Followers

Thursday, April 23, 2015

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2 [Part 02, Chapter 14, 15, & 16]



GAPANGIN MO AKO. SAKTAN MO AKO. II
Written by: Cookie Cutter



Book 1: Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 I 20, 21, 22: Final Chapter | Epilogue

Teasers:  Dimitri | Riza/Jonah | Corina/Jun | Gio | Gab | PM/Arthur

Book 2, Part 1: Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 and 10

Book 2, Part 2: Chapter 11 | Chapter 12 & 13
_________________________________________________________________________________

 

SA'YO - SILENT SANCTUARY


(Disclaimer: Hindi ko po pag-aari ang video at hindi ko po pag-aari ang larawan para sa kuwentong ito. For representation lang po ang mga ginagamit na materyal. Kung may hindi nagugustuhan ang paggamit ko sa mga materyal na ito, pakisabihan po ako nang matanggal agad. May mga maseselan na bahagi ang kabanatang ito. Ang sulatin na ito ay naglalaman ng sekswal na tema. May mga konsepto na hango lamang sa totoong buhay. Maraming salamat.)

PS. Maraming salamat sa mga nag-aabang. Pasensya na kung mejo nabusy saglit. Malapit na kasi finals namin so, sorry talaga kung natagalan. Tapos ko na ang kwentong ito kaya by batch ko na lang i-papublish para matapos na tayo. At saka, malapit na tayo matapos. Nasa limang (5) chapters na lang tayo.

PPS. As much as gusto kong mag-explain, hindi po nakakatuwa ang mga "RIP Author" "Condolence" at mga masasakit na comments po na pinopost niyo. Nirerespeto ko po kayo, at tao rin po ako at malayang binabahagi sa inyo ang aking akda. Sa totoo lang po hindi ako nagkakautang sa inyo at mas lalo nang wala akong accountability sa inyo. Kaya sana lang po, respetuhin lang natin ang isa't-isa. Kung natagalan po sa pagpost, pagpasensiyahan niyo na ako dahil may isang malaking event na kelangan ko tutukan 24/7. Yan po ang explanation ko. Malaya kayong tanggapin o hindi. Pero sana lang po, please, respeto lang talaga. Pasensya na at mejo banyaga pa ako sa jokes na mejo nakaka-offend. Respeto lang po talaga, please. :(

PPPS. Hindi ko nakakalimutan ang kuwentong ito at mas lalong lalo na ang mga nanalo sa GAPANGIN CHALLENGE. Nadelete na rin po ang facebook ko, kaya sa e-mail niyo na lang ako abutin. Salamat talaga! Kapit lang, malapit na tayo matapos. :)
_________________________________________________________________________________


Part 2: "Mga ala-ala"
Chapter 14: "Nakakapanghinayang"
Mag-isa. Walang kasama. Malungkot.
PM Realoso

---


Chapter 14

“Sir, may naghahanap po sa inyo. PM daw po yung pangalan.” Napatayo si Sheldon sa narinig.

“Gagong batang ‘to.” Pagmamaktol ni Sheldon sa sarili. Lumabas ng kwarto si Sheldon at dumiretso sa sala.

“Minsan di ka rin marunong maghintay, ano? Kaya nga may office hours. Na-orient ka ba?” Inis na tono ni Sheldon. Nakita niya si PM na nakapolo na pula, nakashorts, at tahimik na nakaupo sa isang dulo ng mahabang sofa.

“Meron ka ‘ata ngayon tanda ah.” Panunukso ni PM. Umupo sa katabing sofa si Sheldon.

“Ano ba pakay mo ngayon? Siguraduhin mo tungkol ‘to sa NGC ah. Kung hindi, makakaalis ka na.”

“Kukunin ko lang sana iyong papers para sa Blue Canvas. Naforward na raw kasi sa’yo yung papers sabi ng legal. So, kukunin ko lang sana iyong documents tapos aalis na rin ako.”

“Oo, napirmahan ko na iyon eh. Sa totoo lang plano ko talagang idissolve na lang ang BC. Wala ilang buwan na rin iyong walang output eh.”

“Meron namang output yung BC eh. Kaso mahina talaga iyong revenue flow. So total hindi naman maganda ang dating ng BC sa’yo, buti naman napagdesisyunan mo na ibenta na lang sa akin.”

“At least in that way magkakapera pa ako sa’yong bata ka. Experimental subsidiary naman iyon, kasi medyo humanga na ako kay Dimitri eh. Kaya gusto ko lang malaman kung mapagkakatiwalaan ko ba siya sa paghandle ng malaking bahagi ng kumpanya ko. Anyway, hindi naman talaga animation ang forte ng NGC, kaya medyo madali bitawan iyon.”

“To be fair to Dimitri, magaling naman talaga siya gumawa ng output. Di naman siguro siya malalagay bilang art director kung pangit yung mga output niya. Kaso, siguro medyo minadali mo lang talaga ang pag-test sa kanya. Hindi naman sigurado kung kaya niyang ihandle ang subsidiary. Iba iyong management skills sa creative skills. Sana kahit papaano binigyan mo siya ng training.”

“Uy, pinaglalaban ang totoong pagmamahal.” Tukso ni Sheldon kay PM sabay kiliti sa tagiliran nito. Tinapunan ng masidhing tingin ni PM si Sheldon at tinulak papalayo si Sheldon.

“Gagong matanda,” umayos ng upo si PM, “Hindi kasi, hindi naman patas iyon sa kanya, lalo na trabaho iyong nakalaan. Pareho kasi kayo ng problema.”

“Ano?” Tanong ni Sheldon.

“Pareho kayong bobo, mga gago. Akin na iyong documents at aalis na ako. Binibwisit mo ako eh.”

“O siya sandali lang.” Tumayo si Sheldon at dumiretso sa cabinet niya na nasa kabilang dulo lang ng sala. Binuksan niya ang compartment sa taas at kumuha ng envelope. Tinignan niya ang loob at sinarado ulit.

“Ito pala iyong anak niyo.” Narinig ni Sheldon si PM, pagtingin niya rito ay nagbukas na ito ng photo album.

“Ang likot talaga ng kamay mo.” Ngumisi si Sheldon at hinila ang buhok ni PM.

ARAY!” Sigaw ni PM. Tumawa lang si Sheldon at tinapon sa mukha ni PM ang envelope. “O, ayan na ang document mo. Ako pa sa’yo, gawin mo na lang advertising company iyan. At least hindi na tayo gagasta pa magpagawa lang ng ad campaign.”

“Alright. Noted.” Tumango si PM habang busy pa rin nakatingin sa photo album.

“Ang ganda pala ng asawa mo.” Ngiti ni PM sa album.

“Oo. Siyempre. Asawa koi yon eh. Ang bait kaya nun.” Tumabi si Sheldon kay PM at tumingin na rin sa album.

“Eto iyong pinanganak iyong anak namin. Si Gustav.” Ngiti ni Sheldon habang tinuro iyong picture ng anak nila.

“Kawawa ka naman tanda.” Iling ni PM. “Siguro ibang-iba ang buhay mo kung hindi ninakaw iyong anak mo at kung hindi lang namatay iyong asawa mo.”

“Siyempre naman. Ibang-iba talaga. Walang sasaya kung kasama mo ang pamilya. Kaso, maaga akong nawalan ng anak eh. Sa puntong iyon, wala na akong pamilya eh. Gusto talaga namin magkaanak. Lalong lalo na iyong asawa ko.”

“Ah, oo. Iyong sabi mo saken na mababa iyong matress niya?”

“Oo. Tapos nung pinanganak na iyong anak namin, nabaog na siya. Gumuho mundo naming dalawa.”

Napabuntong-hininga na lang si PM sa narinig kay Sheldon.

“Ang saklap mawalan ng pamilya, ano?” Habang isip ang kanyang nanay.

“Ang saklap. Ang sakit.” Umiyak si Sheldon.

“Pero masasanay din naman tayo sa sakit eh. Gigising na lang tayo isang araw, at mararamdaman natin na maayos na lahat, na wala na ang dating kirot na minsan kumukurot sa puso natin.”

“Pero minsan PM, kapag binabalikan ko ang mga nangyayari, hindi ko maiwasan mapaiyak. Hindi ko naman ginusto yumaman, o maging businessman. Ayos na sa akin ang normal na trabaho at normal na kita, basta kasama ko lang ang pamilya ko at masaya kaming namumuhay. Bakit kaya hindi natin nakukuha ang mga bagay na gusto natin?”

“Ewan ko rin eh. Hindi ko nakuha lahat ng gusto ko sa buhay. Kaya hindi ko alam.” Matigas na tono ni PM.

“Sir, luto na po iyong hapunan. Kumain na po kayo.” Mahinang imbita ng maid ni Sheldon. Kaagad naman sumunod si Sheldon.

“Dito ka na kumain PM.” Imbita ni Sheldon nang nakaupo na ito mag-isa sa mesa.

“Wag na Sheldon. Aalis na ako. Iyong document lang naman talaga ang pakay ko eh. Salamat!” Nilapag ni PM ang album at nagsimula nang maglakad.

“Sige. Sa kita kita na lang.” Sagot ni Sheldon.

Bubuksan na sana ni PM ang pintuan para makaalis nang lumingon siya ulit kay Sheldon.

Mag-isa. Walang kasama. Malungkot. Humugot ng malalim na hinga si PM at diretsong naglakad patungo sa dining table ni Sheldon. Nang makarating, hinila ang isang upuan at naupo kaharap si Sheldon.

“Akala ko ba aalis ka na?” Tanong ni Sheldon habang may laman ang kanyang bibig.

“Masarap kasi ang ulam. Kaya hindi ko maiwasan mapasinghot.” Kumuha ng kanin si PM at isang piraso ng crab.

---

“Maganda ba ang view mula rito?” Tanong ni Sheldon kay PM habang nakatingin sila sa kabuuan ng Manila. Nasa rooftop sila at nagyoyosi si PM.

“Oo. Kaso hindi ako mahilig sa rooftop views. Masakit sa mata.” Pagbuga ng usok ni PM.

“Sa bagay. Saglit lang ah, iihi muna ako.” Naglakad papalayo si Sheldon at sumigaw: “MARIA PADALA KAMI NG ISA PANG WINE DITO PLEASE. SALAMAT!”

Ganito ba talaga kalungkot ang buhay ni Sheldon? Lumabas na hindi pala talaga kami nagkakaiba. Pareho kaming nasasaktan at pareho kaming nawalan. Kaso, okay na ako… Humithit ng usok si PM.

Okay na ba talaga ako? Bumuga ng usok si PM.

“Parang may kaibigan yata si sir ngayon. Magandang gabi po.” Magalang na bati ni Maria kay PM.

“Hello din po. PM. Pasensiya ka na kung hindi ako nakipagkilala sa’yo kanina.” Alok ni PM sa kanyang kamay.

“Ayos lang sir. Ako po si Maria.” Nilagay ni Maria ang bote ng white wine at nakipagkamay kay PM.

“Matagal na po ba kayo rito, ate?” Tanong ni PM habang nakatingin sa kalangitan.

“Matagal-tagal na rin, sir. Hindi ko kasi maiwanan si Sir Sheldon dahil ang bait niya talaga sa akin.”

“Himala, mabait pala ang mokong na iyon.” Sambit ni PM.

“Mabait talaga iyon, sir. Kaso maingat talaga siya sa pakikipag-kaibigan. Hindi siya nakikipagkaibigan kung kani-kanino. Magaspang lang talaga sa labas.”

“Opo. Magaspang ang balat. Hahaha!” Bumuga ng usok si PM.

“Naabutan niyo po ba iyong anak niya?” Tanong ni PM.

“Ay. Oo sir. Naabutan koi yon. Sa totoo lang, si Gustav po ang dahilan kung bakit ako nandito. Kinuha po ako nila ma’am para maging babysitter ng bata. Naalagaan ko po iyon bata saglit. Kaso, nung dayoff ko, nawala na iyong bata.” Naglagay ng yelo si Maria sa dalawang baso at nilagyan ng wine.

“Paano po ba nawala iyong bata?”

“Ninakaw, sir. Nung lumabas na kasi si Gustav, ako ang nag-aalaga. Kaso dahil masakitin si ma’am, napagdesisyunan nila sir na kumuha pa ng isang katulong. Simula noon, dalawa na kaming salitan na nagbabantay kay Gustav. Nagulat na lang ako pagbalik ko mula sa probinsya, wala na ang bagong maid at wala na rin si Gustav. Iyak ng iyak si ma’am noon eh.”

Nawerduhan si PM sa narinig kaya napagdesisyunan niyang lalimin pa ang pag-iimbestiga.

“Ano po ba ang pangalan ng bagong maid na iyon?”

“Liza. Liza Manlangit.” Muntikan na matapon ni PM ang kanyang yosi sa narinig.

“Pakiulit po?”

“Liza Manlangit, sir.”

“Hindi po ba sinubukan nina Sheldon na ireport iyong Liza?”

“Sinubukan sir, kaso, hindi nila mahanap kahit saan iyong Liza. Nakamailap ng babaeng iyon. Naisahan kaming lahat.”

“Bakit raw po niya ninakaw iyong anak nila Sheldon?”

“Wala siyang sinasabi sa akin sir, maliban sa ang cute ni Gustav, at gusto niya itong maging anak.”

“Wala po ba siyang anak sa mga panahon na iyon?”

“Wala sir. Palagi niyang sinasabi na sa itim niya, walang magkakagusto sa kanya kaya walang magpapaanak sa kanya. Palagi niyang sinasabi na hinding-hindi na siya magkakaanak dahil sa pangit niya. Mga ganon po.”

“Okay! Andito na ako. Ano po ba ang pinagchichismisan ng batang ‘to?” Medyo nataranta si Maria at si PM pagbalik ni Sheldon.

“Kinwento lang ni ate iyong tungkol sa anniversary ng asawa mo.” Pagdahilan ni PM sabay hithit mula sa sigarilyo.

“Maria talaga oh, nakikichismis ka pa talaga. Sige, salamat sa wine! Bumalik tayo sa sala PM, may ipapakita ako sa’yo.” Pinatay ni PM ang kanyang yosi at dinala ang kanyang wine patungo sa sala nila Sheldon.

“Marami pa kaming litrato dito ng asawa namin. Himala naging interesado ka bigla sa lovelife ko.”

“Wala lang.”

“Type mo ako no? Sorry PM ha, di ako bakla eh.” Patukso ni Sheldon kay PM.

“Tangina kadiri.”

“Hahaha. Joke lang ulol. Eto tingnan mo ‘to.” Naglakad sila palapit sa media center nila Sheldon.

“Eto iyong kinasal kami ng asawa ko. Eto iyong first honeymoon naming. Eto yung sa pagtapos niya ng masteral. Eto yung first day ko sa NGC…” Sabay turo ni Sheldon sa mga litrato sa media center isa-isa na nakaframe.

“Bakit pare-pareho ang design ng frame?” Di maiwasang matanong ni PM sabay inom mula sa kanyang baso.

“Wala lang.”

“Ikaw ba umayos ng media center ninyo? Ang ganda ah!” Sabi ni PM sabay usisa sa media center.

“Hindi. Iyong demonyo ang umayos niyan. Iyong putanginang demonyo!!!” Sigaw ni Sheldon na malakas. Nabigla si PM kaya kaagad siyang napatingin kay Sheldon. Mag-iisang bote na pala ng wine ang kanyang nainom.

“Ate!! Ate Maria!!!” Sigaw ni PM.

“Bakit po?” Dumating si Maria malapit sa sala.

“Ipasok niyo na po si Sheldon sa loob. Lasing na siguro iyan.”

“Wag na!!! Ako na!!!” Tinanggal ni Sheldon ang kamay ni Maria at mag-isang naglakad patungo sa silid ni Sheldon. Isang malakas na dabog ng pintuan ang kanilang narinig.

“Eto talagang si sir oo, ang lakas maglasing.”

“Palagi po ba siyang lasing, ate?”

“Hindi naman po. Naglalasing lang iyan kung may malalim na problema.”

“Kagaya ng pamilya?” Tahimik na nagkatinginan si Maria at si PM.

“Mga ganyan po.” Tumango si Maria.

“Ahhh. Gets ko na. Sana pala di na ako nagtanong sa kanya.”

“Ayos lang naman siguro sir. Makakaraos rin si Sheldon. Baka minsan kailangan ng isang araw ng ulan sa buong taon na tag-init.”

Napatingin si PM sa isang frame kung saan magkasama si Sheldon, ang kanyang asawa, at ang kanyang anak.

“Ang ganda naman nila tingnan dit-“ Nabitawan ni PM ang picture frame. Hindi naman gawa sa glass ang picture frame kaya hindi nabasag. Kaso nalaglag lang ito at nabuksan ang likurang bahagi ng picture frame.

Napansin ni PM na may makausli na papel. Kaagad niyang kinuha ang papel at ang picture frame. Nilapag niya sa mesa ang picture frame at binasa ang papel na nakasulat:

MIKEE MANLANGIT

9382 Mahogany Drive, Ronamblong Province

Teka… Bakit may address at pangalan ni Mikee Manlangit dito? Baka si Mikee Manlangit si Gustav! Di kaya dito binigay ni nanay si Gustav, sa mga nakatira sa address na ito? Dito ko na kaya mahahanap si Gustav?
Kaagad na tinago ni PM ang papel at inayos ang picture frame.

“Sige ate. Iyon lang siguro ang kailangan ko. Salamat sa lahat ng ginawa mo sa akin ngayong gabi. Pakisabi na lang kay Sheldon na umalis na ako.” Dali-daling naglakad si PM palabas ng pintuan nang magsalita si Maria.

“May hindi pa ako sinasabi sa inyo sir.”

Nagulat si PM at nakuha ni Maria ang kanyang atensyon. Lumapit si Maria kay PM at mahinang nagsalita, tila ba pabulong.

“May dahilan po kung bakit ako na lang ang maid dito. Bukod sa mailap na babae na si Liza, may isa pang naging katulong dito. Kaso di ko siya naabutan, pero alam ko naging maid siya rito.”

“Sino?”

“Si Felicilda.”

Mas nalito si PM sa kanyang narinig.

“Ano pa po ang alam niyo tungkol kay Felicilda?”

“Wala na sir eh. Pangalan lang. Masyadong matago si Sir Sheldon tungkol kay Felicilda. Siguro pinagkakatiwalaan ito ni sir, kaso parang sinira rin ng Felicilda ang tiwala ni sir. Pagkatapos niya, dumating na ako.”

“Ilang taon po ba bago dumating kayo?”

“Na andito pa si Felicilda? Di ko alam sir. Hanggang dito na lang ang alam ko.”

“Sige ate. Aalis na ako. Maraming salamat talaga.” Lumabas na si PM ng bahay at nagsimulang maglakad patungo sa kanyang sasakyan dala-dala ang documents.

Hindi kaya si Sheldon si Eugenio? Hindi kaya naging sila ni Felicilda, at anak ni Eugenio ang dinadala ni Felicilda? Binuksan ni PM ang kanyang sasakyan at pinaandar ito.

Bakit naman gagawing maid ni Sheldon si Felicilda? Tulong ba ito o parusa? Di kaya dahil dito ay ‘sinira’ ni Felicilda ang tiwala ni Sheldon? Nagmaneho na si PM papalabas ng parking lot ni Sheldon.

Bakit… Bakit mas gumugulo… Umiling si PM. Anong kinalaman ni Sheldon kay Felicilda?

---

“Ito na yata iyon PM.” Tumigil si Gab sa harap ng isang bahay. Tinig niya ulit ang nakasulat sa maliit na pirasong papel at tinignan ang numero sa malaking brown gate “9382”.

“Sigurado ka ba Gab ito na iyon?” Panigurado ni PM sabay labas sa kanyang sasakyan.

“Sigurado ako. Maliban na lang kung hindi sigurado itong papel na nakuha mo kagabi?” Tanong ni Gab habang naglalakad papalapit sa malaking gate ang dalawa.

DING DONG! DING DONG! Tumunog ang door bell at kaagad naman itong binuksan ng babaeng nasa edad 50.

“Magandang tanghali po! Ako po si PM at may tatanong lang po ako tungkol sa mga nakatira dito?”

“Kami ba? Ano ba ang masasagot ko sa inyo?” Sagot ng matandang babae. Nagkatinginan sina Gab at PM.

“Opo. May kilala po ba kayong… Mikee Manlangit?” Tanong ni PM habang nakatingin sa matanda. Tumingala ang matanda at tila nag-iisip. Kaagad itong tumalikod at sumigaw.

“MAY KILALA BA KAYONG MIKEE MANLANGIT?” Sigaw ng matanda.

“WALAA!!” Sagot ng boses ng babae na nasa mga 30’s.

“Wala ata eh. Baka mali kayo nang napuntahan. Ano ba ang address?” Tanong ng matanda.

“Nine-three-eight-two Mahogany Drive.” Basa ni Gab sa papel. Medyo naguluhan ang matanda.

“Ha? Eh, eto ngayon. Kaso wala kaming kilala na Mikee Manlangit dito…”

Nagkatinginan ulit si PM at si Gab. Tumitingin-tingin sa paligid si PM nang may napansin siyang diamond na hugis crystal na nakaguhit sa isang poster na tila luma na.

“Mawalang-galang na po, pero ano po ba iyon?” Tanong ni PM.

“Iyon? Sa mga dating naninirahan ata dito iyon eh.”

“Kilala niyo po ba iyong pangalan?” Tanong ni PM.

“Hindi hijo eh. Nangungupahan lang kasi kami rito. Tapos yung may-ari, nasa Tacloban pa.”

“May alam po ba kayo sa business ng mga dating may-ari rito?” Tanong ni PM.

“ANAK, ANO NGA ULIT ANG BUSINESS NG MGA DATING MAY-ARI NG BAHAY?!” Sigaw ng matanda.

“HOTEL!!!”

Nanigas si PM sa kanyang narinig.

“Ay oo. May-ari sila ng milyun-milyong hotel chain dito sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa. Mayayaman iyong mga iyon.” Iling ng matanda.

“Kaya pala ang gara ng bahay po.” Sabi ni Gab.

“Oo, siyempre. Tsaka ilang bus lang papuntang Ronamblong Shore. Kaya hindi talaga problema.”

Sino kaya ang may-ari ng hotel na sinasabi nila… Baka nasa kanila si Mikee, o si Gustav!
“Matagal na po ba lumipat ang dating may-ari rito?”

“Oo, matagal na. Bata pa iyong anak ko, sa pagkakatanda ko. Tapos, lumuwas ata sila abroad ba iyon, o sa Manila, hindi ako sigurado, basta may tinataguan ata iyon sila eh.”

“Ilan po ba ang anak nila?”

“Wala ata silang anak.”

TUMPAK! Malamang binigay ni Liza, na si Martil, ang anak niya na si Gustav. Pero nasaan si Mikee? Si Gustav ba talaga ang binigay ni nanay or si Mikee?
“Ano po ba ang pangalan ng hotel ng dating may-ari rito?”

“Bago lang ata nila iyon nakuha eh… Arturo Feathers ata ang pangalan ng hotel nila.”

“Sige… Baka naistorbo na po naming kayo. Maraming salamat!”

“Sige.” Sinarado ng matanda ang gate at kaagad na tumakbo si PM sa tabi ng driver’s seat.

“Hello?” Bati ni PM sa kabilang linya, “yes. Connect me to my secretary,” utos ni PM.

“Yes. Can you do a search up for me? Arturo Feathers.” Sabi ni PM sabay senyas kay Gab na paandarin ang sasakyan.

“Sir… Arturo Feathers is owned by Ramon Arturo, international conglomerate, married to Senyang Arturo. They have only one daughter named Felicilda Arturo.”

Felicilda Arturo… Felicilda?

“Search for Felicilda Arturo in our database.”

“Felicilda Arturo used to work as a broadcaster at NGC Corporation, however, her career fell without no explanation whatsoever.”

“How about the tabloids?”

“Felicilda Arturo was rumored to be pregnant. However, no name appeared.”

“Thank you so much.” Sabay patay ni PM sa kanyang telepono.

“Oh ano na?” Tanong ni Gab kay PM.

“Gets ko na Gab! Binigay ni nana yang kanyang anak na si Mikee or si Gustav sa tatay ni Felicilda Arturo. Si Felicilda Arturo ang dating NGC broadcaster na nawala lang bigla. Gets ko na ngayon kung bakit nawala si Felicilda bigla, kasi nabuntis siya. Para hindi kahihiyang ang image ng NGC noon, pina-resign ni Sheldon si Felicilda at napagdesisyunan tulungan. Pinasok ni Sheldon si Felicilda bilang maid sa kanilang bahay…”

“Pero may missing link PM eh. Papaano naging mapait ang pakikitungo ni Felicilda at Sheldon kung gustong tulungan ni Sheldon si Felicilda? Ang pagkakaroon ng bagong maid ni Sheldon, na si Maria, ay nagpapatunay na hindi maganda ang pakikitungo nila sa isa’t-isa. At isa pa, kung sabihin natin na ninakaw ni Liza o Martil si Gustav at pinaampon sa mga Arturo, bakit niya naman tatanggapin iyon ng mga Arturo kung kahit sila mismo ay may problema sa kanilang anak?” Pagtatanong ni Gab habang nagmamaneho.

“Teka. Sino ba may sabing may problema si Ramon Arturo kay Felicilda Arturo?”

“Tanungin natin?” Si Gab.

“Pinadala ko na ang address sa secretary ko. Eto oo.” Pagpapakita ni PM sa phone niya kay Gab.

“Okay. Alam ko saan yan. Sa Manila lang.”

Anong kinalaman ni nanay sa mga Arturo? Anong kinalaman niya sa mga Grandyaryo? Bakit kailangan ibigay ni nanay si Mikee at si Gustave sa mga Arturo? Bakit medyo lumalaki na ang gulong ito…

Pero kahit na, nararamdaman ko na malapit ko na ito mabubuo. Mabubuo ko na ang buhay mo, ‘nay. Bulong ni PM sa sarili.

---
“Buong araw na tayo nagtatravel PM. Eto na tayo.” Sabay hinto ni Gab sa malaking bahay. Lumabas ng sasakyan si PM at sinunggaban ang doorbell.

“Magandang gabi po. Sino po sila?”

“Hi, hello po. Ako po si PM Realoso, at gusto ko lang tanungin kung andiyan si Sir Ramon Arturo?”

“Natutulog na ata ang asawa ko PM eh. Ano pala sana iyong pakay mo kay Ramon?” Sabi ng medyo may katandaan na na babae.

“Tungkol kay Mikee Manlangit?” Naghihintay ng sagot si PM mula sa asawa ni Don Ramon ngunit isang nahihiwagaang tingin lang ang nabigay nito kay PM.

“Sino ulit?”

“Mikee Manlangit po.”

“Sorry, di naming kilala iyang hinahanap mo hijo eh.”

“Gustav Grandyaryo?” Tanong ni PM.

“Bakit kaya hindi ka muna pumasok PM at dito tayo mag-usap sa loob. Dalhin mo na rin ang kasama mo sa loob.”

---

“Si Gustav Grandyaryo, alam ko iyan ata ang anak ni Sheldon eh. Kaso nakidnap ata iyan ng katulong na kinuha nila.” Sagot ng matandang babae sabay higop ng kape.

“Wala po ba kayong bata na inampon, o inadopt?” Tanong ni PM sa babae.

“Wala eh… Isa lang ang anak namin, at nawala lang siya bigla. Simula noon, hindi na kami kumuha pa ng ibang bata. Masyado naming mahal ang aming anak na hindi namin siya kayang palitan sa mga puso namin.” Maiyak-iyak na sagot ng matanda.

“Ganito po kasi iyon.” Sabi ni PM. “Napag-alaman po kasi naming na si Gustav Grandyaryo, anak nila Sheldon, ay ninakaw ng isang babae na nagngangalang Liza Manlangit, na may anak na si Mikee Manlangit. Napag-alaman namin sa nakatira ngayon sa bahay ninyo doon sa Ronamblong, na tumanggap raw kayo ng bata.”

“Ronamblong? Saan iyon?” Umiba ang mukha ng matanda. Puno ng katanungan.

“Ibig sabihin niyo po ba ay kahit-kailan hindi niyo pa napuntahan ang Ronamblong?” Tanong ni Gab.

“Hindi. Sa tanang buhay namin, dito na kami tumanda sa Manila.” Iling ng matanda.

“Papaano po iyong Arturo Feathers poster na nasa bahay ng mg bagong nangungupa doon?” Tanong ni PM. “Mga may-ari raw ng hotel ang umampon sa bata eh. Pero hindi pa naming alam kung si Mikee o Gustav ang inampon.”

“Ano ba ang logo ng poster na inyong nakita?”

“Diamond po.”

“Ay naku.” Humigop ulit ng kape ang matanda.

“Iyan na ang bagong Arturo Feathers na pilit kinuha ng mga Giligan.”

“ng mga Giligan.” Pag-echo sa tenga ni PM. Tila binagsakan siya ng langit at lupa sa kanyang narinig.

“Mga Giligan po, iyong mga may-ari ng Diamond Chain Hotel?” Tanong ni Gab.

“Oo. Ang Diamond Chain Hotel ang bagong Arturo Feathers. Nang humina na ang management ng CEO, na noon ay si Ramon, sa Arturo Feathers, pinagsamantalahan ng mga Giligan at sinira nila ang pangalan ng asawa ko, makuha lang nila ang Arturo Feathers. Nang nakuha nila ito, kaagad nilang binago ang konsepto at ginawang Diamond Chain Hotel.”

Hindi pwede… Si Corina ang half-sibling ko? Pero… lalake si Mikee, o si Gustav. Paanong magiging Corina ang Mikee o Gustav? Tanong ni PM sa sarili.

“Ah, mawalang-galang na po, pero bakit po ba humina ang management ng Arturo Feathers noon?” Tanong ni Gab sa matanda. Nagsimula itong tumahimik at pamunti-munting lumuha.

“Dahil… sa mga panahon na iyon narinig naming na… na… buntis ang aming nag-iisa naming anak na si Felicilda Arturo. Hindi ito ginusto ni Ramon kaya inabandona niya ito at pinalayas sa amin. Pati lahat ng savings ay pinaputol ni Ramon. Galit na galit si Ramon sa kanyang anak, ngunit di alam ni Felicilda na pati si Ramon ay nanlulumo, nalulungkot, at nasasaktan. Kahit pangalan ng lalake ay hindi sinabi ni Felicilda para matakpan ang kagaguhan ng lalake niya. Gustong gantihan ni Ramon ang naglapastangan kay Felicilda ngunit masyadong mahal nito ang nobyo na di masabi-sabi ang pangalan ng nakabuntis.”

Tama! Tama ang naisip ko. Iyon lang ata ang mga kakailanganin ko. Sabi ni PM sa sarili.

“Maraming salamat po tita. Pasensiya na po ah kung pati buhay niyo napag-usapan pa natin. Pero kung gusto niyo po ng kausap, wag po kayong magdalawang isip na kausapin ako rito.” Sabay abot ni PM sa kanyang calling card.

“Tawagan niyo po ako, at usap tayo.” Sabay yakap sa matanda.

“Maraming salamat naman hijo. Sige, umuwi na kayo. Gagabihin kayo.”

“Sige po.” Nagsitayo si PM at si Gab at tinungo ang pintuan, papunta sa kanilang sasakyan.

“Nakuha mo ba ang pangalan ng babae, PM?” Tanong ni Gab.

“Hindi eh. Pero nakuha ko ang kwento niya. Tara.”

---

“How’s your day?” Tanong ni Arthur nang makaupo na sa sopa si PM.

“Had a long day.” Sinandal ni PM ang kanyang ulo at pumikit.

“Come on, let’s get you up. I made dinner.” Sabay halik ni Arthur sa pisngi ni PM. Sabay silang naglakad patungo sa dining table nang may iilang dabog ang narinig mula sa pintuan. Kaagad bumalik si Arthur at binuksan ang pintuan.

“Hello-” Naputol ang pagbati ni Arthur nang pumasok bigla ang babae na medyo may katandaan na at kaagad sinugod si PM. Isang malakas na sampal ang ginawad nito sa mukha ng binata.

SPLAK! “Katulad ka talaga ng nanay mo! Hindi marunong sumunod sa usapan!” Sampal ni Lita sa mukha ni PM.

Hindi gumalaw si PM at nanatiling kalmado. Dahan-dahan nilingon si Lita at tiningnan sa mata.

“Wala akong ginawa sa’yo. At wala tayong kasunduan.”

“Binigyan kita ng address Angelo! Kapalit nito ay manahimik ka at layuan mo na kami! Bakit natanggap ito ng nanay ko sa shelter?!” Sabay labas ng isang bouquet ng puting rosas na may isang pulang rosas sa gitna.

“Ano to? Gaguhan? Akala ko ba atin atin lang!”

“Bakit, ano bang meron dito sa bulaklak na to?” Tanong ni PM.

“Ito ang kaparehong disenyo ng bulaklak ang natanggap ng nanay mo bago siya natiktikan!”

Nanlamig ang katawan ni PM.

“Oo, tama! Natiktikan ka na rin! At dinadamay mo kami dahil diyan sa kakulitan mo!” Sabay hampas sa dibdib ni PM.

“Di ko alam ‘to…”

“Siyempre, wala kang alam!” Sigaw ni Lita sabay maupo at nagsimulang mag-iiyak.

“Should we…” Panimula ni Arthur habang palapit kay Lita.

“No. Arthur, leave us alone for a moment.” Tumango naman si Arthur kay PM at dumiretso sa loob ng kwarto.

“Di ko alam to, Lita… I’m sorry…””

“Dalawang araw matapos matanggap ‘to ng nanay mo, may tumangkang bumaril sa kanya. Doon ko nalaman na hinahabol pala siya ng dating nobyo niya. Sabi ni mama at papa, itago na lang sa may dalampasigan sina Liza habang liligawin namin ang Eugenio na iyon. Pero iilang minuto lang matapos ko mapalabas si Liza patungo sa siyudad, dumating si Eugenio. At nagsimulang magbababaril sa bahay namin. Gusto kong tulungan si Liza, pero gusto ko ring tulungan ang mga magulang sa mga oras na iyon. Dinala niya si Angela upang masiguradong ligtas ang anak ko, at pati na rin ang isa pa niyang anak. Senenyasan na kami ni nanay na tumakas na, at wag nang lumingon pa. Takbo kami ng takbo hanggang sa umabot ang gabi. Doon namin siya pinatira sa bakanteng lote. Nag-aalala ako kina mama, kaya bumalik ako sa bahay namin. Natagpuan ko na lang…” Umiyak si Lita.

“...wala na si tatay, at si nanay ay nakatulala.” Sinubukan yakapin ni PM si Lita ngunit pumiglas ito.

“Dahil diyan sa nanay mo! Ang nanay mo ang dahilan kung bakit wala akong ama, at bakit nabaliw aking ina! Sinubukan kong ilapit sa pulis ito, ngunit di nila mahuli-huli ang Eugeniong ito. Humingi ako ng tulong sa nanay mo na tulungan akong dakpin si Eugenio, pero hindi niya ako tinulungan. Kung saan-saan ako humingi ng tulong, hanggang sa sumuko na ako at gusto ko nang bawiin si Angela. Ngunit pagbalik ko sa lote… nawala na siya. Lumayas. Tinangay niya ang anak ko!”

“I’m sorry, Lita…”

“Wala nang magagawa ang sorry mo! Kinalimutan na namin ang nangyari sa noon, ngunit heto ka at pilit inuungkat ang kahapon. Sabi ko naman sa’yo di ba, tahimik ka lang? At kung maaari tigilan mo na ang imbestigasyon mo? Angelo o PM, o kung ano pa ang pangalan mo - may mga dahilan kung bakit may mga bagay na nabibilang sa kahapon, at may mga dahilan bakit hindi na natin ito ungkatin muli!” Tangis ng tangis si Lita habang nakabaon ang mukha sa mga palad.
“Nakipagsabwatan ka kay Eugenio ano?”

“Ha?”

“Papaanong natunton ni Eugenio si nanay sa dalampasigan kung hindi ka nakipagtulungan?”

“Sabi sa akin ni Eugenio, hahanapin niya raw si Martil at ibabalik sa akin si Angela. Ang anak ko lang ang gusto ko makuha.”

“Alam mo ba dahil sa ginawa mo muntikan nang mamatay si nanay?!” Biglang sigaw ni PM.

“Wala na akong pakialam! Siya ang dahilan kung bakit wala na akong pamilya, kaya kung anong mangyari sa kanya, bagay lang sa kanya! Gusto ko lang kunin ang anak ko!”

“At sa tingin mo matutulungan ka pa ni Eugenio ngayon? Alam mo ba na siya mismo ang pumatay sa anak mo?”

Tumingin si Lita kay PM.

“Anong gagawin ko?!”

“Pasensiya ka na Lita…”

“Ano na ang gagawin natin? Paano ko pa mapoprotektahan si nanay?! Ang tigas kasi ng ulo mo!” Sabay hampas kay PM.

“Ipapalipat ko si Donna sa ibang shelter. Dun sa Laguna. Ako na ang bahala. Sisiguraduhin ko na walang makakaalam sa kanyang paglipat. Bukas na bukas magpapadala ako ng lilipat kay Donna.”

Tahimik na nanonood si Lita kay PM.

“Aasahan ko iyan PM. At sana maging maingat ka sa mga imbestigasyon mo. Alam ko ang pakiramdam ng nawalan ng pamilya, at alam mo rin iyon. Wag na nating ulitin ang mga nangyari noon. Please?” Pinunasan ni Lita ang kanyang mukha at mabilis na lumabas ng condo unit.

Bakit hinahabol ni Eugenio si nanay? May kinalaman kaya siya sa pagkawala ni Felicilda? Kung meron man, bakit pilit na hinahabol ni Eugenio at si nanay? Anong meron sa dalawang babae na pinagkaka-interesan ito ni Eugenio? Anong koneksyon ni nanay kay Felicilda?

“Wow, that was one mad woman right there.” Sabi ni Arthur habang palabas ng kwarto.

“Very mad.” Tumayo si PM at walang ekspresyon ang kanyang mukha.

“Come on, Art. I’m starving. Tell your bodyguards tomorrow to be here by the morning. I’ll have them do something for me.”

“Copy that, boss.”

---

“Boss. Nalipat na po namin sa Laguna ang subject.” Sabi ng lalaki sa kabilang linya.

“Magaling. Bantayan niyo from time to time si Donna. Bye.” Pinatay ni PM ang kanyang cellphone.

gab489: Hi baby! Where you at?
montemayor88: Wag kang istorbo. Galit ako ngayon.
gab489: Palagi ka naman asar eh. :P
montemayor88: You know I can block you, don’t you?
gab489: Uy, joke lang!
montemayor88: Tigilan mo ako.
gab489: Alright. Nasa NGC ako.
montemayor88: Bakit ka naman pupunta ng NGC?
seen

“Ulol.” Sabi ni PM sa kanyang cellphone habang nasa coffee shop.

Mom, nasa coffee shop lang ako. Text me when you’re done. Lunch tayo. Text ni PM kay Dean Jonah.

Iinumin sana ni PM ang kanyang Arabica nang natapunan siya ng mainit na kape sa dibdib ng isang babae.

“That’s for ruining my life.” Lumingon si PM at nakita niya ang mukha ni Corina.

“You probably should grow up, darling. Corporate world ‘to, and not everything doesn’t work on your favor.” Sabi ni PM kay Corina.

Umupo naman sa harap na upuan si Corina at tiningnan sa mata si PM, “the coffee did. So I guess marami pang kape dito.”

“E di ibuhos mo lahat. I don’t give a fuck. Kahit maligo pa ako sa isang pool ng kape, di mo pa rin mababago na bumababa ang demand sa THE GIRLS mo, at humihina na rin ang revenue ng Diamond Chain. So I’m sorry, wala na akong pakialam. You don’t need money, you need a therapist.”

“E di gago ka pala. If you think hindi ako aatras, I’ll make you pay for everything you’ve done.”

“Then make me.” Ngumisi si PM na labis na kinagalit ni Corina.

“Tangina mo. Tangina mo talaga. Sana mamatay ka na. Sana mamatay ka na!” Sigaw ni Corina na umagaw ng atensyon sa coffee shop. Tinaas na niya ang kanyang hawak na mug at ihahampas sa mukha ni PM nang may umagaw sa mug at tinulak si Corina.

“Grow up Corina. Hindi tayo elementary para magpatayan dito. If natalo ka, then problema mo na yan!” Galit na sabi ng isang babae.

“Ikaw rin! Isa ka pang bobong lawye-” Sasabunutan sana ni Corina si Riza nang sinampal ito ni Riza. Dahil sa lakas ng sampal, natigilan si Corina at nakatingin kay PM.

“Di pa tayo tapos!” Lumabas ng coffee shop si Corina at kinuha sa kamay si Monte. Nasa labas din si Dimitri at nakatingin kay PM. Nagkatinginan sila nang may naramdaman na palad si Dimitri sa kanyang mukha. Sinampal ni Corina si Dimitri at naglakad na sila papalayo ng coffee shop. Nakatingin pa rin si Dimitri kay PM.

“Creepy.” Sabi ni Riza habang dahan-dahan silang naupo.

“I know. She’s gone lunatic. Tapos ang pangit na nung asawa niya.” Sagot ni PM.

“No. I meant you are the creepy guy. But anyway, yeah. Baliw na ata yung babaeng iyon. But with Dimitri… I don’t know. Di naman siya pumangit, tumanda nga lang. At medyo tumaba. Pero masarap pa rin naman siya kagaya ng dati.”

“Yuck.” Umirap si PM at uminom ng kape.

“Eto. Suutin mo iyan.” Sabay tapon ng putin T-shirt kay PM si Riza. “Magjojogging sana ako mamaya, kaso parang mas kailangan mo.”

“Friends ba tayo?” Sarkastikong tanong ni PM kay Riza.

“No. But that doesn’t mean hahayaan na lang kitang maging basang sisiw. Anyway, sayang naman. Pogi ka pa naman. Wear that shirt, picturean kita, isoli mo ang shirt saken after some time, tas ibenta ko. Sure ako tataas ang value niyan.” Ngumisi si Riza.

“Mukhang pera. So, what are you doing here?” Uninterested na tono ni PM.

“Katatapos lang ng klase ko so galing ako sa dorm para icheck ang status ng sanitation.”

“Okay. Yun lang pala eh. Pwede ka nang lumayas.” Mataray na tono ni PM.

“You’re welcome.” Ngumiti si Riza sabay kurot sa pisngi ni PM. Ngunit umilag si PM. Sumunod siya ng tingin kay Riza palabas ng coffee shop at kumindat ito sa kanya.

Ngumisi lang si PM at umiling. May mga bagay talaga na hindi nagbabago…

Nakangisi si PM nang napansin niyang nagvibrate ang kanyang phone. May mensahe galing kay Dean Jonah.

Anak, hindi ako makakasabay sa’yo ngayon. I’m sorry, mahaba pa ata ang meeting. You go get lunch somewhere else.

Nagbuntong-hininga si PM. Now to take care of Corina… Tumayo si PM at lumabas ng coffee shop.

---

“Are the files complete for the proposal?” Tanong ni PM habang nasa loob ng sasakyan ni Gab papuntang G’s Music and Arts Entertainment.

“Yes. Your secretary did all the job.” Sabi ni Arthur sa kabilang linya.

“Alright. So I’ll see you later! Take care!” Sabi ni PM sabay patay ng cellphone. Tumingin lang si Gab kay PM habang busy ito sa pag-aayos ng files.

“Mababangga tayo Gab kung sakin ka nakatingin.” Sabi ni PM bilang pagpapaalala kay Gab na umayos sa pagdadrive.

“May boyfriend na ba si Arthur?” Biglaang tanong ni Gab.

“Bakit? Type mo ba siya? Walang boyfriend yun.” Sagot ni PM habang nakatingin sa mga papeles.

“So, hindi kayo? Wala kang boyfriend?” Tanong ni Gab kay PM.

“Ayoko na magkaboyfriend. Bakit pa ako maghahanap ng boyfriend eh mayaman na ako, may trabaho, at ang bata-bata ko pa para jan.” Sagot ni PM.

“Walang problema. Wala din akong boyfriend. May trabaho, mayaman, at batang-bata rin. Bagay tayo!” Ngumiti si Gab kay PM.

“Magdrive ka na lang siguro para alam nating buhay tayo.” Hindi nag-iba ang mukha ni PM at mataray pa rin ito.

“Sungit naman! Pero seryoso, sigurado ka ba na papasok ka kina Corina? Para magpropose na kukunin mo ang THE GIRLS mula sa kanya? Baka di ka na buhay paglabas mo dun.”

“E di okay lang. Mas mabuti yun patay na ako. Wala na akong poproblemahin.” Sagot ni PM.

“Satsat ka ng satsat PM eh. Oh, andiyan na tayo. Samahan na kita?” Alok ni Gab kay PM.

“Wag na. Ako na.” Lumabas ng sasakyan si PM at dumiretso sa loob ng G’s Entertainment.

---

“ANG TANGA TANGA MO TALAGA! NI SIMPLENG BAGAY DI MO KAYANG GAWIN! DI BA SABI KO WAG KA MAGSET NG APPOINTMENT KAY PM!!” Sigaw ni Corina habang sinasampal-sampal ang mukha ni Laurel.

“Ma’am, I did what I have to do. Namamatay na po ang agency. Kung di niyo po alam, wala na rin sa atin si Gio. Inabsorb na siya ng bagong talent management agency ng NGC. Ang THE GIRLS na lang meron tayo. Hindi po bibilhin ni PM ang THE GIRLS, makikipag-partner lang po siya. Ite-train niya, pero sa atin pa rin ang THE GIRLS…” Nakayuko lang si Laurel.

“Tanga! Diyan nagsisimula lahat! Tingnan mo ang NGC, director lang si PM, stakeholder, board of director, tapos sa isang iglap, CEO na! Hindi mo ba naisip na pwede niya tayong paikutin sa isang segundo?! Wag kang tatanga tanga!” Sabay sabunot kay Laurel.

“Wag po ma’am, ang sakit po ng ginagawa niyo sa akin…” Iyak si Laurel. Ngunit walang makakarinig dahil sila lang dalawa ang tao sa malaking opisina ni Corina.

“Wala akong pakialam! Pwedeng pwede ko ipatanggal ang life support ng anak mo kahit anumang oras! Kayang kaya ko patayin ang anak mo kahit kelan ko gusto!” Inapak-apakan ni Corina ang mukha ni Laurel habang nakahiga ito sa sahig. Iyak lang ang pwedeng gawin ni Laurel.

Nasa pananabunot si Corina nang naramdaman niyang may humila sa kanyang buhok at tinapn siya sa kanyang mesa. Naramdaman ni Corina na tumama ang kanyang likod sa mesa kaya napasigaw siya sa sakit.

“Kaya ka hindi lumalaki Corina eh, dahil ang ugali mo parang grade school.” Sabi ni PM habang dahan-dahan tumayo si Laurel.

“Alam mo ba pwede kitang sampahan ng physical assault, bakla?” Sigaw ni Corina.

“At sinong witness mo?” Nanghahamon na tanong ni PM.

“Siya!” Sabay turo kay Laurel. Hindi na inayos ni Laurel ang sarili at tulo lang ng tulo ang kanyang luha habang nakatingin kay Corina.

“Di ba, Laurel? Ikaw ang tutulong sa akin makulong ang baklang iyan?! Di ba?” Sigaw ni Corina. Puno ng takot ang mga mata ni Laurel na palipat-lipat ng tingin kay PM, tapos kay Corina naman, tapos kay PM.

Katahimikan.

“Ano?! Sagot?!”

Nagbuntong-hininga si Laurel at pumikit.

“Hindi.” Matigas na sagot ni Laurel. “Wala na, Corina. Hindi mo na ako matatakot pa. Sawa na ako sa pang-aalipin mo sa akin.” Lumapit si Laurel at kinuha ang kanyang bag.

“Sa araw na ito, aalis na ako. Hinding-hindi na ako babalik pa!” Sigaw ni Laurel kay Corina.

“Sige! Lumayas ka! At ngayon mismo, patay na ang anak mo!”

“Subukan mo lang at sa kulungan kita makikita.” Aalis na sana si Laurel nang pinigilan siya ni PM.

“Bakit?” Tanong ni Laurel.

“Ang mga files na kakailanganin niyo.” Sabay alok ni PM sa mga malalaking folders kay Laurel.

Tinignan lang ni Laurel si PM at sumagot: “Hindi na ako nagtatrabaho dito.”

“Lumayas ka na! Ano pang hinihintay mo!” Sigaw ni Corina.

“May kailangan ka pa gawin dito, Ms. Secretary.” Sabi ni PM sabay abot ng mga mabibigat na folder. Kinindatan ni PM si Laurel. Kinuha ni Laurel ang folders at nilapitan si Corina.

“Tama, kailangan ko pala tapusin ang trabaho ko rito.” Sabay tigil sa harap ni Corina.

“Eto na po ang kailangan niyong folders, Ma’am Corina.” Sabay hampas sa makakapal na folders sa pisngi ni Corina na tila ba may lamok sa mukha nito na kailangan hampasin. Natapon sa sahig si Corina at umiiyak dahil nabali ang kanyang ilong.

Mahinahon na umalis ng opisina si Laurel at PM. Pumasok silang dalawa sa elevator. Habang pababa na ang elevator ay iyak ng iyak si Laurel.

“Ang anak ko…” Lumuluha si Laurel.

“Saang hospital ba ang anak mo?” Walang ekspresyon na tanong ni PM.

“Sa Monica Barbara General Hospital.”

“Si Corina ba ang nagbabayad ng buong gastusin?”

“Oo.”

“Don’t worry, sa Monica Barbara, alas-dose pa ng hatinggabi tatanggalin ang life support ng anak mo kung sakaling tinawagan ni Corina ang ospital ngayon. So di pa mamamatay ang anak mo.”

“Tanginang buhay ‘to eh!” Iyak ni Laurel habang dala-dala sa kabilang kamay ang kanyang heels.

Nang bumukas na sa ground floor ang elevator, lumabas si Laurel at PM at tumigil saglit sa lobby.

“So, dito na lang ako, Laurel.” Napansin ni PM na hindi sumagot si Laurel at tumitingin-tingin lang sa coin purse na tila may hinahanap.

“Anong hinahanap mo?” Tanong ni PM.

“W-Wala…”

“Ano nga?” Naiiritang tanong ni PM.

Tumigil sa paghalukay si Laurel at tumingin kay PM. Bakas ng hiya ang kanyang mukha. Halatang may gustong sabihin pero hindi masabi.

“Eh… Angelo, baka pwedeng makahiram ng ten pesos? Pamasahe ko lang pauwi…” Nakayuko na tanong ni Laurel.

“I’ll guess, hindi ka binibigyan ng sahod ni Corina, ano? At ang tanging bayad na makukuha mo sa kanya ay ang life support ng anak mo?”

Tumango lang si Laurel.

Nagbuntong-hininga si PM at kaagad na lumingon kay Laurel.

“Mag-lunch muna tayo. Pag-usapan natin yan.”

---

“Talaga? Tangina talaga iyang babaeng yan eh!” Pag-react ni Gab sa kwento ni Laurel.

“Oo eh. Ganun talaga. Minsan one hundred lang ang allowance ko, at galing pa yan sa executive director ng kumpanya ah. Di pa sa CEO.”

“Kaya pala madali lang para sa kanya na maltratuhin ka.”

Tumango lang si Laurel.

“Pasensiya na kayo sa mga drama ko ah. Ako na ang magbabayad.” Magalang na alok ni Laurel.

“Gagamitin mo?” Tanong ni PM.

“Credit Card…?” Sagot-tanong ni Laurel.

“Umupo ka. Magkakautang ka niyan. Wala ka nang pera. Ako na magbayad.” Alok ni PM kay Laurel.

“Salamat Angelo…” Yumuko si Laurel.

Katahimikan. Busy sa pagkain si Gab.

“Actually, Laurel, nakipaglunch ako sa’yo dahil may ibibigay ako.” Kumuha ng checkbook si PM at nagsulat ng Two million pesos only, tapos pinirmahan ito. Binigay ang check kay Laurel.

Tinanggap ni Laurel ang check at hindi siya makapaniwala sa nakita.

“Ang laki naman nito Angelo! Mga one hundred thousand lang ang hihiramin ko sa’yo! Di ko ‘to kayang bayaran!”

“Bakit, sino ba may sabi sa’yong hiram iyan? At sa tingin mo long-term yang 100,000 mo? Mga kulang kulang dalawa o tatlong buwan lang yan sa ospital, depende sa konsumo ng anak mo. Tatawagan ko na lang din ang specialista na kaibigan ko sa US at baka sakaling may kaya siyang gawin diyan sa anak mo.”

Natahimik lang si Laurel at naluluha.

“Maraming salamat talaga, Angelo…” Pasasalamat ni Laurel.

“At kung kailangan mo ng trabaho, eto ang calling card ko. May alam akong trabaho na pwede mong pasukan. Tawagan mo ang secretary ko at ako na ang bahala. At eto na rin, magdala ka ng take out kung sakaling gising na iyong anak mo.” Sabay abot ni PM ng 500 sa mesa ni Laurel.

“Sobra-sobra na to, PM… Salamat!”

“Sige. Aalis na kami ni Gab dahil wala kaming oras. Tawag na lang. Tara Gab.” Tumayo si PM  at iniwan si Gab na kumakain.

“GAB!” Sigaw ni PM at kaagad naman tumayo si Gab habang puno pa ang bibig ng halo-halo.

“Kusing lang iyan sa bilyones ni PM. Trust me! At kung kailangan ng trabaho ang mga magulang mo, ipasok mo dito.” Sabay kuha ni Gab ng calling card at alok kay Laurel.

“Ingat ka! Tsaka eto pang-taxi!” Sabay bigay ni Gab ng 500.

“Wag ka muna mag-thank you, magkikita pa tayo.” Sabay simot ni Gab sa halo-halo.

“GAB!!” Sigaw ni PM na kinagulat ni Gab.

“Bye!” Pagpapaalam ni Gab kay Laurel. Nakatingin lang si Laurel sa dalawa habang papalayo na ito sa kanya.

Kaagad na humabol si Gab kay PM. “Wow, PM the good samaritan!” Tukso ni Gab.

“Tangina mo.” Masungit na mura ni PM. Lakad ng lakad ang dalawa hanggang makaabot na ng lobby.

“O siya, kunin mo na iyong sasakyan. Dito na ako maghihintay.” Kaagad na tumakbo si Gab patungong parking lot. Tahimik lang na nakatayo si PM nang napansin niyang may isang batang may “GRADE 2” ang uniform na kanina pa galaw ng galaw sa kanyang cellphone na naiinip.

Nilapitan ito ni PM at kinausap. “Monte! Naghihintay sa papa?” Tanong ni PM.

“Si  mama po eh. Pinuntahan ko po siya sa office but she’s not there. I looked for Ate Laurel, but she’s not there too. I’m calling na lang po Kuya Rommel to get me.”

“What time were you still waiting for your mom?”

“Ummm, around 11 po.”

Nagulat si PM pagtingin niya sa kanyang relos.

“Eh magti-3 na eh!” Sigaw ni PM. “Kuya, san po ba si Ms. Salviejo?” Tanong ni PM sa security sa lobby.

“Nakaalis na po eh. Mga ala-una pa.” Sagot ng guard.

“Eh putangina naman oh. Bakit di niya napansin iyong anak niya? Anak niya to oh! Tapos kayo walang ginagawa!” Sigaw ni PM sa guard.

“Ehhh, di po namin alam na anak yan ni ma’am.”

“Ugok! Oo! Bago ka pa ba rito?” Tanong ni PM sa guard.

“Sorry sir. Tatawagan ko na lang iyong driver…”

“Gago! Wag na!” Sigaw ni PM.

“Monte, come with me. I’ll take you to your dad.” Sabi ni PM kay Monte at sumunod naman si Monte. Nang dumating na ang sasakyan ni Gab, pinasakan ni PM si Monte sa likod at sa harap naman si PM.

“Anak ni Dimitri?” Tanong ni Gab.

“Oo, tapos iniiwan iwan lang ng nanay niya.” Umiling si PM. Sumulong na ang sasakyan at binaybay ang daan.

“Grabe PM ah, kanina si Laurel tinulungan mo. Ngayon anak naman nina Dimitri.” Ngiti ni Gab kay PM.

Nakatingin lang sa labas ng bintana si PM at nakatulala.

“Masakit mawalan ng pamilya, Gab. At masakit iwan ng pamilya. Naranasan ko iyan pareho. Ayaw ko mangyari sa iba iyan. Tandaan mo.” Matigas na sagot ni PM kay Gab.

“I’m sorry naman! Daan na lang tayo ng drive-thru para makakain tong anak ng ex mo.” Panunukso ni Gab na kaagad na nasuklian ng untog sa bintana.

“Aray naman!”

---

“Mommy, daddy!” Sigaw ni Monte habang patakbo kina Corina at Dimitri na nagtatalo na naman.

“Monte!” Niyakap ni Dimitri si Monte at hinalikan ito sa noo.

“Sino kasama mo?” Tanong ni Corina sabay haplos sa buhok ng anak.

“Sila po.” Sumunod na naglakad palapit si PM at Gab. Umiba ang mukha ni Corina at lumapit kay PM.

“Kidnapping!” Sigaw ni Corina kay PM.

“Go! I’ll raise this matter to DSWD at tingnan natin di maging candidate ang anak mo for state custody.” Pambabanta ni PM.

“Ang bastos mo Corina ah. Naiwan mo na nga anak mo sa opisina, walang kain, tapos ganito pa ang igaganti mo kay PM? Mahiya ka nga!” Sigaw ni Gab kay Corina. Galit na galit ang mukha ni Corina at halatang pinipilit magtimpi.

“Ano?!” Sigaw ni Gab.

“Salamat!” Masungit na tugon ni Corina kay PM at di man lang tinignan ito sa mata.

“So andiyan na sa inyo ang anak niyo, at wala na kaming gagawin, aalis na kami ni Gab.” Tinignan ni PM si Dimitri na puno ng galit na nakatingin kay Gab.

Ngumisi si PM kay Dimitri at hinawakan ang kamay ni Gab palabas ng NGC. Nagulat si Gab ngunit pinagsamantalahan na lang din niya ang pagkakataon.

---

“Thank you Gab. Salamat at sinamahan mo ako buong araw.” Ngumiti si PM habang papalabas ng sasakyan.

“Basta ikaw. Tawagan mo na lang ako kung kailangan mo ng kasama.”

“Sige. Bye!” Kumaway si PM kay Gab. Nagbacking si Gab at lumabas na rin ng parking lot. Paakyat na ng condo si PM nang mapansin niyang nasa labas si Dimitri, nag-aantay sa kanya.

“Nandito ka? Wala akong planong isabotahe ka ngayon. Di mo pa schedule.” Blangkong mga kataga ni PM kay Dimitri habang binubuksan niya ang pintuan.

Pumasok si PM at iniwang bukas ang pintuan.

“Ikaw lang ba?” Tanong ni Dimitri mula sa labas.

“Oo. May isang condo pa kami dun sa Makati. Kaso busy ata si Arthur dun kaya hindi ko siya ginagambala. Baka magsesex na na man kami pag uuwi ako.” Sabay dukot ni PM ng malamig na kanin.

“Gutom ka ba? Nagdala ako ng pagkain…” Nahihiyang alok ni Dimitri kay PM sabay latag ng take out sa dining table.

“Lagay mo lang diyan. Isara mo iyong pinto.” Sabi ni PM habang naghuhubad siya ng damit at medyas. Nag-aalangan si Dimitri kaya di siya gumalaw.

“Promise, wala ako sa mood na ipakulong ka ngayong gabi. Kaya please isara mo na baka maholdap tayo.” Utos ni PM. Dahan-dahan lumapit si Dimitri sa pintuan at sinara ito.

“PM, may sasabihin sana ako sa’yo eh…”


Itutuloy…


GAPANGIN MO AKO. SAKTAN MO AKO. 2

_________________________________________________________________________________

Part 2: "Mga ala-ala"
Chapter 15: "Got me love you so crazy now"
PM, tulungan mo naman ako please? Please, tanggapin mo na ako sa buhay mo? Alam ko maaga, but will you be my boyfriend?
- Gab Victorio

---


Chapter 15

“Gusto ko lang pala magpasalamat sa paghatid mo kanina kay Monte sa amin. Nakalimutan talaga ng driver namin na dalhin si Monte sa bahay.” Umupo si Dimitri sa dining table at nagbukas ng take out.

“Ah talaga? Tapos kinalaman ko dun?” Nagbukas ng TV si PM at kumuha ng beer.

“Hindi ka ba kakain?” May pag-aalalang tanong ni Dimitri kay PM.

“Hindi.” Palipat-lipat ng channel si PM. Tumayo si Dimitri at umupo sa tabi ni PM.

“Anong pinapanood mo?” Tanong ni Dimitri.

“Diretsuhin mo nga ako, Dimitri.” Nanatili sa CNN si PM.

“Gusto kita kausapin at gusto ko humingi ng patawad.. sa lahat ng mga nagawa ko sa’yo. Di ko akalain na sa kabila ng mga pangit na ginawa ko sa’yo, hindi mo pinahamak si Monte…” Lumingon si Dimitri.

Natawa lang bahagya si PM.

“Sa totoo lang Dimitri, hindi naman para sa’yo na inuwi ko si Monte sa NGC. Hindi ko ginawa iyon para lumandi sa’yo, at mas lalong-lalo na para gawan kita ng pabor. Ginawa ko iyon dahil kawawa ang bata, at masakit ang iwan ng magulang. Kaya please lang, wag mong ipalabas na lahat nang ginagawa ko ay may kinalaman sa’yo dahil alam natin pareho kung anong galit ang meron sa loob ko para sa’yo na naghihintay na kumawala at kainin ka ng buo.” Matigas ang tono ni PM ngunit mahina at pabulong.

“So, kung pwede lang, umalis ka na at baka masipa pa kita. Mahaba ang araw ko at ayaw ko ng istorbo.” Tumungga ng beer si PM.

Napatingin lang si Dimitri at hindi makaimik sa pinagsasasabi ni PM. Nang lalagukin na sana ni PM ang bote, kaagad itong ninakaw ni Dimitri at nilapag sa table.

“Kain ka muna. Dali. Dinalhan kita, andun oh.” Sabay hila ni Dimitri kay PM na tila ba may buong pag-aalala.

“Putangina bitawan mo ako!” Sabay waksi ni PM sa mga kamay ni Dimitri.

“Please lang, wag ka magpanggap na concerned ka sa akin Dimitri, dahil hindi. Alam ko na ginagawa mo lang sa akin to ngayon dahil nakokonsensiya ka sa lahat ng mga bagay na ginawa mo sa akin noon! Hindi ako dapat kaawaan!” Sabay tulak kay Dimitri at pabalik sa sopa.

“Makakatulong ba PM kung sasabihin ko sa’yo na nagsisisi na ako at narealize ko na ikaw pala talaga ang gusto ko?” Sigaw ni Dimitri. Huminto sa paglalakad si PM at tumalikod para harapin si Dimitri. Punong-puno ng sarkasmo ang mukha ni PM.

“Hindi yan makakatulong, Dimitri. Dahil kung ginusto mo ako, hindi mo sana ako pinakawalan. Hindi mo sana ako sinaktan. Alam mo, andami nang sakit na binigay mo sa akin, at dahil sa’yo nakalimutan ko na kung ano ang pakiramdam ng magmahal. Masakit ang loob ko sa’yo, at habangbuhay ko papasanin ang sakit ng mga panggagago mo saken. Kaya lumayas ka na!” Sabay suntok sa mukha ni Dimitri na kinatumba nito.

Nang natumba si Dimitri, tumingala ito kay PM at bumibigat ang bawat hinga.

“Please lang Dimitri, ayaw kitang patayin mismo sa condo ko kaya please lang. Alis na kung gusto mo pang mabuhay.” Tumalikod si PM ngunit isang yakap mula sa likod ang kanyang natanggap mula kay Dimitri. Huminto sa paggalaw si PM at hinayaan lang si Dimitri na yakapin siya. Nararamdaman ni PM bawat patak ng luha sa kanyang hubad na likod.

“Kahit patawarin mo na lang ako, PM. Please… Gagawin ko ang kahit ano, mapatawad mo lang ako…” Iyak ni Dimitri.

Ngumisi si PM at tumalikod. “Kahit ano?”

Malalim na nakatingin si Dimitri kay PM at dahan-dahan tumango.

Kaagad na hinalikan ni PM si Dimitri at ginantihan naman ito ng huli. Mainit ang kanilang halikan tila ba kakainin na ng isa’t-isa ang bawat dila. Nahiga si Dimitri at PM sa sopa, nakapatong si Dimitri kay PM at tinulungan itong maghubad ng damit.

“Namiss mo rin ba ako P-” Sinampal ni PM si Dimitri.

“Just shut up and kiss me.” At tinuloy nila ang kanilang mainit na halikan. Hindi malagay ni Dimitri ang sarili dahil sa wakas, pakiramdam niya ay tuluyan na siyang napatawad ni PM…. hanggang sa tinulak siya ni PM at walang-awa na pinagpupunit ang kanyang damit at pantalon.

“Kinky ka rin pala, PM.” Ngumisi si Dimitri habang humihingal kasama ang kanyang kahayukan. Pati underwear ni Dimitri ay walang-awang pinunit ni PM hanggang sa naghubad na lang si Dimitri.

Humakbang paatras si PM at nakatulala lang kay Dimitri.

“Nakahubad na ako, PM. Ano pang hinihintay mo?” Mapanuksong kindat ni Dimitri sabay lapit niya kay PM. Ngunit isang malakas lang na tulak ang sinukli ni PM. Naramdaman ni Dimitri ang puwersa ng pagtama niya sa kongkretong dingding.

“Diyan ka lang, at wag kang gagalaw hanggang sinasabi ko.” Mala-otoridad ang tono ni PM at bumalik sa sofa upang ipagpatuloy ang panonood ng TV.

Dahan-dahan pinulot ni Dimitri ang mga malalaking piraso ng punit niyang damit upang takpan ang kanyang hubad na katawan… ngunit PLAK!

Tumama ang remote ng TV sa ulo ni Dimitri. Nang lumingon si Dimitri, nakita niya si PM na masama ang tingin sa kanya.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” Sigaw ni PM.

“Pinupulot ang mga damit ko?” Patanong na sagot ni Dimitri. Dinampot ni PM ang ashtray at tinapon ito sa mukha ni Dimitri. Napa-aray si Dimitri sa sakit ng ashtray.

“Pakiulit?”

Nagbuntong-hininga si Dimitri at naluluha.

“Ano na ang problema mo sa akin, PM?! Patatawarin mo ba ako, o hindi?!” Sigaw ni Dimitri nang di na niya napigilan ang kanyang luha.

Tumawa lang si PM at binaling sa TV ang kanyang paningin.

“ANO?!” Sigaw ulit ni Dimitri.

“Akala ko ba kagustuhan mo na mapatawad kita? Bakit ako pa ata ang nagkakautang sa’yo ngayon?” Tahimik at pabulong na usal ni PM.

Tumutulo na ang mga luha ni Dimitri at di niya mapigilan ang mapaupo sa sahig.

“Di ko na kaya ang pambabastos mo sa akin, PM. Ang sakit sakit na…” Sabay pahid sa kanyang mukha.

“Talaga?” Tumayo si PM at nilapitan si Dimitri.

“Akala ko ba gagawin mo ang lahat, mapatawad mo lang ako? Di ba sabi mo…” Naupo si PM at nilapit ang bibig sa tenga ni Dimitri at bumulong… “kahit ano, gagawin mo?” Umatras si PM at unti-unting lumalakas ang mala-demonyong tawa.

Umangat ng tingin si Dimitri at marahas na hinalikan si PM. Tinulak muli ni PM si Dimitri sa dingding at naramdaman ni Dimitri ang panghihina ng katawan.

“Tumuwad ka.” Utos ni PM. Lumakas ang kaba ni Dimitri, dahil matapos ang mahabang panahon, kinukutuban siya na gagahasain siya ni PM.

“Tumuwad ka, gago!” Sabay sampal sa mukha ni Dimitri. Dahil sa hapo na ang katawan ni Dimitri, nagpaubaya na lang siya at tahimik na tumuwad. Narinig niya si PM na dumura at sunod na naramdaman ni Dimitri ay ang malamig na sensasyon na humahaplos sa kanyang butas. Kasunod nito ang sakit na hindi pa niya naranasan ninuman maliban kay PM, na naramdaman niya nang napakahabang panahon.

Pakiramdam ni Dimitri ay nahahati siya sa dalawa sa pagkalaki ng burat ni PM.

“Ganito ba ako kasarap tumanggap ng titi noon, Dimitri?” Sumasabay sa bawat kadyot ni PM ang kanyang maiingay na hinga.

“Hoy, gago, sagutin mo ako!” Sabay sabunot sa buhok ni Dimitri at baon ng kanyang buong pagkalalaki sa kaloob-looban ni Dimitri.

“ARAAAY!! ILABAS MO!! DI KO KAYANG ILAGAY MO NANG BUO!! WAG MO PATAGALIN PLEASE ANG HAPDI!!” Sigaw ni Dimitri.

“E di sana, sinagot mo ako!” Sabay palo sa ulo ni Dimitri at kadyot uli ng malalim na muling ikinaliyad ng katawan ni Dimitri.

“Ganito ba ako kasarap tumanggap ng kantot noon, ha?!”

“OO, ANGELO! OO! PLEASE, TAMA NA!” Sigaw ni Dimitri habang lumalakas ang daloy ng kanyang luha.

“Ano ulit, iyon?” Sabay halik sa leeg ni Dimitri habang nasa loob pa rin ang buong pagkalalaki ni PM.”

“Masarap ka tumanggap ng kantot noon PM!!” Sigaw ni Dimitri. Binitawan ni PM ang sabunot kay Dimitri at sinuntok sa likod. Napaliyad uli si Dimitri kaharap ang malamig na dingding dahil sa sakit ng pagkakasuntok ni PM.

“E di, ano? Gusto mo pa?” Gumalaw uli si PM at ngayon, mas mabagal, at mas malalalim ang kanyang mga galaw na lalong ikinasakit ng dinaramdam ni Dimitri.

“Please, PM. Wag na. Tama na!!” Sigaw ni Dimitri habang binabagalan pa masyado ang pag kadyot kay Dimitri.

“Please!!!!!!!” Mistulang mawawalan ng malay si Dimitri nang nilabasan siya at nagsitalunan ang pising-pisi na malapot na tamod ni Dimitri.
Natawa lang si PM kay Dimitri.

“Di pa nga kita hinawakan, Dimitri, ah. Nilabasan ka na. Parang nagsisinungaling ka ata… Alam mo naman na hindi nagsisinungaling ang tawag ng laman.” Sabay kagat sa tenga ni Dimitri at bumibilis at mas lumalalim pa ang mga kadyot ni PM.

“PM, please lang. Wag mo sa loob iputok dahil maaabutan ako hanggang bukas ilabas lahat ng tamod sa loob. Baka isipin ng mga tao bukas, tumae ako dahil sa tagos ng tamod mo. Please lang. Respetuhin mo naman ako. Please lang…” Iyak ni Dimitri.

“HAHAHAHAH!” Malakas na tawa ni PM. “Wala na. Sabi mo kahit ano di ba? Kaya wag mo ako pagsabihan, dahil mula ngayon, akin na tong butas mo at bubuntisin ko ‘to kahit kelan ko gusto! Maliwanag?!” Sabay tulak ni PM sa buong katawan ni Dimitri sa dingding.

Puro iyak lang ang nilabas ni Dimitri.

“Maliwanag ba tayo, gago?!” Sigaw ni Dimitri.

“Kung di ka sasagot, di ako gagalaw!” Tumigil muli si PM at binaon ng buo patungo sa loob ni Dimitri.

“Oo, PM!! OO! IYONG-IYO NA AKO!!” Sigaw ni Dimitri nang di na niya mainda ang sakit dahil sa laki ni PM.

“Magaling! Hahaha, eto regalo mo dahil isa kang mabait na pokpok ngayong gabi.” At naramdaman ni Dimitri na tumatalsik sa loob niya ang tamod ni PM.

Marmaing naiputok si PM at hinahalik-halikan pa niya ang likod ni Dimitri. Samantalang si Dimitri naman, hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Magkahalong sakit, hapdi, sarap, libog, awa sa sarili, saya ang kanyang nadarama. Dahil wala na siyang lakas dahil sa malakas na hawak ni PM sa kanya sa buong round ng sex nila, iyak na lang ang kaya niyang gawin.

Nang matapos na si PM, kaagad siyang kumuha ng isang litro ng red horse at binigay ito kay Dimitri. Dahan-dahan naglakad si Dimitri papunta sa sofa at naupo.

“Salamat.” Tinanggap ni Dimitri ang malamig na red horse at tinungga ngunit pinigilan siya ni PM. Binaba ni Dimitri ang red horse at tumingin kay PM.

“Bakit?” Sabay mukhang kaawa-awa ang mukhang nakatingin kay PM.

“Sinabi ko bang inumin mo iyan?” Masungit na tanong ni PM. Puno ng pagtataka si Dimitri kaya kaagad siyang sumagot kay PM.

“Ehhh… ano ba ang gusto mong gawin ko rito?” Tanong ni Dimitri.

Ngumisi lang si PM at lumingon kay Dimitri. “Kagaya ng pinagawa mo sa akin noon. Dito.” Sabay hawak sa tumbong ni Dimitri.

“Ito?!” Tanong ni Dimitri.

“Oo. Bakit, nagreklamo ba ako noon? Gawin mo ng maayos at wag mong basagin ang bote. Gusto ko nasa loob mo ang kalahati ng boteng iyan.”

“Imposible!”

“Talaga? Bakit mo pinagawa sa akin iyan noon kung imposible?” May panunuksong tanong ni PM habang nilapit ang mukha kay Dimitri.

Hindi makasagot si Dimitri.

“Wala ka ngang imik, di ba? Kaya mo iyan!” Sigaw ni PM sabay tapik sa braso ni Dimitri. Hinablot ni PM ang bote at nilagay sa sahig. Dahan-dahan umupo si Dimitri at pinasok sa ngayo’y malawak at gamit na na tumbong. Nararamdaman na niyang mas lumalaki ang kanyang loob at mas lumalamig ang kanyang pakiramdam.

Nararamdaman na rin niyang habang palalim siya ng palalim, nawawalan siya ng lakas at tila ba mawawalan siya ng malay.

Hanggang sa dumidilim… at ang sunod niyang naramdaman ay bumagsak ang katawan niya sa sahig.

“Mahina ka pala eh.” Ang kanyang huling narinig.

---

“Parang ang ganda yata ng mood mo ngayong umaga, PM ah?” Tanong ni Gab habang patungo sila sa NGC.

“Wala lang. Parang natanggal lang lahat ng stress ko.” Sagot ni PM habang nakatulala sa labas ng sasakyan.

“Talaga? Ano ba ang meron kagabi.” Tahimik na tanong ni Gab sabay pasimpleng sulyap kay PM.

“Wala lang. Kagaya ng nakasanayan.”

“Ahhh. So masarap pala si Dimitri.” Diretsong komento ni Gab. Hindi naman lumingon si PM at nakatulala pa rin sa labas si PM ngunit nawala ang ngiti. Saglit na lumingon kay Gab at umirap palabas ng sasakyan.

“Bakit hindi ka makasagot, PM? Akala mo di ko alam na andoon si Dimitri sa condo mo kagabi? Akala mo di ko alam kung anong ginawa ninyo kagabi? Akala mo di ko napansin na naghihintay siya kagabi?” Dire-diretsong tanong ni Gab sa kanyang pinakamahinang boses habang nakatingin pa rin sa daan.

“Gab, please lang. Maganda ang gising ko. Wag mo sirain ang araw ko.” Nakatingin ulit si PM sa labas ng sasakyan.

“Bakit ba, PM? Ano ba ang kulang sa akin na hindi mo ako mapansin-pansin?! Bakit di ka makamove on sa pukinginang Dimitri na iyan? Bakit hindi mo siya layuan na lang?!” Tumaas ang tono ni Gab.

“Bakit ba, Gab? Ano ba gusto mo? Gusto mo magsex din tayo, ngayon mismo, dito? Gusto mo ikaw rin ang kakantutin ko? Gusto mo makalamang kay Dimitri? Dali, itigil mo diyan sa gilid at chupain mo ako! Ngayon na!” Sigaw ni PM at hindi na niya napigilan ang sarili.

Tahimik pa ring nagdrive si Gab at hindi pinansin si PM.

“Ano?! Hindi mo ihihinto ang sasakyan?! Ihinto mo putanginang gago ka!” Sabay hawi sa manubela na dahilan nang muntikang pagbangga ng sasakyan nila sa katabing sasakyan.

“Mababangga tayo-”

“ITIGIL MO KASI! IHINTO MO AT KANTUTAN TAYO PARA MAWALA NA IYANG GALIT MO SA AKIN!” Sigaw ni PM.

Kaagad na tumigil sa pagdrive si Gab at nagpark sa sidewalk. Nang huminto na ang sasakyan, tahimik lang ang dalawa na nakatulala sa kawalan.

“Sorry PM. Sorry.” Mahinahong paghingi ng sorry ni Gab. “Siguro nagseselos lang ako. Siguro nag-aalala lang ako para sa’yo. Sorry talaga.” Yumuko si Gab at pumatak ang luha.

“Bakit? Bakit kailangan mo magselos, Gab? Ano ba tayo?” Masungit ang titig ni PM na mistulang tinutuhog ang puso ni Gab.

“Sorry… Sorry PM. Nakalimutan ko kung ano ako sa’yo. Sorry…”

“Iyan kasi problema sa’yo Gab eh. Ang hilig mong manghusga.” Binuksan ni PM ang kanyang pintuan nang nagring ang cellphone ni Gab.

“Hello, Nina? Bakit? Sige. Pupuntahan kita. Sige. Bye.” Sagot ni Gab sa tawag.

Nanigas din si PM at tila hindi makagalaw. Nakatitig lang siya kay Gab simula noong namention ang pangalan ni Nina.

Ano to? Bakit parang bumigat ang pakiramdam ko? Hindi pwede ito...

“Bumalik ka na sa loob PM at ihahatid na kita.” Alok ni Gab.

Humugot ng malalim na buntong-hininga si PM at iniwasan ang mga tingin ni Gab.

“Magsama kayo ng girlfriend mo!” Sabay hampas ng pintuan ng sasakyan, sabay para ng taxi. Kaagad naman na may tumigil sa harap ni PM. Pumasok si PM at hindi na hinintay si Gab.

Lumabas naman ng sasakyan si Gab. “PM!!!!!! AY PUTANGINA NAMAN OO!” Sabay sipa sa gulong.

---

“May breakfast sa mesa. Kain ka na lang. Kumuha ka na lang din ng damit sa loob ng closet ko. Yang nakabalot sa’yo yan. Hindi ko pa nasuot ang mga iyan, so siguro sa’yo na. Pamalit sa pinunit ko kagabi. Pumasok ka rin sa trabaho ngayon dahil may iuutos ako sa Art Department.

-PM”

Nahihilo pa rin si Dimitri at tila umiikot ang kanyang paningin. Inamoy niya ang sarili at amoy sabon siya. Kinapa niya ang kanyang buhok, at basa ito. Binuksan niya ang kumot, at nakaboxers at medyas ito.

Pinaliguan niya ako? Sabi ko na nga ba at mapapatawad niya rin ako. Mabuti na rin siguro na malaman ko na di pa patay si ‘Angelo.’

Bumangon sa kama si Dimitri at naramdaman niya ang sakit ng katawan. Mas kumirot ang kanyang likuran nang magsimula na siyang maglakad. Mamula-mula pa ito dahil sa sex nila kagabi.

KRIIING!

“Hello?” Pag sagot ni Dimitri sa tawag sa kanyang cellphone.

“BAKIT ANDIYAN KA SA CONDO NG BAKLANG IYAN?! DI BA SABI KO SAYO LAYUAN MO SIYA DAHIL MINAMALTRATO NIYA AKO?!” Sigaw ng asawa niya sa alas-sais ng umaga.

“May kinuha lang akong papeles dito. Sabi niya kasi sa akin kunin ko na lang dito sa umaga.”

“EH SAAN KA NATULOG KAGABI? TEXT AKO NG TEXT SAYO PERO HINDI KA SUMASAGOT! GINAGAGO MO BA AKO! MAGKIKITA TAYO MAMAYA AT MALILINTIKAN KA SA AKIN!” Sabay patay ni Corina sa tawag.

Nilagay lang ni Dimitri ang kanyang cellphone sa side table.

“Palagi na lang. Mabuti pa si PM, napaliguan pa ako. Itong si Corina, di man lang ako tinanong kung kumain na ba ako. Hahay.”

---

“O?” Sagot ni PM sa kanyang cellphone.

“Parating na ako diyan PM. Magmimeeting ba tayo?”

“Bilisan mo, Dimitri at marami pa kayong hahabulin ng team niyoi. Wag niyong paghintayin ang mga clients natin. Paki-ayos na lang din ng output ninyo. Nalulunod na sa tasks ang team mo at wala ka pa.” Utos ni PM.

“Saan ba yang project na iyan?”

“International Pacific. Malaking account to at mahalagang breakthrough ito para sa Blue Canvass. Kaya bilisan mo na diyan. San ka na ba?”

“Sa may B. Road na ako.”

“Bilis!! Kanina ka pa dapat nandito. Ibababa ko na. Bye.”

“Teka-”

“Oh?” May halong inis na tanong ni PM.

“Sa… Salamat pala sa paligo at damit, at sa agahan.”

“Hindi ako nagmamagandang loob sa’yo Dimitri. Ayoko lang na magduda ang mga tao sa akin.” Pinatay na ni PM ang kanyang cellphone.

“Sir!” Sigaw ng kanyang secretary sa kanya habang papasok sa kanyang office.

“Bakit?”

“Sir!! Andiyan si Gio Santos sa labas!” Sabay kilig ng kanyang secretary.

“O tapos?” Tanong ni PM habang nagrereview ng mga contracts para sa Blue Canvass. Hindi man lang niya binigyan pansin si Gio na nakadungaw mula sa labas ng kanyang opisina.

“Sir!! Tingnan mo kasi!!” Sigaw ng secretary niya.

“Lumayas ka na nga. Nakakabwisit ka naman oo. Umagang-umaga, marami akong kelangan tapusin kaya please lang, wag mo akong guluhi-” Napatigil sa pagtalak si PM nang napalingon siya.

Nasa likod ang kanyang secretary at nasa loob na pala ng opisina niya si Gio, may dalawang teddy bear na malaki.

“Sir, maiwan ko muna kayo ha.” Kilig na pagtakas ng secretary ni PM mula sa kaniyang opisina.

Umiling na lang si PM at bumalik sa mga paperworks na kanyang nirereview. Umirap na lang siya at hindi na pinansin si Gio.

“So hindi mo ako papansinin?” Sabay lapag ng bouquet sa mesa ni PM. Lumapit si Gio sa mesa ni PM at niyakap ang malaking teddy bear na kanyang buhat buhat.

“Please lang Gio, wag mo ako bigyan ng kaututan ngayon. Marami akong ginagawa at di ko kayang sayangin ang oras ko sa’yo.” Hindi man lang lumingon si PM kay Gio.

“Bakit di mo subukan sayangin ang atensyon mo sa akin ulit? Malay natin, baka kaya na nating dalawa.”

Napa-”huh!” lang si PM at umiling habang nakangisi.

“Uyyy, bespren, kinilig ka!” Sabay kirot ni Gio sa pisngi ni PM. Nang tinanggal ni Gio ang kanyang kamay, kaagad kumuha ng ballpen si PM at hinampas ito sa daliri ni Gio. Tumayo si PM at kwinelyuhan si Gio.

“Listen here, you little piece of shit, pagod na ako. Noong matino pa ako, halos dilaan ko ang likod ng sapatos mo para mapatawad mo ako, anong ginawa mo? Trinato mo akong gago. Binaboy mo ako. At pagkatapos, babalik-balik ka at sasabihin mo na sorry ka? Wag na tayong maglokohan. At kung gusto mo pa na mapatawad kita, hindi ako nadadala sa mga putanginang teddy bear na yan. Dito kita dadaanin…” sabay haplos sa pwet ni Gio “...at dito kita papasukin.” sabay haplos sa pagitan ng pwet ni Gio.

“Kaya kung gusto mo lang mapasok ulit, hintayin mo matapos ako sa trabaho ko. At mula doon, aaraw-arawin ko iyang pokpok mong butas. Naiintindihan mo? Ngayon, kalmado mong iwan ang teddy bear na iyan para di nila mapansin na controlado kita. Plus mahilig ako sa teddy bear. Salamat diyan. Yang flowers, paglabas mo, sabihin mo sa kanya na iyan at ipalagay sa center table. Itetext kita kong nalilibugan ako at gusto kong kantutin ang masarap kong dating bespren. Naiintindihan mo… ‘tol’?”

Umiling lang si Gio dahil sa takot.

“Ngayon. Give your master a taste of that sweet lips.” Sabay dila ni PM sa kanyang labi.

“Pero.. may mga nakatingin sa labas?” Pag-aalangan ni Gio.

“E, problema mo na iyan kung bakit mo ako nilandi sa opisina ko. Wala ka kasing karapatan pumasok hangga’t sinasabi ko. Pero total andito ka na naman, halikan mo ako o itatali kita sa susunod. Mamili ka?”

Sumusulyap si Gio sa labas ng opisina at kaagad na sinunggaban ang mga labi ni PM. Lumaban din si PM sa halikan.

“Sige. Lumayas ka na.” Tinulak ni PM si Gio. Kaagad naman lumabas ng opisina si Gio at inalok sa secretary ni PM ang bulaklak. Naupo muli si PM.

“Next time, kung trabaho, makipagtrabaho sa mga katrabaho… Dahil ang mga katrabaho, hindi ‘tinatrabaho.’”

“Problema na niya yun, tanda, kung bakit niya ako nilandi during office hours.” Hindi na lumingon si PM kay Sheldon.

“Irereport kita sa HR kung ganon.” Pabiro ni Sheldon.

“Baka nakakalimutan mo Sheldon, CEO din ako. Di mo ako pwedeng patalsikin sa sariling kumpanya.”

“Joke lang. Mabuti iyang andiyan ka para ikaw na ang bahala sa lahat ng bagay. Teka, pati si Gio.. Bakla din pala iyon?” Punong katanungan at pag-aalinlangan ni Sheldon.

“Hindi, Sheldon. Nag-CPR lang kami na patayo para maenjoy kaming dalawa dahil nabobored na ako rito.” Sarkastikong sagot ni PM.

“Puta. Sino pa bang hindi bakla sa mundo!” Umiling si Sheldon.

“Ikaw. Kaso matanda ka na. Kakabwisit naman oo. Kuha lang ako tubig.” Tumayo si PM at lumabas ng opisina upang lumapit sa dispenser.

“Sir…” mahinang tawag ng secretary ni PM habang lumapit din sa dispenser ang secretary niya.

“Sir, kamusta na ang imbestigasyon mo kay Felicilda?” Tanong ng secretarya niya.

“Medyo alam ko na ang mga nangyari noon. Yung reporter na nabuntis, si Felicilda, sinipa ng mga magulang niya mula sa bahay nila. Ang nakabuntis… si Eugenio. Kinupkop ni Sheldon para malinis ang NGC, tinago ni Sheldon si Felicilda at ginawa itong maid. Ngunit tumakas din. Ang anak niya binigay niya sa bagong may-ari ng kumpanya ng family nila. May-ari sila ng Arturo Feathers, kaso, inigaw ng mga Giligan. Ang anak ni Felicilda Arturo ay nasa sa mga Giligan! Ang mga may-ari ng Diamond Chain ngayon, mga magulang ni Corina. Kung magkapatid si Felicilda at Martil OR Liza… Kadugo ko si Corina!” Kumuha pa ng isang baso ng tubig si PM at uminom.

Nakatulala lang ang secretarya niya at nakatingin.

“Yun na yun?” Tanong ng kanyang secretary.

“Kelangan ko lang malaman nasaan na si Eugenio ngayon para mapatay ko siya bago niya ako mapatay.”

“Tanungin mo ang mga Giligan?” Payo ng secretary niya.

“At bumalik ka na sa trabaho mo. Hindi kita binibigyan ng sahod para makipagchismisan sa mga bagay na pinagkakaabalahan ko.” Masungit na sagot ni PM habang naglakad pabalik sa kanyang opisina.

gab489: Sorry kanina… I’m sorry.
montemayor88: seen 7:40 AM
gab489: Uyyy.
gab489: PM?
gab489: Sorry talaga kanina…
gab489: Please reply ka naman. :(
montemayor88: Mamaya na.

Binalik ni PM ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at nagpatuloy sa pagtatrabaho. Nagchechek pa rin siya ng mga kontrata ngunit hindi mawaglit sa isip niya kung paano niya kakausapin ang mama ni Corina.

Kelangan ko ng lead.

Kaagad na tumayo si PM at tinawag ang kanyang secretary. “I-search mo nga ang status ng nanay ni Corina at i-email mo sa akin.”

Bumalik sa pag-upo si PM at hinihintay ang email ng kanyang secretary.

“Hindi mo na ako pinapansin ha? Aalis na lang ako.” Tumayo si Sheldon at  lumabas ng opisina. Di rin pinansin ni PM ang pag-alis ni Sheldon.

ONE (1) MAIL RECEIVED!

Click

“Ano to…. Hmmm…” Nag-scroll down si PM. Sinusuri niya ang e-mail na dumating mula sa kanyang secretary. Ilang sandali lang, nakuha na niya ang kanyang kumpirmasyon.

“Eto. Separated with husband on the day she assumed CEO position at Diamond Chain”

Tumpak. Ikaw ang umampon sa anak ni Felicilda! At walang duda, ito si Corina!

---

“Anak… Sigurado ka na ba talaga na hindi mo tatanggapin ang alok na kasal ni Nina? Sa totoo lang, kung pakakasalan mo siya, alam ko di ka na mamomroblema sa pera. Stable na sila”

“Ako rin.”

“Anak…” Lumapit ang nanay ni Gab sa kanya at hinaplos ang kanyang ulo. “Tumatanda ka na Gab at hindi ka na bumabalik sa pagkabata. Bente-otso ka na, at ako mamamatay na. Kahit man lang bigyan mo ako ng apo na pwede kong alagaan…”

“E di mabuti pa pala ang apo ma, binibigyan mo ng halaga. Ako na walang pamilya, walang nanay, walang tatay, walang pumapansin sa family day ko, namatay na lang si lola, ni isang birthdays ko nung magkahiwalay na kayo, wala akong nakita sa inyo maliban sa pera ninyo.”

“Anak naman… pasensiya na sa mga pagkukulang ko sa’yo bilang ina. Pero kailangan mo rin intindihin ang mga pangangailangan ko noon bilang isang dalagang babae na naghahanap ng makapiling pagkatapos ng relasyon ko sa papa mo.” Malungkot ang mukha ng nanay ni Gab.

“Ganon po ba ma? So siguro kailangan mo rin intindihin ang pangangailangan ko bilang isang binatang lalaki na naghahanap ng makapiling.”

“Sino? Iyong may-ari ng NGC? Gab, payag ako kung magiging bakla ka. Pero wag mo naman sayanging ang lahi natin para sa kabaklaan mo. Apo lang ang hinihingi ko anak…”

“Bakit? Ano ba ang problema sa kanya? Mabait siya-”

“Mabait?! Eh muntikan na nga yan makapatay. Baka ikaw pa ang patayin niyan. Anak please…”

“Mawalang-galang lang po. Uh-hum!” Sabay ubo ni PM sa likod ng mag-ina.

“Hindi pa po ako nakapatay ng tao. Pero kung gusto niyo po patunayan na tama ang sinabi niyo, baka gusto niyo ho kayo ang una kong sampolan para walang samaan ng loob. Nakakahiya naman po kasi sa inyo baka sabihin pa ni Gab sinungaling kayo.”

Natigilan ang mama ni Gab sa tono ng pananalita ni PM. Hindi ito makatingin sa mata ni PM at nakayuko lang.

“Baka gusto niyo pong umorder muna ng noodles doon kasi po may mahalaga akong sasabihin kay Gab.”

“Anak ko siya at wag mo akong pagsabihan kung paano ko siya pakikisamahan!” Mataray na sagot ng mama ni Gab.

“Ma!” Tumaas ang boses ni Gab. “May kailagan siyang sabihin saken. Please lang.”

Hindi na lumingon ang mama ni Gab at nagsalita habang papaalis. “Susunod na lang anak.” Sinundan ni PM ng tingin ang mama ni Gab hanggang sa palabas na ito ng building.

“Bakit ano daw yun Gab?” Tanong ni PM sabay upo sa tabi ng open lounge sofa.

“Wala. O nga pala, pasensiya ka na kanina ha? Di ko talaga sinadya. Uminit lang siguro ulo ko kaya ayun.” Nahihiyang yuko ni Gab.

“Wala yun. Eto na. Kelangan ko ang tulong mo. Pupuntahan natin ang mama ni Corina-”

“Ha?” Mabilis na pag-insert ni Gab.

“Oo. Mama ni Corina.” Pagklaro ni PM.

“Bakit naman?”

“Eh kasi, di ba sabi ko sa’yo na may dating reporter na nabuntis? Si Felicilda Arturo? Yung kapatid ni nanay? Tapos para di maging malaking eskandalo, biglaan na lang nawala pati iyung nakabuntis sa kanya, si Eugenio, kahit sino di nakakaalam sa kanyang katauhan? Para bang, nawala silang dalawa na parang bula.” Nag-eexplain si PM at nakatingin lang si Gab sa kanya na puno ng pagtataka.

“Okay, tapos?”

“Si Sheldon ang kumuha kay Felicilda. Tinanggal sa mata ng publiko at dinala niya sa sariling bahay niya bilang kasambahay. Ngunit di yata maganda ang mga nangyari, kasi nga libreng sakay lang si Felicilda sa bahay ni Sheldon. Kaya siguro lumayas si Felicilda kina Sheldon, at nang lumabas na ang anak ni Felicilda, di niya siguro kaya itong buayin, pinaampon na niya rin.”

“Kanino?” Naguguluhang tanong ni Gab.

“Naalala mo ang huling pinuntahan natin sa Ronamblong? Iyun ang dating tirahan ng umampon sa anak ni Felicilda.”

“Mga Giligan ang dating nakatira dun?”

“Tama! Akala natin ang mga magulang mismo ni Felicilda ang may-ari ng bahay na iyon. Pero mali. Ang dating naninirahan dun ay ang mga bagong may-ari ng Arturo Feathers…”

Nakatulalala lang si Gab kay PM at hinihintay ni PM na dugtungan ni Gab ang kanyang sinabi. Nag-iisip si Gab nang unti-unting lumiwanag ang kanyang mukha.

“Na unti-unting inagaw ng mga Giligan mula sa mga Arturo?”

“Yun!” Sigaw ni PM kay Gab sabay gulo sa buhok nito.

“Pero teka lang PM, may kulang eh. Kung magkapatid ang nanay mo at si Felicilda, at anak ni Felicilda si Corina… magpinsan kayo? Saan na ang ibang anak ng nanay mo? Sina Gustav at Mikee? Tsaka bakit parang mabigat ang kahulugan ng bracelet na suot ni Corina nang nakita ito ng nanay mo?”

Natahimik si PM at nakatulala sa malayo.

“Di ko rin alam Gab eh. Pero siguro sa ngayon tama muna ito. Mas mabuting puntahan na lang muna natin si Miss Giligan. Hiwalay na kasi sila ng asawa niya nang nakuha niya ang Arturo Feathers at ginawang Diamond Chain… Dali na.” Tumayo si PM at diretsong lumabas ng building.

“Teka. PM. Naguguluhan na ako ha? Akala ko ba sa una tutuklasin lang natin ang pamilya mo? Bakit pati buhay ng iba pinapasok na natin?” Hinabol ni Gab si PM.

“Di ko rin alam eh. Kusa lang akong dinala patungo rito.”

---

“Tao po!” Sigaw ni Gab sa harap ng gate ng mga Giligan. Maya-maya bumukas ito.

“Magandang hapon po. Sino po sila?” Tanong ng maid ng mga Giligan.

“Hello po. Ako po si PM Realoso at hinahanap ko po si Marites Giligan?” Pagpapakilala ni PM sabay ngiti sa maid.

“Sige po pasok kayo.” Malawak na binuksan ng maid ang gate at pinapasok si PM at si Gab. Maganda ang bahay nila. Malaki ang space. Moderno. Simple. Magaan sa mata. Hindi sumusobra sa mga kagamitan.

“Hi. Marites. You are?” Tanong ng isang babaeng may katandaan na ang mukha pero bakas pa rin ang estado ng buhay dahil sa magagarang damit at mga alahas sa katawan.

“Hello. PM. Gab.” Nag-alok makipagkamayan si PM at kinamayan naman siya ni Marites.

“Mabuti naman at may bisita na ako. Dali, upo kayo.” Sabay paupo nila sa terraces.

“Tea? Coffee? Juice?” Alok ni Marites habang dahan-dahan nang naupo si PM at si Gab.

“Coffe-” Ngiti ni Gab pero kaagad siyang sinabatan ni PM.

“Wag na lang po. Saglit lang talaga kami. May gusto lang akong itanong sa inyo.” Sumandal si PM sa upuan at nakikinig lang si Gab sa tabi ni PM.

“Kahit ano, boy!” Tawa ni Marites.

“Ano na po ang kadalasan niyong ginagawa ngayon? Ngayong nakay Corina na ang Diamond Chain?” Diretsong tanong ni PM.

“Well..” Nagbago ang ngiti ni Marites at napalitan ng lungkot. “Nasa bahay na lang ako at paminsan-minsang chini-check ang mga investment ko sa mga iba’t-ibang business.”

“Wala po kayong shares sa hotel?” Tanong ni Gab.

“Wala eh… Kinuha lahat ni Corina. Naiintindihan ko naman dahil nangangailan naman siya ng pera dahil nga mahina ang business ng entertainment agency niya ngayon. Magaling din naman kasi magmarket ang NGC. Di na ako nabigla.”

“Bakit naman po ma’am? Mama niya kayo di ba? Yung mister niyo po?” Tanong ni PM kay Marites.

“Hinayaan ko na lang din eh. Naku, kayo ha! Napakapersonal na ng questions niyo sa akin. Mabuti na lang game ako. Haha. Sa totoo lang marami na akong balita narinig tungkol sa anak ko. Kung paano siya kasama sa mata ng publiko, sa mga katrabaho - lahat! Ako nga ang naaawa kasi di ko rin alam kung saan ako nagkamali sa pagpapalaki sa kanya.”

“Yung tatay niya po?” Tanong naman ni Gab.

“Actually.. E-Eh, lumaki siyang walang tatay eh. Yung tatay na alam niyo? Nakilala ko na iyon pagkatapos kong makuha si Corina-”

“Makuha-?” Tanong ni PM.

“Ay. Sorry!” Namutla ang mukha ni Marites at tila hindi alam kung ano ang gagawin.

“Sa totoo lang… Ampon lang si Corina eh. Ginagawa ko talaga ang lahat ng makakaya ko para maintindihan niya na ampon ko siya pero mahal na mahal ko siya na higit pa sa isang totoong anak. Kaso, parang hindi niya natanggap kaagad yon at parang ako ang nasasaktan sa bawat sandaling nagagalit siya sa akin.” Yuko ni Marites.

Nagkatinginan si Gab at PM.

“Sino po ba ang nagbigay kay Corina sa inyo? Si Felicilda po ba?” Tanong ni PM.

“Sino ulit?” Tanong ni Marites.

“Si Felicilda Arturo?” Pag-ulit ni PM.

“Ay… hindi ko na nakita yung batang yun eh. Sa totoo lang, dalawang beses ko lang ata nakita si Felicilda dahil madalas siya sa Hong Kong nagbabakasyon at babalik lang para mag-aral. Buong buhay noon, ang free time wala sa nanay o tatay niya. Di rin kasi maganda ang timpla ng nanay at tatay nila sa akin dahil madalas kami magtalo ng mga nun. Kaya nung narinig ko na nawala lang bigla ang anak nila, di ko alam kung ano ang mukha, o anong nangyari, o anong motibo. Basta ganun lang - mistulang nawala.” Huminga ang mama ni Corina.

What? So saan galing ang anak mo? Sino ang nanay ni Corina? Sino ang nagbigay kay Corina sa’yo? Bakit mali-mali ang kwento mo?

“So ano po ang pangalan ng nagbigay kay Corina sa inyo?” Tanong ni PM kay Marites.

“Teka… nakalimutan ko na eh. Kunin ko lang saglit yung birth certificate niya ah. Binigay niya kasi saken yun para maprocess yung transfer ng custody. Sandali lang. Kunin ko na lang din ang picture niya na nakuha ko, at dating birth certificate ni Corina.” Tumayo si Marites at pumasok sa loob ng kwarto.

Nagkatinginan lang si Gab at PM.

“Parang kinukutuban na ako Gab kung ano ang magiging tagpo ngayong hapon.” Inis na sabi ni PM. Hinawakan lang ni Gab ang kamay ni PM para pakalmahin ito.

Maya-maya, lumabas na si Marites dala ang isang brown envelope na pinaglumaan ng panahon. Uupo na sana ulit si Marites nang tumigil siya para tingnan ang mukha ni PM.

“Pakitanggal nga ng shades mo, PM.” Sambit ni Marites.

“Bakit po?” Tinignan ni PM si Gab at napaayos ng upo.

“Basta, tanggalin mo lang. Namumukhaan kita. Pamilyar ang mukha mo.” Utos ni Marites sabay upo sa inupuan kanina. Tinanggal ni PM ang kanyang shades at tinignan sa mukha si Marites.

Namutla muli si Marites at kaagad na pinasok ang kamay sa envelope.

“Kahawig mo siya.” Sorpresang kongklusyon ni Marites.

“Nino po?” Tanong ni Gab sabay tingin kay PM.

“Siya.” Nilabas ni Marites ang kanyang kamay mula sa envelope at kumuha ng lumang litrato.

“Ang mama ni Corina.” Naguluhan si PM at si Gab sa sinabi ni Marites. Kaagad tinignan nila ang litrato.

Mistulang maubusan ng dugo sa mukha si PM sa nakita.

“S-Si… nanay iyan ah?”

---

“John! Tapos pag tapos na kayo diyan, ilagay niyo na lang sa mesa ko ha? Paki-forward na lang din sa team ni PM para magawan nila ng report.”

“Sige, sir.”

“Sige. Tapos na naman ako rito. Una na lang ako sa inyo. Nasa baba na iyong asawa ko. Ingat!”

“Sige po.”

Kinuha ni Dimitri ang kanyang briefcase at ika-ikang naglakad patungo sa sasakyan na nakapark sa kanyang parking space.

“ANG BAGAL! KANINA PA KAMI NAGHIHINTAY DITO NI MONTE! BILISAN MO!” Sigaw ni Corina mula sa malayo. Nakayuko lang si Dimitri at binuksan ang car door sa likod upang ilagay ang kanyang mga gamit. Naupo na rin siya sa passenger’s seat katabi si Monte.

“Kamusta ang baby boy ko?” Sabay yakap kay Monte.

“KUYA, UWI NA TAYO. MAGLULUTO PA KAMI. BILIS!” Sigaw ni Corina sa kanilang driver.

Umandar ang kanilang sasakyan at humarurot sa daan na si Corina lang ang nagsasalita.

“SABI KO NA NGA BA! PUTANG INA KA TALAGA DIMITRI! NANGANGALIWA KA! MASAYA BA KAYO NG KABIT MO? FIVE MINUTES OF HEAVEN BA?! KUNG ALAS-SINGKO ANG USAPAN, PUMUNTA KA NG ALAS-SINGKO! HINDI 5:10, HINDI 5:30, HINDI 5:05! ALAS-SINGKO!” Sabay palo sa ulo ni Dimitri.

“Corina, may bata. Please lang.”

“HINDI AKO MANANAHIMIK HANGGA’T-”

BOOGSH!

Pumutok ang gulong ng sinasakyan nila Dimitri at pagewang-gewang na sila sunod.

---

“Si-si nanay yan ah?” Tanong ni PM sabay lingon kay Marites.

“Kilala mo siya? Ito si Liza Manlangit. Siya ang nanay ni Corina.” Pagpapakilala ni Marites sa batang babae na nasa litrato.

“Si Mikee Manlangit ba si Corina?” Natatakot na tanong ni PM kay Marites.

“Oo. Eto oh.” Sabay pakita sa dating birth certificate ni Corina: MIKEE MANLANGIT

“Putang ina. Hindi pwede.” Tumayo si PM at napakurot sa kahabaan ng kanyang ilong.

Naguguluhan si Marites at napatingin lang nang punong pagtataka kay PM.

“Bakit? K-Kaano-ano mo si Liza?”

“Seryoso po kayo?” Bumalik si PM sa mesa na kinauupuan nila. “Di niyo namumukaan yan ma’am? Yan po ang anak ng ninakawan niyo ng kumpanya! Si Felicilda iyan!” Sigaw ni PM kay Marites.

“O tapos?” Tanong ni Marites.

“Anak ako ni Liza Manlangit! Tangina.” Tumayo ulit si PM at lumabas ng bahay.

“Maraming salamat po, ma’am Giligan. Sa totoo po, inaalam po kasi ni PM ang kanyang pamilya. Tapos hindi po maganda ang pakikitungo ni PM at ni Corina sa isa’t-isa. Kaya medyo nagkakagulo.”

“G-Ganon ba?”

“Salamat po talaga. Babalik na lang po kami kung nakapag-chill na si PM.” Tumayo si Gab at sinundan si PM na di pa nakakalabas ng gate. Hinabol niya ito hanggang sa lalabas na sana si PM ng gate.

“PM…” Pinatong ni Gab ang kanyang kamay sa balikat ni PM para makisimpatiya. Tinanggal ito ni PM at tumalikod.

“Tangina Gab! Sa lahat, bakit siya pa?” Umiyak si PM at naupo lang sa may bandang gate.

“Sorry PM… Wala na tayong magagawa eh. Magpalakas ka, please?”

Bumukas ang gate at pumasok si Monte, sunod si Dimitri, sunod si Corina. Nakita ni Corina si PM na umiiyak sa gilid.

“At anong ginagawa mo sa bahay ng mama ko?” Sabay tanggal sa kamay ni PM na nakaharang sa sariling mukha. Tumingala si PM na punong-puno ng galit at lungkot ang mukha, at tiningnan si Corina.

“Wag mo akong tingnan ng ganyan sa sariling bahay ko, ng pamilya ko, bakla! Tumayo ka at lumayas ka sa pamamahay ko!” Sigaw ni Corina kay PM. Marahang tumayo si PM at napakasama ng tingin niya kay Corina habang dumadaloy ang kanyang luha mula sa kanyang mata.

SPLAK!

Isang malakas na sampal ang ginawad ni PM sa mukha ni Corina. Natapon si Corina sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasampal niya rito. Nagulat si Corina sa ginawa ni PM. Napaatras naman si Dimitri at si Monte.

“Doble na ang utang mo sa akin. Tandaan mo iyan!” Turo-turo ni PM kay Corina. Kaagad na lumabas si PM at si Gab at diretsong pumasok at pinaandar ang kanyang sasakyan.

Tahimik lang ang dalawa habang binabaybay ni Gab ang  daan patungo sa condo ni PM.

“Sorry talaga PM.”

“Putangina kasi Gab eh. Tumulong si Corina sa pagpatay ng sarili niyang ina!” Pag-iyak ni PM sabay dabog sa bintana ng sasakyan ni Gab.

“Isa siyang demonyo! Walang puso! Pinatay niya ang nanay namin! At ang mas masakit… kadugo ko siya! Ugh. Putangina talaga!!!” Sunod-sunod na dabog ni PM sa bintana.

“Si nanay din, isang malaking sinungaling! Una sabi niya kapatid niya si Felicilda at si Liza… ngayon iisa lang pala sila! Ginagago niya ako! Kinulong niya ako sa kasinungalingan! Ugh!!”

“I’m sorry PM. Eto na tayo. Magpahinga ka muna.” Hininto ni Gab ang sasakyan sa harap ng condo ni PM at niyakap eto. Umiiyak si PM at tulo ng tulo ang kanyang luha habang mahigpit ang yakap niya kay Gab.

“I’m sorry PM. Dito lang ako para sa’yo, palagi. Kahit inaaway mo ako. Kahit inaalila mo ako. Andito lang ako palagi.” Sabay haplos sa ulo ni PM.

“Alam ko Gab. Salamat sa lahat ng tulong mo.” Kumalas si PM at ilang pulgada lang ang pagitan ng mukha ni Gab at ni PM.

Palapit nang palapit ang kanilang mukha nang nagtanong si Gab: “PM, tulungan mo naman ako please? Please, tanggapin mo na ako sa buhay mo? Alam ko maaga, but will you be my boyfriend?” Nakatulala lang si PM at nakatingin lang sa mga labi ni Gab.

Hahalikan na sana ni Gab si PM nang umatras si PM at kaagad na binuksan ang pintuan.

“I can’t. Not now.” Umiwas ng tingin si PM at iniwang nakabukas ang pintuan. Humakbang na palayo ng sasakyan si PM nang narinig niya si Gab sa telepono: “Hello, Nina? Parating na ako diyan, baby.”

“..baby…”

“..baby…”

“...baby…”

Nag-echo sa tenga ni PM habang palayo nang palayo na siya sa sasakyan ni Gab.

Ouch.


Itutuloy...

GAPANGIN MO AKO. SAKTAN MO AKO. 2

_________________________________________________________________________________

Part 2: "Mga ala-ala"
Chapter 16: "Wag kang bibitiw bigla"
PM, minsan, kung puno na ang mga kamay natin, kailangan bitawan ang iilang bagay para may mas magandang bagay tayong mahahawakan. Masakit man magparaya, o minsan, pakiramdam natin, parang may kulang, ganon talaga eh. Hindi tayo matututo kung hindi natin susubukan. Malay mo, may mas mabuting tao pa pala na nakalaan para sa’yo.
Sheldon Grandyaryo

---


Chapter 16


“Hello, Dimitri. Good morning! Another day, another sunshine.” Isang edited na boses ang narinig ni Dimitri sa telepono.

“Sino to?” Tarantang tanong ni Dimitri na kanina pa di maka-focus habang paakyat na siya sa kanyang opisina.

“Swerte mo gulong mo lang ang napagdiskitahan ko kahapon. Pero mag-ingat-ingat ka dahil pwede kitang sirain kahit anumang oras.” Sabay narinig ni Dimitri na pinatay na ng tao sa kabilang linya ang tawag.

Namutla si Dimitri at tila mawawalan ng bait ang mukha.

“Sir! Bakit balisa kayo? Tapos na iyong project. Check mo na lang sa mesa mo. Thanks! Good morning pala!” Bati ng kanyang ka-team habang pumasok na sa kanilang office. Dahan-dahan na ang lakad ni Dimitri hanggang sa di kalayuan narinig niya na may nagsisigawan malapit sa may office ni PM.

“Hindi, kailangan ko po siyang lapitan talaga. Aalis din naman po ako eh.” Pakiusap ng isang babaeng may katandaan ang mukha, mga nasa singkwenta ang edad.

“Sorry po talaga ma’am. Hindi nagpapaistorbo talaga si Sir PM basta’t di pa siya nakakarating ng opisina. Kaya mahigpit pong pinagbabawal ang pagpasok sa opisina niya.” Pagdahilan ng secretary ni PM habang pinipigilan ang babae na makapasok.

“Teka, anong nangyayari dito?” Lumapit si Dimitri at tumingin sa secretary ni PM.

“Gusto po kasi pumasok ni ma’am sa office ni Sir PM, eh wala pa si sir dito at baka mapagalitan na naman kami. Utos niya rin naman.”

“Hindi mo kasi naiintindihan! Iiwan ko lang naman ang envelope na ito at aalis din ako!” Sigaw ng babae.

“Pwede niyo naman pong ipabigay na lang. Ako na pong bahala-”

“Hindi! Ako ang personal na bibigay nito kay PM. Ngayon, papapasukin mo ako o lagot ka sa akin.”

“Ma’am di talaga, pwede.”

“Eto, ganito na lang. Ma’am, pasensiya na po talaga at hindi pa nakararating si PM. Kaya dito po muna tayo sa gilid at maghintay hanggang papasok na siya.” Pagsabat ni Dimitri sa dalawa.

“At ngayon andito na ako, pwede na kayong makaalis. Lita, pasok ka.” Diretsong sabat ni PM at diretsong naglakad sa kanyang opisina na di na pinansin si Dimitri or ang kanyang secretary.

Kaagad na nilapag ni PM ang kanyang backpack sa mesa at naghubad ng sweater.

“Anong atin sa umagang busy, Lita? Kamusta na si Donna? Maayos na ba ang kinalalagyan niya sa bagong shelter na nilipatan niya?” Tanong ni PM sabay paandar ng mac niya.

“Di na siya nagkakaproblema PM. Maraming salamat sa tulong na ginagawa mo sa amin.”

“Okay. So anong pakay mo sa akin ngayong umaga?” Umupo si PM at nagbukas ng iilang folders.

“Eto.” Nilapag ni Lita sa harap ni PM ang envelope.

“Ano yan?”

“Di yan saken. Sa’yo yan. Sa’yo na yan. Ayoko nang magtira ng kahit anong dokumento tungkol sa nanay mo, o kanino man na kaano-ano ng nanay mo. Ayoko na makialam sa problema niyo. At hanggang dito na lang ang kaya ko. Kaya kung may gusto kang itanong, itanong mo na sa akin bago ako magpakalayo-layo.”

Inabot ni PM ang envelope at binuksan ang nilalaman nito. Nakastaple ang mga birth certificates ni Felicilda.

“Ang nanay mo ay isang dating reporter. Alam mo na naman siguro yan. Kinupkop siya ng boss niya, na partner mo na ngayon dito sa kumpanya. Di nagustuhan ang ugali ng asawa niya, at inuulila siya, kaya nawala ang ganda at ang magandang kutis. Di na rin siya pwedeng bumalik sa mga magulang niya dahil pinalayas na siya ng lolo mo. Hindi na rin niya kaya ang pagsunod ni Eugenio sa kanya.” Sabi ni Lita.

“Anong kwento nun?”

“Hindi ko alam. Pero baka gusto kunin ni Eugenio ang anak nila ni Felicilda.”

“Teka lang,” pagpahinto ni PM kay Lita. Tumayo si PM at dumungaw sa pinto. “Pakisearch mo nga kung may mga files ka tungkol kay Eugenio. Malamang nasa NGC lang siya.” Utos niya sa kanyang secretary.

“Pero sir, wala po talagang files tungkol kay Eugenio rito sa archives.”

Bakit hindi na lang nagpakasal si Eugenio at Felicilda noong nalaman ni Eugenio na anak niya ang dinadala ni Felicilda? Alam ko na tong mga kwentong ganito eh… Tiyak may iba si Eugenio, at hindi sila pwede ni Felicilda.

“Search mo kung may mga kasalan within one week nang pagkawala ni Felicilda.” Di na hinintay ni PM na sumagot ang kanyang secretary at naupo muli sa kanyang upuan kaharap si Lita.

Tinignan ni PM ang birth certificate na kasunod nito LIZA MANLANGIT


“Ayun. Lumayas si Felicilda habang dinadala ang anak nila ni Eugenio. Dun niya nakilala si mama. Nagbago siya ng pangalan, at naging Liza Manlangit. Ang anak niya ay si-”

“Mikee Manlangit.”

“Tama. Na ngayon hindi ko matukoy kung saan. Bobo kasi yang nanay mo, pinamigay pa si iba. Matapos ang dalawang taon, ito na ang mukha ng ng nanay mo.” Sabay hablot ni Lita ng isang lumang litrato mula sa envelope.

“Tumanda, nawala ang ganda, umitim, at naging simple. Nawala pa ang anak niya. Bumalik siya sa mga Grandyaryo…”

“upang magnakaw ng bata. Si Gustav Grandyaryo na hindi ko pa nakikita.” Pagdugtong ni PM. Tumingala si PM kay Lita at tahimik lang itong nakatingin sa kanya.

“Hinding-hindi mo na makikita si Gustav, PM.” Bulong na sabi ni Lita. Umiba ang mukha ni PM at puno na ito ng katanungan.

“Bakit naman?” Tanong ni PM. Lumapit si Lita at sumandal sa mesa. Pinaktia ni Lita ang litrato ni Gustav Grandyaryo nung bata pa siya at tinanggap naman ito ni PM.

“Anong meron sa picture ni Gustav?” Tanong ni PM. Umiling lang si Lita. Nang tiningnan ni PM ang likod ng litrato, nanlamig ang kanyang lalamunan.

ANGELO MONTEMAYOR
Kaagad na umangat ng tingin si PM kay Lita na puno ng katanungan. Hinablot ni Lita ang makapal na papel na nasa loob ng kanyang envelope at pinakita ito kay PM.


“Yan ang birth certificate ni Gustave Grandyaryo. Yan ang original na birth certificate niya. Kasunod ng papel na yan ay…”

Binasa ni PM ang buong certificate ni Gustav at binasa ang kasunod na papel nito.

ANGELO MONTEMAYOR


Nanigas ang buong katawan ni PM. Hindi niya maigalaw ang kanyang mga daliri at bumibilis ang tibok ng puso niya.

“Eto ang litrato ni Gustav nang bago pa lang namin siya nakuha.”

Tinignan ni PM ang litrato ni Gustav at napansin niya ang locket sa leeg ng bata. Kaagad niyang hinawakan ang kanyang locket at nakita ang nakaengrave sa likod ng locket: “G”


“Kasabay ng pagbago ng katauhan ng nanay mo, ay ang pagbago ng katauhan mo.” Sabi ni Lita kay PM.

Tumulo ang luha ni PM at sinubukan niyang makapagsalita sa narinig.

“Para protektahan ako ni mama mula kay Eugenio. Para hindi ako makuha ng demonyong Eugenio na iyan. Tapos… ika-kaw… Lita.” Tuloy-tuloy ang mga luha ni PM.

“Binenta mo kami. Binenta mo si nanay…” Pinunasan lang ni PM ang kanyang mukha at binasa ng buo ang kanyang dating birth certificate.

“Kaya naghuhugas na ako ng kamay ngayon PM. Dapat malaman mo ang katotohanan. Pagkatapos nito, bayad na ang lahat ng utang ko sa inyo. Oo, PM, ikaw ang nawawalang anak. Sa’yo ang kumpanyang ito. Sa’yo to lahat!”

Dinabog ni PM ang mesa at kinurot ang pagitan sa kanyang mga mata.

“Umalis ka na Lita. Please lang, putang ina. Please!”

“PM…” Naiiyak na rin si Lita hanggang sa tumulo na rin ang kanyang mga luha.

“Pasensiya ka na talaga. Sana maintindihan mo na ginagawa ko lang lahat para sa anak ko. Walang personalan, PM. Please…”

“Alis ka na!” Sigaw ni PM. Humahakbang paatras si Lita hanggang sa tuluyan na siyang lumabas ng opisina ni PM.

“Nanay naman eh… Bakit mo ba pinagugulo ang buhay mo kung pwede naman sigurong namuhay ka na lang ng simple… Eto tuloy marami tayong nahiharapan.” Lumuha si PM at humagulgol.

ONE (1) E-MAIL RECEIVED

Eto na… Pagbukas ni PM sa e-mail.

“You are all invited to Eugenio and Judy’s wedding ceremony… Kinasal pala siya sa iba. Kaya di niya kayang panagutan si mama…”

Kung sino ka man Eugenio… Humanda ka. Pababayarin kita sa lahat ng sakit na binigay mo sa buhay ni nanay… At lumuha ulit si PM.

Kaagad siyang tumayo at kinuha ulit ang kanyang back pack. Nagmartsa palabas ng office na mabibigat ang kanyang paa.

“Aalis ako. Pakibantay na lang. Salamat.

CALLING 09xx-xxxx-xxx

“Hello? Sino to?”

“PM. Si Gab to. Sorry kagabi ah.”

“Kalimutan na natin iyon.” Blangkong tono ni PM.

“Teka… Umiiyak ka ba.”

“Hindi. Wag ka na pumunta dito. At saka, alam ko Gab na gusto mo ako. Pero sorry, hindi magiging tayo. Hindi kita gusto at hanggang tropa lang ang tingin ko sa’yo. So please lang. Wag na tayong maglokohan at magmove on na tayo. Wag ka na rin mag-effort kung yan lang din naman pala ang dahilan kung bakit ang bait-bait mo sa akin. Bye.” Pinatay ni PM ang kanyang cellphone at naghihintay sa labas ng parking lot.

Sino ba ang hinihintay ko rito? Wala naman si Gab. Sabay palo sa ulo.

“Sir?!” Gulat na bati ni Ashley kay PM.

“Wala kayong training ngayon?” Sabay punas sa mukha.

“In an hour. Why are you here? You waiting for you loverboy or your boytoy?” Tanong ni Ashley sabay upo sa tabi ni PM sa isang bench sa parking lot.

“No. I don’t think so. I lied…”

“Lied what?”

“Told him I didn’t need him.”

“Do you need him or do you ‘need’ him?” Haplos ni Ashley sa legs ni PM.

“I don’t know. I am so confused. I don’t know what to feel. This is wrong and it shouldn’t go any further. This is so raw, and fake, and forced in so many levels. And I don’t want him getting hurt!” Iyak ni PM.

“Or you don’t want to get hurt?” Pagfollow up na tanong ni Ashley. Natahimik si PM at nakatingin lang kay Ashley.

“Make up your mind. People don’t stay beside you forever. They wait. They get tired. They don’t last long.” Tumayo si Ashley at naglakad patungo sa dorm para sa mga talents ng NGC.

Maya-maya nag-isip si PM hanggang may sasakyan na tumigil sa harap niya.

“Gusto mo ng kasama?” Tanong ni Dimitri sabay baba ng window.

“Wala ako sa mood ngayon. Maghanap ka ng makukulit mo, o hindi ako magdadalawang na babarurutin kita hanggang mahimatay ka na naman.” Irap ni PM.

“Come on, Angelo? For good time’s sake? Sakay na. Malungkot ka. Alam ko ang lugar na ikasasaya mo, garantisado.” Ngumiti si Dimitri kay PM. Di naman nagdalawang isip si PM at sumakay sa front seat.

---

“Saan ba tayo pupunta?” Tanong ni PM habang papalapit na sila sa SEA University.

“Basta. Ako na ang bahala sa’yo.” Sabay hawak ni Dimitri sa kamay ni PM. Kaagad na tumingin si PM kay Dimitri at hinablot ang kanyang kamay.

“Dito na tayo.” Nagpark si Dimitri at naglabas ng panyo.

“Para saan iyan?” Tanong ni PM.

“Basta. Ako na sabi bahala sa’yo di ba? May sorpresa ako sa’yo.” Dating tono ni Dimitri na ikinangisi na lang ni PM. Piniringan ni Dimitri si PM. Nang lumabas na sila ng sasakyan at giniyahan siya ni Dimitri palapit sa isang pamilyar na lugar. Kinukutuban na si PM.

Kaagad na tinanggal ni Dimitri ang piring at sumigaw ng ‘surprise’. Inikot ni PM ang kanyang mga mata nasa paborito siyang kainan nung minsan masaya silang dalawa ni Dimitri.

“Na-miss mo ba ito? Ako na-miss ko rito.” Tanong ni Dimitri sabay akbay kay PM. Kumalas si PM sa pagkakaakbay ni Dimitri. May makukulay na balloon sa paligid at mga dating litrato nila ni Dimitri noong magnobyo pa sila noong college.

“Tapatin mo nga ako. Anong drama mo Dimitri?”

“Wala lang. Gusto ko lang naman ipakita sa’yo na nagsisisi na ako sa mga ginagawa ko sa’yo noon, at gusto ko malaman mo na sa mahabang panahon, mahal na mahal kita Angelo. Pero bago ang lahat, sana mapatawad mo na ako. Hindi ko sinasady-” Hindi natapos si Dimitri nang nakaramdam siya ng pwersa sa kanyang mukha.

“Gago ka ba?! Anong akala mo sa akin? Uto-uto?! Ulol! Hindi mo ako madadala sa mga kabaklaan mo kagaya nito, Dimitri. Dahil ang sakit-sakit na rito!” Sabay turo sa kanyang dibdib.

“Alam mo ba ang pakiramdam ng di makapaniwala na lahat ng masasamang bagay naranasan mo na? Alam mo ba kung gaano kasakit ang makaranas ng sunod-sunod na kamalasan? Alam mo ba ang mga pakiramdam na buong buhay ko tinatago simula nang nag-aral ako sa putanginang paaralan na ito? Alam mo ba?!” Sabay suntok sa tiyan ni Dimitri. Hindi magkamayaw ang mga luha ni PM at dire-diretso itong pumapatak sa lupa.

“Siguro hindi, dahil simula noong pinanganak ka, lahat ng magagandang bagay, nasa sa’yo. Palibhasa hindi mo nararanasan lahat ng hirap dahil hindi mo ito pinagtatrabahuan. Ako?! Simula bata ako, kelangan ko gawin ang lahat para sa sarili ko. Nakuha mo ako noong college, okay na sana eh. Minahal na kita eh. Mahal na mahal kita noon, Dimitri, alam mo ba?! Alam mo ba na walang araw na hinihiling ko na manatiling tayo?! Alam mo ba ikaw lahat ng first time ko? Unang halik, unang yakap, unang chupa, unang kantot, ikaw lahat! Tapos anong ginawa mo sa akin?!” Sigaw ni PM kay Dimitri. Kahit ang mga tao na dumadaan sa labas ng karenderya ay napapalingon sa loob.

“You took me for granted! You treated me like shit! Ang sakit Dimitri! Di sana ako naging bakla kung di mo ako ginago eh! Alam mo ba iyon! Eto pa, hindi ako tumigil. Nagpagahasa ako sa’yo. Nagpakalakad ako sa’yo. Ginawa ko lahat upang bumalik ka, bumalik ka ba?! Pinahiya mo ako sa lahat ng tao. May narinig ka ba sa akin? Alam mo ba ang sakit na nararamdaman ko sa mga panahong iyon?!”

“Alam ko Angelo, dahil mas masakit para sa isang masamang loob ang umamin na nagkamali siya! Alam mo ba kung gaano kasakit ang magpakumbaba, ang maipit sa trabaho, ang maapi sa pamilya, ang maapi sa lahat?! Angelo, pinagbabayaran ko na lahat ng kasalanan ko. Walong taon akong di mapakali kaiisip kung patay ka na ba talaga o hindi. Walong taon akong nagdasal na sana man lang, bumalik ka. Dahil pagbalik mo, gagawin kong tama ang lahat. Lahat-lahat! Dinala kita ngayon dito, dahil gusto ko maalala mo ang ginawa mo sa akin, at gusto ko lumuhod ngayon sa harap mo at patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko. Handa naman akong maging iyo kung gugustuhin mo lang eh. Please, Angelo…” Lumuhod si Dimitri at niyakap ang mga binti ni PM.

“I want you back. And I’m sorry from the deepest part of my heart.” Tuluyan ng umiyak si Dimitri.

“Talaga, sorry ka na?” Panghahamon ni PM kay Dimitri.

“Kunin mo yang bowl ng dinuguan at ilagay mo sa sahig.” Sinunod naman ni Dimitri ang utos ni PM at malugod na ngumiti kahit umiiyak.

“Ubusin mo iyang dinuguan, kainin mo diyan sa sahig!” Sigaw ni PM kay Dimitri. Bumaba si Dimitri at nilapag ang kamay sa sahig.

“...nang walang kamay. Ubusin mo iyan na para kang aso. Para kang baboy. Total hinanda mo naman to para sa akin di ba? May palamuti at design ka pang nalalaman di ba? E di ngayon, ipatitikim ko sa’yo yung ginawa mo sa akin noon.”

Sa pagpupursigi ni Dimitri na mapatawad ni PM, nilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod at dahan-dahan bumaba upang simutin ang dinuguan. Hanggang sa may pwersa siyang naramdaman sa kanyang likuran na nagpasubsob sa kanyang buong mukha sa dinuguan.

“Masarap ba? Ano Dimitri, lalaban ka na ba ngayon? Suntukan na lang tayo, putang ina mo! Dinadaan mo pa ako sa drama eh!” Pinunasan ni PM ang kanyang mga luha.

“Hindi. Hindi ako susuko Angelo at alam ko mapapatawad mo rin ako.”

“Talaga? Naalala mo pa iyong sinabi mo sa akin noon?” Naupo si PM sa upuan katabi ng mesa, at sumunod naman si Dimitri.

“Tungkol san?”

“Sa tubig?” Ngisi ni PM kay Dimitri. “Ang tiwala Dimitri, ay parang tubig. Pag binuhos mo…” Sabay buhos ng tubig sa mukha ni Dimitri hanggang sa wala na itong laman.

“...hindi mo na maibabalik pa muli sa loob ng baso. Ginanyan mo ako noon di ba? Ngayon Dimitri, you should know na nahihirapan na akong pagkatiwalaan kang muli. Dahil alam ko susuko ka rin. Alam ko uulitin mo rin ang ginawa mo sa akin. Kaya ang tiwala ko sa’yo, parang tubig sa basong ito… wala nang tubig.” Lumuha si PM habang walang-patid ang pagpatak ng luha niya.

Nakayuko lang si Dimitri at tahimik na nakikinig kay PM.

“Hindi, Angelo. Meron pang tubig.” Hinubad ni Dimitri ang kanyang V-neck shirt, at pinuga ang mga natitirang tubig sa kanyang damit. Dumapa siya sa sahig at ginawang basahan ang kanyang v-neck shirt upang pupugain na naman sa baso para magkalaman ang baso.

“Kita mo?” Malungkot na ngiti ni Dimitri. “May laman na uli ang baso mo. Di man pareho karami noong natapon ko, pero unti-unti, lalagyan ko, hanggang sa mapuno ulit. So bigyan mo ako ng chance na magpuga ng natitirang tiwala para sa’yo. Magpupuga naman ako at sisiguraduhin ko naman na hindi na kita sasaktan muli.” Lumuha si Dimitri at yumuko.

“Hinahanapan mo ng rason Dimitri eh.” At tuluyan nang humagulgol si PM.

“Pinipigilan mo kasi, PM.” Sagot ni Dimitri.

“Di mo kasi naiintindihan eh.” Tumayo si PM at tumakbo palabas ng paboritong karenderya nila ni Dimitri.

Naiwan si Dimitri sa loob ng karenderya. Malungkot. Nag-iisa. Nagdurusa. Nagsisisi.

Sawi.

---

CALLING 09xx-xxxx-xxx

“Hello?”

“PM. Nasaan ka na kasi?”

“Gab. Please.” Tooot. Pinatay ni PM ang kanyang cellphone. Nasa labas siya ng coffee shop sa SEAU upang magpatanggal ng stress dahil sa nangyari kanina kina Dimitri.

“Bakit mo ba kasi siya iniiwasan?” Tanong ni Riza, “may nakaupo?”

“Obviously, Riza. May nakaupo, nakaupo ang kaluluwa ni Jose Rizal diyan sa tanginang upuan na yan kaya please lang respetuhin mo naman ang kanyang rebulto ng kaluluwa ng bayan na masayang nakikipagshare ng upuan kay PM Realoso.” Sarkastikong sagot ni PM sabay hithit ng sigarilyo.

“Angelo na Angelo talaga. O, bakit namamaga iyang mga mata mo?”

“Napapagod na ako sa mga tao, Riza. Bakit lahat sila tinetake advantage ang kahinaan ko? Unstable ako emotionally, tapos ngayon pa nila sasabihin ke gusto nila ako. Ke ganito ganyan. Ke may kailangan sa akin. Ang selfish! Bakit palagi na lang sila, gusto ko ako naman!” Lumuha si PM ngunit kaagad niya naman itong pinunasan.

“Alam mo, kakaiba ka rin eh. Nagbreak ka ng almost six months sa career mo bilang direktor para problemahin ang mga bagay na ganito. Bakit? Sa tingin mo ba ginagamit ka lang nila?”

Natahimik si PM

“Di naman… May kutob lang talaga ako na hindi pa ito ang tamang panahon para diyan. Gusto ko, isettle ang mga problema nila pag tapos na ako sa sariling problema ko.” Pagdahilan ni PM.

“Fine. Have it your way. I’m sure magse-stay naman talaga sila sa’yo at hihintayin ka nilang tapusin mong iresolba ang mga issues mo kung gugustuhin nila. If they stay, then they’re yours.” Sabi ni Riza.

“Teka, kamusta na iyong ‘search for identity’ mo.” Tanong ni Riza.

“Magulo. Diyos ko. Akala ko may mga lihim na tinatago lang si nanay, kaso ang lalim pala ng mga pinaggagagawa niya. Mabuti na lang hindi ka niya naabutan. Alam ko pa naman ang kapabilidad mo kung kokontrahin ang mali sa batas.”

“Bakit, may ginawa bang krimen ang nanay mo?”

“Oo. Nagpapalit-palit siya ng pangalan, via fixer. Pero di naman siguro yun krimen. Tas magulo - bottomline, anak ni mama si Corina, ampon ako ni mama, at anak ako ni Sheldon.”

“Hold up, you mean all your life.. isang-”

“kasinungalingan. Alam ko. At ang sakit. Gusto ko magalit sa kanya pero di ko kaya. Mahal na mahal ko ang mama ko.”

Niyapos ni Riza ang likod ni PM at umakyat ang kamay patungo sa kanyang ulo at nag-caress dito.

“Alam mo PM, hindi naman natin hawak ang mga bagay tungkol sa buhay natin eh. Nabubuhay tayo for one reason… for the sake of existence. Tayo lang naman ang naglalagay ng sentimental value sa lahat ng bagay, sa tao, sa mga pangyayari, lahat! Kaya nating mahalin ang tao, kaya rin nating hindi mahalin ang tao. Kaya nating magalit sa pamilya natin, kaya rin nating hindi magalit. Nasa atin naman talaga kung gugustuhin natin lagyan ng value yung tao o hindi. Pero para sa akin, magalit ka man ng magalit sa mama mo, huwag mo kalimutan na ginawa niya lahat para mabuhay ka. Kung tinago niya man ang katauhan mo, siguro naman may reason yun. Tao rin naman ang mama mo, di ba? Siguro naman may reason kung bakit kelangan niya gawin yun?” Tanong ni Riza kay PM.

Tumango si PM at pinunasan ang mukha. “Meron… Sinusundan siya ng ex-boyfriend niyang tukmol.”


“Kita mo na! Meron yan. Basta ako sa’yo, wag mo kalimutan na hindi yun gagawin ng nanay mo nang walang dahilan.”

“Oo na po.” Sagot ni PM sabay tulo ng kanyang luha. Lumingon si Riza sa kanya at nagtaka.
“May ibang problema ka pa ba?” Tanong ni Riza.

“Wala.”

“Ahh, okay... May problema kayo ni Gab?” Pangungulit ni Riza kay PM. Napatingin lang si PM kay Riza. Ngunit ang tingin na ito ay malaman, parang nakapang-aawa, totoo.

“Bakit?” Tanong ni Riza.

“Wala lang. Gusto ko siyang mahalin Riza. Pero hindi ko kaya. Ang hina hina ko…” Yumuko si PM at humagulgol.”

“Kung gusto PM, may paraan. Kung ayaw, may dahilan. Bakit, iniisip mo ba na hindi ka good enough para sa kanya?” Tanong ni Riza.

“Masama akong tao Riza. Ang sama ko. Unstable ako! Ang pangit kong tao. Bakit sa lahat ng tao ako pa ang napili niyang mahalin? Bakit sa tingin niya di ko alam na gusto niya ako? Bakit ang bait-bait niya… Bakit kailangan niya pang mahirapan dahil sa akin?” Tuloy-tuloy ang pag-iyak ni Gab.

“Gago! Makinig ka nga PM. Oo, siguro masama kang tao, oo siguro unstable ka, at siguro pwedeng ayawan ka ni Gab sa lahat ng frustrations mo sa sarili mo. Pero inayawan ka ba niya? Iniwan ka ba niya? After all these years, naturn off ba siya sa’yo? Sinaktan ka ba niya? Alam mo, sa totoo lang, siya lang talaga ang pwedeng makasagot sa mga tanong mo. Pero kung ako ang tatanungin mo? Wag mo balewalain ang effort ng tao. Hindi papasok si Gab sa isang venture kung di niya alam kung anong posibleng mawalan siya. Hindi bobo si Gab, PM.” Tumayo na si Riza at diretsong naglakad.

“O sige, aalis muna ako. Check ko lang ang dorm. Kung kulang pa iyong ginawa ko, magpatherapy ka.” Sabi ni Riza sabay tapik sa likod ni PM. Nanatili pa ring umiiyak si PM.

---


“Good morning sir. New client?”

“Obviously sir. Ngayon lang ako nakapunta rito, right?” Sarkastikong sagot ni PM.

“I’m sorry. I’m Dr. Ranillo. Aside from specializing in neurology, I also practice psychological therapy. Usually yung mga clients na pumapasok dito are just people who are looking for someone whom they want to talk to. This clinic is-”

“Maraming specializations. Now can you help me out?” Tanong ni PM.

“Pasok na lang muna rito sir. Akin na yung information sheet mo.” Inabot ng doktor ang sheet at tiningnan.

“This room isn’t mine, office to usually ng doctor namin na specializing in gynecology at pediatrics. She just offered this office na temporarily gamitin ko sa therapy ko while my office is under renovation.” Umupo si PM sa sofa at tumingin-tingin sa paligid.

“Sige. Sir PM, diyan ka lang muna while I get my things.” Sabay labas ng doktor sa room. Tumayo si PM at tumingin tingin sa paligid nang napadpad ang tingin niya sa magazine rack. Katabi ng magazine rack ay mini cabinet na may label na “released forms”. Nang kukuha sana ng isang magazine si PM, may papel na lumipad sabay ng pagbukas niya ng magazine. Dali-daling kinuha ni PM ang papel at tinignan ito.

CORINA G. SALVIEJO - BLOOD TYPE AB

Huh? Something is wrong. Nag-kita ang mga kilay ni PM at kaagad na kinuha ang papel at nilagay sa bulsa. Hinablot niya ang kanyang cellphone at kaagad na tinawagan ang kanyang secretary.

“Hi. Paki-run through ng blood type ni Corina Salviejo at Dimitri Salviejo.” Sabay baba ni PM sa kanyang cellphone.

Kaagad na naupo si PM sa sofa bago bumalik ang kanyang therapist. “So you ready PM?” Tanong ng therapist.

“What’s the name of the doctor?” Tanong ni PM.

“Dr. Ranillo.” Sagot ng kanyang therapist na halatang nagtataka sa tanong ni PM.

“No, what’s the name of the doctor who owns this office?” Tanong ni PM.

“Ah! This is Dr. Samson’s.” Umupo ang therapist kaharap si PM.

“That’s all I need. Bye.” Tumayo si PM at nagmartsa palabas ng clinic. Hindi na siya lumingon pa.

---

Mabilis na nakarating si PM sa opisina niya sa NGC at kaagad na sumandal sa kanyang upuan at napapikit.

Something is wrong. Somethings is really wrong. Alam ko… may mali kanina sa clinic ng doctor. Number one, you don’t use other doctor’s office. Number two, di man ako expert sa procedures, pero alam ko na may allotted rooms para sa therapy. Number three.. Hindi blood AB si Corina…

“Uy, ganda mo rito sa ID ah?” Tukso ni Angelo kay Corina habang nakatambay sila sa kwarto nila ni Dimitri.

“Oo. Siyempre naman. Pipiliin mo ba ako, Angelo, kung pangit ako? Hello?!” Pagtataray ni Corina nang di man lang tiningnan si Angelo.

Nakahiga silang dalawa sa kama nang binasa ni Angelo ang nasa likod ng ID ni Corina.

“Bloodtype A ka pala?” Tanong ni PM kay Corina.

“Hindi ba obvious? Andiyan na nga nakalagay sa ID oh!” Sigaw ni Corina kay Angelo sabay hablot ng ID.

Hindi siya bloodtype AB! Bakit… umiba? Bakit nagbago ang blood type niya? Sinadya niya ba ito o nagkamali lang? Baka dun na rin siya nagpacheck up.

“This room isn’t mine, office to usually ng doctor namin na specializing in gynecology at pediatrics.”

Gynecology… Pediatrics… Tama!

“O, bakit parang tulala ka yata? Lalim ng iniisip mo ah.” Pumasok si Sheldon sa opisina ni PM at naupo sa sofa.

“Wala. Lumayas ka na nga dito!” Sabay tapon ni PM ng unan kay Sheldon.

“Para kang bata. Siguro nakokonsumisyon ang nanay mo sa’yong bata ka dahil ang sungit sungit mo!” Tumawa si Sheldon ngunit hindi pa rin siya umalis sa kinauupuan.

Tumayo si PM at dumungaw sa may pinto para tawagin ang kanyang sekretarya. Lumapit ang sekretarya kay PM. Bumulong si PM sa kanyang sekretarya at tumango naman ang sekretarya.

Napatingin lang si Sheldon sa ginawa ni PM.

“Anong meron?” Bakas sa mukha ni Sheldon ang pagtataka. Bumalik si PM sa kanyang mesa nang matapos na siyang bumulong sa sekretarya at nagbukas ng browser sa kanyang computer.

SOUTH EAST ASIA UNIVERSITY COMMENCEMENT EXERCISES 2017

Nagclick ng link si PM at niredirekta siya sa archive ng SEA University. Puno ng pagtataka si Sheldon na lumapit kay PM at naki-usyuso sa ginagawa ni PM.

“Ano bang meron sa graduation ng SEAU?” Pagtaas ng kilay ni Sheldon.

Bingo!

Numipis ang mga mata ni PM.

---

“Hindi man ako magaling sa larangan ng agham, pero huling-huli na kita. At dahil ayaw mo umamin, pasensiyahan na lang tayo. Kung mawawalan ka ng trabaho, mawawalan ka ng trabaho. Hindi ko na problema yan.” Hahawakan na sana ni PM ang door knob para makalabas nang sumigaw si Dr. Samson.

“TEKA!”

Huminto si PM at hindi gumalaw. Isang malademonyong ngisi ang gumuguhit sa kanyang mga labi.

“Tama ka. Tama lahat ng sinabi mo.” Yumuko si Dr. Samson at napabagsak ang katawan sa kanyang upuan.

“Sabi ko na nga ba eh. Mabuti na lang at magaling ako magpaamin ng tao.” Sabay click ni PM sa voice recorder na dala-dala niya. Tumalikod si PM upang harapin si Dr. Samson at kawayan.

“Nirecord mo lahat! Hindi pwede! Mawawalan ako ng trabaho!” Iyak ni Dr. Samson.

“Baka baliin mo pa ako ‘pag nabulilyaso ang plano ko. Sige doc. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo.” Kumaway si PM at binuksan ang pintuan. Lumabas at diretsong naglakad sa parking lot.

Nang papalapit na si PM sa kanyang sasakyan, tumawag ang kanyang sekretarya at kaagad niya itong sinagot.

“Hello?”

“Sir. Nakuha ko na ang date ng graduation niyo. At yung araw na ano kayo… alam niyo na… At ayon sa calculation ko, posibleng-posible ang inyong kutob.”

“Sabi ko na nga ba eh. Salamat!” Binaba ni PM ang kanyang telepono at binuksan ang kanyang sasakyan. Umupo sa driver’s seat at inayos ang rear mirror.

Nang makita ang sariling repleksyon sa salamin, napangisi si PM.

“Sabi ko na kasi sa inyo eh. Wag mag-iwan ng bakas.” Sabay suot sa kanyang shades.

---

“Hello Art! I am so close to figuring every single detail about my life, and the lies my killers were failed to hide.” Pagyayabang ni PM nang nasa fountain garden na naman siya tumambay sa SEA University.

“What do you mean?” Hesitasyon ni Arthur.

“You know… about my mom?” Pagpapaalala ni PM kay Arthur.

“PM… Dude, I really don’t have an idea about what’s going on with your life since the day you…”

“I what?!” Sigaw ni PM sa telepono.

“you and Gab started hanging out together. Look, you know I love you, and I will always love you. But, I can’t wait forever. I know you can’t, or don’t, love me the same way I do to you. And that’s fine with me. I am not the guy that can change you like Gab does. And I’m sorry for all my shortcoming.” Malungkot na tono ni Arthur.

“What do you mea-”

“I know now PM. You like Gab, no - you love him. I can see how you’ve changed since the day you guys hanged out a lot, and I feel really jealous, and defeated. But, things will be fine. I can’t just get over you to the point I can’t muster the strength to put a distance between us now. I can’t. It’s not your fault. And I won’t make things harder for you.”

“What are you talking ab-”

“I’m not the one who went with you all through your self-searching journey. It was Gab. I can feel you’re trying to stay away from him, but your heart says otherwise. Now, please don’t make things harder for me. Talk to him.” At binaba na ni Arthur ang tawag.

Natulala si PM sa kalayuan at tila ba mabilis na umiikot ang mundo sa kanyang paligid.

Tama… Tama si Arthur. Bakit di ko magawa? Bakit… ang hirap. At napaluha na lang bigla si PM sa naisip.

Kaagad na binuksan ni PM ang app na ginagamit niya pang-contact kay Gab489 at tinawagan ito…
KRIIIING… KRIIING… KRIIIING…

Walang sagot. Tinawagan ulit ni PM si Gab489

KRIIIING… KRIIIING… KRIIIING…

Putangina Gab, sagutin mo ang telepono mo, please.


At may tumanggap sa tawag ni PM. “Hello!” Kaagad na excited na bati ni PM habang nasa mukha niya ang masayang ngiti.

“Hello, Gab! Nasaan ka?” Tanong ni PM. Ngunit walang sumasagot. Isang maingay lang na kapaligiran ang narinig niya mula sa kabilang linya, ngunit walang direktang sumasagot sa kanya. Tila ba tinanggap ang tawag, pero walang planong kausapin si PM.

“Teka lang. Tawagan kita ulit.” Pinatay ni PM ang kanyang telepono. Tatawagan na niya sana ulit si Gab nang tumawag si 09xx-xxx-xxxx


“Hello? Sino ba to?!” Asar na sagot ni PM.

“Si… Gab? Kanina pa kita tinatawagan pero di ko talaga mapasok yang line mo.” Sagot ni Gab. Nanlaki naman ang mga mata ni PM sa narinig kay Gab.

“Teka… kung kanina mo pa ako tinawagan, sinong kinakausap ko?” Tarantang tanong ni PM kay Gab.

“Ewan ko. Sa isang app mo ba siya kinontact?” Tanong ni Gab.

“Oo. Pero walang sagot… Bahala na, di naman siguro importante yun. Dali, puntahan mo ako rito sa fountain garden sa SEA University. Andito ako.” Pag-imbita ni PM kay Gab.

“H-Ha? Eh… May kasama pa ako ngayo eh?” Mahinang tanong ni Gab.

“S-Sino?” Nagkita ang magkabilang kilay ni PM dahil sa pagtataka.

“N-Nina… Kumakain kami kasama yung family niya....” Alanganin na sagot ni Gab. Natahimik naman si PM sa narinig at tila ba nasaksak siya sa puso sa narinig mula kay Gab… selos? Galit? Inis? Ano nga ba talaga?

“Naistorbo ko pa ata kayo eh. Sige, pagplanuhan niyo yan ng maayos iyang kasal niyo. Bye.” Binaba ni PM ang tawag at nasubsob muli ang mukha sa kanyang mga palad.

Sabi ko na kasi sa’yo PM eh… Huwag padadala. Bobo! Sabay dabog sa sariling ulo.

Naglakad papuntang carpark ng SEA University si PM at malungkot na nagmaneho pauwi. Nang nakarating na sa bahay niya, kaagad na lumagapak sa kama at natulog…

...na may luha sa kanyang mga mata.

---


“Good morning Sir PM.” Ngiti ng guard kay PM ngunit galit at seryoso ang mukha ni PM na tila ba nawala lahat ng lambot na unti-unting bumalik. Hindi pinansin ni PM ang bawat bati sa kanya hanggang sa malapit na siya sa kanyang opisina. Nagkukumpulan ang mga tao sa opisina ni Jun at napansin niya na nagkakagulo ang mga tao sa loob ng opisina ni Jun. Nang lumapit si PM upang makialam, puno ng graffiti ang paligid ng opisina ni Jun andun ang credit card numbers niya, nakagraffiti, ang kanyang total amoung, at kahit ano pa.

Nagulat si PM sa nakita. Ngunit bago pa man din siya makareact, kaagad siyang sinugod ni Jun at kwinelyuhan.

“Kasalanan mo ito noh?! Ikaw ang nagnakaw sa bank accounts namin ng anak at manugang ko?!” Sigaw ni Jun kay PM. Mamula-mula at maluha-luha ang mata ni Jun na diretsong nakatitig kay PM. Hindi gumalaw si PM at hindi nagpakita kahit takot. Kaagad niyang tinulak si Jun gamit ang kanyang mga palad at sinigawan.

“Hindi ako ang may kagagawan niyan. Masayadong mabait ang kriminal na gumawa nito.” Sarcasm ni PM kay Jun.

“Bakit dala-dala ng lalake na nasa CCTV ang damit mo? Bakit pareho kayo ng disenyo ng damit?! Isauli mo ang ninakaw mong milyones sa amin ng pamilya ko!” Sabay sampal sa mukha ni PM ng iPhone 6.

Pumikit lang si PM. Kinuha ni PM ang iPhone 6 ni Jun na sinampal niya sa mukha ni PM, na naglalaman ng naka-log in na bank account, at kaagad na tinapon ito na parang frisbee sa mukha ni Jun. Napatalikod si Jun sa impact na ginawa ni PM sa kanyang cellphone.

“Pasensiya ka na Jun. Pero baka nakakalimutan mo kung sa ating dalawa, mas marami akong dapat isingil sa’yo. Kaya wag na wag mo akong bi-bwisitin!”  Punung-puno ng galit ang mga mata ni PM habang napaigtad sa sakit si Jun.

“At kung sino man ang gumawa niyan, siguro dapat lang yan sa inyong mga masasama ang loob. Magbayad na kayo ng utang.” Umiling si PM habang pinagtitinginan siya ng mga tao. Naglakad siya na tila walang nangyari patungo sa opisina niya.

“Good morning sir.” Bati ng sekretarya niya sa kanya.

“Alam mo na ba ang nangyari kay Sir Salviejo?” Tanong ng sekretarya niya.

“Oo. Bahala siya sa buhay niya.” Pumasok kaagad si PM nang di man lang nilingon ang kanyang sekretarya.

“Sir nasa loob nga pala si-” Hindi na narinig ni PM ang pahabol ng sekretarya niya dahil nakapasok na siya sa kanyang office.

Napansin niyang may nakaupo na sa kanyang sofa, na matangkad, makinis, at maputi na babae na nagbabasa ng magasin.

“Good morning PM.” Bati ng babae.

“Anong kailangan mo Nina?” Tanong ni PM habang nilalagay ang bag sa kanyang side table.

“Pasensiya na inistorbo kita first thing in the morning.”

“Ganon ka naman palagi kay Gab eh, so di na ako nagulat. Anong gusto mo at ginugulo mo ako?” Binuksan ni PM ang kanyang pc.

“Gusto ko lang humingi ng favor sa’yo.” Mahinang sambit ni Nina habang nakayuko.

“Ano yun?”

“Pwede please wag mo na ako pahirapan? Layuan mo na si Gab?” Mahina ang tono ni Nina ngunit puno ng hiya. Napatigil naman si PM sa kanyang ginagawa at kaagad na tinignan si Nina.

“Okay.” Simpleng sagot ni PM kay Nina. Di man ikakaila ni PM, nararamdaman niya sa kanyang puso ang bigat at hapdi ng kanyang narinig.

“Mabuti naman PM. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Gab at anong kaya kong ibigay para lang makasama ko siya.” Yumuko si Nina at napaluha.

“Nina, please, ayaw ko ng drama first thing in the morning. Palagi na lang tong nangyayari sa teleserye na sinasabihan mo ako na layuan ang lalakeng gusto mo. Wala ka naman dapat ipagtataka dahil hindi ko naman talaga gusto si Gab in the first place.” Tinangka ni PM na magsinungaling sa sarili kahit alam naman nating lahat ang totoo niyang nararamdaman.

“Thank you PM. Sa akin na lang si Gab, please? Marami ka naman sigurong lalakeng pwede makuha diyan. All my life siya lang ang hinangad ko. At ngayon pwede ko na siyang makuha, baka pwedeng ipaubaya mo na lang siya sa akin? Alam ko mahal mo siya, at alam kong kaya mong paibigin siya. Hindi mo iyan maitatago sa akin. Simula bata pa kami, mahal ko na siya. Hindi nga ako nagkaboyfriend para sa kanya. Virgin pa ako, at inayos ko ang sarili ko para sa kanya. Pero PM, pagod na ako makipaghabulan sa kanya. At ngayon malapit na siya sa akin, please wag mo na akong pahirapan pa? Alam ko naman na mabait ka... “ Lumuha na si Nina at nagka-crack na ang boses niya.

Magkahalong inis at selos ang nararamdaman ni PM kay kaagad niyang hinampas ang mesa at tumayo.

“Oo na nga sabi, di ba?! Alis na! Sayo na siya kung sa’yo na siya! Hindi na ako makikipag-agawan pa!” Sigaw ni PM kay Nina nang di na niya napigilan sumigaw.

“Pasensiya ka na PM. Matagal ko na kasing nararamdaman ang kalungkutan na ito. Di mo rin siguro maiintindihan dahil hindi mo pa naranasan ang magmahal ng tao na di ka mahal.”

“Ha! Tell me something about it.”

“Matagal ko nang mahal si Gab ngunit palagi niya akong tinutulak. Nagka-girlfriend na siya, ngunit hindi pa rin niya ako pansin. Siya lang naman ang gusto ko makasama eh. Pero sa bawat panahon na lumalapit ako sa kanya, pinaglalayo kami. Pagod na ako PM. Tulungan mo naman ako please. Sana pagkakataon na ito, mapansin na niya ako. Pagod na ako magpakakengkoy, magpaganda, magpaka-artista, ginawa ko na siguro lahat. Pero wala...”

“Talaga? Ako Nina, nagmahal ako. Naloko. Pati pamilya ko nawala. Kaya wag na wag mo akong sisimulan sa ‘di mo alam ang nararamdaman ko’ dahil siguro mas ramdam ko ang nararamdaman mo noon pa. Wag na wag mo ako panimulan at wag na wag mo ako sermonan na hindi ko kaya ang mga pinaggagagawa mo dahil mas masakit para sa akin ang mga nangyari sa akin noon. Natraydor ako, naulila. Kaya wag mo ipamukha sa akin na maswerte ako dahil sa katayuan ko ngayon dahil hindi ako makakaabot sa puntong ito kung hindi dahil sa mga sakit na naramdaman ko noon. At kung iyan ang gusto mo, ang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko para sa sarili mong kaligayahan. Sige. Ibibigay ko yan sa’yo. Kaya kung wala ka nang kailangan, pwede ka nang umalis.”

Katahimikan.

Dahan-dahan tumayo si Nina at naglakad palabas ng opisina ni PM.

“Putang ina naman oo.” At bumigay si PM. Umiyak siya sa sariling mesa. Kaagad siya tumayo at naglakad patungo sa kanyang balcony. Nagsindi siya ng sigarilyo habang hinahayaan na tumulo ang mga luha.

Maya-maya, may mga katok siya na narinig sa glass door niya. Nilingon niya ito at dumungaw sa loob si Sheldon.

“Pwede bang pumasok?” Tanong ni Sheldon.

“Not now.” Sagot ni PM. Ngunit pumasok pa rin si Sheldon tila hindi narinig ang sinabi ni PM. Lumapit siya kay PM at inakbayan ito.

“Anong problema natin?” Tanong ni Sheldon.

“Wala.”

“Para kang teenager eh 26 years old ka na nga. Ano nga?” Pangungulit ni Sheldon.

“Pag-ibig.”

“Feeling teenager nga. Hulaan ko, yung taga-kabila [stasyon]?”

Tumango lang si PM at humithit ng sigarilyo.

“Pang-ilang beses mo na ba magmahal, PM?”

“Pangalawa. Una, naloko ako. Pangalawa, baka magparaya ako. Pagod na ako tanda. Ako palagi nagpaparaya. Ako palagi nawawalan. Ako palagi ang nakukunan. Ako palagi ang nagsasacrifice. Hindi na tama ito.” Lumuha si PM at bumuga ng usok.

“Alam mo PM, minsan, kung puno na ang mga kamay natin, kailangan bitawan ang iilang bagay para may mas magandang bagay tayong mahahawakan. Masakit man magparaya, o minsan, pakiramdam natin, parang may kulang, ganon talaga eh. Hindi tayo matututo kung hindi natin susubukan. Malay mo, may mas mabuting tao pa pala na nakalaan para sa’yo.”

ARTHUR CALLING…

“Kagaya niyan.” Sabay nguso ni Sheldon sa cellphone ni PM. Isang matalas na tingin lang ang tinapon ni PM kay Sheldon.

“Kaibigan lang naman kami.”

“Minsan PM, ang mga wagas magmahal, nasa ‘kaibigan lang’. O siya sagutin mo na.”

“Mamaya na.” Sabay reject ng call ni Arthur.

“Sige, iyon lang pala ang sasabihin ko. At saka, may corporate dinner tayo mamayang gabi sa bahay ng mga Salviejo.”

Nanlaki ang mga mata ni PM sa narinig.

“Bakit? Ayaw mo sa kanila?” Tanong ni Sheldon.

“Aw, hindi naman.”

“Mabuti. Napapansin ko na ang init init ng dugo niyo sa isa’t-isa kay Jun Salviejo ah. Magkagalit ba kayo.”

Umiling lang si PM.

“O siya sige, aalis na ako. Mamaya, 7 PM, Salviejo’s residence.” Naglakad na palabas ng opisina si Sheldon at napangisi na lang si PM sa narinig.

Oo. Magkagalit kami. At ngayon alam ko na ang totoo, at may sikreto kayong tinatago… perfect.

---

Alas-siyete na ng gabi at nagdadrive sa paligid si PM nang naligaw siya dahil wala sa siyudad ang bahay nina Jun na pagdarausan ng corporate dinner.

Nasa iba’t-ibang kanto na si PM ngunit hindi niya pa rin mahanap ang subdivision sa address na sinulat ni Jun para sa kanya. Kaya napagdesisyunan niyang magtanong-tanong.

“Magandang gabi po. Saan po ba ang sunshine subdivision?” Tanong ni PM sa nakabihis barangay tanod na mukhang 60+ years old na na nagbabantay sa may kanto.

“Anong sunshine subdivision po? Sunshine I or II or III po ba?” Tanong ng tanod.

“Di ko po alam eh. Basta… baka kilala niyo si Jun Salviejo?” Tanong ni PM. Kaagad namang napuno ng pagtataka ang mukha ng tanod.

“Jun? Di kasi tiga-rito ang mga Salviejo. May bahay lang yung mga matatanda nila noon dito kaya napadpad sila. Iisa lang ang Salviejo na kilala ko eh. Yung reporter sa NGC.”

“Ah, oo, siya nga po. Dito pa ba sila nakatira.”

“Hindi na sila masyadong umuuwi ata jan. Mga maid na lang ang nagbabantay diyan. Basta ang bahay ni Eugenio, nasa gilid lang. Diretso ka tapos liko sa kanan sa unang kanto na makikita mo.”

Natigilan si PM sa narinig sa tanod. Hindi siya nakasagot at nakatingin lang sa tanod.

“Sino po ulit?”


Itutuloy…

GAPANGIN MO AKO. SAKTAN MO AKO. 2

38 comments:

  1. Thank God. Haha. Ang tagal na kuyang author. Hu hu hu. Hahahaha. Teka mag babasa muna ako ng last chapter medyo nakalimutan ko na kasi e. :) have a great day kuya author. :)

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
    Replies
    1. SAbe ko na si Eugenio si Jun keme keme e. Hahaha. Btw basta ako Dimitri-Angelo pa din. Hahaha.

      -yeahitsjm

      Delete
  2. Worth it ang paghihintay ng karugtong ng kwentong eto mr author. Sna eh tuloy tuloy n ang updates at d ka sinasabihang rip. Anyways, Thanks for the update


    Reagan hambog

    ReplyDelete
  3. Wow!!! Sa wakas!!! May update na si idol!!! Worth it ang paghihintay :)

    Natatandaan pa kaya ako ni author? Haha

    -JMPerez-

    ReplyDelete
  4. Matagal kong hinintay ang sunod na chapters at hindi ako nadismaya! Araw araw akong nagbabakasakali ng updates at nabasa ko itong updates, Sobrang akong nagimbal ang mga rebelasyon at talagang overwhelming ang mga kaganapan. Umaasa akong magkakaroon ng bagong chapters sa madaling panahon kung ipapahintulot. Kudos! Good job author !

    ReplyDelete
  5. waaaaah yeeees update na sa wakas tagal kung hinintay to,, si pm talaga ang anak ni sheldon,,,, sino bayn si eugnio...

    ReplyDelete
  6. Wow author,, i miz diz much.. Graveh ang mga revelation ngkalotanglotang na yata ang brain cells q hindi na kayA iabsorb,haha... But author., graveh what a privelege dat u u come back 2 alive back ur story w/c is sure aq nga marami na talaga ang TIGANG NA TIGANG nito ... As in, as what i expected i was stunned once again 4 d twist of pm's life..huhu, graveh kailangan q nah cgoro eh reconstruct ung brain cells q 4 preparing d unexpected turn out of dz story... Kc from d book 1 ,t@ng!na ang sakit sakit talaga na hindi q kinaya mglabahas ng bahay 4 almost 2weeks kc hindi aq nkagetover x mga pangyayari x buhay ni angelo Para talaga akong patay nga nakalotang lng.... Words are not enough to say how thankful i am for reading ur masterpiece ... ur d perfect epitome of great author coz of d quality of story u made of... Juzt continue updating ur story despite of unevitable negative comments ...

    ReplyDelete
  7. Yes...tnx author ... Wow nakakarxcite ntalaga ang mga susunod na pangyayari.
    ..keep update athour..sana very soon na ang update n2.

    ReplyDelete
  8. SALAMAT NMAN AT BUHAY PA SI AUTHOR!!
    SANA HINDI NA MATAGAL ANG PAG UPDATE!

    NICE STORY! PWEDE GAWING SERIES

    ReplyDelete
  9. Next please!!! O mas mganda post mo na po lht tutal 5episodes nlng po pra di kna dn maistorbo o masbhan pa ng rip ng iba lalo na kng busy ka sa mga gawain mo sir author. Hihi... just saying.
    -sai

    ReplyDelete
  10. Kung c Jun c Eugenio na ex ni felicilda/liza/martil at nag kaanak cla na si mikee/corina ibig sbhn jun fucked his own daughter at ipinakasal pa sa kapatid nya na si dimitri??? Boom!!! Lupet! Next na po sana.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan din ung iniisip q about revealation x pgm8ting nila pm later pwo yaw kung panganuhan ung author kc msyado ng maraming twist.... Pukin!na talaga!INCEST!!!


      Delete
    2. At naiisp ko pa na ang sinasabin sikreto ni PM. Ay hindi anak ni Dimitri si Monte kundi anak to na nabuo ni Jun at Corina (NA MAG-AMA)!!

      Delete
  11. Finally po nakapagupdate na po kayo. Ganyan talaga. Busy Busy ^_^.

    It's okay ganyan talaga iyan. This is my favorite series after all!

    Masaya ako dahil natapos mo na pero malungkot dahil sooner or later this will be completed. Wala na.

    Ano kaya magiging ending? Love yaa!

    ReplyDelete
  12. Finally!!!!!! Tagal kong hinintay to super worth it naman sa haba at ganda ng story grabe ang ganda talaga. Kawawa naman si PM lagi na lang sya gusto ko pa naman si Gab for him sana lang maging sila hayst!!

    Paganda na ng paganda yung story pero sana mahaba pa ito bago magtapos haha naalala ko tuloy dati way back in 2013 yung book 1 yung isa sa mga una kong tinapos pero by that the time silent reader palang ako kasi ng newbie palang haha pero damang dama ko yung sakit na dinanas nun ni Angelo as in kawawa talaga sya.

    -44

    ReplyDelete
  13. Hu,! ..mkapigil hininga talaga hehe..sana masundan agad..

    ReplyDelete
  14. One of the best story. Lagi ko itong inaabangan....


    Sam ir baguio city


    Sam. Baguio...

    ReplyDelete
  15. Superb. This is a masterpiece. Galing mo. Detailed and clear. Thanks sa mr. Author for sharing you story. Kaabang abang talaga, SULIT. Keep on updating and writing mr. Author. Salamat.

    -tyler

    ReplyDelete
  16. Update naaGad author...hehe..

    ReplyDelete
  17. Ohh my ghad, salamat sa sobrang update aning istoryaha,, sobrang namiss ko talaga ito, daghang salamat sa imo author...
    -joey

    ReplyDelete
  18. As always .. Hahahaha super worth it.. So sino nga ba si gab o si art? Hhmmmm 😏😏😏 panu kaya malalaman ni sheldon na anak nia si pm at panu nga ba malilintikan si jun? At sino kaya ang misteryosong karakter sa mga huling kabanata ng kwento natin? Kudos author! Thanks .. Yaan muna ung mga un.. Excited lang din sila tlaga sa story mo.. Hehehe

    ReplyDelete
  19. Basta gus2 q parin mgka2loyAn c angelo at demitri... LakAs mkatop ni angelo ,huh.

    ReplyDelete
  20. holyshit!!!! saraaaapp ibottom ni dimitri...hehe.author update nah... Dimitriangelo til d end.

    ReplyDelete
  21. Author pwede po i publish mo lahat chapterz 4 nxt updatez since few left nlang...

    ReplyDelete
  22. Update na po plzzzzz.

    ReplyDelete
  23. Update na author , wag mo na po patagalin since ntapos mo lahat ngremaining chpters... I wanna read 8 so badly.

    ReplyDelete
  24. all I can say is, ang ganda! sobra! d sya nkkbitin.. hahahaha! daming twist, na mind fuck ako dun, naguluhan ng konte tungkol kay felicilda.. hahaha! anyway, galing galing tlga, next chap n po, sana si gab at pm mgkatuluyan, no offense, ayoko sa pm-gio tandem, ayoko sa arthur-pm, ayoko din sa dmitri-pm tandem... hahhaa gsto ko gab-pm lang... yun lang

    --jha

    ReplyDelete
  25. I thought tapos na story at iuupload n lng d2. When po update?

    ReplyDelete
  26. Angelodimtri kantotan na yan
    ...joke, pwo gz2 q talaga cla ang mgka2loyan..update na author.

    ReplyDelete
  27. Sobrang ganda!
    Kaabang - abang!
    Tagal ko hinintay ang update! SUPER WORTH IT NAMAN!
    di p malinaw kung cno nanghaharass kina dimitri at jun!
    GAB-PM til the end.
    Waiting for the next chapter

    Thanks! Author

    ReplyDelete
  28. Thanks.author!
    Worth it talaga!

    GAB- PM dapats huli

    ReplyDelete
  29. "sino ang ppiliin ko,..... mahal ko o mahal ako.." lols. kapanapanabik nnmn hmmmmm thankyou author..

    ReplyDelete
  30. nowpa nkaopen,,, akala ko wala ng kasunodyon . heehehe

    #leroyleroysinta

    ReplyDelete
  31. Antagal nman ng update otor....upd8 na plzzzz.

    ReplyDelete
  32. Atlast may karugtong na kaso matagal2 din tank you authore karugtong na pls pls pls

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails