Followers

Sunday, April 12, 2015

Love Is... Chapter 33



AUTHOR’S NOTE: At last! After 48 years! Nakapag-update ulit ako!

SOBRANG HUMIHINGI AKO NG TAWAD SA MGA NAGHIHINTAY NITO! SORRY! SORRY! SORRY! Capslock at Bold text para intense! Para damang-dama ninyo ang paghingi ko ng tawad.

Salamat pa rin sa patuloy na nagbabasa, sumusuporta, tumatangkilik, nag-iiwan na kani-kanilang mga kuru-kuro, at sa kung an-uano pa. Heto na po ulit! Fresh na fresh galing dagat! Lol!

Unang-una sa lahat ang patuloy na pagpapasalamat ko kila SIR PONSE at SIR MIKE sa walang humpay nilang pagbibigay sa akin ng opportunity na ito.

Pangalawa ay sa BAESTFRIEND ko na hindi ko pala na-MENTION sa A/N ko last update. Nagpaedit and all pa naman ako sa kanya. Anong klaseng kaibigan ba ako? Lol! Sa lahat ng mga lihim na hindi ko pa nababanggit sa kanya. Well… Ahahahahaha! Hindi kasi talaga ako sharey, kaya ganon!

Sa mga nag-iwan ng kanilang mga komento sa last update: 44, Kuya ALFRED of T.O., JESS, YEAHITSJM, BRENT ARANETA, BRIX, Kuya JHARZ, MARC ABELLARA, at si KUYA ANON na nagtatanong kung nasaan na ang susunod na kabanata. Heto na! Dedicated sainyo ‘tong kabanatang ‘to! :D

Sa mga kaibigan ko sa facebook, kaway-kaway! :D Special mention sina KEN BRYLE, JAYSON AVILA, NINZ LOSA, MISHA XELA, SOL, YELSNA, BUNSOY NHE, JM PEREZ, BRYAN, JEI EY, DAVE, REN-REN, AXEL, VIN, JHAYJHAY and JACE.

Syempre sa mga minamahal kong RYESTERS. Power hug!! Malapit na ulit monthsary natin! :D Remind me if I failed again. :P Mahal ko kayo!

BTBBC! PINUNONG BLUE, JIGGY, IAN, DARYL, Kuya KING, Kuya JAPS, LEX. Miss y’all! :D

Sa mga co-RA’s ko. Hola! :D SEYREN! :D

O siya! Kating-kati na kayo ‘no? Ang haba kasi ng A/N ko. Lol! Enjoy!

PS: Pakihanda na lang ng kantang FIX YOU by COLDPLAY if you want to feel the kilig. :D (Para sa akin kasi, oo. Lol!)

Ignore niyo lang kung may GRAMMATICAL or TYPO ERRORS. ‘Di ko kasi napaedit kay BAESTFRIEND. Edit na lang namin bukas ng gabi. :D


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V
VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV
XVI | XVII | XVIII | XIX | XX
XXI | XXII | XXIII | XXIV | XXV


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Crayonbox’s Starfish (On-going)
Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Axel De Los Reyes’ Love Game (On-going)
Seyren Windor’s Loving You… Again (On-going)
Bluerose Claveria’s Just For A Moment (On-going)
Prince Justin Dizon’s Me And My Rules (On-going)
Rouge Mercado’s Way Back Into Love 2 (On-going)
Vienne Chase’s Strings From The Heart (On-going)
Apple Green’s (Jace Page) The John Lloyd Diary (Ongoing)
Apple Green’s (Jace Page) The One That Got Away (Upcoming)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)


CHAPTER XXXIII


Riel’s POV

Nakahiga kami ngayon sa buhanginan ni Red. Alas dos na rin ng madaling araw. Nagpaiwan kasi kami ritong dalawa matapos ang proposal na ginawa niya.

“Do you really want me to be an Ariola?” Tanong ko.

Nakatuon lang ang paningin ko sa imahe ng Ursa Major.

“Do I really have to prove that to you?” Tugon niyang halata ang saya doon. “Well, you’ve already said your ‘yes’ though.”

Nakangiting napailing na lamang ako sa kanya.

Ramdam kong kahit nakatuon ang pansin ko sa mga bituin ay sa akin lamang ang buong atensyon niya. It felt awkward, pero pinigilan kong pansinin iyon.

Too much happiness for today. Baka maubos iyon agad, ayoko namang mauwi iyon lahat sa wala. Like something’s bad will happen… And I don’t like it to go that way.

Napailing na lang ako sa aking mga iniisip.

“Wait…” Aniya saka hinawakan ang kamay ko. Napaharap na rin tuloy talaga ako sa kanya. “Did you… for instance… regret saying yes?” Matutunugan mo doon ang lungkot.

Natawa na lang ako sa kanyang tanong. Hinaplos ko na lang ang kanyang pisngi gamit ang isa kong kamay. Kuminang ang singsing na nilagay niya doon kanina. Nakita ko na naman tuloy ‘yong crescent moon at isang star na design no’n.

“I proudly said yes. Why would I regret marrying the one I love? I said yes to you Red, because I love you. And I want to spend the rest of my life with you.” Tugon ko.

Nagkatinginan kami mata sa mata… and God knows how much I badly want to kiss him. Nakita ko roon ang malusog na luhang tumakas sa mga mata niya. It trailed down to the bridge of his nose, to his left eye, and fell into the sand.

“Thank you for accepting me again. After all the things that I cause you… tinanggap—.”

“Ssssh. Sinabi ko na ‘di ba? Kahit paulit-ulit mo akong saktan, hindi iyon ang magiging dahilan para bitawan kita. Paulit-ulit kitang patatawarin dahil mahal kita. That’s love… kung kaya pang ayusin, dapat ay ayusin. Kung kaya pang isalba, dapat ay isalba. Saka lang tayo susuko kapag wala na talaga.”

Tumango naman ito sa sinabi ko. Hinawakan niya lang ang kamay kong nakapatong sa kayang pisngi.

“I love you, Riel. I will never get tired telling you that. At kung magkamali at masaktan ulit kita, hindi ako mapapagod humingi ng tawad sa’yo. I promise.” Aniya.

Kinuha ko ang kanyang kabilang braso at ginawa ko iyong unan.

“No more promises, Red. Napagkasunduan na natin ‘yon last year ‘di ba? We’ll just have to do our best to satisfy each others needs…” Ibinalik ko na lang ang paningin ko sa imahe ng constellation na tinitingnan ko kanina. “Hinding-hindi rin ako magsasawang sabihin ang mga salitang ‘yan sa’yo. I love you, too. I am faithfully and madly in love with you.”


Red’s POV

“It’s getting late. Aren’t you sleepy yet?” Tanong ko sa nakaunan sa balikat kong si Riel.

Mag-aalas tres na rin kasi. Bagaman uwian na ng mga estudyante at ilang guro ng Arneyo mamayang 10 AM ay magpapaiwan naman kami rito para sa kasal na gagawin. It will happen this afternoon. When the sun is getting ready to set. Hindi pa iyon alam ni Riel.

Isa pa, August 20, 2021. It’s Riel’s Birthday. Pero hindi niya pa iyon nababanggit sa akin. Hindi ko rin iyon binabanggit mula pa kanina dahil ang kasal ang magiging regalo ko sa kanya. Alam na iyon ng lahat, kaya’t walang babati sa kanya.

Natext ko na rin ang iba tungkol dito. Na hindi man lang naaalala ni Riel na kaarawan niya ngayon. Hindi ko alam kung hindi niya talaga binabanggit para batiin na lang siya ng lahat o talaga bang nakalimutan niya.

Bahala na si Brett bukas. Kung maalala niya man ay si Brett na ang gagawa ng paraan. Planado na iyon lahat.

I want to surprise him.

“Oo nga pala.” Aniya saka marahang tumayo. “10 AM ‘yong alis natin dito ‘di ba?” Dagdag niya.

Nang makatayo siya ng tuluyan ay inilahad niya sa akin ang isang kamay para maalalayan ako. Ang swerte ko talaga sa kanya. Inabot ko naman iyon.

“About that… hindi pa tayo sasabay sa mga magsisipag-uwian mamayang 10.”

“Bakit?” Gulat na tanong niya. Natawa na lang ako sa kanyang reaksyon. Hindi niya ba talaga maalalang kaarawan niya, o gino-good time lang ako nito? “Tinatawanan mo ako?” Napailing na lang ako sa kanya.

Bumalik na naman ang pagkachildish nito.

“I thought suplado ka na ulit. Hindi pa rin pala.” Nakangiti pa rin ako sa kanyang inaasta.

“Tss. Sa’yo lang naman ako isip-bata e.” Tugon niya.

“Ang kyut kyut mo talaga!” Saad ko sabay kurot sa pisngi niya.

“Tigilan mo nga ‘yan!” Pilit niyang tinatanggal ang kamay kong nakakurot sa pisngi niya.

Binitawan ko naman iyon at tsaka umiling na lang. Hindi na lang tuloy ako magbabanggit ng ideya tungkol sa okasyon ngayon. Siyempre pati na ‘yong tungkol sa kasal.

“Ano nga? Well, okay lang naman sa akin. Iniisip ko lang si June. Umuwi pa naman ‘yon ng mas maaga kesa sa plano niyang bakasyon sa Legazpi.”

“Weekends na naman e. Edi sulitin na natin. Speaking of June, kasama siya ng mga Chua, pamilya nina Reese at ni Andrei pagpunta rito. They’ll be here later this day.”

“Huh? Bakit naman sila pupunta rito?” Follow-up question niya.

Napailing na lang ako sa dami ng tanong niya. Birthday mo kaya! Napailing na lang ulit ako.

“You’ll know later. For now, matulog na muna tayo, ha? Enough with the questions, okay?”

“Naman e! Bakit nga? Surpresa na naman, gano’n? Ikaw ha! Kung hindi lang talaga kita mahal, lumulutang ka na talaga sa dagat na walang buhay ngayon ‘din.”

Ang kulit niya pa rin talaga! Hahaha! Pero isa ‘yon sa mga minahal ko sa pagkatao niya. At hindi niya pa rin talaga maalala na birthday niya! Ulit yata ako ng ulit! Hahahaha!

“Basta, okay? Basta.”

Panay pa rin ang dabog niya dahil sa mga tanong na hindi ko man lang binigyan ng kasagutan. Hindi nga namin napansin na nasa resthouse na pala kami.

“Sayang! I want to make love with you, kaso nga lang may mga kasama tayo sa kwarto. Dalawang araw na akong tigang e.” Bulong ko sa kanya.

“A-A-Anong sabi mo?!” Aniya. Kitang-kita sa mukha niyang pinamulahan siya sa aking sinabi.

Para namang hindi pa namin ‘yon nagawa e. Hahaha!

“You two! Buti naman at naisipan niyo pang umuwi! Akala namin kung ano nang nangyari sainyo!” Gulat kaming napatingin sa pinto ng resthouse.

It’s Mom. And she’s enraged. Kakauwi pa lang kasi namin. Pagtingin ko sa relo ko’y mag-aalas tres y media na pala. Lagot!

“Mama! Sorry po!” Pagpapaumanhin ni Riel.

Agad siyang lumapit sa tabi ni Mom. Gano’n na rin ang ginawa ko. Tss. Si Mom naman, ang kj.

“Alam kong namiss niyo ang bawat isa, pero, dis oras na ng gabi! Umaga na nga pala! My god! Mabuti na lang at walang nangyari sainyo!” Sermon nito sa aming dalawa.

“Ikaw naman Jared! Alam mo namang may importanteng—.” Dagdag niya pero sa akin ang pakay.

“Mom! Oo na! Oo na! Sorry, okay!” Pagputol ko sa pagsasalita niya. Kung hindi ko iyon ginawa ay masasabi na niya ang mangyayari mamayang hapon at kung anong meron ngayon.

“Mom! Your going to spill it! It’s a surprise, right? Wala pa rin siyang kaide-ideyang kaarawan niya ngayon. Will you please calm down!” Bulong ko sa kanya.

“Oops! Sorry!” Aniya nang marealize ang sitwasyon.

“Aray! Para saan po iyon?!” Ang sakit ng kurot na ‘yon ha! Argh!

“That’s for going home late.” Tugon niya.

Nakita ko na lang na napapikit si Riel sa ginawa ni Mom sa kanya. Our punishment, I guess. Napakatraditional naman ata ni Mom, pagdating doon.

“E bakit sa singit talaga Mom? Pwede namang sa ibang parte ‘di ba?”

“Don’t worry, son. I’m aware of what’s in there. I’ve seen that many times.” Aniya sabay turo sa parte kung saan niya ako kinurot.

“That’s not what I meant!” Argh! “And correction! Not until I turned 10!” Sagot ko.

“Oh come on, son! ‘Wag ka ng mahiya sa akin. Besides, I know that Riel have seen that too! ‘Di ba, Riel? Many times?” Napatungo na lang sa kanya si Riel. Halata doong pinamulahan siya.

My god! My Mom’s making me crazy!

“See? But your Dad’s, the best!” Dagdag pa niya.

“Mom!” Nagiging green na ata si Mom!

“What’s going on?” Speaking of the devil.

“Oh, wala naman, honey. Pinagalitan ko lang ‘tong dalawang ‘to kasi kauuwi pa lang. Let’s sleep?” Tugon ni Mom kay Dad na parang wala siyang sinabing weird about him. “You two should also rest. Marami pa tayong gagawin mamaya.” Dagdag niya.

Napatango na lang si Riel sa bilin ni Mom. Ako? Nagkakamot ng batok. God! If Mom’s not my real Mom, binatukan ko na sana siya. Ngayon ko lang nalaman na pervert pala siya. I just can’t imagine.

“Good night, you two!” Huli niyang saad. May kindat pa itong nalalaman.

“Good night po!” Mahinang sigaw ni Riel sa mga magulang ko. Nawala na rin sa paningin namin ang dalawang ‘yon.

“Guess we really need to rest.” Tumango naman ito sa akin ng nakangiti.


Riel’s POV

I doze off. ‘Yon lang ang masasabi ko nang magpasya kaming matulog na ni Red. Sa pagod na rin siguro at puyat kaya gano’n.

Pero, kahit alas cuatro na no’n nang matulog kami ni Red ay maaga pa rin akong nagising. 7 AM. Nagawa ko pa ngang tulungan si Seb sa pagluto ng aming almusal. Natuto ako ng marami mula sa kanya.

Naisipan niya nga ring gawing chef ako sa kanilang restaurant sa Amerika. ‘Yon naman ay kung gusto ko. Naalala ko ring may offer na rin pala sa akin sina Tito Armando at Tita Rina.

Hmmm. Saka ko na lang nga ‘yon poproblemahin. Hindi pa nga ako tapos sa pag-aaral e. Teehee!

“Riel!” Pagkuha ng atensyon ko ni Brett. “Pagkatapos nating kumain, maghanda ka na, ha? Best friend bonding tayo.”

“Huh?” Naguguluhan kong tanong sa kanya. Napatingin na rin ako sa katabi ko na tanging kibit-balikat lamang ang ginawa ng magtagpo ang aming paningin.

“We need to catch up. Medyo nagtatampo na ako sa’yo e.” Dagdag pa niya.

Pansin ko naman ang bulung-bulongan ng mga nasa hapag.

“Red! Aagawin ko muna sa’yo ang best friend ko, ha? Namiss ko siya e.” Anito sa katabi ko.

“Yeah, sure.” Sagot sa kanya ni Red.

“Saan tayo pupunta? How about Iris and Beegee?” Tanong ko ulit sa kanya.

“Don’t worry about us, Pars. Guess, you’ll need to bond with your best friend. Matagal ka na niyang gustong makasama ulit.” Ani Iris.

Napatango na lang ako. Nang mailibot ko ang aking paningin sa lahat ng nasa hapag ay naisipan ko silang yayain. Pero, tinanggihan lamang nila ako.

Guess, I really have to go with Brett, alone. Ano na naman kaya ang naisipan ng mokong na ‘to?

Kahit si Red, ipinaubaya niya ako kay Brett. Well, wala naman akong sinabing malisya ro’n. Matagal ng natapos ang isyu tungkol sa amin ni Brett.

“We’ll be back 5 PM. Don’t worry, mamasyal lang tayo at mag-uusap.” Ani Brett.

-----

Nasa dalampasigan na kami ngayon. 10 AM na. May nag-aantay na rin na speedboat sa amin.

“O siya, Red! We’ll go?” Anito kay Red. Tumango naman ito sa kanya.

“Take care, Blueberry. I’ll see you later.” Ani Red sa akin.

“Tss.” Tanging tugon ko saka sumakay sa speedboat.


Brett’s POV

“Ikaw na ang bahala sa kanya, ha? Kung maalala niya man na kaarawan niya ngayon, ikaw na ang bahala. Make sure na hindi siya magpilit bumalik dito agad. We’ll prepare for the wedding.” Bilin sa akin ni Red nang makasakay si Riel sa speedboat.

Ang pag-alis namin ngayon ay para makapag-ayos ang lahat sa gaganaping kasal ng dalawang love birds. Pagbibigay ng oras sa mga tao dito sa isla dahil tutulong sila sa paghahanda.

Ang maganda pa sa araw na ito ay kaarawan din ni Riel. Nako! Hindi pa rin niya nababanggit na kaarawan niya ngayon. Oh well. Just as what was planned. Go with the flow.

“Para namang sinasabi mong boring akong kasama?” Tugon ko sa kanya.

“Well…” Aniya saka napakibit-balikat.

“Gago!” Binatukan ko na.

Nagtawanan na lang kaming dalawa.

“Best! Ano na? Baka abutan tayo ng tanghali sa dagat! Ang init na kaya!” Sigaw ni Riel. Pero hindi ko iyon pinansin. Ang arte talaga no’n.

“Don’t worry, Couz. I’ll take good care of Riel. Nasa plano ito, ‘di ba? Sisiguraduhin kong masusurpresa siya mamaya.”

“Thanks, Brett!”

“Sus! O siya! Bilisan niyo na! Saktong 5 PM andito na kami. Hindi ko na kasalanan kung hindi pa kayo tapos sa paghahanda. Remember, pinaiwan niyo ang mga cell phone namin.” Tumango na lang ito sa akin.

Umiiling lang akong tumungo at sumalpa sa bangkang maghahatid sa amin sa Amanpulo. Kailangan kong pumunta rin doon dahil sa bilin ni Tita Helena. We’ll do island hopping too.

“Ano pang pinag-usapan niyo ng mokong na ‘yon?” Tanong niya.

“Best! Ang sungit mo na naman. Ayaw mo ba akong kasama? Nakakatampo ka na, ha?” Pag-arte ko.

“H-Hindi naman sa gano’n, Best.” Aniya saka nag-iwas ng tingin.

“Tss. No worries, okay? Ibabalik din kita mamaya sa pinsan ko. Pwedeng i-enjoy na lang muna natin ‘to? Para namang hindi natin ‘to ginagawa sa Cam. Sur.” Saad ko sa kanya.

Tumango na lang ito sa akin bilang sagot. Kahit papaano’y bumalik na ang sigla niya. Sus! Malalaman mo mamaya kung bakit tayo lumayo sa isla at kung bakit tinanggihan ka ng lahat sa pag-alok mo sa kanila.


Riel’s POV

Para namang ayokong makasama si Brett sa inaasta ko ngayon. Hay! Oh, well! Enjoy, daw. Edi enjoyin.

Nakarating kami sa Amanpulo bandang 10:30 ng umaga. Nag-aantay ako ngayon kay Brett na nasa harap ng Receptionist. I don’t know kung bakit. Hindi ko naman marinig kasi pinaupo niya lang ako muna dito sa receiving area ng hotel na ito.

Inilibot ko na lang ang paningin ko sa paligid. Makikita sa labas ang mga villa, at mga turista ng islang ito. Unang punta ko rito e, hindi kasi kami no’n naisama nina Mama, nang may inasikaso sila rito.

“Let’s go?” Rinig kong tanong ni Brett.

Agad na lang akong tumayo saka tumango sa kanya. Hindi ko alam kong saan kami pupunta, pero, pinagkakatiwalaan ko naman ‘tong mokong na ‘to.

Mas bully pa nga ‘to sa akin e. Kung ‘di ko lang ‘to best friend, naipadala ko na rin sana siya sa disciplinary room. At papagsulatin ko siya ng 1000 pages na ‘Sorry, Riel!’ Bwahahahaha! Lol!

“May iniisip ka na namang masama ‘no? Matagal-tagal ko ring hindi nakita ‘yang evil smirk mo. Tss.” Biglang sabi ni Brett. Napansin niya sigurong malalim ang iniisip ko.

“Huh? Wala ‘no! You’re just imagining things, Best!” Tumawa na lang ako ng malakas. Wala talaga akong maitatago sa kanya. Pero… ‘di niya naman alam na ‘yong masamang iniisip ko ay para sa kanya. Lol!

Napailing na lang ito sa palusot ko.

Nakarating kami sa isang villa na nasa dulo na. Nakatayo na nga ito sa ibabaw ng dagat e. Nang makarating kami sa loob, ay agad sa bintana ang punta ko. Ang ganda ng tanawin mula rito!

“Like it? Suggestion ni Red.” Aniya saka inilapag ‘yong dala-dala niyang bag. “We’ll wait ‘til 12 NN. Dito na tayo kakain, then, we’ll go to the next island.”

“Yep. Very nice!” Tugon ko.

“Buti naman kung gano’n. Pahinga ka na muna, may aasikasuhin lang muna ako. Wait for me here. Be my guest.” Bilin niya.

Wala na akong nagawa pa kung hindi ang tumango na lamang sa kanya. Pinagsawaan ko muna ang tanawin mula ro’n. Nang mapagod ay pabagsak akong nahiga sa kamang naro’n.

Gusto ko sanang tawagan si Red ngayon, pero, pinaiwan nila ang mga cell phone namin. Nagdahilan nga ako na pangpicture, pero, instead na ibalik niya sa akin ‘yong telepono ko’y binigyan na lang ako ng camera. Edi wow!

Kainis! Alas onse palang. Hay! Wala pa si Brett. Ano ba kasing inaasikaso no’n? Kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ang matulog na lang. Mabilis ko naman ‘yong nagawa dahil kahit papaano’y puyat din naman ako.


Brett’s POV

“Best…” Paggising ko sa prinsipeng natutulog.

Tapos ko nang gawin ‘yong lahat ng bilin sa akin ni Tita Helena. Nakahanda na rin ang pananghalian namin. Napatagal ata ang pag-asikaso ko sa mga bilin ni Tita, kaya’t nakatulog na itong best friend ko.

“Best…” Pag-alog ko ulit sa kanya.

“Hmm.” Aniya.

“Gising na po, Mahal na Prinsipe. Nakahanda na po ang inyong pananghalian.” Biro ko.

Nakita ko na lang na nagpagulong-gulong ito sa kama. Napailing na lang ako. Ano kayang pinaggagawa nilang dalawa kagabi? Sabi kasi ni Tita Helena ay alas tres y media na sila umuwi.

Oh well! Ba’t ko pa iyon poproblemahin.

Nagulat na lang ako nang may tumamang unan sa mukha ko. Napakaisip-bata talaga nito.

“Sa’n ka ba kasi galing!” Sigaw niya. Natawa na lang ako sa tanong nito. “Anong nakakatawa, ha?!” Binato niya ulit ako ng unan pero naiwasan ko iyon.

“Inasikaso ko po ang kakainin ng Mahal na Prinsipe, kaya gano’n.” Tugon ko na lang. Hindi pa rin siya umaalis sa hinihigaan niya.

“Tss. Hindi ako Prinsipe. Retard!” Asik nito.

“Sungit! O siya! Kain na tayo! Marami pa tayong pupuntahan.” Iniwan ko na lang siya doon para bumalik sa hapag. May ibinato pa nga siyang isang unan pero hindi na iyon umabot sa akin.

Kinuha ko iyon saka ibinato pabalik sa kanya. Then, sapul! Hahahaha!

“Grrr! Kainis ka talaga, Brett!” Asik nito.
“He! Tara na! Tama na ang pag-iinarte!” Sigaw ko pabalik. Umupo na lang ako agad sa hapag.

Narinig ko na lang ang pagdadabog nito.

“E! Kainis! Naiinis ako! Bakit ba kasi nila pinaiwan ‘yong mga cell phone natin? Gusto kong tawagan si Red e!” Anito.

“Ayaw mo talaga akong kasama, ‘no?” Napailing na lang ako.

“Hindi nga sa gano’n, ‘di ba? Sinabi ko na ‘yon sa’yo! I just want to call Red, that’s all! Wala naman akong sinabing ayaw ko ‘di ba?” Tugon niya.

Napailing na lang ako. Hindi mo na ako mapapasuko, Best. Ever!

“E ba’t galit ka. Just tell me. Babalik na tayo sa isla.” Seryosong saad ko. Diretso ko siyang tiningnan, mata sa mata.

May sasabihin sana siya pero hindi na niya iyon itinuloy. Yumuko at nagiwas ng paningin sa akin.

Tss. Effective pa rin pala ang pagseseryoso ko sa kanya.

“So? Uuwi na ba tayo?” Seryoso ko pa ring tanong sa kanya.

“N-No.” Marahan niyang sagot. Umupo na rin siya sa hapag.

“I thought you want to go home?”

“Wala akong sinabi.”

“But you want to.”

“I don’t.”

“Then, what do you want?”

“Ugh! Fine! Okay? Fine!” Frustrated niyang pagtatapos sa mga tanong ko. Got you, Best! Hahahaha!

Nanamihik siya’t nagsimulang kainin ang nasa plato niya. Seryoso pa rin ang itsura ko, pero sa loob-loob ay halos mamatay na ako sa kakatawa. Jusko, hindi niya pa rin naaalalang kaarawan niya ngayon.

Tss. Mamaya ko na lang ipapaalala kapag pauwi na kami ro’n.

“Bilisan mo na ang pagkain. Marami pa tayong pupuntahan. We need to go back here before 4:30 para makauwi sa isla by 5.” Seryoso ko ulit na bilin sa kanya.

“Brett naman! Stop the seriousness, okay? Nakakakilabot ka kaya! Ikaw ang pinaka ayaw kong kaaway e, alam mo ‘yan. So, stop it okay? Susunod na ako sa’yo. Best friend bonding right? Ayaw kong mapanisan ng laway sa byahe natin.” Mahabang pakiusap niya.

“Who started it?” Seryoso pa rin ako. Lol!

“Ako na nga ‘di ba? Nagsorry na nga ako sa’yo, ‘di ba? Argh! Please? Sorry na, Best.” Paghingi niya ng tawad.

Napailing na lang ako sa mga sinabi niya. Pareho lang kami ng attitude pagdating sa kaseryosohan. Kapag isa na kasi sa amin ang nagseseryoso, alam na. Stop fooling around, kasi hindi ka makakatakas sa consequences.

“Just eat. We’ll go at 12:45.” Sagot ko saka siya tinalikuran. Hindi ko naman siya natitiis e. I’m just acting. Kaya kacareerin ko na hanggang sa umalis kami mamaya.

“Brett naman! Hoy! Sorry na nga ‘di ba?” Pahabol niya pero hindi ko na iyon pinansin.

Nang makalabas ako’t makalayo ng konti sa villa namin ay inilabas ko na lang ang kanina ko pa tinatagong pagtawa. Halos maiyak na nga ako e. Ikukuwento ko ‘to kay Iris mamaya.


Red’s POV

Dalawang oras na lang, magaganap na ang surpresa ko para kay Riel at ang pinakainaasam kong mangyayari sa aming dalawa. I don’t care if we’re not yet finish studying. We can do that anytime we want.

Ito ang importante. And we’re old enough to build our own family. Lol! 20 pa lang pala kami. Screw the age. It doesn’t matter.

“How is it, son?” Tanong ni Mom.

Nasa harap ako ngayon ng ginawang altar dito sa dalampasigan. Mga upuan na lang ng mga magsisipagdalo ang kulang dito. Ang mga dekorasyon ay pinagtulungang gawin at ilagay ng mga babae at kami namang mga lalaki’y sa mabibigat na gawain.

Syempre lahat iyon ay hango sa disenyong ginawa ng kaibigan ni Mom na wedding coordinator.

Seb and Dave are both in the kitchen. Tinutulungan sila ng mga magulang namin dito sa isla.

Nakaset-up na rin mga instrumentong gagamitin nila Eli. It will be our first time to here him sing solo. I personally requested that to him. And I am thankful that he said yes.

“Perfect Mom. Thanks for this.” Tugon ko sa kanya na may ngiti sa aking labi. Niyakap ko na rin siya.

“I’m sure you’re happy. Riel will be the happiest, too.” Dagdag pa niya.

“Very, Mom. Sigurado akong magiging masaya si Riel.”

“Masaya rin ako para sa inyong dalawa. I’ll save my speech for the event later. I just don’t want to cry yet.”

“Sus! Kahit ‘di naman Mom, iyakin ka talaga ‘di ba?” Biro ko sa kanya. “Aray! Mom! Bakit do’n na naman?” Daing ko.

“Mag-mula sa araw na ‘to kapag biniro mo pa ako na hindi ko nagustuhan, at kapag nakagawa ka ng kasalanan, diyan na talaga kita kukurutin.” Aniya sabay turo do’n.

“Mom!”

“What?” Aniya na tumatawa.

“Thank you.”

“Sus! ‘Wag mo muna akong paiyakin. Kukurutin talaga kita ng pino. O siya, Tumulong na riyan! We only have an hour and a half. You also need to prepare.”

“Yes Mom. Kayo na po muna bahala sa Pamilya Chua ha? They’ll stand as Riel’s family. Pati na rin po pala si June.”

“Wala ng problema ro’n. Nakausap ko na sina Rina at Armando tungkol doon. Alam na nila ang gagawin. Finish things here, then do yours. You can’t be late! Kasal mo ‘to! Kasal ninyo ng mahal mo.” Aniya saka kinindatan ako. Nagsimula na rin siyang maglakad pabalik sa resthouse namin.

“I love you, Mom!” Pahabol ko.

“I love you too, son!” Sigaw niya pabalik.

Tumulong na lang ako sa pwede ko pang matulungan. Aligning the chairs and all. At ako mismo ang naglagay no’ng red carpet na paglalakaran ng mahal ko.

“Excited?” Tanong mula sa likod ko.

Iniimagine ko pa kasi na naglalakad na sa carpet na nilagay ko si Riel. Nahawa na rin siguro ako sa pagdi-daydream no’n. I don’t mind. Mahal ko e.

Paglingon ko, ay si Eli iyon. Nasa likod naman niya ang mag-asawang Josh at Riley na papalapit pa lang.

“Yeah. Excited as ever, Bro.” Tugon ko.

“Tss. I’m not your brother, man. Si Riel at Eri lang ang pwedeng tumawag sa akin niyan.” Anito.

“We’ll after the wedding, magiging brother-in-law mo na rin naman ako, ‘di ba? Teka… that can’t be. Hindi naman pala kayo magkapatid.”

“Gago!” Nagtawanan na lang kaming dalawa.

“Anong kaguluhan?” Tanong ni Josh.

“Congrats, Bro!” Pahayag naman ni Riley sabay tapik sa aking balikat.

“Thanks, Riley. How’s life as a married man?”

“Cool. My Babe learned how to cook for me. Guess, you won’t be having a problem with that.” Tugon nito.

“Sus! Wala ka ng hahanapin pa do’n kay Riel, no! ‘Di ba, Eli? He’s well equipped.”

Tumango naman sa kanya si Eli. Napangiti ako’t tumango na lang din bilang pagsang-ayon. Wala naman na akong hihingin pa e.

I don’t care if he don’t know how to cook.

I don’t care if he’s not perfect.

Nagustuhan ko siya kung ano siya. Bonus na lang sigurong, marami siyang alam.

Mahal ko siya, dahil mahal ko siya. Tapos.

And I want to seal our fate. From this day, onwards. I wan’t to be with him. Habambuhay.

“Basta lagi mo lang tatandaan na kapag umiyak na naman si Riel dahil sa kagagawan mo, katulad ng ginawa ni Zeke, you’ll see your face in the mirror as wreck as hell.”

“Hinding-hindi ko na ‘yon gagawin. Kung mangyari man, I’ll fix it immediately before you know it.”

“Gago!” Binatukan na ako.

“Promise, Eli. Hindi na ulit iiyak si Riel.”

“Wag kang mangako, gawin mo.” Tugon ni Eli.

“Yeah. Marami kaming pagtutulungan ka kapag mangyari man ‘yon.” Dagdag naman ni Josh. Si Riley ay tumango bilang pakikiisa.

Tumango na lang ako sa kanila.

“Mag-ayos ka na. Kami na ang bahala rito. Kalahating oras na lang, andito na ‘yon.” Ani Eli.

“What? 30 minutes na lang?” Gulat na tanong ko. “Paano kayo?”

“Tama nga sina Tita Helena. Hindi ka aware ng oras. O siya! ‘Wag mo kaming alalahanin dahil hindi naman kami ang ikakasal. Dalian mo na!” Naiiling na saad ni Josh.

Para na tuloy akong naiihi na hindi alam kung saan pupwesto.

“Hala! Bilisan mo na. Naiready na ni Tita ang susuotin mo. Maligo ka, magpabango, magpagwapo. Ayaw mo naman sigurong maturn-off sa’yo ang kapatid ko.” Itinulak na ako ni Eli para magmadali.

Shit! Aabutan pa ako ni Riel na pawisan. Buti na lang at alerto si Mom sa oras. Hindi ko na rin nagawang magpaalam at magpasalamat sa kanila.


Riel’s POV

Nakakapagod ang naging byahe namin ni Brett, pero masasabi kong nag-enjoy naman ako. Marami rin kaming napag-usapan. Buti na lang at hindi na siya gano’n kaseryoso. Hindi ko gustong gano’n siya e. Ganyan din naman kasi sinasabi niya sa tuwing ako naman ang nagseseryoso.

Kararating lang namin dito sa villa na inuupahan namin gaya sa napag-usapang oras. Inaantay ko na lang si Brett na lumabas sa banyo para makabalik na kami sa isla.

Kanina pa may bumabagabag sa isip ko e. ‘Yong feeling na may importanteng okasyon ngayon, pero pilitin mo mang hugutin sa dulo ng dila mo’y hindi mo pa rin maalala.

Pagtingin ko sa kalendaryong nasa dingding ng villa ay doon ko nakumpira na mayroon nga akong nakalimutan. Nasapo ko na lamang ang noo ko.

Matanda na ba ako para makalimutan ko ang sarili kong kaarawan? Argh! Sa lahat ng makakalimutan ko ay ang kaarawan ko pa.

Hindi ko nga rin napansin na hindi man lang ako binati ng mga kaibigan ko kanina. Even Red! Gawd! Planado kaya ‘tong lakad namin ni Brett?

“Ang lalim ng iniisip natin, ah?”

Nasa malalim talaga akong pag-iisip no’n. Nag-ipon ako ng hangin para sa sermon na sasabihin ko sa Best friend ko dahil, maskin siya’y hindi ako binati. Argh!

Pero natigilan ako nang makita siyang pormal na pormal ang suot.

“Eh? Anong meron? Bakit ganyan ang suot mo?” Nagtataka kong tanong.

“So, hindi mo pa rin naaalalang birthday mo? Happy birthday, Best friend!” Sarkastikong saad niya.

“Fuck you!” Sigaw ko, pero nakangiti ako dahil doon. “Kingina, Brett! Ba’t nakalimutan kong kaarawan ko! Argh! Pinagplanuhan niyo ‘to ‘no?” Tumango lamang siya sa tanong ko.

“Bwesit! Alam mong ayaw ko ng mga surpresa! Ginawa niyo na ‘to noong nakaraang taon! Kainis!” Dagdag ko.

“Sisihin mo ang magaling mong nobyo. Planadong lahat.” Aniya saka malakas na tumawa. “E kasi naman, sino ang nakalimutan ang birthday niya, aber?”

“Pepektusan ko ‘yon pagka-uwi natin.” Kainis! Pero… Argh! Nasisiyahan naman ako.

“Wear this.” Aniya sabay abot sa akin ng kinuha niyang damit sa cabinet.

“Dala mo ‘to? Para saan?”

“Yeah, dala natin kanina. Pinaayos ko lang sa mga empleyado ng hotel, tapos sila na naglagay dito sa villa natin.” Tugon niya.

“Para saan?” Tanong ko ulit. Hindi naman niya ‘yon sinagot e.

“Birthday mo ‘di ba? Dali na, suotin mo na! ‘Wag nang maraming tanong. Para makauwi na tayo.” Tugon niya. Tumatawa na rin siya.

“Bwesit na Red ‘yon! Para namang napakaimportanteng event naman ang kaarawan ko. Ba’t pa magsusuot nito?” Dami kong reklamo, pero, isusuot ko naman. Argh! Ano na naman kaya ang pakulo ng mokong na ‘yon?

“Basta! Magbihis ka na!”

“Oo na! Oo na!”

Lumabas na lang sa kwarto si Brett para makapagbihis ako. Shit! Puting tuxedo, long sleeves, at slacks, grey na vest ang mga ibinigay sa akin ni Brett. May itim ding bow tie doon.

Argh! Ang pormal!

Pagkalabas ko ay, hindi ko malaman ang sasabihin.

“Nice!” Ani Brett.

“Kainis! Bakit magsusuot pa ng ganito?”

“Itanong mo na lang kay Red mamaya, okay? Ito medyas tsaka sapatos. Bilisan mo na at baka malate tayo. We need to get there, before the sun sets. ‘Di ba gusto mo ‘yon?”

“Hindi ko pa naisusuot ‘tong bow tie e.” Sabay pakita ko sa kanya nito.

“Akin na nga.” Kinuha niya iyon sa mga kamay ko. “Ano ka ba, bata? 20 years old ka na, Best! Look up! Look up! Shake shake shake!” Aniya saka tumawa.

“Tss.”

“Look up na! Paano ko ‘to mailalagay.” Inirapan ko na lang siya saka tumingin sa taas.

“Happy Birthday, Best! Sasabihin ko ulit. Hahaha!” Anito.

Ang tagal niya namang gawin ‘yon bow tie ko.

“From this day onwards, sana… maging masaya ka na. Nagiguilty pa rin kasi ako sa nangyari for the past year.”

“Hay nako! Sabi kong tapos na, ‘di ba? Ano ba naman ‘to! Iiyak ako, sige!” Kainis! Tapos na ‘yon e.

“I can’t help it. Sabi nga ni Iris, ikaw na rin naman nagsabi na okay na ang lahat, pero… syempre, ako ‘yong may kasalanan—.”

“Sssh! Tama na, okay? Matagal na kitang pinatawad, kaya patawarin mo na rin ang sarili mo. Babatukan talaga kita, Brett! Past is past. Kapag ayos na, ‘wag ng ibalik pa. Lalo na’t isa iyon sa masasakit na nakaraan.”

Nangangalay na ako sa kakatingin sa taas e! Ang drama pa nitong isang ‘to! Kainis!

“For the nth time, sasabihin ko sa’yo na, okay na. Wala na.  Hindi kita matitiis, Brett. Best friend kita e. Dapat hindi mo na iyon pinoproblema pa.”

“Salamat sa pag-iintindi sa akin ha?”

“Arte nito!” Pinitik ko na sa noo.

“Happy birthday ulit, Sungit!”

“Tss. ‘Di pa ba tapos! Angsakit na kaya ng leeg ko!”

“Heto na po, mahal na Prinsipe.”

Nang matapos niyang maayos ang bow tie ko ay agad akong nagsuot ng medyas at ng sapatos. Pagtingin ko sa bintana ay Malapit ng lumubog ang araw. Ang ganda talaga ng view nito.

“Brett! Tara na! 4:30 na!”

“Ang TV na!” Sigaw niya.

“Ito gusto mo?” Asik ko sabay pakita sa kanya ng kamao ko.

“Oo na!”

Nagmadali kaming pumunta sa kung saan naghihintay sa amin ‘yong nagmamaneho ng speedboat ng mga Ariola. Awkward nga no’ng nasa buhangin na kami naglalakad. Marami pang taong nakakita sa itsura namin. Pero, okay lang. Si Red naman may pakana nito.

Nakasakay na kami pareho ni Brett sa speedboat ng kunin niya ang atensyon ko.

“Kailangan mo ‘tong suotin.” Aniya sabay pakita no’ng pantakip sa mata.

“Bakit naman?” Pagsusuplado ko.

“Di ba nga surprise? In less than 15 minutes, ando’n na tayo. This is Red’s order okay? Wala ng pero, pero.”

“Tss! Akin na nga!”

“Siguraduhin mong hindi ka titingin.”

“Oo na! Babatukan ko talaga ‘yon!”

“Sure. Save mo na lahat ng ‘pagbatok thingy’ na ‘yan mamaya pagkarating natin do’n.”

Tss. Kainis! Mas lalo tuloy akong naiexcite!


Red’s POV

“Andito na sila!” Sigaw ni Yuki.

Kanina nga, abot abot na ang kaba ko, ngayon pang narinig kong andito na sila. Argh! Ba’t ba ako kinakabahan?

Relax, Red! Kasal niyo ‘to ng mahal mo!”

Nakita kong inalalayan siya ni Brett pagbaba sa speedboat na kanilang sinakyan. He’s so handsome! Tama lang ang sukat na naipatahi sa kanya ni Mom. Nakaputi siya, samantalang ako’y nakaitim naman. Although, puti ang long sleeves ko.

Napatango-tango na lang ako.


Riel’s POV

Sinisigawan ko na rito si Brett, kasi hindi ko pa rin pwedeng tanggalin ‘tong eye patch ko. Kainis! Mahulog pa ako sa dagat ‘no!

“Wag ka ngang maingay! Nakakahiya sa mga tao!” Anito!

“Bwesit ka kasi!”

“Sisihin mo ang nobyo mo!”

Nang marinig ko ‘yon ay nanahimik na lang ako. Sabi ko nga, surpresa ‘to. What should I expect? Isusubo na lang lahat sa akin? Argh!

“Ayan. Nasa dalampasigan na tayo.” Anito. “Tita Rina, Tito Armando, Joyce, ipapaubaya ko na po muna sainyo si Riel.” Ano? Andito na ang Pamilya Chua?

“Okay, Brett. Kami na ang bahala.” Tugon sa kanya ni Tita Rina.

“Bye for now, Best. See you later. A bit later lang naman. Hahaha!”

“Kingina mo!” Sigaw ko sa kanya. ‘Di ko rin kasi alam kung saan siya. May nakatakip kaya sa mata ko!

Naramdaman ko na lang ang yakap ni Tita Rina.

“Happy birthday, Riel!” Anito.

“Happy birthday, Kuya!” Rinig kong saad din ni Joyce.

“Happy birthday, iho.” Ani Tito Armando.

“Salamat po!” Masaya kong tugon sa pagbati nila.

“We’ll lead you. Bilin ni Red na ‘wag munang alisin ang piring mo sa mata e.” Ani Tita Rina.

“Bakit daw po?” Tanong ko.

“We don’t know, Kuya.” Ani Joyce saka humagikgik.

“Red is a good man. You’re both lucky to have each other.” Saad ni Tito Armando. Napangiti at tumango na lang ako para sumang-ayon.

Kinakabahan ako sa kung ano man ang kahihinatnan ng okasyon na ‘to, pero… masaya akong si Red ang puno ng planong ito. Anything, basta sa kanya galing, masaya na ako.


Red’s POV

Papalapit na ng papalapit si Riel, kasama ang pamilya Chua. Argh! Hindi ko mapigilang maiyak sa sobrang saya. Iniisip ko nga kung anong magiging reaksiyon niya.

Ang alam ni Riel, umuwi na sina Leer at Liz. Since, kaibigan naman sila ni Riel, at kailangan ang presensiya nila rito’y pinakiusapan namin ang kanilang adviser at mga magulang para rito.

Kahapon lang din nila iyon nalaman e. Si Mom na kasi lahat ang nag-asikaso noon.

Tumingin ako sa pwesto ng banda nila Riel, kung saan si Eli ang kakanta ngayon. Pagsenyas na rin na pwede na silang magsimula. Tumango na lang ‘to sa akin saka kinausap ang mga kabanda.


Riel’s POV

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng isang kanta. Fuck! Alam ng Diyos kung gaano ako nagulat. Nagpalinga-linga ako, as if may makikita ako sa paligid.

God! Abot abot na ang kaba ko! Ano ‘to Ariola! Pakiexplain agad! At piano ‘yon e! Alam kong may piano! Pero… paano? Umuwi na sina Liz at Leer kanina?

When you try your best, but you don't succeed
When you get what you want, but not what you need
When you feel so tired, but you can't sleep
Stuck in reverse

What? Sinong nakapagpapayag magsolo si Kuya? Sino?! Bwesit! Anong pakulo ‘to Red! Naiihi na ako sa kaba!


Red’s POV

And the tears come streaming down your face
When you lose something you can't replace
When you love someone, but it goes to waste
Could it be worse?

Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you

Nang makapwesto ang mga kaibigan at importanteng tao sa buhay namin ay sumenyas ako sa pamilya Chua na pwede ng tanggalin ang piring sa mata ni Riel.

Nakita kong ibinulong ito ni Tita Rina kay Riel at natawa ako sa ginawa niyang agarang pagtanggal nito. Epic!

“Ano ‘to?!” Pasigaw na tanong niya sa mga kakilala naming nasa bawat gilid nila.

Nilingon ko ang papalubog na araw. Ang pinakapaboritong tanawin namin. Naalala ko tuloy noong nagmadali akong hanapin siya no’ng dinalaw ko siya sa bahay nila kinaumagahan matapos ilibing ang kanyang Ate Karisma at Kuya Terrence.

‘Yong cheeseburger na naishare niya sa akin. ‘Yong kwentuhan. At paghatid ko sa kanya sa pag-uwi. Lahat ng ‘yon.

Sunset ang pinakamemorable na oras na kasama ko siya, kaya’t sa papalubong na araw ko rin siya gagawing Ariola. Para makasama ko habambuhay.


Riel’s POV

And high up above or down below
When you're too in love to let it go
But if you never try you'll never know
Just what you're worth

Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you

Kingina! Wala man lang sumagot sa sagot ko! Nasaan ba ‘yong mokong na ‘yon?

Napansin ko ang kulay ng langit dahil sa papalubog na araw.

Memories replayed.

‘Yong yakap niya.

‘Yong pag-aalala niya.

‘Yong pagshare ko sa kanya ng cheeseburger na para sa dinner ko dapat.

Nilibot ko ang paningin ko’t nakita ang mga kabanda ko. Nakangiti sa aking si Kuya nang magtama ang aming mga paningin. Ipinaabot ko sa kanya ang aking pagtataka sa lahat ng naandito, pero… tanging kibit-balikat lamang ang isinagot nito sa akin.

Naghanap ako ng bato, pero… ang tanga ko kasi naghahanap ako ng bato sa purong buhanginan na dalampasigan na ‘to! Argh!

Pati sina Josh, Riley, Zeke, Iris, Yuki, at Ate Xynth ay hindi rin ako sinasagot.

Red! Asan ka na?! Explain!


Red’s POV

Hindi pa rin ako nakikita ni Riel. I hid myself behind Mom and Dad.

“Anak, ba’t ka nagtatago riyan?” Bulong ni Mom na hindi ako nililingon.

“Mamaya na ako Mom magpapakita.” Tugon ko.

“Son, kapag nayamot ‘yan si Riel. Sigurado akong walk-out ‘yan. Birthday pa naman. Alam na niya siguro na kaarawan niya ngayon.” Ani Dad.

Napaisip tuloy ako.

“Magpakita ka na kaya?” Saad ni Brett na kakalapit lang. Karga na rin niya si Beegee.

Sa takot ko na rin na hindi matuloy ang kasal ay nagpakita na ako.

Nanlilisik na mata ni Riel ang sumlubong sa akin. Lol! Inis na talaga siya sa akin. It’s all because we’ve planned it so well. At hindi rin namin siya binati para sa kaarawan niya.

“Red!! Explain!” Sigaw niya.

“I love you!” Tugon ko.

Nagpeace sign na lang ako sa kanya.

Tears stream down your face
When you lose something you cannot replace
Tears stream down your face
And I...


Riel’s POV

Tears stream down your face
I promise you I will learn from my mistakes
Tears stream down your face
And I...

Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you

Marahan akong lumapit patungo sa kinaroroonan niya, kasama sila Mama, Papa, Brett at Beegee.

Bwesit! Kainis! Kinikilig ako! Takte!

Nang makalapit ako’y yakap ang agad na sumalubong sa akin galing kay Mama at Papa. Shit! Alam niyo ‘yong feeling na maiiyak ka na lang bigla dahil apektadong apektado ka ng pinanonood mo? My Gawd!

Namiss ko tuloy sina Mama, Papa, at Ate. Sana nakikita ninyo ito mula riyan sa langit. Ang saya saya ko po, Ma, Pa, Ate.

“You deserve the happiness. ‘Wag munang umiyak!” Ani Mama saka pinunas ng kanyang hinlalaki ang papatakas na luha sa aking mata.

Tumango na lang ako bilang tugon.

“Salamat po.” Dagdag ko.

Nagbigay sila ng daan para makita ko si Red. Takte! Ako emosyunal rito tapos siya nagagawa pang ngumiti!

“Happy birthday, my love.” Aniya. “Ang sakit no’n ha?” Daing nito. Sinampal ko kasi. Lol! Natawa na rin tuloy ako.

“E gago ka! Ngayon mo lang ako binati! Plano mo pa ‘to lahat! Kainis! Hindi ko man lang nalaman na kasal ko na ‘to! Kasal na pala natin! Fuck you!” Sermon ko sa kanya.

“Let’s save that later.” Bulong niya. Kinurot ko na lang sa singit, gaya ng punishment sa amin ni Mama.

“Aray! Bakit mo ginawa ‘yon?” Ungol niya. Ang sarap pakinggan.

“Pilyo ka kasi!” Tugon ko.

“Blueberry naman!”

Ngumiti na lang ako. Nilingon ko ang lahat na nasa kani-kanilang upuan na. Mga nakangiti nilang mukha ang nasilayan ko.

Pagbalik ko ng tingin sa kaharap ko’y agad ako nitong hinila palapit sa kanya saka hinalikan sa labi.

“Wooh! Tama na ang landian! Simulan na ang seremonya!” Sigaw ni Yuki.

“Gusto mong sumabay na Yuki? Parating na si Kuya Ryou.” Sigaw ko pabalik.

“Tse!” Aniya.

Nagsitawanan naman ang lahat.

“Let’s get married?” Tanong niya.

“Sure.” Masaya kong sagot.




Itutuloy…

9 comments:

  1. Sana evwr after na tong happiness ni Reil after all the sufferings he went through. Thanks sa ipdaye Mr Author. Take care and moew power to you

    ReplyDelete
  2. Sa wakas. Hahahaha. Ang tagal tagal ng update. Ay. Haha. Konikilig ako. Haha. Di ko naramdaman si eri. Haha

    ReplyDelete
  3. Sobang nakakakilig nmn tong update ngayon ni author pero sobra nmn cguro ung mskalimutan mo sariling birthday mo.....

    I really enjoy at update agad kuya rye

    ReplyDelete
  4. Ndi ko nalagyan ng pangalan ung comment ko.....

    Kilig to the bone tlaga

    Jharz

    ReplyDelete
  5. No word to describe...👍👍👍👍....we want more.from u mr.author...

    T.c.
    Jess

    ReplyDelete
  6. Haaayy kinabahan ako kala ko sa dulo may nakalagay n THE END.... Ayos... Kinilig ako sobra.. Hahahha time check 3:28 am.. Di na ako makatulog sa kilig.. - dave

    ReplyDelete
  7. Shoooott!!!! Kiliiiig overload toh! Gawd!!! Slow clap for you author! Next na pls! 😂😂😂😂😂 thanks thanks.. 😀😀😀😀

    ReplyDelete
  8. Waa mr. Auther may bagong conflict nnmn ikaw ahh pinapa excite mo tlga ako... Im so excited for next chapter pki published n mr. Auther atat n akong kilabutan at mapaluha ulit....

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails