Followers

Tuesday, September 29, 2015

Loving You... Again Chapter 30 - A Promise of Forever




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!

Nicko, A Promise of Forever by kuya Bluerose. Ang pangatlo, o ang pangalawa sa storya ni kuya Bluerose. Love story ito ni Nicko at ni Jonas. Si Nicko at Jonas, matalik na magkaibigan hanggang sa namatay ang mga magulang ni Nicko. Kaya si Nicko, kinupkop ng magulang ni Jonas na namatay din kinalaunan. And sad nu? Theme song nila is you Monami. Loving you is so easy. Dito din nanggaling si Mark sa Trombonista ng Buhay Ko. Hanga ako kay Nicko na kahit anong ginawa sa kaniya ng mga tao, mabait pa rin siya. Sana ganoon din si Aulric. :) 

Sa mga makakabasa nito, may pagkakatulad ito sa mga flashback nila Zafe, kasi kailangan pasensya na. Kaya heto na po ang Chapter 30











Chapter 30:
A Promise of Forever



















































Jin's POV



          「1 month ago...



          “Mga bata, magsisimula na tayo! Asaan na sila Caleb, Jin at Aulric?! Sila ang magsisimula!" sigaw ni sir Arthuro.



          “Present po!" sigaw naming tatlo.



          “Caleb, galingan mo ang pagkanta. Nanonood ang mga kaibigan natin," wika ni Aulric kay Caleb. “Good luck sa ating tatlo."



          “Good luck sa paghalik ni Jin," pang-aasar pa nito.



          “Tigilan mo na iyan Caleb," sabat ko. “Handa na ako ngayon. Nahalikan ko na ang taong gusto ko."



          “Sino iyun?" tanong ng dalawa.



          Ngiti lang ang sinagot ko at sinuot ang aking Santa hat. Hindi na sila nangulit at pumunta na kami sa aming mga pwesto. Dahil hahalikan ko si Aulric ayon sa kanta, pumwesto kami sa ilalim ng mistletoe. Si Caleb naman ay kunyari magtatago sa hagdan at mula doon, kakanta siya.



          “Sana naman, hindi ako pagselosan ng taong hinalikan mo. Dahil hindi naman ako kaselos-selos," wika ni Aulric.



          “Huwag kang mag-alala Aulric. Hinding-hindi siya magseselos," mga huling salita ko bago bumukas ang kurtinang nagtatakip sa entablado.



          Kasabay ng pag-alis ng kurtina ay nagsimula na din tumugtog ang mga piyesa at ang palabas. Pagkakataon ko na ito. Pagkakaton ko na maitulay ang aking nararamdaman sa kaniya. Kahit konti lang.



I saw Mommy kissing Santa Claus
Underneath the mistletoe last night.
She didn't see me creep
Down the stairs to have a peek
She thought I was tucked
Up in my bedroom fast asleep.



          Medyo matagal kong hinalikan si Aulric hanggang sa matapos ang unang verse ng kanta. Ginalaw ko pa ang aking dila ng konti para maramdaman niya. Wala akong lakas na sabihin sa kaniya ng direkta na may gusto ako sa kaniya. Gusto ko lang iparamdam ko kay Aulric ang nararamdaman ko kahit konti.



Then, I saw Mommy tickle Santa Claus
Underneath his beard so snowy white.
Oh, what a laugh it would have been,
If Daddy had only seen
Mommy kissing Santa Claus last night!



          Sinimulan na niya akong kilitiin gaya ng nakasaad sa kanta. Ngumiti lang ako dahil sa wakas ay nagawa ko din ang balak ko. Ang mahalikan siya sa pagkakataong ito na may palusot. Palabas lang kasi ito kaya maiisip niya na wala lang ang halik na iyun. Okay lang. Okay lang. Pag dumating ang tamang panahon, sasabihin ko sa kaniya. Pero nararamdaman ko na hindi pa ngayon. Hindi pa.」



          「4 years ago...



          “Bitiwan niyo ako!" pakiusap ko sa isang binatilyo na hawak ang kwelyo ko. “At pati iyung salamin ko, pwede niyo bang ibalik sa akin?"



          “Pre, baka naman resbakan tayo ng batang iyan? Tandaan mo. Galing sa mayamang pamilya iyan," saad ng kasama nito.



          “Hindi iyan pre. Kapag tinakot mo ang mga bata na papatayin natin ang mga magulang niya, matatakot iyan at hindi magsasalita," paliwanag nung taong may hawak sa kwelyo ko.



          “Ano ba ang kailangan niyo sa akin?" nahihirapang tanong ko.



          “Ibigay mo sa akin kung ano ang meron ka!"



          “Sige. Ibibigay ko kung anong meron sa akin!"



          Binitiwan ako ng binatilyo. Kukunin ko na sana ang aking wallet nang may isang tao na dumating at mukhang pinabagsak ang kasamahan nung binatilyo. Hindi ko nakita ang mga nangyari dahil hindi ako makakita ng maayos kapag hindi ko suot ang aking salamin.



          “Pare, may eksperimento akong ginagawa at kailangan ko ng mga volunteers," rinig ko sa kararating lang na lalaki. “Gusto kong malaman kung mamamatay ba ang isang tao kapag malakas na inuntog ko ang ulo niya sa pader. Ano? Gusto mo bang maging bahagi ng eksperimento ko? Ito kasing kasama mo, mukhang nahimatay at malapit na siyang makipag-usap kay kamatayan. Ikaw kaya? Mahihimatay ka ba o patuloy pa ring magkakamalay? At kung magkakamalay ka, ilang beses ko ba dapat iuntog ang ulo mo sa pader para mawalan ka din ng malay?" Ha?! Napakadelikado namang ekperimento ang sinasabi ng lalaking ito!



          “Gago ka! Magbabayad ka sa ginawa mo!" galit na sigaw nung  binatilyo na binitawan na ang aking kwelyo at marahil ay sinugod ang lalaking dumating.



          Agad ko namang hinanap ang aking salamin at kinapa-kapa ang lupa nang makarinig ako ng isang kalabog.



          “May malay ka pa. Isa pa nga," sabi pa nung lalaking dumating.



          Isa ulit na kalabog ang narinig ko. Biglang nanginig ang aking sistema. Baka ang dumating na iyun ay isang adik at mukhang ako na ang susunod na pag-eksperimentuhan nung lalaki.



          Habang nagmamadali akong hanapin ang aking salamin, naramdaman kong may kamay na nakalahad sa harapan ko. Dahan-dahan kong kinapa ang kamay na nakalahad sa akin. Pero salamin ko lang pala iyun at kinuha ko ito.



          Dahan-dahan na sinuot ko ang salamin dahil natatakot ako sa kung anong pwedeng gawin nung taong nagligtas o magpapahamak sa akin. Pero nang nasuot ko na ang salamin, wala akong nakita. Umalis na siya. Napagtanto ko din na dinala ako ng mga lalaki sa CR. At iyung dalawang lalaki, walang malay.



          Bago pa man ako makatayo, may pumasok na mga security ng school, at mga mukhang tao na nakikita ko sa mga ambulansya na may hawak na stretcher. Agad na nilagay sa stretcher ang dalawang kawawang binatilyo at mukhang isusugod agad sila sa ospital.



          “Bata, ano ang nangyari dito?" tanong ng security guard sa akin.



          “M-Manong, kinikikilan po ako ng dalawang taong iyun. Tapos habang nag-uusap sila, may dumating po na nakakatakot na lalaki at mukhang pinag-uuntog ang dalawang lalaki sa pader. Hindi ko po nakita ang mga pangyayari dahil hindi po nakasuot sa akin ang aking salamin. Hindi po kasi ako makakita ng maayos kapag wala ang salamin ko," kwento ko.



          Sumunod na araw, nagkaroon ako ng balita sa dalawang taong kinikilan ako. Na-coma daw ang dalawa at hindi pa daw alam ng mga doktor kung kelan sila magigising. Lihim na natuwa ako dahil sa wakas ay titigilan na ako ng mga taong iyun. Malas lang nila at na-coma sila dahil sa ginawa ng nakakatakot na lalaki sa kanila.



          Inembestigahan naman ng eskwelahan ang nangyari sa akin. Gusto pa ng eskwelahan na makipagtulungan si daddy si kanila. Subalit si daddy naman ay walang pakialam dahil wala namang nangyaring masama sa akin. Sa katunayan nga, gusto niyang magpasalamat sa taong nagtanggol sa akin. Pero kahit ganoon, nagpatuloy pa rin ang pag-iimbestiga at paghahanap doon sa taong naging dahilan kaya na-coma ang dalawang kawawang binatilyo. Masama kasi ang loob ng mga magulang nung mga binatilyo kaya gusto nilang panagutin ang may gumawa sa kanila.



          Bakit nga ba ang isang batang katulad ko na galing sa mayaman na pamilya ay nag-aaral sa pampublikong eskwelahan? Ang totoo niyan, ang mga magulang ko ang nagpa-enroll sa akin sa eskwelahang ito. Gusto kasi ni daddy na maranasan ko ang buhay sa pampublikong eskwelahan kung saan siya nag-aaral dati. Si mommy naman ay hindi tutol kasi sumakabila na siya.



          Balik sa pinaghahanap ng lalaki na nagtanggol sa akin, may naririnig naman akong mga usap-usapan sa aking mga kaklase. Ang hinala kasi nila, iyung lalaking anak ng rice cooker ang may kagagawan sa nangyari.



          “Iyun kasi ang tawag sa kaniya ng mga tao," sagot ni Isabela sa itinanong ko. Kasalukuyan kaming kumakain sa canteen ng eskwelahan kasama siya, si Valerie, at si Audrey.



          “Pero bakit anak ng rice cooker ang tawag sa kaniya? Nanganganak na ba ngayon ang rice cooker?" tanong ko na nagpatawa sa mga kausap ko.



          “Hindi sa ganoon Jin," sagot ni Audrey. “Pero mas magandang hindi na namin sabihin kung bakit. Iyung tinutukoy kasi namin Jin ay napakasama na halos ayaw na naming banggitin."



          “Huwag mo ng tanungin kasi Jin," dagdag ni Valerie. “Kaya hindi namin inaalam ang pangalan nung tao dahil hindi naman siya importante sa buhay natin."



          Pero kahit pinipigilan ako ng mga babaeng ito, hindi ako nagpapigil na magsagawa ng sariling imbestigasyon. Inalam ko kung sino ang tinatawag nilang anak ng rice cooker. Pero wala akong impormasyong mahanap, makita, o marinig dahil anak ng rice cooker lang ang sinasabi nila. Hindi binabanggit ng mga tao ang pangalan niya o lugar kung saan siya makikita.



          Dahil sa matagal na akong naghahanap at hindi ko siya talaga mahanap, sumuko na ako. Ang imbestigasyon tungkol sa dalawang binatilyong nangingikil sa akin ay namatay na din pero hindi ang mga binatilyong na-coma dahil nagkaroon sila ng amnesia pagkagising. Nilipat na rin sila ng eskwelahan para sa kabutihan nila. Pero ang mga magulang, magbibigay daw ng isandaang libo sa makakapagbigay ng impormasyon sa taong umuntog sa mga anak nila. Imahinasyon ko lang kaya ang taong nagligtas sa akin? Pero totoo ang nangyari. Imposible na pati siya ay bunga lang ng aking imahinasyon.



          Isang araw, inuutusan ako ng titser namin na pumunta sa isang section para ihatid ang mga project na tsinekan na para tipid sa oras. Gusto sana sumama nila Isabela, Valerie, at Audrey pero hindi sila pinayagan si titser.



          Nang mapunta ako sa section na pinapapunta sa akin, napahinto ako sa boses na narinig ko. Naalala ko ulit ang insidenteng nangyari sa akin. Iyung boses na iyun ang nagligtas sa akin.



          Pumasok na ako sa classroom at ibinigay sa guro nila ang mga proyektong pinapabigay. Nasulyapan ko ang taong nagsasalita pero nabaling agad ang atensyon ko sa ginagawa ng taong ito. Inirereport niya mag-isa ang isang report na nangangailangan ng limang tao. Kaya niya iyun? Pero sa bagay. Kaya naman iyun ng kahit sino.



          Nasulyapan ko naman ang mukha nung boses na pamilyar sa akin. Walang duda. Siya ang taong iyun talaga. Nai-imagine ko pa nga ang mukha niya habang inuuntog niya sa ulo iyung mga binatilyong kinikikilan ako noon, at habang nagsasalita siya na gusto ka niyang pag-eksperementuhan. Nakakatakot siya.



          Sumunod na araw nang mag-uuwian na, sinundan ko siya pauwi. Pumunta siya sa isang basketball court at nanood sa mga naglalaro. Hindi naman ako makalapit sa kaniya dahil lagi kong naaalala ang nangyari doon sa dalawang binatilyong inuntog niya ang ulo sa pader. Pero do or die na ito.



          Humugot lang ako ng buntong-hininga nang makita siyang umalis sa Basketball Court. Patakbo akong lumapit dito pero napahinto ako nang napahinto din siya at humarap sa akin.



          “Ano ang kailangan mo?" tanong niya.



          “I-Ikaw. Ikaw iyung taong iyun hindi ba?" pagsagot ko sa tanong niya ng isa pang tanong.



          “Anong sinasabi mong tao? Tao naman talaga ako ah," tugon niya.



          “Hindi iyun ang tinutukoy ko. Alam mo ang sinasabi ko."



          “Linawin mo para magkaintindihan tayo."



          Lumunok muna ako bago magsalita. “Ikaw, ikaw iyung taong nagligtas sa akin sa mga binatilyong loko-loko tama? Ikaw iyung taong pinag-eksperementuhan ang mga nangikil sa akin."



          Napalaki ko ang mga mata niyang malamig kung makatitig saglit hudyat na nakumpirma ko na may alam siya sa mga sinasabi ko.



          “Anong gagawin mo? Isusuplong mo ako sa mga galit na magulang nila? Ikaw si Jin Bourbon hindi ba? Mayaman na ang pamilya mo. May interes ka pa rin sa premyo kapag naisuplong mo ako? Hindi ka ba natutuwa na inaway ko para sa iyo ang mga nangingikil sa'yo? Ano ba ang gusto mo?" sunod-sunod niyang tanong.



          “Ang totoo, gusto kong magpasalamat sa pagtatanggol mo sa akin. Hindi ko iyun makakalimutan," pagtatapat ko. “Pero dapat ba na ganoon ang gawin mo sa mga binatilyo na umaway sa akin? Na-coma sila dahil sa ginawa mo at mabuti na lang, hindi sila namatay."




          “Hindi mo ako kilala Jin. Ayoko sa mga tao. Kinaiinisan ko ang mga tao. Ayaw kasi nila sa akin. At doon sa mga taong nangikil sa iyo, huwag kang mag-alala. Hindi ko kasi intensyon na maging isang bayani at tulungan ka noong mga panahong iyun. Nagkataon lang na ayokong sa mga taong nangingikil. At salamat na rin sa pasasalamat mo na hindi ko kailangan. Hindi naman makakabuti iyan sa paningin ng mga tao sa akin." Tumalikod siya at nagpatuloy maglakad.



          “Ano ang pangalan mo pala?" tanong ko.



          “Anak ako ng tagabenta ng rice cooker," hindi matinong pagpapakilala niya saka umalis.



          Hinayaan ko siyang umalis dahil alam ko na wala akong makukuhang matinong sagot sa kaniya kapag nagtanong ako kung ano ang pangalan niya. Ang totoo, alam ko na ang pangalan niya dahil nakita ko ito sa ID na nakasabit sa kaniya.



          “Aulric Melville!" sigaw ko.



          Umasa akong lilingon siya matapos kong banggitin ang kaniyang pangalan. Pero hindi siya lumingon. Sa saglit na sandaling iyun, hindi ko alam kung bakit masayang-masaya ako na nakapagpasalamat na ako sa kaniya. Parang nanalo ako sa lotto.



          Sa tatlong taon, hindi kami madalas na nag-uusap. Kung makapag-usap man, isang simpleng pangugumusta at tapos na. Bihira lang ang makapag-usap kami ng matagal tungkol sa mga pinag-aaralan namin sa eskwela. Ang astig niya! Iyun ang masasabi ko sa kaniya. Gusto ko pa ngang makita siya na nambubugbog ng mga tao sa eskwelahan na ito. Pero kawawa naman ang mabubugbog niya. Hopefully, wala.



          “Paano mo nagagawa iyun Aulric?" tanong ko.



          “Ang alin?" tanong din niya.



          “Ang hindi sapakin ang lahat ng taong makita mo. Nakikita ko kasi sa mata mo na anumang oras, sasapakin mo ang mga taong babangga sa'yo."



          “Kinokontrol ko ang aking sarili Jin. Tama ka. Gustong-gusto ko sapakin ang lahat ng mga taong ito dahil ayaw nila sa akin. Pero hindi lang ako basta nananapak dahil gusto ko lang at hindi maganda ang manapak na lang ng manapak. Nananapak ako kapag may ginawang mali ang isang tao. Lumalala pa ang sapak na iyun dahil alam mo na," paliwanag niya.



          Sa mga bagay na naobserbahan ko sa kaniya, mukhang tama nga iyung mga sinabi niya. Ayaw sa kaniya ng mga tao kaya ayaw din niya sa mga tao. Maliban lang siguro sa akin dahil wala naman akong ginawang masama sa kaniya. Pero napagtanto ko na mahirap pala ang kalagayan niya. Kahit ganoon, nakatayo pa rin siya ng tuwid. Hinaharap pa rin niya ang mga taong ayaw sa kaniya. Mananapak pa siya o manununtok kung kailangan.



          Huminto si Aulric at hinarap ako. “At kelan kita naging kaibigan?" malamig na tanong niya. Sinamaan ko pa niya ako ng tingin. “Wala akong natatandaan na nakipagkaibigan ako sa iyo.”



          Napaisip ako sa sinabi niya. “Hah? Hindi mo pa ba pala ako kaibigan sa kalagayang ito? Halos apat na taon na kitang nakakausap, ng madalas nga lang. Hindi ba isang sign iyun na magkaibigan, na tayo?"



          “Anong kasinungalingan ang salitang kaibigan?" tanong ni Aulric sa sarili.



          “Anong sabi mo?"



          “Wala Jin. Hindi ko alam na sa mga aksyon na ginagawa mo sa akin, nasasabi mong magkaibigan tayo. Alam mo kasi, may trust issues ako pagdating sa pagkakaroon ng kaibigan. Kung hindi mo kasi naitatanong-"



          “Naloko ka ng maraming beses sa mga naging kaibigan mo,” pagputol ko.



          “Paano mo nalaman iyun?"



          “Dahil kinekwento mo sa akin?" nag-aalangan kong sagot. Huwag mong sabihin na hindi niya natatandaan ang mga oras na pinag-uusapan namin ang trust issues niya?



          “Ohh? Nagkikwento pala ako sa'yo? Hindi ko alam. Hindi bale na nga.” Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad at pumunta sa klase saka sumunod ako.



          “Teka? Magkwento ka pa. Mukhang may masasabi ka pa," pagpipilit ko.



          “Gusto mo bang hindi ko pasukan ang unang klase ko? Hindi ko afford ang mag-cutting class.”



          “Ehh, kung mamaya? Sa oras ng recess natin. Pwede naman siguro hindi ba?"



          “Aware ka naman siguro Jin na may mga babaeng gustong-gusto makuha ang atensyon mo para sa pansarili nilang kapakanan. Ayoko. Baka dumagdag lang ang mga taong ayaw sa akin. Ayoko ng ganoon,” pagtanggi niya.



          “Uwian? Pwede ka ba?"



          “Jin!" tawag sa akin ng grupo ng mga kababaihan. Sila Audrey, Isabela, at Valerie.



          “Hindi pa rin pwede. Busy pa rin ako. Salamat sa concern," pagtanggi pa rin niya.



          Nang umalis siya, paulit-ulit na naririnig ko ang sinabi niya. Kelan niya ba ako naging kaibigan? Kakaiba ang naramdaman ko. Hindi ko magawang magalit sa mga sinabi niya. Nasanay na ako na ganoon siya magsalita.



          Isang araw, niyaya ko si Aulric na samahan ako kung saan ko. Kiniwento niya sa akin iyung nangyari nang pinatawag sila at ng mga kaibigan ko sa Principal's Office. Natawa naman ako nang malaman ko na kaya ganoon pala ang kulay ng mga buhok ng kaibigan ko ay dahil sa kaniya. Hayley Williams na buhok at si Aulric?



          “Pero hindi bagay ang ganoong buhok sa'yo Aulric," bigla kong nailabas sa bibig ko.



          “Anong sinasabi mo?" tanong niya.



          “Wala naman. Ahh! Mukhang dito na kita ibababa." Ihininto ko ang sasakyan kung saan ko siya dapat ibaba.



          “Salamat sa paghatid. At sana hindi na maulit muli," pagpapasalamat niya sa akin. “Oo nga pala Jin. May koneksyon ba ang pamilya mo sa mga resto, pagawaan, mall o kung ano-ano pa na pwede kong mapasukan? Naghahanap kasi ako ng mapapasukang trabaho ngayong summer."



          Nagliwanag ang langit sa narinig ko nang tumingala ako. Teka, kidlat iyun.



          “Mukhang meron naman. Tanungin ko na lang ang magulang ko kung saan pwede."



          “Salamat naman. In case na i-background check nila ako, sabihin mo ang totoo. At huwag mong sabihin na magkaibigan tayo. Sabihin mo na isa akong mabait na uportunista na naghahanap ng trabaho kaysa naman ikaw ang akitin ko."



          “Ano iyun Aulric? Akitin ako? Grabe! Sa bagay, kaakit-akit ka naman. Seryoso ka ba diyan sa mga sinasabi mo?" natatawa kong tanong.



          “Salamat sa pambobola Jin. Pero kasi, alam mo na. Nag-iisang anak ka lang hindi ba?"



          “Oo."



          “Iyan ang sinasabi ko na isa sa mga factor na kino-consider ko. Nag-iisang anak ka lang. At ang makakuha ng request sa isang katulad ko, kahina-hinala talaga. Baka may masama akong binabalak. Pero sa mga takbo ng pangyayari, mukhang hindi masyadong protective ang mga magulang mo."



          “Si papa na lang kasi ang natitira kong magulang. Tapos laging busy pa siya sa kanyang mga business. Hindi na niya ako naaasikaso," malungkot na kwento ko.



          “Wow! Kaya pala napakalaya mo. Dapat kasi sa mga katulad mo, may overprotective na mga magulang. Pero iyang kabobohan sa utak mo, mukhang mas lalala pa."



          “Ang harsh mo naman magsalita."



          “Natural Jin. Hindi tayo magkaibigan," nakangiti niyang saad. “Moving on, kapag may nakuha akong trabaho sa tulong mo, hindi pa rin tayo magkaibigan Jin."



          “Pero pwede kitang kausapin para sa ilang mga bagay hindi ba?"



          “Well, dipende. Pero since may malungkot kang family background, hindi ko naman gagawing sobrang lungkot iyang buhay mo. Ayoko na ako ang pumatay sa'yo."



          “Siya nga pala. May cellphone ka ba? I-text na lang kita sa response ng papa ko."



          “Hindi mo ata ako narinig Jin. Hindi tayo magkaibigan para magpalitan ng cellphone number."



          “Pero paano kung halimbawa, pumayag na si papa. Tapos sasabihin ko sa iyo. Pero hindi kita makita kahit saan. Kahit na maghintay pa ako sa gate, baka nakapasok ka na sa eskwelahan sa pagkakataong iyun. Tapos nakita na kita sa bandang uwian. Then bumaba ako ng sasakyan at hinabol kita. Tapos nabangga ako ng sasakyan. O kaya habang nakasakay sa sasakyan, dahil wala na ako sa focus, nabangga naman ako ng isa pang sasakyan. Tapos namatay ako," pangongonsensya ko.



          “Okay. Okay. Tama na iyang pag-iisip mo ng mga worst case scenarios kapag hindi ko binigay sa iyo ang cellphone number ko. Akin na ang phone mo."



          Binigay ko ang aking phone kay Aulric. Medyo natagalan naman siya sa paghawak sa phone ko. Baka tinitingnan pa niya ang contacts ko.



          Maya-maya ay ibinalik na ni Aulric ang phone ko.



          “Sige. Aalis na ako," paalam ni Aulric. “Mag-ingat ka sa pag-uwi mo."



          “Bye."



          Natuwa ako dahil nakuha ko ang kanyang numero. Naging matagumpay ang pangongonsensya ko sa kaniya.



          Pagkauwi ko, sakto naman na nasa mansyon si daddy. Nasa library daw siya sabi ng mga katulong sa bahay.



          Masaya akong kumatok sa pintuan ng library at pinaanyayahan ako ni daddy.



          Hinalikan ko si daddy sa pisngi. “Magandang gabi dad."



          “Ikaw din anak. How's school?" agad na tanong ni daddy.



          “Okay naman. Walang man lang akong kaproble-problema," sagot ko. “Siya nga pala dad. Iyung kaibigan ko na hindi daw pero kaibigan ko sa tingin ko, naghahanap ng trabahong mapapasukan ngayong summer. Gusto ko pong magtanong kung may pwede po ba siyang pasukan."



          “Ano? Kaibigan mo na hindi daw pero kaibigan mo sa tingin mo? Anong kalokohan iyan anak?" nang-aasar na tanong ni daddy.



          “Ehh, dad, mukhang ganoon po kasi ang setup namin. Okay naman po siya. Isa siyang mabuting kaibigan kahit hindi niya ako tinatawag na kaibigan nevertheless."



          “Hmm, bahala ka na nga. Naguguluhan pa rin ako sa mga sinasabi mo. Problema mo na iyan tutal, ikaw lang naman ang nakakakilala ng mabuti sa kaibigan mong iyan. Bueno, palagay ko'y nangangailangan ng tao doon sa isang restaurant na pag-aari natin. Sabihin mong mag-submit siya ng resume sa restaurant at ako na ang bahala. Ano nga pala ang pangalan ng taong kaibigan mo na hindi naman pero kaibigan mo talaga?" pakumpas na tanong ni daddy.



          “Aulric Melville po daddy," sagot ko.



          “Ano? Aulric Melville ba? Hmm." Binuksan naman ni daddy ang katabi niyang laptop. “Parang pamilyar ang pangalan niya. Saan ko nga ba iyun narinig?"



          “Pamilyar sa inyo?"



          Ilang minuto akong nakatayo sa harapan ni daddy habang siya'y nagpipipindot sa kaniyang laptop. Bakit naman naging pamilyar kay daddy ang pangalan ni Aulric? Hindi kaya may masamang ginawa si Aulric sa daddy ko kung sakali? Nako! Paano nga kung ganoon?



          “Ahh! Nakita ko na. Bibigyan pala siya ng espesyal na imbitasyon para makapasok sa eskwelahan natin anak," paliwanag ni daddy.



          “Po? Espesyal na imbitasyon sa eskwelahan natin? Ibig sabihin po, sa eskwelahan natin magkokolehiyo?" tanong ko.



          “Oo anak. Pero nasa kaniya iyun kung tatanggapin niya ang imbitasyon o hindi. Galing ang request sa isang anonymous donor niya. Binayaran na din ng donor ang lahat ng expenses ng kaibigan mo na hindi mo daw kaibigan na si Aulric sa eskwelahan. Ano kayang espesyal sa bata na ito? Naghalungkat ako ng ilang impormasyon sa kaibigan mo na hindi daw pero kaibigan mo, wala naman akong makitang espesyal. O baka ako lang kasi iyun. Hindi naman katalinuhan pero hindi babagsak sa line of 8 ang kanyang grado. At mukhang marami na ata akong nasasabing impormasyon." Isinara na ni daddy ang kanyang laptop.



          Parang gusto kong tumalon sa tuwa dahil sa narinig ko. Libreng makakapag-aral si Aulric sa eskwelahan ng aking mga magulang. Magiging schoolmates ulit kami kung sakali.



          “Pero iyung tungkol sa trabaho, tuloy pa po ba iyun dad?" tanong ko.



          “Tuloy. Bakit hindi? Pagkakataon ko na din para malaman kung ano ang espesyal sa komplikado mong kaibigan. Ay salamat! Isang maikling term ang pumasok sa isip ko para diyan sa komplikado mong kaibigan."



          “Okay. Siya nga pala dad. Isang bagay pa po. May pinapasabi siya sa iyo. Isa rin po siyang mabait na uportunista na naghahanap ng trabaho kaysa naman ako ang akitin niya."



          Natahimik si dad at maya-maya'y natawa. Nakitawa naman ako dahil nagiging awkward na para sa akin kasi ako lang ang hindi tumatawa sa kwarto.



          “What a frank friend you have there! I wonder kung anong course ang kukunin niya," saad ni daddy nang natapos na siyang tumawa. “May kailangan ka pa anak? Sabihin mo na bago ako bumalik sa trabaho."



          “Wala na po dad," iling ko. “Salamat po sa pagtulong sa akin." Hinalikan ko ulit sa pisngi si daddy.



          “Tinulungan kita?" naguguluhang tanong niya.



          “Ahh, wala po daddy. Pupunta na po ako sa kwarto ko." Nagmadali naman akong lumabas ng library.



          Habang naliligo ako sa shower, napaisip ako. Bakit ginagawa ko ang gusto ni Aulric? May gusto ba ako sa kaniya?



          Paulit-ulit na naman na pumasok sa utak ko ang mga naiisip ko. May gusto ba ako kay Aulric? Gusto? Siya? Pero hindi ko lalabanan ang nararamdaman ko kung sakaling ganoon nga ang nararamdaman ko sa kaniya. Wala naman kasing tututol kung sakali, maliban lang si Aulric mismo. Pero sa mga takbo ng mga pangyayari sa pagitan naming dalawa, malamang pagtatawanan niya lang ako. Malamang iisipin niya na niloloko ko siya. Hindi ko muna ngayon ipagtatapat ang nararamdaman ko sa kaniya. Kailangan makita niya mismo at maramdaman niya ang tunay na pagmamahal ko.」



          「1 month ago...



          Natapos na ang palabas namin at oras na para bumalik sa aming mga kaklase para magsaya. Bago muna ako bumalik ay pinuntahan ko si Aulric. Nasira kasi ang aking phone kaya gusto kong kunin ulit ang numero niya.



          Naabutan ko naman siya na naghihilamos sa banyo ng Drama Club. Tinatanggal na pala ni Aulric ang kanyang costume na magmumukha siyang babae.



          “Aulric, pwede bang hingin ko sa'yo ang number mo?" tanong ko. “Tutal, makaibigan na tayo ngayon, pwede ba?"



          Rinig kong pinatunog ni Aulric ang kanyang dila at umiling habang naghihilamos. “Game sana ako dyan Jin. Kaya lang, wala na akong phone. Ewan ko pero nasira din ang phone ko."



          “Nasira? Nakapagtataka naman. Pati pala ikaw? Noong isang linggo, ilan sa mga kaklase ko ay misteryosong nasiraan din ng phone."



          “Misteryoso talaga?"



          “Dahil hindi ko din matukoy ang dahilan kung bakit nasisira ang phone ng ilang mga kaklase ko kaya misteryoso."



          “Sa bagay. Alam mo noong isang linggo din, iyung kaibigan ni Caleb na kaibigan ko din na si Isaac, si Zafe, si nanay, nasiraan din ng phone. Hindi rin namin matukoy kung bakit. Ano kayang ginagawang kalokohan ngayon ni Jimmy Neutron?"



          Natawa ako sa sinabi niya. “Bakit nadamay dito si Jimmy Neutron? Ehh, cartoon character lang naman iyun."



          “Yeah. Cartoon character lang iyun. Pero malay mo. Hindi Jimmy Neutron ang pangalan niya pero nag-e-exist ang isang katulad niya sa mundo. Eitherway, malaking perwisyo ang ginawa niya dahil wala kaming pambili ng phone ni nanay. Kailangan ko pa naman ngayong buwan na laging mag-report sa kaniya hangga't maaari."



          “Manghingi ka kaya sa school?" hindi ko siguradong mungkahi.



          “Sigurado ka ba diyan?" tanong ni Aulric habang pinupunasan na ng tuyong bimpo ang mukha niya.



          “Sabihin mo na lang sa school na for daily emergency purpose."



          “Hindi lulusot ang ganoon."



          “O kaya sabihin mo na pangunahin na pangangailangan mo iyun. Tsaka alam mo ba na kaming buong mag-anak, naapektuhan din ng misteryosong pagkasira ng mga phone? Siguradong pagbibigyan ng school ang hiling mo na bigyan ka ng phone. Dalawa pa kung gusto mo."



          Hindi naniniwalang tumingin sa akin si Aulric. “Talaga lang ha? Hindi ako tatanggi kapag binigyan ako ng libreng phone dahil kailangan na kailangan ko talaga yun. Paano ako makakakuha?"



          Nang lumabas kami ng banyo, may babaeng papalapit sa amin.



          “Aulric," tawag ng kaibigan niyang si Shai. “Siya nga pala. May regalo ako sa'yo. Merry Christmas sa iyo." May ibinigay itong regalo kay Aulric na tinanggap naman niya. Ang lalagyan ay hindi naman kalakihan. Teka, hindi naman kaya?



          “Aulric," tawag naman ng kaibigan niya, na si Zafe. “Naunahan na pala ako ni Shai. Ako din. May regalo ako sa'yo. Merry Christmas din." May binigay din naman itong regalong katulad kay Shai at tinanggap din ito ni Aulric.



          Walang ekspresyon ang mukha ni Aulric at inalog ng konti ang mga regalo na bigay ng dalawa. Mukhang nahuhulaan din niya kung ano ang laman ng mga regalo.



          “Bakit mo ako binibigyan ng regalo? Hindi kita kaibigan hindi ba?" tanong ni Aulric kay Zafe.



          “Well, si Santa Claus nga, hindi niya personal na kaibigan ang mga bata sa mundo. Pero binibigyan niya ng regalo. Ako pa kaya?" rason ni Zae.



          “Hindi naman totoo si Santa Claus ahh."



          “Exactly!"



          Tiningnan ni Aulric ang dalawang regalo. “Hay! Bahala nga kayo. Hindi ko kahit kailan tatanggihan ang regalo. Maliban na lang kung may balak na masama iyung nagbigay sa akin."



          “Ano ba iyan?! Nasaktan naman ako sa mga sinabi mo!" kunyaring nasasaktan na saad ni Shai.



          “Ako rin pala Aulric. May regalo ako sa'yo." May kinuha ako sa aking pulang duffle bag na kasama sa sinusuot kong costume bilang si Santa Claus. Isa rin itong regalong at ang laki ay katulad sa mga naunang nagbigay. “Merry Christmas Aulric!" Tinanggap din niya ang sa akin.



          “Salamat Jin," nakangiting pagtanggap ni Aulric.



          “Hala?! Bakit nagpasalamat ka sa kaniya? Sa amin ni Shai, hindi?" protesta ni Zafe.



          “Huwag ka ng magreklamo!" siko ni Shai habang nakangiti.



          “Guys, huwag kayong mag-expect na bibigyan ko kayo ng mamahaling regalo ha. Alam niyo naman na down to earth ako. Pero itong mga regalo ninyo, bakit iisa?" tanong nito sa amin.



          “Ay! Alam mo na?! Walang thrill. Oh well. Ako kasi Aulric, binigyan din niyan ni Andrew. At iyung isang kaklase natin, ganyan din ang binigay sa isa pang kaklase natin. At doon pa sa isang kaklase natin. At doon ulit sa isa pang kaklase natin. And so on," paliwanag ni Shai.



          “Shai, nag-iisip nga ako na baka may ginawang kalokohan iyung mga kompanya na iyun," kumento ko.



          “Baka marketing strategy," kumento ni Aulric. “Pero kasi, nabasa kong itinanggi ng mga kompanya na kagagawan nila ang mga nangyaring misteryosong pagkasira ng mga phone."



          “Hindi ako naniniwala," kuro-kuro ni Zafe. “Biruin mo, nitong Disyembre lang nagkaroon ng siraan? Ano iyun? Lokohan? Alam naman natin na kapag Disyembre, maraming mga pera ang mga tao. At dahil sa nangyaring siraan, mapipilitan ang mga tao na bumili ng bagong phone. Kaya ngayong pasko, tiba-tiba ang mga phone companies. Ang dami nilang benta ngayon."



          “Hay nako! Kinabahan talaga ako nung akala ko, nasira ko iyung phone ni Isaac. Wala pa naman akong pamalit doon kung sakali."



          Tumigin si Zafe sa pulang duffle bag ko. “Pre, ayos pala iyang duffle bag natin ahh? Diyan mo pa pala kinuha ang regalo ni Aulric? Baka may regalo ka pa diyan sa duffle bag mo Santa Claus."



          “Zafe idol, wala na. Puro props na lang iyung ibang nakalagay dito." Binuhos ko ang laman ng pulang dufflebag.



          May kinuha naman si Shai sa isa sa mga regalong props. “Aba! Ang props na ito, mukhang tunay! Ang galing gumawa ng Drama Club ng props. At may card pa! Para daw kunyari kay Aulric. Merry Christmas! Galing kay Mr. Wolf."



          Biglang nanlaki ang mata ni Aulric at kinuha ang props na regalo mula kay Shai at inalog. “Hindi ito props Shai. Isa itong totoong regalo."



          “Mr. Wolf? Secret admirer?" tanong ni Zafe.



          “Galing ba ito sa'yo?" tanong sa akin ni Aulric.



          “H-Hindi. Itong regalo ko lang iyung nakalagay diyan," pagtanggi ko. “Baka kay Caleb galing? Siya iyung nag-ayos ng props kong ito."



          Binuksan ni Aulric ang regalong iyun. Walang duda na ang regalo ay isang iPhone 6. Silver pa ang kulay nito.



          “Swerte ahh? Apat na iPhone 6 ngayong pasko," saad ni Zafe.



          “Pero hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin ang regalong ito. May misteryosong tao kasi na nagbibigay sa akin ng dalawang regalo ngayong taon. Ang isa ay isang kwintas na lobo noong graduation ko sa high school, at ang isa ay ito," paliwanag ni Aulric.



          “Hindi kaya sa benefactor mo sa school ang nagbigay ng regalong iyan?" hula ko.



          “Benefactor ko sa school?"



          “Kasi Aulric, napag-usapan ka namin ni daddy noong naghahanap ka pa ng summer job. May isang anonymous donor na binayaran ang lahat ng expenses mo sa school sa apat na taong mag-aral ka dito. Kaya binigyan ka ng special invitation. At sa anonymous donor mo, hindi namin kilala. Anonymous ehh."



          “Salamat sa anonymous donor na iyan. Naging kaklase ko si Aulric," naka-smile na saad ni Zafe.



          “Anong ibig sabihin mo doon?"



          “W-Wala naman Jin."



          “Ang akala ko nga dati, dahil sa grades ko na hindi babagsak sa line of 8 kaya nakakuha ako ng special invitation. Ngayon, alam ko na," wika ni Aulric.



          “Pero matalino ka naman Aulric ahh. Lagi nga nating pinag-aagawan ang top sa klase. Pero alam mo naman siguro kung sino ang nasa top," pagbibiro ni Zafe. Seriously? Anong ibig sabihin mo doon Zafe?



          “Okay. Tama na ang biro. May ilang clues na ako para matukoy kung sino ang taong ito. Kung makilala ko kung sino ang Mr. Wolf na ito, magpapasalamat ako sa kaniya."



          Inakbayan ni Zafe si Aulric. “Isama mo ako diyan! Magpapasalamat din ako."



          “Ako din!" saad ko.



          “Siyempre, ako din!" wika ni Shai.



          Iwinaksi ni Aulric ang bisig ni Zafe. “Okay, okay. Bumalik na nga tayo sa mga room natin. May Christmas party pa iyung mga klase natin."



          Inilagay ulit ni Zafe ang bisig niya sa balikat ni Aulric. “Kaya tara na Aulric."



          Ngayon naman ay si Shai ang nagwaksi sa bisig ni Zafe. “Teka lang Zafe. May pag-uusapan kami ni Aulric. Kaya mauna ka na."



          “Ganoon ba? Sige. Mauna na ako," paalam ni Zafe at umalis na sa lugar.



          “Ako din Aulric. Aalis na ako. May Christmas party pa akong pasasayahin," paalam ko. “Merry Christmas Aulric."



          “Merry Christmas din Santa Claus," bati ni Aulric.



          Masaya kong nilisan ang lugar na iyun. Hay! Kung sino man iyung Mr. Wolf na benefactor ni Aulric, magpapasalamat ako dahil inilapit niya si Aulric sa akin. Tadhana nga ba ito? Mukha kasing everything is falling in place at ako na lang ang hinihintay. Soon Aulric. Soon.」



Zafe's POV



          「1 month ago...



          “Bakit wala rito?" tanong ko kay Ricky habang binabasa ang kakalabas lang na school paper galing sa Journalism Club. Humugot ako ng buntong-hininga nang mabasa ko na ang huling pahina ng school paper.



          “Baka naman kasi ito ang sinasabi ng mga hindi natin nakikita na puwersa na huwag mo ng ituloy ang plano mong iyun," sagot ni Ricky. “So kelan mo sasabihin ito kay Sharina?"



          “Anong sasabihin ko?"



          “Pasensya na. Ang aaminin mo kasi ay palabas lang ang lahat ng iyun?" wika ni Ricky sa sarkastikong tono. “No way! Iyung masamang ugali na sinasabi mo sa akin, ayokong magising. Huwag mo itong patagalin Zafe. Pagsabihan mo na iyung babae. Babalik na ako sa Christmas party ng klase namin. Akin na nga iyan?!"



          Kinuha mula sa akin ni Ricky ang school paper at umalis. Humugot lang ako ng buntong-hininga matapos maalala ang mga pinagsamahan namin ni Sharina. Kailangan ko itong sabihin. Pero paano naman? Mag-isip ka Zafe. Mukhang magiging masamang pasko ito para kay Sharina.



          Sa ilang linggo namin na pinagsamahan ni Sharina, na-realize ko na hindi ko na dapat siya ginamit sa mga plano ko sa simula pa lang. Mabait na babae si Sharina pero hindi ako nababagay sa isang katulad niya. Hindi nga dapat niloloko ang babaeng iyun. Hindi ko din siya mahal sa simula pa lang dahil si Aulric lang ang gusto ko. Nung hinalikan ni Jin si Aulric, may naramdaman akong kumurot sa puso ko. Gusto ko talaga siya. Gusto ko na ako lang ang humalik ng ganoon sa kaniya. Kahit na alam kong palabas lang iyun, hindi ko maiwasang lagyan ng malisya. Nararamdaman ko din kasi na may gusto si Jin sa kaniya. Kailangan resolbahin ko na ang mga gusot na ito bago pa magkagulo.



          Bumalik na ako sa silid-aralan kung saan kami nagsagawa ng Christmas party. Tinawag ko naman si Sharina at dinala sa isang pribadong lugar.



          “Sharina, may ipagtatapat ako sa'yo," direct to the point kong sinabi.



          “A-Ano iyun Zafe?" kinakabahan na tanong niya.



          Humugot lang ako ng buntong-hininga at inayos ang aking lalamunan. “Unang-una, humihingi ako ng patawad sa'yo Sharina. Hindi ko kasi magawa ito kung sakali. Gusto ko kasing sabihin na huwag ka ng umasa na hindi na magiging tayo."



          “Nagbibiro ka lang hindi ba? Alam mo, may napanuod ako sa commercial na ang kasunod na linya ay dahil magiging tayo na habang buhay."



          “Hindi Sharina. Ang gusto kong sabihin ay malabo tayo sa isa't isa."



          Nag-iba ang timpla ng mukha ni Sharina. Pinakiramdaman ko naman siya kung lalabas iyung masama niyang ugali. Kailangan hindi ko maipalabas iyun dahil magkakagulo. Hindi ko alam kung paano siya maibabalik kung sakali.



          “Teka, sandali lang. Ang ibig kong sabihin, I'm not worthy to be your boyfriend. Gusto ko lang sabihin na someone is better than me, and much more deserving para sa iyo. I'm not telling this based on our standings in life, I'm telling this based on my feelings. Hindi ko kayang-"



          “Teka, sabihin mo nga," pagputol ni Sharina. “May mga bagay ba na dapat akong baguhin? Sa ugali ba, pananamit, ano? Sabihin mo sa akin Zafe kung ano ang kailangan kong baguhin."



          “No. You don't need to change. You are what you are at ayokong magbago ka para lang matuloy ang relasyon natin. Ayoko na kasing mag-expect ka Sharina. Hindi ko kaya na sinasayang mo sa akin ang oras mo. Baka hindi ako para sa iyo. Think of the other possibilities Sharina."



          “Am I the problem?" naiiyak niyang tanong.



          Lumapit ako sa kaniya at pinunasan ang kaniyang luha. “Sharina, this is what I want. I have decided na pagtuunan ng pansin ang gusto ko. Mag-aral at maglaro ng basketball. Imagine, noong high school ako, hindi ko magawang makapasok sa top 10 sa school namin noon. Ngayon kasi, nakikipag-unahan na ako ngayon kay Aulric sa top at masayang-masaya ako. I've never felt this kind of happiness. And I want this happiness to stay in me for 3 or 8 more years in my life. Dahil kapag naka-graduate na ako, mawawala na ito lahat. I know that this is a stupid reason. Pero Sharina, this is me and this is what I want. And I hope na hayaan mo ako. If you really love me, you'll let me go. At kung bumalik man ako sa'yo, that means na para talaga tayo sa isa't isa. That's how love works hindi ba? At kung hihintayin mo ako and somewhere in the road, may natagpuan ka na makakasama mo habang buhay at hindi ako iyun, I will be very happy for you. Kasi ganoon talaga dapat."



          Biglang tumakbo si Sharina habang patuloy pa ring bumubuhos ang kanyang mga luha. Bumuntong-hininga naman ako dahil natapos na ako sa dapat kong gawin. Mabuti na ang ganito. Pero medyo magiging risky sa akin ngayon ang sitwasyon. Ginamit kong dahilan ang pag-aaral para lang makipaghiwalay kay Sharina. Wala kasi akong maisip na dahilan bukod pa doon. Sigurado kasi na kukulitin niya ako at pipilitin niya na makipagbalikan. Teka nga lang? May kami na ba ni Sharina? Ni hindi ko pa nga siya sinagot.



          「“Pasensya na Zafe," panimula ni Colette sa paghingi sa akin ng tawad. Nagsimula ng tumulo ang luha niya. "Pasensya na dahil sa simula pa lang, ginamit lang kita para makipaghiwalay kay Kurt! Ang totoo niyan, wala talaga akong gusto sa'yo! Pasensya na din kung ngayon ko lang ito sinabi sa iyo! Naiinis kasi ako sa sarili ko kung bakit kita hinahayaan kita na gawin ang gusto mo! Alam kong may gusto ka sa akin Zafe! Pero, pasensya na! Wala talaga akong gusto sa'yo!"」



          Naalala ko bigla ang ginawa ni Colette sa akin. Naging katulad ko siya ngayon. Ang pagkakaiba nga lang, hindi ako naghayag na may gusto ako kay Sharina. Ang sinabi ko lang, interesado ako sa kaniya.



          Bumalik ako sa aming party. Wala na din si Sharina dito. Si Aulric naman ay narito na. Nang nakita niya ako, lumapit si Aulric sa akin.



          “Tuloy ba?" tanong niya.



          “Ha? Anong itutuloy?" maang ko.



          “Iyung sabi mo sa akin na i-marathon ang Avatar."



          “Ahh? Iyun ba? Sige. Gusto mo, bukas na natin simulan iyung panonood."



          “Okay."



          Inisip ko kung paano kapag nalaman ni Aulric ang nangyari sa amin ni Sharina? Paniguradong magagalit siya. Buti na lang, hindi lumabas iyung balita na ipapakalat ko.



          Kinabukasan sa bahay, sinimulan na namin i-marathon ang Avatar. Tuwang-tuwa si Aulric na nanonood at hindi ko man lang siya makausap.



          Habang nanonood ay pasimple kong ninakaw ang kanyang phone. Natuwa ako matapos malaman na iyung kulay pula na niregalo ko para sa kaniya ang ginamit ni Aulric.



          Dahil wala pang lock ang phone ni Aulric, walang paalam na nilagay ko ang aking numero. Nag-e-enjoy talaga siya manood ng Avatar habang hindi ako nag-e-enjoy. Ilang beses ko na rin kaya inulit-ulit ang series na iyan.



          “Ayaw mo na bang panoorin to?" biglang naitanong ni Aulric sa akin.



          “Hindi. Gusto kong panoorin iyan," pagsisinungaling ko. “Manood ka lang. Huwag mo akong intindihin."



          Nang mapansin ni Aulric na hawak ko ang iPhone niya, kinuha niya ito agad. Ginamit pa ni Aulric ang kanyang damit para punasan ang kanyang phone.



          “Baka may makuha akong germs," pagdadahilan niya.



          “Germs pala ha?" Pinatungan ko siya. “Hahawaan kita ng aking mga germs."



          “Hoy-"



          Sinakop ng aking labi ang labi niya. Gusto ko talaga gawin iyun sa kaniya simula noong nakita kong halikan siya ni Jin. Hindi ako manhid. Alam kong may gusto si Jin sa kaniya.



          Nang bumalik ako sa aking uliran, mali itong ginagawa ko. Tumayo agad ako at pumunta sa aking banyo. Mali, hindi dapat ganito ang ginagawa ko. Alam kong may gustong mangyari si Aulric. Hindi iyung ganoon na nangyari sa amin kanina ha.



          Humugot ako ng buntong-hininga at lumabas na ng banyo. Umupo na lang ako ng medyo malayo sa kaniya. Pinagpapatuloy pa rin ni Aulric ang panonood ng Avatar.



          “May gusto ka bang pag-usapan?" tanong ni Aulric matapos niyang i-pause ang pinapanood.



          “Wala," iling ko. “Medyo naguguluhan lang ako sa ilang bagay."



          “Gaya ng?"



          “Hindi ko maipaliwanag ng maayos. Naguguluhan nga ako ehh."



          “So nagbabago na ba ang ihip ng hangin at hindi mo na ako gusto?"



          “Gusto pa rin kita. Ehh ikaw?"



          “Konti na lang."



          “Konti na lang, at mahuhulog ka na sa akin?"



          Natawa ng payak si Aulric. “Asa!"



          Tumayo na lang ako. “Nauuhaw ka na ba? Gagawa lang ako ng juice sa baba."



          “Sure."



          Lumabas na ako kwarto at bumaba ng kusina para ipaghanda siya ng maiinum. Nang makabalik na ako sa kwarto, nadatnan ko siya na natutulog.



          Inalagay ko sa maliit na lamesa ang dinala kong inumin. Nakasandal ang katawan ni Aulric sa kama ko habang nakaupo pa rin. Hinagkan ko ang kanyang mukha simula sa buhok niya pababa sa labi. Mukha talaga siyang anghel kapag natutulog. Kung natutulog nga lang talaga siya.



          “Hoy, gawain ko din iyan. Hindi mo ako mahuhulog sa patibong mo. Sinusubukan mo ako ehh," saad ko.



          Hindi siya gumalaw. Aba! Mukhang makatotohanan talaga kapag nagkunyari siyang tulog. O baka naman nakatulog na talaga siya. Siguro ay dahil sa lamig ng aircon kaya nakatulog siya. Hindi na din kasi itinuloy ni Aulric ang panonood ng Avatar. Naka-pause pa rin kasi ang video.



          Binuhat ko siya at ihiniga sa aking kama. Kinumutan ko pa siya para hindi lamigin. Itinaas ko naman ang temperatura ng kwarto. Maya-maya ay may narinig akong tumutunog. Galing iyun sa phone ni Aulric at kinuha ko ito saka ako na ang sumagot.



          “Hello? Aulric, anak?" saad ng isang boses ng babae sa kabilang linya. Mukhang ito iyung nanay niya.



          “Umm, hello? Si Zafe po ito," pabulong na sagot ko. Baka magising si Aulric.



          “Teka? Sino ito?"



          “Kaibigan, hindi kaibigan, kaibigan, ewan ko po ma'am pero magkaibigan po kami ng anak niyo. Ang gulo po niya." Umupo ako sa gilid ng kama.



          “Ahh! Ikaw pala iyung kaibigan ng anak ko. Sinasabi niya na mabait ka daw. Wala nga siyang masabi bukod sa mabait ka daw. Bakit magkaiba ang sinasabi ninyo? May mga bagay ba kayo na hindi napagkakasunduan?" Mabait lang ako?



          “Ganoon ba? Masaya po ako na malaman ang bagay na iyan. Sa ngayon o nitong mga nakaraang araw, palagay ko po ay marami po kaming bagay na hindi napagkasunduan. Pero alam niyo naman po. Ako, mabait, kaibigan niya, okay naman po ang lahat."



          “Siya nga pala. Ang anak ko?" tanong ng nanay niya.



          “Natutulog po," sagot ko habang hinihimas ko ang kanyang buhok. Sarap sabunutan ng taong ito habang natutulog.



          “Natutulog? Umm, pwede mo ba siyang bantayan para sa akin?"



          “Bantayan? Bakit po? May kaso po ba siya ng sleepwalking at nananaga siya ng tao habang tulog?"



          “Wala naman," natatawang tugon ng nanay niya sa kabilang linya. “Pero nitong mga nakaraang araw kasi, hindi makatulog ng maayos ang anak ko sa gabi. Lagi siyang nagigising sa kalagitnaan ng gabi at nagsisisigaw. Natatakot ako para sa anak ko. Baka isang araw, magising ako na patay na pala siya. Natatakot ako na baka mangyari din sa kaniya ang nangyari sa tatay ko. At death anniversary pa naman niya ngayon."



          “Ganoon po ba? Sige po. Wala po akong magagawa kung hindi bantayan ko siya. Sayang pa naman po itong anak niyo kapag namatay dahil sa bangungot. Okay lang kung dahil sa sarap ko siya mamatay."



          “Anong sabi mo?"



          “Ano pong sabi ko? Ayoko pong mamatay ang anak niyo. At isa pa po kasi, mahirap po mamatay ang masamang damo."



          “Pero hindi isang damo ang anak ko."



          “Alam ko po iyun," natatawa kong saad. “May ibibilin pa po ba kayo?"



          “Wala na hijo."



          “Oo nga po pala. Payag po ba kayong bukas ko na po isauli ang anak ninyo? Paano po kung masarapan siya sa kwarto ko at makatulog ng maayos? Hindi po ba magiging mas mabuti iyun para sa kaniya? Ang makatulog ng maayos?" tanong ko.



          “Kung gugustuhin ng anak ko, bakit hindi?" sagot ng nanay ni Aulric. “Pero okay lang ba sa mga magulang mo hijo?"



          “Ako na po ang bahala doon."



          “Sige hijo. Ibababa ko na ang bago kong iPhone na bigay ng anak ko. Baka manakaw."



          “Sige po. Ingat po kayo."



          “Paano po kung masarapan siya sa kwarto ko at makatulog ng maayos?” saad ni Aulric habang ginagaya ang tono ng boses ko. Narinig niya pala ang mga sinabi ko. “Iyung totoo? Masarapan sa kwarto mo? May hidden meaning ba iyung sinasabi mo?"



          Natawa ako ng marahan. “Wala naman. Wrong choice of words."



          “Anong sinabi mo kay nanay?" tanong niya habang umiba ng pusisyon ng paghiga. “At ano naman ang pinag-usapan niyo?"



          “Nagpaalam ako sa nanay mo na iyung anak niya, gagahasain ko dito sa kwarto at nang masarapan para makatulog ng maayos," sarkastikong sagot ko. “Huwag mo nga akong lokohin. Gising ka at narinig mo ang mga sinabi ko."



          “Magtatanong ba ako kung narinig ko? Basta ang narinig ko lang ay doon sa parte na sinabi ko kanina," nayayamot na tugon niya.



          “Well, ikaw ang pinag-usapan namin. Nag-aalala ang nanay mo sa'yo. Hindi ka pala nakakatulog ng maayos nitong mga nakaraang araw."



          “Yeah. Iniinom ko kasi ng kape para magising ako. Siya nga pala. Iyung mga magulang mo, baka biglang dumating."



          “Huwag kang mag-alala. Laging dumadating iyun bago o araw ng bisperas ng pasko. Kaya matulog ka na. Bago magbago pa ang isip ko na gahasain ka."



          “Zafe, alam mo noong pumunta ako sa fiesta sa isang baranggay, may lalaki na niyaya akong makipag-sex."



          Tumaas ang dugo ko sa kwento niya. “Pumayag ka? Ginahasa ka? Anong pangalan niya?"



          “Gago ka ba? Ako, papayag? Magpagahasa?"



          “Eitherway, sasapakin ko siya o bubugbugin kapag malaman ko kung sino man siya."



          “Huwag ka ng mag-abala. Sinipa ko ng malakas sa ari niya."



          “Hoy, baka naman mabaog mo iyung taong iyun?"



          “Imposible," natatawang remark niya. “Ang kapal kaya ng mukha niya. Hindi ko nga alam kung alin pa ang makapal maliban sa mukha niya. Sayang ang gwapo pa naman niya."



          Agad akong pumunta sa ibabaw niya. “Ehh, ako? Hindi ba?"



          Pinagmasdan niya ang mukha ko at ngumiti. “Nako! Pasensya na. Wala ka pa nga ata sa kalingkingan ng lalakeng iyun. Mas gwapo siya kesa sa iyo," habang hinahawakan niya ang mukha ko. "Mas matipuno at mukhang suki ng gym," habang tumutulay ang isa niyang kamay sa mga braso ko. “Ang cute ng mga mata niya at halata pa na sanay-sanay na mang-akit," habang dumampi ang isa niyang kamay sa aking pilik-mata. “Napaka-kissable pa ng mga labi niya," habang dumaan ang isang kamay niya sa labi ko. “At mas malaki ito nang nakita ko na bumakat sa kaniyang damit," marahan niyang sipa sa ari ko. “Kaya lang, napakasayang ng lalaki. Pakiramdam ko kasi, mukhang marami na atang gumamit sa katawan niya. Manwhore kasi siya. Ayoko sa mga taong ganoon. Gusto ko kasi, iyung virgin pa ang lahat ng parte ng katawan."



          “Ang arte naman. Wala ehh. Kung naunahan mo lang si Colette. Kaya lang, sigurado akong ito, virgin pa," saad ko habang hinahawakan ang aking umbok ng shorts ko. “Iyong-iyo na ito kung magiging maganda ang takbo ng mga pangyayari sa atin. Pero mukhang mahihirapan ako. Pati itong puso ko. Mamahalin kita ng buong-buo."



          Dahil sa ginawa niya, nag-init ang aking sistema. Bakit ba kasi kailangan hawakan pa ang katawan ko para ilarawan lang iyung lalaking nakasalamuha niya sa fiesta? Sino kaya iyung tarantadong lalaking iyun?



          Pababa ng pababa ang labi ko papunta sa labi niya. Kahit hindi ko hinahawakan ang kamay niya, mukhang hahayaan niya lang ako ngayon.



          “Tara na Zafe! Maglaro na tayo!" agad na sigaw ni Ricky matapos buksan ang pintuan ng kwarto ko.



          Bigla na lang bumagsak ang mukha ko sa gilid ng ulo niya at ang katawan ko sa kaniya matapos masumpresa sa pagdating ni Ricky. Ang kiss ko, naging bato pa.



          Naging magalaw ang daliri ni Ricky habang nagsasalita. “Oh! Awkward. Mukhang busy pala kayo. Kaya si Ricky, magdi-disappear na muna. Ituloy niyo na kung ano ang inyong ginagawa niyo. Teka, baka may kailangan pa kayo. Condoms, snacks, inumin, sabihin niyo lang sa akin at ibibigay ko-"



          “Umalis ka na nga lang!" pagputol ko sa sinasabi ni Ricky sa pamamagitan ng pagbato ng unan.



          “Oo na!" Sinara na ni Ricky ang pintuan.



          “Balik nga tayo sa-"



          Pagbaling ko kay Aulric, tulog na siya. Mahimbing na mahimbing ng natutulog si Aulric. Okay. Hindi na iyan peke.



          Kinuha ko na lang ang unan na ibinato ko sa labas at inayos ko lang ang kumot ni Aulric saka ibinalik ko sa higaan. Nagpasya na muna ako na bumaba ng bahay para kausapin si Ricky, kung nandito pa siya sa bahay. Nadatnan ko na lang siya na nanonood sa sala.



          “Bakit nandito ka pa rin?" tanong ko.



          Nilingon ako ni Ricky. “Ohh? Akala ko ba, gumagawa na kayo ng milagro? Dito lang ako sa sala para maging lookout ninyo."



          “Kahit gusto ko, huwag na lang. Hindi pa pala siya nakakatulog ng maayos kaya natulog na."



          “Fail." Nagkibit-balikat na lang si Ricky at bumalik sa pinapanood. “So ano? Pwede ka ba ngayon makipaglaro sa akin?"



          “Hindi pwede," pagtanggi ko. “Babalik na lang ako sa taas para bantayan siya."



          “Wow! Bantayan mo pa siya?" hindi makapaniwalang tanong niya.



          “Binabangungot daw nitong mga nakaraang araw sabi ng nanay niya. Hindi naman ako payag doon na mamatay siya dahil sa bangungot. Gusto kong mamatay siya sa sarap. Sa akin," paliwanag ko.



          “Bagong mga salita iyan ahh? Mamatay sa sarap?"



          “Well, lately kasi, sinubukan ko. Iyung alam mo na," pakumpas kong saad.



          “Hay! Ewan. Basta ako Zafe, wala akong alam sa mga ganyan. Sa mga babae lang kasi ako sumisiping. Kung paano siya masasarapan o paano ka masasarapan, wala akong alam diyan. Kaya manonood na lang ako dito ng TV para masiyahan. Ikaw, umakyat ka na."



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga at umakyat na pabalik sa kwarto. Tiningnan ko ang kalagayan ni Aulric at baka namatay na sa bangungot. Nanginginig-nginig pa ako habang tinitingnan ang kanyang pulso sa leeg. Humugot ulit ako ng buntong-hininga nang masiguro na buhay pa siya.



          Ilang segundo ko na siyang tinitingnan at napalunok ako nang mapadako ako sa kanyang leeg. Curious na curious ako kung paano kapag hinalikan ko siya sa parteng iyun. Subukan ko kaya? Tutal, tulog naman siya at hindi niya ito malalaman.



          Umiling na lang ako dahil sa aking napagpasyahan. Huwag na lang muna. Tsaka inaantok na din ako nang mapahikab ako.



          Humiga na rin ako sa kama at medyo malapit ako kay Aulric. Para kung magwala siya, magigising din ako.



          Mga ilang minuto akong may malay hanggang sa natulog na ako ng tuluyan. Magandang gabi Aulric.」



Randolf's POV



          「1 month ago...



          “Tao po?" katok ko sa bahay ni Aling Emma.



          Bumukas naman ang pintuan. “Randolf? Naparito ka? Tuloy ka," yaya nito.



          Tinanggal ko ang aking pangyapak at pumasok sa bahay. May kinuha naman akong mga nakatali na pera sa bulsa ko.



          “Aling Emma, bayad ko po sa utang ko ngayon, at ang benta po sa pinabentang iPhone 6 ni Aulric." Inabot ko naman ito sa kaniya na tinanggap din.



          “Hay! Ano ba ito Randolf?" nagulat na saad ni Aling Emma. “Bakit pa nakatali? Mamaya nito Randolf, marked money pala ito ng mga pulis. Mukha kasing galing sa pagbebenta ng shabu kung paano tinali ang pera."



          Natawa ako ng payak. “Hindi naman po sa ganoon Aling Emma. Sinigurado ko na rin po iyan at nakumpirmang lehitimo ang pera. Pwera lang po sa kung saan talaga nanggaling ang pera. Kung sa masama o sa mabuti po," paliwanag ko. “Siya nga po pala. Asaan si Aulric?"



          “Si Aulric? Oo nga no." Napatingin si Aling Emma sa orasan. “10 na pala ng gabi. Baka doon na natulog sa kaibigan niya."



          Ikinakunot ng noo ko ang narinig. “Kaibigan niya? May kaibigan po ba si Aulric?"



          “Oo. Zafe ang pangalan niya."



          Nanlaki ang mata ko sa pagkakarinig sa isang pamilyar na pangalan. “Ho? Zafe? Iyun po ata iyung mayamang tropa na napunta dito sa lugar namin noong isang buwan. At magkaibigan po sila ni Aulric?"



          “Oo. Iyun ang sabi ng anak ko. Pero iba din ang sinasabi nung Zafe sa akin. Hay! Ewan ba! Ang gugulo kasi nila."



          “Pero ako, hindi pa rin niya kaibigan? Baka kaibigan niya lang ako dahil tinulungan ko siyang itago ang sikreto niya na nakapatay siya."



          “Ano ulit iyun Randolf?"



          “Wala po. Kung ano-ano na po ang nirereklamo ko dahil hindi pa rin po kami magkaibigan ng anak ninyo." Nagkunyari ako na tumawa saglit.



          “Ano ka ba Randolf. Mukhang magkaibigan na kayo ng anak ko. May tawag pa nga siya sa iyo ehh."



          “Ano naman po?" tanong ko.



          “Partners in crime," inosenteng sagot ni Aling Emma at natawa ng payak. Nako po! Kung alam niyo lang na nakapatay po talaga ang anak ninyo.



          “Aling Emma, siya nga po pala. May sasabihin po ako sa inyo na importante." Tumikhim na muna ako para maayos akong makapagsalita.



          “Ano naman ngayon?"



          “Si Manong Ike na kinakasama po ninyo, nandito po sa lugar natin."



          Natahimik si Aling Emma sa ihinatid kong balita. Maya-maya'y nasapo nito ang kanyang ulo at napaupo sa pinakamalapit na upuan. Ilang beses pa itong bumuntong-hininga na wari'y isang delubyong darating ang aking ihinatid na balita. Sa totoo lang, delubyo naman talaga. Si Manong Ike ba naman ang dahilan kaya naging masama si Aulric.



          Si Manong Ike kasi ay kilala na tagapagbenta ng shabu sa aming lugar. Noong isang taon, tinangka naman siyang hulihin ng mga pulis. Pero nakatakas ito. May mga usap-usapan na kaya nakatakas ito ay dahil sa tinulungan daw siya ng mga pulis. Mukhang may malakas na backer daw si Manong Ike. Ang mga tao naman ay galit na galit kay Manong Ike dahil sa mga nakuha nitong pera mula sa mga binentahan niya ng shabu. Kaya ang galit nila ay ibinaling kay Aulric. Hindi kasi nila pwedeng tagain si Manong Ike sa harap ng maraming tao kahit na alam nila na isa siyang kriminal. Takot kasi ang mga tao sa pinagsisilbihan niya kung sino man ito.



          “Ano na naman kaya ang kailangan ng taong iyun ngayon?" nakukunsuming tanong sa akin ni Aling Emma kahit na alam niya na wala akong maisasagot. “Salamat sa balita Randolf. Makakauwi ka na at baka hinahanap ka na ng mga magulang mo. Maging maaga ka bukas at para marami tayong benta. Malapit na ang pasko kaya dagsaan ang mga mamimili."



          “Sige po Aling Emma. Magandang gabi po," paalam ko saka lumabas na ng bahay.



          Mukhang magkakaroon ng gyera nito kapag nagkaharap ang mag-ama. Hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam sa kayang gawin ni Aulric. Ipapakita kaya ni Aulric ang tunay niyang kulay sa ama, o hindi?」



Zafe's POV



          「1 month ago...



          “Kriiiiing!"



          Bigla akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock na malapit sa akin. Kahit hindi nakatingin, agad ko itong pinatay para manahimik na. Nakakabingi pa naman ang ingay ng alarm clock ko.



          Agad kong tiningnan ang pulso ni Aulric sa leeg kung buhay pa, kahit nakapikit. Teka? Hindi ito maaari! Nakatulog kami ni Aulric ng labindalawang oras!



          Agad na tumunog ang tiyan naming dalawa dahil sa gutom. Hindi kami nakapaghapunan kaya grabe ang gutom namin. Si Aulric? Buhay pa naman.



          Idinilat ko na ang aking mga mata. Kasabay kong dumilat ng mata si Aulric na nasa ibabaw ko.



          “Ang bigat mo naman kahit maliit ka," sabi ko.



          Naramdaman kong umayos si Aulric sa pag-upo sa ibabaw ko. Nagising din ang alaga ko sa ibaba habang hinawakan ng dalawa niyang kamay ang aking mukha. Teka? Gagawin niya ito ngayon? Ito kaya ang Christmas gift ni Aulric para sa akin? Ilang araw na lang din ang pasko at masasabi kong napakagandang maagang pamasko ito para sa akin.



          Pumikit ako habang lumalapit ang labi ni Aulric sa labi ko. Ilang segundo lang ang hinintay ko nang inuntog niya ng malakas ang ulo ko at ang ulo niya.



          “Aray!" sigaw ko. Napapikit pa ako dahil sa sakit.



          “Mabigat pala huh?!" asik ni Aulric.



          “Ngayon naman, ang tigas ng ulo mo!"



          “Ulo mo kaya din. Matigas. Nahihilo nga ako ohh?" Nasapo ni Aulric ang ulo niya.



          Napatingin naman ako sa bintana ng kwarto. Malakas ang buhos ng ulan. Mga ilang oras na kaya na umuulan?



          “Zafe, gusto ko ng maligo," daing ni Aulric.



          “Ehh, di maligo ka."



          “Wala akong damit."



          “Problema ba iyan? Ehh, di huwag kang magdamit."



          Muling hinawakan ni Aulric ang ulo ko. “Masubukan nga kung gaano katigas ang ulo mo?"



          Sinubukan kong ilayo ang mukha niya sa mukha ko. “Oi, huwag na nga."



          “Gago ka kasi!" asik niya. “Ayaw mo akong pagdamitin! Seryoso ka?"



          “So, magtatanong pa ba ako kung nakatulog ka ng maayos?"



          Nag-iwas siya ng tingin. “Umm, oo. Nakatulog ako ng maayos. S-Salamat. Nakapanaginip tuloy ako ng maganda kagabi." Ehh? Nagpasalamat si Aulric sa akin?



          Inabot ko ang aking phone na nasa gilid lang ng alarm clock. “Pwede bang ulitin mo iyung sinabi mo kanina? Ire-record ko lang."



          Mahigpit na hinawakan ulit ni Aulric ang ulo ko at humarap sa akin. “So, ano? Iuuntog ko ba ulit ang ulo ko sa ulo mo?"



          “Teka, teka, teka?! Hindi ko na ire-record. Pipiktyuran na lang kita na nakaupo sa ibabaw ko." Itinutok ko sa kaniya ang camera ng phone.



          Dumako sa leeg ko ang kamay ni Aulric. “Hindi ko na lang iuuntog ang ulo ko sa ulo mo. Sasakalin na lang kita."



          “Ano ba?! Pwede bang huwag mo na lang ako bantaan?! Napaka-memorable ng mga nangyayari ngayon tapos ayaw mo?!" angal ko. “Isang piktyur lang naman ehh." Napindot ko na ang capture.



          “Ayoko."



          “Ehh, di huwag! Problema. Alis ka na nga diyan sa ibabaw ko? Gutom na gutom na ako," reklamo ko.



          “Paano naman kasi ako? Gusto kong maligo."



          “Kumuha ka na nga lang ng damit sa aparador ko. Alis na. O baka gusto mo na sabay pa tayong maligo?"



          Hindi umalis sa ibabaw ko si Aulric. Maya-maya ay inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. Akala ko, iuuntog niya ulit ang mga mukha namin. Pero naglapat ang mga labi namin. Siya ngayon ang nag-initiate ng halik. Medyo mapusok ang paghalik niyang iyun na sinagot ko naman.



          Gumalaw naman ang isang kamay ko papunta sa puwitan niya at pinisil ito. Napakalambot ng puwitan niya kagaya ng labi niya.



          Nang natapos na ang halik, inilagay naman ni Aulric ang kanyang kamay sa leeg ko at hinigpitan ang paghawak dito.



          “Ano bang meron sa puwet ko? Pwede bang alisin mo ang kamay mo? Panira ng moment yang pangha-harass mo sa akin ehh," naiirita niyang saad.



          Bumaba na ako para tingnan ang kalagayan ng bahay. Sa panahon kasi ngayon, mahirap na at baka iyung isa sa mga kasambahay namin ay magnanakaw pala. Ako lang ang mag-isa sa bahay ehh. Pero paano kaya ang mga literal na mag-isa lang talaga sa kanilang bahay?



          Nadatnan ko naman si Ricky na nakahiga sa sala. Nakabalot pa ito sa kumot. Mukhang naging lookout ko talaga ang best friend ko.



          Dumako ako sa kusina at tiningnan kung may mga natirang pagkain kagabi. Ang daming kaning-lamig pero wala akong makitang ulam. Marahil ay sinabihan ni Ricky ang mga katulong na huwag ng magluto ng ulam para sa gabing ito dahil hindi ako makakababa.



          Kumuha ako ng ilang sangkap para sa aking lulutuin. Isasangag ko ang kanin at lalagyan ko ng hotdog. Pagkakataon ko na to para magpa-impress kay Aulric.



          Kahit na hindi ako laging nagluluto sa bahay, lagi kong inoobserbahan ang mga katulong kung paano nila ginagawa ang mga trabaho nila. Sa mga kinakailangang sangkap, sa paghiwa ng mga rekado, at sa kung paano nila lutuin ang pagkain.



          Makalipas ang ilang minuto habang nagluluto ako, nakita ako ni Ricky. Hindi siya makapaniwala sa ginagawa ko ngayon.



          “May katulong kayo Zafe hindi ba?" hindi makapaniwalang tanong niya.



          “Meron," sagot ko. “Pero gusto ko na ako ang magluto ngayon. Gusto ko kasi magpa-impress."



          “Si Aulric?"



          “Nasa taas pa. Umupo ka na diyan at malapit na tayo kumain."



          Natapos ko ng lutuin ang sinangag na may hotdog. Sumunod na ginawa ko, kumuha naman ako ng mga itlog. Niluto ko ang itlog, sunny side up style.



          Habang nagluluto naman ako ay bumaba na si Aulric mula sa kwarto ko. Lihim na napatawa ako dahil masyadong malaki ang suot niyang pambahay ko na jersey. Si Ricky naman ay binigyan si Aulric ng hindi makapaniwalang tingin.



          “Bakit Ricky? May problema ba?" pasupladong tanong ni Aulric.



          “Wala naman," iling ni Ricky.



          Pagkatapos kong magluto ay sabay kaming tatlo na kumain. Sinusubukan ko namang subuan si Aulric, pero pumapalag siya kaya huwag na lang. Pero kahit ganoon, masaya ako na napakagana niyang kinakain ang mga luto ko. Marahil ay epekto lang iyun ng gutom? Pero hindi. Masarap talaga para sa kaniya ang luto ko.



          “May nangyari na ba sa inyo kagabi?" pabulong na tanong ni Ricky.



          Ngiti lang ang isinagot ko kay Ricky. At dahil doon kaya naguguluhan pa rin siya.



          Ilang minuto ang lumipas nagpatuloy na kami ni Aulric sa panonood ng Avatar. Suot pa rin ni Aulric ang mga damit ko na masyadong malaki para sa kaniya. Pakiramdam ko tuloy, parang nakayakap ako sa kaniya. Pero pakiramdam ko lang iyun.



          “Zafe, tigilan mo nga iyang tingin mo sa akin. Parang may masama kang binabalak," reklamo ni Aulric matapos mapansin na nakatingin ako sa kaniya.



          “Wala naman akong binabalak na masama. Masaya lang ako," ngiti ko. “Aulric, mangako ka nga sa akin."



          “Nang ano?"



          “Na ipagpatuloy ang ganyang ugali mo sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ko nagugustuhan iyang ugali mo. Pero kasi, kahit na nasasaktan ako physically, okay lang sa akin. Kaysa ang puso ko ang masaktan. Aulric, kung ang takot mo ay matulad ako sa mga naging kaibigan mo, na dadaan lang para magamit ka, ako naman, ganoon din. Na dadaan ka lang sa buhay ko dahil gusto mo lang akong gamitin. Pero mukhang hindi ganoon ang nangyayari sa ating dalawa. Hindi nga tayo magkaibigan 'di ba? Kaya Aulric, sana, forever ng hindi magbago iyang ugali mo. Gusto kita. Gustong-gusto. At sana, huwag mong gawing reyalidad ang kinakatakot ko."



          “Sure," pagpayag ni Aulric. “Iyun nga din kaya ang gusto ko. Ang ayokong magbago. Kaya habang buhay na lang kitang magiging kaibigan."



          “With benefits?"



          “Huwag ka ng umasa."



          Kinuha ko lang ang kamay niya at hinalikan iyun. Hindi naman nakatiis si Aulric sa kasweetan ko kaya sinuntok niya ako ng marahan sa mukha. Aulric, huwag lang magbago ha? Okay?」



Aulric's POV



          「1 month ago...



          Tuwang-tuwa naman ako habang naglalakad pauwi ng bahay. Natapos ko din sa wakas ang Avatar. Ang ganda ng kwento. Sana magkaroon ako ng pagkakataon na mapanood ang Legend of Korra. Iyun daw kasi ang pangalawang Avatar sabi ni Zafe.



          Nang papasok na ako ng bahay, natigil lang ako nang may nakita akong ekstrang mga panyapak ng paa sa labas ng bahay. Mukhang alam ko na kung sino ang nagbabalik.



          Pagpasok ko, hindi nga ako nadismaya kung sino ang nakikita ko. Si tatay.」



ITUTULOY...

2 comments:

  1. thanks po sa update... i love reading your story...

    ReplyDelete
  2. Thanks sa update sir. Salamat at madadagan n ang mga stories na inaabangan ko :)

    -RavePriss

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails