AUTHOR’S NOTE: Happy Monthsary, RYESTERS! Magdiwang!
RYESTERS! Show your love naman, oh? Mag-ingay naman kayo sa group natin kahit ngayong monthsary natin. In preparation na rin sa ating Anniversary. Lol! Is it to much to ask? Drama ko! Haha! Post anything you want. Sabi nga ni Pinunong Blue sa Bluerose group, close close tayo! Lol!
Queries, paghingi ng advices, and more. Gagawa na rin pala ako ng house rules natin! Mag 1 year na, wala pa rin tayong gano’n. Lol! I LOVE YOU, ALL!
First of all, gusto kong humingi ng tawad sa sobrang tagal ng pagpopost ko ng updates. TAMAD po kasi ako. Lol! Kapag wala talaga kasing idea, wala din akong maisulat e. I don’t want to post a CRAPPY Chapter. Pag wala ako sa mood, no writing din. Pasensya na po kayo! Tao pa rin naman ako. Kaming mga writers, nagkakasakit, nawawala sa mood, at higit sa lahat, tinatamad. Lol! Sorry! Sorry!
Maraming salamat pa rin kila Sir Ponse, at Sir Mike, na sobrang successful sa pagpapublish ng kaniyang mga akda. Sa mga co-writers din namin na nakapagpublish na rin ng kanilang mga akda thru BUQO. Guys! Please! Let us all support them!
Sa mga minamahal kong readers, commentators, and all. Maraming salamat pa rin sa walang sawang paghihintay at pagbabasa pa rin ng akda kong ito. Konting pagtitiyaga na lang, matatapos na rin naman ito, and I hope, masundan ko ito ng isa sa mga naka-line up kong stories.
Sa mga K-Fed, Ka-Blue, nga pala, get well, Pinunong BLUE at Rhafy, BTBBC, na iba na pala ang title Lol, sa mga co-writers kong sina Seyren, Apple Green, Axel, Prince Justin, Vienne, Gio, Crayonbox, Rogue, at kay Cookie Cutter. Hello! Hello!
Sa mga bago kong kaibigang sina Cathy, at Jar Ed. Sa ever demanding na si FRANZ, Capslock para intense! Sorry na, ha? Ito na! Hello FB Friends!
Kay CRUSH, na hindi pa rin ako napapansin. Suko na ako! Hahaha! Maybe, I’m better off being single. Chos!
Kay BAESTFRIEND, na ever crush este gusto pala ng bayan. Halo! Kita tayo on Thursday evening! Fiesta mode tayo! Hahahaha! Pakihanda na ang guest room! Lol! Pakisarapan ang mga pagkain, mapili ako e. Lol!
Kay Bunsoy NHEO, ‘wag nang umiyak over missing your boyfriend. Pasalamat ka na lang at kahit papaano’y naghahanap naman siya ng time para sa ‘yo. And you, BOYFIE ng bunsoy ko. ‘Wag ka namang magpamiss ng sobra. :D I’m happy for the both of you. Ayoko lang matulad sa naranasan ko ang kapatid ko. :D Pakialamero ako e.
So here it is! Chapter 36! Maikli lang ito, preparation para sa malaking event na mangyayari. Lol! Enjoy guys!
PS: Kung napapansin niyo, may mga POV from other characters. Hint na ‘yon sa mga kani-kanyang kwento nila e.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos, and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.
LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
PREVIOUS CHAPTERS
ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)
ADD ME UP!
KINDLY READ THESE STORIES TOO!
Crayonbox’s Starfish (On-going)
Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Axel De Los Reyes’ Love Game (Completed)
Ponse’s Ang MAGIC sa Coffee Farm (On-going)
Seyren Windor’s Loving You… Again (On-going)
Bluerose Claveria’s Just For A Moment (On-going)
Prince Justin Dizon’s Me And My Rules (On-going)
Rouge Mercado’s Way Back Into Love 2 (On-going)
Vienne Chase’s Strings From The Heart (On-going)
Apple Green’s (Jace Page) The John Lloyd Diary (Ongoing)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)
CHAPTER XXXVI
Riel’s POV
Puti.
Kulay puting lugar ang sumalubong sa mga mata ko nang iminulat ko iyon. ‘Yong pakiramdam na purong saya lamang ang naroroon.
Nasaan ba ako?
Napangiti na lang ako nang maalala kong nalunod pala ako. So… patay na ba ako? Napakaunfortunate, right? Ilang minuto na kaya? Ilang oras? Ilang araw?
Scratch that! Kailangan ko pa bang malaman ‘yon?
I tried calling Red so many times that time pero napalayo ata ako sa paglangoy kaya’t hindi niya ako naririnig.
Oo nga pala! Si Red! Hindi ko siya pwedeng iwan!
Pero… paano naman ako babalik?
Inatake na naman kasi ako ng sintomas ng sakit ko. Umikot ang paningin ko’t sumakit ang ulo ko. Para na nga akong masusuka noon. And then, ‘yon!
Napailing na lang ako. I guess, kailangan ko na lang tanggapin na andito ako ngayon sa sitwasyon na ito.
Pero… ayoko rin namang iwan siya ng gano’n na lang…
“Talaga naman! You can’t leave your partner just like that! Anong klaseng asawa ka?!” Bigla kong narinig mula sa isang pamilyar na boses.
Wait what? Hindi naman ako nagsasalita out loud, di ba? O talagang sinabi ko ang mga iniisip ko out loud, kaya gano’n? Pero… hindi e! How in the world did she— Argh! Yeah yeah! If I am not mistaken, langit ito. Kahit ano ay posible.
Nasa langit na nga ba talaga ako?
“Tumpak! Matalino ka ngang talaga!” Dagdag pa nito.
There! Nakumpirma ko ang pagtataka ko!
Agad akong napaupo at hinanap ang pinagmumulan ng tinig na iyon pero, wala naman akong makitang kasama ko rito. Malawak na purong puti pa rin ang sumalubong sa mga mata ko. Walang hanggang puti.
“Susuko ka na lang ba agad, anak? Parang hindi na ikaw ‘yan!” Isang pamilyar na boses ulit ang narinig ko mula sa likuran.
Nang ipihit ko ang sarili ko’y wala ulit akong nakita.
Pinaglalaruan ba nila ako?
“Hindi ang pagkalunod ang papatay sa ‘yo, anak. Kaya bumalik ka na sa mahal mo. Hinihintay ka na niya.” Saad ulit ng isa pang pamilyar na boses.
Gano’n pa rin, paglingon ko’y wala naman akong nakita ni isa sa kanila.
“Sige ka bunsoy, susundan ka agad no’n!” Isa pang pamilyar na boses.
Tumulo na lamang ang mga luha ko nang walang pasintabi. Pero… luha ‘yon mula sa galak. Hindi ko man makita, hindi ko man maramdaman, alam kong sila ‘yon.
Tama nga sila. I can’t leave Red like this. ‘Yon ‘yong ayaw na ayaw kong mangyari ‘di ba? It is never an option.
Red’s POV
Napapamura ako ng todo nang hindi pa rin bumabalik si Riel. Tatlong beses ko nang inuulit ang pagc-CPR sa kanya, pero wala pa rin.
Inutusan ko na rin si Mang George na maghanap ng pwedeng tumulong sa malapit.
“Riel! Don’t do this to me! Fuck!” Naiiyak kong sigaw sa kanya.
Desperado ako, pero maingat sa aking ginagawa.
Hinahayaan kong tumulo ang luha ko mula sa mga mata ko upang maipagpatuloy ang ginagawa ko. I can’t afford to stop until he’s back. Wala na sa bokabularyo ko ang pagsuko.
Kasalanan ko na naman ‘to! Ang tanga ko!
Pang-apat…
Pang-lima…
“Riel. Bumalik ka na. Please…” Hagulhul ko.
Kahit nawawalan na ako ng pag-asa ay tuloy pa rin ako sa ginagawa ko. I can’t lose him like this. Not this time!
Pang-anim.
At laking pasasalamat ko sa Diyos nang magbunga ang ‘di ko pagsuko.
Inalalayan ko siya’t ipinatagilid para mailibas niya ang tubig na nainom niya. Sunud-sunod na ubo ang narinig ko sa kanya. Maraming tubig din siyang nailabas.
Ako? Kahit panay ang tulo ng luha ko ay hindi ko iyon pinunas dahil mula iyon sa sobrang kagalakan. Bumalik siya! Bumalik siya! At masaya ako dahil doon.
Agad din niyang hinabol ang nawalang hininga.
“Red.” Anito pagkalipas ng ilang minuto.
Medyo groggy pa nga ang pagkakasambit niya noon pero, nasabi niya pa rin ito ng buo.
Agad ko siyang niyakap at tuluyan nang humagulgol sa balikat niya.
“Anong nangyari? Akala ko iiwan mo na ako. I swear to God susundan talaga kita!” Burst out ko.
Alam kong mali iyon, pero… hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Hindi na ako ‘yong dating Red na basta-basta na lamang nagdidesisyon at nagpaplano ng wala namang katuturan.
He’s my life. Kapag nawala siya, susundan at susundan ko talaga siya.
Crazy right? That’s love, I think. Hindi na kailangang magdalawang-isip.
“I’m sorry.” Tugon niya.
“Kung mangyayari man ulit ‘to, promise me, you’ll comeback. Kapag hindi mo iyon ginawa, susundan talaga kita. Swear!” Para akong bata kung makiusap para sa isang pangako.
“I’m sorry.” Pag-uulit niya.
“Okay na. Okay na ulit ako. Bumalik ka na e.” Iyak ko pa rin.
Niyakap ko lamang siya. Wala ng nagsalita pa matapos ang huling salita ko.
Hindi pa nga siya inooperahan, abot-abot na ang kaba ko sa mga ganitong pangyayari, paano pa kaya kung ‘yong real deal na? Ang operasyon? Hay!
“Anong nangyari?! Son? Riel, are you okay?” Rinig kong sigaw ni Mom.
Sila pala ang pinuntahan ni Manong para mahingan ng tulong. Pagkalingon ko’y naroroon din si Eli at Brett. Pati na rin si Dad at si Seb. Kita ko sa kanila ang pag-aalala.
Tahimik si Riel kaya’t ako na ang sumagot kay Mom. Magkayakap pa rin kami.
“Nalunod po si Riel, Mom.” Tanging naisagot ko.
But it seems, si Riel ang gusto nilang pakinggan. Wala naman akong pwedeng maisagot tungkol sa nangyari kasi pinabayaan ko siya ng mga oras na ‘yon. Tanging ‘yong pagkalunod lamang niya ang naabutan ko na.
Naging tahimik ng kaunting minuto. Lahat ay nag-aantay sa sagot niya.
“Inatake po ako kanina…” Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at sinubukang tumayo.
Lahat kami’y gulat sa sinabi niya. Oo nga pala! Hindi namin alam kung kailan aatake ang sintomas ng kanyang sakit. Kailangan talaga ng matinding pag-iingat sa parte niya at pagbabantay naman sa parte namin.
Bakit ba kasi ako nag-i-space out in times like this? Argh! Pinagpantasyahan ko masyado ang asawa ko dahil sa paghalik niya sa akin. Pervert! Argh! Malibog!
Heto na naman ako! Ang daming iniisip! Argh!
I snap out of it and asked. “Okay ka na ba?”
Tumango lang siya sa akin na nakangiti. Iniabot niya sa akin ang isang kamay para tulungan akong makatayo. Kinuha ko naman iyon agad.
Nang makatayo ako’y mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko’t hinarap sina Mama, Papa, Brett, Eli, Seb, at si Mang George.
“Gano’n pa rin Mama. Umikot ang paningin ko’t kasabay noon ang pagsakit sa parteng ‘to ng ulo ko.” Partikular niyang itinuon iyon kay Mom sabay turo sa parte kung saan naroroon ang kanyang tumor.
“Then, we should go to Manila as soon as possible. Napapadalas ata ang pag-atake ng sintomas niyan. Hindi natin alam kung kailan ulit ‘yan aatake. It’s better to get rid of it as early as possible. What happened here, should not happen next time.” Ani Mom.
“Paano po ang pag-aaral ko?” Nanghihinayang na tanong nito.
“Let’s ask the doctor’s opinion about it, okay?” Tugon agad ni Mom sa kanya.
Napatingin sa akin si Riel. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Tila ba, tinatanong ang aking pagsang-ayon sa sinabi ni Mom. Hindi ako tutol sa sinabi ni Mom, pero gusto ko pa ring respetuhin kung ano ang gusto niya.
Tumango lamang ako sa kanya.
“We can’t afford to lose you… I can’t afford to lose you. Hindi ko na kakayanin kapag mangyayari ulit ‘to at hindi ka na bumalik. But whatever it is that want to do, I promise to be always here for you.” Saad ko sa kanya.
Lumapit sa kanya si Mom at sinalok ng kanyang mga kamay ang mukha ni Riel.
“Don’t worry, okay? Everything will be fine.” Anito.
Napatango lamang ito sa kanya. Nang yakapin siya ni Mom ay doon na siya tuluyang umiyak.
-----
Nang makauwi kami sa isla ay agarang pinag-ayos ang lahat ng kani-kanilang mga bagahe. Alas cinco pa sana ang alis namin dito pero nakauwi kami ng mas maaga dahil sa nangyari. Alas otso naman ang flight namin papuntang Manila base sa sabi ni Mom.
Sa Airport, habang ang barkada ay nagkukulitan, kaming dalawa naman ni Riel ay magkatabi sa isang sulok.
Masaya siya kanina dahil ibinalik ng barkada ang mood nito, lalong lalo na sa mga kung anu-anong pinagsasasabi ni Yuki. Pero, nang makarating kami rito’y tahimik na naman siya.
Malalim ang iniisip nito. I’m not a mind reader to know what’s on his mind, pero alam kong tungkol iyon sa sakit niya. It keeps on bothering him.
“Hey!” Pagpansin ko sa kanya.
Parang hindi kami magkatabi sa ayos naming ito e. Minabuti na rin kasi nina Mom na lumayo sa amin ng kaunti para makapag-usap kami. Ani Mom, ako na lang daw muna ang kumausap sa asawa ko tungkol sa mangyayari.
About the surgery.
Na kung ano man ang mangyari ay i-assure ko raw sa kanya na magiging okay din ang lahat.
“Anong iniisip mo mahal ko?” Tanong ko.
Nagpacute na lang ako sa kanya para kahit papaano ay mapangiti ko siya. Hindi naman ako nabigo. Inis pero natatawa niyang sinalubong ang mga mata ko.
“Itigil mo nga ‘yang pagpapacute mo! Kaasar ‘to!” Aniya.
“Kasi naman po ang lalim na naman ng iniisip mo. Sa sobrang lalim, hindi ko na kayang sisirin. Pwede mo namang sabihin sa akin. Alalahanin mo, asawa mo na po ako.” Tugon ko.
Natahimik na naman siya’t nag-isip. May mali ba akong sinabi?
“Kitam? Ang lalim!” Saad kong muli pero wala itong naging tugon. Korni ba ang joke ko? Argh! Oo nga pala! Maling mali ang joke ko! ‘Yon pala ‘yong nangyari sa kanya kanina. Argh!
Hinawakan ko na lang ang kamay niya at pinagsalikop ang mga ‘yon. Pambawi. Kainis! Hindi ko naisip agad ‘yon!
“Hindi ko naman sinasabing ‘wag mong isipin ang tungkol sa sakit mo. Gusto ko lang naman isipin mong malalampasan mo rin ito. Kung pwede lang sanang ilipat ‘yan, kukunin ko’t ililipat ko sa ulo ko.”
“Anong pinagkaiba naman no’n? Mag-aalala pa rin ako ‘no! Gago!” Aniya.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Then we’re on the same boat.
“Gano’n din ang nararamdam ko ngayon. Pero… wala naman akong magagawa ‘di ba? I can’t tell, kasi hindi naman ako ang Diyos, hindi rin ako ang mag-oopera sa ‘yo. Ang magagawa ko na lang ay ang magpakakatatag, at magtiwala sa Diyos, magtiwala sa mag-oopera sa ‘yo, at magtiwala sa ‘yo na kaya mo ‘to. Na malalampasan mo ito. ” Paunang salita ko.
“Pero… sabi nga ni Doc… hindi tayo pwedeng maging kampante. Iniisip ko lang naman ‘yong pag-aaral ko.” Aniya.
Hindi ko inintindi iyon. Sa halip ay ipinagpatuloy ko ang gusto kong ipaintindi sa kanya.
“Ang kagustuhan mong gumaling ang magbabalik sa ‘yo, saakin. Na gusto mo pa ring makasama ako ng matagal. Na gusto mo pang mabuhay na kasama ako.”
Alam kong iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari, it just that, pinupuno niya ng pag-aalala ang utak niya.
“I know forever doesn’t really exist, because if it does, sana kahit ano pa mang sakit ang makuha ng bawat taong naririto sa mundo, hinding-hindi sila mawawala, gaano pa man iyon kalala… na lahat ng bagay ay may katapusan din naman.”
Natahimik na lang siya.
“Na hindi mo na kailangan pang alalahanin ‘yang sakit mo kasi may forever nga, ‘di ba?”
Sana nga meron na lang gano’n.
“Takot rin ako sa pwedeng mangyari. All the possibilities… pero ang magagawa ko lang naman ay ang maniwalang gagaling ka’t makakasama ko pa ng matagal. I want you to put that in mind. Mahal mo naman ako ‘di ba?”
Kailangan niyang malaman na hindi siya nag-iisa. Kahit talikuran man siya ng mga tao, hinding hindi ko naman iyon gagawin ulit sa kanya.
The immature Jared Isaiah Ariola was long gone, and for good.
“Tss. Drama nito. Tinatanong pa ba ‘yan? Pinakasalan na nga kita ‘di ba? Hindi pa ba sapat na basehan ‘yon ng pagmamahal ko sa ‘yo? Hoy! Isang taon akong umiyak dahil sa punyetang pagmamahal ko sa ‘yo ‘no! Na kahit anong pilit kong tapon ay hindi ko naman magawang bitawan.” Asik nito tsaka ipinatong ang kanyang ulo sa balikat ko.
Kahit nakapatong na ang ulo nito sa balikat ko’y nagawa niyang pa ring kurutan ang singit ko. Kainis! Namilit ako sa sakit pero, pinigilan kong dumaing. Nang makarecover ako mula roon ay inisip ko na lang na punishment iyon dahil sa naging pilyo na naman ako.
Ano ‘yon? Pinagalitan ako pero sweet pa rin? Hahahaha!
“Ikaw kasi e! Pinapaiyak mo ako.” Tugon ko.
“Okay lang naman umiyak ‘di ba? Hindi nakakabawas ng kagwapuhan at pagkalalaki ‘yon.” Aniya.
May kung ano siyang pinahid sa kanyang pisngi pero hindi ko nakita kung ano iyon.
“Umiiyak ka?” Tanong ko. Iniharap ko sa akin ang kanyang mukha para makumpirma iyon.
“Yeah.” Sabay singhap. “Bakit? Pumanget ba ako?” Biro niya.
Iniharap niya pa ang kanyang sarili ng maayos para makita kung may nagbago ba sa kanyang itsura dahil sa pag-iyak niya. Namumula ang kanyang mga mata tanda ng pag-iyak nito.
“Tss.” Naging reaksyon ko na lang.
Ni-pat ko na lang siya’t nginitian. Parang hindi kami mag-asawa nito e. Hay! Well, ito na siguro ang sinasabi nina Mom sa buhay may asawa. Nafifeel kong responsibilidad ko na ang lahat ng tungkol sa kanya.
Pero masaya ako dahil siya ang dahilan ng lahat ng nangyayari sa buhay ko.
“Thank you, ha? Alam kong gasgas na ang mga salitang ‘yan dahil sa pagpapaintindi sa akin na magiging okay lang ang lahat pero, sasabihin ko pa rin.” Aniya.
“Kahit segu-segundo ko pa ‘yan gawin, at segu-segundo mo rin akong pasalamatan, hindi ako magsasawa. I’m yours and you are mine, right?” Tugon ko.
“Yep. I’m yours and you are mine.” Masaya niyang sabi.
Riel’s POV
“Gusto kong magka-anak.” Out of the blue kong naisip, sinabi ko rin iyon out loud.
“Huh?” Naguguluhan niyang tugon sa sinabi ko.
“I mean, tayo, magkaroon tayo ng anak. Para buo ang pamilya natin. Gusto ko ring maging magulang e. ‘Di ba alam mo naman ‘yong Surrogacy? Subukan nating magpatest?” Pagkumbinsi ko sa kanya.
Konting minuto na lamang ang hihintayin namin at malapit na kaming lumapag sa Manila. Namamangha pa rin ako sa nagniningningang bituin sa langit. Ito ang unang sakay ko sa eroplano na gabi kaming nasa himpapawid e. Feeling ko’y maaabot ko na ang mga ‘yon. Lol!
Okay na ulit ako. Paulit-ulit na lang akong nalulungkot dahil sa sakit ko. Well, nakalimutan ko na sana iyon e, pero nalunod ako! Argh! Wrong timing naman ‘yong atakeng ‘yon! Hindi ko tuloy naenjoy ‘yong ‘alone time’ namin ni Red! Tss.
“Ah! Hahahaha! Akala ko naman kung ano na! Ahahahahahaha! Kinabahan ako ro’n, ha? Ahahahahaha!” Anito. Parang nabunutan ng tinik.
“Tss. Ano bang iniisip mo? Nako nako! Dami mo pang tawa mga fifteen. Grabe!” Napailing na lang ako.
“Sorry naman!” Pagpaumanhin niya.
“Tss. Kung pwede nga lang akong mabuntis ‘di ba? Since hindi, ‘yon ‘yong isa sa mga options natin. Gusto ko kasing may genes natin na dumadaloy sa pagkatao nila.”
“Sorry na nga, ‘di ba? Pinapaguilty mo naman ako e!”
“Tss. Don’t tell me gusto mo ring… Tss. Sinabi mo sana ng mas maaga! Hindi na sana tayo nagpakasal!” Lol! Nag-iinarte na naman ako.
“Mahal naman! Hindi iyon ang gusto kong sabihin! Ni hindi nga iyon pumasok sa utak ko!”
“Tss. Hindi ‘MA. HAL.’ ang tawagan natin!” Pag-iinarte ko pa.
Totoo naman e! Lol! Nag-iinarte lang talaga ako. Bigat na ng aura ng drama dito e. Nakakasira ng magandang kutis. Lol! Baka magkaproblema pa ang eroplano sa sobrang kadramahan ko. Bigat pa naman nito.
“Blueberry naman!” Anito saka inalog-alog ako.
Nakatingin kasi ako sa bintana ng eroplano, gano’n pa rin, pinagmamasdan ang mga butuin. I really worry about what will happen, but it can’t be help. Ang operasyon lang naman ang makakapag-alis ng tumor na nasa utak ko.
Guess, I just have to prepare myself. Bahala na ang Panginoon sa akin.
-----
Pagkarating ng Manila ay diretso kami sa bahay ng mga Ariola para makapagpahinga muna. Nakapagdesisyon na rin ang iba na uuwi na bukas sa Naga dahil sa may pasok pa sa eskwela, at ang mga matatanda naman ay may mga trabaho pang kailangan intindihin.
Ininsist ko na rin sa kanila dahil hindi naman nila ako responsibilidad. I don’t want to see them worry over me. Malaki na naman ako’t nariyan na rin naman ang asawa kong si Red. Depende sa suhestyon ng Doktor ang susundin namin.
Sina Mama at Papa ay magpapaiwan na lang din para sa pagpunta namin sa ospital bukas.
“Sabihan mo kami ng desisyon mo, ha? We’ll be back to check on you.” Ani Kuya.
Feel ko na naman ang brotherly aura niya. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit dahil doon. Kahit na may asawa na ako, at may bagong pamilya, kailangan ko pa rin ‘yong feeling na may nag-aalala sa ‘yong gaya ni Eli, gaya ng mga Chua.
I know we’re not blood-related, pero, kapatid talaga ang turing ko sa kanya. Nevermind Eri! Lol!
Sana nga, long lost siblings ko na lang silang dalawa. Masaya ‘yon! Hahaha!
“Riri! Just tell me, kung ano ang mga kailangan mo, ha? Ako na ang gagawa at magdadala para sa ‘yo.” Nakiyakap na rin si Eri sa amin.
Napangiti na lang ako sa ginawa niya.
Nang maghiwalay kami sa pagkakayakap ay ipinagpatuloy na nila ang kani-kanilang ginagawa. Umupo ulit ako’t ipinagpatuloy ang panonood. Nahagip ng mga mata ko ang papalapit na sina Yuki, Ate Xynth, June, Riley, at Josh.
May dala-dala silang popcorn at soda. Ano na naman kaya ang trip ng mga ‘to? Tapos na ba sila sa pag-iimpake?
“Friend! Nood na lang tayo ng movie. Insidious 3, dali!!” Ani Yuki.
“Tss. Gusto mo ba talaga no’n? 1 and 2 nga, kung apat lang sana ang kamay mo, natakpan mo na mga mata’t tenga mo sa panonood.” Tugon ko sa kanya.
“Tse! KJ nito!” Asik nito.
“Bessy, sinasabi lang naman ni Riel ang pawang katotohanan lamang. Heto, Interstellar. ‘Yan na lang panoorin natin.” Ani Ate Xynth.
Umirap lang naman sa kanya si Yuki.
Mag-best friend ba talaga ‘tong dalawang ‘to? Napailing na lang ako.
“June! Tahimik ka ata?” Untag ko sa katabi ko. Pero hindi ito kumibo. Nahagip ng mga mata ko ang ginagawa ng dalawang nasa paanan ko’t nakaupo sa sahig.
Si Josh at Riley, as usual, naglalandian. Simula noong makauwi sila dito sa Pilipinas, sa tuwing makikita ko, parang magnet ‘tong dalawang ‘to. Hindi man lang naghihiwalay!
“Hoy! Tama na nga muna ang landian, ha?” Untag ko sa dalawa.
“Ano ka ba! Ganyan pag mag-asawa! Hala! Tawagin mo na rin ‘yong asawa mo para maglandian rin kayo! ‘Wag kang inggit, friend!” Ani Josh.
“Aray naman, Riel!” Daing nito nang batukan ko. “Red! Pakiparusahan nga ang asawa mo! Sinasaktan ako e!” Sigaw niya. Natatawa pa ito.
“Aray! Maaalog nga utak ko sa ‘yo e! Mag-aaral pa kaya ako! Baka madislocate lahat ng neurons ko sa utak dahil sa ginagawa mo! Sayang ang katalinuhan ko ‘no!” Rant niya. Binatukan ko kasi ulit.
“Matalino ka ba?”
“Oo kaya! Nasa A Section din kaya ako! 7th pa rin naman ako sa Batch natin ‘di ba?”
“Akala ko kasi, pagkain lang no’n ang nasa isip mo e!” Naalala ko lang no’ng nagpareward si Ms. Salveda. Hiniling niya no’n na sana pagkain naman ‘yong reward ni Ms. Salveda. At mataba pa siya no’n.
“Dati ‘yon! Iba na ang kinakain ko ngayon! Talong at gatas! Hindi nakakapagpataba!” Anito sabay kindat sa akin.
“Eeeeeh! Dirty! Riley! Kuha ka nga ng duct tape! Ang sagwa ng pinagsasabi ng asawa mo!” Untag ko kay Riley na panay lamang ang ngiti sa pag-uusap namin ng asawa niya.
“Pasensya ka na sa asawa ko Riel, ha?” Pagpaumanhin ni Riley. Umiiling na nakangiti na lang akong sumagot kay Riley dahil para bagang pinapainggit pa ako ng gagang si Josh sa ka-sweetan nilang mag-asawa.
“Get a room, you two!” Asik ko.
Napakibit-balikat si Josh sa akin saka lumapit at bumulong. “Kung meron nga lang sana e.” Aniya.
Pinitik ko na lang ito sa noo.
“Sadista ka na ulit! Kainis ‘to!” Daing niyang ulit.
“I am and forever will.” Taas noo kong tugon.
“Walang forever!” Sagot nito sa akin.
“E di wow!” Tinawanan ko na lamang siya.
Nahihiwagaan ako nang mapansin kong hindi man lang nakisali sa aming pag-uusap si Yuki. Pagtingin ko sa kanila ni Ate Xynth ay may kung ano silang tinitingnan sa iPad nito. Pagtingin ko ay ‘yong para sa kasal pala nila ni Kuya Ryou.
Hayaan na nating magmoment ang bruhang ‘yan! Minsan lang magseryoso e.
Bumaling ulit ako kay June na tahimik pa rin sa tabi ko. Nakatulala o tutok lamang ang atensyon nito sa TV? Hindi ko malaman kung ano ba ang iniisip nito. Parang blangko.
“June!” Tawag ko sa kanya.
June’s POV
“Ma. May gusto po ako kay Dino.”
Naalala kong pag-amin kay Mama, noong umuwi ako sa Legazpi isang linggo na rin ang nakalilipas.
Alam ng pamilya ko na bakla ako. Pero… hindi naging madali ang pag-amin ko noon.
Bakla. ‘Yon ‘yong tawag sa mga lalaking, sa kapwa lalaki rin may pagtingin, romantically. Sa kapwa lalaki lamang. Pero, hindi ako ‘yong naglalagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha, nagsusuot ng damit pambabae, gumagalaw na parang babae, at kung anu-ano pa.
Discreet, ganon.
Kaya nga malalapit lamang na kaibigan at ang pamilya ko ang nakakaalam noon. Hindi iyon halata sa akin. Although, mahinhin talaga ako kumilos.
“Nani? Nani? Sore wa nandesuka?” Bungad ng kambal ko.
“Nani mo aremasen!” Sagot ko.
“Mag-usap nga kayo sa lengwahe natin! Hindi ko kayo maintindihan e!” Ani Mama. Nakikichismis din. Hahaha! Siya pala ‘yong pinagsasabihan ko ng sekreto ko. Si Ate itong nakikichismis. Lol!
“Tss! Naglilihim ka na sa akin Kuya, ah! Matagal na kaya kitang hindi nakita! Kainis ‘to!” Singit naman ng kambal ko. Hindi inintindi ang pakiusap ni Mama.
“Watashi wa Dino ga sukidesu! Subarashii ne?” Tugon ko.
“NANI?! SORE WA HONTO DESUKA?!” Napailing na lang ako sa reaksyon ng kapatid ko.
“May! June! Sa lengwahe natin!” Galit na pakiusap ni Mama.
Otaku kami ng kapatid ko. Dahil sa mga napanonood naming mga anime ay natuto na rin kaming mag-nihonggo.
“Okaasan!” Ani Ate.
“Babatukan na kita riyan! Sa lengwahe sabi natin e!” Sigaw ni Mama kay Ate. Handa na nga rin ito para batukan ang kapatid ko.
“Ma! Gaya nga ng sabi ko! Gusto ko po si Dino.” Pag-uulit ko ng sinabi ko sa kanya kanina nang hindi pa nagpa-pop-out ang kapatid ko sa mundo, este dito sa sala.
“Ah! Soka!” Ani Mama nang maliwanagan. “NANI?!” Tanong nito nang marealize kung ano ‘yong sinabi ko.
Akala ko ba hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi namin? Tapos marunong naman pala siya! Tss.
Si Mama talaga! Natatawa lang sa tabi ko si Ate.
“Anak! Alam mo namang hindi pwede ‘di ba? Iba na lang, ‘wag na si Dino!” Ani Mama.
“Alam ko po.” Tanging naisagot ko. Napayuko na rin ako.
Sabi ko nga. Kaya nga nila ako pinadala ng Naga dahil doon. Kay Dino lang kasi nakatuon ang mga mata ko. Pero… hindi pwede.
“Alam kong mabait si Dino at gusto ko rin siya para sa ‘yo. Pero… ang Daddy niya… si Andrei… hinding-hindi iyon papayag.”
Pagpapaalala ulit nito sa akin na… lupa ako at langit ang kaibigan ko… na gusto ko…
Si Dino.
Riel’s POV
“June!” Pagtawag kong muli. Wala pa rin ito sa sariling kamalayan.
Grabe! Ang lalim ng iniisip niya, ha! Sinisid niya ba ‘yong pinakamalalim na swimming pool ngayon sa mundo? Korny ko! Lol!
“June!” Pagtawag ko ulit.
“A-Ano ‘yon, Riel?” Sagot niya sa akin nang sa wakas ay mabalik na siya mula sa kawalang kanyang kinaroroonan.
“Anong nangyayari sa ‘yo? May problema ba? Ang lalim ng iniisip mo.” Tanong ko.
Maging ang mga kaibigan ko’y sa kanya na rin nakatoon ang atensyon.
“May problema ba?” Tanong kong muli.
Napayuko lamang ito.
Itinaboy ko na lang ang pagtingin ng mga kaibigan namin sa kanya para naman hindi siya maawkward. Para na kasi siyang hinuhubaran ng mga kaibigan namin dahil sa mga tingin nito sa kanya.
“It’s okay kung ayaw mo munang magsalita sa ngayon. Alam mong nandito lang kami para makinig sa ‘yo. Ako, handang-handa akong makinig sa ‘yo, okay? Tandaan mo ‘yan.” Pag-papaalala ko sa kanya.
Since malayo sa kanya ang kanyang mga magulang, handa kaming tulungan siya sa anumang kaya naming maitulong sa kanya.
Tumango naman ito bilang tugon.
-----
“Kailangan mo munang magdesisyon kung tatapusin mo muna ‘tong 1st Semester. Sayang naman kasi. I mean, kailangan din nating i-consider ang pwedeng mangyari after ng operation.” Ani Dr. Febre.
Siya ‘yong doktor na inirekomenda ni Dr. Romero. Nagkataon din na kilala ito nina Mama at Papa dahil sa pamilya nitong originated pala sa Naga.
Napatingin ako kay Red, kay Mama at Papa.
“Kung ipagpapatuloy mo itong semester, I can give you meds para hindi ka masyadong atakehin ng mga sintomas. I just want you to decide. Para sa ‘yo, para sa kung ano ang gusto mong gawin. ‘Wag kang mag-alala, gagawin namin ang makakaya namin para sa operasyon.” Dagdag pa ni Doc.
Hinawakan na lang ni Red ang kamay ko. Ayaw ko naman na pahabain pa ang agony ko para sa operasyon, pero… gusto ko rin naman munang tapusin ang semester. Paano kung… Argh! Ano ba? Ano ba ang pipiliin ko?
Naging tahimik ng kaunting minuto doon sa loob ng opisina ni Dr. Febre. Lahat sila nag-aabang ng sagot ko
“You can just call me about your decision. Kailangan niya pa atang pag-isipan ng mabuti ito. Tita, you have my number, right?” Baling ni Doc kay Mama.
“Yes, Hijo. We’ll just—.”
“Nakapagdesisyon na po ako.” Singit ko.
Itutuloy…
Don't worry Red, malampasan mo yan. Nandyan naman sd I hubby mo. Salamat sa update Mr Author. Take care.
ReplyDeleteSalamat Kuya Alfred! :)
DeleteSalamat Kuya Alfred! :)
DeleteSalamat Kuya Alfred! :)
Delete