By Michael Juah
email: getmybox@hotmail.com
fb: https://www.facebook.com/mikejuha
*********************************
Chapter
2:
Sa sumunod na mga araw ay
pansin ko na ang pagkamasayahin ni Dennis. Kapag nagkita kami ay palagi kaming
naghaharutan, nagtatawanan, nagkukuwentuhan, at hindi namin nalilimutan ang
aming handshake na may kasamang yakap kapag ganyang nagkita kami o maghihiwalay
na. Kapag nasa bahay naman kami, may mga texts pa, kung hindi man ay tawag.
Pati sa klase ay nagsusumikap na rin siya, sumasali sa group activities,
recitations, pati na rin sa clubs. At nakikita sa resulta ng mga tests niya na
magaling siya. Sa extra-curricular activities naman, ang sinalihan niya ay ang
singer’s club. Sa totoo lang hindi ako makapaniwalang iyon ang kanyang
sinalihan. Pero dahil kaibigan ko siya, sumali na rin ako kahit hindi ako masyadong
marunong kumanta. “Matuto ka rin, ako ang magturo sa iyo.” Ang sabi niya. Kaya
dahil gusto kong ipakita rin sa kanya na confident ako sa aking sarili kahit pa
pagtawanan ako kung pakakantahin man, sumali na rin ako. Doon ko nakita ang
galing niyang kumanta nang isa-isang pinakanta ang mga members at ang kinanta
niya ay ang “All of Me” ni John Legend.
What
would I do without your smart mouth?
Drawing
me in, and you kicking me out
You've
got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's
going on in that beautiful mind
I'm on
your magical mystery ride
And I'm
so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright
My head's under water, but I'm breathing fine
You're
crazy and I'm out of my mind
'Cause all of me, loves all of you, love your curves and all your edges
All your
perfect imperfections, give your all to me, I'll give my all to you
You're my
end and my beginning, even when I lose I'm winning
'Cause I
give you all of me, and you give me all of you, ohoh
Humanga ang mga miyembro ng club sa ipinakita niyang galing. At ang pagkanta niyang iyon ay parang isang mabangis na wildfire na mabilis kumalat sa buong campus. Lahat sila ay nagandahan sa kanyang version. Lalo na dahil may nag-video at ina-upload sa Youtube. Mas marami pa ang humanga sa kanya.
Isang araw ay naisipan ng club
na mag fund raising para sa mga nasalanta ng bagyo. Nag mini-concert kami,
syempre ang pinakanta ay ang may magagaling na boses, support lang kami. Pero
si Dennis ay isa sa kumanta. Dinumog ang aming mini-concert ng mga estudyante.
Pati taga-labas ng school ay nanuod din.
Dahil sa sumikat ang mga
singers namin, gumawa rin kami ng pakulo para makadagdag sa aming fund. At ang
naisipan ng grupo ay ang magtambay ang aming mga singers sa student center at
magpayakap. Isinali na rin nila ako. Nagbotohan kasi ang members at ang
criteria ay iyong magaling kumanta kundi man ay may “kilig” factor daw. Hindi
naman sa pagmamayabang, marami rin naman ang nagkakaroon ng crush sa akin. Iyan
ang sabi nila. Maputi rin naman ako, magkasing tangkad kami ni Dennis. Medium-built
ang katawan, at sabi nila, may maipagmamalaki rin namang hitsura. Kaya isinali
nila ako dahil pasok daw ako sa “kilig factor” na sinasabi. Basta kayang tumayo
sa gitna ng student center, kayang magpayakap sa mga gustong yumakap, mabango, iyon
na. Sa wall naman ng student center naman ay may malaking backdrop na nakapaskil,
“Hug For a cause: Fifteen seconds = 10 pesos. Free selfie”
Nakakatawa pero iyon ang aming
ginawa, kakaiba. Mas nagustuhan pa naminiyon dahil walang ganoong preparations,
at halos walang gastos, walang kailangang practice. Bale apat kaming lahat na
lalaki ang kasali at apat ring babae. Sobrang exciting na hindi ko mawari. May
takot din na baka hindi papatok at mapahiya lang kami. Ngunit dahil full
support sa sa ginawa namin ang presidente mismo ng unibersidad, game na game pa
rin kaming sumipot. Nang nagsimula nang mag-announce ang aming emcee, doon na
kami natuwa dahil biglang nagsigawan at nag-uunahan sa pila ang mga
estudayanteng babae at mga bakla sa linya kung saan kami naka-assign. Ang mga
lalaki naman ay doon sa mga babaeng kasama naming kasali.
Pumatok ang fund raising namin
na iyon. At ang may pinakamaraming yumakap ay sino pa nga ba, si Dennis. May
nagbayad sa kanya ng 100 pesos, 200 hundred para raw mas matagal na yakapan,
may humiling na kumanta siya habang kayakap ang babae. Pumapangalawa naman ako
na halos may ganoon ding nagbayad at nagpakanta bagamat di kagandahan ang boses
ko. Nakakatuwa lang.
Iyon ang simula kung saan ay
nakita ko ang panunumbalik ng kanyang sigla at confidence sa sarili. Mas lalo
pang dumarami ang mga nagkaroon ng crush sa kanya. Nakikita kasi nilang sobrang
mabait at accommodating si Dennis, at game na game kumbaga sa mga pinapagawa ng
sumali sa fund-raising.
Ngunit kung nanumbalik na ang
normal na buhay ni Dennis, tila kabaligtaran naman ito sa nangyari sa akin.
Pakiwari ko ay out of place na ako sa kanya. Parang naging ironic ang lahat.
Siya ang best friend ko ngunit may selos akong nadarama lalo na kapag may
naghahanap sa kanyang babae. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Para akong
natakot na mawala siya sa akin at makahanap siya ng ibang best friend. Doon na
nagsimula ang aking pagkatuliro. Palagi ko siyang iniisip, palaging hinahanap.
Parang ayaw kong mawala siya sa aking tabi. Walang oras o minuto na hindi siya
sumasagi sa aking isip. Kung dati ay masaya na akong kasama siya, sa
pagkakataong iyon ay parang kulang pa ang pagsasama namin, kulang pa ang
pagiging mag-best friends namin. Parang gusto kong magiging pag-aari ko ang
buong pagkatao niya.
Alam ko, mahal ko na siya.
Ngunit hindi ko alam kung mahal din niya ako. At dahil pareho kaming lalaki,
ito ang nagpatindi pa sa aking pagkatuliro. Noon ko pa lang kasi naranasan ang
ganoong pakiramdam sa kapwa lalaki. Inaamin ko, dati ay may crush akong babae
halos pareho rin ang aking nararamdaman sa naramdaman ko kay Dennis. Niligawan
ko ang babae, at sinagot naman niya ako. Naging mag-syota kami. Ngunit hindi
nagtagal ang aming relasyon. Marahil ay ganyan talaga kapag hindi lubos ang
pagmamahal. May kulang. Ngunit sa nararamdaman ko para kay Dennis, ramdam kong
mas matindi ito. Para akong mababaliw. Parang gusto ko na lang na saksakin ang
aking sarili upang huwag ko nang maramdaman sakit. At ang isa pang nagpatindi
sa sakit na aking nadarama ay wala akong mapagsasabihan, at hindi ko siya
puwedeng ligawan. Pakiwari ko ay hindi ko matanggap sa aking sarili na hayan,
nanliligaw ng kapwa lalaki. Hindi ko ito tanggap. Kaya ang ginagawa ko ay ang
pagdarasal na lamang. Religious kasi ang pamilya ko at pinalaki ako ng aking
mga magulang na marunong magdasal at magsimba. Kaya kapag ganyang nagsisimba
ako o nagdarasal, ang aking hinihiling ay na sana, kung hindi man nararapat ang
pagmamahal ko ay pawiin na lang niya ang sakit na aking naramdaman, at na sana,
mawala rin ang pagmamahal ko sa kanya. At nanghingi ako ng sign kung ano ang
dapat kong gagawin.
Isang araw, naisipan naming
mamasyal sa zoo ng aming bayan. Maliit lang ang zoo ngunit maganda ang ambiance
dahil sa malalaking puno at malamig na simoy ng hangin. Naupo kami sa harap ng
enclosure ng iba’t-ibang klaseng ibon. Parang isang heganteng hawla ang
enclosure na iyon na pati iilang malalaking puno ng kahoy ay nasakop sa loob
nito.
Habang seryoso kaming nakaupo sa
sementong bangko at kumakain ng sitserya napansin niya ang isang pares ng
puting swan na ang mga tuka ay may kulay dilaw at itim. Magkaharap ang mga ito
at habang tila naglalambingan, ang kanilang leeg at tuka ay napopormang puso.
Nilapitan niya ito at kinunan ng litrato mula sa kanyang cell phone. “Ang
ganda, di ba?” ang tanong niya nang bakabalik na siya sa aming inuupuang
bangko.
“Oo nga.” Ang sagot ko.
Na-capture kasi talaga sa kanyang kuha ang dalawang swan na napormang hugis-puso
ang nagdugtong nilang mag leeg at ulo.
“Alam mo bang ang mga swan ay
monogamous?” dugtong niyang tanong.
“Mayroon bang ganyan? Di ba
kapag napisa na ang itlog ng babae ay iiwanan na siya ng lalaki upang maghanap
naman ng ibang makakapartner?” ang tanong ko naman.
“No-no-no-no. Mali ka.
Long-term, kung hindi man lifetime ang samahan nila. Kaya ako ay bilib sa
kanila. Kapag nagmahal sila, wala nang atrasan. Pinapanindigan nilang sila,
hanggang kamatayan...”
“Wow! Ang galing pala! Sana
ganyan ang lahat nang pag-ibig.” Ang nasabi ko.
“Kahit sila hayop ay marami pa
ring tayong natututunan sa kanila.”
“G-ganyan ka rin ba kapag
nagmahal?” ang tanong ko.
Tiningnan niya ako, napangiti.
“Oo... kapag ako ang nagmahal, pinapanindigan ko. Pati sa kaibigan.” Sabay
akbay sa akin.
Napangiti na rin ako. Sa
kaloob-looban ko ay may kilig akong nadarama. “Observant ka rin pala sa mga
hayop.” Ang nasambit ko na lang.
“Oo... at bilib ako sa mga
hayop na monogamous, kagaya ng swan. Kaya paborito ko silang tingnan. Kapag
nakapunta ako ng zoo, hindi ako papalyang panoorin sila. Ang sarap kasing
tingnan nila. Sweet. Di ba?”
Tumango ako. “Alam mo, may
hinahangaan din akong hayop.”
“Talaga? Ano?” ang excited
niyang tanong.
“Gamugamo...”
Kitang-kita ko naman sa kanyang
mukha ang biglang tila pagkadismaya. Siguro ay inakala niyang nagbibiro ako. Syempre,
maliliit na hayop na kung iisipin ay tila walang silbe. “Totoo nga!” ang
paggiit ko pa.
“Gamugamo? Ano iyon? Iyong
maliliit na parang mga paruparo na lumilipad sa gabi?”
Tumango ako. Doon ko na
ikinuwento sa kanya ang mga na-oobserbahan ko simula noong bata pa ako, pati na
ang paggawa ko ng mga frames sa mga namamatay na gamugamo.
“At ano naman ang nagustuhan mo
sa kanila? Bakit mo sila hinahangaan?”
“Martir sila. Kaya nilang
ibigay ang kanilang sarili, pati ang kanilang buhay makamit lamang ang isang
bagay na hinahangad nila. Atsaka, dumadaan din sila ng cycle o iyong tinatawag
na metamorphosis bago sila magiging ganap na gamugamo. Tapos, iyan. Ang iba sa
kanila ay mamamatay lamang sa apoy. Di ba nakakaantig?”
“E, ako pala kung gusto kong
mag suicide, ok lang din pala, hahangaan mo pa rin pala ako?” Ang sambit niya.
Bigla naman akong napatingin sa
kanya. Tama nga naman siya. Bakit ko hahangaan ang isang buhay na kikitilin
lang pala. Napaisip ako nang sandali. Ngunit nakahanap din ako ng paliwanag. “Ang
mga gamugamo ay walang intensyon na kitilin ang buhay nila. In fact, ang buong
akala nga nila ay nakakatulong ang ilaw sa kanila, nagustuhan nila ang sinag
nito. Pinapanindigan nilang nakabubuti ito sa kanila. Ang malungkot lang ay nasasaktan
sila at namamatay in the process. Ngunit kagaya lang sila sa mga sundalo. Kahit
alam nilang maaaring mamamatay sila sa pagsagupa nila sa mga kalaban, haharapin
pa rin nila ang mga ito, dahil ito ay makabubuti sa bayan. Hinaharap nila ang
kalaban. Ngunit ang mga taong kumikitil sa kanilang sariling buhay ay tinatakasan
ang mga kalaban, ang mga problema. Iyan ang kaibahan. Ang mga sundalo at
gamugamo ay matatapang. Ang mga taong nagpapakamatay ay mga duwag.”
Natahimik siya.
“Di ba... dapat natin silang
tularan?” ang tanong ko.
Tahimik siyang tumango.
“May mga tao ring
nakikipaglaban dahil sa kanilang paniniwala, sa kanilang paninindigan, sa
kanilang relihiyon, sa kanilang minamahal.” Ang dugtong ko pa.
“Ikaw ba ay kaya mong ialay ang
buhay mo dahil sa pag-ibig?” ang tanong niya.
Bahagya akong natahimik.
Napaisip kasi ako sa kalagayan ko, na nagmahal sa kanya ngunit hindi ko kayang
sabihin o ipadama man lang ito sa kanya. “Sana... P-pero madaling sabihin.
Kapag ikaw ay nasa actual na kalagayan na, baka mahirap.”
“Sabagay...” ang pagsang-ayon
niya. “Sana... ganoon din ako, handang harapin ang lahat, kahit buhay ay
iaalay, kahit isang ilusyon lamang ang pagkamit sa mithiin.” Dugtong niya.
Napatingin ako sa kanya. “Uy...
malalim iyan ah.” Ang biro ko. “Bakit? Ano ba iyang ilusyon na mithiin na na
iyan?”
“Wala, theoretical lang.” ang
sagot niya.
“Woi, in-love ang best friend
ko ah!” ang pang-aasar ko pa.
“Hindi ah! Baka ikaw in-love
ka. Madalas kaya kitang napapansing nakatunganga.” Ang biro din niya. Ewan kung
may laman ang sinabi niyang iyon.
Napangiti na lang ako. “In love
ako sa kanya, pero siya, hindi in love sa akin. Kumbaga, hindi karapatdapat na
ipaglaban, hindi karapat-dapat na pag-alayan ng buhay.”
Natawa siya. “Sino nga iyan,
tanginaaa! May tinatago sa akin ang best friend ko!” ang biro niya na tila
nainis na nagpaparinig lang ako.
“Theoretical nga lang din, ano
ka ba!”
Sa tagpo naming iyon ay hindi
ko talaga inamin na totoong may mahal na ako.
Isang araw, nag text sa akin si
Dennis na may emergency meeting daw ang Singer’s Club. Tinanong ko siya kung
ano ang problema dahil wala man lang pasabi, at gabi pa, alas 7. May balak din
kasi akong imbitahan siya sa bahay-kubo, para sa isang selebrasyon. Doon kami
kakain at mag-inuman. Ngunit hindi rin daw niya alam ang tungkol sa emergency
na iyon. Basta magkita na lang daw kami sa harap ng Room 102 ng main building.
Iyon daw ang venue ng meeting.
Tumalima ako. Nang nasa harap
na ako ng nasabing room, hinanap ko si Dennis. Hindi ko kasi siya nakita roon.
Nagtext ako sa kanya ngunit walang sumagot. Nang tinawagan ko naman ay naka-off
ang kanyang linya. Wala rin naman akong nakitang members na pumasok o dumaan.
Ngunit dahil naisip kong baka late na ako at nasa loob na si Dennis, tinumbok
ko na lang ang pinto at binuksan ito upang papasok na sana. Ngunit laking gulat
ko nang madilim ang buong kuwarto at walang katao-tao.
Ibabalik ko na sana ito sa pagsara
upang umuwi na lang nang bigla namang sumindi ang ilaw sa loob ng kuwarto at
namangha ako sa nakita. May balloons, may mesa sa harapan na may nakapatong na
cake at mga pagkain at sa harapang dingding ng stage ay may streamer at ang
nakasulat ay, “Happy 18th Birthday Juan Carlos!”
“Surprise!!!” ang sigaw ng
lahat na members na nasa loob. At naroon din si Dennis. Agad niya akong
nilapitan. Iniabot niya sa akin ang kanyang gitnang daliri para sa aming
handshake atsaka niyakap niya ako. Habang ineskortan niya ako na naglakad
patungo sa platform kung saan ay naroon ang upuang naka-reserved para sa akin,
tinanong ko siya. “Ginulat niyo naman ako!” ang sabi ko sa kanya. Nakasanayan
ko na kasi na hindi mahilig magparamdam o mag-announce ng birthday. Para sa
akin, ang lihim napagcelebrate nito sa pamamagitan ng pagsisimba ay tama na.
Iyan kasi ang natutunan ko sa aking mga magulang. Hindi raw mahalaga ang
pagpapakain o maluhong gastos sa birthday. Sapat na ang magpasalamat na
nakakabuo ng isa pang taon sa buhay. Kaya ang planong i-sorpresa ko siyang
imbitahan sa bahay-kubo sa gabing iyon dahil birthday ko ay nabaligtad. Ako ang
na-sorpresa.
“Ganyan ka ka-espesyal sa
akin.” Ang sagot niya.
Touched ako, syempre. “Ikaw ang
nagpasimuno nito?” ang tanong ko.
Tumango siya. At sa pag-amin
niyang iyon ay pabiro ko siyang binatukan. “Di mo ako tinimbrehan.”
“Surprise nga eh!”
Nang nakaupo na ako sa silya sa
gitna ng platform na nagsilbing stage, kinantahan nila ako ng Happy Birthday. Hinipan
ko ang kandila pagkatapos kong mag-wish. Sumunod naman ang mga alay nilang
kanta, limang pinakamagaling na singers ng grupo. Ngunit ang pinakahuli sa
kanila at doon ako napaiyak ay ang pagkanta sa akin ni Dennis –
I always thought you were the best, I guess I always
will
I always felt that we were blessed, and I feel that way still
Sometimes we took the hard road, but we always saw it through
If I had only one friend left, I'd want it to be you
Sometimes we took the hard road, but we always saw it through
If I had only one friend left, I'd want it to be you
Sometimes the world was on our side, sometimes it
wasn't fair
Sometimes it gave a helping hand, sometimes we didn't care
'Cause when we were together, it made the dream come true
If I had only one friend left, I'd want it to be you
Sometimes it gave a helping hand, sometimes we didn't care
'Cause when we were together, it made the dream come true
If I had only one friend left, I'd want it to be you
Someone who understands me, and knows me inside out
Helps keep me together, and believes without a doubt,
That I could move a mountain, someone to tell it to
If I had only one friend left, I'd want it to be you
Helps keep me together, and believes without a doubt,
That I could move a mountain, someone to tell it to
If I had only one friend left, I'd want it to be you
Sobrang touched talaga ako sa
kanta niyang iyon. At nang kinanta pa niya ang kantang kantang nagpasikat sa
kanya, doon na ako naturete.
What
would I do without your smart mouth?
Drawing
me in, and you kicking me out
You've
got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's
going on in that beautiful mind
I'm on
your magical mystery ride
And I'm
so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright
My head's under water, but I'm breathing fine
You're
crazy and I'm out of my mind
'Cause all of me, loves all of you
Love your
curves and all your edges
All your
perfect imperfections
Give your
all to me, I'll give my all to you
You're my
end and my beginning
Even when
I lose I'm winning
'Cause I
give you all of me
And you
give me all of you, ohoh
Ewan kung talang nag-ilusyon
lang ako o nangarap ba o nanaginip, ngunit sa porma ng pagkanta niyang iyon,
tila buong puso niyang iniaalay iyon sa akin, at ang mga kataga nito ay ang
siya ring mensahe niya para sa akin.
Syempre, kahit kanino man
mangyari, sobrang nakakaantig kapag kinantahan ka ng taong lihim mong minamahal.
Nakakakilig. Nakaka-touched. At talagang isinaisip ko, na para talaga sa akin
ang kantang iyon, at kinanta niya iyon sa akin dahil gusto rin niya ako, na may
nararamdaman din siya para sa akin. Inangkin ko talaga ang pag-iilusyon ng
kanyang pagmamahal.
Nang matapos na ang maiksing
program, nagrequest sila na magbigay ako ng maiksing speech. Pinaunlakan ko
naman. Nagpasalamat ako sa lahat, natuwa ako, naiyak at nagulat, hindi
inaasahang mag-effort pa talaga silang bigyan ako ng sorpresa. Natawa sila,
nagpalakpakan. Itinuro nila si Dennis na siyang may pakana ng lahat. Nang
narinig ko iyon, sinagot ko ito ng, “I would like to request my best friend,
Dennis to stay beside me here.”
Tumalima si Dennis. Umakyat sa
platform at nang nasa harap ko na siya, iniabot ko ang kamay ko para sa aming
unique na kamayan atsaka niyakap siya. “Thank you best friend” ang sambit ko.
Ngunit may pabirong sumigaw ng
“Kiss!”
Tinitigan ako ni Dennis, ang
bibig ay pigil sa pagtawa. Ngunit may sumigaw uli. Doon na niya ako hinalikan,
sa pisngi nga lang.
Nagpalakpakan ang lahat.
Nagtawanan. Siguro ang iba ay kinilig. Ngunit sa kanilang lahat, ako ang halos ay
walang mapagsidlan ng matinding saya. Feeling ko ay pulang-pula sa magkahalong
hiya at tuwa ang aking mukha. Feeling ko ay isa akong babaeng nilapastangan ng
lalaking minahal, sa pamamagitan ng isang napakasarap na paraan.
Pagkatapos ng kainan ay nagsiuwian
kami. Sabay kaming naglakad patungo sa bahay-kubo. “Ipinagpaalam na kita sa
Tita mo na dito ka matulog dahil birthday ko...” ang sambit ko sa kanya nang
nakarating na kami sa bahay-kubo. Pareho kaming nakaupong naka ekis ang mga paa
sa papag na kawayan.
“Sinabi nga niya sa akin...
Kaya heto, nagdala na ako ng mga gamit ko.” Sabay bukas sa kanyang knapsack at
may hinugot. “Ay bakit nandito pa ito sa bag ko? Shitt!” ang sambit niya habang
hawak-hawak ang isang tube ng malaking Toblerone na may nakalagay pang pulang
ribbon. Tapos may hinugot uli siya, isang kumpol naman ng mapupulang rosas at
may card pang nakadikit. “Patay ako nito!!! Pagagalitan ako ng Tita ko! Nadala
ko pala ang ipinabili niyang rosas at chocolate!” dugtong pa niya kamot-kamot
ang ulong nakatingin sa akin.
Ako naman ay naturete sa
nakitang pagngiwi ng kanyang mukha. Pero hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na
lang siyang magdesisyon kung ano ang kanyang gagawin sa nadalang rosas at
chocolate.
“Ikaw na nga lang ang magtago
niyan! Bukas na natin ibibigay.” Sabay abot niyong nang padabog sa akin.
Natulala akong tinanggap ang
tsokolate at ang mga rosas. Nang nasa kamay ko na ang mga ito, binuklat ko ang
card na nakadikit sa na card sa bulaklak. May nakadikit na litrato ng swan,
iyong hugis puso nilang leeg, iyon iyong kinuha niyang litrato sa zoo.
Napangiti ako at tinitigan
siya, di makapaniwalang para sa akin pala ang mga iyon at nag-effort pa talaga
siya nang ganoon para sa birthday ko.
“Basahin mo...” utos niya.
Binasa ko ang dedication. “To my best friend, Juan Carlos. On your 18th
birthday, I hereby swear to be your one true friend for life. Remember the
swan? I purposely brought you there to let you see the meaning. Like them, my
friendship with you is monogamous.” Tiningnan ko ang ibaba noon. May
nakasulat na “One Friend” ang pamagat ng kantang kinanta niya sa akin. Sa ibaba
pa noon ay may nakasulat din. “All of Me” ang pangalawang kanta niya. Sa
painakababa ng card ay naroon ang pangalan niya “Dennis”.
Doon na ako napaiyak. Tila
kunektado ang dalawang kanta at ang mensahe nito. “Salamat...” ang nasambit ko.
Niyakap niya ako. Tila panaginip lang kasi ang lahat. “Alam mo, ngayon lang ako
nakaranas ng birthday na ganito. Noong bata pa ako, nagpapakain kami pero
simula ng 11 years old na ako, puro simpleng selebrasyon na lang kasama ang
inay at itay. Ang saya ko kanina na may nakisalo sa birthday ko, may nag-greet.
At heto ngayon, regalo mo sa akin, sobrang happy ko.”
“Huwag ka ngang umiyak!
Ampangit-pangit mo. Kakagatin na kita eh!”
“Sige lang, kagatin mo lang
ako.” Ang biro ko.
At kinagat nga niya ang aking
pisngi, iyong pabiro na tila nanggigil.
“Aray ko! Nilawayan mo naman
ako eh!” sabay kalas ko sa pagkayakap niya atsaka pinunasan ang aking bibig na
nilawayan niya.
Tumawa naman siya nang malakas.
Tahimik. Naging seryoso ang
kanyang mukha. “Hindi pa iyan sapat sa ginawa mo sa buhay ko. Nang dahil sa
iyo, muling nanumbalik ang pagtitiwala ko sa aking sarili at sa ibang tao.
Muling lumakas ang aking loob. Muling nagkakulay ang aking mundo at muling
nabuhay ang aking mga pangarap. Ako ang dapat na magpasalamat sa lahat na
naitulong mo para sa akin. Pati ang Tita ko ay tuwang-tuwa dahil sa ginawa mong
pagtulong sa akin.” Nahinto siya sandali at muling may hinugot sa kanyang knapsack.
“Heto pala ang regalo ng Tita ko sa iyo” sabay abot naman sa akin ng isang box
na nakabalot pa sa isang asul na gift wrapper.
Binuksan ko ang box. Lumantad
sa aking paningin ang isang asul na sweatshirt na may stripes na green at
yellow.
“Mayroon din ako niyan. Para
raw uniform tayo, sabi ni Tita.”
“Wowww!” ang sigaw ko. “Pakisabi
kay Tita na salamat ha?”
“Dalawin natin siya sa bahay
isang araw.”
Kagaya ng mga nakaraang tagpo
namin sa bahay-kubo, nag-inuman uli kami. Ngunit sa pagkakataong iyon, may
isang nakaririmarim na plano ang naubo sa aking isip. Feeling ko kasi ay
naka-set na ang lahat. Pakiramdam ko ay may naramdaman din siya sa akin. Sa
lahat ng ipinakita niyang concern, sa mga ibinigay niyang regalo, ramdam kong
mahal din niya ako at naghintay lang ng tamang pagkakataon. At syempre,
birthday ko sa araw na iyon kaya sa isip ko ay iyon na siguro ang tamang
pagkakataon na may mangyari sa amin. Kaya sinadya kong dayain siya sa pag-inom
upang una siyang malasing kaysa sa akin.
At base sa plano ko, unang
nalasing si Dennis. Nagsusuka at nang hindi na talaga niya makayanan ay nahiga
na lamang sa papag ng bahay-kubo, tila nakatulog. Excited ako na maisakatuparan
na ang aking binabalak. Dali-dali kong tinungo ang lampara na siyang ilaw namin
sa bahay-kubo. Akmang hihipan ko na ang ilaw nang napansin ko ang dalawang
gamugamo na umaaligid dito. Nahinto ako, napangiti. Sa isip ko ay ito ang sagot
sa sign na hiningi ko sa aking panalangin. Ramdam kong may mensahe iyon. Huwag
akong matakot na panindigan ang nais kong makamit...
Hindi ko na itinuloy pa ang
pagpatay sa ilaw ng lampara. Hinayaan ko na lang na ang munting ilaw na
naggaling doon ay siyang magsilbing saksi sa gagawin kong pag-angkin sa
pagkalalaki ng best friend ko. Hinayaan ko na lang din ang mga mumunting
gamugamo na nagsisi-unahang mag-alay ng kanilang buhay sa ilaw ng lampara.
Hinubad ko na lang ang aking
t-shirt atsaka isinunod ang aking pantalon. Brief ko na lang ang natira. Umupo
ako sa papag, pinagmasdan si Dennis na inosenteng-inosenteng nakahiga roon.
Nang nagsawa na akong pagmasdan ang kanyang mukha, sinimulan ko na siyang
halikan sa bibig.
(Itutuloy)
Sana hindi maging tragic iyo in the end. Thanks sa update Mr MikeJ
ReplyDeletemapapasama lang sya kasi posibleng
ReplyDeletedahilan ng pagkamatamlay at walang gana sa buhay ni dennis ay pwedeng di magandang karanasan maaaring sa stepdad nya..kya
ayaw na nyang balikan tapos ngayon bumalik na ung sigla nya mngyyari nman un..matinding away to..
Sir mike.wag mo hayaan gawin jc ang binabalak nya.pleaseeeee.waggggg.
ReplyDeleteEddie boy..