Followers

Saturday, May 23, 2015

Loving You... Again Chapter 19 - Actions




  



Author's note...

Hello ulit guys. Ren... Seyren... here again... whatever haha. Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Allan(?)... at kay sir Ponce(?) (Iisang tao o ibang tao, nananatiling misteryo na naman sa akin dahil napahiya ako... wahaha...) sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!

Umm... kung napansin niyo ay nasa Chapter 19 ulit. Hindi po kayo naliligaw. May inayos lang ako kaya naging Chapter 19 na lang. Ginulo ko na naman po kasi ang nararapat na ayos ng mundo natin. Sa mga nagbabasa po ng Chapter 25, Chapter 18 na po siya. Kung saang chapter po kayo huling nagbasa, minus 7, nandoon po iyung chapter na hinahanap niyo. Bale heto po iyung mga nabago...

Chapter 2 & 3, deleted & merged with Chapter 1.

Chapter 5, deleted & merged with Chapter 4 and now the Chapter 2.

Chapter 7, deleted & merged with Chapter 6 and now the Chapter 3.

Chapter 9, deleted & merged with Chapter 8 and now the Chapter 4.

Chapter 10, 11, & 12, deleted & merged with Chapter 9 and now the Chapter 5.

Chapter 5's title from Story of Us renamed to Twisted Fates.

Chapter 13 to 25 moved backwards by 7 chapters.

Ginawa ko po ito to solidify my half-ass plots in the first 5 Chapters kasi halatang rushed siya ng author ninyo. At ginulo ko na naman ang nararapat na ayos na mundo. Kaya din ako nagpost agad ay para masaktan na ang masaktan at sana hindi na basahin ito (LOL joke). So yeah. Have fun guys. Hinahanda ko pa nga pala iyung upcoming chapter ni Aulric as said sa JFAM ni sir Bluerose... kaya hindi din po ako makakapag-post ng mabilis for quite some time. But don't worry. Babawi ako. Dito na rin po sa... title na ito ipo-post iyun. Salamat po pala sa mga taong patuloy na nagbabasa ng akdang ito at sa mga gusto ng tumigil, okay lang. Cheers. 











Chapter 19:
Actions 










































Ren's POV



          Naisip ko, may mga nangyayari sa buhay natin na hindi inaasahan. Gaya ng aksidente at iba pa. Planado kaya ito o talagang aksidente lang? Organisado ba ito o hindi? Paano ba natin malalaman? Eitherway, kailangan natin mapatunayan iyun bago maghusga. Hindi maganda ang basta na lang tayo maghusga. Pero hindi maiiwasan ang mag-isip ng ganoon. Lalo na't parang may mali sa mga nangyayari ngayon.



          Umagang-umaga ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Blue.



          "Hello.“



          "Ren, may nangyari kay Ethan,“ agad na saad niya.



          "Huh? Anong nangyari sa kaniya?“ natataranta kong tanong.



          "May mga taong bumugbog sa kaniya. Pinupuntirya pa ang kamay ni Ethan.“



          "Ano? Hindi pwede iyan. Malapit na iyung gig natin sa mall.“



          "Okay naman ang lahat sa ngayon. Hindi nga lang makakapag-ensayo si Ethan ng mga isang linggo para pagalingin ang kamay niya.“



          Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Tinapos ko na ang tawag ni Blue at nagpaalam. Nag-isip naman ako saglit. Parang may mali talaga sa nangyayari. Mukhang may kinalaman ito sa aksidente na baka ako at si Blue ang target... o si Keith kaya? Ngayon ay si Ethan. Hindi kaya may nananabutahe sa amin mula sa ibang eskwelahan? Kami ni Blue at Ethan ay kasapi ng Music Club. Pero kung pananabutahe ito, bakit ngayon pa kung kelan dalawang buwan pa bago ang Battle of the Bands? Nako naman! Ang gulo ng mga pangyayaring ito.



          Papunta na ako para sa unang klase ko ngayong araw nang sumabay si Harry sa akin sa paglalakad.



          "Umm... morning, Ren,“ kinakabahan niyang bati.



          Kumunot ang noo ko sa pananalita niya. "Magandang umaga... at bakit parang naparami ata ang ininom mong kape ngayon?“



          "Wala naman,“ iling niya. "At kung naparami nga ako ng inom ng kape, hindi naman nakakasama iyun. Maganda nga iyun sa katawan para bumagal ang pagtanda ng katawan mo. Ikaw Ren, hindi ka ba mahilig magkape?“



          "Hindi kape ang lagi kong iniinom sa umaga. Gatas ang iniinom ko. Mas masustansya kasi ang gatas kesa kape.“



          "Laki ka pala sa gatas.“



          Napansin ko naman ang pagtulo ng pawis sa mukha niya. "May kasalanan ka na naman ba na ginawa?“ naitanong ko.



          Napapitlag siya sa narinig. "Ano ka ba? Medyo kinakabahan lang sa ibang bagay. At hindi naman iyun dahil sa iyo o kung ano pa man. Bakit mo naman nasabi?“



          "Hindi mo ba naalala iyung una nating pagkikita tungkol sa article na akala ko ideya ni Kei, tapos ideya mo pala iyun? Pinagpapawisan ka kahit unang buwan pa ng taon at malamig.“



          "Ay ano ka ba! Ibang kaso talaga ito ngayon. At wala akong ginawang kasalanan.“



          "Okay. Sabi mo ehh,“ kibit-balikat ko.



          Nakarating na ako sa classroom at naghiwalay na kami ni Harry. Dumiretso lang ako sa upuan at naging kapansin-pansin sa akin ang mukha ni Allan. Namamaga.



          "Anong nga pala ang nangyari diyan sa mukha mo?“ tanong ni Alexis na katabi niya.



          "Nagpakabayani lang,“ sagot ni Allan.



          Naalala ko naman ang pagpapawis ni Harry at ang sabay nila na pag-uwi kagabi.



          "S-Si Harry ba ang may gawa sa iyo niyan?“ sabat ko sa usapan nila.



          "Bingi ka ba?“ inis na sagot ni Allan. "Sabi ko, nagpakabayani ako.“



          "Teka nga? Sino ba siya?“ turo ni Alexis. Teka nga? Ganoon ba talaga ako ka-invisible na hindi niya ako kilala?



          "Ewan. Hindi ko siya kilala,“ naisagot ni Allan.



          Natapos na ang klase ngayong araw at papunta na ako sa Music Room. Kakausapin ko sana si Harry. Ang kaso ay umalis na ito agad. Bakit ganoon? Hindi ko maintindihan. Saan naman niya makukuha ang pamamaga ng mukha niya? At ang sabi niya, nagpakabayani?



          Pagkapasok ko sa Music Room, naabutan ko naman si Ethan na nakaupo sa sofa at nagtitipa ng gitara.



          "Akala ko, nagpapagaling ka?“ tanong ko habang naglalakad papalapit sa mesa para ilagay ang mga gamit ko.



          "Hindi naman gaanong masakit ang kamay ko kaya makakapagpraktis pa rin ako,“ tugon ni Ethan habang ginagalaw ang kanyang mga kamay.



          "Pero sigurado ka ba? Baka mas lalong lumala-“



          "Ay nako Ren! Huwag ka ng mag-alala,“ pagputol ni Ethan. "Kung masakit ang mga kamay ko, sasabihin ko naman at ako mismo ang titigil magpraktis.“



          "Ganoon ba? Sabi mo ehh.“ Umupo din ako sa sofa.



          "Alam mo, baka nga napuruhan itong kamay ko ng tuluyan kung walang dumating na Kamen Rider para tumulong.“



          "Kamen Rider? Ang ibig mo bang sabihin, masked rider? Iyung ganoon?“ naguguluhan kong tanong.



          "Iyun. Tama. Pauwi ako ng bahay. Tapos may grupo ng mga taong parang kasing-edad ko lang na naka-balaclava. Iyung itim na bagay na ginagamit ng mga masasamang loob para hindi makita ang mukha. Sinubukan ko naman silang labanan. Ang kaso, mas marami sila kesa sa akin. Sinubukan ko namang sumigaw ang humingi ng tulong at baka sakaling may makarinig sa akin. Pagkatapos nila akong matalo, pinadapa nila ako at pinalagay ang mga kamay ko sa harapan. May hawak namang pamalo iyung isa nilang kasama. Mukhang balak nilang puruhan ang kamay ko para hindi makatugtog. Napalo nila ng ilang beses ang kamay ko nang may tumulong sa akin. Ang weird nga lang ng taong ito dahil may suot pa siyang... leyon na maskara ba iyun? Nang may mga nakakitang barangay tanod sa amin, nagsialisan sila.“



          Naka maskarang leyon? Si Mr. Lion kaya iyun? Kaya ba naging ganoon ang mukha ni Allan? Niligtas pala niya si Ethan. Akala ko, may ginawang masama sa kaniya si Harry. Baka naman nagkataon lang talaga na pinagpapawisan siya. Malay ko ba? Baka naman kinakabahan siya sa pagdating ng magulang niya o kung ano?



          "Pero Ethan, naisip mo ba na baka isa itong pagsasabutahe sa atin?“



          Kumunot ang noo at napangiti niya. "Pananabutahe? Sa atin? Ganoon ba talaga tayo kagaling para gawin sa atin iyun?“



          "Naisip ko lang kasi, nitong isang araw ay may aksidente na kinasangkutan namin ni-“



          "Pero hindi ba, nahuli na iyung may sala?“ pagputol ni Ethan. Nako! Oo nga pala.



          "Ahh! Sa bagay?“ kibit ko ng balikat.



          Oo nga pala! Nahuli na daw ang taong may kasalanan sa aksidente na kinasangkutan namin ni Blue. Right! Useless naman pag-usapan ito kasama ang mga tao. Pero dahil may nangyari na kay Ethan, siguro ay dapat mag-imbestiga ako nang hindi nila nalalaman.



          Nag-text naman si Harry na hindi sila pupunta ngayon sa bahay kaya dumiretso na ako pauwi. Pagkauwi ko sa bahay, may nakalagay na note ni Mr. Lion sa maliit na table sa sala. Binuksan ko ang note at wala namang nakasulat bukod doon sa drowing. Salamat naman sa kaniya at niligtas niya si Ethan.



          Umakyat naman ako sa kwarto ko at binuksan ang aparador. Inihanda ko naman ang uniporme ng SAU at ng URS para pumunta sa eskwelahan nila.



          Kinabukasan, nakapasok ako sa eskwelahan ng URS at kasalukuyang nasa library ng eskwelahan. Suot-suot ko ang uniporme ng eslwelahan. Ang buhok ko naman ay nakaporma gaya ng ginawa ni Paul. May suot pa akong mga pekeng salamin para hindi masyadong halata. Ngayon, subukan ko ngang kausapin ngayon si Vienne kung may nalalaman siya sa ginagawa ng banda nila Chris.



          Mga bandang lunch break na nang lumabas ako ng library para hanapin si Vienne pero iba ang nahanap ko at nakakuha ng interest ko. May lalaking kinakausap ang isang sa mga miyembro ng 'The Gravity' na mukhang si Devin. Mukhang may bago na akong target.



          Nang naghiwalay na ang dalawa, wala akong sinayang na oras at lumapit sa lalaking ito. Kasabay ng paglapit ko ay ang paglapit naman ng isang lalaki na nakasalamin.



          "Tara na Hyde! Umalis na tayo,“ saad ng lalaking nakasalamin.



          "Umm... excuse me. Pwede ba kitang makausap?“



          Napansin naman ako ng dalawa at humarap sa akin. Huh? Ngayon lang talaga nila ako napansin?



          "Teka? Parang kilala kita?“ saad ng lalaking nakasalamin.



          Tipid akong ngumiti. "Sigurado ka? Kasi ako, sigurado ako na hindi ako artista.“



          "Umm... ano po ba ang kailangan niyo?“ tanong ni... Hide? Talaga? As in tago?



          "Ohh! Huwag ka naman maging masyadong magalang. Sigurado akong parehas lang tayo ng edad. Ako nga pala si Seyren Windsor. Galing ako sa Journalism Club at gusto lang kitang makapanayam tungkol sa 'The Gravity'.“



          "Umm... Harold Yde Ilagan. Siya naman si Marty,“ turo pa niya sa taong nakasalamin. So Hyde pala ang palayaw niya.



          "So pwede bang sa library tayo mag-usap?“



          "Umm... okay. Sige.“



          Naglakad kami papunta sa library at umupo nang magkaharap. Naglabas naman ako mula sa bag ko ng isang notebook at isang recorder.



          "Umm... hindi ako sigurado kung ako ba dapat ang kapanayamin tungkol sa 'The Gravity',“ hindi nito siguradong saad.



          "Huwag kang mag-alala. Sigurado naman ako sa aking ginagawa.“



          Nagtanong lang ako nang ilang bagay nun sa kaniya. Mukhang maraming alam ang Hyde na ito kay Devin at sa iba pang miyembro nito. Maya-maya ay natapos na akong magtanong.



          "Maraming salamat at pinaunlakan mo ang aking interview. Siya nga pala, atin-atin lang ito. Naririnig mo kaya sila na may balak na manabutahe ng ilang school para manalo? Balita ko, ex daw kasi ni Chris ang Presidente ng Music Club ng Schoneberg Academe at first time kasi na sasali ang eskwelahang iyun sa Battle of the Bands.“



          "Nako! Imposible iyan,“ natatawang remark ni Marty. "Baka nga ang mga taga-Schoneberg Academe ang manabutahe dahil puro mga taong maraming mga pera ang naka-enroll doon.“



          "At saka, araw-araw nag-eensayo sila Devin para manatiling mga kampyon sa Battle of the Bands,“ ani Hyde.



          Sa mukha pa lang ni Marty at sa sinasabi ni Hyde, mukhang wala ngang balak manabutahe ang eskwelahang ito sa darating na Battle of the Bands. Kumbinsido ako na walang sila Chris na gumawa ng kalokohan. At bakit ba si Chris? Dahil siya ang bukod tangi na mayaman sa eskwelahang ito?



          "Ay! Mukhang masama ata ang mga sinasabi at mukhang nagbibintang na din ata ako sa kanila sa mga masamang nangyayari sa ilang estudyante ng Schoneberg Academe. Kaya kayo, mag-ingat din kayo.“



          "Nabalitaan ko nga iyun,“ ani Marty.



          May nakita naman akong dalawang lalaki sa hindi kalayuan na nakatingin sa likod ni Marty at papalapit ito sa amin. Nakaramdam naman ako na masamang ideya ang makipag-usap sa mga ito dahil sa kinikilos ng dalawa. Kailangan ko ng umalis.



          "Oo nga pala. Napansin kung wala ang ID mo... Ren,“ puna ni Hyde.



          Kinapa ko kunyari ang sarili ko. "Ay nako! Mukhang naiwala ko ata sa kung saan. Mabuti pang hanapin ko na ito. Sige guys. Salamat sa oras. Aalis na ako.“



          Kinuha ko na agad ang gamit ko at umalis na sa lugar na iyun. Bukas, sa SAU naman ako pupunta.



Marty's POV



          Patuloy ko pa rin hinuhukay sa isipan ko kung sino ang taong kausap namin ni Hyde kanina. Pamilyar talaga siya sa akin pero hindi ko masabi-sabi. Sino nga ba siya? Nasa dulo lang ng eyeglasses ko pero wala. Matingnan nga ang eyeglasses ko.



          Hinubad ko naman ito at tiningnan. Ano ba itong iniisip ko? Wala naman akong makukuhang sagot mula dito.



          "Marty, anong ginagawa mo?“ tanong sa akin ni Hyde.



          "Wala naman. Pamilyar talaga siya sa akin pero hindi ko talaga maalala.“



          "Oi! Sino iyung kausap niyo kanina?“ tanong ng kung sino sa likod ko. Boses ni Rubius iyun.



          "Parang pamilyar iyung taong iyun sa akin sa malayuan. Sayang nga lang at umalis na siya,“ ani Dominic.



          "Parang nakita ko na nga siya sa kung saan din Dominic. Pero hindi ko talaga matandaan kung saan,“ baling ko sa kaniya.



          "Ahh! Naalala ko na!“ bulalas ni Rubius. "Hindi ba, siya iyung 'Mystery Man' ng Schoneberg Academe?“



          "Schoneberg Academe?“ gulat ni Hyde.



          "Mukhang espiya ata ang taong iyun. Ano ang itinanong sa iyo Hyde?“ tanong ni Dominic.



          "Nagtanong lang naman siya tungkol sa ginagawa ginagawa ng 'The Gravity'. Hindi ko naman nasagot ang ilang tanong niya dahil wala naman talaga akong ideya sa mga ilang itinanong niya sa akin,“ sagot ni Hyde.



          "Ano kaya ang binabalak ng taong iyun? Tara Doms at hanapin natin iyun. Baka nasa labas lang ang taong iyun,“ yaya ni Rubius.



          "Sige,“ pagpayag ni Dominic.



Ren's POV



          Kinabukasan, nandito ako ngayon sa school grounds ng SAU. Suot ko ang uniporme ng eskwelahan at pinagwapo ang sarili para walang makaalam kung sino talaga ako. Suot ko pa rin ang pekeng eyeglasses. Medyo malaki ang eskwelahang ito. Karibal ito ng eskwelahan namin. Balita ko, pumapangalawa ang Saint Ambrose University sa Battle of the Bands. Nag-iikot ako sa school grounds nang may mapansin ako na isang pamilyar na babae sa cafeteria na nakasuot ng uniporme ng eskwelahan. Anong ginagawa niya dito?



          Kunyaring nagbabasa ito ng libro at tinatakpan ang kanyang mukha. Bakas sa mata nito na may parang hinahanap. Dahan-dahan akong lumapit sa babaeng ito.



          "Anong ginagawa mo dito Alexa?“ untag ko.



          Nagulat si Alexa. "Ren. Anong ginagawa mo dito?“



          Nakiupo naman ako sa gilid ng upuan niya. "Ako ang dapat magtanong niyan sa iyo. Ano ang ginagawa mo dito?“



          "Ay nako! Magtatanungan na lang ba tayo dito? Sige na nga. Sasagutin ko na ang tanong mo. Nag-iimbestiga ako ngayon sa isang conspiracy na mukhang isa sa URS at SAU ang nagbabalak na manabutahe sa Schoneberg.“



          "Kung ganoon, parehas lang pala ang pakay natin kung bakit tayo nandito.“



          "Inutusan ka ni Blue?“



          "Hindi. Pumunta ako sa sariling kong kagustuhan. Ikaw, ngayon mo pa lang ba ito ginagawa?“



          "Ngayon lang din. Sa susunod, sa URS ako pupunta.“



          "Huwag ka ng pumunta doon. Kagagaling ko lang doon kahapon at wala namang nagbabalak mula sa eskwelahang iyun.“



          "Excuse me. Pwede bang makiupo? Wala na kasi akong maupuan,“ saad ng isang pamilyar na boses... na mukhang si Hyde... pero matigas ang boses nito.



          Kinabahan akong nilingon ang taong ito at nagulat naman ito nang magpang-abot ang mga mata namin.



          "Ikaw?“ sabay naming naasabi.



          "Sige. Upo ka,“ pagpayag ni Alexa.



          Umupo naman si Hyde sa harapan namin. Hindi ito maaari. Si Hyde ito. Pero napansin ko lang. Mas matigas ito kung kumilos at lalaking-lalaki na hindi ko pinapansin sa isang Hyde. Hindi kaya kakambal niya kaya ito? Pero kung makasabi sa akin ng 'Ikaw', ibig sabihin lang nito, kilala niya ako.



          "Parang pamilyar ka sa akin. Pasensya na pero, nagkakilala na ba tayo dati?“ tanong ni Hyde sa akin.



          "H-Hindi pa,“ pagtanggi ko. "Pero kung makapagsalita ka nga kanina, parang kilala mo ako.“



          "Pasensya na,“ iling ni Hyde. "Ang totoo niyan, weird kasi para sa akin nang makita kita. Pamilyar ka talaga para sa akin pero hindi ko talaga masabi ang pangalan mo.“



          "Lagot. Mukhang kilala ka ata,“ bulong ni Alexa.



          "Umm... Claudio Yde Ilagan ang pangalan ko pare. Clyde na lang ang itawag mo sa akin. Nice to meet you,“ pagpapakilala nito. Clyde ang pangalan niya.



          "Ohh! So ibig sabihin, kapatid mo si Hyde?“ gulat ko.



          "Nakilala mo na pala ang kakambal ko na si Hyde. Paano mo naman siya nakilala?“



          "Baka nadaanan ko. Hindi ko matandaan.“ Binigyan ko pa ang sarili ng isang mahinang batok. "Seyren Windsor nga pala ang pangalan ko. Ito naman si Alois Alexa. Galing kami sa Journalism Club.“



          "Kaya pala parang kilala na kita dahil nakilala mo na pala ang kakambal ko. Mukhang totoo nga na may kakaibang koneksyon ang mga magkakambal.“



          Nawala naman ang kaba ko sa narinig. Akala ko kung ano na. Kakambal lang pala ito ni Hyde. Nag-usap naman kami saglit tungkol sa mga bagay-bagay dito sa Saint Ambrose University.



          "Siya nga pala. May alam ka ba sa mga tinatagong sikreto ng eskwelahang ito? Especially sa Musix Club?“ naitanong ko.



          "Pasensya na pero wala akong alam sa bagay na iyan,“ sagot ni Clyde. "Bakit hindi mo na lang sila tanungin sa bagay na iyan? Tutal naman, galing kayo sa Journalism Club?“



          "May point ka nga doon,“ ngiti ni Alexa. "Tara na Ren. Puntahan na natin ang Music Club at tanungin sila tungkol sa bagay na iyan.“



          "Sige Clyde. Aalis na kami.“



          "Ingat kayo,“ ngiti pa ni Clyde.



          Nag-imbestiga na kami ni Alexa sa SAU. Gaya ng URS, wala ring masamang binabalak ang eskwelahang ito. Pauwi na ang mga estudyante at nag-pasya kami ni Alexa na huminto muna sa isang kainan.



          "Hindi ko pa rin maintindihan. Bakit wala sa mga karibal natin ang nagbabalak na manabutahe sa eskwelahan natin? Hindi kaya iyung mga nangungulelat ang nagbabalak ng masama na manabutahe sa eskwelahan natin?“ hula ni Alexa. "At iyung kunyaring pangalan mo, grabe! Seyren Windsor. Sa Ragnarok ba iyun? Saan mo pala nakuha ang pangalan kong Alois Alexa?“



          "Nako Alexa. Tigilan na natin iyan. Baka naman tama sila na nagkataon lang at aksidente lang ang mga masamang nangyayari sa Music Club? At saka tungkol sa mga sinabi kong pekeng pangalan, para walang makaalam. Mahirap na kapag may humanap sa atin.“



          "Sa bagay. Pero kailangan pa rin manigurado.“



          "Maapektuhan naman ang attendance natin sa eskwelahan kung palihim naman tayo mag-iimbestiga.“



          "Tama ka,“ pagsang-ayon niya.



          Napansin ko naman ang pasulyap-sulyap na tingin ni Alexa sa akin.



          "May problema ba? Napapansin kong ninanakawan mo ako ng tingin. Pasensya na Alexa. May Kei na ako kung alam mo lang. At may Martin ka naman,“ pagpapa-alala ko habang kinakain ko ang isang piraso ng french fries na sinawsawan ko ng ketchup.



          Humigop siya ng konti sa kanyang iniinom at ngumiwi pagkatapos. "Alam ko. Nakaka-asar naman at pinaalala mo sa akin si Martin.“



          "Bakit? May problema ba kayo ni Martin?“



          Hindi siya sumagot ng ilang segundo at umiling. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung matatawag ko bang problema iyun o problema lang ni Martin.“



          "Naguguluhan ako Alexa. Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo.“



          "Ren, hindi ba ikaw ang kausap ko sa isang chatroom na tayo lang ang may alam?“



          "Ha? Anong pinagsasabi mo?“ maang ko. Isa kaya siya doon sa mga cyber friends ko na palagi kong kinakausap?



          "Ang pangalan ko sa chatroom natin ay Yuuhi.“



          Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko aakalain na babae pala si Yuuhi. Ang pagkaka-alam ko, si Yuuhi ay isang lalaki na nakatira sa ibang bansa. Mahilig siya sa mga BL kaya tinatawag namin siyang isang Fudanshi.



          Natawa na lang ako ng payak. "Hindi ko akalain na dito ka lang pala nakatira Yuuhi.“



          "Ha? So ikaw nga talaga iyung Ren na kausap ko?“ gulat niya. "Kumpirmahin mo nga. Si MarcoS ay si Marcaux na boyfriend ni Keith?“



          "Hindi ba obvious na alam mo na iyun? So ano ba ang problema niyo ni Martin? At oo nga pala. Kung wala kang balak sabihin kung ano ang problema ninyo, okay lang na huwag mo na lang sabihin.“



          "Siguro, alam mo ang obsession ko sa mga BL na bagay. Gusto kasi ni Martin na itigil ko na ang obsesyon ko sa BL. Kung hindi, makikipag-break siya sa akin.“



          "Huh? Ang... babaw naman. Pero bakit naman niya nasabi ang bagay na iyun sa iyo?“



          Sumipsip siya ng konti sa kanyang inumin. "Alam mo bang kahit dito sa tunay na mundo, pinapares ko siya sa lalaking classmate niya.“



          "G-Ginagawa mo pa rin iyun?“



          "Dahil doon kaya nagalit siya sa akin at nakiusap na itigil na ang obsesyon ko sa BL. Pero hindi ako pumayag. Ngayon, parang nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya dahil akala ko, matatanggap niya ang katangian kong iyun. Pero hindi pala. Minsan naisip ko, ganito ba talaga ang pagmamahal? Kailangan na may mag-adjust sa inyong dalawa? Hindi ba pwedeng tanggapin na lang ang katangian ng isa't isa at magmahalan?“



          "Nako. Problemang pag-ibig pala iyan. Mukhang maling tao ang napagsabihan mo ng problema na iyan.“



          "Okay lang. Hindi ko naman hinihingi na resolbahin mo ang problema ko dahil hindi naman iyun kailangan. Sa totoo lang, may solusyon na ako sa bagay na iyan at iyun ay ang magparaya na lang. Titigilan ko na ang obsesyon ko sa BL para kay Martin.“



          "Pasensya na Alexa pero hindi ko maintindihan. Bakit magpaparaya ka para lang sa pag-ibig ninyo ni Martin?“



          "Mahal na mahal ko si Martin kaya gagawin ko ito. Kung ayaw niya iyung katangian kong iyun, ehh di baguhin. Ganoon lang naman kadali iyun.“



          "Hindi ba pwedeng tanggapin na lang iyun ni Martin? Pwede naman iyun hindi ba? Ang naisip ko lang, kung mahal ka talaga niya, tatanggapin ka niya hindi ba?“ Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Hindi ko naiintindihan. Tinanggap ko ang mga katangian ni Kei. Tinanggap ko ang pagsisinungaling niya sa akin ng mga ilang bagay dahil nalaman ko na para ito sa kabutihan ng isang tao. Tinanggap ko ang mga sikreto niya. Tinanggap ko kung ano kami ngayon. Pero bakit si Martin, hindi pwede sa kaniya?“



          "Mukhang ang hirap naman ng tanong mong iyan Ren. Mahirap sagutin iyan dahil iba-iba ang karanasan at paniniwala natin. Ayokong iyang sagutin iyang dahil baka may maling mangyari. Natatakot ako. Mahirap kasi magsalita lalo na't una kong pag-ibig si Martin. At isa pa, kulang ako sa karanasan,“ ngiti niya.



          "Ganoon ba?“ Kumuha pa ako ng isa pang fries at nilagyan ng ketchup.



          Kinuha ni Alexa ang kanyang phone at pumindot ng mga ilang beses. "Pero kung ako sa iyo, asikasuhin mo ang mga mas mahahalagang problema na kahaharapin mo.“ Pinakita ni Alexa ang kanyang phone.



          "Ahh!“ Aksidenteng napalakas ang pagkagat ko sa labi ko dahil sa pinakita sa akin ni Alexa.



          "'Mystery Man' ng Schoneberg Academe, namataan sa URS at SAU sa magkaibang araw.“



          "Sikat ka pala sa ibang eskwelahan,“ reaksyon ni Alexa.



          Nasa bahay na ako at nasa harap ng kompyuter. Nakatingin pa rin ako sa balita na kumakalat ngayon sa Facebook. Lagot! Lagot! Yari ako nito kay Blue at kay ninong kapag nalaman nila ito. Inabot na ako ng 10 o'clock sa kaiisip kung buburahin ko ang mga impormasyong ito sa internet. Pero huli na ang lahat. Marami na ang naka-share sa post na ito.



          "Nakapagtataka na nakita ng ilang estudyante ng URS at SAU ang 'Mystery Man' ng Schoneberg Academe sa magkaibang araw. Suot umano ng lalaki ang uniporme ng eskwelahan. Hindi alam ng mga estudyante kung ano ang pakay ng lalaki sa mga eskwelahan. May mga kuro-kuro na ang 'Mystery Man' ng Schoneberg Academe ay marahil nag-aaral sa isa sa mga eskwelahang ito at hindi talaga sa Schoneberg nag-aaral. May iba na nagsasabi ay marahil espiya ito ng Schoneberg Academe dahil sa nalalapit na Battle of the Bands. Natatandaan na ang unang appearance ni 'Mystery Man' ay kasama nito ang ilang miyembro ng 'The Antagonist'. Ayon kasi sa isang taong pinagtanungan namin, nagtanong ito tungkol sa bandang 'The Gravity'. Seyren Windsor umano ang pangalan ni 'Mystery Man' pero alam namin na hindi ito ang totoong pangalan ng taong ito. Ang pangalang Seyren Windsor ay isang pangalan ng isa sa mga goons sa isang sikat na MMORPG o Massive Multimedia Online Role Playing Game na larong Ragnarok. Inaalam pa rin namin kung sino talaga ang taong ito.“



          Binasa ko ang nakalagay sa article. Tumunog naman ang phone ko at bigla akong kinabahan. Si Blue kaya ang tumatawag?



          Pagkakuha ng phone, pangalan ni Kei ang nakalagay. Nakahinga ako ng maluwag at sinagot ang tawag.



          "Hello?“



          "Bakit hindi ka pumasok ng dalawang araw sa eskwelahan?“ agad na tinanong ni Kei sa akin.



          "Nakita mo na?“



          "Oo naman. Trending nga agad ehh. Nasa harap pala ako ng kompyuter ko ngayon.“



          Nasapo ko ang ulo ko sa narinig. "Siguradong yari ako nito kay Blue bukas. Magkikita pa naman kami.“



          "Ano ba kasi ang iniisip mo at pumunta ka sa ibang school?“ tanong ni Kei.



          "May hunch ako na mukhang sinasabutahe ang Music Club dahil sa sunod-sunod na aksidente sa amin nitong mga nakaraang araw,“ sagot ko.



          "Hindi ba, nahuli na iyung bumangga kay Keith noong isang araw? Bakit hindi niyo siya tanungin? Unless, hindi talaga iyung taong iyun ang may sala,“ saad ni Kei na naghihinala na sa kanyang tono ng pagsasalita.



          "Umm...“ Nako! Nahuli ako!



          "Nako Ren. Tigilan mo na iyan. Baka naman coincidence lang ang masamang nangyayari sa inyo? Baka naman nadala ka lang sa gusto ng ninong mo na manalo at kung ano-ano na ang naiisip no ngayon. Chillax lang Ren.“



          Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Akala ko, alam na ni Kei. Pero may point ang sinasabi ni Kei. Nadala lang kaya ako sa sarili ko na gustong manalo sa Battle of the Bands? Kung tutuusin, hindi naman sinasabi o ginusto ni ninong na manalo ang school namin sa darating na kompetisyon. Kaya ba nakakapag-isip ako ng ganito ngayon na baka may sumasabutahe sa amin?



          "B-Baka nga. Pero malay mo naman.“



          "Tanungin mo iyung hinuli niyo. Kung may sagot siya, di totoo nga ang iniisip mo. Pero kapag wala, coincidence lang talaga.“



          "Salamat sa advice Kei. Pero may mas malaki akong problema ngayon na kinakaharap. Palagay ko, nasa harapan mo din ang pinoproblema ko.“



          "Kung iniisip mo na hindi sana makita nila Blue, huli na ang lahat. Naka-like pa nga siya sa post.“



          "Hindi iyan. Si ninong actually kapag nakita niya ang balitang ito.“



          "Magpalusot ka?“



          "Ano naman ang gagawin kong palusot? Na nakipagkaibigan lang naman ako?“



          "Nako Ren! Mag-isip-isip ka na ng paraan bago pa makita ng ninong mo ito. Sandali lang, kaya mong burahin ang post na ito sa Facebook? At isa pa, naka-post ito sa magkakaibang domain. Kaya mo?“



          "Sige, sige. Gagawin ko. Pero iyung sa Facebook ako mahihirapan. Paano ko ito malulusutan kung sakaling ma-trace ako? Tapos kapag binura ko naman, baka may balita na namang kumakalat na 'Mga Post Tungkol sa 'Mystery Man' ng Schoneberg Academe, Misteryosong Nawawala'"



          "Kaya mo iyan. Hindi ka nila mahuhuli. Tiwala lang.“



          Nilagay ko ang aking mga kamay sa keyboard. "Okay. Salamat. Gagawin ko na. Good luck to me Mark Zuckerberg.“



          Sinimulan ko naman ang aking binabalak. Pinasok ko ang server main ng Facebook at nagtipa ng mga codes para mabura at i-surpress ang mga similar na balita na baka sakaling ipo-post pa ng mga tao. Pero natigil ako bigla.



          "Kei, parang ayokong gawin. Mukhang nilalabag ko ang kanilang Freedom of Speech sa ginagawa kong ito,“ saad ko.



          "Ang bait mo talaga. Sarap mong buntisin,“ biro niya.



          "Kei, hindi ako nagbibiro. At kapag tinuloy ko ito, baka mas lalong maghinala ang ibang school kung bakit nawawala ang mga balita tungkol sa akin. May mag-iimbestiga, tapos gulo. Hay nako! Bahala na makita ito ni ninong.“



          "Pero maghanda ka kay Blue bukas. Nakita mo na ba ang comment niya?“ natatawang tanong ni Kei.



          Hinanap ko ang article na kinoment ni Blue. Okay. Lagot nga talaga ako nito kay Blue.



Alexander Blue Sebastian: ^^



          "Kei, tandaan mo na mahal na mahal kita,“ nasabi ko na lang.



          Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. "I know right. Pero makapagsalita ka naman ng ganyan. Papatayin ka ba ni Blue?“



          "Parang. By the way, may lakad pala kami ni Harry. Okay lang ba?“



          "Again? Sige. Pagbigyan mo na.“ Nag-iba ang tono ng boses ni Kei habang sinasabi niya iyun.



          "Umm... okay lang ba talaga? Parang sa tono ng pananalita mo, parang ayaw mo.“



          "No. It's really fine. Alam ko naman na dapat tayo talaga ang gumagawa ng bagay na iyan. It's just now, enjoy being a single person mingling with everyone. Dahil kapag natapos na ito, mukhang ako lang ang mag-eenjoy,“ nakakaloko niyang saad. Anong ibig mong sabihin doon?



          "Sige na. Tatapusin ko na ang tawag na to. Bye. Love you.“



          "Bye Ren. I love you.“



          Tinapos na ni Kei ang tawag namin. Papatayin ko na sana ang PC nang may nag-PM sa akin. Si Yuuhi.



Yuuhi entered the room...



Yuuhi: Hello Ren. \(^o^)/

Ren: Hello din pala Yuuhi.

Yuuhi: Nakauwi na pala ako just to let you know.

Ren: Mabuti naman. :)

Yuuhi: Oo nga pala. Lately, hindi ka na masyadong bumibisita sa Chat Box. Hinahanap ka namin lalong-lalo na si S. Team Rank daw tayo.

Ren: Pasensya na talaga busy talaga ako nitong mga nakaraang araw.

Yuuhi: Well okay. Siya nga pala, okay na kami ni Martin.

Ren: Umm... talaga? Magandang balita iyan.

Yuuhi: Yeah. Maganda nga. Salamat talaga sa ilang bagay na sinabi mo kanina. Nakatulong iyun kahit papaano.



          Nakatulong? Teka? May sinabi ba ako? Hindi ko matandaan. At alin naman doon?



Ren: Alin doon?

Yuuhi: Ahh! Hindi mo na kailangan matulog. Sige. Inaantok na ako at matutulog na ako. Good night Ren.

Ren: I see. Ikaw din Yuuhi.



Yuuhi has left the room...



          Pinatay ko na ang PC at nag-unat ng konti. Tumunog naman ngayon ang phone ko. Sa ringtone pa lang ay alam ko na text ito. Kinuha ko ang phone at binasa... ang mensahe ni Blue.



          "9am sharp. :)" basa ko sa mensahe ni Blue. May smiley pa.



          Kinabukasan, mabigat ang mga paa ko habang lumalapit sa Music Room. Kasabay ko pang naglalakad si Erika. Walang masyadong tao sa eskwelahan ngayon kaya... hinayaan ko na lang si Erika.



          "Walk faster!“ saad ni Erika na parang nag-uutos.



          "Ehh sa ayoko ngang maglakad ng mabilis.“



          "Dalian mo. Hindi ako makapag-antay na pagalitan ka ni Blue,“ saad ni Erika habang kinikilig.



          "Hindi ako si Joseph.“



          "Hindi nga ikaw si Joseph. Pero the thing that I am looking forward ay iyung pagalitan ka ni Blue. Ang alam ko kasi, hindi ka pa pinapagalitan nila ninong at ninang. This is really exciting,“ paliwanag ni Erika.



          Nasa harapan na ako ng Music Club at hinawakan naman agad ni Erika ang knob ng pintuan. Excited siyang pumasok sa loob. Wala na rin akong nagawa at pumasok na din sa loob. Naabutan lang namin si Blue na nakaupo sa sofa at mukhang hinihintay niya talaga ako. Nanatili lang naman akong nakatayo habang si Erika naman ay umupo sa sofa.



          "Erika, sinetch itey ang 'Mystery Man' ng Schoneberg Academe na nakita umano sa URS at SAU?“ seryosong tanong ni Blue. Mukhang galit nga siya sa kanyang pagtatanong pa lang.



          "Sinetch?“ game na game na tanong ni Erika.



          "Mas mabuting huwag na tayo magtanungan at dumiretso na tayo sa sermonan portion. It seems na hindi mo ata pinakinggan ang sinabi ko na coincidence lang talaga iyung mga nangyayaring masama sa atin at walang may nagbabalak na manabutahe sa atin. Look Ren, I appreciated sa concern. Pero iyang iniisip mo, tigilan mo na iyan. Buti na lang talaga at ako ang ginawa mong presidente ng Music Club at hindi ikaw.“



          "What? Si Ren ba dapat ang gusto ni tito na maging presidente ng Music Club?“ gulat na tanong ni Erika.



          "Yeah. But I declined. Pinasa ko kay Blue,“ sagot ko. "So Blue, I'm sorry sa ginawa ko really. Mukhang nag-overboard ako dahil gusto ko lang makasigurado na this will be a fair fight pagdating ng Battle of the Bands. But believe me. Titigilan ko na itong kabaliwan ko na mag-imbestiga. Makikinig na ako sa inyo.“



          "Siguraduhin mo lang na last mo na iyan. Ayoko ng makarinig o makabasa na nagpakita na naman ang 'Mystery Man' ng Schoneberg Academe sa URS o sa SAU,“ seryosong saad ni Blue.



Edmund's POV



          Kasalukuyang nasa quarters ako ngayon at nakatingin sa phone ko. Nananalangin na wala sanang tumawag ngayong araw dahil may lakad kami ni Gerard. 5... 4... 3... 2... 1...



          Nandito na ako ngayon sa Knockout Gym at kasalukuyang na wa-warm up. Ahh! Memories. Dito ako madalas naglalagi para mag workout. Maya-maya ay may nakita akong pamilyar na lalaking naka-sando at may bitbit na maliit na bag. Si Gerard. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nagwawala ngayon dahil nakita siya. Yes, I'm really in love to this guy. But there is a big problem.



          "Dumating ka din. Hindi ka naman siguro excited sa unang date natin,“ bungad ko.



          "Date? Dito sa gym?“ kunot-noong tanong niya.



          "Mas prefer mo ba ang kumain sa labas para sa unang date natin? Mukha ka kasing hindi ganoon.“



          "Hindi naman masama sa totoo lang. Masyadong mainstream ang ganoon. Lahat ng ka-date ko noon without feelings, kahit sa SAU, laging nagyayaya na kumain sa labas para sa una naming date.“



          "What? Kahit sa SAU?“ gulat ko.



          "Yes. Bago ako lumipat sa Schoneberg, marami rin akong nakarelasyon, sexually. I think, pinatos ko ang kalahati sa mga lalaki sa aming klase.“ Wow! May achievement.



          "Wait, kailangan ko ba dapat malaman iyan?“



          "Yes. Since mukhang ikaw ay may pure feelings para sa akin, dapat malaman mo partly kung sino talaga ako. And as I can see, I acknowledge your feelings for me. So far, ikaw pa lang ang unang lalaki na hindi ko pa natikman the moment na nagkagusto sila sa akin. Interesting,“ ngiti niya. "Iyung unang pinatos ko sa SAU, sa CR ata iyun ng mga lalaki. Nagkatinginan kami saglit, mukhang nagkaroon ata ng spark doon sa lalaki, sinugod ako't hinalikan, gumanti ako, and then pumasok kami sa isang cubicle at may nangyari sa amin. Wild isn't it?“



          "Cut it out.“



          "Fine. Well, ano pala ang ginagawa natin dito? Gusto kong malaman. After ba nito ehh gagawa tayo ng kababalaghan sa banyo ng establishimento? By the way, iyun ang kadalasan nangyayari sa mga common dates ko. Just to let you know.“



          "Talaga?“ sarkastiko kong saad. "Then this date will have tons of disapointment then. Pasensya na pero hindi iyun ang gagawin natin.“



          "Magsasapakan ba tayo?“ hula niya.



          "Exactly. Magsasapakan tayo. I will punch the sense out of you.“



          Napangiti siya ng malawak. "Wow. This is really an interesting development considering na magsasapakan tayo sa first date natin. I see. Warmup lang ako.“



          Nagsimula na siyang mag warmup at tinitigan ko lang siya. What was I'm saying again? Yes. In love ako sa taong ito. Tama nga ang iniisip ko. Meron siyang whore nature. Great! Alam ko na partly kung ano siya? Pero wait, does it mean na may part pa na hindi ko alam? Bakit ko nga pala hindi siya pinigilan na magsalita? Pwede ko naman siyang patahimikin. Nako naman! Maybe I should keep him talking at baka mamaya, madulas siya o kung ano. Baka malaman ko ang part na hindi niya sinasabi sa akin. In love ba talaga ako sa taong ito o baka passing infatuation lang ito?



          Well come to think of it. Sinabi niyang pinatos niya ang kalahati ng mga lalaking kaklase niya? Wow! Achievement talaga. Baka naman pati sa Schoneberg, pumatol din siya sa maraming lalaki? Ang kilala ko pa lang naman ay si William Smite. May iba pa ba kaya? At saka, baka may HIV na siya?



          "Hey, wrestling ba?“ untag niya.



          "Ha?! Oh, wait. Kickboxing.“



          Nagsimula naman niyang suntukin ang punching bag. "Kickboxing. May wrestling din doon. Gagawin mo ba sa akin iyun?“ kindat pa niya.



          "Sasapakin kita sa mukha!“ naiirita kong saad.



          "Harsh! Siguro mas gusto mo ako kapag pumangit ako. At para ikaw na lang ang papatol sa akin.“



          "Wala akong sinasabing ganoon. Ang kagwapuhan ay biyaya ng Diyos. Ang sama ko namang tao kung ipagkait ko iyun sa iyo.“



          "So ano ang iniisip mo kanina? You were in a deep thought while looking at me. We're you mentally stripping me?“



          "Okay! Tigilan mo iyan! Walang awa kitang pagsasapakin kapag tumungtong na tayo sa ring,“ nagagalit kong wika.



          "Scary! Iyan ang gusto ko. Show me what you got aside from your big dick,“ naghahamon niyang saad. Ganoon ba talaga kalaki iyun?



          Maya-maya ay tumuntong na kami sa ring at nagsimula ng maglaban. Akala ko, wala siyang gagawing kakaiba maliban lang sa sumugod agad siya pagkasimula ng laban. Patakbo siyang sumuntok mula sa kabilang ring at nailagan ko naman ito. Mabilis naman siyang nagtatatalon paatras dahilan para mawalan ako ng tsansa na gumanti.



          "Unang round palang. Huwag kang atat.“ Itinaas ko ang aking dipensa at baka mamaya, sumugod siya habang nag-uusap kami.



          "Does it matter?“ sarkastiko niyang saad. "Actually, mas maaga matapos ang laban, mas maganda. It saves time.“



          Agad na sinugod niya ako nang ibuka ko ang aking bibig para magsalita. Binigyan niya ako ng sipa, suntok, suntok, sipa ulit at suntok, at sa bawat atake ni Gerard ay nasasalag ko. Noong nagkaroon naman ako ng pagkakataon, ako naman ang sumugod. Pero mukhang magaling din siya at nasalag niya lahat.



          Ilang rounds ang lumipas, wala pa ring natatalo sa aming dalawa. Nagkaroon na rin kami ng maraming manonood. Sumasakit na ang katawan ko sa mga ininda kong sakit habang nakikipagsapakan sa boyfriend ko. Nahihirapan na din ako. Si Gerard naman ay hindi mawala sa labi niya ang ngiti. Tuwang-tuwa siya sa nangyayari marahil. Pero sigurado ako na masakit na din ang kanyang katawan habang nakikipaglaban sa akin. Sa wakas ay natapos na din kami ng 12 rounds. Walang nanalo o natalo sa aming dalawa. Nahihirapan din magpasya ang mga manonood kung sino ba dapat sa amin ang mananalo kaya napagpasyahan na tabla ang laban.



          Kapwa kami humahangos dahil sa pagod. Pero siya, nakangiti pa rin. Kumuha ako ng tubig at tinungga ang laman nito. Nakaupo ako sa isang bench at nagpapahinga.



          "Good fight.“ Tinapik ni Gerard ang balikat ko at tumabi na umupo sa bench.



          "Ikaw din.“



          "Matagal na ring panahon nang nakipagsapakan ako. At sa boyfriend ko pa ginawa.“



          "Magtigil ka. Walang laman ang relasyon natin. Kahit nga para sa iyo, walang din itong laman,“ saad ko. "Siya nga pala. Sino nga pala ang nagturo sa iyo na mag martial arts?“



          "Galit,“ tipid na sagot ni Gerard.



          "Bakit naman galit?“



          "Galit ang nagtulak sa akin para matutong mag-martial arts.“



          "Para saan naman?“



          "Para sa sarili.“



          Naguluhan ako sa sinagot ni Gerard. "Hindi ako maintindihan ang mga sinasabi mo.“



          "Okay lang. Hindi mo na kailangan malaman. Ikaw, sinong nagturo sa iyo?“ tanong ni Gerard.



          "Ang papa ko,“ sagot ko. "Tinuruan niya ako dahil kailangan kung sakaling may magtangka sa buhay ng aking pinagsisilbihang amo. Matagal na kasi kaming nagsisilbi sa amo naming ito. Grabe! Mahirap o mayaman, hindi talaga nawawalan ng kaaway.“



          "Alam ko ang pakiramdam na iyan.“



          Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. "Sa tono ng pananalita mo, parang nasa parehas tayong propesyon.“



          "Parehas tayo pero iba ang ating hangarin.“ Uminom siya sa kanyang bote.



          "Anong ibig mong sabihin?“



          "Sandali nga? Bakit parang ako ang nasa hot seat ngayon?“ balik tanong ni Gerard.



          "Aba! Pasensya na! Sa pagitan nating dalawa, ikaw ang mukhang may problema sa buhay.“



          "Fine,“ iling niya. "Gusto mo pa ba ng isang round?“



          "Iniiba mo ang usapan.“



          "Alam mo ba na karaniwan sa mga taong tinatanungan ko ng ganyan, sumusugod agad at hindi tumatanggi?“



          "Buti sana kung isa pang round ng sapakan ang sinasabi mo. Baka may HIV ka na sa ginagawa mo?“



          "Try natin. Tara sa banyo?“ yaya niya habang nakangiti. Grabe! Pwedeng hindi talaga tumanggi? Siya na nagyayaya ohh.



          "A~YAW~KO!“



          "A common misconception about HIV is nakukuha mo siya sa pakikipagtalik nonstop sa iba't ibang partners. Not true unless one of them is already infected. Nagsimula actually ang HIV nang may loko-lokong walang utak na tao ang nakipagtalik sa unggoy. May ibang tao na nagsabi na ito daw ang galit ng diyos sa tao para mawala ang mga taong nakikipagtalik kung kani-kanino at homosekswalidad sa ating mundo. Not true actually. Damn those religious people making wrong stories about HIV. Hanggang sa kumalat na ang sakit sa napakaraming tao at hindi na ito napigilan. Kaya nga kapag nakikipagsex daw, kailangan may condom para maiwasan magka-HIV.“



          "Dami mong alam!“



          "Natural. Hindi ako naging top 1 sa pagtingin ng sagot sa katabi kong kaibigan na matalino,“ makahulugang saad ni Gerard.



          "Okay. Keep talking.“



          Tiningnan niya lang ako ng makahulugan sa mata. Medyo matagal ata kaming nagtitigan. Gusto ko siyang halikan habang tumatagal. Pero hindi lang ako nagpadala sa bugso ng damdamin ko.



          "Nakakaasar lang na nare-resist mo ang aking charm dahilan para hindi ko makuha ang gusto ko. Well, sa simula naman ay alam ko na hindi ko talaga makukuha ang gusto ko.“ Nag-iwas na siya ng tingin.



          Napangiti ako. "At least, you tried. Kahit alam mo na pala na hindi mo makukuha ang gusto mo, sinubukan mo pa rin.“



          "Pero ang talagang gusto ko, hindi ko na makukuha. Kahit kailan.“ Nakaramdam ako ng sakit sa sinabi niyang iyun.



          "Ano ba ang hinahanap mo?“ tanong ko. Uminom ulit ako sa bote na hawak ko.



          "Alam mo, tigilan na muna natin itong sagutan portion natin. Isang round pa tayo ng sapakan,“ saad ni Gerard upang ibahin ang usapan. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nag-shadow boxing.



          "Hindi ba masakit iyung mga suntok at tadyak na natanggap mo mula sa akin? Kahit na nasalag mo ang mga iyun, masakit pa rin.“



          Tumigil siya sa ginagawa. "May mas masakit pa kesa sa physical na sakit na sinasabi mo na natanggap ko ngayon mula sa iyo.“



          "Mukhang ngang meron. Kaya siguro hindi ka na nakakaramdam ng sakit sa ginawa natin kanina.“



          "By the way, hindi na masakit itong puwet ko. Huwag kang mag-alala. Siguradong mararamdaman ko ang sakit kapag pumasok ka sa akin.“ Kinindatan pa niya ako.



          "Ilang beses ko na bang sinabi na itigil mo iyang paraan mo ng pagsasalita? Sabi mo, susundin mo ang mga sinasabi ko sa iyo. Mukha namang hindi.“



          "Kaya nga masikip na ulit ito.“ Tinapik pa niya ang kanyang puwitan.



          "Ay nako!“ singhag ko. Tumayo ako sa kinauupuan. "Sige na. Pagbibigyan na kita. Isang round pa.“



          "Okay! Tara sa banyo.“



          "TUMIGIL KA!“



          Bigla ko na lang narinig na nag-ring ang phone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si sir Simon.



          "Sandali lang, sasagutin ko muna ang phone.“



          Lumayo na muna ako mula kay Gerard at sinagot ang tawag.



          "Hello sir Simon.“



          "Gerard. Salamat at sinagot mo ang tawag ko. Pakikumpirma nga itong nababasa ko sa Facebook. Hindi ba, si Ren ang 'Mystery Man' na tinutukoy sa mga kumakalat na balita diyan?“ tanong ni sir Simon.



          "Yeah. Siya nga po iyun,“ pagkumpirma ko.



          "Ano ba itong ginagawa niya?“ medyo pagalit na tanong ni sir Simon. Whoah! Sandali lang. Mukhang hindi maganda ang gising ni sir Simon ngayon.



          "Sir Simon, huminahon po kayo," pagpapakalma ko kay sir Simon. "Sa totoo lang po, may magandang paliwanag po ako tungkol sa nangyari. Alam niyo po ba na isa sa mga miyembro ng 'The Antagonist' na si Ethan, may taong napagtripan siya at binugbog. Akala po ni Ren, napagtripan lang po si Ethan. Pero may notable po na nangyari sa estudyante. Pinupuntirya ng mga adik ang kamay ni Ethan. Mabuti na lang daw at may taong sumagip sa kaniya habang pinaghahampas ang kanyang kamay. Hindi naman po naging grabe ang natamong pinsala sa kamay ng binata. Dahil po doon, naisip ni Ren na baka may balak ang mga karibal po nating eskwelahan na manabutahe dahil sa paparating na Battle of the Bands at nag-imbestiga.“



          "Pero napatunayan ba ni Ren na may kinalaman ang mga karibal nating eskwelahan?“



          "Unfortunately, wala po siyang napatunayan. Huwag po kayong mag-alala. Sigurado po ako na pinagalitan na siya ni Blue. At dahil wala pong napatunayan si Ren sa mga ginagawa niya, sigurado po akong titigil na rin po iyun,“ paliwanag ko.



          "Mabuti Edmund. Pakisabihan si Ren na huwag na niyang gagawin ang mga bagay na ganoon. Ibababa ko na ang phone dahil may meeting pa ako.“



          Binaba na ni sir Simon ang tawag.



          "Si Mr. Schoneberg pala ang amo mo?“ saad ng boses ko na si Gerard.



          Inis ko lang na hinarap siya. "Bakit ka naman nakikinig sa usapan ng iba?“



          "Wala ka namang sinabi na bawal makinig sa usapan ng iba,“ kibit-balikat niya.



          "Yeah, wala nga akong sinabi. But that's a common rule.“



          "Rule? Meron pala nun? Hindi ko alam. Mahilig kasi akong hindi sumunod sa mga rules. At isa pa, rules are made to be broken.“



          "Shut up! Tara na ulit sa ring,“ nasabi ko na lang at naglakad papunta sa ring.



          Sumabay sa akin sa paglalakad si Gerard. "Pag-usapan naman natin iyung napakinggan ko. Simon Schoneberg, Music Club, Ren, sabutahe at Ethan.“



          "It's none of your business.“ Umupo na lang ako sa bench.



          "Pero boyfriend mo ako so dapat kong malaman iyun hindi ba?“ saad din niya at umupo sa tabi ko.



          "Pero hindi naman with feelings... ughh! Forget it! Sige. Sasabihin ko sa iyo assuming na magwo-work ang relasyon nating ito, malalaman mo din naman iyun in time. At saka hindi ko naman siguro magiging threat sa mga Schoneberg hindi ba?“



          "Sure. As if naman na may ginawang masama sa akin ang pinagsisilbihan mong amo, then huwag mo na talagang sabihin.“



          "Okay. Siguro nabalitaan mo na ang nangyari sa bassist ng 'The Antagonist' na si Ethan na napagtripan umano ng mga adik sa lugar nila. Tapos daw, pinuntirya ang kanyang kamay. Then habang pinaghahampas ang kamay niya, may taong sumagip sa buhay niya. Tapos itong inaalagaan kong anak-anakan ng amo ko, si Ren na kaklase mo, naghinala na baka sinasabutahe ang banda ng eskwelahan natin para matalo sa Battle of the Bands,“ kwento ko.



          "Wow! Masyado siyang advance mag-isip,“ gulat niya.



          "At itong amo ko, mukhang naintindihan si Ren. Ang mali lang ni Ren, hindi niya inisip na sikat si 'Mystery Man' kahit sa ibang eskwelahan.“



          "Ha? 'Mystery Man'? Ano iyun?“ naguguluhan niyang tanong.



          "Ahh! Nakalimutan kong kalilipat mo lang pala ng eskwelahan. Noong Valentine's Day ngayong taon, kabubuo lang ng 'The Antagonist', gumala sila sa school grounds. Itong si Ren na laging magulo ang buhok, ginawan ng paraan ni Paul at pinagwapo. Ayun! Sumikat bilang si 'Mystery Man' ng Schoneberg Academe kasi hindi siya kilala ng mga estudyante,“ kwento ko.



          "Ganoon ba? Balik tayo doon sa nakita siya sa URS at SAU. Ano naman ang masama doon?“ tanong ni Gerard.



          "Baka naman mag-isip ang mga karibal nating eskwelahan na nagpapadala tayo ng espiya para isabutahe ang kanilang bet na banda? At isa pa, masisira ang reputasyon ng eskwelahan lalo na't first time na sasali tayo sa Battle of the Bands. Ano na lang ang sasabihin ng ibang eskwelahan? Natalo kasi kami dahil nagpadala ang Schoneberg Academe ng espiya sa eskwelahan namin. Hay nako! Ang mga talunan pa naman. Laging may nasasabing dahilan kapag natatalo.“



          "Wow! Sa tono pa lang ng pananalita, parang sure ka na mananalo ang eskwelahan natin sa darating na kompetisyon.“



          "Siyempre naman Gerard. Kailangan, maging positibo tayo sa ating buhay. Hindi dapat tayo maging negatibo. Kung panalo, panalo. Kung matalo, talo. Tapos.“



          "Pero alam mo, hindi mo dapat alisin ang mga posibilidad na ganyan. Na may nananabutahe sa eskwelahan ninyo. Malay niyo, nagtatago lang siya sa mga karibal niyong eskwelahan. Malay niyo, nasa eskwelahan niyo lang pala ang hinahanap niyong nananabutahe. Everything is possible in this world Edmund.“



          Natuwa ako sa sinabi niya. "Alam mo, masarap kang kausap kapag civilized kang kausap.“



          "Siguradong mas matutuwa ka kapag kinakausap mo ako habang may nangyayari sa ating dalawa,“ ngiti ni Gerard.



          "Okay. Tumigil ka na. Tumayo ka na diyan at magsapakan ulit tayo.“



Ren's POV



          Pagkatapos pagalitan ni Blue, sinundo ako ni Harry dahil nangako ako na gagala kami tuwing weekends. Kasalukuyang kaming nasa mall ni Harry at naglalaro sa arcade. Napapansin ko pa rin na pinagpapawisan si Harry kahit malamig sa loob ng mall at mukhang kinakabahan. Nang nagsawa na kami sa kakalaro, kumain kami sa isang fast food chain.



          "Nag-enjoy ka?“ tanong ni Harry.



          "Yup! Maganda nga talaga ang mundo sa labas ng pader ng aking bahay,“ ngiti ko. Though malayo na ang napuntahan ko noon with Kei. "Harry, napapansin ko na pinagpapawisan ka sa loob ng mall kahit malamig sa loob ng mall. May problema ba?“



          "Yeah. Meron. Pero tapos na actually. Nito kasing nakaraang araw, pumunta ang mama ko sa apartment namin at pumasok siya sa kwarto ko... at may nakita.“



          Sumubo ako ng isang kutsara ng kanin sa bibig ko at ngumuya. "At ano ang nakita niya?“



          Sumubo din siya ng isang kutsara ng kanin sa bibig at ngumuya. "Wala naman. Mamaya na nga tayo mag-usap pagkatapos nating kumain.“



          "Mabuti pa nga.“



          Ilang minuto ang nakalipas at natapos na kami sa pagkain.



          "May dumi ka dito sa labi,“ saad niya.



          "Ha?“ Aktong pupunasan ko ang aking labi nang inunahan ako ni Harry na punasan ito. "Umm... salamat.“



          "Walang anuman,“ ngiti ni Harry. "Umm... alam mo, I'm sorry to bring this up. Mukhang makulit talaga ako at persistent. Ayoko talagang pag-usapan ito pero something changed. Itatanong ko sana kung ayaw ba talaga ng mga benefactor mo na magkaroon ka ng inspirasyon sa buhay.“ Heto na naman kami.



          Nasapo ko na lang ang aking ulo. "Harry, tapatin mo nga ako? Kaya ba lagi mo akong niyayaya na lumabas kasama ka dahil umaasa ka pa rin ba na I will break the rules of my benefactor? Hanggang ngayon nga Harry, hindi kita magawang ipaglaban kung sakali.“



          Umiling siya. "Then let me.“



          "Harry, huwag. Sigurado ako na they will crush you once you tried. At sinasabi ko sa iyo, maghintay ka hanggang sa makatapos ko.“



          "Alam mo kasi, may napakinggan kasi ako sa radyo lately. About this guy na naghihintay sa pinapangarap niyang babae. And then suddenly he found out, may iba na iyung babae.“



          Napuno ako sa mga sinasabi niya sa akin. "Hindi ba Harry, sinabi ko na ito sa iyo noon? Wala akong gusto sa iyo. Pero ano itong ginagawa mo? Nagpapaka-Christian Castillo ka. Alam mo ba kung bakit sinabi ko na mag-antay ka na lang hanggang makapagtapos ako? Dahil pagdating ng oras na iyun, hindi na makikialam ang benefactor ko kung sino ang mamahalin ko. At isa pa, dahil umaasa na ako na sa mga panahong iyun, makakahanap ka ng taong magmamahal talaga sa iyo. Hindi ako ang para sa iyo Harry.“



          Pilit na ngumiti si Harry. "You still insist, I see. Naiintindihan kita Ren. Pero okay lang iyan sa akin. Dahil alam ko dito sa puso ko, in the end, sa akin ka pa rin babagsak.“



          "Harry, nagkalamat na ang ating relasyon. Huwag mo naman sanang pakapalin ang lamat na iyun dahil lang sa pinipilit mo na magustuhan kita. I value you pero hanggang kaibigan lang talaga. Nothing more, nothing less. Kung pwede lang, kung ang intensyon mo lagi sa paglabas natin ay para magustuhan kita, huwag mo ng gagawin iyun.“



          Wala ako sa sarili na tumayo sa kinauupuan ko at iniwan si Harry. Sumakay na lang ako sa taxi pauwi. Ito ba ang pakiramdam ni Blue habang hinahabol ni Chris? Ang hirap. Pero magkaiba kami ng sitwasyon ni Blue. Si Blue, may nangyari pa sa kanila ni Chris. Kami ni Harry, meron pero attempted at napatawad ko na siya. Si Chris, alam niya na may relasyon si Blue at Aldred. Si Harry, hindi niya alam ang relasyon namin ni Kei. Si Chris, may feelings talaga para kay Blue at meron ding feelings noon si Blue kay Chris. Pero si Harry, may feelings talaga para sa akin pero wala talaga akong feelings para sa kaniya. Nahihirapan na ako. Bakit hindi na lang kasi tumigil si Harry? Ayan tuloy. Mukhang nasali siya sa club ni Chris.



          Ano ba kasi ang nakita ni Harry ngayon sa akin at hinahabol na naman niya ako? Buti pa iyung nasa Teen Wolf. Walang nagkakagusto sa protag kahit na may sikretong relasyon sila nung babae. Pero ang sakit naman nito sa kalooban ko. Kung hindi ko sasabibin ng diretso kay Harry na wala talaga akong gusto sa kaniya, baka lalabas na ako pa ang masama dahil isa akong taong paasa. Ayoko naman ng ganoon. Nakakasakit na ako ng damdamin.



Edmund's POV



          Nakaupo na ako ngayon ulit sa bench ng gym at nananakit ang katawan ko dahil sa mga natatanggap kong suntok at tadyak kay Gerard. Hanggang ngayon kasi, wala pang nananalo sa pagitan naming dalawa.



          "Bakit hindi ka sumali sa WWE? Siguradong sisikat ka doon,“ saad ni Gerard.



          "Tumigil ka. Para sa akin, para lang iyun sa mga taong may gustong patunayan. Ako, wala.“



          "Sa akin, may dapat kang patunayan. Tara sa banyo!“



          "TUMIGIL KA!“



          Natawa siya ng payak. "Miracle by Paramore ang theme song ng buhay ko.“



          Nabuhayan ang kaluluwa ko dahil narinig ko ang pangalan ng paborito kong banda. "Wait, Paramore? Favorite band ko din iyun.“



          "Ohh! Wait, ang sabi ko, theme song ng buhay ko. Hindi Paramore ang favorite band ko. Avenged Sevenfold ang paborito kong banda.“



          "Hardcore metal huh? Teka nga lang, kukunin ko ang phone ko at patugtugin iyan theme song ng buhay mo. Meron ang phone ko niyan.“



          Excited kong kinuha ang phone ko at pinatugtog ang theme song ng buhay niya.



I've gone for too long living like I'm not alive

So I'm going to start over tonight

Beginning with you and I

When this memory fades

I'm gonna make sure it's replaced

With chances taken

Hope embraced

and have I told you?



I'm not going

cause I've been waiting for a miracle

And I'm not leaving

I won't let you

Let you give up on a miracle

When it might save you



We've learned to run from

Anything uncomfortable

We've tied our pain below and no one ever has to know

That inside we're broken

I try to patch things up again

To calm my tears and kill these fears

But have I told you, have I?



I'm not going

Cause I've been waiting for a miracle

And I'm not leaving

I won't let you

Let you give up on a miracle

When it might save you



It's not faith if, if you use your eyes

Oh why

We'll get it right this time (this time)

Let's leave this all behind

Oh why

We'll get it right this time

It's not faith if you're using your eyes

Oh why



I've gone for too long living like I'm not alive

So I'm going to start over tonight

Beginning with you and



I don't want to run from anything uncomfortable

I just want, no

I just need this pain to end right here



I'm not going

Cause I've been waiting for a miracle

And I'm not leaving

I won't let you

Let you give up on a miracle

Cause it might save you



Yeah, it might save you

Oh, it might save you



It's not faith if, if you use your eyes

If you use your eyes

If you use your eyes



          Natawa si Gerard nang natapos na ang kanta. "At pinatugtog mo talaga para pakinggan natin?“



          "Para malaman kung bakit naging theme song ng buhay mo iyun. So matagal ka na palang nabubuhay pero hindi mo ito maramdaman?“



          "Yeah,“ pagkumpirma niya. Tumingin siya sa aking mga mata. Sige. Magsalita ka lang. "Nagsimulang maging ganoon ang buhay ko simula nang nalaman ko na patay na ang first love ko. And I was really devastated about that. Hindi ko matanggap. Masakit sa akin ang mga nangyari lalo na't may nalaman ako.“



          "Kaya ba ang pakikipagtalik sa kung kani-kaninong lalaki ang napili mong paraan para maibsan ang sakit?“



          Nag-iwas siya ng tingin. "Mali. Hindi ganoon iyun. Masarap lang talaga ang makipagtalik.“



          "Ganoon ba?“



          Tumingin ulit siya sa akin. "Kaya siguro ganyan ka dahil birhen ka pa. Try kaya natin ngayon sa banyo?“



          "Ayoko!“



          Dahil sa gabi na, nagpasya na kaming umuwi. Nagprisinta naman ako na ihatid siya sa kanyang bahay. Sa totoo lang, pwede naman siyang umuwi mag-isa kasi ang dapat mag-ingat ay iyung susugod sa kaniya.



          So tapos na ang unang date namin. Hindi na rin masama. At sa unang date na ito, may nalaman akong ilang bagay sa kaniya. Meron pala siyang unang pag-ibig at namatay na ito. Mukhang nasasaktan pa rin siya dahil doon. Bakit ko ba nasabi? Kanina, habang nagtatanong ako ng mga ilang bagay, iniwasan niya ang ilan kong mga tanong. Ayaw niyang sagutin. Gusto ko sanang kulitin at iluwa mula sa bibig niya ang mga sagot sa mga tanong na iyun. Pero ayoko siyang kulitin. Hinay-hinay lang.



          Sakay ng taxi, bumaba na kami ni Gerard sa isang pamilyar na apartment.



          "Teka pamilyar ang lugar na ito sa akin. Nakapunta na ako dito noon. Teka, iisipin ko muna ha?“



          Nag-isip muna ako ng malalim kung kelan nga ba ako nakapunta sa pamilyar na lugar na inuuwian ni Gerard.



          "Ahh! Dito nakatira sila Keifer at Janice. Kilala mo sila?“ tanong ko kay Gerard.



          "Mga kapitbahay ko sila,“ ngiti niya. "Pasok ka muna sa bahay bago ka umalis.“



          "A~YO~KO!“



          Tumawa ng payak si Gerard at umangkla sa braso ko. "Grabe. Hanggang uwian ba naman, reject pa rin ako? Pwede bang pagbigyan mo ako kahit isang beses lang? Please? Sige na? Gusto kitang matikman Edmund. Mukhang masarap ka dahil sa pa-virgin effect mo ehh. Promise. Magaling ako sa kama.“ Tingnan mo itong taong ito. Lalaking-lalaki magsalita kapag nakikiusap? Hindi siya katulad sa iba na mapapansin mo ang kalandian sa boses.



          Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. "For the last time, hindi pa rin ang sagot ko. Sige na. Pumasok ka na at sa susunod na lang.“



          "Anong sa susunod na lang? Sa susunod, may mangyayari na sa atin for sure?“



          "Sa susunod, mananalo na ako sa iyo. Tatalunin kita sa kickboxing.“



          "Ang boring mo naman. Pero interesante. Sige. Papasok na ako Edmund. Magandang gabi sa iyo.“



          Magpapaalam na sana ako sa kaniya nang mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan ang labi ko. Wild siyang humalik dahil gusto niyang ipasok ang dila niya sa bibig ko. Maya-maya ay kumalas siya.



          "Sa susunod Edmund. Nag-enjoy ako sa date natin,“ paalam ni Gerard at nakita ko na naman siya ngumiti. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.



          Tiningnan ko lang siya mula sa aking kinatatayuan. Kahit maraming beses na ngumiti siya kanina, nalalaman ko kung alin doon ang totoong ngiti na bukal sa puso niya. Natamaaan ako. Kusang-loob na ngumiti ang aking labi. Masarap pang pakinggan sa tenga ko iyun sinabi niya kanina. Nag-enjoy siya sa date namin.



          Ilang oras ang lumipas, paalis na ako para magtawag ng taxi nang napansin ko si Gerard na may kausap sa balkonahe. Kilalang-kilala ko kung sino ang taong kinakausap niya at sa mukha pa lang ng gesture ng mga ito, nag-aaway sila. Si Keifer ang kausap nito. Ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawa?



          Nang may bumusinang taxi sa harapan ko, nagising ang uliran ko. Pumasok na agad ako sa taxi para ihatid ako sa mansyon ng Schoneberg. Tumingin ulit ako kung saan nakita na nag-uusap sila Gerard at Keifer. Nandoon pa rin sila. Bakit mukha silang nag-aaway? Baka naman magkaaway sila? Hindi bale na nga. Kapag sinapak naman siya ni Keifer, tiyak na talo siya.



          Dahan-dahan umandar ang sasakyan habang paalis ang taxi. At habang umaandar ito, hindi ako nakapaniwala sa susunod na nakita ko. Mukhang sinapak ni Keifer si Gerard. Bumangon bigla ang galit sa puso ko at gustong kong bumaba para sapakin si Keifer. Pero naalala ko na kapag gumanti si Gerard, yari naman siya dahil panigurado na sa kangkungan aabutin si Keifer. Bigla naman tumunog ang phone ko. Humugot ako ng buntong-hininga at tiningnan ang phone ko. Nag-text si Ren sa akin.



          "Tinatamad ako. Pakilutuan nga ako ng pagkain,“ basa ko sa text ni Ren.



          Nagulat ako sa binabasa ko ngayon. Wow! Himala? Bago ito. Si Ren, tinatamad ngayon magluto ng pagkain? Hindi ito karaniwan. Kapag kasi namumuhay ka mag-isa, huwag kang tatamad-tamad na gawin ang mga simpleng gawain dahil paano ka mabubuhay. Except lang sa hindi siya marunong maglaba at maglinis ng bahay. Alam ko naman na day off ko ngayon... at hindi importante sa akin iyun. Pupunta na lang ako bilang kaibigan.



          Dire-diretso akong pumasok sa bahay niya at naabutan siya sa harap ng PC at naglalaro. Hindi naman siya umimik habang dumiretso na lang ako sa kusina. Mukhang problemado siya dahil sa kaseryosohan ng mukha niya. Nang naihanda ko na ang pagkain, walang imik din nitong kinain ang kanyang pagkain.



          "Kung dagat lang iyang problema mo at nadamay ako, malamang nalunod na ako,“ pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa.



          "Mabigat lang ang pakiramdam ko,“ walang emosyon niyang tugon.



          "Dahil ba sa pinagalitan ka ni Blue?“ hula ko.



          "Ang babaw naman. Hindi iyun. Kanina kasi, lumabas ako kasama si Harry. Habang kumakain kami, nagtapat siya na naman ng pag-ibig sa akin. So ni-reject ko. Sinabi ko na walang tsansa na magustuhan ko siya. Pero bakit pa rin siya humahabol? Ayoko naman na lumayo mula sa kaniya dahil siya ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Kei.“



          Humugot ako ng buntong-hininga. "Subukan mong huwag na siyang kausapin, huwag pansinin, alisin ang koneksyon mo sa kaniya.“



          "Hindi pwede. Kapag pupunta sila Janice at Kei dito, kailangan kasama siya.“



          Nang sinubo na ni Ren ang huling subo niya, lumapit ako dito at niligpit ang kanyang pinagkainan. Hinugasan ko naman ito.



          "Then idamay mo na si Keifer at Janice na huwag papuntahin dito sa bahay. Baka kapag ginawa mo iyun, that will send a message to Harry na hindi mo talaga siya gusto. Though para doon sa natitirang dalawa, make ammends later. Ang tanong lang, kaya mo?“



          Rinig kong bumuntong-hininga siya. "Sige. Kakayanin ko. Pero bakit ganoon? Gusto pa rin ako ni Harry? Ano ba ang meron sa akin? Buti na lang at siya lang ang humahabol sa akin.“



          "Dahil malaki iyang nasa ibaba mo?“ hula ko.



          "Nagbibiro ka lang hindi ba?“



          "Well, sa kaso ko kasi, hinahabol ako ni Gerard dahil malaki itong sa akin. Eitherway, huwag mo ng intindihin ang sinasabi ko.“



          Rinig kong humikab si Ren. "Salamat sa pagkain Edmund. Matutulog na ako. Pakisara na lang ng mabuti ang pintuan kapag umalis ka na.“



          Pagkatapos ng tagpong iyun, dumiretso na ako sa mansyon ng mga Schoneberg. Pagkatapak ko sa tarangkahan, hindi mapigilan ng utak ko na tumugtog ng isang musika sa ulo ko na ako lang ang nakakaalam. Hindi rin mapigilan ng katawan ko ang mapasayaw sa tuwa.




Everybody sing like it's the last song you will ever sing

Tell me, tell me, do you feel the pressure now?

Everybody live like it's the last day you will ever see

Tell me, tell me, do you feel the pressure now?



          "I HAVE A BIG DAMN GLORY MOMENT!“ sigaw ko na siguradong ako lang ang makakarinig kasi panigurado na tulog na sila... wait, iyung mga guard pala. Hindi pa sila tulog.



          Maya-maya ay tumigil na lang ako sa aking ginagawa at nagpatuloy pumunta sa quarters ko. Delay na delay ang reaksyon ko. Palagay ko ay dahil sa nakita kong sinapak ni Keifer si Gerard. Hindi ako mag-aalala. Kapag si Gerard ang gumanti, tiyak sa ospital pupulutin si Keifer. Well not bad for our first date. Walang basa-basa ng guide gaya ng iba! At sigurado ako na he is looking forward para sa susunod naming date.



Ren's POV



          Mag-aalas dose na ng hatinggabi at gising pa rin ako. Inaantay ko ang tawag ni Kei pero mukhang hindi na siya tatawag. Pinikit ko na lang ang aking mata at natulog.



          Kinabukasan, naglalakad ako sa hallway ng eskwelahan. As usual, sumasabay sa akin si Harry.



          "Ren, I'm sorry,“ rinig kong saad niya.



          Hindi ko na lang ito pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad.



          "Ren, please listen to me. Sorry na nga.“



          Huminto na lang ako at hinarap siya. "Apology accepted under one condition. Lumayo muna tayo sa isa't isa at saka ko matatanggap ang sorry mo na naghahabol pa rin sa akin. Masyado ka ng martir Harry. Maghanap ka ng iba diyan. Huwag ako. Alam kong single and available ako pero that doesn't mean na ako ang lagi mong habulin. Gwapo ka at sa totoo lang, ka-level mo ang isang miyembro ng 'The Antagonist'. Kung may fans club ka lang sa eskwelahang ito, malamang ay ilang beses na akong pinatay ng mga fans mo dahil bakit ba tinatanggihan ko ang isang katulad mo? Wala ehh! Wala talaga akong nararamdaman sa iyo.“



          "Kung makapagsalita ka, parang alam mo kung paano ma-in love.“



          Kinabahan ako sa sinabi niya. "No Harry. I've never been in love. Kahit sa iyo. Wala talaga. At sana, tanggapin mo iyun. Hanggang kaibigan lang talaga. Sana mawala iyang nararamdaman mo para sa akin. Good thing, may solusyon ako para diyan. Ayoko muna kayong makita.“



          Sa ekspresyon pa lang ni Harry, mukhang nasaktan siya ng bahagya sa narinig mula sa akin. Tumungo naman ito at tila nalulungkot.



          "Pasensya na talaga at wala akong nararamdaman para sa iyo Harry. Pasensya na.“



          Tinalikuran ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Tama lang itong ginagawa ko. Para sa aming dalawa ito.



          Ilang araw na ang at ganoon pa rin ang estado ko sa kanila ni Harry at ng iba pa. Wala akong koneksyon sa kahit sinong tatlo sa kanila. Kahit si Kei. Sinusubukan naman akong tawagan ni Kei gabi-gabi pero hindi ko ito sinasagot.



          Galing sa music room, naglalakad ako papunta sa parking lot. Hindi nga kami nagkikita nila Harry pero mukhang si Allan naman ang pumapalit sa kanila.



          "Bakit iinaantay mo ako?“ tanong ko habang patuloy na naglalakad.



          "Ako? Naghihintay sa iyo?“ maang ni Allan. Sumabay din ito sa aking paglalakad. "Oo. Hinihintay kita. Pansin ko lang na hindi kayo close ng mga kaibigan mo ngayon. May problema ba?“



          "Hindi ba iyun ang gusto mo dati? Ang mag-ingat ako doon sa mga kaibigan ko?“



          "Yeah! Right!“



          Naramdaman ko na lang na nilagay ni Allan ang braso niya sa leeg ko. "Anong ginagawa mo?“



          "NAH~! Nakita ko lang ang boyfriend mo and gusto ko lang naman mang-asar,“ bulong niya habang ngumingisi.



          Luminga-linga naman ako at nahagip ng mata ko si Kei kasama si Janice. Binigyan naman niya ako ng naguguluhang tingin. Inis ko lang na inalis ang kamay ni Allan sa leeg ko at tinitigan ito ng masama. Bahala na.



          "Makinig ka nga sa akin Allan. Wala akong pakialam kung sino ka pero this time, do yourself a favor please? Lumayo ka muna sa akin,“ seryosong saad ko.



          Tinaas ni Allan ang kamay niya. "Fine. Kung iyan ang gusto mo. Well sa tingin ko ay maghanap na lang ako ng ibang kalaro. A literal playmate.“



          Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad nang hindi lumilingon. Sana naman, malaman niya na gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko munang bumalik sa dati kung kelan ang inaalala ko lang ay ang sarili ko. Pero mukhang hindi na ako sanay ngayon.



          Nakarating na din ako sa bahay. Medyo malungkot dahil hindi ko na muna iniimbita sila Janice sa bahay. Pero kailangan magtiis ako. Nanggaling na ako sa buhay na ito at nakaya ko iyun.



          Pagkatapos magbihis sa kwarto ko, bumaba ako papunta sa sala at naisip ko na buksan na lang ang PC ko. Pagkabukas, nagulat na lang ako dahil may mensahe na pumasok agad sa isang messenger app na ginagamit naming mga kaibigan ko sa internet. Mensahe mula kay MarcoS.



MarcoS has entered the room...



MarcoS: Duo tayo! Duo tayo! Duo tayo!

Ren: S naman. Kakabukas ko pa lang.

MarcoS: Wala si Y. Pinepeste ako ng taong iyun nitong nakaraang araw. Kaya laro tayo.

Ren: Hoy! Grabe ka naman. Ikaw ang nagpapasok sa taong iyan sa grupo tapos ginaganyan mo.

MarcoS: Ano ka ba? Napilitan lang ako. Unlike naman sa inyo nila H at Yuuhi na ako talaga mismo ang nag-imbita. This time, napilitan lang ako.

Ren: At hindi mo matanggihan?

MarcoS: Yeah. Hindi ko talaga matanggihan. Kakilala ko kasi IRL.

Ren: Eitherway S, masama iyang ginagawa mo. Backstabbing iyang ginagawa mo. Kakilala mo pa man din.

MarcoS: As expected from you. So ano? May laro ba tayo? Maglalaro ba tayo ngayon?

Ren: Umm... sige. Gusto ko muna magpalipas ng oras ngayon.

MarcoS: OH YES! Makakapaglaro na din tayo sa wakas.

Ren: Tara. Maglaro na tayo.



Keifer's POV



          Nasapo ko lang ang ulo ko dahil sa sakit. Masyado kong ginamit ang ulo ko sa pinag-aaralan ko ngayon. Maraming araw na ang lumipas simula nang hindi nagpaparamdam si Ren sa amin. Hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit dahil hindi din sumasagot si Ren sa mga tawag ko. Nangyari ito simula nang lumabas siya kasama si Harry. Wala namang binabanggit si Harry sa akin na kung ano ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa. Miss na miss ko na si Ren.



          "Ang sakit ng lalamunan ko. Mukhang may sore throat ako,“ saad ni Gerard habang nag-aaral kaming tatlo sa apartment nila Janice. Mapapansin na lagi niyang hinahagod ang kanyang lalamunan.



          "Gamutin mo na kasi iyan para mawala. Enjoy ka na naman siguro sa bago mong syota,“ pang-iintriga ni Janice.



          "Maganda iyun sana Janice kung matitikman ko siya ng buong-buo. Ahem! Hay nako! Makabili na nga ng gamot sa labas.“ Tumayo naman si Gerard at lumabas ng apartment.



          "Kei, bakit tahimik ka?“ untag ni Janice sa akin.



          "Hindi ka ba nagtataka kung bakit ayaw tayong pansinin ni Ren nitong mga nakaraang araw? Si Harry naman, walang sinasabi.“



          "Baka naman napagalitan lang siya ng kanyang benefactor dahil baka bumababa ang grades niya? Alam mo iyun. Grounded siya gaya ng ginagawa ng ibang mga magulang sa anak nilang bumabagsak.“ Isa sa mga bagay na imposible dahil masyadong matalino sa academics si Ren.



          Inikot ko lang ang aking mata. "Baka nga.“



          Ano kaya ang problema niya? Baka wrong move na naman ako kapag si Harry ang komprontahin ko. Sa mga takbo pa naman ng nangyayari ngayon, mas magiging komplikado ang lahat.



Ren's POV



          Natapos na naman ang klase namin sa araw na ito. Papunta ako sa Music Room para sagutin na agad ang mga assignment na pinapagawa sa amin. Pagpasok ko sa Music Room, naabutan ko lang si Jonas na may iniinom na kung ano.



          "Ren. Inom tayo,“ yaya niya.



          "Anong iniinom mo?“ tanong ko habang naglalakad papunta sa sofa.



          "Kape. Gawa ni Nicko,“ sagot ni Jonas. "Nag-text siya sa akin na may hinanda siyang kape para sa akin at iniwan lang niya sa dito.“



          Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng Music Room at niluwa nito si Nicko.



          "Hi Ren. Hi Jonas,“ bati sa amin ni Nicko habang lumalapit sa kanyang kapareha.



          "Nicko. Nandito ka na pala. Salamat nga pala dito sa kape,“ yakap ni Jonas sa kaniya saka hinalikan sa noo.



          "Ha? Anong kapeng pinagsasabi mo?“ maang pa ni Nicko.



          "Ito naman si Nicko. Tinatanggi pa iyung magandang bagay na ginawa mo kay Jonas.“



          "Nag-text ka sa akin na may kape kang iniwan dito sa Music Room hindi mo ba natatandaan?“ wika ni Jonas.



          "Right. Meron nga,“ mabagal na tugon ni Nicko.



          "By the way people, just to reminds you guys na huwag na muna kayo gagawa ng kababalaghan gaya ng pagkain ng ice cream... at alam niyo na kung ano ang tinutukoy ko. Kailangan ay ayos kayong lahat dahil sa gig natin 3 days later. Sigurado ako na panonoorin tayo ng taga-ibang school.“



          "Ikaw naman Ren. Tigilan mo nga iyan. Tsaka sige. Hindi nga kami gagawa ng kababalaghan ni Nicko.“ Hinawakan ni Jonas ang buhok ko at ginulo.



          "Sabi niyo iyan ha. Aasahan ko iyan.“



          "At kumusta na kayo ni Kei?“ biglang naitanong ni Nicko.



          Natahimik ako ng ilang segundo. "Okay pa naman ang lahat sa amin sa tingin ko. May mga bagay nga lang na kailangan talagang ayusin. Especially kapag nalaman mo na may kamag-anak pala dito si Christian Castillo sa school natin pero hindi sila parehas ng apelyido.“



          "Sino? Ikaw?“ pagbibiro ni Jonas.



          "Tigilan niyo nga iyan pwede ba? Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko nga kamag-anak iyun,“ medyo naiirita kong saad. "Basta guys, alam niyo na iyung sasabihin ko. Kailangan, matakot ang kalaban natin habang hindi pa ginagamit ni Joseph iyung boses niya.“



          "Oo na! Gets na namin iyun,“ ngiti ni Nicko. "Tara na Jonas. Alis na tayo.“



          Ngumiti si Jonas. "Okay.“



          "Mag-ingat kayong dalawa.“



          Araw na ng gig ng 'The Antagonist' sa mall ngayon. Nasa mall na kami ngayon at naghahanda sa gagawing performance ng banda.



          "Umm... guys, may problema tayo,“ rinig kong saad ni Paul.



          "Huh? Ano namang problema?“ tanong ni Blue.



          "Hindi makakakanta ng maayos si Jonas. Mukhang may sore throat siya,“ sagot ni Ethan. Nako po!



          Nasapo ko ang ulo ko. "What? Hindi pwede iyan. Jonas, bakit ngayon pa?“



ITUTULOY...

2 comments:

  1. Thumbs up AQ as update no plagi author at gusto konname makita at makilala is aulric

    Cnu b tlga siya

    Jharz

    ReplyDelete
  2. Ahhh...

    Dunno what to say but Ren is an idiot.

    I'm still waiting for a big change and the development.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails