Followers

Sunday, August 17, 2014

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2 [Part 01, Chapter 05]


GAPANGIN MO AKO. SAKTAN MO AKO. II
Written by: Cookie Cutter (I-add ako sa Facebook)


Book 1: Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 I 20, 21, 22: Final Chapter | Epilogue


Teasers:  Dimitri | Riza/Jonah | Corina/Jun | Gio | Gab | PM/Arthur

Book 2, Part 1: Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4
_________________________________________________________________________________


KIM - EMINEM

(Disclaimer: Hindi ko po pag-aari ang video at hindi ko po pag-aari ang larawan para sa kuwentong ito. For representation lang po ang mga ginagamit na materyal. Kung may hindi nagugustuhan ang paggamit ko sa mga materyal na ito, pakisabihan po ako nang matanggal agad. Maraming salamat.)
_________________________________________________________________________________


Part 1: "Sorpresa"
Chapter 5: "Kaya kitang harapin"

Sana nakipagkilala ka nang nakadamit, hindi yung pagkatapos kitang tanggalan ng damit. It makes a difference..” -PM Realoso

---


Chapter 5

“You should have just opened the curtain if you really want to know who was behind it.” Si PM, lumabas ng bath tub at naglakad palabas ng shower area.

Nakadikit ang mga mata ni Dimitri kay PM. Namumutla siya at sinusuri nang maigi kung si Angelo nga ba ang kanyang nakikita ngayon. Gusto niyang magsalita pero nakatali ang dila niya. Gusto niya gumawa ng tunog kaso naduduwag ang lalamunan niya.

Habang tahimik na tahimik si Dimitri, wala siyang ibang tunog na naririnig maliban na lang sa tibok ng sariling puso. Grabe ang kanyang kaba na nararamdaman ngayon.

Hindi... Kamukha niya lang si Angelo. Hindi siya si Angelo. Patay na si Angelo. Hindi, hindi, hindi. Paulit-ulit ni Dimitri.

Nang nakatapis na ng tuwalya si PM at tahimik na dumaan sa likod ni Dimitri, sinundan pa rin ni Dimitri ng tingin si PM at kalaunan ay hinawakan ang maskuladong likod nito. Naramdaman ni PM ang dampi ng kamay ni Dimitri sa kanyang likod. Sa halip na huminto si PM, hindi niya pinansin ang paghawak ni Dimitri sa kanya.

Ngunit sa pangalawang beses, hindi lang hinawakan ni Dimitri si PM, hinila niya pa ito paharap sa kanya. Nagpahila naman si PM at nagkatinginan sila ni Dimitri.

Habang magkadikit ang kanilang mga titigan, maraming mga iniisip na alig-alig si Dimitri.

Minumulto ba ako? Kinakarma na ba ako? Nagpaparamdam ba ulit sa akin si Angelo? Ikaw ba talaga to Angelo? Totoo ka ba? Patay ka na! Patay ka na dapat! Nailibing ka na! Mga iniisip ni Dimitri habang nakahawak sa braso ni PM.

“Are you just going to hold on my arms and wait for me to wait for whatever you are about to say, or are you going to keep your dick inside your pants, pull your zipper up, fix yourself, and talk to me later when we'll have the perfect opportunity to have a conversation?” Sarkastikong tanong ni PM.

Hindi nakasagot si Dimitri. Tulo ng tulo ang kanyang pawis at nanginginig ang kanyang panga. Sa halip na sagutin si PM, kaagad niyang inayos ang sarili at lumabas ng dorm room. Patakbo niyang tinumbok ang hallway hanggang sa makasakay na siya ng elevator. Sasarado na sana ang pintuan ng elevator nang may pares ng braso na humarang sa pintuan ng elevator sa pagsara.

Natakot si Dimitri at pinagpapawisan siya. Napaatras siya sa bumulagang pares ng kamay, napaupo sa sahig ng elevator dala-dala ang takot at kaba na kanina pa niya nararanasan.

“LUMAYO KA! LUMAYO KA!!” Sigaw niya.

Nang hindi nasarado ang elevator door, papasok na ang may-ari ng pares ng braso.

“Ano bang problema mo, ha?! Kanina hindi mo ako papapasukin sa dorm room mo tas ngayon pinapalayo mo ako?! Pagkatapos mo akong sarhan ng pintuan sa silid mo, gaganituhin mo lang ako? Sobra-sobra nang pambabastos ang ginagawa mo sa akin Dimitri ha! Asawa mo ako at di ako karapat-dapat sa mga pambabastos mo!” Pasigaw ni Corina habang tirik ang mga mata sa natatakot na si Dimitri.

Ngunit ngayon, hindi sumagot si Dimitri. Nakatitig lang siya kay Corina na tila ba puno ng takot.

“Hoy! Ano bang problema mo?!” Pinapatayo ni Corina si Dimitri na nakaupo sa elevator.

“Tumayo ka nga!” Ginawa naman ni Dimitri at dahan-dahan siyang kumapit sa dingding ng elevator para makatayo.

Pinindot ni Corina ang ground floor button upang pagmeryendahin si Dimitri na kahit anong galit ang ibuntong niya ay hindi siya kinikibo. Tila bay nakakita ng multo ang kanyang asawa.

Nang nakababa na ang elevator sa ground floor, hawak hawak ni Corina si Dimitri sa braso. Papalabas na sila ng dormitory nang papasok na rin si Riza sa lounge. Nagkatinginan si Corina at Riza na tila ba'y galit sa isa't-isa.

Tinignan ni Riza si Dimitri na tila tahimik at hindi malikot ang mata.. “Himala” sa isip ni Riza.

Kaagad siyang naghintay sa elevator ng bumukas ito. At hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.

“You should have seen the look on his face. It was like he saw a ghost or something. He was so scared, Arthur!” Si PM, nasa telepono.

Hindi napigilan ni Riza ang sarili. Nang malampasan na siya ni PM, hinila niya ang tee shirt nito. Tumigil naman sa paglalakad si PM at nilingon si Riza.

Nagka-eye to eye sila.

Mistulang bumalik lahat ng pananabik ni Riza para kay Angelo nang makita niya ang mukha ni PM. Nararamdaman niya sa likod ng kanyang mga mata na bumibigat na ito at maya-maya maiiyak na siya sa tuwa.

Kaagad niyang niyakap si PM at umiiyak sa dibdib nito.

Ngunit ang mga sumunod na pangyayari ang bumiyak sa kanyang puso.

Tinulak siya papalayo ni PM hanggang sa kumalas na rin si Riza sa yakapan nila.

“Umm, excuse me?” Si PM.

“ANGELO! DI MO BA AKO NAKIKILALA?! SI RIZA TO!! ANG TAGAL KITANG HINAHANAP!!”

“I'm sorry,” ngumisi si PM at napatingala sa taas, “but I really don't know you.” Pagtanggi ni PM kay Riza.

“No, you are Angelo! Hindi mo na maitatago sa akin yun dahil alam ko lahat-lahat!” Ngumiti si Riza habang pinupunasan ang mga luha na tumutulo sa kanyang mga mata.

Panuksong umiling si PM at nakangisi ang mukha, “I don't really know what you're talking about!”

“Angelo naman, please wag mo na akong ipagtulakan pa! Si Riza to! Oh! Tingnan mo! Ako pa rin to!”

“What's gotten into you?” Tumalikod si PM at binalik sa tenga niya ang telepono upang kausapin si Arthur.

Naglakad-lakad si PM sa paligid ng SEAU ngunit hindi pa rin siya tinatantanan ni Riza. Mistulang bumalik ang dating sarili ni Riza – makulit, maingay, childlike. Habang kausap ni PM si Arthur sa telepono, napag-isipan ni PM na umupo sa fountain park at magrelax kagaya ng ginagawa niya noong nandito pa siya nag-aaral.

“All right Arthur. I know. I'll just see you tonight. M-hm, bye bye.” Pinatay ni PM ang kanyang telepono at napalingon sa babaeng kaagad na umupo sa kanyang tabi.

“Kilala na kita Angelo! Wag ka na magtago pa!” Si Riza.

“Can you please stop following me around. You are seriously creeping the shit out of me.” Nagsalita si PM nang di man lang tinitignan si Riza.

“Bakit mo ba ako iniiwasan Angelo? Wala naman akong masamang ginawa sa'yo ah? Naging tapat na kaibigan naman ako sa'yo. Hindi naman kita iniwan? Bakit ang hirap hirap mo ba akong kausapin?! Alam mo bang walong taon kitang hinahanap kung saan-saan tapos heto ka, iiwas-iwas ka sa akin? Akala mo akala ko patay ka na? Hindi, kaya nga kita hinahanap sa bawat presinto kasi alam ko, hindi ka pa patay.”

“Tsss,” umiling si PM habang tumalikod kay Riza.

“Angelo... gusto ko lang malaman mula sa'yo na totoo ang sinasabi ni Dean Jonah para malaman ko kung saan ako lulugar.” Humihikbi na si Riza.

“Gusto ko lang malaman na buhay pa ang taong hindi ko ipagpapalit kahit kanino. Kaya please lang. Please.”

Nakatalikod pa rin si PM. Isa-isang bumulaga sa isipan niya ang mga magagandang bagay na ginawa ni Riza para sa kanya. Nakakaramdam na siya ng konsensiya sa pag-iwas niya kay Riza.

Maya-maya, naririnig na niya ang bawat iyak ni Riza mula sa kanyang likuran.

“Angelo... please.”

“Alright!” Hinarap ni PM ang umiiyak na si Riza habang pinipigilan ang bawat luha at ang maiyak sa harapan ni Riza.

“Gusto mo talaga malaman ang katotohanan? Okay. Oo, tama ka. This is me Angelo Montemayor. Kung ano man ang sinabi sa'yo ni mommy, malamang lahat iyon tama. And you might probably ask yourself why am I back kung maganda naman ang buhay ko sa Amerika. Just so you know, which is alam na alam mo, marami pa akong dapat tapusin rito. Making friends will be the last thing I'll be doing with my stay here.”

“B-Bakit?”

“Because I don't like you. I wasn't even comfortable having you around Riza! Ayoko sa'yo! Nagmamagaling ka, akala mo ang gusto mo ay gusto kong gawin! No Riza! Not everybody are exactly like you! Kaya nga siguro nababaliw ako noon dahil palagi mong pinaparamdam sa akin na isa akong loko-lokong abnormal di alam alagaan ang sarili-”

“Bakit? Sa tingin mo ba naalagaan mo nang maayos ang sarili mo noon, Angelo? Kulang na nga lang paliguan kita dahil Diyos-lang-ang-may-alam, pati pagligo nakalimutan mo na! Hindi ako nagmamagaling Angelo, gusto ko lang maging kaibigan sa'yo!”

“Well, I don't need friends! Siguro isa ka sa mga dahilan kung bakit naging krung krung ako noon, dahil sa'yo! So if I were you, kung kaibigan talaga ang gusto mong i-banner sa akin, I'd rather stay out of PM or Angelo or whosoever's way to make things really comfortable. Quite frankly Riza, you were a burden. Sana please wag mo nang dagdagan ang pasanin ko ngayon. Just stay out of my life, and that's it!”

“No! Alam kong muntikan ka nang mamatay. I will make sure they'll be in jail before they kill you again-”

“I don't need you. I can do that myself. Please lang Riza, stop messing with my life. You have done enough!”

Katahimikan pagkatapos nilang magsagutan.

“Okay,” umiling si Riza habang nakapaskil sa mukha niya ang mapait na ngiti. Tinitignan ni PM ang mga mata ni Riza na kanina pa luha ng luha, “that's how you want to play it, yeah? Yes, PM, I will do that. From now on, I will stay out of your life. Bahala ka sa buhay mo.”

“Fuck this shit lang Angelo, sinayang ko ang walong taon ko sa'yo! Tapos ganito lang ang aabutin ko!” SPLAKK! Naramdaman ni Angelo ang kamay ni Riza sa kanyang pisngi.

“That's for being an asshole to me, Angelo. You are a horrible person. I can't imagine meeting another person like you are. Nasusuka ako sa'yo. Wala kang utang na loob!”

“Tama ka Riza. I am a horrible person, really, really, horrible. So stop being with one. At bakit, sinabi ko bang hanapin mo ako Riza?”

“Kaya nga! Hinanap kita kahit hindi kita kailangan hanapin! Napakabastos mo!” Tumalikod si Riza upang umalis na.

“But you know what Angelo, I'm happy you're alive. Sadly, di ko alam na ganyan pala ang iniisip mo sa akin. Na-friendship over mo na ako eh. Fine. Have it your way.” Garalgal ang boses ni Riza at rinig na rinig mo ang buong emosyon.

Naglakad na papalayo si Riza nang tumulo ang luha ni PM habang mag-isang nakangisi.

“Riza... You are the greatest friend I have.” Bulong ni PM sa sarili. At tumutulo na nga ang mga luha.

“Di mo lang alam you are the greatest friend anybody can have. Pero sa totoo lang, it's not that I don't want you. It's just that masyadong peligroso ang mga hakbang na gagawin ko and I don't want you to be messed up dahil lang sa problema ko... I was only thinking about your safety. Most importantly, may anak at asawa ka na.”

“What I'm doing is no joke. I'm putting my life kahit alam kong pwedeng uulit-ulitin akong patayin nila Jun at Corina, but dragging you down my insane life wouldn't make you any better. You have a great future ahead of you, way better than mine.”

“I want you to stay away not because I don't really like you. Di mo lang talaga siguro deserve na magkanda-leche leche ang buhay dahil saken. I'd rather prefer you losing me than me losing you. The sun will shine right back and we'll all be happy after this.”

Ngumiti mag-isa si PM habang pinupunasan ang mukha para matanggal ang bawat luha na pumapatak.

“Ayos ka lang ba anak?” Isang yakapa ng naramdaman ni PM mula sa kanyang gilid.

“Opo, nay. Not even a trace of guilt I feel right now.” Pineke ni PM ang kanyang mga ngiti sa harap ni Dean Jonah.

“I saw what happened earlier between you and Riza. I don't know what your plan is, but whatever that may be, I support you, son.” Tinapik ni Dean Jonah sa pisngi si PM.

“Siya sige, ayusin mo na ang sarili mo at dumidilim na. You have to get dressed dahil mamaya na ang convention. Arthur wouldn't be with you kasi di ko alam anong nangyari at bakit siya biglang lumayo mula sa'yo pero the point is, walang aapura sa'yo kaya bilis-bilisan mo.” Hinila ni Jonah si PM para tumayo at sabay silang naglakad pabalik ng dorm.


“Ano ba ang nangyari diyan kay Dimitri at bakit kanina pa yan nakatulala?” Bulong ni Jun kay Corina habang pinagmamasdan si Dimitri na kaharap nila sa bilog na mesa.

“Ewan ko lang diyan. Mabuti na lang at nakadala ako ng sobrang formal attire para sa kanya. Nagtatatakbo eh nung nakita ko siya. Tapos muntik pa akong patayin sa elevator. Tapos nakaupo sa elevator. Tapos eto ngayon, parang patay na nabuhay.”

“Mabuti na lang masarap ang caterer ng NGC this year. I-aanounce na ba ang top shareholders at qualified board of directors?”

“Malamang.” Simpleng sagot ni Corina sabay inom sa kanyang inumin.

Maya-maya may lumapit sa mic stand sa stage at pasimpleng kumaway sa harap ng mga tao.

“Thank you so much for coming in for today's convention everyone. To intensify this year's convention, we will now be announcing the members of board of directors, and few changes and designations and plans the administration is taking care of for this year. So Mr. Grandyaryo, please take the floor.” Humakbang pagilid ang lalaking nagsalita at naglakad palapit ng podium si Sheldon. Nakatulala lang si Dimitri sa kawalan habang umirap naman si Corina at Jun nang makita nila si Sheldon.

Sa malayong mesa, malapit sa stage, andoon nakaupo si Arthur at Jonah. Kanina pa nanginginig si Jonah dahil hindi pa nakarating si PM sa convention.

“Did you tell PM what time are we supposed to start? He's an hour late already. You probably should give him a ring now.” Anyaya ni Arthur kay Jonah.

“I don't know. I saw him a while back and I really instructed him, carefully, not to be late. Everything's working for him and now, he's trying to delay everything we're working on. I don't have a phone with me right now. Oh God...” Pagsusumamo ni Jonah habang knikiskis ang kamay.

Umiling na lang si Arthur at kinain ang nasa plato.

“He'll be coming over for sure. We just have to calm down and relax.” Umiling si Arthur.

“Okay. Now, I have here the list of our qualified board of directors. These are people with top 5 biggest shares in the company. Let's start the list?” Ngumiti si Sheldon at sinuot ang kanyang salamin upang basahin sa madla ang mga bagong board of directors.

“In no particular order,” panimula ni Sheldon, “First member, Jonah Realoso.”

Tumayo si Jonah at dumiretso sa stage para sa formality ceremony na gaganapin mamaya.

Nang tinawag na ang pangalan ni Jonah, nagkatinginan si Corina at Jun na para bang nagtataka sa pagkakaluklok ni Jonah bilang isang board member.

“Second member, Jun Salviejo.” Pinunasan muna ni Jun ang kanyang bibig at tumayo, naglakad papunta sa stage at umupo ng isang upuan malayo kay Jonah.

“Third member, yours truly, CEO, Sheldon Grandyaryo.” Umirap si Corina at Jun. Napatawa naman si Jonah.

“Fourth member, Dimitri Salviejo.” Hindi nagreak si Dimitri. Iniisip niya pa rin ang nangyari kanina.

“Dimitri, tumayo ka na.” Siniko ni Corina si Dimitri. Lumingon muna sandali si Dimitri, nanginginig, at marahang naglakad patungo sa stage.

“Last, and the newest member of the group,” umiba muna ang mukha ni Sheldon na nagpapahayag ng pagkadismaya.

“Umm, alright. L-Last member, P-PM Realoso.” Mahinang sabi ni Sheldon. Nagkatinginan naman si Jonah at Arthur na tila ba'y naghahanapan kay PM.

Ang mga tao naman, lumingon sa lahat ng direksyon upang hanapin si PM Realoso. Maliban sa malaki ang pangalan niya sa film industry, hindi pa nakikita ng karamihan ang mukha ni PM. Patuloy na naghanap ang mga tao, pati si Sheldon at napalingon sa lahat ng sulok ng events room para mahanap si PM.

“PM? Realoso? Come on up for the commitment signing.” Naging maugong na ang mga bulung-bulungan ng mga tao dahil mahigit dalawang minuto na ngunit hindi pa dumarating si PM.

Nilayo ni Sheldon ang sarili sa mikropono at sinamaan ng tingin si Jonah.

“Nasaan na ba yang anak mo? Pinapahiya niya ako sa buong kompanya!” Pabulong at magiit na tanong ni Sheldon kay Jonah.

“I'm really sorry sir. Parating na talaga siya. We just have to wait for a short whil-”

“WAIT?!” Pag-ulit ni Jun, “He can't have us waiting. You know the drill Sheldon. Pag wala rito, forfeiture and automatic decline na iyan. Tardiness to absence is an intent of non-interest. A ground for disqualification. You know that! Di ba Dimitri?” Sabay siko kay Dimitri na nakatulala sa maraming tao sa paligid.

“Di ba, Dimitri??” Pag-ulit ni Jun ng tanong kay Dimitri. Nagising naman sa pagmumuni-muni at humarap kay Jun, “O-Oo! Tama!” Napipilitang sagot nito.

“TSK!” Sabi ni Sheldon habang pinagpapawisan ang noo. “I thought working with your son would become a good idea! I have never been disappointed!” Umiling si Sheldon. Hindi nakasagot si Jonah dahil sa kahihiyan, at nakayuko na lang. Napa-ngisi naman si Jun sa naisip.

Lumipas ang tatlong minuto ay lumapit na sa mikropono si Sheldon at niyerbiyosong nakatingin sa madla.

“Alright people, n-now, t-the people in front of you will be signing their responsibility contract as members of b-board of directors. Non-attendance means automatic disqualification. So, everyone, let's welcome the 4-man panel of directors!”

Pumalakpak ang mga tao at umupo silang apat na magkakatabi habang pinipirmahan ang mga papeles.

Picture picture. Masid masid. Katahimikan.

Maya-maya, biglang bumukas ang pintuan at ang tahimik na mga yapak ay hindi nakagulo sa katahimikan na kasalukuyang namamayapa.

Nang makaabot na sa stage ang mga yapak, may lalaking biglang nagsalita.

“Excuse me, where's my seat?”

Natarantang tumingin si Jonah, Sheldon, at Jun sa lalaking matikas ang tindig, malaki ang katawang, nasa mga 5'10 ang tangkad, matangos ang ilong, maputi, at nangungusap ang mata. Samantalang si Dimitri, busy sa pagbasa ng kontrata.

“PM!” Sigaw ni Jonah sabay yakap sa inaanak.

“Always late. Always unprofessional.” Umiling at ngumisi na lang si Sheldon sabay balik sa pinipirmahang papeles.

Samantalang si Jun, natakasan ng kulay sa mukha at nahulog ang sign pen na ginagamit niya sa pagpipirma. Lumingon naman si PM kay Jun at ngumiti.

“What's with the look?” Inosenteng tanong ni PM habang nakayuko kay Jun na nakatingala sa kanya.

This can't be. This can't be. This can't be. Mga salitang umiikot sa ulo ni Jun.

Ngumisi ulit si PM kay Jun habang dahan-dahan nang gumagapang ang kamay ni Jun para kalabitin si Dimitri.

“Wait dad.” Mahinang pagtutol ni Dimitri. Ngunit hindi tumigil ang pangangalabit ni Jun.

“Dad, wait-” Lumingon si Dimitri sa kanyang tatay na nakatingala kay PM.

Nahulog ang panga ni Dimitri. Lumingon din si PM sa kanya at ngumiti.

“Hello!” Matamis na bati ni PM na mas lalong pinagkakaba ni Dimitri. Nanlaki ang mga mata ni Dimitri at mistulang nakakita ng multo.

“Do I look like a paranormal shit to you boys?” Pabiro ni PM habang lumingon kay Jonah at sabay tawa nang nakakainis.

“PM, stop talking and start signing your papers.”

“Okay. So I'll sit beside the very handsome man, Mr. Dimitri Salviejo.” Lumapit si PM sa upuan katabi ni Dimitri at dahan-dahan umupo. Sinundan naman siya ng tingin ni Dimitri habang nagsimula na siyang magbasa ng papeles.

“Ladies and gentlemen, let's acknowledge the presence of our very busy member of our board for this year, the newcomer and stunning and gorgeous director from the hollywood, Mr. PM Realoso!” Pumalakpak ang mga tao.

Si PM ngumiti naman ng pagkagwapo-gwapo at kumaway sa mga tao.

Habang nakatingin si Dimitri kay PM, napansin ni PM na kanina pa ito nakatulala sa kanya. Lumingon ito kay Dimitri at kinindatan si Dimitri.

“Chill, man. I don't bite.” Sabay tapik sa likod ni Dimitri.

Gumaan ng kaunti ang pakiramdam ni Dimitri ngunit hindi pa rin natanggal ang kanyang pagtataka sa posibleng kanyang nakikita ngayon sa kanyang gilid.

“How come you look so familiar?” Tanong ni Dimitri habang masayang pumipirma si PM sa bawat pahina ng papeles.

“How come I won't? Di ba, Jun?” Ngumisi si PM habang kinindatan din si Jun na nasa kabilang banda ni Dimitri.

“Oh siya, Jun and son, you better start signing your papers or maaabutan tayo ng madaling araw katitingin niyo sa taong hindi ninyo kailanman nakilala.” Ngumisi ng pagkatamis-tamis si PM.

Pagbabanta o pakikipagplastikan. Tinetesting niya ako. No bitch, hindi mo ako madadala. Nabuhay ka man ni Jonah but for this time I'll make sure di ka makakatakas. Masamang tingin ni Jun habang nakasarado ang kamao.

Nang matapos na ang responsibility-signing, lumapit ang announcer sa mikropono.

“Alright folks, we just witnessed the new big 5 signing the leadership of our future. We are really excited for this pero let's top this up with few picture-taking. Come on up BOD's!” Tumayo silang lima at formal na ngumiti sa harap ng mga kamera na naka-flash sa kanila.

Nang matapos na ang first set ng picture-taking, nagsalita si PM kay Dimitri at hinarap ito.

“Bakit ang layo-layo mo sa akin Dimitri? Are you not excited working with me? We have to be really close together!” Ginapang ni PM ang kanyang kamay sa bewang ni Dimitri.

Nanlaki ang mga mata ni Dimitri sa pagpatong ng kamay ni PM sa kanyang bewang.

“We are one family now Dimitri. Mahirap iwasan ang taong marunong bumalik.” Sabay himas sa likod ni Dimitri.

“Sige na Dimitri, akbayan mo na si PM para kahit papaano sasabihin nila na we're happy working together.” Sabi ni Sheldon.

Walang nagawa si Dimitri kundi akbayan si PM.

Nang matapos na ang picture-taking, bumalik na sa kanya-kanyang mesa silang lahat habang nanatili si Sheldon sa podium para sa karagdagang announcement.

Nang makabalik na si Jun at Dimitri sa kanilang mesa, kahit si Corina hindi makapagsalita.

“Jun, we have to talk outside.” Sabi ni Corina sabay hablot kay Jun. Samantalang naiwan namang nakatulala si Dimitri kay PM na nasa malayong mesa katabi nina Jonah.


“Jun, listen up. I told you. I told you! Confirmed! Siya si Angelo Montemayor! Walang kaduda-duda!” Sabay hithit sa kanyang yosi.

“Shut the fuck up Corina! Kung may makarinig sa'yo, mauungkat na naman ang pagkawala niya. At eto siya biglang sumusulpot baka isumbong tayo!” Mariin na bulong ni Jun.

Naiiyak na si Corina dahil sa panic.

“Jun. I'm scared. I am so scared. Hindi ko alam kung anu-anong pinaplano niya. Di ko alam! Di ko alam kung kelan ako mamamatay dahil sa tanginang baklang iyan! He's trying to pin us down Jun! Dapat may plano tayo, dapat may hakbang tayo before he does the same to us! Wala tayong alam, baka bukas o sa makalawa, nasa kabaong na tayo!”

SPLAK! Sinampal ni Jun si Corina. Natapon ni Corina ang kanyang yosi habang nagtitimping umiyak.

“Corina. Stop panicking, okay?! Just like before, we will plan this out. Very systematically and very carefully. As I said before, tahimik lang muna tayo ngayon. Sa pagsibol ng bagong halaman, naglalaman ito ng panibagong lakas. Sa ngayon, may nakatenggang balak na siya laban sa atin. Alamin muna natin ito bago natin ito labanan. Sa tingin mo, babalik lang si Angelo nang tanga? Baka noon, tatanga-tanga siya, pero ngayon? Di natin alam kung anong posibleng gawin niya.”

Nanginginig si Corinang sinindihan ang isa pang yosi pamalit sa natapon.

“Okay. Phewww, o-kay. We will be okay. I will be okay. Wag naman sana Jun please. Help me. May anak ako. May asawa ako. Tulungan mo ako.” Tumulo ang luha ni Corina ngunit tahimik niya lang binuga ang usok ng yosi.

“Let's make this short. Baka hinahanap na tayo. Tapon mo na iyang yosi mo at bumalik na tayo.”

Nang makabalik na sila sa convention, napansin ni Jun na nakangiti si Sheldon sa kanya mula sa malayo. Dahan-dahan naupo si Corina at Jun sa kanilang mesa habang nakatitig pa rin si Sheldon kay Jun.

“One more major news for today, our executive producer for the best primetime news anchored by Jun Salviejo, has resigned. Therefore, as the CEO, I delegate the new position as executive producer to our newest member...” Ngumiti si Sheldon sa madla habang nakikinig ang lahat.

Samantalang si Jun nagtataka at nagtatanong kung sino ang kanyang bagong makakatrabaho.

“NGC's News de Oras newest executive producer... PM REALOSO! Come on up PM and Jun!”

Mistulang bumagsak ang tiyan ni Jun sa narinig. Napalingon siya kay Corina na tila ba nagpapahiwatig ng pagkatalo.

Umiling naman si Corina bilang senyales na lumaban si Jun.

Napakagat ng dila si Jun at tumayo upang makipag-kamayan kay PM. Nang makaabot na siya sa stage upang kamayan si PM at Sheldon, pinilit niyang ngumiti upang di maging halata ang kanyang frustration na nararamdaman ngayon.

“Who would have thought that I'll be able to work with my model reporter. I once wanted to be like you, Jun.” Ngumiti si PM ng panukso kay Jun na masaya namang ginantihan ni Jun.

“Thank you for tha-”

“But you proved me wrong. I realized I am so much better than you are. So no, I'm not stooping down your level. Anyway, I'll be able to work with you. Baka nga mas kailangan mo ako more than kailangan ako ng kumpanya.” Ngumisi si PM habang inakbayan si Jun.

“Tsss,” pampainis ni Jun upang itago ang inis na nararamdaman niya sa narinig kay PM, “ang kapal naman ng mukha m-”

“Talaga,” panukso ni PM, “as far as I could remember, ang kapal ng mukha ay nasusukat sa galing ng pagpapanggap ng isang tao. Kagaya ng pagiging mabait sa harap ko, pero dahan-dahan palang pinapatay lahat ng kaluluwa meron ako.”

“So?” Sabay akbay ni Jun kay PM habang nakaharap sa mga camera upang makipag-picture taking.

“Naging matagumpay ka naman. But you know, I'm not really here para gawin sayo ang ginawa mo sa akin.”

“As if.”

“Yeah. I realized life is so much better without the bitterness inside me.”

“Huwag mo akong gaguhin Angelo, nagago ako ng nanay mo pero di mo ako magagago.”

“I swear, hindi talaga kita gagantihan Jun,” sabay yakap kay Jun. Nilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ni Jun at bumulong, “I'm so much better than you are. I don't have to be rude. Being just PM is good enough to make you piss in your pants. And no, I'm not even sorry for that.” Kumalas sa yakapan si PM at Jun at ngumiti sa isa't-isa.

“Sana pala nag-artista ka na lang.” Si Jun. Magkasabay silang bumaba ng stage magkatapos iannounce ang bagong team up nila.

“Ayos lang. Nagte-training pa ako eh. Siyempre I have to learn from the best.” Sabay tapik sa balikat ni Jun. Panuksong ngumiti si PM nang magkalayo na sila ni Jun.

Habang naglalakad papalapit ng mesa si Jun, hindi niya maiwasan ang mapakagat-labi sa pang-iinis na ginagawa ni PM.

“And lastly, for our last set of news for this year,” Si Sheldon, hindi pa natatapos sa kanyang announcement, “just to finish this convention, NGC will have the biggest movie release for this year. Of course, directed by PM Realoso, and marketed by his best business partner, Arthur Boyd. Also, the duo will be working on a new project aside from the movie. Whatever that will be, will be best left unsaid, for now. Pero, later on, PM will be updating us every now and then regarding the status of this second project.”

“Although I haven't had a good working relationship with these guys, I'm investing my trust on them. Hopefully, this will be the rise of NGC once more. So everyone, help us out. Each individual is really essential for the collective success. As your strong, and ever, CEO, let's help out each other! NGC FIGHT! Thank you very much, enjoy the rest of the night!”

Tumingin si Jun kay Corina, sabay sabi: “I told you. He's up to something. Let's keep an eye on him. At ikaw Dimitri,” sabay kalabit kay Dimitri, “help us out. We will bring him down if necessary. Nasaktan mo siya kaya wag kang magpapadala sa kanya. Di natin alam kung ano-ano ang kanyang binabalak.” Tumayo na si Jun, dinala ang kanyang coat, at dali-daling naglakad palabas ng events hall.

“I'm sorry Dimitri. I'm going ahead. I'm not feeling comfortable baby.” Umiling si Corina sabay diretso walk out mula sa table.

Si Dimitri lang ang naiwan sa mesa, umiiyak.

Bakit ka naman matatakot Dimitri? Pero bakit ka naman magpapadala sa kanya? Past is past, dude. Past is past. Nagkasala ka sa kanya and maybe, just maybe, it's best to leave him alone. For now, it's not safe to be around him. Baka tama si papa, baka kailangan ko mag-ingat sa kanya...



Pero di kaya ng konsensiya ko.

Eto na naman ako.

Nalilito.

Ito na lang ang mga ideya na umiikot kay Dimitri habang sinusundan ng tingin si PM, kasama si Arthur at Jonah papalabas ng events hall.


Alas-siyete na, hindi pa rin siya nakakabalik sa room. Most likely, hindi siya rito natutulog. Malamang doon siya sa partner niyang Amerikano. UGH! Dimitri, how stupid can you get?? Nakaupo sa kama si Dimitri, nakaboxers at sando lamang habang hinihintay niya si PM na makabalik mula sa convention.

Hindi napigilan ni Dimitri ang sarili. Nanunumbalik sa isip niya ang mga maiinit na tugma nila ni Angelo noon. Dahan-dahan tumitigas ang kanyang alaga, hinimas-himas ito, at natutukso sa mga maiinit na pagniniig nila ni Angelo noon.

Nang makuntento, nilabas na niya ang kanyang alaga at dahan-dahan nang nagtaas baba. Iniisip niya na niyayari at tinitira ang bagong Angelo, si PM. Malaki ang katawan, mahayok, gwapo, at higit sa lahat may dating sa kanya.

Hinubad na niya ang kanyang sando habang patuloy niyang nilalaro ang sarili. Hinihimas ng kanyang kaliwang kamay ang kanyang mga utong habang ungol siya ng ungol sabay paglaro sa sariling alaga.

“Ugh, oh fuck shit. PM ang sarap sarap mo!!!” Sigaw niya sa libog na nananalaytay sa kanyang katawan habang nakapikit.

“Fuck! Oh shit ang sarap ng butas m-mmm-” Naging muffled ang sigaw ni Dimitri nang maramdaman niyang may dumampi sa kanyang labi. Pagbukas ng kanyang mga mata, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.

Si PM, hinahalikan siya.

Nanlaban naman sa halikan si Dimitri. Naging mainit ang kanilang halikan, malibog, masarap. Umupo si PM sa maskuladong tiyan ni Dimitri habang iniikot-ikot niya ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Dimitri.

Nang kumalas na silang dalawa sa halikan, ngumiti si Dimitri.

“Why are you doing this?” Excited na tanong ni Dimitri.

“Why wouldn't I?” Hinalikan ni PM at sinisipsip ang leeg ni Dimitri dahilan para mangisay sa sarap si Dimitri. Mas lalo pa siyang nakakaramdam ng libog ng hinawakan ni PM ang kanyang alaga at tinaas-baba ang kamay nito.

“UGH FUCK PUTANGINA ANG SARAP- mmmm-”

Ungol ng ungol si Dimitri habang patuloy siyang nilalaro ni PM. “Shut up little bitch and let me play with your body.”

“UGH SHIT!!! OWWW AHHH PM BAKA LALABASAN NA AKO!!! BILISAN MO NA PLEASE!!” Sigaw ni Dimitri.

Habang nilalaro ni PM ang bibig ni Dimitri, mas binilis niya pa ang pagtaas baba ng kanyang kamay.

“ANDIYAN NA, ANDIYAN NA!”

Ngunit biglang tinigil ni PM ang kanyang ginagawa at tumayo mula sa pagkakapatong kay Dimitri. Nagulat si Dimitri sa biglaan pambitin ni PM sa kanya. Nagulat siya habang hinahabol ang kanyang hininga.

“Binitin mo ako PM! Why did you do that?!” Mejo frustrated na tono ni Dimitri.

Ngumisi si PM at naghubad ng damit hanggang sa tinira lang ang kanyang boxers. Naupo siya sa isang single bed malayo sa kama ni Dimitri at dahan-dahan nahiga at nagtakip ng kumot.

“Why wouldn't I?” Ngumisi si PM bago tuluyang hiniga ang ulo.

Hindi nakuntento si Dimitri. Tumayo siya at tumayo sa gilid ni PM.

“Sagutin mo nga ako. Kinakabahan ako, oo. Natatakot ako sa'yo, oo.”

“So?” Tinanggal ni PM ang kumot na nakatabon sa kanyang ulo at diretsong tinignan si Dimitri.

“Anong 'so'? Magiging matapang na ako, ikaw ba si Angelo? Angelo Montemayor? Binibitin mo ba ako dahil gusto mong ipahiwatig ang mga gusto mong gawin sa akin? Is this what it's all about PM?”

Tumawa lang si PM at napangiwi.

“Let me get this straight, sir. Nakita kitang nagjajakol, the best thing I can do is to accommodate you. But I remembered... No! You don't hook up with the person you hardly know.”

“You hardly know me? Or you try so hard not to let me know that you know me?” Diretsong tanong ni Dimitri.

Tumawa ng patukso si PM.

“That's a good imagination of yours, sir. Pinataas ko lang ang libog mo. Do your job and enjoy yourself. After all, kaya nga tinatawag siyang masturbation di ba? You do it yourself.”


“HA!” Pasigaw ni Dimitri, “okay. Let's get this straight then. Just in case you don't know me, my name is Dimitri Salviejo. 28 years old. Head designs officer ng NGC-”

“I don't have time for introduction. Sana nakipagkilala ka nang nakadamit, hindi yung pagkatapos kitang tanggalan ng damit. It makes a difference.”

Tumalikod si PM at diretsong natulog.

Hinahamon mo pala ako PM ha? PM or Angelo or PM or Angelo or PM, I want you. But hindi ako matatakot. Kung natakot man ako, hanggang dun na lang iyon. Gusto mo ng kulitan, kulitan tayo. Gusto mo ng taguan, magtaguan tayo. Gusto mo maglaro, maglaro tayo. I can play your game.“I can play your game.” Pag-ulit ni Dimitri habang bumalik sa kama.

“I can play you around.” Responde ni PM sabay sarado sa desk light.

FLICK.


“Trust me pare, kagabi, after ng convention, he was kissing me. Ang sarap, pare, sobra! Di ko alam kung masarap lang talaga siya humalik o baka naalala ko lang ang halik ni Angelo noon. Alam mo, nung napansin ko siyang nakahalik sa akin, tila natanggal lahat ng takot ko sa kanya.”

“Tapos ano? Binitin ka? Gumising ka nga. Ang lapit-lapit lang ng office ninyong dalawa. Pwede naman kayo magquickie sa CR o sa office or kahit saan.”

“Gago,” sabi ni Dimitri sabay higop ng kape. Nasa cafeteria siya kasama ang kanyang assistant na tropa niya rin.

“What I'm saying is that, oo, gusto ko maulit iyon. Pero pinaglalaruan niya ako pre. Pinaglalaruan niya ako! Alam ko iyon. Yung ang gusto niya, e di fine, maglalaro kami kung ganon. Kung akala niya magaling siyang magpaikot, di niya alam na mas magaling pa ako sa kanyang manggamit ng tao. I even used him once.” Umiling at ngumisi si Dimitri.

“Teka pre, nalilito ako. Akala ko ba mahal mo siya? Bakit ganito na naman ang gagawin mo?”

“Eh anong gusto mo? Lumuhod ako sa harap niya para ibalik ang nakaraan? Oo, fine mahal ko siya. Oo, siguro after all siya talaga ang mahal ko at hindi si Corina. Pero when it comes to play time, I don't mind playing. After all, I'm still 28.”

“Ang bobo mo talaga, hindi mo ako naiintindihan,” binatukan siya ng tropa niya, “ibig ko sabihin, ang taong nagmamahal ng wagas, nagpapalaya, nanghihingi ng patawad, hindi nagpapataasan ng pride. Kagaya mo. Mahal mo siya, nakita mo siya, ngunit di mo alam kung paano siya pakitunguhan hanggang sa jinakol ka niya, binitin. Binitin ka lang niya, nawala lahat ng sinseridad mo. Tanga ka ba? E paano mo mapapatunayan sa kanya na mahal mo talaga siya?”

“Pare, in due time. Mahal ko siya, pero kailangan ko siya palalambutin. Hindi ako magpapadala sa kanya sa ngayon dahil sa ganoong paraan, kung pabababaan ko na ang security ko, dude, I'm fucked! Magiging kawawa ako sa kanya, makukuha lang niya ang paghihiganti niya! Kokontrahin ko muna ang lakas niya, tsaka pag mahina na siya, diyan na ako magiging totoo sa kanya. Mamahalin ko siya at ipaparamdam ko iyan sa kanya sa panahon na lumulubog na siya.”

Umiling na lang ang tropa ni Dimitri senyales ng di pagsang-ayon.

“Ewan ko na lang sa'yo Dimitri. You did that before, nalito ka, and you lost him. You losing him again? May asawa ka pa't anak? I don't know kung saan ka pupulutin ng Diyos.”

“CALLING ALL MEMBERS OF BOARD OF DIRECTORS, PLEASE PROCEED TO THE CONFERENCE HALL RIGHT AWAY. I REPEAT, PLEASE PROCEED TO THE CONFERENCE HALL FOR A MEETING. PM REALOSO PRESIDING. THANK YOU.” Sigaw ng babae sa speaker.

“There's your call, man. Tinatawag ka na niya. Balitaan mo na lang ako diyan sa kagaguhan mo.”

Kumindat lang si Dimitri bilang sagot at dumiretsong naglakad patungo sa conference hall. Nang makapasok na siya, andoon na si Jun, Sheldon, PM, at ang kani-kanilang staff, isa na rito si Arthur na isa sa staff ni PM..

“Good morning PM!” Ngumiti si Dimitri kay PM na tila ba nang-iinis. Ngunit tinignan lang ito ng blanko ni PM at hindi pinansin.

“Dimitri, sit down.” Striktong utos ni PM sa kanya.

“Thank you so much for coming in today. This will be quick. This has been approved by the CEO and will be effective immediately. In reference to the upcoming mega movie Arthur and I will be producing for this year, we'll be holding auditions. The auditions will be exclusively for the existing talents NGC has from Corina's company. We need to hasten this project as soon as possible para ma-release natin ito in two or three months-”

“Two or three months?! Outrageous! You can't do that-” Sigaw ni Jun kay PM.

“Nope, Jun. I did a movie in one month for Oscar's, and I got three trophies. I have experience, sir, how about you?” Ngumisi si PM habang mariin na tinitignan si Jun.

“Alright. As I was saying, the auditions should start the earliest tomorrow. Send out all invitations today to all actors we have. I have already my panel of casting specialists so sila na ang bahala. Dimitri, I need to use one of the production rooms for the in-house auditions. Tidy up one of them and I leave that to you. Jun, send out all the publicity. Also, Sheldon will be in-charge of the in-house communication. Any question?”

“Me,” nag-angat ng kamay si Dimitri upang magpapansin, “why are you rushing this movie, Sir Realoso? Aren't we supposed to take art in the most comfortable pace that we should be undergoing?”

“I'm sorry, Sir Salviejo Jr., but you must know that I'm a busy person because I have also to finalize a set production plan for News de Oras for your father. So please lang, do not question my pace because I have always been so busy for the lifetime of my career. A program must be effective for Mr. Salviejo Sr., next week. It must be taken care of and regularly maintained. I'm doing a lot of things, does that answer your question?” Ngumiti si PM kay Dimitri sabay kindat nito.

“So, are you not afraid of compromises?” Mapanghamon na tanong ni Dimitri.

“Such as? People? Money? Time? Exactly Dimitri bakit nalulubog ang kumpanya ninyo. Dahil sa inyo na ring katamaran. You must learn how to speed things up if you want to achieve more. Kaya palagi kayong bugbog kay Gab eh palibhasa hindi kayo marunong maging productive.”

“Excuse me?” Pag-insert ni Sheldon.

“Oh shut up you old bag. Alam natin yan ang dahilan kasi ang nasa utak mo Sir Grandyaryo ay puro pera. So there you go. 3 years of #2 behind Magic Corp. Let's be real.” Umiling si PM matapos insultuhin si Sheldon.

“Kay bago bago mo pa lang dito ang pangit-pangit na ng work ethics mo.” Side comment ni Jun.

“How about you sir? Kay tanda tanda mo na rito yet wala ka man lang na-contribute kay Sir Sheldon? Are you making me laugh? Tas inaaway mo pa siya. Bago ka maglabas ng mga side comment, learn how dirty you are yourself. Dahil minsan, ang inaakala mong madumi, mas may ikalilinis pa kaysa sa'yo. Any more question?” Sabay ngiti kay Jun.

“So you think the abrupt schedule is necesarry?” Tanong ni Dimitri.

“Yes sir. Really necessary. I'm training your staff to be efficient, time-managing, multi-tasking, well-rounded. I'm putting a little pressure on fresh wound.” Sagot ni PM sabay haplos sa buhok ni Dimitri.

“No more questions?” Sabay tingin sa ka-meeting para makapagproceed na sa second agenda. 

“Alright. Arthur is already done with the budget. The budget is already out sa accounting so he'll be taking care of that. Next agenda, the big project.” Sabay ngiti ni PM.

“As we all know, we have a girl group from G's Music and Arts Entertainment. But more than that, they're getting old. The public needs new set of girls. So, I'm planning to create and form a project girl group who can all sing and dance. This has already been signed by Sheldon Grandyaryo.”

“Woah, hold it right there,” pagpapatigil ni Jun, “all projects must be talked about by a board meeting. Bakit hindi natin ito napag-usapan? I would like to remind you Sir Realoso na ang napag-usapan natin ay ang movie project mo lang. You are violating rules right here-”

“Nope sir, you are wrong,” sagot ni PM, “Arthur, tell him.”

Tumayo si Arthur at tumabi kay PM. “To answer your question Mr. Salviejo, yes, we are very much aware of it being illegal. But we are not putting these girls under NGC Corp. Instead, I will be signing these girls up to my own production company. Meaning to say, I'll be handling them and PM will be managing them, or depends. What's going to happen is that NGC will have no any other liabilities on these girls aside from they are being casted by NGC. In this case, NGC will only appear as a casting factor. Sheldon, as per head of NGC, agreed to held cross-casting together with me, CEO of Jaguar Statue Production. So there's no need for NGC board members to talk over about this if NGC has no liabilities on these girls to start with. Also, my production back in Hollywood has already made a marketing video. We asked for free rights from Sheldon if we can air these videos to call on aspiring girls to audition for us. Sheldon agrees with this. The vidoes will be aired soon. The only ownership NGC will have on these girls are the fact that they can be aired on NGC.” inayos ni Arthur ang kanyang salamin.

“..for free.”

“WHAT?” Sigaw ni Dimitri.

“Sir, this is breach of contract to Corina's THE GIRLS! Alam niyo po na ine-air natin for free ang THE GIRLS, tapos ililibre pa natin ito sa bagong girl group? This isn't fair for my wife!” Sigaw ni Dimitri.

“I'm sorry about that Dimitri, but as SWS, the company who measures television viewing, has found out that THE GIRLS exclusive, free timeslot, hasn't generated much viewership than it first started, and is going down. Besides, patapos na naman ang contract nila. So sir, it's time for NGC to have a pure talented group na di magsasawa ang mga tao. Yung hindi nila makikita every week, yung ibibitin natin sa kani-”

“Kagaya ng pambibitin mo sa akin kagabi?” Pangsingit ni Dimitri sabay ngisi.

“Oh no baby, you'll get more as we work together.” Sabay dila sa kanyang mga labi.

“Alright, as I was saying, this girl group aims not to compete with Mrs. Salviejo's THE GIRLS. Its aim is different, but with the same goal as Mrs. Salviejo created THE GIRLS. These group will be like Pussy Cat Dolls, released internationally via legalities that Arthur will acquire later on. For now, we need manpower for auditions. So Jun, ikaw na ang bahala sa nationwide mall publicity natin, Dimitri ikaw na ang bahala sa graphic art, Sheldon will taking care of internal communication. Any question?”

Nagtanong si PM ngunit walang nag-angat ng kamay.

“Perfect. Arthur and I will start polishing plans for movie project auditions. Dapat by tomorrow, we must have celebrity auditionees. Failure to do so, I'm sorry sanctions will be imposed upon. As what Sheldon said yesterday... collective success depends on individual contributions. Conversely, collective failure depends on individual failure. Thank you so much for coming in. Dimitri, I want to use Studio A1 for the movie project audition tomorrow. Sheldon, I need production staff. Thank you. Meeting adjourned.” Ngumiti si PM at hinila niya si Arthur palabas ng conference hall. Nakatitig lang si Dimitri sa kanya tila ba nag-aantay na pansinin siya ni PM.

Nang mag-abot ang tingin ni PM at Dimitri, ngumiti si PM, napakagat-labi naman si Dimitri bilang pang-inis. Ngunit nawala rin ito nang ginapang niya ang kanyang tingin sa kamay ni PM...

...na magkawahak ang kamay ni Arthur.

Mistula siyang estatwa at nanigas sa kanyang nakita. Nang inakbayan na ni Arthur si PM, nararamdaman ni Dimitri ang kirot sa puso ngunit hindi niya ito nailabas ng maayos... maliban sa iilang patak ng luha na umagos sa kanyang mga mata.

“Oh, bakit ka umiiyak Dimitri? Shit. Grabe anak. Wala tayong laban kay PM sa ngayon. Ang lakas ng kapit niya kay Sheldon. Di yata natin sila kakayanin sa ngayon...” Si Jun, nagmamaktol.

Nataranta naman si Dimitri at pinunasan kaagad ang kanyang mukha.

“Yaan muna natin sa ngayon Tay. Babagsak din yang PM na iyan.” Dala-dala pa rin ni Dimitri ang sakit sa puso dahil sa kanyang nakita.

“Excuse me, dad.” Humingi ng paumanhin si Dimitri at umalis kaagad ng conference hall bago pa man mapansin ng papa niya na umiiyak siya.



“Excuse me, PM. Can I come in?” Sabi ni Sheldon bago pa man pumasok sa loob ng opisina ni PM.

Nasa couch si PM at Arthur. Nakaakbay si Arthur kay PM habang nakasandal naman si PM kay Arthur habang nanunuod ng documentary.

“No need tanda, nasa loob ka na. Bakit anong kailangan mo?” Sarkastikong saway ni PM.

“Wala ka talagang galang kahit kailan. I just want to let you know na I'm happy with your contributions sa company for now. Kahit ayaw ko sa ugali mo, I can't believe I'm saying this, but you might want to sign an exclusive contract-”

“No, I'm sorry Sir Grandyaryo. Not doing that. I don't want myself locked in NGC. Thanks.”

“Sa ngayon ayaw mo pa PM,” tumabi si Sheldon kay PM sa panonood ng documentary, lumingon siya kay PM at ngumiti, “but sooner or later, pipirma ka ri-”

Natahimik bigla si Sheldon na pinagtaka naman ni PM. Lumingon si PM kay Sheldon nang nakita niya itong nakatingin sa kanyang may leeg banda.

“Wow, meron ka rin palang ganito.” Sabay hawak sa locket sa may leeg ni PM.

“I'm not really sharing my story to everyone, but this is really precious. Really memorable.” Ngumiti si PM sabay sandal ulit sa kanyang ulo kay Arthur.

“Oh, all right.” Napalunok ng laway si Sheldon, “familiar lang kasi. But anyway, I'm going out. You guys have fun!” Tinapik ni Sheldon si PM at hinampas naman ni PM si Sheldon. Tsaka lumabas na ng opisina si Sheldon.

Zzzzggggggggg... Zzzzzgggg...

Nag-vibrate ang phone ni PM. Tinignan niya ito at may message siyang natanggap.

“PM, your phone's vibrating.” Pagpaalala ni Art.

“Can you check it for me. I'm lazy talking to people lately.”

“Alright.” Inabot ni Arthur ang cellphone ni PM at nabasa niya ang message na natanggap ng phone ni PM.

Gab489: Hiii! Montemayor!!

“What does it say?” Tanong ni PM.

“Oh. Nothing.” Pinatay ni Arthur ang phone ni PM ngunit naagaw kaagad ito ni PM.

“'Nothing my ass. Let me check.” Nabasa ni PM ang message mula kay Gab489.

“What's with that PM? Why can't you stay away from those guys?” Kumalas si Arthur sa pag-aakbay kay PM at naging malungkutin bigla.

“What the hell Arthur?!?” Nagtaas ng tono si PM, “Arthur, we hook up, we hold hands, we sleep beside each other, we kiss, we do all those stuff, but I'm sorry, you know and I know we're only doing it for fun and the hell of it...”

“I'm sorry PM, I can't live like this.” Tumayo si Arthur at naiiyak.

“Alright. Arthur.” Pagsigaw ni PM. Huminto sa paglakad si Arthur at lumingon kay PM.

“I don't know if I can gamble feelings with you. But please try to understand me. I'm tired of punching you, I'm tired of hurting you, I just want to make it up to you. Please, you're the only friend I have. And whatever happens, we'll see if we'll be right there. Let's just see. Please. I'm tired of being alone and you were always there in times when I'm alone. Just, alright, I'm saying this for the first fucking time...”

Nagbuntong hininga si PM.

“Don't leave me.”

Napatingala si Arthur sa narinig habang naluluha na siya. Nang makakuha ng postura, umiling na lang at napangiwi.

Maya-maya, hinaplos niya ang ulo ni PM at umupo tabi ni PM at inakbayan si PM sabay halik sa noo nito. Sumandal muli si PM kay Arthur.

“Thanks.” Simpleng sabi ni PM.

Isang haplos sa ulo lang ang natanggap ni PM.



“Ganito lang yan girls. Slide, clap, steal, cut. Okay ulit.” Pag-instruct ng choreographer ng THE GIRLS. Nagpa-practice sila ng bagong choreography para sa nalalapit nilang album comeback in two weeks.

“Sige lang, girls. Repeat. One, two, three, four...” Pagbilang ng kanilang choreographer.

“UGH!” Ungol ng isang babae habang nadapa dahil hindi makuha ang step na pinapakita ng choreographer.

“Tsk. Tsk. Tsk.” Tumayo si Corina at umiling. “Yanny,” pagtawag niya sa miyembro ng THE GIRLS na nadapa, “Di kita binabayaran para maging lampa. Alalahanin mo iyan! Isa ka rin sa mga dahilan kung bakit lumulubog na ang THE GIRLS eh...” Lumapit si Corina kay Yanny sabay tupi ng mga braso.

“DAHIL DIYAN SA KATANGAHAN MO!” Sabay diin ng daliri niya sa sentido ni Yanny.

Walang nagawa ang babae at nagpadapa na lang. Kaagad namang lumapit ang ilang miyembro ng THE GIRLS at inaalo si Yanny na kanina pa umiiyak.

“Ma'am Corina. Sorry naman po. Hindi pa po kasi kami nakakakain dahil sa diet plan na pinapasunod niy-”

“At nagrereklamo ka pa, Jean? Tingnan mo nga yang taba mo!” Sabay pisil sa tiyan ni Jean.

“Malamang ikaw yung lumalabas sa dorm ng gabi, ano? Para kumain? Kala mo di namin nakita iyong lata ng spam sa basurahan? Bakit ang hirap hirap sundin ng mga utos ko? Nakikinabang din naman kayo ah!!”

“Hindi ma'am. Dalawang araw na po kaming di nakakain ng maayos, kahit kanin o tinapay lang man wala. Puro tubig at diet tea iyong nasa pantry. Hinang hina na po kami-”

“WOW NAMAN! CHOOSY PA KAYO! GUSTO NIYO MASARAP? SIGE HALI KAYO...” Mataas ang boses ni Corina sabay pulot ng dalawang pizza box na nilalaplap ng utility staff ng THE GIRLS.

“ITO BA GUSTO NIYO?! OKAY! KAIN KAYO MGA PATAY GUTOM!!” Sabay isa-isang pinagtatapon ang mga miyembro ng THE GIRLS ng isang slice ng pizza sa kanilang mga mukha.

“KAININ NIYO YAN WAG KAYONG MAGTIRA!! WALA NA NGA KAYONG GINAGAWA NAGREREKLAMO PA KAYO!! LECHE!!” Tinapon ni Corina ang box sa mukha ni Yanny.

Natahimik lahat ng tao sa pagmamaldita ni Corina. Kaagad namang tumalikod si Corina at naglakad palabas.

“I'm sorry, girls. Practice na lang muna kayo at baka magagawan natin ito ng paraan.” Si Laurel, pinupulot lahat ng kalat na ginawa ni Corina.

“LAUREL! HALI KA NA!” Nang tinignan ni Laurel si Corina, nakatingin ito sa kanya ng pagkasama-sama. Nanlilisik ang kanyang mga tingin. Kaagad namang napatayo si Laurel at sinundan si Corina.

Padabog ang lakas ng apak ni Corina papunta sa opisina niya. Nang makaabot na, kaagad niyang binuksan ang TV at nabigla siya sa kanyang nakita.

“NGC's search for the next girl group... Stars... Glamour... Fame... Are you the next international sensation? Try out and see what fortune can do for you... NGC Studio, 9 AM to 5 PM, one day audition only, limited slots...

If you think you can dance, you can sing, and you got the star quality, audition next week. You might just be what we are looking for.”

Nanigas si Corina sa kanyang nakita.

Maya-maya, bumukas ang pintuan at pumasok si Jun. Tumabi siya kay Corina sa sofa at nagtupi ng braso.

“So nakita mo na pala?”

“What the hell is this Jun?! Saan galing to?! Sinong pasimuno nun?? Sino ang project manager?? Saan sila pipirma ng kontrata?? Pinapalitan na ba nila ang THE GIRLS?!” Sunod-sunod na tanong ni Corina.

“Project Girl Group. PM Realoso. Sa company ni Arthur dun sa Hollywood. Iilan lang ang Philippines sa mga franchise nila. Internationally released.” Mapaklang sagot ni Jun.

Pumasok naman sa opisina si Dimitri at naupo sa katabing sofa nila Corina.

“At paano to? Bakit di natin alam to? Under NGC ba to?! Bakit di niyo pinigilan?!” Sabay hampas sa braso ni Dimitri.

“Wala kaming alam diyan Corina. Ngayon lang din namin natanggap ang memo galing kay PM. Kanina lang kami na-inform at minamadali lahat ni PM. Ewan ko rin kay Sheldon bakit ang bilis bilis niyang pumayag sa mga gusto ni PM. Tiwalang-tiwala siya don.” Sabay ngisi ni Dimitri.

“THIS CAN'T BE!!!” Sumigaw si Corina.

“Sana pinigilan niyo pa!! Alam niyo kung ano ang mangyayari?! Pinagpaplanuhan ako ng PM na yan!! Kung makakadebut na ang girl group niya, siyempre mas tatakbuhan iyon kesa sa THE GIRLS! Alam niyo naman na ang THE GIRLS ay iilan na lang sa nagdadala ng pera sa G's Music and Arts Entertainment! Sana di niyo pinayagan!! Pag magiging successful ang group niya, magiging pangit ang image ng THE GIRLS. Malamang, di na ako makakakuha ng free airtime sa NGC. Palagay ko, plano niya talagang patayin ang THE GIRLS eh!! Baka pababayarin na niya ako ng ad fees at airtime rights!! SHIT KAYO DIMITRI BAKIT WALA KAYONG NAGAWA!!” Tili ng tili si Corina habang namumutla ang mukha niya.

“Wala nga kasi kaming magawa ni tatay! Sinubukan namin pero may kontrata na ata sila ni Sheldon! Pumayag naman si Sheldon kasi nga, si PM iyon di ba?! Impluwensiya ni PM. Ang magagawa natin ngayon, mag-iisip tayo ng paraan para sirain si PM.” Iling ni Dimitri.

“Paano nga kung lumalakas siya! Bahala kayo, basta gawan niyo yan ng paraan Dimitri. Kung mangyayaring malulugi ang G's dahil diyan sa girl group na yan, ako mismo ang gagawa ng paraan para pabagsakin iyang tanginang baklang iyan!!” Sigaw si Corina habang nagwalk out palabas ng opisina.

Nagkatinginan na lang si Jun at Dimitri.



“My plan is simple Arthur. We'll just over-power THE GIRLS, and when I can prove to the board that I have brought more than enough revenue to this company, I will propose to raise advertisement fees and airtime slots for those unproductive fame-diggers. And when that happens, Corina will crawl out of misery. And when her company fails... she will.”

Kumain ng take out dinner si PM at Arthur sa opisina ni PM sa NGC habang nagfafinalize ng audition process para sa upcoming movie auditions at project girl group niya.

“Okay. I think you can execute your plans well. You just have to be careful if Corina knows your plan before you notice it. I don't think she's stupid herself.” Sagot ni Arthur.

“Oh, no, no, no.” Tumawa si PM at umiling. “Exactly Arthur. The plan will succeed once she thinks she knows about my plan. You know I can always make her luck run out.” Sabay kagat sa ribs na kanyang plato.

Ngumiti lang si Arthur at patuloy sa pagkain.

“Uh-hum,” Paglinaw ng lalamunan ng isang tao mula sa labas ng pintuan ng opisina ni PM. Napalingon kaagad sila ni Arthur.

“Hi PM. I would just like to have a short talk regarding the studio?” Ngumiti si Dimitri kay PM habang papasok siya sa opisina.

Napatingin naman si PM kay Arthur na nandilim kaagad ang paningin. Tumawa na lang saglit si PM, umirap, at tumingin kay Dimitri.

“Can't you see we're having our dinne-” Naputol si Arthur.

“Just a short while. I've got cigarettes.” Sabay pakita sa isang box ng yosi kay PM.

“How urgent would that be that it can't wait for later?” Nanghahamon ang mga tingin at ngiti ni PM patungo kay Dimitri.

“Very.”

“I'll be right back Arthur.” Tumango si PM kay Arthur. Tumayo siya at lumabas ng pintuan kasama si Dimitri. Dumiretso sila sa balcony kung saan kumuha na ang dalawa ng tig-iisang yosi at sinindihan ito.

“So what are we supposed to discuss now?” Sabay buga ng usok si PM.

“I have already reserved studio A1 para sa movie project audition mo. May nakaassign na rin production staff para dun at na-orient na sila sa gagawin nila bukas. The invites, as far as I've heard, have already been sent to our talents. Cameras, etc, dun ka na lang humingi sa staff na inassign ko para sa'yo. So far we are not having any problem. Para naman sa project girl group mo... I have the staff assigned for that event next week. Logistics, ikaw na bahala.” Ngumiti ng pagkalandi-landi si Dimitri kay PM habang papalapit ang kanyang katawan sa katawan ni PM.

Nakatingin lang si PM sa kanyang mga mata at binugahan ang kanyang mukha.

“Perfect.” Simpleng sagot ni PM sabay ganti ng malanding ngiti.

"Kamusta naman ang animation company mo Dimitri? Balita ko, papalubog ka na raw..."

Binugahan din ni Dimitri si PM ng usok sabay lapit sa kanyang mukha sa mukha ni PM.

“Let's cut the shit 'PM'. I know you. Alam kong ikaw si Angelo. Sa una dinedeny ko, but I don't know kung paano ka nabuhay, o namatay, o kung paano ka pinulot ni dean, pero sinasabi ko sa'yo...” mas nilapit pa ni Dimitri ang kanyang mukha sa mukha ni PM na muntikang isang pitik na lang ang pagitan ng kanilang mga labi.

“... alam ko Angelo. Ikaw iyan.” sabay nibble sa ilong ni PM.

Nakatingin lang si PM habang nilalayo ni Dimitri ang kanyang mukha at patuloy sa paninigarilyo.

“Good for you at di mo ako nakalimutan. Don't you know...” Nilapit ni PM ang kanyang katawan kay Dimitri hanggang sa magkadikit na ang mga ito.

“... marami akong surpresa para sa'yo?” sabay buga ng usok sa mukha ni Dimitri at lapit sa kanyang mukha sa mukha ni Dimitri.

"Dudurugin kita Dimitri." Pagbabanta ni PM habang pinatong ang magkabilang braso sa leeg ni Dimitri at malanding ngumiti.

Palapit na palapit na din ang mukha ni Dimitri at kumindat din ito kay PM.

"Maliban na lang kung malalaspag kita nang una Angelo..." Haplos ni Dimitri sa ulo ni PM.

“Hit me then.” Panghahamon ni PM.


"You first." Sagot ni Dimitri.

“No, Dimitri...” nilalaro ni PM ang buhok ni Dimitri, “you hit me.”

Akmang hahalikan na sana ni Dimitri si PM nang umatras ang ulo ni PM at nagstretching sa kanyang leeg.

Napahiya naman si Dimitri sa ginawang pang-iiwas ni PM at napalaro na lang siya sa kanyang dila.

“You can't kiss the person you just met.” Hithit ni PM ng sigarilyo.

“As if I just met you.” Kumindat si Dimitri kay PM. Lalapit na ulit si Dimitri kay PM nang may kamay na nakapatong sa kanyang dibdib upang pigilan siya sa paglapit kay PM.

“PM is to finish his dinner yet. You don't serve the dessert. I do.” Sabay tulak ni Arthur kay Dimitri dahilan ng pagkaatras ng konti ni Dimitri.

“Come on PM.” Sabay akbay ni Arthur kay PM at giniya ito pabalik sa opisina nito.

Nakatayo lang si Dimitri at naiwan sa balcony habang nakatingin kay Arthur at PM.

Kahit papaano, ikaw pa rin si Angelo. Palaban.

Umiling na lang si Dimitri habang inayos ang kanyang damit.



Sumunod na araw, napag-isipan ni PM na pumunta ng SEAU upang kukunin ang kanyang natitirang gamit na di pa niya nalipat sa bahay nila ni Arthur sa Makati.

Mataas ang araw at lunch time na. Pagtingin niya sa kanyang relos, ala una na pala ng hapon.

Habang nag-aantay kay Dean Jonah, nasa fountain park si PM, nagbabasa at nagfafinalize ng script niya para di na siya masyadong magrereview pag magtetake na sila ng scenes.

“Hmmm, teka. Parang may mali sa dialogue na to...” Sinusuri ni PM ang kanyang script habang kagat-kagat ang kanyang lapis.

Maya-maya, napansin niyang may nakatayo sa kanyang likuran. Natabunan siya ng malaking anino. Di niya ito pinansin sa pag-aakalang aalis din ito maya-maya.

Ngunit nag limang minuto na lang, hindi pa rin naalis ang anino na nakatabon sa paningin ni PM.

“Alam mo naman na hindi kita iniwan eh. Saan saan nga kita inaantay.”


Itutuloy...
 



Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2

33 comments:

  1. wow may update na. thanks

    bharu

    ReplyDelete
  2. You are so impressive Mr. Author. This is something that can be turned into movie if only people would be more open to such. Great job. Keep it up! =]

    ReplyDelete
  3. At last! -Gameboy

    ReplyDelete
  4. Author akala ko ba every week ang update?

    Nice story

    ReplyDelete
  5. Perfect, I loved the vengeance of PM Realoso or i mean Angelo Montemayor..... sobrang saya ko nakakarelate ako :D thank you Author

    ReplyDelete
  6. Wooh my weekly dose of fierceness. Nice, excited for the next chapter! Marvs :-D

    ReplyDelete
  7. Revenge.. Ganda talaga.!!!!! <3 can't wait for the next chapter.

    ReplyDelete
  8. So cool kudos mike!!! Miss ka na ni kuya red

    ReplyDelete
  9. wow grabe #idol paganda ng paganda ang takbo ng storya.... nakakabitin, nkkexcite at tlgang kaabang abang bawat eksena... excited na ku kung pano sya gaganti at kung pano nya masisira ang mga taong nagpahirap s kanya... at tsaka cnu kaya tlga ang mkkatuluyan nya... i hope c gab na... sana magkaroon cla ng love affair at mapunta sa happy ending... weew nadala ako sa pagttagpo ni PM at RIZA, nkarelate ako masyado alam ku yung ganung pkramdam... masakit.. sobrang sakit kapag ipagtabuyan ka ng mga taong mahal mu d
    sa buhay na halos lahat ng bagay gnawa mu para sa kanila.... weew! this story is a masterpiece.... sana maisadula ito sa television pede to sa mga indie film.. and tlga nmn nkkainspired ang kwento mo.... my kapupulutan ka ding aral... mr.cookie cutter more power po... godbless you....

    ReplyDelete
  10. Ano ba yan feeling ko ako si Dimitri. Nabitin ako. Nabitin ako sa update ngayon. Haha. Nakikilig ako kay Dimitri. Lagi nya sanang iseduce si Angelo or PM or Angelo or kung sino man. Hhaha

    ReplyDelete
  11. Akala ko magpapangap xang ibang tao? Pero sa takbo ng storya niri-reveal nya rin kung sino xa.

    ReplyDelete
  12. Yan Gab, wag mo tantanan si PM hanggang mainlab sau lalo si PM.

    ReplyDelete
  13. nice next chapter na :)

    -Kalona

    ReplyDelete
  14. Nice next chapter

    -Kalona

    ReplyDelete
  15. nice, thank sa upadate!

    ReplyDelete
  16. Sulit ang pag hihintay :)
    Intense!

    -ylden

    ReplyDelete
  17. sa totoo lng nakakainip n ung sobrAng tagal ng update sa kwentong to..pero pagbinabasa ko to npaka worth it ung ilang weeks n pag aantay..grabe galing ng kwento, detalyado at talagang pinag-isipan.. galing nyo sir.congrats keep it up..

    ReplyDelete
  18. grabe sobrang instense ng mga eksena... daig pa ang teleserye sa ganda nito...thumbs up sir....well written....:)

    ReplyDelete
  19. Wow at last. chapter 5 is here na. I'm very much excited about the story of Angelo(PM), Aruthur, Dimitri, Jun & Corina. Waiting for the next chapter and very much curios what will happen. kakagilig. hehehe

    jojo_qc@yahoo.com

    ReplyDelete
  20. ...whaaaat..naapakagandang story...thumbs up sir...the best...:)

    ReplyDelete
  21. Omg! Next chapter please! Sulit na sulit ang paghihintay ng kwento mo Cookie Cutter!

    ReplyDelete
  22. Libog much si Dimitri kay Pm, wahaha

    Patrick Brian P.

    ReplyDelete
  23. Thank at may update na...!!!buti wala nayung flashback na eksena..thanks author..

    ReplyDelete
  24. Alam mong di kita iniwan e...... Parang kilala ko yun a... Si Gab ba un? Or si BFF?

    -couturemaster

    ReplyDelete
  25. UPDATE na please!!! ALERT NOW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  26. Ganda talaga, cant w8 for d nxt chapter

    ReplyDelete
  27. grabe! one of the best stories...inaabangan ko lagi updates nito. ganda ng flow ng story. although common na pero iba ang dating sa mambabasa. :D

    ReplyDelete
  28. Ang tagal naman ng next chapter.... can't wait for so long...

    ReplyDelete
  29. Ang tagal naman ng next chapter.... can't wait for so long...

    ReplyDelete
  30. astig... ang ganda na flow ng story, ang ganda lang.. bakit wala nato sa WATTPAD?

    thanks,
    jayzky19

    ReplyDelete
  31. I love this story so much..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails