Followers

Wednesday, July 23, 2014

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2 [Part 01, Chapter 03]



GAPANGIN MO AKO. SAKTAN MO AKO. II
Written by: Cookie Cutter (I-add ako sa Facebook)


Book 1: Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 I 20, 21, 22: Final Chapter | Epilogue


Teasers:  Dimitri | Riza/Jonah | Corina/Jun | Gio | Gab | PM/Arthur

Book 2, Part 1: Chapter 1 | Chapter 2

_________________________________________________________________________________




THE MONSTER - RIHANNA

(Disclaimer: Hindi ko po pag-aari ang video at hindi ko po pag-aari ang larawan para sa kuwentong ito. For representation lang po ang mga ginagamit na materyal. Kung may hindi nagugustuhan ang paggamit ko sa mga materyal na ito, pakisabihan po ako nang matanggal agad. Maraming salamat.)

(Author's note: Please take note po, wala na akong ibang pagpopostan ng kwento maliban sa msob. MSOB lang po ang official kong pagpopostan ng Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2. Kung mahahanap niyo ang kwento ko elsewhere maliban sa MSOB, paki-inform po ako nang ma-settle kaagad. Maraming salamat.)

_________________________________________________________________________________

Part 1: "Sorpresa"
Chapter 3: "Andito na ako."

“Kahit saan ilagay ang tao, may gagamit at gagamit talaga sa'yo kahit na mabait o masama ka. Might as well maging masama na lang.” -PM Realoso

---

Chapter 3

And this court finds the defendant, Corina Salviejo y Giligan, innocent of all charges filed against her. Session adjourned.” Tumayo ang judge at hinampas ang gavel (yung parang martilyo) na nagpapahiwatig na tapos na ang trial.

Sa isang banda, nandoon si Riza, tahimik na inaayos ang mga gamit habang ang kanyang mga kliyente, na dating mga receptionist ni Corina sa hotel na siya ang namamahala, umiiyak silang lahat habang yakap yakap ang kani-kanilang pamilya.

Nang matapos na magligpit ng gamit si Riza, nilapitan niya ang kanyang mga kliyente at niyakap ito.

I'm so, so sorry...” Paghingi ng tawad ni Riza habang nakayuko, punong-puno sa frustration at galit.

Nakakalungkot attorney...” Wika ng isa sa mga yumakap sa kanya, “ginawa naman natin ang ating makakaya. Sadyang may mga gawain lang talaga iyang babaeng iyan na di natin mapapatunayan.” Sabay tingin kay Corina na masayang pumapalakpak sa kabilang banda ng session room.

Opo attorney,” wika ng isa pang kliyete ni Riza, “naiiyak kami sa tuwing naiisip namin na palagi na lang kaming inaapi ng bruhang iyan. Ilang buwan kaming underpaid, ilang buwan kaming pinag-overtime nang walang sahod, nagreklamo kami tapos dun na nagsimula ang galit niya sa amin. Kalaunan, kinausap namin siya at nahuli namin siyang kausap ang mga opisyal ng RTC, alam namin na may kakaibang nangyayari. At malas lang namin... iyang huwes natin ngayon? Nakita namin iyang kausap ni Corina noon.” Nagbuntog-hininga ang babae habang pinapahid ang luha sa kanyang mga mata.

Wala talaga kaming panlaban sa pera... kahit ang pera na rin ang mismong dahilan kung bakit kami walang panlaban. Ang hirap po pati sistema natin, mga mayayaman lang ang may kapit-”

Hindi totoo yan.” Pag-insert ni Riza sa isa sa mga kliyente niya. “Hindi lahat ng mayayaman na binabayaran ang batas ay nang-aapi...” Habang isip-isip ni Riza ang ginawa ni Dean Jonah para kay Angelo para lang mailuwas ito sa New York.

Naiiyak na naman si Riza.

Kumalas si Riza sa yakapan at inayos ang postura. “I have to go ahead.” Malungkot na ngiti ang tinapon niya sa mga talunan na kliyente. Naglakad siya diretso palabas nang may nagsalita habang naglalakad siya palabas ng hallway.

Kung hindi nga lang man tayo bobo... e di sana nanalo tayo.” Pakutyang tono at nang-iinis. Nahinto sa paglalakad si Riza dahil sa pamilyar na boses na kanyang narinig.

Dahan-dahan siyang tumalikod at naglakad pabalik sa taong nagsalita.

Corina, natalo lang ako ngayon. Pero at least, natalo ako sa isang luto na desisyon.”

Excuse me?” Pagpapaulit ni Corina sa sinabi ni Riza sa kanya.

Are you saying na binayaran ko ang huwes?”

I don't know.” Umiling si Riza sabay tapon ng nakaka-insultong ngiti.

Alam mo,” panimula ni Corina, “yan naman talaga ang tingin ng mga tao sa akin eh. May pera, at lahat nadadaan ko sa pera-”

Which is totoo naman. Paano ka nga nakalusot sa isang kaso isang buwan nakalipas? Yup, pera pera na naman. Maliban na lang kung...” tumahimik si Riza saglit at tinignan head to foot si Corina, “ginamit mo na naman ang kalaspagan mo para makuha mo ang gusto mo. Naakit mo nga si Dimitri dahil diyan sa special talent mo.”
At least may ginagawa,” sagot ni Corina, “di kagaya mo, palaging talunan. Pumapangalawa saken palagi. Hahahaha.” Tumawa si Corina sabay palakpak.

Oh, kagaya nung beauty pageant sa school natin noon? Na binayaran mo ng sex yung tatlong lalakeng judge para maipanalo ka over saken? Yup, alam ko yun.” Suminghag si Riza sabay ngisi.

Napatingala si Corina sabay suklay sa kanyang nakalugay na buhok, sabay tawa. “Ang bitter bitter mo naman. Sasarado na lang tayo sa trenta, yung pagkatalo mo na naman ang inaatupag mo sa akin. Riza, move on naman...” Sarkastikong palambing na tono ni Corina.

Kaya di mo nababantayan iyang anak mo eh, binigay mo pa sa asawa mo doon sa states kasi hindi ka makamove on sa nakaraan. Tsk tsk tsk.” Nilapit ni Corina ang mukha niya kay Riza upang tuksuhin ito. Naiinis na si Riza. Napakagat-labi siya, at mala-tigre ang kanyang tingin kay Corina. Binuhat niya ang kanyang kamay at sasampalin na sana si Corina nang magsalita ang huli.

Sige, try mo. Nang sa susunod na magkita tayo dito sa korte, ako na ang magsasampa sa'yo ng kaso. Alam ko naman na di mo iyon maipapanalo... natalo ka nga today, how much more sa mga hinaharap? Aguy aguy aguy dong.” Iniinis ni Corina si Riza. At nagtagumpay siya.

Di nakaawat si Corina. Binitawan niya ang kanyang dalang briefcase. Tinulak niya si Corina sa dingding at pinag-uulanan ito ng sampal at sabunot. Hindi rin naman nagpapaawat si Corina at lumalaban din kay Riza.

Tangina mong hayop ka. Akala mo di ko alam ang pinaggagagawa mo!” Sigaw ni Riza habang tinuhod niya ang balakang ni Corina. Naramdaman ni Corina ang sakit ng pagkakatuhod ni Riza, napaigtad ito at napaluhod sa sobrang sakit habang pilit-pilit pa ring sinasabunutan si Riza.

Nang lumuwag-luwag na ang pagkakahawak ni Corina kay Riza, sinundan pa ni Riza ang tadyak na ginawa niya kanina. Nang tuluyan nang makaupo sa sakit si Corina, kinaladkad ito ni Riza hawak ang kanyang buhok sa paligid ng hallway.

Nagmukhang basahan si Corina.

BITAWAN MO AKO PUNYETA KA!!! ARGH!!” Sigaw ni Corina habang pinipilit makatayo. Hindi tumigil sa pagkaladkad si Riza kay Corina.

Ang mga dapat sa mga taong kagaya mo, ginagawang basahan!” Inikot-ikot ni Riza sa sahig si Corina habang sinasampal-sampal ito.

Ang mga tao naman sa paligid, nakinuod lang. Walang gumustong umawat sa dalawa na kanina pa nagbabangayan na tila ba mga aso't-pusa.

Maya-maya ay may papalapit na pagtakbo silang narinig.

Tama na! Tama na yan!” Pilit pinapatanggal ni Dimitri ang mga kamay ni Riza na nasa kalagitnaan ng pananabunot kay Corina. Nang mabitawan na ni Riza ang hibla ng buhok ni Corina, kinubli ni Dimitri ang mga braso ng abogada at nilayo ito mula kay Corina.

Tama na Riza! Tama na! Isa kang propesyonal, may pinag-aralan ka, isa kang abogada pero talo mo pa ang walang pinag-aralan sa ugali mo!” Sigaw ni Dimitri upang tumigil sa paglilikot si Riza. Pinilit makawala ni Riza sa pagkakahawak ni Dimitri. Hinugot niya buong lakas at winakli ang mga kamay ni Dimitri, tumalikod ito, at isang SPLAKKK! ang naramdaman ni Dimitri sa kanyang mukha.

Dahil dito, nakatayo si Corina mula sa pagkakahiga at inayos ang sarili.

Nanigas si Dimitri mula sa pagsampal ni Riza sa kanyang pisngi. Hindi siya nakagalaw at hindi niya rin matignan sa mata si Riza.
Maaaring tama ka. Oo, wala nang pinag-aralan ang ugali ko kung wala nang pinag-aralan. Pero kung ikukumpara naman sa inyo ni Corina, na dinaig pa ang demonyo sa pagpapahirap kay Angelo. Maibabalik ba ng pagiging tahimik niyo si Angelo?! Hindi, at lalo ka na Dimitri, wala kang kwenta. May dumikit lang na linta sa'yo, nagpalamon ka naman ng buo.” at isa pang sampal ang ginawad ni Riza sa mukha habang tinititigan si Corina.

Nakita ni Corina kung paano sinampal nang dalawang beses ni Riza si Dimitri, kaagad niyang hinila si Dimitri palapit sa kanya para malayo kay Riza.

Sasampahan ka namin ng physical assault Riza, tandaan mo iyan! Pagsisisihan mo iyan!”

Sinuklay ng mga daliri ni Riza ang kanyang malalambot at bagsak na hibla ng buhok at ngumisi.

E di subukan mo lang? At mabubunyag sa lahat ng tao kung sinu-sino ang sumaksak at nagtulak sa kaawa-awang bata malapit sa pier walong taon na ang nakalipas. Subukan mo lang Corina at kahit nasa rehas na ako, lalaban at lalaban ako para masigurong nasa iisang selda lang tayo. Tandaan mo iyan.” Tinignan ng masama ni Riza si Corina, at bumaling ang tingin niya kay Dimitri sabay iling na tila ba nagsasabing 'I'm disappointed in you.'

Pinulot ni Riza ang kanyang briefcase at simula nang maglakad palabas ng hallway nang naramdaman niya na may biglang kumapit sa kanyang braso upang kunin ang kanyang atensyon. Tumigil siya sa paglalakad at naghintay sa sasabihin ng taong humila sa kanya.

Riza...” boses ni Dimitri, nanginginig.

Ano iyong sinabi mo tungkol sa sinaksak malapit sa pier? Sa ganoong paraan ba namatay si Angelo? Si Angelo ba ang tinutukoy mo?”

Tumalikod si Riza, winaksi ang kamay ni Dimitri at sinampal muli ito sa mukha.

Natahimik si Dimitri, napayuko sa hiya.

Wala ka na doon.”

Hindi lang ikaw ang nasasaktan Riza. Hindi lang ikaw ang napapasabi ng: 'putang ina sana may nagawa ako'. Hindi lang ikaw ang nalulungkot sa pagkawala ni Angelo. Hindi lang ikaw ang araw-araw ginugulo ng sariling konsensiya. Hindi lang ikaw ang paulit-ulit na nagtataka. Mas masakit sa akin Riza... di mo man lang ako pinadalo kahit sa huling himlayan niya!” Tumulo ang luha ni Dimitri.

Para magsisi ka Dimitri. Para araw-araw sa buhay mo, maipaalala ko ang sakit na dinulot mo kay Angelo. Para sa kada umagang gumigising ka, napapasabi ka ng: 'putang ina sana di ko ginawa iyon.' Simple lang naman ang hiling ko sa'yo noon Dimitri eh... hindi ko hiniling na may gawin ka kay Angelo, ang hiniling ko naman sa'yo ay tumigil sa mga pinaggagagawa mo sa kanya. Hiniling ko naman sa'yo na wala kang gawin, yun lang! Di mo pa binigay! Eto ka ngayon, ginugulo ng sarili mong konsensiya, nagtataka...” Sabay mahinang tulak kay Dimitri para mapaatras ito. Tumalikod muli si Riza upang tuloy-tuloy nang umalis.

Ngunit huminto muli siya, di na hinarap si Dimitri at nagsalita: “At wag na wag mong sasabihin na dobleng sakit sa'yo ang lahat ng pangyayari Dimitri. Dahil ni minsan, sa panahon na sinaktan mo siya, trinato na parang hayop, hindi ka nasaktan. Masaya ka pa nga eh. Kung nasasaktan ka talaga, di mo na sana ginawa iyon... Kita mo, tayong lahat nasasaktan dahil sa ginawa mo.”

At diretso nang lumabas ng hallway si Riza, walang nilingon at pumasok kaagad sa kanyang kotse.

Walang iiyak. Walang iiyak Pagpapakalma niya sa kanyang sarili.

Walang... iiya-k...

Nahirapan siyang maglabas ng salitang bibigkasin kung naunahan na siya ng mga luha.
________________________________________________________________________________

Naglakad papasok si Corina sa kanyang kumpanya na kanyang tinayo mahigit limang taon na ang nakalipas na nasa pangalang 'G's Music and Arts Entertainment.' Sa huling mga nagdaan na taon, sila ang tagasupply ng exclusive actors, artists, at models sa mga tanyag na kumpanya dito sa Pilipinas.

Pero sila talaga ang pangunahing tagasupply ng artista, mag-aawit, at dancer sa NGC Broadcasting Corp. Kabilang na rito ang One Time na isang all girl group na sumasayaw at umaawit. Sa huling nakaraang limang taon mula sa pagkakabuo ng G's Music and Arts Entertainment, ang girl group na One Time ang kanilang unang project, na naging successful sa iba't ibang bahagi ng bansa. Kabilang pa sa kanilang mga talent ay ang all-time, Asian-awarded na top actor na si Gio Santos.

Ngunit nagdaan ang mga taon, dahil sa iba't-ibang reklamong labor complaints laban kay Corina, unti-unting nawawalan ng tiwala ang mga investors sa kanya. Ang iba namang mga talents nila ay naglipana sa Magic Broadcasting, ang kalaban ng NGC Broadcasting sa haba-haba ng panahon.

Wala namang pakialam si Corina sa mangyayari sa NGC na kumpanyang pinagtatrabahuan ng kanyang asawa at ng kanyang biyenan, ang concern niya lang ay ang revenue at pera na pumapasok patungo sa kanyang kumpanya.

Si Corina na rin ang acting CEO sa isa sa pinakasikat na hotel chain sa buong mundo – ang Diamond Perks Hotel Chain Corp. Stable naman ang kanyang business sa hotel, ngunit mas pinagtutuunan niya lang ng pansin ang G's Music and Arts dahil nagbibigay ito ng mas maraming pera mula sa investors dito sa Pilipinas kahit abroad.

Nang makapasok na si Corina sa kanyang opisina, may nakita siyang makapal na bulto na papel. Binasa niya ito, report pala ito ng taga-measure ng ratings ng NGC Corporation. May kopya siya dahil una, malakas ang kapit niya sa NGC (Mga Salviejos). Pangalawa, dahil may timeslot silang binili mula sa NGC Broadcasting Corp., para mailahad ang talento ng One Time at iba pa nilang artists. Pero kadalasan, ang One Time talaga ang pinapasikat nila sa timeslot na iyon.

Inayos niya ang kanyang gamit dahil sa sobrang pagod. Galing pa siya ng Regional Trial Court upang ayusin ang kaso na isinampa ng mga kliyente ni Riza, ang kanyang matagal nang kaaway, at nagsagupaan pa talaga sila sa RTC.

Ngunit paulit-ulit umeecho sa kanyang tenga ang sinabi ni Riza sa kanina: “E di subukan mo lang? At mabubunyag sa lahat ng tao kung sinu-sino ang sumaksak at nagtulak sa kaawa-awang bata malapit sa pier walong taon na ang nakalipas.”

Alam niya kaya? Alam kaya ni Riza na pinagtulungan namin ni Jun si Angelo noon? Alam na niya ba na kami ang pumatay kay Angelo? Hindi maaari Corina. Hindi. Nagpapanic ka lang. Inom ka ng pampakalma. Kaagad niyang inabot ang bag niya upang kumuha ng iilang pampakalma dahil nakaramdam na naman siya ng anxiety. Kumuha siya ng tatlong capsule at nilagok ito.

Hindi niya alam Corina. Walang alam si Riza. At kung may makakaalam man, dapat hindi si Riza. Kundi... siguradong selda ang bagsak mo. Except kung mauunahan ko siya. Tama, dapat ko siyang unahan...

Humingang malalim si Corina at inayos ang buhok. Maya-maya binuksan na niya ang makapal na bulto ng papel at nagsimulang magbasa. Nilibot niya ang kanyang mata sa summary at dahan-dahan lumaki ang mga mata niya sa kanyang nababasa.

Hindi ito maaari. Sabi niya sa sarili niya.

Napasarado ng kamao si Corina. Kaagad niyang kinuha ang makapal na bulto ng papel, lumabas ng opisina niya at sumigaw sa secretary niya:

Laurel! Call all the department heads for a meeting. Now!!” Nauna siyang pumasok sa conference room at umupo sa pinakadulong pusisyon upang magpreside ng meeting.

Dahan-dahan nang dumami ang mga bilang ng tao sa loob ng conference room habang si Corina ay nakatupi ang mga braso at matalas ang titig sa bawat taong pumapasok sa conference room. Nang makumpleto na ang lahat, at nakapwesto na silang lahat. Tumayo si Corina at hinampas ang mesa.

I can't believe we're losing it now. We own the top stars in the Philippines and now, we are going down? Production team! What is wrong with you? Tingnan niyo ang ratings!” Galit na galit na sigaw ni Corina habang binato ang isang makapal na folder na naglalaman ng makapal na papel sa mesa.

Our show, that should be showcasing our best female singing group, from 1st in its timeslot to 5th? Seriously? Naunahan pa tayo ng Baby Russel Show? What the hell is happening?!” Sigaw niya habang hinahampas ang mesa.

SOMEBODY SPEAK UP! GOD!” Sigaw niya sabay sweep ng mesa kaya natapon ang projector sa sahig. Galit na galit si Corina.

Ma'am,” pagtawag pansin ng isang babae kay Corina. Nakatanggap siya ng isang masamang tingin mula kay Corina bago tumango ito upang pagsalitain ang babae.

Ma'am, we're doing the best that we can. Kaso, our timeslot in NGC is so poor. Hindi conducive-”

WOW!” Sigaw ni Corina na may halong pagkasarkastiko. “SO, WE BLAME IT ON THE TIMESLOT NA TAYO RIN NAMAN ANG PUMILI? COME ON, THINK! KASALANAN NIYO YAN!” Huminto muna si Corina upang uminom ng tubig.

In the first place, sana pumili pala kayo ng mas magandang timeslot, eh bakit yan ang pinili niyo?! At ngayon, pangit ang timeslot, pero wala man lang kayong ginawang something enticing to invite people? Alam niyo, kahit mag-aalas dose pa yan ng gabi, kung gusto ng tao si Russel Mae, panonoorin talaga ng tao ang tiyanak na yun! THAT IS MARKETING! WAKE UP PEOPLE, WE ARE LOSING MONEY PER PERCENTAGE LOSS! EVERYTHING IS MONEY. DO SOMETHING ABOUT IT NOW!”

Tahimik. Nagkatinginan ang mga nagmi-meeting.

I SAID, OUT!” Malditang tili ni Corina. Nagkakandarapang lumabas ang mga tao sa loob ng conference hall. Maya-maya ay naupo si Corina at napahingal sa kasisigaw niya.

Laurel! Pakikuha ng laptop ko. Tubig na rin. Dali!” Sigaw ni Corina sa kanyang sekretarya. Wala pang tatlumpung segundo ay pumasok ang kanyang sekretarya dala-dala ang kanyang tubig at kanyang laptop.

Andito na po ma'am.” Sabi ni Laurel habang nilapag ng maayos ang tubig at laptop ni Corina.

Punyeta! Ang bobobo ng mga tao rito! Naku! Hoy Laurel, buksan mo nga iyang TV. Manonood ako ng balita. Bilisan mo.” utos ni Corina kay Laurel. Tumakbo naman si Laurel sa TV stand at binuksan ang TV. Matapos itong mabuksan, tinignan muna ni Laurel ang TV saglit nang marinig niya si Corinang sumigaw.

O ANO MANONOOD KA NA LANG BA? BILISAN MO LINISIN MO TONG KALAT SA CONFERENCE TABLE! HINDI KITA BINIBIGYAN NG SAHOD PARA TUMUNGANGA LANG!” Kaagad na nagising ang ulirat ni Laurel at naglinis sa mesa, tinapon ang kalat, at naglinis naman.

Nang lumabas si Laurel para itapon ang kalat sa mesa, nanakaw ang atensyon ni Corina sa TV mula sa paggawa ng report. Isang news flash ang dumating.

Isa sa pinakamagaling at hinahangaang direktor sa larangan ng pelikula ay pumirma na ng contrata para sa merging ng ownership sa NGC Broadcasting Corporation. Si PM Realoso, direktor ng Boom Baby, Fireshotter, at Hot Strings, nakipagmerge na ng share at ng nanay niya na si Jonah Realoso.

PM: I'm really excited to work with NGC Broadcasting Corporation. I will bring NGC back to the top and elevate the quality of our media.

Sisimulan na ni PM ang kanyang serbisyo sa NGC sa pamamagitan ng pagdirect sa upcoming breakthrough movie ng taon at pagpoproduce ng reality show na naglalayong humanap ng bagong breed ng stars.

Natulala si Corina sa nakita sa TV. Hindi maaari. Patay na siya. Dapat patay na siya. Hindi siya dapat maging si Angelo.

Dahil kung siya si Angelo... I am fucked.

Hindi nasiyahan si Corina kaya agad niyang sinearch ang pangalan ni PM. Nang nakita na niya ang mukha ni Angelo, natapon niya ang baso ng tubig sa sahig. Hindi pwede. Siya nga. Siya! Bakit?! Papaanong??

...

'Realoso.' Shit! Kinupkop siya ni Jonah! Kinuha siya ni Jonah! Malamang si Jonah ang nag-alaga sa kanya! Tanginang matandang yan! Walang hiyang matandang iyon. Patay. Patay? Anong gagawin ko?!

BOOOGSH! Natapon ni Laurel ang tinimplang kape at nabasag ang tasa. Nakatingin si Laurel sa laptop ni Corina at naluluha.

"Ma'am... Si Angelo yan?" Turo ni Laurel sa laptop ni Corina. Gulat na gulat din ang mukha ni Laurel na tila ba namimiss ang kanyang dating kaibigan. Nagflashback sa utak ni Laurel ang mga masasayang ala-ala nila ni Angelo noon. Di niya inakala na sa dinami-rami ng haka-hakang naririnig niya tungkol sa pagkamatay ni Angelo, maaaring buhay pa pala siya.

Nasabik si Laurel.

Hindi!” Sinarado ni Corina ang kanyang laptop at inayos ang buhok. “Malamang kamukha lang iyon ni Angelo. Pero hindi iyon si Angelo. Imposible. Matagal na siyang patay. Matagal na siyang wala. IMPOSIBLE!!” Pinulot niya ang isang flower vase at tinapon sa sahig dahil sa sobrang galit.

Kahit magsinungaling siya sa sarili na patay na si Angelo, hindi pa rin maiwawaglit ang katotohanang maaaring buhay ito... lalong-lalo na ang kapareho niya ng mukha ay kapareho ng family name sa taong posibleng kumupkop sa kanya.

Napaupo si Corina sa sofa at binabaon ang mukha sa kanyang mga palad. Hindi maaari... Paulit-ulit niyang bigkas sa kanyang isip.

Pero ma'am.” Lumapit si Laurel kay Corina, “paano po kung si Angelo talaga iyon? Ang tagal-tagal ko na po siyang gustong makita talaga... Hindi po ba tayo gagawa ng project na makakapag-trabaho tayo kasama si Angelo kung sakaling siya man iyon? Lalaki ang reputasyong ng kumpanya mo ma'am kung gano-”

HINDI SABI! HINDI!!!” Tinapunan ni Corina si Laurel ng Time Magazine. Tumayo siya at hinarap si Laurel sa mukha.

Ni-lock niya sa kanyang kanang kamay ang panga ni Laurel upang ilapit niya ang mukha niya rito.

Ayaw ko marinig ang pangalan ng baklang iyan sa kumpanyang ito at lalong-lalo nang ayaw ko iyang marinig mula sa bunganga mo, naiintindihan mo Laurel?!” Sumigaw si Corina sa harap ng mukha ni Laurel.

Walang nagawa si Laurel, bilang isang hamak na sekretarya lang, kung hindi ang tumango upang ipahiwatig na naiintindihan niya si Corina. Hawak-hawak pa rin ni Corina ang panga ni Laurel. Matalas ang titig ni Corina kay Laurel, at nanliit si Laurel sa bawat saglit na tumititig si Corina sa kanya ng ganyan.

Magtrabaho ka na!” Sabay tulak niya kay Laurel, dahilan upang matumba ito sa sahig. Napatingin lang si Laurel sa sahig habang pinakikinggan ang tunog ng sapatos ni Corina palabas ng conference room.

Wag mong kalimutang tawagan si Dimitri na kunin ako mula dito sa office. Kundi malilintikan ka. Mapuputulan ng life support ang anak mo.” Sinarado ni Corina ang pintuan. May tulong na... Angelo tulungan mo akong makaalis dito sa impyerno! Sigaw ng kanyang isip.
_________________________________________________________________________________

Mga alas-singko na ng hapon at pinasok lumabas si Corina sa opisina niya. Labas ng opisina niya ay ang workplace ng secretary niyang si Laurel. Dala-dala niya ang kanyang bag at uuwi na siya. Dumiretso siya sa mesa ni Laurel at dinabog ito.

NASAAN NA SI DIMITRI?! NATAWAGAN MO NA BA?!” Pasigaw niya kay Laurel. Marahan namang lumingon si Laurel sa kanya at tumango.

Opo ma'am. Parating na raw siya.” Bumalik sa pag-aayos ng papeles si Laurel.

Hindi masaya si Corina sa sagot ni Laurel. Kaya kinuha niya ang gabundok na papeles sa harapan ni Laurel na buong maghapon inayos ni Laurel at hinagis sa hangin.

Kung sinasabi kong papuntahin mo siya rito ng alas-singko, dapat alas-singko!! Malay ko ba kung naghahanap na ng bakla yun! May itutulong ka ba?! Palibhasa kasi sa'yo, laking skwater, di niyo alam kung paano pahalagahan ang oras dahil ang nandiyan sa kokote niyo, katamaran!!” sabay turo-turo sa mukha ni Laurel. Yumuko lang si Laurel, tumayo at isa-isang pinulot ang mga papel na tinapon ni Corina sa hangin.

Umpisahan mo iyang mga papeles. Magsimula ka ulit!! Kailangan ng mga staff yan first thing in the morning! At wag na wag kang magkakamaling mag-abandon post or magresign. Dahil ako mismo ang tatanggal ng life support ng anak mo Laurel! Tandaan mo iyan!” Sabay apak sa papeles na kukunin sana ni Laurel na nagkalat sa sahig.

Bumukas ang pinto at may boses na sumingit. “Bakit na naman iyan Corina, ano na naman ang kasalanan ni Laurel sa'yo?” Mahinahong tanong ni Dimitri kay Corina.

Lumingon si Corina kay Dimitri at sinampal ito sa mukha.

Saan ka galing? Bakit late ka ng 2 minutes? Di ba malinaw ang sabi ni Laurel sa'yo?! Alas-singko impunto?! Eh di naman kalayuan ang NGC mula rito ah? Baka nambababae ka pa?” Sabay amoy sa kwelyo ni Dimitri.

O baka nambakla.” Umatras siya at tinupi ang kanyang mga braso.

Umiling na lang si Dimitri at napatingala sa taas.

I don't have time for this, Corina. Pareho tayong pagod mula sa trabaho kaya spare me from all the bullshit.” Tumalikod si Dimitri upang lumabas na ng silid ngunit hinampas siya ni Corina mula sa likod.

Bullshit?! Tangina ka Dimitri, asawa mo ako! May responsibilidad ka sa amin ng anak mo! Kaya may karapatan akong sigaw-sigawan ka, lalo na kung nakakaduda na ang mga galaw mo!”

Tumalikod si Dimitri at hinawakan ang braso ni Corina. Galit na galit ang mukha nito. Tinanggal niya ang kanyang salamin at nilagay sa kanyang polo.

Listen up, Corina. Oo, may responsibilidad ako sa inyo. Pero ikaw, may responsibilidad ka ring rumespeto ng tao, lalong-lalo na kung asawa mo. At para lang malaman mo, matino akong ama at matino akong asawa. Sa bawat oras ng bawat araw, alam kong alam mo na ang buhay ko ay puro trabaho-uwi. Kaya wag na wag mo akong masusumbatan. Mahina ako mambabae, o mambakla lang man. Dahil kung gawain ko man ang mga bagay na iyan, hindi ko pagsasamantalahan ang natitirang dalawang minutong na-stuck ako sa traffic diyan sa EDSA kung sa opisina pa lang, nag-uulan na ng babaeng malaki ang dibdib o mga baklang malaki ang pwet. Naiintindihan mo ba?” Mahinang boses ni Dimitri ngunit punong-puno ng timpi ang kanyang tono.

Napangisi si Corina at napatingala. Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Dimitri sa kanyang braso at sinampal siya.

So totoo na may iba pa pala maliban sa akin? Ha?! Ang talino mo talaga, naisahan mo ako doon. Sino ba ang kaagaw ko ron sa NGC? Yung mga intern mo na parang linta kung makalandi sa'yo? O iyong mga boss mong gurang na nilalandi mo para ma-promote ka? O di kaya... ang baklang direktor na malapit ng dumating mula sa amerika? SAGOT!” Sabay tulak kay Dimitri.

Winaksi ni Dimitri ang kamay ni Corina at umatras.

Ewan ko kung sinong direktor ang sinasabi mo, Corina. Pero isa lang ang sasabihin ko sa'yo: kung sinuman iyang sinasabi mong kabit ko...”

Tahimik.

Tiyak mas mabait at mas karespe-respeto siya kesa sa'yo.”

Ang mga salitang iyon ay nagpagalit lalo kay Corina. Sinampal niyang muli si Dimitri at hinahampas-hampas gamit ang kanyang shoulder bag.

Sa bagay Dimitri. Kaya nga panay ang habol mo kanina kay Riza nung nasa RTC tayo di ba? Oo, nakaupo ka katabi ko nung nasa korte pa tayo. Pero sa halip na suportahan mo ako, hindi ka man lang nag-witness para sa akin! Tantya ko, hanggang ngayon eh, gusto mo pa ring kabait-bait ka na tao tingnan ni Riza para maawa man lang siya sa'yo para mapatawad ka sa mga kasalanan na ginawa mo sa baklang best friend niya!”

Suminghag si Dimitri at ngumisi.

Alam mo Corina, kung may choice lang ako, sana pinag-aralan ko kung paanong mahalin si Angelo kaysa ang magpakasasa sa'yo. Ibang-iba ka na kumpara ng Corina kong nakilala noon. Ibang-iba ka na. Siguro oo, bakla si Angelo kung bakla. Pero kahit ikaw pa ang pinili ko noon...”

Kinapa niya ang kanyang kwelyo upang ayusin ito.

Alam naman natin kung sino ang mas kagalang-galang sa inyong dalawa.” Tumalikod si Dimitri at naglakad palabas.

Napako sa kinatatayuan si Corina at hindi makapaniwala na sinabi lang ng lalakeng mahal niya, sa harap ng mukha niya, na hindi siya kagalang-galang, kahit pa man mag-asawa na sila. Nagsimula nang dumaosdos ang tubig palabas sa kanyang mga mata hanggang sa si Laurel na naman ang kanyang nasita.

Tinignan niya ito at nakita niya itong nakatulala sa mga batuhan ng salita na kanyang nasaksihan.

O ANONG TINITINGIN TINGIN MO DIYAN! TAPUSIN MO IYAN!” Sabay sipa sa tuhod nito. Nasugatan ang tuhod ni Laurel ngunit hindi niya na lang ininda ang sakit. Tumingala na lang siya upang tingnan ang mukha ni Corina. Nakita niya itong nakatingin sa kanya, tumalikod, at lumabas na rin ng opisina.

Konting tiis na lang Laurel... Andiyan na si Angelo... Makakaalis ka na rito.

_________________________________________________________________________________

PM, PM, wake up.” Pagtapik ni Arthur kay PM. Nakapulupot ito sa kumot at naka-tilt ang head-rest ng kanyang upuan upang mahimbing ang kanyang pagtulog.

Hngggggg, whyyyyy...” Nakapikit pa rin si PM habang hawak-hawak ang kumot.

Because...” panimula ni Arthur, “we're already home.”

Hnggggggg... whaat hooome...” Inaantok pa si PM habang kinamot ang kanyang ulo.

Home. Your country like umm, home? Country-home. Philippines.” Pag-aalinlangang sagot ni Arthur na tila ba nagtataka sa isasagot. Nagpapacute siguro kay PM.

Tumawa saglit si PM at binuksan ang kanyang mga mata. Tinanggal niya ang kumot at sinabit sa kasunod na upuan ng eroplano.

Arthurrrr hngggg... I'm so sleepy. Why don't you just carry me behind youuuu...” Inaantok na boses ni PM habang dala-dala ni Arthur pababa ng eroplano ang dalawang maleta nila.

What? No, PM, I have to carry two big, heavy bags and I have to give you a piggy-back ride, ain't that making things hard?”

Arthurrrr.... pleaaaaase??” Pagsusumamo ni PM na tila ba parang bata. 

If not because of how I feel for you, I would never ever make a fool out of myself, you silly prick. Nagsmile na lang si Arthur sa pag-astang spoiled brat na bata ni PM. Sabi ni Arthur sa sarili.

Alrighty, hop on!” Bahagyang nag-crouch si Arthur para masakay niya sa kanyang likuran si PM. Kaagad namang lumundag si PM upang mag-piggy back ride ito kay Arthur.

Ganon ang pusisyon nila. Nasa likod ni Arthur si PM, dala-dala nito ang dalawang malalaking maleta nila. Nang nasa labas na sila ng airport, dumungaw-dungaw si Arthur at palingon-lingon upang hanapin ang susundo sa kanila.

Habang naghihintay sila, pinagsamantalahan ni Arthur na magtanong kay PM. Nasa garden sila malapit at akay-akay niya pa rin si PM.

PM, you asleep?”

Hngggggg....”

Whom do you love?”

Hngggg... nooobodyyy...” maantukin na sagot ni PM.

Umm, Gio?”

Hnnng, noo wayyyy...”

Umm, Dimitri?”

Hnnng, whyy aare youu askiing me questioons... I am sooo tireddddd..”

Umm okay. How about this guy.” Kinakabahan si Arthur sa sunod na pangalan na kanyang bibigkasin.

G-Gab?”

Hnggggg... Doo I love hiim?? Maybeeeee... I don't knowww.” At medyo nasaktan si Arthur sa kanyang narinig. Tahimik lang siyang nagtitimpi habang pinilit wag umiyak sa kanyang narinig.

Well... How about me?”

You know what Arthur I'm so sleepy. I want to sleep so stop asking me questions. I'm not in the mood to answer those, alright?” Pagmamaktol ni PM na parang bata. Natawa na lang si Arthur. Tinapik nito at hinimas ang ulo na nakasandal sa kanyang balikat.

Yes, baby. I love you, PM...”
RIIIIIIIIIIIIING... Nakagising si PM sa vibration na naramdaman niya sa kanyang hita. Kumalas siya mula sa pagsakay kay Arthur at kinuha ang cellphone mula sa kanyang harem pants na suot. Pinusisyon niya sa kanyang tenga ang phone at nagsalita.

Saan ka na ma?” Tanong niya sabay hikab at kusot sa mata.

Andito na kami sa parking area. Puntahan niyo na lang kami dito.”

Alright. We're coming over.” Sagot ni PM sabay baba ng cellphone niya.

Mom says they're at the carpark. We gotta head right there.” Hinila ni PM ang isa sa mga maleta at tinuro ang carpark. Naglakad na dire-diretso si PM at sumunod naman si Arthur.

Not sleepy anymore?” Tanong ni Arthur habang nakasunod kay PM.

Nope. Just excited.”

About...?”

Stuff.” Blangkong sagot ni PM sabay tapon ng blangkong mukha.

What 'stuff'?”

You know, 'stuff' stuff. Just stuff.” Casual na sagot ni PM hanggang sa nakaabot na sila sa carpark.

Napansin nilang dalawa ang malaking van at napagdesisyunan na lapitan ito. Maya-maya, niluwa ng van na ito si Jonah at ang CEO ng NGC Broadcasting Corp na si Sheldon Grandyaryo. Ngumiti naman si Sheldon sa dalawa at kumaway. Gumanti ng tango at kaway si Arthur, ngunit blangko pa rin ang mukha ni PM.

Is this him?” Payak na tanong ni PM kay Jonah. Nagkatinginan naman sila dahil sa bruskong dating ni PM sa isa sa pinakamatagumpay na businessman sa bansa.

Uhum~” paglinaw ng lalamunan ni Sheldon, “just in case you don't know me, my name is Sheldon Grandraryo. CEO, NGC Broadcasting Corp.” Sabay alok ng kamay kay PM. Ngunit tinignan lang ni PM ang kamay ng matanda at tumitig nang nakakailang.

Para maligtas sa kahihiyan si PM, ninakaw ni Arthur ang kamay ni Sheldon at kinamayan ito. “Arthur Boyd, sir.” Ngumiti si Arthur.

You know sir,” panimula ni PM, “I wouldn't be proud of bragging to everybody that I am a CEO of a company that's gradually flunking it's way down to the cold ground. That's exactly why I signed a contract with you in a closed meeting with limited media men. Because I'm trying to help you get back to your feet. So, if you don't mind, I would like to sign the contract for the movie project deal which you beg for me to propose to you so we could be done in no time?” Sarkastikong sagot ni PM kay Sheldon.

Mistulang nang-init ang dugo ni Sheldon sa pag-aasta ni PM kaya di na niya rin napigilan ang kanyang sarili.

You just signed a contract to us, so technically I'm your boss-”

In papers, sir,” sabi ni PM, “in papers. We all know who's the real boss here. Once Arthur and I leave for Hollywood? You'll get your position once more.”

Binuksan ng driver ni Jonah ang likuran ng van upang mailagay na ni PM at Arthur ang kanilang mga bagahe. Nakatayo lang sa tabi ng van si Sheldon habang nanliit sa mga sinasabi ni PM. Gusto niyang lumaban pero alam niyang hindi pwede... dahil...

I know how corporate works Mr. Grandyaryo. You're not a businessman for nothing. You aim for scores, you aim for stats, you aim for cash. I'm going to bring you that. But in return, I want ALL things...” tumigil saglit si PM para maisarado ang likod ng van.

And I mean, ALL THINGS, to be under my control. Let's have a deal about that sir. Treat me right, you get your money. Do the other way around, and you'll see you'll lose a lot.” Ngumisi si PM at sumakay sa van nila Jonah. Sumunod naman si Arthur at sinarado na ang pinto.

Jonah...” pagkatok ni Sheldon sa bintana ni Jonah. Binuksan naman ni Jonah ang pintuan upang marinig ang sasabihin ni Sheldon.

Doon na lang ako sa kabilang sasakyan sasakay. Baka di ko masikmura ang baho ng ugali ng anak mo.” Pagpuna ni Sheldon tungkol sa ugali ni PM. Pinili na lang ni Jonah na wag patulan at sitahin si Sheldon o si PM sa kani-kanilang pag-uugali kaya ngumiti na lang ito.

Sige sir. Sa NGC na lang po namin kukunin iyong contract para sa meeting mamaya.”

Oy, batang masama ang ugali.” Pagtawag ni Sheldon kay PM ngunit hindi ito lumingon.

OY! HAMBOG!” Pagtawag ng matanda ngunit matigas pa rin si PM at hindi pa rin ito lumingon.

OY! WALANG PINAG-ARALAN!” Pasigaw niya kay PM ngunit si Arthur lang ang pumansin nito.

PM, I think Sheldon's calling you.”

Tell him I have a name and tell him he knows my name so he better call me by my name. That's what you call respect. It's given regardless your age. You respect me, I respect you. I don't care if you're old, or even dying. If you don't deserve my respect, you won't gonna be getting any of mine.” Dire-diretsong sagot ni PM.

What, tss!” Pagsinghag ni Sheldon, “you started this! Inalok ko nga kamay ko sa'yo, at tinanggihan mong makipagkamayan saken tapos sasabihin mo di kita nirespeto?!”

Mali ka jan manoy, bago pa man kita nakilala, alam kong mas hambog ka sa akin, at alam kong ang pangit-pangit ng ugali mo.” Lumingon si PM kay Sheldon, “...so prove me wrong.” Ngumiti si PM.

At alam ko na ang schedule ng meeting mamaya. 8 PM, sa SEA University conference hall. Meeting with the producers, etc. And just so you know Sheldon, I don't like my ideas getting compromised with cheap capitalist stunts. So I'm going to invest most of my money in this project to make me more as an owner than the rest. Also, Arthur's finalizing the legalities for the entertainment company we're making, and it'd be under NGC. So stop messing around old hag, we know what to do, and we're not as dumb as you thought of us would be. Now go, see you at the NGC building. Mom, close the door.” At kaagad na sinarado ni Jonah ang pintuan. Umiling lang si Sheldon dahil sa sagot nito sa kanya. Maya-maya, umatras na ito at dumiretso sa kanyang sasakyan.

Dumiretso sila sa NGC Broadcasting Corp. building para makuha na ni PM ang kontrata na pipirmahan niya para sa isang upcoming movie.
_________________________________________________________________________________

Hello Jun?” Bati ni Corina sa telepono.

O Corina? Bakit ka napatawag?” Sagot ni Jun habang nagkakape sa cafeteria.

Inuwi na kami ni Dimitri. Itatanong ko lang kung andiyan na si Dimitri. Sabi niya kailangan niya raw mag-overtime. Kasama mo ba siya ngayon?” Seryosong tanong ni Corina.

Hayyy, ikaw pinagdududahan mo iyang anak ko na walang ibang pinupuntahan iyan dito sa opisina kung hindi trabaho, trabaho, trabaho! Salamat ka pa nga diyan at di niya tayo mahuli-huli. Nagkita kami kanina, nasa office siya kasama ang team niya upang tapusin ang isang project.” Tumawa ng mahina si Jun.

Naninigurado lang Jun. Ayokong maiwan kami ni Monte. After all, asawa niya ako at may anak siya sa akin. Dapat kami lang ang responsibilidad niya. Mahirap na. O, ikaw? Kamusta naman ang pagbili mo ng shares? Pumapangalawa kayo dati ah. Si Sheldon pa rin ba ang nangunguna?”

Tsk.” sabi ni Jun, “yun na nga eh. Naunahan kami ng mga Realoso. Pati anak ni Jonah nakisali pa. Di ko nga alam kung paano sila nakabili ng ganon kalaking shares at pumalo kaagad sila sa 25%. Automatic na si Sheldon ang CEO eh, 51% na. That leaves the rest of us sa more or less mga 23% - 24%. Dimitri and I own 11.5%, so ang natitira para sa iba ay 10% - 13%! Kahit bilhin pa namin ang 13% na yan, di pa rin kami mananalo sa 25% ng mga Realoso. Ewan nga kung paano tumubo ang 5% ni Jonah sa 25%! Kasi yang anak niya, mayaman na sa US, sikat ngunit kahit isa walang nakakaalam kung sino talaga ito. Director, producer, so di namin alam ang deal kung bakit pa ito lilipad ng Pilipinas at magtatrabaho kung umuulan naman pala ng pera doon sa US. Nag-merge na sila ng shares ng nanay niya kaya naka 25% sila. Lumipad si Sheldon at ang team nila para lagdaan iyong merge shares. Closed doors. Ngayon lang pinalabas lahat ng footage meron sila tungkol sa deal na iyon. Tantiya ko para magkapera ang NGC eh. Pang-starbucks nga lang siguro ng PM Realoso na iyon ang 100% revenue ng NGC.”

Natahimik si Corina nang nagkwento si Jun tungkol sa shareholder ng NGC. Narinig niya ang pangalan ni PM at mistulang natuyo ang lalamunan niya nang maalala niya ang mukha ni PM.

Actually Jun... Nilabas na ng media ang mukha ni PM, di mo pa ba nakita sa internet ang mga pictures niya? Natatakot ako Jun... tingnan mo. Dali!” Pagmamadali ni Corina kay Jun. Si Jun naman, interesado sa mukha ni PM, kaagad na tinipa ang pangalan ni PM at sinearch ang mukha nito.
Anong kalokohan- Ang nasabi niya sa kanyang isip.

Anak ng... kamukha niya si...” 

OO! OO JUN! NATATAKOT AKO! KAMUKHA NI ANGELO! KAMUKHANG-KAMUKHA!”
Lagot, lagot, lagot... Pa-ulit ulit ni Jun sa kanyang isip. Lumakas ang tibok ng kanyang puso ang bumibilis ang kanyang paghinga. Naging balisa siya at bumabasa ang kanyang mga palad.

Hindi n-naman si-siguro to si A-Angelo...”

Yan din ang inisip ko Jun! Ngunit siya si PM Realoso, anak raw ni Jonah Realoso... eh walang anak o asawa ang matandang iyon di ba? Paano siya nagkaroon ng anak na kamukhang-kamukha ng taong nawala na 8 years ago?! Paano?!”

Shit Corina. Kaya pala nung pumunta ako sa lamay ni Angelo noon, hindi ko maaninag ang mukha nito. N-Nagtaka ako eh!! H-Hindi naman n-natin na ano iyong mukh-” Natigil sa pagsalita si Jun nang nakita niya si Jonah, kasama si Sheldon at dalawang mapuputing lalake na naglalakad mula sa malayo papasok ng NGC building.
Hindi ako nagkakamali. Kahawig ni Angelo mula sa gilid ang isang lalaki. Hindi maari. Buhay siya. Tangina! Buhay siya! Paktay ka diha. Lagot, lagot... Sa kanyang isip.

Hello?! Hello?! JUN!!” Pasigaw ni Corina ngunit pinatay ni Jun ang tawag at mas naging balisa pa siya kaysa sa kanina. Kaagad siyang tumayo at tinungo ang CR nang may nabangga siya.

Natapon ng lalake ang hawak niyang pagkain. Si Jun dahil sa panic, kaagad na tumingala sa lalaking nakabanggaan niya at nagulat siya sa kanyang nakita.

Nakita niya ang mukha ni Angelo! Kaagad niya itong tinulak. Napaatras ang lalake at nagising lamang sa ulirat si Jun nang nagsalita ito.

Dad, anong nangyayari sa inyo? Bakit pawis na pawis kayo? Okay lang po ba kayo?” Si Dimitri. Yumuko si Jun at tinignan muli ang mukha ng lalake, at mukha na ni Dimitri ang kanyang nakita.

Namamalikmata siya at akala niya si Angelo ang kanyang nakita. Kaagad niyang niyakap ang anak at tinapik ito sa likod:

Akala ko kung sino!” Nasabi lamang ni Jun sabay lingon muli sa likod upang sundan ng tingin si Jonah at ang inakala niyang kahawig ni Angelo.

Si Dimitri, walang kaalam-alam sa nangyayari sa kanyang ama, sinundan ng tingin ang tinitignan ng ama. Nang napansin niyang may tinititigan ito, kaagad niya itong tinapik sa balikat at inakbayan. Naglakad silang dalawa pabalik sa mesa na kinauupuan ni Jun.

Ano ka ba dad. Napepressure ka lang dahil malapit na ang convention. Chill ka lang. Pasok pa rin tayong dalawa sa BOD. Pumapangalawa pa rin tay-”

HINDI! SI PM REALOSO ANG PANGALAWA! KAILANGAN NATIN SIYANG PABAGSAKIN ANAK!” Sigaw ni Jun habang dahan-dahan silang umupo.

Tay, maliit lang ang shares ni PM-”

25% DIMITRI! 25%! WAG KANG TANGA! KUNG 51% SI SHELDON, WALA NANG MATITIRA SATEN!”

Bakit ka ba kasi galit na galit sa PM na iyan? Mawawala naman siguro siya after a while. Ano ba kasi mukha niyan nang makita natin.” Sabi ni Dimitri habang inaayos ang mga papeles na isusumite niya mamaya.

Si Jun naman, biglang nanigas at kinalabit kaagad si Dimitri. Nakita na niya naman ang hawig ni PM, kasama ang isang matangkad na maputing lalaki at si Jonah na lumabas ng building. Paulit-ulit niyang kinalabit si Dimitri dahil hindi siya makapagsalita dahil sa gulat.

Teka lang tay, may ginagawa pa ako.”

T-Tingnan mo... si PM!!! BILIS!!!”

Teka lang. O tapos na, saan ba?” Umangat ng tingin si Dimitri. Palingon-lingon at may hinahanap. Ngunit wala siyang nakita.

Si Jun, nagbuntong-hininga na lang at pumikit. “Wala na, nakaalis na.”

Alam mo dad,” Tumayo si Dimitri at tinapik sa ulo ang ama, “stressed ka lang. Kelangan mo na umuwi.” Dinukot ni Dimitri ang kanyang kape at naglakad pabalik.

Hindi ako nagkakamali... Si Angelo ang nakita ko! Naupo lang si Jun sa mesa habang binuksan ang laptop at pinagmasdan ang mukha ni PM Realoso.

Siya nga.
_________________________________________________________________________________

O siya PM, andiyan na ang contrata sa'yo. Basahin mo iyan nang mabuti at kung may special request ka, isulat mo nang ma-raise yan mamaya sa meeting, okay anak?” Pagpapaalala ni Jonah habang naglalakad sila patungo sa parking lot.

Okay. So sa SEA-University na lang kami tatambay for the moment para sa convention. After the convention na lang kami uuwi ni Arthur sa bahay sa Makati.”

Sige anak, ikaw bahala.” Sumakay si Jonah at si Arthur sa van kasama si PM.

Kuya, sa SEA-University po.” Panunuyo ni Jonah sa driver. Tumango naman ang driver at binaybay na nila ang daan patungo sa SEA-University.

Tahimik lang si Arthur na natutulog sa isang tabi, habang tabi niya si PM at nasa front seat naman si Jonah. Si PM, binabasa lang ang kontrata ng upcoming movie project habang pinagmamasdan siya ni Jonah mula sa side mirror.

By the way, PM, ngayong nasa Pilipinas ka na at nakauwi ka na... wag kang makulit ha? Wag kang mananakit. Mahihirapan si mama niyan.”

Napatingin sa labas ng sasakyan si PM nang matapos na niyang basahin ang kontrata. Pinadulas niya sa kanyang buhok ang kanyang mga daliri at nagsalita.

If you mean I, taking my revenge, no mom. I can't assure you na wala akong masasaktan. Dapat managot ang mga taong nanakit sa akin, sa pagkatao ko, at sa pagkawala ng mga mahal ko sa buhay. If killing them would mean my vindication, then I would gladly cut their flesh.”

Pero anak-”

But of course mom, I won't just run around and chase them to have my own kill. Magsisimula ako sa business. People like Jun, or Dimitri, or Corina are business-minded people. They speak money, their language is greed. If that's the case, I can talk to them really well. I can negotiate with them, and leave them empty-handed.”

Tumawa si Angelo sabay kain ng chocolate bar.

I would start with NGC. Pababagsakin ko sila sa NGC, and as soon as mauunahan natin si Sheldon, we'll get the lead and I'll start crushing them from there. In a short while, magbubukas ng animation studio si Dimitri. I know how much he loves arts and design. So, I would allow few months of Dimitri's full blast sa company. Then, as soon as he would have all his works patented, we'll sabotage the animation studio to bankruptcy. I'll buy it, and voila! Wala good bye dreams and hopes! Then with Jun... I'll just keep my lead. Then with Corina... I will sabotage the hotel she's managing, tapos iyong music and arts entertainment company niya? Well, quite frankly, yung ONE TIME lang naman talaga ang nagdadala ng bida eh. There's actually a reason why maraming kita ang G's music and arts entertainment. Dahil wala silang binabayarang timeslot fee, advertising fee, at air time sa NGC dahil asawa siya ng BOD. But I heard it's going down. Soooo, since separate company sila, Arthur's almost done with the in-house company na kokontra sa G's music and arts. Pag matapos na kami at kasama ng pag-agaw ng animation studio ni Dimitri, dahan-dahan naming gagawan ng scandal ang mga celebrity under G's music and arts. Of course, contract terminated ang mga celebrity doon dahil sa scandal without further explanation. We'll take it right there, iha-house namin sila sa ginawa namin ni Arthur na entertainment company. That leaves Jun, Corina, and Dimitri to zero....”

Uminom ng tubig si PM at ngumisi.

And after ko masira ang business nila, I'll start destroying their very soul, piece by piece. From there, that's all I have to say.”

Namangha si Jonah sa galing ng pag-iisip ni PM, ngunit kasama sa pagkamangha niya sa galing ng strategy ni PM ay ang takot. Pinapalibutan siya ng mga tao at sigurado marami siyang mababangga.

PM.. I don't want to be a party popper, but you sure know that you'll be against many, and I mean, A LOT OF BUSINESS TYCOONS diyan sa balak mo-”

Tssss.” suminghag si PM, “I don't care mom. Because we all know that no matter how big you are as a tycoon... I can always outsmart anyone.”

Inayos ni PM ang kanyang bag at kumain ulit ng chocolate.

And I mean it.”
_________________________________________________________________________________

Nakatambay sa coffee shop sa SEA University si PM kung saan sinusulat na niya ang kanyang mga special requests para sa movie project na lalagdaan niya mamaya.

Tangina naman oh. Meeting-meeting pa, nakakatamad. Mahabang usapan... Eh ako lang din naman ang susundin nila.” Pagsasalita ni PM sa sarili.

Ano pa ba ang kulang ko sa listahan...” habang sinusuri niya ang listahan niya sa mga special requests.

Lunch, Dinner, 3 hour gap snacks, fans, blah, blah, blah, blah, blah... wala na ata.” Humikab si PM at kinunat ang kamay para makapagstretching.

Uminom siya ng kape at umiling para maitanggal ang antok sa ulo. Lumingon-lingon siya dahil may plano siya upang hindi makadalo sa meeting mamayang alas-otso.

Nang may nakita siyang lalakeng estudyante, kaagad siyang nag-PSSSST. Lumingon ang estudyante at lumapit sa kanya.

Boy, gusto mo ba magka-extra?” Tanong ni PM habang nakatitig ang lalake sa kanya.

Depende po sa ipapagawa niyo saken. Basta malinis, game lang.” Simpleng sagot ng lalake. Medyo astigin ang tono at pacool.

Inabot ni PM ang manuscript ng movie project, ang contract, MOA, at ang special requests para sa meeting mamaya. Umupo ang lalake sa opposite na upuan ni PM. Nagulat ang lalake sa tinanggap na mga dokumento ni PM dahil hindi niya alam kung paano ito gagamitin.

Para saan po 'to?” Tanong ng lalake na may halong gulat.

Ano ba major mo?”

Film po.”

Eh sana alam mo iyan kung film major ka nga talaga. Year mo ba?”

Third year po. Fourth year na next sem.”

Magaling. E di ako magiging mentor mo. Kita mo to? Makapal yan, manuscript ang tawag diyan. Prototype lang ito kaya ingatan mo 'to. Eto, Contract at MOA, nilagdaan ko na iyan para ang gagawin mo, maibigay mo na lang ito. At itong special request, bahala ka nang dumiskarte. May meeting mamaya sa conference hall. Ang manuscript, bigay mo lang sa board of directors, tapos ang contract, abot mo lang sa kanila para mapirmahan nila, tapos explain mo lang ang special requests.” Sabay abot sa manuscript, contract, at MOA.

Teka, teka, teka.” Pag-awat ng lalaki, “Sino ka ba? Bakit mo ba pinagagawa 'to sa akin?”

Tinatamad ako boy. Pangalan mo ba?”

Marko.”

Nice meeting you Marko. My name is PM Realoso.”

Tumawa ang lalake at pumalakpak.

Nagbibiro ka ba? Pinagtitripan niyo ba ako? Reality show ba ito? Nasaan iyong mga camera?” Tumalikod si Marko at umikot-ikot at kinakausap ang hangin.

HELLO PHILIPPINES!! HINDI NIYO AKO MAIISAHAN!!” Kumaway-kaway pa siya sa hangin na mistulang may kinakausap.

Nakaupo lang si PM habang pinagmamasadan ang lalakeng sa tingin niya ay parang tanga.

Wala. Hindi ako nagbibiro. You want proof?” Binuksan ni PM ang kanyang wallet at naglabas ng isang business card.

Eto business card ko, may contact number iyan so contact mo lang ako kung kelangan mo ng tulong.”

Tumaas ang kilay ni Marko at kinuha ang business card ni PM. Sinuri niya ito na para bang hindi kumbinsado na kaharap niya talaga ang isa sa pinakamagaling na filmmaker.

Eh paano ko malalaman na totoo 'to? Baka gawa-gawa mo lang 'to para sabihin ikaw si PM Realoso. Wala akong alam.”

Ako rin, wala akong alam kung maniniwala ka sa akin at wala akong pakialam. Tawagan mo nga 'yang number na iyan. Ang mahalaga matawagan mo ako para maibigay ko na sa'yo ang bayad pagkatapos mo daluhan ang meeting on my behalf. Tetext ko na lang ang partner ko na ikaw ang dadalo para sa akin.”

Wait, are you really serious?” Tanong ng lalake.

I am. I don't want to go to that meeting. I'm so lazy tonight, and I don't give a fuck about whatever they have to say. What's important is you impose whatever I need in the special requests.”

Wait... Who am I going to meet with?”

Big people.” Tumayo si PM mula sa pagkakaupo. “Really big people.”

Alright. I don't know if you're playing a prank on me or something, pero sige gagawin ko ito. I want my money after the deal. Aattend lang pala eh.”

Yup. Gawin mo ha! If one of those things na nilista ko sa special requests hindi matutuloy, konsume din ang bayad ko sa'yo. Just this once. And if you do this right, you'll have the biggest break of your life.”

Tssss,” pagsinghag ni Marko, “malay ko bang indie film director ka lang? Sa ayos mo pa nga, yung tipong hindi seryoso at laro-laro lang, malamang hindi ka masyadong big time.”

HAHAHAHA” Tumawa si PM. “Bakit, sinabi ko bang big time ako? Basta gawin mo na iyan.” Tinapik ni PM si Marko sa balikat.

HI BABE!” Isang malalim na boses ang narinig ni PM at Marko. Maya-maya may lalakeng lumapit kay Marko at hinalikan ito sa pisngi.

Nakatayo lang si PM habang pinapanood ang ka-sweetan ng dalawang lalake sa harapan niya.

Y-You guys... a-are a couple?” Utal-utal na tanong ni PM.

Yeah!” Sagot ng lalaking kararating lamang. “Sino ka nga pala?” 

Ay babe, isa sa mga business partner ko. He's an indie film director at may ipapagawa siya sa akin mamaya. Aattend ako ng meeting.” Sabay tayo ni Marko at buhat sa manuscript, contract, MOA, at special request note.

And sir, eto nga pala si Tristan, boyfriend ko po.” Inakbayan ng husto ni Tristan si Marko at masayang ngumiti kay PM. Nanigas si PM at mistulang nawalan ng lakas. Ito ang unang pagkakataon na naging apektado siyang makita ang isang gay couple.

Boyfriend ko po.”

..boyfriend ko...”

...boyfriend...”

Paulit-ulit na nagring sa tenga ni PM ang katagang boyfriend. At may biglang nagflashback sa utak ni PM.

[Flashback]

"Angelo, will you be my boyfriend? I love you, at hindi-hindi kita sasaktan. Akin ka lang at ako'y sa'yo... Nangangako akong ikaw lang ang mamahalin ko." Sabay mabilis na halik sa labi ni Angelo.

Ngunit seryoso pa rin ang mukha ni Angelo.

"I-I'm sorry, Dimitri... Sinabi kong mahal kita pero..."

"I understand Angelo. Hindi ka pa handa na maging boyfriend ko. It's okay." At kumalas si Dimitri sa pagdidikit ng noo ng isa't-isa at binitawan na rin niya ang sentido ni Angelo.

"Binasted kita Dimitri kasi sabi ko naman di ba, ako ang manliligaw sa'yo?" Sabay hila ng batok ni Dimitri na napupuluputan ng mga braso ni Angelo.

"Will you be my boyfriend, Dimitri?" Sabay ngiti ni Angelo.

Nanlaki ang mga mata ni Dimitri. Tumulo ang luha ni Dimitri, lumiwanag ang kanyang mukha at halatang-halata ang saya sa kanyang mukha.

"OO ANGELO! YES! SHIT! DI MO LANG ALAM KUNG GAANO KO KATAGAL HININTAY ANG PAGKAKATAONG ITO!" Sabay siil ng malambot na halik sa mga labi ni Angelo. Naghalikan na naman sila.

Mga isang minuto silang naglapat ang kanilang mga labi ng bumukas ang pintuan. Pumasok si Gio. Nakita ni Gio ang paghahalikan ng dalawa at nasa tabi lang siya, nakatingin sa dalawa.

Nakatalikod mula sa kanya si Dimitri na nakatayo at nakaupo naman si Angelo sa kama, nasa batok ni Dimitri ang mga kamay ni Angelo at ganon na rin si Dimitri. Patuloy pa rin sila sa paghahalikan at hindi pinansin si Gio.

"Oh! Istorbo ata ako, tawagin niyo lang ako pagkatapos niyo." Tinignan ni Gio ang kamay ni Dimitri na nagmuwestrang lumabas muna siya."

Lumabas naman si Gio at sinarado ang pintuan.

Matapos ang sunod na minuto ng paghahalikan ay kumalas silang dalawa ngunit magkahawak pa rin sila sa batok ng isa't-isa.

"I've waited for this for so long Angelo, and now heto na tayo. I love you!"

"Handa na ako pare, and I'm not going to let this feeling go away."

"Pare? Pangit naman nun. Parang magtropa lang. Dapat may tawagan tayo. Babes? Honey? Asawa ko? Ano ba?"

[End of flashback]

Oy. Ayos ka lang ba?” Simpleng tapik ni Marko kay PM habang nakatulala ito sa kawalan. Pumatak ang unang luha ni PM at pinunasan niya kaagad ito.

I-I'm sorry. I have to go ahead.” Pag-ilag ni PM sa dalawa. Ayaw na niyang manatili pa dahil kung ano-ano pa ang kanyang maalala.

Kaagad siyang pumasok sa isang public bathroom at naghilamos. Matapos ang ilang ulit na pagbasa sa mukha, tinignan ni PM ang sarili sa salamin. Dumadaloy mula sa kanyang mata ang tubig ng kalungkutan. Naghilamos ulit siya at tinignan ulit ang sarili sa salamin.

Ang tagal na nun. Ang tagal na nun.” Mahinahon na boses ni PM.

ANG TAGAL NA NON PM!! BAKIT HINDI KA MAKAMOVE ON!” Sabay hampas sa lababo.

KALIMUTAN MO NA!!!!!” Sabay suntok sa sariling ulo. Sinasabunutan niya pa ang sarili. Galit na galit si PM sa sarili.

Lumabas ulit si PM at kahit mag-aalas sais pa ay napagdesisyunan niyang uminom upang makalimot.

Pumasok siya sa isang beerhouse at nag-order ng apat na tig-isang litro ng alak. Dumating kaagad ang inorder niya at nagbuhos siya sa kanyang baso.

Habang umiinom siya... panay pa rin ang pagtulo ng kanyang luha. Pinagtitinginan na siya ng mga tao dahil ang pagdadabog niya ay nakakaistorbo.

This isn't right. Bakit nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko ang meron sa amin? Ang tagal tagal na noon. Kung pwede pa lang makalimot at magpahiwa ng bahagi ng utak para lang di ko maalala ang mga pangyayaring hindi naman totoo... gagawin ko.

Bakit nga ba ako nagkakaganito? Oo, siguro kasalanan ko kung bakit nagkaganito. Siguro may pagkukulang din ako dahil nakalimutan kong mahalin ang sarili ko. Pero hindi ito sapat na dahilan upang abusuhin nila ako. Ang bait-bait ko sa kanila... binigay ko lahat kay Dimitri. Lahat! Oras, kalinga, pagmamahal, pwet. Ano pa ba ang kulang? Ano pa ba ang kailangan niya sa akin?!

Pagkatapos ang sampung minuto ay nagbukas na naman ng pangatlong litro si PM. Dahil sa kanyang biglaang depresyon, hindi na niya alintana ang pangit na lasa ng alak, o ang dami ng kanyang nainom.

Ang bigat bigat na... Di ko inakala na babalik at babalik ang sakit na nararamdaman ko. Ang mga panggagago niya sa akin. Ang pananakit niya sa akin. Ang pang-aabuso niya sa akin. Nakakalungkot lang kung paano siya naging sweet sa akin noong una at paano niya ako binastos kalaunan.

Masama ba akong tao? Hindi. Well, ewan ko lang ngayon. Pero kung masama man akong tao ngayon, siguro dahil pumalpak ang mabait na ako noon. Tangina mo Dimitri, minahal kita ng buo!

Nang maubos na niya ang pang-apat na litro, nagtaas siya ng kamay na nagpapahiwatig na isang set pa ng litro. Umiikot na ang kanyang paningin at alam niyang natitipsy na siya dahil sa dami ng alak na siya lang ang umiinom.

Maya-maya, nanakaw ang kanyang atensyon sa telebisyon na pinaandar ng beerhouse.

[Report]

Ayon kay Sheldon Grandyaryo, CEO ng NGC broadcasting corporation, sinisigurado niyang maibabalik na sa tuktok ng Philippine media ang NGC broadcasting corporation. Kahit aminado ang business tycoon na sintonado sila sa nagdaan na tatlong taon laban sa kalabang istasyon na Magic broadcasting corporation. Sa kasalukuyang CEO ng kalabang kumpanya ng NGC ay si Gabby Victorio, isang nobody sa larangan ng corporation. Hindi rin naman maitatapon ang kanyang angking galing. Nagtapos si Gabby Victorio sa SEA-University kung saan gaganapin ang nasasabing close-deal signing ng NGC kasama ang bagong business tycoon na direktor na nagmula pa sa Estados Unidos, si PM Realoso.

Sheldon: Kumpyansa naman ako sa galing ng batikang direktor na si PM Realoso. Kahit may pagka-attitude ang batang iyon, hindi pa rin ipagkakaila na may angking talino siya sa larangan ng media. Gagamitin namin iyon at sa tulong ni PM, hindi lang ang NGC ang makikinabang kundi ang buong Pilipinas dahil layon din namin, kasama si PM, na maitaas ang kalidad ng mga sining ng pelikula dito sa Pilipinas.

Maliban sa napapabalitaang share-merging ng bagong dating na si PM Realoso, bukas na rin gaganapin ang convention ng NGC broadcasting corporation. Ito ay gaganapin sa nasabing paaralan kung saan nagtapos ang CEO ng kalabang kumpanya na si Gabby Victorio.

Marami ang nag-aabang na baka ito na ang simula ng panibagong yugto ng larangan ng pelikula.

[End of report]

Ngumisi si PM. Pare-pareho lang naman kayong lahat ng gusto sa akin eh. Gusto niyo lang akong gamitin para sa pangsirili niyong dahilan. Noong mabait ako, nagamit ako. Ngayong masama na ako, nagamit pa rin ako.

Kahit saan ilagay ang tao, may gagamit at gagamit talaga sa'yo kahit na mabait o masama ka.

Might as well maging masama na lang. Ngayong andito na ako at magkikita na kami ng mga taong nanakit sa akin, kailangan ko na lumaban para hindi na maulit pa ang nangyari sa akin noon. Kakaibang laban na ang sasabakin ko – isang laban na minsan ay ako ang talo.

Ngunit sa pagbabalik ko, at sa muling pagkikita namin, sisiguraduhin ko ako ang mananalo. Ako, at ako lang. Wala na akong pakialam kung sinuman ang madamay. Hindi na ito simplent suntukan, kundi laban na ito kung laban.

Humanda sila. Eto na ako.

Andito na ako.

Pinunasan ni PM ang kanyang luha at inayos ang sarili. Nangalahati na si PM sa pangalawang set na kanyang nainom ngunit hindi pa rin siya nakaramdam ng pag-iihi. Maya-maya nag-vibrate ang phone niya at napansin niyang may nag-add sa kanya sa isang gay dating app na ginagamit niya upang makakita ng makaka-sex.

Binuksan niya ang request at napansin niyang nakapangalan ang katauhan nito sa pangalang: “gab489”

Stupid name for a stupid kid. Tinignan niya ang mga litrato ni gab489, wala man lang itong kahit isang litratong pinaskil sa kanyang profile. Tatanggalin na sana ni PM si gab489 sa kanyang listahan ng friends nang nagmessage ito sa kanya.

Gab489: Hi! Montemayor88!
Montemayor88: ?
Gab489: Where are you from?
Montemayor88: from somewhere
Gab489: LOL. You're name is pretty familiar to me though...
Montemayor88: Don't be stupid, anybody can just put random names online without actually painting meaning in it.
Gab489: Alright. I'm sorry. So, how old are you?
Montemayor88: Why do you keep on asking personal questions?
Gab489: I just want to know you better...
seen by Montemayor88 7:49 PM
Gab489: Hey?

Normal na ang mga ganitong tao na kumakausap kay PM gamit ang app na iyon. Kaya nagpasya siyang tapusin na lang ang last na litro ng alak at maghilamos para magkape. Dumiretso siya sa bathroom at umihi. Pagkatapos niyang umihi, naghilamos siya para mabawasan ang kalasingan.

Kung kanina tinatamad lang siyang pumunta sa meeting with Board of Directors para sa upcoming movie project niya, ngayon wala na talaga siyang gana. Salamat sa magjowa.

Nang tapos na siyang maghilamos, hinila niya sa kanyang back pocket ang kanyang phone at ang kanyang panyo. Habang pinupunasan niya ang kanyang mukha, napansin niyang nagpost si Gab489 ng status.

Gab489: OTW to Starbucks Buhisan. See you when I see you? Lol.

Pambwisit naman to oh. Kalma lang PM. Just spend the night for yourself today, bahala na si Arthur at si Marko sa'yo. Sila na ang bahala sa'yo sa project. Tinignan niya ang sarili sa salamin at ngumiti kahit namamaga pa ang kanyang mata.

Just conceal the sadness that you feel. In that way, nobody will know you're vulnerable. Sinuot ni PM ang kanyang sun glasses.

Malakas ka. Matapang ka. Sabay hawak sa locket na bigay ng kanyang nanay ilang taon na ang nakalipas.
_________________________________________________________________________________

You know what dad, ayoko siyang pakasalan. And I don't care kung wala ako ngayon diyan. I don't want to get married, and no matter how you force me to marry that girl, no! I won't!” Sigaw ni Gab habang nasa loob siya ng banyo. Kausap niya sa kabilang linya ang kanyang tatay.

Listen up. I'm your father and you have to listen to me! This is my only wish, magpakasal ka bago ako mawala. And cliché as it sounds, give me grandchildren. In that way hindi na ako mangungulit sa'yo pa. Dapat mo akong sundin dahil ama mo ako!”

HAHAHAHAHAAH,” pagtawa ni Gab, “gago ka ba tay? Hindi niyo nga ako maalagaan ni mama kahit noong hindi pa kayo naghiwalay. Maid lang ang naging kaagapay ko. Nag-high school ako, naghiwalay kayo. Bumuo ng kanya-kanyang pamilya. Natuto akong mamuhay mag-isa. Pera lang ang pinaulan niyo sa akin. Kaya wag na wag mo akong susumbatan na kelangan kita sundin. Dahil maibabalik ko sa'yo ang pera na binigay niyo sa akin. Gusto mo triplehin ko pa nga para may pambaon ka sa impyerno?”

Ang bastos mong bata ka! Napahiya kami dito sa dinner ng parents ni Nina dahil sa pag-indyan mo!”

E di mapahiya kayo. Ginusto niyo yan eh. Alam niyo namang hinding-hindi ako papayag tapos pinipilit niyo talaga ako.”

Ano bang problema mo at hindi mo man lang masubukang mahalin si Nina?! Mabait naman siya, sexy, at higit sa lahat, maganda! Ano pa bang hinahanap mo sa isang babae! Andiyan na lahat kay Nina! Gamitin mo nga yang maliit mong utak!”

Kung maliit lang ang utak ko, e di di sana ako naging CEO ng Magic Corp. Di ko sana nagawang number one ito sa apat na taon kong pagiging CEO. Kaya wag na wag niyo po akong sasabihan na maliit ang utak dahil wala nang mas liliit ang utak kesa sa taong matapos mang-iwan ng anak, ay uutus-utusan ito na tila ba pinagkakautangan. Kung may choice nga lang ako sana sa iba ako pinanganak!”

Ngunit wala kang magagawang ipokrito ka dahil gawa ka sa tamod ko! Kaya pakasalan mo si Nina, o isusumpa kita hanggang kamatayan!”

YUN! Anong klaseng ama ka kung pati anak mo sinusumpa mo?! All the more na hindi kita susundin dahil ang tingin mo sa akin, pagawaan ng apo, at hindi bilang anak mo. Hindi mo na nirespeto ang pagkatao ko tay!”

BEEP. Pinatay ni Gab ang tawag at lumabas ng banyo. Dumiretso siya sa mesang kinauupuan ng tropa niyang umiinom ng kape.

Grabe tol, talo mo pa ang kape ng starbucks sa pait ng mukha mo.” Sabay alok ng kape kay Gab.

Si tatay kasi, pinipilit akong pakasalan iyong anak ng business partner niya. E sa ayaw ko? Hindi ko dinaluhan iyong dinner dinner nila. Pakshet. Mga walang utang na loob, di na nahiya sa akin bilang anak nila."

Nilapit ni Gab ang kanyang laptop sa kanya nang makita niya kung saang bahagi ng report ang kanyang naiwan bago niya tinanggap ang tawag ng ama.

Oy. Tol. Dumaan nga pala rito iyong Gio Santos. Nagsisigawan iyong mga babae, parang mga tanga. Bumili lang naman ng kape tsaka lumabas.”

Tssss.” sabay inom ng kape si Gab, “kung alam lang nila kung gaano kasama iyang gagong iyon. Kahit ako parang ayaw ko isipin na nabuhay pa pala iyong ulol na iyon.”

Pero alam mo tol, tantiya ko, sisikat pa ng husto iyang si Gio. Kasi di ba, may pinirata silang direktor mula sa States? Grabe, magkano kaya bayad nila doon. Narinig mo na ba iyon? Si PM Realoso?”

"Talaga? PM Realoso? Never heard. Hindi yan magtatagumpay ang NGC. Come on. We are Magic Corp. I am Gab Victorio. Number one na tayo for 3 consecutive years. Pulling off cheap tricks won't make them win." Nagmamalaking tono ni Gab habang nakaupo sa loob ng Starbucks at nagtatype ng annual report.

"Malakas ata confidence mo sa sarili tol ha." Sagot ng kanyang kasama na nagrereview ng ratings.

"Siyempre," panimula ni Gab sabay inom ng inorder, "I have been through a lot para bagsakin ko to. Salviejos will not make it. Not this time." Ngumisi si Gab habang pinipicture out ang pagkatalo ng NGC.

"Ikaw bahala. Walong taon nang nakalipas tol, isn't it time na magmove on na tayo? Alam ko kung gaano mo kamahal si-"

"Stop. Hindi. My competition is academic and professional. Hindi ito emotive or personal. We are Magic Corp. Take it or leave it."

Umiling na lang ang kasama ni Gab.

"Sige. Ikaw bahala. Uy tol. Yung girlfriend mong baliw oh!" Sabay turo sa likod ni Gab. Andun nga ang baliw na baliw kay Gab.

Si Nina. Isang model. Anak ng family friend ng tatay ni Gab. Sa totoo lang ayaw ni Gab kay Nina eh. Magulo. Maingay. Kahit marami ang nagkakandarapa kay Nina, si Gab hindi. Napagkasunduan na rin ng pamilya ni Gab at pamilya ni Nina na ipakasal sila sa isa't-isa. Ngunit ayaw ni Gab - dahil hanggang ngayon, si Angelo pa rin. Sa katunayan di niya jowa si Nina, panunukso lang lahat.

"Hi boys! Oh! Hi Gab!" Malanding bati ni Nina sabay ikot ikot ng daliri sa bahagi ng kanyang iilang buhok.

"Yes." Matigas na sagot ni Gab na halatang walang gana makipag-usap sa kanya. Ngunit gumapang ang kamay ni Nina sa balikat ni Gab at kaagad na winakli ito ni Gab. Tumawa lang si Nina sa inasal ni Gab.

"Nakakatawa ka Gab. Pakipot masyado. I bet wild ka sa kama. Anyway, is it a yes as in sit down or yes as in 'I mind you sitting down'?"

"Yes as in go away." Barado ni Gab si Nina. Ngunit nanatili pa ring nakaupo si Nina at pinatong pa ang mga paa sa upuan.

"Baby Gab... Buy me coffee naman oh!" Pagpapapansin ni Nina kay Gab.

"Ikaw na bumili. Malaki ka na." Patuloy sa pagtype si Gab.

"Pero Gabbbbb!!!" Pagpapacute ni Nina kay Gab na ikinatingin ng mga tao sa kanya. Naramdaman ni Gab ang mga titig ng tao sa kanilang mesa kaya walang nagawa si Gab kung hindi ang bilhan si Nina ng coffee.

Pagkatapos umorder ay bumalik na si Gab sa mesa at nagpatuloy sa pagtitipa. Nang dumating na ang kape ni Nina, nagreact na naman si Nina.

"Gaaaaaaaab," sigaw ni Nina na maypagkamalandi na nakagulantang sa buong shop, "Mapait masyado! Palagyan mo sugar... Please?"

"Nina, ikaw na please. May ginagawa pa ako."

"Gaaaaaaaaaaaabbbbb!!" Tili ni Nina na parang kinakatay. "Gusto ko dalhin mo kape ko dun sa counter palagyan mo ng honey. Pleaseeee para mas sweet." Sabay kapit sa braso ni Gab.

"Hay naku!" Sigaw ni Gab habang dala ang coffee ni Nina pabalik sa counter. Nang malagyan na ng asukal, kinuha kagad ito ni Gab.

"Tanginang babae to pwede namang siya na lang magdal-" BOOGSH.

Nabuhos ang kape sa taong nasa likod ni Gab. Buhos na buhos ang kape sa kanyang katawan pati foam di natanggal.

Pinulot ni Gab ang nahulog na cup at minura ang taong nabuhusan niya. "Tangina naman oh next time kasi pumila ng maayos!" Nang nag-angat ng tingin si Gab, nabitawan niya ang baso na pinulot niya at lumaki ang kanyang mga mata.

"Dumb fuck." Sabi ng lalaki na natapunan niya ng kape.

"A-Angelo!"


Itutuloy...
 



Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2

70 comments:

  1. This story is really amazing! Each chapter has its own revelation about what really happened in book 1. Many unforeseen events happening in this chapter. Its getting exciting and exciting every chapter! Mr. Author you're one of the best. Hoping to read the next chapter very soon. Japjapjap

    ReplyDelete
  2. I have a feeling malayo layo pa aabutinng story na toh hehehe. Sana weekly may update :-)

    ReplyDelete
  3. Grabe ang galing tlga ng Author..sna lage may update..tnx

    jojo.qatar

    ReplyDelete
  4. Great chapter!!! Next please.

    I'm not sure about the sequence, but the stories building up really nicely. So excited for Gab and Angelo! Marvs

    ReplyDelete
  5. sulit ang paghihintay, salamat po.

    bharu

    ReplyDelete
  6. First time kong mag comment dito. Nabasa ko ung una mong nobela. All I can say is magaling kang author. Keep it up.

    ReplyDelete
  7. Excited na po sa succeeding chapters :) excited sa mga paghihiganti na gagawin ni angelo. More power po sa author :) !

    ReplyDelete
  8. Yay sa wakas makikita na ni gab ang mahal nya si angelo.


    Boholano

    ReplyDelete
  9. Dumb fuck talaga.. Next chap ma

    ReplyDelete
  10. Thanks Sir...inaabangan ko talaga to...the best story na nabasa ko...:)

    ReplyDelete
  11. wow! super talaga, exciting basta chapter la kuna yung mga flashback from book 1. sana weekly may update.

    red 08

    ReplyDelete
  12. Mukhang magiging magkalaban pa si Gab at Angelo dahil sa business ahhh.... :/ Sana wag naman...

    ReplyDelete
  13. Mukhang magiging magkalaban pa si Gab at Angelo dahil sa business ahhh.... :/ Sana wag naman...

    ReplyDelete
  14. Mukhang magiging magka-away ps si gab at angelo dahil sa business ahh.... sana wag nmn.... :/

    Kevs1416

    ReplyDelete
  15. Ano pa ba pwede ko sabihan? Exciting tlga ee. Kahit nghintay sulit na sulit.. :-) :-) :-) somehow feeling ko pinapahalagahan ni pm si art. Takot lang cguro si pm. No one can blame him.. pero mgkikita na sila ni gab.. waaahh can't wait sa gagawin nia kay corina and jun.. cla ung pinka masarap pektusan ee. Haha and what about laurel? She has a kid? Life support? And good thing dto lhat ng character di naaoutcast buhay pa din yung story nla. Kudos! :-) :-) :-).

    ReplyDelete
  16. Sobra pong ganda ng story na'to. OMG!! Sana may update weekly. Please... <3

    ReplyDelete
  17. Inaabangan ko talaga to! :)

    ReplyDelete
  18. salamat po sa update.... excited na ako sa next chapter...

    go angelo..... (PM pala hehehe)

    joe....

    ReplyDelete
  19. nxt chapter na agad sir..ganda talaga!

    ReplyDelete
  20. The Fate of Jun, Corinna, Dmitri and Gio is about to come. Very intense, graphic and thrilling ang storyang ito. Thus by far, the best. Nakakakilabot si PM/ANGELO sa kanyang revenge, exciting. Justified naman ang kanyang well-planned structure. Great story Mr Author! Sana continued ang series. --Mr.Anomous

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you Mr. Anomous! Opo tatapusin ko po to ;)

      Delete
  21. Umpisa na ang kalbaryo ng mga villains. Hope they will suffer more than Angelo. Thanks Mr Author for a long and juicy episode. Keep it up

    ReplyDelete
  22. Excited for the next chapt. o_O
    macky boy <3

    ReplyDelete
  23. Tama ka Bro, Alfred of TO, sweet revenge ni Angelo! Unahin nyang idispose yong mga anak ni Dmitri at Corinna, let the kids suffer, ganti lang kay Angelang pinakain sa Crocodile. May feeling ako si Corinna ay related kay Angelo ... later on find out ni Cotinna pinatay nya ang Nanay nya ... si Martil! Lalong torture sa kanya.

    ReplyDelete
  24. Riza deserves to be with Angelo. Sya lang ang nakaagapay at defender ni Angelo. She had played the major role when Angelo was in severe agony and trauma. Pinagtanggol niya until the last part. Up to this new chapter continous pa rin ang investigation nya. Anong nagawa ni Gab, magbate. And so between Gab and Riza, si Riza ang dapat kay Angelo. End of the story.

    ReplyDelete
  25. Riza deserves to be with Angelo. She had offered effort and sacrifice when Angelo was in his low point of his life. Even up to this point patuloy pa din ang kanyang imbestigasyon sa pagmamahal nya kay Angelo. Anong ginawa ni Gab? Hinde naman nya dinefend si Angelo, puro salita lang sya. Mas dapat sa isat isa si Riza at Angelo! Kakakilig! Gawa na sila ng baby. Let him dumped Gab and Arthur!
    Mr. Anomous 2

    ReplyDelete
  26. Matapos kaya ito? Baka sa una lang tapos baka later on mapabayaan na rin. Halos 80% ng mga series na storya inabandon na lang, pinabayaan, hanggang maglaho na ang mga authors ... tapos ang daming mga alibis at excuses. Sana kung gagawa nalang huwag na lang pahahabain pa.

    ReplyDelete
  27. Bakit di ako nainforned kua ponse..gosh grabe n ang kaganapan..kailan nman yun kay pm at corina pagkikita.

    Eddieboy jpls

    ReplyDelete
  28. Shoooocks ngayon ko lang nabasa ituuuuu~ Sobrang galing talaga nito! Sana magkatuluyan si Angelo at Gab sa huli omggg ~Ken

    ReplyDelete
  29. Si Dmitri at Gio na lang ang hindi nakakakita.. Si Riza din pala... Oh well ok lng.. Lagot ung dalawang pinaka nagpahirap kay Angelo. Save it for last ika nga..

    ReplyDelete
  30. im so excited.... update na po plz.

    ReplyDelete
  31. I have a feeling that Little Monte could be one of Angelo's victim. A big blow for Corinna and Dmitri.

    ReplyDelete
  32. OMG!!!!!!! NEXT UD PLEASE!!!!!!!!!!! :)

    ReplyDelete
  33. Mahal pa ni Angelo Si dimitri. Sana sila magkatuluyan...

    ReplyDelete
  34. Mahal pa ni Angelo Si dimitri. Sana in the end sila pa rin.

    ReplyDelete
  35. Satisfied! Maganda na, lalong gumaganda pa. Sana sa next chalter pakiplay ang Love the way you lie. Please! Love lots cookie!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you Couturemaster! Sige, try ko ipasok yan one of these days. ;)

      Delete
  36. I like this chapter. Ibang Angelo talaga. Humihiwalay ang kaluluwa.

    ReplyDelete
  37. FYI lang. Any money claims ng mga employees sa kanilang employer in private companies, sa National Labor Relations Commission dinidinig. Hindi sa RTC

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails