Followers

Sunday, October 26, 2014

Ang Aral Ng Gamugamo [4]


By Michael Juha
email: getmybox@hotmail.com
fb: https://www.facebook.com/mikejuha

WARNING:
This post contains scenes which may not be suitable for readers under 18.


***************************************

Nang tuluyan na silang naglaho sa aking paningin, tinungo ko na ang tihiras namin ni itay. “O, mabuti naman at narito ka na. Saan ka ba nanggaling?” ang tanong ni itay.

“Doon lang po sa may likuran ng barko. Tinatanaw ko ang pier...” ang sagot ko.

“May nalimutan pala akong ibigay sa iyo. Kaninang alas 5 ng umaga ay pumunta ng bahay si Dennis. Tulog ka pa kaya hindi ka na niya inistorbo.”

Mistula akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig at biglang nagising ang diwa. “T-totoo po? Bakit po siya nagpunta sa atin?” ang excited kong tanong.

“Heto, gusto niyang ibigay sa iyo. Hindi raw kasi siya sigurado kung makarating sa pier kaya ipinabigay na lang niya sa akin.” Sabay abot sa isang kuwintas na may itim na leather na tali at ang pendant ay isang silver na ang hugis ay swan. Tiningnan ko itong maigi. May nakasulat na salitang “AMOUS”. “Ano yan?” sa isip ko lang. Hindi ko talaga maintindihan. Tiningnan ko rin sa likod. May nakasulat din, “I won’t forget you, Best Friend.” at sa baba nito ay nakasulat ang “JC Castro.”

Kahit nalungkot ako sa eksenang nakita siya sa pier, may naramdaman akong tuwa na may alaala siyang ibinigay sa akin. Agad kong isinuot ang kuwintas.

NAKARATING KAMI SA ILOILO. Masayang-masaya ang aking mga Tito at Tita, pati na rin ang aking mga pinsan. Tuwang-tuwa sila na ako ang sumalo sa pagkapari sa aming henerasyon. Mistula akong isang bayani. Kaya may handa sila, isang selebrasyon ng angkan na sa pamamagitan ko ay hindi napatid ang aming tradisyon.

Nakapasok ako ng seminaryo. Noong una ay nahirapan ako sa pag-adjust sa routine. Mahigpit ang rules. Maraming bawal, kagaya ng paggamit ng cell phone, sulat, internet, at iba pa. Hindi kami nakakalabas ng seminaryo maliban lamang kung may excursion, kung may dadaluhang activities sa labas. Sobrang structured ang aming routine. Madaling araw ay may misa, may novena, may 30 minutos na shower, at ang agahan. Pagkatapos naman ng agahan ay ang unang klase. May kanya-kanyang assignemnts din kami, kagaya ng iyong taga-gising sa umaga, taga-linis ng pinggan at pinagkainan, taga-dilig ng mga halaman, taga-walis ng mga bakuran at paligid ng seminaryo, taga-linis ng hall at dormitory, iyong magbabasa sa misa, yung magsasakristan, mga ganyang assignments.

Kaya ko naman ang disiplina. Ang mahirap ay ang aking naramdamang kalungkutan na wala na si Dennis sa buhay ko. Araw-araw, oras-oras, minu-minuto ay nariyan siya sa aking isip. Masakit ngunit pinilit ko ang aking sariling tanggapin ang lahat, iginiit sa isip na tama lang ang ginawa kong iyon dahil kung hindi ko turuan ang sariling malimutan siya, o ilayo ang aking sarili sa kanya, ako rin ang talo sa bandang huli. Naisip ko rin na maaaring ganoon ang ibinigay na sitwasyon sa akin ng nasa taas upang may dahilan ako na layuan siya. Kasi, kung sa babae ako na-in love, siguradogn hindi ako papasok sa seminaryo. Parang ganoon, wala na akong iba pang maisip na magandang dahilan upang pumasok sa pagkapari.

Di ko ipagkailang marami rin akong natutunan sa loob ng seminaryo. Lalo na sa spiritual na aspeto, at disiplina sa sarili. Para sa akin, mas lalo ko pang naintindihan ang kahulugan ng buhay. Bagamat hindi nabura sa puso ko si Dennis, natuto akong tanggapin ang mga bagaya-bagay; katulad ng hindi lahat ng gusto natin sa buhay ay nagiging atin, na nakabubuti pa rin ang pagpaparaya dahil sa bandang huli ay babalik din sa atin ang mga kabutihang ating ginagawa sa buhay at sa kapwa.

Lumipas ang isang taon at binigyan kami ng isang buwang bakasyon. Mistula akong isang ibong nakalaya mula sa kulungan. Nang nakauwi na ako, agad kong dinalaw si Dennis sa bahay ng kanyang Tita. Hindi ko na kasi siya na-text gawa nang ipinagbawal ang cell phone sa loob ng seminaryo, at wala akong number niya.

Subalit nang narating ko na ang bahay ng kanyang Tita, nakakalungkot na balita ang sumalubong sa akin. “JC... wala na sa poder ko si Dennis. Tumungo siya ng Maynila...” ang wika ng Tita niya.

Sobra akong nalungkot nang malaman ko ito. “B-bakit po?” ang tanong ko.

“Ayaw na kasi niyang mag-aral. Kaya hayun, nagpunta siya ng Maynila.”

“B-bakit po siya nagpunta ng Maynila? Kanino po siya nakatira roon? Anong dahilan kung  bakit siya huminto sa kanyang pag-aaral?” ang sunod-sunod ko nang tanong.

“Nang nakaalis ka na, maraming nangyari sa buhay ni Dennis. Sabi niya puro na lang daw kamalasan. Naghiwalay sina Chona, at hindi maganda ang kanilang hiwalayan.”

“G-ganoon po ba?”

“Oo. Na-miss ka niya, JC. Halos araw-araw ay ikaw ang laman ng aming usapan. Kung hindi ka lang daw sana pumasok ng seminaryo ay baka hindi na niya maisaipan pang umalis.”

Pakiramdam ko ay sumikip ang aking dibdib sa narinig. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa kanyang sinabi o malungkot. Matutuwa dahil hinahanap-hanap pa rin pala niya ako. At malungkot dahil sa sinapit niyang hindi man lang tinapos muna ang pag-aaral. “S-saan po ba siya nakatira sa Maynila, Tita?”

“Nag bed-spacer lang siya. Ang sabi ay may trabaho raw siya, sa isang factory, sa Caloocan. Kung balak mong puntahan siya, bibigyan kita ng address at telepono niya.”

“S-sige po. Pupuntahan ko po siya.” ang sagot ko

Ibinigay ng Tita niya sa akin ang address atsaka telepono. “A-ano po ba ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Chona?” ang tanong ko.

“Ay naku... mahabang kuwento. Mas maigi kung kayo na lang ang mag-usap.”

Nang nakaalis na ako, excited akong tinawagan ang numero na ibinigay ng kanyang Tita. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ma-contact ang numero ni Dennis. Sobrang nadismaya ako. Muli na namang nabalot sa lungkot ang aking puso. Di ko rin maalis sa aking isip ang mag-alala. Ipinaaalam ko sa kanyang Tita na hindi na ma-contact ang cp na ibinigay niya. Kahit ilang beses naming ni-review ang bawat digit, tama lahat ang nakasulat sa phone book ko.

Sa sobrang pagkadismaya ko, dumiretso muna ako sa bahay-kubo. Habang nakaupo ako sa bangkong kawayan na nakaharap sa ilog ay malaya kong pinakawalan ang mabigat na saloobin. Nasa ganoon akong pagmumuni-mun nang napadako ang tingin ko sa malaking puno ng narra na nasa gilid lang ng pampang, di kalayuan sa aking inuupuan. Nilapitan ko ito. May nakaukit kasi dito at binasa ko, “Dennis was here” Sa baba nito ay may nakasulat ding, “Aug 10, 17, 21, 28.” Tapos sa baba pa noon ay, “Sep 4, 11, 18, 25...” at sa pinakababa naman ay, “Going to Manila, Sep 30. Bye Tol...”

Hindi ko napigilan ang hindi mapaluha sa nakita. Ang tanging ginawa ko na lamang ang ang haplusin ang mga inukit niyang iyon. “Miss na miss ko na siya...” ang bulong ko sa aking sarili.

Bagamat hindi na mako-contact ang numero, pinuntahan ko pa rin ang Maynila na dala-dala lamang ang address niya sa Caloocan. May pag-agam-agam man ako na baka pati ang address niyang iyon ay nag-iba na rin, nagdasal na lang ako na sana ay naroon pa rin siya. Na sana ay hindi niya ipagkait na magkita kamingmuli ni Dennis.

Eroplano ang sinakyan ko patungong Maynila. Dahil may naging kaibigan akong seminarista na taga Maynila, siya ang aking tinawagan upang matulungan akong hanapin si Dennis. Mayaman ang pamilya ng kaibigan kong seminarista, Si Ryan. May mga sasakyan sila kung kaya ay hindi ako nahirapang magcommute. Ang problema lang ay ang lugar kung nasaan naroon ang address. Squatter’s area kasi ito. Maraming eskinita, maraming tao, makipot ang daan. Kaya naglakad pa kami patungo sa looban.

Natumbok namin ang ibinigay na address ng kanyang Tita. Ngunit malas na naman. Wala na roon si Dennis. Umalis raw ito sa nasabing boarding house at walang nakakaalam kung saan siya lumipat.

Laking pagkadismaya ko na naman sa nangyari. Halos iiyak na lang ako dahil pagkapurnada ng mga plano ko. Ngunit hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Tinulungan ako ni Ryan na magbukas ng Youtube at Facebook accounts upang doon ko raw ilagay ang litrato ng aking kaibigan at magbigay ako ng telepono kung saan ay maaari nila akong ma-contact. May mga tumawag at nagtext din sa cell phone na ibinigay ko ngunit ang iba iba ay nakikipaglokohan lang.

Lumipas na lang ang dalawang linggo at walang ni isang taong nakapagbigay ng clue kung nasaan si Dennis. Hanggang sa nawalan na ako ng pag-asa. Ang sakit lang ng aking naramdaman. Mistula akong nagtampo sa taas kung bakit hindi niya kami pinayagang magkita pa. Masama ang loob ko. Labis akong nalungkot.

Isang araw bago ang alis ko, naisipan kong mamasyal sa mall. Linggo iyon. Napagdesisyunan kong mamimili na lang ng mga pasalubong para sa inay at itay, pati na rin sa Tita ni Dennis. Nag mall nga kami ni Ryan. Nang natapos na kaming mamili at palabas na ng mall, biglang may humablot sa aking bag na may lamang cell phone, pera, ID, at pati ang mga pinamili kong mga pasalubong na relo at pabango.

Hindi kaagad ako nakakilos sa bilis ng mga pangyayari. Tila napako na lang ako sa aking kinatatayuan. Narinig kong sumigaw si Ryan habang hinahabol niya ang nang-snatch. Nagkagulo ang mga tao. Hanggang sa nakabalik si Ryan, dala-dala ang bag kong na-snatch. Tuwang-tuwa ako sa nakita. Ngunit mas naglupasay pa ako sa tuwa nang nakita ang kasama niyang security guard na siyang nakahuli sa snatcher at ang snatcher mismo na naka-posas na.

Tila mawalan ako ng malay-tao sa aking nakita. Si Dennis na naka-unipormeng security guard at sa kanyang porma ay lalo pa siyang gumuwapo sa aking paningin. Napakatikas tingnan, astig na astig sa porma. Ang sunod kong naalimpungatan ang pagsisigaw ko ng, “Dennis!!! Tolll!!!” sabay yakap sa kanya nang mahigpit at hinalikan ko pa siya sa pisngi.

Nagsilingunan ang mga tao sa aming kinaroroonan. Ngunit wala akong pakialam sa kanila. Si Dennis naman na nagulat ay muntik na akong maitulak nang halikan ko ang kanyang pisngi. “JC???!!!” ang sambit niya nang namukhaan na ako. Hindi na siya pumalag sa aking pagyakap. Niyakap na rin niya ako at inangat pa ang aking katawan sa sobarang higpit ng kanyang pagyakap. Halos maghalikan na lang kami sa bibig sa sobrang saya namin sa tagpong iyon. Marahil ay kung may mga baklang nakakakita sa amin sa aming ginawa, masasabi nilang magjowa talaga kami ni Dennis.

“Ang tagal kitang hinahanap! Nandito ka lang pala!” ang sambit ko nang kumalas na ako saaming yakapan at naka-lock pa ang aming gitnang daliri na tila ba ayaw naming pakawalan ang isa’t-isa.

Doon na kami nagkuwentuhan. Napag-alaman kong security guard supervisor pala siya at hawak niya ang mga guwardiya sa mall na iyon. Napag-alaman ko rin na ibinenta nya ang kanyang cell phone kung kaya ay hindi na ma-contact pa ang kanyang number.

Ipinakilala ko si Ryan sa kanya. Hindi ko na talaga siya pinakawalan pa.

Dahil may isang oras pa bago ang off niya, kumain na lang muna kami ni Ryan sa isang fast food chain. Nang naka-out na si Dennis sa kanyang duty, hinatid kami ni Ryan sa inuupahan ni Dennis na maliit na kuwarto sa Pasay City.

Nang nakarating na kami sa kanyang bahay, nagpaalam si Ryan na umuwi muna gawa nang may lakad pa sila ng kanyang pamilya. Kung kailangan ko raw na pumunta kung saan, susunduin na lang daw niya ako o ng driver nila upang ihatid kung saan man gusto naming magpunta.

Isang bahay na dalawa ang palapag ang tinutuluyan ni Dennis. Bagamat malalaki ang mga bahay sa lugar na iyon, squatters’ area pa rin daw iyon. Kaya medyo mura ang renta niya sa kuwarto. Isa sa mga kuwarto na nasa ibaba ang inupahan niya. May maliit na banyo at palikuran, mayroon ding maliit na lababo at kainan. At kagaya ng kuwarto ng karamihan ng mga lalaki, magulo ito. “Pasensya ka na, tamad akong mag-ayos. Hindi ko naman kasi akalain na darating ka.” Ang sambit niya sabay bitiw ng isang ngiti.

Ngunit hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Sa isang taon na hindi kami nagkita, tila isang siglo kaming nagkahiwalay. Napatitig na lang ako sa kanya. Naroon pa rin ang pamatay na ngiti niya, ang nakabibighani at makalaglag-brief na mga labi. Hindi pa rin nawawala ang karismang tila nanunukso, nang-aalipin. Halos walang ipinagbago ang kanyang anyo, ang kanyang tinding, ang hayop niyang appeal. At sa puso ko, ang pangalan pa rin niya ang isinisigaw. Umusad man ang panahon, ngunit hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Naroon pa rin ang matinding kalampag sa aking dibdib, ang excitement, ang kilig. Naroon pa rin ang mainit na paghahangad na mayakap siya at mahagkan.

“O, magtitigan na lang ba tayo?” ang sambit niya.

Mistula akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niyang iyon. “Puwedeng payakap uli?” ang nasambit kong may bahid pagkahiya.

“Nayakap mo na ako kanina ah!” ang sagot niyang biro.

“Maraming tao kanina eh. At least dito, tayong dalawa lang.” ang sagot ko naman.

Ngumiti siya sabay unat sa kanyang mga braso upang tanggapin ang yakap ko. Nagyakapan kami. Mahigpit, matagal. Habang nasa ganoon kaming ayos, napako ang aking paningin sa digding sa gilid ng kanyang kama. “Ang gamugamo!” sigaw ng isip ko. Ang ibinigay ko sa kanyang naka-frame na pinatuyong gamugamo ay nakasabit doon at sa baba nito ay ang kuwintas na kamukhang-kamukha nang sa akin pati ang pendant na swan.

Kumalas ako sa aking pagkayakap. Dahil napansin niyang nakatingin ako sa frame at kuwintas, tinanggal niya ang kuwintas mula sa pagkasabit nito. Kinapa ko rin ang aking suot na kuwintas at inilabas ito. Ipinagtabi niya ang dalawang pendant at pinagharap ang dalawang swan. Doon nabuo ang hugis na puso. Napangiti siya. “Nabuo rin siya...” ang sambit niya. Namangha ako sa aking nadiskubre. Talaga palang sinadya iyon. Kalahating puso pala ang ibig sabihin ng aming pendant.

Nang ibinaling ko ang aking paningin sa ibaba ng nabuong puso, ang salita naman na nabuo ay “MONOGAMOUS”.

Napangiti ako. Noon ko lang nalaman ang ibig sabihin ng “AMOUS” na nakasulat sa pendant ko. Bahagi lang din pala iyon sa isang salita.

Muli ko siyang niyakap. “Miss na miss na kita ‘Tol!

“Miss na rin kita...” ang sagot din niya.

Halos hindi kami magkamayaw sa sayang nadama na sa wakas ay nagkita rin kami. Maya-maya ay lumabas siya at nang bumalik ay dala-dala ang isang case ng beer.

“Woi... saan ka kumuha ng pambayad?” ang tanong ko.

“Utang muna.” sabay ngiti.

Inabutan ko siya ng dalawang libo. “May allowance ako sa bakasyong kong ito, Tol. Tanggapin mo iyan.”

Bagamat umayaw siya noong una, ngunit dahil sa kapipilit ko ay tinaggap niya na rin. “Umiinom ka pa ba?” ang tanong niya.

“Oo naman. Miss ko na nga iyan eh. Walang beer sa seminaryo!” ang sagot ko rin.

Binuksan niya ang isa, iyong klaseng pagbubukas na itinuro ko sa kanya. “Natatandaan ko pa nang turuan mo ako kung paano ang pagbukas na gamit lang ang takip ng tansan...”

Napangiti ako. “Sa lumang grandstand iyon. Masungit ka pa noon.” Ang sagot ko.

“Oo nga! At ikaw, makulit. Kahit nakasimangot ako, ayaw mo pa rin akong tantanan.”

“Nakasimangot ka nga, alam ko namang ayaw mong umalis ako. Pakipot ka!”

Tawanan.

Nang medyo tumalab na ang epekto ng alak sa aming katawan, doon na naging seryoso ang aming pag-uusap.

“Bakit ka umalis sa atin sa Leyte? Bakit hindi mo tinapos ang iyong pag-aaral doon?

“Mahabang kuwento, Tol...” nahinto siya nang sandali. Tila nag-isip kung paano simulan ang kanyang sasabihin. “Nang umalis ka na, nalungkot ako. Hindi maintindihan ni Chona kung bakit nalungkot ako sa pag-alis mo. Nagseselos siya. Palagi niya akong inaaway at kinukulit kung ano ang mayroon sa atin. May isang beses na nalasing ako, nasabi ko sa kanya ang tungkol sa mga karanasan ko, na ikaw lang ang sinabihan ko nito. Doon na siya mas lalo pang nagalit. Bakit ko raw itinatago sa kanya ang mga ito. Doon na niya sinabing nabasa niya ang sulat mo sa akin. Minura niya ako. Akala niya raw, ikaw lang ang bakla, pati rin daw pala ako. Minura ko rin siya dahil sa pakikialam niya sa sulat ko. Simula noon, naging dry na siya sa akin. Ang masaklap, nalaman ko na lang na kumalat na pala sa campus ang aking sikreto. Ipinagkalat ito ni Chona na inabuso raw ako ng aking step-father, na na ni-rape ako ng mga pulis, na nag callboy ako. At ang isa pang pinagkakalat niya ay bakla raw ako at in-love sa iyo kaya ako nalungkot. At ikaw naman ay nagpari dahil ayaw ng mga magulang mo na magkaroon ka ng relasyon sa isang bakla. Pakiwari ko ay ako ang pinag-uusapan ng lahat ng mga estudyante sa campus. May ibang nagpaparinig, may ibang habang dumadaan ako sa kanilang umpukan ay biglang magtatawanan. Kahit marahil ay hindi ako ang pinag-uusapan, nakatatak sa aking isip na ako iyon. Naging paranoid ako. Nagka-phobia sa mga pangyayari. Sobrang nalungkot. Nanumbalik sa aking ang pagiging aloof, loner, nagsi-self-pity. Nawala muli ang tiwala ko sa aking sarili. Kaya naisipan kong lisanin ang lugar natin at makikipagsapalaran dito sa Maynila. Heto ngayon, palipat-lipat ng trabaho, palipat-lipat din ng tirahan.”

Naramdaman ko na namang ang awa sa sinapit niya. Para bang nagsisi ako kung bakit pa ako pumasok sa seminaryo. Gusto kong tulungan siya ngunit wala rin akong magawa. Isang hamak na seminarista lang ako na nagsusumikap, walang maitutulong sa kalagayan niya. Ayaw din naman niyang bumalik sa lugar nila sa Mindanao gawa ng ayaw niyang makita pang muli ang step-father niya. Baka raw makakapatay pa siya ng tao. Hindi pa lubos na naghilom ang matinding galit niya sa step-father niya.

“Huwag kang mag-alala sa akin, Tol. Itong bago kong trabaho bilang supervisor ng security guards ay hindi na ito contractual. Sana ay pumasa ako sa probationary period.”

“Sana nga, ‘Tol... At sana rin ay huwag ka nang malungkot. Kalimutan mo na ang lahat. At sana diyan sa trabaho mong iyan ay ma-promote ka pa.” Ang sambit ko. Gusto ko pa sanang malaman kung ano ang sagot niya sa sulat ko sa kanya noong araw ng aking paglisan. Ngunit wala akong lakas na tanungin siya. sinarili ko na lang iyon. Ang naikuwento ko na lang sa kanya ay ang buhay ko sa loob ng seminaryo.

“Mabuti ka pa. Siguro, napakamatiwasay ng buhay mo roon. Siguro ay wala kang iniisip na mga problema sa loob ng seminaryo.” Ang sambit niya.

“Mayroon din naman. May mga pressures din kami. Sa mga pasulit at pagpasa ng mga subjects, sa paggawa ng mga projects, assignments, lalo na’t mahigpit sa loob. Grabe.”

“Pero at least, wala kang iniisip na mga bagay sa labas ng seminaryo. Focus ka lang talaga roon.”

“Hindi rin. Minsan naiisip ko rin ang labas. Minsan binabalik-balikan ang sarap ng buhay na malaya, ang masasayang sandali kasama ang...” nilingon ko siya, “...best friend” dugtong ko pa sabay bitiw ng isang pilyong ngiti.

Binitiwan din niya ang isang hilaw na ngiti. Yumuko siya.

Tahimik. Kinuha niya ang kanyang gitarang nakasabit sa dingding. “Dala-dala ko talaga ang gitara ko kahit saan. Kapag nalulungkot ako, idinadaan ko na lang sa kanta. Kakantahan na lang din kita.” Ang sambit niya. Tumugtog siya at kumanta, talagang tinitingnan niya ako habang kumakanta, na para bang ipinarating niya na para sa akin ito at ang mensahe nito –


I always thought you were the best, I guess I always will
I always felt that we were blessed, and I feel that way still
Sometimes we took the hard road, but we always saw it through
If I had only one friend left, I'd want it to be you

Sometimes the world was on our side, sometimes it wasn't fair
Sometimes it gave a helping hand, sometimes we didn't care
'Cause when we were together, it made the dream come true
If I had only one friend left, I'd want it to be you

Maluha-luha ako sa mensahe ng kanta niya. Tila masakit na katotohanan kasi ang nakasaad na mensahe sa kanta. Iyong sinabing “Sometimes we took the hard road, but we always saw it through”, “Sometimes the world was on our side, sometimes it wasn't fair, sometimes it gave a helping hand, sometimes we didn't care. ‘cause when we were together, it made the dream come true...” tila nangyari ang lahat sa amin. Tila ang kanta na iyon ay custom-made para sa amin.

Pagkatapos niyang kantahin iyon, pampakilig naman ang kanyang kinanta –

What would I do without your smart mouth?
Drawing me in, and you kicking me out
You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright

My head's under water, but I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind

'Cause all of me, loves all of you, love your curves and all your edges
All your perfect imperfections, give your all to me, I'll give my all to you
You're my end and my beginning, even when I lose I'm winning
'Cause I give you all of me, and you give me all of you, ohoh

Napangiti na naman ako. Sa loob-loob ko ay may tuwa. May kakaibang kiliti. Wala pa rin talagang pagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nang natapos na ang kanta, bigla kong naitangong ang, “M-may m-mahal ka na ba ngayon pagkatapos ni Chona?” ang tanong ko. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang biglang lumabas sa aking bibig. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa kanyang isasagot.

“Mayroon...” ang walang paligoy-ligoy rin niyang sagot. “Si Loida. Siguro ay magpakasal na kami sa sunod na taon. Tatlong buwan siyang buntis ngayon at kailangan kong panindigan ang pagiging ama sa magiging anak namin.”

Mistulang hinataw ng isang matigas na bagay ang aking ulo sa aking narinig. Para akong nagsisi kung bakit naitanong ko pa iyon sa kanya. “M-mahal mo ba siya?” ang sunod kong naitanong.

Tumango siya.

Hindi na ako kumibo. Nagpaalam na lang akong pumunta ng banyo. Doon habang nakaupo ako sa cubicle ay malayang hinayaan na pumatak nang pumatak ang mga luhang kanina lang ay pilit kong pinigilan upang huwag niyang makitang bumagsak ang mga ito. Tila bigla akong nagising sa isang mapait na katotohanan. Maya-maya lang ay naghilamos ako, nagpahid ng mukha, at lumabas muli.

“Bukas na talaga ang alis mo, Tol? Ni Hindi man lang tayo makapagpasyal?” ang tanong niya nang nakabalik na ako sa aking inuupuan.

Tumango ako. “P-pero gabi pa naman ang flight ko kung kaya ay puwede mo pa akong ihatid sa airport, pagkatapos ng iyong duty. Magkita pa tayo roon.” Ang malabnaw kong sagot.

Hindi siya umimik. Tila malungkot ang kanyang mukha. Ewan kung iyon ay dahil sa nakaambang pag-alis ko o may iba siyang iniisip.

Lasing na lasing na ako nang naubos naming dalawa ang isang case ng beer. Lagpas alas 12 na iyon ng hating-gabi. Sa isang taon bang hindi na ako nag-iinum at noon lang nangyari muli, mabilis akong na-knock down. Alam ko, lasing na rin siya. “Tol... kung ok lang sa iyo ay magtabi na lang tayo dito sa aking kama?” ang tanong niya.

“O-ok lang.” ang sagot ko. Wala naman kasing ibang kama ang kuwarto niya. Bagamat sumingit sa aking isip ang pangyayari kung kung saan ay muntik nang masira ang aming pagkakaibigan, sa pagkakataong iyon ay ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi ko na iyon gagawin.

Bago ako nahiga, pinilit ko pang hubarin ang aking t-shirt gawa nang wala akong dalang bihisan. Hindi ko na hinubad pa ang aking pantalon. Siya naman ay nakita kong naghubad ng kanyang T-hirt at pantalon, naiwan ang kanyang brief. “Sensya na Tol. Walang aircon itong kuwarto ko, pag-tyagaan mo na lang ha?”

Hindi ko na siya sinagot pa. Lasing na lasing na ako at tila masusuka na. Ni ang paghiga niya sa aking tabi ay hindi ko na namalayan.

Nasa gitna ako ng aking pagtulog nang nagising ako. May naramdaman akong umakap sa aking katawan at may sumisipsip-sipsip sa aking mga labi. Dahil lasing pa ako at hilong-hilo pa, bahagyang iminulat ko ang aking mga mata. Doon ay naaninag kong hinahalikan ako ni Dennis!

Pakiwari ko ay biglang nagising ang aking diwa. Ngunit dahil sa sobrang kalasingang, hindi ko magawang magreact sa kanyang ginawa. Nagpaubaya ako. Bagamat nagulat, sa loob-loob ko ay may dulot din itong kakaibang sarap at excitement. Ang nagawa ko na lang ay ang yumakap na rin sa kanya. Bagamat sobrang bigat ng pakiramdam ko sa aking katawan ay pinilit kong sinuklian ang kanyang mga halik. Hanggang sa naramdaman kong iginapang niya ang kanyang mga labi sa buo kong katawan. Nang nasa may harapan ko na ang kanyang mga labi, naramdaman kong isinubo niya nang buo ang aking pagkalalaki.

Napaungol ako sa tindi ng sarap. Pinilit ko pang i-inindayog ang aking balakang upang mas malasap ko pa ang sarap ng pag-taas-baba ng kanyang bibig sa aking ari. Hanggang sa bumaligtad siya ng puwesto at ang kanyang pagkalalaki ay nakatuon sa aking bibig, kagaya nang sa aking ari na nasa harap din ng kanyang bibig. Pinilit niyang ipasok sa aking bibig ang kanyang ari. Nagmistulang 69 ang aming posiyon. Kahit nahirapan, pinilit ko ring ibuka ang aking bibig upang makapasok ang kanyang ari. Isinubo ko na rin ito at pinilit na itaas-baba ang aking ulo sa kanyang harapan kahit hilong-hilo pa ako. Ilang beses rin akng nabilaukan at nagsuka.

Hanggang sa tumayo na siya at pilit na tinanggal niya ang aking pantalon at brief. Doon, habang nakatihaya ako, itinaas niya ang aking mga paa at ipinatong ang mga iyon sa magkabilang balikat niya. Nakita kong nilagyan niya ng laway ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki atsaka pilit na ipinasok iyon sa aking likuran.

Napaigting ako sa sakit nang nakapasok na ang ulong bahagi ng kanyang ari. Ngunit wala akong nagawa kundi ang hayaan siya. Sa bigat ng pakiramdam ko sa aking katawan, sabayan pa sa hilo at sakit ng ulo, wala akong lakas upang tutulan siya sa kanyang ginawa. Biglang nanumbalik sa aking isip ang ginawa ko rin sa kanya. Doon ko naisip na maaaring balak lang niya akong gantihan.

Nang nakaraos na siya, hinalikan niya ako muli sa bibig. Pagkatapos ay iginapan niya ang kanyang mga halik sa aking leeg, sa dibdib, sa tiyan, hanggang sa muling isinubo niya ang aking pagkalalaki. Hindi na niya tinigilan ito hanggang sa naramdaman kong lalabasan na ako. Dali-dali niyang hinugot ang aking ari mula sa kanyang bibig at mabilis na itinaas-baba ang kanyang kamay na nakahawak doon. Pumulandit ang aking katas sa ibabaw ng aking tiyan at dibdib. Iyon na ang huli kong natandaan sa gabing iyon.

Maaga siyang nagising kinabukasan. Nang nagising ako at umunat, doon ko naramdaman ang sakit ng aking katawan, ng aking ulo, at mahapdi ang aking likuran. Nang tiningnan ko ang aking sarili, wala akong saplot. Hinimas ko ang aking tiyan at dibdib, nasalat ng aking palad ang halos natutuyo nang dagta. Blangkong napatitig na lang ako sa kisame. Naalala ko ang nangyari nang nakaraang gabi.

“K-kain na...” ang narinig kong sambit niya.

Nang tiningnan ko siya, nakaupo na siya sa harap ng mesa at may nakahanda na ring mga pagkain sa ibabaw noon.

Tumayo ako at dinampot ang aking brief na nakalatag sa sahig. Dumiretso muna ako sa banyo at mabilisang naligo. Nang umupo ako sa inodoro upang dumumi, doon ko na naramdaman ang matinding kirot sa aking likuran. Nang tiningnan ko ang ilalim ng inodoro, may nakita akong dugo. Nang matapos na, kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa dingding at iyon ang aking itinapis. Lumabas akong dire-diretsong umupo sa silyang nakaharap sa kanya na tila wala lang nangyari.

Wala kaming imikan habang kumakain. Kung gaano kami kasaya at kaingay nang gabing nagdaan, kabaligtaran sa umagang iyon. Hindi ko rin alam ang aking saloobin. May isang bahagi ng aking utak na tila natuwa sa nangyari. Ngunit may isang bahagi rin na tumutol, masama ang loob, iyong pakiramdam na nilapastangan, trinaydor dahil parang lumabas na pinaglalaruan lang niya ako, o kaya ay ginantihan sa aking ginawa. Naisip ko rin na baka sa kanyang kalasingan ay napagkamalan niya akong ang girlfriend niyang si Loida.

Nang matapos na kaming kumain, inilagay niya sa lababo ang pinagkainan namin at dali-dali nang nagtungo sa banyo, naligo. Ako naman ay tinumbok ang lababo at hinugasan ang ang aming pinagkainan atsaka nagbihis na. Hindi ko na sinuot pa ang brief ko. Nagpantalon akong walang brief.

“Tol... paki-abot ang tuwalya.” Ang sambit niya. Ginamit ko pala ang tuwalya niya. Tinungo ko ang banyo at inabot ko ito sa kanya. Nang nahawi ko ang kurtina ng banyo, kitang kita ko ang hubad niyang katawan. Napatitig ako sa kanya. Nagtitigan kami.

Ngunit siya na rin ang unang kumawala sa aming titigan. “Akin na...” ang sambit niya habang dinampot niya mula sa aking kamay ang tuwalyang inabot ko.

“May brief ako sa kabinet. Gamitin mo na lang muna.” Ang wika niya.

Hindi ko na siya sinagot pa. Nakapagpantalon na kasi ako atng brief ko ay iniwanan ko sa banyo niya.

“Papasok muna ako sa trabaho, ‘Tol. Hindi ako puwedeng mag-absent gawa nang bago pa ako, under probation at wala ring ka reliever. Alas 5 ang aking labas kaya puwede kayang alas 5 na rin tayo magkita?” ang sambit niya.

“Ok lang. Kukunin ko rin ang aking mga gamit kina Ryan. Sa airport na lang tayo magkita. Alas 7 ang flight ko kaya dumeretso ka na roon. Baka ma-late ako sa flight.” Ang sagot ko rin. Binigyan ko rin siya ng instruction kung saang area kami magkikita gawa nang wala pa rin siyang cell phone at wala kaming contact. Baka kasi mahihirapan kaming maghanapan kung sakali.

Sabay kaming lumabas ng bahay. Sinamahan ko pa siya sa kanyang opisina dahil hindi naman ito kalayuan mula sa kanyang inarkilahang kuwarto. Mula roon ay tinawagan ko si Ryan. Doon na ako sinundo ng kanilang driver.

Wala pang alas 6 ng hapon ay naroon na ako sa airport. Hinatid lang ako ng driver nina Ryan at iniwan na lang ako roon. Nasa bakasyon kasi ang pamilya ni Ryan kaya hindi na rin kami nagkasama. Sa seminaryo na lang daw kami magkita.

Maya-maya lang ay dumating na si Dennis. “Salamat at dumating ka. Papasok na sana ako eh. Hayan...” tingin ko sa aking relo, “Alas 6 na. Pipila pa ako at baka masaraduhan.” 

“Sorry, Tol. Traffic kasi, grabe! Si Loida nga hindi ko na hinintay. Sasama raw siya sana eh. Gusto ka niyang makita. Ikinuwento kasi kita sa kanya. Pero dahil late na nga, sinabi kong mauna na ako.” ang sambit niya.

“Mistulang may sibat na tumusok sa aking dibdib sa pagkarinig sa kanyang sinabi. Paalis na nga ako, nariyan na naman ang babae niya. “Eh... hindi mo na lang siya hinitay para magsama kayo?”

“E, di na late ako. At least bago ka nakaalis ay nakahabol pa ako ako at nagkita tayo...” sabay hawak sa pendant na swan ng kanyang kuwintas.

Hinawakan ko rin ang aking pendant na kapareha ng sa kanya. Tinanggal niya ang sa kanya at ipinagdikit iyon sa akin. Nakita ko ang nabuong hugis na puso at ang salitang “Monogamous”. Binitawan ko ang hilaw na ngiti.

“Best friends.” Ang sambit niya.

Ngunit sa sinabi niyang iyon, ay mistulang may kung anong bagay ang humataw sa aking ulo. Mas lalo pa kasi akong naguluhan. Mas lalo pa akong nasaktan. Parang iyong sinabing “adding insult to injury”. Best friend ang turingan namin sa isa’t-isa ngunit may ginawa siya sa akin. Mahal ko siya ngunit may babae siyang pakakasalan. Para saan iyong ginawa niya sa aakin? Hindi ko talaga maintindihan. Parang sinaksak niya ang aking puso ng maraming beses, at sinaksak iyon nang patalikod. “Iyan ba ang naturingan na mag-“best friends”? Gusto ko sanang isumbat iyon sa kanya. Ngunit tila wala akong lakas upang ibulatlat iyon. Kaya hinayaan ko na lang ito sa aking isip.

Marahil ay nahalata niya ang biglang pagbago ng aking expression sa mukha, binitiwan niya ang kuwintas ko at ibinalik naman niya sa kanyang leeg ang kanya. Biglang naging seryoso rin ang kanyang mukha. Yumuko. At, “S-sorry sa nangyari kagabi.” Ang sambit niya.

Tinitigan ko siya. “Ginawa mo ba iyon dahil gusto mong makaganti sa akin? O dahil inaakala mong ako si Loida?” ang diretsahan kong tanong. Sa puntong iyon ay tila nanaig ang naramdaman kong sama ng loob sa kanya.

Nahinto siya. Tila nabigla sa aking tanong. “I-ikaw... bakit mo ginawa rin sa akin iyon sa bahay-kubo?” ang sagot din niyang tanong.

“Mahal kita, Dennis. Mahal na mahal. Ginawa ko iyon dahil mahal kita, hindi ko lang ito masabi-sabi sa iyo noon. At hanggang ngayon ay hindi nawawala ang pagmamahal ko sa iyo.” Ang sagot ko sabay talikod at dali-daling tinumbok ang entrance ng airport. Hindi na ako lumingon pa.

Halos makapasok na ako sa loob nang sumigaw siya. “Sumulat ako sa iyo. Sinagot ko ang sulat na ipinakisuyo mo sa iyong inay na ibigay sa akin. Bakit hindi ka sumulat? Bakit hindi mo sinagot ang mga sulat ko???” ang sigaw niya.

Doon ako nagulat sa kanyang sinabi. Gusto ko sanang magtanong pa kung kailan niya inihulog, kung saan naka address, kung ano ang isinulat niya. Ngunit sa daming taong nakaharang at nagmamadali sa x-ray section, hindi ko na nagawang sagutin siya.

Nang natapos na ako sa x-ray area ng entrance, dali-dali akong bumalik sa may pintuan ng exit upang balikan sana siya, tanungin tungkol sa sulat na sinabi niya. Ngunit bago pa man ako tuluyang nakalabas sa exit door, nasilip kong nakatalikod na siya, binaybay ang daan patungo sa daanan ng mga sasakyan, ang dalawang kamay ay isinukbit sa magkabilang bulsa, nakayuko na parang isang taong talunan, tila pasan ang buong mundo sa bigat ng dinadala.

(Itutuloy)

7 comments:

  1. Kalungkot namn ng nangyari idol... :(

    Short story po ba ito?? Hanggang ilang chapters po ito?? :D

    JMP :D

    ReplyDelete
  2. Haist....ang sakit ramdam ko...

    Ang galing ni author... gusto kong magsulat pero wala ata talaga ako talent sa pagsusulat.. gusto ko sana ibahagi ang kwento ng buhay ko,..

    ReplyDelete
  3. Kakalungkot naman. Magaling ka Mr Author. Thanks sa update.

    ReplyDelete
  4. Ang bigat naman nito Mr. Mike T.T,... Galing Galing talaga s SUPERRR !!! :)
    sana tuloy2 nlng ang updates...eheheeeh


    -Jex

    ReplyDelete
  5. waaah! bakit di nakarating ang sulat.........? nakakasad naman!

    ReplyDelete
  6. syempre siya ang gumawa ng blog na ito eh
    go sir Michael Juha

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails