanya after nito. Whatever ang maging turn-out nito.

Kailangan ko lang namang linawin lahat kay Brett. ‘Yon lang naman ang kailangan ko.

Napatango na lang ako sa kanya saka ngumiti sa kanya.

“Text mo ako kapag tapos na kayo ha? Magpeperform na rin kayo after the next band.”

Tumango na lang ako sa kanya. Agad naman niya akong hinalikan sa noo. Naguilty tuloy ako sa tinatago ko sa kanya.

I’m sorry, Cheesecake! Aayusin ko muna ‘to.

Ngiti pabalik na lang ang binigay ko sa kanya.

“See you later.” Aniya.

Agad akong nagtungo sa gazebo kung saan kami magkikita ni Brett. Kinakabahan ako sa mangyayari. Mag-uusap lang naman kami, pero… bakit ganito? Parang may mangyayaring masama…

Napabuntong hininga ako ng malalim nang makarating ako roon. He’s just standing there. Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya’t hindi niya pa ako nakikita.

“Brett…” Tawag ko sa kanya.

Agad naman siyang humarap sa akin. May pilit na ngiti sa kanyang mukha. I know it’s awkward. Maskin ako’y hindi ko magawang ngumiti sa kanya gaya ng dati.

Agad na lang akong nag-iwas ng tingin sa kanya, saka mabilis na umupo sa upuang nasa gazebo.

“Ang galing niyo kanina…” Pagsisimula niya.

“Mmm. S-Salamat.” Tugon ko.

Anong nangyari sa dating all-out kung mag-usap na mag-bestfriend?

‘Yong feeling na gusto mong ibalik ang dati, pero… hindi talaga kaya. ‘Yon ‘yong nararamdaman ko ngayon.

“I’m sorry, Riel… Alam kong galit ka sa akin… I’ve been a jerk.” Aniya.

Napailing na lang ako.

“Alam ko na ang lahat…” Nagtagpo ang aming mga mata. Nakita kong naguguluhan siya. “Iris told me everything, Brett… Bakit? You know, you shouldn’t, right? You can’t… sinasaktan mo si Iris.”

Nag-iwas siya ng tingin.

“Alam ko naman ‘yon. I just can’t help it. Mahal kita, Riel… mahal na mahal. Pero ‘di ko kayang iwan si Iris. Mahal ko rin siya… mahal na mahal.”

“But you can’t love two hearts at the same time, Brett. Alam mo ‘yan. Just drop me, okay? Best friend mo pa rin naman ako, e. Hindi na mababago ‘yon. Just drop me… sinasaktan mo si Iris. Alam mo bang nasasaktan din siya.”

“Aaminin ko sa’yo, nagkagusto ako sa’yo noon… noon ‘yon nang hindi ko pa alam na may fiancée ka na. Hindi iyon tama e. Alam ko naman ang limitasyon. Hindi gaya mo na kahit may mapapangasawa na, nagmahal pa rin ng iba.”

Hindi siya sumagot sa sinabi ko.

“I am grateful to know na mahal mo ako, Brett. Kung dati sana ‘yon, tsaka wala pa tayong minamahal. Pero… hindi na pwede e. You should move on. Pareho na tayong ‘di pwede. Mahal ko ang pinsan mo. I know, mahal mo rin si Iris. Pareho lang tayong ayaw mawala sila.”

“Pero… mahal din kita, Riel. Katumbas ng pagmamahal ko kay Iris. I… I just can’t drop you. It’s not easy.”

“Makakaya mo, Brett. Kayanin mo! Mali lahat ng ginagawa mo. Please naman…”

Nagsisigawan na kami rito. Buti na lang busy ang lahat sa nangyayaring concert. Makakakuha kami ng atensyon kung tahimik ngayon dito sa school.

“Kahit pa mahal mo ako, hinding hindi ko na maibabalik sa’yo ang gusto mo. Mahal na mahal ko si Red. Siya na ang nasa puso ko. Kaya please… Ayaw kong saktan ka, I’m just protecting what I have with Red, right now. Alam mo kung anong pinagdaanan ko, Brett. Hindi ko ba talaga deserve sumaya, after all that had happened?”

Umiiyak na ako. Shit! Nag-iwas siya ng tingin.

“I… I just can’t, Riel. I really can’t.” Aniya.

“That’s bullshit, Brett! Anong klaseng pananaw ba meron ka sa pag-ibig? Kung ayaw mo, mas mabuti pang kalimutan mo na lang na magkaibigan tayo!”

Ang kitid ng utak niya! Siya ba talaga ang Valedictorian namin?

Aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko’t yakapin.

“Brett! Ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Tapos na ‘tong pag-uusap na ‘to!” Nagpupumiglas na ako.

“No! No, Riel! Please!”

“Bitawan mo nga ako!”

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang maglapat ang aming mga labi. Shit!

“Riel… Magpe-perform… na kayo…” Rinig ko galing sa isang pamilyar na boses.

Agad na bumitaw si Brett na gulat din dahil sa imahe ng kanyang pinsan. Nakasunod pala sa kanya si Iris kasama si Eri.

Pagkaharap ko kay Red ay nakatulala lamang ito.

“Red… mali ang iniisip mo.” Parang gatilyo ng baril ang pagsabi ko noon. Agad na tumakbo si Red sa direksyon palabas ng school.

Hinabol ko naman agad siya.

Shit! Mali ang iniisip mo, Red! Please! ‘Wag kang maniwala sa nakita mo. Argh!

“Red!” Sigaw ko nang makita ko siya. “Mali ang nakita mo! Pakinggan mo muna ako, please?!” Sigaw ko pa rin.

“Riel!” Tawag naman sa akin ni Brett.

Fuck! Bakit sumunod pa siya?!

“Sorry for what happened. Ayokong mawala ka—.” Hindi ko na siya pinatapos.

Sinundan ko pa rin si Red. Ang layo na niya sa akin. Shit!

“Red! Pakinggan mo naman muna ako, o!” Sigaw ko pa rin.

Alas diyes na pala ng gabi.

“Red!” Sigaw ni Brett sa kanyang pinsan.

“Ano bang ginagawa mo rito?!” Untag ko sa kanya.

“Kailangan kong magexplain.”

“Fuck you ka, kasi! Ba’t mo ‘yon ginawa?!”

“Alam mo na ang sagot. Hindi ko naman sinasadyang makita ‘yon ni Red.”

Nasampal ko na siya. Shit! Kahit pala lalaki ang nanampal, masakit pa rin sa palad.

“Sinabi ko na sa’yo ‘di ba? Di na pwede—.”

“Riel! Si Red!” Sigaw ni Eri.

Pagkarinig ko noon ay awtomatikong napalingon ako sa kalsada. Nanlaki ang mata ko sa mangyayari. Panay ang busina ng van na papalapit sa kanyang direksyon, pero hindi man lang siya gumagalaw doon.

“RED!!” Sigaw ko.

Nakita ko na lang ang sarili kong tumatakbo patungo kay Red, nagbabakasakaling kaya ko pa siyang iligtas.



Itutuloy…

15 comments:

  1. Oh my! Mukhang nangyayari na ang mga pag subok sa relasyon nila Riel at Red kaso author parang nalalabuan ako dun sa part na parang masasagasaan si Red.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Angel. Di pa kasi indicated kung masasagasan nga ba si Red. Wait mo POV niya sa 22. :D

      Delete
  2. Jiuce ko si Red!! Assumptionista ang peg ihh.. agad2x tumakbo? Hindi man lang nagbigay ng benefit of the doubt!! Inatake agad ng selos!!

    Yan tuloy!!

    Thanks sa update, Kuya Rye!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Vienna. POV ni Red sa 22. :D Thanks sa pagbabasa. :D

      Delete
  3. I don't know why but I feel sorry for Brett the most. :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e. Pero, no worries. You'll see what will happen next. :D Thanks for dropping-by Raisuke! :D

      Delete
  4. Sana naman walang masamang mangyari ke Red. Kawawa naman si Riel kung palagi na lang malas sa lahat. Thanks sa update.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Alfred... Oo nga e. Sana naman maging masaya na talaga siya.

      Delete
  5. Si riel masasagasaan nyan hindi si red... sana heavy na dyan na part :)


    #bitin eh

    sana twice a week yung update


    Franz :)


    Ps matagala kuna sinusubaybayan ito kaso nakakapgd lng mg comment :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Franz! May FB ka ba? PM mo ako, please? Hahaha! :D

      Delete
    2. Yup meron po fpantollano21@gmail.com po


      Franz

      Delete
  6. oh my gulay ! si red ? mapapahamak ? nooooooo (oa XD)
    yoko kasi ng ganun . yun tipong may mapapahamak sa mga bida -_- muntanga lang kasi si brett eh no!
    haissst .. sana naman masave ni riel si red , kaloka to ha.. !
    nakakaexcite !
    -yelsnA

    ReplyDelete
  7. Amnesia ba ang eksena sa susunod ?

    - Lee Shi Hae

    ReplyDelete
  8. sa dami ng nabas ko dito . ngayon lang ako nasabik ng ganito. as in diretso ang pagbabasa ko mula chapter 1 . I LOVE YOU na mr.AUTHOR .

    FB : MAKIIN LEE

    PS: pls sana wala yung eksana na may mamatay.hihi again I LOVE YOU AUTHOR ..

    - MAKIIN AUSTIN LEE

    ReplyDelete
  9. Π^Π PISTEK MAY PASOK PA KO BINASA KO TO NG BANGTAGAL HUEHUEHUE REDDDDD!!! MASYADONG KANG SELOSO .!!!!

    -JJ HUEHUE

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails