Followers

Monday, October 12, 2015

Loving You... Again Chapter 33 - Feinted Encounter




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!

Fated Encounter sa panulat ni Vienne Chase at ang una niyang gawa. Storya nila Joen at Vin. Isa sa mga magagandang akda sa blog na ito. Pinapahiwatig sa atin ng kwento na baka ang hinahanap nating tao ay nasa paligid lang natin. Pwedeng kaaway natin sa eskwelahan, kaklase, kalaro, o saka lang natin makikilala. Baka nga nasa malayo siya o iba ang kanyang kinalakihang lugar. Kaya huwag sumuko. Marahil ay masasabi mo ngayon na magiging mag-isa ka sa buhay. Pero hindi pa tapos ang buhay mo kaya ipagpatuloy mo lang. Sa ibang banda naman, minsan ay tadhana na talaga natin ang mapag-isa at hindi katipan ang bubuo sa ating pagkatao. Marahil ay ibang bagay.

So guys, remember Officer Geoffrey lang again? Saka ko lang na-realize na ang pangalan niya sa nauna kong story ay Geoffrey Deona. So medyo matatagalan ako mag-post ng panibago kaya pinahaba ko ang update ngayon. Magandang araw sa inyong lahat. Heto na po ang Chapter 33.











Chapter 33:
Feinted Encounter






















































Shai's POV



          1 week ago...



          People have their own battles. Some chooses to seek help, some chooses to hide it. Some chooses to hide it because they know what to do and they can handle it, some chooses to hide it because they are afraid of something. If they choose to seek help, some obtains the right answer, some obtains the wrong one resulting to an another battle. But eitherway, life is an unending battle.



          By handling your own problems is a hard way. Not unless kung may tao na naman na mam-bully, sapak ang aabutin ng taong iyun sa akin!



          By searching for answers is a tricky route. Lalong-lalo na sa mga taong lunod na lunod na talaga. Iyung mga taong hindi na maayos umintindi, at mga taong hindi na nakikinig. Kaya minsan, kung ano-ano na ang ginagawa, at kung kani-kanino na naniniwala. Akala nila, tama na ang ginagawa nila. Pero hindi. Gumagawa pa sila ng mga problema na magiging dahilan para maging mas komplikado ang mga bagay-bagay. Pero kahit ganoon, sikapin mo pa ring silang i-guide hanggang sa mapunta sila sa tama.



          “Salamat naman at sinamahan mo ako ngayon," masaya kong saad habang namimili pa ng mga pambabaeng damit na susuutin ko.



          “Siyempre. Iyun naman kasi ang purpose ko bilang kaibigan mo. Boring," walang emosyong tugon ni Aulric na bitbit ang mga pinamili ko.



          Nilingon ko siya. “Sarcastic ka? Alam mo ba iyun?"



          “Nagsasabi lang ako ng totoo. Bored na bored talaga ako."



          “Oo na. Totoo na iyang sinasabi mo. Bakit ka ba sumama in the first place?"



          “Naisip ko kasi na baka nagtatampo ka na at hindi mo na ako kausapin. Masira pa ang pagkakaibigan natin. At tsaka ilang beses na akong tumanggi na sumama sa iyo."



          “Sarcastic ka talaga. Sabihin mo na lang sa akin kung bakit mo naisipang sumama. Bored?"



          Bumuntong-hininga si Aulric. “Si nanay, nagluluksa pa rin sa pagkawala ni tatay. Nang napansin ako ni nanay na naaawa sa kalagayan niya, naglabas siya ng pekeng ngiti at nagsabi na okay lang siya. Tapos, tumawag ka at niyaya ako na lumabas. Narinig naman ni nanay ang pag-uusap natin at nagsabi na samahan ko daw ang kaibigan ko. Sa-ma-han daw ang ka-i-bi-gan ko."



          “Huwag mo ngang i-emphasize! Batukan kita diyan!" naiinis kong saad.



          “Sige! Batukan mo! Ihuhulog ko itong mga pinamili mo!" banta ni Aulric.



          “Babatukan pa rin kita!"



          “Itatapon ko ang mga pinamili mo!"



          “Babatukan pa rin kita!"



          Bumuntong-hininga si Aulric. “Ay! Sige! Talo na ako ako."



          “Salamat sa hindi pagawa ng eskandalo sa mall." Itinuon ko na naman ulit ang atensyon sa pagpili ng mga damit.



          “Kumusta na nga pala ang panliligaw mo kay Ricky?" tanong niya.



          “Hindi ako ang nanliligaw kay Ricky!"



          “Ano ba ang drama mo? Ano ang silbi ng pagkakaibigan na ito?"



          “Pwede ba?! Tigilan mo nga iyan!" naiirita kong saad. Babatukan ko na talaga ang taong ito!



          “Ehh, kung ayoko?"



          “Ikaw te? Anong drama niyo ni Zafe?" pag-iba ko sa usapan. Lihim na napangiti pa ako. Akala mo ata, wala akong alas laban sa iyo.



          “Aba! Tuso! Kung ako sa iyo, iyung sarili mong problema ang atupagin mo. Nandito si Ricky."



          “Hay nako! Hindi mo ako mauuto!"



          “Seryoso ako. Tumingin ka kasi sa likod ko."



          Nilingon ko si Aulric! Ay! Bwisit! Totoo nga ang sinasabi ni Aulric! Nandito si Ricky at Zafe! At papalapit ito sa amin.



          “At nandito din si Zafe," saad ko.



          “Ano ba ang inaasahan ko?"



          “Hey girls and boys!" bati sa amin ni Zafe nang inakbayan niya si Aulric mula sa likod.



          Lumingon si Aulric sa paligid. “Binabati mo din iyung mga namimili? Boys and girls? May mga kilala ka palang tao na hindi ko kilala? Pasensya na ha! Wala akong oras na kilalanin silang lahat."



          “Hi Ricky, Zafe," nakangiting bati ko.



          “Hi Shai," bati ni Ricky. “Anong ginagawa niyo dito sa mall?"



          “Well, gaya ng nakikita niyo kay Aulric, namimili ako ng mga damit. Oo nga pala Aulric! May napili ka na bang damit sa male section? Mamili ka lang dahil may shopping spree coupon pa ako. Salamat sa papa ko."



          “Wow! Pwede rin bang magpalibre?" tanong ni Zafe.



          “Sure! That would be fun at siguradong mauubos ang coupon. Kay Aulric na nga lang, hindi mauubos dahil mukhang isa lang ang bibilhin niya."



          “Ako na ang bibitbit niyan." Kinuha ni Zafe ang ilang mga shopping bags ni Aulric.



          “Akin na nga iyan! Kaya ko na iyan!" reklamo ni Aulric.



          “Iyun ay kung mahahabol mo ako!" Tumakbo palayo si Zafe.



          “Shai, itinakbo niya ang mga pinamili mo," walang amor na sumbong ni Aulric. Wala talaga siyang pakialam?



          “Ano gagawin ni Zafe sa mga damit ko? Cross dresser na siya ngayon? Kanina ka pa nagsabi na boring akong kasama. Ayan ang katapat mo. Habulin mo!" saad ko habang lihim na sinesenyasan siya na umalis. Nandito si Ricky. Kailangan ko ng moment.



          Bumuntong-hininga si Aulric at walang amor na naglakad papunta kay Zafe. Sana nga, asarin ni Zafe ang taong ito para hindi siya ma-bored?



          “Hay! Ito talagang si Aulric. Ang totoo, boring siyang kasama," wika ko nang sigurado na ako na hindi maririnig ni Aulric ang mga sasabihin ko. Nagpatuloy naman ulit ako sa pagpili ng damit.



          “Bakit mo pa kasi siya pinilit na sumama sa iyo? Bakit hindi na lang iyung ibang kaibigan mo?" tanong ni Ricky.



          “Iisa-isahin ko. Si Andrew, kasama ang magulang, si Caleb, bakasyon din kasama ang magulang, Camilla at Knoll, date with parents, Isaac, hindi ko alam pero busy, wala talaga akong maisipang kaibigan na maisama!"



          “Ehh, ako? Bakit hindi mo ako tinawagan? Kaibigan mo naman ako hindi ba?"



          Napatingin ako sa kaniya. “Well, hindi sa ayoko sa iyo, pero seryoso ka?"



          “Yeah. I'm serious. Actually, gusto kong mamili ng mga damit para sa ibang tao." Kumuha naman si Ricky ng plain na pink t-shirt at itinapat sa akin. “This one. Looks good with jeans. Bagay ito sa iyo lalo na sa balat mo."



          “Ay! Ayoko muna magsuot ng jeans. Gusto ko maging Maria Clara ang peg ko. Dalagang pilipina." Kinuha ko mula sa kamay niya ang t-shirt. “Pero if you say so na bagay sa akin ito, why not?"



          “Umm, kung gusto mo pala na Maria Clara ang peg mo, mukhang wala kang mahahanap na saya dito."



          Natawa ako ng marahan. “Nakakatawa ka. Maria Clara ang gusto kong peg, saya agad?"



          “Well, maganda ka siguro kapag nagsuot ka ng saya. Tapos may maliit ka pang payong, pero si Aulric ang nakahawak," biro niya.



          Tumingin-tingin ako sa paligid. “Hoy, tumingin ka naman sa paligid mo. Baka mamaya, katabi mo pala si Aulric, marinig ka. Magalit iyun."



          “I doubt it. Nasa iba ang atensyon niya," natatawang saad niya habang nakatingin sa isang direksyon.



          Tiningnan ko din ang tiningnan niya at nakita sila Zafe at Aulric na naghaharutan. Well, si Zafe ang nanghaharot habang si Aulric, hinahayaan na lang siya.



          “Tanong ko lang. Alam mo bang may gusto si Zafe kay Aulric? Or si Aulric kay Zafe?" tanong ni Ricky.



          “Talaga? May gusto sila sa isa't isa?" maang ko. Matagal ko ng alam iyun.



          “Ohh? So hindi mo alam?" tanong ulit niya nang lumingon na siya sa akin at nagkatinginan.



          “Obviously. Magtatanong ba ako kung alam ko?" natatawa kong tugon.



          “So, ang tingin mo kay Zafe kapag sinabi ko sa iyo na may gusto siya kay Aulric?"



          Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Hindi kaya may gusto si Ricky kay Zafe? Hindi ito pwede.



          “Oh my god! Don't tell me na nagkakagusto ka na ngayon kay Zafe."



          Nginitian niya ako. “Funny. No, I'm not. Wala akong gusto kay Zafe. Gusto ko lang malaman ang pagtingin ng mga tao sa best friend ko. And then decide things on what will I do next."



          Nakahinga ako ng maluwag. “Well, as a fellow person, Zafe is still an awesome guy. Considering na isa siyang magaling na basketball player sa lugar natin. At kung sasabihin mo sa akin na may gusto siya kay Aulric, I think nothing will change. Although maaawa ako sa kaniya kapag naging sila ni Aulric. Kilala ko si Aulric partly kaya nasasabi ko ang bagay na ito."



          “Wow! Pareho pala ang iniisip natin. Gusto mo ba si Aulric para kay Zafe?"



          Nag-isip ako saglit. “50 nope, 50 yes."



          “Now, literally na parehas talaga ang iniisip natin."



          Medyo kinilig ako nang sinabi niya iyun. “Is it?"



          “Yeah. Umm, 50 na against ako kay Aulric, 50 na gusto ko siya. Pero pakiramdam ako na hindi totoo itong mga sinasabi ko. Mukhang conflicted talaga ako sa aking mga sinasabi ngayon pagdating kay Aulric at Zafe."



          “Baka naman kasi may gusto ka kay Zafe kaya ganyan ka?" pagbibiro ko.



          “I already told you. I am not. Hindi porke't ganoon si Zafe ay ganoon din ako."



          “O baka hindi ka kay Zafe may gusto? Kung hindi kay Aulric?"



          “What the hell? That's a bad assumption. Nakakatawa ka," natatawa niyang saad.



          “Pero, paano mo nasasabi na may gusto si Zafe kay Aulric? At anong klase naman? Sexual attraction o love?" naitanong ko.



          Nag-iwas siya ng tingin at tumingin-tingin sa mga damit. “Hindi ko alam. Hindi ko masasabi kung anong klase. Hindi ko naman lubusang kilala si Zafe pagdating sa lalaki niyang iniibig. Bago kasi to. Kung siguro kapag babae, may masasabi akong sagot. Pero gaya nga ng sabi ko, iba to."



          Naramdaman ko naman na medyo mabigat ang atmosphere naming dalawa. Hindi dapat maging ganito. Change topic.



          “Alam mo, maiba naman tayo. May gusto kasi akong sabihin sa iyo. Alam mo, number 1 fan mo ako."



          Napatingin siya sa akin. “Number 1 fan? Ako?"



          “Yeah."



          “Hindi si Zafe?"



          “Alam mo iyung huling nagpapa-clarify, gusto kong batukan," naiinis kong saad. “Ikaw, siyempre!"



          “S-Salamat. Hindi lang kasi ako makapaniwala," pakumpas niyang saad.



          “Why? Wala bang nagagalingan sa iyo maglaro?"



          “Well, meron. Pero kadalasan nilang nakikita ay si Zafe. Hindi ako."



          “Well ako, nakikita kong magaling ka. Hindi rin siguro naging magaling si Zafe kung wala ang kanyang best friend na sumusuporta sa kaniya."



          “Ganoon ba? Hindi ganoon ang pagkakaintindi ko sa mga bagay-bagay," pa-humble niyang saad.



          “Well for me, ganoon. Ang galing-galing mo nga magpasa ng bola. Iyung sigurado ka na si Zafe talaga ang makakakuha ng bola. And for me, you are cool and awesome."



          Tiningnan naman niya ako na parang may gustong marinig. “And?"



          “Iyun lang. And, I thank you?"  natatawang biro ko.



          Natawa naman siya. “Really? Wala ka ng ibang sasabihin? Gaya ng gaano kaastig si Zafe o kung ano man?"



          “Well, astig si Zafe pero ibang usapan na iyun. Ikaw ang topic. Bakit naman biglang magpapalit kay Zafe? Napakabastos ko naman ata."



          Nag-iwas ng tingin si Ricky at nagpatuloy kaming maglakad ng dahan-dahan. Parang mabigat ang pinagdadaanan ng taong ito.



          “Alam mo, nasanay na ako na kapag pinag-uusapan ang kaastigan ko, isisingit ng mga tao kung gaano din kaastig si Zafe, kung gaano siya mas magaling sa akin. Nakakapanibago lang Shai na hindi mo ginagawa iyun," paliwanag ni Ricky.



          “Well, thank you kung compliment iyan."



          “Walang anuman."



          Natigil naman kami ulit nang nakita namin na naghaharutan sila Zafe at Aulric. Pinapasubok ni Zafe ang ilang mga panlalaking damit kay Aulric at tinitingnan kung bagay ba sa kaniya. At iiling si Aulric tapos kukuha ulit si Zafe and so on.



          Humugot ng malalim na hininga si Ricky. “Naiingit talaga ako kay Zafe. Pagdating sa ibang tao, walang oras na hindi siya isisingit. Kahit papa ko, sinasabihan ako na dapat gayahin ko si Zafe. Sinubukan kong gayahin siya pero hindi ko magawa. Bakit ba ganoon? Laging si Zafe ang nasa spotlight? Habang ako naman, napapansin din pero hindi ko matutumbasan ang atensyon na binibigay ng mga tao kay Zafe."



          “Anong gusto mo? Laging napapansin?" sarkasikong tanong ko.



          Tumingin siya sa akin ng diretso. “Parang ganoon na nga. Alam mo Shai, kahit best friend ko si Zafe, masasabi ko na siya ang pinakaayaw kong tao na nakikita sa buhay ko. Pero anong magagawa ko? Hindi ko na siya maiaalis sa buhay. Tapos best friend pa niya ako. Kailangan kong gawin ang role ko bilang best friend."



          Nagulat ako sa aking mga naririnig. Nag-open up sa akin si Ricky. Oh my god! Naririnig ko ngayon ang kanyang mga pinakatatagong lihim. Ano ang gagawin ko?



          “Parehas pala tayo," nakangiti kong saad.



          “Talaga?"



          “Pero hindi tayo parehas kung paano i-handle ang mga bagay-bagay sa ating mga problema," prangka kong dagdag.



          “Talaga? Paano mo i-handle ang sa'yo?" Moment mo ito Shai. Moment mo ito.



          “Meron akong nakababatang kapatid. Kahit na ako ang mas nakakatanda sa kaniya, may mga katangian siya na may mas at insert adjective. Kaya ang atensyon namin pagdating sa aming magulang, sobrang hati. Bias na bias. Kung baga ang atensyon sa akin ng magulang ay 5, habang sa kaniya ay 55. Iyung natitirang 45, sa iba ko pang mga kapatid iyun. Iyung 30, sa mas matanda sa akin, iyung natitirang 10 ay sa pinakabunso namin. As you can hear sa imaginary numbers na sinasabi ko, sa akin ang pinakamaliit na atensyon na nakukuha. Wala akong pakialam doon. Hindi ko kailangan ang atensyon nila. Pero kapag hindi na ako sinusustentuhan ng mga magulang ko, ibang usapan na iyun. Alam mo bakit wala akong pakialam? Ang lagi kong tanong sa sarili, ano ba ang magagawa ng atensyon sa akin? Yes, natututukan ka ng spotlight, may iba pa bang gagawin ang spotlight? Wala naman hindi ba. Nakatutok lang sa'yo ang ilaw. Bakit ka naman maiingit sa isang tao na laging nasa spotlight? Magkakaroon ka ba ng award? Wala naman hindi ba? Pero alam mo, naging curious ako kung anong meron sa spotlight na iyun. At nakuha ko iyun noong high school. Noong naging tagakagtanggol ako ng mga bully. Pero wala lang naman pala talaga iyun. Nagkaroon nga lang ako ng ilang kaibigan at isa doon si Camilla. Aside na iyun, wala. Hindi tayo bituin Ricky. Hindi natin kailangan magliwanag palagi. Ang mga bituin sa langit, nagliliwanag sila. Pero namamatay sila ng dahan-dahan."



          Nakabuka lang ang bibig ni Ricky pero wala siyang sinasabi at isinasara niya ito ulit. Binuka niya ulit ang kanyang bibig pero isinara niya din ito.



          “P-Pasensya na. Wala akong masabi. Ang lalim," sambit niya sa wakas.



          “Alam mo, okay lang naman na once in a while, magliwanag tayo. Hindi mo makikita ang epekto nito agad. Pero bukas, makalawa, may lalapit din sa iyo. Madadala sa liwanag mo kahit hindi ka ganoon kaliwanag."



          Iniwas ko ang aking tingin sa kaniya at nagkunyari na naghahanap ulit ng damit. Masyadong marami naman ata ang aking sinasabi.



          “And one of them is you right?" tanong niya.



          “Yeah. Isa ako doon," sagot ko nang hindi pa rin nakatingin sa kaniya. “Mukhang maganda ang dress na ito. Susubukan ko lang sa fitting room."



          Mabilis na kinuha ko ang dress na nakita ko at tumakbo papunta sa fitting room. Oh my god! Namumula ba ako habang sinagot ang tanong niya? Hindi ko alam!



          Habang nasa loob ng fitting room, wala akong ginawa kung hindi suutin ang nakuha kong random dress. Dapat, pangatawanan ko ang ginawa kong pagsisinungaling.



          Nang lumabas ako, nagulat ako nang nasa labas pala si Ricky at nagbabasa ng magazines na nakalagay doon. Nagtama ang aming tingin at nginitian ko lang siya. Tiningnan ko naman ang aking suot na dress ng kasinungalingan sa isang malaking salamin. Pinkish white ito na dress na parang may isang malaking bituin na ornament sa bandang ibaba. Backless pa ang dress na ito.



          “You look beautiful," puri niya. “Iyan sana ang kukunin kong damit as thanks to your wonderful advice. Kaya lang, naunahan mo na ako. Bagay siya sa skin tone mo. Mas maganda sana kung naka-heels ka. Hindi bagay sa sandals mong itim." Beautiful daw?



          “Umm, salamat," nahihiya kong tugon. Mukhang namumula na ata ako. “Alam mo, masaya ako at nasabi mong wonderful ang aking advice. I thought na napaka-senseless ng aking mga sinasabi at patuloy lang ako sa aking pagsasalita. Naghihintay nga ako na patigilin mo sa ako sa aking pagsasalita. Hmm, makuha nga ito."



          Bumalik ako sa fitting room at hinubad ang aking dress ng kasinungalingan na pinuri ni Ricky na maganda daw ako. Nakakamatay naman ang papuri niya.



          “By chance Shai, may gusto ka ba sa akin?" rinig kong tanong ni Ricky.



          Muntikan ng bumagsak ang kamalayan ko papunta sa ibang dimensyon. Hindi ako handa sa tanong niya.



          “By chance? Anong ibig mong sabihin doon ng by chance? Na minsan, gusto kita? At bakit mo naman naitanong?"



          “Naitanong ko kasi, para timbangin ang mga sinasabi mo. Alam mo iyun. Kapag may gusto sa iyo ang tao, magiging bias siya sa kanyang sasabihin para hindi ka masaktan."



          “Bias sa mga sasabihin? Meron bang ganoon? Sa tingin ko naman, hindi. Nagsasalita ako base sa karanasan ko. Parang ang ginawa ko lang ay i-guide ka base sa point of view ko. Hindi ko naman sinasabi sa iyo na gawin mo ang sinasabi ko o kung ano pa man," paliwanag ko. “At oo. May gusto ako sa iyo."



          “What? Totoo ba iyan?"



          Late reaction. Ito ay kadalasang nangyayari sa akin kapag umaamin. Mabilis kasi akong mag-react kapag biro.



          Saka lang pumasok sa isip ko ang mga sinasabi ko. Umamin ako na may gusto sa kaniya. Wait, ang tanong na lang ay kung paano ito tatanggapin ni Ricky. Dapat naghuhurumentado ang puso ko. Pero baka iba ang ibig sabihin ng salitang gusto ni Ricky. Hindi kasi siya nagsasalita at inaantay ko siyang tumugon.



          Lumabas na ako sa fitting room. Nakahinga ako ng maluwag matapos makita siya na medyo malayo sa fitting room. May kausap siya sa phone. Baka iyung sinabi niyang totoo ba iyan, hindi para sa akin.



          Sa kabilang banda ng dressing room, sila Zafe at Aulric ay mukhang naglalaro ng dress up. Kung ano-anong variant ng damit panlalaki ang pinapasuot ni Zafe sa kaniya. Si Aulric naman ay palaging humuhugot ng buntong-hininga at sinusuot ang mga damit. Siguro, sinasabihan niya si Zafe na tumigil na pero hindi ito nakikinig sa kaniya.



          Matapos binili ang mga gusto naming damit, salamat sa coupon na natanggap ko sa store, nakaramdam ako ng gutom. At hindi lang ako. Kung hindi kaming lahat.



          “Ano ba iyan?! Okay lang kung nagugutom ako dahil naghahanap ako ng trabaho. Pero hindi," reklamo ni Aulric. “Ano? Saan tayo kakain? Siguraduhin mo lang na mabubusog ako sa kakainan natin Shai. Kape lang ang agahan ko kanina."



          “Aulric," tawag ng isang pamilyar na boses sa likuran namin.



          Nilingon naman naming lahat ang tumawag kay Aulric. Walang iba kung hindi si Jin Bourbon kasama si Sharina, at dalawang hindi kilalang tao. Isang lalaki at isang babae. Medyo malapit sa edad namin ang lalaki at ang babae naman ay medyo malaki ang hinaharap at palapit sila sa amin. Nako! Sobrang awkward.



          “Oi, Jin. Belated happy new year," bati ni Aulric. “Kumusta ka? Mukhang tumaba ka ata?"



          “Sabi ko sa'yo ehh. Tumaba ka nga," gatong ni Sharina.



          “Well, hindi maiwasan. Dumaan ba naman ang pasko at bagong taon sa loob ng limang araw. Ang dami pang hinanda na pagkain dahil buong pamilya namin, nandito sa Pilipinas," natatawang paliwanag ni Jin. “Pero kayo Zafe at Ricky, mukhang fit pa rin."



          “Siyempre. Hindi naman literal na wala kaming ginagawa ngayong bakasyon. Naglalaro pa rin kami ng basketball," paliwanag ni Zafe. “Hi Sharina," bati ni Zafe.



          “Hi din," bati ni Sharina na may malumanay na ngiti.



          “Hi Ricky, Aulric" bati ng babaeng malaki ang hinaharap.



          “Hi Isabela," nakangiting bati din ni Ricky. So Isabela pala ang pangalan niya.



          Lumapit ako kay Aulric at marahan siyang siniko. “Kilala mo iyung Isabela?" bulong ko.



          “Yeah. Siya kasi ang magiging kontrabida sa love story mo maliban sa akin," sagot niya. Huh? Hindi maaari! Kontrabida maliban kay Aulric? Si Aulric na nga lang, nahihirapan na ako! Dadagdag pa itong babaeng ito?



          “Oo nga pala guys. I would like you to meet our eldest pinsan. Si Dexter," pagpapakilala ni Jin sa lalaking kasama nila.



          “Hello," bati nito sa amin na agad lumapit kay Aulric at kinuha ang kamay niya. “Ako si Dexter. Dexter Bourbon." Hinalikan pa nito ang kamay ni Aulric.



          Sinilip ko ang magiging reaksyon ni Zafe. Malapad ang ngiti niya pero nakakuyom ang kanyang kamao at mukhang susuntukin ang lalaki na lumapit kay Aulric. Hawing-hawi ang buhok ni Dexter. Medyo chinito ang mata at kung makatingin ay mukhang sanay na sanay na kumuha ng chicks. Parang mata lang din ni Ricky. Pero lamang naman si Zafe sa laki ng katawan.



          “Hi din," hindi komportableng bati ni Aulric dahil sa paghawak nito ng kamay. “Pulitiko ka ba? Hindi mo naman ata kailangan na gawin iyun."



          “Actually, ginagawa ko ito sa taong gusto ko. I like you Aulric," diretsahang saad ni Dexter. What? Ang bilis naman?! Love at first sight?!



          “Kuya, huwag ka ngang ganyan! Tinatakot mo si Aulric," saway ni Jin.



          “Correction. Hindi siya nakakatakot. Baka sa akin kayo matakot kapag sinapak ko siya," diretsong saad ni Aulric.



          “Ay! Guys, kalma lang. Huwag tayong gumawa ng kaguluhan sa mall. Nakakahiya sa mga tao," saway ni Ricky.



          “Wow! Ito talaga ang hinahanap ko sa isang tao. Napaka-straightforward katulad ko." Biglang may kinuha si Dexter sa bulsa niya na isang maliit na kahon at lumuhod. “Aulric Melville, pwede ba kitang pakasalan?" Teka lang?! Napakabilis na talaga ng mga nangyayaring ito! At may nakahanda agad siyang singsing?



          “Kuya, tumigil ka na!" saway ni Jin at lumapit dito saka pinipilit na itayo si Dexter.



          “No. Hindi ko tinatanggap ang alok mo," mahinahong pagtanggi ni Aulric. Hay salamat! Akala ko, papayag siya sa kalokohan nitong pinsan ni Jin. “Pero pwede ko bang makita ang laman ng kahon? Baka magbago ang isip ko." Sumasakay siya!



          “Walang problema." Binuksan ni Dexter ang hawak niyang kahon. May singsing talaga sa loob na may mamahaling bato!



          “Hindi pa rin ako papayag," pagtanggi pa rin ni Aulric. Akala ko talaga, papayag siyang magpakasal.



          “Okay lang. Hayaan mo't pagsisikapan ko na makuha ang matamis mong oo. Simula sa susunod na linggo, mag-aaral na ako sa aming eskwelahan."



          Sinuklian ito ni Aulric ng isang ngiti. “Kung ganoon, good luck na lang."



          “Kuya, tigilan mo ang kalokohan na iyan! Sa susunod na linggo, babalik kaya kayo sa Europ!" saad ni Jin.



          “Jin, huwag ka naman ganyan sa pinsan mo. Sinasakyan ko lang siya dahil alam ko na ang lahat na ito ay biro lang," saad ni Aulric. Biro lang daw? Mukhang totoo.



          “Mukhang totoo kasi magbiro si Dexter. Kaya si Jin, nagpa-panic," natatawang wika ni Sharina.



          “Alam niyo, tigilan niyo na nga iyang pagbibiro ninyo. Nakakalimutan niyo tuloy na gutom kayo," sabat ni Ricky.



          “Ay! Oo nga pala. Nagugutom na rin pala ako. Sabay na rin kayo Jin. Iyun ay kung gutom din kayo," pag-imbita ko dito.



          “Payag ako dyan! Halika na Aulric. Pag-usapan naman natin ang ating hinaharap na magkasama," saad ni Dexter. Hinawakan nito ang kamay ni Aulric at naglakad papunta sa isang direksyon.



          “Hoy, teka lang! Hindi pa ako pumapayag!" sigaw ni Jin at hinabol ang dalawang nagkukunyari daw na magkapareha. Sumabay na rin sa kaniya si Zafe.



          “Mukhang masaya to. Tayo na Sharina," saad ni Isabela saka umangkla kay Ricky.



          “Oo nga. Mukhang masaya to," dagdag ni Ricky na nakangiti at naglakad papunta din sa direksyon na tinahak ng aming mga kasama.



          Tahimik na lang kami ni Sharina na sumunod sa kanila. Mukhang masaya ito? Hindi! Itong babaeng ito, kailangan ba talaga na nakaangkla ka sa braso ni Ricky? Kailangan pakalmahin ko ang aking sistema at baka magkaroon ng World War III sa lugar na ito kapag ako'y sumabog.



          Napagpasyahan namin na kumain sa isang fast food chain na may unlimited rice para sulit. Ito kasi ang fast food na pinili ni Dexter. Wala naman kaming nagawa dahil pumasok na ito at nakapag-order agad ng mga pagkain.



          Umupo na kami sa isang mahabang mesa na pinagdugtong ng mga tauhan sa lugar. Mga tatlong mesa ang pinagdugtong at nagkasya na kaming walo. Ang formation ng upuan mula sa loob sa kaliwa, si Zafe, si Aulric, si Dexter, at si Jin. Sa kanan naman ay si Sharina, ako, si Ricky, at si Isabela.



          Medyo maingay kami sa loob dahil sa may iba't ibang topic ang pinag-uusapan ng mga madadaldal na tao sa grupo namin. May sariling mundo sila Aulric, Dexter, at Jin. May sariling mundo din si Ricky at Sharina. Kaming tatlo ni Sharina, at Zafe ay tahimik lang dahil hindi naman kami kailangan magsalita. Pero actually, nakikinig ako sa usapan nila Ricky at Isabela.



          Sa bawat tawanan at salitang binibitawan ng dalawa, parang gusto ko sumabog at pagsasapakin si Isabela. Si Isabela lang. Medyo bastos kasi ang bibig ni Isabela. Naririnig kong niyayaya niya si Ricky na pumunta sa kanilang bahay at alam mo na daw. Sasagot naman si Ricky ng titingnan ko. Hindi naman direktang sinasabi ng dalawa pero mukhang may nangyayaring sekswal sa kanilang dalawa. May nangyayaring sekswal sa pagitan nilang dalawa huh?



          “Hey, I heard na kayong dalawa ni Zafe ay mga Dean Listers. Totoo ba iyun?" tanong ni Dexter kay Aulric na nakaagaw ng atensyon naming lahat.



          “Ohh, si Isabela din. Kasama din siya," pagmamalaki din ni Sharina sa kaibigan.



          “Yeah. Dean Listers kami," sagot ni Aulric.



          “Wow! Amazing! Hindi ko alam na may mga kaibigan tayong Dean Listers. Lalo na ikaw Aulric. It's turning me on," sensual na saad ni Dexter. “Pwede ba kitang maimbita sa bahay namin?"



          “Kuya, tigilan mo iyan," walang kamatayang saway ni Jin.



          “Nako! Hindi pwede iyan!" sabat ni Zafe na biglang binasag ang kanyang katahimikan. Inakbayan naman niya si Aulric. “Kami kasi ni Ricky, at Aulric, lalabas kami. I mean, pupunta kasi sila sa bahay ko para mag-aral. Group study. Ito kasing si Ricky, bumabagsak na sa Math at kailangan namin siyang turuan ni Aulric. Yari kasi siya sa parents niya kapag bumagsak siya. Hindi ba Ricky?"



          “Umm, yeah. Pupunta kami sa bahay ni Zafe para mag-group study," pagsang-ayon ni Ricky.



          “Hindi ko alam na may-"



          “Natural," pagputol ni Zafe sa sasabihin ni Aulric at tinakpan ang kanyang bibig. “Hindi mo kasi ako pinapakinggan sa mga sinasabi ko kanina na humihingi ako ng tulong para kay Ricky dahil babagsak siya sa Math. Pero narinig ko na sinabi mong pupunta ka."



          Tinanggal ni Aulric ang kamay ni Zafe. “Okay. Oo na nga lang. Pupunta ako."



          “Pwedeng ba akong sumali?" tanong ko. “Magaling ako sa math kung hindi niyo alam?"



          “Ako din. Gusto kong sumali sa group study na iyan," malanding saad ni Isabela.



          “Wait, study shows na kapag apat lang ang tao na nasa isang group study, magiging effective ang aming ginagawa," sabat ni Zafe. “Pasensya na Isabela. First come, first serve basis ako. Kaya ibibigay ko ang natitirang slot kay Shai." Ang galing mo Zafe.



          Kumunot ang noo ni Isabela. “May ganoon ba?"



          “Nako! I'm sure, totoo iyung sinasabi nila," gatong ni Dexter. “Siguro, lagi kayong may time para makapag-group study."



          “Actually-"



          “Actually palagi naming ginagawa iyun," pagputol ulit sa sasabihin ni Aulric sa pamamagitan ng pagtakip ng bibig niya. “Take for example na itong gathering natin. Masyado tayong maingay. Hindi natin maubos ang ating pagkain dahil nalulunod tayo sa magandang topic na pinag-uusapan natin ngayon. Kaya kapag apat, less noise, less stories. Mapupunta talaga sa utak ang mga pinag-aaralan namin."



          Tinanggal ulit ni Aulric ang kamay ni Zafe. “Tigilan mo nga iyan," pabulong na saway niya.



          “Nakakalungkot naman. Gusto ko pa sanang sumama," saad ni Jin.



          “Hay nako Jin. Samahan mo na lang ako at libutin natin itong Rizal. Aalis pa naman kami sa makalawa," wika ni Dexter. “At kayong mga masisipag na bata, keep it up! Magandang halimbawa ang pinapakita ninyo. Siya nga pala, pwede ko bang makuha ang Facebook accont ninyo?"



          “Ay! Oo nga pala Ricky. Wala ka sa friend list ko. In-unfriend mo ba ako sa Facebook?" tanong ni Isabela.



          “Actually, mukhang na-disable ata iyung Facebook account ko. Pati na rin kay Zafe," paliwanag ni Ricky.



          “Bakit hindi kayo gumawa ng isa pang account? For communication purposes?" tanong ni Dexter.



          “Well, hindi naman namin masyadong binubuksan ni Zafe ang Facebook namin. Siguro, aantayin na lang namin na magamit ulit ang aming account."



          “Ikaw Aulric? May Facebook account ka ba?" baling dito ni Dexter.



          “Pasensya na. Ayokong gumawa at wala akong panahon," pagtanggi ni Aulric. “Tsaka meron naman kaming phone."



          “Oo nga pala. Speaking of phone, nagpalit ka ba ng bagong phone kuya? Nasiraan ka ba noong Disyembre?" tanong ni Jin.



          “Ahh! Yes, nasiraan din ako. Kaya may bagong number na ako," sagot ni Dexter. “Pero ako naman, hindi cellphone type. Mas gusto ko ang Facebook dahil kahit sobrang layo nating magkakapamilya, nakakapagpadala tayo ng mensahe sa isa't isa sa halagang wala pang piso na nagagastos. Nakakatipid kaysa sa tawag na mahal. At alam ko namang mayaman ang pamilya natin Jin pero mas gusto ko ang magtipid."



          “Siguro, I'll reconsider na gumawa ng account kung may ganoong kaganda na features ang Facebook," wika ni Aulric.



          “Good, Aulric. At kung gusto mo akong maging kaibigan sa Facebook, hanapin mo ako sa friend list ni Jin. At pwede ka na rin mag-change ng status from single to in a relationship with me of course." Hindi ba talaga maaawat ang Dexter na ito?



          “Nako! Baka imbes ikaw, ilalagay niya na in a relationship with studies," natatawang remark ni Zafe.



          Natawa naman kaming lahat sa sinasabi ni Zafe. Sana si Ricky, in a relationship with studies din para walang lumandi sa kaniya.



          Medyo nagtagal pa kami sa lugar na iyun dahil hindi kami matapos-tapos kumain. Ang mga lalaki kasi ay may lihim na kompetisyon sa isa't isa. Maya't maya kasi sila kumukuha ng kanin kaya nagtagal tuloy kami. Remember, unlimited ang rice sa fast food restaurant na ito. Pati iyung ulam nilang manok, mukhang unlimuted din ata. Kaya habang inaantay sila, umorder na kami ng halo-halo para sa aming panghimagas.



          Nang natapos na kami, nagpasya kaming gumala muna para kay Dexter. At para matunawan din kami.



          “Nako guys! Pwede bang hintayin niyo ako dito? Kailangan ko kasing pumunta sa CR," paalam ni Isabela.



          “Sige Isabela. Hihintayin ka namin," wika ni Sharina.



          Nang umalis na si Isabela, moment ko na sana with Ricky. Ang kaso, tuwing lumalapit siya ay hindi ko maiwasan na lumayo sa kaniya ng konti. Gumagawa ako ng sari-saring dahilan. Gaya ng kausapin bigla sila Aulric at Zafe.



          Pero ilang minuto na ang lumipas, mukhang ako lang ata ang nakakapansin na matagal ng gumagamit si Isabela ng CR kung saan man siya. Nako! Ako din! Gusto kong pumunta sa CR.



          Hindi na ako nagpaalam sa kanila at dumiretso sa CR. Kailangan ko na talaga mag-CR kaya wala na akong oras magpaalam.



          Nang pumasok na ako sa CR, swerte ko lang at may isang cubicle na pwede. Habang naglalabas ng sama ng loob, bigla kong naisip na ang sama naman ng ginawa ko kay Ricky kanina. Iniiwasan ko siya dahil sa kung anong bagay ang hindi ko matukoy-tukoy na ewan ko kung bakit ginawa ko iyun. Naguguluhan ako. Dapat, hindi ko siya nilalayuan.



          “Ahh. Sige pa. Ang sarap," rinig kong mahinang ungol sa kabilang cubicle. Wow? Ano bang mga klaseng tao ito? Nasa mall, nakakagawa pa rin ng paraan para gawin ang kanilang kalokohan.



          Nang matapos na ako mag-CR, naghugas muna ako ng kamay. Bumukas naman ang kabilang cubicle kung saan ko narinig ang mahinang ungol. Napanganga ako nang makita si Isabela na lumabas dito kasama ang isang lalaking janitor ng mall. Oh my god! No wonder na bastos ang bibig ng babaeng ito. Kung kani-kaninong lalake pala siya lumalandi.



          “Hi Shai," bati sa akin ni Isabela matapos makita ako at matapos umalis iyung janitor. Hindi man lang ito nagulat na isang tao na kilala siya ay nakita o narinig siyang may ginagawang kalokohan.



          Ngiti lang ang isinagot ko. Ayokong kausapin ang babaeng ito. Isa siyang literal na pota.



          “Siya nga pala Shai, may gusto ka ba kay Ricky?" diretsong tanong niya sa akin. Nahalata niya pala.



          “Bakit? Ano naman sa iyo?" pagbalik ko ng tanong.



          Nakita kong tumingin siya sa dibdib ko. “Umm, wala naman. Sasabihin ko sana na sigurado ka ba diyan sa nararamdaman mo para sa kaniya? May gusto ka ba talaga kay Ricky? Ikaw kasi, umm, paano ko ba sasabihin ito. Napakaliit ng iyung boobs. Hindi ako makapaniwala kapag nabalitaan kong may gusto si Ricky sa iyo. Parang himala na lang ang inaantay mo," pakumpas niyang salaysay



          “Well, bad news for you. Nalaman kong pota ka!"



          Natawa ng payak si Isabela. “Ganoon ba? Pero hindi nakakabawas sa akin iyan. Si Ricky, manwhore. Parehas lang kami. Hindi mo ba alam na kung sino-sino din ang nakakasana niya sa kama? Ay nako! Naalala ko bigla one time noong nag-sex kami ni Ricky. Ang laki-laki ng tarugo niya. Ilang babae na kaya ang nakakadila doon?"



          “No. Ricky is different," giit ko. “At least si Ricky, hindi pinapatos ang mga professor para lang maging Dean Lister."



          Nagulat si Isabela sa sinabi ko. “Paano mo nalaman? Wait, sino ang nagkalat?"



          “Paano nalaman? Kung hindi ka ba naman maingat. Proud na proud ka pa nga daw na lumandi sa mga professors." Mukhang nag-iisip siya kung paano ko nalaman. “I see. Isa ding imperfect na tao katulad ni Sharina. Nakakatawa talaga. Huwag kang mag-alala. Hindi ko ipagkakalat ang sikreto mo. Pero ito lang ang sasabihin ko sa'yo. Lumayo ka kay Ricky."



          “Lumayo?" hindi makapaniwala niyang saad. “Wow! Pag-aari mo na ngayon si Ricky? Ang bilis naman girl. Alin kaya ang mauuna? Ang paglaki ng mga dede mo o ang pagsuway ko sa mga sinasabi mo?"



          “Mauuna na ikahihiya ka ng iyung pamilya at kasabay noon ay ang pagbagsak niyo. Tandaan mo girl. Pulitiko ang mga magulang mo. Ipinagmamalaki ka pa nila. Paano na lang kung biglang may lumabas na sex video mo? Mawawalan ng kredibelidad ang mga sinasabi ng daddy mo."



          “M-May sex video agad ako?" pautal-utal niyang tanong.



          “Hindi mo alam girl? Ang hina mo naman. Natural, meron. Sa tingin mo, alin doon sa mga propesor na nakasiping mo?"



          Lumapit si Isabela sa akin at marahas na hinawakan ako sa leeg. “Ikaw babae ka?! Napakadami mo ng alam na hindi ko alam. Baka gusto mong mawala agad sa mundo? Pero hindi muna. Ngayon, sabihin mo sa akin kung saan nanggagaling ang mga sinasabi mong iyan. Sino at saan mo lahat nakukuha ang mga pinagsasasabi mo?"



          “M-Maling galaw Isabela. M-Maling galaw," saad ko na nahihirapang magsalita.



          Natigil si Isabela at tumingin sa paligid. Hindi niya ata alam na nasa pampublikong lugar kami at masama para sa isang katulad niya na may reputasyon ang gumawa ng eskandalo.



          Si Isabela Dominguez kasi ay gaya ng sinabi ko, anak ng isang pulitiko sa lugar namin. Magaling at malinis na councilor ang daddy niya. Sa sobrang galing ay nagbabalak nga ito na tumakbo sa mas mataas na posisyon. Ang mga kalaban naman niya'y hinahanapan siya ng baho na mailalabas. Iyun na kasi ang uso ngayon at hindi patayan.



          Ito naman si Isabela Dominguez, sikat talagang tao. I just forgot kasi late ko ding napagtanto. Wala naman kasi akong pakialam sa mga taong sikat. Nagkaroon lang nang dumikit ito kay Ricky at landiin. And I have an ace against my enemy.



          “Hindi pa ito ang huli nating pagkikita girl," saad niya matapos akong bitawan at lumabas ng CR.



          “Anak ba iyun ni Councilor Herbert Dominguez?" rinig kong bulong ng isa. “Nako! Ang sama pala ng ugali ng anak niya. Akala ko pa naman, ang bait-bait."



          “Okay ka lang hija?" tanong sa akin ng isang babae na malapit sa akin.



          “Okay lang po. Salamat," tugon ko.



          Inayos ko lang ang aking sarili at lumabas pabalik sa lugar kung nasaan sila Aulric. Bigla tuloy akong nagkaroon ng rason kung ano ang magiging papel ko sa buhay ni Ricky. He is misguided therefore, I'll guide him. Hindi ko hahayaang maligaw pa siya ng landas.



          Hearing the story of Ricky and Zafe makes me realize that if no one will guide him, their friendship will end horribly. Matagal ng magkaibigan ang dalawa. Magiging masakit iyun sa magkabilang panig. Ang ginagawa kasi ni Ricky ay ibang klaseng pakikipagplastikan. Naging best friend na sila and all, pero hindi pa rin alam ni Zafe ang storya ni Ricky. Ako pa lang. At buti, ako pa lang. Kapag kasi may ibang nakaalam at may iba naman silang perspektibo, lalala lang ang lahat. Buti at hindi pa siya sumasabog. Pero siguro, nag-aalala din si Ricky sa magiging kahahantungan ng pagkakaibigan nila kapag sumabog siya.



          “Umalis ka pala?" sarkastikong tanong ni Aulric matapos akong makabalik sa grupo. Nandito na din si Isabela.



          “Nakakatawa ka Aulric. Ha, ha, ha," sagot ko. “Teka? Iyung group study natin, ngayon na iyun hindi ba?"



          “Oo. Oo, ngayon iyun," sabat ni Zafe.



          “Aw? Ngayon na? Nakakalungkot naman. Aalis na pala kayo," nalulungkot na saad ni Dexter. “Sana naman, magkasama-sama tayo sa susunod na pasko. Siguradong magiging masaya ito. At ikaw Aulric, gusto pa sana kitang makasama ng matagal. Pero oras na para magpaalam." Bigla naman hinawakan ni Dexter ang kamay ni Aulric saka nagkatitigan sila.



          “Pwede bang tigilan mo na iyan kuya?" saway ni Jin.



          “I would love to," tugon ni Aulric.



          “Alam niyo guys, iyung group study, malapit na. Tara na," pagpapaalala ni Ricky.



          “Bye guys," paalam ni Sharina na may tipid na ngiti.



          “Bye," paalam din naming apat.



          Naglakad na kami palayo sa apat. Buti na lang at may group study daw itong apat.



          “Susunod nga, iyung mga palusot ninyo, panindigan niyo ha," naiinis na saad ni Aulric.



          “Bakit? Anong palusot?" tanong ko.



          “Iyung group study. Pwede ba?"



          Napatigil ako sa paglalakad. “Wala talaga kayong group study ngayon?!"



          Napatigil din silang tatlo. Ang dalawang lalaki naman ay napakamot sa ulo habang ang isa ay tinititigan ng masama ang isa. So hindi din totoo na may problema sa Math si Ricky? Sayang! Game na game pa naman ako magturo!



          “Well, iyung sinabi kasi ni Zafe, kalahati ay totoo, kalahati din ay hindi. Makikiusap kasi sana ako sa inyo na turuan ako sa Math. Nahihirapan ako! At kapag may bagsak akong isang subject, magagalit ang papa ko. Kahit minor subjects, kailangan ipasa. Hindi naman nahirap ang mga minor subjects obviously. Pero kasi sa Math, nahihirapan talaga ako," paliwanag ni Ricky.



          “Architecture ang kinuha mong course. Pero hindi ka magaling sa Math. Ano iyun Ricky? Bakit ka kumuha ng course kung saan hindi ka din magaling sa subject na palaging ginagamit sa course mo?" nakukunsuming tanong ni Aulric.



          “Well, aside sa basketball, mahilig siyang gumawa ng mga building na yari sa lego. Kaya siguro, maganda ang Architecture course para sa kaniya," wika ni Zafe.



          “Zafe, hindi kaya ikaw ang nag-udyok sa kaniya na kumuha ng Architecture course sa Bourbon Brothers University?" seryosong tanong ko na tiningnan ko pa ng diretso.



          Nag-iwas siya ng tingin. Maya-maya ay hinawakan ang kamay ni Aulric at lumakad ang dalawa palayo sa amin. Oh my god! Hindi ako makapaniwala sa mga taong ito!



          “Hindi ba natin sila susundan?" tanong ni Ricky.



          “For once nga, huwag mong sundin kung saan pupunta ang taong iyun!" naiinis kong saad. “Nako naman! Kumuha ka ng course na hindi mo pinili! At hindi ibig sabihin na porke't mahilig ka gumawa ng building na yari sa lego ay Architecture na agad ang kunin mo."



          “Okay. Pero kasi, iyung mga pinamili mong damit, hawak ni Zafe."



          Tiningnan ko ang aking shopping bag. Tama nga si Ricky. Kay Zafe at Aulric ang hawak ko.



          Nakita ko naman na papalapit sa amin si Aulric dala-dala ang ilang shopping bag. Ito marahil iyung sa akin.



          “Ito. Baka sapakin mo daw siya," saad niya nang nagpalit na kami ng shopping bag.



          “Sapakin? Agad-agad?"



          “Alam niya," bulong ni Aulric.



          “Pakisapak na nga lang siya for me."



          “Sure," kibit-balikat ni Aulric. Lumakad ulit siya kung nasaan si Zafe.



          Humugot ako ng buntong-hininga. “Oo nga pala Ricky. Wala kang biniling damit kanina?" tanong ko nang mapansin siya na walang bitbit. At para maiba na din ang usapan.



          “Wala. Hindi ko naman masyadong kailangan ng bagong damit," sagot niya.



          “Hay nako! Hindi pwede iyan. Tara! Balik tayo." Hinawakan ko naman ang kamay niya at naglakad papunta sa store na pinuntahan kanina nang makita namin ang grupo nila Isabela.



          “That's a bad idea. Tara na! Alis na tayo. Baka malaman nila na nagsisinungaling tayo sa kanila kanina na may group study daw tayo."



          Lumakad na din kami papunta sa direksyon nila Zafe. Nandoon kasi ang parking lot kung saan nakapark ang aking sasakyan.



          Agad na sumakay kami sa sasakyan. Pagkasakay ay pinaandar agad ito ni manong driver. Plebeian toyota ang sasakyan ko at wala akong maipagmamalaki.



          Napagpasyahan ko naman na ihatid na lang itong si Ricky sa kanila. Hindi ko kasi alam kung saan siya nakatira.



          “Ricky, itutuloy mo pa ba ang pag-aaral ng Architecture?" tanong ko.



          “Itutuloy," sagot niya.



          “Alam mong maling sagot iyan hindi ba?"



          “Pero wala akong choice."



          “Meron Ricky. Laging meron kang choice. Bakit hindi mo na lang habulin kung ano talaga ang gusto mo?"



          “How can I kung hindi ko alam kung ano ang hahabulin ko? Simula noong pagkabata, wala akong gustong habulin sa buhay ko. Kahit minsan, wala. Until dumating si Zafe sa buhay ko. He showed me the way kung saan dadaan. He was a bright light and I before I know it, I can't stop following him."



          “At dahil nga sa ilaw na iyan, nagkaletse-letse ang buhay mo. Sumusunod ka na sa mga sinasabi ni Zafe which is hindi dapat. Ricky, wala ka bang self-confidence? Or iyung self-confidence mo, sa basketball lang mo lang ginagamit?"



          Umiling siya at bumuntong-hininga. “Wala. Sa basketball ko lang ginagamit. Kapag kasi sa ibang bagay, nawawalan ako."



          “Pero sa pagpi-pickup ng mga babae, may confidence ka?"



          “At least, sa bagay na iyun, unique ako kapag ikinumpara kay Zafe. Teka nga? Paano mo iyun nalaman?"



          Nasapo ko na lang ang aking ulo. “Sabihin na lang natin na may reputasyon ka sa eskwelahan natin kaya hindi malayong may alam ako."



          Yup! Ang taong ito, kailangan ng guidance. Pakiramdam ko tuloy, gusto kong manisi ng mga taong iresponsable na naging dahilan kaya naligaw sa tamang landas si Ricky.



          “I bet na hindi mo ito naiisip. Pero hindi kaya malulungkot si Zafe kapag nalaman niya ito? Kasi biruin mo, may mga sinasabi si Zafe na sinusunod mo. At ang nasa isip lang niya ay, okay lang ito para kay Ricky. Ganito, ganyan, okay lang ito para kay Ricky. Paano kung bigla ka na lang sumabog at sumbatan mo siya na kasalanan niya ang mga nangyayari sa iyo? At magtatanong si Zafe sa sarili niya, kasalanan ko? Pero sabi niya, okay lang. Bakit kasalanan ko? At magsisimula na ang laro ng sisihan. In the first place, kasalanan niyo naman talagang dalawa. Hindi alam ni Zafe ang pinagdadaanan mong iyan. Hindi siya aware hangga't hindi mo siya sinasabihan. At dahil lang doon, masisira na ang matagal at matibay ninyong pinagsamahan?" litanya ko. “Gusto mo ba iyun Ricky?"



          “Ano ba ang dapat kong gawin Shai?" tanong niya sa akin. “Gusto kong malaman kung ano ang naiisip mo."



          “Discover everything about your hidden true self," sagot ko. “Ang ibig kong sabihin, aside sa basketball, ano ba ang gustong-gusto mong gawin? Gumawa ng magarbong saranggola? Umakyat sa mga matatayog na puno? Mag-alaga ng mga hayop gaya ng pusa o aso? Ano ba talaga ang gustong-gusto mong gawin? Huwag mong sabihing wala."



          Napatingin si Ricky sa labas ng kotse at humugot ng buntong-hininga. Marahil ay nag-iisip ng isasagot. Tahimik naman akong nakikinig sa ingay ng aking sasakyan habang hinihintay siyang magsalita.



          “Masyadong malaki ang gusto ko," pagbasag ni Ricky sa kanyang katahimikan. “Gusto kong maging astronaut. Makapunta sa buwan at makatapak dito. Mag-discover ng iba't ibang planeta balang araw. Kaya lang naisip ko, napakaimposible ng aking minimithi. I know that this is a pessimistic thought, pero sa tingin ko, hindi ko magagawa ang bagay na iyun. Gusto ko ding makakita ng mga shooting star sa pinakamadilim na gabi. At ang pinakagusto kong part ng Science ay kapag tungkol sa space."



          “Tingnan mo. Meron pala. Kaya lang, napakalalim? Ang ibig kong sabihin, hindi ko ma-reach. Now, you have your own dim light. At ang gawin mo na lang, mag-antay na may maaakit sa ilaw. Hindi magtatagal may lalapit diyan."



          Hinarap ako ni Ricky na may ngiti sa mukha. “So hindi ko na maisusumbat kay Zafe na sinira niya ang buhay ko nang hindi niya nalalaman?"



          “Yeah. Dahil may sarili ka ng liwanag. Although sa ibang category, hindi ka mapapansin. Pero at least, meron ka na mula sa sarili mo at hindi mula sa kung sinong tao na nagtulak sa iyo."



          Bigla na lang akong niyakap ni Ricky. Nagulat ako sa ginawa niya. Biglang uminit ang aking paligid. Sira na kaya iyung aircon ng kotse namin? Pero hindi ito init na nagmumula sa labas. Init ito mula kay Ricky.



          Humiwalay naman siya sa akin na may malawak na ngiti. Mas malawak kesa kanina. Malawak na pati ang tenga niya ay ngumingiti.



          “Alam mo, salamat. Napakalaki ng naitulong mo sa pagkatao ko. Alam mo kasi, malapit ko na talagang masumbatan si Zafe. Buti na lang at nagdadalawang-isip ako," nakangiting wika niya.



          Nag-iwas ako ng tingin at tumingin sa labas ng bintana. Palagay ko, namumula na naman ako. Kasi naman, ang ganda ng pakiramdam ko. Nakatulong ako sa isang tao habang hindi gumagamit ng dahas gaya ng normal kong ginagawa. At ang tinulungan ko pa, iyung taong gustong-gusto ko. Well, mission accomplished.



          “Alam mo Ricky, may gusto ako sa iyo," pag-amin ko.



          “A-Ako? G-Gusto mo?" pautal-utal niyang tanong.



          “Yeah. Alam mo, kahit ang mga tao sa laro ninyo ay sinisigaw ang pangalan ni Zafe, ikaw ang gusto kong i-cheer. Ikaw naman kasi talaga ang nagpapanalo ng mga laro ninyo para sa akin. Tapos nalaman ko ngayon na may issue ka pala kay Zafe, naawa ako sa iyo. Naramdaman kong parehas pala tayo ng pinagdadaanan. Iba nga lang ang daan na tinatahak natin." Ibinaling ko ang tingin kay Ricky. “And I hope na sa mga sinabi ko sa iyo Ricky, mapunta ka din sa tamang daan kung saan ka dapat dumaan."



          “Maraming salamat sa iyo," ngiti ni Ricky.



          Muli ay niyakap niya ako. Napakasaya talaga ng pakiramdam ko ngayon. At least, napigilan ko ang mga hindi dapat mangyari. Bago si Ricky, bago si Camilla, may nakilala akong tao na punong-puno ng problema sa buhay. Mas lalo pang lumala nang binu-bully naman siya ng ibang grupo ng tao maliban kila Knoll. Hindi ko alam kung anong problema ng taong iyun. Pero inayos ko ang isa niyang problema. Inaway ko ang mga nam-bully sa kaniya.



          Nagpatuloy naman ang kanyang buhay. Pero hindi ko alam na may problema pa pala siya na hindi ko naungkat. Tinatanong ko naman siya pero hindi siya nagsasalita. Naisip ko, siguro, alam na niya kung paano ayusin ang kanyang mga sariling problema. Baka kagaya ko siya.



          Pero nagulat ako nang isang araw, nalaman kong nagpakamatay ang taong ito. Nagpakamatay daw siya dahil sa depresyon. Nakaramdam ako ng kurot sa aking puso at napupuno ang utak ko ng mga salitang ‘kung sana'. ‘Kung sana', sinabi niya sa akin ang problema niya, ‘kung sana', kinulit ko pa siya. ‘Kung sana', ‘kung sana', ‘kung sana'. Pero wala na akong magagawa. Wala ng magagawa ang mga ‘kung sana' ko dahil nasa ilalim na siya ng lupa. Kaya sumumpa ako sa aking sarili na kapag may isang tao na nangailangan ng tulong sa kanilang mga problema, tutulungan ko sila sa abot ng aking makakaya.



Aulric's POV



          1 week ago...



          Kasalukuyang nasa kwarto ako ni Zafe. Gumagawa ng kabalbalan, nagpapainit ng katawan, joke. Actually, nanonood kami ng isang TV series. Hindi niya kasi ako pinag-drive pauwi sa amin. Kaya napunta ako sa bahay niya.



          “Masama kaya akong kaibigan?" naitanong ni Zafe sa akin.



          “Anong sinasabi mo?"



          “Saka ko lang na-realize, walang kahit anong bagay na alam ko na naimpluwensyahan ni Ricky."



          “Pinoproblema mo iyun?"



          “Of course. Biruin mo, puro galing sa akin kung ano si Ricky ngayon. Basketball, Yu-Gi-Oh, hilig sa computer..."



          “Pagiging babaero?"



          “Ibang kaso naman iyun dahil sa aming dalawa, siya ang ganoon. Unique attribute kung baga. At hindi ako babaero. Isa lang ang naging girlfriend ko sa buong buhay ko, at isang masungit na magiging boyfriend ko pa lang."



          “Masungit na magiging boyfriend mo palang? Sino iyun?" pa-sweet na tanong ko.



          “Ikaw. Pero hindi ka pa bumibigay," nguso niya na may kurot pa sa pisngi ko.



          “Bigyan mo ako ng 30 reasons para bumigay sa iyo."



          “30 reasons? Pwede bang lima lang? Masyado namang marami."



          “Kapag lima lang, masyadong madali. Ano na lang ang sasabihin ng iba? Easy to get ako?"



          “Bakit mo iniisip ang sasabihin ng iba?"



          “Dahil gusto ko. Pakialam mo?"



          Nag-iwas ng tingin si Zafe. Umiling-iling at nagnakaw pa ng tingin sa akin. Natatawa na lang ako tuwing ginagawa niya iyan. Para kasi maiwasan ang kilig na nadarama ko sa mga oras na ito. Hindi talaga maiwasan. Baka meant to be pero maarte lang ako.



          “Kapag ba nakasamaan ko ng loob si Ricky, ano ang magandang gawin?" tanong ulit niya. “Ni minsan, hindi ko siya nakakasamaan ng loob. Lagi kaming magkasundo. Hindi ko pa din siya nakikitang nagagalit. May masama kayang binabalak sa akin si Ricky?"



          “Nagtanong ka sa maling tao."



          “Pero ikaw ang eksperto sa pag-alam kung may masamang binabalak sa iyo ang isang tao."



          “Hindi pa napapatunayan iyang sinasabi mo Zafe."



          “Pero ano ang sa tingin mo? Meron kaya?"



          “Bakit ba? Gusto mong mag-away kayo?" naiirita kong tanong tsaka kumuha ng tsitsirya na malapit sa akin at binuksan ito.



          “Kasi naman, nakakabahala. Lahat, ng mga naging kaibigan ko dati, nakaaway ko na. Ang kaso, dahil sa hindi pagkakaunawaan. Si Ricky na lang ang hindi. Baka mamaya, sa isip niya, sampung beses na niya akong napatay," paliwanag niya habang lumalapit sa akin at kumukuha ng chips sa tsitsiryang binuksan ko. “Ang sarap ng tsitsiryang ito."



          “Kung mag-aaway ba kayo, mapapalagay ang loob mo dahil nag-away na kayo ng isang beses? Ganoon?"



          “Oo."



          “Ehh, di mag-away kayo. Yayain mo siyang magsuntukan kayo hanggang sa kung sino ang unang bumagsak."



          “Pero ayoko na ako ang magsimula ng gulo. Gusto ko na siya ang magsimula."



          “Hindi ba maganda iyun? Hindi mo siya nakakaaway at magkasundong-magkasundo kayo? Bakit ka ba naghahanap ng away?"



          “Para mas lalong ko siyang makilala at para tumibay ang aming samahan. Para alam ko naman kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin. Mamaya, may ginagawa na pala akong hindi tama at hinahayaan na niya ako. May isang bagay siyang tinutulan though."



          “At ano iyun?"



          “Ikaw?"



          Natawa ako ng payak. “Ayaw ni Ricky sa akin?" seryoso kong tanong.



          “Wala siyang sinasabi," kibit-balikat niyang sagot. “Siguro, naninibago siya dahil sa'yo ako nahulog. Ganoon?"



          “Matanong nga kita? Anong mga dahilan at nagustuhan mo ako?"



          “Hmm, ano nga ba? Dahil maangas ka, sinusungitan mo ako, palagi kang pranka, at isang tao na hindi marunong magsinungaling. Totoo ka kasing tao Aulric. Maliban lang sa mga bagay na ayaw mo talagang sabihin sa akin, gaya ng kaibigan mo pala ang mga kaibigan ni Shai, at kami ni Ricky, hindi. At kapag nakikita kita, nanggigigil ako."



          “Alin ang nanggigigil? Ikaw, o iyung ibaba mo?"



          Inilapit ni Zafe ang mukha niya. “Parehas," sagot niya na may pagkagat pa sa kanyang labi. “Ikaw? Ano naman ang bagay na nagustuhan mo sa akin?"



          Humugot ako ng buntong-hininga. Bigla na lang akong nag-iwas ng tingin at lumayo sa kaniya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shit! Naamoy ko ang hininga ni Zafe dahil sa sobrang lapit niya. At gustong-gusto ko iyun.



          “Teka nga? Akala ko ba si Ricky ang topic natin?" composed na reklamo ko.



          “Pero ikaw dito ang biglang nagtanong sa akin kung ano ang mga bagay na nagustuhan ko sa iyo," retort ni Zafe. “At bakit ka ba lumalayo? Lumapit ka nga dito. Kukuha pa ako ng chips."



          “Hindi na kasi ako komportable kapag nasa malapit ka." Sinubukan niyang lumapit. “Hangga't maaari, diyan ka lang. Sasapakin kita kapag lumapit ka pa," banta ko na may nanlilisik na tingin para matakot siya.



          Napangiti si Zafe. “Hindi ko talaga ito maintindihan. Natatakot ako na medyo kinikilig kapag nagsasalita ka ng ganyan. Baka isa akong masohista na gustong masaktan."



          “So lalapit ka, o sapak?"



          “Ayoko. Pag-usapan na lang ulit natin si Ricky."



          Nakipag-argumento na lang ako kay Zafe buong araw kung ano ang dapat niyang gawin sa kaibigan niyang si Ricky. Medyo nagtagal pa ako sa bahay niya at mas nakilala ko pa lalo si Zafe. Nakakabwisit! Mas lalo ko siyang nagugustuhan. Tch! Pero marami pang bagay na dapat kong i-reconsider.



          Naihatid na niya ako pauwi. Nakakapagtaka lang dahil parang isang psychic si Zafe. Alam niya kung saan dapat ako ibaba papunta sa bahay ko.



          “Salamat sa oras Aulric. Sa uulitin," nakangiting paalam ni Zafe. “Mag-ingat sana ang mga tao sa iyo."



          “Hmm! Buti alam mo. Magandang gabi," pasuplado kong paalam.



          Naglakad na ako pauwi sa amin. Sa hindi ko malamang dahilan, lihim akong napangiti. Kahit papaano, nag-enjoy ako kapag kasama si Zafe.



          Pagkapasok ng bahay, nadatnan ko si Randolf na kumakain sa hapag-kainan. Marahil ay pinapakain ni nanay.



          “Hindi ba may sarili kang bahay? Bakit dito ka kumakain?" biro ko.



          “Aulric, nandito ka na pala," saad ni nanay mula sa lababo. Naghuhuhas pala siya ng plato. “Kumain ka na ba anak? Ipaghahain na kita."



          “Salamat nay. Pero kumain na po ako."



          “Ahh! Ganoon ba? Kung ganoon anak, nag-enjoy ka ba sa gala ng mga kaibigan ninyo?"



          “Opo nay. Oo nga po pala. Nilibre po ako ng kaibigan ko at nakabili ng damit para sa atin. May coupon kasi na natanggap ang kaibigan ko kaya libre po kaming nakabili." Inangat ko ang shopping bag na hawak ko para makita niya.



          Pilit na ngumiti ng matamis si nanay. “Salamat naman anak. Mabuti naman at naisip mo din akong bilhan."



          Bilang anak ng nanay ko, alam ko kung pilit o natural ang ngiti ng nanay ko. Ang paraan niya ng pagsasalita, medyo naiba. Marahil ay nalulungkot pa rin si nanay. Nagdududa pa rin kaya si nanay na ako ang pumatay kay tatay?



          Tinungo ko muna ang kwarto ni nanay at inilagay sa kama niya ang libreng damit. Pagkatapos ay pumunta ako sa aking kwarto at inayos ang damit na pinili ko at ni Zafe.



          “Aling Emma, tapos na po akong kumain. Salamat po sa pagkain," rinig kong wika ni Randolf mula sa aking kwarto.



          “Mabuti naman Randolf. Pakilagay na lang ang pinagkainan mo dito," rinig ko ding saad ni nanay.



          Mabilis na lumabas ako sa aking kwarto. Sakto naman na nakita kong lumabas si Randolf. Sumunod ako sa kaniya at marahang tinapik ang kanyang balikat. Matagumpay ko naman nakuha ang atensyon niya.



          “Bakit Aulric? May kailangan ka?" tanong niya.



          “Alam mo ba kung ano ang problema ni nanay?" diretsahan kong tanong.



          Lumihis bigla ng tingin si Randolf. Sinubukan ko namang habulin ang tingin niya pero palagi niyang iniiwasan ang tingin ko.



          “Aulric, may kinalaman ka ba sa pagkamatay ng tatay mo?" seryosong tanong niya.



          “Ano ba naman iyan. Nagbabastusan ba tayo? Alam kong sinagot ko ang tanong mo ng isang tanong. At ngayon naman, sinagot mo naman ang tanong ko ng isang tanong. At pati ba naman ikaw? Ganyan din ang itatanong sa akin?" naiirita kong saad.



          “Nagkwento sa akin ang nanay mo tungkol sa nangyari sa tatay mo."



          “Sandali nga. Iniisip niyo bang dalawa ni nanay na umupa ako ng mamamatay-tao para iligpit si tatay? Hindi niyo ba nakalimutan na mahihirap tayo? Ang umupa siguro ng mamamatay-tao ay sobrang mahal na hindi ko afford. Iyun ba ang iniisip ninyong dalawa? Bakit ba hindi kayo naniniwala sa akin?" pagalit pero kalmado kong litanya.



          “Aulric, nakita ko na ginawa mo iyun noong isang buwan. Hindi malayong magawa mo iyun ulit."



          “Bakit ba hindi ka naniniwala? Hindi porke't ginawa ko iyun noong una ay magagawa ko iyun ng paulit-ulit. At tsaka hindi ako ang klase ng tao na natutuwa kapag pumapatay. Sa tingin mo, magiging adiksyon ko ang isang bagay na hindi ko gustong gawin?"



          Nag-iwas ng tingin si Randolf at pinagmasdan ang mga batang naglalaro pa rin sa gabi. Umiling-iling at nagsimula na naman siyang naglakad pauwi sa kanila. Hindi ko na sinayang ang lakas ko para habulin siya. Wala naman akong dapat sabihin. Nasabi ko na ang aking nasabi. Nasagot ko na ang mga tanong nila. Nasagot na rin ang sa akin. Nanay? Bakit po kayo nagkakaganito?



Sharina's POV



          1 week ago...



          Masayang-masaya si kuya Dexter habang pauwi kami sa mansyon mula sa aming paggagala. Natutuwa kasi siya sa pinapakitang ekspresyon ni Jin kanina. Wala pang sinasabi sa akin ai Jin kung sino ang napupusuan niya. Pero mukhang ang taong iyun ay si Aulric. Nakumpirma ko iyun noong nakita ko ang performance ng Drama Club nila habang nasa parte ng I Saw Mom Kissing Santa Claus.



          “Pasalamat ka at hindi totoo iyun! Kung hindi, bye bye Aulric!" biro ni kuya Dexter pagkapasok ng mansyon papunta sa mga kwarto namin.



          “Kuya naman kasi?!" angal ni Jin.



          “And wow! Isa ding Dean Lister. Nice one pinsan! Pero ngayon, matulog na kayong lahat. Pagod na ako at kailangan, gising kayong lahat para ihatid kami sa airport okay?"



          “Sige. Magandang gabi sa inyo," paalam ni Jin at pumasok na siya sa kanyang kuwarto.



          Nang pumasok na si Jin, papasok at magpapaalam na din sana ako nang mapansin ang tingin ni kuya Dexter sa akin. Anong problema nito?



          “May gusto ka bang pag-usapan natin?" nakangiting tanong niya habang binibigyan niya ako ng ngiting nakakaloko.



          “Wala?" medyo nakasimangot kong sagot. “Ano namang topic ang pag-uusapan natin?"



          Lumapit si kuya Dexter sa akin. “Can I?"



          Humugot ako ng malalim na hininga. “Kahit naman siguro tumanggi ako, papasok ka pa rin naman hindi ba?" pakumpas kong saad. “Pasok ka kuya Dexter."



          Pumasok naman si kuya Dexter sa kwarto ko at sumunod naman ako. Dumiretso siya sa kama ko at umupo.



          “Ngayon, sabihin mo. Bakit bigla kang nanahimik nang makasalubong natin ang grupo nila Aulric? Manghuhula pa ba ako para sagutin ko ang aking sariling tanong?" tanong ni kuya Dexter na may nakakaloko pa ring tingin. Para namang nababasa pa niya ang iniisip ko kahit hindi naman siya manghuhula.



          Lumapit ako sa aking silya sa kwarto at umupo. “Iyung kay Jin nga, nahulaan mo. Sa akin pa kaya?" sarkastikong sagot ko.



          Napailing si kuya Dexter. “Hindi lahat ng sagot sa aking tanong, kailangan kong hulaan palagi. Hiyang-hiya naman ako sa aking piniling propesyon. Ehh, dapat pala, naging manghuhula na lang pala ako."



          Bigla akong nainis sa sinabi ni kuya Dexter. Ano ba iyan?! Bakit kasi ayaw na lang niyang hulaan para sa akin? Magiging madali para sa akin kapag hinulaan niya. Ang sakit pa rin kaya!



          Bumuntong-hininga ako. “Zafe was my close enough boyfriend. Kaya lang, noong nagkaroon ng Christmas party sa school, nagtapat siya sa akin na hindi niya maibabalik ang pagmamahal ko. At first, I thought na nagbibiro lang siya at biglang magsasabi na naloko kita! Ang totoo, papunta na sa next level ang relasyon natin kaya liligawan kita!" paggaya ko sa pagsasalita ni Zafe sa ganoong scenario. “Pero hindi iyun nangyari. Totoo pala. Naisip ko, okay naman kami habang lumalabas. Pero ano ang mali? Hindi ko maisip. At ang rason niya, gusto niyang mag-focus sa kaniyang studies. At gustong-gusto niya talaga mag-focus sa kaniyang studies. I really mean na gustong-gusto niya talaga mag-focus sa kaniyang studies."



          “Kaya pala," nakangiting tugon ni kuya Dexter habang iginala ang tingin sa kwarto ko at ibinalik ulit sa akin ang tingin. “Alam mo, minsan, may mga taong ganyan ang pananaw sa buhay. Na mas pinapahalagahan ang pag-aaral kesa sa kung anong bagay. Kahit paghahanap ng katipan, nasasagasaan."



          “Hindi ko pa pala sa iyo nasasabi na nagkaroon siya ng isang palpak na relasyon."



          “And there's an another factor."



          “So kasalanan nung babaeng huling nakarelasyon niya kaya siya ganyan?"



          Pinatunog ni kuya Dexter ang kanyang dila. “Ewan. Depende. Hindi ko alam," kibit-balikat niyang sagot. “Pero wala ka na sigurong magagawa sa kagustuhan niyang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral. Ang magagawa mo na lang, tanggapin iyun."



          “Pero may tao ba talagang ganoon?!" distressed kong tanong. “Seriously?! May tao talagang ganoon?! Seriously?!"



          “Calm down, calm down," saad ni kuya Jasper para kumalma ako. “Ang masasabi ko lang, malas ka lang. Humanap ka na ng iba."



          “Pero ito kasing puso ko, si Zafe pa rin ang sinisigaw!"



          “ Okay. Overacting na iyan. Kelan pa nagsisisigaw ang puso? Napatunayan na ba iyan?"



          “Ehh, ikaw kuya Dexter? Noong natagpuan mo na ang para sa iyo? Si Natasha? Hindi ba nagsisisigaw ang puso mo na siya ang para sa iyo?"



          Umiling si kuya Dexter. “Pasensya ka. Hindi ko na-experience ang ganyan. Basta para sa akin, napaka-attractive ni Natasha. Hindi lang siya sexy at maganda. Matalino din."



          Nag-isip pa ako ng posibleng dahilan kung bakit ayaw sa akin ni Zafe. Seriously, ganoong klaseng tao si Zafe? Hindi ako makapaniwala.



          “Paano kung nagsisinungaling siya sa akin? Paano kung ginagamit lang niya ang ganoong dahilan para tigilan ko siya?" tanong ko.



          “Ehh, di isa pang rason para maghanap ng iba. Wala kang mapapala diyan Sharina kapag pinagpatuloy mong habulin ang lalaking iyan. Magandang pakawalan ang mga taong ayaw talaga sa iyo. Hindi siya kawalan sa iyo Sharina. Siya ang mawawalan," paliwanag niya. Tumayo si kuya Dexter at lumapit sa akin. “At ang dapat mo na lang gawin, matulog ka na para maihatid niyo kami bukas. Okay?" Tinapik niya ang aking mga balikat.



          “Okay kuya," nakangiting tugon ko. “Salamat at nakausap kita sa bagay na ito."



          “Sana nga lang ay pumasok talaga ang mga sinabi ko sa utak mo. Masyado ka pa namang persistent sa isang bagay na gustong-gusto mo. Magandang gabi."



          Lumabas na si kuya sa kwarto ko. Pero paano nga talaga kung nagsisinungaling sa akin si Zafe? Paano kung may tinatago siya sa akin? Gusto ko iyung malaman. At kapag nalaman kong nagsisinungaling siya, humanda sila sa akin.



Aulric's POV



          Balik sa kasalukuyan, buti na lang at natapos na din sa wakas ang mga flashback. Kasalukuyang kasama ko si Shai dahil sinabi niya na may pag-uusapan daw kami. Meron nga ba?



          Pero bago muna ibuka ni Shai ang bibig niya, magbibigay muna ako ng ilang summary kung anong nangyari sa isang linggong nakalipas. Naging mas malapit na kami ni Zafe sa isa't isa. Hindi ko nga lang alam ko kelan ako bibigay.



          Pagdating naman kay nanay, natapos na rin siya sa pagluluksa sa pagkamatay ni tatay. At nakataka naman ako sa kung anong partisipasyon ko doon sa kaso. Hindi talaga ako makapaniwala na iyung bumaril kay tatay ang napatay ko. At technically, hindi ko napatay si tatay.



          Habang dumadaan sa library, nakita ko si Henry Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor na may mahabang pangalan na mas lalo ko pang pinahaba. Lumabas siya mula sa opisina ng dean at papalapit siya sa posisyon namin. Anong ginagawa niya sa eskwelahang ito?



          “Sir Henry Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor?" tawag ko.



          Huminto siya sa tapat namin. “Aulric? Iyung anak ni Emma?"



          “Opo. Anak niya po ako," pagkumpirma ko.



          “Ahh! Dito ka pala nag-aaral. Nakakatuwang bata," natatawa niyang saad. “Nagulat naman ako at nakabisado mo ang aking pangalan. Iyung buong pangalan ko pa ang ginamit mo para tawagin ako."



          “Sabihin na lang po natin na catchy po para sa akin ang pangalan ninyo."



          Natawa ng payak ang matanda. “Ganoon ba? Nakakatuwa talaga."



          May papalapit naman sa amin na isang lalake at huminto sa likuran ni Henry Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor. Medyo parehas ang height namin at mukhang mas bata ito kesa sa akin. Napakakinis at napakalinis ng mukha at mukhang hindi pa tinutubuan ng tagiyawat. Ang ganda ng pagkakabilog ng mata at ang tangos ng ilong.



          “Papa, bakit nandito pa po kayo?" tanong nito. Anak ni Henry Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor.



          “Aulric, siya nga pala. Ipinapakikilala ko sa'yo ang aking anak. Si Derek Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor," natatawang pagpapakilala ng matanda sa kanyang anak.



          “Henry Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor, ipinapakilala ko din po sa inyo ang kaibigan ko. Si Shai Lyn," pagpapakilala ko kay Shai.



          Siniko ako ni Shai. “Bakit naman bigla akong nadamay sa pag-uusap ninyo?" bulong niya.



          “Umm, Aulric tama ba? Pwedeng Henry o sir Henry, at Derek lang ang itawag mo sa amin? Medyo nakakailang kasi kapag buong pangalan ang ginagamit mo para tawagan kami. At isa pa kasi, natutuwa si papa na tawagin siya sa buong pangalan niya," paliwanag ni Derek. Okay.



          “Sige Derek. Payag ako," nakangiting pagpayag ako.



          “Alam mo Aulric, bakit hindi mo idagdag ang anak ko sa mga kaibigan mo dito sa unibersidad?" tanong ni sir Henry.



          “Game po ako diyan. Basta ma-interview ko po siya at mag-agree sa isa sa aking nga terms and conditions. Derek Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor," biro ko.



          Natawa kami parehas ni sir Henry. Ang dalawa naman ay na-out-of-place at ikinakahiya kami. Itong kaibigan pala ni nanay, kwela palang kausap.



          “Pasensya na. Joke lang," paghingi ko ng dispensa matapos tumigil sa pagtawa.



          “Paki-rate na rin ang joke ng kaibigan ko from 10 to 0," seryosong sabat ni Shai.



          “Siya nga pala. Anong course ang kinukuha mo?" tanong ni sir Henry.



          “Business Administration po," sagot ko.



          “Kung ganoon, nasa iisang klase kayo ng anak ko. Business Administration din ang kinukuha ng anak ko."



          Tumingin ako kay Derek. “Nako! Mukhang hindi po. Baka sa ibang klase po siya. Kasi po kung may mahaba kang pangalan gaya ng Derek Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor, siguradong mapapansin ko po siya," natatawang paliwanag ko.



          “Alam mo Aulric, bakit hindi mo idagdag sa circle of friends mo ang anak ko para naman mas madami siyang kaibigan sa eskwelahan na ito?"



          “Papa, hindi ko na po iyan kailangan. May sarili din po akong circle of friends," wika ni Derek.



          “Makipagkaibigan ka sa kaniya anak. The more, the merrier."



          “Pero tapos na po ang pasko," biro ko.



          “Hay nako! Kahit na Aulric. Teka, nabalitaan ko na Dean Lister ka din daw. Totoo ba iyun?" tanong ni sir Henry.



          Napakamot ako sa ulo. “Opo. Totoo po iyun," pa-humble kong saad.



          “Maaari mo bang i-tutor itong anak ko? Para maging Dean Lister din."



          “Bakit? Kailangan po ba na maging Dean Lister si Derek?"



          “Hindi naman. Pero kapag may kakilala akong Dean Lister, naiingit na ako," prangkang sagot ni sir Henry. “Hay nako! Naaalala ko tuloy ang nakaraan namin ng nanay Emma mo. Nasa iisang klase kami sa kolehiyo at isa din siyang Dean Lister. Naiingit ako sa kaniya kaya nag-aral talaga ako ng mabuti noon. Pero hindi ako naging Dean Lister. Nakakainis! Hindi ko maungusan ang nanay mo. Kaya lang, nang dumating ang tatay mo, nagkaloko-loko na ang lahat."



          Nawala bigla ang ngiti ko sa labi nang nabanggit ni sir Henry si tatay. Natahimik din siya matapos mapansin ang reaksyon ko. Ang dami talagang atraso ni tatay.



          “Pasensya na hijo," paghingi ng dispensa ni sir Henry habang kinakamot ang kanyang ulo. “Nasaktan ko ba ang damdamin mo dahil sa mga sinabi ko?"



          “Hindi po," iling ko. “Naalala ko na naman po kasi iyung mga kagaguhan ni tatay noong nabubuhay pa siya. At ngayon, wala na siya. Siguro naman po, matatahimik na ang buhay namin ni nanay."



          “Magiging pranka ako hijo. Kasalanan kasi ito ng nanay mo. Nagpadala siya sa kanyang puso. Minahal niya talaga ang tatay mo. Kaya ako, nagtataka talaga kung ano ang hiwaga ng pag-ibig."



          “Alam ko po ang sinasabi ninyo. Pero wala na po tayong magagawa. Nangyari na po iyun."



          Marahang siniko ako ni sir Henry. “Kung ako ang pinili ng nanay mo, siguro, hindi magkandaloko-loko ang buhay niya. Bonus na rin na magkakaroon sana kami ng isang matalinong anak," biro pa niya.



          “Papa, naririnig ko po kayo," sabat ni Derek na nakasimangot. “Parang sinasabi niyo po na hindi kayo proud na ako ang anak ninyo. Tsaka nagdadalawang-isip na po ako kung mahal niyo ba talaga si mama."



          “Anak, matalino ka din naman. At mahal ko kayo ng mama mo," baling niya sa anak at ibinalik ang tingin sa akin. “At ikaw Aulric, minana mo ang katalinuhan ng nanay mo. Keep it up!"



          “Salamat po sir Henry," nakangiti kong saad.



          “Umm, guys, may pasok pa tayo," sabat ni Shai. “Sige Aulric. Usap na lang tayo mamaya. Puntahan ko na iyung susunod kong klase. Bye." Nagmadaling umalis si Shai.



          “Ako nga din po pala papa. Aalis na rin po ako. Ingat po kayo pauwi." Humalik sa pisngi ng papa niya si Derek at umalis din.



          “Ako din po sir Henry. Aalis na po ako. It was nice talking to you. Ingat din po kayo sa pag-uwi," paalam ko.



          “Condolence din pala sa tatay mo," tugon niya.



          Nagsimula na akong maglakad papunta sa susunod kong klase. Ang saya ng aking pakiramdam nang nakausap ko si sir Henry. Bakit kaya? Marahil ay parehas kami ng tempo? Tama ba? Basta. Hindi ko maintindihan ang aking pakiramdan. Hindi naman ako siguro in love sa kaniya. Kalokohan. Si sir Henry Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor, at si Derek Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor. Okay Aulric. Tumigil ka na. Masyado ka na namang malayo mag-isip. Pero paano kaya kung siya ang nakatuluyan ni nanay? Ehh, di ang pangalan ko sana ay Aulric Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor. Ang haba. Pero hanggang pangarap na lang.



          Natapos na rin ang report namin ni Zafe tungkol sa topic sa minor subject at pinaupo na kami ng prof namin para naman gawin niya ang trabaho niya.



          “Hoy, hindi ko alam na kilala mo pala si sir Henry Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor," bulong niya sa akin. “Nakita ko kasi kayo na nag-uusap malapit sa Dean's Office." Wow! Kabisado din niya ang pangalan ni sir Henry?



          “Dating kaibigan siya ng nanay ko. Hanggang ngayon siguro," tugon ko na pabulong din. “Teka? Paano mo pala nakilala si sir Henry?"



          Sasagot na sana si Zafe nang humarap at nakatingin sa amin ang prof namin. Biglang tumingin siya ng diretso sa whiteboard na kunyari ay nakikinig sa sinasabi ng prof. Pero sa tingin ko, nakikinig pa rin siya habang nag-uusap. Iyun nga lang, hindi maiintindihan ng mga prof iyun kung sakali na nagmu-multitasking siya. Kailan ba pumasok ang nga ganoong palusot? Noong hindi pa uso na magbulakbol ang mga estudyante?



          Ibinaling niya ulit ang tingin sa akin. “Dati kasi siyang kasyoso ng papa ko sa isang negosyo. Kaya lang, na-bankrupt iyung negosyong iyun. Hindi ko nga lang alam kung bakit pero mukhang mayaman pa rin siya. Iyung anak naman niya na si Derek Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor, dati kong kaklase sa high school." Natawa ako ng mahina. “Bakit?"



          “Bakit ikaw din? Iyung full name ang ginagamit mo?"



          “Ang catchy kaya para sa akin. Nakakatuwa kasi. Iniisip ko nga, paano kaya nila sinusulat sa school ang buo nilang pangalan? Noong kinder sila, naisusulat ba nila lahat iyun?"



          “Yeah. Naisip ko rin iyan. Pero hindi doon sa parteng paano nila sinusulat ang pangalan nila. Problema na nila iyan."



          “Hmm, kumusta na iyung anak niya? Anong course ang kinuha niya?" nag-uusisang tanong ni Zafe.



          “Katulad sa atin. Business Administration. Pero nasa ibang klase siya," sagot ko.



          Habang nag-uusap, nararamdaman ko na may mga matang nakatingin sa akin. Nakita ko naman si Sharina na nakatingin sa akin. Ano na naman kaya ang meron sa tingin ng babaeng ito? Maliban lang sa may gusto siya sa akin?



          “Alam mo, mukhang may ginawa si Shai kay Ricky. Noong isang umaga, niyaya niya ako manood ng palabas. Ang pangalan ng movie ay Interstellar na hindi ko naman maintindihan. Ang naintindihan ko lang ay ang movie ay nasa space?" saad ni Zafe.



          “Hindi mo ba alam na may gusto si Shai kay Ricky?" tugon ko.



          Nanlaki ang mata ni Zafe at nakinig na lang marahil sa sinasabi ng prof namin. Hindi ba ma-absorb ng utak niya ang sinabi ko?



          “Iyung flat-chested na iyun?!" pabulong na gulat niya.



          Bigla ko na lang nasuntok si Zafe dahil sa inis. Bumagsak tuloy siya sa sahig. Napatingin naman ang lahat sa amin. Nagtatanong ang kanilang mga tingin kung ano ba talaga ang nangyari. Wala ba talagang nakakita?



          “Mr. Neville, okay ka lang?" tanong ng prof namin mula sa kinatatayuan nito malapit sa whiteboard.



          “S-Sir, okay lang po ako," tugon ni Zafe habang sinisikap na umupo sa kaniyang upuan. “May malakas kasing pwersa na nagtulak sa akin na lumangoy. Kaya hindi ko napigilan na lumangoy."



          “Sigurado ka bang okay ka lang?"



          “Siguradong-sigurado po ako. Huwag niyo po akong alalahanin. Magturo lang po kayo."



          Nasapo ni Zafe ang parteng sinuntok ko. Binigyan pa niya ako ng nagtatanong na tingin kung bakit ko ba ginawa ang bagay na iyun sa kaniya. Mukhang napalakas ata ang suntok ko. Nakakainis kasi! Tama ba naman na sabihin niyang flat-chested si Shai? Alam ko naman na ganoon si Shai pero hindi magandang pakinggan. Ni hindi ko nga pinapansin na wala siyang dibdib.



          “Bakit mo naman ako sinuntok?" pabulong na paawa niyang tanong. “Nagalit ba kita? Pasensya naman. Patawarin mo na ako."



          “Nasuntok na kita. Kasabay ng suntok ko ang pagpapatawad. Sa susunod kasi, watch your language!" naiinis kong saad.



          “Okay. Pero kiss mo naman itong cheeks ko? Ang sakit-sakit kasi. Baka mawala kapag hinalikan mo."



          “Gusto mo ng isa pa?" amba ko.



          “Ay! Makinig na lang tayo kay prof."



          Nang natapos na ang klase, napagpasyahan ko na pumunta sa library. May mga libro kasi akong pag-aaralan para sa susunod na quiz namin.



          Sakto naman na paglabas ko, nakasalubong ko si Sharina kasama si Isabela. Magkaibigan pala talaga ang dalawang ito. Hindi ko lang alam.



          “Oh, hi Aulric," bati ni Isabela.



          “Hi din," bati din ni Sharina.



          Tango na lang ang itinugon ko sa dalawa. Aalis na sana ako nang hinarangan ako ni Sharina.



          “Bakit?"



          “May bagay sana akong itatanong sa'yo Aulric," wika ni Sharina. “Tutal, kaibigan mo si Zafe..."



          “Teka, alam kong hindi ito alam ng ilang tao dito sa eskwelahan. Lilinawin ko lang. Hindi kami magkaibigan ni Zafe," pagko-correct ko.



          “Hindi nga? Hindi ba noong isang araw, magkakasama kayo sa mall? Anong sinasabi mo na hindi kayo magkaibigan?" naguguluhang tanong ni Isabela.



          “Hindi porke't nakakausap mo, laging mong kasama, ginagawan ka ng mabuti, namamahala sa makeup mo, pinapahiram ka ng bra, ng pantie, o kung ano-ano, ay kaibigan mo na," paliwanag ko habang nakatingin kay Isabela. Ibinalik ko naman ang tingin kay Sharina. “Kaya lilinawin ko lang. Si Zafe, hindi ko siya kaibigan."



          “Oh, well! Fine! Hindi ko problema iyan. Okay. Tanong ko lang. May babae ba siyang kinababaliwan, nililigawan, kinikita, o dine-date ngayon?" tanong ni Sharina.



          Kumunot ang aking noo. “Hindi mo ba narinig ang paliwanag ko? Hindi ko kaibigan si Zafe kaya hindi ko alam ang sagot diyan sa tanong mo. Kung gusto mo, siya ang tanungin mo. Bakit ba sa akin pa kayo magtatanong? May gusto ba kayo kay Zafe? Mag-confess kaya kayo ng feelings sa harap niya? Hindi iyung gagamitin niyo pa ako para makakuha kayo ng impormasyon. Ngayon, kung mamarapatin ninyo, kailangan ko pang mag-aral. Babanggain ko na ngayon ang haharang sa aking daan." Tumingin ako kay Sharina. “Kahit anak ka pa ng isa sa mga may-ari ng eskwelahan. Mas mahalaga ang pag-aaral ko kesa dito."



          Hindi ba dapat, maging mabait ako sa mga taong ito lalo na kay Sharina? Well, hindi porke't acquainted ako sa kanyang mga pinsan ay ganoon din ang pakikitungo ko sa kaniya. Kay Isabela naman, iba ang kaso. Medyo nadidiliman ako sa ora niya na parang may gagawing masama. Susunod nga, pagsasabihan ko itong Sharina na ito na lumayo sa kaibigan niya. Pero ano naman ang sasabihin ko sa kaniya? Na may gusto si Isabela kay Jin to the point na trinaydor niya ang kanyang mga mga kaibigan? Hay nako! Bakit kasi ang isang matinong babae at ang isang hindi matinong babae, naging magkaibigan? Ano na ba ang nangyayari sa mundong ito at nagkandaloko-loko na?



          Kasama si Shai, at Camilla na nag-aaral sa isang mesa, napapansin kong nakatulala itong si Shai. Sa mukha niya pa lang, lumilipad na ang kanyang isip.



          “Sobrang saya ata natin ngayon," pagbasag ni Camilla sa katahimikan na namamagitan sa aming tatlo. “Anong meron na hindi ko alam?"



          “Aie!" saglit na tili ni Shai. “May maganda kasing nangyari sa akin nitong nakaraang araw. At siguradong magiging masaya kayo para sa akin."



          “Count me out," prangka kong sabat.



          “Ano bang aasahan ko sa iyo Aulric?" nakasimangot na saad ni Shai. Maya-maya ay bumalik ang kanyang ngiti. “Si Ricky, niyayaya akong pumunta sa bahay niya para manood ng pelikula kasama siya."



          Nagkatinginan kaming dalawa ni Camilla at parehas nanlaki ang mga mata. May bagay ba akong na-miss? Nakatulog ba ako na gising ng isang taon?



          “Okay. Ayokong manghula," wika ni Camilla. “Kayo na ba ni Ricky?"



          Pinagpatuloy ko na ang aking pag-aaral. Ang dalawa naman ay nagkatinginan at maya-maya'y naghawak-kamay. Parang ipinapasa ni Shai ang kilig na nadarama niya kay Camilla na tinatanggap nito.



          “Hindi pa. Nililigawan niya pa lang," sagot ni Shai.



          “Punyeta!" asik ko. “Nagpasahan kayo ng kilig tapos hindi pa pala kayo?!"



          “Ano ka ba Aulric? Napakalaking character development na iyun. Baka bukas, makalawa, sila na ni Ricky? At tsaka nakakakilig kaya. Biruin mo, ang taong gusto mo, sa iisang kwarto, kayo lang dalawa, mag-iinit ang inyong mga damdamin, magiging mga mapupusok na bata-"



          “Hindi halatang hindi virgin si Camilla," pagputol ko sa mga sasabihin pa niya.



          “Pero ano, magkwentuhan tayo! Anong ginawa niyo noong pasko? Pero since ako na ang unang nagtanong, ako na ang magkwento. Kami at ng pamilya ni Knoll, nagpasko together, nag-celebrate ng bagong taon together. And our parents, botong-boto sa amin," kwento ni Camilla. “At ang saya-saya ko nang malaman ko iyun! Mukhang road to forever na kami ni Knoll."



          “Wow! Congratulations," kinikilig na bati ni Shai. “Ngayon, ako naman. Bago ang pasukan, nag-shopping kami ni Aulric sa mall. And then nagkita kami nila Zafe at Ricky. Si Aulric, obviously, sumama kay Zafe."



          “Correction. Napilitan," sabat ko habang nag-aaral.



          “Whatever floats your boat! And then nag-usap kami ni Ricky. Hindi ko expected pero nagkwento si Ricky tungkol sa inner feelings niya especially kay Zafe. Sinabi niya na walang direksyon ang buhay niya at mula nang dumating si Zafe sa buhay niya noong bata pa sila, nagkaroon iyun. Sabi niya, si Zafe ang kanyang liwanag, kaya si Zafe lang ang kanyang sinusunod. And then na-realize ata ni Ricky na wala siyang bagay para sa sarili niya. Iyung masasabi niya na kaniya. Kaya humingi siya ng advice sa akin. And binigyan ko ng napakagandang advice. At nagpasalamat siya sa akin. Iyun lang thank you."



          Nagpalakpakan naman ang dalawa na animo'y nagtatalumpati. Umihip naman ng marahan ang hangin dahilan para makaramdam ako ng kaginhawaan. Pumikit pa ako at dinama ang hangin. Napakasarap talaga ng aking pakiramdam.



          Pagkadilat ng aking mata, nakita ko naman na tinitingnan ako ng dalawa. Nakangiti pa ang dalawa na animo'y magki-kwento ako ng isang napakagandang istorya.



          “Alam niyo naman siguro na lalake ako hindi ba?" tanong ko sa dalawa.



          “Alam namin," sabay na tugon ng dalawa.



          “Bakit ganyan kayo makatingin?"



          “Kasi turn mo na."



          “Ehh, alam niyo nga na lalake ako hindi ba?"



          “Bakit mo ba nililinaw na lalake ka? Kahit lalake ka pa, magkwento ka na," wika ni Shai.



          “Napaka-unfair kaya para sa amin. Nagkwento kami, tapos ikaw, wala," saad ni Camilla.



          “Akala ko pa naman, naggi-girl talk kayo. Kung sinabi niyo pala na magki-kwento din ako, dapat pala sinabihan niyo ako para umalis na ako," sagot ko.



          “Noong humangin kasi kanina, mukha ka kasing ermitanyo na magsasabi ng isang magandang kwento para sa aming mga bata. Kaya magkwento ka na," pamimilit pa ni Shai. “Gusto mo bang ako na ang magkwento noong nakita namin ang mga magpinsan na Bourbon?"



          “What?!" gulat na saad ni Camilla. “Nakita niyo si Dexter Bourbon? Iyung pinakamatanda?!"



          “Yeah. Iki-kwento ko. Na-love at first sight siya kay Aul-"



          “Okay. Ako na lang ang magki-kwento. Parang madadagdagan pa ata ang mga kwento mo Shai," pagputol ko sa may dagdag niyang kwento at tinigil ko na muna ang pag-aaral. “Hindi iyun actually love at first sight. Si Dexter kasi ay isang sapiosexual. Ang mga sapiosexual ay ang mga taong naa-attract sa mga taong matatalino." Nasapo ko ang aking ulo. “Parang lumaki ata ang ulo ko habang sinasabi ko iyun."



          “Pero Aulric, randam ko talaga na may gusto si Dexter sa iyo. Noong nag-propose siya sa iyo na magpakasal, parang totoo. May nakahanda pa nga siyang singsing para sa iyo," saad ni Shai.



          “Yeah. Totoo iyung proposal niya. Pero hindi naman niya siguro totohanin na pakasalan ako. Actually, ibibigay niya iyun para sa fiancee niya. Sa loob ng box, may parang burda doon sa tela na may pangalang Natasha."



          “Natasha? Wait, matingnan nga sa phone," saad ni Camilla.



          Kinuha ni Camilla ang kanyang phone at hinanap ang fiancee ni Dexter na si Natasha. Pagkahanap ay ngumanga ang babae. Marahil ay maganda ito.



          “Oh my god! She is so beautiful. Ang swerte ni Dexter," natutuwang sabi ni Camilla habang pinapakita sa amin ni Shai ang litrato ng babae. Masasabi ko talagang ang ganda ni Natasha sa litrato. Nakadagdag pa ang asul na mata niya at ang kanyang pilik-mata.



          “Matalino, at maganda, bravo!" puri ni Shai. “Pero noong isang linggo, bakit naging close agad kayong dalawa?"



          “Magka-vibes ata kami ni Dexter. Ewan. Hindi ko alam. Isa pa, medyo parehas kami ng interes lalo na sa pag-akting. Sa Europ kasi, nagtatanghal din si Dexter, at ang grupo niya sa ilang mga teyatro. Niyaya nga ako na sumama sa kanya para magtanghal. Pero siyempre, tinanggihan ko," paliwanag ko. Nagpatuloy naman ako sa pag-aaral.



          “Mukhang ang ganda ng pasok ng taon sa atin. Sana magtuloy-tuloy ito," nananaginip na sambit ni Camilla. Makakapaglagay ka pa ng bulaklak sa ulo niya habang nagmumuni-muni. “Pero love life story Aulric. Wala?"



          Mabilis na niligpit ko ang aking mga gamit. “Oops! Tumunog na ang phone ko! Kailangan ko ng pumunta sa Drama Clubroom," pagdadahilan ko. “Aalis na ako guys! Sa uulitin na lang.



          “Ay! Ang daya nito! Huwag kang tumakas!" asik ni Shai.



          “Welcome to the real world guys kung saan nag-e-exist ang mga taong madadaya! Magandang hapon at adios!" paalam ko sa kanilang dalawa. No way na ikwento ko iyung sa akin!



          Sa loob naman ng clubroom, nadatnan ko ang ilang mga members na nag-uusap. Naaninag naman ng mga mata ko na papalapit sa akin si Jin.



          “Aulric, pasensya na pala sa ginawa ng kuya namin noong isang araw," paghingi agad niya ng dispensa.



          “Hanggang ngayon, humihingi ka pa rin ng dispensa? Tsaka ilang beses bang kailangan sabihin sa iyo na nagbibiro lang kami?" naiirita kong tanong.



          “Well, baka kasi na-offend ka ng pinsan ko o kung ano pa man."



          “Okay lang kaya ang pinsan mo. Sa totoo lang, nakakatuwa. Kung siguro nagtagal siya dito sa Pilipinas, malamang ay kwela kasama iyun," pakumpas kong paliwanag. Maiba ako, tungkol saan ang meeting ngayon?"



          “Para sa Valentine's day," sagot ni Jin. Valentine's day? Ang layo pa. Pero masama ang pakiramdam ko sa okasyon na ito.



          Bumuntong-hininga na lang ako. “May scene na naman kaya na halikan ngayon?"



          Natawa ng mahina si Jin. “Ihanda mo na naman iyang labi mo Aulric. Siguradong meron iyan," pang-aasar pa ni Jin.



          “Hay nako! Sana naman sa susunod na taon ay may babae na. Para kontrabida na ang magiging role ko."



          “Anong gusto mong role? Third party?"



          “Heh! Boring," singhag ko. “Mas gusto ko na ako iyung magpapahirap sa bida. Para kahit na totohanin ko ang aking gagawin, magso-sorry na lang ako, magkaka-award pa ako."



          “Aulric naman. Hindi mo ba alam na naaalala ko pa rin noong una tayong magkita? Iyung pinaghahampas mo sa ulo iyung dumadarag sa akin?" bulong ni Jin.



          Natigil ako at napaisip. Hindi nga? Ginawa ko ba iyun noon? At iyun ang unang beses na nagkita kami ni Jin?



          “H-Hindi ko maalala iyun Jin. Sigurado ka bang ako iyun?" walang alam kong tanong.



          Naging blanko bigla ang ekspresyon ng mukha ni Jin. H-Hindi ko talaga maalala na may ganoong bagay na nangyari sa akin. Teka? May memory gap na ba ako? Joke. Alam ko na ako iyun. Ayoko lang na maalala pa iyun ulit.



          “Ahh! Wala. Baka ibang tao iyung tinutukoy ko. Hindi ko na din kasi masyadong maalala. Baka may memory gap na ako. Pasensya na," pagdispensa ni Jin. “Oo nga pala Aulric. Marunong ka sa math hindi ba? Pwede mo ba akong turuan?"



          Habang nag-uusap kami ni Jin, bumukas ang pintuan ng clubroom. Akala namin ni Jin, si sir Athuro na. Si Derek lang pala.



          “Aulric," tawag niya at lumapit sa amin. “Tamang-tama. Hinahanap kita kasi sabi ni papa, matutulungan mo ako."



          “Bakit Derek? Anong klaseng tulong naman?" tanong ko.



          “Magpapaturo sana ako sa'yo sa isang subject na mahina ako. Sa math kung maaari."



          Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Dati, si Ricky ang nagpapaturo kay Shai. Ngayon naman, itong dalawa sa akin.



          “Bakit? May problema ba? Busy ka ba? Hindi ko pa naman sinasabi sa iyo kung kailan ako magpapaturo," sunod-sunod na tanong ni Derek.



          “Si Jin kasi, magpapaturo din. Mahihindian ko naman ito sa totoo lang," biro ko. “Peace Jin. Pero bakit hindi ko na lang kayo sabay turuan? Kayo bang dalawa? Anong araw niyo gusto?"



          “Ngayong sabado," sabay nilang sagot.



          “Great! Wala rin akong gagawin sa araw na iyun. Ngayon, kaninong bahay? Obviously, bawal sa amin."



          “Sa amin," muling sagot nilang dalawa. Nagkatinginan naman ang dalawa. Okay? Baka naman magkakambal ang dalawang ito at hindi lang nila alam?



          “Umm, Derek, ano? Pagtatalunan pa ba natin ito kung kaninong bahay?" tanong ni Jin. Hmm, sigurado ako na magkakilala ang dalawang ito.



          “Okay lang. Ang mahalaga kasi ay tumaas kahit papaano ang grades ko. Bakit pa ba natin pagtatalunan kung saang lugar mag-aaral?" paliwanag ni Derek.



          “Kung ganoon, okay na. Wala ng problem. Sa Sabado, sa bahay nila Jin," wika ko.



          Napangiti si Derek. “Salamat sa tulong mo Aulric. Kita na lang tayo sa sabado. Bye," paalam niya at lumabas ng clubroom.



          “Hindi ko akalaing kilala mo si Derek," nagugulat na saad ni Jin pagkalabas ni Derek.



          “Bakit ba kayong lahat, nagugulat na kilala ko si Derek? Maliban sa mayaman siya, ano ang ikinakagugulat niyo?" naiinis kong tanong.



          “Wala na siguro. Napaka-unusual naman kasi na makilala mo siya."



          “Kaibigan daw ni nanay iyung papa ni Derek. Si Derek naman, nakilala ko noong nakita kong lumabas sila mula sa opisina ng dean. Okay naman sigurong kaibiganin ko siya dahil kaibigan naman ni nanay ang papa niya. At tsaka iyung papa niya, prangka din katulad ko. Kapag kinakausap ko, napakagaan ng aking pakiramdam. Iyung tipong masasabi ko lahat ang aking mga sikreto."



          Bumukas na din ulit ang pintuan ng clubroom. Pumasok na din sa wakas si sir Arthuro.



          “Ayan! Nandito na si sir. Tama na nga ang pakikipagdaldalan." Sabay naman kaming lumakad ni Jin para umupo sa aming pwesto.



          “Aulric, salamat nga pala sa pagpayag mo na turuan ako. Nahihirapan talaga ako sa math," saad ni Jin habang kinakamot ang ulo.



          “Saka ka na lang magpasalamat kapag nag-improve na ang grades mo. Ibig sabihin, magaling ako magturo. Okay?"



          “Guys, simulan na natin ang meeting!" sigaw ni sir Arthuro.



          Nang tinalakay na ang gagawin namin para sa Valentine's day, inasahan ko naman na ako na naman ang magiging babae sa storya. Konting tiis lang Aulric. Baka next year kapag may babae na, matutupad na ang gusto mo na maging kontrabida. Tapos totohanan mo silang sampaling pero wala namang aangal dahil parte lang iyun ng performance.



          Napabuntong-hininga ako habang naglalakad pauwi sa amin. Parang ang daming nangyari sa akin ngayong araw na ito. Pagod na pagod kasi ang sistema ko.



          “Nandito na po ako nay," saad ko pagkabukas ng pintuan ng bahay.



          Wala akong natanggap na tugon sa nanay ko. Naging malamig bigla ang trato niya sa akin. Hay nako! Siguro ay nagluluksa pa rin si nanay. Hayaan ko na lang. Sigurado ako na darating ang araw na babalik din ang pagmamahal sa akin ni nanay.



          Sumunod na ilang araw, oras na ng lunch break, kasama ang mga kaibigan ko ay kumakain kami sa cafeteria. Kapansin-pansin naman na napakabigat ng atmosphere sa kanila dahil walang nagsasalita. Tanging tunog ng kobyertos ang naririnig ko at ingay ng mga estudyante. Wala talagang nagsasalita kila Shai, Camilla, Knoll, Isaac, Caleb, and Andrew.



          “Guys, dumating na ba ang paghuhukom at ang tahi-tahimik niyo ngayon?" tanong ko. “Mahiya naman kayo sa akin. Ako ang naunang nagsasalita matapos tayo magkita-kita para kumain. O baka naman hindi niyo ako in-informed na may namatayan kayong kaibigan o kapamilya at nag-aalay kayo ng saglit na katahimikan para sa kaniya o sa kung sinong naging dahilan kaya natahimik kayo?" Wala pa ring umimik.



          “Aulric," tawag naman ng boses ni Derek sa akin. Nilingon ko naman siya at nakita siya na papalapit sa akin.



          “Hi Derek. Salamat naman at ginulo mo ang mundo ko," masaya kong saad.



          Kumunot ang noo niya. “Ginulo? May ginawa ba akong masama?"



          “Wala naman." Hinarap ko ang mga kasabay kong kumain. “Mukha kasing nasa maling mesa ako! Baka galing sa SPED ang mga kausap ko dito dahil hindi na nagsasalita!" Nilingon ko ulit si Derek. “So, ano ang atin ngayon?"



          “Umm, ipapaalala ko lang sa'yo iyung gagawin natin sa Sabado. Sa mansyon nila Jin. Mga bandang 12pm. Tuturuan mo ako sa math. Baka kasi magbago ang isip mo."



          “Magbago ang isip? Hindi ko gagawin iyun. Tsaka kung sasabihin mo naman na baka makalimutan ko iyun, hindi din ako makakalimutin." Hinarap ko ulit ang mga kaibigan ko. “And at least, hindi ako pipi!" Ibinalik ko ulit ang tingin kay Derek. “May iba pa ba?"



          “W-Wala naman," kinakabahan na tugon ni Derek. “Tsaka Aulric, huwag mo naman ganyanin ang mga kaibigan mo."



          “Okay lang iyun Derek. Hindi ka lang sanay sa ugali ko. Sila naman, sanay na. Pero salamat sa concern."



          Tumango na lang si Derek at umalis. Hinarap ko naman ang mga kaibigan ko at nag-aantay ng kasagutan sa kanilang pananahimik. Okay. Malamang ay gagamitin ko ang kakayahang manghula.



          Bigla ko naman napansin ang seating posisyon namin sa mesa. Kahanay ko sa upuan sila Shai, Camilla, at ako. Habang sa kabila naman ay ang magkakabarkada na sila Isaac, Knoll, Andrew, at Caleb. Teka lang? Bakit hindi magkatabi sila Camilla at Knoll?



          Tumayo ako sa aking kinauupuan at umupo sa gitnang hanay. Parang may family feud ang dalawa kaya dito ako sa gitna para kunyari ay wala akong kinakampihan sa dalawa. Sa totoo lang, wala naman akong kakampihan sa dalawa.



          “Alam ko na ang mangyayari. So itutuloy ko ba ang aking panghuhula?" tanong ko. “Sabihin niyo na kaya ang mga side ninyo para magkalinawan tayong lahat."



          Nagkatinginan naman silang lahat sa isa't isa. Isa-isa din silang humugot ng buntong-hininga at ipinapakita nila ang kanilang malulungkot na mukha.



          “Alam niyo, kasalanan ko talaga iyun," panimula ni Andrew. “Sa simula pa lang, ako ang nagyaya kay Knoll na makipag-inuman. Niyaya ko pa siyang magtagal sa bar. Pero hindi ko inaasahan na nagtagal nga siya. Iniisip ko nga na baka hindi na niya kaya."



          “Pero bakit naglihim kayo?!" pasigaw na tanong ni Camilla. “Alam ko naman na ang mga ganyang okasyon ay hindi maiiwasan. Pero sana, nagpasabi man lang kayo. Kung nasabihan niyo lang ako, hindi na sana ako naghintay. Hindi na sana ako nag-expect. Hindi sana ako manghihinala."



          “Camilla, pagpasensyahan mo na ako," paghingi ng dispensa ni Knoll. “Pangako talaga. Hindi na ito mauulit. Alam mo naman na ikaw talaga ang mahal ko."



          “Pero bakit kayo nagsinungaling?" tanong naman ni Shai. “Pakiramdam ko talaga, may tinatago pa kayo at ayaw niyong sabihin sa amin kaya kayo nagsinungaling."



          “Wala nga talaga! Iyun na ang lahat!" sigaw ni Isaac. “Niyaya kami ni Andrew na makipag-inuman, nag-inuman kami, nalasing si Knoll, hindi na namin alam ang mga nangyari pang iba, tapos."



          “Pero hindi sapat ang ganoong paliwanag Isaac. May karapatan naman si Camilla para malaman ang kumpletong detalye kung ano talaga ang nangyari."



          ”Pero hindi namin alam. Hindi nga malinaw sa amin ang mga nangyari. Ang alam na namin, lasing na kami," dipensa ni Caleb.



          “Kung maaari nga Shai, huwag ka ng sumali," nagagalit na saad ni Knoll. “Camilla, pag-usapan natin ito. Kung gusto mo, ng tayong dalawa lang. Please. Sasabihin ko naman lahat ng katotohanang gusto mong malaman."



          “Ayoko," pagtanggi ni Camilla. “Gusto kong malaman pero dapat ay marinig naming lahat. Ikaw mismo ang magkwento at hindi sila."



          Nanaig ulit ang katahimikan sa kanila. Itinuloy ko na lang ang aking pagkain at tinimbang ang kanilang mga sinasabi. Pero hindi ako judge kaya ang hatol ko ay kasalanan niyong lahat.



          “Kung ganoon, wala na dapat tayong pag-usapan," huling salita ni Camilla at mabilis siyag tumayo at umalis.



          “Camilla, sandali!" saad ni Shai nang tumayo din siya at hinabol si Shai kung saan man ito pumunta.



          “Bakit hindi mo sabihin kung ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni Andrew kay Knoll.



          “Hindi pa nga malinaw ang mga nangyari para sa akin, magpapaliwanag ako? Paano kung mali iyung eksplanasyon ko? Paano kung hindi tama? Paano kung maniwala nga si Camilla sa mga sinasabi ko? Ehh, di, magkandaloko-loko na ang lahat! Ang hirap kaya!" paliwanag ni Knoll.



          “Bakit ba ang hirap intindihin ng mga babae? Kailangan ba talaga nila ng paliwanag agad?" tanong ni Caleb.



          “Ganoon talaga. Malas niyo lang na si Camilla ay ganoong klaseng tao," sabat ko bago inumin ang aking inumin.



          “Sa tingin mo Aulric, sino ang may kasalanan sa sitwasyon?" tanong ni Isaac.



          “What situation? You mean this situation na sabay tayong kumakain at mananahimik lang kayo at nagpapakiramdaman?" pakumpas kong tanong. “Well, kasalanan ninyo itong lahat!"



          “Kami?" sabay na tanong nilang apat.



          “Hindi lang kayong apat. Pati iyung dalawang babae. Dapat kasi, hindi kayo naging affected sa nangyari sa dalawa. Alam ko naman na magkakaibigan na kayong lahat, pero kasi, stay away from their problems if possible. Dapat, hindi na lang kayo sumabay kumain at nag-usap na lang kayo ng sarilinan. Ayan tuloy! Nagkampihan tuloy kayo dito sa mesa. Sa left corner! Sila Knoll, Andrew, Caleb, at Isaac! Sa right corner! Sila Shai, at Camilla! Ngayon, hindi niyo ba na-realize na mas gumulo lang ang sitwasyon? Sa tingin niyo, maniniwala pa si Camilla sa dipensa niyo Andrew, Caleb, at Isaac? Hindi na."



          Nanlumo silang apat. Malungkot naman na kinain ni Knoll ang kanyang pagkain. Marahil ay inaalala niya ang mga oras na nagsusubuan na dapat sila ni Camilla ng pagkain. Ang saya pa naman nila. Nagtatawanan pa nga ang dalawa at nagkikilitian. Nagpapalitan pa sila ng mga pickup line na masarap daw ang pagkain dahil sinubo ng kapareha.



          Hindi naman karaniwang nangyayari pero may naramdaman akong kurot sa aking puso habang pinagmamasdan ang mga kaawa-awang lalaking ito. Pero ayokong tumulong. Ano ang aking dapat gawin?



          Nang natapos ko na ang pagkain, pumasok sa isip ko na biyernes pala ngayon. Magandang araw ito para malunasan nila ang kanilang problema.



          “Dahil biyernes ngayon, meron lang kayong 63 hours para ayusin ang problema ninyo ni Camilla." Tinuro ko naman ang mga kaibigan kong lalaki maliban kay Knoll. “Kayong tatlo, huwag na kayong sumawsaw sa problema nila. Kung tinatanong kayo, sagutin ninyo. Kung hindi naman kayo tinatanong, huwag kayong sumabat. At kung ano lang ang itinanong, iyun lang ang inyong isasagot. Walang labis, walang kulang! Pero hindi ibig sabihin na kasama kayo kapag lalabas sila Knoll at Camilla. Maliwanag ba?"



          “Ehh, anong mangyayari kapag pagkatapos noon?" tanong ni Caleb.



          “Kung magiging maganda ang sagot at paliwanag ninyo, ehh, di, maganda. Kung hindi, ayoko na lang isipin o sabihin ang mangyayari. Basta. Masama," kibit-balikat ko. “Masisira ang pagkakaibigan ninyong anim. Hindi nga lang ako kasama dahil nasa gitna ako at walang kinakampihan. At kung ano ba talaga ang nangyari, sana ay lumabas iyan. Paano? Diyan na kayo! May klase pa ako."



          Tumayo ako at niligpit ang aking mga pinagkainan. Naglakad naman ako papunta sa aking klase. Magkakaayos pa kaya silang anim? Magpatawaran na kaya sila? Kakatapos lang ng pasko at malapit na ang Valentine's Day. Ang saya pa naman ni Camilla habang kinekwento niya ang nangyari sa kanila ni Knoll nitong pasko.



          Kami kaya ni Zafe? Magiging ganoon kaya kapag mag-aaway? Hay nako! Hindi ko na dapat iniisip iyan. Napakalayo naman kasi.



          Fast forward, naging maayos naman ang araw ko ngayon. Si Zafe, nangungulit pa rin, si Jin, apat pa rin ang mata at pinapaalala ang gagawin naming group study bukas, at higit sa lahat, si nanay. Iyung nangyari sa iba, wala pa. Wala pang balita.



          Hindi ko na sana babatiin si nanay dahil baka ay nagluluksa pa rin siya at wala siya sa mood para mag-usap. Pero pagkabukas ko ng pintuan sa bahay, nadatnan ko si nanay na nakaupo sa mesa at may mga nakahandang paborito kong mga pagkain dito. Sinabawang bangus.



          Agad na sinalubong ako ni nanay ng ngiti. Ngiting hindi pinilit dahil bukal ito sa kanyang puso. Sana ay totoo na ito.



          “Magandang gabi po nay. Nakauwi na po ako," saad ko nang pumasok na ng bahay.



          “Aulric, anak, nandito ka na pala," tugon ni nanay.



          Tumayo naman si nanay sa kinauupuan niya at kinuha ang aking bag saka inilagay sa isang upuan. Ang bag ko na mabigat dahil sa maraming librong nakalagay na nagpapahirap sa aking likod. Nitong mga nakaraang araw, kapag inaalis ko ang aking bag at naging malamig ang trato sa akin ni nanay, parang nananatili pa rin ang bigat nito sa likod ko kahit inalis ko na. Pero ngayon, nawala na ang lahat ng bigat. Napakagaan talaga ng aking pakiramdam.



          “Umupo ka na anak. Sabay na tayong kumain," yaya ni nanay na umupo na din sa kanyang upuan.



          Tumango na lang ako at umupo sa upuan ko na katapat ni nanay. Mukhang bumalik na nga ang aking nanay. Naging mainit na ang trato niya sa akin. Habang kumakain ay nagkakamustahan kami sa kung ano ang naging takbo ng araw namin. Lahat-lahat, sinasabi namin. Kahit na iyung mga hindi magaganda, sinasabi namin. May mga nakakatuwa namang kwento si nanay na mas lalong nagpapasaya sa akin. Ni minsan, hindi ko iniisip na ang malamig na trato sa akin ni nanay ay maging permanente na at habangbuhay. Para kasi akong mamatay sa lamig kapag ginagawa niya iyun. Pero tinitiis ko na lang iyun at iniintindi siya. Ang nanay ko ang buhay ko. Ayokong mawala siya sa akin.



          “Nanay, mahal na mahal ko po kayo," sambit ko matapos kong maubos ang aking pagkain.



          “Salamat anak," tugon niya habang nakangiti. “Pagpasensyahan mo na ang nanay mo kung naging malamig ang pakikitungo ko sa iyo nitong mga nakaraang araw. Na-depress lang kasi ako anak. Pero ngayon, okay na. Salamat sa pagpapasensya mo sa akin."



          “Siyempre po. Nanay ko po kayo. Pagtitiisan ko po kayo dahil alam ko naman po ang pinagdadaanan ninyo."



          “Halika nga dito anak."



          Lumapit ako kay nanay at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit. Palagi ko pang inuulit sabihin kung gaano ko siya kamahal. Gumaganti naman si nanay ng tapik sa likod ko at haplos sa aking ulo. Hinalikan pa ni nanay ang aking pisngi kaya nasisiguro ko na nagbalik na nga ang nanay ko.



          Nang kumalas naman si nanay sa pagkakayakap sa akin, lumabas siya saglit at agad na bumalik. May binili pala siyang sorbetes at pinatago niya kay Randolf dahil kasabay niyang bumalik ito. Nagpatuloy naman ang gabing iyun at pinagsaluhan namin ang sorbetes. Napakasaya ko ngayong gabi. Alam kong maraming beses ko na itong sinabi. Napakasaya ko talaga ngayon dahil ang nanay ko ay nagbalik na.



          Kinabukasan, kasalukuyang naghahanda ako para pumunta na sa bahay nila Jin. Naligo muna ako at inayos ang aking sarili.



          “Ang gwapo ng anak ko ngayon. Saan ka pupunta?" tanong ni nanay matapos akong makita sa sala na nag-aayos.



          “Magtuturo po ako nay. Tutulungan ko po ang ilan kong mga kaibigan sa isang aralin," sagot ko habang nakatingin sa repleksyon ni nanay sa aming malaking salamin.



          “Wow! Maganda iyan. May kaibigan ka na ring tuturuan. Teka nga? Sino-sinong mga kaibigan iyan anak na tuturuan mo?"



          “Tuturuan ko po si Jin, iyung anak ng isa sa may-ari ng eskwelahan, at si Derek Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor, iyung anak ni sir Henry."



          “Wow naman anak. Kabisado mo talaga ang buong pangalan nila."



          “Para lang po masabi sa utak ko na hindi ako makakalimutin. Kayo nga po pala nay, bakit nandito pa po kayo? May kailangan po ba kayong ipakuha?" tanong ko naman.



          “Wala na anak. Nakuha ko na ang gusto ko."



          “Kung ganoon pala nay, sabay na tayong lumabas. Iisa lang naman po ang dadaanan natin hindi ba?"



          “Mabuti pa anak. Tara na."



          Kinuha ko ang mga kailangan kong kagamitan at ilang bag saka sumabay na kay nanay na lumabas. Hindi pa kami nakakalayo sa bahay, nagulat naman kami na may nakaparadang sasakyan sa harap namin. Base sa model ng sasakyan, kay Zafe ito.



          Nakita ko naman ang taong ito na nasa tapat ng tindahan ng bahay namin at nakikipag-usap sa ilang mga tao na kaibigan ni Randolf. Aba't ang kapal ng mukha ng lalaking ito.



          Nang makita kami ni Zafe, mabilis na lumapit ito sa amin at agad na nagmano kay nanay. Teka nga pala? Bakit siya nandito?



          “Mano po tita," magalang na bati ni Zafe pagkatapos magmano.



          “Umm, kilala ba kita?" tanong ni nanay.



          “Ahh! Pasensya na po. Hindi niyo pa pala ako kilala. Ako po si Zafe Neville. Ako po iyung kausap ninyo noong isang buwan. Iyung kaibigan ng anak ninyo," paliwanag niya.



          “Ohh! Ikaw pala iyun. Salamat naman at inaalagaan mo ang anak ko."



          “Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" agad na tanong ko. “May lakad ba tayo? Busy kasi ako dahil may lakad ako."



          “Hindi mo ba alam? Pupunta tayo sa bahay ni Jin at tuturuan sila ni Derek sa math," sagot ni Zafe. “Kaya sumabay ka na sa kotse ko." Pinagbuksan pa niya ako ng pinto at yumuko pa. Chaperone lang?



          Wala naman akong nagawa kung hindi paunlakan ang paanyaya niya at pumasok. Isinara naman niya ang pintuan pagkapasok ko. Makakatipid kasi ako kung sasabay ako sa kaniya. At paano naman niya nalaman na tuturuan ko sila Jin at Derek sa math ngayon?



          “Kayo po tita, sumabay na po kayo sa amin," rinig kong yaya ni Zafe kay nanay pagkabukas ko sa bintana ng kotse.



          “Nako! Hindi na lang ako sasabay," pagtanggi niya. “Nakakahiya sa iyo. Napakagwapo mo palang bata ka. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na-"



          “Nay?!" galit na pagputol ko. Kumekerengkeng itong si nanay talaga?



          “Tumahimik ka anak! Hindi pa ako tapos magsalita," agad na balik ni nanay. “Ay! Ano nga ba ang sinasabi ko? Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na tanungin ka kung may alam kang mga nakakahiyang istorya si Aulric na hindi pa niya sinasabi sa akin."



          “Actually, meron po. Aksidente pong nahalikan ako ng anak ninyo sa labi. Iyun na po ata ang pinakanakakahiyang storya na alam ko kay Aulric," agad na sinabi ni Zafe na nakangisi pa.



          Kapwa naman kami ni nanay na hindi makapaniwala sa sinasabi ng lalaking ito. Ano bang iniisip niya?



          “Nako! Nakakahiya nga!" natatawang sabi ni nanay. “Gusto ko pang malaman kung may iba pa pero may kailangan pa akong puntahan. Sige na. Mauna na kayo ng anak ko. Sa ibang araw na lang tayo mag-usap Zafe."



          “Sige po. Mag-ingat po kayo." Pumasok naman si Zafe sa kotse.



          “Kayo din."



          “Mag-ingat din po kayo nay. Aalis na po kami," paalam ko.



          Kumaway si nanay sa amin at naglakad na paalis. Isinara naman ni Zafe ang bintana ng kanyang sasakyan. Sunod naman ay inilagay niya ang seatbelt ko.



          “Ano bang iniisip mo at ikiniwento mo kay nanay na nahalikan kita sa labi? Siraulo ka ba?" pagalit na tanong ko.



          “Nagtanong lang naman ang nanay mo kung meron ba. Siyempre, sinagot ko ang tanong niya. At nakakahiya talaga iyun," paliwanag ni Zafe. “Gusto mo bang may ikwento pa ako na isang nakakahiyang storya?"



          “Ano na naman?"



          Inilapit ni Zafe ang mukha niya at hinalikan ang labi ko. Nagulat ako sa ginawa niya at agad na tinigil ang halik saka tinulak pa siya.



          “Siraulo ka ba? May mga tao sa paligid at baka makita tayo!" asik ko.



          “Huwag kang mag-alala. Tinted ang lahat ng salamin ng sasakyan ko. Walang makakakita sa atin." Muling inilapit ni Zafe ang kanyang mukha. “Kahit na may gawin pa tayong kababalaghan sa likod ng kotse, at kahit na maglaplapan pa tayo."



          Hindi ako makalanghap ng sariwang hangin maliban lang sa pabango ni Zafe sa katawan. Ang amoy niya ay nagkalat sa sasakyan at hindi ito makatakas dahil sarado ang lahat ng labasan ng hangin. Malalanghap at malalanghap ko ito kahit na ano ang gawin ko. Unti-unting bumibigay ang sistema ko dagdag pa sa tingin niya na nang-aakit. Hindi lang iyun. Nakikita ko pa ang malalaki niyang dibdib sa polo niya na hinayaan pa niyang hindi ibutones ang huling botones ng polo niya sa taas. Ang labi naman niya ay biglang naging pula sa paningin ko kahit na ang totoo ay hindi ito gaanong mapula.



          Lumapit ako sa mukha niya para maituon ang buong atensyon niya sa akin habang pasimple kong kinukuha ang isang bagay sa bulsa niya. May dala talaga siya.



          “Hindi mo ngayon oras hijo," saad ko at marahang sinampal siya sa pagmumukha gamit ang bagay na iyun na nakuha ko sa bulsa niya. “Kala mo, hindi ko alam. May nakuha na naman akong condom sa pagmumukha mo."



          Kumunot ang noo niya. “Teka? Paano mo ba talaga nakukuha iyan nang hindi ko napapansin?" Kinapa ni Zafe ang bulsa niya. “Iyan nga iyung condom ko."



          “Magic trick. Hindi ko na sasabihin kung paano dahil may batas akong sinumpaan pagdating sa paggawa ng magic tricks."



          Pinatunog na lang ni Zafe ang dila niya. Idiniretso ko na lang ang aking tingin at bumuntong-hininga. Bwisit. Ang bango talaga ng kotse niya.



          Nang mapansin na hindi pa rin gumagalaw ang sasakyan, ibinaling ko ang tingin sa kaniya. Nakatingin pa rin siya sa akin. Napansin ko naman ang mga bagong gising na tao na lumalabas ng bahay na tumingin-tingin sa paligid. 10am pa lang ata ng umaga pero hindi importante iyun.



          “Pwede bang umalis na tayo? Tingnan mo. Huwag mo akong sisihin kapag nagasgasan itong anak mo," naiinis kong saad. Ang anak na tinutukoy ko ay ang kotse niya.



          “Hindi anak ko. Anak-"



          “Bwisit, paandarin mo na!" pagputol ko.



          “Okay. Ito na. Paaandarin na."



          Nagsimula namang magmaneho si Zafe. Nako! Siguradong magiging laman ako ng mga tsismis ng tao nito bukas.



          “At gaya nga ng sinabi ko, baby mo din itong baby ko. Dito tayo gagawa ng mga memories, mga anak, at kung ano-ano pa. Napaka-exciting hindi ba?" saad ni Zafe na pinagpapatuloy ang kanyang sinasabi kanina. Ang gusto ba niya ay unang experience namin ay sa kotse?!



          “Tigilan mo nga iyan! Ano tayo, mag-asawa na? Baby mo, baby ko?" singhag ko. “At pwede bang huwag kang magsalita tungkol sa ating dalawa ngayon? Naaalibadbaran ako."



          “O baka naman nag-iinit?" tanong niya habang diretsong nakatingin sa kalsada. “Nanghihina ka na ba Aulric? May nilagay akong chloroform sa pabango ko kaya manghihina ka. At pagsasamantalahan kita habang nanghihina ka. Papainitin natin ang mga baby natin para masaya."



          “Kung naglagay ka nga talaga ng chloroform sa pabango mo, yari tayong dalawa. Walang labasan ang amoy ng chloroform dito sa kotse mo kaya maaapektuhan ka din ng chloroform na ginawa mong pabango kung ginawa mo nga. Madidisgrasya tayo. Pwede bang huwag ka ng magbiro at magsalita? Dumiretso na tayo sa bahay ni Jin. At gusto ko pang mabuhay para sa nanay ko. At pwedeng huwag mo siyang tawaging tita."



          Tawa na lang at itinugon ni Zafe sa akin. Inabot naman ng kanang kamay niya ang kaliwang pisngi ko saka pinisil niya ito na may gigil. Habang nagmamaneho, may tanong pa rin na naiwan sa ulo? Paano niya nalaman na pupunta ako sa bahay ni Jin para turuan siya? Pero hindi naman niya alam na kasama si Derek?



          Dumating na kami sa mansyon nila Jin. Wow. Makakapasok ako sa mansyon nila. Hindi ako excited pero gusto kong matapos na ang araw na ito para makauwi na. Kasama ko kasi itong si Zafe.



          Pinapasok naman kami ng guard na nagbabantay sa gate at nag-park sa katabi sa mga kotse na nasa mansyon. Nagpakitang gilas na sa akin si Zafe dahil nag-parallel park siya. Tumingin pa siya sa at ngumiti ng matamis. Ang lalakeng ito.



          “Ang galing ko hindi ba?" pamumuri niya sa sarili.



          Bababa na sana ako nang nauna siyang bumaba at pumunta siya sa pintuan ng kotse kung saan ako bababa. Pinagbuksan niya ako ng pinto.



          “Nandito na po tayo aking mahal na prinsipe," nakayuko niyang saad at inilahad pa ni Zafe ang kamay niya.



          Iwinaksi ko ang kamay niya at bumaba. “Ang totoong prinsipe, kayang alagaan ang sarili niya at hindi humigingi ng tulong sa iba."



          Tumayo naman siya ng tuwid na makikita mo ang medyo malaking deperensya ng height namin. “Iyan ang gusto ko," nakangiting saad niya.



          “Tara na nga!"



          Nagsimula na kaming maglakad papunta sa pintuan ng mansyon. Binilisan ko pa ang aking paglalakad dahil medyo malayo ang pintuan ng mansyon. Napakaganda naman ng mga bulaklak ang makikita mo habang naglalakad ka. Pero hindi ito nakakapawi ng pagod ko.



          Pagkarating sa pintuan ng mansyon, kumatok ako ng ilang beses hanggang sa may nagbukas ng pinto. Pagkagulat ang agad na nakita kong ekspresyon sa nagbukas ng pinto. Si Jin.



          “Zafe, ano ang ginagawa mo dito?" nagulat na tanong ni Jin.



          “Para turuan ka sa aralin mo. Tuturuan kita na may mga bagay na hindi mo talaga makukuha," sagot ni Zafe.



ITUTULOY...

9 comments:

  1. Yes! Back to present na, haha. Sana nxt chapter wag nang mag-inarte si Aulric. Thanks and Godbless sir Seyren.

    ReplyDelete
  2. maraming salamat po sa update ng story nyo. nakakawala ng pagod ang pagbabasa ko sa inyon akda...wait ko po ang inyong update....
    hangganga sa muli, maraming salamat...

    ReplyDelete
  3. Talaga naman. Binabakuran ba naman. Si Aulric naman paarte pa. Pahelehele bago queri. Thanks sa update. Takebcare.

    ReplyDelete
  4. Thanks Author!!!!

    Pero naiinip na talaga ako sa kwento ni Ren! Hahys.. kala ko ba hanggang chap. 31 lang yung side story ni Aulric.. Nabuhayan pa naman ako kanina...

    Anyways, ineenjoy ko naman ang ugali ni Aulric.. Sya yung tipo ng bakla na siga-siga.. at natutuwa ako kasi napipicture out ko yung mga expression nya.. hahaha..

    Balik sa stroya ni Ren.. Author, buhay pa naman si Kei diba?? Pls, buhayin mo sya... Kei-Ren pa rin akoooo... hahaha.. Wag na si Harry at yang Janice na yan.. kapag nakita ko talaga si Harry sa totoong buhay, nakuuu... Tatakbo din ako.. mapwera na lang kung may baril din ako.. magpapaka- Mr. Lion din ako.. haha..Matutuwa talaga ako kapag sila Kei at Ren ang nagkatuluyan.. Please..

    Reply ka Author ha... hahaha.. isa kang dakila

    MR. SUNGIT

    ReplyDelete
  5. Pinasaya ko n nmn ako sa chapter na ito.
    More power.
    Salamat at natapos na rin ang mga nakaraan.

    ReplyDelete
  6. ok sana last time na ito na maging pabebe ang mga chrcters. "X

    ReplyDelete
  7. :-D author blik nmn tayu kay ren :-D

    Thanks for the UD :-D

    ReplyDelete
  8. ayun naka habul din... maganda to.., pero sana matuloy na ung kay ren, wag namang sanang si aurlic at ren.., parang interesado si aurlic ke ren during duhat tree moment...,

    ReplyDelete
  9. Ayun oh
    Nasa kasalukuyang panahon na sila

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails