GAPANGIN MO AKO. SAKTAN MO AKO. II
Written by: Cookie Cutter (I-add ako sa Facebook)
_________________________________________________________________________________
THE MONSTER - RIHANNA
Part 1: "Sorpresa"
---
Book 1: Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 I 20, 21, 22: Final Chapter | Epilogue
Teasers: Dimitri | Riza/Jonah | Corina/Jun | Gio | Gab | PM/Arthur
_________________________________________________________________________________
THE MONSTER - RIHANNA
(Disclaimer: Hindi ko po pag-aari ang video at hindi ko po pag-aari ang larawan para sa kuwentong ito. For representation lang po ang mga ginagamit na materyal. Kung may hindi nagugustuhan ang paggamit ko sa mga materyal na ito, pakisabihan po ako nang matanggal agad. Maraming salamat.)
(Author's note: Please take note po, wala na akong ibang pagpopostan ng kwento maliban sa msob. MSOB lang po ang official kong pagpopostan ng Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2. Kung mahahanap niyo ang kwento ko elsewhere maliban sa MSOB, paki-inform po ako nang ma-settle kaagad. Maraming salamat.)
_________________________________________________________________________________
Chapter 3: "Andito na ako."
“Kahit saan ilagay ang tao, may gagamit at gagamit talaga sa'yo kahit na mabait o masama ka. Might as well maging masama na lang.” -PM Realoso
---
Chapter 3
“And
this court finds the defendant, Corina Salviejo y Giligan, innocent
of all charges filed against her. Session adjourned.” Tumayo ang
judge at hinampas ang gavel (yung parang martilyo) na nagpapahiwatig
na tapos na ang trial.
Sa
isang banda, nandoon si Riza, tahimik na inaayos ang mga gamit habang
ang kanyang mga kliyente, na dating mga receptionist ni Corina sa
hotel na siya ang namamahala, umiiyak silang lahat habang yakap yakap
ang kani-kanilang pamilya.
Nang
matapos na magligpit ng gamit si Riza, nilapitan niya ang kanyang mga
kliyente at niyakap ito.
“I'm
so, so sorry...” Paghingi ng tawad ni Riza habang nakayuko,
punong-puno sa frustration at galit.
“Nakakalungkot
attorney...” Wika ng isa sa mga yumakap sa kanya, “ginawa naman
natin ang ating makakaya. Sadyang may mga gawain lang talaga iyang
babaeng iyan na di natin mapapatunayan.” Sabay tingin kay Corina na
masayang pumapalakpak sa kabilang banda ng session room.
“Opo
attorney,” wika ng isa pang kliyete ni Riza, “naiiyak kami sa
tuwing naiisip namin na palagi na lang kaming inaapi ng bruhang iyan.
Ilang buwan kaming underpaid, ilang buwan kaming pinag-overtime nang
walang sahod, nagreklamo kami tapos dun na nagsimula ang galit niya
sa amin. Kalaunan, kinausap namin siya at nahuli namin siyang kausap
ang mga opisyal ng RTC, alam namin na may kakaibang nangyayari. At
malas lang namin... iyang huwes natin ngayon? Nakita namin iyang
kausap ni Corina noon.” Nagbuntog-hininga ang babae habang
pinapahid ang luha sa kanyang mga mata.
“Wala
talaga kaming panlaban sa pera... kahit ang pera na rin ang mismong
dahilan kung bakit kami walang panlaban. Ang hirap po pati sistema
natin, mga mayayaman lang ang may kapit-”
“Hindi
totoo yan.” Pag-insert ni Riza sa isa sa mga kliyente niya. “Hindi
lahat ng mayayaman na binabayaran ang batas ay nang-aapi...” Habang
isip-isip ni Riza ang ginawa ni Dean Jonah para kay Angelo para lang
mailuwas ito sa New York.
Naiiyak
na naman si Riza.
Kumalas
si Riza sa yakapan at inayos ang postura. “I have to go ahead.”
Malungkot na ngiti ang tinapon niya sa mga talunan na kliyente.
Naglakad siya diretso palabas nang may nagsalita habang naglalakad
siya palabas ng hallway.
“Kung
hindi nga lang man tayo bobo... e di sana nanalo tayo.” Pakutyang
tono at nang-iinis. Nahinto sa paglalakad si Riza dahil sa pamilyar
na boses na kanyang narinig.
Dahan-dahan
siyang tumalikod at naglakad pabalik sa taong nagsalita.
“Corina,
natalo lang ako ngayon. Pero at least, natalo ako sa isang luto na
desisyon.”
“Excuse
me?” Pagpapaulit ni Corina sa sinabi ni Riza sa kanya.
“Are
you saying na binayaran ko ang huwes?”
“I
don't know.” Umiling si Riza sabay tapon ng nakaka-insultong ngiti.
“Alam
mo,” panimula ni Corina, “yan naman talaga ang tingin ng mga tao
sa akin eh. May pera, at lahat nadadaan ko sa pera-”
“Which
is totoo naman. Paano ka nga nakalusot sa isang kaso isang buwan
nakalipas? Yup, pera pera na naman. Maliban na lang kung...”
tumahimik si Riza saglit at tinignan head to foot si Corina, “ginamit
mo na naman ang kalaspagan mo para makuha mo ang gusto mo. Naakit mo
nga si Dimitri dahil diyan sa special talent mo.”
“At
least may ginagawa,” sagot ni Corina, “di kagaya mo, palaging
talunan. Pumapangalawa saken palagi. Hahahaha.” Tumawa si Corina
sabay palakpak.
“Oh,
kagaya nung beauty pageant sa school natin noon? Na binayaran mo ng
sex yung tatlong lalakeng judge para maipanalo ka over saken? Yup,
alam ko yun.” Suminghag si Riza sabay ngisi.
Napatingala
si Corina sabay suklay sa kanyang nakalugay na buhok, sabay tawa.
“Ang bitter bitter mo naman. Sasarado na lang tayo sa trenta, yung
pagkatalo mo na naman ang inaatupag mo sa akin. Riza, move on
naman...” Sarkastikong palambing na tono ni Corina.
“Kaya
di mo nababantayan iyang anak mo eh, binigay mo pa sa asawa mo doon
sa states kasi hindi ka makamove on sa nakaraan. Tsk tsk tsk.”
Nilapit ni Corina ang mukha niya kay Riza upang tuksuhin ito. Naiinis
na si Riza. Napakagat-labi siya, at mala-tigre ang kanyang tingin kay
Corina. Binuhat niya ang kanyang kamay at sasampalin na sana si
Corina nang magsalita ang huli.
“Sige,
try mo. Nang sa susunod na magkita tayo dito sa korte, ako na ang
magsasampa sa'yo ng kaso. Alam ko naman na di mo iyon maipapanalo...
natalo ka nga today, how much more sa mga hinaharap? Aguy aguy aguy
dong.” Iniinis ni Corina si Riza. At nagtagumpay siya.
Di
nakaawat si Corina. Binitawan niya ang kanyang dalang briefcase.
Tinulak niya si Corina sa dingding at pinag-uulanan ito ng sampal at
sabunot. Hindi rin naman nagpapaawat si Corina at lumalaban din kay
Riza.
“Tangina
mong hayop ka. Akala mo di ko alam ang pinaggagagawa mo!” Sigaw ni
Riza habang tinuhod niya ang balakang ni Corina. Naramdaman ni Corina
ang sakit ng pagkakatuhod ni Riza, napaigtad ito at napaluhod sa
sobrang sakit habang pilit-pilit pa ring sinasabunutan si Riza.
Nang
lumuwag-luwag na ang pagkakahawak ni Corina kay Riza, sinundan pa ni
Riza ang tadyak na ginawa niya kanina. Nang tuluyan nang makaupo sa
sakit si Corina, kinaladkad ito ni Riza hawak ang kanyang buhok sa
paligid ng hallway.
Nagmukhang
basahan si Corina.
“BITAWAN
MO AKO PUNYETA KA!!! ARGH!!” Sigaw ni Corina habang pinipilit
makatayo. Hindi tumigil sa pagkaladkad si Riza kay Corina.
“Ang
mga dapat sa mga taong kagaya mo, ginagawang basahan!” Inikot-ikot
ni Riza sa sahig si Corina habang sinasampal-sampal ito.
Ang
mga tao naman sa paligid, nakinuod lang. Walang gumustong umawat sa
dalawa na kanina pa nagbabangayan na tila ba mga aso't-pusa.
Maya-maya
ay may papalapit na pagtakbo silang narinig.
“Tama
na! Tama na yan!” Pilit pinapatanggal ni Dimitri ang mga kamay ni
Riza na nasa kalagitnaan ng pananabunot kay Corina. Nang mabitawan na
ni Riza ang hibla ng buhok ni Corina, kinubli ni Dimitri ang mga
braso ng abogada at nilayo ito mula kay Corina.
“Tama
na Riza! Tama na! Isa kang propesyonal, may pinag-aralan ka, isa kang
abogada pero talo mo pa ang walang pinag-aralan sa ugali mo!” Sigaw
ni Dimitri upang tumigil sa paglilikot si Riza. Pinilit makawala ni
Riza sa pagkakahawak ni Dimitri. Hinugot niya buong lakas at winakli
ang mga kamay ni Dimitri, tumalikod ito, at isang SPLAKKK!
ang
naramdaman ni Dimitri sa kanyang mukha.
Dahil
dito, nakatayo si Corina mula sa pagkakahiga at inayos ang sarili.
Nanigas
si Dimitri mula sa pagsampal ni Riza sa kanyang pisngi. Hindi siya
nakagalaw at hindi niya rin matignan sa mata si Riza.
“Maaaring
tama ka. Oo, wala nang pinag-aralan ang ugali ko kung wala nang
pinag-aralan. Pero kung ikukumpara naman sa inyo ni Corina, na dinaig
pa ang demonyo sa pagpapahirap kay Angelo. Maibabalik ba ng pagiging
tahimik niyo si Angelo?! Hindi, at lalo ka na Dimitri, wala kang
kwenta. May dumikit lang na linta sa'yo, nagpalamon ka naman ng buo.”
at isa pang sampal ang ginawad ni Riza sa mukha habang tinititigan si
Corina.
Nakita
ni Corina kung paano sinampal nang dalawang beses ni Riza si Dimitri,
kaagad niyang hinila si Dimitri palapit sa kanya para malayo kay
Riza.
“Sasampahan
ka namin ng physical assault Riza, tandaan mo iyan! Pagsisisihan mo
iyan!”
Sinuklay
ng mga daliri ni Riza ang kanyang malalambot at bagsak na hibla ng
buhok at ngumisi.
“E
di subukan mo lang? At mabubunyag sa lahat ng tao kung sinu-sino ang
sumaksak at nagtulak sa kaawa-awang bata malapit sa pier walong taon
na ang nakalipas. Subukan mo lang Corina at kahit nasa rehas na ako,
lalaban at lalaban ako para masigurong nasa iisang selda lang tayo.
Tandaan mo iyan.” Tinignan ng masama ni Riza si Corina, at bumaling
ang tingin niya kay Dimitri sabay iling na tila ba nagsasabing 'I'm
disappointed in you.'
Pinulot
ni Riza ang kanyang briefcase at simula nang maglakad palabas ng
hallway nang naramdaman niya na may biglang kumapit sa kanyang braso
upang kunin ang kanyang atensyon. Tumigil siya sa paglalakad at
naghintay sa sasabihin ng taong humila sa kanya.
“Riza...”
boses ni Dimitri, nanginginig.
“Ano
iyong sinabi mo tungkol sa sinaksak malapit sa pier? Sa ganoong
paraan ba namatay si Angelo? Si Angelo ba ang tinutukoy mo?”
Tumalikod
si Riza, winaksi ang kamay ni Dimitri at sinampal muli ito sa mukha.
Natahimik
si Dimitri, napayuko sa hiya.
“Wala
ka na doon.”
“Hindi
lang ikaw ang nasasaktan Riza. Hindi lang ikaw ang napapasabi ng:
'putang ina sana may nagawa ako'. Hindi lang ikaw ang nalulungkot sa
pagkawala ni Angelo. Hindi lang ikaw ang araw-araw ginugulo ng
sariling konsensiya. Hindi lang ikaw ang paulit-ulit na nagtataka.
Mas masakit sa akin Riza... di mo man lang ako pinadalo kahit sa
huling himlayan niya!” Tumulo ang luha ni Dimitri.
“Para
magsisi ka Dimitri. Para araw-araw sa buhay mo, maipaalala ko ang
sakit na dinulot mo kay Angelo. Para sa kada umagang gumigising ka,
napapasabi ka ng: 'putang ina sana di ko ginawa iyon.' Simple lang
naman ang hiling ko sa'yo noon Dimitri eh... hindi ko hiniling na may
gawin ka kay Angelo, ang hiniling ko naman sa'yo ay tumigil sa mga
pinaggagagawa mo sa kanya. Hiniling ko naman sa'yo na wala kang
gawin, yun lang! Di mo pa binigay! Eto ka ngayon, ginugulo ng sarili
mong konsensiya, nagtataka...” Sabay mahinang tulak kay Dimitri
para mapaatras ito. Tumalikod muli si Riza upang tuloy-tuloy nang
umalis.
Ngunit
huminto muli siya, di na hinarap si Dimitri at nagsalita: “At wag
na wag mong sasabihin na dobleng sakit sa'yo ang lahat ng pangyayari
Dimitri. Dahil ni minsan, sa panahon na sinaktan mo siya, trinato na
parang hayop, hindi ka nasaktan. Masaya ka pa nga eh. Kung nasasaktan
ka talaga, di mo na sana ginawa iyon... Kita mo, tayong lahat
nasasaktan dahil sa ginawa mo.”
At
diretso nang lumabas ng hallway si Riza, walang nilingon at pumasok
kaagad sa kanyang kotse.
Walang
iiyak. Walang iiyak Pagpapakalma niya sa kanyang sarili.
Walang...
iiya-k...
Nahirapan
siyang maglabas ng salitang bibigkasin kung naunahan na siya ng mga
luha.
________________________________________________________________________________
Naglakad
papasok si Corina sa kanyang kumpanya na kanyang tinayo mahigit
limang taon na ang nakalipas na nasa pangalang 'G's Music and Arts
Entertainment.' Sa huling mga nagdaan na taon, sila ang tagasupply ng
exclusive actors, artists, at models sa mga tanyag na kumpanya dito
sa Pilipinas.
Pero
sila talaga ang pangunahing tagasupply ng artista, mag-aawit, at
dancer sa NGC Broadcasting Corp. Kabilang na rito ang One Time na
isang all girl group na sumasayaw at umaawit. Sa huling nakaraang
limang taon mula sa pagkakabuo ng G's Music and Arts Entertainment,
ang girl group na One Time ang kanilang unang project, na naging
successful sa iba't ibang bahagi ng bansa. Kabilang pa sa kanilang
mga talent ay ang all-time, Asian-awarded na top actor na si Gio
Santos.
Ngunit
nagdaan ang mga taon, dahil sa iba't-ibang reklamong labor complaints
laban kay Corina, unti-unting nawawalan ng tiwala ang mga investors
sa kanya. Ang iba namang mga talents nila ay naglipana sa Magic
Broadcasting, ang kalaban ng NGC Broadcasting sa haba-haba ng
panahon.
Wala
namang pakialam si Corina sa mangyayari sa NGC na kumpanyang
pinagtatrabahuan ng kanyang asawa at ng kanyang biyenan, ang concern
niya lang ay ang revenue at pera na pumapasok patungo sa kanyang
kumpanya.
Si
Corina na rin ang acting CEO sa isa sa pinakasikat na hotel chain sa
buong mundo – ang Diamond Perks Hotel Chain Corp. Stable naman ang
kanyang business sa hotel, ngunit mas pinagtutuunan niya lang ng
pansin ang G's Music and Arts dahil nagbibigay ito ng mas maraming
pera mula sa investors dito sa Pilipinas kahit abroad.
Nang
makapasok na si Corina sa kanyang opisina, may nakita siyang makapal
na bulto na papel. Binasa niya ito, report pala ito ng taga-measure
ng ratings ng NGC Corporation. May kopya siya dahil una, malakas ang
kapit niya sa NGC (Mga Salviejos). Pangalawa, dahil may timeslot
silang binili mula sa NGC Broadcasting Corp., para mailahad ang
talento ng One Time at iba pa nilang artists. Pero kadalasan, ang One
Time talaga ang pinapasikat nila sa timeslot na iyon.
Inayos
niya ang kanyang gamit dahil sa sobrang pagod. Galing pa siya ng
Regional Trial Court upang ayusin ang kaso na isinampa ng mga
kliyente ni Riza, ang kanyang matagal nang kaaway, at nagsagupaan pa
talaga sila sa RTC.
Ngunit
paulit-ulit umeecho sa kanyang tenga ang sinabi ni Riza sa kanina: “E
di subukan mo lang? At mabubunyag sa lahat ng tao kung sinu-sino ang
sumaksak at nagtulak sa kaawa-awang bata malapit sa pier walong taon
na ang nakalipas.”
Alam
niya kaya? Alam kaya ni Riza na pinagtulungan namin ni Jun si Angelo
noon? Alam na niya ba na kami ang pumatay kay Angelo? Hindi maaari
Corina. Hindi. Nagpapanic ka lang. Inom ka ng pampakalma. Kaagad
niyang inabot ang bag niya upang kumuha ng iilang pampakalma dahil
nakaramdam na naman siya ng anxiety. Kumuha siya ng tatlong capsule
at nilagok ito.
Hindi
niya alam Corina. Walang alam si Riza. At kung may makakaalam man,
dapat hindi si Riza. Kundi... siguradong selda ang bagsak mo. Except
kung mauunahan ko siya. Tama, dapat ko siyang unahan...
Humingang
malalim si Corina at inayos ang buhok. Maya-maya binuksan na niya ang
makapal na bulto ng papel at nagsimulang magbasa. Nilibot niya ang
kanyang mata sa summary at dahan-dahan lumaki ang mga mata niya sa
kanyang nababasa.
Hindi
ito maaari. Sabi niya sa sarili niya.
Napasarado
ng kamao si Corina. Kaagad niyang kinuha ang makapal na bulto ng
papel, lumabas ng opisina niya at sumigaw sa secretary niya:
“Laurel!
Call all the department heads for a meeting. Now!!” Nauna siyang
pumasok sa conference room at umupo sa pinakadulong pusisyon upang
magpreside ng meeting.
Dahan-dahan
nang dumami ang mga bilang ng tao sa loob ng conference room habang
si Corina ay nakatupi ang mga braso at matalas ang titig sa bawat
taong pumapasok sa conference room. Nang makumpleto na ang lahat, at
nakapwesto na silang lahat. Tumayo si Corina at hinampas ang mesa.
“I
can't believe we're losing it now. We own the top stars in the
Philippines and now, we are going down? Production team! What is
wrong with you? Tingnan niyo ang ratings!” Galit na galit na sigaw
ni Corina habang binato ang isang makapal na folder na naglalaman ng
makapal na papel sa mesa.
“Our
show, that should be showcasing our best female singing group, from
1st in
its timeslot to 5th?
Seriously? Naunahan pa tayo ng Baby Russel Show? What the hell is
happening?!” Sigaw niya habang hinahampas ang mesa.
“SOMEBODY
SPEAK UP! GOD!” Sigaw niya sabay sweep ng mesa kaya natapon ang
projector sa sahig. Galit na galit si Corina.
“Ma'am,”
pagtawag pansin ng isang babae kay Corina. Nakatanggap siya ng isang
masamang tingin mula kay Corina bago tumango ito upang pagsalitain
ang babae.
“Ma'am,
we're doing the best that we can. Kaso, our timeslot in NGC is so
poor. Hindi conducive-”
“WOW!”
Sigaw ni Corina na may halong pagkasarkastiko. “SO, WE BLAME IT ON
THE TIMESLOT NA TAYO RIN NAMAN ANG PUMILI? COME ON, THINK! KASALANAN
NIYO YAN!” Huminto muna si Corina upang uminom ng tubig.
“In
the first place, sana pumili pala kayo ng mas magandang timeslot, eh
bakit yan ang pinili niyo?! At ngayon, pangit ang timeslot, pero wala
man lang kayong ginawang something enticing to invite people? Alam
niyo, kahit mag-aalas dose pa yan ng gabi, kung gusto ng tao si
Russel Mae, panonoorin talaga ng tao ang tiyanak na yun! THAT IS
MARKETING! WAKE UP PEOPLE, WE ARE LOSING MONEY PER PERCENTAGE LOSS!
EVERYTHING IS MONEY. DO SOMETHING ABOUT IT NOW!”
Tahimik.
Nagkatinginan ang mga nagmi-meeting.
“I
SAID, OUT!” Malditang tili ni Corina. Nagkakandarapang lumabas ang
mga tao sa loob ng conference hall. Maya-maya ay naupo si Corina at
napahingal sa kasisigaw niya.
“Laurel!
Pakikuha ng laptop ko. Tubig na rin. Dali!” Sigaw ni Corina sa
kanyang sekretarya. Wala pang tatlumpung segundo ay pumasok ang
kanyang sekretarya dala-dala ang kanyang tubig at kanyang laptop.
“Andito
na po ma'am.” Sabi ni Laurel habang nilapag ng maayos ang tubig at
laptop ni Corina.
“Punyeta!
Ang bobobo ng mga tao rito! Naku! Hoy Laurel, buksan mo nga iyang TV.
Manonood ako ng balita. Bilisan mo.” utos ni Corina kay Laurel.
Tumakbo naman si Laurel sa TV stand at binuksan ang TV. Matapos itong
mabuksan, tinignan muna ni Laurel ang TV saglit nang marinig niya si
Corinang sumigaw.
“O
ANO MANONOOD KA NA LANG BA? BILISAN MO LINISIN MO TONG KALAT SA
CONFERENCE TABLE! HINDI KITA BINIBIGYAN NG SAHOD PARA TUMUNGANGA
LANG!” Kaagad na nagising ang ulirat ni Laurel at naglinis sa mesa,
tinapon ang kalat, at naglinis naman.
Nang
lumabas si Laurel para itapon ang kalat sa mesa, nanakaw ang atensyon
ni Corina sa TV mula sa paggawa ng report. Isang news flash ang
dumating.
Isa
sa pinakamagaling at hinahangaang direktor sa larangan ng pelikula ay
pumirma na ng contrata para sa merging ng ownership sa NGC
Broadcasting Corporation. Si PM Realoso, direktor ng Boom
Baby, Fireshotter, at Hot Strings, nakipagmerge na ng
share at ng nanay niya na si Jonah Realoso.
PM:
I'm really excited to work with NGC Broadcasting Corporation. I will
bring NGC back to the top and elevate the quality of our media.
Sisimulan
na ni PM ang kanyang serbisyo sa NGC sa pamamagitan ng pagdirect sa
upcoming breakthrough movie ng taon at pagpoproduce ng reality show
na naglalayong humanap ng bagong breed ng stars.
Natulala
si Corina sa nakita sa TV. Hindi maaari. Patay na siya. Dapat
patay na siya. Hindi siya dapat maging si Angelo.
Dahil
kung siya si Angelo... I am fucked.
Hindi
nasiyahan si Corina kaya agad niyang sinearch ang pangalan ni PM.
Nang nakita na niya ang mukha ni Angelo, natapon niya ang baso ng
tubig sa sahig. Hindi pwede. Siya nga. Siya! Bakit?!
Papaanong??
...
'Realoso.'
Shit! Kinupkop siya ni Jonah! Kinuha siya ni Jonah! Malamang si Jonah
ang nag-alaga sa kanya! Tanginang matandang yan! Walang hiyang
matandang iyon. Patay. Patay? Anong gagawin ko?!
BOOOGSH! Natapon
ni Laurel ang tinimplang kape at nabasag ang tasa. Nakatingin si
Laurel sa laptop ni Corina at naluluha.
"Ma'am...
Si Angelo yan?" Turo ni Laurel sa laptop ni Corina. Gulat na
gulat din ang mukha ni Laurel na tila ba namimiss ang kanyang dating
kaibigan. Nagflashback sa utak ni Laurel ang mga masasayang ala-ala
nila ni Angelo noon. Di niya inakala na sa dinami-rami ng haka-hakang
naririnig niya tungkol sa pagkamatay ni Angelo, maaaring buhay pa
pala siya.
Nasabik
si Laurel.
“Hindi!”
Sinarado ni Corina ang kanyang laptop at inayos ang buhok. “Malamang
kamukha lang iyon ni Angelo. Pero hindi iyon si Angelo. Imposible.
Matagal na siyang patay. Matagal na siyang wala. IMPOSIBLE!!”
Pinulot niya ang isang flower vase at tinapon sa sahig dahil sa
sobrang galit.
Kahit
magsinungaling siya sa sarili na patay na si Angelo, hindi pa rin
maiwawaglit ang katotohanang maaaring buhay ito... lalong-lalo na ang
kapareho niya ng mukha ay kapareho ng family name sa taong posibleng
kumupkop sa kanya.
Napaupo
si Corina sa sofa at binabaon ang mukha sa kanyang mga palad. Hindi
maaari... Paulit-ulit niyang bigkas sa kanyang isip.
“Pero
ma'am.” Lumapit si Laurel kay Corina, “paano po kung si Angelo
talaga iyon? Ang tagal-tagal ko na po siyang gustong makita talaga...
Hindi po ba tayo gagawa ng project na makakapag-trabaho tayo kasama
si Angelo kung sakaling siya man iyon? Lalaki ang reputasyong ng
kumpanya mo ma'am kung gano-”
“HINDI
SABI! HINDI!!!” Tinapunan ni Corina si Laurel ng Time Magazine.
Tumayo siya at hinarap si Laurel sa mukha.
Ni-lock
niya sa kanyang kanang kamay ang panga ni Laurel upang ilapit niya
ang mukha niya rito.
“Ayaw
ko marinig ang pangalan ng baklang iyan sa kumpanyang ito at
lalong-lalo nang ayaw ko iyang marinig mula sa bunganga mo,
naiintindihan mo Laurel?!” Sumigaw si Corina sa harap ng mukha ni
Laurel.
Walang
nagawa si Laurel, bilang isang hamak na sekretarya lang, kung hindi
ang tumango upang ipahiwatig na naiintindihan niya si Corina.
Hawak-hawak pa rin ni Corina ang panga ni Laurel. Matalas ang titig
ni Corina kay Laurel, at nanliit si Laurel sa bawat saglit na
tumititig si Corina sa kanya ng ganyan.
“Magtrabaho
ka na!” Sabay tulak niya kay Laurel, dahilan upang matumba ito sa
sahig. Napatingin lang si Laurel sa sahig habang pinakikinggan ang
tunog ng sapatos ni Corina palabas ng conference room.
“Wag
mong kalimutang tawagan si Dimitri na kunin ako mula dito sa office.
Kundi malilintikan ka. Mapuputulan ng life support ang anak mo.”
Sinarado ni Corina ang pintuan. May
tulong na... Angelo tulungan mo akong makaalis dito sa
impyerno! Sigaw
ng kanyang isip.
_________________________________________________________________________________
Mga
alas-singko na ng hapon at pinasok lumabas si Corina sa opisina niya.
Labas ng opisina niya ay ang workplace ng secretary niyang si Laurel.
Dala-dala niya ang kanyang bag at uuwi na siya. Dumiretso siya sa
mesa ni Laurel at dinabog ito.
“NASAAN
NA SI DIMITRI?! NATAWAGAN MO NA BA?!” Pasigaw niya kay Laurel.
Marahan namang lumingon si Laurel sa kanya at tumango.
“Opo
ma'am. Parating na raw siya.” Bumalik sa pag-aayos ng papeles si
Laurel.
Hindi
masaya si Corina sa sagot ni Laurel. Kaya kinuha niya ang gabundok na
papeles sa harapan ni Laurel na buong maghapon inayos ni Laurel at
hinagis sa hangin.
“Kung
sinasabi kong papuntahin mo siya rito ng alas-singko, dapat
alas-singko!! Malay ko ba kung naghahanap na ng bakla yun! May
itutulong ka ba?! Palibhasa kasi sa'yo, laking skwater, di niyo alam
kung paano pahalagahan ang oras dahil ang nandiyan sa kokote niyo,
katamaran!!” sabay turo-turo sa mukha ni Laurel. Yumuko lang si
Laurel, tumayo at isa-isang pinulot ang mga papel na tinapon ni
Corina sa hangin.
“Umpisahan
mo iyang mga papeles. Magsimula ka ulit!! Kailangan ng mga staff yan
first thing in the morning! At wag na wag kang magkakamaling
mag-abandon post or magresign. Dahil ako mismo ang tatanggal ng life
support ng anak mo Laurel! Tandaan mo iyan!” Sabay apak sa papeles
na kukunin sana ni Laurel na nagkalat sa sahig.
Bumukas
ang pinto at may boses na sumingit. “Bakit na naman iyan Corina,
ano na naman ang kasalanan ni Laurel sa'yo?” Mahinahong tanong ni
Dimitri kay Corina.
Lumingon
si Corina kay Dimitri at sinampal ito sa mukha.
“Saan
ka galing? Bakit late ka ng 2 minutes? Di ba malinaw ang sabi ni
Laurel sa'yo?! Alas-singko impunto?! Eh di naman kalayuan ang NGC
mula rito ah? Baka nambababae ka pa?” Sabay amoy sa kwelyo ni
Dimitri.
“O
baka nambakla.” Umatras siya at tinupi ang kanyang mga braso.
Umiling
na lang si Dimitri at napatingala sa taas.
“I
don't have time for this, Corina. Pareho tayong pagod mula sa trabaho
kaya spare me from all the bullshit.” Tumalikod si Dimitri upang
lumabas na ng silid ngunit hinampas siya ni Corina mula sa likod.
“Bullshit?!
Tangina ka Dimitri, asawa mo ako! May responsibilidad ka sa amin ng
anak mo! Kaya may karapatan akong sigaw-sigawan ka, lalo na kung
nakakaduda na ang mga galaw mo!”
Tumalikod
si Dimitri at hinawakan ang braso ni Corina. Galit na galit ang mukha
nito. Tinanggal niya ang kanyang salamin at nilagay sa kanyang polo.
“Listen
up, Corina. Oo, may responsibilidad ako sa inyo. Pero ikaw, may
responsibilidad ka ring rumespeto ng tao, lalong-lalo na kung asawa
mo. At para lang malaman mo, matino akong ama at matino akong asawa.
Sa bawat oras ng bawat araw, alam kong alam mo na ang buhay ko ay
puro trabaho-uwi. Kaya wag na wag mo akong masusumbatan. Mahina ako
mambabae, o mambakla lang man. Dahil kung gawain ko man ang mga bagay
na iyan, hindi ko pagsasamantalahan ang natitirang dalawang minutong
na-stuck ako sa traffic diyan sa EDSA kung sa opisina pa lang,
nag-uulan na ng babaeng malaki ang dibdib o mga baklang malaki ang
pwet. Naiintindihan mo ba?” Mahinang boses ni Dimitri ngunit
punong-puno ng timpi ang kanyang tono.
Napangisi
si Corina at napatingala. Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Dimitri
sa kanyang braso at sinampal siya.
“So
totoo na may iba pa pala maliban sa akin? Ha?! Ang talino mo talaga,
naisahan mo ako doon. Sino ba ang kaagaw ko ron sa NGC? Yung mga
intern mo na parang linta kung makalandi sa'yo? O iyong mga boss mong
gurang na nilalandi mo para ma-promote ka? O di kaya... ang baklang
direktor na malapit ng dumating mula sa amerika? SAGOT!” Sabay
tulak kay Dimitri.
Winaksi
ni Dimitri ang kamay ni Corina at umatras.
“Ewan
ko kung sinong direktor ang sinasabi mo, Corina. Pero isa lang ang
sasabihin ko sa'yo: kung sinuman iyang sinasabi mong kabit ko...”
Tahimik.
“Tiyak
mas mabait at mas karespe-respeto siya kesa sa'yo.”
Ang
mga salitang iyon ay nagpagalit lalo kay Corina. Sinampal niyang muli
si Dimitri at hinahampas-hampas gamit ang kanyang shoulder bag.
“Sa
bagay Dimitri. Kaya nga panay ang habol mo kanina kay Riza nung nasa
RTC tayo di ba? Oo, nakaupo ka katabi ko nung nasa korte pa tayo.
Pero sa halip na suportahan mo ako, hindi ka man lang nag-witness
para sa akin! Tantya ko, hanggang ngayon eh, gusto mo pa ring
kabait-bait ka na tao tingnan ni Riza para maawa man lang siya sa'yo
para mapatawad ka sa mga kasalanan na ginawa mo sa baklang best
friend niya!”
Suminghag
si Dimitri at ngumisi.
“Alam
mo Corina, kung may choice lang ako, sana pinag-aralan ko kung
paanong mahalin si Angelo kaysa ang magpakasasa sa'yo. Ibang-iba ka
na kumpara ng Corina kong nakilala noon. Ibang-iba ka na. Siguro oo,
bakla si Angelo kung bakla. Pero kahit ikaw pa ang pinili ko noon...”
Kinapa
niya ang kanyang kwelyo upang ayusin ito.
“Alam
naman natin kung sino ang mas kagalang-galang sa inyong dalawa.”
Tumalikod si Dimitri at naglakad palabas.
Napako
sa kinatatayuan si Corina at hindi makapaniwala na sinabi lang ng
lalakeng mahal niya, sa harap ng mukha niya, na hindi siya
kagalang-galang, kahit pa man mag-asawa na sila. Nagsimula nang
dumaosdos ang tubig palabas sa kanyang mga mata hanggang sa si Laurel
na naman ang kanyang nasita.
Tinignan
niya ito at nakita niya itong nakatulala sa mga batuhan ng salita na
kanyang nasaksihan.
“O
ANONG TINITINGIN TINGIN MO DIYAN! TAPUSIN MO IYAN!” Sabay sipa sa
tuhod nito. Nasugatan ang tuhod ni Laurel ngunit hindi niya na lang
ininda ang sakit. Tumingala na lang siya upang tingnan ang mukha ni
Corina. Nakita niya itong nakatingin sa kanya, tumalikod, at lumabas
na rin ng opisina.
Konting tiis na lang Laurel... Andiyan na si Angelo... Makakaalis ka na rito.
Konting tiis na lang Laurel... Andiyan na si Angelo... Makakaalis ka na rito.
_________________________________________________________________________________
“PM,
PM, wake up.” Pagtapik ni Arthur kay PM. Nakapulupot ito sa kumot
at naka-tilt ang head-rest ng kanyang upuan upang mahimbing ang
kanyang pagtulog.
“Hngggggg,
whyyyyy...” Nakapikit pa rin si PM habang hawak-hawak ang kumot.
“Because...”
panimula ni Arthur, “we're already home.”
“Hnggggggg...
whaat hooome...” Inaantok pa si PM habang kinamot ang kanyang ulo.
“Home.
Your country like umm, home? Country-home. Philippines.”
Pag-aalinlangang sagot ni Arthur na tila ba nagtataka sa isasagot.
Nagpapacute siguro kay PM.
Tumawa
saglit si PM at binuksan ang kanyang mga mata. Tinanggal niya ang
kumot at sinabit sa kasunod na upuan ng eroplano.
“Arthurrrr
hngggg... I'm so sleepy. Why don't you just carry me behind
youuuu...” Inaantok na boses ni PM habang dala-dala ni Arthur
pababa ng eroplano ang dalawang maleta nila.
“What?
No, PM, I have to carry two big, heavy bags and I have to give you a
piggy-back ride, ain't that making things hard?”
“Arthurrrr....
pleaaaaase??” Pagsusumamo ni PM na tila ba parang bata.
If not because of how I feel for you, I would never ever make a fool out of myself, you silly prick. Nagsmile na lang si Arthur sa pag-astang spoiled brat na bata ni PM. Sabi ni Arthur sa sarili.
If not because of how I feel for you, I would never ever make a fool out of myself, you silly prick. Nagsmile na lang si Arthur sa pag-astang spoiled brat na bata ni PM. Sabi ni Arthur sa sarili.
“Alrighty,
hop on!” Bahagyang nag-crouch si Arthur para masakay niya sa
kanyang likuran si PM. Kaagad namang lumundag si PM upang mag-piggy
back ride ito kay Arthur.
Ganon
ang pusisyon nila. Nasa likod ni Arthur si PM, dala-dala nito ang
dalawang malalaking maleta nila. Nang nasa labas na sila ng airport,
dumungaw-dungaw si Arthur at palingon-lingon upang hanapin ang
susundo sa kanila.
Habang
naghihintay sila, pinagsamantalahan ni Arthur na magtanong kay PM.
Nasa garden sila malapit at akay-akay niya pa rin si PM.
“PM,
you asleep?”
“Hngggggg....”
“Whom
do you love?”
“Hngggg...
nooobodyyy...” maantukin na sagot ni PM.
“Umm,
Gio?”
“Hnnng,
noo wayyyy...”
“Umm,
Dimitri?”
“Hnnng,
whyy aare youu askiing me questioons... I am sooo tireddddd..”
“Umm
okay. How about this guy.” Kinakabahan si Arthur sa sunod na
pangalan na kanyang bibigkasin.
“G-Gab?”
“Hnggggg...
Doo I love hiim?? Maybeeeee... I don't knowww.” At medyo nasaktan
si Arthur sa kanyang narinig. Tahimik lang siyang nagtitimpi habang
pinilit wag umiyak sa kanyang narinig.
“Well...
How about me?”
“You
know what Arthur I'm so sleepy. I want to sleep so stop asking me
questions. I'm not in the mood to answer those, alright?”
Pagmamaktol ni PM na parang bata. Natawa na lang si Arthur. Tinapik
nito at hinimas ang ulo na nakasandal sa kanyang balikat.
“Yes,
baby. I love you, PM...”
RIIIIIIIIIIIIING... Nakagising
si PM sa vibration na naramdaman niya sa kanyang hita. Kumalas siya
mula sa pagsakay kay Arthur at kinuha ang cellphone mula sa kanyang
harem pants na suot. Pinusisyon niya sa kanyang tenga ang phone at
nagsalita.
“Saan
ka na ma?” Tanong niya sabay hikab at kusot sa mata.
“Andito
na kami sa parking area. Puntahan niyo na lang kami dito.”
“Alright.
We're coming over.” Sagot ni PM sabay baba ng cellphone niya.
“Mom
says they're at the carpark. We gotta head right there.” Hinila ni
PM ang isa sa mga maleta at tinuro ang carpark. Naglakad na
dire-diretso si PM at sumunod naman si Arthur.
“Not
sleepy anymore?” Tanong ni Arthur habang nakasunod kay PM.
“Nope.
Just excited.”
“About...?”
“Stuff.”
Blangkong sagot ni PM sabay tapon ng blangkong mukha.
“What
'stuff'?”
“You
know, 'stuff' stuff. Just stuff.” Casual na sagot ni PM hanggang sa
nakaabot na sila sa carpark.
Napansin
nilang dalawa ang malaking van at napagdesisyunan na lapitan ito.
Maya-maya, niluwa ng van na ito si Jonah at ang CEO ng NGC
Broadcasting Corp na si Sheldon Grandyaryo. Ngumiti naman si Sheldon
sa dalawa at kumaway. Gumanti ng tango at kaway si Arthur, ngunit
blangko pa rin ang mukha ni PM.
“Is
this him?” Payak na tanong ni PM kay Jonah. Nagkatinginan naman
sila dahil sa bruskong dating ni PM sa isa sa pinakamatagumpay na
businessman sa bansa.
“Uhum~”
paglinaw ng lalamunan ni Sheldon, “just in case you don't know me,
my name is Sheldon Grandraryo. CEO, NGC Broadcasting Corp.” Sabay
alok ng kamay kay PM. Ngunit tinignan lang ni PM ang kamay ng matanda
at tumitig nang nakakailang.
Para
maligtas sa kahihiyan si PM, ninakaw ni Arthur ang kamay ni Sheldon
at kinamayan ito. “Arthur Boyd, sir.” Ngumiti si Arthur.
“You
know sir,” panimula ni PM, “I wouldn't be proud of bragging to
everybody that I am a CEO of a company that's gradually flunking it's
way down to the cold ground. That's exactly why I signed a contract
with you in a closed meeting with limited media men. Because I'm
trying to help you get back to your feet. So, if you don't mind, I
would like to sign the contract for the movie project deal which you
beg for me to propose to you so we could be done in no time?”
Sarkastikong sagot ni PM kay Sheldon.
Mistulang
nang-init ang dugo ni Sheldon sa pag-aasta ni PM kaya di na niya rin
napigilan ang kanyang sarili.
“You
just signed a contract to us, so technically I'm your boss-”
“In
papers, sir,” sabi ni PM, “in papers. We all know who's the real
boss here. Once Arthur and I leave for Hollywood? You'll get your
position once more.”
Binuksan
ng driver ni Jonah ang likuran ng van upang mailagay na ni PM at
Arthur ang kanilang mga bagahe. Nakatayo lang sa tabi ng van si
Sheldon habang nanliit sa mga sinasabi ni PM. Gusto niyang lumaban
pero alam niyang hindi pwede... dahil...
“I
know how corporate works Mr. Grandyaryo. You're not a businessman for
nothing. You aim for scores, you aim for stats, you aim for cash. I'm
going to bring you that. But in return, I want ALL things...”
tumigil saglit si PM para maisarado ang likod ng van.
“And
I mean, ALL THINGS, to be under my control. Let's have a deal about
that sir. Treat me right, you get your money. Do the other way
around, and you'll see you'll lose a lot.” Ngumisi si PM at sumakay
sa van nila Jonah. Sumunod naman si Arthur at sinarado na ang pinto.
“Jonah...”
pagkatok ni Sheldon sa bintana ni Jonah. Binuksan naman ni Jonah ang
pintuan upang marinig ang sasabihin ni Sheldon.
“Doon
na lang ako sa kabilang sasakyan sasakay. Baka di ko masikmura ang
baho ng ugali ng anak mo.” Pagpuna ni Sheldon tungkol sa ugali ni
PM. Pinili na lang ni Jonah na wag patulan at sitahin si Sheldon o si
PM sa kani-kanilang pag-uugali kaya ngumiti na lang ito.
“Sige
sir. Sa NGC na lang po namin kukunin iyong contract para sa meeting
mamaya.”
“Oy,
batang masama ang ugali.” Pagtawag ni Sheldon kay PM ngunit hindi
ito lumingon.
“OY!
HAMBOG!” Pagtawag ng matanda ngunit matigas pa rin si PM at hindi
pa rin ito lumingon.
“OY!
WALANG PINAG-ARALAN!” Pasigaw niya kay PM ngunit si Arthur lang ang
pumansin nito.
“PM,
I think Sheldon's calling you.”
“Tell
him I have a name and tell him he knows my name so he better call me
by my name. That's what you call respect. It's given regardless your
age. You respect me, I respect you. I don't care if you're old, or
even dying. If you don't deserve my respect, you won't gonna be
getting any of mine.” Dire-diretsong sagot ni PM.
“What,
tss!” Pagsinghag ni Sheldon, “you started this! Inalok ko nga
kamay ko sa'yo, at tinanggihan mong makipagkamayan saken tapos
sasabihin mo di kita nirespeto?!”
“Mali
ka jan manoy, bago pa man kita nakilala, alam kong mas hambog ka sa
akin, at alam kong ang pangit-pangit ng ugali mo.” Lumingon si PM
kay Sheldon, “...so prove me wrong.” Ngumiti si PM.
“At
alam ko na ang schedule ng meeting mamaya. 8 PM, sa SEA University
conference hall. Meeting with the producers, etc. And just so you
know Sheldon, I don't like my ideas getting compromised with cheap
capitalist stunts. So I'm going to invest most of my money in this
project to make me more as an owner than the rest. Also, Arthur's
finalizing the legalities for the entertainment company we're making,
and it'd be under NGC. So stop messing around old hag, we know what
to do, and we're not as dumb as you thought of us would be. Now go,
see you at the NGC building. Mom, close the door.” At kaagad na
sinarado ni Jonah ang pintuan. Umiling lang si Sheldon dahil sa sagot
nito sa kanya. Maya-maya, umatras na ito at dumiretso sa kanyang
sasakyan.
Dumiretso
sila sa NGC Broadcasting Corp. building para makuha na ni PM ang
kontrata na pipirmahan niya para sa isang upcoming movie.
_________________________________________________________________________________
“Hello
Jun?” Bati ni Corina sa telepono.
“O
Corina? Bakit ka napatawag?” Sagot ni Jun habang nagkakape sa
cafeteria.
“Inuwi
na kami ni Dimitri. Itatanong ko lang kung andiyan na si Dimitri.
Sabi niya kailangan niya raw mag-overtime. Kasama mo ba siya ngayon?”
Seryosong tanong ni Corina.
“Hayyy,
ikaw pinagdududahan mo iyang anak ko na walang ibang pinupuntahan
iyan dito sa opisina kung hindi trabaho, trabaho, trabaho! Salamat ka
pa nga diyan at di niya tayo mahuli-huli. Nagkita kami kanina, nasa
office siya kasama ang team niya upang tapusin ang isang project.”
Tumawa ng mahina si Jun.
“Naninigurado
lang Jun. Ayokong maiwan kami ni Monte. After all, asawa niya ako at
may anak siya sa akin. Dapat kami lang ang responsibilidad niya.
Mahirap na. O, ikaw? Kamusta naman ang pagbili mo ng shares?
Pumapangalawa kayo dati ah. Si Sheldon pa rin ba ang nangunguna?”
“Tsk.”
sabi ni Jun, “yun na nga eh. Naunahan kami ng mga Realoso. Pati
anak ni Jonah nakisali pa. Di ko nga alam kung paano sila nakabili ng
ganon kalaking shares at pumalo kaagad sila sa 25%. Automatic na si
Sheldon ang CEO eh, 51% na. That leaves the rest of us sa more or
less mga 23% - 24%. Dimitri and I own 11.5%, so ang natitira para sa
iba ay 10% - 13%! Kahit bilhin pa namin ang 13% na yan, di pa rin
kami mananalo sa 25% ng mga Realoso. Ewan nga kung paano tumubo ang
5% ni Jonah sa 25%! Kasi yang anak niya, mayaman na sa US, sikat
ngunit kahit isa walang nakakaalam kung sino talaga ito. Director,
producer, so di namin alam ang deal kung bakit pa ito lilipad ng
Pilipinas at magtatrabaho kung umuulan naman pala ng pera doon sa US.
Nag-merge na sila ng shares ng nanay niya kaya naka 25% sila. Lumipad
si Sheldon at ang team nila para lagdaan iyong merge shares. Closed
doors. Ngayon lang pinalabas lahat ng footage meron sila tungkol sa
deal na iyon. Tantiya ko para magkapera ang NGC eh. Pang-starbucks
nga lang siguro ng PM Realoso na iyon ang 100% revenue ng NGC.”
Natahimik
si Corina nang nagkwento si Jun tungkol sa shareholder ng NGC.
Narinig niya ang pangalan ni PM at mistulang natuyo ang lalamunan
niya nang maalala niya ang mukha ni PM.
“Actually
Jun... Nilabas na ng media ang mukha ni PM, di mo pa ba nakita sa
internet ang mga pictures niya? Natatakot ako Jun... tingnan mo.
Dali!” Pagmamadali ni Corina kay Jun. Si Jun naman, interesado sa
mukha ni PM, kaagad na tinipa ang pangalan ni PM at sinearch ang
mukha nito.
Anong
kalokohan- Ang nasabi niya sa kanyang isip.
“Anak
ng... kamukha niya si...”
“OO!
OO JUN! NATATAKOT AKO! KAMUKHA NI ANGELO! KAMUKHANG-KAMUKHA!”
Lagot,
lagot, lagot... Pa-ulit ulit ni Jun sa kanyang isip. Lumakas ang
tibok ng kanyang puso ang bumibilis ang kanyang paghinga. Naging
balisa siya at bumabasa ang kanyang mga palad.
“Hindi
n-naman si-siguro to si A-Angelo...”
“Yan
din ang inisip ko Jun! Ngunit siya si PM Realoso, anak raw ni Jonah
Realoso... eh walang anak o asawa ang matandang iyon di ba? Paano
siya nagkaroon ng anak na kamukhang-kamukha ng taong nawala na 8
years ago?! Paano?!”
“Shit
Corina. Kaya pala nung pumunta ako sa lamay ni Angelo noon, hindi ko
maaninag ang mukha nito. N-Nagtaka ako eh!! H-Hindi naman n-natin na
ano iyong mukh-” Natigil sa pagsalita si Jun nang nakita niya si
Jonah, kasama si Sheldon at dalawang mapuputing lalake na naglalakad
mula sa malayo papasok ng NGC building.
Hindi
ako nagkakamali. Kahawig ni Angelo mula sa gilid ang isang lalaki.
Hindi maari. Buhay siya. Tangina! Buhay siya! Paktay ka diha. Lagot,
lagot... Sa kanyang isip.
“Hello?!
Hello?! JUN!!” Pasigaw ni Corina ngunit pinatay ni Jun ang tawag at
mas naging balisa pa siya kaysa sa kanina. Kaagad siyang tumayo at
tinungo ang CR nang may nabangga siya.
Natapon
ng lalake ang hawak niyang pagkain. Si Jun dahil sa panic, kaagad na
tumingala sa lalaking nakabanggaan niya at nagulat siya sa kanyang
nakita.
Nakita
niya ang mukha ni Angelo! Kaagad niya itong tinulak. Napaatras ang
lalake at nagising lamang sa ulirat si Jun nang nagsalita ito.
“Dad,
anong nangyayari sa inyo? Bakit pawis na pawis kayo? Okay lang po ba
kayo?” Si Dimitri. Yumuko si Jun at tinignan muli ang mukha ng
lalake, at mukha na ni Dimitri ang kanyang nakita.
Namamalikmata
siya at akala niya si Angelo ang kanyang nakita. Kaagad niyang
niyakap ang anak at tinapik ito sa likod:
“Akala
ko kung sino!” Nasabi lamang ni Jun sabay lingon muli sa likod
upang sundan ng tingin si Jonah at ang inakala niyang kahawig ni
Angelo.
Si
Dimitri, walang kaalam-alam sa nangyayari sa kanyang ama, sinundan ng
tingin ang tinitignan ng ama. Nang napansin niyang may tinititigan
ito, kaagad niya itong tinapik sa balikat at inakbayan. Naglakad
silang dalawa pabalik sa mesa na kinauupuan ni Jun.
“Ano
ka ba dad. Napepressure ka lang dahil malapit na ang convention.
Chill ka lang. Pasok pa rin tayong dalawa sa BOD. Pumapangalawa pa
rin tay-”
“HINDI!
SI PM REALOSO ANG PANGALAWA! KAILANGAN NATIN SIYANG PABAGSAKIN ANAK!”
Sigaw ni Jun habang dahan-dahan silang umupo.
“Tay,
maliit lang ang shares ni PM-”
“25%
DIMITRI! 25%! WAG KANG TANGA! KUNG 51% SI SHELDON, WALA NANG MATITIRA
SATEN!”
“Bakit
ka ba kasi galit na galit sa PM na iyan? Mawawala naman siguro siya
after a while. Ano ba kasi mukha niyan nang makita natin.” Sabi ni
Dimitri habang inaayos ang mga papeles na isusumite niya mamaya.
Si
Jun naman, biglang nanigas at kinalabit kaagad si Dimitri. Nakita na
niya naman ang hawig ni PM, kasama ang isang matangkad na maputing
lalaki at si Jonah na lumabas ng building. Paulit-ulit niyang
kinalabit si Dimitri dahil hindi siya makapagsalita dahil sa gulat.
“Teka
lang tay, may ginagawa pa ako.”
“T-Tingnan
mo... si PM!!! BILIS!!!”
“Teka
lang. O tapos na, saan ba?” Umangat ng tingin si Dimitri.
Palingon-lingon at may hinahanap. Ngunit wala siyang nakita.
Si
Jun, nagbuntong-hininga na lang at pumikit. “Wala na, nakaalis na.”
“Alam
mo dad,” Tumayo si Dimitri at tinapik sa ulo ang ama, “stressed
ka lang. Kelangan mo na umuwi.” Dinukot ni Dimitri ang kanyang kape
at naglakad pabalik.
Hindi
ako nagkakamali... Si Angelo ang nakita ko! Naupo
lang si Jun sa mesa habang binuksan ang laptop at pinagmasdan ang
mukha ni PM Realoso.
Siya
nga.
_________________________________________________________________________________
“O
siya PM, andiyan na ang contrata sa'yo. Basahin mo iyan nang mabuti
at kung may special request ka, isulat mo nang ma-raise yan mamaya sa
meeting, okay anak?” Pagpapaalala ni Jonah habang naglalakad sila
patungo sa parking lot.
“Okay.
So sa SEA-University na lang kami tatambay for the moment para sa
convention. After the convention na lang kami uuwi ni Arthur sa bahay
sa Makati.”
“Sige
anak, ikaw bahala.” Sumakay si Jonah at si Arthur sa van kasama si
PM.
“Kuya,
sa SEA-University po.” Panunuyo ni Jonah sa driver. Tumango naman
ang driver at binaybay na nila ang daan patungo sa SEA-University.
Tahimik
lang si Arthur na natutulog sa isang tabi, habang tabi niya si PM at
nasa front seat naman si Jonah. Si PM, binabasa lang ang kontrata ng
upcoming movie project habang pinagmamasdan siya ni Jonah mula sa
side mirror.
“By
the way, PM, ngayong nasa Pilipinas ka na at nakauwi ka na... wag
kang makulit ha? Wag kang mananakit. Mahihirapan si mama niyan.”
Napatingin
sa labas ng sasakyan si PM nang matapos na niyang basahin ang
kontrata. Pinadulas niya sa kanyang buhok ang kanyang mga daliri at
nagsalita.
“If
you mean I, taking my revenge, no mom. I can't assure you na wala
akong masasaktan. Dapat managot ang mga taong nanakit sa akin, sa
pagkatao ko, at sa pagkawala ng mga mahal ko sa buhay. If killing
them would mean my vindication, then I would gladly cut their flesh.”
“Pero
anak-”
“But
of course mom, I won't just run around and chase them to have my own
kill. Magsisimula ako sa business. People like Jun, or Dimitri, or
Corina are business-minded people. They speak money, their language
is greed. If that's the case, I can talk to them really well. I can
negotiate with them, and leave them empty-handed.”
Tumawa
si Angelo sabay kain ng chocolate bar.
“I
would start with NGC. Pababagsakin ko sila sa NGC, and as soon as
mauunahan natin si Sheldon, we'll get the lead and I'll start
crushing them from there. In a short while, magbubukas ng animation
studio si Dimitri. I know how much he loves arts and design. So, I
would allow few months of Dimitri's full blast sa company. Then, as
soon as he would have all his works patented, we'll sabotage the
animation studio to bankruptcy. I'll buy it, and voila! Wala good bye
dreams and hopes! Then with Jun... I'll just keep my lead. Then with
Corina... I will sabotage the hotel she's managing, tapos iyong music
and arts entertainment company niya? Well, quite frankly, yung ONE
TIME lang naman talaga ang nagdadala ng bida eh. There's actually a
reason why maraming kita ang G's music and arts entertainment. Dahil
wala silang binabayarang timeslot fee, advertising fee, at air time
sa NGC dahil asawa siya ng BOD. But I heard it's going down. Soooo,
since separate company sila, Arthur's almost done with the in-house
company na kokontra sa G's music and arts. Pag matapos na kami at
kasama ng pag-agaw ng animation studio ni Dimitri, dahan-dahan naming
gagawan ng scandal ang mga celebrity under G's music and arts. Of
course, contract terminated ang mga celebrity doon dahil sa scandal
without further explanation. We'll take it right there, iha-house
namin sila sa ginawa namin ni Arthur na entertainment company. That
leaves Jun, Corina, and Dimitri to zero....”
Uminom
ng tubig si PM at ngumisi.
“And
after ko masira ang business nila, I'll start destroying their very
soul, piece by piece. From there, that's all I have to say.”
Namangha
si Jonah sa galing ng pag-iisip ni PM, ngunit kasama sa pagkamangha
niya sa galing ng strategy ni PM ay ang takot. Pinapalibutan siya ng
mga tao at sigurado marami siyang mababangga.
“PM..
I don't want to be a party popper, but you sure know that you'll be
against many, and I mean, A LOT OF BUSINESS TYCOONS diyan sa balak
mo-”
“Tssss.”
suminghag si PM, “I don't care mom. Because we all know that no
matter how big you are as a tycoon... I can always outsmart anyone.”
Inayos
ni PM ang kanyang bag at kumain ulit ng chocolate.
“And
I mean it.”
_________________________________________________________________________________
Nakatambay sa coffee shop sa SEA University si PM kung saan sinusulat na niya ang kanyang mga
special requests para sa movie project na lalagdaan niya mamaya.
“Tangina
naman oh. Meeting-meeting pa, nakakatamad. Mahabang usapan... Eh ako
lang din naman ang susundin nila.” Pagsasalita ni PM sa sarili.
“Ano
pa ba ang kulang ko sa listahan...” habang sinusuri niya ang
listahan niya sa mga special requests.
“Lunch,
Dinner, 3 hour gap snacks, fans, blah, blah, blah, blah, blah... wala
na ata.” Humikab si PM at kinunat ang kamay para makapagstretching.
Uminom
siya ng kape at umiling para maitanggal ang antok sa ulo.
Lumingon-lingon siya dahil may plano siya upang hindi makadalo sa
meeting mamayang alas-otso.
Nang
may nakita siyang lalakeng estudyante, kaagad siyang nag-PSSSST.
Lumingon ang estudyante at lumapit sa kanya.
“Boy,
gusto mo ba magka-extra?” Tanong ni PM habang nakatitig ang lalake
sa kanya.
“Depende po sa ipapagawa niyo saken. Basta malinis, game lang.” Simpleng
sagot ng lalake. Medyo astigin ang tono at pacool.
Inabot
ni PM ang manuscript ng movie project, ang contract, MOA, at ang
special requests para sa meeting mamaya. Umupo ang lalake sa opposite
na upuan ni PM. Nagulat ang lalake sa tinanggap na mga dokumento ni
PM dahil hindi niya alam kung paano ito gagamitin.
“Para
saan po 'to?” Tanong ng lalake na may halong gulat.
“Ano
ba major mo?”
“Film
po.”
“Eh
sana alam mo iyan kung film major ka nga talaga. Year mo ba?”
“Third
year po. Fourth year na next sem.”
“Magaling.
E di ako magiging mentor mo. Kita mo to? Makapal yan, manuscript ang
tawag diyan. Prototype lang ito kaya ingatan mo 'to. Eto, Contract at
MOA, nilagdaan ko na iyan para ang gagawin mo, maibigay mo na lang
ito. At itong special request, bahala ka nang dumiskarte. May meeting
mamaya sa conference hall. Ang manuscript, bigay mo lang sa board of
directors, tapos ang contract, abot mo lang sa kanila para mapirmahan
nila, tapos explain mo lang ang special requests.” Sabay abot sa
manuscript, contract, at MOA.
“Teka,
teka, teka.” Pag-awat ng lalaki, “Sino ka ba? Bakit mo ba
pinagagawa 'to sa akin?”
“Tinatamad
ako boy. Pangalan mo ba?”
“Marko.”
“Nice
meeting you Marko. My name is PM Realoso.”
Tumawa
ang lalake at pumalakpak.
“Nagbibiro
ka ba? Pinagtitripan niyo ba ako? Reality show ba ito? Nasaan iyong
mga camera?” Tumalikod si Marko at umikot-ikot at kinakausap ang
hangin.
“HELLO
PHILIPPINES!! HINDI NIYO AKO MAIISAHAN!!” Kumaway-kaway pa siya sa
hangin na mistulang may kinakausap.
Nakaupo
lang si PM habang pinagmamasadan ang lalakeng sa tingin niya ay
parang tanga.
“Wala.
Hindi ako nagbibiro. You want proof?” Binuksan ni PM ang kanyang
wallet at naglabas ng isang business card.
“Eto
business card ko, may contact number iyan so contact mo lang ako kung
kelangan mo ng tulong.”
Tumaas
ang kilay ni Marko at kinuha ang business card ni PM. Sinuri niya ito
na para bang hindi kumbinsado na kaharap niya talaga ang isa sa
pinakamagaling na filmmaker.
“Eh
paano ko malalaman na totoo 'to? Baka gawa-gawa mo lang 'to para
sabihin ikaw si PM Realoso. Wala akong alam.”
“Ako
rin, wala akong alam kung maniniwala ka sa akin at wala akong
pakialam. Tawagan mo nga 'yang number na iyan. Ang mahalaga matawagan
mo ako para maibigay ko na sa'yo ang bayad pagkatapos mo daluhan ang
meeting on my behalf. Tetext ko na lang ang partner ko na ikaw ang
dadalo para sa akin.”
“Wait,
are you really serious?” Tanong ng lalake.
“I
am. I don't want to go to that meeting. I'm so lazy tonight, and I
don't give a fuck about whatever they have to say. What's important
is you impose whatever I need in the special requests.”
“Wait...
Who am I going to meet with?”
“Big
people.” Tumayo si PM mula sa pagkakaupo. “Really big people.”
“Alright.
I don't know if you're playing a prank on me or something, pero sige
gagawin ko ito. I want my money after the deal. Aattend lang pala
eh.”
“Yup.
Gawin mo ha! If one of those things na nilista ko sa special requests
hindi matutuloy, konsume din ang bayad ko sa'yo. Just this once. And
if you do this right, you'll have the biggest break of your life.”
“Tssss,”
pagsinghag ni Marko, “malay ko bang indie film director ka lang? Sa
ayos mo pa nga, yung tipong hindi seryoso at laro-laro lang, malamang
hindi ka masyadong big time.”
“HAHAHAHA”
Tumawa si PM. “Bakit, sinabi ko bang big time ako? Basta gawin mo
na iyan.” Tinapik ni PM si Marko sa balikat.
“HI
BABE!” Isang malalim na boses ang narinig ni PM at Marko. Maya-maya
may lalakeng lumapit kay Marko at hinalikan ito sa pisngi.
Nakatayo
lang si PM habang pinapanood ang ka-sweetan ng dalawang lalake sa
harapan niya.
“Y-You
guys... a-are a couple?” Utal-utal na tanong ni PM.
“Yeah!”
Sagot ng lalaking kararating lamang. “Sino ka nga pala?”
“Ay
babe, isa sa mga business partner ko. He's an indie film director at
may ipapagawa siya sa akin mamaya. Aattend ako ng meeting.” Sabay
tayo ni Marko at buhat sa manuscript, contract, MOA, at special
request note.
“And
sir, eto nga pala si Tristan, boyfriend ko po.” Inakbayan ng husto
ni Tristan si Marko at masayang ngumiti kay PM. Nanigas si PM at
mistulang nawalan ng lakas. Ito ang unang pagkakataon na naging
apektado siyang makita ang isang gay couple.
“Boyfriend
ko po.”
“..boyfriend
ko...”
“...boyfriend...”
Paulit-ulit
na nagring sa tenga ni PM ang katagang boyfriend. At may biglang
nagflashback sa utak ni PM.
[Flashback]
"Angelo,
will you be my boyfriend? I love you, at hindi-hindi kita sasaktan.
Akin ka lang at ako'y sa'yo... Nangangako akong ikaw lang ang
mamahalin ko." Sabay mabilis na halik sa labi ni Angelo.
Ngunit
seryoso pa rin ang mukha ni Angelo.
"I-I'm
sorry, Dimitri... Sinabi kong mahal kita pero..."
"I
understand Angelo. Hindi ka pa handa na maging boyfriend ko. It's
okay." At kumalas si Dimitri sa pagdidikit ng noo ng isa't-isa
at binitawan na rin niya ang sentido ni Angelo.
"Binasted
kita Dimitri kasi sabi ko naman di ba, ako ang manliligaw sa'yo?"
Sabay hila ng batok ni Dimitri na napupuluputan ng mga braso ni
Angelo.
"Will
you be my boyfriend, Dimitri?" Sabay ngiti ni Angelo.
Nanlaki
ang mga mata ni Dimitri. Tumulo ang luha ni Dimitri, lumiwanag ang
kanyang mukha at halatang-halata ang saya sa kanyang mukha.
"OO
ANGELO! YES! SHIT! DI MO LANG ALAM KUNG GAANO KO KATAGAL HININTAY ANG
PAGKAKATAONG ITO!" Sabay siil ng malambot na halik sa mga labi
ni Angelo. Naghalikan na naman sila.
Mga
isang minuto silang naglapat ang kanilang mga labi ng bumukas ang
pintuan. Pumasok si Gio. Nakita ni Gio ang paghahalikan ng dalawa at
nasa tabi lang siya, nakatingin sa dalawa.
Nakatalikod
mula sa kanya si Dimitri na nakatayo at nakaupo naman si Angelo sa
kama, nasa batok ni Dimitri ang mga kamay ni Angelo at ganon na rin
si Dimitri. Patuloy pa rin sila sa paghahalikan at hindi pinansin si
Gio.
"Oh!
Istorbo ata ako, tawagin niyo lang ako pagkatapos niyo."
Tinignan ni Gio ang kamay ni Dimitri na nagmuwestrang lumabas muna
siya."
Lumabas
naman si Gio at sinarado ang pintuan.
Matapos
ang sunod na minuto ng paghahalikan ay kumalas silang dalawa ngunit
magkahawak pa rin sila sa batok ng isa't-isa.
"I've
waited for this for so long Angelo, and now heto na tayo. I love
you!"
"Handa
na ako pare, and I'm not going to let this feeling go away."
"Pare?
Pangit naman nun. Parang magtropa lang. Dapat may tawagan tayo.
Babes? Honey? Asawa ko? Ano ba?"
[End
of flashback]
“Oy.
Ayos ka lang ba?” Simpleng tapik ni Marko kay PM habang nakatulala
ito sa kawalan. Pumatak ang unang luha ni PM at pinunasan niya kaagad
ito.
“I-I'm
sorry. I have to go ahead.” Pag-ilag ni PM sa dalawa. Ayaw na
niyang manatili pa dahil kung ano-ano pa ang kanyang maalala.
Kaagad
siyang pumasok sa isang public bathroom at naghilamos. Matapos ang
ilang ulit na pagbasa sa mukha, tinignan ni PM ang sarili sa salamin.
Dumadaloy mula sa kanyang mata ang tubig ng kalungkutan. Naghilamos
ulit siya at tinignan ulit ang sarili sa salamin.
“Ang
tagal na nun. Ang tagal na nun.” Mahinahon na boses ni PM.
“ANG
TAGAL NA NON PM!! BAKIT HINDI KA MAKAMOVE ON!” Sabay hampas sa
lababo.
“KALIMUTAN
MO NA!!!!!” Sabay suntok sa sariling ulo. Sinasabunutan niya pa ang
sarili. Galit na galit si PM sa sarili.
Lumabas
ulit si PM at kahit mag-aalas sais pa ay napagdesisyunan niyang
uminom upang makalimot.
Pumasok
siya sa isang beerhouse at nag-order ng apat na tig-isang litro ng
alak. Dumating kaagad ang inorder niya at nagbuhos siya sa kanyang
baso.
Habang
umiinom siya... panay pa rin ang pagtulo ng kanyang luha.
Pinagtitinginan na siya ng mga tao dahil ang pagdadabog niya ay
nakakaistorbo.
This
isn't right. Bakit nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko ang meron sa
amin? Ang tagal tagal na noon. Kung pwede pa lang makalimot at
magpahiwa ng bahagi ng utak para lang di ko maalala ang mga
pangyayaring hindi naman totoo... gagawin ko.
Bakit
nga ba ako nagkakaganito? Oo, siguro kasalanan ko kung bakit
nagkaganito. Siguro may pagkukulang din ako dahil nakalimutan kong
mahalin ang sarili ko. Pero hindi ito sapat na dahilan upang abusuhin
nila ako. Ang bait-bait ko sa kanila... binigay ko lahat kay Dimitri.
Lahat! Oras, kalinga, pagmamahal, pwet. Ano pa ba ang kulang? Ano pa
ba ang kailangan niya sa akin?!
Pagkatapos
ang sampung minuto ay nagbukas na naman ng pangatlong litro si PM.
Dahil sa kanyang biglaang depresyon, hindi na niya alintana ang
pangit na lasa ng alak, o ang dami ng kanyang nainom.
Ang
bigat bigat na... Di ko inakala na babalik at babalik ang sakit na
nararamdaman ko. Ang mga panggagago niya sa akin. Ang pananakit niya
sa akin. Ang pang-aabuso niya sa akin. Nakakalungkot lang kung paano
siya naging sweet sa akin noong una at paano niya ako binastos
kalaunan.
Masama
ba akong tao? Hindi. Well, ewan ko lang ngayon. Pero kung masama man
akong tao ngayon, siguro dahil pumalpak ang mabait na ako noon.
Tangina mo Dimitri, minahal kita ng buo!
Nang
maubos na niya ang pang-apat na litro, nagtaas siya ng kamay na
nagpapahiwatig na isang set pa ng litro. Umiikot na ang kanyang
paningin at alam niyang natitipsy na siya dahil sa dami ng alak na
siya lang ang umiinom.
Maya-maya,
nanakaw ang kanyang atensyon sa telebisyon na pinaandar ng beerhouse.
[Report]
Ayon
kay Sheldon Grandyaryo, CEO ng NGC broadcasting corporation,
sinisigurado niyang maibabalik na sa tuktok ng Philippine media ang
NGC broadcasting corporation. Kahit aminado ang business tycoon na
sintonado sila sa nagdaan na tatlong taon laban sa kalabang istasyon
na Magic broadcasting corporation. Sa kasalukuyang CEO ng kalabang
kumpanya ng NGC ay si Gabby Victorio, isang nobody sa larangan ng
corporation. Hindi rin naman maitatapon ang kanyang angking galing.
Nagtapos si Gabby Victorio sa SEA-University kung saan gaganapin ang
nasasabing close-deal signing ng NGC kasama ang bagong business
tycoon na direktor na nagmula pa sa Estados Unidos, si PM Realoso.
Sheldon:
Kumpyansa naman ako sa galing ng batikang direktor na si PM Realoso.
Kahit may pagka-attitude ang batang iyon, hindi pa rin ipagkakaila na
may angking talino siya sa larangan ng media. Gagamitin namin iyon at
sa tulong ni PM, hindi lang ang NGC ang makikinabang kundi ang buong
Pilipinas dahil layon din namin, kasama si PM, na maitaas ang kalidad
ng mga sining ng pelikula dito sa Pilipinas.
Maliban
sa napapabalitaang share-merging ng bagong dating na si PM Realoso,
bukas na rin gaganapin ang convention ng NGC broadcasting
corporation. Ito ay gaganapin sa nasabing paaralan kung saan nagtapos
ang CEO ng kalabang kumpanya na si Gabby Victorio.
Marami
ang nag-aabang na baka ito na ang simula ng panibagong yugto ng
larangan ng pelikula.
[End
of report]
Ngumisi
si PM. Pare-pareho lang naman kayong lahat ng gusto sa akin
eh. Gusto niyo lang akong gamitin para sa pangsirili niyong dahilan.
Noong mabait ako, nagamit ako. Ngayong masama na ako, nagamit pa rin
ako.
Kahit
saan ilagay ang tao, may gagamit at gagamit talaga sa'yo kahit na
mabait o masama ka.
Might
as well maging masama na lang. Ngayong andito na ako at magkikita na
kami ng mga taong nanakit sa akin, kailangan ko na lumaban para hindi
na maulit pa ang nangyari sa akin noon. Kakaibang laban na ang
sasabakin ko – isang laban na minsan ay ako ang talo.
Ngunit
sa pagbabalik ko, at sa muling pagkikita namin, sisiguraduhin ko ako
ang mananalo. Ako, at ako lang. Wala na akong pakialam kung sinuman
ang madamay. Hindi na ito simplent suntukan, kundi laban na ito kung
laban.
Humanda
sila. Eto na ako.
Andito
na ako.
Pinunasan
ni PM ang kanyang luha at inayos ang sarili. Nangalahati na si PM sa
pangalawang set na kanyang nainom ngunit hindi pa rin siya nakaramdam
ng pag-iihi. Maya-maya nag-vibrate ang phone niya at napansin niyang
may nag-add sa kanya sa isang gay dating app na ginagamit niya upang
makakita ng makaka-sex.
Binuksan
niya ang request at napansin niyang nakapangalan ang katauhan nito sa
pangalang: “gab489”
Stupid
name for a stupid kid. Tinignan niya ang mga litrato ni
gab489, wala man lang itong kahit isang litratong pinaskil sa kanyang
profile. Tatanggalin na sana ni PM si gab489 sa kanyang listahan ng
friends nang nagmessage ito sa kanya.
Gab489:
Hi! Montemayor88!
Montemayor88:
?
Gab489:
Where are you from?
Montemayor88:
from somewhere
Gab489:
LOL. You're name is pretty familiar to me though...
Montemayor88:
Don't be stupid, anybody can just put random names online without
actually painting meaning in it.
Gab489:
Alright. I'm sorry. So, how old are you?
Montemayor88:
Why do you keep on asking personal questions?
Gab489:
I just want to know you better...
seen
by Montemayor88 7:49 PM
Gab489:
Hey?
Normal
na ang mga ganitong tao na kumakausap kay PM gamit ang app na iyon.
Kaya nagpasya siyang tapusin na lang ang last na litro ng alak at
maghilamos para magkape. Dumiretso siya sa bathroom at umihi.
Pagkatapos niyang umihi, naghilamos siya para mabawasan ang
kalasingan.
Kung
kanina tinatamad lang siyang pumunta sa meeting with Board of
Directors para sa upcoming movie project niya, ngayon wala na talaga
siyang gana. Salamat sa magjowa.
Nang
tapos na siyang maghilamos, hinila niya sa kanyang back pocket ang
kanyang phone at ang kanyang panyo. Habang pinupunasan niya ang
kanyang mukha, napansin niyang nagpost si Gab489 ng status.
Gab489:
OTW to Starbucks Buhisan. See you when I see you? Lol.
Pambwisit
naman to oh. Kalma lang PM. Just spend the night for yourself today,
bahala na si Arthur at si Marko sa'yo. Sila na ang bahala sa'yo sa
project. Tinignan niya ang sarili sa salamin at ngumiti kahit
namamaga pa ang kanyang mata.
Just
conceal the sadness that you feel. In that way, nobody will know
you're vulnerable. Sinuot ni PM ang kanyang sun glasses.
Malakas ka. Matapang ka. Sabay hawak sa locket na bigay ng kanyang nanay ilang taon na ang nakalipas.
Malakas ka. Matapang ka. Sabay hawak sa locket na bigay ng kanyang nanay ilang taon na ang nakalipas.
_________________________________________________________________________________
“You
know what dad, ayoko siyang pakasalan. And I don't care kung wala ako
ngayon diyan. I don't want to get married, and no matter how you
force me to marry that girl, no! I won't!” Sigaw ni Gab habang nasa
loob siya ng banyo. Kausap niya sa kabilang linya ang kanyang tatay.
“Listen
up. I'm your father and you have to listen to me! This is my only
wish, magpakasal ka bago ako mawala. And cliché as it sounds, give
me grandchildren. In that way hindi na ako mangungulit sa'yo pa.
Dapat mo akong sundin dahil ama mo ako!”
“HAHAHAHAHAAH,”
pagtawa ni Gab, “gago ka ba tay? Hindi niyo nga ako maalagaan ni
mama kahit noong hindi pa kayo naghiwalay. Maid lang ang naging
kaagapay ko. Nag-high school ako, naghiwalay kayo. Bumuo ng
kanya-kanyang pamilya. Natuto akong mamuhay mag-isa. Pera lang ang
pinaulan niyo sa akin. Kaya wag na wag mo akong susumbatan na
kelangan kita sundin. Dahil maibabalik ko sa'yo ang pera na binigay
niyo sa akin. Gusto mo triplehin ko pa nga para may pambaon ka sa
impyerno?”
“Ang
bastos mong bata ka! Napahiya kami dito sa dinner ng parents ni Nina
dahil sa pag-indyan mo!”
“E
di mapahiya kayo. Ginusto niyo yan eh. Alam niyo namang hinding-hindi
ako papayag tapos pinipilit niyo talaga ako.”
“Ano
bang problema mo at hindi mo man lang masubukang mahalin si Nina?!
Mabait naman siya, sexy, at higit sa lahat, maganda! Ano pa bang
hinahanap mo sa isang babae! Andiyan na lahat kay Nina! Gamitin mo
nga yang maliit mong utak!”
“Kung
maliit lang ang utak ko, e di di sana ako naging CEO ng Magic Corp. Di
ko sana nagawang number one ito sa apat na taon kong pagiging CEO.
Kaya wag na wag niyo po akong sasabihan na maliit ang utak dahil wala
nang mas liliit ang utak kesa sa taong matapos mang-iwan ng anak, ay
uutus-utusan ito na tila ba pinagkakautangan. Kung may choice nga
lang ako sana sa iba ako pinanganak!”
“Ngunit
wala kang magagawang ipokrito ka dahil gawa ka sa tamod ko! Kaya
pakasalan mo si Nina, o isusumpa kita hanggang kamatayan!”
“YUN!
Anong klaseng ama ka kung pati anak mo sinusumpa mo?! All the more na
hindi kita susundin dahil ang tingin mo sa akin, pagawaan ng apo, at
hindi bilang anak mo. Hindi mo na nirespeto ang pagkatao ko tay!”
BEEP. Pinatay
ni Gab ang tawag at lumabas ng banyo. Dumiretso siya sa mesang
kinauupuan ng tropa niyang umiinom ng kape.
“Grabe
tol, talo mo pa ang kape ng starbucks sa pait ng mukha mo.” Sabay
alok ng kape kay Gab.
“Si
tatay kasi, pinipilit akong pakasalan iyong anak ng business partner
niya. E sa ayaw ko? Hindi ko dinaluhan iyong dinner dinner nila.
Pakshet. Mga walang utang na loob, di na nahiya sa akin bilang anak
nila."
Nilapit
ni Gab ang kanyang laptop sa kanya nang makita niya kung saang bahagi
ng report ang kanyang naiwan bago niya tinanggap ang tawag ng ama.
“Oy.
Tol. Dumaan nga pala rito iyong Gio Santos. Nagsisigawan iyong mga
babae, parang mga tanga. Bumili lang naman ng kape tsaka lumabas.”
“Tssss.”
sabay inom ng kape si Gab, “kung alam lang nila kung gaano kasama
iyang gagong iyon. Kahit ako parang ayaw ko isipin na nabuhay pa pala
iyong ulol na iyon.”
“Pero
alam mo tol, tantiya ko, sisikat pa ng husto iyang si Gio. Kasi di
ba, may pinirata silang direktor mula sa States? Grabe, magkano kaya
bayad nila doon. Narinig mo na ba iyon? Si PM Realoso?”
"Talaga?
PM Realoso? Never heard. Hindi yan magtatagumpay ang NGC. Come on. We
are Magic Corp. I am Gab Victorio. Number one na tayo for 3
consecutive years. Pulling off cheap tricks won't make them win."
Nagmamalaking tono ni Gab habang nakaupo sa loob ng Starbucks at
nagtatype ng annual report.
"Malakas
ata confidence mo sa sarili tol ha." Sagot ng kanyang kasama na
nagrereview ng ratings.
"Siyempre,"
panimula ni Gab sabay inom ng inorder, "I have been through a
lot para bagsakin ko to. Salviejos will not make it. Not this time."
Ngumisi si Gab habang pinipicture out ang pagkatalo ng NGC.
"Ikaw
bahala. Walong taon nang nakalipas tol, isn't it time na magmove on
na tayo? Alam ko kung gaano mo kamahal si-"
"Stop.
Hindi. My competition is academic and professional. Hindi ito emotive
or personal. We are Magic Corp. Take it or leave it."
Umiling
na lang ang kasama ni Gab.
"Sige.
Ikaw bahala. Uy tol. Yung girlfriend mong baliw oh!" Sabay turo
sa likod ni Gab. Andun nga ang baliw na baliw kay Gab.
Si
Nina. Isang model. Anak ng family friend ng tatay ni Gab. Sa totoo
lang ayaw ni Gab kay Nina eh. Magulo. Maingay. Kahit marami ang
nagkakandarapa kay Nina, si Gab hindi. Napagkasunduan na rin ng
pamilya ni Gab at pamilya ni Nina na ipakasal sila sa isa't-isa.
Ngunit ayaw ni Gab - dahil hanggang ngayon, si Angelo pa rin. Sa
katunayan di niya jowa si Nina, panunukso lang lahat.
"Hi
boys! Oh! Hi Gab!" Malanding bati ni Nina sabay ikot ikot ng
daliri sa bahagi ng kanyang iilang buhok.
"Yes."
Matigas na sagot ni Gab na halatang walang gana makipag-usap sa
kanya. Ngunit gumapang ang kamay ni Nina sa balikat ni Gab at kaagad
na winakli ito ni Gab. Tumawa lang si Nina sa inasal ni Gab.
"Nakakatawa
ka Gab. Pakipot masyado. I bet wild ka sa kama. Anyway, is it a yes
as in sit down or yes as in 'I mind you sitting down'?"
"Yes
as in go away." Barado ni Gab si Nina. Ngunit nanatili pa ring
nakaupo si Nina at pinatong pa ang mga paa sa upuan.
"Baby
Gab... Buy me coffee naman oh!" Pagpapapansin ni Nina kay Gab.
"Ikaw
na bumili. Malaki ka na." Patuloy sa pagtype si Gab.
"Pero
Gabbbbb!!!" Pagpapacute ni Nina kay Gab na ikinatingin ng mga
tao sa kanya. Naramdaman ni Gab ang mga titig ng tao sa kanilang mesa
kaya walang nagawa si Gab kung hindi ang bilhan si Nina ng coffee.
Pagkatapos
umorder ay bumalik na si Gab sa mesa at nagpatuloy sa pagtitipa. Nang
dumating na ang kape ni Nina, nagreact na naman si Nina.
"Gaaaaaaaab,"
sigaw ni Nina na maypagkamalandi na nakagulantang sa buong shop,
"Mapait masyado! Palagyan mo sugar... Please?"
"Nina,
ikaw na please. May ginagawa pa ako."
"Gaaaaaaaaaaaabbbbb!!"
Tili ni Nina na parang kinakatay. "Gusto ko dalhin mo kape ko
dun sa counter palagyan mo ng honey. Pleaseeee para mas sweet."
Sabay kapit sa braso ni Gab.
"Hay
naku!" Sigaw ni Gab habang dala ang coffee ni Nina pabalik sa
counter. Nang malagyan na ng asukal, kinuha kagad ito ni Gab.
"Tanginang
babae to pwede namang siya na lang magdal-" BOOGSH.
Nabuhos
ang kape sa taong nasa likod ni Gab. Buhos na buhos ang kape sa
kanyang katawan pati foam di natanggal.
Pinulot
ni Gab ang nahulog na cup at minura ang taong nabuhusan niya.
"Tangina naman oh next time kasi pumila ng maayos!" Nang
nag-angat ng tingin si Gab, nabitawan niya ang baso na pinulot niya
at lumaki ang kanyang mga mata.
"Dumb
fuck." Sabi ng lalaki na natapunan niya ng kape.
"A-Angelo!"
Itutuloy...
Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2
Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2
This story is really amazing! Each chapter has its own revelation about what really happened in book 1. Many unforeseen events happening in this chapter. Its getting exciting and exciting every chapter! Mr. Author you're one of the best. Hoping to read the next chapter very soon. Japjapjap
ReplyDeleteThank you!! Newbie writer pa lang po ako huhu
DeleteI have a feeling malayo layo pa aabutinng story na toh hehehe. Sana weekly may update :-)
ReplyDeleteGaano kalayo ba? Wahahahahaha. Opo meron po
DeleteGrabe ang galing tlga ng Author..sna lage may update..tnx
ReplyDeletejojo.qatar
Great chapter!!! Next please.
ReplyDeleteI'm not sure about the sequence, but the stories building up really nicely. So excited for Gab and Angelo! Marvs
Nagkita na po sila ;)
Deletesulit ang paghihintay, salamat po.
ReplyDeletebharu
You're welcome bharu!
DeleteFirst time kong mag comment dito. Nabasa ko ung una mong nobela. All I can say is magaling kang author. Keep it up.
ReplyDeleteHindi naman po. Wahahahah, thank you!
DeleteExcited na po sa succeeding chapters :) excited sa mga paghihiganti na gagawin ni angelo. More power po sa author :) !
ReplyDeleteAbangan! Thank you! Sa'yo rin!
DeleteYay sa wakas makikita na ni gab ang mahal nya si angelo.
ReplyDeleteBoholano
Nagkita na sila ;)
DeleteDumb fuck talaga.. Next chap ma
ReplyDeleteNakapost na po
DeleteThanks Sir...inaabangan ko talaga to...the best story na nabasa ko...:)
ReplyDeleteMaraming salamat po! ;)
Deletewow! super talaga, exciting basta chapter la kuna yung mga flashback from book 1. sana weekly may update.
ReplyDeletered 08
Opo weekly po red :)
DeleteMukhang magiging magkalaban pa si Gab at Angelo dahil sa business ahhh.... :/ Sana wag naman...
ReplyDeleteGanon dapat para masaya :))
DeleteMukhang magiging magkalaban pa si Gab at Angelo dahil sa business ahhh.... :/ Sana wag naman...
ReplyDeleteMukhang magiging magka-away ps si gab at angelo dahil sa business ahh.... sana wag nmn.... :/
ReplyDeleteKevs1416
Ano pa ba pwede ko sabihan? Exciting tlga ee. Kahit nghintay sulit na sulit.. :-) :-) :-) somehow feeling ko pinapahalagahan ni pm si art. Takot lang cguro si pm. No one can blame him.. pero mgkikita na sila ni gab.. waaahh can't wait sa gagawin nia kay corina and jun.. cla ung pinka masarap pektusan ee. Haha and what about laurel? She has a kid? Life support? And good thing dto lhat ng character di naaoutcast buhay pa din yung story nla. Kudos! :-) :-) :-).
ReplyDeleteDami nun ah. Thank you! ;))
DeleteSobra pong ganda ng story na'to. OMG!! Sana may update weekly. Please... <3
ReplyDeleteThank you po! Opo meron po! :)
DeleteInaabangan ko talaga to! :)
ReplyDeleteThank you po! ;)
Deletesalamat po sa update.... excited na ako sa next chapter...
ReplyDeletego angelo..... (PM pala hehehe)
joe....
You're welcome joe! :)
Deletenxt chapter na agad sir..ganda talaga!
ReplyDeleteNakapost na po! Thank you! :)
DeleteThe Fate of Jun, Corinna, Dmitri and Gio is about to come. Very intense, graphic and thrilling ang storyang ito. Thus by far, the best. Nakakakilabot si PM/ANGELO sa kanyang revenge, exciting. Justified naman ang kanyang well-planned structure. Great story Mr Author! Sana continued ang series. --Mr.Anomous
ReplyDeleteThank you Mr. Anomous! Opo tatapusin ko po to ;)
DeleteUmpisa na ang kalbaryo ng mga villains. Hope they will suffer more than Angelo. Thanks Mr Author for a long and juicy episode. Keep it up
ReplyDeleteYou're welcome Alfred :)
DeleteExcited for the next chapt. o_O
ReplyDeletemacky boy <3
Abangan Macky ;)
DeleteTama ka Bro, Alfred of TO, sweet revenge ni Angelo! Unahin nyang idispose yong mga anak ni Dmitri at Corinna, let the kids suffer, ganti lang kay Angelang pinakain sa Crocodile. May feeling ako si Corinna ay related kay Angelo ... later on find out ni Cotinna pinatay nya ang Nanay nya ... si Martil! Lalong torture sa kanya.
ReplyDeleteDami nun!! Wahahahahahha
DeleteRiza deserves to be with Angelo. Sya lang ang nakaagapay at defender ni Angelo. She had played the major role when Angelo was in severe agony and trauma. Pinagtanggol niya until the last part. Up to this new chapter continous pa rin ang investigation nya. Anong nagawa ni Gab, magbate. And so between Gab and Riza, si Riza ang dapat kay Angelo. End of the story.
ReplyDeleteSige na nga si Riza na nga lang. :(
DeleteRiza deserves to be with Angelo. She had offered effort and sacrifice when Angelo was in his low point of his life. Even up to this point patuloy pa din ang kanyang imbestigasyon sa pagmamahal nya kay Angelo. Anong ginawa ni Gab? Hinde naman nya dinefend si Angelo, puro salita lang sya. Mas dapat sa isat isa si Riza at Angelo! Kakakilig! Gawa na sila ng baby. Let him dumped Gab and Arthur!
ReplyDeleteMr. Anomous 2
Opo kami na lang ni Gab hehehe
DeleteMatapos kaya ito? Baka sa una lang tapos baka later on mapabayaan na rin. Halos 80% ng mga series na storya inabandon na lang, pinabayaan, hanggang maglaho na ang mga authors ... tapos ang daming mga alibis at excuses. Sana kung gagawa nalang huwag na lang pahahabain pa.
ReplyDeleteSo ano? Masaya ka na?
DeleteBakit di ako nainforned kua ponse..gosh grabe n ang kaganapan..kailan nman yun kay pm at corina pagkikita.
ReplyDeleteEddieboy jpls
Abangan... :)
Delete-Cookie Cutter
Shoooocks ngayon ko lang nabasa ituuuuu~ Sobrang galing talaga nito! Sana magkatuluyan si Angelo at Gab sa huli omggg ~Ken
ReplyDeleteWhat if no? Wahahahaha thank you Ken-sama
DeleteSi Dmitri at Gio na lang ang hindi nakakakita.. Si Riza din pala... Oh well ok lng.. Lagot ung dalawang pinaka nagpahirap kay Angelo. Save it for last ika nga..
ReplyDeleteWahahahahahahhaha, paslangin na sila chos
Deleteim so excited.... update na po plz.
ReplyDeleteNakapost na po rito ang 4. ;)
DeleteI have a feeling that Little Monte could be one of Angelo's victim. A big blow for Corinna and Dmitri.
ReplyDeleteWahahahahahhahahahahahahha!! No comment
DeleteChapter 4 pls ^_^ tnx
ReplyDeleteNakapost na Gabby! Check mo na lang. :)
DeleteOMG!!!!!!! NEXT UD PLEASE!!!!!!!!!!! :)
ReplyDeleteNakapost na po! Check mo na lang dito. :)
DeleteMahal pa ni Angelo Si dimitri. Sana sila magkatuluyan...
ReplyDeleteSecond chances... Ouch
DeleteMahal pa ni Angelo Si dimitri. Sana in the end sila pa rin.
ReplyDeleteSatisfied! Maganda na, lalong gumaganda pa. Sana sa next chalter pakiplay ang Love the way you lie. Please! Love lots cookie!
ReplyDeleteThank you Couturemaster! Sige, try ko ipasok yan one of these days. ;)
DeleteI like this chapter. Ibang Angelo talaga. Humihiwalay ang kaluluwa.
ReplyDeleteFYI lang. Any money claims ng mga employees sa kanilang employer in private companies, sa National Labor Relations Commission dinidinig. Hindi sa RTC
ReplyDelete