Followers

Friday, January 8, 2016

Dear Stranger (Chapter 10) - Love, Stranger Book 2

AUTHOR'S NOTE 
Sorry sa delay. May mga inasikaso akong importante
Next time na lang po ang mga ibang bagay. ^_^

MARAMING SALAMAT PO!

MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================

======================================================





DEAR STRANGER

(Book 2 of "Love, Stranger")


CHAPTER TEN
RAY:
Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran. Kitang-kita ko ang abot-matang ngiti niya, kumikislap-kislap ang mga mata niya. Pinatong ko ang tuhod ko sa lamesa, nasa gita ng dalawa kong hita ang kanyang hita. Linapit ko ang labi ko sa kanyang tenga, sinadya kong idikit ang pisngi ko sa kanya, ang init ng kanyang balat.
"Paano mo gustong umpisahan?" malandi kong bulong sa tenga niya habang hinahaplos-haplos ng kanang kamay ko ang kanyang buhok, ang isa kong kamay ay gumagapang mula sa kanyang katawan pataas sa kanyang leeg. Unti-unting kong naramdaman ang pagapang ng mga kamay niya na nasa aking likuran, ang kanan ay pataas papunta sa aking batok habang ang isa naman ay pababa sa bewang ko. Nakakakiliti, nakakakilig, nakakakuryente.
"Gawa na tayo?" sabi niya sabay kindat.
"Gawa ng ano?"
Linapit niya ang labi niya sa aking tenga, naramdaman ko ang mainit niyang hininga. Bahagyang dumampi ang labi niya sa tenga ko. Nakakakiliti. Nakakawala sa katinuan. "Gawa ng baby." Sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Nagbitiw ako ng ngiting nakakaloko. "Paano? Guide me."
"Dapat gusto natin parehas. Dapat mag-enjoy tayo. At higit sa lahat, may pagmamahal." Nakangiti niyang sabi habang ang kumikislap ang mapungay niyang mga mata. Marahang hinahaplos-haplos ang balat ko. Bumigat ang paghinga ko.
"Guide me." Bulong kong sabi sabay mahinang buga ng mainit kong hininga sa kanya.
Yumuko siya. Isang malakas na halakhak ang binitiwan niya.
"Hindi ata tayo nagkakaintindihan." Sambit niya habang patuloy na ginagalaw ang mga kamay niya sa akin. "Ang sabi ko, umpisahan na natin para makarami tayo ng babies, para marami tayong matapos na trabaho." Sabi niya sabay tawa.
"Baka ikaw ang hindi maka-gets." Ngisi kong sabi. Tumayo ako sabay tulak sa kanya. Tinumbok ko ang pinto ng kwarto. Lumingon ako sa kanya. "Kailangan mabuo ang baby na iyan at ipresent kay Mr. Kyou." Sabi ko sabay kindat. Bakas sa mukha niya ang gulat.
"Sabi ko nga." Sabi niya sabay ngiti habang kinakamot ang ulo. "Ikaw kasi iba iniisip mo. 'Wag kang mag-alala yung nasa isip mo gagawin din natin iyan. Sa tamang panahon." Sabay kindat at tumawa ng malakas.
"Ulul! In your dreams!"

***

RAY:
"Ano ba 'yan!? Hindi mo pa rin alam iyan!? Anong ginawa mo kahapon pagkatapos ng lesson natin at hindi ka man lang nag-aral? Natulog!?" Sigaw ko sa kanya.
"Inasikaso ko yung mga documents ng business ko." Nagkamot siya ng ulo.
"Eh kanina pagkatapos ng meeting?"
"Kinausap ko si Papa. 'Di ba hinihingi mo financial reports ng business namin? Sinabi rin ni Papa na may mga darating na applicants dito next week, may mga inasikaso rin ako regarding that."
"Kahit na! Dapat minamanage mo ng maayos ang oras mo!" sabi ko sabay bato ng lapis sa puting desk sa harap namin. I know I'm being unreasonable pero ewan ko ba, may inis talaga akong nararamdaman sa kanya minsan. Bwisit.
"Teka nga, bakit ba ang init-init ng dugo mo sa akin Ray? You're being unfair!" naging seryoso ang tono ng boses niya.
"Ako pa ngayon ang unfair!? Bakit? Sino ba ang naging unfair noon? Sino ba ang nang-iwan sa ere? Hindi ba ikaw!?" sigaw ko sa kanya sabay tayo. Hindi ko alam kung bakit out of nowhere ay nasabi ko iyon. Rumehistro ang gulat sa kanyang mukha, nagsalubong ang kanyang kilay. Sumarado ang kanyang kamao. Mabilis siyang tumayo, hindi pa rin nawawala ang tingin namin sa isa't-isa. I think he's pissed off.
"I think hindi tayo nagkakaintindihan sa bagay na ito Ray. Remember noong lunch natin with Bae and Gel? Sinabi ko sa iyo na sana maging professional tayo? This is just business at hindi ko gustong makatrabaho ka! Kaya sana, i-set aside mo ang mga issues natin!" lumakas ang boses niya. Magsasalita pa sana ako kaso ay naunahan niya ako. "You're my teacher, nandito ka para tulungan akong matuto. In short hindi kita Boss, hindi mo ako hawak. Kaya sana 'wag mo akong sigaw-sigawan or put me under you because I'm not! I know, galit ka sa akin, alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo. And I'm sorry. Alam kong hindi mo maibibigay iyan ngayon, and I'm still hoping na one day mapatawad mo ako, but please? I-respeto mo naman ako bilang tao? Ibigay mo naman sana sa akin ito." Dire-diretso at matigas niyang sabi na may bahid ng pagmamakaawa sa kanyang mga mata.
Hindi na ako nakakibo. Hindi pa rin naaalis ang tingin namn sa isa't-isa. Mula sa inis ay rumehistro ang lungkot sa maganda niyang mata. Bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam, naguguluhan ako. Pumikit ako. Tumalikod ako sa kanya. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Naisip ko na tama siya, I never respected him simula nang magkita kami ulit. Wala akong ginawa kundi tarayan siya, sigawan, insuluhin, at magpaka-sarcastic.
"I'm sorry." Sabi ko. Kinain kami ng katahimikan. Muli akong huminga ng malalim. Binasag ko ang nakabibinging katahimikan. "This was never easy for me."
Hinawakan niya ang balikat ko, hinarap niya ako sa kanya. Dumilat ako at nakita ko ang kanyang mga mata, nangungusap ito.
"Then let's treat each other as a stranger. Trabaho lang. Let's respect as teacher and student."
"Why stranger?" naguguluhan kong tanong.
"Naalala mo noon sa Beijing at Tokyo? We're strangers right? Hindi tayo nadedepress o nagkakainisan dahil nga strangers tayo, in short wala tayong attachment. What if subukan natin ulit? Kailangan natin ito Ray. Ako para sa pamilya ko. At ikaw para sa trabaho mo kay Mr. Kyou."
Tama siya. Noong totally stranger kami sa isa't-isa ay wala kaming problema. Walang drama, walang inisan, walang sarcasm, walang kahit na anong sakit ng ulo. Everything is good. We're cool back then. Maybe it's better that way.
"Let's do your suggestion. I think we'll both do better if we're strangers." Nagbitiw ako ng isang pilit na ngiti. Ganoon din siya.

***

ROME:
"What if we focus on Tokyo? Since parehas naman tayong nakapunta doon? Mas madali kung doon iikot ang presentation natin." Sabi ko.
"Anong kinalaman ng Tokyo sa business mo?" sabi mo habang nakatingin sa puting kisame. It's getting late pero wala pa rin tayong natatapos. Ka-text ko si Lyn kanina pero wala pa rin siyang maisip na magandang concept.
"Opportunity?" alinlangan kong sabi.
Natawa ka. "Nandoon na tayo. Pero may opportunity rin naman dito sa Osaka, ganoon din sa Hokkaido, Kyoto, Nagoya, Chiba, at marami pang iba. Isa pa, alam mo namang maraming business si Mr. Kyou sa iba't-ibang parte ng Japan at mundo. The opportunity para sa mga tao mo is almost limitless kapag nakuha mo ang partnership niya, so as your company."
"I know."Sabi ko. Nagbitiw ako ng malalim na hinga.
Kinain tayo ng katahimikan. Mula sa pagkakaupo ay tuluyan mong binagsak ang katawan mo sa futon na nasa sahig, sinasapo ito ng tatami mats. I know you're tired, kaninang umaga pa tayo dito. Pero hindi pa tayo pwedeng umuwi at magpahinga, besides nag-offer ka na tulungan ako ngayong gabi, hindi mo alam kung gaano ako kasaya noong sinabi mo iyon. Nandito tayo sa kwarto ko sa loob ng office.
Tumayo ako. Binuksan ko ang puting blinds at lumitaw sa bintana ang madilim na kalangitan na puno ng mga bituin. Lumingon ako sa iyo, nakita kong nakatingin ka sa akin.
"'Di ba lagi kang tumitingin sa mga stars?" sabi ko sabay ngiti. Hindi ka sumagot. "Baka lang kasi may bigla kang maisip kung sakaling tumingin-tingin ka sa kanila."
Nagbitiw ka ng isang pilit na ngiti. Tinaas mo ang kamay mo kasama ang isang libro at binuklat ito. Umupo ako sa tabi mo at kinuha ang iPad, nagpatugtog ako ng music at pagkatapos ay kinuha ko ang laptop ko at binuksan ang safari upang magresearch, baka may makuha akong idea.
"Okay ka naman ba?" tanong mo.
"Saan?"
"Dito, sa futon." Tukoy niya sa parang kutson na hinihigan niya at inuupuan ko. Parang kumot ito na nasa 1-2 inches ang kapal.
"Oo naman. Ang sarap kayang matulog sa sahig. Comfortable." Sabi ko sabay tapik sa futon. Natigilan ako. Parang nagliwanag ang utak ko sa sinabi ko. Comfortable?
"Wait may naisip ako Ray."
"Ano iyon?"
"Speaking of comfort, aside sa pagbibigay ng man power sa mga business ni Mr. Kyou we can also aim to provide comfort sa mga workers which is ganoon naman talaga, pwede ko itong idagdag sa presentation. I mean mas mapapadali sila mag adjust from our culture sa Pinas to the culture dito sa Japan, kagaya ng pagtuturo mo sa akin ngayon ng Nihongo at Japanese Culture. Kaibahan lang is we have to look for a partner language school na magtuturo sa kanila ng language and to immerse them sa culture at the same time. Since na mas madaling makuha ang loob ng mga hapon na naiintindihan nila at naiintindihan sila. This is not only applicable in Japan, we can also do this sa ibang company ni Mr. Kyou within the Asia na may language barrier. Like Thailand, South Korea, Vietnam, Malasia, Indonesia. And slowly we can expand more and more sa iba pang countries." Mahaba kong paliwanag. Bakas sa boses ko ang excitement at saya. Nakikita ko nang magiging napakaganda ng project na ito. At least may naumpisahan na.
Tumango ka. "That's good." Sagot mong wala sa sarili, kung anong kinataas ng energy ko ay siyang kinabagsak ng sa iyo. Pagod ka na nga talaga mahal ko. "Hindi naman sahig ito. Yung tatami mat na nasa ilalim ng futon, iyan ang sahig or banig pero itong hinihigaan ko, futon ang tawag dito" sabay irap. Inatake ka na naman ng pagiging moody mo, hindi ka naman rineregla. Hahaha!
"Alam ko. Lutang ka ano? Eh kasasabi mo lang kanina iyan noong binaba ko itong futon dito."
Nagbitiw ka ng malalim na hinga. Nakatingin ka sa libro mo pero wala akong makita sa iyong mga mata.
"Sorry. Pagod lang. At huy, hindi tayo matutulog dito ah. Uuwi ako pagkatapos." Sabi mo.
Kinain tayo ng katahimikan, tanging music mula sa iPad ko lang ang ating naririnig. Tinaype ko sa MS Word ang idea na naisip ko kanina. Ilang minuto ang lumipas at biglang tumugtog ang isang kanta, bawat bagsak ng nota ng piano nito ay nagdulot ng kilabot at saya sa katawan ko. Nagkatinginan tayo.
*Minsan Oo Minsan hindi
Minsan Tama Minsan Mali
Umaabante Umaatras
Kilos mong namimintas
Kung Tunay nga ang Pag ibig mo
Kaya mo bang Isigaw
Iparating sa Mundo

"Ang ganda talaga ng kanta ito ano?" sabi ko sabay ngiti.
"Mag-research ka na 'dyan." Sabi mo sabay tuon ng mga mata sa libro. Humikab ka. Unti-unting bumabagsak ang maganda mong mga mata pero pilit mo itong linalabanan. Sinarado ko ang laptop, kinuha ko ang ipad. Mula sa pagkakaupo ay humiga ako sa tabi mo. Pasimple akong tumingin sa iyo, binaba mo ang libro at pinatong sa may tyan mo. 'Di ko napigilang ngumiti. Tinuon ko ang mga mata ko sa aking iPad habang pinakikiramdaman ko ang mainit mong braso mo na nakadikit sa braso ko.
*Tumingin Saking Mata
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo'
Sayo Lang ang Puso ko'

Napansin kong sumasabay ako ng kanta. Kahit wala akong tinatamaang nota ay tuloy lang ako. Kahit sa paraang ito'y maiparating ko sa iyo ang gusto kong mangyari. Mahal kita eh.
Naramdaman ko ang mabigat na tibok ng puso ko. Narinig ko ang pagbigat ng iyong paghinga. Pasimple akong sumulyap sa iyo, nahuli kitang nakatingin sa akin, mabilis mo itong inalis. Patuloy akong kumanta.
*Walang ibang Tatanggapin
Ikaw at ikaw parin
May gulo ba sayong isipan
Di tugma sa nararamdaman
kung tunay nga ang pag ibig mo

Tumingin Saking Mata
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo
'Sayo Lang ang Puso ko'
--------------------------------------
*Sa'yo. Silent Sanctuary
--------------------------------------
Lakas loob akong tumingin sa iyo, umaasang maramdaman mo ang sincerity ng pagmamahal ko. Kasabay nang pagkakita ko sa iyong mukha ay pinakawalan mo ang isang malakas na hilik. Mahina akong tumawa. Unti-unting bumagsak ang ulo mo sa aking balikat. Napangiti ako. Oo nanghihinayang ako dahil sayang ang moment, pero okay na rin siguro ito para makapagpahinga ka na. Alam kong pagod na pagod ka ngayong araw at maraming iniisip.
Inabot ng isang kamay ko ang switch ng ilaw, pinatay ko ito ganoon din ang aking iPad. Bumaling ako sa pwesto mo at dahan-dahang kong hinaplos ang iyong mukha. Hinalikan ko ang pisngi mo, matagal. Inakap ko ang katawan mo.
"Good night mahal ko." Bulong ko sa iyong hindi pa rin inaalis ang labi ko sa pisngi mo.

***

RAY:
Maliwanag ang sikat ng araw, hindi ko magawang idilat ang aking mga mata. Naramdaman kong may naka-akap sa akin at akap-akap ko rin siya. Weird. Baka naman na nanaginip lang ako? Gumalaw ako, napansin kong may labi na naka dikit sa pisngi ko, sa parteng malapit din sa labi ko. Sinubukan kong dumilat. Unti-unti kong nakita ang mukha ng katabi ko; si Rome! Hindi ako nakakibo. Hindi ako makakilos. Napansin kong naalimpungatan na rin siya.
"Good morning!" masaya at buhay na buhay na sigaw ng dalawang babae at isang lalaki sa may ulunan namin. Tumingala ako. Nakita kong ngiting-ngiti ang mga ugok na sina Kim, Lyn, at Jess. Napatayo ako, ganoon din si Rome. Gamit ang aking braso, mabilis kong pinunasan ang natuyong laway at muta sa mukha ko.
Walang kumikibo sa amin ni Rome. Pasimple siyang tumingin sa akin, nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya. Ang gwapo niya shit. Unti-unting nag-sink in sa utak kong magkatabi kami ulit natulog. Hindi ko maiwasang 'di kiligin. Ano ba iyan!
"Maghihilamos lang ako." Pabulong niyang sabi sabay tayo. Nakangiti man ay bakas sa kanyang mukha ang pagkailang. Tinumbok niya ang puting pinto na noo'y naka-awang at pagkatapos ay sinara ito. Isang tili ang pinakawalan ni Lyn, putragis halos mabingi ako.
"Ang ingay mo!" sigaw ko sa kanya sabay hampas sa binti nito. Mabilis akong tumayo at humarap sa salamin, inayos ko ang aking sarili.
"Pagod na pagod." Sabi ni Kim. Kitang-kita ko sa salamin ang pigil niyang tawa.
"Puyat na puyat." Sabi naman ni Jess na nakangiti.
"Ang daming naganap. Ang daming nagawa. Halatang mahaba ang naging gabi nila!" sigaw ni Lyn sabay tili. "May nabuo ba rito?" tanong ni Lyn sabay haplos sa tiyan ko.
Kinuha ko ang unan at hinampas silang tatlo.
"Mga malisyso! Skandaloso at skandalosa!" sigaw ko habang pinandidilatan silang tatlo.
Humalakhak silang tatlo. Bwisit. Nasa ganoon silang pagtawa nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Hinanap ko ito. Hindi ko makita.
"Kita niyo na hindi makita mga gamit! Mukhang naging wild kayo ah." Sabi ni Jess sabay tawa.
"Shut up! Pinapakinggan ko kung saan galing."
"Heto teh." Si Kim sabay abot ng cellphone ko na nakita niya sa may likuran niya. Kinuha ko ito. Nakita kong tumatawag si Chichi. Agad ko itong sinagot.
"Ohayou! Kamusta?" masayang bati ng tatay-tatayan ko.
"Ohayou Otousan! Okay naman po." Sabi ko sabay balik ng tingin sa salamin. Ang haggard ko.
"How's your student?"
"Okay naman din po."
"I hope so... Anyway, mabilis lang ito. I just called to inform you na pinabook ko kayo ni Rome sa isang trip."
"Ha!?" sigaw ko. Parang nabingi ako sa narinig. Seryoso ba siya?
"Yes. Don't worry, I already sent sa email yung mga detalye at kung ano ang dapat niyang matutunan. It's an educational trip. Just you and Rome." Sabi niya na ang tono ng boses ay parang nang-aasar. Ewan ko ba! Sa tagal ko siyang kilala ay ngayon niya lang ako ginanito. Parang nang-iinis pa siya na magkasama kami ni Rome. Bwisit. I'm sure he has an idea sa nakaraan namin ni stranger.
Patuloy siyang nagsalita, pero wala na akong maintindihan. Nabingi na ako. Para akong nawala sa katinuan dahil sa naging desisyon niya. Gusto ko ngang matapos agad ang project namin ni stranger pati ang pag-aaral niya, tapos ngayon ay makakasama ko siya sa isang field trip. Crap!
"Hello Ray!?" si Chichi, bakas sa boses niya ang inis. Alam kong kanina pa siya nagsasalita pero 'di ko naintindihan.
"Sorry. Lumulutang lang. Hindi lang ako prepared sa sinabi niyo."
"Ang sabi ko, nandyan ba si Rome? Can I talk to him?"
Tinumbok ko ang pinto ng kwarto. Narinig kong nagsalita si Lyn. "Uuuyyy! Na-miss na niya agad si Rome!" kilig na kilig na sabi nito. Lumingon ako sa kanya.
"Shut up!" sigaw ko. Nakakaistress. Bwisit. Lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si Rome, kalalabas niya lang ng comfort room. Fresh na fresh. Lalo siyang gumwapo.
"Si Chichi. Gusto kang kausapin." Sabay abot sa kanya ng cellphone. Kinuha niya ito. Rumehistro sa mukha niya ang ngiti.
"Okay po. Thank you sir!" sabi niya sabay end call. Tumingin siya sa akin. Kumikislap-kislap ang mga mata niya.
"Anong nginingiti-ngiti mo 'dyan?"
"Wala naman." Lalong lumaki ang ngiti sa kayang labi, bumakat ang kanyang dimple. "Masaya lang ako na makakasama kita ulit sa isang trip." Malambing niyang sabi na umecho ng paulit-ulit sa tenga ko. Ewan ko ba pero para itong isang musika sa aking pandinig. Hindi ako makakibo. Naglakad ako papuntang comfort room. Sa 'di malamang dahilan ay di ko napigilang ngumiti.

ITUTULOY


10 comments:

  1. Thanks for reading! Comments and suggestion are all welcome! ^_^

    ReplyDelete
  2. Hahaha grbe ang bed scene!
    So romantic...

    Sna dmating n rin ang rome ng buhay ko.
    Thanks whitepal!

    I love it!

    #LSDee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Darating din yan tiwala lang. :-)
      Thanks for reading!

      Delete
  3. kilig overload.. sna sna sna maging okay na sila totally ahaha

    ReplyDelete
  4. Nakakakilig talaga kahit pa hard to get si Ray, haha. Kaabang abang yung trip nila, sana madami png kilig moments, hehe. Thanks po sa update

    -RavePriss

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malalaman niyo rin kung bakit ganyan si Ray, and let me tell you; wala pang nakakakilala kay Ray. Same thing kay Rome. Stranger sila parehas hindi lang sa isa't-isa kundi pati sa inyong mga readers. Hahaha! So abang-abang po. :)
      Thanks for reading!

      Delete
  5. bakit kasi may pakiss kiss pa si Rome kay Gel. Tapos mahal nya pa din pala si Ray. At nakita pa ni Ray ang kissing scene na yun. Bwisit ka Rome. Kay Bae nalang si Ray. Team BaeRay ako all the way haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bukod tangi ka atang maka-Bae.
      Thanks for reading! :-)

      Delete
  6. may chapter 11 naba nito?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails