Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
1 (Umamin Siya, Umamin Ako,Nagka-aminan Kami!) 2 (Out-of-this-World Interrogation) 3 (‘Di Lahat ng RulerStraight, ‘Yung Iba Bendable!) 4 (Pagkabakla at Mga Pundasyon ng Bahay, Anong Connect?) 5 (The Reason I Like you, Naks!) 6 (Naging Kami!) 7 (Ang Limang Kasunduan!) 8 (Ang Kaibigan kong si Chong?) 9 (Ang Birong Hindi Biro, Bow) 10 (Second Monthsary Namin!) 11 (Bawal ang Babe at Honey?) 12 (Salamat, Habanera!) 13 (Ang Request ni Dad) 14 (The Natural Complementaries of Man and Woman, AnoDaw?) 15 (Third Monthsary Namin!) 16 (Ang Pagkidnap kay Chong) 17 (Ang Date saRooftop ng Company Building) 18 (Mga Pangarap at mga Bituin) 19 (Si Carl Alfred Santiago) 20 (Mga Pahiwatig ) 21 (Ang Makapagpapasaya kay Chong) 22 (Si Christopher Santos, Alyas Christie) 23 (Pag-aaway at Pagkakasundo) 24 (Pagkahulog) 25 (Ang Engagement) 26 (Ang Unang Submission Signal)
--------------------------------------------------------------------------------
“…Sigurado na ba ako sa gagawin ko?...”
Dahan-dahan, buong pag-galang, at buong pag-iingat na nilakad
ni Chong ang kalsadang punong-puno ng tao’t mga sasakyan. Ang kanyang gray na
bag na ang lama’y mga iilang bagay na kanyang nilakad ngayon ay malayang
sumasayaw sa saliw ng kanyang galaw. Isang
ibong payapang lumilipad sa gitna ng kulay abong mga ulap. Ngunit kung dati’y napakarespetado
niyang tingnan sa ganoong postura, ngayo’y tila wala siyang patutunguhan. Ang
kanyang isip na karaniwa’y nakamasid sa mga taong kasalubong niya’y pinagtutuunan
ngayon ng pansin ang maaliwalas na langit.
“…Makakaya ko nga ba talaga…”
Inilibot niya ang kanyang paningin. Ang mga maiingay na mga
sasakyan. Ang napakakapal na usok. Ang mga laging nagmamadaling mga tao. Ang
mga matataas na mga building. Lahat iyon ay pinukulan niya ng malamlam na
tingin.
“…kahit na hindi ko kaya, kailangan ko pa ring gawin…”
Sa gitna ng kanyang pagmumuni-muni’y, isang babae ang kanyang
nakabangga. “Sorry po…” Nakayuko ang babae na tila mabubuwal, habang ang
kanyang kamay ay nasa kanyang noo. Hinawakan ni Chong ang babae sa magkabilang braso
upang alalayang tumayo. “…Okay lang po ba kayo?”
Mataas lamang ng ilang pulgada si Chong sa babae. Morena ang
babae’t halatang alagang-alaga ang kutis. Matangos ang ilong, mapungay ang mga mata’t
mapupula ang labi, parang artista’t halatang mayaman. Pinatunayan ito ng
mamahaling bag na tangan niya, maging ng kanyang uniporme mula sa isang sikat
na unibersidad. Ngunit ang napansin ni Chong ay ang maluluha-luhang mga mata at
ang malungkot na mukha ng babae. “Okay…Okay lang ako…” Sinikap ng babaing
tumayo.
Sinundan na lamang ng tingin ni Chong ang babae. Tila
pagewang-gewang ang babae sa paglalakad, maka-ilang beses rin siyang makakabangga
ng ibang taong aalis din kaagad. Tumayo lamang si Chong sa tabi ng kalsada’t
hinintay niya ang alam niyang mangyayari.
Saka nabuwal ang babae’t napahiga sa gitna ng daanan.
Nakakunot ang mga kilay na pinagmasdan lamang ni Chong ang
tulog na dalaga. “Bakit siya umiiyak?
Bakit siya malungkot?” Maingay sa loob ng ospital. Dinig sa apat na sulok
ng kwarto ang bawat utos, langitngit ng mga aparato’t pagmamadali, at mga hikbi
ng kalungkutan. Sa kabila ng lahat ng iyon ay payapang natutulog ang babae sa pampublikong
kamang sa ospital, halos katabi lamang ang ibang pasyente.
“Nurse, okay lang po ba siya?” Halata sa tono ni Chong ang
pag-aalala.
Nag-angat ng tingin ang nurse mula sa record book. “Ah, okay
naman po. Bumaba lang po ‘yung blood pressure niya…”
Kumunot ang mga kilay ni Chong na tila naghihintay ng mas
malalim na paliwanag.
Isinara ng nurse ang kanyang record book. “Magigising na rin
po siya niyan, kaya ‘wag na po kayong mag-alala…”
“Ah, sandali po….” pagpigil ni Chong sa nurse ng akma siyang
aalis. “…Ah, actually po kase, hindi ko po kamag-anak ‘yung babae. Wala po
kaming relasyon sa isa’t isa. Itatanong ko po sana kung pwede ko na siyang
iwanan…dito…”
Ang mga kilay naman ng nurse ang kumunot. Saka naglikot ang
kanyang mga mata. “Ah, sir….” Halata sa
boses niya ang walang kasiguraduhan. “…itatanong ko na lang po muna, hindi ko
rin po kase alam. Babalikan ko na lang po kayo…” Saka tumalikod ang babae.
“Ah, sige, okay lang…” Biglang napalingon ang babae sa sinabi
ni Chong. Halata sa mukha ng nurse ang pagkabigla. Napangiti na lamang si
Chong. “Ah, ibig kong sabihin, mag-isstay na lang ako dito hanggang magising siya.
Alam ko naman na natatakot kayong walang magbabayad ng bills ng babae. Hindi ka
rin naman talaga babalik para sagutin ako, papatagalin mo lang hanggang sa wala
na akong magawa… ” Puno ng pagpapakumbaba ang boses ni Chong.
Biglang tumulis ang tingin ng may katabaang nurse.
“Hindi, hindi ko naman kayo iniinsulto…” Napamuwestra na rin
ang mga kamay ni Chong. “…Naiintidihan ko kung bakit ganoon ang sistema niyo,
at naiintindihan ko kung bakit ‘yun ang ginagawa niyo. Naiintindihan rin kita
kasi sumusunod ka lang naman sa utos. Hihintayin ko na lang siyang magising.
Pasensiya na kung nainsulto kita…”
Unti-unting nabawasan ang pagkabalisa sa mukha ng nurse. “Ah…okay
…”
Bumuntung hininga na lamang ng marahan si Chong at tiningnan
ang dalaga. Ang kanina’y malungkot na mukha ng dalaga’y naging maamo na, tila
naibsan ng lahat ng pasakit at hirap. Maging siya’y naging payapa sa marahang
paghinga ng babae.
“Sino kaya siya?”
Ilang saglit pa’y narinig ang ungol ng babae kasabay ng
kanyang pagpupumilit na tumayo. Nagmadaling lumapit si Chong sa kanyang tabi.
Datapwat dahil sa panghihina’y hindi nagawa ng babaing umupo.
“Miss, okay ka lang ba?” Naging malikot ang pagkilos ng
babae’t tila nagwawala. Halata sa babae ang panghihina’t puro ungol lamang ang
lumalabas sa kanyang bibig. Sinisikap ni Chong na kumalma.
“Al…fred…Alfred…” Unti-unting luminaw ang mga binibigkas ng
babae. Sinikap niyang idilat ang kanyang mga mata’t nakita niya si Chong.
“…Plea…please…call…Alfred….”
“….Al…Alfred…” Kumunot ang kilay ni Chong. Tiningnan
niya ang kamay ng babae’t nakaturo ito sa shoulder bag na nasa kaniyang paanan.
Binuksan kaagad ni Chong ang bag at hinanap ang cellphone ng babae.
“Miss, ano po, may password po kasi ‘yung phone niyo?” Tangan
ni Chong ang Iphone ng babae. “…Pakibulong na lang po ‘yung password…” Inilapit
ni Chong ang kanyang bibig sa tenga ng babae. Hanggang ngayo’y pabaling-baling
sa kaliwa’t kanan ang ulo ng babae’t tila nahihilo pa rin. Paungol niyang
binigkas ang kanyang password.
Saka tumawag si Chong ng nurse upang tingnan ang babae.
Una niyang tiningnan ang contacts ng phone at hindi na
pinansin ang picture ng babaeng nagsisilbing wallpaper. Nahanap niya ang number
na nakapangalan sa isang ‘Lolo’ at sa isang ‘Mommy’. Nagpatuloy siya sa paghahanap
at saka niya nakita ang contact na ‘Alfred Babes’. “Alfred Babes?” Nais man
niyang tumawa’y hindi iyon ang oras para gawin iyon.
“Bakit walang sumasagot?” Nakakunot ang mga kilay ni Chong
habang nakatayo malapit sa reception ng hospital. Ilang beses na niyang
kinontact ang number ngunit wala pa ring sumasagot. Nung una’y pinatay ito,
ngunit pagkatapos ay hinayaan na lamang itong magring ng may-ari.
Naisipan na lamang ni Chong na itext ang sinasabing ‘Alfred’
ng babae. Pagkatapos magtext ay dumiretso sa iba pang mensahe ang phone. Doon
niya nakita ang mensahe ng ‘Alfred’ para sa babae.
“Babe, wala ‘yan sa
plano. Hindi kita matutulungan diyan. Gawin mo ang gusto mo…” Iyon ang kaisa-isang mensahe na
nanggaling sa contact na ‘Alfred’. Maski ang mga mensaheng ipinadala ng babae
sa contact na iyon ay nakabura. “Bakit ganoon? Anong plano? Anong gusto?” Lalong
hindi mapalagay si Chong sa kung anong nangyayari.
Humahangos na bumalik si Chong sa kwartong nahahati lamang ng
tela para sa bawat pasyente. Nakita niyang kalmado na uli ang babae’t inaayos
na lamang ng nurse ang pagkakabalot ng kumot sa kanya. “Okay na po siya,
binigyan ko na po siya ng pampakalma…”
Ningitian ni Chong ang nurse na iba sa unang umasikaso sa
kanila. “Maraming salamat…” Tuluyang umalis ang nurse.
Matamang tiningnan ni Chong ang babae. Sa labas ng ginawang
pantabing ay dinig ang ingay ng mga nagmamadali’t nangangambang mga tao, ngunit
lahat ng iyo’y binalewala ni Chong. Magulo ang isip niya, at ang laman ng
magulo niyang isip ay tungkol lahat sa babaeng nasa harap niya. “Alfred? Hindi kaya…”
Ibinalik ni Chong ang Iphone sa shoulder bag. Saka nahagip ng
kanyang mata ang ID ng babae. Tama siya, sa isang mamahaling unibersidad
nag-aaral ang dalaga. Kilala rin naman ang unibersidad na pinapasukan nila ni
Fonse, ngunit siya’y nakakapasok lamang doon dahil sa perang bigay ng
kamag-anak.
“Sandra…Altamirano?” Bumalik ang tingin ni Chong sa mukha
ng dalaga. “Sandra Altamirano ang pangalan niya…”
Ipinasok uli sa bag ni Chong ang ID, saka niya nasalat ang
tila isang ulo ng bote. Inilabas niya’t nakita ang mga halamang gamot na
nakababad sa kulay-langis na likido. Inikot ni Chong ang bote’t binasa ang
papel na nakatatak sa harap nito. Nanlaki ang kanyang mga mata.
“PAM…PAREGLA?...”
-------------------------------------------------------------------
“Pasensiya na’t naghintay ka…” Ini-lock ni Fonse ang kanyang
seatbelt at sinindihan ang makina ng kotse. Kinausap niya ang babaeng katabi ng
hindi tinitingnan.
“Okay lang, hindi ka naman masyadong matagal…” Ngumiti ng
pagkatamis-tamis si Mylene. Maski ang kanyang mga mata’y tila ngumingiti rin.
Lumingon si Fonse kay
Mylene at tinitigan lamang niya ang babae. Unti-unting bumuka ang kanyang mga
labi at siya’y natulala.
“Oh nandito na pala si Fred…” Medyo gulat na sabi ni Mylene,
ngunit mas bakas ang pagkagulat sa mukha ni Fonse na tila nagising sa isang
panaginip. Liningon niya ang kakambal. Nakita nila si Fred na paakyat ng hagdan
papasok sa mansiyon ng mga Santiago’t may kasamang babaeng ngayon lamang nakita
ni Alfonse.
“Would you mind me asking? Nasaan si Sandra…” Nilingon ni
Chong ang nagtanong na si Mylene. “…hindi ba si Sandra ‘yung fiancée ni Fred…”
Maski si Alfonse ay napa-isip. “Yes, si Sandra nga ang
fiancée ni Fred. Hindi ko lang alam kung bakit…” Tiningnan uli niya ang
kakambal. Humihigpit ang kanyang kapit sa manibela. Nagtama ang tingin ng
kanilang mga matang parehas ng anyo. Ang mga singkit na mata ni Alfonse ay puno
ng pagtatanong habang ang mga singkit na mata ni Alfred ay puno ng
pang-iinsulto. “…baka kaibigan lang ni kambal…”
Saka inakbayan ni Fred ang babaeng kasamang umaakyat sa
hagdan. “…kung alam lang ni Mylene …”
Ibinaling ni Mylene ang kanyang tingin mula kay Fred kay
Fonse. Ang kanyang malalaki at mapupungay na mga mata’y naghahanap ng sagot.
Iniwasan ni Fonse ang tila nag-aapoy na tingin ni Fred. “Saan
mo gustong kumain…” Ngumiti siyang pilit.
“…Kahit saan…” Ngumiti ng magiliw si Mylene.
“What’s that…” Napalingon si Alfonse sa katabi. Nakita niyang
nakatingin si Mylene sa kanyang pitaka sa bulsa’t nakakunot ang noo. “…What’s
that on your keychain?”
Napangisi si Alfonse, hinugot niya ang kanyang pitaka at
ini-abot kay Mylene. “Magnet ‘yan, magnet keychain…” Lalong kumunot ang mukha
ni Mylene habang hawak-hawak ang palawit na keychain. “Binigay lang sa akin ‘yan…”
Para siyang batang pangiti-ngiti. “…Binigay
sa akin ‘yan ng isang baliw na tao bilang monthsary gift…” naisip niya
sanang sabihin.
“I can’t believe na may magreregalo sa’yo nito..” Ibinalik ni
Mylene kay Fonse ang pitaka. “…it’s not something you would want to receive as
a present…”
Napahalakhak ng marahan si Fonse. “Actually, ibinigay ‘yun sa
akin para inisin ako…”
Napatingin si Mylene sa
katabi. “Kaaway mo nagbigay sa’yo nito?”
“Hin…de…” Kasabay nito’y umiling si Fonse. Napangiti siya
nang maisip na sabihing boyfriend niya ang nagbigay ng katatwang regalo na
‘yun. “…Binigay ‘yan ng closest friend ko…very close…”
Napataas ang kilay ni Mylene. “He must be a very odd person…”
“Yes, a very odd,
extraordinary, special person…” Lalong napangiti si Alfonse.
Mabagal na tinahak ng kanilang magarang sasakyan ang kalsada.
Tumatapik ang palad at mga daliri ni Fonse sa manibela habang palinga-linga sa
babaeng katabi. Tutok na tuok ang mga mata ni Mylene sa kanyang cellphone
habang nagchecheck ng updates sa Facebook.
“Alam ko na kung saan tayo kakain…” Halata ang excitement sa
tono ni Alfonse. Hindi siya pinansin ng dalaga. Nanatiling nakatutok ang mga
mata ni Mylene sa kanyang cellphone.
“Mylene…” Kinalabit na ni Fonse ang katabi.
“Oh?” Patuloy pa rin ang pagpindot ni Mylene sa touchscreen
niyang phone.
“Sabi ko, alam ko na kung saan tayo kakain…”
Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Mylene. “Saan?”
Inihinto ni Fonse ang sasakyan sa tabi. “Diyan…” Ininguso
niya ang tindahan ng mga fishball at mga barbecue. “…Fishball, tapos hanap
tayong balot…”
Kung ano ang ningning ng ngiti si Alfonse ay siyang namang
lukot ng mukha ni Mylene. “Balot? You’re eating balot?”
“Oo, balot…” Tila nagmamalaking sagot ni Fonse. “…Subukan mo,
masarap. Hindi rin ako kumakain dati, pero nasarapan na rin ako…”
Hindi maipinta ang mukha ni Mylene. “Uhmmm, pwede sa
Starbucks na lang. Kahit na frappe lang, okay na sa akin. Please?”
Tinitigan lamang ni Alfonse ang mukha ng katabi. Hindi niya
maiwasang mahumaling sa mga malalaki’t mapupungay na mga mata ni Mylene.
“Ah…sige…”
Pinakasuring mabuti ni Alfonse ang menu na kanyang hawak. Hindi
pinalampas ng kanyang paningin ang bawat pagkaing may katatwang pangalan.
“…itong Warm Duck Graton Salad with Garlic and Vinegar Vinaigrete…” Itinuro pa
niya sa waiter na nasa kanilang tabi ang kanyang binabasa. “…tsaka Braised Ox
Tongue, sa’yo Mylene?”
“It’s actually my first time here…” Halata ang walang kasiguraduhan
sa mukha ni Mylene. “What can you recommend?”
Napangisi si Alfonse. “Actually, unang punta ko lang rin
dito…” Sapo-sapo niya ang kanyang ulong tila kinakamot ito.
“Talaga…” Tiningnan ni Mylene ang kaharap na nanlalaki ang
mga mata. “I thought favorite mo ‘yung mga dishes na in-order mo. You sounded
like you’ve eaten them for the nth time…”
“Ah, no, I just want to try them…” Ibinigay ni Alfonse ang
menu sa waiter. “Tutal mukhang masarap naman ‘yung pangalan…” Napahalakhak siya
ng marahan.
Ibinalik ni Mylene ang kanyang tingin sa menu. “Uhmmmm, just
Caesar Salad and Carbonara…”
Kumunot ang kilay ni Alfonse. “Ayaw mong magtry ng iba? Pasta
ba gusto mo? Bakit hindi na lang Tortellini, dapat ‘yun i-oorder ko eh…”
“No, thanks, just fine with that…” Ngumiti ng pilit si
Mylene.
“Ah, sige…” Humarap si Fonse sa waiter. “ ‘Yun lang tsaka
bottle of wine…”
Perpekto ang lugar na iyon para sa mga magkasintahan. Kulay
pula ang mga dingding nito na pinaganda ng mga eleganteng detalye ng puting
scrolls. Ang bawat mesa’y naiilawan ng malamlam na dilaw, na lalong nagpatindi
sa init na hatid ng napakarimantikong
lugar. Sa paligid ay dala ng malamig na hangin ang samyo ng mga kulay-rosas na
bulaklak na palamuti ng bawat mesa.
“Ang ganda ng ambiance ng resto na ‘to ano…” Luminga-linga si
Fonse sa paligid.
“Yes…” pagsang-ayon ni Mylene. “…It was so romantic…”
Napatingin si Fonse sa babaeng kaharap. Hindi nakaligtas sa
kanyang paningin ang mga labi ni Mylene na napakapula’t makapal. Saka siya
napangisi… “Alam mo ba kung bakit attractive ang kulay pula?”
“Ha?” Tila nagulat si Mylene sa tanong. Ilang saglit pa’y
tila nakuha na niya ito. “Bakit?”
Napangiti ng buo si Alfonse sa narinig. “Kasi, kulay pula ang
genitals nga mga tao kapag naarouse…”
Lalong lumaki ang mga mata ni Mylene. Tila pinamulahan rin
siya ng mga pisngi sa narinig.
“…Kasi diba kapag naaarouse tayo, bumibilis ‘yung daloy ng
dugo sa katawan natin, kaya ‘yun. Malamang ‘yun ang dahilan kung bakit pula ang
kulay ng mga dingding dito…” Ibinaling ni Fonse ang tingin sa dalaga. Nahalata
niya ang pamumula ng kaharap at ang pag-iwas nito ng tingin. Tila nabilaukan si
Alfonse ng tumimo sa kanyang isipan ang kanyang mga sinabi. “I’m…I’m sorry
Mylene. Have I offended you?”
Ngumisi si Mylene, halata sa mukha niya ang pagka-ilang.
“Nope, not at all. Ganon pala ‘yun…”
Itinigil ni Fonse ang kanyang sasakyan sa gilid ng malaking
gate ng bahay nila Mylene. Paglingon niya’y natutulog na ang dalaga, nakahilig
ang ulo sa sandalan at sa bintana nakatutok ang mga matang nakapikit. Napangisi
siya sa nakita.
“Mylene, andito na tayo….”
Ibinaba niya ang kanyang tingin at nakitang umiilaw ang
Iphone ng katabi at may tumatawag. Hawak itong mahigpit ni Mylene na tila ayaw
bitawan. Numero lamang ang ipinapakita ng cellphone at walang pangalan. Ilang segundo
lamang ang nagtagal at pinatay din ang tawag. Inaninag ng mabuti ni Alfonse screen
ng cellphone.
“Teka babae ba ‘yan o
lalaki…” Nasabi ni
Fonse ng makita ng malinaw ang wallpaper. Isang taong nakamohawk ang nasa
larawan at katabi ang isang babaeng nakatakip sa mukha ang buhok.
Papungas-pungas na gumising si Mylene. Kaagad na inilayo ni
Fonse ang kanyang tingin sa cellphone. “Ah, andito na tayo…”
Gayon pa rin ang ayos ng hardin. Ang walkway ay nananatiling
malinis. Nalalanghap pa rin sa paligid ang samyo ng mga bulaklak. Ang mga
puno’y nananatiling nakatayo ng matayog at mapagmalaki.
Tanging laman lamang ng isipan ni Fonse ang nagbago, maski
ang langit na ikinukubli ng mga ulap na nagbabadya ng isang bagyo.
“Fonse, gusto mo ba ako…”
Napatingin si Alfonse sa katabi na tila nagulat. “Oo naman,
gusto kita…”
Napangisi si Mylene sa narinig. “Bakit mo ako gusto?”
Napakagat labi si Alfonse sa pamilyar na tanong na iyon. “Bakit kita gusto? Anong bang dahilan na
pwedeng ibigay? Hindi ba eepekto sa kanya ‘yung mga dahilang ‘You gave a new
dimension a my life’? Katulad ba siya ni Chong?” Hindi niya maiwasang
napangiti sa kanyang naiisip.
“Fonse…”
“Ah…” Nag-isip sandali si Fonse. “Wala… Gusto kita kasi wala.
Bigla ko na lang naramdaman na gusto kita…”
Pinamulahan ng pisngi si Mylene.
“Epektibo pa rin pala…”
Nasabi ni Fonse sa sarili habang natatawa.
“Bakit hindi mo suot ang engagement ring natin?” Dinig sa
tono ni Mylene ang pag-aalala at pagtatampo.
Nanlaki ang mga singkit na mata ni Alfonse na tila nahuling
gumagawa ng krimen. Sandali niyang kinapa ang bulsa ng kanyang polo sa harap at
dinukot mula dito ang singsing. “Eto ‘no…” Ngumiti siya’t sinuot ang singsing.
Hinawakan ni Mylene ang kamay ni Alfonse at pinagmasdan ang
singsing. “ ‘Wag mo na ulit huhubarin ‘yan ah…” ang tila bata niyang sambit.
Ningitian lamang siya ni Alfonse.
Patuloy niyang hinawakan ang kamay ni Fonse. “I once had
boyfriend. Hindi alam nila…Lolo…I know they would object. Everytime I’m with
him, I’m very happy, very, very happy. He makes me feel that this world is very
beautiful. I thought he was my forever. But…” Natigil sa mabagal niyang
paglalakad si Mylene.
Maski si Fonse ay natigil din. Tiningnan niya si Mylene na nakatingin
sa kawalan.
“…but, I just found out one day he’s going to be married…”
Dama ni Alfonse ang humigpit na hawak ni Mylene sa kanyang
kamay.
Nagpatuloy sa paglakad si Mylene. Ang kanyang hawak sa kamay
ni Fonse ay naging yakay sa braso ng lalaki. “Hindi ko alam kung anong gagawin
ko nun. Hindi ko pwedeng sabihin kila Lolo, or else I would disinherited. It
was really painful, I don’t have anyone to tell it about. Feeling ko I was
dying…”
Tila walang buhay na naglakad si Alfonse, ang kanyang isip ay
lumilipad kasama ng malayang ihip ng maalinsangang hangin. “Sigurado ako masasaktan si Chong. Masasaktan siya. Kailangan ko ng
sabihin kay Chong ang lahat…”
Hinarap ni Mylene si Fonse at hinawakan niya ang dalawang
kamay ng lalaki. “…but then you came. Thank you…”
“…Ayokong masaktan si
Chong…Ayoko…”
Tumingkayad si Mylene at hinalikan sa labi si Alfonse.
Hinawi ni Mylene ang kanyang buhok. “Sige, Alfonse, thank
you. I really enjoyed our dinner…” Tinahak ni Mylene ang walkway papunta sa
kanilang bahay.
Nanatiling nakatayo si Alfonse sa kawalan. Ang kanyang mata’y
tila pinanawan ng sigla. Ang kanyang katawa’y tila namamanhid.
“Bakit? Bakit ganito
ang nararamdaman ko? Hindi ko maintindihan…”
Done.reading!!!!!..Awesome.chapter!!
ReplyDeletegonna.wait.for.the.next.one.thanks.sir.lipo!!
appreciate.the.story.a.lot!!!.:D
-Kio
Wahahaha, THANK YOU!!!
DeleteI'll try to update it sa Thursday o sa Friday...XD
Ang sipag mag-update ah. Hehehe. Basa muna.
ReplyDelete-james
Kasi nga gusto ko na 'tong matapos!!!! XD
DeleteSana nga matapos mo na without sacrificing the essence of the story. Napaka-unpredictable ng kwento. Di mo alam susunod na mangyayari which makes it more exciting. Very differeny from cliche teleseryes on tv.*Wink. Lol
DeleteWell, I'll try. Kaso may isang cliche na mangyayari eh...XD
DeleteKawawa si Chong at si Sandra..Dahil lang sa dalawang tao na ibeninta nila ang sarili for bigger things. Sorry Mr Author for my language...This is a very good unusual story. Thank you for sharing it. May God Bless You.
ReplyDelete