Followers

Saturday, January 2, 2016

Dear Stranger (Chapter 9) - Love, Stranger Book 2

AUTHOR'S NOTE 
Chapter 10 will be posted TOMORROW! 
Next time na lang po ang mga ibang bagay. ^_^

MARAMING SALAMAT PO!

MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================

======================================================





DEAR STRANGER

(Book 2 of "Love, Stranger")

CHAPTER NINE
RAY:
“Yes!” masaya kong sigaw habang sinusulat ng madiin sa white board ang salitang iyon. Humarap ako sa kanila, hindi ko pinahalatang lumulutang ang utak ko. Putcha naman kasi, kanino ba talaga galing yung bulaklak kanina? Tsk!
“Yes is the word na kailangan nating makuha from Mr. Kyou.” Sabi ko sabay tingin kay Rome. Nagtama ang aming mga mata, seryoso itong nakatingin sa akin. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya na nasa kabilang dulo ng puting long-table, linagpasan ko si Jess na medyo malapit sa akin. “So Mr. Parilla, paano natin makukuha ang yes ni Mr. Kyou?”
“Liligawan?”
“Correct! Liligawan natin siya. Pero sabi nga nila, mas malaki ang chance na makuha mo ang matamis na oo kung maging close ka sa taong malapit sa liniligawan mo. In this case sa anak-anakan niya – Me.” Sabi ko na ang boses ay parang nang-iinis. Linapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Ngumiti ako, binawi ko ito at naging poker face. “Kaso mukhang bagsak ka na sa akin eh. Alam mo naman siguro ‘yan.” Sabi ko sabay irap. Naglakad ako, inikutan ko si Rome, dinaanan ko si Lyn na bigla akong inirapan, alam ko na ang galaw ng utak ng babaeng ito. Naglakad ako papuntang harap malapit sa white board, katabi ni Kim na masama ang tingin sa akin.
“Eh ‘di liligawan ko rin ang anak niya.” Napatingin ako kay Rome. Nakangiti itong nakakagago. What the heck!? Tama ba ang narinig ko?
“Excuse me? Pumayag ba akong magpaligaw?” lumakas ang boses ko.
“Sinabi ko bang ikaw? Anak ang sabi ko, hindi anak-anakan.” sabay ngisi.
Natameme ako. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga kaibigan ko. Tiningnan ko sila ng masama.
“Oh bakit Ray?” tanong ni Lyn na hindi alam kung paano pipigilin ang pagtawa. Ang sama kasi ng tingin ko sa kanila.
“Stop laughing. Walang nakakatawa.”
“Assumera ka kasi.” Sigaw niya. Kinuha ko ang pambura ng lapis na nasa harap ko at binato ito sa kanya. “Maldita ka!” sigaw niya pagkatapos umiwas. Hindi ko na lang siya kinibo. Yari sa akin ito mamaya.
Tumingin ako kay Rome. Pigil tawa rin si gago.
“At ikaw, for your information walang anak si Chichi.” Sabay cross-arm. Tumigil siya sa pagtawa.
“Eh ‘di ikaw na lang liligawan ko.” Presko niyang sabi. Kumindat siya. Napailing ako, lakas niya grabe! Akala naman niya sasagutin ko siya.
“So much confidence. Hindi ko kinaya. Lakas!” sabi ko sabay ngisi na nang-iinis.
“I’m not joking Ray.” Seryoso ang mukha at tono ng boses niya.
“Pwes kung manliligaw ka, pumunta kang Pinas at magpaalam sa mga magulang ko. Of course you can’t do that. Ikaw pa, eh duwag ka. Hindi mo nga nagawang magpakilala sa akin noon sa Tokyo eh, sa mga magulang ko pa kaya?”
“Okay. Sabi mo ‘yan ah. Sige, pag balik nating Pinas pupuntahan kita sa bahay niyo at magpapaalam ako sa mga future in-laws ko na liligawan kita. Mahal na mahal ko kasi anak nila eh.” Matigas ang boses niya at parang seryoso talaga. Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam ang isasagot ko. Narinig ko ang pagtili ni Lyn. Tiningnan ko siya, kilig na kilig ang bruhilda. Tumingin ako kay Jess, namumula na ito habang tumatawa ng mahina. Si Kim naman ay napayuko pero kapansin-pansin ang paggalaw ng katawan nito. Alam kong tumatawa rin siya. Kainis na mga ito!
“We’re in the meeting people. So shut up! Umayos kayo!” sigaw ko. Huminga ako ng malalim. Tumingin ako kay Rome. “Anyway, I need financial reports of all your business corporations. Kailangan makita ni Mr. Kyou at ng board na credible tayo. Second, they need to see something new sa magiging presentation natin. Something they’ve never seen before. Last but not the least, kailangan mong patunayan that you and your company are trustworthy. ‘Di ba iyan yung yinayabang mo noon sa presentation mo?” sabi ko sabay taas ng kilay.
“Hindi ko ‘yan yinayabang Ray. You cut me in the middle of my presentation then asked me about trust. Syempre kailangan kong sagutin.”
Hindi ako kumibo. Wala na ako sa mood makipagtalo sa kanya. Lalong lumulutang ang utak ko sa mga nangyayari. Tsk.

***

RAY:
Linigpit ko ang laptop at folder ko. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Pasimple akong tumingin sa kanya, nakita kong nakatingin din siya sa akin. Nailang ako. Hindi ko alam gagawin ko. Binalik ko ang atensyon ko sa gamit ko, linagay ko ito sa aking gray and red na backpack. Muli akong tumingin sa kanya, nag-aayos siya ng gamit.
“Salamat ngapala at nadala mo itong mga gamit ko na naiwan ko kahapon sa kwarto mo.” Sabi ko. Tumingin siya sa akin. Bahagya siyang ngumiti.
“Wala ‘yun.” Sagot niya habang binababa ang kurtina ng office room niya. Kitang-kita ko ang mapulang sinag ng papalubog na araw.
Kinain kami ng katahimikan. Awkward.
“Anong oras ka bukas available? I need to see yung progress mo sa pag-aaral ng kanji.” Ang kanji ay isa sa tatlong klase ng Japanese writing. This writing is a Chinese characters na inadopt ng mga hapon.
“Same time.” Maiksi niyang sagot. “Nasabi ni Kim na magaling ka raw sa kanji.”
“Sakto lang. Si Jess ang magaling ‘dun. Kanji king nga tawag namin sa kanya eh. Para sa akin, sa kanya ka dapat magpaturo sa bagay na ‘yan kasi marami siyang mabibigay na tips.” Sabi ko habang pinapatay ang projector. Lumapit siya, kinuha ang wire nito at binilog. Three inches na lang ang layo niya sa akin. Naiilang talaga ako. Tsk.
“Pwede naman ako humingi ng tips sa kanya. Pero gusto ko ikaw pa rin ang sensei ko.” Malambing ang tono ng boses niya. Napatingin ako sa kanya, nakita kong nakatutok ang mga mata niya sa akin, muli kong nakita ang mga bituin. Hindi ko maiwasang hindi muling maramdaman ang kuryenteng dulot niya sa katawan ko.
“Why?” pabulong kong tanong. I can’t breathe. He’s so close to me.
“Kasi gusto kong kasama ka palagi.” I feel the sincerity in his warm voice. Kitang-kita ko rin ang mga mata niya na walang bahid na kung anong pagkukunwari, sobrang transparent.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hindi ko alam ang gagawin ko.
“See you later sa extra lessons mo.” Sabi ko sabay talikod at tinumbok ang pinto palabas ng opisina niya. Nakita kong nakaupo ang tatlong kaibigan ko. Sinarado ko ang pinto.
“Kamusta pag-aaral ng jowa mo? Ang student-teacher romantic relationship niyo?” diretsong tanong ni Lyn na nakangiti. Lumapit ako at binatukan siya. Tumili ang bruha.
“Ikaw! Ano yung ginawa mo kanina!?” gigil kong sabi sigaw sa kanya.
“Saan?” maang-maangan niyang tanong.
“Kaninang tanghali sa meeting!”
“Bakit? Totoo namag nag-assume ka ah?”
“Shut up.”
“Arte-arte nito. At hoy, ano yung drama mo kanina?”
“What drama?”
“Yung katarayan mo! Hindi ‘yan yung Ray na kilala namin.” Sabi ni Lyn.
“Well sorry to disappoint you. This is who I am now.” Confident kong sabi sabay kuha sa katabing itim na office chair at umupo rito.
“So you’re saying na nagbago ka na. Ibig sabihin din ba nito nagbago na rin nararamdaman mo sa kanya? Naka-move on ka na?” tanong ni Kim na ang tono ng boses ay parang isang pulis na iniinterogate ang isang suspect.
“Of course.” Mabilis kong sagot sabay patong ng bag ko sa puting desk sa harap ko. “Kasamang nawala ng Ray noon ang pagmamahal ko sa kanya. Ibang tao na ako ngayon.” Sabi ko sabay ngiti at dikwatro.
“Talaga lang ha.” Si Kim na nanlalaki ang chinita niyang mata.
Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto sa opisina ni Rome, linuwa siya nito. Kinain kaming lahat ng katahimikan. Naglakad siya papunta sa kabilang kwarto. Sinarado niya ang pinto.
“Hindi ko kailangang kumbinsihin kayo kung ayaw niyo maniwala.” Bigla kong sabi pagkasara ni Stranger ng pinto.
“Oo hindi naman talaga kailangan. Pero kailangan mo kumbinsihin sarili mo. Try harder teh. You’re fooling yourself. Denial king.”
Nagulat ako sa narinig ko. Sinubukan kong i-maintain ang composure ko.
“Hindi ko kailangang kumbinsihin kasi alam ko ang totoo.” Sabi ko sabay hilig ng likuran sa upuan. Mahinang tumawa si Jess. “What?” mataray kong tanong sa kanya.
“Mukhang maganda mangyayari rito. Perfect attendance na ako panigurado.” Si Jess sabay apir kay Lyn na tumatawa rin.
“Pustahan tayo Jess?” si Lyn na tinataas-taas ang kilay habang nakatingin kay Jess.
“Anong pustahan?” medyo dark ang tono ng boses ko. Bwisit na mga ito.
“Wala!” sabay na sigaw ni Jess at Lyn. Tumayo ako, tinukod ko ang dalawang kamay ko at binuhos ang bigat ko sa desk na nasa harap ko.
“Tigil-tigilan niyo ang mga ganyan niyo ha. Kung ako sa inyo, ipagpatuloy niyo na ang brainstorming niyo para may ma-suggest kayo sa amo niyo. Tandaan niyo, hindi birong tao ang liniligawan niyo. It’s the Mr. Kyou.” Pagdiin ko sa the at sa pangalan ng tatay-tatayan ko.
“Alam namin. Kaya nga tinutulungan namin ang amo namin sa panliligaw sa anak ng liniligawan niya.” si Lyn.
“He!” sigaw ko sabay lakad papuntang pinto ng comfort room. “Ngapala, itapon niyo yung bulaklak.”
“Bakit!?” sabay-sabay na sigaw nung tatlo.
“Hindi ako tumatanggap ng bagay na hindi ko alam kung galing. Baka may lason pala ‘yan at pag naamoy ko ay mamatay pa ako ng wala sa oras.” Sabay bagsak ng pinto ng banyo.
Hinilig ko ang likod ko sa pinto. Nagbitiw ako ng malalim na hinga, umecho ito sa buong banyo. Naalala ko ang sinabi ni Kim kanina; am I really fooling myself? Denial nga ba talaga ako? Bullshit! Alam ko namang denial ako, pero ganoon ba ako ka-obvious sa kanila na mahal ko pa rin si Rome?

***

RAY:
Hinipan ko ang puting cup na hawak ko. Humalik sa mukha ko ang mainit na singaw nito. Bahagya kong hinigop ang laman nito. Ang sarap ng timpla ko ng kape ngayon, mas masarap than usual. Umikot ako 180 degrees. Napasigaw ako gawa ng biglang pagsulpot ni stranger sa harap ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.
“Gago ka? Papatayin mo ba ako?” sigaw ko sa kanya. Bigla kong naibaba ang cup na hawak-hawak ko sa round table na nasa harap ko.
“Sorry naman. Iinom kasi ako ng tubig.” Sagot niya sabay kamot ng ulo.
Hindi ako kumibo. Kinuha ko ang kape ko at tinumbok ang isang stool na nasa sulok ng kwarto, umupo ako. Pasimple ko siyang tiningnan, ang gaan ng pakiramdam ko pag nakikita ko siya pero kasama nito ang pagkailang at lungkot na nararamdaman ko sa puso ko. Ewan ko ba.
“Kanino galing yung bulaklak?” tanong niya. Tumaas ang kilay ko sa narinig.
“Ewan ko.”
“Ano ginawa mo?” tanong niya habang kinuha ang baso .
“Pinatapon ko sa kanila. Pero ayaw bitiwan ni Lyn, ayun inuwi niya.”
“Bakit mo pinatapon?” tinumbok niya ang water dispenser at kumuha ng malamig na tubig, narinig ko ang bagsak ng tubig dito.
“Hindi ko naman kilala kung kanino galing eh. Isa sa bagay na natutunan ko ay ‘wag tatanggap na kahit na ano na galing sa stranger.” Sabi ko sabay ngisi. Medyo patama sa kanya iyon.
“Pero bakit dati tinanggap mo yung mga bigay ko sa iyong cookies at chocolate?” tanong niya at pagkatapos ay uminom.
“Dati ‘yun.”
“Paano kung magpakilala siya?” tanong niya sabay yuko.
“Eh ‘di good. Mas okay ‘yun para alam ko kung dapat ko bang tanggapin yung mga binibigay niya.” Sabi ko sabay irap sa kanya. Oo aminin ko pinariringgan ko siya, hindi ko maiwasang hindi isipin na sa kanya galing iyon eh. Sa opisina pa niya pinadala ang bulaklak. So who on earth will give that thing to me?
Tinaas niya ang ulo niya at tumingin sa akin. Inalis ko ang tingin sa kanya sabay higop ng kape ko.
“Pwede mo ba akong ipagtimpla ng kape?”
Nasamid ako sa narinig ko. Tiningnan ko siya, kitang-kita ko ang matamis niyang ngiti kasama ang malalim na dimples na nakabakat sa kanyang pisngi.
“Bakit!? Hindi ka ba marunong?” bakas sa boses ko ang inis. Binaba ko ang hawak kong cup sa lamesang gawa sa granite na katabi ko. Parang nawalan ako ng gana. Naglakad siya palapit sa akin.
“Masarap ka raw magtimpla ng kape eh.” Sabi niya sabay kuha ng kape ko at ininuman ito.
“Hoy ano ba!” sigaw ko. Pero wala na akong nagawa dahil nakainom na siya. Ngumiti siya, ngiting nakakatunaw. Tsk.
“Masarap nga ah.” Sabi niya sabay dila sa labi niya. Shit bakit ang hot ng pagkakadila niya? Napansin ko na ang lapit-lapit namin sa isa’t-isa.
“Sa iyo na ‘yan. Magtitimpla na lang ako ng bago.” Sabi ko sabay tayo at lakad palayo sa kanya.
“Ayaw mo bang share tayo?” sabi niya sabay hawak sa braso ko. Ang init ng palad niya, nagdulot ito ng kuryente sa buong katawan ko. Lumingon ako, nagtama ang aming mga mata. Bumigat ang aking paghinga. Tinabig ko ang kamay niya.
“Ayoko. May laway mo na ‘yan.” Napansin ko ang pagbabago ng boses ko, mula sa kaninang matigas ay unti-unti itong naging mahinahon at malambot.
“Ano naman? Eh may laway mo rin naman ito? Ayaw mo nun para tayong nag-kiss ulit?” nakangiti niyang sabi sabay baba ng kape sa lamesa. “Naalala mo ba nung nasa Tokyo tayo sa Taxi? Then sa Hakone Cable Car?” sabay kindat.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin, parang hinuhukay ng mata niya ang lahat sa akin hanggang sa kaluluwa ko. Napansin ko ang unti-unting paglapit ng mukha niya sa akin. Dahan-dahan akong umurong, pero patuloy pa rin siya sa paglapit. Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Kumakabog ito hindi lang sa dibdib ko kundi pati sa pulso, tenga, hanggang sa ulo ko; napakalakas. Hindi na ako makahinga. Naramdaman ng likod ko ang pader. Tinukod niya ang dalawa niyang kamay sa pader sa likod ko. Na-trap ako, literal. Para akong naging estatwa. Na-trap ang kaluluwa ko sa ginawa niya, hindi na ako makaimik. Nanghihinga na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Linapit niya ang mukha niya sa akin, naramdaman ko ang mainit niyang hinga. Nakakalusaw. Muling kumislap ang mga mata niya. Nawawala na ako sa sarili.
“Maaga pa naman ‘di ba?” iba na ang tono ng boses niya, hindi ko mawari kung ano meron dito. Ang alam ko lang ay nakakaulol ito sa aking pandinig.
“Bakit?” bulong ko sa kanya. Tinukod niya ang noo niya sa akin, nakakapasong init ang dulot ng kanyang balat. Nag-umpisang manginig ang kalamnan ko.
“Tara? Mahaba pa ang gabi... Umpisahan na natin para makarami tayo.” Sabay ngiting nakakaloko.
Paulit-ulit na umeecho sa utak ko ang sinabi niya. Nakakabingi. Biglang nag-init ang katawan ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Putangina he’s teasing me! Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Pumikit ako. Kasabay ng pagdilat ko ay pagbago ng aking mga mata. Matulis ko siyang tiningnan na may halong pang-aakit. Hinaplos ng palad ko ang malambot at makinis niyang pisngi.
“Saan tayo? Dito?” mahina at malandi kong sabi sabay tulak sa kanya sa lamesa napaupo siya. Lumapit ako sa kanya at pagkatapos ay pumulupot ang braso ko sa kanyang batok samantalang ang kanan kong kamay ay gumapang sa kanyang dibdib. 

ITUTULOY

12 comments:

  1. CHAPTER 10 bukas or sa monday na po!
    Maraming salamat sa pagbabasa! ^_^

    ReplyDelete
  2. Wow! Any landi ni ray kay rome
    He....he....he....

    Red 08

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eh linandi rin siya eh. Hahaha!
      Thanks for reading! :-)

      Delete
  3. kilig to the max!!!! lalong gumanda takbo ng kwento.

    ReplyDelete
  4. ganda ng story! worth waiting for. :) thanks author.

    ReplyDelete
  5. Omg! Ang landiii! Ahahaha
    nku bka nman in d end kna cock tease
    lng nya c papa jerome!
    Nku lagot k pg ngktaon whitepal..

    Thanks u po s update and for letting me smile bfore i sleep!

    #LSDee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for reading! Tomorrow po ang Chapter 10. :-)

      Delete
  6. Haha, nakakakilig talaga, di ko maiwasang kiligin na nakangiti. Pero doon sa last scene my feeling akong medyo ipapahiya ni Rome si Ray, sasabihin nyang tinutukoy nya eh yung pagtuturo hindi kalandian, hahaha. Sir Gab parang umiiksi na po yung mga chapters, pakihabaan nmn po, hahaha. Thanks po sa update.

    -RavePriss

    ReplyDelete
    Replies
    1. Like the other chapters 2k+ words din ito. Hindi siya maiksi. Masyado lang detailed ang non-verbal actions plus thoughts kesa sa verbals.

      Delete
    2. Thanks for reading! Tomorrow ang Chapter 10.

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails