Author's note...
Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!
Love, Stranger ni Gabriel A. Montenegro. Ang love story ni Ray at Rome. Ang dalawa ay nagkita sa isang tour. Completely, hindi sila magkakilala. Pero kahit ganoon, parehas na sawi sa pag-ibig ang dalawa. Ang tanong lang, magkakatuluyan kaya ang dalawa kahit hindi sila magkakilala? Magiging hadlang ba ito sa kanilang pagmamahalan? At kelan ang BS? Joke. Maganda ang story na ito guys kaya basahin ninyo. Kung matagal na kayo nag-aabang sa update niya, basahin niyo ng advance sa Wattpad. May link siya sa kanyang story.
So guys, remember Officer Christian at Officer Geoffrey? Sila iyung mga pulis para tulungan si Ren sa mga kaso na nangyari sa kaniya. At sa susunod na update, malalaman natin ang storya ng mga pulis na ito. Hilig ko sa side story. Heto na po ang Chapter 31.
Love, Stranger ni Gabriel A. Montenegro. Ang love story ni Ray at Rome. Ang dalawa ay nagkita sa isang tour. Completely, hindi sila magkakilala. Pero kahit ganoon, parehas na sawi sa pag-ibig ang dalawa. Ang tanong lang, magkakatuluyan kaya ang dalawa kahit hindi sila magkakilala? Magiging hadlang ba ito sa kanilang pagmamahalan? At kelan ang BS? Joke. Maganda ang story na ito guys kaya basahin ninyo. Kung matagal na kayo nag-aabang sa update niya, basahin niyo ng advance sa Wattpad. May link siya sa kanyang story.
So guys, remember Officer Christian at Officer Geoffrey? Sila iyung mga pulis para tulungan si Ren sa mga kaso na nangyari sa kaniya. At sa susunod na update, malalaman natin ang storya ng mga pulis na ito. Hilig ko sa side story. Heto na po ang Chapter 31.
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21 | Chapter 22 | Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27 | Chapter 28 | Chapter 29 | Chapter 30
Chapter 31:
Give Love to Strangers
Aulric's POV
「1 month ago...
“Kriiiiing!"
Bigla akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock na
malapit sa akin. Kahit hindi ko matukoy kung saan ito, bigla na lang itong
nanahimik. Nakakabingi pa naman ang ingay ng alarm clock.
May naramdaman naman akong mga ilang daliring nakalapat sa
leeg ko. Pagkatapos ay tumunog ang aking tiyan at ang tiyan ng isa pa. Teka?
Nakakain ba ako ng hapunan? Asaan nga pala ako ulit?
Pagkadilat ng mata ko, nakita ko din na idinilat ni Zafe
ang kanyang mga mata. Nasa ibabaw na pala niya ako. Hindi ko alam. Ang ganda ng
pakiramdam ko ngayon. Mukhang natulog ako ng kalahating araw. Medyo masakit na
nga ang mga mata ko dahil sa maraming magagandang bagay akong napanaginipan.
Pero hindi ko naman matandaan kung ano ang mga magagandang panaginip na iyun.
Basta maganda.
“Ang bigat mo naman kahit maliit ka," sabi ni Zafe.
Umayos ako ng upo sa ibabaw niya at buong lakas na
pinag-untog ang mga ulo namin.
“Aray!" sigaw niya.
“Mabigat pala huh?!" asik ko.
“Ngayon naman, ang tigas ng ulo mo!"
“Ulo mo kaya din. Matigas. Nahihilo nga ako ohh?"
Nasapo ko ang aking ulo makalipas ng ilang segundo.
Parehas naman kaming napatingin sa bintana ng kwarto niya.
Malakas ang buhos ng ulan sa labas. Mga ilang oras na kaya na umuulan? Bumaha
na kaya sa amin?
“Zafe, gusto ko ng maligo," daing ko nang ibinaling ko
ulit ang tingin kay Zafe.
“Ehh, di maligo ka."
“Wala akong damit."
“Problema ba iyan? Ehh, di huwag kang magdamit."
Muling hinawakan ko ang ulo ni Zafe. “Masubukan nga kung
gaano katigas ang ulo mo?"
Pilit na inilalayo ni Zafe ang ulo ko. “Oi, huwag na
nga."
“Gago ka kasi!" asik ko. “Ayaw mo akong pagdamitin!
Seryoso ka?"
“So, magtatanong pa ba ako kung nakatulog ka ng
maayos?"
Napaiwas ako ng tingin. “Umm, oo. Nakatulog ako ng maayos.
S-Salamat. Nakapanaginip tuloy ako ng maganda kagabi."
Kita kong Inabot ni Zafe ang phone niya na nasa gilid lang
ng alarm clock. “Pwede bang ulitin mo iyung sinabi mo kanina? Ire-record ko
lang."
Mahigpit na hinawakan ko ulit ang ulo niya at hinarap siya.
“So, ano? Iuuntog ko ba ulit ang ulo ko sa ulo mo?"
“Teka, teka, teka?! Hindi ko na ire-record. Pipiktyuran na
lang kita na nakaupo sa ibabaw ko." Itinutok na lang niya sa akin ang
phone.
Inilagay ko naman sa leeg niya ang mga kamay ko. “Hindi ko
na lang iuuntog ang ulo ko sa ulo mo. Sasakalin na lang kita."
“Ano ba?! Pwede bang huwag mo na lang ako bantaan?!
Napaka-memorable ng mga nangyayari ngayon tapos ayaw mo?!" angal niya.
“Isang piktyur lang naman ehh."
“Ayoko."
“Ehh, di huwag! Problema. Alis ka na nga diyan sa ibabaw
ko? Gutom na gutom na ako," reklamo niya.
“Paano naman kasi ako? Gusto kong maligo."
“Kumuha ka na nga lang ng damit sa aparador ko. Alis na. O
baka gusto mo na sabay pa tayong maligo?"
Gusto kong bigyan siya ng pabuya dahil sa mga nangyari.
Kaya hinalikan ko siya sa labi. Ako na ang nag-initiate ng halik dahil alam
kong doon siya matutuwa at hindi niya siguradong uulitin ang humalik sa akin
dahil sa takbo ng mga nangyayari ngayong araw. Medyo mapusok ang paghalik kong
iyun na sinagot din niya.
Nasira lang ang moment naming dalawa dahil sa naramdaman
kong pumasok ang kamay niya sa suot kong shorts at pinisil-pisil ang aking
puwitan.
Nang natapos na ang halik, inilagay ko naman ang aking mga
kamay sa leeg niya at hinigpitan ang paghawak dito.
“Ano bang meron sa puwet ko? Pwede bang alisin mo ang kamay
mo? Panira ng moment yang pangha-harass mo sa akin ehh," naiirita kong
saad.
Nang lumabas na siya ng kwarto, pumasok ako sa banyo na nasa
kwarto niya. Hinubad ko ang aking mga damit at binuksan ang shower. Ang lamig
ng bawat patak ng shower niya.
Habang naliligo ay saka ko lang napansin ang isang malaking
salamin sa likod ko. Ang salamin na ito, laging nakikitang nakahubad si Zafe.
Lumapit ako sa salamin at inilapat ang aking daliri dito.
Halos nagkasalubong nga ang aking daliri sa salamin. Hindi ito salamin na may
bagay pang nanonood sa kabila.
Tumingin pa ako sa paligid kung may bagay pa akong pwedeng
ipang-asar sa kaniya. Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala akong mahanap.
Hay! Ewan!
Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagligo nang biglang
lumipad ang aking isip. Iniisip ko na sabay kaming naliligo ni Zafe sa banyong
ito. Nakayakap siya sa akin at naghahalikan kami. Maya-maya ay pinatay ni Zafe
ang shower. Kumuha si Zafe ng sabon at sinabon ang aking likurang katawan
habang nakatalikod ako sa kaniya. Humahalik pa siya sa aking likuran bago niya
ito sabunan.
“Hah! Zafe, ahh!" ungol ko na maririnig sa paliguan.
Ihinarap ako ni Zafe at muling naglapat ang mga mapupusok
naming labi. Maya-maya ay naramdaman ko ang kanyang kamay sa balikat ko na
bumibigat. Gusto niya akong lumuhod at sinunod ko naman iyun.
Bago ko pa itinuloy ang aking imahinasyon, nakapagpalabas
na ako ng masaganang protina mula sa katawan. Naputol na ang iniisip kong
sitwasyon at hinabol ang aking hininga. Ewan ko pero, ang dating pakiramdam ko
na maganda ay mas lalo pang gumanda. Ilang taon na ba na hindi ko ito ginagawa?
Lumabas na ako ng banyo habang nakatapis. Kumuha lang ako
ng mga damit sa aparador ni Zafe at isinuot ito. Gaya nga ng inaasahan, medyo
maluwag ang mga damit niya para sa katawan ko. Hindi bagay pero ayos na ito.
Nang bumaba ako papunta sa kusina, nadatnan ko si Zafe na
nagluluto. Nakita ko din naman si Ricky na nakaupo sa hapag-kainan. Hindi ito
makapaniwalang tumingin sa akin na akala mo'y multo ako.
“Bakit Ricky? May problema ba?" pasupladong tanong ko.
“Wala naman," iling ni Ricky.
Nang oras na ng kainan, hindi pa rin tinitigil ni Zafe ang
makipagharutan sa akin. Hindi rin naman ako tumigil na tumutol sa mga
pinaggagagawa niya. Pero ang pagkaing niluto niya, ang sarap. Ilang servings na
ba ng kanin ang kinain ko? Hindi ko na mabilang. Basta! Marami akong nakain.
Ilang minuto ang lumipas nagpatuloy na ako sa panonood ng
Avatar. Hindi naman ako makapag-concentrate na manood dahil sa mga tingin niya
sa akin. Nakangiti pa nga ang loko.
“Zafe, tigilan mo nga iyang tingin mo sa akin. Parang may
masama kang binabalak," reklamo ko.
“Wala naman akong binabalak na masama. Masaya lang
ako," ngiti niya. “Aulric, mangako ka nga sa akin."
“Nang ano?"
“Na ipagpatuloy ang ganyang ugali mo sa akin. Hindi ko
maipaliwanag kung bakit ko nagugustuhan iyang ugali mo. Pero kasi, kahit na
nasasaktan ako physically, okay lang sa akin. Kaysa ang puso ko ang masaktan.
Aulric, kung ang takot mo ay matulad ako sa mga naging kaibigan mo, na dadaan
lang para magamit ka, ako naman, ganoon din. Na dadaan ka lang sa buhay ko
dahil gusto mo lang akong gamitin. Pero mukhang hindi ganoon ang nangyayari sa
ating dalawa. Hindi nga tayo magkaibigan 'di ba? Kaya Aulric, sana, forever ng
hindi magbago iyang ugali mo. Gusto kita. Gustong-gusto. At sana, huwag mong
gawing reyalidad ang kinakatakot ko."
“Sure," pagpayag ko. “Iyun nga din kaya ang gusto ko.
Ang ayokong magbago. Kaya habang buhay na lang kitang magiging kaibigan."
“With benefits?"
“Huwag ka ng umasa."
Kinuha ni Zafe ang kamay ko at hinalikan iyun. Hindi naman
ako nakatiis sa kasweetan at sinuntok ko siya ng marahan sa mukha. Zafe, sana
nga, matanggap mo talaga kung sino ako.
Tuwang-tuwa naman ako habang naglalakad pauwi ng bahay.
Natapos ko din sa wakas ang Avatar. Ang ganda ng kwento. Sana magkaroon ako ng
pagkakataon na mapanood ang Legend of Korra. Iyun daw kasi ang pangalawang
Avatar sabi ni Zafe.
Nang papasok na ako ng bahay, natigil lang ako nang may
nakita akong ekstrang mga panyapak ng paa sa labas ng bahay. Mukhang alam ko na
kung sino ang nagbabalik.
Pagpasok ko, hindi nga ako nadismaya kung sino ang nakikita
ko. Si tatay. Kumakain siya ngayon sa hapag-kainan namin.
Lumapit naman ako dito at ipinakita ang pinakapeke kong mga
emosyon para sa taong ito. Nagmano na muna ako pero hindi man lang to umimik.
Sinenyasan ko naman si nanay na gusto ko siyang kausapin at pumunta sa kwarto.
“Mukhang masyadong malaki para sa iyo ang damit na iyan
Aulric," saad ni nanay matapos makapasok sa kwarto ko.
“Damit po kasi ito ni Zafe. Pinahiram niya lang ako,"
pagkaklaro ko. “Balik po tayo kay tatay. Ano na naman po kaya ang kailangan
niyan? O baka ang tamang tanong ay kung ano na naman po ang mawawala dito sa
bahay?"
“Anak, huwag kang magsalita ng ganyan sa tatay mo,"
pagmamakaawa ni nanay. “Kahit anong mangyari, tatay mo pa rin iyan. Sa kaniya
galing iyang dugo't laman mo. Respetuhin mo naman siya."
“Alam mo nay, nagbago na po ang isip ko sa isang bagay.
Payag na akong maging kabit po kayo ni Henry Blaine Lord-Melbone Harshebroocke
Clamor. Wow! Nakabisado ko iyung mahaba niyang pangalan? Mas mabuti pong maging
kabit na lang kayo kesa naman magpakamartyr kay tatay."
“Anak, nagbago na siya," giit pa ni nanay.
“Na naman? Nagbago na po siya? Hindi niyo po ba natatandaan
na noong isang taon, ang pinakamamahal niyong locket na may relo na minana mo
pa sa nanay ninyo ay pinag-interesan ni tatay? Ngayon po, asaan na? Binenta.
Natandaan niyo po ba noong isang buwan na bumalik siya? Ano nga po ba iyung
ninakaw niya? Iyung tinatago niyong alahas na ewan ko kung peke o tunay, basta
ewan! Ngayon po? Asaan na? Binenta. Ngayon naman po kaya, ano ang kukunin ni
tatay?"
“Bigyan mo naman siya ng pagkakataon Aulric? Sige na. Kahit
para sa akin na lang?"
Nasapo ko na lang ang aking ulo sa pakiusap ni nanay. Hay
nako! Kahit ano naman ata ang sabihin ko, igigiit at igiiit pa rin ni nanay ang
gusto niya. Bahala na.
Bumuntong-hininga ako. “Sige po. Kung iyan ang gusto
ninyo."
Ngumiti si nanay. “Salamat anak. Salamat at pinagbigyan mo
si nanay mo." Lumapit sa akin si nanay at niyakap ako. Sa totoo lang po,
huli na po ito nay.
“Oo nga pala nay, pahiram po nung iPhone ninyo. May tinuro
kasing isang bagay sila Zafe at Ricky sa akin na ngayon ko lang naalala."
Kinuha ni nanay ang phone sa bulsa niya at binigay sa akin
na tinanggap ko. Nagkalikot lang ako ng ilang bagay sa phone.
“Siya nga pala anak, gutom ka pa ba? Gusto mong ipaghanda
kita ng pagkain?"
“Busog pa po ako nay," pagtanggi ko. “Kumain po kasi
muna ako kila Zafe bago umuwi. Samahan niyo na lang po si tatay. Baka kung ano
pa po ang mawala sa bahay natin habang nag-uusap tayo. Mahirap na."
Bumuntong-hininga na lang si nanay at umalis. Pinagtuunan
ko naman ng pansin ang phone ni nanay. Ang alam ko, ganito ang ginawa ni Ricky
sa phone niya? Hmm, gagana kaya ito? Napakabilis kasi ni Ricky magsalita pero
nasasabayan ko naman ang mga kamay niya.」
Zafe's POV
「1 month ago...
Nagulat naman ako nang nakita kong narito na ang mama at
papa ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakaalis na si Aulric. Buti kamo at
natapos na niyang panoorin ang Avatar.
Lumapit ako sa kanila at walang paalam na niyakap ang aking
mga magulang. Gumanti naman din sila ng yakap.
“Magandang gabi po tito, tita," bati ni Ricky sa mga
magulang ko.
“Magandang gabi din Ricky," bati din ni mama. “Malapit
na ang bisperas ng pasko. May ginawa ka na naman bang kalokohan sa mga magulang
mo?"
Hindi na siya nakasagot at napakamot na lang si Ricky sa
ulo. Totoo naman kasi. May ginawa siyang kalokohan kaya narito.
Tumawa ng payak si papa. “Kung ako sa iyo Ricky, umuwi ka
na. Iyun ang sabi ng papa mo sa akin kapag nadatnan daw kita dito sa
bahay."
“Sige po. Babalik po ako sa amin matapos ang ilang paalala,
ninong."
Natawa na lang ng payak ang mga magulang ko. Oo nga pala.
Ang mama at papa ko ang mga ninang at ninong ni Ricky.
“Hindi namin ibibigay hangga't hindi ka umuuwi sa inyo.
Okay?" saad ni papa.
Sumimangot na lang si Ricky at mabilis na umalis ng bahay.
Tumawa ulit ang mga magulang ko at pumasok na sa loob.
“Hay nako! Buti na lang anak at hindi ka naimpluwensyahan
ni Ricky," saad ni papa nang nasa loob na kami ng bahay. Kasalukuyang
namamahinga siya sa sofa at binibigyan ko siya ng masahe sa likod.
“Zachary, pabor na pabor pa nga kapag naging ganoon din ang
ugali ng anak mo. Magkakaroon tayo ng tagapagmana instantly," saad ni
mama. “Zafe, anak, ako naman kaya ang masahiin mo?"
Lumapit na ako kay mama at siya naman ang minasahe ko.
Magsasalita na sana ako nang mag-usap ang dalawa tungkol sa trabaho. Pinasensyahan
ko lang sila hanggang sa makakuha ako ng pagkakataon.
“Zafe, ano nga pala ang bagong number mo?" tanong ni
mama. “Hindi mo pa naibibigay sa amin ang bago mong number."
“Ilalagay ko po mamaya," sagot ko. “Siya nga pala
papa, mama, nasiraan din po ba kayo ng phone?"
“Hmm, oo anak," sagot ni papa habang tiningnan ang
sariling phone. “Napakalaking perwisyo ang dinulot nung malawakang pagkasira ng
phone. Muntikan na akong ma-late sa ilan kong mga appointments. Buti na lang at
nasiraan din pala ng phone ang katagpo ko. Kasalukuyang iniimbestigahan ang mga
phone companies at baka sila ang may pakana. Pero itinanggi nila ang paratang
dahil ngayon lang naman daw na nangyari ang ganoon. Hmm, sino kaya ang may
kasalanan sa nangyari?"
“Maniwala ka doon Zachary? Hindi nila gawa iyun? I highly
doubt it," sabat ni mama. “Ahh! Zafe, ang sarap ng ginagawa mo. Ituloy
mo."
“Pero hindi pa naman iyun napapatunayan na sila ang may
gawa hindi ba? Hanggang ngayon, walang mga pruweba o ebidensya iyung mga
nagsampa ng kaso."
“Ang maganda lang nito ay natigil na ang pagkasira ng mga
phone. Sana nga lang ay hindi maulit iyun."
“Siya nga pala Zafe. Kumusta ang pag-aaral?" tanong ni
papa.
“Okay naman po. Napagsasabay ko pa rin po ang paglalaro at
pag-aaral," sagot ko. “Sa ngayon, minsan ako ang nasa top, minsan hindi,
minsan ako, and so on. Pero hindi naman po ganoon kaimportante iyun sa
college."
“Wow! Great job anak," puri ni papa. “Dati rati, hindi
ka napapasali sa mga top. Ngayon ka lang nagsipag. May inspirasyon ka siguro
ano? Sino nga pala ang kasunod mo?" Ang inspirasyon ko po ehh iyung
kinaiinisan niyong tao.
“S-Si Aulric po," nag-aalangan kong sagot.
Natahimik saglit si papa. “Iyung bastos na taong pumasok sa
bahay natin?"
“Zachary, paano mo naman nasabi na bastos?" tanong ni
mama na napapikit na sarap kong magmasahe.
“Papa, hindi naman po bastos iyung si Aulric. Pinapakita
lang niya kung ano talaga siya. Ayaw niya po kasi sa ibang mga tao. May
pinagdadaanan lang po siya," paliwanag ko.
“Nako Aulric! Kahit ano pa ang sabihin mo sa akin, ayoko sa
taong iyun. At dahil diyan, ayoko ng papasukin siya sa pamamahay natin kahit
kailan. Banned na siya dito!" galit na wika ni papa. Nako! Na-high blood
na.
“Siya nga pala anak? May nobya ka na ba?" biglang
tanong ni mama sa malambing na tono.
“Wala pa po ma," mabilis na sagot ko.
Natawa na lang ng payak si mama. “Napakabagal mo naman
talaga anak. Bakit hindi mo gayahin ang best friend mong si Ricky?
Paminsan-minsan na nagdadala ng babae sa bahay nila. Ikaw kaya, kelan mo ba
gagawin iyun?"
“Felicia, hindi nakakatuwa iyang sinasabi mo," naiinis
na sabat ni papa. “Okay na maging best friend niya si Ricky. Basta huwag lang
niyang gayahin ito sa mga pinaggagagawa sa buhay. Biruin mo, kay bata-bata pa,
nawala agad ang pagkabirhen."
”Nako naman Zachary! Medyo may edad na tayo. Kahit na hindi
naman tayo sakitin, baka naman sa ibang paraan tayo kunin ng nasa itaas. Kaya
excited na ako na magkaroon ng apo."
“Huwag ka naman magsalita ng ganyan Felicia!"
“Oo nga po ma. Huwag naman po kayo magsalita ng ganyan na
parang gusto niyo na kunin na kayo agad ni Lord," sabat ko.
Nang natapos na ang pagmamasahe ko kay mama, nagpaalam ako
sa mga magulang ko na aakyat ng kwarto. Agad na nagpakawala ako ng malalim na
hininga nang pumasok ako sa kwarto. Kanina lang, ang saya-saya ko talaga sa
tuwing papasok na ako sa kwarto ko. Kanina lang.
Umupo naman ako sa harapan ng aking PC at tiningnan kung
nakakapasok na ako sa Facebook. Napabuntong-hininga na lang ako nang hindi pa
rin ako makapasok. Ano kaya ang nangyari sa Facebook ko at hindi ako
pinapapasok?
Buntong-hininga, buntong-hininga, buntong-hininga, ito na
lang ba ang gagawin ko buong gabi? Na-depress ako bigla. Kahit na dapat ay
matuwa ako dahil nandito na ang mga magulang ko, sana bumalik dito si Aulric.
Kaso, ito naman kasi si papa, nagalit agad sa kaniya. Ayan tuloy! Banned na
siya. Pero sana, matanggap nila si Aulric gaya ng ginawa ko sa kaniya.」
Aulric's POV
「1 month ago...
Estranghero ang tawag sa isang tao na hindi mo kilala.
Iyung wala ka talagang alam sa taong iyun maliban lang sa kasarian at sigurado
ka na tao siya.
Medyo marami akong bagay na alam tungkol kay tatay. Asawa
siya ni nanay which is a basic information. Tagabenta siya ng droga sa lugar
namin. Dahil pa nga sa kaniya, kinaiinisan ako ng mga tao sa lugar namin. Isa
siyang magnanakaw. Pero kahit ganoon kadami ang alam ko tungkol kay tatay,
estranghero na siya para sa akin. Kay nanay? Ewan ko. Hindi ko alam kung mahal
pa ba niya si tatay o ayaw na niya kay tatay. Hindi kasi siya nagsasalita. Ang
mahal lang ni nanay ay ako na tanging mabait na anak niya.
Ayoko na siya makita. Kahit saan, at kahit kailan.
Naipaliwanag ko naman hindi ba? Sa tuwing nagpapakita si tatay dito sa amin,
siguradong may masamang mangyayari. Kung bibigyan nga ako ng pagkakataon, gusto
ko ng matapos ang ginagawa niyang kalokohan. Ang mga masasamang tao, matagal
daw mamatay. Pero pwede naman iyun padaliin hindi ba?
Kasalukuyang nasa bintana ako ng bahay namin. Gabi ngayon
at pinapanood ko ang tatay ko at ang papa ni Randolf na nag-iinuman. Ano ba
itong pinaggagagawa ng tatay ni Randolf? Nakikipagplastikan sa tatay ko? Kung
tama ang pagkakatanda ko, noong isang taon, sinusumpa ng papa ni Randolf ang
tatay ko. Tinatanong pa nga ako at si nanay ng papa ni Randolf kung saan ba daw
namin tinatago si tatay at ilabas daw namin. Paano ba naman namin malalaman
kung kami nga na pamilya niya, hindi namin alam?
Bumuntong-hininga na lang ako sa mga napapansin ko ngayon.
Siguro, epekto lang ito ng pasko. Ilang oras na lang kasi, pasko na. Dahil sa
malapit na ang pasko, naging abala na si nanay na maghanda ng aming noche
buena. Ang mga kapit-bahay naman ay nagsisimula ng mag-ingay ng konti. Walang
mga paputok ang maririnig sa lugar dahil sa hindi pa ngayon ang tamang panahon
para sa mga paputok. Ano ba naman iyan! Hindi ba, pampaalis ng malas ang mga
paputok? Kapag walang mapuputukan, walang malas na mapapaalis.
“Aulric, bumaba ka nga rito!" rinig kong sigaw ni
tatay. Mukhang gusto ni tatay na makipag-inuman ako sa kanila.
Hindi na ako umimik at bumaba. Umupo ako sa tabi ni Randolf
na mukhang pinababa din ng papa niya. Gaya nga ng inaasahan ko, nakipag-inuman
kami ni Randolf. Si nanay ba, tututol? Nako! Wala na siguro iyung magagawa
dahil uminom na ako. Tsaka nasa hustong gulang na ako kaya okay lang.
Noong una, hindi ko nagugustuhan ang lasa ng iniinom naming
Emperador. Pero habang tumatagal, mas lalong hindi ko nagugustuhan ang lasa ng
inumin. Mukha kasing mabilis akong malalasing ng inuming ito.
Habang umiinom, tahimik lang kami ni Randolf na nakikinig
sa mga pinagsasasabi ng mga tatay namin. Nagyayabangan ang dalawang lalaki.
Pero walang kwenta naman ang pinagyayabangan ng dalawa.
“Saan ka nga pala ngayon nagkokolehiyo anak?" tanong
sa akin ni tatay.
“Sa Bourbon Brothers University po," sagot ko.
“Aba pare! Balita ko, puro mayayaman ang mga nag-aaral sa
unibersidad na iyun. Ang mahal ng tuition doon," sabat ng papa ni Randolf.
“Talaga?" hindi makapaniwalang saad ni tatay. “Ibig
sabihin pala, marami palang pera ang asawa ko para ipag-aral ang anak
doon."
“Ang totoo po niyan, may benefactor po ako kaya nakapasok
ako sa unibersidad na iyun," paglilinaw ko. Baka ipagmayabang na naman ni
tatay na maraming pera si nanay.
“Ehh, sino namang benefactor iyan?"
“Hindi ko po kilala tay."
“Paano ka nga pala nagkaroon ng benefactor?"
“Hindi ko din po alam."
“Baka dahil matalino ka?"
“83 po ang pinakamalaki kong grado at 80 lang naman ang
aking pinakamababa. Hindi po dahil 83 ang grado ko ay matalino na po ako."
“Pero nagkwento ka sa akin na nasa top ka ngayong taon
hindi ba?" singit ni Randolf.
“Ibang usapan na iyun Randolf."
“Iyung bago niyong, iPhone ba iyun? Sa benefactor mo din ba
iyun galing?" tanong ni tatay. “Pati pala nanay mo, may iPhone din."
“Ay! Bigla kong naalala! Itong anak ko, binigyan din niya
ng iPhone," sabat ng papa ni Randolf.
“Hindi po lahat. Pero iyung silver na iPhone ni nanay, sa
benefactor iyun sa tingin ko. Iyung tatlo, regalo po ng mga tao sa school.
Nagbibigayan kasi sila ng phone dahil sa nangyaring misteryosong pagkasira ng
phone sa lugar natin. Hindi naman ako makatanggi sa mga taong nagbigay sa akin
ng iPhone dahil alam ko naman na mahal ang phone at sinabihan ko sila na hindi
ako makakapagregalo sa kanila ng ganoon din kamahal. Pero dahil bigay iyun,
hindi na ako tumanggi," paliwanag ko.
“Apat? Asaan na pala iyung isa?" tanong ni tatay.
“Binenta ko po," sagot ni Randolf.
“Sayang naman. Dapat binigay mo na lang sa akin anak,"
panunuyo ni tatay.
“Pasensya na po tay. Kay nanay po kasi mapupunta ang pera.
Para po sa lumalaking business niya," paliwanag ko. Wala kaya kayo. Bakit
ko naman ibibigay?
“Ang malas mo naman kasi pre. Wala ka dito. Sayang. May
bago ka na sanang phone kung narito ka lang," natatawang saad ng papa ni
Randolf. “Tagay pa!"
Naramdaman ko na umeepekto na sa akin ang iniinom naming
alak. Medyo nahihilo na ako pero malinaw pa rin ang aking pag-iisip. Hindi ako
kagaya sa mga taong nagwawala, nananaga, at nanggagahasa kapag lasing. Si
Randolf naman, nakakasabay pa naman sa papa niya.
Maya-maya ay inilabas na ni nanay ang mga niluto niyang mga
putahe ngayong pasko. Nagluto siya ng menudo, bumili ng ilang bote ng sprite,
at gumawa ng fruit salad. Para lang sana sa aming dalawa ang mga pagkain at
inumin dahil akala namin ay hindi uuwi ang tatay ko pero dahil nandito siya,
medyo dinamihan namin. Ang pamilya naman ni Randolf ay ibinahagi din ang
kanilang handang spaghetti at ilang hiwa ng lechon sa amin. Napakaplastik din
talaga ng pamilya ni Randolf pero palulusutin ko na lang ito dahil pasko naman.
Masaya kaming nagsalo-salo sa mga pagkain na nakahain sa
mesa. Minsan lang ito mangyari kaya lubus-lubusin na namin ang pagkain. Pero
tataba kaya ako kapag kumain ako ng marami?
Habang kumakain ay tunog ng
tunog ang aking phone. Binabati ako ng isang maligayang pasko nila Shai,
Jin, Andrew, Caleb, Isaac, Camilla, Knoll, Ricky, at Zafe. Nireplayan ko naman
silang lahat ng isang maligayang pasko maliban lang doon sa huling dalawa na
nag-text. Binati pa talaga ako nila Ricky at Zafe. Hindi ko naman sila mga
kaibigan.
Matapos akong kumain ay nagpatunaw na muna ako ng aking
kinakain. Huwag daw kasi muna ako matulog kaagad sabi ni nanay at baka
bangungutin ako.
Umupo lang ako sa aking kama at hinayaang lakbayin ng isip
ko ang kailaliman ng kalawakan. May alien kaya na nabubuhay sa labas ng ating
Milky Way Galaxy? Mga planetang buhay na pwedeng tirhan ng mga tao? Meron kaya?
May araw din kaya doon? Ano kaya ang mangyayari sa isang tao kapag pumasok sila
sa isang dark hole? Baka naman dark hole ang daan para makapag-time travel tayo
o baka naman para mapuntahan ang ibang mundo na malayong-malayo mula sa atin?
“Ayoko!" rinig kong sigaw ni nanay pero mahina lang
iyun at mukhang hindi maririnig ng mga tao sa labas. Naputol ang aking
paglalakbay dahil sa sigaw ni nanay at nagpasyang pakinggan ang pag-uusap nila
tatay marahil.
“Huwag kang maingay. Baka marinig ka ni Aulric,"
kalmadong saad ni tatay. Sabi ko na nga ba.
“Hindi ko pwedeng ibigay sa iyo ang pera ko para ipangsugal
mo lang. Pinaghirapan ko ang pera ko Ike. Ikaw, asaan ka noong nag-iipon ako ng
pera? Asaan ka? Hindi mo ba alam na naghirap kami ni Aulric nang nawala ka?
Tapos nitong mga nakaraang na nakakaluwag na kami, saka ka naman ngayon
babalik? Para saan? Para ipangsugal na naman ang pera ko? Ike naman, magbago ka
na. Tigilan mo na iyang pagsusugal at maging mabuting tatay ka naman para kay
Aulric."
“Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan Emma! Tandaan mo na
nasa pamamahay kita!" pagalit na saad ni tatay.
“Pamamahay? Talaga lang Ike ha? Pamamahay mo to? Nitong mga
nakaraang taon, ako ang gumagastos sa pamamahay na ito. Tapos babalik ka para
sabihin mong pamamahay mo ito? Magtigil ka Ike. Lasing ka na ba? Pamamahay ito
ng tatay ko. Hindi pamamahay mo."
“Okay. Panalo ka na. Pamamahay mo ito. Pero please lang
Emma. Konting pera lang at ipapangako kong ibabalik ko sa iyo ang pera mo ng
tatlong ulit o kahit apat na ulit pa. Payagan mo lang ako Emma."
“Ayoko talaga Ike. Ayoko. Kahit na limang ulit pa, anim,
pito o walo pang ulit na ibalik mo sa akin ang pera ko, hindi talaga ako
papayag Ike. Huwag ka na kasing umasa sa swerte at magtrabaho ka na lang.
Tulungan mo na lang ako sa aking negosyo."
“Hay! Ewan!" singhag ni tatay at mukhang lumabas ng
bahay.
Nagulat naman ako nang tumunog ang phone ko. Nagkunyari
naman ako na naalimpungatan nang naramdaman kong umakyat si nanay sa kwarto ko.
Hindi nga ako nagkamali nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Maya-maya ay
lumabas na lang si nanay.
“Hello?" sagot ko sa tawag ng kung sino.
“Merry Christmas Aulric," bati ni Zafe.
“Fuck you ka," mura ko.
“Bakit ako? Baka ikaw? Fuck you ka din Aulric,"
natatawa niyang mura.
“Ang alam ko, binati mo na ako kanina. Bakit tumawag ka
naman ngayon para batiin ako?" pasuplado kong tanong.
“Dahil gusto ko lang. Gusto kong marinig ang boses mo. Miss
na kasi kita."
“Bad news, hindi kita na-miss."
“Okay lang. Ganyan ka naman ehh. Ano nga pala ang noche
buena niyo?"
“Siyempre. Iyung usual na pangmahirap na noche buenang
starter pack. Spaghetti, at ilang hiwa ng lechon na bigay ng plastik naming
kapitbahay. Habang iyung handa naman namin ni nanay ay menudo at pangmahirap na
version ng fruit salad. Siguradong malayong-malayo sa noche buena ninyong mga
mayayaman."
“O-Okay. Kasama mo ba ang mga magulang mo para i-celebrate
ang pasko?"
“Yeah. Kasama ko. Ikaw?"
“Well, kasama ko sila papa at mama. Ang saya-saya ko nga
dahil umuwi sila para sa akin ngayong pasko."
Napabuntong-hininga ako. “Mabuti ka pa. Umuwi ang mga magulang
mo para sa iyo."
“Bakit mo naman nasabi?"
“Ang tatay ko kasi na naging dahilan ng paghihirap ko,
umuwi na dito sa amin para lang humingi ng pera kay nanay. Ipangsusugal niya
kasi ang perang makukuha niya. Mabuti na lang at hindi ibinigay ni nanay ang
gusto niya."
“I'm sorry."
“Walang namatay. Bakit ka magso-sorry?"
“Parang namatay na kasi ang tatay mo. Alam mo iyun. Dahil
naging ireponsable na iyung tatay mo, parang namatay na rin siya. Unless kung
hindi niya ipagpatuloy ang pagiging iresponsable."
“In my point of view, imposible Zafe. Magiging ganoon na
siguro siya hanggang sa matapos ang mundo. Hindi na ako naniniwala na aayos ang
tatay ko. Hindi rin kasi ako naniniwala sa pangalawang pagkakataon. Nakakapagod
umasa."
Narinig kong humikab si Zafe sa kabilang linya. “Inaantok
na ako Aulric."
“Bakit ka pa kasi tumawag kung inaantok ka na? Dapat
dumiretso ka ng matulog."
“Gusto ko lang kasi marinig ang boses mo dahil na-miss
talaga kita. Sige. Ibababa ko na ang phone para matulog na ako. Merry Christmas
Aulric. Sana matupad ang mga hiling mo ngayong pasko. Pati na rin ang mga
kahilingan ko. Alam ko naman na hindi ka sasagot sa sinasabi ko kaya sinabihan
ko na ang sarili ko."
“Buti alam mo. Matulog ka na. Inaantok na ako. Merry
Christmas din."
Binaba ko na agad ang phone ko para hindi na siya
magsalita. Okay. Isa na namang batas ang nabali.
Humiga na lang ako sa aking higaan at ipinikit ang aking
mga mata. Hilong-hilo talaga ako dahil doon sa Emperador.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa
labas ng bahay namin. Buti sana kung ang dahilan ng ingay ay ang mga batang
namamasko sa mga ninang, o ninong nila, o sa kahit sinong bahay na mapuntahan
nila, mayaman man, o mahirap. Pero hindi iyun ang dahilan. Ilan sa mga
kapitbahay namin ay naghihintay sa labas dahil hinahanap nila si tatay.
Sinasabi ko na nga ba. May mangyayari na namang hindi maganda dahil nandito na
naman si tatay. Hay nako! Nahihilo pa man din ako ng konti.
Kahit nahihilo ng konti, sinikap ko pa ring bumangon para
alamin kung ano ang nangyari. Lumabas lang ako ng kwarto at nadatnan si nanay
na nakalagay ang mga kamay sa batok at umiiyak na naman. Tumingin ako sa lamesa
at nakita ko ang lihim na lagayan ni nanay ng mga pera. Wala ng laman ang
lagayan naming iyun dahil nahuhulaan ko kung sino ang nagnakaw ng mga pera.
Walang iba kung hindi ang tatay ko.
“Pati ba naman iyung bagong phone, kinuha din,"
naiiyak na saad ni nanay.
Hindi na lang ako umimik dahil inaasahan ko na talaga na
mangyayari ang bagay na ito sa amin. Lumapit lang ako kay nanay at niyakap siya
para pawiin ang sakit na nararamdaman niya kahit konti. Ang tatay ko talaga.
Hindi na magbabago. Once a thief, always a thief.
“Emma, lumabas ka diyan!" galit na sigaw ng isang
matandang babae sa labas. Palagay ko'y mama ni Randolf.
“Nanay, ako na po ang kakausap sa kanila," saad ko kay
nanay at lumabas ng bahay.
Puro mura agad ang sinalubong ko paglabas ng bahay. Galit
na galit ang mga kapitbahay sa akin. Hindi lang kasi kami ang ninakawan ni
tatay. Malamang, pati pera ng mga kapitbahay, ninakaw din.
“Sasabihin ko po ito sa lenggwaheng naiintindihan niyo ng
lubusan kahit hindi pa buwan ng wika. Hindi po namin alam kung asaan ang tatay
ko."
“Sinungaling! Ilabas mo ang tatay mo Aulric! Alam naming
nagtatago ang tatay mo sa bahay ninyo!" sigaw ng isang taong kinulangan ng
nutrisyon sa utak.
“Oo nga! Ilabas mo ang tatay mo Aulric!" gatong pa ng
isang galit na tao na halatang natutulog ang utak. Sumunod na din nagsalita ang
mga taong wala ring utak
“Mga taong kulang ang kinaing agahan ngayong pasko kahit
ang dami niyong kainain kagabi, hindi lang kayo ang ninakawan ng tatay ko!
Nawalan din kami ng pera ng nanay ko at umiiyak siya ngayon sa bahay. Ngayon,
kung gusto niyo mahuli si tatay, pumunta kayo sa istasyon ng pulis at
magreklamo kayo. Ako pa magbibigay sa inyo ng picture ni tatay para ipakita sa
mga pulis."
Ang pasko ay para sa mga bata. Ito ang araw na pupunta sila
sa kanilang mga ninong at ninang para kunin ang kanilang pamasko. Ito din ang
araw kung kelan sila magtatago mula sa mga inaanak nila. Pero may iba naman na
hinaharap talaga nila ang kanilang mga inaanak. Mabuhay sila.
Pero hindi sa mga tulad namin ngayon na nasa presinto para
ireklamo ang ginawang pagnanakaw ng aking butihing tatay. Hindi masaya ang
pasko namin. Ikaw ba naman na nakawan ng pera tapos bigla na lang mawawala na
parang bula.
Habang nakikinig ako sa mga sagot ng kapitbahay namin habang
tinatanong sila ng pulis, hindi ko maiwasang magtanong sa aking sarili kung
nakulangan ba talaga ang mga kapitbahay namin ng nutrisyon sa utak at tinuturo
pa kami ni nanay na nagtatago kay tatay. May pumasok pa nga sa bahay kanina
para patunayan na wala si tatay sa bahay namin. Tapos igigiit pa na tinatago
namin si tatay. Sarap pakainin ng mani para naman tunalino.
“Ako nga pala si Officer Geoffrey. Ang hahawak sa kaso
ninyo," pagpapakilala ng pulis. “Kayo po ba ang pamilya ng suspek?"
“Kung pwedeng hindi ang isagot, hindi ang isasagot ko. Kaso
ano ang magagawa namin? Tatay ko iyun," sarkastikong saad ko sa sarili.
Marahan na siniko ako ni nanay na nagpapahiwatig na tigilan
ko ang aking sinasabi. Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko.
“Opo. Kami ang pamilya niya," sagot ni nanay.
“Ginigiit ng mga kapitbahay ninyo na tinatago po ninyo ang
iyung asawa. Totoo po ba iyun?" muling tanong ni Officer Geoffrey.
“Hindi po," pagtanggi ni nanay. “Ang totoo po niyan,
hindi lang po sila ang ninakawan ng asawa ko. Kami din ho, ninakawan. Kaya
bakit ko ho itatago ang asawa ko?"
“Kulang kasi ang kinain ng mga kapitbahay namin kagabi.
Kaya nagkulang din sila ng nutrisyon sa utak at pinagtuturo na lang kami. Wala
kasi silang masisisi sa katangahan nila. Noong isang taon, ninakawan din sila
ng tatay ko. Galit na galit pa nga sila sa ginawa ng tatay ko at ibinaling ang
galit sa akin. Ngayon na lumapit sa kanila si tatay na may ngiti sa labi, hindi
talaga sila nadala. Alam ng magnanakaw iyung tatay ko, pinapasok pa talaga. Hay
nako! Gawain talaga ng mga taong kulang ang nutrisyon sa utak,"
nakukunsumi kong saad.
“Hmm, may punto ka nga," tugon ni Officer Geoffrey
habang sinusulat marahil ang pag-uusap namin. “May alam po ba kayong lugar na
pwedeng pagtaguan ng asawa ninyo? Mga leads kung asaan ang suspek?"
“Ang totoo po niyan, masasagot namin iyan kung nahanap na
namin si tatay ng isang beses. Ang problema, hindi na namin siya hinanap ni
nanay. Wala siyang kwenta. Bakit pa hahanapin?" pagsagot ko sa tanong.
Bumuntong-hininga si nanay. “Umm, hindi ko din po alam.
Wala talaga kaming balita sa asawa ko."
“Sinabi niyo po sa akin na ninakawan din kayo ng asawa
ninyo. Ano po ang mga ninakaw niya sa inyo?" tanong pa ni Officer
Geoffrey.
“Kung tama po ang pagkakakwenta ko sa aking pera kanina,
mga tatlong daang libong piso po."
“Okay, tatlong daang libong piso. Meron pa po ba?"
“Wala na po siguro," sabat ko.
“Okay. May litrato po ba kayo ng asawa ninyo?"
Kumuha ako sa sariling bulsa ng litrato ni tatay at binigay
kay Officer Geoffrey. Buti na lang at may maibibigay kami sa mga pulis para
mahuli siya.
“Salamat po sa kooperasyon. Babalitaan na lang po namin
kayo kapag may bagong lead na. At sana nga, mabawi namin ang mga ninakaw ng
asawa ninyo. Paki-fill out lang po ang form na ito."
Matapos magreklamo sa mga pulis, nagpasya na kami ni nanay
na umuwi sa bahay. Three hundred
thousand pesos? Napakalaking halaga naman nun. Lalong-lalo na kay nanay.
Pinaghirapan niya iyun tapos nanakawin lang ni tatay? Hindi makatarungan.
“Anak, sinabi ko bang kasama na ninakaw ng tatay mo ang
iPhone ko?" tanong ni nanay.
“Opo. Sinabi niyo po iyun," sagot ko.
“Hindi nga? Sinabi ko na talaga iyun?"
“Nay, magtiwala ka naman sa akin. Sinabi mo na kaya iyung
iPhone na isa mga bagay na ninakaw sa'yo ni tatay. May gusto pa ba kayong
ipa-recover sa mga pulis? Gaya ng konting tiwala na binigay ninyo kay
tatay?"
“Anak naman. Huwag kang magsalita ng ganyan. Tatay mo pa
rin iyun." Tatay na hindi ko na ngayon kilala.
Bumuntong-hininga na lang ako. “Oo na nay. Sa ngayon, wala
tayong magagawa kung hindi ang maghintay na lang sa mga susunod na mangyayari.
Ipagpatuloy na po natin ang buhay at magdasal na mahanap na si tatay. At hindi
matulad sa mga taong patuloy pa rin na nawawala."
“Mabuti pa anak. Pupunta lang ako sa aking kwarto."
Pumunta naman si nanay sa kwarto niya. Kahit na pumasok na
siya sa loob ng kwarto, hindi ako ngumingisi na parang isang kontrabida na may
masamang binabalak. Tama. Hindi binanggit ni nanay na nawawala ang kanyang
iPhone. Hanggang pera lang ang sinabi niya. Makakasagabal lang kasi ang mga
pulis sa akin dahil may sarili akong paraan na gagawin. Hindi ako umaasang
mahahanap ng mga pulis si tatay o hindi mahahanap ng mga pulis si tatay. Nasa
gitna kasi ako. Kung baga sa pagitan ng tubig at apoy, doon ako sa kumukulong
tubig.
Kinuha ko lang ang phone ko at tiningnan kung nasaan na
ngayon si tatay. Salamat na lang sa mga phone na may ganitong features at
nahahanap ko ngayon si tatay.
Mga isang araw na lang bago ang bagong taon, hindi ako
kahit kailan lumalabas ng bahay. Nakatingin lang ako sa aking phone at
tinitingnan kung ano ang galaw ni tatay. Napansin ko na tuwing alas tres ng
hapon, lumalabas si tatay sa kanyang tinitirhan ngayon. Ewan ko kung tinitirhan
niya ba talaga. Wala kasi akong naaalala na may bahay kami sa Bloomingdale
Subdivision o si tatay. Baka naman sa parang backer ni tatay ang bahay. Drug
den kaya?
Natutulog na si haring araw nang lumabas na ako ng bahay at
pumunta kila Randolf. Sakto naman at nasa labas ng bahay sila Randolf kasama
ang ilang mga kaibigan niya. Hay nako! Paano ba ako makakalapit sa taong ito?
Medyo naiilang ako.
“Oi, Aulric," tawag ni Randolf.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga nang nakita kong
lumingon din sa direksyon ko ang mga kaibigan niya. Bigla silang nagbulungan sa
isa't isa. Napaka-unusual naman kasi na pumupunta ako kila Randolf sa oras na
ito.
Sinenyasan ko na lang si Randolf na lumapit na lang sa
kinatatayuan ko para mag-usap na sinunod nito. Ayoko ngang kausapin siya na
malapit sa mga kasama niya.
“Bakit? Anong kailangan mo?" tanong niya.
“Pahiram ng bike mo at iyung jacket mo na may hood,"
straight to the point kong request.
“Sige ba. Walang problema," agad niyang pagpayag.
“Okay. Doon mo dalhin sa bahay ha?"
Mabilis na pumasok si Randolf sa bahay niya. Bumalik na din
naman ako sa bahay ko at tumambay sa labas.
Ilang minuto lang ang nakalipas, dumating na si Randolf
dala ang mga pinapadala ko. Inabot niya agad ito sa akin.
“Ano ba ang gagawin mo?" tanong niya. “May lead na ba
ang mga pulis kung asaan ang tatay mo? Pupunta ka ba doon ngayon?"
“Ang totoo niyan, walang pang lead ang mga pulis kung asaan
si tatay," sagot ko.
“Ehh, saan ka pupunta?"
“Kahit saan. Matagal na rin nang hindi ako nakakagamit ng
bike mo. Madalas kasi na ikaw mismo ang sumisira sa bike mo kaya hindi ko
nagagamit. Wala naman akong reklamo doon dahil sa iyo naman ang bike mo at
bahala ka kung gusto mong sirain."
Napakamot siya sa ulo. “Pasensya naman. Pinag-aaralan ko
kasi ang mga tricks na ginagawa ng iba sa bike nila. Alam mo na. Para makaporma
sa mga tsiks."
“Hindi ko na kailangan malaman iyun. Sige na. Aalis na ako.
Bumalik ka na sa mga kaibigan mo."
“Okay. Mag-iingat sana iyung mga tao sa'yo," paalam
niya.
“Sinabi mo pa."
Sinimulan ko ng patakbuhin ang bike. Medyo malayo-layo na
din ang pinadyak ko para mapuntahan ang Bloomingdale Subdivision kung saan
nakatira si tatay ayon sa GPS ng phone ko. Hmm, parang dito ko ata nakilala
iyung lalaking manwhore noong isang buwan. Kumusta na kaya iyun? Masakit pa
kaya iyung itlog niya na sinipa ko? Nako! Malamang, hindi na. Ang iniisip ko na
lang ay wala pa kaya siyang AIDS? Sana naman, magkaroon na para magising na
siya sa katotohanan at tigilan ang pagiging manwhore. Pero napakaimposible na
magkaroon iyun ng AIDS. Tiyak dinadamitan niya ang kanyang pagkalalaki para
ma-enjoy pa niya ng husto ang buhay. Pero subukan niyang yayain ako, babaugin
ko siya.
Narating ko na rin sa wakas ang kwestyonableng bahay kung
saan nakatira si tatay. Sakto naman at nasa labas din si tatay na isang
masamang balita.
Itinaas ko lang ang aking hood at nagpatuloy sa pagpadyak.
May huminto naman na tricycle sa harap ni tatay at sumakay siya dito. Mukhang
aalis si tatay at may pupuntahan. Buti na lang at hindi niya ako napansin.
Humugot ako ng buntong-hininga at tiningnan ang orasan sa
aking phone. Mga ilang oras na lang at bagong taon na. Baka naman may bibilhin
lang si tatay para salubungin ang bagong taon? Eitherway, kailangan kong
magmadali.
Kinapa ko naman ang dala kong panyo para sa gagawin ko.
Okay. Handa na ako.
Ipinarada ko lang sa katabing bahay ni tatay ang bike ni
Randolf. Siniyasat ko ang bahay kung may mga tao pa sa loob. Kailangan mabilis
ko itong gawin para walang makahalata sa ginagawa ko. Nagsisimula na kasing
maglabasan ang mga tao sa sabdibisyon para salubungin sa labas ng bahay nila
ang bagong taon marahil.
Mabilis kong tinungo ang bahay. Hindi ko na
pinagkaabalahang ipihit ang door knob ng bahay dahil alam kong nakasara ito. Si
tatay pa.
Sa gilid ng pintuan ay may makikita kang paso. Tumingin ako
sa ilalim ng paso kung may nilagay bang susi si tatay. Gaya ng inaasahan, may
nakalagay nga rito.
Kinuha ko ang aking panyo at hinawakan ang susi saka
ipinasok sa door knob. Bumukas nga ang bahay. Paano ko ba nalaman na may susi
sa ilalim ng paso? Kapag wala kasi si nanay sa bahay, iniiwan niya ang susi sa
ilalim ng paso sa gilid ng pintuan. Natutunan niya daw kasi ito sa tatay ko
kaya siguradong gawain ni tatay ang maglagay ng susi sa ilalim ng paso.
Tumingin pa ako sa paligid kung may CCTV o kung ano na
magpapalaglag sa akin. Mukhang wala naman. At hinayaan pa talaga ni tatay na
bukas ang ilaw ng bahay niya kahit na aalis siya? Sa bagay. Isang paraan para
hindi pasukin ng akyat-bahay ang bahay mo. Iwanang bukas ang ilaw ng bahay para
isipin na may tao sa loob. Pero wala naman maliban lang sa akin.
Habang naghahanap sa CCTV, napagtanto ko na medyo maliit
ang bahay. Pang-isahan lang ang nakatira. Marahil, si tatay lang. Wala ng iba.
Wala pa pala siyang kalaguyo na inuuwi sa sikreto niyang bahay?
Pero biglang may bagay akong nakita na inaasahan ko. Ilang
mga bagay na ginagamit ng isang tao sa droga. Hindi na nakakapagtaka. Malamang
ay isa ding drug den ang lugar na ito dahil sa may naaamoy akong bago pa sa
aking ilong. O baka ito agad ang assumptions ko? Siyempre, nagbebenta kasi si
tatay ng shabu.
Pumunta agad ako sa banyo kung may muruatic acid. Nilagyan
ko muna ng panyo ang aking mga kamay at tiningnan kung gaano pa karami ang laman
ng lason. Maraming-marami pa ito at mukhang kabibili pa lang ng bagay na ito.
Dinala ko ang muriatic acid sa kusina at binuksan ang
pitsel na binalutan ko pa rin ng panyo na dala ko. Binuksan ko ng muruatic acid
at binuhos ang ilang laman dito. Pagkatapos ay isinara ko na ang pitsel at ang
asido. Ibinalik ko naman ang asido sa dapat nitong kalagyan. Bago naman lumabas
ng bahay ay nagsiyasat muna ako kung may bakas akong iniwan. Mukhang wala naman
akong naiwan na bakas.
Nang makasigurado ay lumabas na ako at sumakay sa bike ni
Randolf at umalis na sa lugar na iyun.
Habang nagpapadyak, palabas ng sabdibisyon, nadaanan ko ang
tricycle na sinasakyan ni tatay pabalik sa bahay niya marahil. Hindi niya ako
nakita dahil nakita kong may kausap siya sa tricycle. Kasama marahil sa
pagsalubong sa bagong taon.
Lihim na napangiti ako sa sarili. Kakagat kaya ang ginawa
kong iyun kay tatay para maging dahilan ng kamatayan niya? Sa totoo lang, hindi
ko alam. Baka nga ang balak kong pagpatay sa kaniya ay siguradong papalpak.
Matapang ang amoy ng muruatic acid kaya siguradong malalaman
ni tatay na may lamang asido ang pitsel na pinaglagyan ko kapag binuksan niya
ang pitsel. Unless lang kung uhaw na uhaw siya at hindi na lang niya
sisiyasatin ang pitsel. Tiyak, mamamatay na siya.
Pero ano ba itong ginagawa ko? Pinapatay ang sarili kong
tatay? Ang totoo, parang wala lang sa akin na mamatay ang sinusumpa kong tatay.
Oo, laman at dugo ni tatay ang nananalaytay sa katawan ko. Hindi ko na maiaalis
iyun. Pero iyung mga nangyaring nakawan sa tuwing nagpapakita si tatay,
kailangan na talagang matigil. Ayoko ng may mabiktima na naman siya. Gusto kong
matigil na ang salot sa buhay namin ni nanay. Kaya na naming dalawa mabuhay
kahit wala na si tatay. Tutal, droga lang naman ang inaatupag ni tatay.
Ilang minuto na lang at sasalubungin na ng mundo ang bagong
taon. Naging maingat na ako sa pagdaan sa kalsada dahil nagpuputukan na sa
lugar. Baka kapag naputukan ako, ibig sabihin ay ako ang malas na kailangan
alisin.
Dumating na ako kila Randolf. Sakto naman at kalalabas lang
nito sa bahay namin. Hindi na ako mag-aabala na pumunta sa kanila.
“Aulric," tawag niya. “Nandito ka na. Ayos ba ang
pamamasyal natin?"
“Ayos naman," nakangiting sagot ko. “Kaya lang, itong
jacket mo na may hood, kailangan mo na itong labhan." Ibinalik ko naman sa
kaniya ang jacket na may hood pati ang bike.
“Sakto! Ito na pala ang gagawin kong lucky charm ngayong
bagong taon."
“Huh? Lucky charm?" nakakunot-noo kong saad.
“Sariling ritwal ko Aulric. Kapag sasalubungin ang bagong
taon, lalabhan ko din ang damit ko na gagawin kong lucky charm sa buong
taon."
“Okay. Hindi ako interesado. Pero sa ritwal na ito, mas
lalo akong magiging interesado." Nilabas ko lang ang ginagamit kong panyo
kanina sa bulsa.
“Ano naman iyan?" parang tangang tanong niya.
“Obviously, panyo."
“Alam ko. Ano namang klaseng ritwal gamit ang panyo?"
“Ipantatakip ko sa ilong mo hanggang sa hindi ka
makahinga," sarkastikong sagot ko, na halos totoo. “Hindi. Sunugin mo ang
panyo ito. Itong panyo ko kasi ang aking lucky charm ngayong taon na ito. Kaya
pinapasunog ko sa'yo para ipasa ang swerte."
Napaisip saglit si Randolf. “Ngayong sinabi mo iyan, naging
maswerte ka naman nitong nakaraang taon. Maliban lang ngayong buwan. Sige.
Gagawin ko."
Masayang kinuha ni Randolf ang panyo. Hindi naman kasama
ito sa plano pero ayos na rin. Tama lang itong gagawin ko.
“Sige na Randolf. Maligayang bagong taon sa atin,"
nakangiti kong saad saka tinapik ang kanyang balikat.
Natulala naman si Randolf sa ginawa ko at hinawakan ang
parteng tinapik ko. Hindi ito makapaniwala sa mga nangyayari. Ay! Ano ba itong
ginagawa ko?
“Ikaw din Aulric. Maligayang bagong taon," bati din
niya. “Sana maganda din ang pagpasok ng bagong taon sa inyo ni Aling Emma. Siya
nga pala. Nagbigay ako ng konting halo-halo sa inyo. Hindi na ako nagdala ng
spaghetti dahil may handa din pala kayong spaghetti. Sige. Babalik na ako sa
bahay at baka maputukan pa ako."
Kumaway si Randolf sa akin habang nakaharap papunta sa
bahay niya. Gumanti din ako ng kaway at pumasok na din sa bahay. Sana nga
maganda ang pasok ng bagong taon sa pamilya namin. Sana nga. Sana nga.
“Ohh, anak! Nandito ka na pala," saad agad ni nanay
pagpasok ko sa bahay habang may niluluto pa siya na kung ano sa kusina. “Kanina
pa kita hinihintay. Saan ka ba galing? Handa na ang mga handa natin."
“Gumala lang po ako nay gamit ang bike ni Randolf. Medyo
matagal na rin kasi akong hindi nakakapag-bike ehh."
Sa unang pagkakataon, may konting handa kami ni nanay
ngayong bagong taon. Hindi lang galing kay Randolf na parating nagbibigay sa
amin. Nagbigay kasi ang Bourbon Brothers University ng mga sangkap para
masalubong namin ang bagong taon na may handa. At sa kabutihang palad, isa ako
sa mga nabigyan.
Sa bandang kabila naman ng mesa, may napansin akong bagay
na ngayon ko lang nakita. Nanlaki ang mata ko nang makumpirma kung ano iyun.
Isang bagong mountain bike na kulay pula. May ribbon pa ito. Regalo ni nanay
kaya ito para sa akin? Teka, humingi ba ako ng bike kay nanay?
“Ayan! Tapos na," saad ni nanay nang matapos ng
magluto.
Umupo lang ako sa kabilang mesa at nakatingin lang kay
nanay habang nakangiti ng maluwag. Inilagay naman ni nanay ang niluto niyang
spaghetti sa mesa. Kunyari, hindi ko napansin iyung bike na hindi nakatago sa
kabilang mesa.
“Anak, para kang tanga diyan na nakangiti. Nakita mo na
siguro ang bike na para sa iyo," nanghihinalang saad ni nanay.
Lumapit agad ako kay nanay at niyakap siya. “Salamat po
nay. Sa totoo lang, hindi ko naman po kailangan iyung bike. Pero salamat pa rin
po sa regalo niyo."
“Mabuti naman anak. Kaso, hindi galing sa akin ang bike na
iyan," medyo nalulungkot na saad ni nanay.
Kumalas ako kay nanay at natahimik saglit sa sinabi niya.
Parang alam ko na kung kanino galing ang bike kung hindi ito galing kay nanay.
Lumapit ako sa bike at napansin na may kard pala na
nakasabit sa manibela. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.
“Good job Aulric. Merry Christmas and a Happy New Year. Mr.
Wolf," basa ko sa sulat.
Imbes natuwa, kinilabutan ako sa aking nabasa. May laman
ang pinapahiwatig ng sulat. Sino ba itong si Mr. Wolf? Nakikita niya kaya ako
kahit saan?
“Nanay, paano po ba nakarating ang bike nito sa bahay
natin?" tanong ko.
“May nag-deliver anak. Sabi nung nag-deliver, para daw sa
iyo. Kaya tinanggap ko at pinapasok na ang bike. Surprise sa iyo kung
sakali," sagot ni nanay.
“Mga anong oras niyo po natanggap?"
Napaisip si nanay. “Kanina-nina lang anak. Mga trenta
minutos bago mag-alas onse."
Mas lalo akong kinilabutan sa nakuhang sagot. Sa mga oras
na iyun, kasalukuyang kong pinasok ang kwestyonableng bahay ni tatay.
Binabantayan ako ni Mr. Wolf? Nakamasid lang siya sa malayo?
Humugot lang ako ng buntong-hininga at pinag-isipan ang mga
nangyayari. Pwede ring nagkataon ang lahat. Oo nga. Nagkataon lang. Ang parteng
nakakagulo lang dito ay ang pagbati ni Mr. Wolf ng ‘Good job, Aulric'. Baka
naman pagbati ito dahil matatapos ko ang taong ito na buhay? Pwede ba iyun?
Pero eitherway, tatanggapin ko na lang ang bike na ito. Kailangan maging alisto
ako para malaman kung sino ang taong ito.
Sa pag-iisip kung sino ba talaga si Mr. Wolf, may ilang
clue na ako. Una ay nakakapagpadala siya sa akin ng regalo dito sa bahay.
Nangyari ito nang nakapagtapos ako at ngayon, bago magbago ng taon. Ibig
sabihin, nakakapunta siya sa lugar namin. Pero ang problema naman, delivery boy
ang nagpadala ngayon. Posible kaya na isang delivery boy ang nagpadala noong
una? O posible kayang si Randolf ang delivery boy na iyun noong una? Kilala
kaya ni Randolf si Mr. Wolf? Pero sinabi ni Randolf na nakita niya lang ang
kahon sa tapat ng bahay ko na isa sa mga imposibleng mangyari. Siguradong may
magkakainteres sa kahon kapag iniwan lang sa labas lalong-lalo na sa lugar na
ito.
Pangalawang clue, may koneksyon siya sa eskwelahan. Pero
hindi pa ako sigurado. Pwede kong isipin na isa ring delivery boy si Caleb. O
hindi naman kaya si Jin. Hindi kaya isang fairy tale ang buhay ko? Baka naman
si Mr. Wolf ay ang aking fairy grandfather? Anong storya naman ito kung sakali?
Cinderella?
Nagising ako sa pag-iisip nang tumunog na ang phone ko.
Hindi na lang ako nag-aksayang tingnan ito dahil alam ko naman na puro pagbati
ito dahil ngayon ay bagong taon na.
“Nako Aulric! Tama na ang pag-iisip ng malalim," untag
ni nanay. “Kumain na tayo! Siguradong gutom na gutom ka dahil hindi ka pa
nakakakain ng hapunan."
“Opo nanay. Kumain na tayo."
Umupo na ako sa hapag-kainan at nagsimula na kaming kumain
ni nanay. Napangiti ako nang nakita kong nakangiti si nanay. Parang hindi
ninakawan ng malaking pera si nanay sa ngiti niya. Masaya ako para kay nanay.
Hangga't maaari, ayokong alisin ang mga ngiti ni nanay. Siya ang
pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Kaya kahit ang mga pinakamadidilim kong mga
sikreto, itatago ko para hindi mawala ang ngiti ni nanay. Gusto kong maging
lihim na superhero para kay nanay. Kay nanay lang.
“Nanay, mahal na mahal kita," nakangiting saad ko.
“Salamat anak. Mahal na mahal din kita," tugon ni
nanay.
Kumusta na kaya si tatay ngayon? Ininom na niya kaya ang
lason na tatapos sa buhay niya? Pero sana nga, ininom niya. Para matahimik na
kami ni nanay.
“Tok! Tok! Tok!"
Bigla akong nagising dahil sa katok na narinig ko sa sarili
naming bahay. Binuksan ko ng konti ang bintana at nasilaw ako sa liwanag na
nagmumula sa labas ng bahay. Medyo tagaktak na rin ang pawis na nagmumula sa
aking katawan kahit na medyo malamig sa buwan na ito. Nakatutok pa sa akin
iyung electric fan pero hindi pa rin maiwasan na pagpawisan ako. Teka? Anong
oras na ba?
“Tok! Tok! Tok!"
“Sandali lang!" sigaw ko habang inaalis ang muta sa
aking mata at kung ano-anong meron sa mukha ko.
Bago bumaba ay inayos ko pa ang aking buhok para kahit
papaano'y maging presentable ako sa bisita. Pagkatapos ay bumaba na ako saka
binuksan ang pintuan. Tumambad sa akin ang dalawang nakaunipormeng pulis. Isa
rito ay si Officer Geoffrey.
“Magandang hapon sa inyo at happy new year!" masiglang
bati ko kahit hindi naman dapat.
“Happy new year din sa iyo," masayahing bati din ng
kasama ni Officer Geoffrey.
Tumikhim si Officer Geoffrey. “Pwede bang pumasok?"
tanong nito.
“Sige. Pasok kayo," pagpayag ko.
Pumasok naman ang dalawang pulis. Umupo ang kasama ni Officer Geoffrey sa upuan habang si officer Geoffrey ay nakatayo lang at kung
saan-saan idinako ang tingin sa maliit naming bahay. Umupo naman ako sa tapat
ng kasama ni Officer Geoffrey.
“Ako nga pala si Officer Christian. Partner ni Officer
Geoffrey sa kaso ng tatay mo," pagpapakilala nito. Ohh! So tungkol pala
ito sa kaso ni tatay.
“Bakit po? May update na po ba kayo kung asaan ang tatay
ko?" tanong ko.
“Natagpuan na namin ang tatay mo," matapang na boses
na saad ni Officer Geoffrey at ngayo'y nakatingin sa akin ng diretso. “At patay
na siya."
Hindi ako nag-react sa ibinalita sa akin. May pakiramdam
kasi ako na may nalalaman si Officer Geoffrey. Pero ito namang kasama niya,
para namang walang alam. Hindi kaya si Officer Christian ang mabuting pulis at
masamang pulis naman si Officer Geoffrey? Kailangan maging maingat ako sa aking
mga kilos at galaw.
“Pasensya na. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon
ko sa narinig," pagtatapat ko. “Hindi ko alam kung matutuwa ako o
malulungkot ako. Natutuwa ako dahil hindi na niya guguluhin ang buhay namin
magpakailanman. Nalulungkot naman ako dahil, alam niyo na. Seryosong usapin ang
buhay ng tao."
“Naiintindihan ko ang pakiramdam mo," saad ni Officer
Geoffrey na may matapang pa rin na boses. “Gusto mo bang malaman kung paano
namatay ang tatay mo?"
“Geoffrey, huwag ka naman ganyan," saway ni Officer
Christian.
“Hindi ko alam. Dapat ko bang malaman ang bagay na iyun?
Bahala kayo kung sasabihin ninyo."
“Namatay siya dahil sa ininom niyang tubig na may muruatic
acid," salaysay ni Officer Geoffrey at tiningnan ako ng seryoso.」
ITUTULOY...
Delikado palang maging kaaway si Aulric. Thanks sa updste.
ReplyDeleteGood job Aulric, job well done. Hahaha
ReplyDelete-Rave Priss
Aulric Aulric Aulric.
ReplyDeleteSad to say i'm still readin this becuz im waiting for the epic parts and the love parts.
But seriously? I will never like Aulric's personality. Feeler, annoying. Oh please. You already have someone WHO DOES THAT WITH YOU and YET?
(???) When are you going to improve after you're finished? After your mother died? Parehas lang kayong tanga ng mama mo.
Buti nga namatay na rin ung papa mo. TAhaha
Nakakatakot so aulric n imaging kabigan......
ReplyDeleteJharz
......
ReplyDelete....
ReplyDelete👍👌Aulric
ReplyDelete