Followers

Thursday, July 31, 2014

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2 [Part 01, Chapter 04]


GAPANGIN MO AKO. SAKTAN MO AKO. II
Written by: Cookie Cutter (I-add ako sa Facebook)


Book 1: Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 I 20, 21, 22: Final Chapter | Epilogue


Teasers:  Dimitri | Riza/Jonah | Corina/Jun | Gio | Gab | PM/Arthur

Book 2, Part 1: Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3

_________________________________________________________________________________



COMPLICATED - AVRIL LAVIGNE

(Disclaimer: Hindi ko po pag-aari ang video at hindi ko po pag-aari ang larawan para sa kuwentong ito. For representation lang po ang mga ginagamit na materyal. Kung may hindi nagugustuhan ang paggamit ko sa mga materyal na ito, pakisabihan po ako nang matanggal agad. Maraming salamat.)

(Author's note: Please take note po, wala na akong ibang pagpopostan ng kwento maliban sa msob. MSOB lang po ang official kong pagpopostan ng Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2. Kung mahahanap niyo ang kwento ko elsewhere maliban sa MSOB, paki-inform po ako nang ma-settle kaagad.

At saka please lang po, paki-minimize po ang pag-pm saken kung "kelan darating yung next chapter", etc. Kasi po (1) may buhay din po ang writer aside from pagsusulat (2) hindi na po ako masyado nakaharap sa computer dahil sa trabaho (3) di ko po talaga alam kung kelan ako muling makakaharap sa computer para makapag-update (4) nababaon po ang ibang pm na napaka-urgent. Naiintindihan ko po na may mga interesado po sa kwento at lubusan ko po iyang pinagpapasalamat, pero kung paulit-ulit niyo po akong binobombahan ng pm na nanghihingi ng updates, tas mga 100+ kayong lahat, baka mapilitan akong isara ang dummy account ko at baka mas mahirapan akong makipag-usap sa inyo ng masinsinan.

Ang saken lang po, please lang, parang awa niyo nang lahat, magtiwala kayo sa akin kung sasabihin kong hindi ko kayo iiwan. Dahil hinding-hindi ko kayo iiwan at gagawin ko po lahat para makapag-update ako every week. Sana po malinaw ang lahat. Hinihiling ko lang po na mag-check na lang kayo ng updates dito sa msob once in a while. Di na kasi kagaya ng dati na puro computer lang ang buhay ko. Sana naiintindihan niyo po.

Kung makakapag-update man ako, hayaan niyo po ako ang magpaalam sa inyo via facebook. Malaya pa rin tayong mag-uusap, chat, harutan, etc., pero kung para sa mga tanong na paulit-ulit kagaya nang "kelan ang updates", pakibawas-bawasan lang po kasi mga 100+ kayong nagtatanong every week at napakahirap pong sagutin ang bawat isa sa inyo. Sorry po, tao lang din po ako. Nakakapagod po na every week daming nanghihingi ng updates eh andito lang naman sa msob pwede lang naman kayo ang tumingin kung meron na ba o wala pa. Kung tatanungin niyo rin kung kelan, ang sasagot ko lang sa inyo ay: "This week po.", kasi every week naman talaga ako makakapag-update. Wag na po paulit-ulit please? Please bear with me lang muna. Sana maintindihan niyo po talaga at hinihingi ko ang 100% cooperation niyo. Malay natin ang mga oras na pinangreply ko sa inyo, sana pinang-proofread ko na lang, edi mas maaga sana matapos!

At saka sa palaging nagko-comment na "di matatapos ang kwento ko", "every one month ang update", "next year ang chapter", ewan ko po kung sinu-sino kayo pero malaya po kayong wag basahin ang kwento ko kung sa tingin niyo hindi ko to tatapusin. Di po ako interesadong pasayahin kayo the same way na pinupull down at ginugulo niyo ang ibang readers sa pagbabasa. Interesado akong tapusin ang kwento para sa mga taong interesadong tapusin ang pagbabasa nito. So gagawin ko ang lahat para ibahagi ito sa kanila at sana lang wag na kayo manggulo pa kahit saan dito sa msob kasi (1) sinasayang niyo lang oras niyo (2) oras ko (3) wala kayong mapapala sa ginagawa niyo. This is me talking as a person at hindi bilang writer.


I will respect your decision to read or not to read my work or the works of other authors, the same way na kailangan din namin ng respeto niyo. Kung nabuburyo kayo di niyo na kailangan manglait pa. Prangkahan lang po.

Thank you! Enjoy!)
_________________________________________________________________________________

Part 1: "Sorpresa"
Chapter 4: "I hate myself for being scared."

May mga bagay na masayang isipin ulit, ngunit may mga bagay na mahirap ibalik. Napakahirap.” -PM Realoso

---

Chapter 4

“Art, has PM called you up already? Have you tried calling him up? The meeting's about to start...” Pagtawag ni Jonah ng pansin ni Arthur. Nasa labas na sila ng conference hall ng SEAU kung saan gaganapin ang meeting ng NGC ukol sa pipirmahan nilang kontrata para sa upcoming movie project.

Tumalikod si Art para harapin si Jonah at tinanggal ang cellphone na kanina pa nakatapat sa kanyang tenga.

“I am actually trying to call his phone couple of times but he's actually not answering the phone.” Sumimangot si Arthur habang pinipindot uli ang cellphone at tinapat uli sa tenga.

“This is bad...” Pabulong ni Jonah.

“Really bad.” Dugtong ni Arthur. “He's definitely going to show up... but I'm not sure if how many minutes from now will he arrive. He's always late. He always thinks high of himself. But don't worry, he will surely arrive.” Pagpapagaan ng loob ni Arthur kay Jonah.

“I'm not sure... Do you have the contract and MOA? So at least you can just present your special requests later on?” Pag-follow up ni Jonah.

“I don't... PM took it from me and he says he'll take care of it.” Tinanggal ulit ang phone mula sa kanyang tenga at nagredial na naman.

Nanigas si Jonah habang hinahintay ang sagot mula kay Arthur, kung natawagan na niya ba si PM o hindi.

“Do you have any idea where he's at?”

“No. He didn't tell me. He never tells me anything.”

Napapikit na lang ang matanda at napakapit sa sariling mga braso.

“That kid-”

Biglang bumukas ang pintuan at may isang lalake na pumasok, may dala-dalang makapal na nakabinder at dalawang folder. Lumapit ito kay Jonah at ngumiti.

“Hello po dean, alam niyo po ba kung saan ang meeting ni P...M... Realo-so?” Pagbigkas ng lalake sa pangalan ni PM na tila ba nahihirapan.

Natigilan sa pagtawag si Arthur at hinarap ang lalake.

“Uhhh, did you just say PM? Yeah, he's supposed to be with us and he's supposed to be inside now. Do you know where he is?” Tanong ni Arthur sa lalake.

Natigilan naman ang lalake, nag-iisip ng isasagot kay Arthur. Maya-maya, tinignan niya ang business card na binigay ni PM sa kanya at nagsalita, “I don't. But he told me to come to this meeting on his behalf.” Bumaling ng tingin ang lalake kay Dean Jonah, “Anong meeting po ba ito?” Nagtatakang tanong ng lalake.

Tumingin ng buong pagtataka si Dean Jonah kay Arthur, at ginantihan din naman ng pagtataka ni Arthur si Jonah sabay tingin sa lalakeng kararating.

Lumapit si Dean Jonah sa lalake at dahan-dahan nagsalita.

“Sa NGC ito Marko...” Mahinang sabi ni Jonah.

Natigilan naman si Marko napatingin sa dalawang dulo ng kanyang mata na parang di kumbinsido sa kanyang narinig. Tumawa siya ng pakutya ngunit marahan sabay iiling.

“Po??”

“NGC Broadcasting Corporation. Magkakaroon ng contract signing ngayon para sa nalalapit na upcoming movie. Pwedeng i-overturn ng ibang board members ang project kapag hindi ito nadefend ng maayos. Di naman namin alam ang mga gusto ni PM, kasi hindi naman ako eksperto sa pelikula. Kahit nasa hollywood pa siya-”

“Teka,” pagputol ni Marko, “ibig sabihin tanyag na siya sa US?”

Tumango si Jonah bilang pagsang-ayon.

“Holy s-s-shi-t...” Bumulong si Marko habang nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat. Loko-lokong iyon! So sikat pala talaga siya... Putang ina. Lagot ako... Bakit pa kasi ako payag ng payag pwede naman sanang tumanggi! Pagsisisi niya sa kanyang isip.

“So what's up now. Do you have the contract? The memorandum? The request?” Pag-apura ni Arthur habang hinablot ang folder ng request. Binuklat ito ni Arthur at nagulat siya sa kanyang nakita.

“I don't know the most important requests PM wrote here Jonah... It says something like Ethics, and lights...”

“Who's going to defend this now?” Pag tanong ni Jonah sa sarili.

Hindi ikaw, Marko. Hindi ikaw. Gago, huwag kang papayag. Wag mong tingnan sa mata si Jonah. Bakit ka pa kasi nagpauto sa loko-lokong iyon! Ah putangina, ang laki pala ng pinasukan ko! Akala ko wala lang. Oh shit.... Paktay ka diha. Napakagat-labi si Marko.

“I will do it.” Diretsong sagot ni Marko.

YOU DID NOT.

“Alright, come on kid. Just do your own thing. Don't let PM and us down, alright?” Tinapik ni Arthur si Marko sa balikat at dahan-dahang giniya ito patungo sa conference hall.

“Alright, let's do our best.” Sabi ni Jonah.

You're fucked Marko. Pag-ulit niya sa sarili habang nakapasok na sa conference hall.

CLINK.
Pag-lock ng pintuan.

So yan na ba ang PM Realoso natin?” May pagmamalaking insulto ni Jun Salviejo habang sinusuri ang kinakabahan na si Marko. Namumutla siya at tinakasan ang kanyang mukha ng dugo.

“Well, ugh...” Panimula ni Arthur “He's-”

“I'm PM Realoso's assistant-”

“Well, how unprofessional!” Pagsigaw ni Dimitri na kinatingin ng mga tao sa loob. “I know I'm an artist, but dude, how unprofessional will that 'famous hollywood director' be? Then you come over here the Philippines and hoarding all the shares you can?!” Dinabog ni Dimitri ang mesa at tumayo. Nakatingin siya ng matalas kay Arthur.

Di naman nagpapigil si Arthur at dahan-dahan lumapit kaharap si Dimitri.

“Listen up, asshole.” Pagtawag ni Arthur kay Dimitri, “PM is very busy and one stupid tardiness won't make his reputation smear. Sure, he might be unprofessional. Sure, he might be really bad for sending in his assistant. But most importantly, all of you has something you need from him.”
BOOG! 
Dinabog din ni Arthur ang mesa habang nakatitig kay Dimitri ng masama.

“You need him to pull all of your failing asses up. So you young man, be better watchful of the words that you speak of. Once we all agree with this project, PM will bury you down-”

“As if I have done something wrong to him!” Pagsigaw ni Dimitri. Umatras at pumalakpak habang dahan-dahan naupo.

“As if you haven't!” Ngumisi si Arthur at dahan-dahan na ring naupo.

“O siya sige na, Arthur you sit on your chair na because we are starting na, at ikaw Dimitri wag mo na dugtungan ang kagaguhan ng ama mo, magsimula na tayo. What's your name, kid?” Tanong ni Sheldon Grandyaryo kay Marko.

“Oh. Marko po.” Ngumiti siya at tumayo.

“O magsimula ka na. Dun ka sa harap. Impress us na.” Inikot ng konti ni Sheldon ang kanyang laptop para makapagsimula na.

Naggagantihan pa rin ng masasamang tingin si Arthur at Dimitri.

“Ummmm... Hi...” Nawala lahat ng angas mula kay Marko noong nakaharap na niya ang mga directors ng NGC Broadcasting Corp. Di niya alam kung ano ang sasabihin.

“To start...” 

_______________________________________________________________

Dumb fuck.”

“A-A-Angelo?!” Naguguluhang tanong ni Gab habang dahan-dahan siyang tumayo at tumingala. Nag-aantay siya ng response mula kay Angelo ngunit tingin lang sa magkabilang dulo ng mata ang kanyang natanggap.

“Angelo!” Pagsigaw ulit ni Gab na nakanakaw ng atensyon sa lahat ng tao na nasa loob ng coffee shop. Nanatili pa ring nakatayo si PM habang nakakunot ang noo at mainit ang titig kay Gab.

“Di mo ako naaalala? Si Gab to! Di ko aakalaing-” nilapit ni Gab ang kanyang katawan sa katawan ni PM para yakapin ito ngunit bago pa man magkasangga ang kanilang mga katawan, isang malakas na pwersa ang kanyang naramdaman mula sa kanyang balikat.

Natapon siya patungo sa pastry chiller at nabasag ito dahil sa lakas ng pagkakatulak ni PM kay Gab. Nagkatalat sa buong paligid ang pipiraso ng bubog, at iilan ay bumaon sa likuran ni Gab. Mula sa yellow na formal polo ni Gab ay bahagyang nagbago ito sa mala-rosas na kulay. Dumudugo at nagkakasugat na si Gab.

Nang tumama si Gab sa pastry chiller, nawalan siya ng balanse at napa-upo sa sahig. Namimilipit siya sa sakit habang sinisikap niyang makatayo ulit.

Tumingin ang mga tao sa kanilang direksyon at ang iba ay lumapit sa kanila, nakikiusyoso.

“P-P-Para sa-saan iyon A-Angelo?” Mahinahong tanong ni Gab habang sumandal siya sa sahig para makatayo.

“Mumura-murahin mo ako dahil hindi ako nakapila ng maayos tapos yayakap-yakap ka sa akin? Gago ka ba??!” Sabay sapak sa ulo ni Gab.

“OH MY GOD BABY GAB!!!!!!!!!” Isang malakas na tili ang papalapit sa direskyon nila PM. Kaagad pumwesto si Nina sa likuran ni Gab upang alalayan itong makatayo.

“Dali baby, let me help you-”

“WAG NA!! ISTORBO KA KASI EH!! TANGINA MO DAMI MO KASING ARTE!!” Sinigawan ni Gab si Nina. Winaksi nito ang kamay ni Nina at hindi tinanggap ang alok na tulong.

“Kasalanan mo to eh!” Hinampas ni Nina si PM sa kanyang malaking braso. “Bakit mo siya tinulak?! Sino ka ba ha?!” Sabay sunod-sunod na hampas sa magkabilang malalaman na braso ni PM.

Bumaling ng masamang tingin si PM kay Nina at hinawakan ito sa balikat, saka tinulak ito. Napaatras si Nina at lumanding sa isa sa mga mesa.

“Sino ako?! Ako si PM Realoso! I will take over your poor ass cornholes!” Sabay dura sa paa ni Gab.

Bigla namang nakaramdam ng lungkot si Gab habang nararamdaman niyang nilalapastangan siya ni PM. Kahit masakit pa mula sa mga bubog at dumudugo ng kaunti, tumayo ito at nilock niya ang magkabilang braso ni PM para hindi ito makagalaw.

Nagpupumiglas si PM mula kay Gab habang sumisigaw: “BITIWAN MO AKO! PUTANG INA KA!! BITIWAN MO AKO!!!!” Sabay suntok kay Gab ngunit nakakailag naman si Gab. Pumapasok sa ilong ni Gab ang amoy ng alak na mula kay PM.

“Angelo, lasing ka lang...”

“HINDI AKO SI ANGELO!!!” Sumigaw si PM habang pilit sinisiko si Gab. Habang nilalock ni Gab si PM para makontrol ito. Maya-maya ay hindi na gumalaw si PM at nanatili na lang nakatayo. Sunod na naramdaman ni Gab ang mga luha ni PM na pumapatak sa kanyang mga braso.

Umiiyak si PM.

“Bitiwan mo lang ako, please. Gusto ko lang magrelax at magkape.” Sambit ni PM habang tulo ng tulo ang luha.

Bitawan mo ako Gab... Please.

[Flashback]
"Tagal mong gumising ha. Alas-nuwebe na. Kain ka muna." Ngumiti si Gab kay Angelo at kinusot ni Angelo ang kanyang mga mata.

"A-ah? Oo eh. Magduduty pa ako mamaya sa housekeeping." Mahina at nahihiyang dahilan ni Angelo.

"Ano ba yan. Mahina ka na nga eh, kaya dapat kang kumain." Nahihiya si Angelo at hindi makatingin ng diretso kay Gab. Si Gab hila-hila si Angelo patayo. Nagpahila naman si Angelo at hindi makangiti.

"Wala kasi akong pera Gab e-"

"Ah!! Shhh. Upo ka na. Kain ka." Pinaupo ni Gab si Angelo sa upuan sa dining table sa kwarto nila at kinuhaan niya ng pagkain si Angelo sa isang paper plate. May lechon manok, beef ribs, wanton noodles, at lasagna na binili niya mula sa restaurant na malapit sa dorm.

Napatingin lang si Angelo kay Gab. Kumukuha ng pagkain si Gab para kay Angelo nang mapansin niyang nakatingin si Angelo sa kanya.

"O bakit?"

"Wala lang Gab. Parang... hulog ka lang ng langit." At napatears of joy si Angelo habang blangko pa rin ang mukha. Dahan-dahan nawawala ang poker face ni Angelo at gumuguhit sa kanyang mga labi ang isang ngiti.

Naantig naman ang puso ni Gab sa nakita. Natapos na siyang magkuha ng pagkain para kay Angelo. Ginulo niya ang buhok ni Angelo at umupo.

"Shut up and eat. Just let me take care of you." At nagtimpi ng ngiti si Gab. Tinignan lang siya ni Angelo habang sinsero ang ngiti.

[End of Flashback]

Just let me take care of you... Nag-ring sa tenga ni PM.

Please Gab... Sambit ni PM sa kanyang sarili. Iniisip ang lahat ng dinanas niya noon.

“Gusto ko lang magpahinga. Pagod na pagod ako sa kalalasing...” Yumuko si PM at tuluyan nang nagpakontrol kay Gab.

Pagod na ako... Please.” Bumitaw si Gab at hinayaan na lang si PM.

“I'm sorry.” Paghingi ng tawad ni Gab kay PM. Hindi makatingin ng diretso si PM kay Gab habang palayo nang palayo si Gab mula sa gulo na nangyari.

Nang malapit na siya sa mesa na kinauupuan niya ng kaibigan niya at ni Nina, kaagad siyang tinapik ng kaibigan niya.

“Tol, kamukha niya si-”

“Alam ko. Kaya nanghihinayang ako kung paano siya naging ganyan – kung siya man iyon. Malakas kutob ko eh.” Habang dahan-dahan silang naupo sa mesa na kinauupuan nila kanina.

"O siya, magbihis ka muna. Natutuyo na yung mga sugat mo sa likod oh." Sabay tapon ng puting v-neck.

"Ayos lang. Hindi naman malalim iyong sugat eh. CR muna ako. Palit lang saglit." Tumakbo si Gab patungo sa CR para magbihis at tanggalin ang mga bubog na nakaipit sa kanyang polo.

Nang matapos, lumabas kaagad siya at ang una niyang napansin ay si PM sa isang gilid, mag-isa. Dire-diretso lang siyang naglakad hanggang nakaabot siya sa mesa nila ng kaibigan niya at si Nina.

“Gab, I'm sorry babe...” Paghingi ng tawad ni Nina kay Gab habang nakaupo. Tinignan siya ni Gab at tumingin ulit si Gab kay PM.

Di ko alam kung paano ka nabuhay Angelo, o nawala, o paano ka nahanap. Sabi ni Gab sa kanyang isip.

“No, ayos lang Nina. Thank you! Maraming salamat sa pagpapapunta mo sa akin. At least nakita ko na siya ulit.” Ngumiti si Gab na tila ba nagpapahiwatig kay Nina na: 'walang problema.'

Sa mesa nila, katahimikan. Nagmamasid at binabantayan ng tingin ni Gab si PM na nakabangga niya kanina. Sa gilid ng silid ito nakaupo, mag-isa, at panaka-nakang umiiyak.

“Kanina ka pa nakatingin sa kanya. Lapitan mo na kaya?” Tanong ng kaibigan ni Gab. Lumingon si Gab sa kanyang kaibigan na may pag-aalinlangan.

“Paanong di si Angelo iyon? Eh patay na iyon di ba?”

“Di mo malalaman kung di aalamin.” Nagkibit-balikat ang kanyang kaibigan.

Lakasan mo ang loob mo Gab. Pagpapalakas ni Gab sa sarili.

Maya-maya, tumayo na ito at lumapit sa mesa ni PM. Umupo siya kaharap si PM, ngunit hindi na lumingon si PM. Si PM naman, tahimik na umiiyak at tumutulo ang mga luha.

Nang nag-angat ng tingin si PM, nakita niya ang palad ni Gab. Sa taas nito ay puting panyo. Tinignan niya muna ang mata ni Gab, at ngumiti si Gab sa kanya.

Tangina naman. Ano na naman Gab?? Sigaw ni PM sa kanyang isip.

“What do you want?” Masungit na tanong ni PM.

“Umm, nothing. I just felt like you needed someone to be with currently.”

“I'm fine.” Sabay punas ng luha gamit ang kanyang kamay.

“Taas naman ng pride mo. Inalukan ka na nga ng panyo, kamay pa talaga ginamit pampunas.”

“Problema mo?”

“Alright. I'm sorry. Ako nga pala si Gabby Victorio.” Sabay alok ng palad habang hawak pa rin ang panyo na inalok niya kay PM kanina.

“Yeah. I know you. CEO ng Magic Corp.” Sabay inom sa kape na hawak-hawak niya.

Katahimikan.

“Ikaw, hindi ka ba magpapakilala?”

“I don't need an introduction. Imposible naman na di mo ako kilala.”

“Magkalaban pa talaga tayo eh. Oo, sabi mo nga kanina ikaw si PM Realoso. Well, might be a competitive year for both companies we work in.”

“Hopefully.”

Sabay inom ulit sa kape.

“I have to be really honest with you. You remind me of someone that I used to love.”

Tumigil sa paggalaw si PM at mistulang nanigas ang kanyang katawan. Nanlamig ang kanyang lalamunan at dahan-dahang lumingon palayo kay Gab.

“E-E-Everybody says that.”

“No,” panimula ni Gab, “really, you remind me of Angelo Montemayor.” Mahinahong sabi ni Gab habang nilapit ang mukha kay PM.

Samantalang si PM, medyo hindi na kumportable sa kanilang lagay. Kaagad niyang hinablot ang kape na ininom niya at nilagok ito ng buo.

Hindi pwede ito PM. Wag kang lumambot sa kanya. Niloloko ka lang ni Gab. Minamanipula ka niya. Nilalaro ka niya kung bibigay ka ba o hindi. Isip isip ni PM.

Tumayo si PM at naglakad palabas ng coffee shop. Nataranta si Gab kaya kaagad na rin siyang tumayo at sinundan si PM hanggang sa labas ng coffee shop.

Mabibigat ang kanilang mga yapak habang nakasunod si Gab kay PM.

“Saan ka pupunta?!” Sigaw ni Gab.

“Somewhere.”

“Teka nga!” Sabay hablot ni Gab kay PM mula sa kanyang braso.

“Ano ba ang problema mo?! Ngayon nga lang tayo nagkakakilala at iniiwasan mo ako na tila ba masama ako! What's your deal, PM?!” Sigaw ni Gab habang pinapahinto si PM sa paglalakad.

Nahila nga ni Gab si PM. Ngunit hindi pa humarap si PM kay Gab. Dahan-dahan siyang tumalikod at suminghag.

“Exactly mister. What's YOUR problem? Ngayon lang tayo nagkakakilala, all the more I shouldn't talk to you. And no, what's YOUR deal?” Pagbalik ni PM sa lahat ng tanong kay Gab.

Nahiya si Gab kaya napayuko siya...

“I just want to know you better, PM. That's all.”

Painsultong tumawa si PM at namewang.

“Are you gay?” Tanong ni PM kay Gab. Tumanggi ka. Tumanggi ka. Layuan mo ako. Layuan mo ako Gab! Pagod na pagod na ako... Please tumanggi ka, please lang. Sabi ni PM sa kanyang isip.
Natigilan si Gab. Nag-angat siya ng tingin at kaagad na hinila si PM mula sa braso.

“I'm taking you out.”

“Take your hands off me!”

“I said, I'm taking you out!” Buong lakas na kinaladkad ni Gab si PM papunta sa sasakyan niya.

“Gab?! What are you doing to him?!” Sumigaw si Nina at sinundan si Gab.

“None of your business.” Pinasok ni Gab si PM sa passenger's seat. Kaagad niyang nilock ang pinto at pumasok na rin sa driver's seat.

“Sama ako babe please!” Sumamo ni Nina habang binubuksan ang back seat door.

“Wag na, diyan ka na!”

I'm going out.” Pilit na binuksan ni PM ang pinto ngunit hindi ito mabukas bukas.

“Don't even dare. Ako lang nakaka-unlock. Automatic lock tong sasakyan ko.”

“TANGINA GAB!” Sabay hampas sa dashboard. “Ano bang kailangan mo sa akin?”

“Let's have dinner.”

“No! Listen up, di nga kita kilala. Lasing ako kaya nga ako nagkakape di ba? Nakikipagkita ka sa lasing! Kaya buksan mo 'to! Palabasin mo ako!”

Habang nagdadabog si PM, kaagad na tinigil ni Gab ang sasakyan. Nang nahinto na ang sasakyan, tumingin si Gab kay PM.

“Please, PM? Ngayong lang siguro tayo nagkakilala, so please allow me to know you better?” Nagmamakaawang mukha ni Gab.

Mala-tigre ang tingin ni PM kay Gab. Sinuklay ni PM ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay at napatingin sa labas ng sasakyan.

“Alright. Just dinner. And after this, we're done. Okay?” Pagsuko ni PM. Lumawak naman ang ngiti ni Gab sa kanyang mukha at masayang pinatakbo ulit ang sasakyan.

“PERFECT!” At masayang-masaya si Gab sa buong biyahe nila.

PM... You did not... PM di ba sabi ko sa'yo wag? PM bakit di mo magawang sundin ang sarili mo. Saan ba ang problema bakit ang hirap sundin ang sarili?

Ako ba ang problema... o si Gab?

Bakit hindi ako makatanggi kay Gab?

Galit nga ba ako sa kanya?

Hayyyyy PM. Aga-aga pa.

_______________________________________________________________

O, ano na tol?” Text ng kaibigan ni Gab sa kanya.

“Malabo tol eh. Mukhang di si Angelo. Ewan, di ko pa alam. Tanungin ko? Ang hirap kasi mag-assume, malay natin magkamukha lang pala sila.” Reply ni Gab habang nagda-drive.

“Tanuningin mo! Malakas kutob ko niyan tol eh. Isipin mo, nung nasa libing tayo, halos di ko na nga makilala yun eh! Hunch ko lang ha, baka hindi talaga patay si Angelo. Baka lang buhay siya talaga siya at alam mo na, nawala lang. Yung normal shit sa TV. Mga cliché? Pero kahit ano pa man iyan, mahal mo iyan eh. Di mo nga mapansin-pansin si Nina dahil diyan. Ang tanong, handa ka ba? Papakawalan mo pa ba? Hihintayin mo na naman ba na 'mamamatay' si Angelo, tas maghihintay ka na naman ba?” Pagbasa ni Gab sa SMS habang lumikong kanan para dumiretso sa isang mall. Halos wala nang bumabaybay sa daan nang mga ganoong oras.

“Ewan. Basta mahal ko si Ange” pag-text ni Gab nang di niya ito matapos dahil hinablot ni PM ang kanyang cellphone.

“Texting while driving. Ayusin mo nga pagdadrive mo at baka madisgrasya pa tayo.” Babasahin na sana ni PM ang cellphone nang inagaw ito ni Gab.

“Akin na!” Nahawakan ni Gab ang cellphone ngunit hindi nagtanggal ng kapit si Angelo rito. Kaya nag-aagawan sila habang zumizigzag sila sa daan dahil wala na sa manubela ang buong hawak ni Gab.

“BITAWAN MO! MAGDRIVE K-”

“HINDI! AKIN NA ANG CELLPHONE KO!!”

VROOOOOOOOOOOOOSH!! Biglang pagharurot ng motor para makalusot sa kanilang gilid. Dali-daling inapakan ni Gab ang brake at hinablot kaagad ang cellphone niya mula kay PM.

Nang mahinto ang sasakyan, binatukan kaagad ni PM si Gab.

“Tangina mo! Magdrive kasi ng maayos! Tingnan mo tuloy! Hays!” Pagdabog ni PM. Tinignan siya ni Gab nang buong pag-aalala.

“Ayos ka lang ba? Wala bang galos sa'yo?” Sabay usisa ni Gab sa katawan ni PM. Winaksi ni PM ang kamay ni Gab at umatras sa pagkakaupo.

“Muntik mo na akong patayin tapos tatanungin mo ayos lang ako? Gago ka rin ano? Aalis na ako, magdinner ka mag-isa.” Inabot ni PM ang main lock sa gilid ni Gab at kaagad na binuksan ang kanyang pintuan para makalabas ng sasakyan.

Nataranta naman si Gab at di niya alam kung anong gagawin. Nang sianrado na ni PM ang pintuan, walang pag-aalinlangang lumabas ng sasakyan si Gab at hinabol si PM.

“Hintay lang, teka!” Pagsigaw ni PM na tila ba ayaw nang pakawalan si PM.

“Wait!” Inabot ni Gab ang palad ni PM at hinila ito patalikod.

Isang mainit na yakap ang sinalubong niya kay PM nang magkaharap sila. Niyakap nang mahigpit ni Gab si PM dahil sa pag-aakalang manlalaban ito.

Ngunit hindi gumalaw si PM at hinayaan lang si Gab na yakapin siya.

Maya-maya, nararamdaman na ni PM na namamasa na ang kanyang balikat. Umiiyak na pala si Gab.

“Kilala man kita o hindi... Sana wag nang mawala ang katulad mo. Di ko kakayanin...” Sambit ni Gab habang mas hinigpit pa ang kapit sa maskuladong katawan ni PM.

“Kaya please, I'm sorry kung naging pasaway ako. Please, kahit ngayong gabi lang hayaan mo ako. Please?” Malungkot na hikbi ni Gab habang diniin pa ang mukha nito sa balikat ni PM.

Huwag kang magpadala PM... Magalit ka sa kanya. Huwag mo siyang pagbigyan. Iiwan ka rin niyan. Sasaktan. Pare-pareho silang lahat. Wag na wag mong hayaan ang sarili mo na maloko ulit. Natuto ka na.

Tapos na.

“Okay.”

Shit PM! What the fuck did you just tell him?

“Just one night. Then you take me home. That's it.” Malamig na tono ni PM habang hinihintay na kumalas si Gab.

You just blew your cover.

“YES! THANK YOU PM! THANK YOU!!” Si Gab sabay punas sa luha at gulo ng buhok ni PM.

You're dead, PM. You're one dead meat.
_______________________________________________________________

“Alright, tell me something about what your 'premier' director and scriptwriter prepared for us.” Pag-utos ni Grandyaryo sabay tingin kay Marko.

Tiyak, bakla-bakla na naman iyan. Eh kasi bakla yang direktor na yan eh!” Sigaw ni Dimitri para mainsulto si Marko.

After his requests, I have pre-read the abstract of the manuscript. It's actually great, perfect breakthrough para sa isang conservative society like the Philippines. Although gay-themed siya, the meaning is universal. Anybody can connect with this. It's a gay movie about a gay boy who lost his adopted sister and mom.”

Natigilan si Jun at napatingin kay Corina.

“He then unintentionally fell in love with a rich guy, who later on broke his heart. Got abused by everyone, even his best friend, until he was stabbed and pushed over the ocean.”

Lumunok ng laway si Dimitri at nawala ang pagkamayabang na pinakita niya kanina.

“W-Well...” Panimula ni Dimitri, “l-love story is umm... ahh.. pretty used genre alread-dy”

“No, Mr. Salviejo. It's actually really great kasi it's more on how you give value to others without losing yours.”

“But sir!” Sigaw ni Jun kay Sheldon, “w-we can't tolerate v-violence on public sc-screen-”

“Exactly,” pagsingit ni Jonah, “di dapat tinotolerate ang mga criminal. Dapat sa kanila, kinukulong, pinaparusahan, pinapatay!” Matigas ang boses ni Jonah habang nakatitig kay Jun.

“Yes, Mr. Grandyaryo. I think the movie will send a message. Saying being an asshole out there will do you harm. Moreso, we are tackling about really sensitive sectors in our society.” Pag-back up ni Arthur kay Jonah.

“That will flop! Sino naman ang pagaganapin niyo niyan?! We have already flopped a lot of movies! That one will, too-” Natatarantang depensa ni Corina.

“NO,” Pagsingit uli ni Jonah, “might I remind you Mrs. Salviejo na pumalpak ang mga movies ng NGC laban sa Magic dahil sa mga artista mong pipi-chugi. Di mo pinapahalagahan, kaya nakukuha nating puchu-puchu. Nang lumipat na sa Magic, gumaling, sumikat. Kaya we suggest to strengthen your training. Palibhasa, ang tingin mo sa lahat ng tao, ulila mo. Kaya inuunderpay, kaya lumipat. Ikaw ata ang pahamak sa NGC eh. Kung may problema ka sa NGC, ayusin mo muna iyang sa kumpanya mo!” Diretsong sabat ni Jonah kay Corina.

“Okay, okay. Tama na muna ang away. Let's take a break, and pagbalik natin, we'll have the final decision for PM Realoso's book to movie.” Pagtigil ni Sheldon sa nag-iinit na palitan ng salita.

Lumabas ng silid si Jun, Corina, at Dimitri upang mag-usap-usap. Si Marko naman, lumapit kay Jonah at Arthur.

Nag-aalala ang mukha ni Jonah habang tumabi si Marko sa kanila ni Arthur.

“Are you not satisfied with how Marko presented the proposal?” Tanong ni Arthur.

“No, no. It's not like it wasn't good, it's just that I feel like it's going to be hard for us. It's gonna be them against a student who carries the name of PM.”

“Let's just hope they'll do fine. Anyway, PM can always sell his work to Magic Corp. That's gonna be a threat for NGC. So they better make great decision.” Sagot ni Arthur habang humingang malalim.
_______________________________________________________________

Jun! He's trying to black mail us! Tinatakot niya tayo!! Jun, ano nang gagawin natin??” Pangungulit ni Corina habang naupo si Jun malapit sa plant box sa labas ng conference hall ng SEA University.

“Huwag kang maingay baka marinig ka ni Dimitri! Sana pala noon pa lang dinamihan ko na ang saksak. Tsk.” Pabulong na frustration ni Jun.

“Tapos na iyon Jun, dumaan na! Ngayon, anong plano natin?! Mapapahiya tayo sa lahat ng tao. You know what, maybe we should vote for 'no' para sa movie project. The story is about himself! Tayo ang kontrabida!”

“No, no. We should take it.”

“WHAT?!”

“We should,” panimula ni Jun, “isipin mo Corina, pag hindi natin tatanggapin ang project, he can sell his idea to Magic Corp. Alam naman natin kung gaanong patay na patay si Gab kay Angelo. Kahit wala pang board meeting sa Magic Corp, tiyak tatanggapin kaagad iyon ni Gab! Mapapahiya pa rin tayo one way or another. Kahit wala siya sa NGC, tiyak lilipad siya ng Magic.”

“He can't do that! He signed a contract with us last month. Meron na siyang shares.”

“Exactly. That was a smart move. Business-wise, oo may shares siya. Pero industry-wise, hindi natin siya hawak. Wala siyang intellectual employment with NGC, meaning, kahit pa isa siya sa mga share holders ng kumpanya, that doesn't mean na exclusive ang kanyang mga gawa sa atin. He can still sell them to any company via freelance. Pera lang ang galaw niya sa NGC, pero sa utak, pwede niya ibenta kahit kanino.”

“Shit! Naisahan tayo. Bakit di mo kasi naisip iyan kaagad Jun!” Sigaw ni Corina kay Jun.

“Yung alin ang hindi naisip ni daddy?” Si Dimitri, naglakad palapit kina Jun at Corina na parang nagsisigawan mula sa malayo.

“Wala anak. Wala.” Tumayo si Jun at pinatay ang yosi.

“Seriously guys, if this is about the proposal, it's better to say 'yes'. Kasi, at least, may hold tayo. May kontrol. Kahit oo, alam ko magigisa ako, pero kaya ko pa rin ipa-censor ang ibang bahagi. Kesa mapunta pa si Jonah kay Gab, na alam kong mas magigisa ako. Halata eh, naghihiganti yan laban sa akin yang matandang iyan eh. Ginagamit niya pa ang anak niya!” Yumuko si Dimitri at nilalaro ang lupa gamit ang kanyang paa.

“Isa ka ring gago ka eh. Pati ikaw boto para doon?” Si Corina, dumura sa sahig.

“There's no other way, Corina!”

“Sana kasi, inalukan niya na iyan ng exclusive intellectual contract, para at least hindi tayo mapapahiya. Kung sasabihin ng board na ayaw natin sa gawa niya, e di wala! Wala rin siyang chance na ibenta ito sa iba. Ang bobobo niyo naman.”

“Bobo? Palibhasa sana hindi na lang ako nagpadala sa'yo noon para hindi ako masali sa gulong ito.” Pagmamaktol ni Dimitri.

“Excuse me?” Pagpa-ulit ni Corina.

“Yes. I'm saying na somehow, nagsisisi akong pinaglaruan ko si Angelo.”

“Hoy Dimitri, nakinabang ka rin! Nakuha mo na ako, inasawa, binuntis at lahat-lahat, tas ngayon sasabihin mo nagsisisi ka? Punyeta. Kung may naghihiganti man ngayon, dahil iyan sa kagaguhan mo noon. Tas ngayon, nakuha mo na ako, itatapon mo ulit ako?”

“Kung pwede nga lang sana-”

“Ah ganon,” sigaw ni Corina, “hoy, Dimitri Salviejo, hindi ka na makakatakas sa kasal natin. May anak ka na. Kami na ang buhay mo kaya sa ayaw at sa gusto mo, wala kang choice kundi ang panindigan kami!”

Tumalikod si Dimitri at lumayo kay Corina.

“Hoy! Don't you turn your back on me! Sumagot ka! Bakit? Napag-isipan mo na ng kabit mo na magpakasal, ano? Hoy, just so you know, kahit saan man kayo mapadpad ng kabit mo, hindi kayo magtatagumpay. Uubusin ko ang lahi ng putang iyan, wag ka lang mapunta sa iba! Akin ka lang, Dimitri. Akin ka lang!”

“Hindi mo ako pag-aari-”

“Uh-oh, wrong. You're mine. At sa ayaw at sa gusto mo, magiging akin ka lang. Malaman ko lang kung sino iyang kabit mo na ilang araw nang bumabagabag sa isipan mo, puputulan ko siya ng binti at gigilagirin ko ang lahat ng butas ng babaeng iyan para wala nang mapasok iyang malibog mong titi! Akin ka lang!!” Sabay hampas sa ulo ni Dimitri.

Kaagad naman tinulak ni Dimitri si Corina dahilan para matumba ito sa sahig.

“Tigil na! Kayong dalawa, tigil na! Hindi ito panahon para mag-away-away. Dapat isipin natin kung paano natin pababagsakin ang project na ito dahil binibiktima na tayo!” Pagtaas ng boses ni Jun.

“'Tayo'?” Pag-ulit ni Dimitri.

Lumingon naman si Corina kay Jun at pinalaki ang mata, senyales na dahan-dahan sa pananalita at baka may matuklasan si Dimitri na sekreto ni Jun at Corina.

Nanlamig ang lalamunan ni Jun at lumingon ulit kay Dimitri.

“H-H-Hindi, ibig kong sabihin sana, tayo. Kasi siyempre, anak kita, asawa mo si Corina. E di apektado rin ako.” Naging malambing ang boses ni Jun upang takpan ang pagkakamali na nagawa niya kanina.

“Ahhh. Tama.” Pagsang-ayon ni Dimitri. “Sa tingin ko, mas mainam talaga sa ngayon na hawakan natin ang project kesa sa mahawakan pa ni Gab. Kung si Gab ang makakahawak ng project... lagot tayo. Panigurado si Sheldon mag-ye-yes siya sa project eh. Siyempre, pera na iyan. Tiyaka ayos na rin to para may chansa pa nating mahawakan sa leeg kung sino man ang gustong magpahiya sa atin. Kung kay Gab siya pupunta, alam kong hinding-hindi iyan gagawin ni Gab.”

“Ganito na lang,” pagsingit ni Corina, “we vote for abstain. In that way, it's either a yes or a no lang ang matatanggap natin. Isipin niyo, ilan tayong board members? Ako, Jun, Dimitri, Jonah, PM, at lima pa. Sampung board members lahat! Pang labing-isa si Sheldon bilang Chair. Tiyak, sa natitirang lima, may-aayaw at aayaw talaga. Malamang, si Jonah lang ang magyeyes at si Sheldon.”

“Pero kung di tatanggapin ang project nga, mapupunta kay Ga-” Pagsingit ni Dimitri

“I DON'T CARE! NO IS A NO!” Sumigaw si Corina.

“I'm sorry, sweetie. I think magyeyes kami ng anak ko. It's better safe than sorry. You can etiher join us or abstain. In that way, I think mas makokontrol ko pa kesa sa malipat sa iba at sirain kayo.” Mahinang boses ni Jun habang dahan-dahan nang naglakad papasok ng conference hall.

Tumingin lang si Dimitri kay Corina. Maya-maya, sumunod na rin siya kay Jun na pumasok sa loob ng conference hall.

“SHIT!” Pagsigaw ni Corina sabay sipa sa plant box. 

Hinahamon mo talaga akong bakla ka? Pwes... I'll give you a fight nobody will ever forget!
_______________________________________________________________

“You didn't really have to take me to a fancy restaurant. Okay lang ako sa mga take outs at fast food. Di naman ako maarte.” Sabi ni PM habang nasa loob sila ng sasakyan at inuuwi na ni Gab si PM sa SEAU kung saan siya pagsamantalang mananatili.

Natapos na silang kumain at naghahanda na sila pauwi.

“No. It's okay. Minsan lang naman eh. And besides, since we come from rival companies, these types of things won't most likely to happen again.”

Nakapasok na sila sa SEA University at nagpapark na si Gab para mahatid niya sa dorm si PM.

“It never should have happened in the first place. Nalasing lang ako kaya pasalamat ka pumayag ako. Di naman ako mahilig sa restaurant eh.”

Napark na ni Gab ang sasakyan at pinatay ang makina.

“Kahit kumakain ako araw-araw noong nasa L.A. pa lang ako, natatakam talaga ako sa burger houses at diners. Pinapagalitan ako ni Arthur dahil unhealthy daw. I'm expecting pagpunta ko sa Pilipinas makakakain ako ng junk foods. Sadly, pareho lang pala kayo.” Malamig na tono ni PM habang binuksan ang sasakyan para makalabas na.

Tumingin-tingin muna siya sa paligid at tinignan niya ang kanyang relo, alas-onse na pala ng gabi. Iilang SEA University students na lang ang nasa labas. Ang iba ay nasa coffee shop kung saan tambayan ng mga mag-aaral.

“PM-”

“You're welcome for tonight. Wag ka na mag-thank you.” Mayabang na sagot ni PM bago pa man siya makalayo ng sasakyan. Iniiwasan niya si Gab at baka ano pa ang masabi niya.

Lakad na PM. Lakad na! Huwag lumingon.

“Teka let me get this straight,” pagtawag ni Gab, “Who are you?"

Shit PM. This is it.


"Di ko alam na ang laking amerika, bihasa sa filipino. Taga-US ka ba talaga? Sino ka ba talaga, ha?” Dire-diretsong tanong ni Gab kay PM. Hindi ito pinansin ni PM at dire-diretso rin siyang naglakad patungong dorm.

Hinabol ni Gab si PM at hinablot ang kanyang braso. Napatigil sa paglalakad si PM ngunit hindi siya tumalikod upang harapin si Gab.

“Noong nakita kita sa starbucks, hindi ko aakalain na makikita ko pa ang mukha na kagaya ng sa'yo. Umamin ka nga sa akin, sino ka ba talaga?”

Lumipas ang ilang sandali at hindi pa rin tumalikod si PM para harapin si Gab.

“Uulitin ko, Realoso ba talaga ang totoo mong apilyido?” Nasa likod ni PM si Gab, hinihintay ang kanyang sagot.

Maya-maya, pinaharap ni Gab si PM nang dahan-dahan – umiiyak na pala ito.

“Alam mo, may kaibigan akong matagal ko nang hinahanap. Di ko nga alam kung kaibigan pa ba ang pagtingin ko sa kanya. Pero sa walong taon na lumipas, nangungulila ako sa kanya. Ang huling conversation namin, naputol pa. Di ko inakala na iyon na pala iyong araw na mawawala siya. Hindi ako nagmartsa noong nagtapos ako. Para saan pa? Wala naman akong mga magulang na palaging andiyan. In fact, gusto ko sana mag-martsa para sa kanya eh, nag-cum laude pa nga sana ako, nagpursigi para sa kanya... Ngunit naging malabo at hindi na ako nagfile for honors kasi siya na lang ang inspirasyon ko noon, nawala pa. Alam mo PM, sa totoo lang, miss na miss ko na siya.”

Pumatak ang unang luha ni Gab.

“Miss na miss ko na siya. At walang araw sa buong walong taong iyon na nangungulila ako sa kanya. Sabi ko, kahit makita ko lang siya ulit. Kahit nasa daan o kahit sa 7-eleven, wala akong paki. Makita ko lang siya talaga ulit. Ginugol ko ang sarili sa trabaho, nilunod at nagsikap. Kinalaban lahat ng kalaban niya, ngunit para saan pa? Wala na naman siya... Gusto ko lang malaman niya na mahal na mahal na mahal na mahal ko siya...”

Diretsong nakatingin si PM kay Gab habang nakayuko ito at umiiyak. Binitawan ni Gab ang kapit sa magkabilang braso ni PM.

No drama PM. No drama shit. Pigilan mo ang sarili mo. Talikod, alis, layas!

“Alam mo Gab,” panimula ni PM, “gusto kitang huwag pansinin eh. Gusto kong iwasan ka. Gusto kong maging marahas sa'yo, di ko alam kung bakit di ko magawa... Siguro dahil..”

Humingang malalim si PM habang tulo ng tulo pa rin ang kanyang luha.

“Siguro dahil ako nga si Angelo. Siguro nga dahil wala akong dahilan para magalit sa'yo. Siguro nga dahil kahit papaano, naging mabuti ka sa akin. Siguro nga... dahil maha-”

UMNGGHH! Sambit ni PM sa kanyang isip.

Nang binuksan ni PM ang kanyang mga mata, nakita niya na nagkadikit ang mga mukha nila ni Gab. Sinunggaban siya ng halik ni Gab sa labi. Nanigas ang buong katawan ni PM, at sa halip na itulak niya si Gab at ipahiya, nakatayo lang siya at hinayaan si Gab na halikan siya.

[Flashback]

"HAPPY NEW YEAR ANGELO!"

"Ano ka ba Gab kanina pa ako bati ng bati sa iyo eh. Tabi please?" Iniiwag ni Angelo ang binti ni Gab para makapanood ng TV.

Nagbago ang mukha ni Gab at parang isang batang nagpapacute na nagtatampu-tampuhan.

"Greet ka muna kasi sa akin eh!" Umupo si Gab sa gilid ni Angelo habang iilang pugada lang ang lapit ng kanilang mga mukha.

Dahil alam ni Angelo na nagpapapansin na naman si Gab sa kanya kagaya ng nakasanayan, nilingon niya ito at... naglapat ang kanilang mga labi.

Shit! Nahalikan ko si Gab! Sigaw ni Angelo sa kanyang isip. Dahil sa gulat, kaagad niya namang tinanggal ang kanyang mukha sa mukha ni Gab at pinunasan ang kanyang labi.

"I'm sorry, Gab. Di na sana kita nilingon pa." Nahihiyang excuse ni Angelo habang tumatayo at tinutumbok ang CR. Humarap siya sa salamin at naghilamos. Nang hinarap niya ulit ang salamin, nakita niya si Gab sa kanyang likuran. Nanlaki ang kanyang mata sa gulat at hindi siya makagalaw.

"What are you sorry for?" Tanong ni Gab habang nakatingin sa mga mata ni Angelo mula sa salamin.

"This is wrong Gab. You're straight, I'm not."

"Since when do you dictate whether a guy is straight or not?" Ngumiti si Gab habang pinatalikod si Angelo. Medyo nakalook up si Angelo dahil sa tangkad ni Gab. Nagtagpo ang kanilang mga tingin at naramdaman ni Angelo ang pagtigil ng tibok ng kanyang puso ng isang beses. (Alam na.)

"This is so wrong Gab."

[End of Flashback]

Siguro nga... kahit papaano mahal din kita Gab. Di ko lang masabi. Kaya kahit kailan di ko magawang magalit sa'yo... But no. Hindi pwede. Don't put your guards down.

Ngunit nagising din sa ulirat si PM at kumalas siya sa halikan nila ni Gab. Pinili niyang itakwil ang gaan ng loob na nararamdaman niya para rito.

Humakbang siya paatras at umiling.

“I'm sorry, Gab. I shouldn't have done that. I'm sorry. I'm really, really sorry-” Paghingi ng tawad ni PM.

“No, don't be-” Nilapitan ni Gab si PM. Ngunit tinulak ni PM si Gab.

“Sabi ng wag eh! Wala! Ayaw!”

That's right PM. Tama. Alis. Layas. Wag mo na siyang pansinin.

Tumakbo papasok ng dorm si PM nang hinabol muli siya ni Gab. Sa halip na tumigil, kaagad na winaksi ni PM ang kamay ni Gab at humarap dito.

"GUSTO  MO MALAMAN ANG TOTOO?" Sabay punas sa kanyang luha.

Tama na PM!! Alis na diretso na sa dorm!!! Pagpigil niya sa sarili.

“OO. TAMA KA. AKO NGA SI ANGELO. ANGELO MONTEMAYOR. HINDI AKO NAMATAY. KINUPKOP AKO. TINAGO MULA SA LAHAT NG TAO ANG AKING PAGKABUHAY. LUMISAN KAMI PARA NEW YORK AT DOON AKO NAG-ARAL MULI. NAGING MATAGUMPAY AT LUMIPAT NG HOLLYWOOD. TINAGO KO PA RIN ANG KATAUHAN MULA SA MARAMING TAO. OO, AKO NA KUNG AKO. AKO SI ANGELO. MAY KAILANGAN KA PA, GAB?!” Iyak ng iyak si PM habang nakatingin lang si Gab kay PM na sumisigaw.

Malalim din ang titig ni PM kay Gab. Dahan-dahan lumapit si Gab kay PM at nagsalita: “Oo, may kailangan pa ako.”

“Kahit isa pang chance Angelo, isa pang chance na mapatunayan ko lahat ng mga pagkukulang ko sa'yo noon. Angelo, please... Isa lang chance. Di ko alam kung ano ang gagawin ko kung mawawala ka ulit...” Dahan-dahang pinulupot ni Gab ang kanyang mga braso sa paligid ng katawan ni PM.

Ramdam na ramdam ni PM ang init ng katawan ni Gab, at mas lalong nagparamdam ang mainit na patak ng tubig na bumibilis ang pagbagsak sa kanyang balikat.

Sa puntong ito, umiyak na rin si PM.

Mag-isip PM. Utak ang pairalin. Utak. Sabi ng utak niya sa kanya.

Kaagad niyang tinulak si Gab at pumiglas mula sa pagkakahawak nito.

“Angelo na-naman.... please...” Gumagaralgal na ang kanyang boses habang pilit na hinahawakan si PM.

“Gab, you have to go. I'm sorry. You really have to go.” Pumiglas si PM sa pagkakahawak ni Gab.

“PMMM, pleaseeeeee.. uhuhuhuhu.”

Sa wakas, nakawala na si PM mula sa pagkakahawak ni Gab. Humakbang palayo si PM at nagsalita: “Alam mo Gab, may mga bagay na masayang isipin ulit, ngunit may mga bagay na mahirap ibalik. Napakahirap.” Umiling si PM at tumakbo na paloob ng dorm.

Tama PM. Tama. That is the best. Wag na magpaloko. Tapos na. Tapos na ang panahon ni Angelo. Tapos na ang pagmamabait. Lagi mong isipin kung bakit ka bumalik rito. Para mahanap mo ang katotohanan tungkol sa katauhan mo at para ipatikim sa lahat ng nanakit sa'yo kung bakit hindi na dapat sila mananakit ulit.

That's it PM. Angelo's dead.

Wag mo na siyang ibalik.

Naglalakad si PM patungo sa information desk kung saan hihingin niya ang room number na na-okupahan nila ni Arthur.

“Room number. Arthur Boyd.” Pinunasan ni PM ang kanyang mukha upang tanggalin ang bakas ng pag-iiyak.

Nagtipa sandali ang babae at humarap kay Angelo matapos nito.

“Room 619 po.”

“619 po.”

“619...”

Mistulang yelo at nanigas sandali si PM sa narinig.

“Excuse me?” Pagpapaulit ni PM.

“Room 619 po kayo ni Arthur Boyd. Andon na po siya.”

“Tch,” pagsinghag ni PM, “baka nagkataon lang.” Kaagad na dumiretso si PM sa elevator at sumakay. Hindi na siya nagpasalamat sa babae...

Well, ang huling pagbigay niya ng salamat ay ilang taon nang nakalilipas. 'Patay' na raw si Angelo eh...

Ilang hakbang na lang at binuksan na ni PM ang room 619.

Napansin niyang pareho pa rin ang ayos nito kagaya nang pinasok niya ang silid na ito labing-dalawang taon ang nakalipas.

Napalingon si PM sa paligid ng kwarto nang may naalala siya...

[Flashback]
"Angelo, good night." Lumingon si Gab kay Angelo. Nakapikit na pala ito.

"Sige ikaw rin." Matipid na bati ni Angelo.

"Umm. A-Angelo? P-pwede ba kitang mayakap?" Tanong ni Gab. Napabuntong hininga na lang si Angelo at tumango.

"Noon mo pa naman ginagawa iyan eh." Pambara ni Angelo.

"Ang sarap mo pa ring kayakap Angelo." Nilapit ni Gab ang mukha niya sa mukha ni Angelo. Habang palapit nang palapit ang kanilang mga mukha - tinititigan ni Angelo ang mga mata ni Gab.

Lambing ni Gab ngayon ha. Bakla ba siya? Tanong niya sa sarili.

"Dami mong alam Gab." Pambara na naman ni Angelo habang nilayo ang mukha.

Tumalikod si Angelo mula kay Gab, hinarap siya ni Gab habang nakahiga at niyakap siya. Ganoon lang ang pwesto nila habang natutulog.

[End of Flashback]

Kaagad siyang tumalon patungo sa malambot na one-person bed at nag-iiiyak.

Kayanin mo PM. Kayanin mo. Hindi ito ang panahon para maging mabait. Galing ka na diyan at naparusahan ka ng mundo. Inabuso ka ng mga tao. Sa panahon ngayon, hindi na uso ang pagiging mabait.... kahit pa sa mga taong minsang naging mabait sa'yo.

Kahit pa kay Arthur...

O kay Gab...

Ewan. Naguguluhan ako. Sana kasi itatrato ko si Gab kagaya ng pagiging maluwag ko kay Arthur... kaso natakot ako.

Teka... bakit nga ako ulit natatakot? Ano nga ulit kinatatakot ko?

Tama. Takot ako na mahulog uli-

“So you're home?” Boses ni Arthur na may tonong sarkastiko.

Umangat ng tingin si PM at tinignan si Arthur. Pinunasan niya lang ang kanyang mukha at inirapan ito. Wala akong panahon makipagbwisit sa'yo Arthur. Sabi ng kanyang isip.

“I said, you're home? Welcome home! Why did you ditch us? Why'd you stood up during the meeting? Why did you miss it out?”

“Arthur, please. Stop the interrogation and let me take a rest-”

“No, you're not. I need an explanation. After a long day you have, an explanation would be good on why you chose to flirt and date while attending a real needed meeting. So why?”

Flirt and date... Kung alam mo lang kung paano ko pinipigilan ang sarili ko.“I'm going to sleep.”

“Oh, no, not definitely right away-” Sabay hablot kay PM para bumangon sa kama ngunit isang tama sa pisngi ang naramdaman ni Arthur. Napaatras si Arthur at napakapit sa bahagi ng mukha na nasuntok ni PM.

“What the hell is wrong with you Arthur?!” Luha ng luha si PM.

“Why can't everyone get that I also feel sad. I also feel hurt. I also get confused?! Why's everyone thinking of me as an 'all-knowing' god who's not capable of getting hurt?! Why do you always make it seem that my past is just one piece of shit I can get over and move on from? Why do you always assume that I'm just anybody's money-maker?! Arthur, I am so fucking done of all these shit you guys are throwing at me!!” Outburst ni PM habang tinuturo-turo ang sariling dibdib para ma-emphasize ang galit na kanyang nararamdaman.

“Why? Why do you have to be so confused if you have really convinced yourself that nothing is wrong?"

Katahimikan.

"Don't tell me, Gab...”

“SHUT UP!” Sigaw ni PM.

Kaagad na lumapit si Arthur kay PM na nakadapa sa kama at niyakap ito na tila ba nakikisimpatiya. Di na nanlaban si PM at iyak na lang siya ng iyak.

Ganoon lang ang ayos nila hanggang sa pumatak ang sumunod na oras. Nakatulog na si PM sa kaiiyak samantalang nakayakap pa rin sa kanya si Arthur.

Tinapat ni Arthur ang kanyang noo sa batok ni PM at hinalikan ito.

“Don't you know that I also feel bad every time you go see any guy but not me? Don't you know I also feel sad every time I think about you and Gab seeing each other, all the more without letting me knowing...”

Pumatak ang luha ni Arthur.

“I'm scared to death PM. I'm scared to death to lose you if other guy can just pull you away from me. I'm scared to death of you leaving me alone. I am really scared.” Hinigpitan pa ni Arthur ang kanyang yakap sa natutulog na PM.

“I am more scared thinking of you, not giving me any chance at all. I've been with you for a long time already and I never felt anything more than being a companion. I want more than that. But here comes the guy who's only with you for a short while, then he gets you, the prize, and all.”

“Just like him PM, I only ask of you one thing... Chance. One chance and let me prove to you that I'll be the man that you won't ever turn your back on. Just a chance to show you how I commit myself, to show you how I can give up basically everything that I have just for you.”

Hinalikan ni Arthur ang batok ni PM.

“You're just my everything now. I hope one day you wake up and realize I'm yours too.” Pumikit na si Arthur habang tumulo ang luha niya.

Please.
_______________________________________________________________

Gab489: Good morning baby!
Montemayor88: What?
Gab489: Nah, just checking on you.
Montemayor88: I'm ok. I'm here at SEAU.
Gab489: WOW! I USED TO GO THERE WHEN I WAS IN COLLEGE!
Montemayor88: Good for you.
Gab489: Why
Montemayor99: Nothing. This place has so much atmosphere in it.
Gab489: Is it something nostalgic to you?
Montemayor88: How do you know? Yeah, a lot of things happened to me from before.
Gab489: Aaand?
Montemayor88: Things I think should happen and learn lessons from.
Gab489: Idk, but I have this guy in my head. He's Angelo, and a lot of things happened to him when I went there.


Nanigas si PM. Kilala ko ba ito?

Gab489: Hello?
Montemayor88: Do I know you?
Gab489: I have always speculated you're Angelo...
Montemayor88: You're creeping me out.
Gab489: I'm sorry. Didn't mean to. Was just trying my luck.
s
een
Gab489: Hey? I'm sorry PM, please. :(
seen

Damn! How does this guy know everything about me? Anyway, this guy must be so smart guessing all the things and all. Ignore this shit. He's playing with you. Bumangon si PM mula sa pagkakahiga at napansin niya ang nakahain na breakfast sa mesa. Nilapitan niya ito at may nakita siyang note na nakakabit.

Sorry if I messed with you yesterday night. Allow me to express my deepest apologies to the guy I value the most. Eat well babe!

PS. I transferred rooms. I know you're not going to talk to me so I want to give you time to think. But whenever you're ready, please do talk to me. I missed you so bad. :(

PPS. We got the project.

- A

Tch. Bumabawi ang gago. Eh paano iyan ngayon? Ako lang mag-isa rito?

Tumingin siya sa gilid ng room kung saan nakalagay ang gamit ni Arthur kahapon, ngunit wala na ito ngayon nang tinignan niya.

Arthur knows I'm going to talk to him soon. That guy. Hehe. Alright. Help yourself PM.

At umatake na si PM sa adobo na halatang pinaghandaan ni Arthur lutuin.

I wonder where did he find the place to cook all these. He might have gone to the kitchen early in the morning. Well, that's Arthur for you. Sabi ni PM sa sarili.
_______________________________________________________________

To: Papa

Dad, diretso na lang kayo sa dorm. Andito na ako. Mas mainam siguro na manatili muna ako para may break ako mula kay Corina. Napapagod na ako tay.

Text ni Dimitri para kay Jun.

Kanina pa siya nakatingin sa mga bagay-bagay sa SEAU na tila ba naninibago sa lugar an iyon. Namumutla siya at tila balisa sa bawat bagay na nakikita niya.

Naglalakad si Dimitri sa gilid ng fountain park nang mapansin niya ang fountain na minsan naging simbolo ng isang tao sa kanya. Dala niya ang back pack na naglalaman ng mga gamit na pagsamantala niyang gagagamitin para sa convention. Ang fountain park na nagsilbing study area ng taong minsan niyang (pinaniwalang) "minahal". Natigilan siya sandali at pilit na inaalala ang mukha ng taong iyon. Di na nga niya napansin na palapit na palapit na pala siya sa fountain at naupo.

Nagbabalik lahat ng ala-ala. Tsk. I should have made the right choice. Walong taon na ang nakalipas, pero bakit kinakain pa rin ako ng konsensiya ko? Awa ba ito, guilt, o... pagmamahal? Erase, Dimitri. Erase. Napabuntong-hininga na lang si Dimitri habang iling ng iling.

Pagkaupo niya sa gilid ng fountain, nagulat siya sa pagsulpot ng dalawang employee sa kanyang department. Dalawang babae.

Oy! Sir Dim! Nakatulala ka na naman!” Pagsigaw ng isang babae mula sa malayo. Nagising sa pag-iisip si Dimitri. Nagtaas ng tingin si Dimitri at bahagyang ngumiti at kumaway sa kanyang mga katrabaho habang palapit sila ng palapit sa kanya.

Sir!” paghampas ng isa pang babae sa kanya, “Di ba alumni kayo rito?” Tumabi ang dalawang babae sa magkabilang tabi ni Dimitri. Tinignan muna ni Dimitri nang may lungkot sa mukha ang babae at dahan-dahan na ngumiti saka tumango – isang ngiti ng pait at sakit.

Talaga? Ano ba yan ang daya! Transferee lang ako rito eh.” Pagreklamo ng unang babae.

Ako since first year college andito ako. Noong first year ako, mga fourth year ata sila ni sir nun. At kilala mo iyong gwapong artista- sino ba iyon... si Jill, Joyo...”

Gio!” Pag-correct ng unang babae sa kanina pa talak ng talak na ikalawang babae.

Oo, siya. Magkabatch sila ni sir. Sabi nga nila na iyon sa time daw nila sir pinakamalakas iyong SEA University. Sa contest, kahit ano, noong first year pa ako, panalo lahat. Naghehelera lahat ng tarpaulin nila Sir Dimitri, iyong isang pogi pa na taga-kabilang estasyon – si Gab. Tsaka yung isa na pinaka-nakakaintriga sa lahat... pinakamatalinong bata raw na nakuha ng SEA University si... sino ba iyon?” Sabay lingon sa naunang babae para humingi ng correction dahil nakalimutan niya ang pangalan ng taong pinakamatalino sa SEA University.

Nang tinignan ng ikalawang babae ang nauna para humingi ng tulong, blangko lang ang tingin ng unang babae – halatang hindi alam ang pangalan ng pinag-uusapan, “Huwag mo akong tanungin,” panimula ng unang babae, “transferee lang ako!” Sabay kibit-balikat.

Hindi,” pag-insist ng ikalawang babae, “alam ko talaga ang pangalan niya eh. Nakalimutan ko lang. Basta girl kawawa iyon. Kasi may sex video ata siya? Tapos nakakaloka pa iyong subsitute professor namin one time na lawyer, si Ma'am Riza, batch din ata sila ni Sir Dimitri, Gio, Gab, at yung nakalimutan ko iyong pangalan. Nag-agaw eksena sa graduation nila girl! Nagulat nga kami kasi nasa backstage kami kasi inaasikaso namin iyong back drop kasi baka matanggal. Naku, nagspeech si Ma'am Riza in behalf ni... teka nakalimutan ko talaga. Si-”

Angelo,” pag-sulpot ni Dimitri, “Si Angelo Montemayor.” Malungkot ang tono ni Dimitri. Maya-maya may namumuo nang butil ng luha sa kanyang mga mata na maya-maya babagsak sa kanyang mga pisngi.

Basta girl, iyang si Angelo,” pagbalik ng ikalawang babae, “nakakaawa siya kasi pinagtatawanan siya ng karamihan kasi nagkaroon siya ng sex video, tapos niloko ng boyfriend niya-”

Bakla pala siya?” Pag-insert ng unang babae.

Oo. Bakla. Tapos ginagahasa raw ng ex-boyfriend niya at ng bestfriend niya. Tapos namatayan ng kapatid at mama. Ang saklap talaga.” Sumimangot ang mukha ng babaeng nagkwento dahil sa awa.

Si Dimitri naman nanatiling naluluha habang parang bato na hindi makagalaw. Naninigas siya dahil sa konsensiya na narinig niya mula sa kanyang mga katrabaho.

Ay,” sigaw ng ikalawang babae, “di ba sir kaibigan mo si Angelo? Tapos nag-aaway kayo? Nakalimutan ko na iyon eh. 8 years ago na yun.” Na-intriga ang mga babae habang inaabangan ang sagot ni Dimitri sa tanong nga kanyang katrabaho.

Nakayuko si Dimitri at handa na siyang umiyak. Nang nagtaas siya ng tingin, bumagsak na ang kanyang unang luha at nagsalita, “Actually, naging boy-”

HOY!” Sigaw ng isa pang babae na papalapit sa kanila “Kanina pa kita hinahanap! At bakit kasama mo tong mga babaeng to?! Ha?! Sumagot ka!” Si Corina, galit na galit ang mukha habang masama ang tingin kay Dimitri.

Natigilan ang dalawang babae habang tinitignan si Corina na nakapamewang. Isa-isang tinignan ni Corina ang dalawang babae. Masama ang tingin na binato ni Corina sa dalawa.

Nga pala sir, see you na lang sa c-convention.” Tumayo yung dalawang babae. Takot na takot sa mga titig ni Corina. Nang makaalis na ang dalawang katrabaho ni Dimitri, masamang tinignan ni Corina si Dimitri sabay hawi sa sentido nito.

At naglalandi ka pa pala ha! San dun ang kabit mo, Dimitri?! Sagot!” Sigaw ni Corina habang nakatingin lamang si Dimitri. Hindi na ito pinaunlakan pa ni Dimitri at kaagad na sinuot ang back pack at diretsong naglakad patungo sa Dorm. Habang naglalakad siya ay nakasunod sa kanya si Corina na tinatalakan siya.

Ikaw! Siguro gusto mo talagang dumalo sa tanginang convention na to noh? Sinong andito? Babae ba ang kabit mo o lalaki? Naku, mahuhuli ko rin kayo ng kabit mo. Makikita mo.” Pagbabanta ni Corina. Diretso lang naglakad si Dimitri sa pathwalk at hindi pinapansin si Corina na nakasunod sa kanya.

Sunod namalayan ni Dimitri ay nasa information desk na siya ng dorm. Nakabuntot pa rin si Corina sa kanya na hampas ng hampas sa kanyang likuran.

Morning po,” bati ni Dimitri sa babae sa front desk, “guest po ko para sa convention. Dimitri Salviejo.” Tumango naman ang babae at hinanap sa listahan ang pangalan at room number na naka-assign si Dimitri.

Inaantay ni Dimitri na sumagot ang babae sa kanya ngunit kinabahan ito ng sumimangot ang babae. “Ay sir. Ang nangyari po kasi ay may isa o dalawang karoommate kayo. Hindi po kasi naka-assign dito ang record niyo.

Miss!” Sigaw ni Corina sa babae, “Paalisin mo na lang iyong guest sa room na yan at ako ang kasama niya.” Tinupi ni Corina ang kanyang mga braso at tinaasan ng kilay ang babae. Naalibadbaran na si Dimitri sa bibig ni Corina ngunit nagtimpi pa rin siya dala ng konsensiya na kanina pa siya binabagabag simula ng makapasok siya.

Pangalan po ninyo, ma'am?”

Tanga ka ba?! Siyempre asawa niya ako. Kailangan pa ba yun?”

Opo kasi naka-apportion na iyong para sa mga guest.”

Corina Salviejo!” Pasigaw na usal ni Corina. Sumimangot iyong mukha ng babae pagkatapos niyang isearch sa listahan ang pangalan ni Corina. “I'm sorry po wala po ang pangalan niyo pero makakapasok naman po kayo. Di nga lang pwede paalisin yung guest. Sir Dimitri, eto na po ang room key niyo. May kasama po kayo sa kwarto maliban kay Madam Corina. Ano pa po ba ang maipaglilingkod ko?” Ngumit ang babae sa dalawa. Tumango lang si Dimitri bilang ganti at umirap naman si Corina sa babae.

Tinignan ni Dimitri ang room number na inalok ng babae sa kanya... mistula siyang maubusan ng dugo sa mukha sa nakita: ROOM 619

Kukunin na sana ni Dimitri yung susi nang hinablot ito ni Corina, “Akin na! Salamat!” Masunget na sabi ni Corina habang hinablot iyong susi mula sa babae. Wala ng pakialam si Dimitri at nagsimula na siyang maglakad patungo sa elevator.

Akala mo Dimitri di ko mahuhuli kayo ng kabet mo! Huh! Nagkakamali ka! Sasamahan kita sa kwarto mo at babantayan kita. Akala mo hahayaan kita? Paano si Monte? Akala mo makakatakas ka sa responsibilidad! Mangarap ka!” Sabay batok kay Dimitri. Ngunit tahimik pa rin si Dimitri at nagtitimpi.

Nakaabot na sila sa 6th floor at bumukas ang pintuan ng elevator. Habang palapit ng palapit sila sa dating room ni Dimitri at/o ni Angelo, lumalakas ang kabog ng dibdib ni Dimitri. Dahan-dahang gumagapang sa kanyang utak ang mga nangyari sa kanila ni Dimitri mahigit walong taon na ang nakalipas.

Nang nasa harap na sila ng pintuan. Nanlamig ang lalamunan ni Dimitri. Nakatayo lang siya sa harap ng pintuan at pinagmamasdan ito.

So ano? Tinitignan mo pa yan? Namiss mo iyong bakla mo, ha? Hoy Dimitri may asawa't anak ka na! Umayos ka! Buksan mo ang pinto!” Sabay tapon key card sa mukha ni Dimitri. Napangiwi naman si Dimitri sa ginawa ni Corina. Pinulot niya ang nahulog na key card at dahan-dahang tinuon ito sa key card lock. Nanginginig ang kanyang mga kamay.

BLEEP

Bumukas ang pintuan. “Pasok!” Sigaw ni Corina kay Dimitri na parang alila niya ito. Ngunit hindi gumalaw si Dimitri. Nakatulala pa rin siya sa kwarto nila ni Angelo noon. Parehong-pareho pa rin maliban sa naging dalawang single bed na ang mga kama.

Hindi ka papasok ha? PASOK SABI!” Tinulak ng malakas ni Corina si Dimitri. Nadapa sa sahig si Dimitri sa loob ng kwarto. Kaagad niyang inabot ang pintuan at sinarado ito ng pagkalakas-lakas. Hindi magkandaugaga si Corina na magtititili at parang baliw na sinasagad ang pag bunggo ng pintuan.

Hayy salamat. Malayo sa maingay. Napangiti si Dimitri sa kaloob-looban at napabuntong-hininga. Napatayo siya at inayos ang sarili, hindi alintana ang ingay na dala ni Corina mula sa labas ng kwarto. Nagulat siya nang makita ang isang malaking maleta na nasa gilid ng kama. May tao na pala. Malamang roommate ko na to. Nilapitan niya ang maleta at tinignan ang tag nito: A.M./ P.M.

PM? Ito na ba si PM Realoso? Ito na siguro iyong sinasabi nilang “great bidder” mula America. Shit. Porke't mula America i-se-celebrate kaagad? Kaano-ano kaya to ni Madam Realoso? Hindi ko na kasi iyon kinakausap. Alam kong galit na galit saken iyon. Hay naku.

Pero bakit walang tao? Ginawang iwanan ng baggage ang kwarto? Anak ng tokneneng.

Kaagad na pumasok si Dimitri sa banyo at binuksan ang ilaw, tinaas niya ang seat cover at umihi. Habang umiihi siya, napansin ni Dimitri na nakasarado iyong shower curtain. Weird? Pag bagong dating hindi naman sarado ang shower curtain ha? Dapat kung hindi pa gamit, open to dapat. Bakit closed? Pagtataka niya sa sarili.

Habang umiihi pa rin siya, inabot niya ang shower curtain at akmang bubuksan na ito nang may nagsalita, “What the hell do you think you're doing?” Matigas at malamig na boses ang narinig ni Dimitri.

Hindi kaagad nakagalaw si Dimitri dahil sa hiya, hindi niya natanggal mula sa shower curtain ang kanyang kamay. Maya-maya nagsalita pa ulit ang tao sa loob ng shower curtain.

Who are you? Why are you about to pull the curtain open?” Natataranta na si Dimitri kaya mas pinabilis niya pa ang daloy ng ihi niya. Lagot, lagot, lagot! Masasapak ako nito!

Are you gay?” Tanong pa rin ng lalake sa loob ng shower curtain ngunit hindi pa rin nakakibo. Nakikita na ni Dimitri ang silhouette ng lalake. Nakahiga ito sa bath tub at akmang aabutin na ang shower curtain upang tingnan kung sino ang kanina pa gustong buksan ang kurtina.

Hindi nakapagpreno si Dimitri sa kanyang bibig.

Bakit?! Takot ka ba na makita ko ang pekpek mo? Wag kang mag-alala pareho naman tayong lalaki eh.” Pagdahilan ni Dimitri na painis habang patapos na siyang umihi.

Ngunit mas bumilis pa ang tibok ng puso ni Dimitri nang nakita niyang tumayo ang lalake mula sa bath tub at....

SWIIIIING!

Nagulat si Dimitri sa pagbukas ng kurtina. Nakita niya ang lalake at nagkaeye-to-eye sila.

Mas bumagsak ang panga ni Dimitri sa nakita. Dahil kilala niya ang lalaki.

Natakasan ng dugo si Dimitri sa mukha. Nanginginig ang kanyang kamay at dahan-dahan niyang inangat ang kanyang hintuturo sa nakasabay sa banyo habang kumuha ito ng tuwalya at nagpunas.

A-A-Angelo?” 


Itutuloy...
 



Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2

32 comments:

  1. Ang pinaka iintay ko.
    Basa mode muma mga pards.

    YeorimHere

    ReplyDelete
  2. wow, nagiging intense na ang tagpo dito ah... sna maipublish na ang next chapter mr. author.. ganda ganda po ng iyong likha

    reagan hambog

    ReplyDelete
  3. naiintindihan ko po kayo author. wag nyo na pong pansinin yung Mga below the belt ang comment.
    Hindi naiiwasan yung Mga comment na ganun. just focus lang po sa work and of course sa GMASMA story
    thnx and god bless!

    red 08

    ReplyDelete
  4. hay naku naman, palingkerang corina, nakatapos kaba ng college at ganyan ang paguugali mo? para kang walng pinagaralan. dapat sayo makulong na, isama mo na din yung byanan mong kalaguyot haha.

    milo

    ReplyDelete
  5. Sobra sobra sobra sobra pong ganda. Dafuk. ? Ang galing mo talaga sir.. :') sobrang nakakaexcite.

    ReplyDelete
  6. whaaaaaa!!!!!
    ako ba una ng comment?
    well, mr. A ur so magaling, ur storyline is very malalim para talagang mu pinaghuhugutan, sana gawing book eto..

    😄😄😄😄😄😄😄

    ReplyDelete
  7. sana 2 or 3 updates per week :)

    naiintindihan kita author basta wag mo kaming iiwan hehehe :)

    ReplyDelete
  8. guys intindihin naman natin yung mga writer <3

    #<3 u author

    ReplyDelete
  9. ..shiiiiiit!!! Grabe..I'm so excited for the next chapter..thanks for the update..I LOVE YOU. .the best ka talaga..always take care and god bless you..
    hehe..first to comment. .

    ReplyDelete
  10. Thanks for the update sir....the best story na nabasa ko.....everyday talaga akong nag aabang ng update nito.....all spices of life in one story....thumbs up sir....must read and worth reading.....thanks again...:)

    ReplyDelete
  11. GAAAAAAAAAB! ATLAST! HAHA I MISS YOU ;* HAHAHAHA LAKAS TAMA. AKIN K NA, AYAW SAYO NI ANGELO! WHOO!

    -GaMeboy

    ReplyDelete
  12. Angelo wag mu dedmahin si gab mahal ka nya at alam ko mahal mo rin sya.... alam ko sabik na kau sa isat isa....

    ReplyDelete
  13. Galing.. Sana wag isali c Gab..mabait xa

    ReplyDelete
  14. This is so intense! I love how Gab eventually got PM to admit he's Angelo. Super galing. At ikaw Angelo wag ka na maarte haha I super look forward to how PM will show Dmitri who's the boss! Haha But more excited with PM-Gab love affair. Marvs :-D

    ReplyDelete
  15. i really really like this story. it transcends gender actually

    ReplyDelete
  16. thank u at nagsulat po kau ulit...ako po ung nag message sau at huminigi ng request friend sa fb..marvin "arvie" pala uli...slamat ng marami at bumalik ka..email add at fb account ko.po dark_24einjhelarvi@yahoo.com

    ReplyDelete
  17. GRABE...AS IN GRABE.NAKAKAPANABIK..

    NAKU HUMANDA KA CORING KA.

    PM.WAG KA PAPATALO SA FEELING MO ABOUT GAB

    EDDIE BOY

    ReplyDelete
  18. VERY INTENSE! Puedeng isapelicula! Maraming magpapatronize sa yong masterpiece na ito. HUSAY ng layout eversince sa 1st Book! KUDOS! sa yo Author!

    ReplyDelete
  19. GAWAN NA NGA 'TONG NG LIBRO ASAP HUHU ANG GANDA TALAGA - baks

    ReplyDelete
  20. Naloka lng ako. Galing ng america at big time, amy ka-share sa room? Well, kung yan ang gusto ng writer wlang magagawa ang kht cno. Prang pelikula lng, Kung ano ang gusto ng director ay xa ang masusunod. focus na lng ko sa takbo ng storya.

    ReplyDelete
  21. Perfect! Galing. Isa ka na sa mga fav ko aside from Ponse ang manong Mike. Galing!

    ReplyDelete
  22. Woaaah . ito na ang inaabangan ko . ang pag hihiganti ni angelo sa mga taong nanggago sa kanya . pero kawawa naman si arthur :( nag papakatanga sya sa pagmamahal nya kay PM . pero ang ganda ng story . very exciting sa mga susunod na kaganapan . bakit di pa wakasan ung buhay ni Corina .hahahaha Joke .

    ReplyDelete
  23. like the story!$$ wish ma.publish din to...looking forward to the next chapter..

    ReplyDelete
  24. like the story!$$ wish ma.publish din to...looking forward to the next chapter..

    ReplyDelete
  25. like the story!$$ wish ma.publish din to...looking forward to the next chapter..

    ReplyDelete
  26. Nice story author kaso na OA ako sa mga Flashback maraming flasback kaysa kasalukuyan sana focos ka nalang sa kasalukuyan...


    Sorry opinion ko to..:)

    ReplyDelete
  27. Cookie baby masaya ako at nabasa ko na naman ang fave story ko hehehe! Atsobra tawa ko sa notes mo with highlights :D
    Update mo ako agad! Mmmmmwah tc!

    ReplyDelete
  28. Update pleasssseeeee :-)

    ReplyDelete
  29. Huwag mo na lang pansinin, yong nagbibigay ng sarcastic at unethical comments, Author they're just trying to pull you down. Ibig sabihin noon may 95% paring pabor at humahanga sa yo. Just take your time and keep the flow of your Masterpiece as 'Exciting' and 'Intensifying' as it is.

    ReplyDelete
  30. Ang ganda talaga ng story d ko alam mging emotion ko dahil sa mga nangyayari.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails