Followers

Tuesday, March 3, 2015

Love Is... Chapter 31



AUTHOR’S NOTE: So heto na naman ang boring na update! Yey! Lol!

WARNING: Sa mga ayaw ng basahin itong akda ko. ‘Wag na kayong magtangka pa. Baka sabihin niyo na namang kesyo ganito, kesyo ganyan. Nakakasawa na e. Boring pala, bakit niyo pa binabasa?

Maraming salamat pa rin sa binibigay ninyong opportunity, Sir MIKE at Sir PONSE! Hinding-hindi ko po matatawaran ang inyong kabaitan!

Sa mga co-RA’s ko, BLUE, VIENNE, COOKIE CUTTER, CRAYONBOX, APPLE GREEN, SEYREN, ROGUE, PRINCE JUSTIN, and AXEL, kaway-kaway!

RYESTERS, KA-BLUEs, BTBBC! Hello!

Salamat pa rin sa mga readers, commentators, and critics. SICHEM, 44, BHARU, MICHITO, JHARZ, DAVE, YEAHITSJM, BRIX, AVID_READER, IHNO SANSENIN, maraming salamat! Napasaya niyo ako. At sa nag-iisang ANONYMOUS, depende po sa ikocomment mo kung magagalit ako. Lol! :3

Syempre kay BAESTFRIEND RED na walang sawang nag-i-edit ng mga update ko. At kay PINUNONG BLUE sa moral support and inspirasyon sa pagsusulat, sorry din ng marami kung hindi ko pa nababasa ‘yong JFAM. Peace! Maraming salamat!

So… pagtiyagaan niyo muna ito. I’ll be posting the next chapter ASAP. Pakiantay na lungs!

So there! Enjoy! :)


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV | XVI | XVII
XVIII | XIX | XX | XXI | XXII


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Crayonbox’s Starfish (On-going)
Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Axel De Los Reyes’ Love Game (Upcoming)
Seyren Windor’s Loving You… Again (On-going)
Bluerose Claveria’s Just For A Moment (On-going)
Prince Justin Dizon’s Me And My Rules (On-going)
Rouge Mercado’s Way Back Into Love 2 (On-going)
Vienne Chase’s Strings From The Heart (On-going)
Apple Green’s (Jace Page) The John Lloyd Diary (Ongoing)
Apple Green’s (Jace Page) The One That Got Away (Upcoming)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)


CHAPTER XXXI


Riel’s POV

Pumalaot kami nina Mama papuntang bayan para magsimba. Linggo ngayon at isang araw na lang ang hihintayin ko para makita ko ulit si Red. Excited na ako!

Susunduin na rin pala namin sina Dave at Seb.

Kaya pala nakita kong nakahawak si Dave noon sa braso ng kaklase ko’y dahil sila pala talaga ang tunay na magkasintahan. Bakit kaya pumayag si Seb na magpanggap ang kasintahan niya, bilang kasintahan ng gagong Red na ‘yon?

Oh well, papel!

Si Seb naman, tapos na sa pagkoculinary. I mean, chef na siya. Although, sa Amerika siya nakabase dahil sa restaurant na itinayo nila ng kanyang pamilya.

Lahat ng mga detalyeng ‘yon, nalaman ko no’ng gabing ‘yon.

At least, isa-isa nang lumilinaw lahat sa akin. I know it’s weird to accept things that easy, pero… nangyari na, tinanggap ko ng maluwag sa aking kalooban.

Nang malaman ko iyon ay gumaan agad ang pakiramdam ko. I’m not the old Riel na, nagtatanim ng galit sa isang taong nakagawa sa akin ng kasalanan. Nagbago na ako.

And it’s Red… my Jared Isaiah Ariola.

Pagkatapos ng misa ay agad na kaming pumunta sa airport para salubungin ang dalawa. Wala pa silang alam na naririto na ako. Na alam ko na ang lahat. Si Zeke kasi hindi naman sumama sa amin dahil hahanapin niya raw si Alvin.

Malaki nga talaga ang tama ng isang iyon sa dati kong kaklase.

Ilang minuto na lang ang hinihintay namin sa pagdating ng dalawa.

Abala si Papa sa pagsagot ng mga tawag sa kanya galing sa Naga. Samantalang si Mama naman ay nakasandal sa aking balikat.

“Masaya talaga akong hindi ka nagalit sa amin, despite of what we did. Ang swerte ng anak ko sa’yo. Ang swerte namin.” Aniya.

“Mama. Maswerte rin naman po ako kay Red, hindi lang talaga siya kompyansa sa sarili niya. Lagot talaga ‘yon sa akin! Sa inyo rin po, hindi ko po naramdaman na wala na akong pamilya dahil ipinaparamdam niyo sa akin na isa ako sainyo. I still feel that I have a family to lean on.” Tugon ko.

Hinawakan niya lang ang kamay kong nakapatong sa aking hita. May sasabihin pa sana siya nang namataan na namin ang dalawa.

Gaya noong nakita ko silang intimate sa isa’t isa do’n sa bar, ‘yon din ang nakikita ko ngayon. Hindi pa nila kami napapansin kasi, parang wala silang pakialam sa mga tao sa paligid nila.

“Dave! Sebastian!” Tawag sa kanila ni Mama.

Tumayo ito at gano’n na rin ang ginawa ko. Nakita ko rin na nasa tabi na namin si Papa habang nagpapaalam sa kanyang kausap.

“Tita—.” Masaya niya sanang tawag kay Mama, ngunit natigilan siya nang makita ako.

Agad niyang binitawan ang kasintahan at nagkunwaring walang nangyayari sa kanilang dalawa. Ngumiti lamang ako sa kanya. Gano’n rin ang ginawa ni Seb sa akin.

Nang makalapit sila’y ang nagtatanong na mata ni Dave ang sumalubong kay Mama. As if hindi nila ako rito kasama.

“Don’t worry, Dave. Alam na ni Riel ang lahat. You can act as lovey dovey all you want with your boyfriend.” Natatawang tugon sa kanya ni Mama.

Nagtatanong pa rin ang mga mata nito, pero dahil lang sa isang tango ng mag-asawa sa kanila’y nakakuha ito ng kasagutan. Napahawak naman ito sa kanyang dibdib at napabuntong hininga.

“Argh! Akala ko’y sisintensyahan na ako!” Aniya saka pumulupot ulit sa braso ng kasintahan. “Alam na po ba ito ni Red?” Dagdag niya na palipat-lipat ang tingin sa aming tatlong nasa harap nila.

“Hindi pa.” Ako na ang sumagot. “May parusa pa iyon sa akin e.” Dagdag ko saka ngumiti.

“Now, this is getting more exciting.” Ani Mama. “Pero, light na prank lang, ha? Ayoko nang magkahiwalay ulit kayo. I won’t let that happen again! Kung kailangan ko kayong ipadala sa isang isla para makapag-usap kayo nang maayos, gagawin ko.”

“Akala ko ba gusto mong bigyan ng leksyon ang anak mo?” Tanong ni Papa sa kanya.

“Oo nga, kaso… Ay ewan!” Sagot ni Mama.

“Hindi po, Mama. Ako na ang bahala.” Assurance ko sa kanya.

Nakaisip na ako nang paraan. Kakailanganin ko ang tulong ni Zeke pagnakarating na sila rito.

Pinanatili namin ang sekretong ito maging sa mga malapit sa amin na nasa Naga. Wala na dapat mainvolve pa rito. Ako lang naman at si Red ang kailangan. Although, kailangan ko rin si Zeke para matagumpay na maisagawa ang plano.

Kami-kami na lang. Hahayaan ko munang may ilang sa akin ang lahat dahil sa paglayo ko ilang araw na ang nakalilipas.

Pagkarating namin sa isla ay agad akong nagpaalam para bisitahin muli ang pamilya Aquino. Nabisita ko na sila noong Biyernes at Sabado. Palagi ngang pinagkakaabalahan nina Nanay Mel at Tatay Fred ang pagbisita ko roon.

On my way there, nakita ko si Zeke at hindi ako pwedeng magkamali sa kanyang kasama. It’s Alvin! Ayoko mang mang-usisa, pero… hindi ko na napigilan ang aking mga paa. Lol!

Mabilis akong nagtago sa isang puno ng niyog saka pinakinggan ang kanilang pinag-uusapan. Alam kong masamang mag-eavesdrop sa pribadong pag-uusap, pero, heto na ako e. Tsaka, hindi pa malinaw sa akin ang lahat ng tungkol sa kanilang dalawa.

“So… sa loob ng isang taon, magkasama lang pala tayo sa iisang paaralan ng hindi ko nalalaman?” Mariing sambit ni Zeke.

Nakita kong tumango naman sa kanya si Alvin. Nakatingin ito sa malawak na karagatan. Mabuti na lamang at nasa likuran na parte nila ako. Hindi pa naman nila ako napapansin rito.

“Why do you care?” Marahang sagot sa kanya ni Alvin.

“What the fuck? Alam mo bang para akong gagong naghihintay gabi-gabi sa bar para sa’yo? Dahil sa’yo hindi ko na kilala ang sarili ko!” Aniya tsaka nagkamot ng ulo. “I am in love with you.” Mas mahinahon niyang pagpapahayag.

Malaki nga ang tama ng isang ito kay Alvin. Posible kaya ‘yon? Na dahil lang sa isang gabing ‘yon, naging malaki na ang epekto noon sa pagkatao ni Zeke?

Sa bagay, may mga instances naman talaga na gano’n.

May mga tao lang na pinanghahawakan ang sariling prinsipyo. Kakalimutan ang hindi dapat at ang mga nangyari, at pipilitin na lang na magpatuloy sa buhay.

Para sa akin, ang mga taong ganoon ang pananaw sa buhay ay kahit makuha nila ‘yong gusto nilang mangyari, hinding-hindi pa rin iyon masasabing satisfaction.

“You’re kidding right? It’s just a one night stand! Paano ka na-in love sa akin sa isang gabi lang? Paano mangyayari ‘yon? Ang isang Ezekiel Yamson ay hindi ganyan. Maprinsipyo kang tao.” Ani Alvin.

Pero halata sa kanyang nagsisinungaling siya. It’ll be bad if Zeke will buy that lie.

Oh! I hate this talent of mine!

“One night stand, you say? Just a fucking one night stand?! Kaya nga sa one night stand na iyon ako nagbago. Lagi kitang naiisip. I can’t remember to forget you. Besides, I can change my fucking principles if I want to!” Tumaas na naman ang boses ni Zeke.

Oh come on, Zeke! Nagsisinungaling siya! Bakit bumenta ‘yon sa’yo!

Nag-iwas lang ng tingin sa kanya si Alvin tsaka tumango ulit at napabuntong-hininga.

He’s trying his best to get rid of the feelings he has with Zeke. Ang hirap kayang magtago ng nararamdaman. Baka nga pagnagkita kami ni Red bukas ng hapon ay hindi ko na maituloy ang plano namin! Argh! Sana’y makapagpigil ako!

Kating-kati na akong batuhin si Zeke, just for him to realize na hindi naman totoo ang mga sinasabi ni Alvin sa kanya. Na ayaw niya lang umamin.

Kakausapin ko na lang si Zeke mamaya. Kailangan ko nang pumunta kila Nanay Mel. Gustuhin ko mang manghimasok sa pag-uusap nila’y hindi ako parte no’n. It’s better to let them talk about it.

Nang makarating ako sa bahay ng mga Aquino ay wala akong nadatnan doon. Sabi ng kapitbahay nilang si Aling Magda ay maaga raw pumunta ng bayan kanina dahil may susunduin raw sila roon.

Naisipan kong bumalik sana kung nasaan si Zeke at Alvin, pero wala na sila do’n nang makabalik ako.

Oh well, papel!

Kaya ang nagawa ko na lang ay ang umuwi sa resthouse. Buong hapon ding wala sina Mama at Papa. Sabi nila Dave at Seb ay pumunta raw sila sa Amanpulo to do something important.

Hayst! ‘Yong dalawa naman, gustong maglibot-libot dito sa isla, kaya hinayaan ko na lang.

Kaya natulog na rin lang ako.

Nagising ako dahil sa pagtawag sa akin ni Mama.

Pagtingin ko sa aking orasan sa iPod ay mag-aala siete na rin pala. Wow! Limang oras akong tulog! Edi meow!

“Let’s eat?” Aniya.

Tumango na lang ako sa kanya.

Nang nasa hapag-kainan na ay doon ulit nagsimula ang pag-uusap namin tungkol sa gagawing plano. Nagkwento rin si Mama nang mga ginawa nila sa Amanpulo. Humingi nga rin siya ng paumanhin kung bakit hindi niya kami naisama.

Naintindihan ko naman ang rason doon. Lakad nilang mag-asawa ‘yon e. Bakasyon nilang dalawa, kaya’t kailangan din nilang magliwaliw.

Si Zeke? Walang imik sa hapag-kainan hanggang sa matapos kami. Tinatanong ko nga paminsan-minsan tungkol sa plano namin para bukas, tanging tango, ‘oo, at hindi’ lamang ang sagot nito.

Seriously? We’re not playing ‘Pinoy Henyo’ here. Argh!

“Anong problema mo? Si Alvin, gano’n?”

Napatingin na lang ito sa akin galing sa pagkakatitig nito sa kalangitang punong puno ng bituin. Naroon din nakasilip ang crescent moon na parang ngiting umabot hanggang tenga sa pagkakakurba nito.

Umupo ako sa upuang nasa harap niya at pagkatapos ay niyakap ang sarili. Nakasuot na ako ng jacket, pero nilalamig pa rin ako.

Pero, ang sarap damhin ng hangin sa dagat. Malinis, refreshing.

Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay tsaka ipinatong doon ang kanyang baba. Deep thoughts can be read in his eyes.

“Ano na, Yamson? Hanggang doon ka na lang ba?” Untag ko ulit sa kanya.

“What do you mean?” Tugon niya.

“Nakita ko kayo kanina, and did some eavesdropping also. Naniwala ka sa mga sinabi ni Alvin sa’yo? Napakaunusual, huh?”

Napailing na lang ito sa akin.

“Usisero na rin pala ang isang Gabriel Dela Rama?” Aniya saka tumawa ng payak.

“Don’t get me wrong, okay? I just want some clues about you and Alvin. Tsaka hindi naman ako tumagal doon. Hanggang doon lang ako sa pag-amin mo na in-love ka na sa kanya.” Pagpapaliwanag ko. Nagkibit balikat pa ako to convince him.

“Umalis na siya kanina. Sabi niya he’ll be back, para sa mini concert niyo sa last day ng immersion.”

“Oh? Talaga? Hindi ko alam na fan pala ng banda namin si Alvin.”

“Sort of. Sabi niya, he needs to see that Jasper Halili, raw. Sino ba kasi ‘yong taong ‘yon sa buhay niya?” Frustrated na tanong niya.

“I don’t know. Hindi ko naman sila masyadong nakikita ni Jas magkasama sa school noon e. I’ll ask Jasper, tomorrow.”

Nagulo niya na lang ang kanyang buhok.

“Wooh! Selos ka ‘no? Sa tingin ko, mas gwapo pa ‘yon sa’yo.” Panunuya ko sa kanya. With matching pagsusuri pa sa kanyang mukha saka katawan.

Inilagay ko pa ang mga daliri kong nakacheck sa aking baba at tumango-tango. That’s what you call evaluating. Lol!

Napailing na lang ito sa akin.

Hmmm. Simpleng tao lang si Jasper e. Gwapo siya, maganda rin ang pangangatawan. Masasabi kong total opposite niya itong si Zeke.

Ano nga kayang meron sa kanila ni Alvin? Hmmm…

“Alam ko na nagsisinungaling siya. Alam kong pareho kami ng pananaw sa one night stand na iyon.” Aniya.

“Bakit hinayaan mong gano’n ang mga sagot niya sa’yo?” Tanong ko.

E gano’n naman pala, bakit niya pinatulan ‘yon? Peg-ebeg nge nemen!

“You should sleep. Handa ka na ba, bukas?” Tanong niya.

“Sabihin mo, ayaw mo lang akong kausap! Sana sinabi mo kaagad, madali ko naman ‘yong maiintindihan e!”

“I just need to think, alone… I guess…”

“Alam ko naman ‘yon. So… Hindi na ako magtatanong kong gaano ka kabaliw doon sa tao. We’re sailing the same boat.” Napailing na lang ito sa akin saka ngumiti. “About sa gagawin natin bukas, handa na ako. Excited na nga ako e. Ikaw ba?” Tugon ko sa kanya.

“Nakahanda na ang pisngi ko, saka ang parte ng katawan ko para sa mga suntok sa akin ng kaibigan ko.” Aniya.

“No worries! Kapag mangyari man ‘yon. Papagitna ako sainyo. Kasama ‘yon sa plano ‘di ba?”

Tumango na lang ulit ito sa akin. I guess, I need to leave him alone. Kailangan niya pa ng mahaba-habang pag-iisip.

“O siya! Ohayasumi nasaimasu! Ii yume mitene! Gambattene! Kakakawaii!” Lol!

“Anong ibig sabihin no’n?” Aniya habang tumatawa.

“Hahaha! Simpleng Good mornight lang namin ‘yon ni Joshy! Lol! O siya! Pagbutihin mo ang pag-iisip mo.”

“Tss. Matulog ka na nga!”

“Oo na! Oo na!”

Kaya iniwan ko na lang siya mag-isa doon sa veranda.

Sana maliwanagan na siya. Kahit ilang araw pa lang kaming nagkakasama niyan. Naramdaman ko naman na hindi mahirap kaibiganin si Zeke.

Namangha nga ako na sa kabila ng kanyang maangas at matigas na personalidad noong high school, ay mayroon din palang lambot na naroroon.

Sabi ko nga sa kanya, being tough, isn’t just being tough. I’ve been there also. Na kahit, pinapakita mo sa lahat na matapang ka, sa huli, pare-pareho lang tayong nasasaktan.


Dave’s POV

Nagulat talaga ako no’ng nakita ko si Riel kasama nila Tita. Nagpanic kaya kami no’ng sinabi sa amin ni Red na umalis siya ng hindi nagpapaalam. Although, nabunutan ako ng tinik, dahil okay naman siya, kinabahan din ako kasi, hindi ko pa alam na sinabi na sa kanya ang lahat.

Papunta kami ngayon ni Seb sa kwarto nila Tita Helena at Tito Armando para pag-usapan ang tungkol sa mangyayaring kasal. They’re preparing all the things needed sa Amanpulo dahil naandito ngayon si Riel.

Red has separate plans for the proposal, kaya hindi na namin iyon pinoproblema. All we have to do is wait and see.

Nang makarating kami sa kwarto nila’y agad na lang akong kumatok doon.

“Pasok!” Dinig kong sigaw ni Tita.

Kaya agad ko na rin lang pinihit ang doorknob ng pinto nila.

“Hi Tita, Tito!” Masaya kong bati sa kanila. Para lang hindi kami nagkasama sa hapagkainan kanina.

“Dave, Seb! Upo kayo.” Aniya sabay pagpag sa bakanteng mauupuan sa tabi niya.

Tumayo si Tita tapos tumabi sa sofa kung nasaan si Tito kaya’t doon naman kami naupo ni Seb sa sofang inuupuan niya kanina.

“Kumusta na po ang preparation, Tita?”

“Okay naman. Konti na lang at matatapos na rin ‘yon. Sorry kung hindi namin kayo naisama kanina, baka kasi maghinala si Riel e.”

“Okay lang po, Tita. Besides, nakapagliwaliw naman kami ni Seb kanina. ‘Di po ba, dito sa isla ang kasal? Paano po iyon?” Hindi ko kasi mahanapan pa ng sagot kung paano nga iyon. Dadalhin dito ang Amanpulo rito, gano’n?

“Well, doon lang kami nakikipagkita sa organizer. That’s not until next week pa naman e. Nagpareserve rin kasi kami ng Villa doon for Red and Riel, habang nag-aayos dito for their wedding.” Tugon ni Tita sa akin.

Napatango na lang ako. They’re very supportive.

“Besides, kailangan pa nating hintayin ang mangyayari sa dalawa. Ang pagkikita nila bukas ang magsasabi kung anong gagawin nating susunod na hakbang.” Dagdag pa niya.

Tumingin ito kay Seb. “Chef, ikaw na ang bahala sa mga pagkain. May mga nakausap na kami para tumulong sa’yo.” Aniya.

“No problem, Tita.” Tugon naman ni Seb saka ngumiti.

“Then, ang kailangan na lang pala nating gawin ay ang magpanggap na walang alam until the big day arrives.” Anunsyo ko sa kanila.

Nagkangitian na lang kami sa bawat isa.


Riel’s POV

Masaya akong sinalubong ang umaga. This is the day! Mamayang hapon ay nandito na sila!

“Masaya ka ata ngayon, anak?” Pagpansin sa akin ni Mama. “Excited ka ng makita si Red ‘no?”

Napangiti na lang ako sa kanya.

“Pwede mo ba kaming ipagluto ng almusal ngayon?”

Tumango na lang ako sa kanya.

Masaya akong nagtungo sa kusina ng resthouse. Si Seb kasi ang laging nagluluto simula noong pagkarating nila rito.

Inihanda ko na lang ang mga lulutuin ko.

Gumawa ako ng omelet. Nang maluto ay pinagpira-piraso ko ito sa maliliit na cubes, itinabi ko muna ito.

Ginisa ko ang bawang sa mantika. Hinaluan ko rin ito ng minced carrots hanggang sa ang kulay nito’y humalo sa mantika. Inilagay ko ang kanin tsaka hinalo itong mabuti para ang kulay ng mantika ay humalo rito.

Ang sayang magluto! Lol!

Nang maibahagi na ang kulay ng mantika sa kanin ay inilagay ko ang omelet na niluto ko kanina roon. Konting asin, at luto na ang sinangag namin.

Para sa ulam naman ay simpleng ham, hotdog, at sunny side-up ang ginawa ko. Gumawa rin ako ng tsokolate para sa maiinom namin.

“Marunong ka palang magluto?” Parang manghang-mangha na tanong ni Zeke.

“Ay hinde! Culinary Arts nga ang kurso ko ‘di ba? Tss.” Tugon ko.

“Di nga?” Aniya. Nanunuya pa.

Inirapan ko na lang ito.

“Ito naman! Binibiro lang e!” Aniya saka tumawa.

“Tse! Mag-ayos ka na sa mesa. Kakain na tayo!”

“Opo!” Tugon niya naman.

Ke-aga-aga e, nang-iinis!

Nasa hapagkainan na kami ngayon at nagkukwentuhan na ulit.

“Namiss namin ang luto mo, Riel.” Ani Mama.

“Naku, Ma. Sinangag lang po ‘yong sariling recipe ko riyan.” Tugon ko.

“Wushu! Humble pa more!” Panunuya naman ni Zeke. Pinadilatan ko na lang siya.

“Balak ko po sanang magluto mamaya.” Anunsyo ko sa kanila.

“Sige ba! Para kay Red ‘no? What about the plan?” Tanong naman ni Dave.

“Yon nga. ‘Di ba, 12NN ang dating ng mga facilitators dito?” Tanong ko.

Tumango naman ang mga ito sa akin. Kaya inexplain ko sa kanila ang mangyayari.

Nang makapagluto ako for lunch, ay inihanda na namin ni Zeke ang aming mga gamit para makaalis na sa resthouse. Nakiusap ako kila Nanay Mel at Tatay Fred kung pwede muna naming ipatago ang aming mga gamit roon.

May bisita rin kasi sila, kaya’t hindi na kami mang-aabala pa. Ngayong hapon lang naman ‘tong plano e. Kaya babalik din kami ni Zeke mamayang gabi ro’n sa resthouse.

Kung hindi man ito matagumpay, ay papakiusapan niya raw ‘yong host family nila last year. Tutal ay maliit na pamilya lang naman daw iyon.

“Good luck, anak! Sana mapaiyak mo ang anak namin.” Ani Mama na natatawa.

“Sana nga po. Depende sa iaakto namin ni Zeke sa harap niya.” Nakitawa na rin ako.

“Kaya kong paiyakin si Red, kung ‘yan ang gusto mo.” Seryosong saad ni Zeke.

“Paano mo naman gagawin ‘yon?” Nagtatakang tanong ko.

Itinaas niya lang ang isang kilay tsaka tinitigan ako ng mabuti.

Hmmm. Ano kaya? Napaisip din tuloy ako.

“Payag ka ba?” Tanong niya. “It’s all up to you. Nothing’s personal. Just for him to cry.” Aniya saka ko nasilayan ang malademonyo niyang ngiti.

Parang alam ko na ang gagawin niya.

“No. No. No. No!” Napailing na lang ako sa naisip kong gagawin niya.

“Bakit ano ‘yon, iho?” Tanong ni Mama sa kanya.

“Well… alam niyo po ang pwedeng magpaiyak kay Red.”

Tumango naman si Mama na parang nakuha niya ang gustong sabihin ng mokong na si Zeke. What the hell?! Papayag siyang gawin namin ni Zeke iyon, para lang mapaiyak ang anak niya? Sabagay. Pero… Argh! I don’t know! It’s tempting! Lol!


Red’s POV

Nagbalik lahat ng alaala nang maiapak ko ang mga paa ko sa buhangin ng isla kung saan kami noon naging isa ni Riel.

Malinis na hangin. Malawak na karagatan. Kulay berdeng mga puno’t halaman. Magagandang ngiti ng mga kabataang naglalaro sa dalampasigan.

It’s good to be back!

Pero, kulang ang pagbabalik ko rito.

We still don’t know kung nasaan si Riel. Although sabi niya nga kila Eli, ay pupunta siya rito for the immersion.

“Red!”

Nakita ko na lang sina Mama, Papa, Dave at Seb na sinasalubong kami. Nauna kaming mga facilitator ng immersion ng dalawang oras. Alas tres naman ang dating ng mga estudyante rito.

“Mom. Dad. Dave and Seb. Kumusta kayo?” Tanong ko. As if hindi nila ako tinatawagan gabi-gabi para kumustahin din sa bahay.

“Nasaan ang kapatid mo?” Tanong ni Mom.

Nagkibit-balikat na lang ako.

“You should send him money. Sasabay na lang daw kila Reese, if… the wedding will still happen.” Malungkot kong tugon sa kanya.

“Son. Have faith. Malay mo naman? You still don’t know where Riel is?” Ani Dad. Tumango na lang ako sa kanila.

“Magandang hapon po, Tito, Tita, Dave, Seb!”

“Magandang hapon po!”

Masayang bati sa kanila ng mga kasama ko. Kabababa lang ata nila sa speed boat. Napalingon na lang kami sa kanila. Isa isa naman silang pinasadahan ng tingin ng mga kausap ko.

“Oh! Mga bata! Kumusta ang byahe niyo?” Tanong sa kanila ni Mama.

“Okay naman po.” Sagot ni Eli pagkatapos ay nagmano sila isa-isa sa mga magulang ko.

Kasama ko sina Yuki, Ate Xynthia, Eli, Eri, at Jasper. Susunod na lamang daw sina Brett. Inaantay pa kasi nila sina Tita Ysabel. Isasama nila si Beegee, pero kailangan din nila ang magbabantay sa kanya habang may ginagawa kami para sa immersion.

At bukas naman ang dating nila Josh and Riley.

“Kumain na ba kayo? May inihanda kami sa resthouse para sainyo. Para mailagay niyo na rin ang mga gamit ninyo roon. Let’s go?”

Agad na rin lang kaming sumunod sa kanila.

Nang makarating kami sa resthouse ay manghang mangha sina Yuki at Ate Xynth sa kanilang nakikita. Sa veranda pa lang kasi ay totoo namang mamangha ka.

Ang lawak ng dagat, ang mga islang abot tanaw lang, ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ay talaga namang hindi maikakailang masarap sa pakiramdam.

“Kain na muna kayo, bago kayo magliwaliw. You still have two hours to do that, bago dumating ang mga seniors ng Arneyo. Tsaka wala pa naman kayong masyadong gagawin ‘di ba? Ihahatid niyo lang sila sa host families nila.” Pahayag ni Mom.

Kaya nagtungo na lang kami agad sa hapag.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa kusina ay ang amoy ng ulam agad ang sumalubong sa akin. Paborito ko!

“Kare-kare!” Sigaw ni Eli. Napatingin tuloy ako sa mesa. Meron nga! Tsaka chicken adobo!

“Parang may naalala ako sa mga ulam na ‘yan. Nakakamiss din naman palang bumyahe thru bus, ‘no? Umasenso na kasi ang Arneyo, kaya eroplano na ang sasakyan papunta rito.” Ani Yuki.

Yeah. I definitely remember that. Napangiti na lang ako.

Pero napawi muli ‘yon nang maalala kong wala ‘yong nagluto no’ng mga ulam namin noon sa stop-over ng bus.

“About that, desisyon naman iyon ng mga magulang ng mga estudyante. Sumang-ayon lang din kami kasi, mas mapapadali ang byahe at iwas disgrasya rin.” Pagkaklaro ni Mom.

“Gagastos din lang naman daw sa matutuluyan papuntang Maynila, bakit daw hindi na lang mag-eroplano para mabilis na makapunta rito.” Dagdag pa niya.

“Oh? Kaya po pala.” Pagsang-ayon ni Ate Xynth.

“Ericka. Wala ka atang imik ngayon?” Untag sa kanya ni Dave.

Umiling lang ito saka ngumiti.

“Jasper. ‘Wag kang mahihiya, ha?” Ani Dad para sa kabanda ni Riel.

Tumango naman ito kay Dad.

Konting pangungumusta pa ang nangyari bago kami nagsimula sa pagkain.

Unang subo ko pa lang sa Adobo ay natigilan agad ako. Alam ko ang lasang ito! Napatingin naman ako kay Eli. Ganoon din ang reaksiyon niya sa pagsubo ng Kare-Kare.

Nagkatinginan kami. With that, nakumpirma ko na tama nga ang hinala ko.

“Mom. Sino po ang nagluto ng mga ulam ngayon?” Agad na tanong ko kay Mom.

“Bakit?” Tugon niya. “Hindi ba masarap?”

Umiling lang ako sa kanya.

“Masarap po. Pamilyar lang po ang lasa nito.” Tugon ko.

“Sabi ko na nga ba e! Parang ‘yong niluto ni Riel noon! Immersion din natin no’n ‘di ba?” Singit ni Yuki.

Okay, hindi lang ako ang nakapansin no’n.

“Talaga? Si Seb ang nagluto ng mga ulam natin.” Sagot ulit ni Mom.

Pinagtuunan ni Mom si Seb. “Seb! May resemblance raw ang luto mo sa luto ni Riel. You’re really a good Chef!” Ani Mom.

“Thanks, Tita. Maybe it’s just a little coincidence.” Tugon naman ni Seb.

“Hindi po kami pwedeng magkamali. It’s been weeks since naging boarders kami ni Riel sa bahay niya. Palagi ko pong kinakain ang mga luto niya.” Pangungumbinsi sa kanya ni Eli.

“Yes, Tita. It’s definitely, Riri’s cooking.” Dagdag naman ni Eri.

Napakibit balikat na lang sa kanya si Mom.

“I’m sorry kung hindi ako sasang-ayon sainyo, ha? Naroon ako noong niluto ni Seb ang mga ‘yan. I guess, miss na miss niyo na talaga si Riel. I miss him too.” Ani Mom.

Lahat naman ng nasa hapag-kainan ay natigilan sa sinabing iyon ni Mom.

May kasalanan ako sa parteng iyon e. I should’ve told Riel about everything that night. Iyon ‘yong opportunity ko to tell him, but then, I let the moment slip away.

Yes, it’s my damn fault why all of these things are happening right now.

“Di ba sabi niyo, pupunta naman siya rito para sa immersion. We should wait for him to be here. I’m sure miss na rin naman kayo no’n. Let’s just hope for his safety.” Untag sa amin ni Mom.

Napatango na lang ang lahat sa kanya.

Si Dad, Dave at Seb ay wala ng imik.

Tahimik na lang kaming kumain. These foods reminds me of him. I want to see him. Oh God! Please punish me for being so foolish!

Nagpasya akong maglakad-lakad muna sa dalampasigan. Namiss ko rin ang lugar na ito. Kumusta na kaya sila Nanay? Mamaya, makikita ko naman sila. Isa sila sa mga host families ulit ngayong year.

Mistulang naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang makita ang imahe ng dalawang pamilyar sa akin.

Magkahawak kamay silang dalawa.



Itutuloy…

10 comments:

  1. Naku Red. Lintik lang ang walang ganti. Hehehe. Maganda ito Mr Author. Bigyan ng leksyion so Red. Thanks sa update.

    ReplyDelete
  2. Jusko akala ko magkakausap na sila makakabitin ng sobra as in sobra hahaha pero ok lang at least ngayon nakita nya na ang hinahanap nya sana maiyak ng lalo si Red haha sana halikan ni Zeke si Riel sa lips para tagusan ang sakit kay Red hahahahahaha!!!

    Good Job mr.author galing mo talaga at dun sa nagsabing boring ang story mo na ito isa syang walang kwentang tao kaya wag mo na syang pagtuunan ng pansin. Okay? :))

    Sana mas mahaba yung next update pero pls wag mo munang tapusin kahit hanggang chapter 40 pls pls! Haha

    -44

    ReplyDelete
  3. Again this is ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️... Cant wait sa next chapter nito. Hahahaha thanks author.. 😘😘😘

    ReplyDelete
  4. Wow naman nakaka kilig at excite ang amngyayari sa susunod na chapter na ito..... Hope mappst agad ni juya rye., hehehehhehe.... Nice flow of story authors


    Jharz

    ReplyDelete
  5. It's payback time. Ano kaya ang gagawin ni Red? Next chapter na pls.

    ReplyDelete
  6. Ayan na si karma Red. Pero swerte ka pa rin, kasi yung isang taon na sakit na naramdaman ni Riel, ilang araw mo lang mararamdaman.

    Salamat sa update author kahit binitin mo ako :-)

    Brix

    ReplyDelete
  7. Kent weyt kung paano umiyak si Red.
    Bwahuahuahuahuahuahuahuahuahua!
    LoL! :v

    - Sichem

    ReplyDelete
  8. Ano ka ngayon Red maghahalo na ang balat sa tinalupan. Habaan mo ang prank nyo ni Zeke, Riel! Para malaman niya kung gano kasakit XD

    ReplyDelete
  9. Oi auth0r part 32 na. BITIN.

    ReplyDelete
  10. Feeling ko etong si red mawawala sa wisyo sa nakita nya. Haha. Masasampal ko to si red e hahahaha.

    -yeahitsjm

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails