Author's note...
Hello ulit guys. Ren... Seyren... here again... whatever haha. Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Allan(?)... at kay sir Ponce(?) (Iisang tao o ibang tao, nananatiling misteryo na naman sa akin dahil napahiya ako... wahaha...) sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!
Umm... kung napansin niyo ay nasa Chapter 19 ulit. Hindi po kayo naliligaw. May inayos lang ako kaya naging Chapter 19 na lang. Ginulo ko na naman po kasi ang nararapat na ayos ng mundo natin. Sa mga nagbabasa po ng Chapter 25, Chapter 18 na po siya. Kung saang chapter po kayo huling nagbasa, minus 7, nandoon po iyung chapter na hinahanap niyo. Bale heto po iyung mga nabago...
Chapter 2 & 3, deleted & merged with Chapter 1.
Chapter 5, deleted & merged with Chapter 4 and now the Chapter 2.
Chapter 7, deleted & merged with Chapter 6 and now the Chapter 3.
Chapter 9, deleted & merged with Chapter 8 and now the Chapter 4.
Chapter 10, 11, & 12, deleted & merged with Chapter 9 and now the Chapter 5.
Chapter 5's title from Story of Us renamed to Twisted Fates.
Chapter 13 to 25 moved backwards by 7 chapters.
Ginawa ko po ito to solidify my half-ass plots in the first 5 Chapters kasi halatang rushed siya ng author ninyo. At ginulo ko na naman ang nararapat na ayos na mundo. Kaya din ako nagpost agad ay para masaktan na ang masaktan at sana hindi na basahin ito (LOL joke). So yeah. Have fun guys. Hinahanda ko pa nga pala iyung upcoming chapter ni Aulric as said sa JFAM ni sir Bluerose... kaya hindi din po ako makakapag-post ng mabilis for quite some time. But don't worry. Babawi ako. Dito na rin po sa... title na ito ipo-post iyun. Salamat po pala sa mga taong patuloy na nagbabasa ng akdang ito at sa mga gusto ng tumigil, okay lang. Cheers.
Umm... kung napansin niyo ay nasa Chapter 19 ulit. Hindi po kayo naliligaw. May inayos lang ako kaya naging Chapter 19 na lang. Ginulo ko na naman po kasi ang nararapat na ayos ng mundo natin. Sa mga nagbabasa po ng Chapter 25, Chapter 18 na po siya. Kung saang chapter po kayo huling nagbasa, minus 7, nandoon po iyung chapter na hinahanap niyo. Bale heto po iyung mga nabago...
Chapter 2 & 3, deleted & merged with Chapter 1.
Chapter 5, deleted & merged with Chapter 4 and now the Chapter 2.
Chapter 7, deleted & merged with Chapter 6 and now the Chapter 3.
Chapter 9, deleted & merged with Chapter 8 and now the Chapter 4.
Chapter 10, 11, & 12, deleted & merged with Chapter 9 and now the Chapter 5.
Chapter 5's title from Story of Us renamed to Twisted Fates.
Chapter 13 to 25 moved backwards by 7 chapters.
Ginawa ko po ito to solidify my half-ass plots in the first 5 Chapters kasi halatang rushed siya ng author ninyo. At ginulo ko na naman ang nararapat na ayos na mundo. Kaya din ako nagpost agad ay para masaktan na ang masaktan at sana hindi na basahin ito (LOL joke). So yeah. Have fun guys. Hinahanda ko pa nga pala iyung upcoming chapter ni Aulric as said sa JFAM ni sir Bluerose... kaya hindi din po ako makakapag-post ng mabilis for quite some time. But don't worry. Babawi ako. Dito na rin po sa... title na ito ipo-post iyun. Salamat po pala sa mga taong patuloy na nagbabasa ng akdang ito at sa mga gusto ng tumigil, okay lang. Cheers.
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18
Chapter 19:
Actions
Ren's POV
Naisip ko, may mga nangyayari sa buhay natin na hindi
inaasahan. Gaya ng aksidente at iba pa. Planado kaya ito o talagang aksidente
lang? Organisado ba ito o hindi? Paano ba natin malalaman? Eitherway, kailangan
natin mapatunayan iyun bago maghusga. Hindi maganda ang basta na lang tayo
maghusga. Pero hindi maiiwasan ang mag-isip ng ganoon. Lalo na't parang may
mali sa mga nangyayari ngayon.
Umagang-umaga ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Blue.
"Hello.“
"Ren, may nangyari kay Ethan,“ agad na saad niya.
"Huh? Anong nangyari sa kaniya?“ natataranta kong
tanong.
"May mga taong bumugbog sa kaniya. Pinupuntirya pa ang
kamay ni Ethan.“
"Ano? Hindi pwede iyan. Malapit na iyung gig natin sa
mall.“
"Okay naman ang lahat sa ngayon. Hindi nga lang makakapag-ensayo
si Ethan ng mga isang linggo para pagalingin ang kamay niya.“
Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Tinapos ko na ang
tawag ni Blue at nagpaalam. Nag-isip naman ako saglit. Parang may mali talaga
sa nangyayari. Mukhang may kinalaman ito sa aksidente na baka ako at si Blue
ang target... o si Keith kaya? Ngayon ay si Ethan. Hindi kaya may nananabutahe
sa amin mula sa ibang eskwelahan? Kami ni Blue at Ethan ay kasapi ng Music
Club. Pero kung pananabutahe ito, bakit ngayon pa kung kelan dalawang buwan pa
bago ang Battle of the Bands? Nako naman! Ang gulo ng mga pangyayaring ito.
Papunta na ako para sa unang klase ko ngayong araw nang
sumabay si Harry sa akin sa paglalakad.
"Umm... morning, Ren,“ kinakabahan niyang bati.
Kumunot ang noo ko sa pananalita niya. "Magandang
umaga... at bakit parang naparami ata ang ininom mong kape ngayon?“
"Wala naman,“ iling niya. "At kung naparami nga
ako ng inom ng kape, hindi naman nakakasama iyun. Maganda nga iyun sa katawan
para bumagal ang pagtanda ng katawan mo. Ikaw Ren, hindi ka ba mahilig
magkape?“
"Hindi kape ang lagi kong iniinom sa umaga. Gatas ang
iniinom ko. Mas masustansya kasi ang gatas kesa kape.“
"Laki ka pala sa gatas.“
Napansin ko naman ang pagtulo ng pawis sa mukha niya.
"May kasalanan ka na naman ba na ginawa?“ naitanong ko.
Napapitlag siya sa narinig. "Ano ka ba? Medyo
kinakabahan lang sa ibang bagay. At hindi naman iyun dahil sa iyo o kung ano pa
man. Bakit mo naman nasabi?“
"Hindi mo ba naalala iyung una nating pagkikita
tungkol sa article na akala ko ideya ni Kei, tapos ideya mo pala iyun?
Pinagpapawisan ka kahit unang buwan pa ng taon at malamig.“
"Ay ano ka ba! Ibang kaso talaga ito ngayon. At wala
akong ginawang kasalanan.“
"Okay. Sabi mo ehh,“ kibit-balikat ko.
Nakarating na ako sa classroom at naghiwalay na kami ni
Harry. Dumiretso lang ako sa upuan at naging kapansin-pansin sa akin ang mukha
ni Allan. Namamaga.
"Anong nga pala ang nangyari diyan sa mukha mo?“
tanong ni Alexis na katabi niya.
"Nagpakabayani lang,“ sagot ni Allan.
Naalala ko naman ang pagpapawis ni Harry at ang sabay nila
na pag-uwi kagabi.
"S-Si Harry ba ang may gawa sa iyo niyan?“ sabat ko sa
usapan nila.
"Bingi ka ba?“ inis na sagot ni Allan. "Sabi ko,
nagpakabayani ako.“
"Teka nga? Sino ba siya?“ turo ni Alexis. Teka nga?
Ganoon ba talaga ako ka-invisible na hindi niya ako kilala?
"Ewan. Hindi ko siya kilala,“ naisagot ni Allan.
Natapos na ang klase ngayong araw at papunta na ako sa
Music Room. Kakausapin ko sana si Harry. Ang kaso ay umalis na ito agad. Bakit
ganoon? Hindi ko maintindihan. Saan naman niya makukuha ang pamamaga ng mukha
niya? At ang sabi niya, nagpakabayani?
Pagkapasok ko sa Music Room, naabutan ko naman si Ethan na
nakaupo sa sofa at nagtitipa ng gitara.
"Akala ko, nagpapagaling ka?“ tanong ko habang
naglalakad papalapit sa mesa para ilagay ang mga gamit ko.
"Hindi naman gaanong masakit ang kamay ko kaya
makakapagpraktis pa rin ako,“ tugon ni Ethan habang ginagalaw ang kanyang mga
kamay.
"Pero sigurado ka ba? Baka mas lalong lumala-“
"Ay nako Ren! Huwag ka ng mag-alala,“ pagputol ni
Ethan. "Kung masakit ang mga kamay ko, sasabihin ko naman at ako mismo ang
titigil magpraktis.“
"Ganoon ba? Sabi mo ehh.“ Umupo din ako sa sofa.
"Alam mo, baka nga napuruhan itong kamay ko ng tuluyan
kung walang dumating na Kamen Rider para tumulong.“
"Kamen Rider? Ang ibig mo bang sabihin, masked rider?
Iyung ganoon?“ naguguluhan kong tanong.
"Iyun. Tama. Pauwi ako ng bahay. Tapos may grupo ng
mga taong parang kasing-edad ko lang na naka-balaclava. Iyung itim na bagay na
ginagamit ng mga masasamang loob para hindi makita ang mukha. Sinubukan ko
naman silang labanan. Ang kaso, mas marami sila kesa sa akin. Sinubukan ko
namang sumigaw ang humingi ng tulong at baka sakaling may makarinig sa akin.
Pagkatapos nila akong matalo, pinadapa nila ako at pinalagay ang mga kamay ko
sa harapan. May hawak namang pamalo iyung isa nilang kasama. Mukhang balak
nilang puruhan ang kamay ko para hindi makatugtog. Napalo nila ng ilang beses
ang kamay ko nang may tumulong sa akin. Ang weird nga lang ng taong ito dahil
may suot pa siyang... leyon na maskara ba iyun? Nang may mga nakakitang barangay
tanod sa amin, nagsialisan sila.“
Naka maskarang leyon? Si Mr. Lion kaya iyun? Kaya ba naging
ganoon ang mukha ni Allan? Niligtas pala niya si Ethan. Akala ko, may ginawang
masama sa kaniya si Harry. Baka naman nagkataon lang talaga na pinagpapawisan
siya. Malay ko ba? Baka naman kinakabahan siya sa pagdating ng magulang niya o
kung ano?
"Pero Ethan, naisip mo ba na baka isa itong
pagsasabutahe sa atin?“
Kumunot ang noo at napangiti niya. "Pananabutahe? Sa
atin? Ganoon ba talaga tayo kagaling para gawin sa atin iyun?“
"Naisip ko lang kasi, nitong isang araw ay may
aksidente na kinasangkutan namin ni-“
"Pero hindi ba, nahuli na iyung may sala?“ pagputol ni
Ethan. Nako! Oo nga pala.
"Ahh! Sa bagay?“ kibit ko ng balikat.
Oo nga pala! Nahuli na daw ang taong may kasalanan sa
aksidente na kinasangkutan namin ni Blue. Right! Useless naman pag-usapan ito
kasama ang mga tao. Pero dahil may nangyari na kay Ethan, siguro ay dapat
mag-imbestiga ako nang hindi nila nalalaman.
Nag-text naman si Harry na hindi sila pupunta ngayon sa
bahay kaya dumiretso na ako pauwi. Pagkauwi ko sa bahay, may nakalagay na note
ni Mr. Lion sa maliit na table sa sala. Binuksan ko ang note at wala namang
nakasulat bukod doon sa drowing. Salamat naman sa kaniya at niligtas niya si
Ethan.
Umakyat naman ako sa kwarto ko at binuksan ang aparador.
Inihanda ko naman ang uniporme ng SAU at ng URS para pumunta sa eskwelahan
nila.
Kinabukasan, nakapasok ako sa eskwelahan ng URS at
kasalukuyang nasa library ng eskwelahan. Suot-suot ko ang uniporme ng
eslwelahan. Ang buhok ko naman ay nakaporma gaya ng ginawa ni Paul. May suot pa
akong mga pekeng salamin para hindi masyadong halata. Ngayon, subukan ko ngang
kausapin ngayon si Vienne kung may nalalaman siya sa ginagawa ng banda nila
Chris.
Mga bandang lunch break na nang lumabas ako ng library para
hanapin si Vienne pero iba ang nahanap ko at nakakuha ng interest ko. May
lalaking kinakausap ang isang sa mga miyembro ng 'The Gravity' na mukhang si
Devin. Mukhang may bago na akong target.
Nang naghiwalay na ang dalawa, wala akong sinayang na oras
at lumapit sa lalaking ito. Kasabay ng paglapit ko ay ang paglapit naman ng
isang lalaki na nakasalamin.
"Tara na Hyde! Umalis na tayo,“ saad ng lalaking
nakasalamin.
"Umm... excuse me. Pwede ba kitang makausap?“
Napansin naman ako ng dalawa at humarap sa akin. Huh?
Ngayon lang talaga nila ako napansin?
"Teka? Parang kilala kita?“ saad ng lalaking
nakasalamin.
Tipid akong ngumiti. "Sigurado ka? Kasi ako, sigurado
ako na hindi ako artista.“
"Umm... ano po ba ang kailangan niyo?“ tanong ni...
Hide? Talaga? As in tago?
"Ohh! Huwag ka naman maging masyadong magalang.
Sigurado akong parehas lang tayo ng edad. Ako nga pala si Seyren Windsor.
Galing ako sa Journalism Club at gusto lang kitang makapanayam tungkol sa 'The
Gravity'.“
"Umm... Harold Yde Ilagan. Siya naman si Marty,“ turo
pa niya sa taong nakasalamin. So Hyde pala ang palayaw niya.
"So pwede bang sa library tayo mag-usap?“
"Umm... okay. Sige.“
Naglakad kami papunta sa library at umupo nang magkaharap.
Naglabas naman ako mula sa bag ko ng isang notebook at isang recorder.
"Umm... hindi ako sigurado kung ako ba dapat ang
kapanayamin tungkol sa 'The Gravity',“ hindi nito siguradong saad.
"Huwag kang mag-alala. Sigurado naman ako sa aking
ginagawa.“
Nagtanong lang ako nang ilang bagay nun sa kaniya. Mukhang
maraming alam ang Hyde na ito kay Devin at sa iba pang miyembro nito. Maya-maya
ay natapos na akong magtanong.
"Maraming salamat at pinaunlakan mo ang aking
interview. Siya nga pala, atin-atin lang ito. Naririnig mo kaya sila na may
balak na manabutahe ng ilang school para manalo? Balita ko, ex daw kasi ni
Chris ang Presidente ng Music Club ng Schoneberg Academe at first time kasi na
sasali ang eskwelahang iyun sa Battle of the Bands.“
"Nako! Imposible iyan,“ natatawang remark ni Marty.
"Baka nga ang mga taga-Schoneberg Academe ang manabutahe dahil puro mga
taong maraming mga pera ang naka-enroll doon.“
"At saka, araw-araw nag-eensayo sila Devin para
manatiling mga kampyon sa Battle of the Bands,“ ani Hyde.
Sa mukha pa lang ni Marty at sa sinasabi ni Hyde, mukhang
wala ngang balak manabutahe ang eskwelahang ito sa darating na Battle of the
Bands. Kumbinsido ako na walang sila Chris na gumawa ng kalokohan. At bakit ba
si Chris? Dahil siya ang bukod tangi na mayaman sa eskwelahang ito?
"Ay! Mukhang masama ata ang mga sinasabi at mukhang
nagbibintang na din ata ako sa kanila sa mga masamang nangyayari sa ilang
estudyante ng Schoneberg Academe. Kaya kayo, mag-ingat din kayo.“
"Nabalitaan ko nga iyun,“ ani Marty.
May nakita naman akong dalawang lalaki sa hindi kalayuan na
nakatingin sa likod ni Marty at papalapit ito sa amin. Nakaramdam naman ako na
masamang ideya ang makipag-usap sa mga ito dahil sa kinikilos ng dalawa.
Kailangan ko ng umalis.
"Oo nga pala. Napansin kung wala ang ID mo... Ren,“
puna ni Hyde.
Kinapa ko kunyari ang sarili ko. "Ay nako! Mukhang
naiwala ko ata sa kung saan. Mabuti pang hanapin ko na ito. Sige guys. Salamat
sa oras. Aalis na ako.“
Kinuha ko na agad ang gamit ko at umalis na sa lugar na
iyun. Bukas, sa SAU naman ako pupunta.
Marty's POV
Patuloy ko pa rin hinuhukay sa isipan ko kung sino ang
taong kausap namin ni Hyde kanina. Pamilyar talaga siya sa akin pero hindi ko
masabi-sabi. Sino nga ba siya? Nasa dulo lang ng eyeglasses ko pero wala.
Matingnan nga ang eyeglasses ko.
Hinubad ko naman ito at tiningnan. Ano ba itong iniisip ko?
Wala naman akong makukuhang sagot mula dito.
"Marty, anong ginagawa mo?“ tanong sa akin ni Hyde.
"Wala naman. Pamilyar talaga siya sa akin pero hindi
ko talaga maalala.“
"Oi! Sino iyung kausap niyo kanina?“ tanong ng kung
sino sa likod ko. Boses ni Rubius iyun.
"Parang pamilyar iyung taong iyun sa akin sa malayuan.
Sayang nga lang at umalis na siya,“ ani Dominic.
"Parang nakita ko na nga siya sa kung saan din
Dominic. Pero hindi ko talaga matandaan kung saan,“ baling ko sa kaniya.
"Ahh! Naalala ko na!“ bulalas ni Rubius. "Hindi
ba, siya iyung 'Mystery Man' ng Schoneberg Academe?“
"Schoneberg Academe?“ gulat ni Hyde.
"Mukhang espiya ata ang taong iyun. Ano ang itinanong
sa iyo Hyde?“ tanong ni Dominic.
"Nagtanong lang naman siya tungkol sa ginagawa
ginagawa ng 'The Gravity'. Hindi ko naman nasagot ang ilang tanong niya dahil
wala naman talaga akong ideya sa mga ilang itinanong niya sa akin,“ sagot ni
Hyde.
"Ano kaya ang binabalak ng taong iyun? Tara Doms at
hanapin natin iyun. Baka nasa labas lang ang taong iyun,“ yaya ni Rubius.
"Sige,“ pagpayag ni Dominic.
Ren's POV
Kinabukasan, nandito ako ngayon sa school grounds ng SAU.
Suot ko ang uniporme ng eskwelahan at pinagwapo ang sarili para walang makaalam
kung sino talaga ako. Suot ko pa rin ang pekeng eyeglasses. Medyo malaki ang
eskwelahang ito. Karibal ito ng eskwelahan namin. Balita ko, pumapangalawa ang
Saint Ambrose University sa Battle of the Bands. Nag-iikot ako sa school
grounds nang may mapansin ako na isang pamilyar na babae sa cafeteria na
nakasuot ng uniporme ng eskwelahan. Anong ginagawa niya dito?
Kunyaring nagbabasa ito ng libro at tinatakpan ang kanyang
mukha. Bakas sa mata nito na may parang hinahanap. Dahan-dahan akong lumapit sa
babaeng ito.
"Anong ginagawa mo dito Alexa?“ untag ko.
Nagulat si Alexa. "Ren. Anong ginagawa mo dito?“
Nakiupo naman ako sa gilid ng upuan niya. "Ako ang
dapat magtanong niyan sa iyo. Ano ang ginagawa mo dito?“
"Ay nako! Magtatanungan na lang ba tayo dito? Sige na
nga. Sasagutin ko na ang tanong mo. Nag-iimbestiga ako ngayon sa isang
conspiracy na mukhang isa sa URS at SAU ang nagbabalak na manabutahe sa
Schoneberg.“
"Kung ganoon, parehas lang pala ang pakay natin kung
bakit tayo nandito.“
"Inutusan ka ni Blue?“
"Hindi. Pumunta ako sa sariling kong kagustuhan. Ikaw,
ngayon mo pa lang ba ito ginagawa?“
"Ngayon lang din. Sa susunod, sa URS ako pupunta.“
"Huwag ka ng pumunta doon. Kagagaling ko lang doon
kahapon at wala namang nagbabalak mula sa eskwelahang iyun.“
"Excuse me. Pwede bang makiupo? Wala na kasi akong
maupuan,“ saad ng isang pamilyar na boses... na mukhang si Hyde... pero matigas
ang boses nito.
Kinabahan akong nilingon ang taong ito at nagulat naman ito
nang magpang-abot ang mga mata namin.
"Ikaw?“ sabay naming naasabi.
"Sige. Upo ka,“ pagpayag ni Alexa.
Umupo naman si Hyde sa harapan namin. Hindi ito maaari. Si
Hyde ito. Pero napansin ko lang. Mas matigas ito kung kumilos at
lalaking-lalaki na hindi ko pinapansin sa isang Hyde. Hindi kaya kakambal niya
kaya ito? Pero kung makasabi sa akin ng 'Ikaw', ibig sabihin lang nito, kilala
niya ako.
"Parang pamilyar ka sa akin. Pasensya na pero,
nagkakilala na ba tayo dati?“ tanong ni Hyde sa akin.
"H-Hindi pa,“ pagtanggi ko. "Pero kung
makapagsalita ka nga kanina, parang kilala mo ako.“
"Pasensya na,“ iling ni Hyde. "Ang totoo niyan,
weird kasi para sa akin nang makita kita. Pamilyar ka talaga para sa akin pero
hindi ko talaga masabi ang pangalan mo.“
"Lagot. Mukhang kilala ka ata,“ bulong ni Alexa.
"Umm... Claudio Yde Ilagan ang pangalan ko pare. Clyde
na lang ang itawag mo sa akin. Nice to meet you,“ pagpapakilala nito. Clyde ang
pangalan niya.
"Ohh! So ibig sabihin, kapatid mo si Hyde?“ gulat ko.
"Nakilala mo na pala ang kakambal ko na si Hyde. Paano
mo naman siya nakilala?“
"Baka nadaanan ko. Hindi ko matandaan.“ Binigyan ko pa
ang sarili ng isang mahinang batok. "Seyren Windsor nga pala ang pangalan
ko. Ito naman si Alois Alexa. Galing kami sa Journalism Club.“
"Kaya pala parang kilala na kita dahil nakilala mo na
pala ang kakambal ko. Mukhang totoo nga na may kakaibang koneksyon ang mga
magkakambal.“
Nawala naman ang kaba ko sa narinig. Akala ko kung ano na.
Kakambal lang pala ito ni Hyde. Nag-usap naman kami saglit tungkol sa mga
bagay-bagay dito sa Saint Ambrose University.
"Siya nga pala. May alam ka ba sa mga tinatagong
sikreto ng eskwelahang ito? Especially sa Musix Club?“ naitanong ko.
"Pasensya na pero wala akong alam sa bagay na iyan,“
sagot ni Clyde. "Bakit hindi mo na lang sila tanungin sa bagay na iyan?
Tutal naman, galing kayo sa Journalism Club?“
"May point ka nga doon,“ ngiti ni Alexa. "Tara na
Ren. Puntahan na natin ang Music Club at tanungin sila tungkol sa bagay na
iyan.“
"Sige Clyde. Aalis na kami.“
"Ingat kayo,“ ngiti pa ni Clyde.
Nag-imbestiga na kami ni Alexa sa SAU. Gaya ng URS, wala
ring masamang binabalak ang eskwelahang ito. Pauwi na ang mga estudyante at
nag-pasya kami ni Alexa na huminto muna sa isang kainan.
"Hindi ko pa rin maintindihan. Bakit wala sa mga
karibal natin ang nagbabalak na manabutahe sa eskwelahan natin? Hindi kaya
iyung mga nangungulelat ang nagbabalak ng masama na manabutahe sa eskwelahan natin?“
hula ni Alexa. "At iyung kunyaring pangalan mo, grabe! Seyren Windsor. Sa
Ragnarok ba iyun? Saan mo pala nakuha ang pangalan kong Alois Alexa?“
"Nako Alexa. Tigilan na natin iyan. Baka naman tama
sila na nagkataon lang at aksidente lang ang mga masamang nangyayari sa Music
Club? At saka tungkol sa mga sinabi kong pekeng pangalan, para walang makaalam.
Mahirap na kapag may humanap sa atin.“
"Sa bagay. Pero kailangan pa rin manigurado.“
"Maapektuhan naman ang attendance natin sa eskwelahan
kung palihim naman tayo mag-iimbestiga.“
"Tama ka,“ pagsang-ayon niya.
Napansin ko naman ang pasulyap-sulyap na tingin ni Alexa sa
akin.
"May problema ba? Napapansin kong ninanakawan mo ako
ng tingin. Pasensya na Alexa. May Kei na ako kung alam mo lang. At may Martin
ka naman,“ pagpapa-alala ko habang kinakain ko ang isang piraso ng french fries
na sinawsawan ko ng ketchup.
Humigop siya ng konti sa kanyang iniinom at ngumiwi
pagkatapos. "Alam ko. Nakaka-asar naman at pinaalala mo sa akin si
Martin.“
"Bakit? May problema ba kayo ni Martin?“
Hindi siya sumagot ng ilang segundo at umiling. "Sa
totoo lang, hindi ko alam kung matatawag ko bang problema iyun o problema lang
ni Martin.“
"Naguguluhan ako Alexa. Hindi ko maintindihan ang
sinasabi mo.“
"Ren, hindi ba ikaw ang kausap ko sa isang chatroom na
tayo lang ang may alam?“
"Ha? Anong pinagsasabi mo?“ maang ko. Isa kaya siya
doon sa mga cyber friends ko na palagi kong kinakausap?
"Ang pangalan ko sa chatroom natin ay Yuuhi.“
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko aakalain na babae pala
si Yuuhi. Ang pagkaka-alam ko, si Yuuhi ay isang lalaki na nakatira sa ibang
bansa. Mahilig siya sa mga BL kaya tinatawag namin siyang isang Fudanshi.
Natawa na lang ako ng payak. "Hindi ko akalain na dito
ka lang pala nakatira Yuuhi.“
"Ha? So ikaw nga talaga iyung Ren na kausap ko?“ gulat
niya. "Kumpirmahin mo nga. Si MarcoS ay si Marcaux na boyfriend ni Keith?“
"Hindi ba obvious na alam mo na iyun? So ano ba ang
problema niyo ni Martin? At oo nga pala. Kung wala kang balak sabihin kung ano
ang problema ninyo, okay lang na huwag mo na lang sabihin.“
"Siguro, alam mo ang obsession ko sa mga BL na bagay.
Gusto kasi ni Martin na itigil ko na ang obsesyon ko sa BL. Kung hindi,
makikipag-break siya sa akin.“
"Huh? Ang... babaw naman. Pero bakit naman niya nasabi
ang bagay na iyun sa iyo?“
Sumipsip siya ng konti sa kanyang inumin. "Alam mo
bang kahit dito sa tunay na mundo, pinapares ko siya sa lalaking classmate
niya.“
"G-Ginagawa mo pa rin iyun?“
"Dahil doon kaya nagalit siya sa akin at nakiusap na
itigil na ang obsesyon ko sa BL. Pero hindi ako pumayag. Ngayon, parang
nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya dahil akala ko, matatanggap niya ang
katangian kong iyun. Pero hindi pala. Minsan naisip ko, ganito ba talaga ang
pagmamahal? Kailangan na may mag-adjust sa inyong dalawa? Hindi ba pwedeng
tanggapin na lang ang katangian ng isa't isa at magmahalan?“
"Nako. Problemang pag-ibig pala iyan. Mukhang maling
tao ang napagsabihan mo ng problema na iyan.“
"Okay lang. Hindi ko naman hinihingi na resolbahin mo
ang problema ko dahil hindi naman iyun kailangan. Sa totoo lang, may solusyon
na ako sa bagay na iyan at iyun ay ang magparaya na lang. Titigilan ko na ang
obsesyon ko sa BL para kay Martin.“
"Pasensya na Alexa pero hindi ko maintindihan. Bakit
magpaparaya ka para lang sa pag-ibig ninyo ni Martin?“
"Mahal na mahal ko si Martin kaya gagawin ko ito. Kung
ayaw niya iyung katangian kong iyun, ehh di baguhin. Ganoon lang naman kadali
iyun.“
"Hindi ba pwedeng tanggapin na lang iyun ni Martin?
Pwede naman iyun hindi ba? Ang naisip ko lang, kung mahal ka talaga niya,
tatanggapin ka niya hindi ba?“ Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming
dalawa. "Hindi ko naiintindihan. Tinanggap ko ang mga katangian ni Kei.
Tinanggap ko ang pagsisinungaling niya sa akin ng mga ilang bagay dahil nalaman
ko na para ito sa kabutihan ng isang tao. Tinanggap ko ang mga sikreto niya.
Tinanggap ko kung ano kami ngayon. Pero bakit si Martin, hindi pwede sa
kaniya?“
"Mukhang ang hirap naman ng tanong mong iyan Ren.
Mahirap sagutin iyan dahil iba-iba ang karanasan at paniniwala natin. Ayokong
iyang sagutin iyang dahil baka may maling mangyari. Natatakot ako. Mahirap kasi
magsalita lalo na't una kong pag-ibig si Martin. At isa pa, kulang ako sa
karanasan,“ ngiti niya.
"Ganoon ba?“ Kumuha pa ako ng isa pang fries at
nilagyan ng ketchup.
Kinuha ni Alexa ang kanyang phone at pumindot ng mga ilang
beses. "Pero kung ako sa iyo, asikasuhin mo ang mga mas mahahalagang
problema na kahaharapin mo.“ Pinakita ni Alexa ang kanyang phone.
"Ahh!“ Aksidenteng napalakas ang pagkagat ko sa labi
ko dahil sa pinakita sa akin ni Alexa.
"'Mystery Man' ng Schoneberg Academe, namataan sa URS
at SAU sa magkaibang araw.“
"Sikat ka pala sa ibang eskwelahan,“ reaksyon ni
Alexa.
Nasa bahay na ako at nasa harap ng kompyuter. Nakatingin pa
rin ako sa balita na kumakalat ngayon sa Facebook. Lagot! Lagot! Yari ako nito
kay Blue at kay ninong kapag nalaman nila ito. Inabot na ako ng 10 o'clock sa
kaiisip kung buburahin ko ang mga impormasyong ito sa internet. Pero huli na
ang lahat. Marami na ang naka-share sa post na ito.
"Nakapagtataka na nakita ng ilang estudyante ng URS at
SAU ang 'Mystery Man' ng Schoneberg Academe sa magkaibang araw. Suot umano ng
lalaki ang uniporme ng eskwelahan. Hindi alam ng mga estudyante kung ano ang
pakay ng lalaki sa mga eskwelahan. May mga kuro-kuro na ang 'Mystery Man' ng
Schoneberg Academe ay marahil nag-aaral sa isa sa mga eskwelahang ito at hindi
talaga sa Schoneberg nag-aaral. May iba na nagsasabi ay marahil espiya ito ng
Schoneberg Academe dahil sa nalalapit na Battle of the Bands. Natatandaan na
ang unang appearance ni 'Mystery Man' ay kasama nito ang ilang miyembro ng 'The
Antagonist'. Ayon kasi sa isang taong pinagtanungan namin, nagtanong ito
tungkol sa bandang 'The Gravity'. Seyren Windsor umano ang pangalan ni 'Mystery
Man' pero alam namin na hindi ito ang totoong pangalan ng taong ito. Ang
pangalang Seyren Windsor ay isang pangalan ng isa sa mga goons sa isang sikat
na MMORPG o Massive Multimedia Online Role Playing Game na larong Ragnarok.
Inaalam pa rin namin kung sino talaga ang taong ito.“
Binasa ko ang nakalagay sa article. Tumunog naman ang phone
ko at bigla akong kinabahan. Si Blue kaya ang tumatawag?
Pagkakuha ng phone, pangalan ni Kei ang nakalagay.
Nakahinga ako ng maluwag at sinagot ang tawag.
"Hello?“
"Bakit hindi ka pumasok ng dalawang araw sa
eskwelahan?“ agad na tinanong ni Kei sa akin.
"Nakita mo na?“
"Oo naman. Trending nga agad ehh. Nasa harap pala ako
ng kompyuter ko ngayon.“
Nasapo ko ang ulo ko sa narinig. "Siguradong yari ako
nito kay Blue bukas. Magkikita pa naman kami.“
"Ano ba kasi ang iniisip mo at pumunta ka sa ibang
school?“ tanong ni Kei.
"May hunch ako na mukhang sinasabutahe ang Music Club
dahil sa sunod-sunod na aksidente sa amin nitong mga nakaraang araw,“ sagot ko.
"Hindi ba, nahuli na iyung bumangga kay Keith noong
isang araw? Bakit hindi niyo siya tanungin? Unless, hindi talaga iyung taong
iyun ang may sala,“ saad ni Kei na naghihinala na sa kanyang tono ng
pagsasalita.
"Umm...“ Nako! Nahuli ako!
"Nako Ren. Tigilan mo na iyan. Baka naman coincidence
lang ang masamang nangyayari sa inyo? Baka naman nadala ka lang sa gusto ng
ninong mo na manalo at kung ano-ano na ang naiisip no ngayon. Chillax lang
Ren.“
Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Akala ko, alam na ni
Kei. Pero may point ang sinasabi ni Kei. Nadala lang kaya ako sa sarili ko na
gustong manalo sa Battle of the Bands? Kung tutuusin, hindi naman sinasabi o
ginusto ni ninong na manalo ang school namin sa darating na kompetisyon. Kaya
ba nakakapag-isip ako ng ganito ngayon na baka may sumasabutahe sa amin?
"B-Baka nga. Pero malay mo naman.“
"Tanungin mo iyung hinuli niyo. Kung may sagot siya,
di totoo nga ang iniisip mo. Pero kapag wala, coincidence lang talaga.“
"Salamat sa advice Kei. Pero may mas malaki akong
problema ngayon na kinakaharap. Palagay ko, nasa harapan mo din ang
pinoproblema ko.“
"Kung iniisip mo na hindi sana makita nila Blue, huli
na ang lahat. Naka-like pa nga siya sa post.“
"Hindi iyan. Si ninong actually kapag nakita niya ang
balitang ito.“
"Magpalusot ka?“
"Ano naman ang gagawin kong palusot? Na
nakipagkaibigan lang naman ako?“
"Nako Ren! Mag-isip-isip ka na ng paraan bago pa
makita ng ninong mo ito. Sandali lang, kaya mong burahin ang post na ito sa
Facebook? At isa pa, naka-post ito sa magkakaibang domain. Kaya mo?“
"Sige, sige. Gagawin ko. Pero iyung sa Facebook ako
mahihirapan. Paano ko ito malulusutan kung sakaling ma-trace ako? Tapos kapag
binura ko naman, baka may balita na namang kumakalat na 'Mga Post Tungkol sa
'Mystery Man' ng Schoneberg Academe, Misteryosong Nawawala'"
"Kaya mo iyan. Hindi ka nila mahuhuli. Tiwala lang.“
Nilagay ko ang aking mga kamay sa keyboard. "Okay.
Salamat. Gagawin ko na. Good luck to me Mark Zuckerberg.“
Sinimulan ko naman ang aking binabalak. Pinasok ko ang
server main ng Facebook at nagtipa ng mga codes para mabura at i-surpress ang
mga similar na balita na baka sakaling ipo-post pa ng mga tao. Pero natigil ako
bigla.
"Kei, parang ayokong gawin. Mukhang nilalabag ko ang
kanilang Freedom of Speech sa ginagawa kong ito,“ saad ko.
"Ang bait mo talaga. Sarap mong buntisin,“ biro niya.
"Kei, hindi ako nagbibiro. At kapag tinuloy ko ito,
baka mas lalong maghinala ang ibang school kung bakit nawawala ang mga balita
tungkol sa akin. May mag-iimbestiga, tapos gulo. Hay nako! Bahala na makita ito
ni ninong.“
"Pero maghanda ka kay Blue bukas. Nakita mo na ba ang
comment niya?“ natatawang tanong ni Kei.
Hinanap ko ang article na kinoment ni Blue. Okay. Lagot nga
talaga ako nito kay Blue.
Alexander Blue Sebastian: ^^
"Kei, tandaan mo na mahal na mahal kita,“ nasabi ko na
lang.
Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. "I know
right. Pero makapagsalita ka naman ng ganyan. Papatayin ka ba ni Blue?“
"Parang. By the way, may lakad pala kami ni Harry.
Okay lang ba?“
"Again? Sige. Pagbigyan mo na.“ Nag-iba ang tono ng
boses ni Kei habang sinasabi niya iyun.
"Umm... okay lang ba talaga? Parang sa tono ng
pananalita mo, parang ayaw mo.“
"No. It's really fine. Alam ko naman na dapat tayo
talaga ang gumagawa ng bagay na iyan. It's just now, enjoy being a single
person mingling with everyone. Dahil kapag natapos na ito, mukhang ako lang ang
mag-eenjoy,“ nakakaloko niyang saad. Anong ibig mong sabihin doon?
"Sige na. Tatapusin ko na ang tawag na to. Bye. Love
you.“
"Bye Ren. I love you.“
Tinapos na ni Kei ang tawag namin. Papatayin ko na sana ang
PC nang may nag-PM sa akin. Si Yuuhi.
Yuuhi entered the room...
Yuuhi: Hello Ren. \(^o^)/
Ren: Hello din pala Yuuhi.
Yuuhi: Nakauwi na pala ako
just to let you know.
Ren: Mabuti naman. :)
Yuuhi: Oo nga pala. Lately,
hindi ka na masyadong bumibisita sa Chat Box. Hinahanap ka namin lalong-lalo na
si S. Team Rank daw tayo.
Ren: Pasensya na talaga busy
talaga ako nitong mga nakaraang araw.
Yuuhi: Well okay. Siya nga
pala, okay na kami ni Martin.
Ren: Umm... talaga? Magandang
balita iyan.
Yuuhi: Yeah. Maganda nga.
Salamat talaga sa ilang bagay na sinabi mo kanina. Nakatulong iyun kahit
papaano.
Nakatulong? Teka? May sinabi ba ako? Hindi ko matandaan. At
alin naman doon?
Ren: Alin doon?
Yuuhi: Ahh! Hindi mo na
kailangan matulog. Sige. Inaantok na ako at matutulog na ako. Good night Ren.
Ren: I see. Ikaw din Yuuhi.
Yuuhi has left the room...
Pinatay ko na ang PC at nag-unat ng konti. Tumunog naman
ngayon ang phone ko. Sa ringtone pa lang ay alam ko na text ito. Kinuha ko ang
phone at binasa... ang mensahe ni Blue.
"9am sharp. :)" basa ko sa mensahe ni Blue. May
smiley pa.
Kinabukasan, mabigat ang mga paa ko habang lumalapit sa
Music Room. Kasabay ko pang naglalakad si Erika. Walang masyadong tao sa
eskwelahan ngayon kaya... hinayaan ko na lang si Erika.
"Walk faster!“ saad ni Erika na parang nag-uutos.
"Ehh sa ayoko ngang maglakad ng mabilis.“
"Dalian mo. Hindi ako makapag-antay na pagalitan ka ni
Blue,“ saad ni Erika habang kinikilig.
"Hindi ako si Joseph.“
"Hindi nga ikaw si Joseph. Pero the thing that I am
looking forward ay iyung pagalitan ka ni Blue. Ang alam ko kasi, hindi ka pa
pinapagalitan nila ninong at ninang. This is really exciting,“ paliwanag ni
Erika.
Nasa harapan na ako ng Music Club at hinawakan naman agad
ni Erika ang knob ng pintuan. Excited siyang pumasok sa loob. Wala na rin akong
nagawa at pumasok na din sa loob. Naabutan lang namin si Blue na nakaupo sa
sofa at mukhang hinihintay niya talaga ako. Nanatili lang naman akong nakatayo
habang si Erika naman ay umupo sa sofa.
"Erika, sinetch itey ang 'Mystery Man' ng Schoneberg
Academe na nakita umano sa URS at SAU?“ seryosong tanong ni Blue. Mukhang galit
nga siya sa kanyang pagtatanong pa lang.
"Sinetch?“ game na game na tanong ni Erika.
"Mas mabuting huwag na tayo magtanungan at dumiretso
na tayo sa sermonan portion. It seems na hindi mo ata pinakinggan ang sinabi ko
na coincidence lang talaga iyung mga nangyayaring masama sa atin at walang may
nagbabalak na manabutahe sa atin. Look Ren, I appreciated sa concern. Pero
iyang iniisip mo, tigilan mo na iyan. Buti na lang talaga at ako ang ginawa
mong presidente ng Music Club at hindi ikaw.“
"What? Si Ren ba dapat ang gusto ni tito na maging presidente
ng Music Club?“ gulat na tanong ni Erika.
"Yeah. But I declined. Pinasa ko kay Blue,“ sagot ko.
"So Blue, I'm sorry sa ginawa ko really. Mukhang nag-overboard ako dahil
gusto ko lang makasigurado na this will be a fair fight pagdating ng Battle of
the Bands. But believe me. Titigilan ko na itong kabaliwan ko na mag-imbestiga.
Makikinig na ako sa inyo.“
"Siguraduhin mo lang na last mo na iyan. Ayoko ng
makarinig o makabasa na nagpakita na naman ang 'Mystery Man' ng Schoneberg
Academe sa URS o sa SAU,“ seryosong saad ni Blue.
Edmund's POV
Kasalukuyang nasa quarters ako ngayon at nakatingin sa
phone ko. Nananalangin na wala sanang tumawag ngayong araw dahil may lakad kami
ni Gerard. 5... 4... 3... 2... 1...
Nandito na ako ngayon sa Knockout Gym at kasalukuyang na
wa-warm up. Ahh! Memories. Dito ako madalas naglalagi para mag workout.
Maya-maya ay may nakita akong pamilyar na lalaking naka-sando at may bitbit na
maliit na bag. Si Gerard. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nagwawala
ngayon dahil nakita siya. Yes, I'm really in love to this guy. But there is a
big problem.
"Dumating ka din. Hindi ka naman siguro excited sa
unang date natin,“ bungad ko.
"Date? Dito sa gym?“ kunot-noong tanong niya.
"Mas prefer mo ba ang kumain sa labas para sa unang
date natin? Mukha ka kasing hindi ganoon.“
"Hindi naman masama sa totoo lang. Masyadong
mainstream ang ganoon. Lahat ng ka-date ko noon without feelings, kahit sa SAU,
laging nagyayaya na kumain sa labas para sa una naming date.“
"What? Kahit sa SAU?“ gulat ko.
"Yes. Bago ako lumipat sa Schoneberg, marami rin akong
nakarelasyon, sexually. I think, pinatos ko ang kalahati sa mga lalaki sa aming
klase.“ Wow! May achievement.
"Wait, kailangan ko ba dapat malaman iyan?“
"Yes. Since mukhang ikaw ay may pure feelings para sa
akin, dapat malaman mo partly kung sino talaga ako. And as I can see, I
acknowledge your feelings for me. So far, ikaw pa lang ang unang lalaki na
hindi ko pa natikman the moment na nagkagusto sila sa akin. Interesting,“ ngiti
niya. "Iyung unang pinatos ko sa SAU, sa CR ata iyun ng mga lalaki.
Nagkatinginan kami saglit, mukhang nagkaroon ata ng spark doon sa lalaki,
sinugod ako't hinalikan, gumanti ako, and then pumasok kami sa isang cubicle at
may nangyari sa amin. Wild isn't it?“
"Cut it out.“
"Fine. Well, ano pala ang ginagawa natin dito? Gusto
kong malaman. After ba nito ehh gagawa tayo ng kababalaghan sa banyo ng
establishimento? By the way, iyun ang kadalasan nangyayari sa mga common dates
ko. Just to let you know.“
"Talaga?“ sarkastiko kong saad. "Then this date
will have tons of disapointment then. Pasensya na pero hindi iyun ang gagawin
natin.“
"Magsasapakan ba tayo?“ hula niya.
"Exactly. Magsasapakan tayo. I will punch the sense
out of you.“
Napangiti siya ng malawak. "Wow. This is really an
interesting development considering na magsasapakan tayo sa first date natin. I
see. Warmup lang ako.“
Nagsimula na siyang mag warmup at tinitigan ko lang siya.
What was I'm saying again? Yes. In love ako sa taong ito. Tama nga ang iniisip
ko. Meron siyang whore nature. Great! Alam ko na partly kung ano siya? Pero
wait, does it mean na may part pa na hindi ko alam? Bakit ko nga pala hindi
siya pinigilan na magsalita? Pwede ko naman siyang patahimikin. Nako naman!
Maybe I should keep him talking at baka mamaya, madulas siya o kung ano. Baka
malaman ko ang part na hindi niya sinasabi sa akin. In love ba talaga ako sa
taong ito o baka passing infatuation lang ito?
Well come to think of it. Sinabi niyang pinatos niya ang
kalahati ng mga lalaking kaklase niya? Wow! Achievement talaga. Baka naman pati
sa Schoneberg, pumatol din siya sa maraming lalaki? Ang kilala ko pa lang naman
ay si William Smite. May iba pa ba kaya? At saka, baka may HIV na siya?
"Hey, wrestling ba?“ untag niya.
"Ha?! Oh, wait. Kickboxing.“
Nagsimula naman niyang suntukin ang punching bag.
"Kickboxing. May wrestling din doon. Gagawin mo ba sa akin iyun?“ kindat
pa niya.
"Sasapakin kita sa mukha!“ naiirita kong saad.
"Harsh! Siguro mas gusto mo ako kapag pumangit ako. At
para ikaw na lang ang papatol sa akin.“
"Wala akong sinasabing ganoon. Ang kagwapuhan ay
biyaya ng Diyos. Ang sama ko namang tao kung ipagkait ko iyun sa iyo.“
"So ano ang iniisip mo kanina? You were in a deep
thought while looking at me. We're you mentally stripping me?“
"Okay! Tigilan mo iyan! Walang awa kitang pagsasapakin
kapag tumungtong na tayo sa ring,“ nagagalit kong wika.
"Scary! Iyan ang gusto ko. Show me what you got aside
from your big dick,“ naghahamon niyang saad. Ganoon ba talaga kalaki iyun?
Maya-maya ay tumuntong na kami sa ring at nagsimula ng
maglaban. Akala ko, wala siyang gagawing kakaiba maliban lang sa sumugod agad
siya pagkasimula ng laban. Patakbo siyang sumuntok mula sa kabilang ring at
nailagan ko naman ito. Mabilis naman siyang nagtatatalon paatras dahilan para
mawalan ako ng tsansa na gumanti.
"Unang round palang. Huwag kang atat.“ Itinaas ko ang
aking dipensa at baka mamaya, sumugod siya habang nag-uusap kami.
"Does it matter?“ sarkastiko niyang saad.
"Actually, mas maaga matapos ang laban, mas maganda. It saves time.“
Agad na sinugod niya ako nang ibuka ko ang aking bibig para
magsalita. Binigyan niya ako ng sipa, suntok, suntok, sipa ulit at suntok, at
sa bawat atake ni Gerard ay nasasalag ko. Noong nagkaroon naman ako ng
pagkakataon, ako naman ang sumugod. Pero mukhang magaling din siya at nasalag
niya lahat.
Ilang rounds ang lumipas, wala pa ring natatalo sa aming
dalawa. Nagkaroon na rin kami ng maraming manonood. Sumasakit na ang katawan ko
sa mga ininda kong sakit habang nakikipagsapakan sa boyfriend ko. Nahihirapan
na din ako. Si Gerard naman ay hindi mawala sa labi niya ang ngiti. Tuwang-tuwa
siya sa nangyayari marahil. Pero sigurado ako na masakit na din ang kanyang
katawan habang nakikipaglaban sa akin. Sa wakas ay natapos na din kami ng 12
rounds. Walang nanalo o natalo sa aming dalawa. Nahihirapan din magpasya ang
mga manonood kung sino ba dapat sa amin ang mananalo kaya napagpasyahan na
tabla ang laban.
Kapwa kami humahangos dahil sa pagod. Pero siya, nakangiti
pa rin. Kumuha ako ng tubig at tinungga ang laman nito. Nakaupo ako sa isang
bench at nagpapahinga.
"Good fight.“ Tinapik ni Gerard ang balikat ko at
tumabi na umupo sa bench.
"Ikaw din.“
"Matagal na ring panahon nang nakipagsapakan ako. At
sa boyfriend ko pa ginawa.“
"Magtigil ka. Walang laman ang relasyon natin. Kahit
nga para sa iyo, walang din itong laman,“ saad ko. "Siya nga pala. Sino
nga pala ang nagturo sa iyo na mag martial arts?“
"Galit,“ tipid na sagot ni Gerard.
"Bakit naman galit?“
"Galit ang nagtulak sa akin para matutong mag-martial
arts.“
"Para saan naman?“
"Para sa sarili.“
Naguluhan ako sa sinagot ni Gerard. "Hindi ako
maintindihan ang mga sinasabi mo.“
"Okay lang. Hindi mo na kailangan malaman. Ikaw,
sinong nagturo sa iyo?“ tanong ni Gerard.
"Ang papa ko,“ sagot ko. "Tinuruan niya ako dahil
kailangan kung sakaling may magtangka sa buhay ng aking pinagsisilbihang amo.
Matagal na kasi kaming nagsisilbi sa amo naming ito. Grabe! Mahirap o mayaman,
hindi talaga nawawalan ng kaaway.“
"Alam ko ang pakiramdam na iyan.“
Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. "Sa tono ng
pananalita mo, parang nasa parehas tayong propesyon.“
"Parehas tayo pero iba ang ating hangarin.“ Uminom
siya sa kanyang bote.
"Anong ibig mong sabihin?“
"Sandali nga? Bakit parang ako ang nasa hot seat
ngayon?“ balik tanong ni Gerard.
"Aba! Pasensya na! Sa pagitan nating dalawa, ikaw ang
mukhang may problema sa buhay.“
"Fine,“ iling niya. "Gusto mo pa ba ng isang
round?“
"Iniiba mo ang usapan.“
"Alam mo ba na karaniwan sa mga taong tinatanungan ko
ng ganyan, sumusugod agad at hindi tumatanggi?“
"Buti sana kung isa pang round ng sapakan ang sinasabi
mo. Baka may HIV ka na sa ginagawa mo?“
"Try natin. Tara sa banyo?“ yaya niya habang nakangiti.
Grabe! Pwedeng hindi talaga tumanggi? Siya na nagyayaya ohh.
"A~YAW~KO!“
"A common misconception about HIV is nakukuha mo siya
sa pakikipagtalik nonstop sa iba't ibang partners. Not true unless one of them
is already infected. Nagsimula actually ang HIV nang may loko-lokong walang
utak na tao ang nakipagtalik sa unggoy. May ibang tao na nagsabi na ito daw ang
galit ng diyos sa tao para mawala ang mga taong nakikipagtalik kung kani-kanino
at homosekswalidad sa ating mundo. Not true actually. Damn those religious
people making wrong stories about HIV. Hanggang sa kumalat na ang sakit sa
napakaraming tao at hindi na ito napigilan. Kaya nga kapag nakikipagsex daw,
kailangan may condom para maiwasan magka-HIV.“
"Dami mong alam!“
"Natural. Hindi ako naging top 1 sa pagtingin ng sagot
sa katabi kong kaibigan na matalino,“ makahulugang saad ni Gerard.
"Okay. Keep talking.“
Tiningnan niya lang ako ng makahulugan sa mata. Medyo
matagal ata kaming nagtitigan. Gusto ko siyang halikan habang tumatagal. Pero hindi
lang ako nagpadala sa bugso ng damdamin ko.
"Nakakaasar lang na nare-resist mo ang aking charm
dahilan para hindi ko makuha ang gusto ko. Well, sa simula naman ay alam ko na
hindi ko talaga makukuha ang gusto ko.“ Nag-iwas na siya ng tingin.
Napangiti ako. "At least, you tried. Kahit alam mo na
pala na hindi mo makukuha ang gusto mo, sinubukan mo pa rin.“
"Pero ang talagang gusto ko, hindi ko na makukuha.
Kahit kailan.“ Nakaramdam ako ng sakit sa sinabi niyang iyun.
"Ano ba ang hinahanap mo?“ tanong ko. Uminom ulit ako
sa bote na hawak ko.
"Alam mo, tigilan na muna natin itong sagutan portion
natin. Isang round pa tayo ng sapakan,“ saad ni Gerard upang ibahin ang usapan.
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nag-shadow boxing.
"Hindi ba masakit iyung mga suntok at tadyak na
natanggap mo mula sa akin? Kahit na nasalag mo ang mga iyun, masakit pa rin.“
Tumigil siya sa ginagawa. "May mas masakit pa kesa sa
physical na sakit na sinasabi mo na natanggap ko ngayon mula sa iyo.“
"Mukhang ngang meron. Kaya siguro hindi ka na
nakakaramdam ng sakit sa ginawa natin kanina.“
"By the way, hindi na masakit itong puwet ko. Huwag
kang mag-alala. Siguradong mararamdaman ko ang sakit kapag pumasok ka sa akin.“
Kinindatan pa niya ako.
"Ilang beses ko na bang sinabi na itigil mo iyang
paraan mo ng pagsasalita? Sabi mo, susundin mo ang mga sinasabi ko sa iyo.
Mukha namang hindi.“
"Kaya nga masikip na ulit ito.“ Tinapik pa niya ang
kanyang puwitan.
"Ay nako!“ singhag ko. Tumayo ako sa kinauupuan.
"Sige na. Pagbibigyan na kita. Isang round pa.“
"Okay! Tara sa banyo.“
"TUMIGIL KA!“
Bigla ko na lang narinig na nag-ring ang phone ko at
tiningnan kung sino ang tumatawag. Si sir Simon.
"Sandali lang, sasagutin ko muna ang phone.“
Lumayo na muna ako mula kay Gerard at sinagot ang tawag.
"Hello sir Simon.“
"Gerard. Salamat at sinagot mo ang tawag ko.
Pakikumpirma nga itong nababasa ko sa Facebook. Hindi ba, si Ren ang 'Mystery
Man' na tinutukoy sa mga kumakalat na balita diyan?“ tanong ni sir Simon.
"Yeah. Siya nga po iyun,“ pagkumpirma ko.
"Ano ba itong ginagawa niya?“ medyo pagalit na tanong
ni sir Simon. Whoah! Sandali lang. Mukhang hindi maganda ang gising ni sir
Simon ngayon.
"Sir Simon, huminahon po kayo," pagpapakalma ko
kay sir Simon. "Sa totoo lang po, may magandang paliwanag po ako tungkol
sa nangyari. Alam niyo po ba na isa sa mga miyembro ng 'The Antagonist' na si
Ethan, may taong napagtripan siya at binugbog. Akala po ni Ren, napagtripan
lang po si Ethan. Pero may notable po na nangyari sa estudyante. Pinupuntirya
ng mga adik ang kamay ni Ethan. Mabuti na lang daw at may taong sumagip sa
kaniya habang pinaghahampas ang kanyang kamay. Hindi naman po naging grabe ang
natamong pinsala sa kamay ng binata. Dahil po doon, naisip ni Ren na baka may
balak ang mga karibal po nating eskwelahan na manabutahe dahil sa paparating na
Battle of the Bands at nag-imbestiga.“
"Pero napatunayan ba ni Ren na may kinalaman ang mga
karibal nating eskwelahan?“
"Unfortunately, wala po siyang napatunayan. Huwag po
kayong mag-alala. Sigurado po ako na pinagalitan na siya ni Blue. At dahil wala
pong napatunayan si Ren sa mga ginagawa niya, sigurado po akong titigil na rin
po iyun,“ paliwanag ko.
"Mabuti Edmund. Pakisabihan si Ren na huwag na niyang
gagawin ang mga bagay na ganoon. Ibababa ko na ang phone dahil may meeting pa
ako.“
Binaba na ni sir Simon ang tawag.
"Si Mr. Schoneberg pala ang amo mo?“ saad ng boses ko
na si Gerard.
Inis ko lang na hinarap siya. "Bakit ka naman
nakikinig sa usapan ng iba?“
"Wala ka namang sinabi na bawal makinig sa usapan ng
iba,“ kibit-balikat niya.
"Yeah, wala nga akong sinabi. But that's a common
rule.“
"Rule? Meron pala nun? Hindi ko alam. Mahilig kasi
akong hindi sumunod sa mga rules. At isa pa, rules are made to be broken.“
"Shut up! Tara na ulit sa ring,“ nasabi ko na lang at
naglakad papunta sa ring.
Sumabay sa akin sa paglalakad si Gerard. "Pag-usapan
naman natin iyung napakinggan ko. Simon Schoneberg, Music Club, Ren, sabutahe
at Ethan.“
"It's none of your business.“ Umupo na lang ako sa
bench.
"Pero boyfriend mo ako so dapat kong malaman iyun
hindi ba?“ saad din niya at umupo sa tabi ko.
"Pero hindi naman with feelings... ughh! Forget it!
Sige. Sasabihin ko sa iyo assuming na magwo-work ang relasyon nating ito,
malalaman mo din naman iyun in time. At saka hindi ko naman siguro magiging
threat sa mga Schoneberg hindi ba?“
"Sure. As if naman na may ginawang masama sa akin ang
pinagsisilbihan mong amo, then huwag mo na talagang sabihin.“
"Okay. Siguro nabalitaan mo na ang nangyari sa bassist
ng 'The Antagonist' na si Ethan na napagtripan umano ng mga adik sa lugar nila.
Tapos daw, pinuntirya ang kanyang kamay. Then habang pinaghahampas ang kamay
niya, may taong sumagip sa buhay niya. Tapos itong inaalagaan kong anak-anakan
ng amo ko, si Ren na kaklase mo, naghinala na baka sinasabutahe ang banda ng
eskwelahan natin para matalo sa Battle of the Bands,“ kwento ko.
"Wow! Masyado siyang advance mag-isip,“ gulat niya.
"At itong amo ko, mukhang naintindihan si Ren. Ang
mali lang ni Ren, hindi niya inisip na sikat si 'Mystery Man' kahit sa ibang
eskwelahan.“
"Ha? 'Mystery Man'? Ano iyun?“ naguguluhan niyang
tanong.
"Ahh! Nakalimutan kong kalilipat mo lang pala ng
eskwelahan. Noong Valentine's Day ngayong taon, kabubuo lang ng 'The
Antagonist', gumala sila sa school grounds. Itong si Ren na laging magulo ang
buhok, ginawan ng paraan ni Paul at pinagwapo. Ayun! Sumikat bilang si 'Mystery
Man' ng Schoneberg Academe kasi hindi siya kilala ng mga estudyante,“ kwento
ko.
"Ganoon ba? Balik tayo doon sa nakita siya sa URS at
SAU. Ano naman ang masama doon?“ tanong ni Gerard.
"Baka naman mag-isip ang mga karibal nating eskwelahan
na nagpapadala tayo ng espiya para isabutahe ang kanilang bet na banda? At isa
pa, masisira ang reputasyon ng eskwelahan lalo na't first time na sasali tayo
sa Battle of the Bands. Ano na lang ang sasabihin ng ibang eskwelahan? Natalo
kasi kami dahil nagpadala ang Schoneberg Academe ng espiya sa eskwelahan namin.
Hay nako! Ang mga talunan pa naman. Laging may nasasabing dahilan kapag
natatalo.“
"Wow! Sa tono pa lang ng pananalita, parang sure ka na
mananalo ang eskwelahan natin sa darating na kompetisyon.“
"Siyempre naman Gerard. Kailangan, maging positibo
tayo sa ating buhay. Hindi dapat tayo maging negatibo. Kung panalo, panalo.
Kung matalo, talo. Tapos.“
"Pero alam mo, hindi mo dapat alisin ang mga
posibilidad na ganyan. Na may nananabutahe sa eskwelahan ninyo. Malay niyo,
nagtatago lang siya sa mga karibal niyong eskwelahan. Malay niyo, nasa
eskwelahan niyo lang pala ang hinahanap niyong nananabutahe. Everything is
possible in this world Edmund.“
Natuwa ako sa sinabi niya. "Alam mo, masarap kang
kausap kapag civilized kang kausap.“
"Siguradong mas matutuwa ka kapag kinakausap mo ako
habang may nangyayari sa ating dalawa,“ ngiti ni Gerard.
"Okay. Tumigil ka na. Tumayo ka na diyan at magsapakan
ulit tayo.“
Ren's POV
Pagkatapos pagalitan ni Blue, sinundo ako ni Harry dahil
nangako ako na gagala kami tuwing weekends. Kasalukuyang kaming nasa mall ni
Harry at naglalaro sa arcade. Napapansin ko pa rin na pinagpapawisan si Harry
kahit malamig sa loob ng mall at mukhang kinakabahan. Nang nagsawa na kami sa
kakalaro, kumain kami sa isang fast food chain.
"Nag-enjoy ka?“ tanong ni Harry.
"Yup! Maganda nga talaga ang mundo sa labas ng pader
ng aking bahay,“ ngiti ko. Though malayo na ang napuntahan ko noon with Kei.
"Harry, napapansin ko na pinagpapawisan ka sa loob ng mall kahit malamig
sa loob ng mall. May problema ba?“
"Yeah. Meron. Pero tapos na actually. Nito kasing
nakaraang araw, pumunta ang mama ko sa apartment namin at pumasok siya sa
kwarto ko... at may nakita.“
Sumubo ako ng isang kutsara ng kanin sa bibig ko at
ngumuya. "At ano ang nakita niya?“
Sumubo din siya ng isang kutsara ng kanin sa bibig at
ngumuya. "Wala naman. Mamaya na nga tayo mag-usap pagkatapos nating
kumain.“
"Mabuti pa nga.“
Ilang minuto ang nakalipas at natapos na kami sa pagkain.
"May dumi ka dito sa labi,“ saad niya.
"Ha?“ Aktong pupunasan ko ang aking labi nang inunahan
ako ni Harry na punasan ito. "Umm... salamat.“
"Walang anuman,“ ngiti ni Harry. "Umm... alam mo,
I'm sorry to bring this up. Mukhang makulit talaga ako at persistent. Ayoko
talagang pag-usapan ito pero something changed. Itatanong ko sana kung ayaw ba
talaga ng mga benefactor mo na magkaroon ka ng inspirasyon sa buhay.“ Heto na
naman kami.
Nasapo ko na lang ang aking ulo. "Harry, tapatin mo
nga ako? Kaya ba lagi mo akong niyayaya na lumabas kasama ka dahil umaasa ka pa
rin ba na I will break the rules of my benefactor? Hanggang ngayon nga Harry,
hindi kita magawang ipaglaban kung sakali.“
Umiling siya. "Then let me.“
"Harry, huwag. Sigurado ako na they will crush you
once you tried. At sinasabi ko sa iyo, maghintay ka hanggang sa makatapos ko.“
"Alam mo kasi, may napakinggan kasi ako sa radyo
lately. About this guy na naghihintay sa pinapangarap niyang babae. And then
suddenly he found out, may iba na iyung babae.“
Napuno ako sa mga sinasabi niya sa akin. "Hindi ba
Harry, sinabi ko na ito sa iyo noon? Wala akong gusto sa iyo. Pero ano itong
ginagawa mo? Nagpapaka-Christian Castillo ka. Alam mo ba kung bakit sinabi ko
na mag-antay ka na lang hanggang makapagtapos ako? Dahil pagdating ng oras na
iyun, hindi na makikialam ang benefactor ko kung sino ang mamahalin ko. At isa
pa, dahil umaasa na ako na sa mga panahong iyun, makakahanap ka ng taong
magmamahal talaga sa iyo. Hindi ako ang para sa iyo Harry.“
Pilit na ngumiti si Harry. "You still insist, I see.
Naiintindihan kita Ren. Pero okay lang iyan sa akin. Dahil alam ko dito sa puso
ko, in the end, sa akin ka pa rin babagsak.“
"Harry, nagkalamat na ang ating relasyon. Huwag mo
naman sanang pakapalin ang lamat na iyun dahil lang sa pinipilit mo na
magustuhan kita. I value you pero hanggang kaibigan lang talaga. Nothing more,
nothing less. Kung pwede lang, kung ang intensyon mo lagi sa paglabas natin ay
para magustuhan kita, huwag mo ng gagawin iyun.“
Wala ako sa sarili na tumayo sa kinauupuan ko at iniwan si
Harry. Sumakay na lang ako sa taxi pauwi. Ito ba ang pakiramdam ni Blue habang
hinahabol ni Chris? Ang hirap. Pero magkaiba kami ng sitwasyon ni Blue. Si
Blue, may nangyari pa sa kanila ni Chris. Kami ni Harry, meron pero attempted
at napatawad ko na siya. Si Chris, alam niya na may relasyon si Blue at Aldred.
Si Harry, hindi niya alam ang relasyon namin ni Kei. Si Chris, may feelings
talaga para kay Blue at meron ding feelings noon si Blue kay Chris. Pero si
Harry, may feelings talaga para sa akin pero wala talaga akong feelings para sa
kaniya. Nahihirapan na ako. Bakit hindi na lang kasi tumigil si Harry? Ayan
tuloy. Mukhang nasali siya sa club ni Chris.
Ano ba kasi ang nakita ni Harry ngayon sa akin at hinahabol
na naman niya ako? Buti pa iyung nasa Teen Wolf. Walang nagkakagusto sa protag
kahit na may sikretong relasyon sila nung babae. Pero ang sakit naman nito sa
kalooban ko. Kung hindi ko sasabibin ng diretso kay Harry na wala talaga akong
gusto sa kaniya, baka lalabas na ako pa ang masama dahil isa akong taong paasa.
Ayoko naman ng ganoon. Nakakasakit na ako ng damdamin.
Edmund's POV
Nakaupo na ako ngayon ulit sa bench ng gym at nananakit ang
katawan ko dahil sa mga natatanggap kong suntok at tadyak kay Gerard. Hanggang
ngayon kasi, wala pang nananalo sa pagitan naming dalawa.
"Bakit hindi ka sumali sa WWE? Siguradong sisikat ka
doon,“ saad ni Gerard.
"Tumigil ka. Para sa akin, para lang iyun sa mga taong
may gustong patunayan. Ako, wala.“
"Sa akin, may dapat kang patunayan. Tara sa banyo!“
"TUMIGIL KA!“
Natawa siya ng payak. "Miracle by Paramore ang theme
song ng buhay ko.“
Nabuhayan ang kaluluwa ko dahil narinig ko ang pangalan ng
paborito kong banda. "Wait, Paramore? Favorite band ko din iyun.“
"Ohh! Wait, ang sabi ko, theme song ng buhay ko. Hindi
Paramore ang favorite band ko. Avenged Sevenfold ang paborito kong banda.“
"Hardcore metal huh? Teka nga lang, kukunin ko ang
phone ko at patugtugin iyan theme song ng buhay mo. Meron ang phone ko niyan.“
Excited kong kinuha ang phone ko at pinatugtog ang theme
song ng buhay niya.
I've gone for too long living
like I'm not alive
So I'm going to start over
tonight
Beginning with you and I
When this memory fades
I'm gonna make sure it's
replaced
With chances taken
Hope embraced
and have I told you?
I'm not going
cause I've been waiting for a
miracle
And I'm not leaving
I won't let you
Let you give up on a miracle
When it might save you
We've learned to run from
Anything uncomfortable
We've tied our pain below and
no one ever has to know
That inside we're broken
I try to patch things up again
To calm my tears and kill
these fears
But have I told you, have I?
I'm not going
Cause I've been waiting for a
miracle
And I'm not leaving
I won't let you
Let you give up on a miracle
When it might save you
It's not faith if, if you use
your eyes
Oh why
We'll get it right this time
(this time)
Let's leave this all behind
Oh why
We'll get it right this time
It's not faith if you're using
your eyes
Oh why
I've gone for too long living
like I'm not alive
So I'm going to start over
tonight
Beginning with you and
I don't want to run from
anything uncomfortable
I just want, no
I just need this pain to end
right here
I'm not going
Cause I've been waiting for a
miracle
And I'm not leaving
I won't let you
Let you give up on a miracle
Cause it might save you
Yeah, it might save you
Oh, it might save you
It's not faith if, if you use
your eyes
If you use your eyes
If you use your eyes
Natawa si Gerard nang natapos na ang kanta. "At
pinatugtog mo talaga para pakinggan natin?“
"Para malaman kung bakit naging theme song ng buhay mo
iyun. So matagal ka na palang nabubuhay pero hindi mo ito maramdaman?“
"Yeah,“ pagkumpirma niya. Tumingin siya sa aking mga
mata. Sige. Magsalita ka lang. "Nagsimulang maging ganoon ang buhay ko
simula nang nalaman ko na patay na ang first love ko. And I was really
devastated about that. Hindi ko matanggap. Masakit sa akin ang mga nangyari
lalo na't may nalaman ako.“
"Kaya ba ang pakikipagtalik sa kung kani-kaninong
lalaki ang napili mong paraan para maibsan ang sakit?“
Nag-iwas siya ng tingin. "Mali. Hindi ganoon iyun.
Masarap lang talaga ang makipagtalik.“
"Ganoon ba?“
Tumingin ulit siya sa akin. "Kaya siguro ganyan ka
dahil birhen ka pa. Try kaya natin ngayon sa banyo?“
"Ayoko!“
Dahil sa gabi na, nagpasya na kaming umuwi. Nagprisinta
naman ako na ihatid siya sa kanyang bahay. Sa totoo lang, pwede naman siyang
umuwi mag-isa kasi ang dapat mag-ingat ay iyung susugod sa kaniya.
So tapos na ang unang date namin. Hindi na rin masama. At
sa unang date na ito, may nalaman akong ilang bagay sa kaniya. Meron pala
siyang unang pag-ibig at namatay na ito. Mukhang nasasaktan pa rin siya dahil
doon. Bakit ko ba nasabi? Kanina, habang nagtatanong ako ng mga ilang bagay,
iniwasan niya ang ilan kong mga tanong. Ayaw niyang sagutin. Gusto ko sanang
kulitin at iluwa mula sa bibig niya ang mga sagot sa mga tanong na iyun. Pero
ayoko siyang kulitin. Hinay-hinay lang.
Sakay ng taxi, bumaba na kami ni Gerard sa isang pamilyar
na apartment.
"Teka pamilyar ang lugar na ito sa akin. Nakapunta na
ako dito noon. Teka, iisipin ko muna ha?“
Nag-isip muna ako ng malalim kung kelan nga ba ako
nakapunta sa pamilyar na lugar na inuuwian ni Gerard.
"Ahh! Dito nakatira sila Keifer at Janice. Kilala mo
sila?“ tanong ko kay Gerard.
"Mga kapitbahay ko sila,“ ngiti niya. "Pasok ka
muna sa bahay bago ka umalis.“
"A~YO~KO!“
Tumawa ng payak si Gerard at umangkla sa braso ko.
"Grabe. Hanggang uwian ba naman, reject pa rin ako? Pwede bang pagbigyan
mo ako kahit isang beses lang? Please? Sige na? Gusto kitang matikman Edmund.
Mukhang masarap ka dahil sa pa-virgin effect mo ehh. Promise. Magaling ako sa
kama.“ Tingnan mo itong taong ito. Lalaking-lalaki magsalita kapag nakikiusap?
Hindi siya katulad sa iba na mapapansin mo ang kalandian sa boses.
Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. "For the last
time, hindi pa rin ang sagot ko. Sige na. Pumasok ka na at sa susunod na lang.“
"Anong sa susunod na lang? Sa susunod, may mangyayari
na sa atin for sure?“
"Sa susunod, mananalo na ako sa iyo. Tatalunin kita sa
kickboxing.“
"Ang boring mo naman. Pero interesante. Sige. Papasok
na ako Edmund. Magandang gabi sa iyo.“
Magpapaalam na sana ako sa kaniya nang mabilis siyang
lumapit sa akin at hinalikan ang labi ko. Wild siyang humalik dahil gusto
niyang ipasok ang dila niya sa bibig ko. Maya-maya ay kumalas siya.
"Sa susunod Edmund. Nag-enjoy ako sa date natin,“
paalam ni Gerard at nakita ko na naman siya ngumiti. Bumilis bigla ang tibok ng
puso ko.
Tiningnan ko lang siya mula sa aking kinatatayuan. Kahit
maraming beses na ngumiti siya kanina, nalalaman ko kung alin doon ang totoong
ngiti na bukal sa puso niya. Natamaaan ako. Kusang-loob na ngumiti ang aking
labi. Masarap pang pakinggan sa tenga ko iyun sinabi niya kanina. Nag-enjoy
siya sa date namin.
Ilang oras ang lumipas, paalis na ako para magtawag ng taxi
nang napansin ko si Gerard na may kausap sa balkonahe. Kilalang-kilala ko kung
sino ang taong kinakausap niya at sa mukha pa lang ng gesture ng mga ito,
nag-aaway sila. Si Keifer ang kausap nito. Ano kaya ang pinag-uusapan ng
dalawa?
Nang may bumusinang taxi sa harapan ko, nagising ang uliran
ko. Pumasok na agad ako sa taxi para ihatid ako sa mansyon ng Schoneberg.
Tumingin ulit ako kung saan nakita na nag-uusap sila Gerard at Keifer. Nandoon
pa rin sila. Bakit mukha silang nag-aaway? Baka naman magkaaway sila? Hindi
bale na nga. Kapag sinapak naman siya ni Keifer, tiyak na talo siya.
Dahan-dahan umandar ang sasakyan habang paalis ang taxi. At
habang umaandar ito, hindi ako nakapaniwala sa susunod na nakita ko. Mukhang
sinapak ni Keifer si Gerard. Bumangon bigla ang galit sa puso ko at gustong
kong bumaba para sapakin si Keifer. Pero naalala ko na kapag gumanti si Gerard,
yari naman siya dahil panigurado na sa kangkungan aabutin si Keifer. Bigla
naman tumunog ang phone ko. Humugot ako ng buntong-hininga at tiningnan ang
phone ko. Nag-text si Ren sa akin.
"Tinatamad ako. Pakilutuan nga ako ng pagkain,“ basa
ko sa text ni Ren.
Nagulat ako sa binabasa ko ngayon. Wow! Himala? Bago ito.
Si Ren, tinatamad ngayon magluto ng pagkain? Hindi ito karaniwan. Kapag kasi
namumuhay ka mag-isa, huwag kang tatamad-tamad na gawin ang mga simpleng gawain
dahil paano ka mabubuhay. Except lang sa hindi siya marunong maglaba at
maglinis ng bahay. Alam ko naman na day off ko ngayon... at hindi importante sa
akin iyun. Pupunta na lang ako bilang kaibigan.
Dire-diretso akong pumasok sa bahay niya at naabutan siya
sa harap ng PC at naglalaro. Hindi naman siya umimik habang dumiretso na lang
ako sa kusina. Mukhang problemado siya dahil sa kaseryosohan ng mukha niya.
Nang naihanda ko na ang pagkain, walang imik din nitong kinain ang kanyang
pagkain.
"Kung dagat lang iyang problema mo at nadamay ako,
malamang nalunod na ako,“ pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa.
"Mabigat lang ang pakiramdam ko,“ walang emosyon
niyang tugon.
"Dahil ba sa pinagalitan ka ni Blue?“ hula ko.
"Ang babaw naman. Hindi iyun. Kanina kasi, lumabas ako
kasama si Harry. Habang kumakain kami, nagtapat siya na naman ng pag-ibig sa
akin. So ni-reject ko. Sinabi ko na walang tsansa na magustuhan ko siya. Pero
bakit pa rin siya humahabol? Ayoko naman na lumayo mula sa kaniya dahil siya
ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Kei.“
Humugot ako ng buntong-hininga. "Subukan mong huwag na
siyang kausapin, huwag pansinin, alisin ang koneksyon mo sa kaniya.“
"Hindi pwede. Kapag pupunta sila Janice at Kei dito,
kailangan kasama siya.“
Nang sinubo na ni Ren ang huling subo niya, lumapit ako dito
at niligpit ang kanyang pinagkainan. Hinugasan ko naman ito.
"Then idamay mo na si Keifer at Janice na huwag
papuntahin dito sa bahay. Baka kapag ginawa mo iyun, that will send a message
to Harry na hindi mo talaga siya gusto. Though para doon sa natitirang dalawa,
make ammends later. Ang tanong lang, kaya mo?“
Rinig kong bumuntong-hininga siya. "Sige. Kakayanin
ko. Pero bakit ganoon? Gusto pa rin ako ni Harry? Ano ba ang meron sa akin?
Buti na lang at siya lang ang humahabol sa akin.“
"Dahil malaki iyang nasa ibaba mo?“ hula ko.
"Nagbibiro ka lang hindi ba?“
"Well, sa kaso ko kasi, hinahabol ako ni Gerard dahil
malaki itong sa akin. Eitherway, huwag mo ng intindihin ang sinasabi ko.“
Rinig kong humikab si Ren. "Salamat sa pagkain Edmund.
Matutulog na ako. Pakisara na lang ng mabuti ang pintuan kapag umalis ka na.“
Pagkatapos ng tagpong iyun, dumiretso na ako sa mansyon ng
mga Schoneberg. Pagkatapak ko sa tarangkahan, hindi mapigilan ng utak ko na
tumugtog ng isang musika sa ulo ko na ako lang ang nakakaalam. Hindi rin
mapigilan ng katawan ko ang mapasayaw sa tuwa.
Everybody sing like it's the
last song you will ever sing
Tell me, tell me, do you feel
the pressure now?
Everybody live like it's the
last day you will ever see
Tell me, tell me, do you feel
the pressure now?
"I HAVE A BIG DAMN GLORY MOMENT!“ sigaw ko na
siguradong ako lang ang makakarinig kasi panigurado na tulog na sila... wait,
iyung mga guard pala. Hindi pa sila tulog.
Maya-maya ay tumigil na lang ako sa aking ginagawa at
nagpatuloy pumunta sa quarters ko. Delay na delay ang reaksyon ko. Palagay ko
ay dahil sa nakita kong sinapak ni Keifer si Gerard. Hindi ako mag-aalala.
Kapag si Gerard ang gumanti, tiyak sa ospital pupulutin si Keifer. Well not bad
for our first date. Walang basa-basa ng guide gaya ng iba! At sigurado ako na
he is looking forward para sa susunod naming date.
Ren's POV
Mag-aalas dose na ng hatinggabi at gising pa rin ako.
Inaantay ko ang tawag ni Kei pero mukhang hindi na siya tatawag. Pinikit ko na
lang ang aking mata at natulog.
Kinabukasan, naglalakad ako sa hallway ng eskwelahan. As
usual, sumasabay sa akin si Harry.
"Ren, I'm sorry,“ rinig kong saad niya.
Hindi ko na lang ito pinansin at pinagpatuloy ang
paglalakad.
"Ren, please listen to me. Sorry na nga.“
Huminto na lang ako at hinarap siya. "Apology accepted
under one condition. Lumayo muna tayo sa isa't isa at saka ko matatanggap ang
sorry mo na naghahabol pa rin sa akin. Masyado ka ng martir Harry. Maghanap ka
ng iba diyan. Huwag ako. Alam kong single and available ako pero that doesn't
mean na ako ang lagi mong habulin. Gwapo ka at sa totoo lang, ka-level mo ang
isang miyembro ng 'The Antagonist'. Kung may fans club ka lang sa eskwelahang
ito, malamang ay ilang beses na akong pinatay ng mga fans mo dahil bakit ba
tinatanggihan ko ang isang katulad mo? Wala ehh! Wala talaga akong nararamdaman
sa iyo.“
"Kung makapagsalita ka, parang alam mo kung paano
ma-in love.“
Kinabahan ako sa sinabi niya. "No Harry. I've never
been in love. Kahit sa iyo. Wala talaga. At sana, tanggapin mo iyun. Hanggang
kaibigan lang talaga. Sana mawala iyang nararamdaman mo para sa akin. Good
thing, may solusyon ako para diyan. Ayoko muna kayong makita.“
Sa ekspresyon pa lang ni Harry, mukhang nasaktan siya ng
bahagya sa narinig mula sa akin. Tumungo naman ito at tila nalulungkot.
"Pasensya na talaga at wala akong nararamdaman para sa
iyo Harry. Pasensya na.“
Tinalikuran ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Tama
lang itong ginagawa ko. Para sa aming dalawa ito.
Ilang araw na ang at ganoon pa rin ang estado ko sa kanila
ni Harry at ng iba pa. Wala akong koneksyon sa kahit sinong tatlo sa kanila.
Kahit si Kei. Sinusubukan naman akong tawagan ni Kei gabi-gabi pero hindi ko
ito sinasagot.
Galing sa music room, naglalakad ako papunta sa parking
lot. Hindi nga kami nagkikita nila Harry pero mukhang si Allan naman ang
pumapalit sa kanila.
"Bakit iinaantay mo ako?“ tanong ko habang patuloy na
naglalakad.
"Ako? Naghihintay sa iyo?“ maang ni Allan. Sumabay din
ito sa aking paglalakad. "Oo. Hinihintay kita. Pansin ko lang na hindi
kayo close ng mga kaibigan mo ngayon. May problema ba?“
"Hindi ba iyun ang gusto mo dati? Ang mag-ingat ako
doon sa mga kaibigan ko?“
"Yeah! Right!“
Naramdaman ko na lang na nilagay ni Allan ang braso niya sa
leeg ko. "Anong ginagawa mo?“
"NAH~! Nakita ko lang ang boyfriend mo and gusto ko
lang naman mang-asar,“ bulong niya habang ngumingisi.
Luminga-linga naman ako at nahagip ng mata ko si Kei kasama
si Janice. Binigyan naman niya ako ng naguguluhang tingin. Inis ko lang na
inalis ang kamay ni Allan sa leeg ko at tinitigan ito ng masama. Bahala na.
"Makinig ka nga sa akin Allan. Wala akong pakialam
kung sino ka pero this time, do yourself a favor please? Lumayo ka muna sa
akin,“ seryosong saad ko.
Tinaas ni Allan ang kamay niya. "Fine. Kung iyan ang
gusto mo. Well sa tingin ko ay maghanap na lang ako ng ibang kalaro. A literal
playmate.“
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad nang hindi lumilingon.
Sana naman, malaman niya na gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko munang bumalik
sa dati kung kelan ang inaalala ko lang ay ang sarili ko. Pero mukhang hindi na
ako sanay ngayon.
Nakarating na din ako sa bahay. Medyo malungkot dahil hindi
ko na muna iniimbita sila Janice sa bahay. Pero kailangan magtiis ako.
Nanggaling na ako sa buhay na ito at nakaya ko iyun.
Pagkatapos magbihis sa kwarto ko, bumaba ako papunta sa
sala at naisip ko na buksan na lang ang PC ko. Pagkabukas, nagulat na lang ako
dahil may mensahe na pumasok agad sa isang messenger app na ginagamit naming
mga kaibigan ko sa internet. Mensahe mula kay MarcoS.
MarcoS has entered the room...
MarcoS: Duo tayo! Duo tayo!
Duo tayo!
Ren: S naman. Kakabukas ko pa
lang.
MarcoS: Wala si Y. Pinepeste
ako ng taong iyun nitong nakaraang araw. Kaya laro tayo.
Ren: Hoy! Grabe ka naman. Ikaw
ang nagpapasok sa taong iyan sa grupo tapos ginaganyan mo.
MarcoS: Ano ka ba? Napilitan
lang ako. Unlike naman sa inyo nila H at Yuuhi na ako talaga mismo ang nag-imbita.
This time, napilitan lang ako.
Ren: At hindi mo matanggihan?
MarcoS: Yeah. Hindi ko talaga
matanggihan. Kakilala ko kasi IRL.
Ren: Eitherway S, masama iyang
ginagawa mo. Backstabbing iyang ginagawa mo. Kakilala mo pa man din.
MarcoS: As expected from you.
So ano? May laro ba tayo? Maglalaro ba tayo ngayon?
Ren: Umm... sige. Gusto ko
muna magpalipas ng oras ngayon.
MarcoS: OH YES! Makakapaglaro
na din tayo sa wakas.
Ren: Tara. Maglaro na tayo.
Keifer's POV
Nasapo ko lang ang ulo ko dahil sa sakit. Masyado kong
ginamit ang ulo ko sa pinag-aaralan ko ngayon. Maraming araw na ang lumipas
simula nang hindi nagpaparamdam si Ren sa amin. Hindi ko naman alam ang dahilan
kung bakit dahil hindi din sumasagot si Ren sa mga tawag ko. Nangyari ito
simula nang lumabas siya kasama si Harry. Wala namang binabanggit si Harry sa
akin na kung ano ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa. Miss na miss ko na
si Ren.
"Ang sakit ng lalamunan ko. Mukhang may sore throat
ako,“ saad ni Gerard habang nag-aaral kaming tatlo sa apartment nila Janice.
Mapapansin na lagi niyang hinahagod ang kanyang lalamunan.
"Gamutin mo na kasi iyan para mawala. Enjoy ka na
naman siguro sa bago mong syota,“ pang-iintriga ni Janice.
"Maganda iyun sana Janice kung matitikman ko siya ng
buong-buo. Ahem! Hay nako! Makabili na nga ng gamot sa labas.“ Tumayo naman si
Gerard at lumabas ng apartment.
"Kei, bakit tahimik ka?“ untag ni Janice sa akin.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ayaw tayong pansinin
ni Ren nitong mga nakaraang araw? Si Harry naman, walang sinasabi.“
"Baka naman napagalitan lang siya ng kanyang
benefactor dahil baka bumababa ang grades niya? Alam mo iyun. Grounded siya
gaya ng ginagawa ng ibang mga magulang sa anak nilang bumabagsak.“ Isa sa mga
bagay na imposible dahil masyadong matalino sa academics si Ren.
Inikot ko lang ang aking mata. "Baka nga.“
Ano kaya ang problema niya? Baka wrong move na naman ako
kapag si Harry ang komprontahin ko. Sa mga takbo pa naman ng nangyayari ngayon,
mas magiging komplikado ang lahat.
Ren's POV
Natapos na naman ang klase namin sa araw na ito. Papunta
ako sa Music Room para sagutin na agad ang mga assignment na pinapagawa sa
amin. Pagpasok ko sa Music Room, naabutan ko lang si Jonas na may iniinom na
kung ano.
"Ren. Inom tayo,“ yaya niya.
"Anong iniinom mo?“ tanong ko habang naglalakad
papunta sa sofa.
"Kape. Gawa ni Nicko,“ sagot ni Jonas. "Nag-text
siya sa akin na may hinanda siyang kape para sa akin at iniwan lang niya sa
dito.“
Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng Music Room at niluwa
nito si Nicko.
"Hi Ren. Hi Jonas,“ bati sa amin ni Nicko habang
lumalapit sa kanyang kapareha.
"Nicko. Nandito ka na pala. Salamat nga pala dito sa
kape,“ yakap ni Jonas sa kaniya saka hinalikan sa noo.
"Ha? Anong kapeng pinagsasabi mo?“ maang pa ni Nicko.
"Ito naman si Nicko. Tinatanggi pa iyung magandang
bagay na ginawa mo kay Jonas.“
"Nag-text ka sa akin na may kape kang iniwan dito sa
Music Room hindi mo ba natatandaan?“ wika ni Jonas.
"Right. Meron nga,“ mabagal na tugon ni Nicko.
"By the way people, just to reminds you guys na huwag
na muna kayo gagawa ng kababalaghan gaya ng pagkain ng ice cream... at alam
niyo na kung ano ang tinutukoy ko. Kailangan ay ayos kayong lahat dahil sa gig
natin 3 days later. Sigurado ako na panonoorin tayo ng taga-ibang school.“
"Ikaw naman Ren. Tigilan mo nga iyan. Tsaka sige.
Hindi nga kami gagawa ng kababalaghan ni Nicko.“ Hinawakan ni Jonas ang buhok
ko at ginulo.
"Sabi niyo iyan ha. Aasahan ko iyan.“
"At kumusta na kayo ni Kei?“ biglang naitanong ni
Nicko.
Natahimik ako ng ilang segundo. "Okay pa naman ang
lahat sa amin sa tingin ko. May mga bagay nga lang na kailangan talagang
ayusin. Especially kapag nalaman mo na may kamag-anak pala dito si Christian
Castillo sa school natin pero hindi sila parehas ng apelyido.“
"Sino? Ikaw?“ pagbibiro ni Jonas.
"Tigilan niyo nga iyan pwede ba? Ilang beses ko bang
sasabihin na hindi ko nga kamag-anak iyun,“ medyo naiirita kong saad.
"Basta guys, alam niyo na iyung sasabihin ko. Kailangan, matakot ang
kalaban natin habang hindi pa ginagamit ni Joseph iyung boses niya.“
"Oo na! Gets na namin iyun,“ ngiti ni Nicko.
"Tara na Jonas. Alis na tayo.“
Ngumiti si Jonas. "Okay.“
"Mag-ingat kayong dalawa.“
Araw na ng gig ng 'The Antagonist' sa mall ngayon. Nasa
mall na kami ngayon at naghahanda sa gagawing performance ng banda.
"Umm... guys, may problema tayo,“ rinig kong saad ni
Paul.
"Huh? Ano namang problema?“ tanong ni Blue.
"Hindi makakakanta ng maayos si Jonas. Mukhang may
sore throat siya,“ sagot ni Ethan. Nako po!
Nasapo ko ang ulo ko. "What? Hindi pwede iyan. Jonas,
bakit ngayon pa?“
ITUTULOY...
Thumbs up AQ as update no plagi author at gusto konname makita at makilala is aulric
ReplyDeleteCnu b tlga siya
Jharz
Ahhh...
ReplyDeleteDunno what to say but Ren is an idiot.
I'm still waiting for a big change and the development.