Author's note...
Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!
Pasensya na po pala sa mga nag-aabang at sa mga hindi nag-aabang. Na-delay na naman ako dahil sa ilang dahilan na ayoko ng idahilan at baka nagpapalusot lang ako. Well, ang chapter na ito ay magiging bitin dahil isa po itong Side Story ni Kurt Lee. At dahil dito, expect na medyo mapapabilis ko ang pag-a-update. Sensya na po talaga.
Blue, Learning To Love Again by Bluerose... again. Ang pangalawang istorya sa parang Phase 1 ng Bluerose Universe pagkatapos ng Bliss. Dito nakilala sila Aldred, Blue, Chris, at Geo. Dahil baka may nagbabasa pa ng kwento, ayoko na muna mag-spoil pero maganda ang storya dahil sa walang hanggang pagmamahal ni Aldred kay Blue. Kahit na nagkahiwalay daw sila, ipinaglaban ni Aldred ang pagmamahal niya at nangangakong si Blue lang hanggang wakas.
Pasensya na po pala sa mga nag-aabang at sa mga hindi nag-aabang. Na-delay na naman ako dahil sa ilang dahilan na ayoko ng idahilan at baka nagpapalusot lang ako. Well, ang chapter na ito ay magiging bitin dahil isa po itong Side Story ni Kurt Lee. At dahil dito, expect na medyo mapapabilis ko ang pag-a-update. Sensya na po talaga.
Blue, Learning To Love Again by Bluerose... again. Ang pangalawang istorya sa parang Phase 1 ng Bluerose Universe pagkatapos ng Bliss. Dito nakilala sila Aldred, Blue, Chris, at Geo. Dahil baka may nagbabasa pa ng kwento, ayoko na muna mag-spoil pero maganda ang storya dahil sa walang hanggang pagmamahal ni Aldred kay Blue. Kahit na nagkahiwalay daw sila, ipinaglaban ni Aldred ang pagmamahal niya at nangangakong si Blue lang hanggang wakas.
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21 | Chapter 22 | Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27
Chapter 28:
#0000FF, Learning To Love Again
Kurt's POV
「1 month ago...
“3am na pala," saad ko sa aking sarili habang nakaupo
ako sa labas ng isang computer shop na tinatambayan ko.
Madalas ko itong ginagawa. Ang tumambay ng ganitong oras
habang naka-headset at nagmumuni-muni... hindi, hindi, hindi. Hindi ako
nagmumuni-muni at wala akong suot na headset.
Nag-e-emo ba ako? Hay! Grabe naman kasi. Bakit ba ako
nag-e-emote? Hindi. Hindi ako brokenhearted. Mamaya na iyung naging dahilan ng
pagiging brokenhearted ko kasi may iba akong iniisip. Nagpapahinga muna kasi
ako dahil naii-stress ako sa mga kalaro ko ngayon sa Dota 2. Puro naman kasi
mga bano ang mga kakampi ko. Naiisip ko tuloy na may sumpa kaya na nakapataw sa
akin na puro bano ang magiging kakampi ko? Ano bang katarantaduhan ang ginagawa
ng matchmaking system ng Dota 2? Sayang naman iyung mga larong buhat na buhat
ko ang aking mga banong teammate tapos matatalo lang.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga at tumingala sa mga
stars. Halos ibinigay ko lahat sa mga larong iyun. Sayang talaga. Hindi ko
tuloy matapos ang mga compendium challenges ko. Hindi naman ako si Superman the
Dota 2 Cyber version. Sana isa lang itong panaginip para paggising ko, hindi
ako stressed sa mga bagay-bagay.
Muli lang akong humugot ng buntong-hininga at tumingala
ulit sa mga stars. Umaasa na sana may gawing intervention ang mga stars para sa
akin. Gaya nang bagsakan nila ang mga banong manlalaro ng Dota 2. Sabi nila
lahat daw ng gusto mong mangyari, pwedeng gawin ng mga stars. Pero alam ko
naman na isa iyung malaking kalokohan. Hay nako! Ang hirap tanggapin.
Habang nakatingala ay nahagip naman ng mga mata ang isang
falling star. Napatayo ako at pumikit agad para humiling.
“MAHULUGAN SANA NG BULALAKAW ANG MGA BANONG DOTA 2 PLAYER
SA MUNDO NA ITO! AT TSAKA SANA AY MAGKAROON AKO NG TAONG MAKAKASAMA KO PARA
MAABOT ANG PINAKAMATAAS NA MMR RATING! AT SANA AY UMAYOS NA DIN ANG MATCHMAKING
SYSTEM NG DOTA 2!" sigaw ko. Caps lock para intense.
“Hoy! Tabi!" sigaw ng isang tao na nakamotor na
mukhang babangga sa akin.
Pumikit na lang ako at baka sakaling panaginip lang ang mga
nangyayaring ito sa akin. Nakakasilaw kasi ang liwanag mula sa ilaw ng motor ng
kung sino man itong nakasakay. At tsaka hindi niya ako mababangga dahil
nakahinto na siya.
“Okay ka lang diyan? Ano ba kasing pinagsisisigaw mo dito
sa labas?" tanong ng taong ito na kilala ko sa tawag na Larson.
“Pwedeng patayin mo muna ang ilaw? Nakakasilaw,"
pakiusap ko habang nakapikit.
Pinatay ni Larson ang ilaw. Sa wakas ay nakakita na ulit
ako.
“Wala. Talo na naman ako sa isang ranked match. Ang babano
kasi ng mga kakampi ko," paliwanag ko.
Hinubad ni Larson ang kanyang helmet at nilagay sa
lalagyan. “Ganoon ba bata? Nako! Normal lang iyan. Minsan talaga ay panalo
tayo, minsan naman ay talo. Ganoon ang buhay."
“Alam mo ba kung gaano kalaki ang win rate ko Larson?
21.25% lang. Laging dahilan ng pagkatalo ko ay dahil sa mga banong kasama ko.
Kaya MMR ko, hindi ko man lang mapaabot ng isang libo."
“Chill lang naman kasi bata. Siguro, matulog ka na muna at
magpahinga. Huwag ka kaya muna maglaro. Baka matalo ka na naman sa susunod na
maglaro ka."
“Bakit hindi mo kasi ako tulungan? Nakikipaglaro ka sa mga
suki ng shop. Meron ka pa ngang dummy account para sa pagtulong. Tapos ako na
suki din, ayaw mong tulungan?" reklamo ko.
“Hindi kasi ako nakikipaglaro sa mga bata. At tsaka kasama
kasi sa service ko iyun," saad ni Larson habang nakangiti at hindi pa rin
siya bumababa sa motor niya.
“Magkano ka ba nang sa ganoon ay ma-avail ko iyang
punyetang service mo?"
“Ay! Grabe ka naman. Bibilhin mo ako? Nako. Para sa mga
batang katulad mo, malaking-malaki ang presyo ko," pagtanggi niya.
“Ahh! Okay! Pero punyeta! Pwede bang tigilan mo ang
pagtawag sa akin ng bata?!"
Bumaba na siya ng motor. “Ayoko. Ang saya kayang asarin ka.
Naiinis ka talaga kapag tinawag kang bata? Baka naman kasi totoo." Payak
siyang tumawa.
“Hindi nakakatuwa," walang amor kong tugon. Iniinis
talaga niya ako.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. “Halika
na at pumasok na tayo sa loob. Delikado kapag sa labas ka tumambay. Mamaya ay
maholdap ka nung kilalang holdaper sa lugar natin. Bata ka pa para
mamatay." Naglakad kami papasok ng shop.
“Teka? Hindi mo pa ba narinig ang balita? Mga anim na buwan
na din iyun nang matagpuan iyung bangkay ng pinaghahanap na notorious na
holdaper na iyun. Patay na po siya kung hindi mo pa nakita ang balita na mga
magulang ko pa ang mismong nag-report."
“Alam ko bata. Pero hindi lang naman siya ang natatanging
holdaper sa mundo. Gets mo ba ang punto ko bata?"
Naikuyom ko na lang kamay ko sa inis dahil sa pagtawag niya
sa akin ng bata. “Okay. Nakuha ko ang point mo. At pwede bang itigil-"
“Bata. Bata. Bata," pang-aasar pa ni Larson.
Siya nga pala si Larson Mercer. 28 years old. Bata ang
tawag niya sa akin dahil bata pa daw ako. Maliban lang sa kapatid niyang si
Allan. Hindi naman bago sa akin na bata ang tawag niya sa sa akin dahil bata
din ang tawag niya sa mga taong mas mababa pa sa edad niya. Medyo matagal na
din kaming... magkaibigan... at hindi nga ako sigurado kung naging magkaibigan
kami. Ang tanging naalala ko lang, pumasok ako sa shop, lagi akong pumupunta sa
shop, at naging magkaibigan kami? Ganoon kaya iyun?
Kahit na may computer ako at my internet connection pa sa
bahay, pumupunta pa rin ako dito. Gusto ko kasing may kasamang maglaro ng Dota
2 pero sa kasamaang palad, wala ni isa. May nga nagtuturo nga lang sa akin ng
mga tricks kung paano gamitin ang mga hero pero hindi ako tutulungan na
umangat. Ang dahilan ay dahil kay Larson! Huwag daw akong tutulungan dahil kung
hindi, hindi din daw niya tutulungan ang mga tinutulungan! Ano bang klaseng
bantay to ng shop? May galit ba ito sa akin?!
Pero wala na akong magagawa. Nasanay na ako. Siguro ganito
lang makipagkaibigan ang ibang mga tao. Medyo magulo pero ayos na rin. At tsaka
mababait din naman sila. Sila Larson kasi ay magaling magbigay ng advice
pagdating sa maraming aspeto ng problema. Nakikipagpalitan pa sila ng mga impormasyon
tungkol sa mga magagandang babae na available sa lugar namin, mga magagandang
babae na mababaw ang lipad, iyung syota ni ganito at ganyan, at marami pang
iba. Nagbibigay pa nga sila ng tips at paraan kung paano masisira ang isang
napakagandang relasyon. Ewan ko lang kung naging effective ba iyung mga
suggestion nila dahil malimit lang namin pag-usapan iyun dahil karamihan sa mga
kaibigan namin ay may sari-sariling mga pinagkakaabalahan maliban sa paglalaro
ng Dota 2.
Ngayon, 20 years old na ako. Kahit na ganoon, hindi pa rin
ako makaalis sa sumpa ni Larson na tawagin akong bata! Ano ba?! Nakakairita
kaya na tawagin akong bata! Noong isang pagkakataon nga na sinabi ko sa kanila
ang naging takbo ng relasyon namin ni Colette, sabi naman ni Larson ay hayaan
na lang iyun dahil masyado pa akong bata para mag-handle ng isang relasyon.
“Argh!" sigaw ko na naman na umalingawngaw sa shop.
“Bakit nawala na naman?! Nakakainis!"
“Anong problema bata? May problema ka ba?" tanong ni
Larson mula sa counter.
Humugot na muna ako ng buntong-hininga para kumalma.
“Allan, may nakita ka bang tao na lumapit sa PC ko at may kinalikot na kung
ano-ano?" kalmadong tanong ko sa kapatid niya na katabi ko lang.
“Huh? Wala naman," tugon niya na nagkibit-balikat pa
at pinagpatuloy na ang paglalaro.
“Ano ba kasi ang nangyari bata ha?" tanong ni Larson.
“May file na nabura. Nabura na naman iyung file na
pinaghirapan ko," sagot ko. “Check mo nga sa CCTV? Baka may ninja na
nagbura nung file."
“Sige, sige, sige bata. Titingnan ko sa CCTV. Sa ngayon,
maglaro ka muna ng isang game o gawin mo ulit mula sa umpisa iyung ginagawa
mong file. Pwede rin na maghanap ka sa Google ng file recoverer na application
at i-download mo."
“Hindi mo ba titingnan agad?"
“Kahit na gustong-gusto ko na tulungan kita bata, kailangan
ko pang mag-antay ng 30 minutes para mapanood iyung CCTV footage kanina dito sa
shop. Kaya magpalipas ka muna ng oras."
“Bakit kasi hindi ka na lang na lang gumawa ng CCTV na
instantaneous makita iyung nangyari kanina?" singit ni Allan na may
mapang-asar na tono.
“Tumahimik ka diyan Allan at maglaro ka na lang
diyan!" asik ni Larson.
Sinunod ko na lang ang sinabi ni Larson na maghanap ng
isang file recovery application. Medyo mabagal ang download kaya sinimulan ko
ulit sa umpisa ang ginagawa ko. Ang ginagawa ko, ang siraan sila Aulric, Zafe
at Ricky.
Marahil ay may katanungan kayo sa isip niyo na bakit nga ba
nandito ako sa isang computer shop gumawa at hindi na lang doon sa bahay ko?
Hanggang ngayon, sinubukan kong gumawa ulit ng isang mapanirang mga
presentation sa kanilang tatlo. Natatandaan niyo naman na sinabi sa akin ni
Ricky na binabantayan niya ang mga ginagawa ko at buburahin niya ito. At kahit
na sa ibang PC ko pa ito gawin, mabubura niya ito. Sa hindi ko kasi
maipaliwanag na dahilan, naging totoo ang mga sinasabi niya. Paano nangyari
iyun? Kaya pala ni Ricky gumawa ng ganoon? Baka hindi ko lang talaga kilala
sila kaya hindi ko alam ang mga kaya nilang gawin.
Nang matapos na mag-download ang file recovery application,
binuksan ko ito at ipina-recover ang ginagawa kong file. Nako! Sinasabi ko na
nga ba! Gaya sa bahay, nabura ng tuluyan ang file na ginawa ko. Hindi ko
ma-recover ang file. Ang galing ni Ricky ahh! Binabantayan niya ako 24/7. Kahit
na sa oras na ito ay dapat tulog na ang mga tao, nakabantay pa rin siya sa
akin. Ano na ang dapat kong gawin? Hindi ako matatahimik hangga't hindi pa ako
nakakaganti sa mga taong iyun.
“Bata, walang taong lumapit diyan sa pwesto mo," saad
ni Larson nang mappanood niya marahil ang CCTV footage ng shop.
Tumango na lang ako at ibinalik ang mukha sa monitor.
Posible ba talaga na 24/7 akong binabantayan ni Ricky? Kaya niyang mapuyat para
lang sa akin?
“Bakit hindi ka na naiinis nang malaman mong wala naman
palang pumunta sa puwesto mo at may kinalikot? Ano nga pala ang file na
ginagawa mo?" untag sa akin ni Larson. Bigla akong nagulat nang nilapat pa
ni Larson ang kamay niya sa balikat ko.
“Wala. Hindi na kasi ako nagtataka na mabubura iyung ginawa
ko," sagot ko.
“Hindi ka na nagtataka? So expected mo na mabubura iyun?
Pero paano naman mangyayari iyun?"
“May ginawa na naman kasi akong kalokohan sa mga dati kong
kaibigan na niloko ako. Kaya gumagawa na naman ako ng kwento para siraan sila.
Isang gabi, pumunta ang mga dati kong kaibigan sa bahay ko at may ginawa sa PC
ko. Mukhang may pinasok sila na parang virus para bantayan ang ginagawa ko at
nang mabura nila ito kahit saan ko man ginagawa ang kalokohan ko."
“Wow! Kaya ng kaibigan mo na gumawa ng ganoong virus?
Mukhang ang galing naman niya."
“Pero nakapagtataka kasi ito Larson. Kahit sa anong oras ko
ginawa ang file, nabubura at nabubura nila ito. Hindi ko alam pero parang
binabantayan nila ang ginagawa ko 24/7."
“Paano ka ba nakakasiguro na binabantayan ka nila 24/7?
Sinabihan ka ba?"
“Ganoon na nga." Kinuha ko ang phone ko at tinawag si
Ricky. “Kung totoo iyun ay dapat gising na gising ang kaibigan kong ito."
Nakarinig lang ako ng ilang ring at sinsgot ito ni Ricky.
“Hello? S-Sino itong tumatawag? M-Masyado pang maaga ahh!
A-Ang himbing pa naman ng tulog ko," saad ni Ricky na base pa lang sa
boses na ito, naiirita dahil sa ginising siya ng maaga.
Magsasalita na sana ako nang biglang naputol ang linya.
Nakakapagtaka. Hindi ugali ni Ricky na babaan ang kausap niya sa phone sa gitna
ng isang pag-uusap. Naging kaibigan ko naman iyung tao kaya alam ko ang ugali
niya. Nawalan kaya siya ng signal sa gitna ng pag-uusap? Mukhang
napakaimposible naman ata nun.
At ang isa pang nakapagtataka, hindi ako binabantayan ni
Ricky. Kanina pa ata siya natutulog ng mahimbing. Weird. Binabantayan ba talaga
niya ako?
Sinubukan ko ulit tawagan ang cellphone ni Ricky. Pero mas
nakakapagtaka na hindi ko na matawagan ang cellphone niya dahil hindi na daw
nag-e-exist ang number ni Ricky.
Sinubukan ko namang tawagan ang phone ni Zafe at baka siya
ang nagbabantay sa akin ngayon imbes na si Ricky. Ilang ring din ang narinig ko
at sinagot ito ni Zafe.
“K-Kurt? Kaaga-aga ehh. Mahimbing akong natutulog. Dapat
mamaya mo na lang ako awayin Ano ang atin?" tugon ni Zafe na halatang
ginising ko mula sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog.
Gaya ng nangyari kay Ricky, naputol din ang linya. Okay.
Coincidence ba ang mga nangyayaring ito? Okay. Hindi si Zafe ang nagbabantay sa
akin. At willing naman na makipag-usap sa akin si Zafe. Bakit biglang naputol?
Sinubukan ko ulit siyang tawagan. Pero gaya ng nangyari kay
Ricky, hindi na din nag-e-exist ang cellphone number niya. Anong kalokohang
nangyayari ito? Hindi na 3am dahil ekstaktong 4am na kaya wala ng mahiwagang
shit na mangyayari sa oras na ito. Si Aulric kaya.
Nagbukas naman ako ng browser at binuksan ang aking
Facebook account. Balak ko kasing gumawa ng status ita-tag ko sana sila Zafe at
Ricky. Alam kong hindi na kami magkaibigan sa totoong buhay pero magkaibigan pa
rin kami dito sa Facebook. Huwag na kayong magtanong kung bakit.
Ita-tag ko na sana sila pero hindi ko naman sila ngayon
mai-tag. Tiningnan ko naman ang mga profile nila pero kagaya ng cellphone
number nila, hindi na nag-e-exist ang account nila. Naka-block na ba ako sa
kaniya?
“Larson, pwede mo bang i-search ang mga kaibigan ko gamit
ang Facebook account mo diyan sa server?" hiling ko dito na nasa counter
ng shop at may pinapanood na isang TV series. “Hindi daw nag-e-exist ang
account nila sa akin. Baka naka-block na sila sa akin."
“Baka naka-block ka na talaga? Ang sama pa naman ng
ginagawa mo. Tama ba naman iyung pinaggagagawa mo na siraan sila? Baka umiiwas
na sila sa iyo para sa kabutihan nila," saad pa niya habang nagta-type.
“Ano ang pangalan nila?"
Tumayo ako at lumapit sa counter. “Zafe Neville."
Tumalima agad si Larson at hinanap ang profile ni Zafe.
“Wala."
“Wala? Subukan mo nga na lagyan ng zafetylock pagkatapos ng
Facebook URL?"
Nag-type ulit si Larson. “Wala din."
“Seryoso?"
“Wala nga," giit pa ni Larson.
“Ricky Rizal. Subukan mo nga ngayon."
Nag-type ulit si Larson. “Wala din."
“Wolfgangster?"
Nag-type na naman si Larson. “Wala."
Napaisip tuloy ako ng malalim. Bakit naging ganito? Una,
ang cellphone number nila. Ngayon naman, ang Facebook account nila? Paano
nangyari iyun? Hindi kaya dahil ito sa virus na nilagay nila Ricky? Pero sa
bahay ko lang naman nakalagay ang virus.
“Larson, posible ba na kumalat ang isang virus?"
tanong ko.
“Siyempre. Pero dipende kung paano naipakalat. Pwede mong
ipakalat via internet o kahit sa tulong ng USB," paliwanag ni Larson.
“Bakit? May virus ba iyung PC mo?"
“Yeah. May nilagay silang virus sa PC ko na burahin daw
iyung mga files na gagawin ko patungkol sa kanila. Binabantayan daw nila ako
24/7. Pero ang nakapagtataka, mahimbing silang natutulog kanina. Paano naman
nila nabura iyun? Iniisip ko nga na manually iyun ginagawa. Paano kung
automatic?"
Napangiti si Larson. “Hmm... interesante. Gusto mo
tanggalin ko iyung virus sa PC mo? Libre na iyun para sa mga batang katulad
mo."
“Talaga? Sige Larson," pagpayag ko. “Magiging
convenient para sa akin kapag naalis mo ang pesteng virus na iyun."
Makalipas ang ilang oras sa, nakarating na kami kwarto ko
kasama si Larson.
“Welcome sa bahay ko." Walang amor kong ipinakita ang
kabuuan ng kwarto ko.
Sa kwarto ko, marami kang makikitang mga poster. Karamihan
dito ay mga poster na pinirint ko galing sa Dota 2. Iyung loading screen nila
Mirana, Shadow Fiend, Invoker, Slayer, at marami pang iba.
“Ano ba namang kwarto to. Halatang bata talaga iyung nakatira,"
pang-aasar na naman ni Larson. Huwag kang maasar Kurt. Subukan mong huwag
maasar.
“Fine," nasabi ko na lang at bahagyang itinaas ko ang
aking mga kamay.
Binuksan ko ang PC ko para sa kaniya. Maya-maya ay bumukas
na din ito. Umupo naman siya ngayon sa harapan ng PC ko habang humiga naman ako
ngayon sa aking kama.
“Medyo matagal-tagal ito kaya umidlip ka muna bata,"
wika ni Larson habang nagsisimula na siyang mag-type sa keyboard.
“Gaano ba iyan katagal?"
“Kasingtagal ng idlip ng isang batang katulad mo."
Buti at tumaas ang pasensya ko sa taong ito tuwing tinatawag niya akong bata.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga at pabagsak na
humiga sa kama ko.
“Huwag kang mag-alala bata. Hindi ito aabot ng pasko. Basta
idlip ka na muna okay?" pahabol pa niya na nakatuon pa rin sa ginagawa.
“Hay! Magandang umaga na lang Larson."
“Ikaw din bata. Tulog na."
Dahan-dahan na pumikit ang aking mga mata dahil sa pagod.
Gising ba naman ako ng halos isang buong araw. At ang score ko ngayong araw sa
Dota 2 ay 1-13. Isang panalo at 13 na talo. Grabe! Ang sarap matulog na may
treseng talo sa record ko. Bwisit! Hindi pa ako nasanay.
“Kurt," tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.
Lumingon naman ako kung saan nanggaling ang boses. Kilala
ko ang boses na iyun. Si Colette.
Dahan-dahan na lumapit ako sa kaniya at binigay ko ang
aking pinakamagandang ngiti. “Bakit Colette?"
“Halika Kurt. Maglaro tayo." Kinuha niya ang aking
kamay at tumakbo.
“Teka lang Colette? Pwede bang dahan-dahan ka lang
maglakad?"
Natatandaan ko. Ito ang parte ni Colette na gustong-gusto
ko. Masyado siyang masayahin at kapag nakangiti siya'y animoy wala siyang
problema. Wala naman talaga.
Lagi kaming naglalaro sa kung saan-saang parte ng parke
noong mga bata kami. Takbo dito, takbo doon, talon dito, at talon doon.
Habang naglalaro ay may nakilala kaming dalawang bata. Sila
Zafe at Ricky. Magkakatulad kami noong mga bata pa kami. Masyado kaming
maligalig. Gusto ni Ricky at Zafe na maglaro ng basketball. Habang ako naman ay
gusto kong gayahin ang mga magulang ko na isang magaling na newscaster. Si
Colette naman ay gusto niyang magdisenyo ng mga damit na susuutin namin. Kahit
pa iyung basketball attire pa nilaa Zafe at Ricky.
Isang araw, naging kami ni Colette. Bata pa lang kami,
gustong-gusto ko na siya. Kaya laking tuwa ko nang naging kami.
“Ang swerte mo naman Kurt at naging kayo ni Colette. Ang
gwapo mo kasi," pamumuri ni Ricky sa akin. Pauwi na kaming tatlo sa aming
mga bahay.
“Talaga. Wala na akong mahihiling pa bukod sa maging kami
hanggang sa huli," sagot ko.
Tinapik ni Zafe ang balikat ko. “Magiging masaya kami ni
Ricky para sa iyo kapag nangyari iyun."
“Basta Zafe, huwag mo siyang agawin mula sa akin,"
pang-aasar ko.
Natawa ng payak si Zafe. “Ako? Aagawin si Colette sa iyo?
Baka si Ricky? Grabe! Balita ko, tinira niya iyung babaeng top 1 sa klase
namin."
“Reward niya iyun sa pagiging top 1. Nangako kasi
ako," dahilan ni Ricky. “Siya nga pala Kurt. Naiskoran mo na ba si
Colette?"
“Naiskoran? Ano iyun?" inosente kong tanong.
“Iyung ginagawa ko. Masarap iyun," kulang-kulang na
paliwanag ni Ricky.
“Hoy Ricky, huwag ka nga! Dinudumihan mo ang pag-iisip ni
Kurt!" asik ni Zafe dito.
“Tss! Huwag ka nga din! Virgin ka kasi kaya hindi ka
maka-relate sa mga sinasabi ko. Kaya itong si Kurt, tuturuan ko para naman
maka-relate sa mga sinasabi ko at nang maitsapwera ka Zafe."
“Heh! Tumahimik ka!"
“Punta ka sa bahay ko Kurt. Tuturuan kita kung paano
iskoran si Colette," yaya ni Ricky. “Sigurado akong masasarapan ka dahil
virgin pa si Colette."
“Ano ba iyang pinagsasasabi mo Ricky?!" pagsingit ni
Zafe.
Na-curious naman ako sa sinasabi ni Ricky. “Sige ba,"
pagpayag ko.
“Magaling. Magaling, magaling, magaling," paulit-ulit
na sinasabi ni Ricky na animo'y parang isang guro.
Sa bahay ni Ricky, nanood kami ng isang malaswang palabas.
Ako lang at si Ricky. Hindi na kasi sumama si Zafe dahil may iba pa daw siyang
gagawin. Habang nanonood ay pinapaliwanag sa akin ni Ricky ang mga nangyayari.
Ako naman ay mabilis na nakuha ang mga pinagsasasabi niya at nasabi ko sa aking
sarili na handa ko nang gawin ang bagay na iyun kay Colette.
Isang gabi sa bahay ko, mapusok kong hinalikan si Colette.
Ito daw kasi ang unang dapat gawin sabi ni Ricky.
Hindi naman siya umalma dahil sa mga ungol na ginagawa niya
at dahil sa paggalaw ng mga kamay niya sa katawan ko. Kahit na napakalamig sa
kwarto ko, ang init ng pakiramdam namin. Kung ganoon, ito pala ang nararamdaman
ni Ricky tuwing ginagawa niya ito sa mga babae. Ang sarap-sarap nga ng ginagawa
namin.
Pero biglang nagbago ang pangyayari. Nakaluhod ako sa
sarili kong kama at may parang taong nakapatong sa likod ko. Nararamdaman kong
ikinikiskis ng tao ang aming mga balat. Hinahalikan pa ako nito mula sa aking
likod.
“Ang sarap mo talaga bata," anang boses ni Larson.
Bigla akong napadilat sa narinig ko. Hinabol ko pa ang
aking hininga. Napakasama naman atang panaginip iyun. Alam kong nag-reminisce
ako sa aking panaginip. Pero bakit naman naging isang wet dreams iyun? Alam
kong ginawa namin iyun ni Colette. Pero bakit naman napunta kay Larson na may
ginagawa sa likuran ko? Anong koneksyon nun?
Nagulat na lang ako nang napagtanto ko na wala akong
pang-itaas, at patay din ang kompyuter ko. Tumingin ako sa gilid at nakita ko
si Larson na wala ding pang-itaas at natutulog. May nangyari ba sa amin
kanina?!
Mas lalo pa akong nanghilakbot nang itinaas ko ang aking
kumot. Naka-boxer na lang din ako at ganoon din siya! Isa itong nakakaalarmang
pangyayari sa buhay ko. Ang pinakapangarap ko pa naman ay isang maging batikang
newscaster sa balat ng Pilipinas gaya ng aking maging magulang. Hindi ako isang
bakla dahil wala namang sikat newscaster na bakla sa buong history ng
Pilipinas! Importante para sa akin ang ambisyon ko. Kaya hindi ako papayag na
si Larson lang ang makakasira ng pangarap ko!
“Hoy Larson! Gumising ka diyan!" sigaw ko dito para
magising.
Biglang siyang nagising at pumorma na handa na siyang
makipagsapakan. “Bakit?! May magnanakaw ba?! Asaan?! Ituro mo?!"
Sinuntok ko siya ng malakas ng mukha! “Ikaw lang naman ang
magnanakaw! Ninakaw mo na ang pagiging isa kong purong lalake, ninakaw mo pa
ang aking mga pangarap!"
Makalipas ang ilang minuto, nakaluhod ako sa sahig habang
si Larson ay nakaupo sa kama ko at hinihimas-himas ang mukha niyang sinuntok
ko. Paulit-ulit akong humihingi sa kaniya ng tawad.
Ang totoo kasi na nangyari, aksidenteng namatay ang
kompyuter ko habang kinakalikot ito ni Larson na gawa daw ng virus na inaalis
niya. Sumunod naman na nangyari ay nasira ang air conditioning ng kwarto ko
kaya uminit. Tagatak daw ang pawis ko ayon kay Larson. Kaya hinubad niya ang
damit ko. Si Larson naman ay naghubad na din at natulog na lang sa tabi ko kesa
antayin niya akong gisingin.
“Pag-iisipan ko pa kung dapat pa kitang patawarin
bata," persistent niyang pagtanggi sa pakiusap ko na patawarin niya ako.
“Ano ba ang kailangan kong gawin para patawarin mo ako?!
Nagsisisi na talaga ako sa ginawa ko."
Napaisip si Larson. “Hmm... ano kaya? Ano ang kailangan
mong gawin? Well, paano kung sundin mo ang mga sinasabi ko."
“Sige. Payag ako sa kung ano ang gusto mong gawin."
“Kahit ano?" paniniguro ni Larson.
Napaisip naman din ako. “Teka nga lang? Pag-iisipan ko pa
muna kung dapat ba akong pumayag sa sinasabi mo. Ano naman kasi ang ipapagawa
mo sa akin kung sakali?" tanong ko.
“Aba! Marami! Gaya ng paglalaro ng online games sa kwarto mo,"
sagot ni Larson.
“Ohh! Iyun lang naman pala ehh."
“Sira! Sa tingin mo, matatanggap ko ang sorry mo?! Iyung
suntok mo, nakakabaog ehh!"
Napatayo ako sa inis. “Nakakabaog? Hoy! Sa mukha kita
sinuntok! Hindi sa itlog mo! Gusto mong suntukin talaga kita diyan sa itlog
mo?!" Aambahan ko na sana si Larson nang makarinig kami ng katok sa
pintuan.
“Anak, Kurt, andyan ka ba?" tawag sa akin ni mama.
Nakauwi na pala siya.
Sinimulan ko ng kunin ang damit namin ni Larson na mukhang
tinapon na lang niya kung saan-saan. “Sandali lang po ma. Bigyan niyo po ako ng
ilang minuto para makapagbihis. Baka kapag pumasok kayo-" Biglang bumukas
ang pintuan. “Ay baka magkaroon ng-"
Naputol ang sasabihin ko nang sumigaw si mama ng
pagkalakas-lakas. Umalingawngaw pa ito sa buong bahay. Malakas pa naman sumigaw
at halos nabingi ako sa sigaw niyang iyun.
Ilang minuto ang nakalipas, nasa hapag-kainan na kami at kumakain
ng agahan na tanghalian. Mga bandang 1 o'clock na pala nang tanghali nang
magising kami. Naghanda si mama ng mga sari-saring pagkain. Gawain niya kasi
ito kapag umuuwi dahil minsan lang niya ito magawa bilang ulirang mama ko.
Kanina pala, nagpakilala si Larson sa mama ko. Ipinaliwanag
naman ni Larson sa kaniya kung ano ba talaga ang nangyari kanina sa kwarto ko
na kung saan nadatnan kami ni mama na halos nakahubad.
“Naku Larson. Pasensyahan mo na sa inasal ko,"
paghingi ng dispensa ni mama habang nagluluto pa siya ng pagkain. “Hindi ko
lang kasi mapigilan na mag-isip ng kung ano-ano matapos makakita ng dalawang
lalake na nakahubad sa isang kwarto."
“Alam ko po ang sinasabi niyong iyan Mrs. Lee," tugon
ni Larson.
“Mabuti naman. Alam mo naman na nag-iisa lang naming anak
itong si Kurt. Bilang isang ina, hindi naman ako papayag na mapunta siya sa
isang lalaki. Gusto kong magkaroon ng isang apo. Iyun din kasi ang pangarap ng
aking asawa. At gusto kong may magtuloy sa ginagawa namin. Inaasahan ko na
magiging isang magaling na newscaster din itong anak ko."
Tumawa ng payak si Larson. “Ako din po. Gusto ko rin pong
makita ang anak niyo sa telibisyon na nagbabalita ng mga totoong balita na
purong katotohanan lang. Parang kayo po na magaling magbalita ng mga
makabuluhan at makatotohanang balita," saad ni Larson habang nakatingin sa
akin.
Parang namula si mama sa pinagsasasabi ni Larson. “Ohh!
Salamat sa iyong papuri. Bago ko makalimutan itanong, naging mabait ba sa inyo
itong anak ko? Wala ba itong ginagawang kabulastugan?"
Napatingin ako kay Larson at tiningnan siya ng masama.
Huwag na huwag niya lang akong ibubuking sa mama ko.
“Nako! Kung ano po ang magandang iniisip niyo sa kaniya,
kabaligtaran po iyun!" diretsong sagot ni Larson.
Napatayo ako nang biglang humarap sa akin ni mama at
nakatingin siya sa akin ng masama. Wari'y sinasabi niya na umupo lang ako.
Sinunod ko ang kagustuhan ng mga tingin ni mama at umupo.
Bumalik sa pagluluto si mama habang ako naman ay tumingin ng masama kay Larson.
Ngumiti lang siya sa akin na may nang-aasar pa na tingin.
“Hay nako! Totoo talagang ang hirap maging isang magulang
na katulad na subsub sa trabaho. Siguro naman Larson, lagi mo akong nakikita sa
TV kaya alam mo ang mga pinagsasasabi ko," stressed na saad ni mama.
“Mama, hindi po nanonood ng balita si Larson,"
pagsingit ko.
“Tumahimik ka anak! Si Larson ang kausap ko!" sigaw ni
mama sa akin.
“Mrs. Lee, totoo po ang sinasabi ng anak niyo. Hindi po ako
nanonood ng segment po ninyo telibisyon kung saan po kayo nagbabalita,"
pag-amin ni Larson. “Pero alam ko po ang pakiramdam ng isang magulang na laging
wala sa bahay at palaging nasa trabaho at hinahayaan lang mag-isa ang kanyang
anak sa bahay. Ganoon din po ako pinalaki ng mga magulang ko."
Nagliwanag ang mukha ni mama. Tinigil na muna niya ang
kanyang pagluluto at palagay ko'y naiyak si mama sa sinabi ni Larson. Lumapit
naman dito si Larson at niyakap si mama para pagaanin ang loob nito. Pero hindi
ba alam ni mama na hindi din totoo ang mga sinasabi ni Larson? Sasabihan ko
sana si mama pero alam ko na patatahimikin niya ako. Bwisit naman kasi itong si
Larson! Sinumbong pa talaga ako kay mama.
Nang lumipat na kami sa sala, sermon ng sermon sa akin si
mama. Kahit hindi direktang sinasabi ni Larson kung ano ba ang masamang
pinaggagagawa ko, kahit ano-ano na lang ang sinasabi ni mama. Masama daw ang
ganito, ganyan. Hindi dapat ginagawa ang ganito, ganyan. Dahil may mangyayari
sa iyong ganito, ganyan. Tango na lang ako ng tango para makaiwas sa mahabang
sermon ni mama. Pero kahit anong gawin ko, sigurado akong magiging mahaba ang
usapan naming ito.
Ilang oras ang lumipas, may pinuntahan kaming isang lugar
ni Larson gamit ang isa sa mga kotse namin. Si Larson ang nagmamaneho. May
gagawin daw kaming importante sa lugar na ito.
“Ang galing mo ring magsunungaling sa mama ko ano? Mukhang
maparaan ka sa pagpasok sa mga puso ng tao," saad ko nang huminto na ang
kotse.
“Sa aling parte naman ako nagsisinungaling?" tanong
niya. “Totoo lahat iyung mga salitang sinabi ko sa mama no."
“Anong sinasabi mo na laging nasa trabaho ang mama niyo ni
Allan? Wala ngang trabaho iyun. Ang trabaho niya lang ay pumunta sa computer
shop niyo at makibantay din. Minsan pa nga, nandoon pa kayong lahat. Unless
kung hindi talaga sila ang magulang mo... dahil adopted ka lang,"
paliwanag ko.
Napaisip ako bigla sa sinabi ko. Si Larson kasi ay walang
pagkakahawig kila Allan at sa mama nila. Iniisip ko dati na baka mana sa papa
nila Allan si Larson. Pero ni hindi ko nakita ang papa nila. Hindi nga rin ito
binabanggit nila Allan.
“Ampon ka lang?" tanong ko sa kaniya.
“Walang kaduda-duda bata," diretso niyang sagot.
“Ano ba iyan?! Walang thrill. Dapat tumanggi ka man
lang," naiinis kong saad.
“Kung may isa pang tao na magtanong man ng parehas na
tanong, iyun din ang isasagot ko. Oo at ampon lang ako sa pamilya nila Allan.
Ano ngayon? Malaki bang kawalan ng kahit sino man ang malamang ampon lang ako?
At least, mahal ako ng pamilya ko ngayon at mahal ko din sila. Kaya ikaw bata,
swerte ka at may mga genuine kang magulang na nagmamahal sa iyo. Kaya sundin mo
ang mga sinesermon sa'yo ng mama mo kanina dahil halatang-halata na hindi ka
nakikinig." Lumapit pa siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
Hinawi ko naman ang kamay niya. “Itigil mo nga iyan! Kaya
pala hindi mo matawag-tawag na bata si Allan dahil ampon ka lang pala."
Napangiti si Larson. “Nako bata! Kung ikukumpara kita kay
Allan kung sino ang mas bata sa inyo mag-isip, ikaw iyun. Hindi mo kilala si
Allan kaya hindi mo alam kung bakit hindi ko siya matawag-tawag na bata. Hindi
dahil sa alam kong ampon ako kaya hindi ko siya matawag-tawag na bata. Hindi mo
pa siya kilala bata."
“Sa tingin ko nga." Napatingin ako sa labas ng
bintana. “Ano nga pala ang ginagawa natin dito sa lugar na ito? Nagsuot ka pa
ng pormal na parang pupunta sa isang party nang dumaan tayo sa bahay ninyo.
Bakit nga pala ganyan ang suot mo? Siguraduhin mong worth it ang hindi ko
pagpasok ngayon sa eskwela."
“Basta. May kukunin lang ako," saad niya na may
kakaibang boses.
Napalingon ako bigla sa kaniya nang napansin na nag-iba ang
boses niya at baka isa palang alien ang katabi ko. Nakasuot na siya ng isang
maskarang leyon. May suot din siyang mga kamay ng isang leyon. Namangha ako
dahil mukhang nanggaling ata sa suot niyang maskara ang kakaibang boses niya.
“Ang ganda naman niyan," puri ko.
“Salamat sa papuri bata pero hindi ko na muna iyan
kailangan. Kailangan ko ng magmadali. Wala na tayong oras. Tawagan mo ako sa phone
kung may makita kang taong papasok sa bahay na papasukin ko."
Mabilis na tumakbo si Larson sa isang bahay at pumasok.
Saka ko lang napagtanto kung bakit ba siya pumasok sa loob ng bahay na iyun na
may maskarang leyon? Mga masasamang tao lang naman ang gumagawa ng ganoon.
Magnanakaw kaya siya sa loob ng bahay at ako ang kanyang magiging lookout?
Teka? Ito ba ang gusto kong gawin para mapatawad niya ako sa pagsuntok ko sa
kaniya? Samahan siyang nakawan ang isang bahay?!
Napatingin ako sa itaas ng bahay nang may mapansin akong
parang camera dito. May mga CCTV ang bahay! Kahit na magawa ni Larson ang
gagawin niya, mahuhuli pa rin kami dahil sa mga CCTV sa bahay!
Mabilis kong tinawagan si Larson sa phone niya. Dala kasi
ni Larson ang susi sa kotse. Gagong taong ito ahh! Gusto niya bang masangkot
ang isang anak ng kilalang magaling na newscaster sa Pilipinas sa isang
nakawan? Nanakawin na niya ba talaga ngayon ang mga ambisyon ko sa buhay?!
Hindi ako papayag! Hindi!
Isang ring lang ang ginawa ng phone niya at sinagot agad
ito ni Larson. Teka? Paano niya nakuha at nasagot ni Larson ang phone niya kung
suot niya iyung mga kamay ng isang leyon? Pero hindi iyan ngayon importante!
“Bakit? Andyan na ba?" tanong agad niya.
“Ano ba ang ginagawa mo?! Ninanakawan ang isang bahay ng
kung sino?! Hindi mo ba nakita na may CCTV ang bahay?! Baka kahit manakaw mo
ang gusto mong nakawin, mahuhuli tayo dahil sa mga CCTV ng bahay niya! Ayokong
masangkot sa isang malaking eskandalo Larson!" natatarantang sigaw ko.
“Easy ka lang bata. Huminahon ka."
“Huminahon?! Masasangkot ako sa isang malaking eskandalo
Larson! Mapapahiya ako sa pamilya ko! Patawarin mo na ako at kahit ano, gagawin
ko basta mapatawad mo lang ako. Huwag lang ito Larson! Malaking gulo ito!"
Biglang ibinaba ni Larson ang phone niya. Mas lalo akong
nataranta sa ginawa niya. Iniisiip ko ng tumakbo at isumbong na lang si Larson
sa kinauukulan. Pero masasangkot ako kapag sinabi ni Larson ni kasama niya ako.
Hindi ko iyun maitatanggi dahil ako mismo ay sumama. Anong gagawin ko?! Anong
gagawin ko?!
Biglang bumukas ang gate nung bahay na pinasukan ni Larson
at lumabas siya mula rito. Pinaandar naman niya agad ang sasakyan pagkalabas.
“Anong kagaguhan ito Larson?! Siguradong mahuhuli-"
Natigil ang pagsasalita ko nang hinalikan ako ni Larson sa
labi ko. Isang simpleng smack lang iyun at saglit lang na nangyari.
Nagulat ako sa ginawa niya at natulala. Hindi ko aakalain
na hahalikan niya ako. Sa kalagitnaan ng aking pagkatulala, may nakita akong
isang tao na halos kaedaran ko lang habang umaandar ang kotse. Naka-bike ito at
napansin kong may kamukha siya. Si Larson.
“Kumalma ka na ba?" rinig kong tanong ni Larson.
Lumingon ako dito at tumango. “Iyung dumaan kanina, kahawig
mo. Kapatid mo?" mabagal ko namang tanong.
“Oo," tipid niyang sagot nang hindi lumilingon sa
akin.
“Okay." Humugot ako ng buntong-hininga. “Teka? Ano ba
ang uunahin ko itanong? Iyung kapatid mo? Iyung ginawa mo sa isang bahay na may
CCTV na sisira sa pamilya namin dahil ang plate number ng sasakyan na ito ay
nakarehistro sa pamilya namin? O iyung paghalik mo kanina?"
“Ahh! Iyung paghalik ko kanina, ginawa ko lang iyun para
matigil ka sa pagkataranta mo. Nabasa ko iyun sa isang site at napaka-effective
naman," natatawa niyang paliwanag.
Napailing ako. “Sino ba naman ang hindi matataranta?
Malaking eskandalo ito sa pamilya namin kapag nalaman nila na ninakawan natin
ang isang bahay. At sabihin mong hindi malalaman? May CCTV ang bahay Larson.
Malalaman at malalaman nila kapag malinaw na nakuha ang plate number ng
sasakyan natin," kalmado kong saad pero makakasapak na ako ng tao kapag
nakakuha ako ng isang tarantadong sagot.
“Bata ka pa nga talaga. Hindi ka ba nakakaramdam ng
excitement sa ginagawa natin kanina?"
Aambahan ko na sana siya nang maalala ko na siya ang
nagmamaneho ng sasakyan. Baka mamatay ako kung papatulan ko ang sagot niya sa
akin.
Humugot ulit ako ng buntong-hininga at pinakalma ang aking
sistema. Paulit-ulit ko pa na sinasabi sa aking sarili na magiging ayos lang
ang lahat. Pero masyado akong realistic. Ilang minuto o oras na ang nakalipas,
siguradong magiging impyerno ang buhay ko.
Ito na marahil ang pinakamatagal na byahe sa buhay ko.
Dumaan kami sa isang fast food restaurant at bumili ng ilang pagkain.
Pagkatapos noon ay huminto kami at pumunta sa isang burol na may puno ng
duryan. Medyo madilim na ang langit at nagiging maliwanag ang lugar dahil sa
ilaw ng mga kabahayan. Umupo na muna kami sa tabi ng puno at kumain. Hindi ko
lang pinansin ang ganda ng lugar dahil lumilipad ang isip ko sa kung saan.
“Ang ganda ng view dito no," saad ni Larson.
“Oo nga. Ang ganda ng view. Magiging maganda kaya ang view
na ito kapag naging impyerno na ang buhay naming mag-anak?" wala sa
huwisyo kong tugon.
Tumawa ng payak si Larson at may itinuro. “Sabihin mo nga
sa akin bata. Bakit ang bahay na iyun ay may makikita kang iba't ibang
kulay?"
“Dahil christmas lights ang mga nagliliwanag na iyun.
Diyembre na kaya."
“Mali."
“Bakit mo nasabi?"
“Dahil telibisyon nila ang nagliliwanag na iyun na
paiba-iba ng kulay at hindi christmas lights," paliwanag niya.
“Paano mo naman nasabi na telibisyon iyun? Ehh ang
layo-layo natin doon."
“Bakit ang buwan? Sigurado tayo na iyan ang buwan kahit
napakalayo?" Tinuro naman niya ang buwan na kalahati lang ang
nagliliwanag.
“Ayoko na ngang makipag-usap sa iyo."
“Ito? Ano naman kaya ang paiba-ibang kulay na nagliliwanag
sa bahay na iyun?" tanong niya sabay may itinuro na naman.
“Liwanag ng telibisyon ang nagliliwanag na iyun,"
napapagod kong sagot.
“Mali na naman bata. Party lights iyun."
“Sige na. Panalo ka na. Grabe ka naman kasi Larson.
Kailangan mo pang sirain ang buhay ng pamilya ko para lang mapatawad mo
ako," naiinis kong saad.
“Bakit pinapatanong ko sa iyo kung bakit paiba-iba ng kulay
na nakikita natin sa mga kabahayan?" tanong pa niya.
“Para lang pagtripan ako."
Pinatunog ni Larson ang dila niya. “Mali ka na naman. Dahil
bawat bagay ay may eksplanasyon. Iyung ginawa ko kanina, may kaakibat iyun na
eksplanasyon. Kaya pinapatanong ko sa iyo kung bakit ganoon ang nakikita nating
ilaw sa kabahayan na paiba-iba ang kulay, dahil meron itong eksplanasyon. Baka
christmas light lang iyun dahil malapit na ang pasko, maaaring tama ka doon
kung iyung ilaw ng bahay na iyun ang pinapatanong ko." Tumuro na naman
siya sa isang kabahayan.
“Kung ganoon, bigyan mo ako ng maayos na paliwanag sa
nangyari kanina kung bakit chill ka lang kahit na iniisip ko na magiging
impyerno na ang buhay ng pamilya ko?!" nagagalit kong tanong.
Bumuntong-hininga si Larson. “Unang-una, may mga
bagay-bagay ka na hindi nalalaman tungkol sa akin. Actually bata, pamilya kami
ng mga matatalino. Magaling kami sa ilang field na pinag-aralan namin ng
maayos. Ang field ng pamilya namin kung saan kami magaling ay Computer Science.
Marami kaming alam pagdating sa teknolohiya. Kaya iyung mga nakita mong CCTV sa
bahay nung bahay na pinasok ko, puro malilinaw ang kuha nun. Masisira talaga
ang buhay ng pamilya niyo kung nakuhaan tayo."
Napaisip ako sa sinabi ni Larson. “Ang ibig mo bang
sabihin, sinabotahe mo ang mga CCTV sa bahay na iyun kaya iyung ginawa mo
kanina, hindi malalaman ng kung sinong nakatira sa bahay na iyun dahil hindi
niya makikita sa CCTV?" Nakahinga ako ng maluwag. “Okay. Magaling. Pero
ano naman iyung ginawa mo sa loob ng bahay?"
"Pangalawang bagay, bahay iyun ng kapatid ko. Iyung
nakita mong naka-bike kanina. Kapatid ko iyun. Siya lang ang nag-iisang tao na
nakatira doon. Ang ginawa ko naman sa bahay ay kumuha ng kopya ng virus na
ginawa niya."
“Sandali lang? Kapatid mo ang may gawa ng virus? Hindi iyung
kaibigan kong si Ricky?"
“Ang galing mo bata. Nasundan mo." Lumapit ulit siya
saka ginulo ang buhok ko.
Madali ko namang hinawi ang kamay niya sa ulo ko. “So ano
ang gagawin mo doon sa virus na kinuha mo?"
“Ang kalaban ng virus ay isa ding kapwa virus. Kaya gagawa
ako ng anti-virus para doon sa virus na ginawa niya. Malaking gulo kasi ang
ginawang virus ng kapatid ko kung hindi mapipigilan."
“Ipaliwanag mo nga sa akin."
“Iyung PC mo ba, kakakabit mo lang ng internet connection
hindi ba?"
“Oo. Nito kasing Hunyo, tinamad akong bayaran ang bill
namin kaya pinutulan kami. Nitong linggo ko lang naipakabit ulit."
“Ang ginagawa ng virus na ginawa ng kapatid ko ay burahin
ang laman ng mga impormasyon tungkol sa mga pangalan na nilagay niya. Aulric,
Melville, Zafe, Nelville, Ricky, Rizal. Iyan ang mga keywords na buburahin ng
virus sa PC mo. Kahit anong file pa iyan basta nandoon ang mga keywords. Kaya
lang, hindi ata alam ng kapatid ko na gumawa siya ng virus na makakatulay sa
internet. Kaya nung nagkaroon ng internet connection ang PC mo, kumalat na
iyung virus. Magiging malaking gulo ito kapag hindi naagapan. Lahat ng
impormasyon tungkol sa mga tao, bagay, o kahit ano man na may pangalang Aulric,
Melville, Zafe, Nelville, Ricky, Rizal, mabubura sa mga computer. Walang
sasantuhin ang virus na ginawa ng kapatid ko. Kahit nga siguro ang impormasyon
ng lugar natin, mabubura din sa internet. Nasa Rizal kasi tayo. At baka pati na
rin ang impormasyon tungkol kay Jose Rizal sa Wikipedia, mabubura din. Ito din
ang posibleng eksplanasyon kung bakit nabura ang files na ginawa mo doon sa
shop namin dahil infected na din ang shop."
Naalala ko naman iyung nangyari kaninang umaga. Kaya pala
wala ng Facebook account sila Zafe dahil nabura ito ng virus na gawa ng kapatid
ni Larson. At pati iyung mga phone number nila na hindi na daw nag-e-exist.
“Tara na. Umuwi na tayo. May mga trabaho pa akong
gagawin," nasabi niya nang natapos niya kainin ang kinakaing burger.
“Teka. Pag-usapan naman natin iyung kapatid mo. Bakit
mukhang magkahiwalay kayo? At ano ang nangyari sa iyo kung bakit napunta ka sa
pamilya nila Allan?" sunod-sunod na tanong ko.
“Nice try bata. Saka ko na iyan sasagutin kapag kapag hindi
ka na bata," natatawa niyang tugon.
Bumalik ulit ang inis ko sa taong ito. “Pwede bang tigilan
mo na nga ang pagtawag sa akin ng bata?! At ano ba ang kailangang kong gawin
para hindi mo na akong tawagin na bata?!"
“Kapag hindi ka na bata mag-isip."
“Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kung ano
iyun?!"
Pinatunog ni Larson ang dila niya at umiling. “Hindi
maganda kasi iyun. Kailangan na ikaw mismo ang sumagot sa tanong mong iyan. Ano
nga ba ang dahilan kung bakit patuloy pa rin akong tinatawag ni Larson na bata?
Ano nga ba?"
Kasabay ng pagkatahimik ng paligid, umihip din ng
katamtaman ang hangin. Napaisip din ako ng malalim sa sinasabi ni Larson. Ano
nga ba ang dahilan kung bakit patuloy pa rin akong tinatawag ni Larson na bata?
Bata ba talaga ako mag-isip?
20 na ako at Presidente ng Journalism Club sa eskwelahan.
Maayos naman ang lahat sa akin. Maliban lang sa patuloy pa rin akong nagbabalak
ng masama kay Aulric, Zafe, at Ricky. Bakit nga ba ako patuloy na nagbabalak ng
masama sa kanila? Dahil ba sa hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon na wala
na si Colette sa akin? Dahil ba sa nainis ako sa sinabi ni Aulric na malandi
talaga si Colette?
“Larson, malandi ba talaga iyung ex-girlfriend kong si
Colette?" naitanong ko.
“Oo. Malandi iyun," diretso niyang sagot na natatawa
pa.
Bigla akong nakaramdam ng inis sa sinabi niya. Gusto kong
sapakin si Larson sa mga oras na ito dahil sa sagot niya. Pero kailangan hindi
na niya ako matawag na bata. Paano nga ba?
“Paano mo nasabing malandi siya?" mahinahon kong
tanong.
“Siyempre. Nagkwento ka nun sa amin sa nangyari sa love
story mo. Kaya ang masasabi ko na lang, malandi kasi siya masyado. Biruin mo,
pinagpalit ka pa niya kay Zafe? Kapag nagbalikan ulit kayo ng babaeng iyun,
sigurado ako na mauulit lang ang mga mangyayari. Hihiwalayan ka niya ulit. Baka
nga iniisip na pampalipas ka lang ng oras para sa kaniya. Nako! Kapag iyun ang
narinig mo, tapos nagmula pa sa kaniya at harapan na sinabi, ewan ko na lang
kung hindi ka mag-iiiyak sa kwarto mo ng matagal. Alam mo bata, maraming babae
sa lugar na ito!" Itunuro pa niya ang kamay sa lahat ng direksyon.
Ini-emphasize na marami talagang babae sa lugar na ito.
Napatayo din naman ako at tiningnan din ang buong lugar.
Tama si Larson. Maraming babae sa lugar na ito.
“Maraming babae sa lugar natin na hindi ka pagsasabihan ng
masama, hindi ka lolokohin, hindi ka gagawing pampalipas oras! Isipin mo,
maraming babae diyan na mas maganda pa kay Colette! Mas sexy, mas mabait!
Karamihan sa populasyon ng mundo natin, mas marami ang babae! At malay mo! Wala
sa Pilipinas ang babaeng para sa iyo! Baka nasa ibang bansa gaya ng America,
Africa, Europe, Russia, Japan, New Zealand, England, Australia, Spain, Mexico,
o hindi naman kaya sa Canada! O baka malay mo! May tao pala na umaaligid-aligid
sa tabi mo at hindi mo lang napapansin na may gusto pala sa iyo ang taong iyun!
Give chance to others! May kasabihan nga, bawat isa sa atin, tuldok lang sa
mundong ito! Iyung Colette na iyan, tuldok lang din iyan! Ikaw, ako, tuldok
lang din sa mundong ito! Kaya mag-move on ka na sa babaeng iyun! Normal lang
iyan na may isang babae na sasaktan ka! Bata ka pa talaga bata!"
Sa sinabi ni Larson, parang lumaki ang mundo sa paningin
ko. Tama siya. Hindi lang si Colette ang babae sa mundong ito.
Naputol ang magandang moment na iyun nang umubo bigla si
Larson. Bakit nga pala siya sumisigaw kanina pa?
“Bakit ka ba sumisigaw habang nagsesermon sa akin?"
tanong ko. “Ayan tuloy. Inubo ka."
“Para pumasok sa utak mo at hindi lumabas sa kabilang tenga
mo," sagot niya nang mahimasmasan. “Kung iyung kanina nga, hindi ka
nakikinig mo sa mama mo, sa akin pa kaya? Baka hindi ka nakikinig kanina."
Umubo pa siya ng ilang beses.
Bigla namang kumulog. Ngayon ko lang napansin na hindi ko
nakikita ang mga bituin sa kalangitan. Hudyat ito na maulap ang kalangitan.
Naramdaman ko naman na may nag-iba sa ihip ng hangin. Naaamoy ko na may bubuhos
na malakas na ulan.
Hindi nga ako nagkamali nang biglang bumuhos ang malakas na
ulan. Nabasa kami agad ni Larson sa sampung segundong nakatayo lang kami doon.
Ang lamig ng bawat patak na dumadampi sa balat ko.
“Tara na Larson! Bumalik na tayo sa kotse!"
“Huwag na muna!" pagtanggi niya. “Naranasan mo na bang
maligo sa ulan bata?"
Napailing ako. “Hindi pa. Hindi pa kahit kailan.
Magkakasakit daw ako kapag naligo ako sa ulan."
“Maligo ka na muna. Kapag nagkasakit ka, sagot kita sa mama
mo. Dapat maranasan mo ito bata. Ang sarap sa pakiramdam ng maligo sa
ulan."
Tumingin ako sa aking sarili. “Aba! Heto na nga at ginagawa
ko na. Tingnan mo nga at basang-basa na ako."
Sumunod na segundo, hinawakan niya ako at nagsabi ng taya.
Nakikipaglaro naman siya ngayon ng tayaan. Naghabulan kami sa palibot ng burol
habang bumubuhos ang ulan. Naiinis naman ako dahil sa tingin ko, plano niya na
makipaglaro ako sa kaniya na maglaro sa gitna ng ulan para matawag na bata.
Nang tumila na ang ulan, bumalik na kami sa kotse. May dala
palang twalya si Larson at iyun ang ginamit namin para magpatuyo. Pagkatapos
magpatuyo ay umuwi na kami sa bahay ko. Sesermonan na sana ako ni mama nang
nakialam si Larson. Pero iba ang sinabi niya. Nagkaroon na daw kasi siya ng
pasaway na kapatid na hindi sumusunod sa mama niya. Mukhang si Allan ngayon ang
tinutukoy niya.
Si mama naman? Hayun! Natuwa dahil sa may nakakaintindi sa
kaniya. Ibinilin naman ako ni mama kay Larson na maging pasensyoso sa akin.
Humingi na din ito ng tawad dito sa kung anong gagawin ko na magiging sakit sa
ulo niya sa hinaharap.
Akala ko dati, puro panloloko lang ang gagawin sa akin ni
Larson. Totoo pala iyun. Isa siyang loko-lokong tao. Sabi niya, siya ang bahala
kapag sinesermunan ako ni mama. Oo. Siya talaga ang bahala tapos pinasama pa
niya ang imahe ko kay mama at nagmumukha talaga akong masamang anak.
“Salamat Larson," nasabi ko na lang nang habang nasa
kwarto ko siya at inaantay ang kanyang damit na matuyo sa drier.
“Saka ko na lang tatanggapin ang pasasalamat mo kapag
nakita kong masaya ka na bata. Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung nakatulong
ba ako o hindi sa iyo. Hindi ko pa masabi ngayon. Pero marahil bukas, sa
makalawa, susunod na buwan, susunod na taon, makikita ko iyan at saka ko na
matatanggap ko iyang pasasalamat mo," paliwanag ni Larson.
“Umm... iyung ano... tungkol sa kapatid mo, kelan mo
ikikwento sa akin? Gusto kong malaman kung ano ang dahilan kung bakit
magkahiwalay kayo? Bakit at paano ka napunta ka sa pamilya ni Allan?"
Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Larson. Wari'y ayaw
niyang ikwento sa akin ang parteng iyun. Marami siyang buntong-hininga na
pinakawalan at mukhang ibubuka na niya ang kanyang bibig.
“Hindi ba sinabi ko sa iyo kanina na siya ang may gawa ng
virus na ipinasok ng dati mong kaibigan? At magaling kami sa isang field na pinag-aaralan
namin ng husto? Bihira lang ang mga katulad namin sa mundo. Alam mo ba na may
mga taong pinaghahanap kami at may balak kumuha sa amin para sa kanilang
pansariling interes? Ay mali. Ang kapatid ko lang iyun pala."
“Bakit iyung kapatid mo lang?"
Tumayo si Larson para kunin ang kanyang walet sa bulsa. May
kinuha siyang kung ano sa kanyang walet. Isa pala itong lumang litrato. Mukhang
bata pa sila dito. Napansin ko naman ang dalawang bata na may parehas na mukha.
Magkakambal sila. Ang isa ay may hawak-hawak na maliit na bata, ang isa naman
ay may bitbit na sanggol na mukhang mga ilang buwan na mula nang ipinanganak
ito.
“Sa tingin mo, saan ako diyan?" tanong ni Larson sa
akin.
Tumingin muna ako sa kaniya at sa litrato. Tinuro ko naman
iyung lalaking may hawak na sanggol.
“Mali. Ako iyung cameraman," sarkastiko niyang sagot.
Tumawa pa siya ng payak.
“Ay! Ayoko na nga kitang kausapin! Niloloko mo ako."
Ibinalik ko na lang sa kaniya ang litratong binigay niya. Pambihira naman kasi!
Magkikwento lang tungkol sa setup ng pamilya niya, lolokohin pa ako.
“Ano ba iyan! Napikon kaagad? Bata ka pa nga."
“Kung lolokohin mo lang ako, huwag ka na lang magkwento.
Tsaka mukhang ayaw mo naman talagang ikwento sa akin hindi ba?" nayayamot
kong saad.
Ibinalik ni Larson ang litrato sa walet niya at ang walet
sa bulsa niya. “Oo nga. Mabilis kang maasar kaya huwag na lang. Siguro kapag
hindi ka na bata, maiintindihan mo ang kwento ko."
Sumunod na araw, ang aga-aga ko na pumasok sa eskwelahan.
Pakiramdam ko ay ang saya-saya ko ngayon. Marami akong babae na nakikita sa
eskwelahan. Napakadami. Hindi ko nga lang alam kung sino sa kanila ang single
at sino ang hindi. Siguro ay ang una kong gawin ay dapat makilala ko sila. Pero
habang naglalakad sa eskwelahan, may mga babaeng pinagtitinginan ako. Nako!
Mukhang nase-sense nila na handa na akong magmahal muli.
“Mr. President, mukhang napakasaya natin ahh," saad ng
Vice President ng Journalism Club na si Kian.
Ngumiti ako. “Yeah. Masaya ako ngayon.
Masayang-masaya."
Napangiti ng hilaw si Kian. “Okay. Pero sa totoo lang,
napaka-weird mo ngayon. Hindi ako sanay na palagi kang naka-poker face."
“Kian, hindi ba single ka?" tanong ko.
“Huh? Ako? Hindi mo ba alam na hindi na ako single?"
“Alam ko na hindi ka na single. Si Alexa ng Schoneberg
Academe tama ba?"
“Tama. Siya nga. Bakit? Ano naman?"
“Paano kayo naging kayo ni Alexa? Paano nagsimula ang love
story ninyo?"
Napaisip siya saglit. “Nagkita kami sa isang mall.
Nagkangitian at kinilala ang isa't isa. Teka nga? Bakit mo ba tinatanong?"
“Kian, single at naka move on na ako sa ex kong si Colette.
Siyempre, ano ang ginagawa ng mga single na katulad ko? Maghanap ng bagong
pag-ibig. Tingin mo ba, may nakakakita ng bagong pag-ibig sa pamamagitan ng
pagsimangot sa mga taong nakakasalamuha mo sa eskwelahan? Wala."
“Actually, meron din," pagko-correct ni Kian.
“So kailangan na maging charming naman ako sa kababaihan sa
school natin. Nako! Napakadami pala ng magagandang babae dito sa eskwelahan
natin. Tapos nagbabalak pa ako ng masama sa taong pinagpalit sa akin ni
Colette? How unpractical."
“Natutuwa ako para sa iyo Kurt. Kung naghahanap ka ngayon
ng bagong pag-ibig, baka pwede kitang ireto na naghahanap din," yaya niya.
“Ay! Ayoko naman ng ganoon Kian. Gusto ko na ako ang
mahanap. Salamat na lang," pagtanggi ko.
“Well, okay. Good luck na lang sa paghahanap Kurt. Siya nga
pala Kurt. Dito na rin pala nag-aaral iyung isa pa sa mga anak ng Bourbon
Brothers. Si Sharina Bourbon."
Nabuhayan ako na dumating ang isa sa mga anak ng may-ari ng
eskwelahan. “Sharina Bourbon? Teka? Hindi ba single siya? Malapit na ang pasko.
Baka hindi ako masali sa mga taong malalamig ang pasko kapag naging kami. That
is kung maging kami." Natawa pa ako ng bahagya.
Napansin kong napalipat-lipat ang mga tingin ng mata ni
Kian. “Ahh... ehh... taken na po siya."
“Ano ka ba naman Kian. Magsisinungaling ka na nga lang,
hindi pa pulido. Hindi mo ata napansin na paiba-iba ka ng tingin kapag
nagsisinungaling ka. Hindi pa siya taken. At dahil diyan, ako na mismo ang
magsasagawa ng interview sa kaniya."
“Hindi ako nagsisinungaling Kurt. May kumakalat kasi na
usap-usapan na taken na talaga si Sharina. May nakita kasi akong litrato na
dine-date ni Zafe talaga ang taong ito. Baka kasi sasama ang araw mo kapag
nalaman mo kung sino ang boyfriend niya," paliwanag ni Kian.
“Bakit? Sino ba ang boyfriend niya?"
“Si Zafe Neville." Ibinigay sa akin ni Kian ang
litrato nakuha niya.
Nawala na naman ang ngiti sa labi ko. “Hay! Dapat hindi na
lang ako nagtanong. Nakakasama nga ng araw. Naunahan ako ni Zafe sa isang babae
lang. Well, wala akong magagawa kung hindi ang maghanap ng iba. Para namang
katapusan na ng mundo. May iba pang babae hindi ba Kian?"
Ngumiti din si Kian. “Tama ka diyan Kurt. Gusto mo
magpa-audition tayo para sa susunod mong girlfriend?" natatawang biro
niya.」
ITUTULOY...
Salamat sa update. Maganda ang attitude change ni Kurt. Ingat.
ReplyDeleteStill waiting for development kay aulric and stuffs.
ReplyDeleteI alrdy commented a lot in the previous chapter.
I feel sad for Kurt's mmr hahaha. Fall compendium is up, wanna play? ;)
ReplyDeleteSana mag lvl up n si Zafe at Aulric.
-RavePriss