By Michael Juha
email: getmybox@hotmail.com
fb: https://www.facebook.com/mikejuha
WARNING:
This post contains scenes which may not be suitable for readers under 18.
WARNING:
This post contains scenes which may not be suitable for readers under 18.
***************************************
Nang tuluyan na silang naglaho
sa aking paningin, tinungo ko na ang tihiras namin ni itay. “O, mabuti naman at
narito ka na. Saan ka ba nanggaling?” ang tanong ni itay.
“Doon lang po sa may likuran ng
barko. Tinatanaw ko ang pier...” ang sagot ko.
“May nalimutan pala akong
ibigay sa iyo. Kaninang alas 5 ng umaga ay pumunta ng bahay si Dennis. Tulog ka
pa kaya hindi ka na niya inistorbo.”
Mistula akong binuhusan ng
malamig na tubig sa aking narinig at biglang nagising ang diwa. “T-totoo po?
Bakit po siya nagpunta sa atin?” ang excited kong tanong.
“Heto, gusto niyang ibigay sa
iyo. Hindi raw kasi siya sigurado kung makarating sa pier kaya ipinabigay na
lang niya sa akin.” Sabay abot sa isang kuwintas na may itim na leather na tali
at ang pendant ay isang silver na ang hugis ay swan. Tiningnan ko itong maigi.
May nakasulat na salitang “AMOUS”. “Ano yan?” sa isip ko lang. Hindi ko talaga
maintindihan. Tiningnan ko rin sa likod. May nakasulat din, “I won’t forget you,
Best Friend.” at sa baba nito ay nakasulat ang “JC Castro.”
Kahit nalungkot ako sa eksenang
nakita siya sa pier, may naramdaman akong tuwa na may alaala siyang ibinigay sa
akin. Agad kong isinuot ang kuwintas.
NAKARATING KAMI SA ILOILO.
Masayang-masaya ang aking mga Tito at Tita, pati na rin ang aking mga pinsan.
Tuwang-tuwa sila na ako ang sumalo sa pagkapari sa aming henerasyon. Mistula
akong isang bayani. Kaya may handa sila, isang selebrasyon ng angkan na sa
pamamagitan ko ay hindi napatid ang aming tradisyon.
Nakapasok ako ng seminaryo.
Noong una ay nahirapan ako sa pag-adjust sa routine. Mahigpit ang rules.
Maraming bawal, kagaya ng paggamit ng cell phone, sulat, internet, at iba pa.
Hindi kami nakakalabas ng seminaryo maliban lamang kung may excursion, kung may
dadaluhang activities sa labas. Sobrang structured ang aming routine. Madaling
araw ay may misa, may novena, may 30 minutos na shower, at ang agahan.
Pagkatapos naman ng agahan ay ang unang klase. May kanya-kanyang assignemnts
din kami, kagaya ng iyong taga-gising sa umaga, taga-linis ng pinggan at
pinagkainan, taga-dilig ng mga halaman, taga-walis ng mga bakuran at paligid ng
seminaryo, taga-linis ng hall at dormitory, iyong magbabasa sa misa, yung
magsasakristan, mga ganyang assignments.
Kaya ko naman ang disiplina. Ang
mahirap ay ang aking naramdamang kalungkutan na wala na si Dennis sa buhay ko. Araw-araw,
oras-oras, minu-minuto ay nariyan siya sa aking isip. Masakit ngunit pinilit ko
ang aking sariling tanggapin ang lahat, iginiit sa isip na tama lang ang ginawa
kong iyon dahil kung hindi ko turuan ang sariling malimutan siya, o ilayo ang
aking sarili sa kanya, ako rin ang talo sa bandang huli. Naisip ko rin na
maaaring ganoon ang ibinigay na sitwasyon sa akin ng nasa taas upang may
dahilan ako na layuan siya. Kasi, kung sa babae ako na-in love, siguradogn
hindi ako papasok sa seminaryo. Parang ganoon, wala na akong iba pang maisip na
magandang dahilan upang pumasok sa pagkapari.
Di ko ipagkailang marami rin
akong natutunan sa loob ng seminaryo. Lalo na sa spiritual na aspeto, at
disiplina sa sarili. Para sa akin, mas lalo ko pang naintindihan ang kahulugan
ng buhay. Bagamat hindi nabura sa puso ko si Dennis, natuto akong tanggapin ang
mga bagaya-bagay; katulad ng hindi lahat ng gusto natin sa buhay ay nagiging
atin, na nakabubuti pa rin ang pagpaparaya dahil sa bandang huli ay babalik din
sa atin ang mga kabutihang ating ginagawa sa buhay at sa kapwa.
Lumipas ang isang taon at
binigyan kami ng isang buwang bakasyon. Mistula akong isang ibong nakalaya mula
sa kulungan. Nang nakauwi na ako, agad kong dinalaw si Dennis sa bahay ng
kanyang Tita. Hindi ko na kasi siya na-text gawa nang ipinagbawal ang cell
phone sa loob ng seminaryo, at wala akong number niya.
Subalit nang narating ko na ang
bahay ng kanyang Tita, nakakalungkot na balita ang sumalubong sa akin. “JC...
wala na sa poder ko si Dennis. Tumungo siya ng Maynila...” ang wika ng Tita
niya.
Sobra akong nalungkot nang
malaman ko ito. “B-bakit po?” ang tanong ko.
“Ayaw na kasi niyang mag-aral. Kaya
hayun, nagpunta siya ng Maynila.”
“B-bakit po siya nagpunta ng
Maynila? Kanino po siya nakatira roon? Anong dahilan kung bakit siya huminto sa kanyang pag-aaral?” ang
sunod-sunod ko nang tanong.
“Nang nakaalis ka na, maraming nangyari
sa buhay ni Dennis. Sabi niya puro na lang daw kamalasan. Naghiwalay sina
Chona, at hindi maganda ang kanilang hiwalayan.”
“G-ganoon po ba?”
“Oo. Na-miss ka niya, JC. Halos
araw-araw ay ikaw ang laman ng aming usapan. Kung hindi ka lang daw sana pumasok
ng seminaryo ay baka hindi na niya maisaipan pang umalis.”
Pakiramdam ko ay sumikip ang
aking dibdib sa narinig. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa kanyang sinabi o
malungkot. Matutuwa dahil hinahanap-hanap pa rin pala niya ako. At malungkot
dahil sa sinapit niyang hindi man lang tinapos muna ang pag-aaral. “S-saan po
ba siya nakatira sa Maynila, Tita?”
“Nag bed-spacer lang siya. Ang
sabi ay may trabaho raw siya, sa isang factory, sa Caloocan. Kung balak mong
puntahan siya, bibigyan kita ng address at telepono niya.”
“S-sige po. Pupuntahan ko po
siya.” ang sagot ko
Ibinigay ng Tita niya sa akin ang
address atsaka telepono. “A-ano po ba ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni
Chona?” ang tanong ko.
“Ay naku... mahabang kuwento.
Mas maigi kung kayo na lang ang mag-usap.”
Nang nakaalis na ako, excited
akong tinawagan ang numero na ibinigay ng kanyang Tita. Ngunit sa kasamaang
palad ay hindi na ma-contact ang numero ni Dennis. Sobrang nadismaya ako. Muli
na namang nabalot sa lungkot ang aking puso. Di ko rin maalis sa aking isip ang
mag-alala. Ipinaaalam ko sa kanyang Tita na hindi na ma-contact ang cp na
ibinigay niya. Kahit ilang beses naming ni-review ang bawat digit, tama lahat
ang nakasulat sa phone book ko.
Sa sobrang pagkadismaya ko, dumiretso
muna ako sa bahay-kubo. Habang nakaupo ako sa bangkong kawayan na nakaharap sa
ilog ay malaya kong pinakawalan ang mabigat na saloobin. Nasa ganoon akong
pagmumuni-mun nang napadako ang tingin ko sa malaking puno ng narra na nasa
gilid lang ng pampang, di kalayuan sa aking inuupuan. Nilapitan ko ito. May
nakaukit kasi dito at binasa ko, “Dennis was here” Sa baba nito ay may
nakasulat ding, “Aug 10, 17, 21, 28.” Tapos sa baba pa noon ay, “Sep 4, 11, 18,
25...” at sa pinakababa naman ay, “Going to Manila, Sep 30. Bye Tol...”
Hindi ko napigilan ang hindi
mapaluha sa nakita. Ang tanging ginawa ko na lamang ang ang haplusin ang mga
inukit niyang iyon. “Miss na miss ko na siya...” ang bulong ko sa aking sarili.
Bagamat hindi na mako-contact
ang numero, pinuntahan ko pa rin ang Maynila na dala-dala lamang ang address
niya sa Caloocan. May pag-agam-agam man ako na baka pati ang address niyang
iyon ay nag-iba na rin, nagdasal na lang ako na sana ay naroon pa rin siya. Na
sana ay hindi niya ipagkait na magkita kamingmuli ni Dennis.
Eroplano ang sinakyan ko
patungong Maynila. Dahil may naging kaibigan akong seminarista na taga Maynila,
siya ang aking tinawagan upang matulungan akong hanapin si Dennis. Mayaman ang
pamilya ng kaibigan kong seminarista, Si Ryan. May mga sasakyan sila kung kaya
ay hindi ako nahirapang magcommute. Ang problema lang ay ang lugar kung nasaan
naroon ang address. Squatter’s area kasi ito. Maraming eskinita, maraming tao,
makipot ang daan. Kaya naglakad pa kami patungo sa looban.
Natumbok namin ang ibinigay na
address ng kanyang Tita. Ngunit malas na naman. Wala na roon si Dennis. Umalis
raw ito sa nasabing boarding house at walang nakakaalam kung saan siya lumipat.
Laking pagkadismaya ko na naman
sa nangyari. Halos iiyak na lang ako dahil pagkapurnada ng mga plano ko. Ngunit
hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Tinulungan ako ni Ryan na magbukas ng Youtube
at Facebook accounts upang doon ko raw ilagay ang litrato ng aking kaibigan at
magbigay ako ng telepono kung saan ay maaari nila akong ma-contact. May mga
tumawag at nagtext din sa cell phone na ibinigay ko ngunit ang iba iba ay nakikipaglokohan
lang.
Lumipas na lang ang dalawang
linggo at walang ni isang taong nakapagbigay ng clue kung nasaan si Dennis. Hanggang
sa nawalan na ako ng pag-asa. Ang sakit lang ng aking naramdaman. Mistula akong
nagtampo sa taas kung bakit hindi niya kami pinayagang magkita pa. Masama ang
loob ko. Labis akong nalungkot.
Isang araw bago ang alis ko,
naisipan kong mamasyal sa mall. Linggo iyon. Napagdesisyunan kong mamimili na
lang ng mga pasalubong para sa inay at itay, pati na rin sa Tita ni Dennis. Nag
mall nga kami ni Ryan. Nang natapos na kaming mamili at palabas na ng mall, biglang
may humablot sa aking bag na may lamang cell phone, pera, ID, at pati ang mga pinamili
kong mga pasalubong na relo at pabango.
Hindi kaagad ako nakakilos sa
bilis ng mga pangyayari. Tila napako na lang ako sa aking kinatatayuan. Narinig
kong sumigaw si Ryan habang hinahabol niya ang nang-snatch. Nagkagulo ang mga
tao. Hanggang sa nakabalik si Ryan, dala-dala ang bag kong na-snatch. Tuwang-tuwa
ako sa nakita. Ngunit mas naglupasay pa ako sa tuwa nang nakita ang kasama
niyang security guard na siyang nakahuli sa snatcher at ang snatcher mismo na
naka-posas na.
Tila mawalan ako ng malay-tao sa
aking nakita. Si Dennis na naka-unipormeng security guard at sa kanyang porma
ay lalo pa siyang gumuwapo sa aking paningin. Napakatikas tingnan, astig na
astig sa porma. Ang sunod kong naalimpungatan ang pagsisigaw ko ng, “Dennis!!!
Tolll!!!” sabay yakap sa kanya nang mahigpit at hinalikan ko pa siya sa pisngi.
Nagsilingunan ang mga tao sa
aming kinaroroonan. Ngunit wala akong pakialam sa kanila. Si Dennis naman na
nagulat ay muntik na akong maitulak nang halikan ko ang kanyang pisngi. “JC???!!!”
ang sambit niya nang namukhaan na ako. Hindi na siya pumalag sa aking pagyakap.
Niyakap na rin niya ako at inangat pa ang aking katawan sa sobarang higpit ng
kanyang pagyakap. Halos maghalikan na lang kami sa bibig sa sobrang saya namin
sa tagpong iyon. Marahil ay kung may mga baklang nakakakita sa amin sa aming
ginawa, masasabi nilang magjowa talaga kami ni Dennis.
“Ang tagal kitang hinahanap!
Nandito ka lang pala!” ang sambit ko nang kumalas na ako saaming yakapan at
naka-lock pa ang aming gitnang daliri na tila ba ayaw naming pakawalan ang
isa’t-isa.
Doon na kami nagkuwentuhan. Napag-alaman
kong security guard supervisor pala siya at hawak niya ang mga guwardiya sa
mall na iyon. Napag-alaman ko rin na ibinenta nya ang kanyang cell phone kung
kaya ay hindi na ma-contact pa ang kanyang number.
Ipinakilala ko si Ryan sa kanya.
Hindi ko na talaga siya pinakawalan pa.
Dahil may isang oras pa bago
ang off niya, kumain na lang muna kami ni Ryan sa isang fast food chain. Nang
naka-out na si Dennis sa kanyang duty, hinatid kami ni Ryan sa inuupahan ni
Dennis na maliit na kuwarto sa Pasay City.
Nang nakarating na kami sa
kanyang bahay, nagpaalam si Ryan na umuwi muna gawa nang may lakad pa sila ng
kanyang pamilya. Kung kailangan ko raw na pumunta kung saan, susunduin na lang
daw niya ako o ng driver nila upang ihatid kung saan man gusto naming magpunta.
Isang bahay na dalawa ang
palapag ang tinutuluyan ni Dennis. Bagamat malalaki ang mga bahay sa lugar na
iyon, squatters’ area pa rin daw iyon. Kaya medyo mura ang renta niya sa kuwarto.
Isa sa mga kuwarto na nasa ibaba ang inupahan niya. May maliit na banyo at
palikuran, mayroon ding maliit na lababo at kainan. At kagaya ng kuwarto ng
karamihan ng mga lalaki, magulo ito. “Pasensya ka na, tamad akong mag-ayos.
Hindi ko naman kasi akalain na darating ka.” Ang sambit niya sabay bitiw ng
isang ngiti.
Ngunit hindi ko pinansin ang
kanyang sinabi. Sa isang taon na hindi kami nagkita, tila isang siglo kaming
nagkahiwalay. Napatitig na lang ako sa kanya. Naroon pa rin ang pamatay na ngiti
niya, ang nakabibighani at makalaglag-brief na mga labi. Hindi pa rin nawawala
ang karismang tila nanunukso, nang-aalipin. Halos walang ipinagbago ang kanyang
anyo, ang kanyang tinding, ang hayop niyang appeal. At sa puso ko, ang pangalan
pa rin niya ang isinisigaw. Umusad man ang panahon, ngunit hindi pa rin nagbabago
ang nararamdaman ko para sa kanya. Naroon pa rin ang matinding kalampag sa aking
dibdib, ang excitement, ang kilig. Naroon pa rin ang mainit na paghahangad na
mayakap siya at mahagkan.
“O, magtitigan na lang ba tayo?”
ang sambit niya.
Mistula akong binuhusan ng
malamig na tubig sa sinabi niyang iyon. “Puwedeng payakap uli?” ang nasambit
kong may bahid pagkahiya.
“Nayakap mo na ako kanina ah!”
ang sagot niyang biro.
“Maraming tao kanina eh. At
least dito, tayong dalawa lang.” ang sagot ko naman.
Ngumiti siya sabay unat sa
kanyang mga braso upang tanggapin ang yakap ko. Nagyakapan kami. Mahigpit,
matagal. Habang nasa ganoon kaming ayos, napako ang aking paningin sa digding
sa gilid ng kanyang kama. “Ang gamugamo!” sigaw ng isip ko. Ang ibinigay ko sa
kanyang naka-frame na pinatuyong gamugamo ay nakasabit doon at sa baba nito ay
ang kuwintas na kamukhang-kamukha nang sa akin pati ang pendant na swan.
Kumalas ako sa aking
pagkayakap. Dahil napansin niyang nakatingin ako sa frame at kuwintas,
tinanggal niya ang kuwintas mula sa pagkasabit nito. Kinapa ko rin ang aking
suot na kuwintas at inilabas ito. Ipinagtabi niya ang dalawang pendant at
pinagharap ang dalawang swan. Doon nabuo ang hugis na puso. Napangiti siya.
“Nabuo rin siya...” ang sambit niya. Namangha ako sa aking nadiskubre. Talaga
palang sinadya iyon. Kalahating puso pala ang ibig sabihin ng aming pendant.
Nang ibinaling ko ang aking
paningin sa ibaba ng nabuong puso, ang salita naman na nabuo ay “MONOGAMOUS”.
Napangiti ako. Noon ko lang
nalaman ang ibig sabihin ng “AMOUS” na nakasulat sa pendant ko. Bahagi lang din
pala iyon sa isang salita.
Muli ko siyang niyakap. “Miss
na miss na kita ‘Tol!
“Miss na rin kita...” ang sagot
din niya.
Halos hindi kami magkamayaw sa
sayang nadama na sa wakas ay nagkita rin kami. Maya-maya ay lumabas siya at nang
bumalik ay dala-dala ang isang case ng beer.
“Woi... saan ka kumuha ng
pambayad?” ang tanong ko.
“Utang muna.” sabay ngiti.
Inabutan ko siya ng dalawang
libo. “May allowance ako sa bakasyong kong ito, Tol. Tanggapin mo iyan.”
Bagamat umayaw siya noong una,
ngunit dahil sa kapipilit ko ay tinaggap niya na rin. “Umiinom ka pa ba?” ang
tanong niya.
“Oo naman. Miss ko na nga iyan
eh. Walang beer sa seminaryo!” ang sagot ko rin.
Binuksan niya ang isa, iyong
klaseng pagbubukas na itinuro ko sa kanya. “Natatandaan ko pa nang turuan mo
ako kung paano ang pagbukas na gamit lang ang takip ng tansan...”
Napangiti ako. “Sa lumang
grandstand iyon. Masungit ka pa noon.” Ang sagot ko.
“Oo nga! At ikaw, makulit. Kahit
nakasimangot ako, ayaw mo pa rin akong tantanan.”
“Nakasimangot ka nga, alam ko
namang ayaw mong umalis ako. Pakipot ka!”
Tawanan.
Nang medyo tumalab na ang
epekto ng alak sa aming katawan, doon na naging seryoso ang aming pag-uusap.
“Bakit ka umalis sa atin sa Leyte? Bakit hindi mo tinapos ang iyong
pag-aaral doon?
“Mahabang kuwento, Tol...”
nahinto siya nang sandali. Tila nag-isip kung paano simulan ang kanyang sasabihin.
“Nang umalis ka na, nalungkot ako. Hindi maintindihan ni Chona kung bakit nalungkot
ako sa pag-alis mo. Nagseselos siya. Palagi niya akong inaaway at kinukulit
kung ano ang mayroon sa atin. May isang beses na nalasing ako, nasabi ko sa
kanya ang tungkol sa mga karanasan ko, na ikaw lang ang sinabihan ko nito. Doon
na siya mas lalo pang nagalit. Bakit ko raw itinatago sa kanya ang mga ito. Doon
na niya sinabing nabasa niya ang sulat mo sa akin. Minura niya ako. Akala niya
raw, ikaw lang ang bakla, pati rin daw pala ako. Minura ko rin siya dahil sa
pakikialam niya sa sulat ko. Simula noon, naging dry na siya sa akin. Ang
masaklap, nalaman ko na lang na kumalat na pala sa campus ang aking sikreto.
Ipinagkalat ito ni Chona na inabuso raw ako ng aking step-father, na na ni-rape
ako ng mga pulis, na nag callboy ako. At ang isa pang pinagkakalat niya ay
bakla raw ako at in-love sa iyo kaya ako nalungkot. At ikaw naman ay nagpari
dahil ayaw ng mga magulang mo na magkaroon ka ng relasyon sa isang bakla. Pakiwari
ko ay ako ang pinag-uusapan ng lahat ng mga estudyante sa campus. May ibang
nagpaparinig, may ibang habang dumadaan ako sa kanilang umpukan ay biglang
magtatawanan. Kahit marahil ay hindi ako ang pinag-uusapan, nakatatak sa aking
isip na ako iyon. Naging paranoid ako. Nagka-phobia sa mga pangyayari. Sobrang nalungkot.
Nanumbalik sa aking ang pagiging aloof, loner, nagsi-self-pity. Nawala muli ang
tiwala ko sa aking sarili. Kaya naisipan kong lisanin ang lugar natin at
makikipagsapalaran dito sa Maynila. Heto ngayon, palipat-lipat ng trabaho,
palipat-lipat din ng tirahan.”
Naramdaman ko na namang ang awa
sa sinapit niya. Para bang nagsisi ako kung bakit pa ako pumasok sa seminaryo.
Gusto kong tulungan siya ngunit wala rin akong magawa. Isang hamak na seminarista
lang ako na nagsusumikap, walang maitutulong sa kalagayan niya. Ayaw din naman
niyang bumalik sa lugar nila sa Mindanao gawa ng ayaw niyang makita pang muli ang
step-father niya. Baka raw makakapatay pa siya ng tao. Hindi pa lubos na
naghilom ang matinding galit niya sa step-father niya.
“Huwag kang mag-alala sa akin,
Tol. Itong bago kong trabaho bilang supervisor ng security guards ay hindi na
ito contractual. Sana ay pumasa ako sa probationary period.”
“Sana nga, ‘Tol... At sana rin ay
huwag ka nang malungkot. Kalimutan mo na ang lahat. At sana diyan sa trabaho
mong iyan ay ma-promote ka pa.” Ang sambit ko. Gusto ko pa sanang malaman kung ano
ang sagot niya sa sulat ko sa kanya noong araw ng aking paglisan. Ngunit wala
akong lakas na tanungin siya. sinarili ko na lang iyon. Ang naikuwento ko na
lang sa kanya ay ang buhay ko sa loob ng seminaryo.
“Mabuti ka pa. Siguro,
napakamatiwasay ng buhay mo roon. Siguro ay wala kang iniisip na mga problema
sa loob ng seminaryo.” Ang sambit niya.
“Mayroon din naman. May mga
pressures din kami. Sa mga pasulit at pagpasa ng mga subjects, sa paggawa ng mga
projects, assignments, lalo na’t mahigpit sa loob. Grabe.”
“Pero at least, wala kang
iniisip na mga bagay sa labas ng seminaryo. Focus ka lang talaga roon.”
“Hindi rin. Minsan naiisip ko
rin ang labas. Minsan binabalik-balikan ang sarap ng buhay na malaya, ang masasayang
sandali kasama ang...” nilingon ko siya, “...best friend” dugtong ko pa sabay
bitiw ng isang pilyong ngiti.
Binitiwan din niya ang isang
hilaw na ngiti. Yumuko siya.
Tahimik. Kinuha niya ang
kanyang gitarang nakasabit sa dingding. “Dala-dala ko talaga ang gitara ko
kahit saan. Kapag nalulungkot ako, idinadaan ko na lang sa kanta. Kakantahan na
lang din kita.” Ang sambit niya. Tumugtog siya at kumanta, talagang tinitingnan
niya ako habang kumakanta, na para bang ipinarating niya na para sa akin ito at
ang mensahe nito –
I always thought you were the best, I guess I always
will
I always felt that we were blessed, and I feel that way still
Sometimes we took the hard road, but we always saw it through
If I had only one friend left, I'd want it to be you
I always felt that we were blessed, and I feel that way still
Sometimes we took the hard road, but we always saw it through
If I had only one friend left, I'd want it to be you
Sometimes
the world was on our side, sometimes it wasn't fair
Sometimes
it gave a helping hand, sometimes we didn't care
'Cause
when we were together, it made the dream come true
If I had
only one friend left, I'd want it to be you
Maluha-luha ako sa mensahe ng
kanta niya. Tila masakit na katotohanan kasi ang nakasaad na mensahe sa kanta.
Iyong sinabing “Sometimes we took the hard
road, but we always saw it through”, “Sometimes the world was on our side, sometimes
it wasn't fair, sometimes it gave a helping hand, sometimes we didn't care. ‘cause
when we were together, it made the dream come true...” tila nangyari ang lahat sa
amin. Tila ang kanta na iyon ay custom-made para sa amin.
Pagkatapos niyang kantahin
iyon, pampakilig naman ang kanyang kinanta –
What
would I do without your smart mouth?
Drawing
me in, and you kicking me out
You've
got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's
going on in that beautiful mind
I'm on
your magical mystery ride
And I'm
so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright
My head's under water, but I'm breathing fine
You're
crazy and I'm out of my mind
'Cause all of me, loves all of you, love your curves and all your edges
All your
perfect imperfections, give your all to me, I'll give my all to you
You're my
end and my beginning, even when I lose I'm winning
'Cause I
give you all of me, and you give me all of you, ohoh
Napangiti na naman ako. Sa
loob-loob ko ay may tuwa. May kakaibang kiliti. Wala pa rin talagang pagbabago
ang nararamdaman ko para sa kanya.
Nang natapos na ang kanta,
bigla kong naitangong ang, “M-may m-mahal ka na ba ngayon pagkatapos ni Chona?”
ang tanong ko. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang biglang lumabas sa aking
bibig. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa kanyang isasagot.
“Mayroon...” ang walang
paligoy-ligoy rin niyang sagot. “Si Loida.
Siguro ay magpakasal na kami sa sunod na taon. Tatlong buwan siyang buntis
ngayon at kailangan kong panindigan ang pagiging ama sa magiging anak namin.”
Mistulang hinataw ng isang
matigas na bagay ang aking ulo sa aking narinig. Para akong nagsisi kung bakit
naitanong ko pa iyon sa kanya. “M-mahal mo ba siya?” ang sunod kong naitanong.
Tumango siya.
Hindi na ako kumibo. Nagpaalam na
lang akong pumunta ng banyo. Doon habang nakaupo ako sa cubicle ay malayang hinayaan
na pumatak nang pumatak ang mga luhang kanina lang ay pilit kong pinigilan upang
huwag niyang makitang bumagsak ang mga ito. Tila bigla akong nagising sa isang
mapait na katotohanan. Maya-maya lang ay naghilamos ako, nagpahid ng mukha, at
lumabas muli.
“Bukas na talaga ang alis mo, Tol?
Ni Hindi man lang tayo makapagpasyal?” ang tanong niya nang nakabalik na ako sa
aking inuupuan.
Tumango ako. “P-pero gabi pa
naman ang flight ko kung kaya ay puwede mo pa akong ihatid sa airport,
pagkatapos ng iyong duty. Magkita pa tayo roon.” Ang malabnaw kong sagot.
Hindi siya umimik. Tila
malungkot ang kanyang mukha. Ewan kung iyon ay dahil sa nakaambang pag-alis ko
o may iba siyang iniisip.
Lasing na lasing na ako nang
naubos naming dalawa ang isang case ng beer. Lagpas alas 12 na iyon ng
hating-gabi. Sa isang taon bang hindi na ako nag-iinum at noon lang nangyari
muli, mabilis akong na-knock down. Alam ko, lasing na rin siya. “Tol... kung ok
lang sa iyo ay magtabi na lang tayo dito sa aking kama?” ang tanong niya.
“O-ok lang.” ang sagot ko. Wala
naman kasing ibang kama ang kuwarto niya. Bagamat sumingit sa aking isip ang
pangyayari kung kung saan ay muntik nang masira ang aming pagkakaibigan, sa
pagkakataong iyon ay ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi ko na iyon
gagawin.
Bago ako nahiga, pinilit ko
pang hubarin ang aking t-shirt gawa nang wala akong dalang bihisan. Hindi ko na
hinubad pa ang aking pantalon. Siya naman ay nakita kong naghubad ng kanyang
T-hirt at pantalon, naiwan ang kanyang brief. “Sensya na Tol. Walang aircon
itong kuwarto ko, pag-tyagaan mo na lang ha?”
Hindi ko na siya sinagot pa.
Lasing na lasing na ako at tila masusuka na. Ni ang paghiga niya sa aking tabi
ay hindi ko na namalayan.
Nasa gitna ako ng aking
pagtulog nang nagising ako. May naramdaman akong umakap sa aking katawan at may
sumisipsip-sipsip sa aking mga labi. Dahil lasing pa ako at hilong-hilo pa, bahagyang
iminulat ko ang aking mga mata. Doon ay naaninag kong hinahalikan ako ni
Dennis!
Pakiwari ko ay biglang nagising
ang aking diwa. Ngunit dahil sa sobrang kalasingang, hindi ko magawang magreact
sa kanyang ginawa. Nagpaubaya ako. Bagamat nagulat, sa loob-loob ko ay may
dulot din itong kakaibang sarap at excitement. Ang nagawa ko na lang ay ang
yumakap na rin sa kanya. Bagamat sobrang bigat ng pakiramdam ko sa aking
katawan ay pinilit kong sinuklian ang kanyang mga halik. Hanggang sa naramdaman
kong iginapang niya ang kanyang mga labi sa buo kong katawan. Nang nasa may
harapan ko na ang kanyang mga labi, naramdaman kong isinubo niya nang buo ang
aking pagkalalaki.
Napaungol ako sa tindi ng sarap.
Pinilit ko pang i-inindayog ang aking balakang upang mas malasap ko pa ang
sarap ng pag-taas-baba ng kanyang bibig sa aking ari. Hanggang sa bumaligtad
siya ng puwesto at ang kanyang pagkalalaki ay nakatuon sa aking bibig, kagaya
nang sa aking ari na nasa harap din ng kanyang bibig. Pinilit niyang ipasok sa
aking bibig ang kanyang ari. Nagmistulang 69 ang aming posiyon. Kahit
nahirapan, pinilit ko ring ibuka ang aking bibig upang makapasok ang kanyang
ari. Isinubo ko na rin ito at pinilit na itaas-baba ang aking ulo sa kanyang
harapan kahit hilong-hilo pa ako. Ilang beses rin akng nabilaukan at nagsuka.
Hanggang sa tumayo na siya at pilit
na tinanggal niya ang aking pantalon at brief. Doon, habang nakatihaya ako,
itinaas niya ang aking mga paa at ipinatong ang mga iyon sa magkabilang balikat
niya. Nakita kong nilagyan niya ng laway ang kanyang naghuhumindig na
pagkalalaki atsaka pilit na ipinasok iyon sa aking likuran.
Napaigting ako sa sakit nang
nakapasok na ang ulong bahagi ng kanyang ari. Ngunit wala akong nagawa kundi
ang hayaan siya. Sa bigat ng pakiramdam ko sa aking katawan, sabayan pa sa hilo
at sakit ng ulo, wala akong lakas upang tutulan siya sa kanyang ginawa. Biglang
nanumbalik sa aking isip ang ginawa ko rin sa kanya. Doon ko naisip na maaaring
balak lang niya akong gantihan.
Nang nakaraos na siya, hinalikan
niya ako muli sa bibig. Pagkatapos ay iginapan niya ang kanyang mga halik sa
aking leeg, sa dibdib, sa tiyan, hanggang sa muling isinubo niya ang aking
pagkalalaki. Hindi na niya tinigilan ito hanggang sa naramdaman kong lalabasan
na ako. Dali-dali niyang hinugot ang aking ari mula sa kanyang bibig at mabilis
na itinaas-baba ang kanyang kamay na nakahawak doon. Pumulandit ang aking katas
sa ibabaw ng aking tiyan at dibdib. Iyon na ang huli kong natandaan sa gabing
iyon.
Maaga siyang nagising
kinabukasan. Nang nagising ako at umunat, doon ko naramdaman ang sakit ng aking
katawan, ng aking ulo, at mahapdi ang aking likuran. Nang tiningnan ko ang
aking sarili, wala akong saplot. Hinimas ko ang aking tiyan at dibdib, nasalat
ng aking palad ang halos natutuyo nang dagta. Blangkong napatitig na lang ako
sa kisame. Naalala ko ang nangyari nang nakaraang gabi.
“K-kain na...” ang narinig kong
sambit niya.
Nang tiningnan ko siya, nakaupo
na siya sa harap ng mesa at may nakahanda na ring mga pagkain sa ibabaw noon.
Tumayo ako at dinampot ang
aking brief na nakalatag sa sahig. Dumiretso muna ako sa banyo at mabilisang
naligo. Nang umupo ako sa inodoro upang dumumi, doon ko na naramdaman ang matinding
kirot sa aking likuran. Nang tiningnan ko ang ilalim ng inodoro, may nakita akong
dugo. Nang matapos na, kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa dingding at iyon ang
aking itinapis. Lumabas akong dire-diretsong umupo sa silyang nakaharap sa
kanya na tila wala lang nangyari.
Wala kaming imikan habang
kumakain. Kung gaano kami kasaya at kaingay nang gabing nagdaan, kabaligtaran
sa umagang iyon. Hindi ko rin alam ang aking saloobin. May isang bahagi ng
aking utak na tila natuwa sa nangyari. Ngunit may isang bahagi rin na tumutol,
masama ang loob, iyong pakiramdam na nilapastangan, trinaydor dahil parang
lumabas na pinaglalaruan lang niya ako, o kaya ay ginantihan sa aking ginawa. Naisip
ko rin na baka sa kanyang kalasingan ay napagkamalan niya akong ang girlfriend
niyang si Loida.
Nang matapos na kaming kumain,
inilagay niya sa lababo ang pinagkainan namin at dali-dali nang nagtungo sa
banyo, naligo. Ako naman ay tinumbok ang lababo at hinugasan ang ang aming
pinagkainan atsaka nagbihis na. Hindi ko na sinuot pa ang brief ko. Nagpantalon
akong walang brief.
“Tol... paki-abot ang tuwalya.”
Ang sambit niya. Ginamit ko pala ang tuwalya niya. Tinungo ko ang banyo at inabot
ko ito sa kanya. Nang nahawi ko ang kurtina ng banyo, kitang kita ko ang hubad
niyang katawan. Napatitig ako sa kanya. Nagtitigan kami.
Ngunit siya na rin ang unang
kumawala sa aming titigan. “Akin na...” ang sambit niya habang dinampot niya
mula sa aking kamay ang tuwalyang inabot ko.
“May brief ako sa kabinet.
Gamitin mo na lang muna.” Ang wika niya.
Hindi ko na siya sinagot pa.
Nakapagpantalon na kasi ako atng brief ko ay iniwanan ko sa banyo niya.
“Papasok muna ako sa trabaho, ‘Tol.
Hindi ako puwedeng mag-absent gawa nang bago pa ako, under probation at wala
ring ka reliever. Alas 5 ang aking labas kaya puwede kayang alas 5 na rin tayo
magkita?” ang sambit niya.
“Ok lang. Kukunin ko rin ang
aking mga gamit kina Ryan. Sa
airport na lang tayo magkita. Alas 7 ang flight ko kaya dumeretso ka na roon.
Baka ma-late ako sa flight.” Ang sagot ko rin. Binigyan ko rin siya ng instruction
kung saang area kami magkikita gawa nang wala pa rin siyang cell phone at wala
kaming contact. Baka kasi mahihirapan kaming maghanapan kung sakali.
Sabay kaming lumabas ng bahay.
Sinamahan ko pa siya sa kanyang opisina dahil hindi naman ito kalayuan mula sa
kanyang inarkilahang kuwarto. Mula roon ay tinawagan ko si Ryan. Doon na ako
sinundo ng kanilang driver.
Wala pang alas 6 ng hapon ay
naroon na ako sa airport. Hinatid lang ako ng driver nina Ryan at iniwan na
lang ako roon. Nasa bakasyon kasi ang pamilya ni Ryan kaya hindi na rin kami
nagkasama. Sa seminaryo na lang daw kami magkita.
Maya-maya lang ay dumating na
si Dennis. “Salamat at dumating ka. Papasok na sana ako eh. Hayan...” tingin ko
sa aking relo, “Alas 6 na. Pipila pa ako at baka masaraduhan.”
“Sorry, Tol. Traffic kasi,
grabe! Si Loida nga hindi ko na hinintay. Sasama raw siya sana eh. Gusto ka
niyang makita. Ikinuwento kasi kita sa kanya. Pero dahil late na nga, sinabi kong
mauna na ako.” ang sambit niya.
“Mistulang may sibat na tumusok
sa aking dibdib sa pagkarinig sa kanyang sinabi. Paalis na nga ako, nariyan na
naman ang babae niya. “Eh... hindi mo na lang siya hinitay para magsama kayo?”
“E, di na late ako. At least
bago ka nakaalis ay nakahabol pa ako ako at nagkita tayo...” sabay hawak sa
pendant na swan ng kanyang kuwintas.
Hinawakan ko rin ang aking
pendant na kapareha ng sa kanya. Tinanggal niya ang sa kanya at ipinagdikit
iyon sa akin. Nakita ko ang nabuong hugis na puso at ang salitang “Monogamous”.
Binitawan ko ang hilaw na ngiti.
“Best friends.” Ang sambit
niya.
Ngunit sa sinabi niyang iyon,
ay mistulang may kung anong bagay ang humataw sa aking ulo. Mas lalo pa kasi
akong naguluhan. Mas lalo pa akong nasaktan. Parang iyong sinabing “adding
insult to injury”. Best friend ang turingan namin sa isa’t-isa ngunit may
ginawa siya sa akin. Mahal ko siya ngunit may babae siyang pakakasalan. Para
saan iyong ginawa niya sa aakin? Hindi ko talaga maintindihan. Parang sinaksak
niya ang aking puso ng maraming beses, at sinaksak iyon nang patalikod. “Iyan
ba ang naturingan na mag-“best friends”? Gusto ko sanang isumbat iyon sa kanya.
Ngunit tila wala akong lakas upang ibulatlat iyon. Kaya hinayaan ko na lang ito
sa aking isip.
Marahil ay nahalata niya ang
biglang pagbago ng aking expression sa mukha, binitiwan niya ang kuwintas ko at
ibinalik naman niya sa kanyang leeg ang kanya. Biglang naging seryoso rin ang
kanyang mukha. Yumuko. At, “S-sorry sa nangyari kagabi.” Ang sambit niya.
Tinitigan ko siya. “Ginawa mo
ba iyon dahil gusto mong makaganti sa akin? O dahil inaakala mong ako si
Loida?” ang diretsahan kong tanong. Sa puntong iyon ay tila nanaig ang naramdaman
kong sama ng loob sa kanya.
Nahinto siya. Tila nabigla sa
aking tanong. “I-ikaw... bakit mo ginawa rin sa akin iyon sa bahay-kubo?” ang
sagot din niyang tanong.
“Mahal kita, Dennis. Mahal na
mahal. Ginawa ko iyon dahil mahal kita, hindi ko lang ito masabi-sabi sa iyo
noon. At hanggang ngayon ay hindi nawawala ang pagmamahal ko sa iyo.” Ang sagot
ko sabay talikod at dali-daling tinumbok ang entrance ng airport. Hindi na ako
lumingon pa.
Halos makapasok na ako sa loob
nang sumigaw siya. “Sumulat ako sa iyo. Sinagot ko ang sulat na ipinakisuyo mo
sa iyong inay na ibigay sa akin. Bakit hindi ka sumulat? Bakit hindi mo sinagot
ang mga sulat ko???” ang sigaw niya.
Doon ako nagulat sa kanyang
sinabi. Gusto ko sanang magtanong pa kung kailan niya inihulog, kung saan naka
address, kung ano ang isinulat niya. Ngunit sa daming taong nakaharang at
nagmamadali sa x-ray section, hindi ko na nagawang sagutin siya.
Nang natapos na ako sa x-ray
area ng entrance, dali-dali akong bumalik sa may pintuan ng exit upang balikan
sana siya, tanungin tungkol sa sulat na sinabi niya. Ngunit bago pa man ako
tuluyang nakalabas sa exit door, nasilip kong nakatalikod na siya, binaybay ang
daan patungo sa daanan ng mga sasakyan, ang dalawang kamay ay isinukbit sa
magkabilang bulsa, nakayuko na parang isang taong talunan, tila pasan ang buong
mundo sa bigat ng dinadala.
Kalungkot namn ng nangyari idol... :(
ReplyDeleteShort story po ba ito?? Hanggang ilang chapters po ito?? :D
JMP :D
Haist....ang sakit ramdam ko...
ReplyDeleteAng galing ni author... gusto kong magsulat pero wala ata talaga ako talent sa pagsusulat.. gusto ko sana ibahagi ang kwento ng buhay ko,..
Kakalungkot naman. Magaling ka Mr Author. Thanks sa update.
ReplyDeletetagos sa puso at isipan ang mensahe!
ReplyDeleteAng bigat naman nito Mr. Mike T.T,... Galing Galing talaga s SUPERRR !!! :)
ReplyDeletesana tuloy2 nlng ang updates...eheheeeh
-Jex
waaah! bakit di nakarating ang sulat.........? nakakasad naman!
ReplyDeletesyempre siya ang gumawa ng blog na ito eh
ReplyDeletego sir Michael Juha