AUTHOR’S
NOTE: So
heto na naman ang boring na update! Yey! Lol!
WARNING: Sa mga ayaw
ng basahin itong akda ko. ‘Wag na kayong magtangka pa. Baka sabihin niyo na
namang kesyo ganito, kesyo ganyan. Nakakasawa na e. Boring pala, bakit niyo pa
binabasa?
Maraming salamat pa rin sa binibigay ninyong
opportunity, Sir MIKE at Sir PONSE! Hinding-hindi ko po matatawaran
ang inyong kabaitan!
Sa mga co-RA’s ko, BLUE, VIENNE, COOKIE CUTTER, CRAYONBOX, APPLE GREEN, SEYREN, ROGUE,
PRINCE JUSTIN, and AXEL, kaway-kaway!
RYESTERS,
KA-BLUEs, BTBBC! Hello!
Salamat pa rin sa mga readers, commentators, and
critics. SICHEM, 44, BHARU, MICHITO,
JHARZ, DAVE, YEAHITSJM, BRIX, AVID_READER, IHNO SANSENIN, maraming salamat!
Napasaya niyo ako. At sa nag-iisang ANONYMOUS,
depende po sa ikocomment mo kung magagalit ako. Lol! :3
Syempre kay BAESTFRIEND
RED na walang sawang nag-i-edit ng mga update ko. At kay PINUNONG BLUE sa moral support and inspirasyon sa pagsusulat, sorry din ng
marami kung hindi ko pa nababasa ‘yong JFAM.
Peace! Maraming salamat!
So… pagtiyagaan niyo muna ito. I’ll be posting
the next chapter ASAP. Pakiantay na lungs!
So there! Enjoy! :)
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents
are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious
manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is
purely coincidental. All images, videos and
other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo
credits should be given to its rightful owner.
LOVE IS…
Rye
Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
PREVIOUS
CHAPTERS
ADD US TO
YOUR BLOGGER APP
(Reading
List)
ADD ME UP!
KINDLY READ
THESE STORIES TOO!
Crayonbox’s
Starfish (On-going)
Gio Yu’s
Final Requirement (On-going)
Axel De Los
Reyes’ Love Game (Upcoming)
Seyren
Windor’s Loving You… Again (On-going)
Bluerose
Claveria’s Just For A Moment (On-going)
Prince Justin
Dizon’s Me And My Rules (On-going)
Rouge
Mercado’s Way Back Into Love 2 (On-going)
Vienne
Chase’s Strings From The Heart (On-going)
Apple Green’s
(Jace Page) The John Lloyd Diary (Ongoing)
Apple Green’s
(Jace Page) The One That Got Away (Upcoming)
Cookie
Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)
CHAPTER XXXI
Riel’s POV
Pumalaot kami nina Mama papuntang bayan para
magsimba. Linggo ngayon at isang araw na lang ang hihintayin ko para makita ko
ulit si Red. Excited na ako!
Susunduin na rin pala namin sina Dave at Seb.
Kaya pala nakita kong nakahawak si Dave noon sa
braso ng kaklase ko’y dahil sila pala talaga ang tunay na magkasintahan. Bakit
kaya pumayag si Seb na magpanggap ang kasintahan niya, bilang kasintahan ng
gagong Red na ‘yon?
Oh well, papel!
Si Seb naman, tapos na sa pagkoculinary. I mean,
chef na siya. Although, sa Amerika siya nakabase dahil sa restaurant na itinayo
nila ng kanyang pamilya.
Lahat ng mga detalyeng ‘yon, nalaman ko no’ng
gabing ‘yon.
At least, isa-isa nang lumilinaw lahat sa akin.
I know it’s weird to accept things that easy, pero… nangyari na, tinanggap ko ng
maluwag sa aking kalooban.
Nang malaman ko iyon ay gumaan agad ang
pakiramdam ko. I’m not the old Riel na, nagtatanim ng galit sa isang taong
nakagawa sa akin ng kasalanan. Nagbago na ako.
And it’s Red… my Jared Isaiah Ariola.
Pagkatapos ng misa ay agad na kaming pumunta sa
airport para salubungin ang dalawa. Wala pa silang alam na naririto na ako. Na
alam ko na ang lahat. Si Zeke kasi hindi naman sumama sa amin dahil hahanapin
niya raw si Alvin.
Malaki nga talaga ang tama ng isang iyon sa dati
kong kaklase.
Ilang minuto na lang ang hinihintay namin sa
pagdating ng dalawa.
Abala si Papa sa pagsagot ng mga tawag sa kanya
galing sa Naga. Samantalang si Mama naman ay nakasandal sa aking balikat.
“Masaya talaga akong hindi ka nagalit sa amin,
despite of what we did. Ang swerte ng anak ko sa’yo. Ang swerte namin.” Aniya.
“Mama. Maswerte rin naman po ako kay Red, hindi
lang talaga siya kompyansa sa sarili niya. Lagot talaga ‘yon sa akin! Sa inyo
rin po, hindi ko po naramdaman na wala na akong pamilya dahil ipinaparamdam
niyo sa akin na isa ako sainyo. I still feel that I have a family to lean on.”
Tugon ko.
Hinawakan niya lang ang kamay kong nakapatong sa
aking hita. May sasabihin pa sana siya nang namataan na namin ang dalawa.
Gaya noong nakita ko silang intimate sa isa’t
isa do’n sa bar, ‘yon din ang nakikita ko ngayon. Hindi pa nila kami napapansin
kasi, parang wala silang pakialam sa mga tao sa paligid nila.
“Dave! Sebastian!” Tawag sa kanila ni Mama.
Tumayo ito at gano’n na rin ang ginawa ko.
Nakita ko rin na nasa tabi na namin si Papa habang nagpapaalam sa kanyang
kausap.
“Tita—.” Masaya niya sanang tawag kay Mama,
ngunit natigilan siya nang makita ako.
Agad niyang binitawan ang kasintahan at nagkunwaring
walang nangyayari sa kanilang dalawa. Ngumiti lamang ako sa kanya. Gano’n rin
ang ginawa ni Seb sa akin.
Nang makalapit sila’y ang nagtatanong na mata ni
Dave ang sumalubong kay Mama. As if hindi nila ako rito kasama.
“Don’t worry, Dave. Alam na ni Riel ang lahat.
You can act as lovey dovey all you want with your boyfriend.” Natatawang tugon
sa kanya ni Mama.
Nagtatanong pa rin ang mga mata nito, pero dahil
lang sa isang tango ng mag-asawa sa kanila’y nakakuha ito ng kasagutan. Napahawak
naman ito sa kanyang dibdib at napabuntong hininga.
“Argh! Akala ko’y sisintensyahan na ako!” Aniya
saka pumulupot ulit sa braso ng kasintahan. “Alam na po ba ito ni Red?” Dagdag
niya na palipat-lipat ang tingin sa aming tatlong nasa harap nila.
“Hindi pa.” Ako na ang sumagot. “May parusa pa
iyon sa akin e.” Dagdag ko saka ngumiti.
“Now, this is getting more exciting.” Ani Mama.
“Pero, light na prank lang, ha? Ayoko nang magkahiwalay ulit kayo. I won’t let
that happen again! Kung kailangan ko kayong ipadala sa isang isla para
makapag-usap kayo nang maayos, gagawin ko.”
“Akala ko ba gusto mong bigyan ng leksyon ang
anak mo?” Tanong ni Papa sa kanya.
“Oo nga, kaso… Ay ewan!” Sagot ni Mama.
“Hindi po, Mama. Ako na ang bahala.” Assurance
ko sa kanya.
Nakaisip na ako nang paraan. Kakailanganin ko
ang tulong ni Zeke pagnakarating na sila rito.
Pinanatili namin ang sekretong ito maging sa mga
malapit sa amin na nasa Naga. Wala na dapat mainvolve pa rito. Ako lang naman
at si Red ang kailangan. Although, kailangan ko rin si Zeke para matagumpay na
maisagawa ang plano.
Kami-kami na lang. Hahayaan ko munang may ilang
sa akin ang lahat dahil sa paglayo ko ilang araw na ang nakalilipas.
Pagkarating namin sa isla ay agad akong
nagpaalam para bisitahin muli ang pamilya Aquino. Nabisita ko na sila noong
Biyernes at Sabado. Palagi ngang pinagkakaabalahan nina Nanay Mel at Tatay Fred
ang pagbisita ko roon.
On my way there, nakita ko si Zeke at hindi ako
pwedeng magkamali sa kanyang kasama. It’s Alvin! Ayoko mang mang-usisa, pero… hindi
ko na napigilan ang aking mga paa. Lol!
Mabilis akong nagtago sa isang puno ng niyog
saka pinakinggan ang kanilang pinag-uusapan. Alam kong masamang mag-eavesdrop
sa pribadong pag-uusap, pero, heto na ako e. Tsaka, hindi pa malinaw sa akin
ang lahat ng tungkol sa kanilang dalawa.
“So… sa loob ng isang taon, magkasama lang pala
tayo sa iisang paaralan ng hindi ko nalalaman?” Mariing sambit ni Zeke.
Nakita kong tumango naman sa kanya si Alvin.
Nakatingin ito sa malawak na karagatan. Mabuti na lamang at nasa likuran na
parte nila ako. Hindi pa naman nila ako napapansin rito.
“Why do you care?” Marahang sagot sa kanya ni
Alvin.
“What the fuck? Alam mo bang para akong gagong
naghihintay gabi-gabi sa bar para sa’yo? Dahil sa’yo hindi ko na kilala ang sarili
ko!” Aniya tsaka nagkamot ng ulo. “I am in love with you.” Mas mahinahon niyang
pagpapahayag.
Malaki nga ang tama ng isang ito kay Alvin.
Posible kaya ‘yon? Na dahil lang sa isang gabing ‘yon, naging malaki na ang
epekto noon sa pagkatao ni Zeke?
Sa bagay, may mga instances naman talaga na
gano’n.
May mga tao lang na pinanghahawakan ang sariling
prinsipyo. Kakalimutan ang hindi dapat at ang mga nangyari, at pipilitin na
lang na magpatuloy sa buhay.
Para sa akin, ang mga taong ganoon ang pananaw
sa buhay ay kahit makuha nila ‘yong gusto nilang mangyari, hinding-hindi pa rin
iyon masasabing satisfaction.
“You’re kidding right? It’s just a one night
stand! Paano ka na-in love sa akin sa isang gabi lang? Paano mangyayari ‘yon?
Ang isang Ezekiel Yamson ay hindi ganyan. Maprinsipyo kang tao.” Ani Alvin.
Pero halata sa kanyang nagsisinungaling siya.
It’ll be bad if Zeke will buy that lie.
Oh! I hate this talent of mine!
“One night stand, you say? Just a fucking one
night stand?! Kaya nga sa one night stand na iyon ako nagbago. Lagi kitang
naiisip. I can’t remember to forget you. Besides, I can change my fucking
principles if I want to!” Tumaas na naman ang boses ni Zeke.
Oh come on, Zeke! Nagsisinungaling siya! Bakit
bumenta ‘yon sa’yo!
Nag-iwas lang ng tingin sa kanya si Alvin tsaka
tumango ulit at napabuntong-hininga.
He’s trying his best to get rid of the feelings
he has with Zeke. Ang hirap kayang magtago ng nararamdaman. Baka nga pagnagkita
kami ni Red bukas ng hapon ay hindi ko na maituloy ang plano namin! Argh!
Sana’y makapagpigil ako!
Kating-kati na akong batuhin si Zeke, just for
him to realize na hindi naman totoo ang mga sinasabi ni Alvin sa kanya. Na ayaw
niya lang umamin.
Kakausapin ko na lang si Zeke mamaya. Kailangan
ko nang pumunta kila Nanay Mel. Gustuhin ko mang manghimasok sa pag-uusap nila’y
hindi ako parte no’n. It’s better to let them talk about it.
Nang makarating ako sa bahay ng mga Aquino ay
wala akong nadatnan doon. Sabi ng kapitbahay nilang si Aling Magda ay maaga raw
pumunta ng bayan kanina dahil may susunduin raw sila roon.
Naisipan kong bumalik sana kung nasaan si Zeke
at Alvin, pero wala na sila do’n nang makabalik ako.
Oh well, papel!
Kaya ang nagawa ko na lang ay ang umuwi sa
resthouse. Buong hapon ding wala sina Mama at Papa. Sabi nila Dave at Seb ay pumunta
raw sila sa Amanpulo to do something important.
Hayst! ‘Yong dalawa naman, gustong
maglibot-libot dito sa isla, kaya hinayaan ko na lang.
Kaya natulog na rin lang ako.
Nagising ako dahil sa pagtawag sa akin ni Mama.
Pagtingin ko sa aking orasan sa iPod ay mag-aala
siete na rin pala. Wow! Limang oras akong tulog! Edi meow!
“Let’s eat?” Aniya.
Tumango na lang ako sa kanya.
Nang nasa hapag-kainan na ay doon ulit nagsimula
ang pag-uusap namin tungkol sa gagawing plano. Nagkwento rin si Mama nang mga
ginawa nila sa Amanpulo. Humingi nga rin siya ng paumanhin kung bakit hindi
niya kami naisama.
Naintindihan ko naman ang rason doon. Lakad nilang
mag-asawa ‘yon e. Bakasyon nilang dalawa, kaya’t kailangan din nilang
magliwaliw.
Si Zeke? Walang imik sa hapag-kainan hanggang sa
matapos kami. Tinatanong ko nga paminsan-minsan tungkol sa plano namin para
bukas, tanging tango, ‘oo, at hindi’ lamang ang sagot nito.
Seriously? We’re not playing ‘Pinoy Henyo’ here.
Argh!
“Anong problema mo? Si Alvin, gano’n?”
Napatingin na lang ito sa akin galing sa
pagkakatitig nito sa kalangitang punong puno ng bituin. Naroon din nakasilip
ang crescent moon na parang ngiting umabot hanggang tenga sa pagkakakurba nito.
Umupo ako sa upuang nasa harap niya at
pagkatapos ay niyakap ang sarili. Nakasuot na ako ng jacket, pero nilalamig pa
rin ako.
Pero, ang sarap damhin ng hangin sa dagat.
Malinis, refreshing.
Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay tsaka
ipinatong doon ang kanyang baba. Deep thoughts can be read in his eyes.
“Ano na, Yamson? Hanggang doon ka na lang ba?”
Untag ko ulit sa kanya.
“What do you mean?” Tugon niya.
“Nakita ko kayo kanina, and did some
eavesdropping also. Naniwala ka sa mga sinabi ni Alvin sa’yo? Napakaunusual,
huh?”
Napailing na lang ito sa akin.
“Usisero na rin pala ang isang Gabriel Dela
Rama?” Aniya saka tumawa ng payak.
“Don’t get me wrong, okay? I just want some clues
about you and Alvin. Tsaka hindi naman ako tumagal doon. Hanggang doon lang ako
sa pag-amin mo na in-love ka na sa kanya.” Pagpapaliwanag ko. Nagkibit balikat
pa ako to convince him.
“Umalis na siya kanina. Sabi niya he’ll be back,
para sa mini concert niyo sa last day ng immersion.”
“Oh? Talaga? Hindi ko alam na fan pala ng banda
namin si Alvin.”
“Sort of. Sabi niya, he needs to see that Jasper
Halili, raw. Sino ba kasi ‘yong taong ‘yon sa buhay niya?” Frustrated na tanong
niya.
“I don’t know. Hindi ko naman sila masyadong
nakikita ni Jas magkasama sa school noon e. I’ll ask Jasper, tomorrow.”
Nagulo niya na lang ang kanyang buhok.
“Wooh! Selos ka ‘no? Sa tingin ko, mas gwapo pa
‘yon sa’yo.” Panunuya ko sa kanya. With matching pagsusuri pa sa kanyang mukha
saka katawan.
Inilagay ko pa ang mga daliri kong nakacheck sa
aking baba at tumango-tango. That’s what you call evaluating. Lol!
Napailing na lang ito sa akin.
Hmmm. Simpleng tao lang si Jasper e. Gwapo siya,
maganda rin ang pangangatawan. Masasabi kong total opposite niya itong si Zeke.
Ano nga kayang meron sa kanila ni Alvin? Hmmm…
“Alam ko na nagsisinungaling siya. Alam kong
pareho kami ng pananaw sa one night stand na iyon.” Aniya.
“Bakit hinayaan mong gano’n ang mga sagot niya
sa’yo?” Tanong ko.
E gano’n naman pala, bakit niya pinatulan ‘yon?
Peg-ebeg nge nemen!
“You should sleep. Handa ka na ba, bukas?”
Tanong niya.
“Sabihin mo, ayaw mo lang akong kausap! Sana
sinabi mo kaagad, madali ko naman ‘yong maiintindihan e!”
“I just need to think, alone… I guess…”
“Alam ko naman ‘yon. So… Hindi na ako
magtatanong kong gaano ka kabaliw doon sa tao. We’re sailing the same boat.”
Napailing na lang ito sa akin saka ngumiti. “About sa gagawin natin bukas,
handa na ako. Excited na nga ako e. Ikaw ba?” Tugon ko sa kanya.
“Nakahanda na ang pisngi ko, saka ang parte ng
katawan ko para sa mga suntok sa akin ng kaibigan ko.” Aniya.
“No worries! Kapag mangyari man ‘yon. Papagitna
ako sainyo. Kasama ‘yon sa plano ‘di ba?”
Tumango na lang ulit ito sa akin. I guess, I
need to leave him alone. Kailangan niya pa ng mahaba-habang pag-iisip.
“O siya! Ohayasumi nasaimasu! Ii yume mitene!
Gambattene! Kakakawaii!” Lol!
“Anong ibig sabihin no’n?” Aniya habang
tumatawa.
“Hahaha! Simpleng Good mornight lang namin ‘yon
ni Joshy! Lol! O siya! Pagbutihin mo ang pag-iisip mo.”
“Tss. Matulog ka na nga!”
“Oo na! Oo na!”
Kaya iniwan ko na lang siya mag-isa doon sa veranda.
Sana maliwanagan na siya. Kahit ilang araw pa
lang kaming nagkakasama niyan. Naramdaman ko naman na hindi mahirap kaibiganin
si Zeke.
Namangha nga ako na sa kabila ng kanyang maangas
at matigas na personalidad noong high school, ay mayroon din palang lambot na
naroroon.
Sabi ko nga sa kanya, being tough, isn’t just
being tough. I’ve been there also. Na kahit, pinapakita mo sa lahat na matapang
ka, sa huli, pare-pareho lang tayong nasasaktan.
Dave’s POV
Nagulat talaga ako no’ng nakita ko si Riel
kasama nila Tita. Nagpanic kaya kami no’ng sinabi sa amin ni Red na umalis siya
ng hindi nagpapaalam. Although, nabunutan ako ng tinik, dahil okay naman siya,
kinabahan din ako kasi, hindi ko pa alam na sinabi na sa kanya ang lahat.
Papunta kami ngayon ni Seb sa kwarto nila Tita
Helena at Tito Armando para pag-usapan ang tungkol sa mangyayaring kasal.
They’re preparing all the things needed sa Amanpulo dahil naandito ngayon si
Riel.
Red has separate plans for the proposal, kaya
hindi na namin iyon pinoproblema. All we have to do is wait and see.
Nang makarating kami sa kwarto nila’y agad na
lang akong kumatok doon.
“Pasok!” Dinig kong sigaw ni Tita.
Kaya agad ko na rin lang pinihit ang doorknob ng
pinto nila.
“Hi Tita, Tito!” Masaya kong bati sa kanila.
Para lang hindi kami nagkasama sa hapagkainan kanina.
“Dave, Seb! Upo kayo.” Aniya sabay pagpag sa
bakanteng mauupuan sa tabi niya.
Tumayo si Tita tapos tumabi sa sofa kung nasaan
si Tito kaya’t doon naman kami naupo ni Seb sa sofang inuupuan niya kanina.
“Kumusta na po ang preparation, Tita?”
“Okay naman. Konti na lang at matatapos na rin
‘yon. Sorry kung hindi namin kayo naisama kanina, baka kasi maghinala si Riel
e.”
“Okay lang po, Tita. Besides, nakapagliwaliw
naman kami ni Seb kanina. ‘Di po ba, dito sa isla ang kasal? Paano po iyon?”
Hindi ko kasi mahanapan pa ng sagot kung paano nga iyon. Dadalhin dito ang
Amanpulo rito, gano’n?
“Well, doon lang kami nakikipagkita sa organizer.
That’s not until next week pa naman e. Nagpareserve rin kasi kami ng Villa doon
for Red and Riel, habang nag-aayos dito for their wedding.” Tugon ni Tita sa
akin.
Napatango na lang ako. They’re very supportive.
“Besides, kailangan pa nating hintayin ang
mangyayari sa dalawa. Ang pagkikita nila bukas ang magsasabi kung anong gagawin
nating susunod na hakbang.” Dagdag pa niya.
Tumingin ito kay Seb. “Chef, ikaw na ang bahala
sa mga pagkain. May mga nakausap na kami para tumulong sa’yo.” Aniya.
“No problem, Tita.” Tugon naman ni Seb saka
ngumiti.
“Then, ang kailangan na lang pala nating gawin
ay ang magpanggap na walang alam until the big day arrives.” Anunsyo ko sa
kanila.
Nagkangitian na lang kami sa bawat isa.
Riel’s POV
Masaya akong sinalubong ang umaga. This is the
day! Mamayang hapon ay nandito na sila!
“Masaya ka ata ngayon, anak?” Pagpansin sa akin
ni Mama. “Excited ka ng makita si Red ‘no?”
Napangiti na lang ako sa kanya.
“Pwede mo ba kaming ipagluto ng almusal ngayon?”
Tumango na lang ako sa kanya.
Masaya akong nagtungo sa kusina ng resthouse. Si
Seb kasi ang laging nagluluto simula noong pagkarating nila rito.
Inihanda ko na lang ang mga lulutuin ko.
Gumawa ako ng omelet. Nang maluto ay
pinagpira-piraso ko ito sa maliliit na cubes, itinabi ko muna ito.
Ginisa ko ang bawang sa mantika. Hinaluan ko rin
ito ng minced carrots hanggang sa ang kulay nito’y humalo sa mantika. Inilagay
ko ang kanin tsaka hinalo itong mabuti para ang kulay ng mantika ay humalo
rito.
Ang sayang magluto! Lol!
Nang maibahagi na ang kulay ng mantika sa kanin
ay inilagay ko ang omelet na niluto ko kanina roon. Konting asin, at luto na
ang sinangag namin.
Para sa ulam naman ay simpleng ham, hotdog, at
sunny side-up ang ginawa ko. Gumawa rin ako ng tsokolate para sa maiinom namin.
“Marunong ka palang magluto?” Parang
manghang-mangha na tanong ni Zeke.
“Ay hinde! Culinary Arts nga ang kurso ko ‘di
ba? Tss.” Tugon ko.
“Di nga?” Aniya. Nanunuya pa.
Inirapan ko na lang ito.
“Ito naman! Binibiro lang e!” Aniya saka tumawa.
“Tse! Mag-ayos ka na sa mesa. Kakain na tayo!”
“Opo!” Tugon niya naman.
Ke-aga-aga e, nang-iinis!
Nasa hapagkainan na kami ngayon at
nagkukwentuhan na ulit.
“Namiss namin ang luto mo, Riel.” Ani Mama.
“Naku, Ma. Sinangag lang po ‘yong sariling
recipe ko riyan.” Tugon ko.
“Wushu! Humble pa more!” Panunuya naman ni Zeke.
Pinadilatan ko na lang siya.
“Balak ko po sanang magluto mamaya.” Anunsyo ko
sa kanila.
“Sige ba! Para kay Red ‘no? What about the
plan?” Tanong naman ni Dave.
“Yon nga. ‘Di ba, 12NN ang dating ng mga
facilitators dito?” Tanong ko.
Tumango naman ang mga ito sa akin. Kaya
inexplain ko sa kanila ang mangyayari.
Nang makapagluto ako for lunch, ay inihanda na
namin ni Zeke ang aming mga gamit para makaalis na sa resthouse. Nakiusap ako
kila Nanay Mel at Tatay Fred kung pwede muna naming ipatago ang aming mga gamit
roon.
May bisita rin kasi sila, kaya’t hindi na kami
mang-aabala pa. Ngayong hapon lang naman ‘tong plano e. Kaya babalik din kami
ni Zeke mamayang gabi ro’n sa resthouse.
Kung hindi man ito matagumpay, ay papakiusapan
niya raw ‘yong host family nila last year. Tutal ay maliit na pamilya lang
naman daw iyon.
“Good luck, anak! Sana mapaiyak mo ang anak
namin.” Ani Mama na natatawa.
“Sana nga po. Depende sa iaakto namin ni Zeke sa
harap niya.” Nakitawa na rin ako.
“Kaya kong paiyakin si Red, kung ‘yan ang gusto
mo.” Seryosong saad ni Zeke.
“Paano mo naman gagawin ‘yon?” Nagtatakang
tanong ko.
Itinaas niya lang ang isang kilay tsaka
tinitigan ako ng mabuti.
Hmmm. Ano kaya? Napaisip din tuloy ako.
“Payag ka ba?” Tanong niya. “It’s all up to you.
Nothing’s personal. Just for him to cry.” Aniya saka ko nasilayan ang
malademonyo niyang ngiti.
Parang alam ko na ang gagawin niya.
“No. No. No. No!” Napailing na lang ako sa
naisip kong gagawin niya.
“Bakit ano ‘yon, iho?” Tanong ni Mama sa kanya.
“Well… alam niyo po ang pwedeng magpaiyak kay
Red.”
Tumango naman si Mama na parang nakuha niya ang
gustong sabihin ng mokong na si Zeke. What the hell?! Papayag siyang gawin namin
ni Zeke iyon, para lang mapaiyak ang anak niya? Sabagay. Pero… Argh! I don’t
know! It’s tempting! Lol!
Red’s POV
Nagbalik lahat ng alaala nang maiapak ko ang mga
paa ko sa buhangin ng isla kung saan kami noon naging isa ni Riel.
Malinis na hangin. Malawak na karagatan. Kulay
berdeng mga puno’t halaman. Magagandang ngiti ng mga kabataang naglalaro sa
dalampasigan.
It’s good to be back!
Pero, kulang ang pagbabalik ko rito.
We still don’t know kung nasaan si Riel.
Although sabi niya nga kila Eli, ay pupunta siya rito for the immersion.
“Red!”
Nakita ko na lang sina Mama, Papa, Dave at Seb
na sinasalubong kami. Nauna kaming mga facilitator ng immersion ng dalawang
oras. Alas tres naman ang dating ng mga estudyante rito.
“Mom. Dad. Dave and Seb. Kumusta kayo?” Tanong
ko. As if hindi nila ako tinatawagan gabi-gabi para kumustahin din sa bahay.
“Nasaan ang kapatid mo?” Tanong ni Mom.
Nagkibit-balikat na lang ako.
“You should send him money. Sasabay na lang daw
kila Reese, if… the wedding will still happen.” Malungkot kong tugon sa kanya.
“Son. Have faith. Malay mo naman? You still
don’t know where Riel is?” Ani Dad. Tumango na lang ako sa kanila.
“Magandang hapon po, Tito, Tita, Dave, Seb!”
“Magandang hapon po!”
Masayang bati sa kanila ng mga kasama ko.
Kabababa lang ata nila sa speed boat. Napalingon na lang kami sa kanila. Isa
isa naman silang pinasadahan ng tingin ng mga kausap ko.
“Oh! Mga bata! Kumusta ang byahe niyo?” Tanong
sa kanila ni Mama.
“Okay naman po.” Sagot ni Eli pagkatapos ay nagmano
sila isa-isa sa mga magulang ko.
Kasama ko sina Yuki, Ate Xynthia, Eli, Eri, at
Jasper. Susunod na lamang daw sina Brett. Inaantay pa kasi nila sina Tita
Ysabel. Isasama nila si Beegee, pero kailangan din nila ang magbabantay sa
kanya habang may ginagawa kami para sa immersion.
At bukas naman ang dating nila Josh and Riley.
“Kumain na ba kayo? May inihanda kami sa
resthouse para sainyo. Para mailagay niyo na rin ang mga gamit ninyo roon.
Let’s go?”
Agad na rin lang kaming sumunod sa kanila.
Nang makarating kami sa resthouse ay manghang
mangha sina Yuki at Ate Xynth sa kanilang nakikita. Sa veranda pa lang kasi ay
totoo namang mamangha ka.
Ang lawak ng dagat, ang mga islang abot tanaw
lang, ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ay talaga namang hindi
maikakailang masarap sa pakiramdam.
“Kain na muna kayo, bago kayo magliwaliw. You
still have two hours to do that, bago dumating ang mga seniors ng Arneyo. Tsaka
wala pa naman kayong masyadong gagawin ‘di ba? Ihahatid niyo lang sila sa host
families nila.” Pahayag ni Mom.
Kaya nagtungo na lang kami agad sa hapag.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa kusina
ay ang amoy ng ulam agad ang sumalubong sa akin. Paborito ko!
“Kare-kare!” Sigaw ni Eli. Napatingin tuloy ako
sa mesa. Meron nga! Tsaka chicken adobo!
“Parang may naalala ako sa mga ulam na ‘yan.
Nakakamiss din naman palang bumyahe thru bus, ‘no? Umasenso na kasi ang Arneyo,
kaya eroplano na ang sasakyan papunta rito.” Ani Yuki.
Yeah. I definitely remember that. Napangiti na
lang ako.
Pero napawi muli ‘yon nang maalala kong wala
‘yong nagluto no’ng mga ulam namin noon sa stop-over ng bus.
“About that, desisyon naman iyon ng mga magulang
ng mga estudyante. Sumang-ayon lang din kami kasi, mas mapapadali ang byahe at
iwas disgrasya rin.” Pagkaklaro ni Mom.
“Gagastos din lang naman daw sa matutuluyan
papuntang Maynila, bakit daw hindi na lang mag-eroplano para mabilis na
makapunta rito.” Dagdag pa niya.
“Oh? Kaya po pala.” Pagsang-ayon ni Ate Xynth.
“Ericka. Wala ka atang imik ngayon?” Untag sa
kanya ni Dave.
Umiling lang ito saka ngumiti.
“Jasper. ‘Wag kang mahihiya, ha?” Ani Dad para
sa kabanda ni Riel.
Tumango naman ito kay Dad.
Konting pangungumusta pa ang nangyari bago kami
nagsimula sa pagkain.
Unang subo ko pa lang sa Adobo ay natigilan agad
ako. Alam ko ang lasang ito! Napatingin naman ako kay Eli. Ganoon din ang
reaksiyon niya sa pagsubo ng Kare-Kare.
Nagkatinginan kami. With that, nakumpirma ko na
tama nga ang hinala ko.
“Mom. Sino po ang nagluto ng mga ulam ngayon?”
Agad na tanong ko kay Mom.
“Bakit?” Tugon niya. “Hindi ba masarap?”
Umiling lang ako sa kanya.
“Masarap po. Pamilyar lang po ang lasa nito.”
Tugon ko.
“Sabi ko na nga ba e! Parang ‘yong niluto ni
Riel noon! Immersion din natin no’n ‘di ba?” Singit ni Yuki.
Okay, hindi lang ako ang nakapansin no’n.
“Talaga? Si Seb ang nagluto ng mga ulam natin.”
Sagot ulit ni Mom.
Pinagtuunan ni Mom si Seb. “Seb! May resemblance
raw ang luto mo sa luto ni Riel. You’re really a good Chef!” Ani Mom.
“Thanks, Tita. Maybe it’s just a little
coincidence.” Tugon naman ni Seb.
“Hindi po kami pwedeng magkamali. It’s been
weeks since naging boarders kami ni Riel sa bahay niya. Palagi ko pong kinakain
ang mga luto niya.” Pangungumbinsi sa kanya ni Eli.
“Yes, Tita. It’s definitely, Riri’s cooking.”
Dagdag naman ni Eri.
Napakibit balikat na lang sa kanya si Mom.
“I’m sorry kung hindi ako sasang-ayon sainyo, ha?
Naroon ako noong niluto ni Seb ang mga ‘yan. I guess, miss na miss niyo na
talaga si Riel. I miss him too.” Ani Mom.
Lahat naman ng nasa hapag-kainan ay natigilan sa
sinabing iyon ni Mom.
May kasalanan ako sa parteng iyon e. I should’ve
told Riel about everything that night. Iyon ‘yong opportunity ko to tell him,
but then, I let the moment slip away.
Yes, it’s my damn fault why all of these things
are happening right now.
“Di ba sabi niyo, pupunta naman siya rito para
sa immersion. We should wait for him to be here. I’m sure miss na rin naman
kayo no’n. Let’s just hope for his safety.” Untag sa amin ni Mom.
Napatango na lang ang lahat sa kanya.
Si Dad, Dave at Seb ay wala ng imik.
Tahimik na lang kaming kumain. These foods
reminds me of him. I want to see him. Oh God! Please punish me for being so
foolish!
Nagpasya akong maglakad-lakad muna sa
dalampasigan. Namiss ko rin ang lugar na ito. Kumusta na kaya sila Nanay?
Mamaya, makikita ko naman sila. Isa sila sa mga host families ulit ngayong
year.
Mistulang naestatwa ako sa aking kinatatayuan
nang makita ang imahe ng dalawang pamilyar sa akin.
Magkahawak kamay silang dalawa.
Itutuloy…
Naku Red. Lintik lang ang walang ganti. Hehehe. Maganda ito Mr Author. Bigyan ng leksyion so Red. Thanks sa update.
ReplyDeleteJusko akala ko magkakausap na sila makakabitin ng sobra as in sobra hahaha pero ok lang at least ngayon nakita nya na ang hinahanap nya sana maiyak ng lalo si Red haha sana halikan ni Zeke si Riel sa lips para tagusan ang sakit kay Red hahahahahaha!!!
ReplyDeleteGood Job mr.author galing mo talaga at dun sa nagsabing boring ang story mo na ito isa syang walang kwentang tao kaya wag mo na syang pagtuunan ng pansin. Okay? :))
Sana mas mahaba yung next update pero pls wag mo munang tapusin kahit hanggang chapter 40 pls pls! Haha
-44
Again this is ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️... Cant wait sa next chapter nito. Hahahaha thanks author.. 😘😘😘
ReplyDeleteWow naman nakaka kilig at excite ang amngyayari sa susunod na chapter na ito..... Hope mappst agad ni juya rye., hehehehhehe.... Nice flow of story authors
ReplyDeleteJharz
It's payback time. Ano kaya ang gagawin ni Red? Next chapter na pls.
ReplyDeleteAyan na si karma Red. Pero swerte ka pa rin, kasi yung isang taon na sakit na naramdaman ni Riel, ilang araw mo lang mararamdaman.
ReplyDeleteSalamat sa update author kahit binitin mo ako :-)
Brix
Kent weyt kung paano umiyak si Red.
ReplyDeleteBwahuahuahuahuahuahuahuahuahua!
LoL! :v
- Sichem
Ano ka ngayon Red maghahalo na ang balat sa tinalupan. Habaan mo ang prank nyo ni Zeke, Riel! Para malaman niya kung gano kasakit XD
ReplyDeleteOi auth0r part 32 na. BITIN.
ReplyDeleteFeeling ko etong si red mawawala sa wisyo sa nakita nya. Haha. Masasampal ko to si red e hahahaha.
ReplyDelete-yeahitsjm