Followers

Sunday, May 3, 2015

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2 [Part 02: Chapter 17] [Part 03: 18, & 19]



GAPANGIN MO AKO. SAKTAN MO AKO. II
Written by: Cookie Cutter



Book 1: Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 I 20, 21, 22: Final Chapter | Epilogue

Teasers:  Dimitri | Riza/Jonah | Corina/Jun | Gio | Gab | PM/Arthur

_________________________________________________________________________________

 

HALIK - KAMIKAZEE


(Disclaimer: Hindi ko po pag-aari ang video at hindi ko po pag-aari ang larawan para sa kuwentong ito. For representation lang po ang mga ginagamit na materyal. Kung may hindi nagugustuhan ang paggamit ko sa mga materyal na ito, pakisabihan po ako nang matanggal agad. May mga maseselan na bahagi ang kabanatang ito. Ang sulatin na ito ay naglalaman ng sekswal na tema. May mga konsepto na hango lamang sa totoong buhay. Maraming salamat.)
_________________________________________________________________________________


Part 2: "Mga ala-ala"
Chapter 17: "Lokohin mo ako"
Isang ngiti! Isang putanginang ngiti! Isang ngiti na nagpapahayag ng 'mahal kita!'
PM Realoso

---

Chapter 17

"Mabuti naman marami tayo, at mabuti na lang corporate dinner 'to." Masamang bati ni Corina kay PM nang pumasok na si PM sa bahay ni Jun.

"Teka," pinisil ni PM ang braso ni Corina at pinahinto sa paglakad, "kung corporate dinner 'to, bakit nandito ka? Hindi ka affiliated sa NGC broadcasting, di ba?"

Winaksi ni Corina ang paghawak ni PM at tinapunan ng isang napakasidhing tingin, "Don't you ever forget I have my share merged with my husband's, na by the way, hinding-hindi mo makukuha sa akin - both ang shares at ang husband ko."

Napatawa nang bahagya si PM at umiling, "Corina, it's true, and funny, and all, until your husband actually wants me more than he wants you."

"I don't think so, PM. Precisely why he chose to marry me, right?" Ngisi ni Corina.

"And precisely why he did, because of my absence. But then again, marriage isn't even a safe-lock to loyalty. Even married men do cheat. Probably why your man visits my place every now and then."

Lumapit si Corina at tinuro sa mukha si PM, "wag na wag mo sisirain ang pamilya ko. It took me half a lifetime to build a family of my own. Kung wala kang pamilya, gumawa ka ng sarili mo! Basta wag mo gawing miserable ang ibang tao dahil sa kakulangan na meron ka!"

Hinawakan nang mahigpit ni PM ang braso ni Corina at pinisil ito sa abot ng kanyang makakaya. "Hoy, Corina. Kung pagiging miserable lang ang pag-uusapan natin, wag na wag mo kalimutan kung kaninong pamilya ang kinuha mo sa simula pa lang. Wag mo kalimutan kung kanino ka nakipagsabwatan para gawing miserable ang buhay ng tao na inapi mo. Wag mo kalimutan kung sino ang iniwan mong desperado sa huling sampung taon. Wag mo kalimutan na sa pagitan sa ating dalawa, sino ang kawawa, sino ang nawalan, sino ang nagnakaw, at sino ang salarin. Dahil sa ating dalawa? Wala akong utang sa'yo. Pero ninakawan mo pa rin ako." Tinanggal ni Corina ang pagkakahawak ni PM sa kanyang braso. Matalas ang titig ni PM kay Corina na tila ba tinutusok ang bawat hibla ng kanyang kaluluwa.

"At eto pa Corina... may sikreto akong alam tungkol sa'yo. So if I were you, kung anong iskandalo ang gagawin mo sa akin ngayong gabi, don't you ever start with it or the world will turn you upside down."

Walang kayang ibato pabalik si Corina kundi ang masamang tingin na binibigay sa kanya ni PM.

"PM, andito ka na pala!" Sigaw ni Gab kay PM nang napansin na niya ito sa may main door. Kaagad na tumalikod si Corina at naglakad papasok ng dining area habang naiwan si Gab at PM.

Kaagad na sumama ang tingin ni PM kay Gab dahil naaalala niya ang pag-uusap nila ni Nina tungkol kay Gab.

"What are you doing here? I though corporate meeting 'to ng NGC." Blangkong tono ni PM habang papasok na rin sa dining area, halatang hindi na hinintay si Gab na magsalita.

"Teka nga! Bakit ba ang bilis mo maglakad! Inimbita ako ni Jun Salviejo rito. Andito nga rin si Riza eh. Inimbita niya rin siguro kasi parang may proposal si Jun sa Magic Corp at SEA University."

"Talaga. Nakaka-excite naman." Patay na sambit ni PM habang hindi na hinintay si Gab na habulin siya.

"Teka nga PM! Iniiwasan mo ba ako?" Hinawakan ni Gab ang balikat ni PM at pinatalikod ito. "Kanina pa kita tinatawagan ngunit palagi mo pinapatay ang tawag ko? Anong ba ang problema mo sa akin? Akala ko ba bibigyan mo ako ng chance para ma-prove ko sa'y-"

"Na ano?! Na ano, Gab?! Na pwede mo pala mabilog ang ulo ko dahil pinagkatiwalaan kita? Na pwede mo akong lokohin, na pwede mo ring sundan si Dimitri sa panggagago sa akin? Iyan ba? Iyan ba ang gusto mong i-prove sa akin? Na pwede mo ako makuha dahil mahina ako?" Naluluha na ang mata ni PM dahil hindi niya man sabihin, mahirap na ngayon sa kanya na sagutin at kontrahin si Gab.

"Anong ibig sabihin mo?" Clueless na tanong ni Gab.

"Sana hindi na lang kita pinapasok ulit sa buhay ko Gab. I guess kahit wala ka, I could have still done all these things and came up with a conclusion myself. After all, katulad ka rin pala ni Dimitri. I should have known better. Then again, I forgot, magkaibigan pala kayo noon. Birds with the same feathers, flock together." Malungkot ang titig ni PM na tila ba nag-dedeklara ng pagsuko. Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Gab sa kanyang balikat at diretsong sa dining table kung saan nakaupo na si Sheldon, si Jun, si Dimitri, katabi si Corina, si Gio at kaharap ni Corina si Riza. Sila na lang ni Gab ang kulang.

"Take a seat, PM!" Bati ni Sheldon, kaagad na naupo si PM sa kabilang side ni Sheldon. Hindi na rin nagpaunlak ng tingin o bati si PM sa tao. Maliban kay Dimitri at Riza na kanina pa naghihintay na tingnan sila pabalik. Si Gab naman ay sumunod kay PM, naupo katabi si PM.

"Naligaw ka yata PM?" Provoking na tanong ni Jun.

"Probably pwede naman kasi sa Manila na lang tayo mag-corporate dinner. Bakit dito pa sa malayo." Pagmamaktol ni PM. Maya-maya, lumabas na ang mga maid ni Jun at nagserve na ng pagkain sa kanilang lahat isa-isa.

"Dito kasi yung bahay ko. And I want to show you guys this old mansion that I have."

"E di sana pinicture-an mo na lang at inupload mo sa facebook kung pagyayabang lang naman ang point mo dito, Sir Salviejo." Diretsong sagot ni PM.

"At teka, bakit andito si Riza at Gab? I thought this is a corporate meeting between NGC members?" Masamang tanong ni PM.

"Because, I want to propose something to Magic Corp and South East Asia University." Sagot ni Jun.

"Wow, nakaka-excite naman." Sumubo na ng pagkain si PM.

"Shut the fuck up!" Sigaw ni Corina kay PM, "we are here to act civil and professional. So please lang PM, stop being the arrogant prick that you always have been in front of professional people! We don't care where you come from, how you've been brought up, or how are you doing now, none of us actually cares - just shut up!" Dire-diretsong sigaw ni Corina.

Napuno na sa galit si PM dahil bumabalik sa isipan niya ang mga rebelasyon na kanyang nalaman.

Tinignan niya si Jun, si Dimitri, si Monte, si Corina, at nagbuntong-hininga.

"I'm sorry, Sheldon." Sabay tingin kay Sheldon. "I can't do this. Bigyan mo na lang ako ng minutes sa meeting niyo because I don't think I'm civil and professional right now." Sarkastikong sambit ni PM sabay tingin kay Corina.

"No! Your input is really important in this event. May I ask you to please seat down?" Panunuyo ni Sheldon.

"PM, please?" Sabi ni Gab.

Walang nagawa si PM kaya bumalik na lang siya sa pag-upo sa kanyang pwesto. Habang masayang nag-uusap at kumakain ang mga tao ilang minuto ang dumaan, hindi na niya nakayanan ang sakit ng damdamin dahil ngayon niya lang naramdaman muli ang sidhi at galit sa mga taong nakapalibot sa kanya.

Biglang nag-flashback sa utak niya si Martil at si Angela, at inisa-isa ang mga rebelasyon na nasa utak niya. Tahimik siya at nakatingin lang kay Riza na tahimik din at nakatutok kay Corina. Kay Gab na titig ng titig kay Dimitri. Ang palaging nagsasalita si Jun, si Sheldon, si Corina, at si Dimitri lang. Pinag-uusapan nila si Monte na masayang kumakain.

"I can't do this." Sambit ni PM sabay tapon ng kutsara sa mesa. Natahimik ang mesa at lahat ng mata nakatingin sa kanya.

"What is the problem, Tito PM?" Tanong ni Monte kay PM.

Tumingin si PM kay Monte at wala siyang mukhang naalala sa bata kundi... mukha niya.

Tumingin sa ibang direksyon si PM at tinawag ang maid nila Jun. Kaagad na dumating ang maid at tumayo sa likod ni PM.

"Ate, pakikuha muna si Monte sandali. Maglaro muna kayo sandali sa labas. Please lang."

"No!" Sigaw ni Corina, ngunit hinawakan ni Dimitri ang kanyang kamay at tumango - senyales na gawin ng maid ang utos ni PM. Ginawa naman ng maid ang utos ni PM at nilabas si Monte.

"What is it, PM? May gusto kang sabihin?" Tanong ni Sheldon na tila curious sa inasal ni PM.

"Marami. Maraming-marami. Where should I start?"

"I learned, Sheldon, na may sikreto kang tinatago sa buong mundo. Am I right?" Panimula ni PM.

"What do you mean?" Tanong ni Sheldon.

"Oh, come on. You know exactly what I mean. Felicilda Arturo? Naalala mo pa ba siya?" Panghahamon ni PM.

"W-What about her?" Tanong ni Sheldon.

"Sige, dahil ayaw mo umamin, I will break it down for you. Felicilda Arturo, one of the most promising reporter in the history of NGC, bigla lang nawala. No traces, no evidence. She's assumed lost, pero the truth is, she had a secret." Kaagad na kinuha ni PM ang kanyang brown envelope na pinaglagyan niya ng lahat ng document ng kanyang imbestigasyon at nilapag ito sa mesa.

Kumuha siya ng papel at tinapon kay Sheldon.

"Basahin mo iyan. Iyan ang love letter na binigay ni 'Eugenio' kay Felicilda after nung nagtago na si Felicilda. Truth be told, Eugenio and Felicilda are sweethearts, until Eugenio got Felicilda pregnant. Dahil dito, since you were once conservative, Sheldon, as CEO of NGC, napagdesisyunan mo na itago si Felicilda from the public eyes para mapreserve ang dignindad ng NGC. But in all honesty, it shouldn't have actually mattered. You could've hid her and put her back in position instead after niyang manganak. But you were paranoid, Sheldon. You fired Felicilda."

"What the fuck. How did you learn about that?" Kinakabahang tanong ni Sheldon.

"Oh trust me, Sheldon. I am THE PM Realoso. Back to my story, I learned na hindi pinanagutan ni Eugenio si Felicilda. Because Eugenio was arranged by his parents to marry another girl. And Eugenio actually liked the idea kasi mayaman ang bagong babae. Since mahal ni Eugenio ang pera kaysa kay Felicilda at ang magiging anak nila, hindi mahirap itakwil at gawing tanga si Felicilda. Kinuha mo siya Sheldon, kinupkop mo bilang maid para mawala ang atensyon ng publiko sa most promising reporter mo na nabuntis. You also felt the responsibility to help Felicilda out kasi tinakwil ng mga magulang ni Felicilda ang nag-iisang anak nila. Ngayon, naging maid si Felicilda sa inyo, for some reasons, hindi kinaya ni Felicilda ang manatili sa inyo. I only thought of either inabuso niyo siya, or number two, binabantaan na ni Eugenio si Felicilda. Ang gago lang ng Eugenio na yan, pagkatapos buntisin, at iwan si Felicilda, binabantaan niya pa."

"H-Hindi ko alam PM kung p-paano at b-bakit lumayas si Felicilda. All I know, is lumayas lang siya." Pagdepensa ni Sheldon.

"Pabalik-balik ba si Eugenio sa bahay niyo? Alam ba ni Eugenio na kinupkop mo ang nakakaawang Felicilda? Yes or no?"

"Yes." Sagot ni Sheldon.

"Makes sense. Kaya pala lumayas si Felicilda sa bahay niyo shortly after. For some reasons, napadpad siya ng Ronamblong. Probably gusto niyang tumakas kay Eugenio dahil abusado ito, o dahil binabantaan niya ito. Sa Ronamblong na pinanganak ni Felicilda ang kanyang anak. Sa tulong ng mga fixers doon sa probinsya, binago niya ang pangalan niya from Felicilda Arturo to Liza Manlangit."

"At ang anak niya?" Tanong ni Riza.

"Naging Mikee Manlangit. Ang babae ay sinadya niyang tawaging 'Mikee' para kung sakaling habulin man siya muli ni Eugenio, hindi malalaman ni Eugenio na si 'Mikee' pala ang pangalan ng anak nila. Dahil salat sa pera at oportunidad si Liza Manlangit, wala man lang siyang pwedeng ipakain sa kanyang anak na si Mikee. Ang solusyon? Pinaampon niya si Mikee Manlangit."

"Kanino?" Tanong ni Riza.

"Pero bago tayo pumunta sa kwento kung kanino pinaampon ni Liza si Mikee. May iilang bagay muna kayo na dapat malaman. Si Ramon Arturo, ang may-ari ng Arturo Feathers Hotel, ay naging incompetitive sa kumpanyang tinayo niya. At you know what they say: 'we all want to be CEO's.' What happened, dahil ama din naman si Ramon Arturo, naging depressed siya. Naging incompetitive sa pamamahala sa Arturo Feathers. Kaya natanggal sa pusisyon si Ramon Arturo at may bagong powerful woman rose to power and changed the identity Ramon founded."

"Changed to what?" Tanong ni Sheldon kay PM.

"From Arturo Feathers Hotel... to Diamond Hotel Chain." Sabay tingin kay Corina. Lahat ng tao sa mesa, pati ang mga maid, nakatingin kay Corina.

"How did you know about that? You are lying!" Tumayo at nagsisisigaw si Corina.

"Oh I know Corina. I know very well. You should have known the history of the company you are failing to handle right now."

"I can't have any of these bullshit."

"Sit the fuck down! Hindi pa ako tapos, and I am your guest so you should pay some respect!" Sigaw ni PM kay Corina. Nagtitigan sila ni Corina hanggang sa naupo si Corina.

"And as you have all guessed, pinaampon ni Liza Manlangit ang kanyang anak na si Mikee Manlangit kay Miss Giligan, who happened to change Arturo Feathers to Diamond Chain Hotel. And since only child lang si Corina..."

"Ampon ka!" Sigaw ni Riza kay Corina.

"Tama. Ikaw si Mikee Manlangit, Corina. Pagkatapos kang ibigay sa nanay mo kay Miss Giligan, may nakilalang lalake si Liza Manlangit. Inibig niya ito ng husto at nagkasama sila. Ngunit tumatagal... namimiss ni Liza si Mikee. Siyempre, ina rin naman siya kahit papaano. Pero dahil sa hirap ng buhay, at hirap ng iba't-ibang trabaho na sinuong ni Felicilda para lang mabuhay, umiba ang mukha niya. Umiba ang mukha niya na hindi mo ito nakilala Sheldon. Si Liza ay bumalik sa inyo, bilang maid, dahil buntis ang asawa mo noon. Matapos ang dalawang taon na lumayas si Felicilda sa inyo noon Sheldon, bumalik siya bilang Liza Manlangit, at hindi mo man lang ito napansin."

"At ninakaw niya ang anak namin! Ang nag-iisang anak namin ng asawa ko!" Sigaw ni Sheldon sabay iling.

"Tama. Dahil namimiss niya si Mikee Manlangit. Nang makuha na niya si Gustav Grandyaryo, bumalik ito sa Ronamblong, at nagbago muli ng pangalan para hindi matunton ni Eugenio. Sa Ronamblong, ang bagong pangalan ni Liza Manlangit ay.... Martil Montemayor."

Bumaba ang mga panga ni Gio, Gab, Riza, Dimitri, Corina, at ni Jun Salviejo. Nanlaki ang kanilang mga mata maliban kay Sheldon Grandyaryo.

"Tapos?" Interesadong tanong ni Sheldon.

"For some reasons, natunton muli ni Eugenio si Felicilda or Liza or Martil Montemayor. Masaya nang nakatira at namumuhay si Martil sa tabing-dagat nang natunton siya ni Eugenio. Sa Ronamblong shore, dinala ni Eugenio ang kanyang asawa at ang anak niya sa babaeng pinakasalan niya. Ginugulo ni Eugenio si Martil, at may pampadagdag gulo pa... Na-in love ang nobyo ni Martil at asawa ni Eugenio sa isa't-isa - dahilan nang lumalagong galit ni Eugenio kay Martil. Magtatanan na sana ang dalawa nang isang napakalagim na aksidente ang nangyari... vehicle accident. Hindi nabuhay ang dalawa. Dahil dito, araw-araw sinisisi ni Eugenio si Martil, at ang pagmamahal na nararamdaman niya sa anak nila... araw-araw nagiging galit. So ano ang solusyon ni Eugenio para makaganti sa pagkawala ng asawa? Tinangka niyang sunugin ang bahay nila Martil... kasama ang bata na ninakaw niya mula kay Sheldon."

"Putang ina..." Sambit ni Dimitri nang magflashback sa utak niya ang ala-ala nang una niyang nakita si Angelo noong bata pa siya.

Dinabog ni Sheldon ang mesa at napatingin sa kanyang bisig.

"But wait, di pa tayo nagtatapos diyan. Nagsisimula pa lang ako sa kwento ko." Ngumisi si PM at napatingin kay Corina.

"Dahil nawalan na ng tirahan si Martil at ang kanyang anak... at nawalan pa sila ng father-figure, napilitan silang lumipat ng tirahan na nasa puso ng probinsya. Di naman maitatawag na siyudad, pero hindi rin naman puno ng kahoy ang paligid nila. Doon lumaki ang bata na ninakaw ni Martil at trinato niyang anak. Hanggang sa hindi pa rin nananahimik si Eugenio, at binantaan pa si Lita - isa sa mga tumulong kay Martil na mag-fix at baguhin ang identity. Maraming taon ang lumipas, hanggang sa bumigay na si Lita. Dahil sa pagkamatay ng asawa ni Donna, nabaliw si Donna at kinailangan ipasok sa shelter. At dahil kay Lita, natunton ni Eugenio si Martil sa tabingdagat. Ngayon na nananahimik na si Martil, bumalik muli si Lita... ngunit ngayon, para ipakupkop kay Martil ang sanggol ni Lita, na tawagin na lang nating Angela. Hanggang sa nawala na si Lita, at di na naibalik sa kanya ang kanyang anak na babae. Ngayon, e di siyempre, lumaki na si Angela, Martil, at si Gustav. Alam niyo ba kung ano ang pangalan na binago ni Martil para hindi mahuli ng mga otoridad na siya ang nagnakaw kay Gustav?"

"Angelo. Angelo Montemayor." Sambit ni Gio.

"Tama! Tama, ang talino mo gago ka! Oo. Si Angelo Montemayor si Gustav Grandyaryo!" Sigaw ni PM na may halong sarkasmo.

"Eh nasaan na ang anak ko? Nasaan na si Angelo Montemayor?!" Tanong ni Sheldon. Naluluha na siya at nanginginig na ang kanyang kamay.

"Teka lang, tanda. Chill ka muna. Mahaba pa ang kwento ko. So ayun, may dating kaibigan si Angelo Montemayor, na napakabait, na tawagin na lang natin sa pangalang Gio Gabriel Santos." Napatingin lahat ng nasa mesa kay Gio.

"Sabay silang dalawa pumasok sa South East Asia University kung saan nakilala at naging nobya ni Angelo ang napakagandang pusit na si Corina Giligan. Sa mga panahon din na iyon, naging mag-roommates si Dimitri Salviejo at Angelo Montemayor. Kung magkikita si Angelo Montemayor at si Corina Giligan, dahil nga roommates sila ni Dimitri Salviejo, nakikita rin ni Dimitri si Corina paminsan-minsan... Minsan nga lang ba? Ewan ko di ako informed eh." Bahagyang tumawa si PM.

"Akala ni Angelo na mahal din siya ni Corina, ngunit it turns out may ibang lalake pala si Corina. So hindi lang ito pinansin ni Angelo. Siyempre, dahil tao lang din si Angelo Montemayor, inunsulto niya si Corina dahil nasaktan niya ito. Dumaan ang panahon, nababakla na yata si Dimitri at si Angelo sa isa't-isa. Nagchupaan sila, nagkantutan sila, at marami pang iba. Ang saya-saya ni Angelo noon at tila wala na siyang ibang problema na iisipin pa. May mga ups and downs din, ngunit akala talaga ni Angelo na okay lang lahat at wala siyang problemang iisipin. Kahit pinahiya at ginago ni Dimitri si Angelo nang ilang beses nang nasa relationship pa silang dalawa, tinanggap lahat ito ni Angelo at minahal ng wagas si Dimitri. Ngunit habang lumilipas ang panahon, napapansin na ni Angelo na kakaiba na ang kilos ni Dimitri. Hindi na ito sweet, hindi na rin romantic, tila ba wala na lang sa kanya lahat ng pinagdaanan ng dalawa. Hanggang sa may aksidenteng nangyari kay Angelo, nagahasa siya sa isang debate open sa Singapore, tinurukan ng drugs, at pinalabas na consented ang sex. May sex video pa! Dahil dito, mas lumala ang bawat hampas, suntok, at mga salita ni Dimitri kay PM. Teka, na-mention ko na ba na kahit ang best friend ni Angelo na si Gio ay iniwan din siya para mag-artista? Dahil ayon kay Gio 'hindi niya kaya magkaroon ng best friend na bakla'? Nakakalungkot, 'no? Pipiliin ang trabaho kaysa sa kaibigan. Dahil dito, walang ibang inaasahan si Angelo kundi ang bestfriend din ni Dimitri na si Riza. Si Riza lang ang katuwang ni Angelo sa lahat ng bagay. Kay Riza rin nalaman ni Angelo na patay na patay pala si Dimitri kay Corina Giligan noon pa. Ang you guessed it! May relasyon pala si Corina at Dimitri all these times! Niloko ni Dimitri si Angelo at pinagmukhang tanga, inabuso, at ininsulto sa harap ng maraming tao. And alam niyo kung ano pa ang mas malala?"

Tumingin si PM kay Gab at ngumisi, "pati ang sariling best friend ni Angelo, tumulong kay Dimitri sa pang-aabuso nito. Kahit lang man delikadesa na wag na makigulo pa, sana binigay niya kay Angelo. Pero wala eh. Walang karespeto respeto si Gio kay Angelo. Ay oo! May nakalimutan ako. Eto pala ang mga panahon na nakidnap, nawala, at namatay ang trinatong kapatid ni Angelo - si Angela. Eto rin yung panahon na nabaril sa lalamunan si Martil dahilan nang hindi siya makapagsalita. Eto rin yung panahon na may tumangkang sumunog kay Martil Montemayor. Alam niyo ba maliligtas talaga iyon ni Angelo yung nanay niya eh. Ang lapit talaga! Sobrang lapit. Tapos alam niyo kung ano na lang ang sinabi ng nanay niya sa kanya?"

Tumingin lahat ng nasa mesa kay PM.

"Isang ngiti! Isang putanginang ngiti! Isang ngiti na nagpapahayag ng 'mahal kita!'"

"Eto pa, dahil kalat na sa buong campus ang sex video ni Angelo Montemayor, kahit saan siya pinagtatawanan siya, naiinsulto. Ngunit dahil sa lahat ng sakit na naranasan niya, balewala na lang lahat. Dagdag pa na palaging iniinsulto ni Dimitri at Gio at Corina si Angelo Montemayor kahit saan siya pumunta. Pero alam niyo kung ano ang kumikirot sa puso ni Angelo? Na kahit anong mga nangyari... minahal pa rin ni Angelo si Dimitri - kahit naloko siya at pinagmukhang tanga - mahal pa rin ni Angelo si Dimitri. Pero anong ginawa ni Dimitri? Tinapon niya lang si Angelo na parang basura."

At tumulo na ang unang luha ni PM habang nakaplastar pa rin sa mukha niya ang isang inosenteng ngiti.

"Isang gabi, nagdasal si PM. Nagdasal siya, dalawang linggo bago ang graduation nila, na sana maayos ang lahat. Alam niyo kung anong dinasal ni PM? Na sana nasa maayos na lagay si Corina, si Dimitri, si Gio, si Martil, si Angela, si Riza, si Gab. Kahit na nawalan si Angelo... ibang tao pa rin ang inisip niya. Sila-sila pa rin ang pinili ni Angelo na isali sa mga dasal niya. Ngunit paglabas ni Angelo ng simbahan... andoon sa labas si Corina at si Jun Salviejo."

Nanlaki ang mga mata ng mga tao na nasa mesa at kaagad na napatingin kay Jun.

"At kung di niyo nahuhulaan? Umamin ang dalawa na sila ang salarin sa pagkawala ni Angela, sa pagkakabaril kay Martil, sa pagkasunog ni Martil, at sa panggagahasa kay Angelo. Planado na nila ang lahat simula noong first year college pa si Angelo."

"Sinungaling! Hindi iyang totoo!" Sigaw ni Jun sabay tapon nang nanlilisik na tingin.

"Sinungaling na kung sinungaling Jun. Pero malas niyo lang dahil may recordings ako sa pag-amin niyo. Baka nakakalimutan niyo na bago ako nagdasal, bago ako nabugbog dahil hindi ako tinulungan ni Dimitri, galing ako sa isang organization para tumulong magdocument. I got all your confessions in this tape. At may copy pa ako just in case you plan on destroying this."

Sabay tapon ni Angelo sa tape sa mukha ni Jun.

"And may CCTV pa malapit sa pier kasi den pala yun ng smugglers. So sa halip na smugglers ang nakunan sa CCTV, mga murderers. At saka may isa pang ebidensiya na makakapagtunay sa mga ginagawa niyo."

"O ano nga? Sige, patunayan mo bakla!" Sigaw ni Corina.

"Oo, patutunayan ko talaga, mamamatay-tao!" Naghubad ng shirt si PM at tumalikod sa mga tao.

"Kita niyo yang peklat na iyan? Sa may gilid ko, diyan ako sinaksak ni Jun. Tatlong beses. Ang bobo niya naman kasi Swiss Knife lang ang ginamit niya. Next time Jun, Gumamit ka ng kitchen knife."

Nanlaki ang mga mata ng mga tao at napatingin kay Jun at Corina na di magkamayaw itago ang kahihiyan na nararamdaman nila.

"But wait! While malapit na akong mamatay, may nagligtas sa akin... siya, kasama ang assistant niya na si Grace, ang kumuha saken mula sa dagat habang duguan pa ako mula sa saksak na natamo ko. Di ko pala namention sa inyo na si Corina ang nagtulak sa akin sa dagat. Pareho kayong mamamatay-tao dalawa! Eto ang CCTV recording kung nagdududa pa kayo! Hindi niyo siguro napansin ano na habang pinagtutulungan niyo na ako, nakatingin ako sa taas kung saan napansin ko sa kisame may CCTV camera. Di ko lang magets kung bakit walang nagreklamo sa inyo habang nawala ako, pero siguro wala na ring paki ang mga taga-pier. Anyway, naligtas ako at sa US ako nanirahan. Doon ako lumaki, doon ako namulat na kaya kong magpakatatatag."

"So, teka lang. Ikaw si Gustav?" Tanong ni Sheldon sabay patak ng luha niya.

"Definitely." Sabay pakita ni PM sa kanyang necklace na may locket. Tinanggal niya ito sa pagkakatali sa kanyang leeg at tinapon kay Sheldon. Nakuha naman ito ni Sheldon at binuksan ang locket.

"Sinong nagbigay sa'yo nito?" Tanong ni Sheldon.

"Eh di ang nagnakaw saken." Sagot ni PM.

"At putang ina ka Jun, pinatay mo pa talaga siya!" Tumayo si Sheldon at kaagad na sinuntok si Jun sa mukha. Natapon si Jun sa sahig at yumuko.

Nagkakagulo na. Si Gio, Dimitri - lumuluha. Si Riza at si Gab, tulala. Si Corina, tulala.

"Pero anyway, may tanong ako. Anong meron at paano nagkakaisa si Jun at si Corina para patumbahin si Angelo? Para patumbahin ako? Simple... sex."

At nanlaki ang mata ni Riza.

"Oo. Sa totoo lang. Nung naisipan ko puntahan ang isang clinic dito para magpatingin sa therapist, may file akong nakita. File ni Corina. Blood type AB ka raw Corina, tama ba?"

Dahan-dahan tumingin si Corina kay PM at naluluha na.

"Tama na PM, please-" Iyak ni Corina.

"Blood type AB ka ba o hindi?!" Sigaw ni PM.

"OO! BLOOD TYPE AB AKO!" Sigaw ni Corina.

Tumawa si PM. "Tumatanda ka na lang Corina, sinungaling ka parin. Naging nobyo mo ako, at ayon dito sa birth certificate mo, na binigay ng nanay mo na di mo binibigyan ng respeto, hindi ka blood type AB."

"Why does it matter, anyway?" Tanong ni Jun.

"It does. It matters. Anong blood type ni Monte, Dimitri?" Tanong ni PM kay Dimitri.

"AB." Sagot ni Dimitri.

"At ano ang blood type mo? Pure blood type AA ka ba o may halong recessive O ka? AA ka ba or Ao?" Tanong ni PM.

"Blood type Ao." Sagot ni Dimitri.

"May mali kasi Dimitri eh. Alam ko at ayon sa records dito, blood type AA si Corina - parehong dominant. At negative na magiging AB siya dahil kilala ko siya. Okay fine, di man ako magaling sa genetics, pero alam ko kung paano mag-punnet square. Kung AA si Corina, at Ao ka, ang posibilidad ng magiging anak niyo ay 50% AA at 50% bloodtype Ao."

(Insert punnet square here)

"So saan galing ang blood type AB ni Monte?" Tanong ni Riza na tila naliliwanagan.

"Exactly. Kung base sa blood type ni Corina at Dimitri, I mean totoong blood type Corina, saan lalabas ang AB ni Monte? Maliban na lang kung niloko mo si Dimitri... Nagresearch ako at napag-alaman ko na para ang isang blood type AA, magkaroon ng anak na bloodtype AB, kelangan blood type BB, Bo, or AB ang ka-mate ni Corina. But, Ao si Dimitri. So definitely hindi anak ni Dimitri si Monte. I'm not sure, but then again, punnet square usually is created for determining the traits of peas and plants, so you may disagree with me. After all, I'm not an expert. But I sure am not stupid."

"Totoo ba to Corina? Umamin ka?!" Sabay hawak sa braso ni Corina.

"Bitawan mo ako Dimitri! Nagsisinungaling yang baklang iyan! Gusto niya lang tayo sirain!" Iyak ni Corina sabay waksi sa kamay ni Dimitri.

"Oh, yes. Totoo talaga lahat. Kung idedeny mo pa ito Corina, irerelease ko sa authority ang recording ng pag-amin ng OB-Gyne mo na pineke niya ang blood type mo. Sigurado malpractice to at matatanggalan siya ng lisensiya. So umamin ka na, o ako ang magpapatuloy sa kwento." Ngumisi si PM nang matuyo ang kanyang luha.

"Hindi! Hindi yan maaari!" Sigaw ni Corina.

"Okay. You leave me no choice. Ganito na lang. I mentioned Jun and Corina tried to kill me 2 weeks before my graduation. But kung itetrace ko ang conception ni Monte, most likely may Monte na around that time. Which by the way, Dimitri was so busy taking care of a lot stuff. So kung around that time nangyari si Monte, at kung si Dimitri too busy to have sex to comply requirements... who the hell impregnated you Corina?"

"Sagutin mo!!!" Sigaw ni Dimitri kay Corina.

"Oh, teka. I forgot. Jun is blood type AB." Ngumiti si PM kay Jun.

BAAAAG! Dinabog ni Dimitri ang mesa at napasubsob si Dimitri sa kanyang mga palad.

"I'm sorry, Dimitri... ginawa ko lang naman iyon para sa'yo eh..."

"I can't hear any of this." Nagwalk out si Dimitri at napatingin lahat ng tao.

"Wait! Meron ka pang hindi naririnig Dimitri." Nang-iinis si PM at huminto sa paglalakad si Dimitri at hinarap ang lahat ng tao na nasa mesa.

"I forgot to mention na ang lalakeng nakabuntis, naging nobyo, nang-iwan, at gumagambala kay Martil or Liza or Felicilda... ay nandito lang sa mesa na ito - tama ba ako Jun?" Isang matalas na nanghahamon na tining ang tinapon ni PM kay Jun.

Mistulang mahuhulog ang panga ni Riza at kaagad siyang sumigaw. "Kung si Jun si Eugenio, at anak niya si Mikee na si Corina, at anak ni Jun si Dimitri sa ibang babae... Jun impregnated his own daughter at pinakasal pa sa sariling anak na si Dimitri!"

"What. The. Fuck." Sambit ni Sheldon.

"Isa kang malanding higad Jun. Dahil sa sakim na nasa puso mo, nagkanda-leche leche ang buhay ng mga tao sa paligid mo. Nabuntis mo ang sarili mong anak at pinakasal mo ba ang half-siblings. Should you have fought for my mom noon pa, should you have showed your balls and be more a man you were, hindi sana magaganito lahat. At ngayon na nangyari na ang mga nangyari dahil sa mga kagagawan mo, you should know na ikaw ang puno't dulo sa lahat ng problema meron tayo ngayon-" Sambit ni PM.

"Mommy, why are you crying... please don't cry..." Lumapit mula sa sala si Monte at kaagad na niyakap ang kanyang ina. Ang imahe ng anak na mahal na mahal ang anak ay tila football na tumama sa puso ni PM. Kaagad siyang tumayo at naglakad palabas ng bahay. Hindi magkamayaw ang kanyang luha sa pagpatak. Pumasok siya sa kanyang sasakyan at doon binuhos ang lahat ng sakit.

---

"Dimitri, babe, I'm sorry..." Umiiyak si Corina habang nilalapitan si Dimitri mula sa kanyang likod nang nasa garden si Dimitri, nagmumuni-muni.

"I can't believe you lied to me, Corina. You lied to me to the point na hindi ko pala anak si Monte. Matagal mo na ba 'tong alam?" Mahina ang tono ni Dimitri habang nakaupo sa bench. Tumabi si Corina sa kanya at patuloy pa ring umiiyak.

"Oo... matagal na. Kaso, I didn't want to tell you dahil ayokong iwan mo ako. I love you too much Dimitri na kahit mag-away tayo, o kahit magsigawan tayo, o kahit sinisigawan kita, mahal na mahal kita and nothing will ever change."

"Kung mahal mo ako, why'd you have to lie? Akala mo ba di kita matatanggap kung sasabihin mo sa akin ang totoo? To tell you honestly Corina, nagdadalawang-isip ako simula noon kung mahal ba talaga kita o hindi. But I chose to stay with you. Nagulat lang ako nung nawala si Angelo na, everything feels different. Nung nawala siya, everything is dead. Pero ayaw ko maging manloloko sa'yo, kaya niloko ko siya para sa'yo. Kasi you were the one I've always wanted. Until such time na di ko na alam kung care lang ba ang nararamdaman ko para kay Angelo o mahal ko talaga siya. Nung nawala siya, nagdalawang isip ako kung ikaw na ba talaga. But since you love me, I might as well give it a chance, give us a chance. Minahal kita Corina, but I won't lie to you... nung nawala si Angelo, I somehow thought siya talaga ang mahal ko. I thought, baka naawa lang ako o nagiguilty lang ako sa ginawa ko, but walang oras na hindi ko siya naiisip. While we are having sex, siya ang iniisip ko. While hinahalikan kita, siya ang iniisip ko. Siya lahat Corina. Ngunit huli na nang narealize ko lahat... nasaktan ko na siya, at naiwanan ko pa siya. Iniisip ko, paano kung binigyan ko rin kami ng chance? Magiging maayos ba ang lahat? Magkakaproblema ba kami? Pero ayun nga, kagaya ng sabi ni PM kay papa, sana nagkaroon ako ng bayag para ipaglaban siya. Pero alam mo, nagpapasalamat pa rin ako. Dahil kung hindi to nangyari lahat, hindi ko marerealize na mahal ko siya, at ang nararamdaman ko para sa'yo ay parang ilusyon lang lahat. Nadala lang ako sa sarap at libog at pekeng saya." Umiiyak si Dimitri habang nakasubsob ang mukha sa mga palad.

"Wag naman ganito Dimitri, please. Mahal na mahal kita, alam mo iyan. We have spent so much together para iwan mo ako. Please..." Tumatangis na si Corina at niyakap si Dimitri.

"I don't know Corina eh. After sa mga narinig ko ngayong gabi, I don't know if you're still the same Corina that I liked before. Alam ko maldita ka, alam ko masama ang ugali mo. Pero di ko alam na mamamatay tao ka pala. Did you even say sorry to those people na nasagasaan mo? Did you even say sorry kay Angelo na labis mong sinaktan? Did you even say sorry kay Laurel na palagi mong tinatakot na tatanggalin mo ang life support ng anak niya? Corina, bakit hindi mo 'to pinakita noong mahal pa kita. Corina... sana si Angelo na lang ang pinili ko eh. Sayang!" Tuloy-tuloy ang luha ni Dimitri.

"Dimitri... please. I'm sorry. I'm sorry sa lahat ng pagkukulang ko-"

"Hindi naman ako dapat ang hingan mo ng sorry eh. Kung may utang ka sa akin, iyan ang panloloko mo. Tatanggapin naman kita kahit manloko ka pa eh. Pero iyong manakit ng iba... I don't know. I really don't know." Iyak ni Dimitri.

May papalapit na mga yapak, at sunod naramdaman ni Corina ay may humila sa kanyang buhok.

"Tumayo ka babae ka at harapin mo ako." Hinablot ni Riza ang buhok ni Corina at pinatayo ito. Kaagad niyang pinaulanan ng sampal ang mukha ni Corina at hampas sa tiyan.

"Tangina mo. Ikaw pala ang dahilan kung bakit nawala si Angelo. Ikaw pala ang dahilan bakit siya naging ganito. Ano ba ang problema mo sa kanya, ha?!" At patuloy sa pananabunot si Riza sa buhok ni Corina. Nataranta si Dimitri at kaagad siyang tumayo para pigilan si Riza. Ngunit isang malakas na sipa sa pagitan ng legs ni Dimitri ang nakuha dahilan nang napaigtad siya sa sakit na tumama sa kanya.

"Isa ka pa Dimitri. Kasalanan mo lahat eh. Di ko magets kung bakit nasasaktan ka eh wala ka namang bayag! Duwag ka di ba?! Ikaw naman Corina. Putang ina ka talaga. Wala ka nang respeto sa nanay mo, wala ka nang respeto sa asawa mo, wala ka nang respeto sa mga tao sa paligid mo, wala ka nang respeto sa sarili mong biyenan na kinantot mo, wala ka pang respeto sa sarili mo!" Sabay tapon nang napakalakas na sampal sa kaliwang pisngi ni Corina.

"Wala akong kasalanan Riza! Ginawa ko lang ang dapat kong gawin! Prinotektahan ko lang ang dapat kung protektahan-"

"Oy gaga! Wala kang prinotektahan! Kahit dignidad mo di mo na protektahan, kahit puki mo di mo naprotektahan at kahit titi ng biyenan mo, di mo naprotektahan kahit condom man lang!" Sabay tulak kay Corina paatras. Napaupo si Corina dahil sa lakas ng impak at ramdam niya ang impak sa kanyang likod nung tumama siya sa bench.

Hindi pa rin binitawan ni Riza ang buhok ni Corina at patuloy pa rin siya sa paghawak nito. Nilapit niya ang kanyang mukha at bumulong kay Corina.

"Eto ang tatandaan mo Corina ah... mabubulok ka sa impyerno. At sisiguraduhin ko na sa bawat pagkikita natin, gagawin kong impyerno ang buhay mo."

"Riza, tama na!" Tinulak ni Dimitri si Riza dahilan nang nabitawan ni Riza si Corina.

"Magkikita pa tayo, Corina. Tandaan mo iyan!" Tumalikod si Riza at naglakad papalayo kay Dimitri at Corina.

---

"Sagutin mo ako, Eugenio. Bakit mo tinangkang patayin ang anak ko?" Mahinang tanong ni Sheldon nang sila na lang ni Jun ang nasa mesa.

"I'm sorry, Sheldon. Sobrang galit lang ako kay Felicilda na pati anak mo nagawa kong pagbayarin ng mga kasalanan niya." Yumuko si Jun at natatalo ang mukha.

"Kaya nga tayo nagkaaway, Jun, di ba? Dahil matagal na tayong magkaibigan. At nung nabuntis mo si Felicilda, sa halip na siya ang protektahan ko, ikaw ang prinotektahan ko. Pina-delete ko lahat ng files na nabubuhay na 'Eugenio' ang pangalan mo? At ginawa kong Jun? Sana pala si Felicilda na lang ang hinanapan ko ng solusyon. Nang sa gayon, di na sana niya ninakaw at kinuha ang anak ko mula sa akin. Alam mo ba ang pakiramdam na nangungulila sa nag-iisang anak? Alam mo ba? Ha?" Mahinang tanong ni Sheldon pero puno ng panggigigil.

"Oo. Kaya nga hinabol ko si Felicilda di ba? Kaya ko ginawa ang makakaya upang makuha ko ang anak ko."

"Pero alam mo naman pala eh na ninakaw ng Liza ang anak ko. Alam mo na ba na si Gustav ang gusto mong sunugin? Alam mo ba si Gustav ang sinaksak mo ng dalawang beses, ang tinangka mong patayin? Alam mo ba na anak ko ang gusto mong mamatay? Alam mo ba yun lahat?"

"Hindi." Yumuko si Jun, "ang alam ko, akala ko siya ang anak ko. 'Mikee' lang ang alam ko, so akala ko lalake ang anak ko. Sorry talaga at tinangka ko siyang patayin... Patawarin mo ako pare..."

Kaagad na kwinelyuhan ni Sheldon si Jun at sinuntok ito ng maraming beses.

"Hindi ka naman ganyan noon pare ah! Anong nangyari sa'yo! Mabait ka Eugenio! Mabait ka! Alam ko kung paano mong pinahahalagahan si Felicilda. Ngunit simula nang nag-offer sa'yo ng pera para pakasalan siya, umu-oo ka. Bakit?!"

"Dahil mahal ko rin siya..." Sagot ni Jun. Kaagad na binitawan ni Sheldon si Jun at tinulak.

"Gago ka talaga eh, kahit kailan... Pati ako Jun, sinali mo sa kabobohan mo. Mahigit twenty years ang ninakaw niyo ni Felicilda sa anak ko. At ngayon, all this time, andito lang pala siya, katrabaho ko pa! Pero di ko man lang siya nakilala, dahil sa katangahan mo, nagtago siya sa galit! Alam mo ba iyon kung gaano kasakit bilang ama?!"

"Pasensiya na..."

"Wala ako sa mga birthday niya, wala ako sa first words niya, wala ako nung matuto siyang maglakad, wala ako noong grumaduate siya... Pare naman eh - ang daming kulang sa buhay niya na wala ako! Ang sakit!"

"Alam ko naman iyan Sheldon eh. Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayong nakita ko na ang anak ko... ang anak ko na binaboy ko at naanakan ko pa? Akala mo ba madali sa aking tanggapin lahat? Akala mo-"

"Pinili mo iyan eh! Pinili mong buntisin si Felicilda! Pinili mong hindi panagutan ang anak niya! Kahit ako si Felicilda, hinding-hindi mo na talaga makikita ang anak ko kung hindi mo man lang ako kayang bigyan ng respeto. Pero ako pare... hindi ko pinili na kunin ni Felicilda ang anak ko. Biktima ako pare!! Biktima lang ako sa problema niyong dalawa! Tama si PM, kung pinili mo lang na panindigan si Felicilda, hindi sana tayo malilito lahat!"

"Pare, di ko alam ang gagawin ko Sheldon..."

"Sinimulan mo 'tong problemang 'to, tapusin mo 'to mag-isa. Ginusto mo ito eh." Tumayo si Sheldon at naglakad palabas ng bahay.

Naiwan si Jun nakaupo.

---

"Gab, dito na lang ako. Kita kita na lang." Ngumiti nang malungkot si Gio at tumango.

"Sige, Gio. Puntahan ko na lang si PM." Tumango si Gab kay Gio.

"Teka lang, Gab!" Pagtawag ni Gio kay Gab, "total, matagal-tagal na rin tayong magkakilala. At alam kong mapagkakatiwalaan ka naman, at alam kong nagkakamabutihan kayo ni Angelo... ikaw na ang bahala sa kanya para sa akin, please? Parang hindi na niya ako kailangan eh. Kasalanan ko naman siguro kung bakit ang dumi na ng mukha ko sa kanya. Kung tumayo lang ako sa gilid niya all those times, siguro mag-iiba ang sitwasyon. Di na sana siya napahamak, di na sana siya namatay, di na sana siya naging PM, at di sana siya magagalit sa akin." Lumuha si Gio.

"Ganoon talaga Gio eh. Di natin alam kung ano iyong gusto natin, o ano iyong mga gagawin natin not until may mga masasamang pangyayari. Ang sakit, kahit ako na di naman talaga kami naturally close ni Angelo, nararamdaman ko ang hapdi niya sa bawat pagtulog namin. Kailangan niya ng kaibigan, kung sana lang din mas hinigpitan ko pa ang pagbabantay sa kanya noon, di sana siya nacorner nila Corina eh. Ako kasi yung huli niyang kinausap bago siya nawala."

"Dami nating palpak, 'no. Kawawa talaga si Angelo. Palaging siya ang nagiging biktima. Kahit noong mga bata pa kami, siya laging pinagtitripan ko. Ngayon... hayyy. Gab. Basta. Mahalin mo siya please."

"Ewan ko Gio eh... Sige una na ako." Pumasok sa sasakyan si Gab at nagbuntong hininga.

Siguro kakayanin ko pa... At sana kayanin din ni PM. Pinaandar ni Gab ang sasakyan at binaybay ang daan.

---

gab489: Hey. Sorry. Miss na miss na kita.

Nagulat si PM na nagmessage si gab489 sa kanya dahil matagal na itong di nagpaparamdam.

montemayor88: Wow naman. Kung kailan nawala, dun lang kakausap pagkatapos.
gab489: Hindi naman ako nawala Angelo ah. Ikaw lang talaga iyong pinagsasarhan ako ng pintuan sa bawat chance na nilalapitan kita. Wag mo na ako sarhan ng chance, please?
seen

Putang ina mo Gab. Sweet ka sa akin sa chat tapos malalaman ko lang na ikakasal ka na? Bobo ka ba.

Lumagok ng beer si PM habang nakaupo sa sofa.

Swerte ka mahal kita. Kaya hindi ko kayang magalit sa'yo. Actually kaya ko, pero.. ah basta!

Nagpalipat-lipat ng channel si PM hanggang sa may narinig siyang katok sa kanyang pintuan. Lumapit siya at binuksan ang pintuan.

"Good evening." Nakita ni PM si Gab na nasa harap ng pintuan niya at nakangiti.

"What the fuck, Gab, what are you doing here? It's like 11 in the evening. Go home." Ngunit binuksan pa rin ni PM ang lock at naupo muli sa sofa.

"Thanks. Wala lang. Dinalhan lang kita ng pagkain kasi I noticed hindi ka kumakain kanina. Umiiyak ka pa rin ba?" Tanong ni Gab matapos ilock ang pinto ni PM at tumabi rito.

"Di na.Ilagay mo na lang ang pagkain sa mesa at umalis ka na." Seryosong tono ni PM at di man lang tumingin kay Gab.

Tahimik lang ang dalawa ngunit ramdam nila ang tensyon.

"Teka nga PM," humarap si Gab kay PM, "bakit mo ba ako iniiwasan? Ano ba ang problema mo? May gusto ka ba sabihin sa akin para maliwanagan tayong dalawa? Wag naman tayong ganito oo. Last week, hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Gusto ko makipagkita sa'yo, hindi mo ako pinapansin. Kanina, ayaw mo ako kausapin. May nagawa ba akong mali?"

Oo! Meron Gab! Nahuhulog na ako sa'yo. Nahuhulog na ako sa'yo kung kelan ipaparaya na kita sa iba!

"Mamimiss kita, Gab." At kaagad na sinunggaban ni PM ang mga labi ni Gab. Ginantihan naman ni Gab ang mga halik ni PM.

At sa gabing iyon, pagmamahal ang nanaig.

Itutuloy...



Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2

_________________________________________________________________________________

Part 3: "Bahaghari"
Chapter 18: "Chances"
Humihingi ako ng chance na sa Angelo, bigyan mo ako ng chances para matuwid ko lahat ng pagkakamali ko sa'yo
- Gio Santos

---

Chapter 18


"Good morning PM." Hubo't-hubad si Gab at nagnakaw ng isang halik sa katabi niyang si PM dahilan para magising ito. Bahagyang binuka ni PM ang kanyang mga mata at kinusot upang matanggal ang mga muta at dumi na nasa kanyang mata dahil sa pag-iiyak kagabi.

"Good morning Gab. Nag-ano tayo kagabi... right?" Nahihiyang tanong ni PM.

"Uhhhh..." Awkward na panimula ni Gab para isipin kung paano sasagutin ang tanong ni PM. "Fortunately, oo, may nangyari kagabi. How do you feel?" Concerned na tanong ni Gab sabay cuddle at spoon kay PM.

Putang ina Gab! I feel loved! I feel alive!!!

"I think I shouldn't feel bad about it, should I?" Tanong ni PM sabay harap kay Gab at higa sa kanyang dibdib.

"Halika nga rito. Haha, kamusta naman since kagabi?" Tanong ni Gab kay PM.

Natahimik si PM at tumingin kay Gab. Maya-maya nagnakaw ng halik sa pisngi nito. Tumawa ang dalawa at pinisil ni Gab ang ilong ni PM.

"Well... I feel vindicated Gab. Kaso, I don't feel happy." Sabi ni PM habang nilalaro ni Gab ang kanyang kamay.

"Why not?" Hinawakan ni Gab ang kanyang kamay habang hubo't-hubad silang magkatabi sa kama.

"Well... nakita mo ba iyong mukha ni Monte. Ang sakit eh. Ang sakit sa akin. I don't know if what I did yesterday was good or not. But I think in my part, it shouldn't matter anyway. Ginawa ko iyon para kay mama, para kay Angela, at para kay..." Natahimik bigla si PM.

"...para kay?" Tanong ni Gab.

"...Angelo." Kaagad na yumakap si PM kay Gab, halatang nahihiya. Binaon ni PM ang kanyang mukha sa leeg ni Gab.

"I think deserve mo naman iyon PM eh. But, please, promise me hanggang dito na lang lahat, okay? Kung pakiramdam mo may nasasaktan ka nang tao, lalo na sa mga taong kagaya ni Monte, then don't continue any longer. Please? Para sa akin. Para sa'yo. Para sa atin." Ngumiti si Gab sabay laro sa buhok ni PM.

"Yes boss. Hindi na po." Sagot ni PM habang nakabaon pa rin ang mukha sa leeg ni Gab.

---

"Good morning, PM." Bati ni Sheldon nang pumasok siya sa opisina ni PM.

"Good morning. Ano?" Blangkong tanong ni PM kay Sheldon nang naupo na si Sheldon sa sofa ni PM sa kanyang opisina sa NGC.

"Wala lang. I just want to talk about what happened yesterday." Pambukas ni Sheldon.

"What about yesterday?" Tanong ni PM habang patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho.

"Well... I just can't believe my son, the son that I've been looking for is just right around the corner. I'm sorry anak I wasn't there sa mga mahahalagang parte ng buhay mo. Pero sana naman please, give me a chance to make up all the times that we lost as a father and a son, together?"

Natahimik si PM at matalas ang tingin kay Sheldon.

"Sheldon, listen up. Let's just talk about this later. Wala ako sa mood para balikan ang mga nangyari kagabi. If you think na okay lang sa akin ang mga pangyayari kagabi, well, sasabihin ko na hindi. Hindi ako maayos kagabi, at hindi ako masaya. Kung di mo pa napa-process na anak mo ako, moreso di ko pa kayang madigest na ama kita. But I want closure muna sa mga masasamang nangyari sa akin. Let's not jump on one thing to another if wala pang closure. I don't want to leave an issue behind open. For now, we are strictly battle comrades, and nothing more but co-workers. Hindi naman talaga tayo friends right from the start. So please lang. Give me time." Dire-diretsong sagot ni PM sabay balik sa pagtatrabaho.

"Sige PM, if that's what you want, I will respect that. But just in case you need a father, just remember you always have one - and my office is just across this room. Okay?" Ngiti ni Sheldon kay PM.

"I know Sheldon. I will keep that in mind." Walang ekspresyon ang mukha ni PM at patuloy pa rin sa pagtatrabaho.

"Well, then, I should go." Lumabas ng opisina si Sheldon at iniwan si PM sa loob ng office.

Maya-maya nag-vibrate ang phone ni PM.

gab489: Good morning! I'm just trying my luck, sana magreply ka na. Miss kita. :(

Napangiti na lang si PM sa kanyang nabasa.

montemayor88: Me too. I miss you. :)
gab489: Mabuti naman at nirereplyan mo na ako. Hahaha. So, I'll see you later! Nasa canteen ako.
montemayor88: Okay fine. Pupunta ako jan after lunch. I have a lot of things to do. Tinutulungan ko na lang din si Arthur since mejo mabigat ang post-production. See you.

Ngumiti si PM habang nasasarado na niya ang phone niya. Maya-maya, nagvibrate ulit ang phone niya at tumawag si Dean Jonah.

"Hello anak, narinig ko ang mga nangyari kagabi." Panimula ni Dean Jonah.

"Talaga po ba? Aw, nangyari na ang nangyari and I guess wala na akong nagagawa tungkol doon."

"Okay lang naman magpalabas ng galit anak. You deserve to know and to let out the truth that you've been hidden from. Also, it's time for those people who have hurt you to know that hindi ka na ang dating ordinaryong Angelo na pwedeng masira kahit kailan gusto nila."

"Exactly mom. But don't worry, at least I think, I feel a little bit better. Pero hindi pa talaga. Feeling ko lang may mali eh. Pero things are going to be alright."

"Sige. Have it your way son, mom will always be behind you to help you out."

"Thank you mom."

"Oh by the way, I don't have a ride at 1, and I have to go somewhere. Can you come by mga 11?" Tanong ni Dean Jonah.

"Sure mom. I will be there."

"Thank you anak. Nilagnat kasi ang driver ko kagabi pa. Haha."

"Ayos lang mom. Actually po kulang pa ito kumpara sa tulong na ginawa niyo sa akin."

Nagbuntong-hininga si Dean Jonah.

"Sus, alam mo naman na bilang pangalawang nanay mo, aalagaan kita na parang ikaw ang totoong anak ko. Don't mention it. You are also memorable sa akin naman as well."

"Thank you talaga mom, sa lahat ng tulong mo. I think somehow, I see na wala na akong direction, and maybe I should pursue something na ikasasaya ko."

"Like lovelife?" Tanong ni Dean Jonah.

"Let's see about that. Bye mom!"

"Bye anak!"

---

"Ano ba iyan PM, trabaho na naman?" Tanong ni Riza nang napansin niya si PM na nakaharap na naman sa kanyang laptop at nag-eedit sa loob ng coffee shop katabi ng SEAU dorm.

"Mind your own business." Usal ni PM.

"Okay... fine. I'm sorry!" Tinapik ni Riza ang likod ni PM at hindi gumalaw si PM. Suddenly, may napansin na maypagka-kulay violet sa leeg ni PM, maraming spots! Kaagad na ngumiti si Riza at tumawa.

"Uyyy, sino ang naano mo kagabi? Dami mong hickey sa leeg oh!" Tukso ni Riza. Nadisturbo si PM kaya tinignan niya si Riza at di mapigilan ni PM na ilabas ang kilig.

"Wala 'to 'no. Sinuntok lang iyong leeg ko."

"Grabe naman. Pero parang vinacuum yung spots mo sa leeg. Masarap ba? Sino kasama mo?! Don't tell me si..."

"...si?" Tanong ni PM habang tinatangkang ipagpatuloy ang pagtatrabaho nang di nadidistorbo.

"GAB!" Sigaw ni Riza sabay tawa.

Pinigilan ni PM na matawa at kiligin at kaagad na nadistract. "Uy, hindi ha. Friends lang kami ni Gab. Tsaka, sex lang naman iyon. So I don't think it mattered talaga."

"Pero bakit ka kinikilig? Naku PM, ang alam ko, kung tinutukso ka tungkol sa hook up mo tapos kinikilig ka, may something sa hook up na iyon or may nafifeel ka na. Yeeee." Sabay kiliti sa tagiliran ni PM.

"Tapos, ang blooming blooming mo na ngayon kaysa sa kagabi na stress na stress ka. So... uyyy. Gab na ituuuuu!" Tawa ng tawa si Riza.

"Oo na, sige na. Para sumaya ka naman Riza, may nangyari sa amin ni Gab kagabi. At oo, sa kanya galing ito." Umamin si PM sabay inom sa kape niya.

Natahimik bigla si Riza at napatingin kay PM.

"Teka... sex lang ba talaga iyon o gusto mo si Gab?" Tanong ni Riza.

"Paanong gusto?" Tanong ni PM kay Riza habang patuloy siya sa pag-eedit ng videos.

"Gusto. Like romantically. Gusto mo siyang maging boyfriend. Di ba?" Tanong ni Riza kay PM.

Tahimik si PM at hindi sinagot si Riza.

"Uy! Ano na?!" Pangungulit ni Riza kay PM. Tumigil si PM sa kanyang ginagawa at hinarap si Riza. Napabuntong-hininga siya at obvious sa kanyang mata na may bumabagabag.

"Gusto ko naman talaga siya Riza eh. Ramdam ko na meron talaga akong something para kay Gab. Kaso..."

"...ikakasal na siya." Pagdugtong ni Riza kay PM. Natahimik si PM at tumango para ipahayag kay Riza na tama ang kanyang hinala.

"Ewan ko lang PM ah. Pero sa tingin ko ah, di niya talaga mahal yung model na iyon. Kasi, parang ang bilis lang ng mga pangyayari at tila wala man lang sparks sa kanilang dalawa! At saka, kung mahal niya talaga iyong model na iyon, hindi siya makikipaglampungan sa'yo kagabi! Kung mahal niya talaga iyong 'girlfriend' niya, wala ka sana niyan!" Sabay turo ni Riza sa mga hickey sa leeg ni PM.

Napaisip si PM at bumalik sa pagharap sa computer.

"Kaso Riza, kung meron man, bakit ipagpapatuloy niya pa rin yung kasal with Nina pagkatapos sa nangyari sa amin kagabi? Bakit parang wala lang sa kanya lahat tila ba hindi siya ikakasal? What do you think?"

"I don't know PM. Kayo yung nagsex eh. Nagmention ba siya sa'yo tungkol sa kasal kagabi?" Tanong ni Riza kay PM.

Umiling lang si PM at patuloy sa pagtatrabaho.

---

montemayor88: Uy, nasan ka na? Alas-tres na. Andito na ako sa cafeteria sa NGC. Sorry ha, hinatid ko pa si mama eh.
gab489: Andiyan na ako. ;)

Napangiti na lang si PM. Maya-maya, nagvibrate ang phone niya at narinig niya na si Gab ang nasa kabilang linya.

"Hello Gab?"

"Hello PM."

"Saan ka na? Andito na ako sa cafeteria sa NGC." Tanong ni PM kay Gab.

"Ha? Pinapapunta mo ba ako jan? Wala akong text na natanggap eh. Sorry talaga, PM, hindi ako makakapunta jan. Busy kasi dito sa Magic eh. Nagmemeeting pa kami for the new programming tapos nagbreak lang saglit kaya ikaw ang una ko naisip kaya tinawagan kita."

"Ah. Talaga. Sige. Ingat ka jan. Bye." Kaagad na binaba ni PM ang tawag.

Sayang, akala ko pa naman magkikita kami ngayon. Excited pa naman ako. Tatayo na sana si PM nang sumalubong sa kanya si Gio.

"Hi PM. Kumain ka na?"

"Hindi pa eh. May kasabay sana kaso wala. So aalis na lang ako." Blangkong tingin ni PM kay Gio.

"Wag ka muna aalis. Sabay na lang tayo kumain?" Alok ni Gio kay PM. Nagkatinginan sila. Tumango lang si PM at sabay sila ni Gio naglakad at pumili ng pagkain.

Nang nakabili na ng pagkain si Gio, magkaharap silang umupo at nagsimula silang kumain. Hindi man lang tinitignan ni PM si Gio na kanina pa nagnanakaw ng tingin sa kanya.

"Sino nga pala sana iyong kasabay mo kumain, PM?" Tanong ni Gio.

"Si Gab. Kaso busy siya."

"Ah." lang ang nasambit ni Gio habang patuloy siya sa pagkain. "Tapos kamusta naman ang pakiramdam mo simula kagabi?" Tanong ni Gio kay PM.

"Dami niyong nagtatanong ah. Ayos lang ako. Although hindi ako masaya, maayos lang ako. Wag niyo na ako problemahin. Ikaw. Kamusta naman. Hindi na kita masyadong naririnig simula noong nahimatay ka pagkatapos kitang anuhin."

"Ahhh. Maayos naman. Baka nga siguro hahanap na lang ako ng career sa mechanical engineering eh. Kasi parang wala akong future sa pag-aartista." Pagmamaktol ni Gio.

"Magaling ka naman umacting eh. Pero tama naman. Doon ka sa mas stable na trabaho." Sagot ni PM.

"Oo nga. Ang tagal na rin nating hindi sabay kumain 'tol, 'no?" Sinadya ni Gio na tawagin si PM sa tawagan nila noon. Natigilan si PM at kaagad na tumingala kay Gio. Di alam ni PM kung paano siya rereact sa sinabi ni Gio.

"Ah, oo nga Gio." lang ang nasagot ni PM. Hindi niya matingnan sa mata si Gio at tila ba ang hirap tingnan ni Gio mata sa mata.

"Angelo... galit ka pa ba sa akin?" Biglang tanong ni Gio kay PM. Natigilan si PM at diretsong tiningnan si Gio mata sa mata.

"I-I don't know." Umiwas ng tingin si PM at diretso sa pagkain.

"I'm sorry sa lahat ng kasalan ko. Araw-araw kitang kukulitin para patawarin mo ako. I know mahirap sa'yo na patawarin ako dahil trinaydor kita noon, but please subukan mo naman akong patawarin this time? Humihingi ako ng chance na sa Angelo, bigyan mo ako ng chances para matuwid ko lahat ng pagkakamali ko sa'yo." Naluluha si Gio habang nakatingin kay PM.

Hanggang ngayon, hindi alam ni PM kung paano siya magreact sa ginawa ni Gio.

"Gio, please lang. I don't think ito ang perfect time para pag-usapan 'to. We will get to a point of forgiveness, pero please lang wag natin madaliin. Gusto kita patawarin Gio, pero hindi ko na hawak ang damdamin ko kung kelan ko gusto at hindi gusto magpatawad. Pasensiya na talaga, pero sana respetuhin mo muna ako sa ngayon." Kaagad na tumayo si PM at iniwan si Gio na nakatulala sa cafeteria.

---

"Hi Art. I'm home." Bati ni PM nang umuwi siya sa bahay nila Arthur. Nakita niya si Arthur na mejo violet na ang eyebags at patuloy pa rin sa pag-eedit.

"Hey!" Tumayo si Arthur at niyakap si PM. "You didn't tell me you're coming home. Want me to cook dinner for you?" Tanong ni Arthur kay PM.

"No, it's alright. I'll do it instead." Naupo si PM sa sofa nila at tumabi rin si Arthur sa kanya.

"How have you been doing? You must be really tired after what's happened yesterday, aren't you?" Tanong ni Arthur sabay akbay dito. Hinawakan naman ni PM ang braso ni Arthur at nahiga sa dibdib nito.

"Yeah. Very stressed out lately. How about you? You looked like you didn't shower for three days." Tumawa si PM sabay pisil sa ilong ni Arthur.

"I showered, haha! It's just that I'm sitting in front of a computer with no rest, no anything, not even dinner."

"You haven't been eating?" Concerned na tanong ni PM.

"Nope. Too focused on the job, haha." Sagot ni Arthur.

"What the hell man, that's why you look tired!" Pinalo ni PM ang abs ni Arthur.

"Haha, it's alright. You're cooking anyway. By the way, I'm almost done with the color grading. Just kindly give me all the scenes you color graded so I can start with the sound editting ASAP. Then, we just review this movie and I think we're good to go!" Ngumiti si Arthur at pinatong ang baba sa ulo ni PM.

"Yeah, I'm also done color grading so I'll send the scenes over to your staff later so they can review and enhance." Ngumiti si PM at humarap kay Arthur.

Nagkatinginan silang dalawa at bigla lang ngumiti si Arthur kay PM.

"You have been smiling lately. What's up?" Tanong ni Arthur sabay kiliti kay PM. Umayos naman sa pag-upo si PM at hinawakan ang kamay ni Arthur.

"Nothing. I just don't want to drive myself nuts. Yesterday night was a very heavy night and if I continue thinking about it, I could go insane. So I'm repelling all the toxic thoughts to somehow help me carry on. We still have like tons of job to do." Ngumiti si PM kay Arthur.

"Yeah. And good thing we're ahead of our schedule. So maybe loose a bit tension, and you'll do just fine." Sabay caress sa buhok ni PM.

"Now, I'm starving dude. I feel like cooking all of a sudden." Tumayo si Arthur at kaagad na nagsuot ng apron at dumiretso na sa kusina.

Napailing na lang si PM sa kakulitang taglay si Arthur.

Maya-maya, nagvibrate ang phone ni PM at sinagot niya ito.

"Hello PM? Pasensiya na hindi tayo sabay kumain kanina ah. Pwede ka ba bukas?" Tanong ni Gab kay PM.

"Bakit, anong meron bukas?" Pagtataka ni PM.

"Wala lang. Road trip tayo. Game ka ba?" Tanong ni Gab.

"Bakit?" Tanong ni PM.

"Pambawi ko kanina. Kasi nung tumawag ka, doon mo lang ako inimbitahan kumain. Sana pala kinausap kita first thing ng umaga. So ano nga? Sasama ka ba?"

"Okay. Sige. Sa NGC na lang tayo magkita ah? May isusubmit pa ako sa umaga. Saglit lang talaga."

"Ayos, walang problema. I love you!" Sabay baba ni Gab sa tawag. Binaba na rin ni PM ang tawag at abot-tenga ang narinig niya mula kay Gab.

Ikakasal na sila, PM.

Biglang napalitan ang kilig ni PM ng kaba sa kanyang sariling iniisip.

---

"Pakibigay na lang 'to sa staff ni Arthur, tapos, hindi ako papasok today. May nakaschedule akong lakad. So lahat ng maghahanap sa akin, i-schedule mo na lang anytime na free ako on the days to come until notice, okay?" Pagpapaalala ni PM sa kanyang secretary.

"Yes sir!" Tumango ang kanyang secretary. Tumango pabalik si PM at naglakad pababa nang napansin niya si Ginger, Annalie, at Ashley. Nagkasalubong sila.

"Hi sir!" Bati ni Ashley.

"Hey you guys! How are you guys doing?!" Tanong ni PM sa tatlo.

"Galing po kami sa dorm para maligo at magbihis saglit. Training na naman mamaya. Nagpeprepare na po kami for the next album, kaya wala munang arte arte sa katawan." Sabi ni Ginger.

"Oo po. Talaga. Actually, songs pa lang ang pineprepare namin kasi pagtapos na raw lahat, iaakyat sa'yo for approval." Sabat ni Ashley. Nagulat silang lahat sa pagtatagalog ni Ashley.

"Wow! When did you learn speaking Tagalog, Ashley?" Tanong ni PM.

"Annalie has been teaching me lately. So, I just had to put it to practice so I could use it once in a while and hopefully, fluently. Haha. Do you like it?" Tanong ni Ashley.

"It's perfect! Haha. Alright. Annalie, if you guys have time, tell the cafeteria woman to get you some pizza and pasta. I'll pay for them when I come to work tomorrow."

"Talaga sir! Salamat!! Perfect iyon kasi ngayong gabi mag-gi-gym kami." Sagot ni Annalie.

"Sige. Mabuti iyan. Sabihin mo sa akin na lang ihulog iyong utang at babayaran ko kaagad."

"Sige, sir."

"Sige. You guys go and train. All the best!" Kumaway si PM sa tatlo at mahinahong naglakad patungo sa lobby.

Naghihintay si PM na pumatak ang 8:30 dahil iyon ang oras na kadalasan dumarating si Gab. Nasa mga 8:25 na nang naglakad na patungo elevator si Sheldon. Nagkatinginan sila ni PM at nagpalitan ng tango.

"Ang aga mo yata ngayon PM ha." Tanong ni Sheldon sabay abot kay PM ng naka-wrap na breakfast.

"Ano 'to tanda?" Tanong ni PM kay Sheldon.

"Breakfast. Coffee iyan. Galing kasi ako sa restaurant para mag-agahan kaya napag-isipan ko na baka dalhan na rin kita since hindi ka mahilig mag-agahan." Tinanggap ni PM ang inabot ni Sheldon. Tumawa si PM.

"Ano ba 'yan. Kung hindi mo ako anak, hindi mo ako dadalhan ng breakfast? Hahahaha." Tumawa silang dalawa.

"Hindi. Siyempre, depressed ako noon kaya mahirap makipaghalubilo sa mga tao. Ngayon, gusto ko lang talaga bumawi sa'yo, anak. Pasensiya na kung mejo cheesy yung tatay mo. I can't think of any way to let you know I care for you, son." Ngumiti si Sheldon. Natigilan si PM at ngumiti na lang din pabalik.

"Okay na po 'to, tanda. Maraming salamat sa thought. Gusto pa kita kausapin talaga kaso nagmamadali ako eh. May hinihintay kasi ako. So, bukas kita kita na lang." Ngumiti si PM.

"Sige. Si Gab ba iyan?" Tanong ni Sheldon.

"Oo."

"Parang naaamoy ko na medyo magaan siya sa'yo ah. Umayos ka." Ginulo ni Sheldon ang buhok ni PM bago naglakad patungo sa elevator.

"Oo na po. Ingat, tanda!" Payak na sabi ni PM habang nagmamasid kung nakarating na ba si Gab.

Nakita ni PM si Sheldon na papasok ng elevator, at tinangua siya bago sumarado ang pintuan. Maya-maya, naramdaman niya na may humawak sa kanyang balikat.

"Uy. PM. Dito na ako. Tara na?" Ngumiti si Gab kay PM. Naglalaro ang puso ni PM sa saya ngunit pinili niya na wag ipakita muna ito.

Ikakasal siya PM. Tandaan mo. Wag mo sirain ang desisyon siya. Ikakasal na siya.

Sumungit ang ekspresyon ni PM at kaagad na naglakad patungong parking lot si PM.

"Bilisan na natin dahil marami rin akong gagawin pagkatapos nito."

"Yes sir!" Ngumiti si Gab at sinundan si PM palabas. Nilagay ni PM ang braso sa balikat ni PM. Tinignan lang ni PM ang kamay ni Gab at tumingala dito.

"Safe ka sa akin." Pag-aassure ni Gab.

Ah, fuck you, Gab.

---

"Gising na uy." Tinapik ni Gab si PM. Nag-stretch si PM at kinusot ang mata. Kaagad na dumungaw sa labas ng bintana si PM at dahan-dahan lumabas.

"Nasaan tayo?" Tanong ni PM. Lumabas ng sasakyan si Gab.

"Nung naglibot-libot ako rito sa probinsya niyo, siguro may mga hindi ka pa nararanasan. Pero sabi ko, ang boring naman probably alam mo na lahat ng pasikot-sikot dito. So, maglalaro tayo." Ngumiti si Gab at hinawakan ang kamay ni PM.

"Hawakan mo 'to." Kumuha ng bato si Gab at binigay kay PM. Hinawakan niya ang kamay ni PM at tumakbo siya hanggang sa makita na nila ang seashore.

"O, anong gagawin natin dito?" Patay malisya na tanong ni PM.

"Ganito." Sabay tapon ni Gab sa bato sideways. Nagbounce ng ilang beses ang bato bago nawala sa paningin nila.

"Kita mo iyon?! Astig di ba?!" Ngumiti ng paglawak-lawak si Gab.

"Excite na excite ka naman eh palagi namin ginagawa iyan noong bata pa kami. Di naman nakaka-excite iyan." Sabay tapon ni PM ng bato.

"Ay, talaga? Akala ko bago ko lang napansin iyon." Nagpout si Gab at umupo sa dalampasigan.

"Ang init kaya Gab. Ganito na lang. Akyatin na lang natin iyong puno ng niyog, at manghiram tayo ng itak. Total, alas-dos pa naman eh. Marami pa tayong pwedeng gawin. Dali na wag na maglulungkut-lungkutan." Hinila ni PM si Gab na tumayo. Tumayo si Gab at sumunod naman kay PM.

Ang cute mo talaga Gab. Hay naku... Remember PM. Remember!

Nagbuntong-hininga si PM habang nagpeprepare nang akyatin an puno ng niyog. Tumingin muna siya kay Gab na kanina pa nakatingin sa kanya.

"Ano? Dali na PM, akyat na excited na ako umakyat sunod. Hahaha!!" Biglang tumawa si Gab.

"Opo. Andito na!" At walang pawis na inakyat ni PM ang puno ng niyog hanggang sa umabot siya tuktok ng puno. Inabot niya ang isang niyog at inikot ikot hanggang sa nakuha niya ito sa kanyang kanang palad.

"Gab!!" Sigaw ni PM mula sa tuktok ng niyog. "Ilalaglag ko na 'tong niyog. Diyan ka lang ah!" At isa-isang nilaglag ni PM ang mga niyog na nakuha niya. Dahan-dahan naman bumaba si PM at ngumiti kay Gab.

"Pawis ka na PM oh." Sabi ni Gab sabay punas sa pawis ni PM.

"Walang problema." Hinubad ni PM ang kanyang polo at nagshirtless.

"Huy!" Sigaw ni Gab.

"Anong huy? Wala namang tao eh. Nasa kabilang parte pa yung mga tao Gab. Dito, wala masyadong tao. Public beach 'to kaya walang naninirahan, walang commercial stores, et cetera. Kaya ayos lang maghubad. Kita mo oh, tayo nga lang dalawa rito." Pag-aassure ni PM habang dahan-dahan niyang pinunasan ang kanyang pawis. Hindi makagalaw si Gab dahil kanina pa siya nakatingin sa katawan ni PM.

"Hoy, Gab. Mamaya na iyan. Kunin mo muna 'tong mga niyog at samahan mo ako. Doon tayo sa may safehouse at baka may itak ang mga nagbabantay doon para makain na natin 'to." Naglakad una si PM habang hawak ang dalawang niyog.

"Eh ako PM? Gusto ko umakyat doon?" Nagpout si Gab.

"Gab, wag na. Taba mo na oh!" Sabi ni PM.

"Uy, hindi ha! Nagbubuhat din kaya ako! Mas maganda lang talaga iyang katawan mo! Pero kaya ko iyon! Nakakaakyat ako sa mga punong kagaya noon. Sige na PM!" Pilit ni Gab.

"Wag na kasi. Ikaw na lang magbukas para sa ating dalawa." Alok ni PM.

"Talaga? Promise iyan ah!" Tinapik ni Gab si PM sa balikat. Tumango lang si PM at ngumisi.

---

"Gab, anong oras ba tayo aalis dito? Kasi baka gagabihin tayo." Tanong ni PM.

"Wag ka na mag-alala tungkol jan, PM. Chineck ko na ang mga daan kanina, at may mas mabilis ako na routa na nakita kanina so feeling ko safe pa rin tayo. Baka nga in 3 hours nasa Manila na tayo eh." Ngumiti si Gab.

"Okay. So mga 5 PM?" Mapaklang alok ni PM.

"Ito naman. Andito na nga tayo lubus-lubusin na lang natin. Hehe." Bahagyang tumawa si Gab.

"Okay sige. Pero kelangan ko pumasok sa trabaho bukas ha. Kasi sabi ko sa sekretarya ko ngayon lang ako aabsent." Humigop ng sabaw ng niyog si PM.

"Hala? Ikaw na nga ang may-ari ng NGC. Hindi na nga ako naniningil ng participation sa Magic Corp. Haha, joke lang." Sabay akbay kay PM habang nakaharap sila sa dagat at nakaupo sa isang cottage.

Nagbuntong-hininga si PM at lumingon kay Gab.

"Hahay, okay, sige. Bukas tayo aalis. Umaga, okay?" Sabay turo kay Gab.

"Yes sir!" Ngiti ni Gab at kiliti kay PM. Hinampas lang ni PM si Gab para tumigil ito kakakiliti sa kanya. Nagkatinginan lang sila at nagpalitan ng ngiti.

Ah Gab, tigil na.

"Gab, gutom na ako. Ano na? Saan tayo kakain?" Tumayo si PM at sinuot ang damit niya na natuyo sa pawis.

"Mag-resto tayo?" Tanong ni Gab.

"Okay lang. Kahit saan. Haha." Tumawa si PM at una nang tumakbo patungo sa sasakyan nila.

---

"Ang sarap talaga ng pagkain sa probinsya, PM! Tangina, fresh na fresh talaga." Napangiti si PM sa inasal ni Gab na matagal na niyang hindi nakikita.

"O, dahan-dahan lang at baka mabulunan ka. Haha. First time ko rin dito sa resort na to, tapos by the beach kasi yung kainan so medyo nakakatanggal ng stress. Maraming beses ko nang gustong pumunta dito kaso wala akong kasama. Mabuti na lang andiyan ka." Patuloy sa pagkain si PM. Natigilan naman si Gab at tumingin kay PM.

"Ano ulit?" Ngumisi si Gab at tinaas ang kilay kay PM.

"Yung alin?"

"Mabuti na lang... Dugtungan mo!" Sigaw ni Gab sabay kiliti kay PM.

"Sabi ko mabuti na lang andiyan ka. Anong meron?" Tanong ni PM at hindi man lang nagsmile.

Sumimangot si Gab at kumain ng malaking serving ng kanin. "Grabe ka PM di man lang ako importante sa'yo."

Tumingin lang si PM kay Gab at nagsmile. Di mo lang alam Gab. Di mo lang alam kung gaano ka na kaimportante sa akin ngayon. Di mo lang alam kung paano nagsasasayaw ang puso ko sa saya.

"What I mean, Gab, thankful ako na sinama mo ako dahil ito yung first out-of-town ko na medyo magaan na ang loob. Alam mo naman na mabigat ang loob ko, at at least, inimbitahan mo pa ako. So ayun. Thank you!" Ngumiti ng pagka-plastik plastik si PM at diretso sa pagkain.

"Uy, PM, matanong ko lang. Iniwasan mo ba ako? Hindi mo kasi ako sinasagot eh. Kagabi pa ako tanong ng tanong, pero wala man lang kahit oo o hindi mula sa'yo. Gusto ko lang naman malaman kung meron tayong problema. Kasi kung meron, mapag-uusapan naman natin iyon kaagad eh. Di ba?" Mata sa mata tiningnan ni Gab si PM. Natigilan si PM at kaagad na sumagot.

"Wala. Wala tayong problema Gab." Sagot ni PM.

"Talaga? Sigurado ka ah?" Malungkot ang mukha ni Gab.

"Ang clingy mo Gab. Wala nga eh, oh di ba?" Tumawa si PM at hinablot ang buhok ni Gab.

"Okay, okay sige. Wala na."

Nagtawanan ang dalawa.

---

RIIIIIIING. RIIIIIIIING.

"Tama na ba 'to? Di ba tayo madedetect kung i-lau-launch na natin ito sa NGC database? Bukas na ang schedule natin."

"Hindi. Iwas detection iyan. Ang program na nilagay namin diyan ay good enough para ma-infiltrate at ma-disable ang lahat ng computer for a week. Pagkatapos, iyang isang file na nasa flash drive, bibigyan ka ng administration access sa NGC. Make sure na anonymous yung gagamitin mo para mabilis mo mahack ang system. Kanino bang system ang plano mo i-access?"

"Kay PM Realoso."

Itutuloy...


Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2

_________________________________________________________________________________

Part 3: "Bahaghari"
Chapter 19: "All I want is you?"
“I'd rather spend my life with you. Alam mo iyan right on the onset noong nagkita tayo ulit. Alam mo na I want you, I need you, I like you, I love you.
- Gab Victorio

---

Chapter 19


"Good morning ulit, PM." Ngumiti si Gab at hinalikan si PM sa pisngi. Nagising si PM at kaagad na minulat ang mga mata. Paggising niya, nakayakap si Gab sa kanya at nakangiti na. Humikab si PM at nagstretch habang si Gab ay mahigpit siyang niyayakap at nagpapacute na parang aso.

Ngumiti na lang din si PM at hinaplos ang ulo ni Gab na nasa kanyang dibdib.

"Good morning, Gab. Kamusta tulog mo?" Malambing na tono ni PM kay Gab. Nilapit naman ni Gab ang kanyang labi sa pisngi ni PM at paulit-ulit itong hinalikan.

"Uyyy, ang sweet sweet naman ng PM ko." Nagbaby talk si Gab. Nakapagising naman ito sa ulirat ni PM. Kaagad siyang bumangon sa kama at umiling.

Tangina, PM. Boundaries. Putang ina, don't forget your boundaries! Sigaw ni PM sa kanyang utak.

"Tayo ka na Gab, at iihi muna ako." Nawala ang ngiti sa mukha ni PM at kaagad ito napalitan ng seryosong mukha.

Ngunit hindi nagpadala si Gab, hinila niya pahiga si PM at nagmamaktol. "Ayyy, mamaya na baby. Higa muna tayo kasi aalis na tayo mamaya. Hindi na ako ulit makakayakap sa baby ko. Chuki chuki chuki." Usal ni Gab sabay kiliti kay PM.

Di mapigilan ngumiti at tumawa ni PM ngunit kaagad niyang binalik ang kanyang seryosong mukha. "Di nga. Seryoso, Gab. Bangon na. Marami pa tayong gagawin. Uuwi pa tayo. Bilis." Umiwas ng tingin si PM kay Gab para di na naman siya matukso na bumigay dito. Kaagad na tumayo si PM at naghubad ng damit.

"May nangyari ba kagabi, PM?" Pa-inosenteng tanong ni Gab kay PM. Kumuha ng tuwalya si PM sa kanyang drawer at mga bagong damit.

"Alam mong walang nangyari sa atin kagabi Gab. Hindi tayo uminom. Pagkatapos natin kumain ng tanghalian, nagzipline tayo, nagtrekking, nagmall, nagtambay sa siyudad - walang sex. Wag mo akong lolokohin." Sabay hubad ni PM sa kanyang boxers shorts.

"Ahhh, talaga. Di naman talaga kita lolokohin eh. Mahal kaya kita. Alam mo iyan." Hinarap ni PM si Gab para simangutan ito, at kindat ang ginanti ni Gab kay PM.

Oo, Gab. Alam ko iyan. Pero pumili ka na. Kaya hanggang dito lang ako. Ayoko na ma-involve pa sa'yo dahil sooner or later aalis ka lang din dahil may pamilya ka na, may anak at asawa ka na na nangangailangan sa atensyon mo 24/7. Ako? Move on na naman.

"Uy! Ang lalim ng iniisip mo ha!" Batok ni Gab kay PM. Nagising naman sa pag-momonologue si PM at kaagad na sumagot: "Walang nangyari sa atin kagabi, okay?!" Defensive na tono ni PM.

Natawa lang si Gab ng pagkalakas-lakas.

"Iyan pala ang malalim mong iniisip? Bakit, gusto mo ba may mangyari sa atin?" Kinindatan ni Gab si PM at ngumisi para rito. Tumaas lang ang kilay ni PM at umarteng hindi naaapektuhan pero sa kailaliman ng kanyang damdamin ay pinipilit niyang itago ang kilig at saya sa bawat banat na ginagawa ni Gab.

"Ang ganda pala ng pagkakatayo muli ni Gio sa bahay mo PM, 'no? Parang yung dati pa rin." Pansin ni Gab habang naghubad na rin ng damit at kumuha ng tuwalya sa drawer ni PM.

Hindi mapigilan ni PM na titigan ang katawan ni Gab. Sa totoo lang, mas maganda naman talaga ang katawan ni PM eh. Halatang pinagyayaman sa gym. Hindi rin naman pangit ang katawan ni Gab. Naggygym din naman si Gab. May hugis din ang katawan niya. Medyo may pagka-athletic kasi ang katawan ni Gab. Matangkad ang upper body, malalaki ang pecs, malalaki din ang braso, ngunit mejo slim pagdating sa abdomen na part. Siguro dala ito ng walang humpay ng stretching noong nasa basketball varsity pa si Gab sa SEA University noong nasa kolehiya pa siya. Kaso, medyo mas may laman na si Gab ngayon kesa noon dahil bumawas na ang panahon na ginugugol niya sa pagbubuhat.

Over-all, iba ang dating ng katawan ni Gab kay PM. Hindi man ito kasingganda ng kay PM, ngunit nadadala si PM sa katawan ni Gab. Sporty, athletic, nasa pagitan ng sculpted at lean.

"Uyyy! Strike two ka na sa akin PM ah! Kanina pa kita kinakausap, katawan ko na naman ang tinitignan mo!" Tumawa si Gab sabay lapit ng nguso niya sa mukha ni PM. Ngayon, nakatungtong na sa 6 feet si PM mula sa mala 5'8 niya na height noon, dahil siguro ito sa stunted growth niya, pero dahil di hamak na mas matangkad si Gab na over 6 feet ang height, siyempre kelangan niya magcrouch ng konti para pagtripan mukha sa mukha si PM.

Si PM naman, imbis na magreact sa reaction ni Gab, nakatingin lang siya sa mukha ni Gab. Ngayon niya lang napansin na medyo tumanda nga ang mukha ni Gab - ngunit mas pumogi ito. Mula sa walang laman na pisngi ni Gab, nagkalaman ito at mas naging halata ang mapupungay na dimples sa gilid ng kanyang labi. Ang napakaputi na kutis ni Gab ay naging light brown, dahilan na medyo mas naging pinoy ang mukha ni Gab kesa noong nasa kolehiyo pa sila. Ang labi naman ni Gab, mas naging kissable... or siguro dahil natikman na ito ni PM two nights ago so baka gusto niya lang itong halikan muli. Tapos, ang mata ni Gab... napaka-angelic, ngunit sa isang iglap, pwedeng maging mischievous ang mukha niya dahil sa kanyang mga mata. Ang balbas ni Gab na tumatakbo mula sa kanyang patilya, mas naging well-defined ang jawline na di napapansin ni PM noon pa. Ang buhok na dating naka-undercut... ngayon nakashaggy na.

Mas naging natural ang look ni Gab, at mas naging boy next door ang kanyang physical appearance kumpara noong nasa college pa siya na nagmumukha siyang cute korean boy.

"O, ngayon naman mukha ko na naman ang tinitignan mo? Alam ko talaga kung anong gusto mo sa akin PM eh..." Seryoso ang mukha ni Gab habang dahan dahan siyang lumalapit sa mukha ni PM.

"Ito ang gusto mo, 'no?" Sabay halik sa labi ni PM. Sa una, nabiglaan si PM kaya parang may bahagi sa sarili niya na gustong kumalas sa halik ni Gab. Ngunit maya-maya, sumabay sa agos ng damdamin si PM at pinatong ang magkabilang braso sa balikat ni Gab at pinulupot ito sa kanyang leeg. Binabaybay ni Gab ang kanyang mga kamay sa likod ni PM hanggang sa maabot niya ang pwet ni PM. Sunod pinulupot ni PM ang kanyang mga legs sa paligid ng hips ni Gab habang pinipilit ni Gab na ipush ang sarili kay PM.

Maya-maya, nang naubusan na sila ng hangin, nagkatinginan sila at nagtawanan. Kaagad na bumaba si PM mula sa pagkakapulupot niya kay Gab at nagsmack dito.

"PM." Malungkot na tono ni Gab. "May favor sana ako sa'yo. Please?" Nagmamakaawa ang tingin ni Gab habang nasa hips ni PM ang kanyang mga kamay.

"Hmm?"

"Save me."

"From?"

"You know what I am about to go into. Save me. Please?" Naluluha si Gab. Sa puntong ito, alam na ni PM ang gustong ipahayag ni Gab.

Nagbuntong-hininga si PM at naupo sa kama. Tumabi si Gab at hinawakan ang kamay ni PM.

"You know it's not my call to save you, Gab. It's yours. Nasa sa'yo naman talaga iyan eh if you want to pursue your wedding or not. Wala naman akong magagawa. Kaya nga sa una pa lang, pinilit ko wag maging masyadong attached sa'yo, dahil ayaw ko na umasa. Pagod na ako masaktan. Kung kailan malapit ko na maayos ang sarili ko, ikakasal ka na naman - kawawa lang ako." Ngumiti si PM, isang malungkot na ngiti at humarap kay Gab.

"PM... Hindi ko rin nga alam kung bakit for all those years na nawala ka, ikaw pa rin ang iniisip ko palagi. Siguro naawa lang ako sa'yo, or naguilty dahil somehow pinili ko gawin kitang responsibility noong bago ka pa nawala... o tinangkang patayin. Ang lungkot ko PM, sobra. And I have never been this happier all my life. Talk about Corina? Nagdadalawang-isip talaga ako noon eh... nagdalawang-isip ako noong nagkakilala tayo sa library. And ever since, alam ko may something ako, or sa'yo, or sa ating dalawa na alam ko magba-bind sa ating dalawa. Di ko inexpect magiging bakla pala ako, pero, andito na eh. PM, please. Ayokong sayanging ka kagaya noong sinayang ka ni Dimitri. Ayoko pakawalan kita ulit. Ayoko." Naluluha si Gab habang paminsanang hinahalikan ang likod ng kamay ni PM.

"Then make up your mind. Gusto mo pa ba magstay sa akin, o gusto mong i-try ang sa inyo ni Nina..."

"I'd rather spend my life with you. Alam mo iyan right on the onset noong nagkita tayo ulit. Alam mo na I want you, I need you, I like you, I love you. Alam mo. So please, magtatanong ako ulit, will you be my boyfriend?" Lumuhod si Gab sa harap ni PM, hinahawakan ang palad ni PM, at hinalikan ang kamay nito.

"Gab... I don't want to lose you as well. Alam mo iyan. Kaso, this is not the perfect time to talk about this, or to decide on this. Give me a little time, okay? Medyo masakit pa ang puso ko sa mga nangyari, sa mga nalalaman ko, sa mga rebelasyon. So please lang, hang on a little bit."

"But ikakasal na ako PM. If you don't confirm before I get married, we're screwed. We'll be losing each other."

"Hindi iyan. As what I said, nasa sa'yo ang desisyon. If you want to pursue me, you can cut the wedding and try your luck out. If you don't want to pursue me, you can always keep the preparations for your wedding going. Ganon lang kasimple. Basta for me, I can't say I love you now, but I'm pretty sure you're the type of guy I want to spend my life with." Ngumiti si PM kay Gab at ginulo ang buhok nito.

"Oh, dali na. Maligo ka doon, at ako na magluluto. Nasa Ronamblong lang naman tayo eh." Tumayo si PM at inalalayan si Gab na tumayo.

"Let's talk about getting official kung okay na ang lahat, okay? For now, enjoy muna natin kung anong meron tayo. We'll get there." Ngumiti si PM at hinila si Gab palabas ng kwarto.

"Pagkatapos mo maligo, i-check mo ang car, kumain ka na, and we'll scoot. Okay?" Tanong ni PM.

"Okay PM. I love you." Nagkaharap silang dalawa. Ngumiti lang si PM at nagsmack sa lips ni Gab bago pumasok at maligo si Gab.

---

"Good afternoon Sir PM!" Bati ng guard kay PM nang makabalik na siya mula sa trip nila. Ngumiti si PM at tumango sa guard. Papalapit na sana siya sa elevator nang napansin niya si Monte na nasa may hagdanan at nakatulala lang sa bawat tao na dumadaan.

Nilapitan ito ni PM at kumaway. "Hello Monte! Everything alright?" Tanong ni PM sabay upo tabi nito.

"Yes po. I'm about to go home." Ngumiti ang bata kay PM at nilalaro ang sariling mga daliri.

"What's bothering you?" Diretsong tanong ni PM. Nahahalata niya na may problema ang bata. Tumingala ang bata kay PM at saka tulala na naman ulit sa mga taong nadadaanan ng kanyang mga mata.

"Tito PM... Why is mama and papa fighting? I remember po when you eat dinner with us, after that, mama and papa are always shouting na. Tapos po, no one of them is talking to me. Tapos, lolo is always drinking na. Papa is always inside my room and not going out. Because of this po, I can't help but think about them as well. I love my mama and papa so much." Yumuko ang bata at patuloy pa rin sa paglalaro sa kanyang mga daliri.

Natigilan si PM at mistulang sibat ang mga salita ng bata na tumutusok sa kailaliman ng kanyang puso. Maya-maya hinaplos ni PM ang ulo ng bata at hinalikan ito sa ulo.

"Monte... I am sorry. There are things that you can't understand now, and there are things I can't tell you for now. Please forgive Tito PM ha? Who's with you? Is papa in the office now?"

"No po. I'm with Kuya Rommel. Nagwewait na lang po siya sa secretary to give him the files to give to daddy."

Tumayo si PM at dali-daling tumakbo patungo sa elevator.

"Wait there, okay?"

Nang bumukas ang elevator, tinakbo niya ang opisina niya at kinuha ang kanyang laptop upang makapagtrabaho na lang siya sa kanyang place. Tinakbo ulit ang elevator at nakita niya si Monte at si Kuya Rommel na naglalakad na palabas ng lobby.

"Monte!" Sigaw ni PM. Tumalikod naman si Monte at hinarap si PM. Palapit si PM sa dalawa at pinagbalewala na lang ang hingal.

"Kuya, puwede ko po ba mahiram sandali si Monte?" Tanong ni PM kay Kuya Rommel.

"Sa totoo lang po, hindi talaga pinapayagan ni ma'am [Corina] na makauwi ng gabi si Monte eh. Lulubog na rin po kasi yung araw, at baka mahuli pa kami." Dahilan ni Rommel.

"Ahh, sabihin na lang po ninyo na natraffic kayo. Mga 30 minutes lang po talaga, gusto ko lang kausapin si Monte, at mag-a-ice cream kami saglit. Wala naman sigurong mag-aalaga sa batang ito pag-uwi niyo di ba? Sabog na lahat ng tao dun eh."

"Pero sir-"

"Sige na kuya, please?" Magalang na panunuyo ni PM. Tinignan muna siya ni Rommel bago tuluyan sumuko si Rommel.

"Sige po. Baka kasi po ako na naman ang mapapagalitan kasi naiwan ko na naman ang bata. Dito na lang po ninyo ako hanapin sa may lobby para makauwi na kami ni Monte kaagad." Tumango si Rommel sabay alok ni Monte kay PM. Hinawakan naman ni Monte ang kamay ni PM at dumiretso sila sa canteen ng NGC.

"Who are you with pala this morning, Tito PM. You look happy. Are you in love? Ayeee." Tukso ng bata kay PM. Inabot ni PM ang ice cream ni Monte at tinanggap naman ito ni Monte. Naupo sila sa may mesa at nag-usap.

"Ikaw bata ka ah, kung anu-ano pinagsasasabi mo. What happened after the dinner night?" Tanong ni PM.

"Well... The day after, papa and lolo got into fistfight. They hit each other in the face. And galit na galit po talaga sila. I don't know how to react, so I went to mom. But mama is not talking to anyone. She's like a zombie po. Not eating, not drinking water - she's only inside daddy's and her room, looking over the window. Sometimes she cries, and really concerned because I love her so much Tito PM and I never saw her cry like that. She's not smiling na rin po. Tapos, daddy is the same inside my room. Crying, sometimes po saying he loves Angelo po. I wonder who is Angelo. Is that my brother po? Angelo?"

Mahinang tumawa si PM at ginulo ang buhok ng bata.

"No. Angelo is..." natulala si PM at di alam kung anong idudugtong.

"...Angelo used to be your dad's friend - close friend - before he made wrong life decisions. Angelo was really patient, kind, understanding, caring, and loving. But your dad beat his brains out, always made Angelo cry... until he died. Lost in time." Naiiyak si PM habang pinagmamasdan ang mukha ni Monte na malungkot na kinakain ang ice cream.

"Tito... Maybe you can talk to mom, and dad, and lolo to be okay na? Can you talk to them po? I miss them so much. Mom is not kissing me on my cheeks po. Lolo is not playing with me anymore. And daddy po... he never hugs me na, or tickle fights me. I miss all of them po. It's like I'm the only person in the house... good thing na lang po there are maids and Kuya Rommel who continuously make me happy. But still... I miss my family. I love my family."

"I love my family..."

"...love my family..."

"...my family..."

Ang mga katagang nag-echo sa tenga ni PM.

"Don't worry Monte. Your family will be okay soon. They just had to undergo some few challenges but they should be alright. Okay? So cheer up buddy, it's not the end of the world. There are many things in life we need to face, and it happens that your family face them altogether at the same time. But that doesn't mean they don't love you, Monte. Your mom loves you. Your lolo loves you. And your dad should love you. So don't be sad na, okay?"

"Yes po, tito."

"Tito PM loves you naman eh! Hehehe. I'm your guardian angel kaya!" Sabay alok ni PM sa kanyang palad para makipag-high five sa bata.

"Yes Tito. I just hope everything is going to be okay soon. I'm still a lucky son po Tito PM. My mom still loves me. I know she's not the perfect person, but she loves me. How about you tito? What can you say about your mom?" Ngumiti si Monte sabay dila sa kanyang ice cream.

Natulala si PM at di kaagad makasagot sa tanong ni Monte.

"Ummm..." Panimula ni PM pero di niya kayang dagdagan ang kanyang sinabi.

"I love my mom too, Monte. I love her more than I love my life. Kahit galit ako sa kanya. Kahit inis na inis ako sa kanya. Kahit ang bobo ng mga decisions niya - I'm dying to see her. I would give everything up just for me to see her again. I miss my mom so much... Monte. And I'm really sorry if I'm hurting you and your family." Naiyak si PM at kaagad na niyakap si Monte. Wala pang ilang minuto ay lumalakas ang daloy ng luha ni PM at pumupula ang kanyang mga mata.

"Tito... don't cry. I knew it naman po tito eh na you and mom and dad and tito are not going so well. Your voices po are so loud even po naglalaro na kami ni Ate Marissa sa playground. What are you arguing about po pala, tito?"

Kumalas ng yakap si PM at napahaplos sa mukha ni Monte.

"They took away my mom, Monte." Iyak ni PM. Nanlaki ang mga mata ni Monte at nabitawan ang kanyang ice cream.

"I'm sorry po talaga Tito PM..." Tumayo mula sa pagkakaupo si Monte at lumapit kay PM para alukan ito ng yakap.

"I'm sorry for what happened po... Please don't do the same to my family po. I love them so much po talaga... Please forgive them na lang po." Hinaplos ni Monte ang likod ni PM habang nakayakap ang bata sa kanya.

"Y-Yes, Monte." Kumalas si PM at kumuha ng panyo at pinunasan ang mukha ni Monte.

"I won't." Ngumiti si PM at pinunasan ang mga mata gamit ang kanyang polo.

"I think it's time to go na, Monte." Tumayo si PM at hinawakan ang kamay ni Monte. Tumango naman si Monte at nagpaubayang maglakad patungo kay Kuya Rommel.

"Kuya, maraming salamat po!" Ngumiti si PM kay Rommel kahit namamaga na ang kanyang mga mata.

"Bye po tito! Please don't cry! I love you too din po!" Kumaway ang bata ang inosenteng ngumiti.

Naglakad palabas ng lobby si PM na may kirot sa puso... Hindi pa nga siya nakalabas ng building, tumulo na ang luha niya.

I'm sorry, Monte...

Nasa loob na ng sasakyan si PM nang biglang nagring ang phone niya. Kaagad niyang tinanggap ang tawag.

"Hello, PM? Nasan ka? Dinner tayo?" Alok ni Gab kay PM habang papalapit na si PM sa kanyang condo unit.

"Huh? Eh, busy ako Gab eh. Pasensiya na ah." Pinatay ni PM ang cellphone. Nakapag-park na si PM at kaagad na lumabas ng sasakyan. Kaagad niyang inakyat ang kanyang place para umiyak. Nakayuko siya at hinahanap ang susi, naglalakad sa hallway papalapit sa kanyang condo.

"Sabi ko na kasi sa'yo kumain ka muna." Pagtingala ni PM, andun si Gab sa harap ng pintuan niya, nakangisi at nagdala ng take out.

At dahil sa comfort na binigay ni Gab, bumigay si PM. Kaagad niyang tinakbo at niyakap si Gab.

"O! Easy ka lang. Haha, bakit? Anong problema? Parang hindi mo na ako pinansin pagkatapos kitang idrop sa NGC ah." Hinahaplos ni Gab ang ulo ni PM habang nakayakap ito sa kanya.

"Gab..." At tuluyan nang umiyak si PM sa balikat ni Gab.

"Aysh. May problema ka na naman. Sige ako na magbubukas ng pintuan mo." Nanatiling nakayakap si PM kay Gab habang dahan-dahan inabot ni Gab ang susi sa mga daliri ni PM. Nang nakuha na niya ang susi, inabot na niya naman ang knob at binuksan ito.

"O, dali. Pasok na tayo, baby. Wag ka na umiyak ha."

---

"Ahhh. Wala na tayong magagawa diyan PM eh. Nangyari na. So anong plano mo?" Tanong ni Gab habang kumain siya mula sa take out.

"Ewan... Para kasing ang insensitive ko sa mga pinaggagawa ko. Alam ko naman na sensitive si Monte at ayaw ko siyang masaktan. Bata pa yun, at ramdam na ramdam ko ang batang iyon. Mahal na mahal ko iyon at alam mong gagawin ko ang lahat wag lang siya mawalan ng pamilya... Kaso..." Humiga si PM sa kandungan ni Gab at nilapag ang take out sa mesa.

"Kaso, ano?" Tanong ni Gab sabay subo kay PM. Ngumanganga naman si PM at kinain ang isinubo ni Gab sa kanya.

"Kaso... di talaga nawawala ang galit sa puso ko para sa ginawa ng mga magulang niya eh. Sobra sobra ang sakit na binigay nila sa akin. Gusto ko sila gantihan pero parang hindi ko pwede gawin yun nang di nasasaktan si Monte. May paraan pa ba, sa tingin mo?"

Nagtitigan ang dalawa hanggang sa pinisil ni Gab ang ilong ni PM sabay kindat nito.

"Wala yata. Pero kung ako pa sa'yo... Dahan-dahan mo na tanggalin ang galit sa puso mo. Alam mo naman di ba na ang sasabihin ko sa'yo palagi, gantihan mo lang ang mga taong gusto mong gantihan. Pero, wag ka mandamay ng iba. At saka, hindi mo naman maaaring magtanim ng galit sa mga nanakit sa'yo eh. Tama na iyong nalaman mo iyong sekreto nila, nabunyag mo lahat. Vindication ba ang hanap mo or justice? Kasi para sa akin... vindicated ka na the moment na binunyag mo lahat ng mga bagay na dapat mabunyag. Kung justice naman... well, may batas naman para diyan."

"Pero paano si Monte?" Tanong ni PM kay Gab.

"Diyan naman talaga tayo mahuhulog eh. May madadamay na ibang tao. At malay natin, paglaki ni Monte, magagalit din ito sa'yo dahil sa ginawa mo, dahil inagaw mo rin ang nanay niya. Wala ka lang ginawa kundi ginaya mo lang si Jun."

"Yun na nga. Gab, matanong ko lang. Bakit andun ka pala sa bahay ni Jun?" Tanong ni PM.

"Sabi nila may proposal daw eh. Tinanong ko kung bakit di na lang idaan kay PM eh total sa'yo din naman ang Magic. Sabi nila di mo pa raw alam kaya mas mainam daw na maupo para pag-usapan ang lahat. Andun din si Riza, eh akala ko sinama mo siya doon. It so happens parang may joint project ata na ipo-propose ang NGC tas maiinvolve ang SEAU." Sagot ni Gab.

"Eh, di ba galit ka kay Dimitri?" Tanong ni PM.

"Oo. Pero sabi saken ng tatay mo, pupunta ka raw doon. So yun pa lang, sapat na na motivation para pumunta din ako." Ngumiti si Gab at humalik sa pisngi ni PM. Sumimangot naman si PM at pinalo sa ulo si Gab.

"Sus. Bola." Bumangon si PM nang nagring ang phone ni Gab.

"Saglit lang PM ah." Tumayo si Gab at sinagot ang tawag habang naglalakad palabas. "Hello Nina! Kamusta?"

"...Nina..."

"Kamusta..."

Nag-echo ang mga salitang ito sa tenga ni PM. Pumikit si PM at umiling para matanggal ang sakit na kanyang nararamdaman.

Panigurado, di rin naman ako ang pipiliin ni Gab eh. Sa huli, aalis lang din siya at iiwan niya rin ako. So PM, don't invest too much emotions para di ka masasaktan sa huli... Pero ang hirap... Mahal ko na kasi siya.. Pero not now Gab. Not now... Pero malapit na ang kasal niyo? I have to think. Putang ina...

Napakagat-labi si PM habang dinadamdam ang kirot sa puso na kanyang nararamdaman nang nag-ring din ang phone niya.

"Hello? Gabi na. Bakit ka tumawag?" Tanong ni PM sa taong nasa kabilang linya.

"Sorry anak. Pero urgent to. Kelangan mo pumunta dito sa NGC. Dali!" Tinig ni Sheldon at sinundan ito ng toooot tooot.

Kinakabahan si PM. Alam niyang may masamang nangyari. Kaagad niyang sinuot ang kanyang sinelas at lumabas ng condo.

"Okay. Sige na nga. Bye baby." Bulong ni Gab sa cellphone. "PM! Saan ka pupunta?" Tanong ni Gab sabay habol kay PM.

Baby mo yang mukha mo.

Binigay ni PM ang susi ng condo kay Gab at nagsalita. "Urgent lang sa NGC. Diyan ka muna."

"Wait! Samahan na kita!" Alok ni Gab sabay tapik sa balikat ni PM.

"...baby... Nina..." Paulit-ulit nag-echo sa tenga ni PM.

"Diyan ka na kasi!" Galit na mukha ni PM. Tinanggal niya ang kamay ni Gab, tumalikod, at hindi na hinintay si Gab na tumugon. Dire-diretsong naglakad si PM pababa.

Napakamot na lang ng ulo si Gab at sumandal sa railings. Pinagmasdan niya si PM na pumasok ng sasakyan at humarurot sa kalye. Samantalang si Gab naman, bumalik na lang sa condo ni PM.

---

"Anong problema?" Tarantang tanong ni PM nang pumasok siya sa opisina ni Sheldon. Napansin niya na sa loob ng opisina, si Sheldon, at ang mga department heads.

"May naghack sa system natin! Kita mo to!" Binuksa ni Sheldon ang kanyang mac at pinakita kay PM. Nagulat si PM sa kanyang nakita.

AKO ANG HUHUKOM SA INYO. SA PAGBABALIK KO, KAYO AY GIGIMBALIN KO.
ANG HUSTISYA AY HUSTISYA, KAYA AKO AY HARAPIN NIYO.
HINDI KAYA TAKBUHAN, HINDI KAYANG TAGUAN,
DAHIL AKO MISMO ANG SUSUBOK SA INYO SA BAKBAKAN.

MAGHANDA KA NA PM.

-Crusader

"Putang ina. Saan yan galing?" Tanong ni PM.

"Hindi namin alam. Kanina pa tong mga alas-otso ng gabi." Sagot ni Sheldon.

Lumingon-lingon si PM sa mga tao sa paligid at nagsalita siya. "Teka, nasaan sina-"

"Hindi mo naman ma-eexpect anak na magpapakita sila pagkatapos ng mga nangyari." Umiling si Sheldon. "But that's not the point right now PM. The point is, pinatawag ko kayong lahat to discuss this very important matter. Pinagalaw ko na sa security team kung sino ang mga pumasok at sino ang mga lumabas. Pinapa-check ko na rin ang mga CCTV cameras baka sakaling may mapulot tayo. Ang programming department naman natin, chinecheck na kung ano ang problema at saan galing ang alert na ito-"

May lalaking pumasok sa opisina.

"Sir! Na-identify na namin ang bug. Kakaiba po ang bug na ito dahil pinapasok po lahat ng mga unit na nakakabit dito through file-sharing. Nalaman lang din po namin na may nag-send to all ng reports sa buong employees ng NGC. File po ito na ang subject: 'NGC REPORT.'"

"Pero hindi ako ang nagsend niyan!" React ni Sheldon.

"Kung sa mga naka-network na unit lang po ang nag-download nito, ang unit niya lang po ang maapektuhan. Kaso, dahil sa shared NGC employee program unit dinownload ang file, naapektuhan ang buong program na hawak ang buong unit na may connection sa program. Sa madaling salita, trinansfer po ang bug from mother network sa buong network. What this bug does to unit individually, pinipigilan niya pong paandarin ang mga units... except for one."

Nanlaki ang mga mata ng mga tao.

"Ha? Kanino?" Tanong ni Sheldon.

"Kay Sir PM lang po. Sa lahat ng unit sa NGC, iyong sa kanya lang po ang may capability na umandar. Lahat po tayo patay. Sinusubukan pa po naming i-override ang codes para bumalik na ang system. Hindi naman po talaga siya malakas na bug, yung codes lang talaga na nagpoprotekta sa bug mismo ang malakas. At nagulat lang po kami, kasi although ang scope ng bug ay lahat, isang computer lang talaga ang target nito..."

"Ako ang target?" Tanong ni PM.

Tumango lang ang nagreport sa kanila.

"Don't worry Sir PM. Pinutol na po namin ang configuration ng computer niyo kaya most likely natigilan na ang effect ng bug. Kaso lang po, di natin alam kung sa anong dahilan talaga ginawa ang bug. Hindi po kami sigurado kung kaya naming i-retrieve lahat ng mga files na tinatarget ng bug. Most likely, yung hacker po, may files talaga na target na kunin mula sa computer mo."

"Anong mga files pala ang nasa computer mo recently PM?" Tanong ni Sheldon.

"Y-Yung input ko tungkol kay Eugenio at Felicilda at mga kalokohan nila." Sagot ni PM.

"Wala nang iba? Business? Bank accounts? Trade secrets? NGC clips?" Tanong ni Sheldon.

"Wala. Sa external drives ko nilalagay ng bagay tungkol sa NGC. Mas mabigat kung iyon ang target ng hacker."

"Mabuti naman." Napaupo si Sheldon.

"Sige sir, baka bukas babalik na ang system natin at iyong unit mo Sir PM. So don't worry." Pag-aassure ng tiga-programming department.

"Not at all." Sagot ni PM.

"Alright. Meeting adjourned." Declare ni Sheldon habang isa-isa nagsilabasan ang mga tao.

Nakatulala lang si PM

---

"Good morning PM!" Sabay nakaw ng halik kay PM. Si Gab.

"Good morning. Nakitulog ka na naman." Umiling si PM at inabot ang kanyang alarm clock.

"Oo, tapos wala pang nangyari sa atin. Hahaha!" Sabay kurot sa baba ni PM. Tumawa lang si PM saka pumatong sa tiyan ni Gab.

"Bakit, Gab? Gusto mo ba na may mangyari sa atin tonight?" Kagat labi ni PM sabay dila sa leeg ni Gab na kinabaliw at kinakilig ni Gab.

"Stop na! Nakaboxers lang ako oh baka anong mangyari sa atin PM. Hindi pa naman ako handa maging tatay." Tawa ni Gab habang bumangon siya. Nanatili pa ring nakaupo si PM sa kandungan ni Gab, magkaharap sila.

Nagkatinginan ang dalawa at ramdam nila ang hininga ng bawat isa dahil sa lapit ng kanilang mga mukha.

"You are so beautiful PM. How I wish I came to my terms earlier. Di sana hindi ka nagkaganito ngayon. I should have taken care of you so dearly when no one else did." Sabay smack sa labi ni PM habang dahan-dahan sila nagpalit ng posisyon. Si PM naman ang nakahiga at si Gab naman ang nasa taas ni PM.

Kumalas saglit si PM sa halikan at hinaplos ang ulo ni Gab.

"You did your part Gab. Wag mo na sisihin ang sarili mo. What we have to figure out is what's going to happen between us now." Tumabi ng higa si Gab kay PM at inakbayan ito.

"I don't know. Ano na ba?" Tanong ni Gab sabay tingin kay PM. Tumingala lang si PM at umiwas ng tingin.

"...baby... Nina..." Mga salitang nag-eecho sa tenga ni PM.

"Ewan ko Gab eh. Give me more time please?" Tumayo si PM at diretso sa banyo.

"Fine. I'll spare you the argument." Ngumiti si Gab at inabot ang remote. Binuksan ang TV at nagulat si Gab sa unang balitang gumambala.

Ang G's Music and Arts Entertainment, ang isa sa pinaka-competitive na entertainment agency sa buong Pilipinas na dating kinabibilangan ng top actor na si Gio Santos, at kung saan naroon ang THE GIRLS, ay nakatanggap ng terroristic threat kahapon, alas-dose ng gabi.

"PM! Tingnan mo 'to!" Sigaw ni Gab. Kaagad naman lumabas si PM ng banyo at tumingin sa TV.

"Tumanggap po ako ng phone calls nang may simulang maghanap kay Ma'am Corina. Pagkatapos po sabi niya, kung hindi niya raw makakausap si Ma'am Corina, ay palulubugin niya raw ang G's. Kaso po hindi po present si Ma'am, kaya minabuti ko pong isangguni na lang ito sa COO namin."

Ayon naman sa COO nila na si Greyvelle Montalban, hindi na lang pinansin ang threat na ginawa ng kahina-hinalang lalake over the phone.

"Mas mabuti pong wag na lang pansinin ang mga ganoon na pambabanta dahil sinasayang lang nito ang mga oras namin."

Ngunit kaninang madaling araw, estimatedly alas dos hanggang alas tres ng madaling araw, may di kilalang lalake na nahuli sa CCTV camera ang nagtago sa loob ng kahon ng dineliver papunta sa loob ng building ng G's.

Nahuli sa CCTV camera na ang lalake ay lumabas mula sa isang kahon, at isa-isang ginulo ang mga opisina ng G's. Binuksan din ng di-kilalang lalake ang safe ng kumpanya at sinabing nagtransfer ng funds na hindi kukulang sa dalawampung milyong piso. Ito ang kauna-unahang robbery at burglary ang nangyari sa nasabing agency.

"Shit.. Grabe!" Sigaw ni Gab.

"Nah, they probably deserve that." Sagot ni PM.

At sa entertainment news! Limang litrato ng pinakapaboritong aktor ng publiko na si Gio Santos ang kumalat sa internet na nagpapakitang may katalik na kapwa lalake! Isang di kilalang facebook user ang nagdeactivate ng account niya matapos i-upload ang mga larawan ng award-winning actor na nakikipagtalik.

Sunod-sunod na kinalat ng mga netizens ang litrato kagabi. Nag-deactivate na rin ng official social media accounts ang actor. Sinubukan kunan ng opinyon si Gio Santos ukol sa usapang ito ngunit walang response na natatanggap ang team.

Minabuting kausapin na lang ang manager ni Gio na si Arlene, ngunit pinili rin ng manager na di muna magkomento tungkol sa mga litrato.

Iba-iba ang reaction ng taong-bayan tungkol sa mga litrato. May iba na kinondena ang pagiging "pretentious" ng actor dahil di daw umano "nagpapanggap na lalake kahit hindi naman." May iba rin na pinagtatawanan ang ibang side ng aktor, na never pang nakita ng publiko.

May mga nagsasabing kung verified na si Gio Santos ang nasa litrato, marketing stunt lang daw di umano ito upang makakuha ng atensyon ang nalalapit na ipakita sa mga sinehan ang gay-themed movie na kinabibidahan ng aktor.

Hiningan ng opinyon ang co-director ng pelikula at ang co-producer na si Arthur Boyd, ngunit isang maikling text message lang ang kanyang pinaubaya sa team.

"I haven't seen the photos yet. I have yet to formulate a reaction to this. Please do support the upcoming movie of PM Realoso. Thanks."

Paulit-ulit na rin tinawagan ng team si PM Realoso ngunit walang response.

Totoo nga bang bakla ang favorite na artista ng mga Pilipino, o laro lang ito upang madadale ang mga taong bayan para sa susunod na unang gay-themed movie na ginawa ni Gio Santos?

"The fuck." Namutla si PM at napatingin kay Gab.

"Gab. I think you have to go." Nabigla si Gab at napatingin din naman kay PM.

"I would understand PM kung gusto mo si Gio. But you have to talk to me. Clearly, ikaw yung kasama niya sa pic kahit ikaila mo. I know you so much para kahit katawan mo di ko malaman. Do you like me? Or do you like him?"

"Gab, please... Mag-usap na lang tayo some other time."

"PM. You have to talk to me through this. We can't make ourselves blinded about every fac-"

"I SAID GET THE FUCK OUTTA HERE!" Nagtaas ng boses si PM. Natahimik si Gab at kaagad naman na napatayo.

"I understand. I'm sorry matigas ang ulo ko. Please talk to me." Kinuha ni Gab ang kanyang pantalon, damit, at sapatos, at nagkiss pa sa pisngi ni PM bago umalis ng kwarto.

Ngunit hindi ito pinansin ni PM hanggang sa narinig niyang sumarado ang kanyang main door.

---

Nang papasok na ulit si PM sa NGC para magtrabaho, napansin niyang may takot na bumabalot sa buong building at sa mga tao nito. Kaagad itong napansin ni PM kaya hindi siya nag-atubiling magtanong sa manong guard sa main entrance.

"Sir... Alam niyo naman po siguro dahil sa hacker medyo takot na ang mga tao."

"Wala naman dapat ikatakot ah." Ngumiti si PM sa guard nang isinauli na ang kanyang bag pagkatapos itong i-check. Nagsuot ng ID si PM habang papalapit siya sa elevator.

"Good morning sir." Malungkot na bati ng mga nakakasabay ni PM sa elevator.

"Bakit para kayong walang lakas? Kumain ba kayo?" Tanong ni PM.

"Oo po. Kaso, feeling lang naman hindi na secured ang company natin. Baka kung anong kaya ng mga hackers para ipatumba tayo. Hindi po ba galing sa Magic iyong hackers?" Tanong ng babae kay PM.

"Bakit naman manggagaling sa Magic eh akin din naman iyon. Mas ipagtataka natin kung ano ang pakay ng mga hackers na ito." Sagot ni PM at lumabas sa elevator nang nasa floor na siya kung nasaan ang kanyang opisina.

Nang napadaan siya sa Art Department, napansin niyang wala na ang mga gamit ni Dimitri at empty na ang kanyang mesa maliban sa computer unit.

"Teka, nagresign na ba si Dimitri?" Tanong ni PM sa clerk ng Art Department na nakasabay niya sa elevator.

"Hindi po. Parang, pinadismiss na siya." Umiling ang clerk saka pumasok sa art department. Kaagad naman na-alarma si PM kaya kaagad niyang nilagay ang gamit sa mesa ng kanyang sekretarya at tumakbo patungo sa opisina ni Sheldon.

"Sheldon! Nagresign na ba si Dimitri?" Tanong ni PM kay Sheldon. Lumingon si Sheldon at tumayo para harapin si PM.

"More like tinanggal ko siya anak." Sagot ni Sheldon.

"Bakit tay? Dahil ba doon? No! Out of business naman iyong ginawa niya sa akin ha! Papaano na lang si Monte? Anong masusupply nila kay Monte kung tatanggalin mo siya sa trabaho?" Sunod-sunod na tanong ni PM.

"Hindi anak. Actually, natunton na ng mga tiga-programming department kung saan nagmula ang bugs na nag-infiltrate sa system natin." Umupo si Sheldon sa kanyang sofa kaharap si PM na nakatayo.

"At papaanong magmumula ito sa computer ni Dimitri?" Tanong ni PM.

"I don't know son. It just happened. And I have to be firm to my decision. Regardless, isang malaking threat ang ginawa niya sa company and I won't allow that to happen again. Justified naman ang decision ko thru HR. Nakabox na lahat ng gamit niya ang by the time he comes to work, ready to pack up na siya after completing few dismissal files."

"Pero tay! Corina's company is going downhill as well! What's going to happen to Monte now?!" Sigaw ni PM.

"Why do you even care about their child, PM?" Tanong ni Sheldon.

Tinignan ni PM si Sheldon sa mata, "because I see myself in him. Let's not make his life miserable Sheldon, please. Things are bound to be bitter for them, and I don't want that twice or thrice as bitter for the child. Leave the child out of this!" Sigaw ni PM.

"Talaga? If you care for the child PM, hindi mo ipapakidnap si Jun."

Nagulat si PM sa binatong mga salita ng tatay niya. "What?" Napaatras si PM.

Kaagad na binuksan ni Sheldon ang TV at plinay ang nirecord na news report.

Dalawampu't apat na oras nang nawawala ang news director ng NGC Broadcasting Corporation. Ayon sa ulat na nakuha mula sa mga pulis, pagkatapos ng dinner sa sariling bahay ni Jun Salviejo sa probinsya, nagkulong ito sa silid at hindi na lumabas nang mapansin ng mga maid na nakabukas ang bintana at wala na sa loob ng silid ang news director.

Ayon sa salaysay na nakuha sa mga maid, matinding depresyon daw ang tinamo ng news director bago ito mawala dahil nakita ng mga maid na kaaway at kasuntukan ng ama ang anak nitong arts director ng kaparehong kumpanya.

Sa ngayon, puspusan pa rin ang paghahanap na ginagawa ng pulisya upang mahanap ang news director.

Natulala si PM at hindi nakapagsalita.

"Don't tell me hindi ikaw ang gumawa niyan? Don't tell me hindi ikaw ang nag-upload sa bug sa computer ni Dimitri para matanggal siya? Don't tell me hindi ikaw ang nagparansack sa G's Music and Entertainment? Don't tell me ikaw ang nagrelease ng photos ni Gio Santos bilang hate propaganda para sa kanya?"

"Hindi ako, Sheldon! Oo, fine. I hate them so much. I hate them so much I want to kill them - but do you really expect me to do all these things in two days matapos kong isiwalat lahat ng mga kagaguhan nila?"

"Well, after all, anak kita, and you are THE PM Realoso. I don't see time as a problem to you anak, it's a matter of motivation. Now tell me honestly, did you or did you not do all of these?" Tumabi si Sheldon kay PM at pinaupo ito sa sofa habang malalim na nakatingin sa mata ng anak.

"Hindi! Hindi ako ang gumawa niyan!" Sigaw ni PM.

"Who did? You don't have to lie anak, di ba, ama mo ako and I will support you for everything. Now tell me, tumingin ka sa mga mata ko, did you, or did you not do these?" Tanong ni Sheldon sa mababang tono.

Tumingin si PM sa mata nga ama at nagsalita. "I didn't."

"Who do you think might have done all of these?"

"I don't know pa. I don't know. Pero may sasabihin ako sa'yo..." Garalgal ang boses ni PM at malapit nang maiyak.

"Ano iyon anak? Tell me. I'm your father and you can trust me."

Lumuha si PM at tumingin sa mga mata ng ama.

"I'm scared."


Itutuloy...


Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2

38 comments:

  1. Fuck may bagong ka away shit,,,,,, ezciting na

    ReplyDelete
  2. No offense x angelogab follower pwo mykotob aq na may kinalaman c gab x mystrious guys na maka2laban ne PM soon..

    Sana marealize neh pM na mhal parin nya c demitri after all... Demitri angelo ril d end.

    ReplyDelete
  3. Grabe sobrang ganda nanaman ng update as usual!!!! Napaiyak, kinilig at natuwa ako ang galing lang talaga ng author naten the best as in. Kahit medyo matagal yung update pero sobrang sulit sa haba at ganda naman!!! I cant wait sa susunod na update!!!

    Sana lang maging si Pm at Gab na. Bwiset na Nina to. And sino kaya ang gumagawa nito si Arthur ba? Or pinautos ni Gab? Im clueless!!! Pero sana naman sumaya na si PM sa piling ni Gab :)))

    -44

    ReplyDelete
  4. Feeling ko si arthur yung may kagagawan. Nakakakilig din pala si Gab at PM minsan kala ko si Dimitri pa din bet ko di na pala masyado. Haha.

    Ganda talaga ng story na to kaso may napansin ako sa way ng pagsusulat parang iba yung way ng pagsusulat neto kesa sa lahat ng chapter. :)

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  5. i think buhay p c angela at c ashley ay c angela ashley wg k sna mglit ke pm

    ReplyDelete
  6. i think buhay p c angela at c ashley ay c angela ashley wg k sna mglit ke pm

    ReplyDelete
  7. i think buhay p c angela at c ashley ay c angela ashley wg k sna mglit ke pm

    ReplyDelete
  8. Bravo bravo bravo ... 👏👏👏👏👏👏👏👏👏

    ReplyDelete
  9. Wow, as in wow talaga. Matimdi din tong Author natin. You're on of the best.....Kakaiba ka rin. Take care....

    ReplyDelete
  10. Intense!!! Baka si Dean Jonah ang may gawa... grabe... I'm torn between Gab and Dmitry for PM. Hayz...

    ReplyDelete
  11. Sobrang nawala ako ng gana sa previous update neto. Pati eto hindi ko na binasa. Masyadong mabilis na kasi yung mga nanyayari, to the point na parang pwede na pambato sa 100m dash. I liked the previous chapters much, much better. Iniyakan ko pa nga yung part na akala ng ibang characters na patay na si PM. Should I continue to read this, or not?


    -SuperAgent

    ReplyDelete
  12. This story is really unique. I can't say no less in this one.
    This is better than any of the variables you could read in the internet nowadays or some PH books you could buy in the bookstore. With those wattpadd shits and everything, this is a master piece of turnings. I salute you author. Though the book is nearing its end, I'm pretty sure that the ending will be a satisfying one that would most likely connects with the title "saktan mo ako 2" which could be the same as "hurt me 'again' " I pity Angelo too much and I hate to say it, this story is kinda hard to predict except some points. I wish all my predictions about the upcoming events is wrong. It's just too sad.

    ReplyDelete
  13. Tama ang mga hunches ko, hehe.. Hopefully tama na naman ang mga hunches ko kung sino man ng nagbibigay ng kalechehn sa buhy ni Angelo. Hehe

    ReplyDelete
  14. tssskk ... nice update cookie ")

    #leroyleroysinta

    ReplyDelete
  15. Wow paganda ng paganda ang story ah...sulit kahit matagal ang update..

    ReplyDelete
  16. Author, update na ikaw uli, miss ko ma amg akda mo..

    ReplyDelete
  17. Hi kua cookie cutter... Ganda ng storya ml .. Daming twist and shake lol... Hahaha nawindang ako sa revelation lol... Sinu kaya ung bagu satingin ko si jun pa rin yan.. ..kua bat ang tagal ng update?? Salamat po..

    ReplyDelete
  18. Ang haba pa naman ng comment ko kanina kaso di ko naipost huhuhu!.. Now ko lang nabasa to .. Almost One week na Mula book1! :) Buti n lang naisipan kong basahin itong story kasi biruin mo,, matagal ko nang nakikita tong story pero di man lang ako nagkaroon ng interest na basahin siguro dahil sa Title ng Story na akala ko hindi ako magagandahan if mabasa ko ung kwento so iniskip ko n lng to or iniscroll down.. Hanggang sa dumating ung Time na hindi na ko busy ulit at wala na kong mabasa na story kaya tumingin naman ako sa number ng comments at napansin ko na maraming nagbabasa nito so nacurious na ko nun at Di ako nagsisi nung nabasa ko from start to present! Bawat chapter binasa ko walang labis walang Kulang walang skip skip kasi bawat scene nakakaexcite at nakakaintense ung feeling na ayaw mong palagpasin ung eksena sa binabasa mo! .. GRABE! Another One of the best story na nabasa ko na M2m sa lahat! ... Kahanay mo na ung mga batikang m2m writer na kilala ko like Mike Juha(Si Utol at ang Chatmate ko etc.) ,Admin Jin(BoysNextDoorBook1,2,3 etc.) ,Joemar Ancheta(Straight etc.) ,FireSoul(Sa aking paglisan/Sa aking Pagbabalik) ,ErwanReid(IvanMyLoveMyEnemy), Gelo(ExchangeOfhearts), BlueRose(Nicko) Daredevil(ExchangeOfHearts) At ang isa pang author na si Menalipo Ultramar na ang story niya ay A dilemma of Love (Special Mention kasi yung bida din dito matalino rin just like ANgelo!) Gusto ko talaga ung mala Empress ki ung character sa story! Just Saying eheheh actually marami pa pala silang magagaling no need to mention na sa iba kasi di naman na issue un dito sa story!. :) Anyways! For me SI Dimitri at Si Angelo/Pm ang gusto kong magkatuluyan kahit na ilang beses pa niyang sinaktan si Pm at piling ko tuloy ako si Pm.. ahaha... Alam kong mahal parin ni Pm si Dimitri ! Hindi ako maaring magkamali! Lol.. xD Pwera na lang kung gawing Loner si Pm sa Ending ng story! Huwag naman po sana huhu... xD.. Kasi naman eh.. di ko talaga feel si Gab .. oo sweet siya at walang naging kasalanan kay Gab Kaso mas mahaba at masa nauna ung pagsasama ni Dim At Pm so Tingin ko lang talaga kay Gab ay isang mabuting Kaibigan lang talaga siya para kay Pm.. ahaha.. Ewan ko ba kung bakit si Dim pa rin ung gusto ko para kay Pm kahit na ilang beses niyang sinaktan si Pm.. ! At ung sa last part ng last chapter, Kaabang abang talaga kung sino Ung Guy na magiging isang matindiing PAGSUBOK nanaman ni Pm!.. I know makakaya pa rin ito ni Pm!.. Exciting sa next chapter! :))) Im hoping na mabilis ang update ! pero kung matatagalan ay Ok lang po sakin :) Im willing to wait :))) gudluck, godbless stay healthy and Safe author! :)

    ReplyDelete
  19. Super wow talaga kapag c kua cookie magstory... Kua cookie.. Bat ang tagal ng update po??.. Salamt..

    DOOM.Gunz

    ReplyDelete
  20. San n po update? I thought tapos n story at ipopost n lng?

    ReplyDelete
  21. Its been 2 weeks n po. La pb update?

    ReplyDelete
  22. Ang galing mo talaga author! The best ang story mo. Thank you!
    Wag na po tayo magtanong ng update. Darating din po yan, isang bagsakan! Alam natin yan. Hahahahahaha!
    DIMITRI <3 ANGELO FOREVER!!!

    -Andro

    ReplyDelete
  23. Naantig ako sa part nila PM at Monte.. Tagustagusan lang..

    ReplyDelete
  24. Dear writer, i thought u already finished the story and u will just update the succeeding chapters? Wat took u sooo long to upload the story?

    ReplyDelete
  25. Antagal naman..ud plz

    ReplyDelete
  26. Otor.....wat r u waiting 4 .....update,update, update like u do....wat r u waiting 4.

    ReplyDelete
  27. GO DIMITRI and PM! best story! winner ka teh! ^_^

    ReplyDelete
  28. kala q tapos na2ng stori na2 pwo bak8 wla parin ud..... Otor ud napoh.!

    ReplyDelete
  29. I can wait forever for the final chapter..hehe IDOL ko si Mr. Cookie kaya kahit gano yan katagal di ako maiinip. Thank you for sharing your wonderful talent to us. Take care always and God bless!!

    ReplyDelete
  30. Bakit wala nang update?

    ReplyDelete
  31. Im worried, bka may ngyari kay author... kaya wala oang updates. Kinidnap na kaya ang author ng mystery guy na yun kaya d na nakapagsulat o d kaya.... OMG! baka narape na. . .

    Nagalala na ako...

    ReplyDelete
  32. antay lang kau sa update.. tskk . baka kayu ma rape. hahahaha

    ReplyDelete
  33. Hi Otor. Im looking for you in fb pero di kita makita. Nakakainis! Kasi the last time na binasa ko to, etong eto pa din yun. Inulit ko lang. Naiwan akong bitin. Nasan ka na? Balik ka na, please. Dapat tong matapos. Please.

    ReplyDelete
  34. hello po author.my update na po b ng nxt chapter nito?tnx po.

    ReplyDelete
  35. Huhu mukang sobrang tagal n nan last ud po nito. Its like a year or so ung last hahahah. Pero recently ko lng sia nbasa wattpad kaso putol putol sia dun. So i tried to seard it sa google and i was not dissapointed i saw this site. Been reading for atleast 5straigth days becoz i like the flow of the story. Hahaha syang if di na siya masusundan. Its a really great story with all the twist, reveallation, and how author gives life to each character. Hhahaha nose bleed pa more. Sana masundan n to
    And i reallt rwally want to say tomr. Cookiecutter thank you and that ur a great writer and hope read more of ur masterpiece.

    -arcisle

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails